You are on page 1of 558

Linked Souls

by KnightInBlack

"Whatever it takes to live freely."

***

With a sharp knife penetrated deep on my flesh, I knew I should have died that night.
Strangely, I woke up the next day.
Nothing hurt, no scar nor trace that something stabbed me.
I had no idea what happened but I continued to live my life.

Until, something felt horrifyingly wicked. Changes that were not supposed to occur normally.

That's when I realized, I really died that night.

I died just to be awaken in an endless nightmare.


I died just to serve the man who saved me.

Slaved to him, I know there's a way to break-free.

That's what I should find out.

Whatever it takes.
Work of Fiction

Linked Souls

This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise
stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form
or by any means, without the prior permission of the author.

***

KiB: Vampire x Romance


Prologue

Prologue

Humans are the worst type of creature in this world. They are feckless, irksome, dilatory, pathetic
and questionable living things. I don't see anything special on them except when they do stupid
things, I get amazed that they can still be more stupid. I still can't believe I need to get myself one
now. I need to get one human and make it my slave.

"Fuck!" I cursed in annoyance.

Kanina pa ako nakaupo dito sa railing ng isang mataas na building, pinagmamasdan ang mga tao.
Pare-pareho lang naman sila kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinapahirapan ko pang pumili
ang sarili ko. Puwede naman akong humila na lang basta ng isa at ipakilala kay Papa para
matapos na ito.

I suddenly felt someone's presence on my back.

"Just one word, Brix. Ako na ang pipili para sa 'yo." Tumabi sa 'kin si Oscar at binalingan din ng
tingin ang mga tao sa malayo. "Reminder lang, Brixton. Hanggang ngayong gabi na lang ang
binigay na palugit sa 'yo ni Papa."

That made me more irritated. Kapag hindi ako nakapili hanggang ngayong gabi ay si Papa na ang
pipili para sa 'kin. I know his taste on humans, they are the most annoying ones. No. I can get
myself one tonight. I will make sure of that.

"Ayun!" Tinuro ni Oscar ang isang babaeng nakasuot ng isang magarang damit at may hawak pa
itong espada. "Mukhang may kapangyarihan ang espada niya, Brix. Hindi ba ayaw mo sa mga
mahihina? This is your chance!"

I watched how the woman stopped when a little girl asked for a picture. The woman bent her
knees to make it up for the little girl and posed with her two fingers near her face. She even pouted
her lips covered with bloody shit.

"That's a costume, Oscar," I tsk-ed.

"Pwede na 'yan!" Bahagya niya pang sinuntok ang balikat ko. "Sabi mo ayaw mo sa ordinary, 'di
ba? Kapag nakuha mo 'yung babae, araw-araw mong pagsuotin ng costume!"

Napailing na lang ako.

"Buti pa ako meron na," aniya pa. "Celeste."


Sa isang iglap ay may babaeng sumulpot sa tabi niya. Yumuko pa ito kay Oscar at tuwang-tuwa
naman ang gago dahil sa trato sa kanya ng babae. Pero 'yon naman talaga ang dapat, 'yong
itatrato kaming hari. Okay. I just need to get myself one as soon as possible. I need to enjoy
having a slave at least.

"You smell good tonight," Oscar complimented her. Lumapit sa kanya si Celeste at pinakita nito
ang braso. Hinawakan 'yon ni Oscar at inamoy-amoy hanggang sa hindi na nito napigilang
kagatin. "Damn. You taste fucking good."

Napalunok ako nang makitang pumatak ang dugo sa sahig. Mabilis kong inalis ang tingin ko sa
kanila.

"Get a room, Oscar," I said when I felt his hands traveled on Celeste's naked thigh.

"No." He stopped. "Go ahead, Celeste. Have a good sleep, baby. I need you tomorrow."

"Yes, Master Oscar." And Celeste disappeared again.

Pinunasan ni Oscar ang bibig niya bago bumaling sa akin. Pinanatili ko ang tingin sa malayo.

I don't want to be reckless on choosing my slave. I want it to be at least special. Pero siguro nga
ay pare-pareho lang talaga sila. Kung magpapatuloy ako sa pagiging mapili ay lilipas ang gabing
wala pa rin akong alipin.

"I see. You finally decided," Oscar whispered, thrilled.

I have no choice.

Muli kong pinanuod ang mga tao sa malayo. Agad na naagaw ng pansin ko ang isang babaeng
mabilis na tumatakbo. Namataan ko rin ang isang lalaking tumatakbo palayo sa kanya, may
hawak itong bag na halatang pagmamay-ari ng babae.

"You see that, Oscar?" I pointed my finger on the woman who was trying to get her thing back.
"That's how stupid people are. That thief has a knife on his back. He wouldn't hesitate to stab the
stupid girl if she will persist on getting back that meaningless bag."

"That bag must have a huge amount of money," Oscar responded.

"Exactly!" I chuckled while shaking my head. "Dahil sa pera ay ibubuwis niya ang kanyang buhay."

Napataas ang mga kilay ko nang may isang babae na sumali sa eksena. Pinatid niya ang
magnanakaw kaya tumumba ito sa sahig. Agad na kinuha ng babaeng 'yon ang bag na tumilapon
at binalikan ang nakahandusay na lalaki para ihampas sa mukha nito ang bag.

"Ang laki-laki mong tao, magnanakaw ka!" dinig kong sabi nito.

Tinalikuran nito ang lalaki para salubungin ang babaeng nagmamay-ari ng bag. Nagpasalamat sa
kanya ang babae at inalok pa siya ng pera pero umiling ito. Hindi ko maiwasang mapatitig sa
kanyang nakangiting mukha.

Bumali ang leeg ko nang makitang bumangon ang lalaking magnanakaw.

The next thing I knew, the girl who interfered the scene collapsed on the cold ground, with a knife
stabbed on her back. I felt how she gasped for more air and as she tried to open her blurry eyes.
Strangely, I didn't feel how scared she supposed to be – something a human should feel in this
kind of time.

The other girl screamed for help but the people around just stared at them, like they are in some
scenes in a movie.

"Pathetic human," I whispered.

Mabilis na sinundan ko ng tingin ang magnanakaw na tumatakbo palayo.

"What a hero," Oscar whispered.

Tumayo ako at nag-inat ng katawan. Tumalon ako pababa ng building at sinalubong ang
magnanakaw. Natigilan ito dahil sa akin. Napansin ko agad na nanginginig ito habang nakatutok
sa akin ang kutsilyong pinangsaksak niya sa babae.

"Why are you shaking?" I asked.

"Huwag kang lalapit," pagbabanta pa nito.

Bago pa man siya makatakbo uli at mabilis na nakalapit ako sa kanya. Pinasok ko sa dibdib niya
ang kamay ko at hinila palabas ang kanyang puso. Kung katulad lang ako ng mga kapatid ko na
masyadong hayok sa dugo ay malamang na tuyo na ang lalaking ito.

Umiling ako. Mapili rin ako sa dugo. Not this ugly human.

Bumagsak sa sahig ang lalaki. Pinatong ko sa kanyang tabi ang puso niyang tumitibok pa.

"Damn. Akin na lang?" tanong ni Oscar na nakasunod pala.


Hindi ako sumagot.

Pinuntahan ko ang babaeng sinaksak, pinagkakaguluhan pa rin ito ng mga tao. Inakay ko ito sa
aking bisig at naglakad palayo. Nakasunod pa ng tingin sa akin ang mga tao. Nang makalayo ako
ay tumakbo na ako sa mas malayong parte.

"She's dead," Oscar said. Nagpupunas na ito ng dugo sa labi.

Ibinaba ko sandali ang babaeng walang buhay. Hinawakan ko ang ulo niya. Napasinghap ako
nang unti-unting mabasa ko ang kanyang buhay. Napatango na lang ako pagkatapos. Ngayon ay
naiintindihan ko na kung bakit tila hindi siya takot mamatay.

"D-don't tell me—"

"I found my slave," I said, smirking.


Chapter 1

Chapter 1: That Night

Nothing is more infuriating than waking up in the sound of clamorous thuds coming outside your
door. It's been months but I am still not used to being interrupted when asleep. Still, I tried to cover
my ears with pillow but the banging gets even louder.

"Astra!" sigaw ni Tita sa labas.

Wala na rin akong nagawa kung hindi ang bumangon. Inaantok na binuksan ko ang pintong sa
tingin ko ay bibigay na sa susunod na kumatok pa siya. Can she just wake up me in a nicer way?
Kailangan ba talagang kalabugin ang pinto?

"Ouch!" angal ko nang dumapo sa ulo ko ang mabigat na kamay ni Tita Ophelia, parang bakal sa
bigat. Suot na naman niya ang paborito niyang kulay pulang bulaklakin na bistida. "Magandang
umaga din, Tita," pabalang na bati ko.

"Anong oras na? Feeling prinsesa ka na naman, Astra?" Inambahan niya pa uli ako ng batok pero
mabilis na umatras ako. Gusto kong umangal kasi kahit kailan ay hindi ko naranasang prinsesa
ako rito pero tinikom ko na lang ang bibig. "Magluto ka na ng agahan. Pagkatapos ay linisin mo
ang kwarto ni Eliyah."

"Wait. May pasok din ako—"

"Ang sabi ko ay linisin mo ang kwarto ni Eliyah," putol niya sa akin na sinabayan ng panlilisik ng
mga mata. "Wala akong pakialam kung ma-late ka sa klase o kahit 'di ka na pumasok. Bakit ba
napaka maangal mong bata? Ano sa tingin mo? Libre ang pagtira mo sa amin?"

Napangiwi ako sa dami ng sinabi niya.

"Ma! Pakuha ng tuwalya!" Eliyah shouted from somewhere.

"Kumilos ka na, ha?" pagbabanta pang sabi ni Tita Ophelia bago ako tinalikuran.

Nang makalayo siya ay pabagsak na sinarado ko ang pinto. Nag-inat ako ng katawan bago
inumpisahang ligpitin ang higaan ko. Hindi naman gano'n kalakihan ang kwarto ko. May kama na
sakto lang sa akin, isang kabinet na lalagyan ng mga mangilan-ngilan kong damit at ang
pinakapaborito kong bagay sa mundo, ang mahiwagang tokador na gamit ko na magsimula
pagkabata pa. Iniyakan ko talaga ito para lang hindi ibenta ni Tita Ophelia.

Ang buhay ko ay parang isang fairy tale. Nang mamatay ang magulang ay napilitang makitira sa
pinakabruhang kamag-anak kung saan paninilbihan ang kapalit ng iyong paninirahan. Hindi
mawawala ang anak ng bruha na mang-aapi, si Eliyah na binata na pero isip-bata pa rin. Hindi pa
kami kailanman nagkasundo ng lalaking 'yon. Ang kaso lang, hindi ako anghel gaya ng mga nasa
fairy tale. Hindi ko hahayaang maliitin ako ng mga taong makikitid ang utak.

"Astralla!" sigaw na naman ni Tita Ophelia.

"Napa'no ka, Ophelia?!" pabirong sigaw ko pabalik.

I chuckled as I immediately followed on the kitchen. Tita Ophelia was having her first coffee of the
day. Nakakalimang tasa nga yata siya ng kape sa isang araw. As usual ay busy na naman sa cell
phone. Masyadong malayo sa kanyang mukha ang cell phone at ang pagpindot niya sa screen ay
gamit lang ang isang daliri. Oh, well. Oldies.

Itinali ko nang pa-bun ang buhok ko bago sinuot ang lumang apron. This is how I start the day,
aside from waking up in the sound of annoying thuds, cooking breakfast. Kumuha ako ng mga
sangkap at sinimulan ng magluto. Hindi ko man namana ang kabutihang loob ni Mama, namana
ko naman ang kahusayan niya sa kusina. Habang nakasalang sa apoy ang niluluto ay napatingin
ako sa mga hugasan.

Kumunot ang noo ko. Sa pagkakaalam ko ay hinuhugasan ko ang mga plato bago ako matulog.
Ayoko sa lahat ay hinahayaang lumipas ang araw nang may hugasan sa sink. Pero... bakit parang
nakalimutan ko yata kagabi?

"Saan ka kumain kagabi?" dinig kong tanong ni Tita.

Napatingin ako sa kanya. "Po?"

Pabagsak na ibinaba niya ang cell phone.

"Where you eat... rice... last night?" Napakapa pa ito bago mahinang tumawa. "English na 'yan
ah? Baka 'di mo pa rin maintindihan."

Mas lalo akong naguluhan.

"Hindi ako kumain dito?"

Tinaas niya ang mga kilay niyang guhit lang.

"Hindi ko nga alam na umuwi ka. Hindi ba ang bilin ko ay kapag wala ka pa sa bahay bago mag
alas otso ng gabi ay hindi na kita papasukin. Kinandado ko ang pinto, saan ka dumaan? May
sikreto ka bang daanan na hindi ko alam?"

Umawang ang bibig ko pero agad din na natikom nang maamoy ko ang niluluto ko. Tumalikod ako
at hininaan ang apoy. Humarap ako uli kay Tita na tutok na naman sa cell phone.

Napasandal ako sa lababo at napaisip. Okay. That's strange. Hindi ko matandaan na umuwi ako
kagabi. Nagising lang ako kaninang madaling-araw dahil sa isang panaginip na nasaksak daw ako
sa likod. Wala sa sariling napahawak naman ako sa likod ko. Wala naman akong nararamdaman
na kakaiba.

"Ma!" sabay kaming napalingon sa lalaking naka puting polo shirt, naka-boxer shorts lang ito at
halatang natataranta. Here comes the baby boy of Lavoza Family, Eliyah. "Tingnan mo.
Kamukhang-kamuha ni Astra!" Pinakita niya ang cell phone kay Tita.

Lumapit din ako para sumilip.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sarili sa picture na kumakalat sa Facebook,
nakahandusay sa sahig at nababalutan ng dugo. Nanlamig ang buo kong katawan. Imposibleng
kamukha ko lang 'yon dahil pareho kami ng damit.

Sabay na napatingin sa akin ang mag-ina.

Mahinang tumawa si Tita pero halatang pilit. "A-ano ka ba, Astra. Alam kong may hindi tayo
pagkakaintindihan pero huwag mo naman kaming multuhin."

Sa sobrang gulat ay hindi ako nakapagsalita. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko kung
sakali. Kinilabutan ako sa pagkakataong ito. Posible kayang hindi panaginip ang nangyari kagabi?
Pero kung gano'n man, bakit buhay pa ako? Bakit nakauwi ako nang parang walang nangyari?

Napatalon ako sa gulat nang pisilin ni Eliyah ang pisngi ko. "Buhay siya, Ma. Nahahawakan ko."

I flinched my head when he was about to pinch me again.

"H-hindi ako 'yan!" I shook my head. "Patay na 'yan, buhay pa ako."

"Anong hindi?" Si Eliyah na muling tumingin sa cell phone bago lumipat sa akin. Pabalik-balik ang
tingin niya. "Teka..." Kumunot ang noo nito bago lumapit sa akin. "Kanino damit ang suot mo?"
Hinawakan niya ang damit ko.

Mukhang hihimatayin yata ako nang mapagtantong hindi akin ang suot kong damit. Alam ko lahat
ng damit ko, hindi akin ang isang 'to. Mukhang bago pa. Wala naman akong bagong damit. Kanino
galing 'to?

"May price tag pa," natatawang puna ni Eliyah. "Ninakaw mo ba 'yan?"

"'Yung niluluto mo, Astra!" Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang umaalingawngaw na tinig ni
Tita Ophelia. "Hindi ka multo kaya pwede kitang batukan. Ikaw naman, Eliyah. Mag pantalon ka na
para makapag-almusal na."

"Pero kung hindi si Astra—"

"Wala na akong pakialam diyan," putol ni Tita kay Eliyah. "Bakit ba pinoproblema mo 'yan, Eliyah?
Andito si Astra. Kung sino man ang babaeng 'yan, mamayapa na lang sana ang kaluluwa niya."

Lutang ako hanggang sa matapos kaming mag-agahan. Pumasok na si Eliyah habang ako ay
naiwan para maghugas ng mga plato at para linisin ang kwarto niya. Nasa iisang school lang
naman kami pero hindi pa kami kahit kailan nagsabay sa pagpasok. Mas pabor naman sa akin
'yon. Baka i-babysit ko pa siya.

Nang matapos kong linisin ang kwarto ni Eliyah ay umakyat na uli ako sa itaas. Dalawa ang
kwarto sa ikalawang palapag pero ako lang ang natutulog doon. Duwag kasi si Eliyah kaya mas
gusto niyang matulog kasama Mama niya sa ibaba.

Pumasok ako sa kwarto ko para kumuha ng damit. Kinuha ko rin ang nakasampay na tuwalya.
Tatalikod na sana ako nang mapagawi ang tingin sa bintana. Namutla ako nang makitang may
bakas ng dugo roon.

Nablangko ang isipan ko nang ilang segundo.

Inalog ko ang ulo ko. Pinunasan ko na lang ang dugo at sinara uli ang bintana. Bumaba na ako
para pumunta sa CR. Pinilit kong huwag nang isipin ang mga kababalaghan na nangyayari dahil
sumasakit lang ang ulo ko. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng CR.

"Gagi!" Napahawak ako sa dibdib nang sumulpot sa harapan ko si Tita Ophelia.

"Akala ko ay wala ka nang balak lumabas ng CR," aniya bago ako bahagyang tinulak palayo sa
pinto ng CR. "Kapag lumabas ka, isarado mo ang gate ah? Baka lumabas si Tati," bilin pa niya na
ang tinutukoy ang alaga nilang aso.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Natulala ako nang makitang nakabukas ang bintana. Sigurado
akong sinarado ko ito kanina pagkatapos kong punasan ang dugo. Gusto kong isipin na gawa
lang ito ng hangin pero masyado nang luma ang bintana, kinakalawang na ito at pahirapang
buksan. Hindi ito kakayanin ng hangin lang.

"Si Tita Ophelia. Siya ang nagbukas," pangungumbinsi ko sa sarili.

Umupo ako sa harapan ng salamin habang sinusuklayan ang kulay itim kong mahabang buhok.
Biniyayaan din ako ng tangkad na sabi ni Mama ay namana ko kay Papa. Ang mga labi kong
kulay rosas ay kay Mama ko nakuha. At mga bilog na matang ilang beses pa lang lumuha.

Napasinghap ako nang maramdaman na parang umiinit ang pakiramdam ko. Bigla akong
nakaramdam ng panghihina kahit na katatapos lang ng agahan. Tila bumigat din ang katawan ko.
Matagal na nung huli akong magkasakit, mukhang mararamdaman ko uli ito.

Napansin kong nakanguso ang labi ko kaya agad ko itong pinalitan ng ngiti. Nabitiwan ko ang
suklay nang biglang maglaho ang sarili ko sa salamin. Mabilis na pumikit ako at nagdasal na sana
ay namamalik-mata lang ako. Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nakikita ko na uli ang sarili sa
salamin.

"Gising, Astra. Hindi ito wet dream na hinihiling mo, bangungot 'to," bulong ko sa sarili.

Sinuot ko na ang uniform ko at kinuha na ang bag ko. Hindi na ako nag-abalang tumingin pa sa
salamin dahil baka kung ano pa ang makita ko. Sa pagkakataong ito ay sinarado ko uli ang
bintana at sinigurado kong nakakandado ito. Ngayon, kapag naabutan ko itong bukas na naman
mamaya ay makikisiksik na ako sa kwarto nila Eliyah sa ibaba. Ilang buwan na rin ako dito pero
ngayon ko lang naramdaman ito.

Napahawak ako sa railing ng hagdan nang umikot ang paningin ko.

"Astra?" Napatingin ako kay Tita na nasa sala, nakaupo sa sofa habang nakatingin sa akin.
"Namumutla ka. Hindi ba maganda pakiramdam mo? Huwag ka na kayang pumasok? Maglinis ka
na lang dito."

Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. Mas lalo akong magkakasakit kung mananatili
ako rito. Nagawa kong makababa ng hagdan nang hindi natutumba. Mas tumaas ang init na
nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Nanunuyo ang lalamunan ko kaya pumunta muna ako ng
kusina para uminom ng tubig.

"Astra..." Nabitiwan ko ang baso nang may marinig na bumulong.

