You are on page 1of 15

 Bago Magsulat

Bago magsimula sa pagsulat, ang kauna-unahang kailangang taglayin ng manunulat ay ang pagkakaroon
ng wastong disposisyon at kaliwanagan ng isip upang sa gayon ay makabuo siya ng isang konsepto o
paksang napapanahon, kapaki-pakinabang, at kawili-wili sa madla. Naisasagawa ang proseso na ito sa
pamamagitan ng tinatawag na ‘brainstorming’ kung saan lahat ng ideyang kanyang naiisip ay kanyang
pinagtutugma-tugma upang makabuo ng paksang usapin. Gayundin, kinakailangang magtaglay ang isang
manunulat ng kredibilidad upang maging kapani-paniwala ang kanyang akademikong sulatin at
makapaghatid ng makubuluhang impormasyon sa mga mambabasa. Alinsunod dito, ang paksang
kanyang mabubuo ay maaaring magmula sa kanyang mga naiisip, nararamdaman, at pati na rin sa
kanyang mga naging karanasan sa buhay na siyang magbibigay inspirasyon sa kanyang pagsulat.
Samantala, ang nilalaman ng kanyang sulatin ay maaari niyang maihango sa mga nabanggit na primarya
at sekondaryang sanggunian sa aralin tulad ng talaarawan, aklat, manuskrito, sining, mga pananaliksik at
marami pang iba.

 Pagpaplano - Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang ng mga manunulat at paano niya ito
isasagawa?

Sa hakbang na ito, ang mga ideyang naisip ng manunulat ay maaari niyang ilapat sa pamamagitan ng
pagbabalangkas o paglikha ng outline upang ang konseptong kanyang nabuo sa proseso ng
brainstorming ay magkaroon ng kaisahan at katiyakan. Gayundin, mahalagang isaalang-alang ng
manunulat ang kanyang pangunahing paksa sa lahat ng pagkakataon upang hindi ito maging tulad ng
isang magulong kalsada na iba’t iba ang paksang pinatutunguhan. Bukod pa rito, sa pagpaplano ng may-
akda, dito niya binibigyang pansin ang magiging daloy ng kanyang sulatin kung saan mayroong panimula,
katawan, at konklusyon, na nararapat na magkaroon ng koneksyon sa bawat isa at lalong lalo na sa
paksang usaping nabuo. Maaari ring gamitin ng manunulat sa hakbang na ito ang tinatawag na ‘free
writing’ kung saan itinatala ng manunulat ang lahat ng kanyang naiisip nang walang pagaalala sa
magiging gramatika nito.

 Pagsasaayos - Ibigay ang pangunahing kailangan o dapat na ikonsidera upang magkaroon ng


masistemang pagsulat

Tulad ng nabanggit sa aralin, upang magkaroon ng masistemang pagsulat, kinakailangang ang nilalaman
ng sulatin ay nakaayos nang kronohikal at may wastong organisasyon ayon sa ginawang pagpaplano ng
may-akda. Nararapat na ang mabubuong sulatin ay malinaw, nakatuon sa iisang paksa, lohikal at
sumusunod sa iisang pormat upang sa gayon ay mahusay na maipabatid ang pangunahing tema o
mensahe ng sulatin sa mga mambabasa. Gayundin, sa masistemang pagsulat, pinaghihiwa-hiwalay ng
manunulat sa iba’t ibang seksyon ang mga talatang nabuo base sa uri at layunin nito. Kapag ang lahat ng
bahagi ng isang akademikong sulatin ay may sinusunod na sistema at may maayos na pagkakasunud-
sunod, mas madali para sa manunulat na pagsama-samahin ang mga datos at impormasyong kanyang
nakalap at gayundin ay mas madaling mauunawaan ng mga mambabasa ang pangunahing ideyang
inihayag ng sulatin.

 Pagrebisa - Sa paanong paraan maisasagawa nang maayos ang pagrerebisa ng akademikong


sulatin?
Bago maisagawa ng manunulat ang kanyang huli o pinal na draft, kinakailangan muna niyang gumawa ng
mga naaangkop na rebisyon sa kanyang sulatin. Sa pagrerebisa, iwinawasto ng manunulat ang maling
paggamit ng gramatika, maling spelling ng mga terminilohiya o mga typographical errors, maling
pagbabantas sa mga pahayag, at gayundin ang mga ideya o impormasyong aksidenteng naitala na hindi
naman naaangkop sa nasabing sulatin. Kinakailangan na muling salaain o gumawa ng ebaluasyon ang
manunulat sa kanyang mga itinalang datos o ebidensya kung ito ba ay sumusuporta sa kanyang paksa o
di kaya naman sa kanyang layunin sa pagsulat. Bukod pa dito, dapat na siguraduhin ng may-akda na ang
lengguaheng kanyang ginamit ay hindi nakakalito sa mga mambabasa upang maayos nilang maunawaan
ang mensaheng nais ipabatid ng may-akda. Maaari rin niyang gamitin ang konsepto ng ‘proofreading’
kung saan marahan niyang babasahing muli ang kanyang sulatin upang bawat detalye ay mapagtuunan
niya ng pansin.

 Impluwensya ng Akademikong Sulatin - Paano mag-iiwan ng impluwensya ang akademikong


sulatin sa mambabasa?

