You are on page 1of 8

LEARNER’S PACKET BILANG 3

KWARTER 1

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: __________________________ Antas: __________ Aralin: _3_

Natatalakay ang mga kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung


pangkapaligiran ng Pilipinas.

Magandang araw!
Ang araling ito ay magbibigay ng pagkakataon upang alamin ang mga
nararanasan ng bansa. Akin po kayong inaanyayahan na linangin ang inyong
kaalaman sa susunod na paksa sa pamamagitan ng gawaing pampagkatuto.
Sa itaas ay makikita ang pinakamahalagang kasanayang pampagkatuto na
kailangang maisakatuparan upang lubos na maging mabunga ang pag-aaral sa
modyul na ito. Halina’t magsimula!

KALAMIDAD NA NARARANASAN SA PILIPINAS


Bawat taon maraming kalamidad ang nararanasan ng mga tao sa Pilipinas.
Mga kalamidad na tumutukoy sa mga pangyayaring nagdudulot ng malaking pinsala
sa kapaligiran, kalusugan at buhay ng mga mamamayan. Ito ay bunga ng natural na
proseso ng kalikasan. Subalit, may mga pagkakataon na may kinalaman din ang tao
sa hindi maipaliwanag na pangyayari na nakapagdudulot ng kahirapan sa kabuhayan
ng mga mamamayang Pilipino. Ang mga gawain ng tao na nagiging sanhi ng
pagkasira ng kalikasan ay dahilan din ng kalamidad na maaaring maranasan ng mga
mamamayan. Madalas maranasanan ng bansa ang baha, bagyo, lindol, landslide,
pagputok ng bulkan, flash flood, storm surge, El Nińo at La Nińa.

SDO-Cam Sur_AP_Grade 10_Q1_SLP 3


1
Kalamidad Katangian

Ang bagyo ay isang malawakang weather


system na mula 150 km ang radius o at
least 300 km ang lawak. Malakas na
hangin at mabigat na buhos ng ulan ang
dulot nito na umaabot hanggang
250km/hour

Sabalza, Gerico. 2019. “Satellite image of Typhoon


"Tisoy" tracked by the Pagasa.”
https://www.pna.gov.ph/articles/1087682.
Bagyo

Ang lindol ay isang biglaan, at mabilis na


pag-uga ng lupa. Matinding pag-uga ng
lupa ito dulot ng mabilis na paglabas ng
enerhiyang seismiko. Ang kadalasang
sanhi nito ay ang paggalaw ng fault sa
ibabaw na bahagi ng ating mundo o crust.
“Hyatt Terraces Hotel in Baguio City collapsed
during the 16 July 1990 Luzon Earthquake.” n.d.
PHIVOLCS.
https://www.phivolcs.dost.gov.ph/index.php/
earthquake/earthquake-hazards
Lindol

Ang Pilipinas ay may mga aktibong


bulkan na dahil sa matinding init na
nagmumula sa gitna ng mundo ay patuloy
na nakakaipon ng pressure. Ang pressure
na ito ang siyang tumutulak sa magma o
mga tunaw na materyales upang lumabas
sa bunganga ng bulkan kapag ito ay
Calipay, Connie. n.d. “Mt. Mayon in Legazpi City,
sumabog.
Albay province.” Republic of the Philippines
Philippine News Agency.
https://www.pna.gov.ph/articles/1073864.

SDO-Cam Sur_AP_Grade 10_Q1_SLP 3


2
Pagputok ng Bulkan

Ang storm surge o daluyong ay ang


abnormal na pagtaas ng lebel ng
dagat dahil sa pagtulak ng malakas
na hangin sa tubig patungo sa
Galvez, Helen L. n.d. “ZCPSC SAR Team Mobilized in Zambo
dalampasigan.
City During TS PAolo.” Philippine National Police Police Regional
Office 9.
https://pro9.pnp.gov.ph/index.php/publicrelations/activities/4014-
zcpsc-sar-team-mobilized-inzambo-city-during-ts-paolo.
Storm Surge

SDO-Cam Sur_AP_Grade 10_Q1_SLP 3


3
Pangunahing sanhi ng flash flood o
mabilis na pagragasa ng tubig ulan
sa kabundukan ay ang tuloy-tuloy at
pagkakalbo ng kabundukan.