Napangiwi ako nang magkalat ang mga piraso ng basag na baso sa sahig. Nagtayuan ang mga
balahibo ko sa katawan. Inikot ko ang tingin sa paligid pero wala namang ibang tao rito kung hindi
ako. Pero 'yung tinig... parang napakalapit. Parang nasa loob ng ulo ko?
"Anong nangyari? Anak ng— bawas ng bente sa baon mo 'yan!" ani Tita Ophelia nang makita ang
basag na baso. "Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Astra? Kanina ay ayos ka pa naman. Ilang buwan
ka na rito kaya huwag mong sabihin na naninibago ka pa rin?"

Lumunok ako at aktong yuyuko na para pulutin ang mga piraso ng baso pero pinigilan ako ni Tita.
"Wala ka nang magagawa, Astra. Bawas na 'yan sa baon mo. Ako na ang bahala rito. Pumasok
ka na."

Masyado akong nanlalambot para sumagot kaya tumango na lang ako. Sinundan niya pa ako ng
tingin hanggang sa makalabas ako ng kusina. Naglakad ako sa sakayan ng tricyle at nagpahatid
sa Riverside University. Third year college na rin ako sa pinili kong HRM course. Kahit naman
gano'n si Tita ay hindi niya ako pinapatigil sa pag-aaral. Ginagawa niya raw ito para kay Mama.

"Astra?!" Natigilan ako sa paglalakad nang may tumawa sa akin. "Buhay ka?" gulat na tanong ni
Dahlia, ang nag-iisa kong kaibigan. Hindi naman sa hindi ako palakaibigan, hindi lang talaga ako
kaibiganin. Siguro ay dahil minsan... okay, madalas na masungit ako at wala sa mood. Aminado
naman ako.

"Kung patay na ako, ba't pa ako mag-aaral?" pagsusungit ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Pinisil-pisil niya pa ito na parang nagdududa na
totoo talaga ako. "Pero... sino 'yung kumakalat ngayon sa Facebook?" Kinuha niya ang phone
niya at pinakita sa akin. "Ito ang suot mo nung magkita tayo kahapon."

Suminghap ako nang hangin. "H-hindi ko rin alam."

Bigla na namang pumasok sa isipan ko ang mga kababalaghan na nangyari kanina. Hindi kaya
ine-engkanto ako? Hindi ako naniniwala sa gano'n pero wala naman akong maisip na ibang
dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

"You don't look good." Hinaplos niya ang noo ko gamit ang kanyang palad pero mabilis na
tinanggal din niya. "Ouch! You are burning like hell. Is that even normal?" Shocked registered on
her pale face.

"Exegerrated ka na naman." Pinilit kong tumawa kahit na may bahagi sa 'kin na naniniwala sa
sinabi niya. Sa dami ng kababalaghan na nangyari, posibleng totoong nag-aapoy ako sa init
ngayon. "Medyo hindi lang maganda pakiramdam ko."

Naramdaman ko na naman ang panunuyo ng lalamunan ko.


Napatingin ako sa sikat ng araw. Pakiramdam ko ay ito ang dahilan kung bakit sobrang
nanghihina ako. Umaga pa lang kaya hindi pa ito gaanong tirik pero tila napapaso na ako sa init
nito. Dapat pala nag sunblock ako dahil parang masusunog an balat ko.

"Hi girls!" sabay kaming napalingon sa lalaking dumating.

"Oh, Kristan. Buti dumating ka." Humalukipkip si Dahlia at nag-umpisa na namang magtaray.
"Pagsabihan mo nga itong si Astra. Nilalagnat na pero pumasok pa rin."

Napatingin sa akin si Kristan. "Hey—"

"Hep!" I cut him out. "You are not my boyfriend."

"Paano kung mamatay ka? Para saan pa ang ilang buwan niyang paghihirap na ligawan ka?"
pagsingit na naman ni Dahlia. "Alam mo, Astra? Tigil-tigilan mo nga 'yang pagiging sensitive sa
mga tao. Ano? Allergic ka sa humans?"

Napangiwi ako nang maingayan. Tila naririnig ko lahat ng mga boses sa paligid, umaalingawngaw
sa utak ko at naririndi ako.

"Punta muna tayong clinic?" suhestyon ni Kristan. Mas lumapit pa ito sa akin. "Kung ayaw mong
umuwi, at least makainom ka man lang ng gamot. Tara?"

Tumango na lang ako. Gusto ko ring makainom ng tubig.

Hahawakan na sana niya ang braso ko nang bigla itong tumalsik. Nanlaki ang mga mata ko at sa
sobrang gulat ay hindi nakapagsalita. Natigilan din ang mga estudyante at natulala kay Kristan na
bumabangon.

"W-what?" Si Dahlia. "The fuck?"

Nang makabawi ay tumakbo ako para lapitan si Kristan.

"Ayos ka lang?" alala kong tanong.

"What just happened?" kunot-noong tanong niya. Pinagpagan nito ang itim na slacks bago
bumaling sa 'kin. "Damn. It felt like someone pushed me away when I was about to touch you."

Someone? Bigla kong naalala ang tinig na tumawag sa 'kin kanina.

Nag-ring na ang bell hudyat na mag-uumpisa na ang first subject.


"S-salamat na lang, Kristan. Kailangan na naming pumasok," sabi ko bago nilapitan ang tulala
kong kaibigan. "Tara na." Hinawakan ko ang braso niya at hinila na siya papunta sa classroom.

Pagkapasok namin ay nahalata ko agad ang kakaibang tingin ng mga kaklase namin. Hindi ko
naman kailangang magtanong dahil dinig na dinig ko ang usapan nila na akala nila ay patay na
ako.

"What just happened?" Napatingin ako kay Dahlia na hanggang ngayon ay gulat pa rin. "Weird.
Ano ba talaga ang nangyari kagabi, Astra? 'Yung babae sa Facebook, ikaw 'yon, hindi ba?"

"Astra!" Napatingin ako sa isa sa mga kaklase namin. Lumapit ito sa 'kin. "Ikaw 'yung viral ngayon
sa Facebook, 'di ba? Tinulungan mo 'yong babaeng ninakawan ng bag. Kaso ikaw ang
napuruhan. Ikaw 'yon, hindi ba?"

Naglapitan din sa akin ang iba naming kaklase at sabay-sabay silang nagsalita. Kumuyom ang
mga kamao ko nang mag-umpisa na namang umikot ang paningin ko. Mas lalong bumagsak ang
pakiramdam ko sa mga sandaling ito.

"Hero ka na, Astra!"

"How did you survive?"

Stop... please.

"Move! May sakit si Astra!" dinig kong sambit ni Dahlia. Malabo na ang paligid, hindi ko na nga
alam kung nakamulat pa ba ang mga mata ko o nakapikit na. "I said move! Bingi ba kayo?!"

"Astra..." Narinig ko na naman ang tinig ng lalaki sa isipan ko.

Kinuha ko na ang bag ko at tumayo. Hinawi ko ang mga kaklase ko at tumakbo palabas ng
classroom. Nagmadali akong bumaba ang building. Malabo ang paligid kaya marami akong
nababanggang estudyante na nakakalat.

"Astra..."

Imbes na sa clinic ay dumiretso ako sa CR. Pumasok ako sa isang cubicle at kinandado ang pinto.
Umupo ako sa nakasarang bowl. Wala na ang ingay ng paligid pero hindi bumubuti ang
pakiramdam ko.

"Astra..."
"Stop!" I yelled. "Get out off my head!"

I heard a soft chuckle somewhere. It reverberated in my head and it made me feel dizzy even
more.

"The more you endure it, the more you will suffer. Welcome to my world, Astralla Martin." the
voice said and I was too feeble to even comprehend what's happening.

Alam kong may mali, hindi ito basta sakit lang. It felt like my whole body was dying for something I
couldn't offer.

Tumayo ako at lumabas uli ng sink. Halos mangapa na ako dahil sa panlalabo ng paningin.

Something struck my head and I found myself collapsing on the cold floor. While in the dark,
flickers of memories started to flashback. That night... while I was heading home... I saw a woman
running after a thief... I helped her.

I got stabbed in the back.

Bleeding... I knew no one was capable of saving me that time.

That's when I realized... I really died that night.


Chapter 2

Chapter 2: Slave

Hindi ako nawalan ng malay kahit na bumagsak ako sa sahig. Nakapikit lang ang mga mata ko,
patuloy na nanghihina ang katawan, pero alam ko ang nangyayari sa paligid. May bumuhat sa
akin at dinala ako sa clinic. Narinig kong may tumawag sa pangalan ko... si Kristan.

"Nakita ko na lang siyang nakatumba sa sahig," dinig kong sambit ni Kristan. Bakas ang
pangamba sa kanyang boses. "Damn. What's with the interrogation? Can you just do your job and
do something? She's badly hurt!"

Naramdaman kong lumapat ang likod ko sa malambot na kama. May humaplos sa noo ko.

"W-what?" I heard the a woman gasped, probably the school nurse. "We need to call an
ambulance now!"

"Wait. What's happening?"

I tried to open my eyes. Umiikot pa rin ang paningin ko dala ng matinding hilo at pagbagsak ng
lakas. Gusto ko na lang mawalan nang malay para hindi ko na maramdaman ito pero tila
lumalaban ang katawan ko. Pakiramdam ko ay may gusto itong makuha at hindi ito titigil hanggat
hindi ito nakukuha.

"Excuse me." An unfamiliar voice suddenly appeared out of nowhere. Sinubukan kong mukhaan
ito pero hindi ko magawa. "I know what to do."

"Wait. Who are you—"

"I am a doctor, too," the unfamiliar voice responded.

"What?! You can't do that!" dinig kong pagtutol ng nurse na parang may gagawing hindi maganda
ang nagpakilalang doktor. "Ako ang naka-assign dito, Mister. You can't interfere in my job. And I
need to bring her to the hospital as soon as possible."

I winced when I felt something pinched on my right arm. Like a familiar discomfort that I hate the
most, the pain of a needle. Wait. Was that a syringe? I hate syringes!

"What did you do?!"

I was set to resist when I felt a sudden relief. Bumaba ang init na nararamdaman ko at nawala ang
panunuyo ng lalamunan ko. I came back to my senses just like that. Nagawa kong imulat nang
maayos ang mga mata ko. Sumalubong sa akin ang dalawang pares ng mata na hindi familiar sa
'kin.

"How are you feeling?" he asked.

"I-I don't know?" I gulped hard. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya. Napabangon ako at
napatayo sa kama nang makita ang panusok na hawak niya. "Did you just— " Napatingin ako sa
braso kong tinusukan niya. Napakurap ako nang makitang walang dugo o bakas man lang na
tinusok ako roon. Pero sigurado akong tinusok niya ako ng karayom.

"I don't think you still need to answer," the old man responded with a little laugh.

"Astra!" Lumapit sa akin si Kristan at hinila ako paupo. Hinawakan niya ang noo ko. Nakita kong
dumaan ang gulat sa kanyang mga mata. Bumaling ito sa lalaking nakangiti pa rin habang
nakatingin sa akin. "Ano ang tinusok mo sa kanya?"

"Pampakalma..." Lumapit sa akin ang lalaki at sa hindi malamang kadahilanan ay tila hindi ako
nakagalaw. Nilapit niya ang kanyang bibig sa tainga ko. "It won't last, Lady Astra. When it comes
back, it won't be tolerable anymore," he whispered.

Naramdaman kong may ipinasok ito sa bulsa ko bago siya lumayo.

"Mister?" The school nurse called the mysterious man. "May I know your name? This is such a
disrespectful move."

The unfamiliar guy just chuckled. "Just call me..." And he turned his head on my direction again.
"Mr. Billy. Anyway, I need to go now. It's a pleasure to meet you, Lady Astralla. Until again."
Lumabas na ito ng pinto.

Ilang segundong nakatulala ang nurse bago ito sumunod sa labas.

Napatingin ako kay Kristan na nakatingin sa akin. Ilang sandali itong nakatulala bago huminga
nang malalim. Tila nawala na ang pangamba sa kanyang mukha nang makitang ayos na ako.
Bigla kong naalala ang ginawa niya para sa 'kin.

"T-thank you," bulong ko.

Umupo siya sa tabi ko at muling dinama ang noo ko. Napailing ito at mahinang natawa. "What's
with this day? Ang daming hindi maipaliwanag na pangyayari." Sandali itong tumigil para hawakan
ang kamay ko. "But, I don't care. You are good now and that's the only thing that matters to me."

Napangiti na lang din ako.

"Astra!" Sabay kaming napalingon sa babaeng mangiyak-ngiyak na pumasok din dito sa clinic.
Napasinghap ako nang pabagsak na yumakap sa akin si Dahlia at dahil do'n ay nabitiwan ni
Kristan ang kamay ko. "OMG ka girl. Namatay ka na nga kagabi, mamamatay ka pa ngayon?"

Natawa ako sa sinabi niya. Here comes the exgerrated best friend we wish to have.

"She's good now, Dahlia," said Kristan.

Kumawala sa pagkakayakap si Dahlia at pinunasan ang kaunting luha sa gilid ng mga mata.
Suminghap pa ito bago tumango.

"Sabi ko kasi sa 'yo huwag ka nang papasok eh!" padabog na sabi niya na sinabayan pa ng
mahinang hampas sa balikat ko. "Hindi na maganda ang pakiramdam mo kanina, nagpumilit pa
rin. Hindi ka naman matalino para mag-alala sa grades mo."

"Hey, easy." Inawat ni Kristan si Dahlia nang hampasin niya ako uli.

"Ano? Papasok ka pa?" tanong ni Dahlia.

Hindi ako nakasagot. Nawala na ang sama ng pakiramdam ko kaya puwede na akong pumasok.
Pero kapag naiisip ko ang sinabi nung lalaki kanina, nababahala ako. Itong nararamdaman kong
kaluwagan ng paghinga... hindi rin ito magtatagal. Kung hindi lang dahil sa mga weird na nangyari
ngayon, malamang na hindi ko ito paniniwalaan.

Bigla kong naalala ang sinabi ng boses kanina sa isipan ko."The more you endure it, the more you
will suffer. Welcome to my world, Astralla Martin." Ano ang ibig sabihin no'n? Why am I enduring
this? This weird feeling? How am I enduring it when I have no idea what's really happening?

Ano ba ang gusto niyang gawin ko?

Teka... sino ba 'yon?

Napangiwi ako nang may bumatok sa 'kin. "Gaga ka umuwi ka na para magpahinga!" bulyaw sa
'kin ni Dahlia. "Baka magkatotoo 'yung sa Facebook. Ihahatid ka na lang ni Kristan. Hindi ba,
Kristan?" baling ni Dahlia kay Kristan.

Halatang hindi handa si Kristan sa sinabi ni Dahlia kaya sandali itong natigilan. "A-ah? Syempre
naman. Hindi naman puwedeng hayaan kitang umuwing mag-isa pagkatapos ng nangyari."
"See?" Ngumisi si Dahlia. "Magpahinga ka na lang sa bahay, Astra. Kapag pinag-linis ka ni
Ophelia, sabihin mo pagdadalhan ko siya ng isang garapong kape at asukal bukas."

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi katulad ko, may kaya sa buhay itong si Dahlia. Medyo spoiled
nga si Tita Ophelia sa kanya. Pinagdadalhan kasi niya lagi-lagi ng kape at asukal si Tita kapalit ng
mas magaan na pagtrato nito sa 'kin.

"Paano kung si Eliyah ang nag-utos sa 'kin?" tanong ko na sinabayan pa ng pagtaas ng mga kilay.
"Ano ang gagawin mo, Dahlia?"

Hindi nakasagot si Dahlia.

"Wait. May crush ka kay Eliyah?!" gulat na tanong ni Kristan.

Namula ang pisngi ni Dahlia.

"Mapili kasi 'yang si Dahlia, Kristan. Mataas ang taste sa mga lalaki. Kaya nga nagustuhan niya
ang pinakamakisig, responsable, matured na lalaki sa buong mundo. Ang pinakamabait kong
pinsan... Eliyah Lavoza!"

Mas lalong pumula ang pisngi ni Dahlia nang sabay kaming humalakhak ni Kristan. Hindi ko
maintindihan kung ano ang nagustuhan niya kay Eliyah. Sa mukha naman... okay,
understandable. Guwapo naman si Eliya. Ang kaso lang... 'yon lang.

Natikom ang bibig namin nang pumasok uli ang nurse. Hatalang galit ito base sa kanyang mukha.

"Hindi kilala ng admins ang nagpakilalang doktor dito," madiin na sabi ng nurse. Nakakuyom pa
ang mga kamao nito at halatang handang manuntok. "Ang kapal ng mukha no'n. That's a crime!"

"Wait... he's not a doctor?" Kristan asked.

"I don't know," the nurse responded. "Pero wala siyang permission sa admins. Malamang na
gawa-gawa niya lang din ang pangalan na ibinigay niya. This is infuriating. Ako ang maiipit dahil
sa ginawa niya."

"Wait. Who?" Si Dahlia na walang ideya sa nangyayari.

"Kung gano'n ay dapat siyang mahuli!" pursigidong sambit ni Kristan. "Baka kung ano ang tinusok
niya kay Astra. Baka panandalian lang ito at kapag bumalik ay mas malala. We should do
something, Nurse. We can't just let it pass."

Natigilan ang nurse kaya tumaas uli ang mga kilay ko. "Ang sabi ng mga guard ay wala silang
pinapasok na gano'ng lalaki. Actually, wala pa raw pumasok na hindi teacher o estudyante dito
magsimula kanina."

"What does that mean?" I asked, confused.

"I-I don't know..." The nurse let out a heavy sigh. "Ipapaimbestiga ko ito, don't worry." Lumapit siya
sa akin at hinaplos ang noo ko. "But the good thing is you are good now. Pero hindi tayo dapat
magpakampante. Dadalhin ka pa rin namin sa hospital."

"No," biglang lumabas sa bibig ko.

"Wait. Who's the doctor?" Dahlia asked.

"What do you mean no, Miss Martin?" The nurse asked.

"I want to go home instead," sagot ko. "I just need a rest."

"Pero kailangan mong ma-check—"

"Pwede mo ba akong ihatid?" tanong ko kay Kristan.

Naguluhan ang tingin nito. Wala akong nakuhang sagot sa kanya.

Huminga ako nang malalim. "Ako na lang pala. Kaya ko naman," saad ko.

"Wait guys. Sino 'yung doktor na hindi doktor na gumamit ng pangalan na hindi niya pangalan?"
patuloy pa rin ang pagtatanong ni Dahlia. "Someone answer me!"

Tumayo na ako at sinuot uli ang sapatos ko.

"I can't just let you go home after what happened, Miss Martin. Responsibilidad kita," pagpupumilit
ng nurse. "Pauwiin din kita pagkatapos mong masuri ng mga doktor. Ako pa mismo ang
maghahatid sa 'yo. Sobrang init mo kanina... nakakapaso. That must mean something."

"I will go home now," sabi ko.

"Ihahatid na kita." Tumayo na rin si Kristan. Kinuha niya sa akin ang bag ko at siya na ang
nagbitbit no'n. "Ako na rin ang bahala sa mga subjects mo. Igagawa kita ng excuse letter.
Papatulong ako kay nurse since alam naman niya ang nangyari sa 'yo."
Bumuntonghininga ang nurse. "If that's the case..." Lumapit ito sa isang desk at may kinuha na
papel. "I will just ask you to sign this. Kapag pinirmahan mo ito ay wala na akong pananagutan
kung sakali mang may mangyaring masama sa 'yo dahil sa nangyari. But, I don't suggest—"

I cut her out when I grabbed the piece of paper on her hand. Pinatong ko ito sa lamesa at kinuha
ang ball pen sa gilid para pirmahan. Nang mapirmahan ay ibinalik ko 'yon sa kanya. Wala na
siyang nagawa sa pagkakataong 'yon. Napailing na lang ito.

"Hello, guys? I'm still here!" Dahlia exclaimed.

Bumaling ako sa kanya. "I will explain you tomorrow, Dahlia. I just want to go home now. Pumasok
ka na."

Nakaalalay sa 'kin si Kristan sa lahat ng kilos ko. Sabi ko naman sa kanya na mabuti na ang
kalagayan ko pero hindi ito nagpatinag. Kulang na nga lang ay buhatin na niya ako para lang hindi
mapagod. Hindi naman sa nagrereklamo ako... I don't know. Ayoko lang na iba ang maisip niya sa
mga kilos ko.