Maituturing na lubos na maimpluwensya ang isang akademikong sulatin kung ito ay walang katapusan
‘eternal’ kung saan magpasahanggang ngayon, ang mga nilalaman nito ay kapaki-pakinabang,
naaangkop, at kapupulutan ng mahahalagang aral o pangyayari ng mga mambabasa. Upang makamit
ang lebel na ito, kinakailangan na mahusay ang isinagawang interpretasyon ng manunulat sa kanyang
akdang sulatin at gayundin na maayos ang pagkakalapat niya ng mga ideya, datos, kaisipan, at
impormasyon. Bukod pa dito, malaki ang magiging impluwensya ng akademikong sulatin sa mambabasa
kung ito ay lubos na nakaantig sa kanilang mga puso at damdamin kung saan maisasagawa lamang ito
kung buong-pusong inialay ng manunulat ang kanyang sarili sa akda. Sa panahon ngayon, tunay na
maraming manunulat na ang tumatak sa madla sapagkat ito rin ay kanilang ginamitan ng sarili nilang
estilo sa pagsulat at ang temang kanilang itinalakay ay tunay na kapaki-pakinabang hindi lamang sa
lipunan, kundi sa buong bansa habang buhay.

 Maglahad ng pagpapahalagang pangkatauhan na nahubog sa iyo matapos na maisagawa ang


mga takdang gawain sa araling ito na may kaugnayan sa katangian, hakbang at hulwaran sa
pagsulat ng sulating pang akademiko ( 3 PANGUNGUSAP) 5 puntos

Sa takdang-gawain na ito, muli kong nabatid ang mga hakbangin o prosesong dapat munang pagdaanan
bago makabuo ng isang mahusay, masistema, at makabuluhang akademikong sulatin. Bilang isang
estudyante na kadalasang naaatasang magsulat ng iba’t ibang mga sulatin, natutunan ko rin kung paano
maging isang kritikal at epektibong manunulat sa pamamagitan ng sistemang nakatala na mas lalong
humasa sa aking kakayahan sa pagsulat. Tumatak sa aking isipan na anuman ang aking isulat sa isang
akda, maaaring malaki ang maging epekto o impluwensiya nito sa mga mambabasa kung kaya’t dapat
kong panatilihin ang pagkakaroon ng kredibilidad at paninindigan sa lahat ng pagkakataon, anumang
akda ang aking sulatin sa hinaharap.
Sa panahon ngayon, karamihan sa mga tao ang mabilis na nagkakasakit at binabawian ng buhay
dahil sa kanilang kapabayaan sa kanilang mga pangangatawan at kalusugan. Gayunpaman, lahat tayo ay
nagnanais magkaroon ng mahabang buhay kung kaya’t nararapat lamang na itatak natin sa ating mga
isipan na ang tanging sikreto lamang dito ay ang pagkakaroon ng healthy lifestyle. Isa sa mga
pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng mahabang buhay ay ang pagkain ng tama o pagkakaroon ng
balanced diet sapagkat sa pamamagitan nito, maibibigay ang tamang nutrisyon na kinakailangan ng
ating katawan upang ito ay gumana nang epektibo at pangmatagalan. Kinapapalooban din ng balanced
diet ang pagkain ng masustansyang pagkain na mayaman sa mahahalagang bitamina at mineral. Ang
pagda-diet ay dapat ding sinasabayan ng regular na pag-eehersisyo sapagkat nagko-kontribyut ito sa
pagiging masigla, malusog at “in shape” ng isang tao. Nararapat din na ang paggamit ng teknolohiya ay
inilalagay sa tama sapagkat ang labis na paggamit nito ay maaaring magkaroon ng negatibong dulot sa
kalusugan. Gayunpaman, kinakailangan pa rin ng isang tao ang pagkakaroon ng wastong disiplina sa
sarili at kabilang dito ang pagtigil sa anumang bisyo o iba pang mga nakasanayan na hindi maganda ang
epekto sa katawan. Ang itinuturing na ‘number one killer disease’ na pagkakaroon ng atake sa puso ay
isa lamang sa mga pangunahing dahilan upang ang bisyo ay bigyan ng katuldukan. Bukod pa rito, nariyan
din ang ilan sa mga karaniwang bisyo ng tao tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak na maaaring
umatake sa baga ng tao. Ang kakulangan sa tulog ay dapat ding itigil sapagkat ito ay maaaring
makaaapekto hindi lang sa pisikal kundi pati sa mental na kalusugan ng tao. Kabilang din dito ang
pagkonsumo ng matatabang pagkain na maaaring mag-ugat ng cholesterol at iba pang mga malalalang
sakit. Gayundin, dapat na pakatandaan na ang pagiging mainitin ng ulo ay maaari ring maging
kontribyutor sapagkat ito ay ang karaniwang sanhi ng pagbilis ng tibok o di kaya naman ay pagbabara ng
puso at pagtaas ng blood pressure. Alinsunod naman sa pagkakaroon ng balanced diet ay ang pagkontrol
ng tao sa tamang pagkain kung saan dito nakapaloob ang mga pagkaing dapat at hindi dapat kainin. Ilan
sa mga pagkaing mas nararapat pagtuunan ng pansin ay ang mga pagkaing libre sa taba, mas maraming
gulay at isda, at gayundin ang regular na pag-inom ng gatas at pagkain ng prutas na mayaman iba’t ibang
klase ng bitamina. Sa kabilang banda, malaki rin ang maitutulong ng pag-iwas sa mga repacked o di kaya
naman sa mga pagkaing nabibili sa fastfood sapagkat ayon sa pag-aaral, ang labis na konsumpsyon nito
ay nagdudulot ng obesity at diabetes na nagdaragdag ng panganib sa kalusugan.

