You are on page 1of 8

LEARNER’S PACKET BILANG 2

KWARTER 1

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: __________________________ Antas: __________ Aralin: _2_

Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng


Pilipinas.

Magandang araw!

Sa puntong ito ay mayroon ka nang ganap na kaalamaan sa konsepto ng


Kontemporaneong Isyu. Malilinang ang kaalaman, konsepto at kaisipan ninyong mga
mag-aaral sa kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas sa araling ito.
Tara, alamin natin ito ng bukas ang isip!

KALAGAYANG PANGKAPALIGIRAN NG PILIPINAS

Populasyon
Ayon sa Commission on Population and Development, ang Pilipinas ay may
tinatayang bilang ng populasyon na 111, 405, 155 (ika-31 ng Agosto, 2021,
5:20:40A.M. ). Ang paglaki ng populasyon ay mayroong malinaw na kaugnayan sa
pagkawasak ng kapaligiran. Ang isang malaking populasyon ay nangangahulugan
ng malaking pangangailangan para sa mga tinatawag na “basic needs” ng tao na
tinutugunan naman ng kalikasan. Kung magiging masyadong malaki, maaari itong
makasama. Ang paglaki ng populasyon ay makaaapekto sa kaunlaran maraming
pamayanan at sa sistemang ekolohikal sa daigdig.

SDO-Cam Sur_AP_Grade 10_Q1_SLP 2


1
Lumalaking Bilang ng Konsumo
Dahil sa paglaki ng populasyon, lumalaki rin ang bilang ng konsumo sa ating
bansa. Halimbawa ay ang konsumo sa pagkain, kagamitan at enerhiya. Sa panahon
ngayon na dumarami na ang mga sasakyan nagkakaroon ng masikip na trapiko at
pagtaas ng konsumo ng langis. Bukod dito, malaki rin ang ambag ng mga sasakyan
sa polusyon sa hangin na nakapagdudulot ng sakit sa nakararami. Dahil sa hindi
mapigil na pagdami ng tao, maaaring unti-unting maubos ang mga likas na yaman
sa daigdig at magdulot ng kahirapan sa pamumuhay ng mga tao.

Kahirapan
Sa paglaki ng isang pamilya, hindi natutugunan ng sapat ang pangunahing
pangangailangan ng bawat miyembro nito. Ang paglaki ng bilang ng populasyon ay
lalong nagpapahirap sa mga pamilya ng mga mahihirap na bansa dulot ng dami ng
bibig na pakakainin. Sa halip na para sa pang-edukasyon, kalusugan at iba pang
panlipunang serbisyo, inuuna muna ng pamilya at pamahalaan ang pagkain, damit at
tirahan ng mga mag-anak.
Ayon sa tala ng National Anti-Poverty Commission, ang kawalan sa seguridad
ng pagkain sa bansa ay nakabatay sa mataas na antas ng kahirapan at mababang
produksiyon ng sektor ng agrikultura.

Lumalaking Konsumo ng Enerhiya


Sa kasalukuyan ang lumalaking konsumo ng enerhiya dahil sa paglobo ng
bilang ng populasyon ay maaaring makasama dahil bukod sa labis na paggamit sa
mga natural na pinagkukunan upang tustusan ang pangangailangan sa enerhiya.

Urbanisasyon
Ang paglikas ng mga taga-probinsiya patungo sa lungsod katulad ng Maynila
ay tumutukoy sa urbanisasyon. Malaki ang naidudulot nitong epekto sa kapaligiran
sapagkat kasabay ng pagdami ng tao, bumubungad rin ang polusyon at kakulangan
sa pinagkukunang-yaman. Ang pagsiksikan ng tao sa mga lungsod dahil sa
migrasyon ay nagdudulot ng maraming suliranin sa kalunsuran. Ang mga ito ay ang
kakapusan sa malinis na tubig, masisikip na lugar, kakulangan sa serbisyong publiko
tulad ng edukasyon, kalusugan at seguridad, pagkakaroon ng iskwater, kahirapan at
polusyon.