Matagal ko nang inamin sa kanya na wala ibang nararamdaman para sa kanya kung hindi
kaibigan lang. Kaibigan na lang naman kami ngayon pero iba ang nababasa ko sa mga kilos niya.
Kaya nga niinis ako kay Dahlia kapag tinutulak niya ako kay Kristan kahit na pabiro lang.

"I almost lost my breathe when I saw you lying on the floor," I heard him said. Diretso lang ang
tingin ko sa daan. "I know, Astra. Your feelings won't change anymore. But can you just promise
me you'll take care of yourself?"

He didn't get any response from me.

Hinawakan niya bigla ang braso ko kaya natigilan ako sa paglalakad. Bumaling ako sa kanya.
Sumalubong sa akin ang mga nag-aalala niyang mata. Bahagya akong nakaramdam ng kirot dahil
sa pagbalewala ko sa kanya.

"I-I'm good, Kristan." I forced a smile.

"For now." Sumeryoso ang boses niya. "I know you are a brave woman, Astra. I like it. No. Scratch
that. I love it. But..." He gently pressed my arms. "I want you to know when to be brave and when
to not to. Learn to read the line, Astra. There's a thin line between being brave and being
careless."
I nodded. "Noted, Kristan."

"Aw!" Nabitiwan niya ako at napaatras na parang napaso dahil sa pagkakahawak sa 'kin. "Damn it.
Another weird shit."

Napalunok ako nang mag-iba na naman ang nararamdaman ko.

Bumabalik na...

"I-I need to go home now," sabi ko.

Hinatid ako ni Kristan sa sakayan ng tricycle. Nagpumilit pa itong ihatid ako hanggang sa bahay
pero hindi na ako pumayag. Masyado na akong nakakaistorbo sa kanya. Mag-isa akong sumakay
sa tricycle at nagpahatid sa bahay.

Nagawa kong makauwi ng bahay. Sumalubong agad sa akin ang mga nakataas na kilay ni Tita
Ophelia pero hindi ko na ito nabigyan-pansin. Kahit na nagsasalita pa siya ay nagmadali na akong
umakyat sa kwarto ko.

"Sabi ko sa 'yo maglinis ka na lang dito eh!" dinig ko pang sabi nito.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay kinandado ko agad ang pinto. Pinatong ko sa lamesa ang bag ko
at nagpalit ng damit. Humarap din ako sa salamin para magsuklay ng buhok. Ito ang madalas
kong gawin kapag kinakabahan o may dinaramdam... haharap sa salamin ng tokador ko at
susuklayin ang buhok. Kumakalma ako 'pag ginagawa ito.

Mula sa reflection ng salamin, kitang-kita ng dalawa kong mata ang bintana... nakabukas ito.

Suminghap ako at pinagsawalang-kibo na ito.

Natigilan ako nang umihip ang malamig na hangin. Tumayo ang mga balahibo sa katawan ko.
Pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin... pinapanuod ako.

Ilang sandali pa ay natigilan ako sa pagsuklay nang mabitiwan ang suklay. Napatingin ako sa mga
kamay kong nanginginig. Napatukod ako nang magsimula na namang umikot ang paningin ko.
Bumalik ang panunuyo ng lalamunan ko.

Mas lalo akong natakot nang magsimulang manikip ang dibdib ko.

"You can't conceal it now." I heard a voice behind me.

Bumaling ako sa kanya. Mas naging malabo ang paningin ko dahil sa mga luha. Tumayo ako at
sinubukang maglakad pero napaluhod ako. Napahawak ako sa binti ng kung sino mang nakatayo
sa harapan ko.

"H-help me..." I begged.

I heard him chuckled.

"Sure. But, in one condition..."

His voice... I heard it before.

Napahawak ako sa leeg ko, parang sinasakal ako.

Umupo ang lalaki para magkasing-taas kami. Tumingala ako para sana makita ang mukha niya
pero hindi ko magawang maaninag ito. Pero... kitang-kita ko ang nakangisi niyang labi. Halatang
natutuwa dahil sa nakikita.

"Call me by my name while pleading. Can you do it?"

Asshole.

"What?!" Naramdaman kong hinawakan niya ang panga ko na parang babasagin ito. "Did you just
call me asshole?" Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa 'kin. "I am Brixton Cardinal. I
am your master. Now, say Master Brix while pleading."

I smirked when I finally recognized his voice.

"Whatever you say, Master Asshole," I said.

He's the voice inside my head.

Nakarinig ako ng tawa, hindi galing sa lalaking may hawak sa 'kin. May iba pa sa kwarto ko.

"Just help her, Brix. Nahihirapan na siya oh," the other voice said.

Napayuko ako nang bitiwan ng may hawak sa 'kin. Bumagsak ako sa sahig at hindi na nakagalaw
pa.

"Let her suffer," the asshole said.

"Don't be that vile to her, Brix."


"She called me asshole, Oscar. That's not how it works!"

"She's still in transition. Malay mo 'pagkatapos ay kaya mo na siyang pasunurin," pangungumbinsi


pa ng isa. "And take note, Brix. Naghihintay na si Papa sa kanya. Kapag wala ka pa ring
naipakilala sa kanya... ikaw rin, sige ka."

"Fuck it!"

Naramdaman kong may bumuhat sa 'kin.

"You are my slave, Astra. Always remember that."

I mentally laughed.

What a delusional asshole. Slave my ass.


Chapter 3

Chapter 3: The Transition


In the haywire state of my mind, a realization suddenly struck me. Hindi ko kilala ang lalaking may
buhat sa akin. Hindi ko alam kung paano sila nakapasok sa bahay nang 'di nahaharang ni Tita
Ophelia na daig pa ang aso naming si Tati kung kumahol sa mga hindi kilala. Hindi ko alam kung
paano sila nakapasok sa kwarto ko nang 'di dumadaan sa pinto.
I wanted to resist but my feeble body wouldn't let me. It felt like I was drugged up and I had no
control of my body. Who the fuck is this asshole claiming me as his slave just because he helped
me? What's even happening to me?
Napasinghot ako. Gawa ng nakalapat ang ulo ko malapit sa kanyang dibdib ay naamoy ko ang
kanyang pabango. His manly scent lingered on my nose. Oh fuck. Iyon ba ang drugs? It smells so
good. He's drugging me up!
I heard a chuckle somewhere in my head. "Your girl is interesting, Brix. She's exaggerated but in a
good way. Funny, you say. I guess you already found what you have been looking for."
If I could make a guess, Brix was the one who's carrying me and the other one was Oscar. At
least, I now know who were my abductors. I just need to have a glance at them to finally satisfy
the things that my feelings has been depriving me. How do they look like? Why am I feeling like
they should be just in dreams? Like they are not supposed to be in this world?
Kahit na nakapikit ang mga mata ko ay naramdaman kong may tumitig sa 'kin. Napakabigat sa
pakiramdam, tila kinukuryente ang mga ugat ko dahil lang sa kanyang tingin. Right. I think I am
being exegerrated just like Oscar said. But, it really feels like that.
"Normie," Brix responded after being quiet for a few seconds.
Natigilan ako nang may mag-iba sa pakiramdam ko. Nagbago ang direksyon ng pang-amoy ko.
Naramdaman kong mas tumaas ang init na nararamdaman ko. May naaamoy ako sa malayo at
sobrang naapektuhan nito ang aking katawan. Hindi ko alam kung ano 'yon pero ito ang
hinahanap ng katawan ko.
"It's starting, Brix. She needs to drink as soon as possible."
That's it. Kung ano man ang tinutukoy ni Oscar ay iyon ang dahilan kung bakit nanunuyo ang
lalamunan ko. Kung tama ang hinala ko, dadalhin nila ako sa lugar kung saan ko maiinom ang
bagay na 'yon. Well at least, I know that they are helping me,
Naramdaman kong tumigil na kami sa pagkilos. Gumaan ang paggalaw ni Brix. Parang naglalakad
na lang siya. Sa tingin ko ay narating na namin ang lugar na tinutukoy nila. Gusto ko itong makita
pero ang mga mata ko ay hindi ko maimulat.
"Master Brix." Another voice appeared out of nowhere. His voice was familiar. Where did I even
hear it? "Everything is settled. Lord Severo has attended an emergency meeting but will also come
back after. We need to get ready before he even comes back. Also, your sister has arrived to
witness the transition."
"What?!" There was a hint of annoyance on Brix's voice. "This is getting out of hand. What is so
big deal about this?"
"Do you have a problem, Brixton Wenz Cardinal?" Another voice entered the conversation. Now, I
am sure it was from a woman. Probably, from their sister. "I heard the news, that finally, the
gorgeous Cardinal has found his pet."
Hindi ko maunawaan ang mga sinasabi nila. Bakit ba hindi na lang nila ibigay sa 'kin ang
kailangan kong inumin para mawala na ang nararamdaman ko? Kailangan ko pang magsaing
para sa pananghalian. Malilintikan ako ni Tita Ophelia kapag hindi niya ako naabutan sa kwarto
ko.
"Nanghihina na si, Astra," sabi ni Oscar.
Kung magkakapatid ang tatlong ito, si Oscar ang pinaka maalalahanin.
Naramdaman kong may lumapit sa 'kin. Hinaplos niya ang mukha ko pababa sa aking labi.
Malambot at mahinhin ang pagkakahaplos niya sa 'kin kaya alam kong babae ito. Gaya ni Brix ay
humahalimuyak din sa hangin ang bango nito.

"Sis Nath, mamaya mo na siya tingnan. Kailangan na niyang makainom," ani Oscar.

Listen to Oscar, idiots!

"I-idiot?" Brix stuttered.

Oscar chuckled. "I am so fascinated by her."

"Ssshhh..." Nath, based on what I've heard from Oscar, shut him out. "Seductive lips..." She
touched my lips again. It seemed she's inspecting my facial features. "Long and silky black hair.
Glowing skin. Pointed nose. Her blood smells good. Damn it, Brix. She's so fine!"

Wait. Blood? Can she smell my blood?

Brix chortled. "Fine to kill."

Kill? Who are these people?

"Let's get her inside." That's when I recognized the familiar voice. He sounded like the doctor who
interfered the scene in the clinic.

Brix started to walk again. Narinig ko ang mga yabag nila na parang marmol na ang inaapakan
namin. Nag-uusap pa sila kaya naririnig ko ang alingawngaw ng kanilang mga boses.
Nakaramdam ako ng bahagyang takot ngayon.

Narinig kong may bumukas na pinto.

"Kailan ka rin aalis, Sis Nath?" dinig kong tanong ni Oscar.

"Baka matagalan pa. I want to know this girl," Nath responded.


Lumapat ang likod ko sa malambot na kama. Ngayon ay ramdam kong nakatingin silang lahat sa
akin.

"Wake her up," Brix commanded.

Napangiwi ako nang may tumusok na naman sa braso ko. Ilang sandali pa ay naramdaman kong
bumalik ang lakas ng katawan ko. Kaya ko nang imulat ang mga mata ko pero hindi ko ginawa.
Paano kung hindi sila tao? Paano kung mga aswang pala ang mga 'to?

"Damn. I love the way she thinks!" Nath giggled.

"Told you, Brix. She's interesting."

"Open your eyes," Brix ordered.

Nanatiling nakapikit ang mga mata ko.

"I said open you damn eyes!" Mas tumaas ang boses ni Brix pero hindi ako nito nagawang
sinadakin para imulat ang mga mata. Narinig kong bumuntonghininga ito. "See, Oscar? She's my
slave but she's not even following my words!"

"Open your eyes, Astralla," Nath said in a solemn voice.

I let out a heavy sigh as I slightly opened my eyes. Ang unang bumungad sa akin ay ang ilaw mula
sa aranya at ang puting kisame. Lumunok ako bago unti-unting nilipat ang tingin ko sa kaharapan.
Sumalubong sa akin ang tatlong taong hindi ko kilala at ang... sabi ko na kaya familiar ang boses
niya. Ang doktor na gumamot sa 'kin sa clinic, Mr. Billy.

Napatingin ako sa isang lalaking nakangiti. Buzzcut hair and naughty eyes. He must be Oscar.

"Right. Oscar here." Mas lumaki ang ngiti niya.

Lumipat ang tingin ko sa babaeng nakasuot ng kulay pulang dress. Kulay abo ang mahabang
buhok nito, pulang-pula ang labi, mahahaba ang pilik mata. Mukha siyang model. Ngayon ko lang
napagtanto na ang tatangkad nila.

Nanuyo uli ang lalamunan ko nang bumagsak ang tingin ko sa pinakahuling lalaki at
pinakamatangkad sa kanilang apat. Bumali ang leeg nito habang nakatingin sa akin kaya nakita
ko ang porma ng kanyang panga. Hair in loose pompadour style, lips were firmly shut and his
eyes were staring at me... hazardously. He was wearing a simple white shirt. His muscles flexed
as he crossed his arms on his chest.

"Gorgeous," Nath mumbled. "Hey there, Astra. I am Nathalia. Nath for short. We can be either
super close friends or mortal enemies. You decide." Saka ito ngumiti nang matamis.

"W-water..." I mumbled out of nowhere. Masyado nang tuyo ang lalamunan ko.

Tumawa si Oscar. "Water? That's not what you need right now."

Tumingin si Nath kay Mr. Billy at tumango. Yumuko naman ito bago lumabas ng kwarto.

Hindi ko magawang sabayan ang kanilang mga tingin. There's something about them that
intimidates me. Maybe, by the way they stare or because how they look elegant. They are all good
looking and... tall.

Nath cleared her throat as she sat beside me. Inalalayan niya akong makaupo. "What's your
lipstick shade?" she suddenly asked.

Napatitig ako sa kanyang mukha. Napakaganda. Napakaelegante ng kanyang kilos at pananalita.

"Thanks," she smiled again. "But, what's the shade of your lipstick? Are you eyelashes natural?
What's your skin care routine?"

"Whoa, whoa!" Tumabi rin sa 'kin si Oscar. "Stop, Sis. She's still in shock. Hindi ba, Astra?"

Hindi ko magawang makasagot. Hindi ko rin magawang tingnan ang nag-iisang lalaking nakatayo.

"Hey, Brix," Nathalia called his attention. Hindi ko na naiwasang hindi mapatingin kay Brix.
Napalunok ako nang magsabay ang mga tingin namin. "Why don't you introduce yourself to her?
For formality since matagal kayong magkakasama."

What?

"Not really." Brix shook his head. "I will replace her as soon as I find another one."

"W-what's happening?" Finally, I voiced it out.

"You are in transition, Sis Astra," Oscar answered. Napatikhim ito nang mapansin na hindi ko siya
naunawaan. "I mean... you are in between of two different worlds. You are not fully one of us but
already on the verge. You need one thing to finally be one of us. I hope that makes sense."
That didn't help me to understand things. Transition? One of them? Sabi na. Mukhang naka-drugs
ang mga ito! Gusto nilang mag-drugs din ako para maging isa na ako sa kanila. No. That won't
happen.

Isang malakas na halakhak ang lumabas sa bibig ni Oscar. Napahiga na ito sa kama habang
hawak-hawak ang tiyan dahil sa sobrang pagtawa. That confirmed my thoughts. Because of
drugs, they are slightly losing sanity.

"What kind of thinking is that?" Brix suddenly interfered. Tinaas nito ang kanyang mga makapal na
kilay na parang naghahamon. I could smell how disappointed he was. "Are you that naïve to not
realize what's all these? Think of a more profound thought. But then again, you were a human.
Nothing is profound about you."

"Hey, chill. She needs enough time, Brix. You can't just push her to absorve these things all at
once," Oscar said.

Brix laughed mockingly. "Humans are really stupid. That's just it."

Nagpantig ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Sa sobrang inis ko ay hindi ko alam kung paano ito
ilalabas. I can't be reckless especially I am in their territory. Baka hindi na ako makaalis dito kung
gagawa ako ng maling hakbang. Hindi na lang ako kikibo hanggat kaya ko.

Muling bumukas ang pinto. Pumasok si Mr. Billy kasama ang isang babae. Tulala lang ang babae
habang hawak niya sa braso. Halatang wala ito sa sarili.

"Don't worry, Astra. You will like it," Nath whispered.

Tumayo si Oscar at hinila ang babae palapit sa akin. Pinunasan nito ang braso ng babae bago
nilapit sa bibig ko. Tinitigan ko ang braso ng babae bago lumipat ang tingin ko kay Oscar na
nakangiti. Tumango pa ito sa 'kin.

Huminga ako nang malalim bago mas nilapit ang bibig sa braso ng babae. Ilang segundo ko itong
tinitigan bago hinalikan.

Katahimikan ang sumunod na nangyari.

Napatingin ako kay Oscar na nakalobo ang pisngi, halatang nagpipigil ng tawa.

"Astra girl." Nalipat ang tingin ko kay Nathalia na nakangiwi. "Y-you don't kiss it. You bite and suck
it."

Natigilan ako.

Bite?

"You are kidding me." Pinalitan ko ng tawa ang nanginginig na labi. Hindi ako iyakin na babae
pero ramdam ko na ngayon ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko. "Ayoko na. Gusto ko
na lang umuwi. Can you just please bring me home?"

"Yeah." Brix nodded. "After your transition."

I shook my head. "P-please... I just want to go home."

For the first time, I became eager to go home. I don't mind being with Tita Ophelia or with Eliyah
just to stay away from this place... from them. I don't like this.

"Hindi mo pa rin ba naiintindihan, Astra," saad na naman ni Brix. "Hindi mo ba talaga naalala ang
nangyari no'ng gabing 'yon? When you were being a pathetic careless human running after a man
just to help someone you don't even know? Don't you remember the pain of being stabbed in your
back—"

"Stopped!" I screamed. Nanginig na ang buong katawan ko. Tinulak ko ang katawan ko palayo sa
kanila at pasandal sa ulunan ng kama. "I-I don't want to think of it. Please, just let me go home."

Lumambot ang tingin sa akin ni Nathalia. Hindi ko kailangan ng awa. Ang kailangan ko ay
makalayo sa lugar na ito at hindi na sila makita uli. Hindi ko alam kung sino sila at ayoko nang
alamin pa. Ayoko rito... ayoko sa nararamdaman ko... ayoko sa mga susunod na mangyayari.

"Finally, kahit papaano ay naiintindihan mo na." Malungkot na sabi ni Nathalia. "Now. All you have
to do is to accept it. Astra, you can't do anything about it anymore. This has become your fate and
that's something you can't avoid."

Tinakpan ko ng mga kamay ko ang tainga ko para hindi na sila marinig. Muli kong pinikit ang mga
mata ko para hindi sila makita. Naramdaman kong pumatak na ang luha sa aking mga mata. I
failed. I promised not to cry anymore and I failed.

"Stop being over dramatic and just enjoy it." Naririnig ko pa rin si Brix. Baka sang inis sa kanyang
boses. "Okay. Fine. I know it's not that easy to understand this. But you have no choice."

"We are vampires," Oscar said.


Doon ako tuluyang natigilan.

"Living for centuries, we have seen the evolution of this world. Blood... is all we need to survive. As
long as there's a human, there's a vampire. We can't just be killed by a bullet nor a sharp object.
And you, Astralla Martin, is one of us now. This is your fate... unfortunately."

Bumagsak ang mga kamay kong nakatakip sa aking tainga.

"C-can I go to restroom first?" I asked.

Nagkatinginan sina Nathalia at Oscar.

"Mr. Billy..."

"Yes, Lady Nathalia." Lumapit sa akin ang nakangiting matanda. "I will assist you, Lady Astra."
Inilahad niya ang kamay sa harapan ko. "Shall we?"

Tinanggap ko ang kamay niya at sabay kaming lumabas ng silid na 'yon. Dumaan pa ako sa
harapan ni Brix. Nang tuluyan kaming makalabas ay nakahinga ako nang maayos kahit papaano.
Ngayon ay mas nabigyan pansin ko ang lugar na ito. Napakalaking bahay. Ang mga ilaw nila ay
aranya. Malinis ang paligid. Wala nga yatang alikabok.

"Ayos ka lang ba, Lady Astra?" tanong sa 'kin ni Mr. Billy.

"A-are you one of them?" I asked.

Mahinang tumango ito. "I am Billy Sandoval, the butler of Cardinals. Specifically, I serve Lord
Severo, their father and the founder of Nightfall Clan."

