You are on page 1of 1

JAMES NOVEM F.

ABELLON 9 – CHLORINE
TALUMPATI

Kahirapan: Problema Ng Bayan


Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang
kahirapan.Pero bakit nga ba maraming Pilipino ang nagdurusa dahil dito? Dahil sa
kahirapan,maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan. Dala ng kanilang
kakulangan sa pera,ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-
nais. Dahil doon,patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa.
Nadadagdagan din laloang bilang ng mga namamatay. Pero bakit hindi nakilos ang
ating mga pinuno ukolsa mga isyung ito? Sadyang mahirap ang maging isang
mahirap pero madaming paraan upang ito'ylabanan kung ating gugustuhin, marami
na tayong nabalitaan mula sa pagigingmaralita ngayon ay natatamasa na ang
kaginhawaan, dahil iyon sa kanilangpagsisiskap at pagpupursigi para sa kanilang
gustong makamit. Maraming mamamayan ang nakakaranas ng kahirapan, kung
mapapansin natin,nagkalat ang mga batang iniwan o inabandona ng kanilang mga
magulang nawalang ibang matuluyan. Lalo na rin sa mga squatters’ area. Magulo
at tila bawalang kaginhawahan at kapayapaan sa lugar na yaon. Kung ating
susuriin, masmarami ang bilang ng mga taong sadlak sa kahirapan, pero bakit ang
mga taongmay mataas na katayuan sa buhay, sa halip na tulungan ang mga ito ay
lalo panilang itinutulak sa kahirapan. Kaya mahihirap lalong naghihirap at ang
mgamayayaman lalong yumayaman. Dulot ng walang pagkakaisa, may pag-asa pa
baang bayan na umunlad? Ako bilang isang kabataan, may layunin akong iwasan
ang pagiging isang mahirapat hindi maituring na basura lamang sa isang lipunan.
Sa simpleng pamamaraan,ako'y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral. Nang sa
gayon ay magkaroon ngmagandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati
ikaw, tayong lahat aykinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo
ay may magagawapara sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na magagamit,
maipagmamalakiat higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang henerasyon.

You might also like