You are on page 1of 7

BANAL NA SANTO ROSARYO SA MABATHALANG AWA

KARAPAT-DAPAT NA MUNTING PANALANGIN SA IKA TLO NG HAPON


“PUMANAW KA, HESUS, SUBALIT ANG BUKAL NG BUHAY AY BUMALONG
PARA SA MGA KALULUWA AT ANG KARAGATAN NG AWA AY BUMUGSO PARA
SA SANLIBUTAN.
O BUKAL NG BUHAY, WALANG HANGGANG AWA NG DIYOS, YAKAPIN MO
ANG SANGKATAUHAN AT IBUHOS MONG GANAP ANG IYONG SARILI PARA
SA AMING LAHAT.
O BANAL NA DUGO AT TUBIG, NA DUMALOY MULA SA PUSO NI
HESUS BILANG BUKAL NG AWA, PARA SA AMING LAHAT, AKO AY
NANANALIG SA IYO.”
“BANAL NA DIYOS, BANAL NA PUSPOS NG KAPANGYARIHAN, BANAL NA
WALANG HANGGAN, MAAWA PO KAYO SA AMIN AT SA BUONG
SANSINUKOB.” (3x) AMEN.
“O HESUS, HARI NG AWA, KAMI AY NANANALIG SA IYO.”
“O HESUS, HARI NG AWA, AKO AY NANANALIG SA IYO.”
“O HESUS, HARI NG AWA, NAWA’Y ANG BUONG MUNDO’Y MANALIG SA’YO.”
AMEN.

MGA DALANGIN NG AWA


(DASALIN SA MGA BUTIL NG ROSARYO)

AMA NAMIN
AMA NAMIN SUMASALANGIT KA, SAMBAHIN ANG NGALAN MO.
MAPASAAMIN ANG KAHARIAN MO. SUNDIN ANG LOOB MO, DITO SA LUPA
PARA NANG SA LANGIT.
BIGYAN MO KAMI NGAYON NG AMING KAKANIN SA ARAW-ARAW; AT
PATAWARIN MO KAMI SA AMING MGA SALA, PARA NANG PAGPAPATAWAD
NAMIN SA NAGKAKASALA SA AMIN AT HUWAG MO KAMING IPAHINTULOT
SA TUKSO, AT IADYA MO KAMI SA LAHAT NG MASAMA. AMEN.

ABA GINOONG MARIA


ABA GINOONG MARIA, NAPUPUNO KA NG GRASIYA, ANG PANGINOONG
DIYOS AY SUMASAIYO. BUKOD KANG PINAGPALA SA BABAENG LAHAT AT
PINAGPALA RIN NAMAN ANG ANAK MONG SI HESUS.
SANTA MARIA, INA NG DIYOS, IPANALANGIN MO KAMING MAKASALANAN,
NGAYON AT KUNG KAMI’Y MAMAMATAY. AMEN.
SUMASAMPALATAYA
SUMASAMPALATAYA AKO SA DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT,
NA MAY GAWA NG LANGIT AT LUPA. SUMASAMPALATAYA NAMAN AKO KAY
HESUKRISTO, IISANG ANAK NG DIYOS, PANGINOON NATING LAHAT.
NAGKATAWANG TAO SIYA LALANG NG ESPIRITU SANTO, IPINANGANAK NI
SANTA MARIANG BIRHEN. PINAGPAKASAKIT NI PONCIO PILATO, IPINAKO
SA KRUS, NAMATAY, INILIBING. NANAOG SA KINAROROONAN NG MGA
YUMAO. NANG MAY IKATLONG ARAW, NABUHAY NA MAG-ULI. UMAKYAT SA
LANGIT, NALULUKLOK SA KANAN NG DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN SA
LAHAT. DOON MAGMUMULANG PARIRITO’T HUHUKOM SA NANGABUBUHAY
AT NANGAMATAY NA TAO. SUMASAMPALATAYA NAMAN AKO SA DIYOS
ESPIRITU SANTO, SA BANAL NA SIMBAHANG KATOLIKA, SA KASAMAHAN
NG MGA BANAL, SA KAPATAWARAN NG MGA KASALANAN, SA PAGKABUHAY
NA MAG-ULI NG NANGAMATAY NA TAO, AT SA BUHAY NA WALANG
HANGGAN. AMEN.

SA LAHAT NG BUTIL NG “AMA NAMIN” AY DASALIN ANG MGA


PANALANGING ITO:
AMA NA WALANG HANGGAN, INIAALAY KO PO SA IYO ANG KATAWAN AT
DUGO, KALULUWA AT PAGKADIYOS NG KAMAHAL-MAHALAN MONG ANAK
NA SI HESUKRISTO, NA AMING PANGINOON AT MANUNUBOS,
PARA SA IKAPAGPAPATAWAD NG AMING MGA SALA AT SALA NG BUONG
SANSINUKOB.