Napatango na lang ako kahit na wala akong maintindihan. Napatingala ako. Napakalaki talaga ng
bahay na ito na umaabot ata sa limang palapag. Maraming painting sa paligid. Hindi ko binigyan
pansin kasi mga mukha nila Nathalia, Brix, at Oscar ang nandoon. Iba-iba ang kasuotan nila.

"Here, Lady Astra." Mr. Billy opened the door for me. "I will be waiting here. Please, just call me if
you need something."

I nodded and as soon as I entered inside, he closed the door. I couldn't help it but to be amazed.
Kahit na yata ang CR nila ay mas malaki pa sa bahay namin. Napakarangya. Ang aranya sa itaas
ay halatang totoong dyamante. Ang pinagtataka ko lang ay wala akong makitang salamin.

Napako ang tingin ko sa malaking bintana. Kitang-kita ko sa labas ang malaking bukirin. Lumapit
ako at sinubukan itong buksan. Napahinga ako nang maluwag nang magawa koi tong buksan.
Sinuguro ko munang walang tao sa labas bago ako lumabas.

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa may humarang sa 'kin.

Natigilan ako at napahakbang pabalik nang isang beses. Nanlambot ang mga binti ko nang makita
ang mga nanlilisik na mata ni Brix, sobrang pula no'n. Bahagya ring sumisilip sa kanyang mga labi
ang kanyang pangil.

"U-uuwi na ako," saad ko.

I still want to think I am dreaming but I am not that fool.

He smirked. "Then, go."

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang parang may tumaas sa lalamunan ko. Nasusuka
ako pero walang lumalabas. Napaluhok ako at hinang-hina. Tila napapaso na rin ako gawa ng
araw. Muling nangilid ang luha sa aking mga mata.

"I saved you, Astra," Brix appeared in front of me, standing frim while looking down at me. "Now,
you are living to serve me. Your life depends of me."

Ako na naman ngayon ang ngumisi. "Serve who?"

Napangiwi ako nang umikot ang paningin ko.

"Can't you just be thankful I saved your life?"

I laughed. "I didn't want to be saved."

Natigilan ito pero agad ding nakabawi. "Unfortunately, you are still breathing. And as long as you
are breathing, you are linked on me. Ako ang magdedesisiyon kung kailan ka makakalaya.
Hanggat hawak kita, wala kang magagawa kung hindi sumunod sa lahat ng gusto ko. You are
nothing but a pet of mine that I can get rid of anytime I want."

Pumatak ang luha sa aking mga mata.

"You turned me into a monster!" I screamed. "I won't forgive you."

Bumali ang leeg niya. "Monster?" he laughed. "Just because we drink blood don't mean we are
monsters. And I don't care if you can't forgive me. Anyway, crap the dramatic dialogue. Whatever
you do, you will serve me. You won't die until I decide to kill you."
With my last breathe, I screamed, "You can have my life, not my decisions, you demon! You can
turn me into a monster like you, but someday, you will regret it. You will regret that you saved me.
You will regret that you met me!"

I sniffed... I can't feel my body anymore.

"I have been living for centuries now, Astralla. That threat won't work."

I chukled in the midst of confusion, pain and anger.

"That's because... you don't have me in those centuries."


Chapter 4

Chapter 4: The Cardinals

I rarely feel hopeless as I am right now. When my Mom died, I promised her that I would live my
life whatever it takes. I promised her that I would finish my study, get a better job and be happy.
When she died, half of me died together with her. Pero hindi 'yon naging dahilan para mawalan
ako ng pag-asa. Unti-unti ring bumalik ang sigla ko dala ang mga pangakong binitiwan, ngunit
panandalian lang din.

I wish he just let on that cold ground and breathless.

Pero ito ako ngayon sa isang sitwasyon na wala akong ideya. Oh, I am about to become an
immortal. Sounds thrilling for some. Not for me. Silently, I have been wishing to finally meet my
demise. Sana ay kasama ko na ngayon si Mama. But I am stuck here, but not as a human
anymore.

Dinala ako ni Brix sa isang bakanteng silid. Walang kahit na anong gamit dito. Maliit lang ang silid
na ito na may isang pinto at maliit na bintana sa itaas kung saan sumisilip ang liwanag. Kung tama
ang hinala ko ay... kulungan.

Gawa ng panghihina ay wala akong nagawa kung hindi ang umupo sa isang sulok habang yakap
ang mga binti.

"Do you really need to do this?" dinig kong tanong ni Oscar, bakas ang pag-aalala.

"This is inhumane!" Nathalia exclaimed. "Get her out of here now, Brixton."

"We are not humans for pete's sake, Nathalia. Stop exaggerating," Brix retorted. "Saka puwede
ba? This is none of your business. She is my slave and I can do anything I want to her without
asking for your permission."

Hinawi ko ang tuyong luha sa aking mga mata. Nanatili akong nakayuko at hindi magawang
tingnan ang mga nilalang na dahilan kung bakit ako nandito. Natatakot man pero hindi maitatanggi
ang tindi ng galit na nararamdaman ko... lalo na sa isang lalaki.

"This is her punishment, too," I heard Brix said. "She is my slave and I want her to know what
happens to those who won't follow my words. I don't care if she's in transition, confusion or just
being a pathetic human. My words aren't allowed to be wasted."

Nawala ang init na nararamdaman ko matapos makaalis sa sikat ng araw. Ngayon ay napalitan ito
ng panlalamig. Nanginginig ako at hindi ko alam kung dahil ba sa lamig na nararamdaman, galit o
takot. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon.

"Damn it, Brix. She got a bruise on her right arm!" Nathalia started to panick. "Oh, my feels! Her
skin... I can't watch it anymore. Mr. Billy, ask the maids to prepare my tub! I need to relax!" And I
heard the sound of her stilettos as she walked away.

Sumandal ako sa pader habang yakap pa rin ang mga tuhod. Nanatiling sa marmol na sahig ang
tingin ko. Alam kong nakatingin sa akin sina Brixton at Oscar kaya hindi ko rin magawang iangat
ang mukha ko.

"Astra..." called Oscar with his worried voice. I even heard him let out a weighty sigh. "Just do it,
Ms. Martin. After that, it won't hurt anymore. Promise. And no one can hurt you anymore. You will
become one of the strongest in this world."

I just shook my head.

No. I never wanted to be the strongest or something that makes me superior to others. Kahit na
anong ipaliwanag nila, hindi ko kailanman matatanggap ang ginawa nila sa 'kin. They cursed me
and dragged me into their miserable endless life. That's unjustifiable.

"Hey. It's not a curse—"

"Stop talking, Oscar. Ipasok niyo na ang babae," dinig kong utos ni Brix na pinutol ang sasabihin
ni Oscar. "Iwan mo na kami, Oscar. Ako na ang bahala rito. She's my slave after all. You have
your own damn Celeste. Your dumbass don't know how lucky you are you have a slave like her.
Unlike this hardheaded one."

Mga panibagong yapak ang pumasok at malapit ito sa akin.

"You know why, Brix? Because I didn't treat her like this. I got her through my harmless way, by
my charm, you say." Oscar laughed, scornfully. "If there's someone who's unlucky here, it's not
you. Stop playing the victim here!"

"Yeah? You talked too much. Fuck off!"

"Ewan sa 'yo, Brix. Daig mo pa si Mr. Billy kung makapag sungit. Bahala ka nga!" Ilang sandali pa
ay narinig ko ang mga yabag palayo.

Pagkaalis ni Oscar ay mas sumikip ang hangin.


"You are nothing against me, Astra. You think I am evil? I hate to break it to you but I already
surpassed being evil." Narinig ko ang mga yabag palayo pero huminto rin ito matapos. "This is the
last time I will let you disobey me. No more after this."

Umangat ang tingin ko sa kanya. Walang emosyon ang kanyang mga mata. Parang nakatingin
lang siya sa kawalan at malalim ang iniisip. Parang wala ako sa harapan niya. I wish I could read
what's on his mind just like what they do to me everytime. I wish I could understand why he is this
vile. He seemed filled with hatred.

A wicked smirk molded on his lips. "Unfortunately, you will never reach my mind. You are
wondering why I am this cruel to you? No. I am not. You are just being a human, easy to read and
emotional. Enjoy the food."

He closed the door after that as I heard his footsteps slowly fading.

I clenched my fist firmly. I wanted to scream and release my frustration but the woman who's also
here caught my attention. She was just staring at the light emiting from the small window. Tila wala
ito sa huwisyo.

Napalunok ako nang makitang may hawak itong patalim sa kanyang kamay. Bumagsak sa akin
ang tingin niya. Pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Parang humihingi ito ng tulong sa akin
para palayain siya.

Umawang ang bibig ko nang makitang itinaas niya ang patalim at nilapit sa kanyang braso.

Stop...

Tila nalagutan ako ng hininga nang sugatan niya ang kanyang braso.

My heart started to pound abnormally. I am losing my senses. Parang nasusunog ang mga mata
ko at kumukulo ang dugo ko. The smell of her blood was disturbing my sanity. I gulped the lump in
my throat.

Nanginginig ang mga kamay ko habang unti-unting tumatayo. I am losing my control. Hindi ko
maalis ang titig ko sa braso ng babae na dumudugo.

"Do it..." I heard Oscar somewhere in my head.

"Don't do this to me," I begged. "Just kill me please..."

"Don't lose hope, Astra. Just because you are linked to him now doesn't mean you are linked
forever. Someday... it will be broken. If there's a way in, there's always a way out. For now, just do
what needs to be done."

Nag-umpisa nang humakbang ang mga binti ko nang hindi ko namamalayan.

"Just think this way, Astra. Don't think being a vampire is a curse, think of it as a gift. As long as
you have this gift, you have a chance to stand against him. You can use this gift to avenge what
happened to you."

Kumuyom ang mga kamao ko. Isang pangalan lang ngayon ang umiikot sa isipan ko. Siya ang
puno't dulo ng mga nangyayari sa 'kin. Kung naririnig niya man ako ngayon, gusto kong malaman
niya ang nararamdaman ko. Gusto kong malaman niya na hindi ako basta-basta lang. Gusto kong
malaman niya na masyado niyang minamaliit ang kakayahan ng isang taong katulad ko.

"Goodluck, Astra..." Those were the last words I've heard from Oscar.

Bumaling ako ng tingin sa babaeng nasa harapan ko. Nakatulala ito sa akin at walang kamalay-
malay sa nangyayari. Tumutulo sa marmol na sa hig ang kanyang malapot na dugo. Sobrang
bango ng dating sa 'kin no'n.

I won't ever forgive you, Brixton Cardinal. As long as I live, you are my enemy.

Ipinikit ko ang mga mata ko at pagkamulat nito ay wala ng buhay ang babaeng ngayon ay
nakahandusay na sa sahig. Punong-puno ng dugo ang damit ko at may tumutulo pang dugo sa
labi ko. Dapat ay nagsisigaw na ako sa takot pero nagawa ko pang ngumiti. Dinilaan ko ang
kamay kong may dugo. Strangely, this feels good. It's not that bad after all.

Lumuwag ang paghinga ko at naramdaman ko ang kaginhawaan.

Mayamaya ay narinig ko ang mga yapak palapit. Humarap ako sa pinto nang bumukas ito.
Tumambad sa akin si Brix na nakatingin sa babaeng walang buhay. Bumali ang tingin nito
papunta sa akin bago pumorma ang isang ngiti sa kanyang labi.

"It's done," he whispered and I could sense how thrilled he was.

Sumulpot si Oscar sa kanyang likod. Malawak ang ngiti sa kanyang labi.

"Finally. Welcome to Nightfall Clan, Miss Astralla Martin!" Oscar said as he walked closer to me.
Inabot niya sa akin ang isang malinis na tela. "You look gorgeous even in that condition. I am
happy for you, Sis Astra."
Pinunasan ko ang labi ko ng malinis na tela habang hindi pinuputol ang tingin kay Brixton. Nawala
ang ngiti sa labi nito habang nakatingin sa puting tela na inabot sa 'kin ni Oscar. Bumagsak ang
tingin ko sa hawak niyang panyo. Itinago niya ito sa kanyang bulsa. Tumalikod ito at naglakad
palayo.

"Tara na. Kailangan mong maglinis ng katawan," aya sa 'kin ni Oscar.

Bago kami tuluyang makalabas ng silid na 'yon ay binalingan ko ng tingin ang walang buhay na
babae. Oddly, I don't feel anything for her. Sa katunayan nga ay naiingit pa ako sa kanya. At least,
hindi na siya mahihirapan pa.

Unlike me, I just got in a completely different world. It felt like I just got reborn.

I feel so energize now.

"I knew you could do it," natatawa pang sabi ni Oscar. "Nakatulong pala ang mga sinabi ko sa 'yo."

Tumigil ako sa paglalakad na ikinatigil din niya.

Bumaling siya sa 'kin. "May problema ba?"

"There's a way to break-free from this curse, right?" I asked.

Natigilan ito nang ilang sandali. "Yeah? Hmmm... yeah!"

I arched my brows. "Huwag mong sabihin na sinabi mo lang 'yon para mapilitan akong uminom ng
dugo? Did you just lie, Oscar?"

"No. Of course, not." Madiin na umiling ito pero ramdam ko ang pang-aalangan sa kanya "Alam ko
meron pero hindi ko pa rin natutuklasan. Pero at least, may chance 'di ba? Malalaman din natin
'yan."

Napaismid ako.

Sinalubong kami ng tatlong babaeng naka-uniform na kulay puti at asul na umaabot lang
hanggang sa kalahati ng hita. Yumuko ito sa harapan namin at bumati. Sa dami ng nangyayari sa
'kin, hindi ko pa rin maiwasang mamangha. Parang prinsipe at prinsesa ang turing nila sa mga
magkapatid na 'to.

"They will help you," Oscar whispered. "Kita-kits na lang mamaya, Sis Astra. Hahanapin ko pa
'yung boss mo."
I followed the three women. Dinala nila ako sa isang malawak na silid. Namilog ang mga mata ko
habang nakatingin sa maraming damit. May mga gamit din pa para sa katawan katulad ng mga
palamuti, alahas, pabango at iba pa. Base rin sa disenyo ng mga ito ay halatang mamahalin.

These vampires are damn wealthy.

"Hey!" Sumulpot bigla sa harapan ko si Nathalia. Napakurap ako habang nakatingin sa kanya. Iba
na ang suot niya pero kulay pula pa rin ito. Hanggang hita ang haba ng kanyang damit. Hindi
nakakasawa ang amoy ng kanyang pabango. "Don't you really recognize me?" she suddenly
asked. There was a bit of disappointment on her.

Kumunot ang noo ko bago umiling. "Have we met before?"

Tumikhim ito bago naglakad palayo sa akin bago tumigil pero nanatiling nakatalikod. Hindi ko
maunawaan ang pinaparating niya.

"How about this?" Bigla itong humarap sa akin at ngumiti nang matamis. Napanganga ako nang
mag-umpisa itong rumampa palapit sa akin sa nakakaakit na paraan. "Don't tell me you still don't
recognize me?"

"I-Ikaw 'yung super model sa Hollywood, hindi ba?" manghang tanong ko.

She winked at me. "Finally..."

"Cool..." I mumbled. "A vampire model."

Nawala ang ngiti sa labi nito.

"Model is enough, they don't know I am a vampire though," she said as she flipped her hair. "Uh,
someone found out pala. Pero, I don't want to lose my career so I killed him instead. And... I really
like the shape of your lips."

Hinila niya ako sa hilera ng mga magagarang damit. Hindi niya ako hinayaang mamili, siya ang
pumili para sa akin. Kulay asul na dress ang napili niya para sa 'kin na tinernonahan ng kulay
puting stilletos. Pagkatapos pumili ng damit ay hinila niya ako sa shower room.

Suminghap ako nang maamoy ang mabangong bulaklak na nanggagaling sa bumubulang tubig
ng bathtub. May mga kandila sa paligid na mas nagpapadagdag sa bango. Nakaka-relax ang
background music. Dim din ang ilaw. Actually, okay na ako sa bathtub. Hindi pa ako nakababad
do'n kahit kailan e.
"Magbabad ka lang, ah?" saad ni Nathalia na inaayos ang mga damit ko malapit sa salamin.
"Take your time. Your skin needs a break, nababad sa araw. Mayabang talaga 'yang Brixton.
Akala naman niya guwapo siya..." Tumigil ito at halatang nag-isip. "Okay, fine. Guwapo siya. Pero,
magbabad ka na lang Astra. Kapag may kailangan ka, huwag ako ang hanapin mo ah? Maraming
katulong diyan. See yah later."

Pagkasara niya ng pinto ay binalikan ko ng tingin ang bathtub. Lumapit ako roon at ibinabad ang
aking kamay. Maligamgam ang tubig.

Tumayo ako at hinubad lahat ng saplot sa katawan, ipinatong ko ito sa gilid. Pumasok ako sa loob
ng bathtub at binabad ang katawan ko. Ipinayapa ko ang likod ko sa mabangong tubig. Tumingala
ako at tumingin sa kisame.

This feels good. Hindi na ako magugulat kung makakatulog ako.

What will happen to me now? I couldn't help but to ask myself.

I am tied to the person who saved my life. That means I need to follow everything he says even if
it's against my will. He's a demon so I don't think I can win against him. As long as I am linked to
him, I can't do anything.

Bigla sumabi sa isipan ko ang mga sinabi ni Kristan. "I want you to know when to be brave and
when to not to. Learn to read the line, Astra. There's a thin line between being brave and being
careless."

He's right and this is the time when I shouldn't put myself at risk. There's nothing I can do but to be
an odedient girl. Or at least, expand my temperance. I need to be careful. I know there's a way out
of this hell and that's what I should find out... whatever it takes. I can't live like this forever.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Naalimpungatan ako nang may marinig na katok sa
pinto. Sumilip si Nathalia bago tuluyang pumasok. Base sa kanyang mukha ay halatang may
masama itong sasabihin.

"I know I said to you to take your time but..." she paused for a moment. Iba na naman ang damit
na suot niya pero kulay pula pa rin ito. Ilang beses kaya 'to magpalit sa isang araw? "Pero
parating na si Papa. We need to get ready before he even arrives. He's been expecting you,
Astra."

So... is this meeting the parents?

"Okay. I'll just take a shower," I said.


"Okay. Oh, wow. Mas lumitaw ang ganda ng kutis mo. Dito lang ako sa labas." Humagikgik ito
bago lumabas at muling sinara ang pinto.

Umahon ako sa bathtub at nagbanlaw. Kinuha ko ang tuwalya para magpatuyo ng katawan. Mas
guminhawa ang pakiramdam ko ngayon. Kahit na hindi ako gumamit ng pabango ay masyado
nang humahalimuyak ang bango ng katawan ko. My skin has never been this smooth and
glowing.

I was all smile when a realization hit me. I am going to meet their father. The father of Brixton
Cardinal. How's he like? Is he the darker version of Brixton? Probably. Mukhang sa kanya
nagmana ng kaitiman ng budhi ang lalaking 'yon. Nevertheless, I am going to meet another
character in this vampire drama.

Scared? Nah. Why would I? He could kill and I would be still thankful.

I wrapped the tower around my body before I stepped outside. Naabutan kong nakaupo sa sofa si
Nathalia habang nakatingin sa cell phone. Napansin 'ata niyang nakatingin ako kaya mabilis na
tumayo ito.

"Halika..." Pinaupo niya ako paharap sa isang magarang tukador. Hinaplos niya ang basa kong
buhok. "How do you like your hair? Since you have a long silky black hair, I don't suggest to do
anything but to dry it. But, your choice."

"Patuyuin na lang," sagot ko.

"Perfect." She plugged in the blower and started to dry my hair. Masyadong magaan ang
pagkahawak niya sa buhok ko na tila takot na takot itong mahablot kahit na isang hibla lang. "You
can try those perfume, Astra. Whatever suits your taste."

Habang pinapatuyo niya ang buhok ko ay nagsubok ako ng mga pabango. Hindi naman ako
nahirapan pumili dahil mas gusto ko ang mild lang ang amoy. Ang iba kasi ay medyo hindi na
maganda sa ilong.

Pagkatapos niyang patuyuin at maayos ang buhok ko ay inalalayan niya akong suotin ang kulay
asul na dress. Napasinghap ako nang higpitan niya ang sa dibdib na parte. Umangal ako na
masikip pero ang dahilan niya ay mas maganda raw 'yon at masasanay rin ako.

