You are on page 1of 1

Charles V.

Ramos STEM 12-A

Maraming mga bagay ang nabago bilang isang resulta ng kalunus-


lunos na COVID-19. Isa sa pinaka naapektuhan nito ay ang ekonomiya,
hindi lang ng ating bansa ngunit pati na din ang ekonomiya ng bansa.
Marahil ang ating ekonomiya ay lubos na nagdusa dahil sa pandemyang
ating nararanasan. Maraming mga negosyo ang nagsara, at maraming tao
ang nawalan ng trabaho o kabuhayan.
Ayon sa Department of Labor and Employment o DOLE abot sa 5
milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Ang bilang na
nabanggit ay maari pang tumaas. Dahil dito ay maraming pamilya ang
nahirapan humanap ng paraan para mairaos ang kanilang pagkain sa
araw-araw, at isama mo pa dyan ang pagbayad sa bill kuryente, at tubig.
Hindi lang don natatapos ang mga problemang hinarap ng ating
ekonomiya dahil sa pandemya. Dahil sa pagsasara ng mga negosyo ay
ang pagbaba ng GNI o ang Gross National Income ng ating bansa.
Kasama ng pagbagsak ng GNI ay ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa
dahil kung maraming negosyo ang hindi kumikita at maraming trabador ang
hindi sumu-sweldo ay sino na lamang ba ang magbabayad ng mga tax na
ginagamit ng gobyerno.
Kaharap ng mga problema ay ang paggawa ng mga solusyon ng
ating gobyerno. Nagpanukala ang gobyerno ng mga insurance sa mga
nawalan ng trabaho, bayad na mga sick leave. Isa pa dyan ay ang work-
from-home na naglalayon na makapag trabaho kahit nasa bahay.
Maraming aksyon ang naipatupad ng ating gobyerno laban sa epekto ng
pandemya sa ating ekonomiya.
Marami mang pinsala ang binigay sa atin ng pandemya lagi nating
tandaan na malalampasan natin ito sa pamamagitan ng pagsisikap nating
mga mamamayan at gobyerno, at higit sa lahat ay sa patuloy na pag-gabay
ng ating Diyos.

You might also like