SA LAHAT NG BUTIL NG “ABA GINOONG MARIA” AY DASALIN NAMAN ANG


MGA PANALANGING ITO:
ALANG-ALANG SA MGA TINIIS NA HIRAP AT KAMATAYAN NI HESUS,
KAAWAAN MO PO KAMI AT ANG BUONG SANSINUKOB.

BILANG PANGWAKAS AY DASALIN NG TATLONG ULIT ANG MGA


PANALANGING:
BANAL NA DIYOS, BANAL NA PUSPOS NG KAPANGYARIHAN, BANAL NA
WALANG HANGGAN, MAAWA PO KAYO SA AMIN AT SA BUONG
SANSINUKOB. (3x) AMEN.
DALANGIN NG AWA AT KAPATAWARAN PA RA SA MGA ABANG
MAKASALANAN
PATAWARIN MO ANG LAHAT NG MAKASALANAN, O PANGINOON, ALANG-
ALANG SA PAG-IBIG MONG WALANG HANGGAN, SILA’Y AKAYIN SA LANDAS
NG IYONG KATARUNGAN. IADYA MO SILA SA BUYO NG KASAMAAN.
TUBUSIN MO ANG LAHAT NG NAGKASALA, AT NAWA ANG AWA NG DIYOS
AY MAPASAKANILA.
PANGINOON KO, IKAW ANG AKING DIYOS AT LAHAT-LAHAT SA AKIN.
AKING HESUS, MAAWA PO KAYO! HESUKRISTO, HARI NG AWA, AKO AY
NANANALIG SA IYO! PANGINOONG HESUS, MAHAL NA INANG MARIA, AT
APO JOSE, MINAMAHAL KO KAYO. ANG MGA KALULUWA PO AY ILIGTAS
NINYO!

MGA PAPURI NI SANTA FAUSTINA SA MABATHALANG AWA


ANG PAG-IBIG NG DIYOS ANG BULAKLAK AT PAGKAAWA ANG BUNGA!
PABAYAAN NA ANG MGA NAG-AALINLANGAN NA MGA KALULUWA, BASAHIN
ANG MGA PAKUNDANGAN NA ITO SA MABATHALANG AWA AT MAGING
MAPAGTIWALA:

MABATHALANG PAGKAAWA, DUMADALOY BUHAT SA DIBDIB NG AMA,


AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, PINAKADAKILANG KATANGIAN NG DIYOS,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, DI MAUNAWAANG HIWAGA,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, BUKAL NA BUMABALONG BUHAT SA MISTERYO
NG BANAL NA SANTISIMA TRINIDAD,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, DI MASAYOD NG ANO MANG KATALINUHAN,
MAKA-TAO MAN O MAKA-ANGHEL,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, HIGIT NA MAINAM KAYSA KALANGITAN,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, PINAGBUBUHATAN NG MGA MILAGRO AT
HIWAGA,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, PINALILIBUTAN ANG BUONG MUNDO,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, NANANAOG SA LUPA SA KATAUHAN NG
SALITANG NAGKATAWANG TAO,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, NA UMAGOS MULA SA BUKAS NA SUGAT NG
PUSO NI HESUS,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, NAKAPALOOB SA PUSO NI HESUS, PARA SA
ATIN, LALO’T HIGIT PARA SA MGA MAKASALANAN,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, DI MAUNAWAAN SA INSTITUSIYON NG BANAL
NA KATAWAN NI HESUS,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, SA PAGTATATAG NG SANTA IGLESIYA,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, SA SAKRAMENTO NG BANAL NA PAGBIBINYAG,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, SA ATING PAGKAKAROON NG KATUWIRAN SA
PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, SINASAMAHAN KAMI SA BUONG BUHAY NAMIN,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, NIYAYAKAP KAMI LALO’T HIGIT SA ORAS NG
KAMATAYAN,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, PINAGKAKALOOBAN KAMI NG BUHAY NA
WALANG HANGGAN,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, SINASAMAHAN KAMI SA LAHAT NG SANDALI
NG AMING BUHAY,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, SINASANGGAHAN KAMI SA APOY NG
IMPIYERNO,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, SA PAGPAPABALIK-LOOB SA MGA MATITIGAS
NA MAKASALANAN,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, DI MASAYOD SA LAHAT NG MISTERYO NG
DIYOS,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, INIAANGAT MO KAMI SA LAHAT NG HIRAP,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, PINAGBUBUHATAN NG LAHAT NG KASIYAHAN
AT KALIGAYAHAN,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, NA KAMI’Y IYONG TINATAWAG SA KABUHAYAN
BUHAT SA WALA,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, NIYAYAKAP ANG LAHAT NG MGA GINAWA NG
KANIYANG KAMAY,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, KORONA NG LAHAT NG MGA GINAWA NG
DIYOS,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, NA TAYONG LAHAT AY DITO NAKALUBOG
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, MATAMIS NA GINHAWA PARA SA MGA
NAGHIHIRAP NA PUSO,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, ANG TANGING PAG-ASA NA LAMANG NG MGA
KALULUWANG NAWAWALAN NG PAG-ASA,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, KAPAHINGAHAN NG MGA PUSO, KAPAYAPAAN
SA GITNA NG PANGAMBA,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, KALUGURAN AT KASIYAHAN NG MGA BANAL NA
KALULUWA,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
MABATHALANG PAGKAAWA, NAGBIBIGAY-DIWA SA PAG-ASA LABAN SA
LAHAT NG PAG-ASA,
AKO’Y NANANALIG SA IYO.
PANGWAKAS NA PANALANGIN
WALANG HANGGANG PANGINOON, NA NASA IYO ANG WALANG KATAPUSANG
PAGKAAWA AT ANG KAYAMANAN NG IYONG AWA NA DI NAUUBOS, TINGNAN
MO KAMI NG MAY BUONG PAGGILIW AT DAGDAGAN MO PO ANG IYONG AWA
SA AMIN, UPANG SA MGA KAGIPITAN KAMI’Y HINDI MAWALAN NG PAG-ASA,
NGUNIT NANG MAY MALAKING TIWALA AY ISUKO ANG AMING MGA SARILI SA
IYONG BANAL NA KALOOBAN, NA SIYANG PAG-IBIG AT PAGKA-AWA MISMO.
O DI MAUNAWAAN AT WALANG HANGGANG MABATHALANG PAGKAAWA, SINO
ANG MAKAPAGPUPURI AT MAKASASAMBA SA IYO NG KARAPAT-DAPAT.
KATAAS-TAASANG KATANGIAN NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS, IKAW ANG
MATAMIS NA PAG-ASA PARA SA MGA MAKASALANANG TAO.
SA ISANG AWITIN KAYO AY MAGKAISA, MGA TALA, LUPA AT DAGAT, AT ANG
DI MAUNAWAANG MABATHALANG AWA, SABAY-SABAY AY MAGBIGAY NG
KAHALI-HALINANG PAPURI.