Pinagmamasdan ko ngayon ang sarili sa harapan ng salamin. Well... I look good. Kahit na puro
puri ako kay Nathalia ay ngiti lang ang naisasagot ko. Hindi naman ako mahilig sa ganito. Though
it feels comfortable, I am just not into expensive things. But, I am not complaining.

"Brixton can choke," Nathalia snickered.

Humarap ako sa kanya. "Pwede bang bigyan mo ako ng kaunting idea about sa Papa niyo? How's
he like?"

Humalukipkip si Nathalia habang nag-iisip. "You know Brixton, right?"

I swallowed hard I nodded.

"Hell yeah. He's nothing in front of our father. He's just like you, a pet of him. You know? Pero,
hindi lang naman siya. Kami rin. Strick and manipulator. Kahit na matagal na namin siyang
kasama ay medyo intimidated pa rin kami sa presence niya. Well, he's a beast. Tip, Astra? Just do
what Brix tells you. He knows our father better than anyone else here."

Wala sa sariling napangiti ako. I think nasagot na ang tanong ko kung bakit ganito ang tingin ni
Brix sa mga tao. Power. He knows he is superior and humans can't do anything against him. Just
like when he's in front of his father. He feels powerless.

Hawak-hawak ni Nathalia ang braso ko habang naglalakad kami pababa sa engrandeng hagdan.
Hindi ko maiwasang mapatingala kung saan may higanteng aranya. Mas napansin ko ngayon ang
detalye ng paligid. May mga lalaking nakaitim ang nakatayo sa bawat sulok. Tahimik na
nagmamanman sa paligid.

"Damn. Gorgeous as hell. I just hope he can be kind sometimes," Nathalia mumbled.

Masyado akong naaliw sa nakikita na hindi ko napansin ang isang lalaking naghihintay sa dulo ng
hagdan. He was wearing a black tuxedo paired with fitted black slacks. Ngayon na wala na akong
masamang nararamdaman ay mas napagtuonan ko siya ng pansin. His presence screams
authority and darkness. The way he stood there, hands inside the pocket of his slacks, he could
undeniable catch anyone's eyes.

Nathalia was right. Just kindness and he could be a dream guy. Still, not my type.

"I will go ahead," Nathalia said when we reached Brixton. Humalik pa sa pisngi ko si Nath bago
naglakad palayo. Pinagmasdan ko pa kung paano siya maglakad. Parang nasa runway lang.
Meanwhile, I couldn't even step my stilletos without trembling.

Brix cleared his throat that caught my attention. Mula sa dibdib ko ay tumaas sa mga mata ko ang
kanyang tingin.

"Just don't do stupid things, don't make it hard for both of us." He arched his brows.

Tumitig ako sa kanya nang ilang segundo bago tumawa.

Kumunot ang noo nito.

"I was a human, Brix. Nakalimutan mo na? Humans are stupid. Don't expect too much from me,"
panunuya kong saad. "But, don't worry, Brix. It's just a heads-up. I will still try to be a decent
human."

"You are no longer a human, Astra."

"Still, I was once a human. A pathetic emotional human."

Bumali ang leeg nito. Wala pa man ay nararamdaman ko na handa na itong makipagtalo. His
tolerance was damn low. Mahilig siyang mangmaliit pero kapag sa kanya na ginawa ay mabilis
itong mapikon.

He pinched the bridge of his nose as he let out a weighty sigh. Dahil malapit ako sa kanya ay
naamoy ko ang mabangong hininga nito. Medyo amoy alak pero mabango pa rin. Binasa niya ng
laway ang labi bago tumango at inangat ang braso sa 'kin.

Tiningnan ko lang ang nakalahad niyang braso.

"Can we just walk without doing that? We are not in a pageant," I complained.

Madiin itong napapikit, ramdam ko ang pagpipigil nito.

"This is not for pageant only, you stupid human. This is for formality," he whispered in
exasperation. I could now see the dark clouds starting to loom about his head. "Kumapit ka lang
sa braso ko. Mahirap ba 'yon?"

Umismid ako bago kumapit sa kanyang braso. Napatango ako nang maramdaman ang tigas ng
muscle niya roon. Damn. This demon smells good, too. Dahan-dahan lang kaming naglalakad
papunta sa tinahak kanina ni Nath.

"Is there foods?" I asked.

"Of course," he responded.


"Can I take out?" tanong ko pa.

Kailangan kong magdala ng pagkain para kay Tita Ophelia. Umalis ako nang hindi nagpapaalam.
Malamang na nag-aalburuto na 'yon ngayon kaya kailangan ko ng pampaamo. Sasabihin ko na
lang na galing ako sa fiesta.

"Why? Fuck it. Okay." I could feel how tensed he was. His father is really that intimidating huh?
"'Pagkatapos ay ipapabalot ko lahat ng pagkain at ipapadala sa inyo. Now, don't do stupid things
and if you can, just eat your food. Don't open your damn mouth unless you need to."

"How could I eat with mouth closed?"

Hindi na niya ako sinagot. Palihim akong napangiti. Pakiramdam ko ay hindi pa man kami
nakakaabot sa hapag-kainan ay sasabog na siya.

"Wait. Ikaw 'yung tumawag sa isipan ko, 'di ba?"

"Bakit ba andami mong tanong?" inis na tanong niya. "My father is waiting. He hates waiting."

"Nagulat ako nung bigla mo akong tinawag sa isipan. Nabasag ko ang baso ni Tita Ophelia.
Nabawasan ng twenty pesos baon ko. Bayaran mo 'yon." Medyo kulang na kasi ang pera ko tapos
mababawasan pa. Baka maglakad na lang ako sa susunod.

"Twenty pesos? Fine," he simply responded.

"Oops. Fifty na 'yon ah?" Naramdaman kong hinigpitan niya ang pagkakaipit sa kamay ko sa
kanyang braso. "Syempre dapat may interest. Saka para na rin sa mga panlalait mo sa 'kin. Hindi
ba slave mo ako? Dapat may bayad bawat utos mo. Wala ng libre ngayon—"

"Shut up. Let's talk after this," he cut me out. "Here we go. Be a good pet, Astra."

Pagkapasok namin sa isang silid ay tumambad sa akin ang malapad na lamesa na puno ng
pagkain. Nakaupo na roon si Nathalia katabi si Oscar na naka kulay puting tuxedo. Kailangan ba
talaga naka-formal attire kapag kakain sila?

"Keep going," Brix mumbled on my ears.

Habang naglalakad ay napatingin ako sa isang lalaking nasa pinakagitna. Tahimik lang itong
kumakain habang nagbabasa ng dyaryo. Gusto kong magmura kasi kung ito ang sinasabi nilang
Papa nila, hindi makatarungan. Parang magkasing edad lang sila. Mas matured ang mukha kay
Brix na may bigote. Nakatupi hanggang siko ang sleeve ng kanyang suot at kumikinang ang
gintong relo sa kanyang kamay.
Uupo na sana ako pero pinigilan ako ni Brix.

Napatingin ako kay Nathalia na nakangiti sa 'kin. Tumango ito.

Muli kong ibinalik ang tingin sa lalaking kumakain.

"Sir?" tawag ko.

Umawang ang bibig ko nang higitin ako ni Brix palapit sa kanya.

"Papa..." magalang na tawag ni Brixton. "Just like what I have promised you, I found mine. Her
name is Astralla Martin. She is willing to serve not just me but also you. You can have her anytime
you want."

Namilog ang mga mata ko.

Pinakawalan na ni Brix ang braso ko. Akala ko ay tapos na ang palabas pero dumausdos sa braso
ko ang kamay niya pababa sa aking kamay. Nagitla ako nang hawakan niya ang kamay ko at
hinaplos 'yon. Ngayon ay naramdaman ko ang init ng kanyang palad.

Umangat ang tingin ng Papa nila sa 'kin. Tila tinakasan yata ako ng kaluluwa nang tumitig ito sa
akin. Napakalamig at tila tumatagos. Ngayon ay alam ko na kung bakit parang asong maamo sila
kapag kaharap siya.

"Greet him and introduce yourself..." Brix whispered.

I cleared my throat.

"Hello, Sir. I am Astralla Martin. My friends call me Astra. I am 19. It's a pleasure to meet the
vampire daddy." Todo ngiti ako hanggang sa matapos akong magpakilala. "Guwapo pala kayo.
Kung mag kwento kasi si Nathalia ay parang sobrang tanda niyo na, masungit at galit sa mundo.
Hindi naman pala." Natatawa pa ako.

Napatingin ako kay Oscar nang mapaubo ito. Nabilaukan ito sa kinakain kaya mabilis na ininom
ang kulay pulang likido.

Umawang ang bibig ko nang higpitan ni Brix ang pagkakahawak sa aking kamay. Napatingin ako
sa kanya. Namumula ang mukha nito. Mukhang dapat ay hindi ako nagsalita. Pero sabi niya
magpakilala ako. Saka ang bilin niya ay sumagot ako kung kinakailangan.

Nathalia faked a cough. "Pasensya na, Papa. Hindi pa namin siya gaanong nasabihan kasi
masyadong biglaan ang mga pangyayari. But, don't worry. I will make sure she will learn
everything after this. Sa susunod na pagkikita niyo ay mas maayos na."

Tinaasan ako ng kilay ni Nathalia bago ito umirap.

Sumimangot ako.

"Lord Severo." Napatingin ako sa bagong pasok na si Mr. Billy. May hawak itong alak at nagbuhos
sa wine glass ni Severo. Nakayuko lang ito hanggang sa matapos siyang magsalin at nakayuko
rin ito hanggang sa pag-alis.

Napatingin ako sa mga pagkain.

"Ang sarap..." Namula ang mukha ko nang masabi ko ang nasa isipan ko.

Narinig ko uli na parang nabilaukan si Oscar. Nagpaalam ito na tatawagin daw si Celeste.
Halatang pigil na pigil itong sumabog sa pagtawa.

Nanatiling nakatayo naman si Brix, pulang-pula ang mukha. Naramdaman kong nanginginig ang
kanyang kamay.

"Brixton..." Mas bumigat ang hangin nang marinig kong nagsalita ang Papa nila.

Napapikit si Brix. "Pasensya na, Pa..."

Gulong-gulo ako sa nangyayari at mas lalo akong naguluhan nang humalakhak si Mr. Severo.
Chapter 5

Chapter 5: Good Night

I have no idea what's going on but Mr. Severo's ecstatic laugh somehow lightened the mood. Hindi
ko alam kung ano ang nakakatawa pero dahil siya lang ang tumatawa ay sumabay na lang ako.
Wala pa ring reaksyon ang mukha ni Brix pero alam kong hindi niya gusto ang nangyayari base sa
mahigpit na paghawak niya sa 'kin. Si Nathalia naman ay halatang clueless din gaya ko.

"I didn't expect this," Mr. Severo mentioned while still laughing. Nasagi niya ang baso ng alak pero
bago pa man 'yon mahulog sa sahig ay nahawakan niya agad. Napalunok ako sa sobrang bilis ng
kanyang galaw. He took a sip on it while gazing at his son.

"Don't mind her, Dad. She's just like that," said Brix as he slightly bowed his head. "I apologize for
the impudent behavior this girl had shown you. I promise that it won't happen anymore."

I mentally rolled my eyes. Can't he stop insulting me? Kung may nasabi man akong hindi
maganda, kasalanan ko bang bigla na lang nila akong dinala rito? Malay ko ba sa mga
nangyayari. Akala ko nga mas malala pa ang Papa ni Brix sa kanya pero hindi. I think he's the real
monster here.

Napasinghap ako nang tumaas sa pulso ko ang kamay ni Brix. Naramdaman kong bumabaon ang
kuko niya roon kaya napangiwi ako sa hapdi. Napatingin ako sa kamay ko. Nanlumo ako nang
makitang tumutulo na sa sahig ang dugo ko.

"Stop..." Nathalia interrupted. Napalunok ako nang makitang sobrang pula ng kanyang mga mata.
Gano'n pa man ay hindi ito nakasira sa ganda niya. Bumagay pa nga na parang naka-contact lens
lang. "Huwag mong hahayaan na ulitin ko pa ang sinabi ko, Brixton."

Brix immediately let go of my hand.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang unti-unting naghilom ang sugat doon at ilang segundo
pa ang lumipas ay nawala ito nang tuluyan. Wala man lang peklat o bakas na nasugatan ako sa
parteng 'yon. This is how powerful vampires are.

"Please, have a seat." Mr. Severo motioned his hands on the seats.

Ako na ang nauna dahil mukhang wala pang balak na maupo ni Brix. Nang bumaling siya sa 'kin
ng tingin ay nakita kong nag-aalab ang kanyang mga mata. Mabilis kong iniwas ang tingin ko dahil
nakakapanghina ang tingin niya.

Napatingin ako sa mga nakahain sa lamesa. Kumalam ang sikmura ko. Gusto ko nang kumain
pero hindi ako kumilos baka mas magalit si Brix. Pinaglaruan ko na lang ang mga kamay ko at
nakaiwas ang tingin sa mga pagkain.

"Please, enjoy the food, Astra," Mr. Severo said.

Naging hudyat 'yon para kumuha na ako ng mga pagkain at nilagay sa plato ko. Napuno ko na ng
pagkain ang plato ko pero hindi pa rin kumikilos si Brix. Nakatingin siya sa plato ko.
Ipinagsawalang-bahala ko na lang 'yon dahil baka hindi pa siya gutom.

"Oh, my feels! Take it easy, sis Astra," natatawang sabi ni Nath.

Narinig ko uli ang mahinang pagtawa ni Mr. Severo pero hindi ko na napagtuonan ng pansin.
Ngumiti ako kay Nathalia nang abutan niya ako ng isang baso ng dugo. Sumimsim ako roon kaya
mas nagkagana ako sa pagkain.

"Damn it!" biglang mura ni Brix na ikinatigil ko. Napalingon ako sa kanya. Nakaharap ito kay Mr.
Severo na umiinom ng alak. "Can you give me more time, Dad? I will find a better one, someone
who is not as stupid as this one. I promise." I could sense how desperate Brix was at this moment.

Natigilan ako sa pagnguya dahil sa sinabi niya. Ibig bang sabihin no'n ay malaya na ako? Hindi na
ako babalik sa lugar na ito?

Mr. Severo snickered, shaking his head. "Why, son? You've got yourself a perfect one. Why
change?"

Mahinang tumawa si Brix pero alam kong panunuya 'yon. Sinulyapan niya pa ako at tiningnan
mula ulo hanggang paa bago napailing. Nakakainsulto man ay wala siyang narinig sa 'kin.
Masyadong hayok kung ipangalandakan niyang ayaw niya sa 'kin.

"She's useless, Dad," sabi ni Brix.


That hit me. Hindi pa ako nainsulto nang ganito sa buong buhay ko. Hindi pa ako nagpigil nang
ganito sa tuwing may mambabastos sa akin. Still, I kept everything inside me. But then again, if I
am useless for him, that really means he's ready to set me free. Should I play his game this way?
Until he gets tired of me, being useless? Is it the way out of this mess?
"Useless just because you can't have her in your palms?" Nathalia interrupted the conversation.
Sumama rin ang tingin sa kanya ni Brix pero wala 'yong epekto sa kanya. "Why, Little Brother?
You don't want her because whatever you do, you can't tame her. That's how I see it. What
happened to the ruthless heir of Nightfall Clan?"
Bumagsak ang tingin ko sa kamay ni Brix na nakapatong sa lamesa. Kitang-kita ko ang pagguhit
ng mga kuko niya sa lamesa. Ramdam ko ang sobrang pagpipigil nito sa galit. Kaunting tulak na
lang sa kanya ay sasabog na ito.
"Is that it, son?" tanong ni Mr. Severo na nakangisi.
Bumagal ang paghinga ni Brix. Mukhang pigil na pigil talaga ito. Niluwagan nito ang tie sa
kanyang leeg.
Hindi ko na rin nagawang kumain dahil ramdam ko ang pagtaas ng tension sa paligid. Parang
nasa movie ako at naghihintay na lamang kung sino ang unang aatake para makapagtago ako sa
ilalim ng lamesa.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagtawa ni Brix na hindi kalaunan ay mas lumakas. Hinawakan
nito ang baso na may laman na dugo at uminom doon. Malawak pa rin ang ngiti sa kanyang labi
pero hindi ko masasabing natutuwa siya. Dinadaan niya sa pagtawa ang frustration na
nararamdaman.
Napasinghap ako nang bumagsak sa hita ko ang kanyang mabigat na kamay. Hindi ako nakakilos
nang haplusin niya ako roon. Ipinasok niya sa loob ng dress ko ang kanyang kamay kaya
naramdaman ko ang init mula sa pagragasa niya. Sa sobrang gulat ay hindi ko nagawang kumilos
para hawiin 'yon.
"Don't make me laugh, Nath. Sinasabi mo bang tumitikilop ako sa babaeng 'to?" Muling tumawa si
Brix. Hinaplos-haplos niya ang hita ko. "That's very insulting, don't you think?" His lips formed a
smirk.
He's ready to raise hell any moment and so am I.
Napapikit ako nang tumaas ang pagkakahawak niya sa hita ko. I haven't been insulted like this
before. Hindi pa nga ako nakahalik ng lalaki sa buong buhay ko. Hindi ko inakalang sa isang
halimaw ko pa mararanasan ito.
I am in their territory and whatever I do, I won't stand a change against him. Iyon ang lagi kong
iniisip para hindi gumawa ng magaspang na hakbang na magpapahamak sa 'kin. Pero nasasagad
niya ang pasensya ko.
"You are useless, Astra..." I heard Brix mumbled. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin na
nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Nanatili pa rin akong nakapikit at pilit na
kinakalma ang sarili. "Hear me? Useless human."
Nang maramdaman kong hinalikan niya ako sa leeg ay napatayo na ako. Kusang gumalaw ang
kamay ko at kinuha ang baso na may lamang dugo. Walang pag-aalinlangan na binuhos ko 'yon
sa mukha ni Brix.
I heard Nath gasped. "Oh, snapped!"
"Replace me then. Who cares, Brix?" Masyadong mabigat ang paghinga ko. Ngayon lang ako
nainsulto nang ganito. "I would rather die that to serve a devil like you. I am useless? Perhaps,
your delusional mind is somehow right. But at least, I am not a moron like you. You think you are
that powerful? I hate to break it to you but I can't feel it."
My heart skipped a beat when Brix starkly grabbed me on my neck and pushed me on the wall. Sa
sobrang lakas ng pagtama ng likod ko ay napaawang ang bibig ko. Umangat ako sa ere habang
sakal-sakal pa rin ni Brix. Wala akong nagawa kung hindi ang tumingin sa mga pula niyang mata.
Lumitaw ang mga ugat niya sa leeg dahil sa sobrang galit. He was showing his fangs and I knew
he could kill me right here and right now.
I am kind of scared but I managed to grin. Nahihirapan na akong huminga dahil sa pagkakasakal
niya sa 'kin pero hindi ko bibigay ang kasiyahan na gusto niya, ang makita na masindak ako. Iyon
naman ang hanap niya, ang katakutan siya. Doon siya kumukuha ng lakas.

"You deadhead insensitive pathetic human." His words were firm and coming from the depth of
irritation.

I got teary-eyed when I started to feel suffocated.

Biglang nawala sa paningin ko si Brix. Bumagsak ako sa sahig habang habol-habol ang hininga.
Napaubo pa ako. Napalingon ako sa ibang bahagi ng dining hall. Nakahiga na sa sahig si Brix
habang nasa ibabaw niya si Oscar at hawak siya sa leeg.

"I don't want to fight you, Brix. Not in front of our father," madiin na saad ni Oscar. "Go back to
your senses and show a little bit of consideration."

"Hey." Napalingon ako sa babaeng bagong dating na kasama ni Oscar. Maamo ang mukha nito
na nakangiti. Inalalayan niya akong makatayo. "Ikaw ang nakuha ni Master Brix, hindi ba? Astra.
That's what I've heard from Master Oscar."

I just nodded. She must be Celeste.

Muli kong binalikan ng tingin ang dalawang lalaki. Hindi pa rin umaalis sa ibabaw ni Brix si Oscar.