Gaya ng nabanggit sa unang talata, kalakip rin ng pagkakaroon ng healthy lifestyle ang regular na
pag-eehersisyo kung saan malaki ang kapakinabangan nito sa pagpapanatili ng magandang kalusugan at
pangangatawan. Base sa ilang mga pagsusuri, ang pag-eehersisyo ay pinaniniwalaang nakapagpapataas
ng “energy” lebel ng katawan dahil isinasaayos nito ang sirkulasyon ng dugo at gayundin na naglalabas
ito ng kemikal na tinatawag na endorphins mula sa katawan na siyang nagpapasigla at nagpapatibay sa
stamina ng tao. Ang isa sa mga iminumungkahing aktibidad upang maisakatuparan ito ay ang tinatawag
na brisk walking o paglalakad araw-araw. Isa pa sa tiyak na benepisyong dala ng ehersisyo ay
nakatutulong ito upang makaiwas sa iba’t ibang uri ng karamdaman gaya ng hypertension, sakit sa puso
o ang tinatawag na cardiovascular diseases, stroke, iba’t ibang uri ng cancer, at marami pang iba. Bukod
pa rito, sa tulong ng mga pisikal na aktibidad na ito, napapanatili ng tao ang tama at wastong timbang
base sa kanyang kasalukuyang edad, laki, o tangkad na siyang magdidikta ng kanyang BMI o Body Mass
Index na esensyal para mapanatili ang balanse ng timbang at tangkad ng bawat indibidwal.

Sa huli, maimumungkahi pa rin sa lahat ang pamumuhay nang simple na siyang maituturing rin
na isa sa mga sikreto upang mabuhay nang mahaba at makabuluhan sa mundong ating ginagalawan.
Ang pagiging kontento sa anuman ang nakahain sa hapag basta’t ang mahalaga ay nakakakain nang
sapat ay isang paraan upang hindi na maghangad pa ng kung anu-ano na maaaring makasama lamang sa
kalusugan at pangangatawan ng tao. Gayundin, ang pagpapanatili ng malinis na pamumuhay ang siyang
magiging susi upang mapaunlad ang integridad, moralidad, at ispiritwalidad ng aspeto ng tao na kanyang
magiging tangan hanggang sa kanyang pagtanda. Kaakibat din nito ang pagkakaroon ng pagmamahal at
malasakit sa pamilya at maging sa iyong kapwa sapagkat sila ang parati nating makakasalubong,
makakasalamuha, at makakasama hanggang sa hinaharap. Sa huli, gaya nga ng pinaniniwalaan ng
marami, ang iyong kayamanan ay hindi mo madadala sa iyong hukay kung kaya’t ang tunay na
pamumuhay nang simple, mahaba, at matiwasay ay nagsisimula sa ‘di paghahangad ng mabilisang
pagyaman.

I. Kahalagahan ng pagkakaroon ng wastong nutrisyon


A. Mga adbentaheng dulot ng pagkain nang tama at sapat na uri ng pagkain
1. Pagkakaroon ng malusog na katawan
2. Pagliit ng tsansang magkaroon ng sakit
3. Pagpapanatili ng tamang timbang ng katawan
4. Pamumuhay nang masaya at masagana
B. Mga disadbentaheng dulot ng hindi pagsunod sa wastong nutrisyon
1. Pagkakaroon ng malnutrisyon
2. Kakulangan sa bitamina at mineral na kailangan ng katawan

II.
III. Epekto ng pagkain ng gulay sa kalusugan ng tao
A. Mga benepisyong dala ng pagkonsumo ng gulay
1. Makaiiwas sa iba’t ibang uri ng karamdaman
2. Pagkakaroon ng masigla at malusog na pangangatawan

II. Mabuting dulot at benepisyong matatamo kaakibat ng wastong nutrisyon sa kalusugan

A.Pagkain ng iba't ibang klase ng gulay

1. Benepisyong dulot sa katawan dala ng pagkain ng masusustansyang pagkain


a. Nakakapagbigay ng pagkakataon sa mga indibidwal na makapamuhay ng payapa at mahaba

b. Laki ng posibilidad na makaiwas sa ano mang uri ng sakit

c. Nakapagbibigay ng iba't ibang klaseng bitamina at mineral na kinakailangan ng katawan

