You are on page 1of 1

OREO, ANDREA JAMAICA D.

10- PRESENTATION OF OUR LADY

Kung ating babalikan ang mga nakalipas na mga araw, tila kay saya ng lahat at animo’y mga
mga ibon na nakalaya. Ngunit sa isang iglap dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19 ay
nagbago ang lahat. Marami sa mga pamilya ay apektado ng nsabing problema ng halos buong
mundo. Kami na dati kapag may lakad ng aking mga pamilya at kaibigan ay malayang
nakakaalis ngunit ngayon nakakulong sa tahanan dahil sa pangamba at takot na mahawa sa
sakit. Lahat ay tuliro sa kalaban na hindi nakikita.
Sa gitna ng pandemikong ito natutunan kong mas maging pasensiyosa. Naramdaman kong
wala namang pagmamadali sa mga bagay-bagay dahil higit na nakapokus ang lahat sa sariling
kaligtasan. Natutunan kong mas magpahalaga ng mga tao sa paligid lalo na iyong mga
nahihirapan sa sitwasyon ng bansa. Nakiisa ako sa mga grupo na may kusang loob maglikom
ng pondo upang makatulong sa maraming pamilyang nangangailangan ng suporta. Mga
empleyadong nawalan ng trabaho at suweldo gayun din ang mga frontliner na
nangangailangan ng suporta para sa kaligtasan nila ang sinigurado kong mababahagian ng
tulong na kaya ko. Natutunan kong mabuhay ng kalmado, walang pinagmamadalian.

You might also like