Si Mr. Severo naman ay tahimik lang na umiinom ng alak at bumalik na sa pagbabasa ng dyaryo,
hindi alintana ang kaguluhan sa paligid. Sa tabi niya ay si Mr. Billy na nakatingin lang sa
magkapatid na parang normal na ang ganitong eksena.

Napahawak ako sa leeg ko. Ramdam ko pa rin ang hapdi nito.

"That's it." Tumayo na si Nathalia at nilapitan ang dalawa. Hinila niya ang collar ng tuxedo ni
Oscar at itinayo ito.

Pabagsak na inayos ni Oscar ang kanyang puting tuxedo habang masama pa rin ang tingin sa
kapatid.

"Go back to your senses, Brothers. I am here to take a break and not for this childish play."
Nathalia was irritated now. "Oh, my feels. I hate being the eldest Cardinal. Kailangan kong umawat
ng mga pasaway na kapatid."

Oscar walked closer to me. Napatingin siya sa leeg ko at bumuga ng hangin. "I'm sorry. I shouldn't
have left. Hindi ko nabantayan si Kuya. You okay now?"

Hindi ako sumagot. Do I look okay after what that asshole did to me?

Sunod na nilapitan ni Nath si Brix at hinawakan nito ang patilya saka sapilitang itinayo. Umangal si
Brix pero hindi siya binitiwan ni Nathalia hanggat hindi ito naitatayo. Sinipa pa nito ang sikmura ni
Brix dahilan para mapaatras ito.

"Damn!" Brix groaned.

"Seat and enjoy the food," simpleng sabi ni Nath bago bumaling sa akin. Sa isang iglap ay bigla
itong ngumiti. "Pasensya na, Astra. Ganito lang talaga sila maglabingan. Halika. Kumain ka lang."
Bumali ang tingin nito sa babaeng nasa tabi ko. "Oh, hey there, Celeste. It's been a long time."

Lumapit ang babaeng nasa tabi ko at yumakap kay Nath. "It's been a long time, Lady Nathalia.
You look gorgeous as always," she complimented that made Nath giggle. She really enjoys
compliment.

"Same, Sis. Mas lalo kang gumanda. Hiyang ka yata kay Oscar?" pang-aasar ni Nath.

Lumapit din si Celeste kay Mr. Severo. Yumuko ito at humalik sa kamay nito.

"It's a pleasure to meet you again, Lord Severo," bati nito na sinabayan pa ng bahagyang 'pag
yuko.

Hindi sumagot si Mr. Severo.

Naramdaman kong may nakatingin sa akin. Tinaasan ako ng kilay ni Brix bago umirap. He even
mouthed, "That's how you do it, idiot."

Bumalik kami sa lamesa ngunit sa pagkakataong ito ay hinila ako ni Oscar palayo kay Brix. Hindi
naman kumibo si Brix. Nawalan na ako ng ganang kumain. Sumama ang pakiramdam ko, hindi
dahil sa may masakit na naman akong nararamdaman, kung hindi dahil sa nangyari.

Suminghap ako nang magbadya ang mga luha ko. Itinago ko sa ilalim ng lamesa ang mga
nanginginig kong kamay.

Hindi ako iyakin pero maraming nangyari ngayon. Una, naintindihan ko na ang mga 'di
maipaliwanag na pangyayari sa 'kin. I really died that night and I am no longer a human now.
Second, I was forced to drink a blood. Then, this confrontation. This is too much to handle.
Nakatungo lang ako habang nakikinig sa kanila. Halatang malapit si Celeste sa pamilyang ito, lalo
na kay Nath. Wala akong narinig na salita mula kay Brix at kay Mr. Severo. Mapait akong
napangiti nang mapagtanto kung paano itrato ni Oscar si Celeste.

"You okay?" bulong ni Oscar. Napansin yata niya ang pananahimik ko.

Tumango ako pero nakayuko pa rin.

"Gusto mo munang magpahinga? Ipapahatid kita sa kwarto," suhestyon niya.

"I want to go home," I whispered.

Hindi na siya nagsalita nang sabihin ko 'yon. Akala ko ay hindi pa pwede dahil hindi siya sumagot,
pero humanap lang pala siya ng tiyempo para masabi ito sa mga kasama namin.

"Papa," dinig kong tawag ni Oscar. "Hindi maganda ang pakiramdam ni Astra. Siguro ay
naninibago pa ang katawan niya sa mga pangyayari. Nagkita naman na kayo at nagkakilala,
maaari ko na ba siyang ihatid nang makapagpahinga?"

I bit my bottom lip to halt my tears. Not here, Astra. Don't shed a tear here.

Tahimik na nagdasala akong pumayag sana si Mr. Severo dahil hindi ko na kayang pigilan ang
luha ko 'pag nagtagal pa ako. I don't want them to see me in tears, especially Brix. Masyado nang
mababa ang tingin niya sa mga tao.

"Sure," Mr. Severo responded immediately. "Brix, ihatid mo muna si Astra sa bahay nila."

Napaangat ang mukha ko dahil sa sinabi ni Mr. Severo. Umatras ang luha ko nang maintindihan
kung ano ang gusto niyang mangyari.

Nahuli ko ang tingin ni Brix pero agad itong umiwas at bumaling kay Mr. Severo.

"Pa—"

"Ako na, Pa," putol ni Oscar kay Brix. Uminom ito bago pinunasan ng tissue ang labi."She has had
enough. At least, kahit man lang pauwi ay hindi siya makatanggap ng pang-iinsulto. So, please,
Dad. Let me do the favor."

Umiling si Mr. Severo. Pinunasan nito ng towel ang kanyang labi. Gusto ko sanang sabihin na
kahit wala nang maghatid sa akin pero hindi ko nga pala alam kung nasaan ako. Alam kong
malayo ito sa bahay ni Tita Ophelia. Sana lang ay si Oscar na ang maghatid sa akin. O kahit sino
na lang basta huwag lang si Brix.

"Celeste is here, siya ang asikasuhin mo Oscar," ani Mr. Severo bago bumaling kay Brix na wala
man lang reaksyon. "You had me at first, son. It's been a long time since a human pique my
interest. Natuwa ako sa pagpili mo sa kanya pero mukhang hindi gano'n ang nakikita ko sa 'yo.
Such a shame."

Napayuko si Brix, halatang 'di gusto ang mga naririnig.

Napansin ko ang lihim na pagngiti ni Nath na parang natutuwa sa eksena.

"I'm sorry, Dad," Brix mumbled.

"You asked me to give you time to replace her? Sure. I'll give you that. Ihatid mo na si Astra."
Napaayos ako ng tayo nang tumayo na si Mr. Severo. Pabagsak na inayos nito ang kwelyo ng
suot bago naglakad palayo. Nakasunod sa kanya si Mr. Billy.

Kaming lima na lang nila Brix, Oscar, Celeste at Nathalia ang naiwan. Nagpatuloy sa pagkain si
Nathalia.

"Shame. Dad was so proud of your choice, Brix. Have you heard him laugh like that before?
Whatever. Kawawa naman si Astra sa 'yo. Good choice though," pang-aasar ni Nath. "Ihatid mo
na si Astra. She needs a break from this commotion."

"Ako na lang ang maghahatid." Tumayo na si Oscar. "Let's go, Astra."

Tumayo na rin ako at hinanda na ang sarili.

Tumingin ako kay Nath. "Itong dress—"

"It's yours," ngiting putol ni Nath.

"Thank you." I turned my head on Celeste. "Nice to meet you, Celeste."

"Pleasure, Lady Astra." Nakangiting sagot ni Celeste.

"I'll be back. Maiwan muna kita rito, Celeste." Naunang naglakad si Oscar.

Susunod na sana ako nang may humawak sa braso ko. Ang mainit na palad nito at ang higpit ng
pagkakahawak niya, hindi ko na kailangang tingnan kung sino ito.
Nilingon ko si Brix. "Ako ang maghahatid sa 'yo," madiin na sambit nito.

"Oh, you are not satisfied yet, huh?" mapaklang tumawa si Oscar. "Why? May mga pang-iinsulto
ka pa bang hindi nasasabi, Brix? Go ahead. Say it all now. Ako ang maghahatid kay Astra."

Mas humigpit ang pagkakahawak ni Brix sa braso ko.

"I don't want to argue about this, Oscar. Narinig mo si Papa, sa akin niya ibinilin si Astra."
Sinubukan na akong hilahin ni Brix pero hindi ako kumilos. Kumunot ang noo nito. "What? Don't
tell me you are scared of me? Akala ko ba hindi ka takot?"

Umiling ako. "I am not scared of you. I just don't want you," I responded with my feeble voice.

I tried to free myself from his grasp but he tightened the grip. Sa huli ay hindi rin ako nakatakas.

"You are my slave, Astra," madiin na sambit ni Brix habang diretso ang tingin sa mga mata ko.
"Ako ang magdedesisyon para sa 'yo. Walang ibang maghahatid sa 'yo kung hindi ako. Unless
you want to go home by yourself."

"Fine!" Napatingin ako kay Oscar dahil sa sinabi niya. "It's fine, Astra. Hindi ka na niya guguluhin
matapos ang gabing ito. Don't worry, just because you are no longer part of this clan doesn't mean
you are no longer my friend. You still have my eyes."

Napangiti ako sa sinabi niya.

Napasinghap ako nang hilahin na ako ni Brix. Nakatungo lang ako hanggang sa makalabas kami
ng malaking bahay. Tumigil kami kaya umangat ang tingin ko. Madilim na pero maliwanag ang
paligid dala ng mga lamp post at iba pang pailaw sa paligid.

Tumikhim si Brix. "Wait me here. I'll just get my car."

Minataan ko siya hanggang sa mawala siya sa tingin ko.

Walang gana na umupo ako sa bench sa ilalim ng puno. Mansion pala ang bahay nila, hindi na
nakapagtataka. Umihip ang hangin at dahil naka-dress lang ako ay inabutan ng lamig ang binti ko
pataas sa aking katawan.

Pinaglaruan ko sa paa ko ang mga maliliit na damo.

Hindi naman sa nanghihina ako, wala lang akong gana. Pero... makakalaya na ako kay Brix.
Napangiti ako nang maisip ko 'yon. Ibig sabihin ay hindi ko na siya makikita at hindi ko na uli siya
makakausap kahit kailan.

Sa dami ng mga masamang nangyari ngayon, at least ay maganda naman ang dulo.

Napagitla ako nang may bumusina sa harapan ko. Napaismid ako. Kailangan ba talagang
bumusina?

Tumayo ako at binuksan ang pinto ng kulay itim na sasakyan saka pumasok. Sumalubong sa akin
ang familiar na amoy ni Brix. Sandali kong iginala ang tingin sa sasakyan niya. It looks expensive.
Masyadong moderno ang disensyo na umiikot sa black at maroon ang kulay.

"Seatbelt," paalala ni Brix. Naka-white long sleeve na ito na nakatiklop hanggang siko.

Tamad na inilingkis ko sa katawan ko ang seatbelt. Sinimulan ng magmaneho ni Brix. Umikot kami
sa higanteng fountain na umiilaw bago dumiretso sa main gate. May mga nagbabantay roon.
Malayo pa lang kami ay binuksan na nila agad ang gate.

Pagkalabas namin ay napagtanto kong tama ang hinala ko. Nasa gitna ng bukirin ang mansion
nila.

Gabi na. Sigurado akong kanina pa ako hinahanap ni Tita Ophelia. Hindi ko na alam kung ano ang
irarason ko sa kanya. Mapapagalitan na naman ako. Hindi bale na, kaya kong tiiisin ang mga
salita ni Tita Ophelia. Paulit-ulit lang naman. Gano'n pa man ay hindi niya ako nagawang saktan
gaya ng nangyari sa akin ngayong gabi.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Walang magandang tanawin kung hindi ang kadiliman
pero mas maganda na 'to. Ayokong bumaling sa harapan dahil baka magkadikit pa ang mga tingin
namin.

Ilang sandali pa ay tumigil ang sasakyan.

Kumunot ang noo ko. Hindi pa kami nakakaalis sa bukirin at alam kong hindi rin naman nasira ang
makina ng sasakyan. Nagtataka man ay hindi ko inalis ang tingin sa labas ng bintana.
Nakakangawit man ay tiniis ko ito.

"You are still linked on me," I heard Brix said.

Bumaling ako sa kanya. Nadatnan ko siyang diretso ang tingin.

"Unlink me then," hamon ko.

Bumaling siya sa akin. "I can't do that."


"Do I need to die? Then, kill me," matapang kong sabi. "Whatever you want, Brix. I am your slave
anyway. You saved me. I owe you my life. You can take it back whenever you want." My fists were
clenched.

I don't like this conversation.

"That's suicide." He shook his head. "Kahit na hayaan na kita, bampira ka pa rin. You will live the
rest of your life as a vampire. Manganganib lahat ng lalapit sa 'yo. You just finished transition.
Mahihirapan ka pang i-control ang sarili mo."

Napatitig ako sa kanyang mga mata. "What are you trying to say, Brix?"

He swallowed hard.

"Ang sabi mo ay papalitan mo na ako—"

"What if I don't want to?" he cut me out.

Nangilid ang luha sa aking mga mata. "Y-you are just saying this because..." Lumunok ako nang
may bumara sa lalamunan ko. "You want to make your dad proud. Nung malaman mong
nadismaya siya sa desisyon mong papalitan ako, nagbago ang isip mo. You don't really like me,
right, Brix?"

Natigilan ito.

There, I hit the bull's eye.

"Why, Astra? Mas gusto mo bang maging malaya sa mundong ito? Do you think you can survive
this world alone? You are no longer a human. And do you think we are the only vampires in this
world? No. Do you think I am the worst man in this world? No."

Napaiwas ako ng tingin nang manlabo ang mga mata ko. Bago pa man pumatak ang luha ko ay
pinunasan ko na agad ang mga mata ko.

"You need me, Astra. And I need you, too. We need each other."

Muli kong ibinalik sa labas ng bintana ang tingin ko.

"Just drive me home, Brix," bulong ko.

Hindi siya nagsalita pero ginawa niya ang gusto ko. Tahimik lang kami hanggang sa maiparada
niya ang sasakyan sa harapan ng gate namin. Bubuksan ko na sana ang pinto pero nakakandado
pala ito.

"Alam kong hindi maganda ang una nating pagkikita," sabi niya na ikinalingon ko. Nahuli ko ang
kanyang titig sa akin. "Susunduin uli kita bukas. I will be gentle this time. Gusto kong magkasundo
tayo sa pagkakataong ito. I will discuss all the things that you need to know. We will make a
peaceful agreement."

Sa kagustuhan kong makalaya ay tumango na lang ako.

Bago pa man ako makalabas ay may pahabol pa itong sinabi.

"When all is said and done, it's still nice to meet you, Astra. Good night."
Chapter 6

Chapter 6: First Victim

Hinintay kong makaalis ang sasakyan ni Brix bago ako pumasok sa gate. Wala pa namang alas
otso ng gabi kaya hindi pa kinandado ni Tita Ophelia ang mga pinto. Mula sa bintana ay nakikita
ko pang bukas ang mga ilaw. Malamang na naglalaro pa ng xbox si Eliyah at malamang din na
hinihintay niya ako para gawin ang mga assignment niya.

Huminto ako sandali para ayusin ang sarili. Marami mang nangyari ngayon pero hindi ko dapat ito
ipahalata. Knowing Tita Ophelia, when she feels something strange , she won't stop until she gets
the answer. No. I feel so tired and being confronted for things I myself can't even comprehend is
the least I need right now.

Napaatras ako sa gulat nang sumulpot sa harapan ko si Tati. Kumunot ang noo ko nang tahulan
ako nito nang tahulan. Sinubukan ko siyang hawakan pero umatras ito at mas naging agresibo.
Parang hindi niya ako kilala.

"Tats, si Astra 'to." Tinangka ko pang lapitan ito pero bigla itong tumakbo sa isang sulok, patuloy
pa rin sa pagkahol sa 'kin.

He doesn't know me anymore. Malamang na gawa ito ng pagiging bampira ko. I feel so attacked
that it makes me more sick. Masasabi kong sa asong ito ako naging pinakamalapit. Ako ang
nagpapaligo, nagpapakain at naglalabas sa kanya. Ngayon ay hindi na niya ako makilala.

"Ano ba 'yan?!" Biglang bumukas ang pinto at tumambad sa 'kin si Tita Ophelia, nakasuot na ang
white face mask niya kaya hindi ko makita ang mga guhit niyang kilay. As usual ay naka pulang
bestida na naman ito. "Well, well. Buti bumalik ka pa, Astralla?" Humalukipkip ito.

Tumakbo si Tati papunta sa likod ni Tita.

Lumunok ako bago sumagot.

"Tita... na-miss ko na si Mama," bigla kong sabi.

Wala na akong mairason na magsasalba sa 'kin. Kahit ganito si Tita ay mahal niya ang kanyang
kapatid. Pagdating kay Mama ay tumutuwid ang kanyang mga kilay at tumitikom ang matalak
nitong bibig. Hindi ko madalas banggitin si Mama dahil maging ako ay nalulungkot pero wala na
akong pagpipilian.

Sorry, Ma...
Bumaba ang tingin niya sa suot ko at mas naging magulo ang kanyang tingin.

"Na-miss mo ang Mama mo kaya bumili ka ng bagong dress?"

Mahina akong napamura nang hindi napagtanto kung ano ang suot ko. Hindi ako nakasagot.

"Eliyah! Kunin mo na nga muna itong si Tati!" sigaw ni Tita Ophelia sa loob.

Tamad na lumitaw sa eksena si Eliyah at kinarga si Tati. Napatingin ito sa akin at agad na ngumiti.
"Andyan ka na pala, Astra. Nasa table sa sala ang mga gamit ko. Pagkatapos mong gawin,
pakiayos na lang sa bag ko. Huwag mong kakalimutan."

"I'm tired, Eliyah. Hindi mo ba kayang gawin ang assignment mo?" pagdaing ko.

"Bakit ko pa gagawin kung andyan ka naman." Saka na ito tumalikod at bumalik na sa loob.

Muling napunta kay Tita ang tingin ko.

"Saka ano naman ngayon kung na-miss mo siya? Saan ka galing?" Muli nitong pinasadahan ng
tingin ang dress ko. "Saan mo nakuha ang pambili mo ng magarang damit na 'yan? Kay Dahlia
ba? Nasaan ang kape ko?"

"Pinuntahan ko po sa sementeryo si Mama." Nangilid ang mga luha ko. Gawa-gawa man ang
kwentong ito pero totoo ang nararamdaman ko.

Kung nandito lang sana si Mama, hindi ganito kabigat ang nararamdaman ko. I know, she wouldn't
believe whatever story I have to tell right now but surely, she would listen and comfort me. Damn.
Being alone never struck me this hard.

"Pumunta ka sa sementeryo nang naka-dress?"

"Tita... hindi ko na kaya. Miss na miss ko na si Mama."