PANALANGIN SA MABATHALANG AWA


AKO AY LUMALAPIT SA IYONG AWA, MAHABAGING DIYOS, NA TANGING IKAW
LAMANG ANG MABUTI. KAHIT ANG AKING MGA PAGHIHIRAP AY MALAKI AT
ANG AKING PAGKAKASALA AY MARAMI, AKO AY NAGTITIWALA SA IYONG AWA
SAPAGKAT IKAW ANG DIYOS NG PAGKAAWA AT HINDI NARINIG KAILAN PA
MAN, O NATATANDAAN MAN NG LANGIT O LUPA NA MAYROONG KALULUWANG
NAGTITIWALA SA IYONG AWA NA IYONG TINANGGIHAN.
O DIYOS NG AWA, IKAW LAMANG ANG MAKAPAGBIBIGAY TUWID SA AKIN AT
HINDI MO AKO TATANGGIHAN KAPAG AKO, NANG MAY MATAIMTIM NA
PAGSISISI AY LUMAPIT SA IYONG MAHABAGING PUSO, KUNG SAAN WALA
PANG TINANGGIHANG SINOMAN, KAHIT NA SIYA PA ANG
PINAKAMAKASALANAN. SAPAGKAT ANG IYONG ANAK AY TINIYAK SA AKIN: “SA
LALONG MADALING PANAHON NA MAWALA MAN ANG LANGIT AT LUPA, ANG
AKING AWA AY HINDI MAKALILIMOT NA YUMAKAP SA ISANG NANANALIG NA
KALULUWA.” AMEN.
HESUS, KAIBIGAN NG MAPANGLAW NA PUSO, IKAW ANG AKING PAHINGAHAN,
IKAW ANG AKING KAPAYAPAAN. IKAW ANG AKING KALIGTASAN, IKAW ANG
AKING KATAHIMIKAN SA PANAHON NG AKING PAKIKIPAGHAMOK AT SA GITNA
NG KARAGATAN NG PAG-AALINLANGAN. IKAW ANG NAPAKALIWANAG NA
SINAG NA SIYANG NAGBIBIGAY-TANGLAW SA LANDAS NG AKING BUHAY.
IKAW ANG LAHAT SA ISANG MAPANGLAW NA KALULUWA. NAIINTINDIHAN MO
ANG KALULUWA KAHIT NA ITO’Y TAHIMIK. NALALAMAN MO ANG AMING
KAHINAAN AT TULAD SA ISANG MAGALING NA MANGGAGAMOT, IKAW AY
NAGBIBIGAY NG GINHAWA AT LUNAS, NAG-AALIS NG AMING PAGHIHIRAP.
IKAW NA SIYANG BIHASA SA BAGAY NA ITO. AMEN.

You might also like