You are on page 1of 35

KABANATA VI:

g - E e b a l w e y t n
P a g
M e n s a h e a t I m a
g a h e n
m Group 6:
Bautista, Labuac
Mazon, Zulaybar

Mga Talakayin:
A. LINGUISTIC LANDSCAPE

B. GEOSEMIOTICS

C. URI NG KARATULA O SENYAS

D. ONLINE LANDSCAPE
Paggamit ng mga
Pang-araw-araw na
Landscape sa
Iba't Ibang Konteksto
A. Linguistic Landscape
Ito ay ang mga bagay na madalas nating nakikita na nagpapahiwatig
ng mensahe gamit ang mga simbolo o salita.

Ang linguistic landscape o mga materyales na semyotik (semiotic


materials) ay maaaring nasa anyong karatula, anunsyo, babala,
paunawa, simbulo, patalastas, flyers, o graffiti.

Sa web, maaari itong posts, memes o tweets.


Karatula
Tinuturing ng mga linggwista na paraan ng pagpapahayag ng mga
simbolikong mensahe at kahulugan.

Ineebalweyt ito ng mga mananaliksik batay sa:


layunin ng awtor/manunulat
kung paano ang mga ito ginawa, at
para kanino ang mga ito

Sa ilang pagkakataon, ang mga karatula ay ineebalweyt batay sa


porma at simbulo.
D i s k u r s o n g
TOP DOWN BOTTOM UP
Karatulang mula sa mataas na awtoridad at Karatulang mula sa isa o ilang partikular na

para sa madla. miyembrong madla o lipunan para sa madla.

Halimbawa: Ang mga opisyal na karatulang mula sa Halimbawa: Ang mga karatulang gawa at

mga ahensyang pampamahalaan. ipinaskil ng mga indibidwal o grupo, ngunit hindi


kinikilala ng opisyal na awtoridad.
Ben-Rafael, et al. (2006; sa
Mooney & Evans, 2015)

"Ang karatula sa loob ng isang barberya o


tindahan ay bottom up dahil may mga personal
na pagpiling ginawa sa komposisyon at
pagdidispley ng karatula. Ngunit, sa konteksto
ng barberya o tindahan mismo, maaari iyong
ituring na top down dahil ang karatula ay
maaaring mula sa tagapamahala o opisyal at
para sa mga empleyado."
Leeman & Modan (2009; sa
Mooney & Evans, 2015)

"The distinction between top down and bottom


up signage practices is untenable in an era in
which public private partnerships are the main
vehicle of urban revitalization initiatives in
urban centers in many parts of the world, and
when government policies constrain private
sector signage practices."
Mooney & Evans (2015)

"If the distinction is thought of as a


continuum whose orientation points
may shift in different contexts, it is
helpful in understanding how signs are
constructed and consumed."
>> Ang uri ng karatula at simbulo ay maaari ring mag-iba-iba
batay sa kultura dahil ang iba't ibang kultural na kapaligiran ay
may iba-ibang praktika sa pagbasa.

>> Ito ang dahilan kung bakit may mga karatulang nakasulat ng
kaliwa pakanan at mayroon ding taas pababa. Iba-iba rin ang
semantika, konteksto at estruktura ng iba't ibang wika.
B. Geosemiotics

Ang geosemiotics ay pag-aaral ng panlipunang kahulugan ng


materyal na placement ng mga senyas sa mundo, ng mga
senyas na kinabibilangan ng mga semiotic na sistema tulad ng
lenggwahe at diskurso (Scollon & Scollon, 2003; sa Mooney &
Evans, 2015).
Ang lenggwahe at lokasyon ay dalawa lamang sa sistemang
semiotic. May iba pang bagay tulad ng:
laki at tipo ng mga titik
kulay
imahen
at iba pa na lumilikha at naghahatid ng kahulugan.
Dahil ang mga senyas ay iba-iba sa iba't ibang linggwistik landskeyp,
kailangang pagtuunan ng pansin ang lahat ng semiotic choices ng
gumawa ng karatula o senyas.

Sa pagsusuri ng mga karatula, kailangan ding matukoy kung may iba


pang mas mabisang paraang magagamit sa paghahatid ng mensahe.
C. Uri ng Karatula o Senyas
Kahit pa madalas ang mga karatula o senyas ay
mauuri batay sa katangian, ang mga ito ay
mauuri batay sa kontekstwal na kahulugan at
diskurso.
1 Regulatori
kung opisyal na
nagpapahayag ng
awtoridad o ng legal
na prohibisyon.
2 Imprastraktural
kung nagngangalan
ng mga bagay o
nag-uutos para sa
pagpapanatili ng
gusali o
imprastraktura.
3 Komersyal
kung nagpapatalastas
o nagpo-promote ng
produkto, event o
serbisyo sa komersyo.
4 Transgresib
kung intensyonal o aksidental na
lumalabag sa kumbensyonal na
semiotics, nasa maling lugar o
nalagay sa lugar na iyon nang
walang basbas ng may ari o
namamahala ng/sa lugar.
Isang halimbawa nito ay ang
graffiti.
Graffiti
Ang graffiti ay isang transgresib na senyas, at ang bawat graffiti ay
may kahulugan.

