You are on page 1of 1

OREO, ANDREA JAMAICA D.

OCTOBER 7 2021
GINOONG RHON ADLOF GONZALES

A.
B. 1. Ano-ano ang mga dulog pananaw sa teoryang pampanitikan?
Pormalistiko – Ang layunin ng panitikan ay ang ipahiwatig sa mambabasa ang nais nitong ipaabot na
paksa o ideya gamit ang tuwirang panitikan.
Kaya, dapat pag-aralan ang istraktura o pagbuo ng isang akda (mga elemento, teknik, sukat, tugma).
Moralistiko – Dito sinusuri o pinag-aaralan ang pagpapahalagang ginamit. Pinapahalagahan ang
moralidad, disiplina, at kaayusang nakapaloob sa akda.
Sosyolohikal/Historikal – Hinihinuha ang kalagayang panlipunan ng panahong kinatha ang panitikan.
Ang layunin ng dulog na ito ang ipakita ang karanasan ng isang pangkat ng tao na siyang puwedeng
gawing basihan ng kasaysayan at bahagi ng pagkahubog.
Sikolohikal – Dito pinag-aaralan at tinatalakay ang takbo ng isip ng may katha.
Ito’y sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan katulad ng pagtimbang sa antas ng buhay, paninindigan,
paniniwala, mga bagay na binibigyan halaga, at kung ano ang tumatakbo na isipan at kamalayahan ng
mga tao sa ginagawang aral.
Feminismo – Dito tinatalakay ang imahen, pagkakalarawan at gawain ng mga kababaihan sa loob ng
akda. Inilalantad ang mga de-kahong imahen at anumang uri ng diskriminasyon sa mga babae.
Humanistiko – Ang dulog na ito ay nagsasabi na ang tao ang sentro ng daigdig. Dito, binibigyang-
pansin ang mga talento at talino ng tao sa maraming bagay.
Istaylistiko – Dito sinusuri ang istilo at mga kagamitang wika ng may akda katulad ng:
Wikang ginamit
Paningin o pananaw ng pagkakasulat ng akda
Paraan ng paglalarawan ng tauhan at tagpuan
Tayutay
2.Paano nakatutulong ang mga teoryang pampanitikan sa pag-unawa sa mga Literatura?
-Naipakikilala ang pagka - Pilipino at naibabahagi ang yaman ng isip at ang angking talino ng lahing
pinagmulan.
-Naipapabatid sa daigdig ang kadakilaan at karangalan ng tradisyong Pilipino na sandigan ng kabuuan
ng ating kultura.
-Nababatid ang kahinaan sa pagsulat at pagsasanay upang ito ay maisaayos at maituwid.
-Nakikilala at nagagamit ang mga kakayahan sa pagsulat at maging masigasig sa paglinang at
pagpapaunlad nito.
-Naipadarama ang pagmamahal sa kultura sa pamamagitan ng pagpapakita ng malasakit sa panitikan.
3. Bakit kinakailangang matukoy kung anong teoryang pampanitikan ang ginamit ng may akda sa isang
panitikang isinulat?
Upang matuto at masuri ng mga mag-aaral o nagbabasa kung anong klaseng panitikan ang ginamit ng
may akda sa isang panitikang isinulat

C. 1. Paano mo mailalarawan si Anne?


Si Anne ay madaldal, mabait, masikap, mapagmahal at mapagpatawad.
2. Ano-ano ang mga bagay na natutunan ni Anne sa piling ng mga kumupkop sa kaniya?
Natutunan ni Anne na maging mapagpatawad sa kapwa kahit ano man ang ginawa nito sa kanya.
3. Paano sinuklian ni Anne ang kabutihang ginawa sa kaniya nila Marilla? maghandang saguting ang
mga tanong sa susunod na tagpo.
Si Anne ay nagsumikap mag aral upang makakuha ng Scholarship at makakuha ng pera at magandang
trabaho.

You might also like