You are on page 1of 15

Mga Padrong Kultural sa

Komunikasyong Filipino
GFILI101-Diskurso sa Filipino
Kagawaran ng mga Wika at Literatura
Dalubhasaan ng Malalayang Sining at Komunikasyon
Layunin ng Aralin
qNabibigyang linaw ang mga konsepto ng padrong
kultural sa Filipino;
qNatatasa ang mga elemento ng mga padrong
kultural na namamayaning diskursong Filipino; at
qNailalapat ang mga padrong kultural sa mga
modernong diskursong Filipino.
Ano ang alam mo?
Ano ang alam mo?
Pag-usapan Natin!
Padrong Kultural
Ø mga napagkasunduang paniniwala, pagpapahalaga, kaugalian, at
panlipunang gawi na naging matatag sa paglipas ng panahon at
nagbubunsod ng kaisahan sa magkakaparehong kaasalan sa lahat
ng pagkakataon
Ø nasa isipan ng tao at nagtuturo kung paano tinatanaw ang mundo
at kumilos ang mga taong nabibilang sa isang kultura
Pag-usapan Natin!

Global na Padrong Kultural


Ø kulturang kinasasangkutan ng mga mamamayan ng daigdig
Mga Elemento ng Padrong Kultural
1. Paniniwala
²Mga ideya na pinaniniwalaang totoo sa
mundo
²Kalipunan ng mga interpretasyong
nilikha ng tao
Mga Elemento ng Padrong Kultural
Dalawang kategorya:
²Sentral na Paniniwala
²Pundamental na turo sa kung ano ang realidad at mga inaasahang pag-
iral sa mundo
²Maaaring nakabatay sa turo ng awtoridad (magulang, guro, at
matatanda)
²Hal: pag-aalaga ng magulang sa anak, mga dapat ikilos ng indibidwal
Mga Elemento ng Padrong Kultural

Dalawang kategorya:
²Paniniwalang Periperal
²Personal na paniniwala
²Hal: paniniwala sa mga ispiritu
Mga Elemento ng Padrong Kultural
2. Pagpapahalaga/Halagahin
²Konsepto ng tama-mali, mabuti-masama, mabait-malupit at
iba pa
²Ang ninanais na katangian na katangian o layunin ng isang
kultura
²Ang nagpapaliwanag kung paano nakikipagkomunikasyon
ang tao
Mga Elemento ng Padrong Kultural
3. Kaugalian/Kaasalan
²Napagkasunduang panlipunang ekspektasyon sa mga gawi o
asal ayon sa pamantayan ng isang lipunan
²Gumagabay kung paano makipag-interaksyon at nagbibigay
tanda kung paano makisangkot sa kumbersasyon, kung ano
ang dapat pag-usapan, at kung paano rin dapat na lumabas sa
isang kumbersasyon
Mga Elemento ng Padrong Kultural
4. Panlipunang Gawi
² Mga padron ng kaasalan na kalimitang sinusunod ng mga
miyembro ng isang lipunan
²Ilan sa halimbawa nito ay paraan ng pananamit kung
magsisimba o papasok sa paaralan, pagbubukas ng regalo sa
harap ng nagbigay, oras ng pagkain, ritwal, pagsaludo sa
bandila, pagpapakasal, at iba pa
Mga Tungkulin ng Padrong Kultural
1. Lahat ng tao, saan mang kultura siya nabibilang ay humaharap sa iba’t ibang
suliranin na hinahanapan din niya ng solusyon.
2. Ang lawak ng mga alternatibong solusyon hinggil sa mga suliraning kultural ay
nagtataglay ng limitasyon
3. Sa loob ng isang kultura, palaging may nakahandang solusyon na pinipili ng mga
taong nabibilang dito.
4. Ang mga solusyon sa mga suliraning kultural ang karaniwan nang humuhubog
sa kultural na paniniwala, pagpapahalaga, kaugalian, at lipunang gawi.
Kaligiran ng Padrong Kultural
Ikaw

Lipunan kikilos
makikipagkapwa
Daigdig
ipakikilala ang sarili
14
ikaw vs. daigdig
konsepto sa oras
Mga Padrong Kultural sa
Komunikasyong Filipino
GFILI101-Diskurso sa Filipino
Kagawaran ng mga Wika at Literatura
Dalubhasaan ng Malalayang Sining at Komunikasyon

You might also like