Problema sa Lupa
Sa paglaki ng populasyon, lumalaki rin ang kakulangan ng bansa sa lupang
sakahan sapagkat ang mga ito ang siyang tinatayuhan ng mga kabayahan ng mga
mamamayan, gusaling pangkomersiyo at pabrika. Ang mga gawaing ito ay
nakapagpapabawas sa mga lupaing masustansiya na sinasaka ng mga
mamamayang umaasa lamang sa pagbungkal ng lupa at agrikultura.

SDO-Cam Sur_AP_Grade 10_Q1_SLP 2


2
Kaakibat ng paglaki ng bilang ng populasyon, ay ang pagdami ng basura na
nakakalat sa kapaligiran. Ang hindi maayos na pagtapon nito ay nakapagdudulot ng
polusyon sa lupa at maging sa tubig.

Pagkasira ng Kalikasan
Ang pagputol ng mga puno at halaman sa kagubatan ay indikasyon ng
pagkasira ng kalikasan. Ito ay dahilan upang ang mga hayop na may malaking
ambag agrikultural at medikal ay magsilikas sa kanilang mga tahanan. Ang
pagbabago sa kanilang natural na tirahan ay mapanganib sapagkat ito ay maaring
magresulta sa pagliit ng bilang nito na sa kalauna’y maging dahilan ng tuluyang
pagkawala o pagkaubos. Ang mabilis na pagdami ng populasyon ay nagbibigay
banta sa pagkawala ng mga tanim at hayop.
Bukod pa rito, halos lahat ng mga pangisdaan sa mundo ay unti-unting
nauubusan na ng yamang dagat dahil sa walang habas na pangingisda. Kung
magpatuloy ito, pinangangambahan ang pagkakaroon ng kakulangan sa isda at
yamang-tubig na makukuha sa ilog at mga karagatan.

Polusyon sa Tubig
Mabilis ang konsumo ng tubig sa mga bansang patuloy na dumarami ang
bilang ng populasyon kagaya ng Pilipinas. Bukod dito, ito ay nagdudulot ng sakit
maging kamatayan sa mga mamamayan.
Ang mga yamang tubig gaya ng ilog, lawa, at karagatan ay nagiging marumi
dahil sa mga basurang itinatapon dito ng mga tao araw-araw. Ang mga oil spills o
langis na umaagos mula sa mga industriya at mga sasakyan ay tuluyang humahalo
sa tubig sa ilalim ng lupa. Idagdag pa ang kontaminasyon mula sa dumi ng tao at
hayop. Ang lahat ng ito ay nagreresulta sa kakulangan ng malinis na tubig.

Polusyon sa Hangin
Ilan sa mga sanhi ng polusyon sa hangin ang mga usok na nagmumula sa
mga sasakyan, pabrika, plantang kemikal, paninigarilyo at paggamit ng spray na
may chlorofluorocarbons. Ang pagiging tambad sa usok na ito ay makapagdudulot
ng sakit kagaya ng asthma at respiratory diseases.
Ang polusyon sa hangin at tubig ay nakapipinsala sa pagtamo ng mabuting
kalusugan at maayos na paninirahan. Ang kakulangan sa adaptation at resilience ng
mga mamamayan sa kalagayan ng bansa kagaya ng polusyon sa hangin at tubig ay
nakakaapekto sa normal na pamumuhay ng tao.

Global Warming
Ang greenhouses gases kagaya ng carbon dioxide, methane at
chlorofluorocarbons ang sanhi ng pagkasira ng ozone layer na ating proteksiyon sa
labis na init ng araw. Ito ay nanggagaling sa usok ng sasakyan, industriya at iba
pang teknolohiya.

