anyong lupa o pisikal na katangian ay binubuo ng isang heomorpolikal na
yunit, at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon sa tanawin, bilang bahagi ng kalupaan, at dahil sa katangiang iyon, kinakatawan ang isang elemento ng topograpiya.
MGA ANYONG LUPA
1. Bundok
Ang isa pang kilala na anyong lupa ay ang bundok. Maraming bundok sa iba’t ibang dako ng mundo. Ito ay makikilala dahil sa mataas na pagtaas ng lupa.
Ang Bundok Everest ay ang pinakamataas na bundok sa Daigdig, kapag sinusukat ang taas ng
tutok higit sa kapatagan ng dagat. Nasa hangganan sa pagitan ng Nepal at Tsina ang mga palupo ng tutok ng Everest. Ang Mount Fuji naman ang pinaka tanyag na bundok sa Japan. Sa Pilipanas naman, Ang Bundok Apo, isang bulkang natutulog na nasa Lungsod ng Davao sa Pilipinas. Ito ang pinakamataas na bundok sa bansa.