d. Nakakaiwas sa banta ng malnutrisyon at pagiging obese

e. Nagiging aktibo ang paggawa sa isang bagay dahil sa lakas ng pangangatawan

B. Mga bitaminang maaaring makuha sa mga gulay

1. Mula sa mga berdeng madahon at kulay dilaw na mga gulay

a. Beta-Carotene

b. Vitamin C

c. Iron

d. Calcium

e. Diety fiber

f. Folic Acid

g. Vitamin E at phytochemicals

2. Mula sa mga di madadahong gulay

a. Diety Fiber

b. Iron

c. B-Complex Vitamins
 Nalaman

Sa araling ito, muli akong namulat sa wastong paggamit ng iba’t ibang mga bantas at pananda na
esensyal sa paglikha ng mga akademikong sulatin; gaya ng mga pananaliksik, artikulo, sanaysay, at
marami pang iba. Karaniwan itong isinasaayos sa hakbang ng pagrerebisa kung saan nararapat lamang
na maging kritikal at mapanuri ang isang manunulat sapagkat maaaring malaki ang maging epekto nito
sa kanyang akdang sulatin. Bukod pa rito, naliwanagan ang aking isip sa wastong gamit ng iba’t ibang
mga salita na kalimitang pinagkakamalian ng marami sa atin tulad ng: ng at nang, daw at raw, kita at
kata, at marami pang iba. Sa tulong din ng araling ito, nabatid kong muli ang kahalagahan ng paggamit
ng iba’t ibang mga bahagi ng pananalita at wastong paglalagay ng diin o intonasyon sa salita na siyang
magpapakita rin ng kayarian at kaayusan ng nakasulat na wika.

 Naranasan

Sa pamamagitan ng araling ito, naranasan ko ang maging isang mapanuring mambabasa at manunulat
sapagkat masugid kong kinikilatis ang bawat pangungusap na naglalaman ng iba’t ibang mga bantas at
pananda. Ginamit ko rin ang aking kritikal na pag-iisip sapagkat may mga pagkakataong matatagpuan sa
pinakamaliliit na detalye ng sulatin o pangungusap ang maling paggamit ng mga bantas at salita.
Gayundin, sa tuwing ako ay nagrerebisa ng aking sulatin, inilalagay ko ang aking sarili sa posisyon ng mga
mambabasa kung maayos at malinaw ba nilang mababatid ang mensahe o ideyang nais kong ipahiwatig
sa pamamagitan ng mga ginamit kong salita, bantas, at pananda. Sa kadahilanang ito, mas nahubog pa
ang aking kasanayan sa pagsulat na maaari kong magamit sa mga susunod ko pang sulatin sa hinaharap.

 Naramdaman

Sa paglipas ng panahon, aking napagtanto na ang mga salita ay tunay na mabilis na nagbabago ayon sa
panahon kung kaya’t naramdaman ko kung gaano kalawak ang naging pag-unlad at pag-yaman ng ating
kultura, lalong lalo na ng ating wikang Filipino. Sa kabilang banda, ako ay nakaramdam naman ng galak
sapagkat mas napaunlad nito ang aking kasanayan sa pagsulat na esensyal para sa mga kakaharapin
kong sulatin sa larangang aking kukunin. Gayundin, may mga pagkakataong nakaramdam ako ng
kaunting pagkalito sapagkat hindi ganoon kadali ang pagtukoy sa mga bantas na gagamitin sa isang
sulatin. Gayunpaman, mas nagkaroon naman ako ng kapanatagan ng loob at determinsayon sa pagsulat
sapagkat naunawaan kong muli ang wastong paggamit ng mga bantas, pananda, at iba’t ibang mga salita
na aking madadala hanggang sa hinaharap.
Kilala bilang

Hinirang na isa sa mga nagtamasa ng pinakamatataas na GPA sa bansa, si Clarisse Penaredondo

Isang sa mga tanyag na Certified Public Accountant sa bansa, si Clarisse Penaredondo ay


kinikilala bilang ‘Pride of Batangas’ pagdating sa larangan ng Accountancy dahil sa kanyang mga
natamasang parangal at sa kanyang nilikhang pangalan sa industriya ng korporasyon at pagne-negosyo.
Noong taong 2024, siya ay nagtapos bilang isang Summa Cum Laude sa Unibersidad ng Pilipinas
(Diliman) kung saan siya ay nagtamo ng kaukulang General Weighted Average (GWA) na 1.52, isa sa mga
pinakamatataas na GWA sa nasabing unibersidad. Doon, siya ay kumuha ng kursong Bachelor of Science
Major in Business Administration and Accountancy (BSBAA), isang double-degree program na handog ng
UP Diliman para sa mga nagnanais maging Certified Public Accountant. Pinagpatuloy niyang muli ang
kanyang pag-aaral sa De La Salle University noong taong 2025 upang kumuha naman ng Master’s Degree
sa layong mas mahasa ang kanyang potensyal at mas maitaas ang kanyang posisyon sa larangan ng
Accountancy and Management. Matapos nito, siya ay kumuha ng CPA Licensure Examination kung saan
siya ay hinirang bilang isa sa mga Top Scorers ng kanilang pangkat na may gradong 90.33%. Sa
kasalukuyan, siya naman ay naka-enrol sa isang kilalang law school sa bansa upang makuha ang titulo
bilang isang Attorney.