"E-ewan ko sa 'yo, Astra." Nakita ko ang paglunok nito na halatang apektado sa sinasabi ko.
"Pumasok ka na. Maghugas ka muna ng plato bago mo gawin ang assignment ni Eliyah." Saka na
ako nito tinalikuran at pumasok na sa loob.
Napatingala ako sa kalangitan. Puno ng bituin. Hinawi ko ang luha sa aking mga mata bago
mapait na ngumiti. Bumuga ako ng hangin bago pumasok sa loob. Naabutan kong bukas ang TV,
nakakalat sa lamesa ang mga gamit ni Eliyah. Wala na rin si Tita na malamang ay nasa kwarto na
para 'di matakot si Eliyah.
Inaantok man ay dumiretso ako sa kusina para maghugas ng mga plato. Maya't maya ang
paghikab ko. Inalog-alog ko na lang ang ulo ko para gisingin ang diwa. Nang matapos sa kusina
ay dumiretso ako sa sala. Pinatay ko ang TV at niligpit ang mga gamit ni Eliyah.
Umupo ako paharap sa lamesa at ginawa ang assignment ni Eliyah. Baliw talaga ang isang 'yon.
May instruction naman at examples pero hindi pa magawang sundan. Hindi ko nga alam kung
paano nakakapasa ang lalaking 'yon. O tamad lang talaga siya.
Minasahe ko ang mga kamay ko nang matapos akong magsulat. Sumandal ako sa upuan at nag-
inat ng katawan.
What a day!
Isinalansan ko na sa bag ni Eliyah ang mga gamit niya. Buti na lang isip-bata si Eliyah dahil kung
hindi at nalaman niyang may gusto sa kanya si Dahlia, malamang na gagamitin niya ang
advantage na 'yon. Kawawa si Dahlia kung sakali.
Pumunta muna ako sa CR mara maghilamos. Napangiwi ako nang mabasa ang laylayan ng dress
na suot ko nang yumuko ako. Hinubad ko na ito dahil nangangati na rin ako. Ipinulupot ko sa
katawan ko ang tuwalya at bitbit ang dress ay umakyat ako sa kwarto ko.
Ipinagsawalang-kibo ko ang nakabukas na bintana.
Ini-hanger ko ang dress sa loob ng closet bago naghanap ng maisusuot. Nang makakuha ng
pantulog ay umupo ako paharap sa tukador. Hinawakan ko ang suklay at sinimulang hagurin ang
aking buhok.
Pansin ko ang pamumula ng gilid ng mga mata ko dala ng pag-iyak.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Brix. Susunduin niya ako uli bukas. Ibig sabihin no'n ay makikita
ko na naman siya at dadalhin niya ako sa mansion nila. Iniisip ko pa lang ang mga nangyari
kanina ay sumisikip na ang dibdib ko.
I don't want to see him anymore. I wish I wouldn't see him forever.
Napalingon ako nang may marinig na kaluskos sa bintana. Wala naman akong nakita kung hindi
ang isang puting supot na nakalapag. Binitiwan ko ang suklay at tumayo para kunin ang supot.
Umupo ako sa kama at binuksan ito.
Kumunot ang noo ko nang makita ang sitsirya at... alak?
Pumunta ako sa bintana at dumungaw. Wala akong naabutan pero alam kong si Brix ang may
dala nito.
Binalikan ko ang supot at nang may mapansin na papel ay binasa ko ang nakasulat dito.
"Pampatulog," nakasulat.
Napaismid ako. Igagaya niya pa ako sa kanya na hindi makakatulog kapag hindi nakainom ng
alak.
Binalik ko sa supot ang mga 'yon at itinago sa ilalim ng kama. Hindi ko gagalawin 'yon dahil baka
kung ano pa ang mangyari sa 'kin. Unang pagkikita pa lang namin pero sirang-sira na siya sa akin.
Sana lang ay hindi ko na talaga siya makita pa.
Humiga na ako sa kama at agad ding nakatulog.
Isang milagro na nagising ako nang kusa kinabukasan, walang kumatok sa pinto. Ang buong
akala ko ay napaaga ang gising ko pero pagtingin ko sa wall clock ay alas nuwebe na pala ng
umaga. Sabado ngayon kaya walang pasok. Kahit naman sabado ay maaga akong ginigising ni
Tita para tulungan siyang magbenta sa palengke.
Humikab ako at humarap sa tukador. Sandali kong pinasadahan ang buhok ko bago niligpit ang
higaan at bumaba na. Nasa hagdan pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang matining na boses ni
Tita sa kusina. Tumatawa rin siya na hindi madalas mangyari lalo na sa umaga.

What's happening?

Nasa bungad ako ng kusina nang makita ang napakaraming pagkain na nakahain sa lamesa.
Hindi magkamayaw sa pagkain sina Tita Ophelia at Eliyah na hindi nila ako napansin. Dahan-
dahan akong naglakad para tingnan ang mga pagkain.

Natigilan ako nang mapagtanto na ito ang mga pagkain kahapon sa mansion ng mga Cardinals.

"Oh, gising ka na pala Astra," malawak na ngiting bati ni Tita. "May nagpadala ng mga pagkain
dito kanina tapos may bulaklak pa." Itinuro niya ang lababo kung nasaan ang isang bukete ng
pulang rosas. "May manliligaw yata ako."

Humalakhak si Eliyah. "Asa ka pa, Ma."

Binatukan ni Tita ang anak niya. "Anong asa? Eh para kanino ito kung hindi para sa 'kin?"

Nilapitan ko ang bulaklak at binasa ang note doon.

"Get well. - B."

"Kumain ka na, Astra. Magbibigay ako sa mga kapit-bahay natin. Ipagmamayabang ko pang may
manliligaw ako," tumatawang sambit ni Tita. "Who you sila ngayon sa 'kin. Sabi nila wala nang
magkakagusto sa 'kin. Well, may kano yata akong nabihag ang puso habang naglalakad sa daan."

Muli ko hinarap ang mga pagkain.

"Ano 'to?" Itinaas ni Eliyah ang isang supot ng kulay pulang likido.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano 'yon.

"Alak 'ata 'yan." Kinuha ni Tita ang supot at kumuha ng baso. "Matikman nga. Mukhang masarap
'to."

Mabilis na tumakbo ako palapit sa kanila at inagaw ang supot. "Ito na lang akin! Sa inyo na lahat
ng pagkain na 'yan. Basta huwag na ito."
Damn it, Brix!

"Sigurado ka?" nagtaas ng kilay si Tita. "Wala nang bawian ah?"

"O-opo. Sige, may kukunin muna ako sa kwarto ko," paalam ko.

"Magbihis ka na, Astra. 'Pagkatapos kong mamigay sa mga kapit-bahay ay magtitinda pa tayo sa
palengke. Baka umaasa ang kano na makita ako," dinig ko pang sabi nito.

"Kadiri ka, Ma," pahabol na wika ni Eliyah.

Imbes na sa kwarto ay pumunto ako sa CR. Sinigurado kong nakakandado ang pinto bago
binuksan ang supot. Napasinghap ako nang maamoy ang halimuyak ng pulang likido. Tila may
sumanib sa akin nang maamoy ang bagay na 'yon.

Napalunok ako nang magbara ang lalamunan ko.

Inalog ko ang ulo ko. Binuhos ko sa inidoro ang likido at pinahigop ito sa tubig. Pinagmasdan ko
kung paano ang namantsahan na tubig ay bumalik sa malinis. Nang masigurong wala nang bakas
ay itinapon ko sa basurahan ang supot.

Nagpalipas ako nang ilang minuto bago lumabas. Pagkarating ko sa kusina ay si Eliyah na lang
ang nandoon. Kalahati rin ng mga pagkain ay wala na. Malamang na namimigay na nga sa mga
kapit-bahay si Tita Ophelia.

Kumuha ako ng delatang pagkain at nagbukas no'n. Ito na lang ang uulamin ko kesa sa kainin ang
mga pagkain na galing sa lalaking 'yon. Buo na ang pasya kong putulin ang namamagitan sa
amin. Kahit na magpakita siya at pilitin akong sumama, hindi ako magpapatangay.

"Ayaw mo ng mga ito? Ang sarap kaya!" puna ni Eliyah. Tapos na ito ngayon sa pagkain at cell
phone naman ang pinagtutuonan ng pansin. "Teka. Para sa 'yo ang mga pagkain na ito, hindi ba?
Imposibleng para kay Mama ito."

Hindi ko siya sinagot. Kumain na lang ako.

"Kanino galing 'to? Doon ba sa nagbigay ng damit sa 'yo? May nanliligaw ba sa 'yo?"

Nginuya ko ang kinakain bago sumagot. "Hindi ko rin alam, Eliyah."

"Anong hindi?"
"Pagkagising ko ay bago na ang damit ko. Pauwi na ako kagabi nang biglang magbago ang damit
ko. Nakakatakot man pero pakiramdam ko ay may nanliligaw na engkanto sa 'kin."

Natigilan ito sa pagpindot sa cell phone. Binitbit nito ang upuan niya at nilapit sa akin.

"B-baliw ka ba? Isusumbong kita kay Mama!"

Ngumisi na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Palapit nang palapit sa 'kin si Eliyah. Kulang na
nga lang ay kumandong na siya. Duwag talaga ang mokong na 'to.

"Hindi totoo ang engkanto!" pagpupumilit pa niya. "Gumagawa ka ng kwento para pagtakpan ang
manliligaw mo."

Tumayo ako at kumuha ng baso. Naramdaman kong nakasunod sa 'kin si Eliyah.

"Engkanto raw. Akala naman niya matatakot ako," dinig ko pang bulong nito.

Nagsalin ako ng tubig sa baso at uminom. Hindi ko pa 'yon nakalahati nang maramdaman na
parang babaliktad ang sikmura ko. Mabilis akong lumapit sa sink at isinuka ang ininom na tubig.

"Tae ka, Astra. Nabuntis ka yata ng engkanto!" bulalas ni Eliyah.

Napatukod ako sa lababo, hinang-hina.

What the fuck? Bawal ba uminom ng tubig ang mga bampira? Napangiwi ako. Nauuhaw na ako.

"Ma! Ma!" sunod-sunod na sigaw ni Eliyah pero nanatili pa rin sa tabi ko.

Hinarap ko ang duwag na lalaki. "Pwede ba manahimik ka?"

Tinulak niya ako. "Tinatakot mo ako e."

Umirap ako.

Hindi ko na nakain pa ang pagkain ko. Niligpit ko na lang ang mga kalat. Hanggang sa pagpunta
ko ng kwarto ay nakasunod sa 'kin si Eliyah. Hindi ko na lang pinansin. Medyo nasanay na rin ako.
Minsan nga magpapasama pa ito sa CR. Sa labas lang naman ako pero gusto niyang marinig ang
boses ko bawat segundo para alam niyang hindi ako umalis.

"Magbibihis ako, Eliyah. Lumabas ka muna," sabi ko habang naghahanap ng damit sa closet.
Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Pagkaharap ko ay hawak-hawak na niya ang supot na
itinago ko sa ilalim ng kama. Kinakain na niya ang sitsirya habang hawak sa isang kamay ang
alak. Ngumiti ito sa akin nang makitang masama ang tingin ko sa kanya.

"Hindi ko na sasabihin kay Mama na may nanliligaw na engkanto sa 'yo. Basta akin na lang 'to
ah?"

"Eliyah!" dinig kong sigaw ni Tita sa ibaba.

Bumuga ako ng hangin bago tumango. "Bahala ka. Bumaba ka na. Andyan na Mama mo."

Tumayo ito at kumaripas ng takbo palabas ng kwaro ko. "Ma! Ma! May nanliligaw na engkanto kay
Astra. Nabuntis pa siya!"

Ang balak ko sana ay magpapalit na lang ng damit at mamayang pag-uwi na lang maliligo dahil
marurumihan din naman ako sa palengke, pero nakaramdam ako ng init kaya dumiretso na rin
ako sa pagligo. Ilang minuto na ako sa loob ng CR pero hindi pa rin ako basa.

Pinagmamasdan ko ang tubig. Mamamatay ba ako 'pag nabasa?

Lumunok ako bago sinubukang ibabad ang kamay sa tubig. Mabilis ko ring inalis. Pinagmasdan
ko ang kamay ko. Mukhang wala namang nangyari. Malamang na nakakaapekto lang ang tubig
kapag naiinom.

Natapos akong maligo pero hindi pa rin naalis ang init ng katawan ko.

Idinaan namin si Eliyah sa kumare ni Tita Ophelia. Doon siya nagpapalipas ng hapon kapag
nagbebenta kami ni Tita sa palengke. Alangan namang iwan naming mag-isa sa bahay ang
lalaking 'yon, edi namatay siya sa takot.

Pagkarating namin sa palengke ay agad kong inayos ang mga gulay at karne. Dito kami
kumukuha ng pangtustos araw-araw. Malaki ang kinikita ni Tita lalo na kapag may mga okasyon
tulad ng fiesta, pasko, bagong taon kung kailan hindi magkamayaw ang mga mamimili.

"Good morning!" Natigilan ako sa paghiwa nang sumulpot si Dahlia. May hawak itong supot na
diniretso agad kay Tita Ophelia. "May isang linggo kang kape, Tita. Huwag niyong pagurin si Astra
ah?"

Ngiting-ngiti si Tita. "Salamat, Dahlia. Naku. Ang swerte ko talaga ngayong araw."
"Bakit, Tita?" tanong ni Dahlia.

Pinagtuonan ko na lang ng pansin ang paghiwa sa karne at pagtimbang nito. Nagbayad ang ale
sa 'kin at sinuklian ko siya. Hindi pa man nabibitiwan ang kutsilyo ay may bago na namang
namimili.

"May nagbigay ng napakaraming pagkain kanina sa amin. May nanliligaw sa 'kin," dinig kong
kuwento ni Tita. Kilig na kilig pa ito. "May rosas pa na nakalagay na get well. Tanong ko lang.
Saan ko makukuha ang well? Baka gusto niya akong pumunta ro'n tapos doon kami magkikita."

Lihim akong natawa sa sinabi ni Tita.

"Ano ka ba, Tita? Get well po, ibig sabihin, sana maging maayos na ang kalagayan mo!" Tawang-
tawa si Dahlia. "Grabe, Tita. Hindi na kita ma-reach. Dinaig mo pa si Astra na tatandang dalaga
kasi ayaw magpaligaw."

Tumabi na sa 'kin si Dahlia. "Ano? Ayos na pakiramdam mo?" Hinaplos niya pa ang noo ko.

"Ito po, 145 po lahat," sabi ko sa ale na namimili. Nagbigay ito ng isang daan at singkwenta kaya
sinuklian ko siya ng limang piso. "Salamat po. Balik kayo ah?" Malawak na ngiting sinalubong ko
ang namimili at gano'n din hanggang sa pag-alis niya.

Nang mabitiwan ang kutsilyo ay nag-inat ako.

"Oh, may kailangan ka?" baling ko kay Dahlia.

Ngumuso ito. "Kapag ba binisita kita ibig sabihin may kailangan ako? Hindi ba pwedeng
kinukumusta ko lang ang nagkasakit na kaibigan?"

Natawa ako sa sinabi niya.

"Ayos lang ako, Dahlia." Umayos ako uli nang may bumibili na naman.

"So, sino 'yung sinasabi niyong doktor na hindi naman doktor?"

"Isang kilo po?" tanong ko sa namimili.

"Hindi rin ako sinagot ni Kristan kahapon eh," dinig ko pang sabi ni Dahlia.

"Dalawa na," sagot naman ng ale.

Sandali akong bumaling kay Dahlia. "Pupuntahan na lang kita mamaya sa inyo, Dahlia.
Nagbebenta pa ako, hindi kita makakausap nang maayos. Sige na."

"Talaga?!"

Tumango ako.

"Oh, sige. Alis na ako." Natigilan ako nang yakapin pa niya ako. "Sige, Tita. Sana mahanap mo na
ang forever mo."

"Malapit na, Dahlia!" Humalakhak si Tita.

Nang matapos ang isang namimili ay binuksan ko ang isang box para kumuha ng mga bagong
karne. Natigilan ako nang maamoy ang dugo. Biglang namanhid ang mga kamay ko. Naabutan ko
na lang ang sarili kong hawak ang karne na may dugo pa. Natatakam ako.

"Ano na, Astra? Kumuha ka na at isara mo na 'yan. Matutunaw ang yelo!"

Hindi ako nakakilos. Naririnig ko na naman ang mga bulong sa paligid. Tila nasusunog na naman
ang mga mata ko.

"Astra?" Hinawakan ni Tita ang braso ko.

Hinawi ko ang kamay niya at tinulak siya. Mahina lang ang ginawa ko pero tumalsik siya at nahawi
ang mga karne sa lababo.

Napayuko ako at nag-umpisang tumakbo. Marami akong nabubunggo dahil hindi ako nakatingin
sa daan. Nasusunog ang mga mata ko, ibig sabihin no'n ay nag-iba ito ng anyo. Ayokong makita
nila ang kakaiba sa 'kin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya umuwi na lang ako.

Hawak-hawak ko ang hininga ko hanggang sa makapasok ako sa bahay.

Napatingin ako sa salamin. Nanlamig ang buong katawan ko nang makitang sobrang pula ng
aking mga mata. Ilang sandali pa ay nawalan ako ng gana. Kapag natatakam ako sa dugo,
nagiging bayolente ang kilos ko. Habang buhay na ba akong ganito?

Napatingin ako sa asong kumakahol.

Tati...

Napasinghap ako nang maamoy ang dugo nito.


No... you can't do this, Astra.

Bago pa man makatakbo ang aso ay nahawakan ko na ito.

Ilang sandali pa ay unti-unting bumaba ang init na nararamdaman ko. Bumuti ang pakiramdam ko.
At nang makabalik sa huwisyo ay napansin kong nababalutan ng dugo ang kamay ko at sa
harapan ko ay nakahandusay si Tati.

Napaupo ako, hinang-hina.

Nanginginig ang mga kamay ko.

Kusang lumabas sa mga mata ko ang luha.

Patay na si Tati... at ako ang gumawa.

"First victim."

Napalingon ako sa lalaking nagsalita.

"B-Brix..."

He stared at me. "This is just the start, Astra. You can do worse than this."

Binalikan ko ng tingin ang asong walang buhay.

Muli kong binalik ang tingin sa lalaking nasa harapan ko.

Hindi ko inakalang darating ang araw na gagapang ako papunta sa kanya. Hinawakan ko ang
pantalon niya gamit ang mga nanginginig kong katawan. Wala pa ring patid ang pag-agos ng luha
sa aking mga kamay.

Tulala, wala sa sarili, ibinulong ko ang mga katagang, "Ilayo mo ako rito, pakiusap."
Chapter 7

Chapter 7: Favor

I have been weeping nonstop for almost an hour now. Sa tuwing naiisip ko ang duguang katawan
ni Tati ay parang dinudurog ang puso ko. Hindi ko sinadya ang nangyari, hindi ko na-control ang
sarili ko pero kahit na anong gawin kong rason ay hindi maipagkakailang ako ang pumatay sa
kanya. Itong mga kamay na ito ang kumitil sa buhay niya.

"It's just a dog," Brix mumbled for the nth time.

Hinawi ko ang luha sa aking mga mata at sinamaan siya ng tingin.

Matapos ng nangyari ay hinayaan kong tangayin ako ni Brix. Wala akong ibang naisip kanina kung
hindi ang makalayo at siya ang pinakamalapit na paraan para magawa ko 'yon. Dinala niya ako sa
isang dalampasigan. Kitang-kita rito ang kinang ng kulay asul na dagat. Nasa dulong parte yata ito
na hindi madalas puntahan ng mga tao.

"Hanggang kailan mo ba iiyakan ang aso na 'yon?"

"You don't get it, Brix. I killed an innocent—"

"Dog," Brix cut me out.

"H-he's not just a dog!" giit ko.

"Then, what? Your freaking boyfriend?"

Kinuha ko ang nahawakang maliit na bato at binato sa kanya. Tumama ang bato sa kanyang
dibdib pero wala itong naging reaksyon. Pinagpagan niya lang ang kaunting buhangin na dumikit
sa kulay puti niyang damit.

"I don't know what to do anymore, Brix. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa amin," mapait
kong sabi habang patuloy na hinahawi ang mga bagong luha. "Kapag nalaman ni Tita Ophelia na
wala na si Tati, sigurado akong palalayasin na nila ako. Wala na akong ibang mapupuntahan."

"Wait. Who's Tati?"

Napangiwi ako. Hindi ako makapag-drama nang maayos sa lalaking ito. Kanina pa ako
ngumangawa rito pero mukhang hindi kami gaanong nagkakaintidihan.

"Commonsense, Brix. Ang sabi ko napatay ko si Tati, sino ba ang napatay ko?" Pinigilan kong
umirap pero sinasagad ako ng lalaking ito.

Bahagya siyang natigilan bago kumunot ang noo. "Tati... is the dog? That freaking animal has a
name?"

I nodded. What's with this guy? Akala ko ba matagal na siya sa mundong ito? Kung magulat siya
ay daig niya pa ang bagong silang na sanggol.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito, halatang nang-aasar.

I scowled at him. "Kasalanan mo 'to! Kung hindi mo lang sana ako ginawa—"

"Whoa! Stop right there. Babalik na naman ba tayo sa topic na 'yan?" Bumali ang leeg nito bago
humalukipkip. Bahagyang tinatangay ng hangin ang kanyang buhok. Tuwid ang tayo nito, hindi
alintana ang malakas na hangin. "Anyway, poor Tat— whatever his name. But, I know he is glad
that an animal like him managed to save you."

Bumalik uli ako sa paghagulgol. Wala nang sasalubong sa akin 'pagkagaling sa school. Wala na
akong paliliguan at pakakainin. Wala na akong mairarason kay Tita kapag gusto kong lumabas.
Wala na akong kukwentuhan ng mga nangyayari sa 'kin.

