You are on page 1of 1

Musikang Pilipino

Ang musika ay parte na ng ating buhay. Paano ko ito nasabi? Dahil araw-araw ay
pinakikinggan natin ito, at walang araw na hindi tayo nakikinig sa musika. Pwera na
lamang kung ikaw ay walang emosyon o kaya’y walang pakiramdam sa mga bagay-
bagay. Mayroong daan-daang uri ng musika o genre sa ingles. Ngunit bilang Pilipino,
mas tumatak sa ating puso ang ating sariling musika na mas kilala bilang Original
Pilipino Music (OPM).

Ang OPM ay binubuo ng mga pilipinong manunulat, mang-aawit, musikero atbp.


Nagsimula ang OPM nuong panahon pa ng mga mananakop kung hindi ako
nagkakamali. Halo-halo ang musika ng pilipinas dahil sa iba’t-ibang impluwensya galing
sa mga dayuhan. Kung babalikan natin ang pinagmulan ng OPM, ang mga naunang
kanta ay gamit pa lamang ang mga instrumento tulad sa Philippine Folk Music,
Hispanic- Influenced Music, Harana at Kundiman at marami pang iba.

Ngunit sa paglipas ng panahon ay lumago, nagbago, at gumanda ang OPM dahil


na din sa impluwensya ng ibang bansa. Dito ay mas nakilala ang terminong “OPM” at
sumikat ang mga mang-aawit na sina Pilita Corrales, Sylvia La Torre, Diomedes
Maturan, Ric Manrique Jr., Ruben Tagalog, Helen Gamboa at madami pang iba. Mas
kilala ang genre na ballad nuong mga panahon na ito. Maraming pinasikat ang mga
mang-aawit, hanggang sa ito’y lumago nang lumago. Nang sumapit ang dekada 90’s,
dito na lumaganap ang makabagong genre na rock and roll, na pinangunahan ng mga
bandang Eraserheads, Rivermaya, Siakol, Parokya ni Edgar, at madami pang iba.
Dagsa ang mga banda at mang-aawit na ang genre ay pop music at rock and roll. Bago
pa man ma-bawasan ng banda at mga mang-aawit ang OPM ay may pumapalit na
agad. Ang mga banda at mang-aawit ay nag-iiba rin ng genre base sa panahon na
kanilang pinagmulan. Pansin natin ang pag-babago ng musikang pilipino taon-taon.
Dahil na din sa musikang dayuhan na mas tinatangkilik ng iba. Kaya’t ang iba nating
paboritong banda at mang-aawit ay kung hindi nag reretiro, ay nalalaos na lamang.

Gayunpaman, hindi natin maaaring ipagsawalang bahala ang ating sariling


musika. Hindi lang ito naging parte ng ating buhay, kundi naging parte rin ito ng
kasaysayan ng ating bansa. Kung sagayon ay dapat natin itong itaguyod at tangkilikin.
Mahalin at pahalagahan ang ganda ng ating musika. Ipasa sa susunog na henerasyon
at ito’y pagyamanin.

You might also like