You are on page 1of 3

Mary Richaela Kathleen, aking ‘ngalan,

Ang buhay ko ay parang gulong,

Minsan malaya minsan nakakulong,

May pagkakataong kailangan ng tulong,

Sa buhay ng manlalaro minsan talo,

Pero hindi diyan matatapos ang laban,

Hindi lahat nang panalo ay walang talo,

Ganyan din ang buhay natin sa mundong ito,

Tamang mga paggalang at wastong gawi,

Ito ay ginagawa ko parati,

Ang pag-aaral ay pagbutihan,

Tiyak tagumpay ay makakamtan,

Ako ay nagagalak at natutuwa,

Dahil ikaw ang naging kaibigan ko,

Sa pagdaan ng mga araw, buwan at taon,

Samanahan natin ay pinagtibay ng panahon,

Sinampal ng malakas na hangin,

Kaya't nagising sa katotohanan,

Galit dumurog sa aking puso,

Hindi na alam kung ano ang gagawin,

Isang pangarap ang nais kong makamit,

Kahit ang pag-asang maabot ay liit,

Sa mga kislap ng tala ako ay nakatingin,

Hinihiling na sana ang pangarap ko ay dinggin.

You might also like