Kasabay ng kanyang pag-aaral noong siya ay kolehiyo, siya rin ay naging isang accounting intern
sa Cantier Systems, Muntinlupa, sa loob ng dalawang buwan kung saan siya rin ay naging financial
analyst nito maka-ilang buwan lamang. Bilang kanya namang sideline job, pinasok niya ang mundo ng
online business, ang Sweet Tooth by CAP, kung saan siya ay nagbe-benta ng iba’t ibang mga baked
goods na tunay na tinangkilik ng marami. Siya rin ay kadalasang inaanyayahan ng iba’t ibang mga
korporasyon at unibersidad bilang punong tagapag-salita sa mga pagpupulong na may kinalaman sa
accountancy at business management. Bukod pa rito, siya rin ay nakapagsulat na ng isang libro na
pinamagatang ‘Secrets in Learning Accounting’ at ipinagpatuloy niya ang karerang ito sa pamamagitan
ng pagbuo ng isang personal blog, ang ‘Accountant’s Secret Files by CAP’. Nang matapos niya ang
kanyang masteral sa DLSU, siya ay muling bumalik sa UP Diliman, hindi bilang isang estudyante, kundi
bilang isa namang propesor sa mga nais sumunod sa kanyang yapak. Taong 2031, sa mga panahon ng
kanyang pagtuturo, siya ay inanyayahan ng Board of Accountancy ng nasabing institusyon bilang
chairman ng Revision Committee for Auditing Problems kung saan matagumpay niyang nagampanan.
Bilang panlalahat, masasabing tunay ngang ‘Pride of Batangas’ si Clarisse Penaredondo dahil sa kanyang
hindi matutumbasang dedikasyon at serbisyo sa larangan ng Accountancy. Gayunpaman, kailanman ay
hindi niya kinalimutang magpasalamat sa kanyang pamilya, lalong lalo na sa Poong Maykapal sa lahat ng
kanyang natamasa at kasalukuyang tinatamasa.
A book.

Each part of my life consists of many chapters. I can introduce you to the table of contents. A quick peek
of who I was in the past, the present and the future.

However, if you need to get to know me better, you have to be with me and open the book by asking
questions so that you would know each chapter of my life. You will find there’s a lot of challenges I went
through.

There’s a lot of antagonists i need to fight for. There’s a lot of people I need to help.

Also, you’ll find out the people I need to forgive and people that I asked forgiveness for. More
importantly, the thrill of chasing my biggest dreams.

If there’s one thing that symbolizes me? Yes, a good book.

An unfinished book

Box of Crayons

Prism

Watch/Clock

“Ang oras ay ginto,” ika nga ng marami kung kaya’t bawat segundo, bawat minuto, nararapat lamang na
pahalagahan ito. Kung may isang bagay o simbolo na magsisilbing representasyon ng aking buhay,
maihahalintulad ko ito sa isang orasan – orasan na patuloy ang pag-ikot, anumang unos ay handang
magpatuloy. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang orasan ay nahahati sa apat na yugto na siya ring
sumisimbolo sa isang buong siklo ng aking buhay mula pagkabata hanggang sa pagtanda kung saan sa
bawat parte nito ay samu’t saring karanasan ang siyang aking tangan. Kayrami mang problema o balakid
ang dumatal, kailanman ako ay hindi titigil hangga’t may baterya at enerhiya pa kong natitira tulad ng
bawat pagkumpas ng kamay ng orasan kasabay ng pag-agos ng buhay. May mga pagkakataong buhay ko
ay puno ng kaligayahan tulad ng isang umagang kayganda subalit mayroon din namang tulad ng isang
karimlan ng gabi na kalungkutan ang sa akin ay dala. Gayunpaman, tulad ng paggalaw ng orasan, patuloy
pa rin ang takbo ng buhay sapagkat sa lilim ng dilim ay laging may nakakubling isang umagang
paparating. Sa kadahilanang ito, masasabi kong ang aking buhay, gaya ng isang orasan, ay hindi
kailanman titigil para kanino man o anumang unos ang dumatal sapagkat ako ang siyang may hawak sa
orasan ng aking buhay. Maubusan man ng baterya, ako’y hihinging muli ng panibagong lakas at sigla
mula sa Poong Maykapal at sa mga minamahal ko sa buhay upang muling magpatuloy sa pag-ikot
hangga’t sa aking marating ang pangarap na aking minimithi.

1. Mula sa akdang ito, ipinapakita na ang replektibong sanaysay ay isang paraan ng masining na
pagsulat na sumasalamin sa mga naging karanasan o paglalakbay ng isang tao sa kanyang buhay.
Sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw, mahusay na naihayag ng manunulat ang kanyang
kuwentong-buhay na tunay na pumukaw sa damdamin ng mga mambabasa o nakikinig. Bukod
pa rito, nagkaroon din siya ng personal na realisasyon sa kanyang sulatin na ang buhay ay tila
kahalintulad ng walang katapusang paghabol sa finish line upang makamit ang tagumpay na
inaasam. Dahil dito, ang sulating ito ay hindi lamang naging isang sariling repleksyon ng may-
akda, kundi nagsilbi rin itong sanaysay na kapupulutan ng mahahalagang aral at leksyon na
maaari ring isabuhay ng mga mambabasa sa pagharap nila sa hamon ng buhay. Nag-iwan ito ng
kakintalan sa mga mambabasa na paulit-ulit man tayong subukin ng panahon, hindi dapat tayo
magpadaig sa pag-agos nito; bagkus, tayo ay magpursiging lalo upang maaabot ang sari-sarili
nating finish line sa buhay. Tunay na ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay isang parang ng
pagbabalik-tanaw sa mahahalagang pangyayari sa iyong buhay na palaging may kaakibat na
leksyong natutunan.

