You are on page 1of 4

Review Test in Araling Panlipunan

1. Anong serbisyong tumutugon sa karapatan ng bawat tao na mabigyan ng proteksyon ang


komunidad?

a. panseguridad b. pangkabuhayan c. panlipunan

2. Kung tungkulin ng paaralan na bigyan ng serbisyong pang-edukasyon ang mga mamamayan;


ano naman ang serbisyong ibinibigay ng mga lider ng simbahan sa mga kasapi ng komunidad?

a. pangkabuhayan b. pangkalusugan c. pang-ispirituwal

3. Anong serbisyong nakasaad sa batas na nagkakaloob ng edukasyon para sa lahat ng kasapi ng


komunidad?

a. pangkalusugan b. panseguridad c. pang-edukasyon

4. Anong serbisyo ang nagpapanatili ng kaayusan, kaginhawaan at kagandahan ng komunidad?

a. pangkabuhayan b. panlipunan c. panseguridad

5. Sino ang nagsisilbing pangalawang magulang ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan?

a. nars b. guro c. principal

6. Sinu-sino ang mga humuhuli sa mga taong hindi sumusunod sa batas o gumagawa ng masama
sa kapwa?

a. mga bumbero b. mga guro c. mga pulis

7. Sinu-sino ang nagtuturo ng magandang asal sa mga mamamayan?

a. pari, pastor at imam b. guro at principal c. mga doktor

8. Anong tawag sa doktor ng nag-aalaga ng kalagayan ng mga alagang hayop sa komunidad?

a. beterinaryo b. nars c. dentist

9. Sino ang naghahatid ng mga liham mula sa ating mga kamag-anak o kaibigan?
a. karpintero b. kartero c. panadero

10. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi tungkol sa karapatan?

a. Ito ay nagroronda sa buong komunidad gabi-gabi.

b. Ito ay tumutukoy sa anumang bagay na dapat makamtan o maranasan ng isang tao.

c. Ito ang nagpapanatili ng kaayusan sa komunidad.

11. Sino ang nagroronda tuwing alas-dyis ng gabi upang matiyak ang kapayapaan?

a. SK Chairman b. Kapitan c. Barangay Tanod

12. Sino ang nagtatanim ng mga palay upang hindi mawalan ng pagkain ang mga Pilipino?

a. mangingisda b. minero c. magsasaka

13. Sino ang namumuno ng pamahalaang panlalawigan?

a. gobernador b. kapitan c. mayor

14. Sino ang may kapangyarihang tagapagbatas?

a. barangay tanod b. sangguniang barangay c. kapitan

15. Ano ang ibang tawag sa pinuno ng sangguniang kabataan?

a. SK Chairman b. gobernador c. kagawad

16. Ano ang tawag sa pamumunuan ng taong inihalal ng mga mamamayan?

a. ordinansa b. serbisyo c. pamahalaan

17. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi ng tama tungkol sa barangay?

a. Ito ay pinamumunuan ng taong inihalal ng mga mamamayan.

b. Ito ay ang pinakamaliit at pinakamababang yunit ng pamahalaang lokal.

c. Ito ay pinamumunuan ng pamahalaang panlalawigan.


18. Alin dito ang tawag sa pinakamaliit at pinakamababang yunit ng pamahalaang lokal?

a. barangay b. lungsod c. lalawigan

19. Ano ang tawag sa mga kautusang nilikha ng mga bumubuo ng konseho?

a. kapitan b. ordinansa c. barangay

20. Sino ang gumagawa ng mga ordinansang pambarangay?

a. lupong tagapamayapa b. sangguniang barangay c. kapitan

21. Sa anong pamahalaang ang may populasyong hindi bababa sa 25 000 katao?

a. pambayan b. panglungsod c. pangsyudad

22. Sa anong pamahalaan ang may populasyong hindi bababa sa 150 000 katao?

a. pangmunisipalidad b. pambayan c. panglungsod

23. Sino ang namumuno sa pamahalaang pambayan?

a. kalihim b. alkalde c. taong-bayan

24. Sino ang tagapaggawa ng batas at mga ordinansang pambayan?

a. sangguniang bayan b. mayor c. bise-mayor

25. Ilan ang konsehal sa pamahalaang pambayan?

a. 8 b. 10 c. 12

26. Alin ang tagapaggawa ng batas at mga ordinansa para sa isang lungsod?

a. sangguniang bayan b. SK Chairman c. sangguniang panglungsod

27. Ilan ang konsehal sa pamahalaang panglungsod?

a. 8 b. 12 o 10 c. 15

28. Sa anong pamahalaang may kalupaang sakop na hindi kukulangin sa 50 kilometro kuwadrado?

a. pambayan b. panglungsod c. pangsyudad


29. Sa anong pamahalaang may kalupaang sakop na hindi kukulangin sa 100 kilometro kuwadrado?

a. pangmunisipalidad b. pambayan c. panglungsod

30. Sa anong pamahalaang may 2.5 milyong pisong kita nang dalawang magkasunod na taon batay sa
kaukulang presyo noong taong 1991?

a. panglungsod c. pangsyudad c. pambayan

You might also like