Ito ay isang midyum upang ang isang tao o pangkat ng mga tao ay
magkaroon ng pampublikong tinig na otherwise ay hindi maririnig.

Ang uring ito ng transgresib na diskurso ay nagpapahiwatig ng


kapangyarihan at kontrol ng gumawa nito.

Karamihan sa mga ito ay nagpapahayag din ng naratibong labas sa


hangganan ng kombensyonal na lenggwahe.
D. Online Landscape
Netizen
Ang mga taong laging online ay tinatawag na netizen —
isang abstraksyon ng salitang Internet at citizen.
Ang mga netizen ang itinuturing na "citizens of the virtual
world".

Ang espasyong birtwal ay isa ring linguistic landscape.


Mga Midya ng Virtual/Online Landscape

Madalas ihambing ng marami ang YouTube sa


1. YouTube telebisyon.
Bagama't ang YouTube ay
hindi espesipikong maituturing
Bernales, et al. (2018)
na mga senyas o simbulo,
“While there is certainly some similarities
maituturing din itong isang
between television and YouTube, it is has
landscape na gumagamit ng
also been described as being post-
wika sa paghahatid ng mga
television (Lister, et al.; in Tolson, 2010;
mensahe.
cited by Mooney & Evans, 2015). "
Mga Midya ng Virtual/Online Landscape

2. Twitter
Halimbawa:
Ang virtual landscape na ito ay
Ang karanasan ng isang tao sa
inilarawan nina Mooney at
Evans (2015) na ubiquitous. Twitter ay nakadepende kung sino o
Kung ano kasi ang hitsura at ano ang kanyang pina-follow, sa
nilalaman nito ay aling hashtags siya interesado, at
nakadepende sa teknolohiya kung ano-ano pa.
at choices ng user nito.
Gillen at Mechant (2013; sa Mooney &
Evans, 2015)
Iniugnay ang choices na ito sa pagbuo ng punto de bista
(point of view).
Dahil din sa user-generated content sa Twitter,
binabago ng mga user ang landscape na ito kahit pa
140 karakter lamang ang maksimum, na limit kada
tweet.
Mga Midya ng Virtual/Online Landscape

3. Memes
Mabilis na ang sirkulasyon ng
Meme - Ang tawag sa post,
memes. Salamat sa Internet.
lenggwahe o litrato tungkol sa
Nagkalat ang mga ito sa social
sosyal, moral o politikal na ideya
media at halos lahat ng estudyante
na kadalasan ay nakakatuwa o
ay nakakita o nakagawa na nito.
nakakatawa.
Knobel at Lankshear (2007, sa Mooney &
Evans, 2015)
"Memes are contagious patterns of cultural
information that get passed from mind to mind and
directly generate and shape the mindsets and Kapansing-pansing halimbawa
significant forms of behavior and actions of a social ang memes ng ekstensibong
group. Memes include such things as popular tunes, bottom up na gawain na
catchphrases, clothing fashions, architectural styles,
bumabago sa linguistic landscape
ways of doing things, icons, jingles and the like."
(Mooney & Evans, 2015).
Viral Meme
Ang isang viral meme ay nag-iiwan ng nagtatagal na impresyon sa mga
taong nakaka-relate dito. Dahil nga natural na komiko, replikabiliti ang isa
sa pinakamahusay na elemento ng memes.

Madalas, pinipili ng gumagawa nito ang:


litratong gagamitin
ang halaga ng mensahe, at ang kaugnayan ng litrato sa mensahe
maging ang mga simbulong gagamitin
ang mensahe mismo
at ang font at sukat nito.
Ang problema sa landscape na ito ay ito: Nagkalat ang meme sa Facebook
na may mali-maling gramatika, baybay at bantas. May iba ring malalaswa.
Ang iba'y hindi sensitibo sa kultura, kasarian at politically incorrect. Sa
kabila ng mga iyon, nila-like at sini-share ang mga nakaiiritang meme na
gayon ng kung sino-sino, nang walang ginagawang pagsusuri muna.
Tandaan, ang mga gayong meme ay hindi dapat tinatangkilik, lalo na ng
mga nakapag-aral at mapanuri.
Maraming Salamat
sa Pakikinig!

You might also like