You are on page 1of 3

METODOLOHIYA

Ang pamamaraang gagamitin ng mga mananaliksik upang makakalap ng mga datos o impormasyong

may kaugnayan sa kanilang pag aaral ay nakapaloob sa kabanatang ito.Ito ay binubuo ng Disenyo ng

Pananaliksik,Pamamaraan NG pagpili NG respondante, Instrumento ng Pananaliksik at paraan ng pagpili

ng datos

Disenyo NG pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik ay kwalitatibong pamamaraan ang disenyong itong ay

pinapatnubayan ng paniniwalang Ang pag uugali ng Tao ay nakabatay sa mas malawak na

konstektong pinangyarihan nito.Sa paraang Ito naniniwala Ang mga mananaliksik na ang napili

nilang disensyo ay naglalayong makakuha ng mga makabuluhanh resulta sa madaling paraan na

makakatulong sa kanilang paksang pinag aaralan.

Gagamitin Ng mga mananaliksik ang paraang Ito upang magkaroon ng mabisang

paglalarawan kailangan sa pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng sarbey-

kwestyuner upang makakalap ng mga datos. Naisip ito ng mga mananaliksik upang makakuha

ng impormasyon sa mga respondante.Isinasalaysay din dito ang mga epekto ng Hindi pagkuha

NG abm ng mga mag aaral sa Management Account ng Tanauan City college


Paraan ng pagpili ng Respondante

Ang mga respondante na gagamitin ng mananaliksik ay mga piling mag aaral ng Management

Accounting ng Tanauan City college.Ang pananaliksik na Ito ay nais matukoy ng mga mananaliksik Kung

ano Ang epekto ng Hindi pagkuha NG Abm noong senior high school sa kursong Management

Accounting.Ang Kabuuang populasyon NG mag aaral sa unang taon sa kolehiyo ay siyamnaput anim

(96).Ang mananaliksik ay gagamit NG stratefied sampling upang malaman Ang bilang NG magiging

respondante kada seksyon sa kursong management accounting NG Tanauan City college.

Instrumento ng Pananaliksik

Sa paraang ito, inilalahad ng mga mananaliksik ang mga ginamit na instrumento o

kagamitan sa pagkalap ng mga datos.Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng

isang Talatanungan.Ang talatanungang Ito ay naglalaman NG mga tanong na magagamit ng mga

mananaliksik sa kanilang paksang pinag aaralan.Ang pagkalap Ng impormasyon Mula sa mga

respondante Ang magiging batayan NG mga mananaliksik sa kanilang susunod na hakbang.


Paraan ng pangkalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay mangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagpapasagot

sa mga piling mag aaral ng isang sarbey.Ang mga respondante ay bibigyan NG mga

Talatanungan kung saan Ang mga makakalap na impormsyon ay makakatulong sa paksang

pinag aaralan NG mga mananaliksik.Ang bawat impormasyon ay ilalahad sa paraang

tekstwal,tabular at grapiko upang mas mabigyang linaw Ang mga datos na nakalap at mabigyan

ng Suri Ang mga Ito.

You might also like