2. Lingid sa kaalaman ng lahat , ang replektibong sanaysay ay naiiba sa ibang uri ng mga tinalakay
na sanaysay sapagkat hindi ito nangangailangan ng masusing pananaliksik at pag-aaral. Ang
paggamit ng deskriptibong paglalarawan ay isa sa pinakamatalinong pamamaraan sa paglikha ng
replektibong sanaysay sapagkat ito ay mabisa sa pagpapahayag ng ating mga karanasan sa
paraang tayo ay nakikipag-usap o nagku-kwento lamang sa ating mga mambabasa. Ang
alituntunin ng isang replektibong sanaysay ay hindi lamang para makapagbigay larawan ng
kanyang karanasan kundi makapagbigay ng inspirasyon sa mga mambabasa sa pamamagitan ng
deskriptibong wika. Ang deskriptibong pagsulat ay nagbibigay kalayaan sa manunulat na
maipahayag ang kanyang mga natutuhan sa kanyang mga karanasan. Hindi magkakaroon ng
detalyado at tamang paglalahad kung hindi ito gagamitan ng deskriptibong wikat at magiging
mahirap maipadama sa mambabasa ang kanyang nais iparating sa replektibong sanaysay.

3. Sa pagsulat ng replektibong sanaysay, ang paksa ay karaniwang pumapatungkol sa


pangkaraniwag isyu, pangyayari, o karanasan kung saan ay hindi ito gasinong nangangailangan
ng mahabang pag-aaral. Tulad na nga lamang ng halimbawa, ikinuwento ng manunulat ang
kanyang paglalakabay upang maging isang ganap na guro. Karagdagan pa, kakaiba ito sa
talambuhay na mahaba at tinatalakay ang buong buhay ng isang tao, ang replektibong sanaysay
ay naglalayong isalaysay ang isang partikular na kaganapan sa buhay na maaaring magsilbing
inspirasyon upang pagbutihin pa lalo ng mga mambabasa ang kanilang buhay. Bukod pa rito,
kinakailanagan ding maging matalino sa pagpili ng mga salitang gagamitin sapagkat ito ay may
malaking impak sa magiging impresyon ng makakabasa nito. At huli, dapat siguraduhin ng
manunulat na ang lahat ng impormasyong nakalagak sa sulatin ay totoo at may kwenta nang sa
gayon ay makabuo siya ng koneksyon sa mga mambabasa.

4. Hindi dahil hindi masyadong nangangailangan ng pananaliksik ang replektibong sanaysay ay


hindi na ito mahalaga sa larangan ng pag-aaral. Maaring ang kalimitang layunin ng ating mga
akademikong sulatin ay makapag-bigay ng panibagong kaalaman ngunit alam naman nating
lahat na hindi lamang masusukat ang pagiging epektibo nang isang indibidwal sa pamamagitan
ng kanyang mga kaalamang teknikal na inilathala sa isinagawang sulatin kundi pati na rin ang
kanyang kakayahang maipadama ang kanyang mga nararamdaman sa kanyang mga
mambabasa. Bukod sa pagiging sukatan ang pagsulat ng replektibong sanaysay ng pagiging
isang epektibong manunulat, hindi din maipagkakaila ang kahalagahan nito sa paglalahad ng
ating opinion at saloobin bilang isang magandang paraan upang maipahayag ang nais nating
iparating hindi lang sa ordinaryong mambabasa kundi para sa mga mambabasang naghahanap
ng inspirasyon. Sa panahon ngayonn marami tayong maaring gamitin upang maipahayad ang
ating mga karanasan , kabilang na rito ang mga social networking sites at ibang digital platforms
ngunit ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay dapat maging parte ng araw-araw na gawain ng
isang mamamayan. Sapagkat, maaring naandiyan nga ang mga litratong ating ipinasa sa ating
mga telepono at mga gadget ngunit higit na mas mabisa ang replektibong lathalain sapagkat dito
ay mabibigyang tanaw mo ang iyong nakaraan sa pamamagitan ng simbolong iyong nabuo
kasabay nang pagpapagana sa sariling haraya.

5. Hillary
Sigaw

Sigawan dito, sigawan doon; tila nakabibingi ang walang tigil na alingawngaw sa loob ng tahanang ito.
Kayraming problema ang iniinda, mapa-pinansyal, relasyon, trabaho, at kung anu-ano pa. Anumang
gawin ay ‘di magawang solusyunan, palaging inuuna ang poot at galit sa isa’t isa. Sabi nila, hindi ka
lamang naninirahan sa tahanan kundi ito rin ang lugar kung saan mayroong pagkakaintindihan; subalit,
may katotohanan pa nga ba ito kung mismong ang haligi at ilaw ng tahanan ang siyang sumisira nito?
Ang mga taong dapat na unang susi sa pagkatuto ay tila ba nagdala sa buhay ng delubyo.