Esconde, Ernie. N.d. “Flooded village” Residents use a


boat in going out and back to Barangay Almacen in
Hermosa, Bataan that remains flooded on Sunday (Aug. 4,
2019). https://www.pna.gov.ph/articles/1076909 Flash
flood

Ang pagguho ng lupa dulot ng tuluy-


tuloy na pag-uulan. Ito ay
“Introduction to Landslide. Landslide on a cut slope, nagdudulot ng panganib sa mga
Brgy. Manipis, Talisay City, Cebu, September 2015” n.d. bahay na nasa gilid ng mga bundok.
Phivolcs
https://www.phivolcs.dost.gov.ph/index.php/landslide/intr
oduction-to-landslide
Landslide

Ang abnormal na pag-init ng


karagatang Pasipiko na nagdudulot
ng tuyong panahon, matagal na
tag-araw at matagal na pagsisimula
ng tag-ulan sa mga bansang
nakapaligid dito. Ang sector ng
Punzalan, Noel.2019.Philipine News Agency. March 16. agrikultura ang labis na
Accessed September 2, 2012 naapektuhan ng kalamidad na ito.
https://www.pna.gov.ph/articles/1064767
El Nińo

SDO-Cam Sur_AP_Grade 10_Q1_SLP 3


4
Ito ay ang kabaligtaran ng El Niño
na kung saan dahil sa malamig na
temperatura sa Karagatang
Pasipiko, nagdudulot ito ng
malalakas at mahabang panahon
Flores, Helen.2021.Philstar Global. May 29. ng tag-ulan na maaaring maging
Accessed September 2, 2021. sanhi ng pagbabaha.
https://pia.gov.ph/news/articles/1027052
La Nińa

GAWAIN 1: LANGGAMAZING
Panuto: Iguhit sa mukha ng langgam ang iyong nararamdaman pagkatapos ng ating
talakayan. Samantala, sa dalawang parihaba naman na mistulang katawan ng
langgam isulat kung ano ang naunawaan sa paksa.

GAWAIN 2: COLLAGE
Panuto: Sa isang puting papel, magsagawa ng collage ng mga larawan na
nagpapakita ng paghahanda ng pamahalaan sa isang paparating na kalamidad.
Gawing gabay ang pamantayan sa ikapitong pahina. Gawin ito sa isang putting papel.
SDO-Cam Sur_AP_Grade 10_Q1_SLP 3
5
GAWAIN 3: PAGPAPAHALAGA
Panuto: Balewala ang paghahanda ng pamahalaan sa pagdating ng kalamidad kung
walang pakikiisa ang pamahalaan. Sa ibaba ay makikita ang isang larawan ng isang
pamilya na pinag-aaralan ang paghahanda sa kalamidad. Bilang isang miyembro ng
pamayanan, bigyan mo ng pagpapahalaga ang paghahanda ng pamahalaan sa
pagdating ng kalamidad sa pamamagitan ng pagsagot sa katanungan. Isulat ito sa
sagutang papel.

n.d. Accessed. September 2, 2021.


https://v2v.lga.gov.ph/media/uploads/2/Publications%20Co
ver/Others/Gabay%20at%20Mapa.pdf

Bakit mahalaga ang sumunod sa pamahalaan sa panahon ng kalamidad?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PAGTATAYA: ALAMIN MGA NATUTUHAN KO.


Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba at isulat ang titik ng iyong
sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang kabaligtaran ng El Niño na kung saan dahil sa malamig na temperatura
sa Karagatang Pasipiko, nagdudulot ng malalakas at mahabang panahon ng
tag-ulan na maaaring maging sanhi ng pagbaha?
A. Lindol C. La Nińa
B. Bagyo D. Flashflood
2. Ano ang tawag sa pagguho ng lupa dulot ng tuloy-tuloy na pag-uulan? Ito ay
nagdudulot ng panganib sa mga bahay na nasa gilid ng mga bundok.
A. Lindol C. La Nińa
B. Bagyo D. Lanslide
3. Ano ang nangyayari kapag nagkakaroon ng matinding pag-uga ng lupa dulot
ng mabilis na paglabas ng enerhiyang seismiko?
A. Bagyo C. El Nińo
B. Lindol D. Flashflood
4. Ano ang tawag sa abnormal na pag-init ng Karagatang Pasipiko na nagdudulot
ng tuyong panahon at matagal na tag-araw?
A. Bagyo C. La Nińa