SDO-Cam Sur_AP_Grade 10_Q1_SLP 2


3
Sa kasamaang palad, ang mga greenhouse gases na ito ay mabilis ang
konsentrasyon sa atmospera dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon at labis na
pagkonsumo sa enerhiya ng mga tao. Ang pagkalat ng carbon dioxide ay may
malaking kontribusyon sa pag-init ng mundo. Dahil sa pagbabago ng klima ng
bansa, malaki ang epekto nito sa agrikultura na siyang pangunahing pinagkukunan
ng pagkain ng tao.

GAWAIN 1: HULAAN MO, KALAGAYAN KO


Panuto: Isa-isahin mo ang kalagayang pangkapaligiran na nararanasan sa bansang
Pilipinas, itala ito sa crossword puzzle. Gamiting gabay ang mga pahayag sa
pahalang at pababa upang makuha ang sagot Isulat mo ang iyong sagot sa
sagutang papel.

PAHALANG PABABA
1. Kawalan ng malinis na maiinom 2. Paggamit ng kuryente at iba pang enerhiya
3. Pagputol ng puno at pagkawala ng kagubata n 8. Kakulangan sa pangangailangan ng pamilya
4. Lebel ng init at lamig
5. Mga gas na nagpapainit sa daigdig
6. Pag -init ng temperatura sa daigdig
7. Sa paglaki ng bilang nito lahat ay apektado
9. Tanda ng pag -unlad subalit dulot ay panganib

GAWAIN 2: ANG MASASABI KO


Panuto: Gumawa ng islogan na naglalahad kung papaano pahahalagahan ang
kalagayang pangkapaligiran na naiisip mo. Maaaring gumamit ng kahit anong
panulat o pangkulay upang maging epektibo ang islogan na gagawin sa iyong
sagutang papel. Makikita sa sunod na pahina bilang walo ang pamantayan sa
pagmamarka. Unawain at gawin itong gabay.
SDO-Cam Sur_AP_Grade 10_Q1_SLP 2
4
GAWAIN 3: ITO ANG AKING ADBOKASIYA
Panuto: Makikita sa ibaba ang ilan sa kalagayang pangkapaligiran na nararanasan
ng ating bansa. Ngayon, ikaw ay pipili ng isa na iyong gagawan ng isang “advocacy
campaign poster” upang masugpo o di kaya’y mabawasan ang mga suliranin na
dulot ng mga ito sa inyong pamayanan. Ang pamantayan sa pahina bilang walo ay
iyong gabay. Gawin ang pagsasanay sa isang buong papel .
Kalagayang Pangkapaligiran
1. Lumalaking bilang ng Populasyon
2. Lumalaking bilang ng konsumo
3. Kahirapan
4. Lumalaking konsumo ng enerhiya
5. Urbanisasyon
6. Problema sa lupa
7. Pagkasira ng Kalikasan
8. Polusyon sa hangin
9. Polusyon sa tubig
10. Global Warming

PAGTATAYA: KAKAYANIN KO, HULING PAGSUBOK NA ITO


Panuto: Ang mga sumusunod ay mga katanungan na susubok sa iyong
napagaralang kaalaman. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga lupang pangsakahan ay nababawasan dahil sa patuloy na
pagpapatayo ng mga gusaling pangkomersiyo at pabrika sa Pilipinas. Anong
problema ang tinutukoy nito?
A. Problema sa lupa C. Populasyon
B. Polusyon sa tubig D. Global Warming
2. Ano ang tawag sa kakulangan sa malinis na maiinom na isa sa mga
pangunahing pangangailangan ng tao upang mabuhay?
A. Problema sa tubig C. Populasyon
B. Polusyon sa lupa D. Global Warming
3. Ang paglaki ng bilang tao sa Pilipinas ay isa sa mga dahilan ng kahirapan.
Anong kalagayan ito na nararanasan sa bansa?
A. Problema sa lupa C. Populasyon
B. Polusyon sa tubig D. Global Warming
4. Ano ang tawag sa labis na init ng panahon dahil sa pagkasira ng ozone layer?
A. Problema sa lupa C. Populasyon B. Polusyon sa tubig D.
Global Warming
5. Ano ang tawag sa usok na nagmumula sa mga sasakyan? A. Urbanisasyon
C. Pagkasira ng Kalikasan
B. Greenhouse gases D. Lumalaking konsumo sa Enerhiya