Iyak

Pagtulo ng luha ay walang tigil, nakakubli sa silid na tila ba’y nag-iisa sa dilim. “Tama na po,” sigaw niya
sa kanyang isip, “…hindi ko na kaya ito, ano ba ang dapat gawin ko?” Sa murang edad ay namulat sa
samu’t saring sakuna, inosenteng pag-iisip ay tila agad na nabahiran ng problema. Isang musmos na bata
na dapat ay naglalaro lamang sa kalsada, nailagak sa pamilyang puno ng problema. “Paano nga ba
makakatakas sa balakid na ito – malalampasan ko pa ba ito o habang buhay na itong nakaimprenta sa
isip ko?”

Takbo

Ninais niyang tumakbo at kumawala subalit kahit na anong gawin ay tila hindi niya magawa. Hanggang
sa pagtanda ay kanyang dala-dala, pisikal, mental, at emosyonal na kalusugan ay naaapektuhan nang
sobra. Tila naging isang malaking bangungot na kailanman ay hindi siya magising-gising, may pag-asa pa
bang darating o dapat na bang sumuko na? Sa mga ganitong pagkakataon, sandalling pumikit at
lumuhod sa harap ng Ama; humingi ng lakas at katatagan ‘pagkat hindi Niya tayo pababayaan. Talikuran
man tayo ng mundo, Siya ay palaging nariyan upang tayo’y buong-pusong tanggapin at mahalin bilang
totoong anak Niya.
Sa mga nagdaang unos at kalamidad, kapansin-pansin na ang labis na pagbaha ang isa sa mga hamong
tila hindi masolusyunan o mapigilan sa ilang pang mga komunidad ng bansa kung saan kayraming ari-
arian at kabuhayan ang nasisira na kung minsan pa ay siyang kumikitil sa buhay ng tao at hayop. Bilang
tugon sa suliraning ito, nagpanukala ang Department of Science and Technology (DOST) ng isang
proyektong maaaring makatulong sa paghahanda ng tao sa anumang kalamidad na paparating sa bansa
na tinatawag na ‘Project NOAH’. Gayunpaman, hindi maikakaila na hindi sapat ang proyektong ito upang
patigilan ang pagbaha sapagkat ito ay isang natural na penomena subalit maaari itong maiwasan at
mapigilan sa pamamagitan ng sapat na paghahanda at pangangalaga sa kapaligiran na nasa kamay ng
bawat mamamayan.

Base sa obserbasyon, ang kadalasang sanhi ng malimit na pagbaha ay ang sunod-sunod na pagdating ng
bagyo, tropical depression, matagal at malakas na pagbuhos ng ulan, pagbabago ng panahon, gayundin
ang mga baradong daanan ng tubig at ang hindi wastong pagpapanatili ng kalinisan ng mga kanal sa
kalye. Kalimitan, ang mga komunidad na nasa mababang lugar o ‘di kaya naman ay malapit sa ilog o
dagat ang kadalasang nakararanas ng lubos na pagbaha. Subalit, kung ating mapapansin, kung minsan ay
hindi sukatan ang lokasyon sapagkat kahit na ang mga lugar na nakalagak sa magandang puwesto ay
biktima rin ng pagbaha na nararapat lamang na magsilbing alarma sa bawat isa.

Gaya ng paniniwala ng marami, ang pagbaha ay hindi lamang dapat isisi sa gobyerno sapagkat ito rin ay
sanhi ng kapabayaan at walang-sawang pang-aabuso ng tao sa kapaligiran. Ang mga taong walang
pakundangan sa pagpuputol ng mga puno, ang pagtatapon ng basura kung saan-saan, ang pagtatapon
ng mga kalat gaya ng plastik, goma, at bote na bumabara sa mga daluyan ng tubig o sa mga kanal ay ilan
lamang sa mga pangunahing kontribyutor ng labis na pagbaha. Samakatuwid, ang kawalan ng disiplina at
responsibilidad ng tao sa kapaligiran ay marahil isa sa mga dahilan kung bakit magpasahanggang ngayon
ay patuloy pa rin nating hinaharap ang ganitong unos.

1. Ugaliin ang wastong pagtatapon ng basura at kung maaari ay magsagawa ng maaayos na segregasyon
sa komunidad sa pamamagitan ng pagsunod sa 3R’s o Reuse, Reduce, at Recycle.

2. Iwasan ang pagpapatupad ng deforestation o ang labis na pagpuputol ng puno para sa mga dahilang
pangkabuhayan. Kung hindi maiiwasan, agarang palitan ito at magtanim ng panibagong puno o halaman
sa paligid.
3. Ipatupad ang regular na paglilinis ng mga daluyan ng tubig sa komunidad gaya ng ilog, dagat, at
estero. Gayundin, kumonsulta sa kinauukulan para sa regular na paglilinis ng mga kanal at watersheds
tulad ng dam.

4. Kung may sapat na pondo, maaaring bumuo ng mga drainage channels sa komunidad na siyang
magsisilbing pangunahing pagdadaluyan o pagdadaanan ng baha.

5. Maging handa sa anumang sakunang paparating sa pamamagitan ng regular na pagtse-tsek ng mga


sira sa tahanan at paghahanda ng mga dokumentong kinakailangan kung sakaling kailanganing lumikas.
Gayundin, manatiling alerto sa lahat ng pagkakataon at makinig sa mga babala ng pagbaha.

Building drainage channels and floodways;

Incorporating “urban greening” such as wetlands and environmental buffers;

Creating flood warning systems; and

Land use planning for flood avoidance.

