You are on page 1of 2

Pangalan: Elisan, Marilou Seksyon/Kurso: BSED FIL2

Sagutin ang mga ss.

1. Ano ang PANITIKAN?


Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga
karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan
lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula, na ayon kay Bro. Azarias na ang
panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao sa lipunan,sa pamahalaan,sa
kapaligiran,sa kapwa at sa dakilang lumikha. Ayon naman kay Ramos, Ma na ang
panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Sa panitikan
nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guniguni
ng mga mamamayan na sumulat sa maganda, makulay, makahulugan, matalinhaga
at masining na pahayag. Batay sa Webster anumang bagay na naisatitik basta`t may
kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao maging ito`y totoo, kathang isip o
bungang tulog ay maaaring tawaging Panitikan. Sa kabuohan ang panitikan ay
nagbubunsod ng pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang pagkamakabayan. Ito ay
lakas na nagbubuklod ng kanilang damdamin na mayroong kamalayan sa katwiran at
katarungan.

2. Ano ang kahalagahan ng Pag-aaral ng Panitikan?


Upang mapa-unlad ang kakayahan at kaalaman sa sariling wika. Kadalasan
nasasalamin ang ating kultura sa ating mga panitikan, paniniwala at pagkakakilanlan
bilang isang mamamayan. Ang mga panitikan ay kapupulutan rin ng aral. Mga aral
sa moral at pagiging mabuting tao na maaaring magamit sa tunay na buhay. Ito din
ay upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino at matalos ang ating minanang
yaman ng isip at angking talino ng ating pinanggalingang lahi. Ng ito`y mabatid natin
na tayo ay may dakila at marangal na tradisyong siya nating ginagawang sandigan
ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa.Matatanto din natin ang
ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na matuwid ito`t
mabago. Ating mas lalong makilala, magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat
at magsikap na ito`y malinang at mapaunlad. At higit sa lahat, maipamalas ang
pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

3. Ano ang panunuring Pampanitikan?


Ang panunuring pampanitikan ay isang pagsusuri nang malalim at kritikal sa mga
akda ng mga manunulat upang mahimay ang kanilang mga likha at malaman ang
tunay na mensahe nito. Ang pagsusuri ng mga akda ay makatutulong sa mga pag-
aaral upang malaman ang kanilang gustong iparating sa mga mambabasa o kaya
suriin ang iba’t ibang simbolismo na ibinigay ng may akda. Sa panunuri rin ay
mabubuksan ang mga kritisismo hinggil sa akda, dito makikita ang maaaring patlang
o kakulangan sa isang likha dahil pinupuna nito ang mga teknikal na kabuuhan.
Maganda na may panunuring pampanitikan dahil naiwawasto at napapaunlad ang
mga gawain.

4. Bakit kailangang suriin ang isang akdang Pampanitikan?

Ang isang akda ay maituturing na isang sining na likha ng isang manunulat at


maituturing rin na yaman ng ating bansa sapagkat nabibilang ito sa panitikan. Ang
pagsusuri ng akda ay isang malaking tulong upang mas lalong mapaganda ang
isang akda, maitama ang mga mali, mabigyan ng ideya para mas gumanda pa ang
akda, mabigyan apresihasyon ang may-akda upang mas lalo pa siyang ganahan at
malaman ng may akda ang mga kailangan niyang pagyamanin sa mga susunod
pang pagsulat ng akda ng upang masiguro na ito ay tama at upang maiwasan ang
pagkalat ng maling impormasyon.

You might also like