SDO-Cam Sur_AP_Grade 10_Q1_SLP 2


5
6. Ang mga sumusunod ay kalagayang pangkapaligiran ng bansa, alin sa mga
ito ang umusbong dahil sa pagputol ng mga puno at iba pang halaman sa
kagubatan?
A. Urbanisasyon C. Pagkasira ng Kalikasan
B. Greenhouse gases D. Lumalaking konsumo sa Enerhiya
7. Ang pagdami ng tao sa lungsod ay sanhi ng paglikas ng mga tao sa lalawigan
patungo rito. Anong kalagayang pangkapaligiran ang tinutukoy nito?
A. Urbanisasyon C. Pagkasira ng Kalikasan
B. Greenhouse gases D. Lumalaking konsumo sa Enerhiya
8. Ano ang nangyayari kapag labis ang paggamit sa mga natural na
pinagkukunan upang tustusan ang pangangailangan sa enerhiya?
A. Kahirapan C. Lumalaking bilang ng konsumo
B. Urbanisasyon D. Lumalaking konsumo sa Enerhiya
9. Anong kalagayang pangkapaligiran ang nangyayari kung may kakulangan sa
pangunahing pangangailangan ang bawat miyembro ng pamilya?
A. Kahirapan C. Lumalaking bilang ng konsumo
B. Urbanisasyon D. Lumalaking konsumo sa Enerhiya
10. Kapag may paglaki ng konsumo sa pagkain, kagamitan at enerhiya, anong
kalagayan ang nararanasan ng bansa?
A. Kahirapan
B. Urbanisasyon
C. Lumalaking bilang ng konsumo
D. Lumalaking konsumo sa Enerhiya

Gawain 1: Ang Masasabi ko


Nakuhang
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Puntos
Nakapaglahad ng isang konkretong ideya
Nilalaman 20
tungkol sa paksa.
Gumamit ng kakaibang kagamitan sa
Pagkamalikhain pagbuo ng gawain. 15

Kalinisan Malinis ang pagkakagawa ng islogan 5


KABUOANG PUNTOS 40

SDO-Cam Sur_AP_Grade 10_Q1_SLP 2


6
Gawin 3: Ito ang aking adbokasiya.
Nakuhang
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Puntos

Nakapagpahayag ng limang makatotohanang


Nilalaman 20
ideya batay sa paksa.
Gumamit ng dalawa o higit pang kagamitan sa
Pagkamalikhain 10
pagbuo ng adbokasiya.
Kalinisan at
Malinis at maayos pagkakagawa ng material. 10
kaayusan
KABUOANG PUNTOS 40

Project Ease (Effective Alternative Secondary Education) Araling Panlipunan II.


Modyul 20. Mga Pangunahing Isyu at Suliranin ng Asya, 30.
Deloverges, Raquel E. 2020. Araling Panlipunan 10. Modyu 2.1 Kalagayan at
Suliraning Pangkapaligiran ng Pilipinas.
“Empowering Filipino Families”, Commission on Population and Development,
accessed August 31, 2021, https://popcom.gov.ph

SDO-Cam Sur_AP_Grade 10_Q1_SLP 2


7
Development Team of the Learner’s Packet
Writer : Raquel E. Deloverges
Copyright Checker : John Paul T. Dacillo
Content Editor : Don Bañaga
Language Editor : Aljohn P. Tansico
Lay-out editor : Harry John M. Bronzal
Reviewers : Rosemarie R. Miraňa, Division Coordinator-
Araling Panlipunan
Lalaine V. Fabricante, Education Program Supervisor I-
Araling Panlipunan

SDO-Cam Sur_AP_Grade 10_Q1_SLP 2


8

You might also like