 Agenda – CLARISSE, HILLARY


 Memorandum – ALLIAH, MEG
 Minutes of the Meeting – MEG
 Cover Page – Project Proposal – CLARISSE
 Pamagat, Proponent, Nagpadala, Kategorya, Petsa – CLARISSE
 Rasyonal – ALLIAH
 Layunin - GLORIA
 Pagpapahayag ng Suliranin – MCJADE
 Plano (Detailed) - MCJADE
 Badyet (Detailed) – GLORIA
 Pakinabang – HILLARY
Posisyon – Pagpapatibay ng implementasyon ng Integrated Flood Risk Management (IFM) sa bawat lokal
na komunidad ng bansa

Sa lahat ng mga natural na penomenang kinakaharap ng ating bansa, hindi maikakailang ang pagbaha ay
mistulang isa sa lubhang mapanganib sapagkat ito ang siyang nagiging ugat ng iba’t ibang aksidente,
mapa-tao man o mapa-kalikasan. Binigyang-diin ng PAG-ASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and
Astronomical Services Administration) na ang pagbaha ay maaaring sanhi ng iba’t ibang salik tulad ng
mabigat at walang tigil na pagbuhos ng ulan, pagkasira ng dam, sunod-sunod na bagyo, natural na
lokasyon ng bansa, pagkalbo sa kagubatan o deforestation, at baradong daluyan ng tubig na kung
minsan ay mismong mga tao ang pangunahing kontribyutor. Ito ay maaaring magdulot ng matinding
epekto sa kaligtasan at kalusugan ng tao, gayundin sa kabuhayan ng bawat mamamayan gaya na lamang
ng naitalang halos 26,000 na mga ari-arian ang napinsala dahil sa nagdaang bagyo ngayong taon. Sa
kasalukuyan, tila walang sapat at mabisang hakbang na ipinatutupad ang awtoridad upang limitahan ang
lumalaking tsansa at mapanganib na bunga ng labis na pagbaha. Alinsunod dito, nararapat lamang na
mas pagigtingin at pagtibayin ang pagpapatupad ng Integrated Flood Risk Management (IFRM) sa iba’t
ibang komunidad ng bansa, lalong lalo na sa mga kabahayang nasa mabababang lugar at kalimitang
dinaraanan ng mata ng bagyo.

Bilang panukala sa Republika ng Pilipinas ukol sa mga sakunang dinaranas ng ating bansa, inilunsad ang
proyektong Integrated Flood Risk Management (IFRM) bilang pagtugon sa pagbawas ng paganib at
sakunang dala ng labis na pagbaha sa iba’t ibang lugar. Ayon sa Asian Development Bank, isang
organisasyon sa Asya at pangunahing tagapanukala ng IFRM, ang kanilang panukalang proyekto ay
naglalayon ng mga sumusunod: (i) mapabuti ang flood risk management sa pamamagitan ng agarang
pagpapabatid ng anumang sakunang darating sa bansa; (ii) pagkakaroon ng rehabilitasyon at pagbuo ng
mga imprastraktura bilang proteksyon laban sa baha; at (iii) magpalaganap ng kamalayan sa bawat
mamamayan ukol sa paghahanda at pagpapatupad ng IFRM upang mabawasan ang peligrong hatid ng
iba’t ibang kalamidad (baha). Kamakailan lamang, sa pagbayo ng bagyong Ulysses kaalinsunod ng
bagyong Rolly sa ating bansa, umakyat sa humigit-kumulang animnapu’t pitong (67) katao ang binawian
ng buhay, dalawampu’t isa (21) ang sugatan, at labindalawang (12) katao pa rin ang kasalukuyang
nawawala dahil sa mataas na baha ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management
(NDRRMC) noong Nobyembre 15, 2020. Ipinapakita lamang nito ang kawalan ng sapat na paghahanda at
kamalayan patungkol sa sakunang maaaring dulot ng pagbaha sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa mga
kadahilanang nabanggit, hindi maikakaila na nararapat lamang na ang proyektong IFRM ay mas
pagtuunan ng pansin at paglaanan ng malaking pondo lalong lalo na at malubha ang nagiging mga
kaswalidad ng nasabing pagbaha.
Hindi lingid sa ating kaalaman na isa ang Pilipinas sa mga bansang malimit na subukin ng kalamidad kung
saan ngayong taon ay higit sa dalawampung (20) bagyo na ang dumaan sa ating bansa na nagdulot ng
malubhang pagbaha. Gaya nga ng sigaw ng taumbayan, “Refuse to glorify RESILIENCY. Demand
ACCOUNTABILITY.” Hindi sa lahat ng pagkakataon ay malalampasan ng masa ang kalamidad sa
pamamagitan lamang ng katatagan. Kinakailangang may aksyon na gawin at isa na rito ang pagbibigay
tuon sa pagpapatibay ng implementasyon ng Integrated Flood Risk Management (IFRM) sa bawat lokal
na komunidad ng bansa. Kailanma’y hindi maibabalik ng ngiti ang buhay at ari-ariang nawala kung kaya’t
ang pagbahang ito ay agarang solusyunan at huwag lamang balewalain sapagkat ang epekto nito ay
maaaring maging isang malaking dagok sa ating bansa.

You might also like