You are on page 1of 1

“ Ang Ama (Buod)”

Isinulat ni: Mauro R. Avena


Nagsimula ang kwento sa magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag
hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Pananabik dahil
paminsanminsan ay may inuuwi itong malaking supot ng mainit na pansit
na iginisa sa itlog atgulay. Sa katunayan ay para lamang iyon sa kanya,
sadyang marami lang ito at hindi niya maubos, pagkatapos ay magkagulo
sa tira ang mga bata. Kundi sa pakikialaman ng ina ay mabibigyan
ngkanya-kanyang parte ang lahat kahit ito’y sansubo lang ng pagkain.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki,
dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mgaito kahit na payat,
at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang
ina.May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae,
otso anyos at isang dosanyos na paslit pa. Kapag uuwi ang ama ng mas
gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, kung may pagkakataon ay ilayo
ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila’y si Mui Mui, otso anyos ay sakitin at
palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Noong
gabing umuwi ang ama namasamang-masama ang timpla dahil nasisante
sa trabaho, ay si Mui Mui ay nasa gitna ng isangmahahabang halinghing at
walang ano-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusongmukha
ng bata na tumalsik sa kabilang kwarto, kung saan ito ay nanatiling walang
kagalaw-galaw.Pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at
ang ina lamang ang umiyak at ang amanaman ay buong araw na
nakaupong nagmumukmok. Nang nalaman ito ng kanyang amo, isang
matigas ang loob pero mabait na tao, na noondin ay nagdesisyong kunin
siya muli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Nang
makita niya ang dati niyang amo at narinig ang maganda nitong sinabi
bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak ay napahagulhul siya.
Kumuha siya ng pera mula sa abuloy at lumabas ng bahay. Pagkalipasng
isang oras ay bumalik siya na may bitbit na malaking supot na may
tsokoleyt, ubas, biskwet atkendi. Inilapag ni iyon sa mesa. At maya-maya’y
kinuha ang malaking supot at muling lumabasng bahay. Pumunta siya sa
libingan o puntod ng kanyang anak, lumuhod at dinukot ang mga laman ng
supot at inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, “Pinakamamahal
kong anak, walang mai-aalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito.
Sana’y tanggapin mo.”

You might also like