SDO-Cam Sur_AP_Grade 10_Q1_SLP 3


6
B. El Nińo D. Flashflood
5. Anong kalamidad ang nangyayari kung may abnormal na pagtaas ng lebel ng
tubig sa dagat dahil sa pagtulak ng malakas na hangin sa tubig patungo sa
dalampasigan?
A. Bagyo C. La Niña
B. Lindol D. Storm Surge
6. Anong pangyayari o kaya ay kaganapan ang nagdudulot ng malaking pinsala
kapag ito ay tumatama sa mga tao o komunidad?
A. Kalamidad C. Pagmimina
B. Init ng araw D. Pagbubungkal ng lupa
7. Sa palagay mo, ano ang dahilan kung bakit marami ang kalamidad na
nararanasan ng bansa?
A. Dahil nagiging tigang ang lupa
B. Dahil kulang na ang mga dahon na humaharang sa init ng araw
C. Dahil sa natural na proseso ito ng kalikasan at ang iba naman ay
kagagawan ng tao.
D. Dahil wala na ang mga ugat ng mga puno na sumisipsip ng tubig-ulan at
nagpapanatili ng lupa sa kinalalagyan nito
8. Paano nakaaapekto sa kalagayang pang-ekonomiya ang mga kalamidad na
nararanasan sa bansa?
A. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin
B. Nagkakawatak-watak ang mga miyembro ng pamilya
C. Sumisigla ang sektor ng pagnenegosyo sa bansa
D. Nagkakaroon ng maraming oportunidad na magbukas ng negosyo
9. Ang sumusunod ay dulot ng epektibong programa ng pamahalaan laban sa
kalamidad, alin ang HINDI?
A. kahirapan
B. kaligtasang panlahat
C. hakbangin sa pag-unlad
D. paglutas sa mga suliranin
10. Sa pagpapatupad ng pamahalaan ng mga programa upang mapangalagaan
ang kaligtasan sa panahon ng kalamidad, ano ang HINDI nararapat gawin ng
mga tao?
A. Siguruhin ang pansariling kaligtasan.
B. Sundin ang mga kautusang ipinatutupad ng pamahalaan.
C. Ipaubaya sa mga may katungkulan ang paggawa ng nararapat na
hakbang Pangkaligtasan.
D. Gumawa ng sariling hakbang at pamamaraan taliwas sa nais ipatupad
ng lokal na pamahalaan.

SDO-Cam Sur_AP_Grade 10_Q1_SLP 3


7
Pamantayan sa Collage
Nakuhang
Pamantayan Deskpripsyon Puntos
Puntos
Mensahe Angkop sa paksa ang lahat ng guhit o 10
larawan na ginamit.
Pagkamalikhain Lahat ng disenyo at kagamitan ay 10
naaayon sa contextualization at
localization.
KABUUAN 20
Rubrik sa Pagmamarka sa Pagpapahalaga
Nakuhang
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Puntos
Nakapagbigay ng kongkretong paliwanag upang
Nilalaman 10
suportahan ang sagot.
Lahat ng pamatayan (paggamit ng tamang
bantas, baybay, kaayusan ng pangungusap at
Teknikalidad wastong paggamit ng mga salita) sa pagsusulat 10
ay nasunod.
KABUOAN 20

Araling Panlipunan 10. Open High school Program. Mga Kontemporaryong Isyu 18.

Deloverges, Raquel E. 2020. Araling Panlipunan 10. Modyu 2.2 Kalamidad na


Nararanasan sa Pilipinas

Development Team of the Learner’s Packet


Writer : Raquel E. Deloverges
Copyright Checker : John Paul T. Dacillo
Content Editor : Don Bañaga
Language Editor : Aljohn P. Tansico
Lay-out editor : Harry John M. Bronzal
Reviewers : Rosemarie R. Miraňa, Division Coordinator-
Araling Panlipunan
Lalaine V. Fabricante, Education Program Supervisor I-
Araling Panlipunan

SDO-Cam Sur_AP_Grade 10_Q1_SLP 3


8

You might also like