You are on page 1of 1

“BUWAN NG WIKA”

Kasabay ng nagbabagong panahon,


Di papipigil ang wika sa pagsulong.
Katutubong wika ay sumasabay sa alon.
Tinatangay ng hangin na wari mo'y isang dahon.

Ang Wikang Filipino ay sinubok na ng karanasan,


Pinagtibay at pinanday ng kasaysayan.
Tunay at ganap nga ang kalayaan.
Kayamanang maipapasa magpakailanman.

Nakatutuwa, kahit 'di na gaanong lumalabas sa bibig ng madla,


Naaalala padin ng karamihan ang tungkol sa kaharian ng Berbanya,
Pagkikipagsapalaran sa Albanya nina Florante at Laura,
At ang nakakainggit na pagmamahalan ni Crisostomo Ibarra at ng kan'yang sinisintang si Maria Clara.

Kilala n'yo pa ba si Pepe?


Ang batang bayaning namaalam sa sintang lupang kan'yang tinubuan,
Maging ang paglikha n'ya sa tsokolateng kanin na naikwento sa'tin ng mga matatanda,
Hanggang ngayo'y atin pading kinakai't ninamnam ang lasa, lasa ng pagkaing orihinal n'yang likha.

Mga pamahiin sa bayan, nako, kinatatakutan padin ng mga mamamayan,


Kahit ang mga ito'y makaluma, nakabaon padin ito sa'ting puso't isipan, kahit kailan 'di mawawala,
Waring nakatago ito sa kailaliman ng lupa, ngunit mananatiling kahanga-hanga.
Mga binibini't ginoo, maligayang buwan ng wika

Hindi man ako magaling na manunula.


Sa puso ko naman nanggagaling mga katha kong mga tula.
Kung ikaw ay isang taong may pag-ibig na dakila.
Hindi mo na kailangang iasa pa pagsusulat ng tula ng pag-ibig sa himala.

You might also like