You are on page 1of 7

IKALAWANG LINGGO

Aralin 2 Pagpapakita ng Pagmamahal sa Pamilya at


Kapwa

Alamin Natin

Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pamilya at


kapwa sa lahat ng pagkakataon lalo na sa oras ng
pangangailangan.

Subukin Natin
Panuto: Bilugan ang wastong sagot.
1. Ano ang maaari mong maitulong sa mga taong nasalanta ng
bagyo at baha.
A. Pagtawanan sila. C. Iwasan sila.
B. Panoorin sila D. Ipanalangin sila.

2. Nasunugan ang inyong kapitbahay at wala silang


mapuntahan upang masilungan kahit isang gabi lang. Ano
ang maaaring maitulong ng iyong pamilya?
A. Panoorin na lamang sila. C. Kutyain sila.
B. Patuluyin muna sa bahay. D. Ipagtabuyan sila.

3. Nakita mong may pulubi na naghahanap ng pagkain sa


basurahan. Ano ang maaari mong maitulong sa kanya?
A. Bibigyan ng pagkain. C.Pagtatawanan siya.
B. Hahagisan ng barya. D. Sisigawan ang pulubi.

4. Magsisimula na kayo sa inyong pagsusulit ngunit nakita mo


ang iyong kaklase na umiiyak dahil wala siyang lapis. Ano ang
maaari mong gawin?
A. Isusumbong sa iyong guro. C. Pahihiramin ng lapis.
B. Pagtatawanan siya. D. Sasabihing maingay.

2
5. Nasalanta ng bagyo ang pamilya ng iyong pinsan. Alin sa
mga sumusunod ang pinaka-kailangan nilang tulong mula sa
inyo?
A. Pahihiramin ng cellphone.
B. Bibigyan sila ng makakain.
C. Lilinisin ang kanilang bahay.
D. Pahihiramin ng mga bago at magagandang damit.

Balikan Natin

Paano mo maipapakita ang iyong paggglang at


pagmamahal sa iyong pamilya? __________________________

Tuklasin Natin
Basahin ang Kuwento.

Mga Ulirang Bata

Isang malakas na bagyo ang dumating sa bansa noong


Setyembre, 2009. Nagsanhi ito ng malaking pagbaha. Maraming
lugar ang nalubog at maraming buhay ang nasawi. Maraming
paaralan din ang napinsala. Isa sa mga ito ang paaralan kung
saan nag-aaral si Betina. Nalubog lahat ng kanilang kagamitan.
Nabasa ang mga aklat. Agad na tinawag ni Betina ang kanyang
mga kamag-aral at tinulungan nilang maglinis ang mga guro.
Kanya-kanya sila ng lugar na nilinis kaya naman agad na naibalik
sa dati ang ayos ng kanilang silid-aralan. Tuwang-tuwa ang
kanilang guro sa ginawang tulong ng mga bata. Sa araw ng
Pagkilala binigyan sila ng parangal ng punong-guro bilang mga
ulirang mga bata.

Talakayin Natin
Mga gabay na tanong:

1. Ano ang pamagat ng kuwento? ______________________________

3
2. Sino-sino ang mga bata sa kwento? _________________________

3. Anong kalamidad ang nangyari sa kanilang lugar? ____________

4. Anong tulong ang ginawa ni Betina at mga kaibigan niya para


sila makatulong? ______________________________________________

5. Kung ikaw si Betina, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa?


Bakit? _________________________________________________________

Pagyamanin Natin

Gawain 1.
Sumulat ng tatlong tulong na maaari mong ibigay sa mga
taong nangangailangan nito sa oras ng kalamidad tulad ng
baha.
Gawain 2.
Kulayan ng kulay asul ang mga larawan na nagpapakita ng
pagmamahal sa kapwa sa oras ng pangangailangan at dilaw
kung hindi.

4
Gawain 3.
Iguhit sa loob ng kahon kung paano mo maipapakita ang
iyong pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa
oras ng pangangailangan.

Tandaan Natin

Ang pagtulong sa pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon


lalo na sa oras ng kalamidad ay isang paraan upang maipakita
ang iyong pagmamahal.

Isabuhay Natin

Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa kapwa sa


lahat ng pagkakataon at sa oras ng pangangailangan? _________
________________________________________________________________

Tayahin Natin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.Nasunugan ang pamilya Cruz kaya marami sa kanilang mga


gamit ay natupok ng sunog. Alin sa mga sumusunod ang maaari
mong maitulong bilang bata?
5
A. Magbigay ng malaking halaga ng pera.
B. Ibili sila ng bagong gamit.
C. Ipamahagi ang iyong mga damit na hindi na ginagamit.
D. Mamalimos upang may maibigay na tulong sa pamilya Cruz.

2. Nabalitaan mong nasalanta ng kalamidad ang bukirin ng iyong


Tiyo Raul. Ano ang mararamdaman mo ukol rito?
A. matutuwa
B. malulungkot
C. matatakot
D. walang mararamdaman

3. Malungkot ang iyong tatay dahil nabalitaan niya na binaha


ang lugar ng inyong lolo at lola na nasa probinsiya. Paano mo
mapapagaan ang nararamdaman ni tatay?
A. Hindi mo siya papansinin.
B. Magpapatugtog ng malakas.
C. Yayakapin si tatay ng mahigpit.
D. Magtatalon para sumaya si tatay.

4.Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa kamag-aral


mong walang baong pagkain sa inyong recess.
A. Iinggitin siya ng iyong baong pagkain.
B. Lalapitan siya at hahatian ng iyong pagkain.
C. Ipapakita sa kanya ang iyong masarap na baon.
D. Pagtatawanan siya habang kinakain ang baong pagkain.

5. Binaha ang inyong lugar at ng ito ay humupa, nakita mong


maraming naiwang mga basura sa tapat ng inyong tahanan.
Ano ang iyong maaaring gawin upang makatulong sa pamilya?
A. Huwag pansinin ang mga basura.
B. Tawagin si ate para siya ang maglinis.
C. Kumuha ng walis at pandakot at iabot kay nanay.
D. Magkusang linisin ang mga basura na nakakalat sa tapat.

6
Karagdagang Gawain

Ano-anong paghahanda ang dapat gawin


kung may paparating na kalamidad? Maglista ng 5.

Sanggunian:

Abac, Felamar E. , Caraan, Maria Carla M. , Catapang, Rolan B. , Cayabyab,


Emilia G. , Calarito, Judith U. , Franco, Manuel B., Gonzales, Isabel M. , Ortega,
Noel S. , Santos, Roselyn F. , Tonsay, Orlando L. “Edukasyon sa Pagpapakatao
I ( Kagamitan ng Mag-aaral) “ Inilimbag sa Republikanmg Korea Principia co.,
Ltd. 54 Gasanro 9gil, Geumcheongu, Seoul, Korea

Development Team of the Module

Writer: Helen Joy L. Acosta

Content Evaluators: Eduardo F. Sindayen,Nancy P. Valdez,Cherry E. Cutillas

Language Evaluators: Mercedita M. Babon, Ma. Theresa A. Trivino, Mary


Anthonette M. Amar
Reviewers: Janine A. Perez, Cherry E. Cutillas, Gemma L. Poja,
Erquily B. Escobal, Michelle B. Buan, Riza P. Gamba,
Fatima M. Simbahon, Dyan A. Doroon

Illustrator: Esmeralda Blanco, Jamilah Alih


Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. QUINN NORMAN O. ARREZA, OIC-ASDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
FERDINAND PAGGAO, EsP Focal Person
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros


Central Bicutan, Taguig City
Telefax: 8384251
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph
7

You might also like