You are on page 1of 8

1

IKAAPAT NA LINGGO

Aralin 4 Pagpapakita ng Pagggalang sa Pamilya at


sa Kapwa

Alamin Natin

Nakapagpapakita ng paggalang sa pamilya at sa kapwa


sa pamamagitan: pagmamano, paghalik sa nakatatanda bilang
pagbati, pakikinig habang may nagsasalita, pagsagot ng po at
opo, paggamit ng salitang pakiusap at salamat.

Subukin Natin

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang larawan ay


nagpapakita ng paggalang at ekis (X) naman kung hindi.
Humingi ng gabay sa nakatatanda.

2
Balikan Natin

Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa kapwa sa


lahat ng pagkakataon at sa oras ng pangangailangan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Tuklasin Natin
Ikaw ba ay batang magalang? Bakit? _____________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Talakayin Natin
Basahin ang tula:

Ang Batang Magalang


Ang bilin sa akin ng ama’t ina ko
Maging matulungin, mamumupo ako.
Kapag kinakausap ng matandang tao,
Sa lahat ng oras, sa lahat ng dako.

Kung ang kausap ko’y matanda sa akin


ipakita ang paggalang, po at opo ay gamitin.
Natutuwa ako na bigkas-bigkasin,
Ang Po at ang Opo nang buong giliw.

“Maraming salamat po” at “walang anuman”


“Sori po” at “pakiusap” ay mapapakinggan,
Magandang umaga, tanghali at gabi man,
Ay sinasambit ng mga batang magalang.

3
Mga gabay na tanong:

1. Ano ang bilin ng ama at ina ayon sa tula? ____________


2. Kailan dapat gamitin ang po at opo?_________________
3. Ginagamit mo rin ba ang po at opo sa pakikipag-usap
sa mga matatanda? _____________________________________
4. Ano-ano pang magagalang na pananalita ang
ginagamit mo sa pakikipag-usap? _________________________

Pagyamanin Natin
Gawain 1.
Isulat ang tsek (/) sa patlang kung nagpapakita ng wastong
paggamit ng “po” at “opo”, ekis (X) naman kung hindi.

_______1. Sinisigawan ang lolang mahina ang pandinig.


_______2. Sumasagot ng “Po” at “Opo” tuwing sasagot kay nanay.
_______3. Sumasagot ng “Po” at “Opo” ngunit pabalang.
________4. Ginagamit ang “Po” at “Opo” kapag nakikipag-usap
sa mas nakatatandang tao.
________5. Nagsasabi ng “Po” at “Opo” ngunit nagdadabog
naman pagkatapos.

Gawain 2
Iguhit sa loob ng puso ang regalo na natanggap mo sa iyong
kaarawan. Isulat sa linya kung ano ang iyong sinabi noong ito ay
iyong tinanggap.

4
Gawain 3
Isulat ang Tama sa patlang kung nagpapakita ng paggalang
bilang pagbati at Mali kung hindi.

_______________ 1. Magandang umaga po, saan po kayo


pupunta?

_______________ 2. Dumating ang iyong lolo galing probinsiya pero


hindi mo ito pinansin.

_______________ 3. Hinalikan ni Lita ang kanyang ama pagka-uwi


nito galing sa opisina.

_______________ 4. Habang nag-uusap ang mga magulang niya


walang pasintabing dumaan sa kanila si Michael.

________________5. Kinukumusta ko ang aking nanay na nasa ibang


bansa.

Tandaan Natin

Lahat tayo ay dapat maging magalang sa kilos at pananalita. May


mga ginagamit tayong salita upang maipakita ang paggalang sa
ating kapwa. Maaari ding maipakita ang paggalang sa
pamamagitan ng: pagmamano, paghalik sa nakatatanda bilang
pagbati, pakikinig habang may nagsasalita, pagsagot ng po o
opo at paggamit ng salitang pakiusap/salamat.

Isabuhay Natin

Ano ang dapat mong gawin kung may nagsasalita? ____________

5
________________________________________________________________

Tayahin Natin

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nais mo pang kumuha ng kanin. Ngunit malayo ito sa iyo. Ano


ang sasabihin mo?
A. Umiyak para mapansin.
B. Umakyat sa mesa upang maabot.
C. Makiusap sa katabi na iabot sa iyo.
D. Magdadabog ka upang ikaw ay mapansin.

2. Binigyan ka ng ate mo ng tinapay. Ano ang iyong sasabihin?


A. Salamat po, ate.
B. Hindi iimik dahil kulang pa.
C. Sabihin na kulang pa iyong binigay.
D. Sabihin na madamot si ate dahil hindi ibinigay lahat.

3. Tinatawag ka ng iyong nanay upang bumili ng kailangan niya


sa pagluluto. Ano ang iyong isasagot?
A. “Bakit nanay?” B. “Nanay, sandal!”
C. “Opo, nanay”. D. “Ano ba iyan! Tawag ng tawag!”

4.Inutusan ka ng iyong kuya na tulungan siya sa paghuhugas ng


pinggan. Ano ang iyong isasagot sa kanya?
A. “Bahala ka diyan.”
B. “Kaya mo na iyan!”
C. “Sige po kuya, tutulungan kita.”
D. Pagtatawanan siya habang kinakain ang baong pagkain.

5. Bumisita ang iyong lola sa inyong bahay. Ano ang gagawin


mo?
A. Titignan lang si lola.
B. Magmamano at hahalikan si lola.
C. Papaalisin si lola.
D. Lalabas ako ng bahay.

6
Karagdagang Gawain

Gumuhit o gumupit ng larawan na nagpapakita


ng paggalang sa iyong kapwa. Iguhit o idikit ang larawan sa loob
ng kahon.

Sanggunian:

Abac, Felamar E. , Caraan, Maria Carla M. , Catapang, Rolan B. , Cayabyab,


Emilia G. , Calarito, Judith U. , Franco, Manuel B., Gonzales, Isabel M. , Ortega,
Noel S. , Santos, Roselyn F. , Tonsay, Orlando L. “Edukasyon sa Pagpapakatao
I ( Kagamitan ng Mag-aaral) “ Inilimbag sa Republikanmg Korea Principia co.,
Ltd. 54 Gasanro 9gil, Geumcheongu, Seoul, Korea

7
Development Team of the Module
Writer: Anna Suzanne B. Manalili

Content Evaluator: Eduardo F. Sindayen


Nancy P. Valdez
Cherry E. Cutillas

Language Evaluator: Mercedita M. Babon


Ma. Theresa A. Trivino
Mary Anthonette M. Amar
Reviewers: Janine A. Perez
Cherry E. Cutillas
Gemma L. Poja
Erquily B. Escobal
Michelle B. Buan
Riza P. Gamba,
Fatima M. Simbahon
Dyan A. Doroon

Illustrator: Esmeralda Blanco


Jamila M. Alih

Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


DR. QUINN NORMAN O. ARREZA, OIC-ASDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
FERDINAND PAGGAO,EsP Focal Person DR
DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros


Central Bicutan, Taguig City
Telefax: 8384251
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like