"Forget Tati. We have more important things to talk about."

"Forget?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Kung sa 'yo normal lang ang pumatay, hindi sa 'kin, Brix.
Hanggang kailan ko ba ipapaliwanag sa 'yo na nabuhay muna ako bilang isang tao bago naging
ganito? May mga bagay pa rin na hindi ko kayang gawin. Can't you fucking give me enough time
to cope with all these bullshits?"

Inayos ko ang kumawalang buhok sa likod ng tainga ko. Sinisipon na rin ako kakaiyak. Malamang
na mukha na akong bruha sa harapan niya pero wala akong pakialam. As if naman mag-aaksaya
ako ng panahon para gumanda sa mga mata niya.

"Fine!" He let out a heavy sigh. Alam kong nagpipigil na naman itong magsungit. "I promised to be
gentle with you this time but you are giving me a hard time." He faked a laugh while shaking his
head. "What do you want me to do then?"
I sniffed. "I-I don't know, Brix. I just need time. I just killed—"
"Tati. Alright," he cut me out and shrugged his shoulders. "Then, what?"
Sumimangot ako. Yumuko ako at pinaglaruan ang mapinong buhangin sa aking mga paa.
Malamang na hahanapin agad ni Eliyah si Tati mamaya 'pagkauwi niya. Saka oo nga pala, ang
nangyari sa palengke nang maitulak ko si Tita at tumakbo ako paalis.
Mukhang hindi na talaga ako makakauwi.
"Kung hindi ka lang kasi tanga—"
Umangat ang tingin ko sa kanya na ikinatigil niya.
Tumikhim ito. "As I was saying, I sent you a bag of blood. What did you do? You flushed it out in
the toilet. You could have used that to satisfy your thirst. I mean, that's the purpose of that.
Hanggang kailan mo ba itatangging hindi ka na gaya ng dati?"
Nagtaas ako ng kilay. "Are you always watching me?"
"That's not the point, you know?" He bit his bottom lip, looking upset once again. "The point here is
you are so stubborn. You think you know everything. Look what happened? You killed Tita. Who's
next?"
"Tati!" I corrected.
Mahina itong napamura pero narinig ko.
"Yeah. Okay? Now, what?"
Hindi ako sumagot. Kahit papaano ay tumahan na ang mga luha ko. Sa tingin ko ay nakatulong
naman ang lalaking ito. Kung ako lang siguro mag-isa ngayon ay baka kung anu-ano na ang
naiisip ko.
"Hey. I have an idea!"
Umangat uli ang tingin ko. Sumalubong sa 'kin ang maliwanag niyang mukha.
"Paano kaya kung ihanap na lang kita ng bagong aso? 'Yung kamukhang-kamukha ni Tati. Hindi
ba sabi mo, malalagot ka kapag nalaman ng family mo na wala na siya? What do you think?" I
could see how proud he was with that idea.
Naglakad ito palapit sa 'kin at nang nasa tapat ko na siya ay kinailangan kong tumingala para
masabayan ang kanyang tingin. Papunta sa akin ang ihip ng hangin kaya amoy na amoy ko na
naman ang pabango niya.
"What? Don't you like that idea?" he asked when he didn't get any response from me.
Gusto kong isumbat na hindi niya kailanman mapapalitan si Tati pero naisip ko, ito lang ang
tanging paraan para makabalik ako uli sa bahay. Labag man sa kalooban ay kailangan kong
gawin ito. Wala na akong mapupuntahan kung sakaling palayasin ako ni Tita. Tungkol naman sa
bigla kong pag-alis kanina sa palengke, magagawan ko naman ng paraan 'yon para malusutan.
"Deal?" he grinned.
I let out a heavy sigh as I nodded. "Hep. May peklat sa kabilang binti si Tati. Hindi na siya
tinutubuan ng balahibo ro'n." Iyon ang naging palatandaan namin sa kanya. "Medyo aggressive
siya sa mga hindi kilala," dagdag ko pa.
"What else?" tanong pa niya.
Umiling na ako. "Iyon lang..."
"Cool. Now, can we talk about us?"
Sumeryoso ang mukha nito.
I furrowed my brows. "Us?"
"What? Do you want to talk about that dog again?" he asked, sarcastically.
Hinampas ko ang kanyang binti pero hindi siya naapektuhan.
"Huwag ka ngang pilosopo! Wala tayong pag-uusapag tungkol sa atin." Halos mapairap ako.
"We need to talk about it, Astra. Gusto mo bang maulit na naman ang nangyari kanina?" Nagtaas
ito ng kilay na parang naghahamon. "I told you, you are just starting. If you can't control yourself,
you could do worse than that. Let's say... you could kill your whole family."

I got goosebumps when I heard that. Kahit na gano'n sina Tita Ophelia at Eliyah, hindi ko
kailanman ninais na may mangyaring masama sa kanila. Lalo na kung ako pa ang gagawa nito.
Sa wakas ay may matino rin na naisip ang lalaking ito.

"I think we finally both agreed on something. So... shall we?" He offered his right hand in front of
me.

Bumagsak ang tingin ko sa kamay niya. "Can we go without holding your hand?"

"Here we go again," sagot nito at halatang nag-uumpisa na namang mag-alburuto. "Look, Astralla
Martin. Don't forget that you are still my slave and I am your master. I shouldn't be doing this but
fuck it. I am doing you a favor here. Can't you just be grateful?"

"May I just remind you that you need me to make your father proud," I said, smirking.

Nanatiling nakalahad ang kamay niya at hindi nagsalita.

Ilang segundo pa ay nakita kong unti-unti itong bumabagsak pero bago pa man ito tuluyang
bumagsak ay nahawakan ko na. Hinatak niya ako patayo na medyo napalakas kaya nagdikit ang
mga dibdib namin. Napasinghap ako nang mas maamoy ang pabango niya. Damn. His scent lasts
longer than any relationship I've seen around.

"I know I smell good, but..."

Mabilis ko siyang itinulak palayo.

"You pulled me—"

"All right. Are we going to argue again?" Tumamad ang tingin niya sa 'kin.

"Fine." I pouted my lips.

Bumalik kami sa sasakyan niya. Hindi ako nagtanong kung saan kami pupunta, bahala na siya.
Hindi naman niya ako ipapahamak dahil kapag may nangyaring masama sa 'kin, mawawala na
ang paraan niya para makuha ang loob ng Papa niya. Hindi ko inakalang magagamit ko pa ang
Papa niya laban sa kanya.
Nightscape Club. 'Yon ang pangalan ng bar na pinuntahan namin ni Brix. Hindi pa ako nakapasok
sa mga bar pero masasabi kong kakaiba ang isang 'to. Parang walang buhay. Ni wala man lang
ngang guard na nagbabantay sa labas. Bukas ba ang isang 'to? Mukhang abandunado na.

Huminto kami ni Brix sa harapan ng saradong pinto. Wala akong marinig na ingay sa loob. Baka
naman hindi pa bukas? Siguro. Karamihan sa mga bar ay gabi nagbubukas. Pero kung hindi nga,
bakit ito ang pinuntahan namin ni Brix?

"Hey." Brix stopped me when I was about to push the door. "This club is for us, vampires only. For
damn's sake, Astra. Use your brain and don't mess yourself again. You are new here and they
won't hesitate to attack you once you did something stupid. Are we on the same page?"

Napalunok ako. "Can we go to a normal club instead? I think I need to practice myself. I've never
been in a bar before."

He shook his head. "We belong here. Just stay close to me, no one can harm you. Unless you are
just stupid."

Pinigilan ko siya nang aktong papasok na siya.

"Brix, I'm stupid. Don't you dare leave me while we are inside." Pinanlisikan ko siya ng tingin.

"All right. I won't."

Napahawak ako sa damit niya nang buksan na niya ang pinto. Napangiwi ako sa lakas ng music
na sumalubong sa amin. Namangha ang mga mata ko nang makitang buhay na buhay ito sa loob.
Malikot sa mga mata ang iba't ibang kulay ng mga pailaw na tila sumasabay sa musika. Agad na
nasingot ko ang pinagsama-samang amoy ng pabango, alak, usok at isang mabangong bagay na
hindi ko mapagtanto.

"Let's go..." Brix whispered.


Huminga ako nang malalim at pilit na inaalala na hindi mga tao ang narito. Pampakalma sana ang
katotohanan na 'yon pero baliktad ang epekto sa 'kin. Kahit na magpakabait ako, hindi pa rin
normal na tao ang mga nandito. Kahit na magpakabait ako, kung sila naman ay hindi, wala ring
silbi.
Hinila na ako ni Brix papasok nung hindi ako kumilos. Wala pang ilang segundo ay naagaw na
agad namin ang atensyon ng iba. May ibang walang pakialam, may ibang bumabati kay Brix at
may iba naman na ang tingin ay sa 'kin. Tinanggap ni Brix ang mga alak na inalok sa kanya. May
isa pang nag-alok sa 'kin pero tumanggi ako.
"So, the rumors are true?" A guy in gray shirt blocked our way. Puno ng tattoo ang kanyang mga
braso. Sa kanan niyang kamay ay may hawak na baso ng alak at ang kaliwa naman ay
nakaakbay sa babaeng maganda. His eyes were stuck in red. "That the successor of Nightfall
Clan has found his pet."
Mas humigpit ang kapit ko sa damit ni Brix nang mapatingin sa akin ang lalaki. Nabuo ang isang
ngisi sa kanyang labi. Hindi ako judgemental na tao pero mukhang addict na tumakas sa rehab
ang isang 'to.
"Good source then, Braun," Brix responded, casually. Kinuha nito ang alak sa kamay ng lalaki at
nilagok ito. "Send my regards to your father."
Saka ibinalik ni Brix ang baso sa kamay ng lalaki.
"May I taste?" biglang tanong ni Braun na ikinatigil ni Brix. "Oh, come on, Brix. I can share mine,
too."
Inayos ng babaeng akbay-akbay ni Braun ang buhok nito at ipinakita ang leeg niya.
Napasinghap ako nang akbayan ako ni Brix. "You are going to take away the pleasure of being the
first one? That would be so rude, don't you think, Braun Octavius?"
Humalakhak ang lalaking puno ng tattoo. "I'm sorry, bro. I didn't know."
Naagaw uli ng babae ang tingin ko. Pinagapang nito ang kamay niya sa puson ni Braun, pababa
at papasok sa pantalon nito. Pansin kong nakikiliti si Braun pero gustong-gusto nito ang
pakiramdam na 'yon.
Mabilis na iniiwas ko rin ang tingin ko. Disgusting.
"Enjoy your first then, bro!" Hinila ni Braun ang babaeng akbay-akbay niya. Umupo ito sa isang
silya at paharap na umupo sa hita niya ang babae. He carressed her butt as the girl grinded
against his thigh.
I gulped. Why am I seeing this?
"Enjoying the view?" nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang bulong ni Brix.
"Maingay rito, Brix. Paano tayo makapapag-usap?" tanong ko. "I don't like your mansion pero mas
gusto ko na lang yata roon kesa rito."
Mas hinigpitan niya ang pagkakaakbay sa 'kin. Nakainom na ito kaya amoy alak na rin.
"My evil sister is there. I need a fucking peace of mind," he responded.
Wala akong nagawa nang hilahin na niya ako. Kahit na nakaakbay na siya sa 'kin ay nakahawak
pa rin ang isa kong kamay sa damit niya. Baka bigla na lang may humblot sa 'kin dito.
Habang dumadaan kami sa mga lamesa ay mas napagtanto ko ang kaganapan na nangyayari sa
paligid. These vampires aren't here just to get drunk, they are also here to satisfy their lust and
thirst. May isa akong nadaanan na kagat-kagat sa leeg ang babae. That makes me feel more sick.
Mabuti na lang ay may mga room din pala rito na pwedeng arkilahin. Doon kami pumunta ni Brix.
Gawa sa salamin ang mga dingding kaya kitang-kita pa rin kami sa labas. Pero mas tahimik dito,
hindi naririnig ang kaguluhan sa labas. May bilog na lamesa sa gitna na pinalilibutan ng dalawang
mahabang sofa na magkabilang dulo.

Humiwalay ako sa pagkakaakbay kay Brix at umupo sa kulay pulang sofa.


"I hate this place," I mumbled.

"Wait me here. I'll just get a drink," paalam ni Brix.

"What?!" bulalas ko nang mapagtanto na kailangan kong maiwang mag-isa rito. "I told you to not
leave me, asshole!"

"I won't, I'll just get us a drink!"

"No," pagmamatigas ko. "Kapag lumabas ka at iniwan mo akong mag-isa rito, lalabas ako at aalis
na."

Bumali ang leeg niya. "Alam mo naman siguro na maraming nakatingin sa 'yo kanina, hindi ba?
They won't hesitate to attack you once they notice that you are alone. Damn it, Astra. You are at it
again. Being a human!"

"If that happens, then goodbye, Brixton Cardinal."

Napapikit ito at halatang pigil na pigil na naman. Napansin ko ang pagtaas-baba ng kanyang
balikat. Ilang segundo ang lumipas bago ito nagmulat ng mga mata. Umupo ito sa kaharap kong
sofa at sumandal. Pinatong niya sa magkabilang dulo ng sofa ang kanyang mga braso at pinatong
ang isang binti sa isa pa.

"I'm thirsty," bulong nito.

"Okay. What do you want to talk?" I asked, ignoring what he just said.

"I need a drink—"

"What do I need to know?" putol ko uli sa kanya.

Huminga ito nang malalim bago umayos ng upo. Pinatong niya sa hita ang kanyang mga siko at
hinilamos ang kanyang mukha. Ilang sandali pa ay umangat ang tingin niya sa 'kin. Ilang segundo
rin siyang nakatitig sa 'kin na parang binabasa ako.

"Come on," I encouraged.

"The first thing you need to know is, I can't control myself when I am thirsty," seryosong sambit
nito habang nakatitig sa aking mga mata. "The second one is you are my slave and I am your
master, that means you need to satisfy me everytime I feel thirtsy."

Napalunok ako at tila umatras ang dila.


"W-what do you mean satisfy?"

"Fuck I need blood, Astra," he said, irritated. "I get easily vexed when I am craving. I tend to do evil
things. You see Braun? That asshole tattoed fuckboy we just met? You saw the girl on his arms?
That's his slave."

Tuluyan nang umurong ang dila ko sa pagkakataong ito. Mukhang alam ko na kung saan patungo
ang usapan na ito.

"Slaves should satisfy their masters. Blood... you offer your own blood."

"R-really?"

He nodded as he licked his lips. Napansin kong paiba-iba ang tingin nito. Bumaba sa dibdib ko, sa
leeg at sa mga mata. I could feel the lust looming on his eyes while staring at me. Maya't maya rin
ang paglunok nito.

Inalog nito ang kanyang ulo, pilit na iwinawaksi ang nararamdaman na pagkauhaw.

"Anyway, let's talk about the clans. The first thing that I need you to understand is, each vampire
belongs to a specific clan or group. You need to mark in your mind that you are part of Nightfall
Clan, well, not officially but we will get there. You are considered as insurgent if you don't belong in
any clan. You are not being an independent vampire, you are a rebel one. You know what that
means? You are an enemy."

"Scary. Ano ang gagawin ko kapag may nakaharap na rebeldeng bampira?" tanong ko.

"No. They won't let you know that they are insurgents. Malalaman mo lang kapag wala ka ng
puso," seryosong sabi niya na nagpataas sa mga balahibo ko. "They don't show themselves often,
but as a vampire, you need to be cautious with your surroundings."

Napatango ako, pilit na pinapasok sa utak ang mga sinasabi niya. Natatakot man pero
nangingibabaw pa rin sa 'kin ang kagustuhan na mas mapalawak ang kaalam sa bagong
mundong kinabibilangan ko.

"I'm really thirs—"

"Come on, Brix. Tell me more..."

Huminga ito uli nang malalim bago tumango.


"I want you to know that those insurgents are not the only ones capable of hurting you. Be careful
whom you trust, Astra. Nothing is more painful than being stabbed in the back by someone you
thought you are friends with. There are two types of enemy. Those who blatantly show who they
are and those who pretend they are on your side. Don't be stupid."

With stuttering voice, I asked, "W-where should I classify you?"

"What's your first impression of me?" balik na tanong niya.

"Y-you are an asshole but... I feel like we are on the same side.

He nodded. "Now watch me carefully. I could be the other type of enemy."

Natahimik na ako pagkatapos. Gano'n din si Brix na ngayon ay nakasandal na sa sofa at


nakatagilid ang ulo habang pinapanuod ang mga nag-iinuman sa labas. Mariin itong napapikit,
aktong tatayo na nang mapatingin siya sa akin at nahuli akong nakatingin sa kanya. Wala itong
nagawa kung hindi ang umupo uli.

"H-how did you turn me into a vampire?" I asked.

Sandali itong natigilan dahil sa biglaan kong pagtanong.

"Let's just say, you needed my blood just like how much I need yours right now," he casually
responded. He gulped again. "You are linked in me the moment my blood mixed on yours. That's
it. Don't ask again. I feel so drained right now."

"Is there anyway to break-free?"

Kumunot ang noo niya.

I feel how hesitant he was when he responded, "No."

"Should I die?" I asked.

"Not when I decide to kill you."

"Would it hurt?" I asked again.

Mahina itong natawa. "I don't think you will feel anything when you die."

"No." Tumayo ako at lumipat sa upuan niya. Napaatras ito at nakita kong nagpalit ng kulay ang
kanyang mga mata.
"What are you doing?"

Tumitig ako sa kanyang mga nag-aalab na mata.

"Returning the favor," I said, slowly running my finger on his thigh. "Ikaw ang tumulong sa 'kin
kanina at tutulungan pa ring matugunan ang problema na nagawa ko. You are an asshole but you
know how to fulfill a promise. Maybe, it's time for me to fulfill my role in this story also."

Naguguluhan pa rin ang kanyang tingin pero alam kong may hinuha na siya sa gusto kong
mangyari.

Hinawi ko ang buhok ko para ipakita ang leeg ko. Mas lumapit pa ako sa kanya.

"Shit..." he mumbled.

"Suck my blood, Master Brix."


Chapter 8

Chapter 8: How It Works

Staring at me intently, lust was evident in his bloody red eyes. Gumalaw ang adam's apple nito
nang bumaba sa leeg ko ang kanyang tingin. All of a sudden, I felt guilty for preventing him to
have his drink. Uhaw na uhaw ang titig nito lalo na ngayong pinagbibigyan ko na siyang gawin
kung ano ang gusto niya.

"It's fine, Brix," I tried to fortify him when I sensed how hesitant he was.

I was ready to give myself, fuck it if it hurts, but he didn't touch me. Kumurap ang kanyang mga
mata at biglang nawala ang pamumula nito. Bumali ang leeg nito bago umiling. He stood up,
grabbed my hand and pulled me out of that room. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang
niraragasa namin ang mga nakakalat na bampira.

"Aalis na tayo?" tanong ko.

Wala akong nakuhang sagot sa kanya pero taliwas sa daan palabas ang tinatahak namin.

Pumunta kami sa bar counter at pabagsak na inupo ako ni Brix sa high chair katabi niya. Tinitigan
niya nang masama ang lalaking nakaupo sa gilid ko kaya mabilis itong tumayo at umalis. Ngayon
ay bakante na ang isang upuan sa tabi ko.

"Whoa! Boss Cardinal sitting on here instead of occupying a room, what's good? Mas gusto mo na
ba ngayong uminom sa maingay?" A loquacious grinning bartender approached us. May hawak
itong alak. Dumapo ang tingin niya sa katabi ko. "Hey. Where's the man here?"

Bigla kong naalala ng lalaking pinaalis ni Brix.

"Two glasses in 10 seconds," Brix broke his silence.

Mabilis na binitiwan ng bartender ang hawak na alak at tumakbo paalis. Wala pang ilang segundo
ay nakabalik na agad ito hawak ang dalawang baso at isang bote ng alak. Inilapag niya ang mga
baso sa harapan ni Brix.

"As usual, Boss Cardinal." Napatingin sa akin ang lalaki habang binubuksan ang alak. Bumali ang
leeg nito na parang inuusisa ako. "You must be his slave, right? Whoa. The talk of the town
woman who caught the eyes of the meticulous man of Nightfall Clan. May I know the name?"

"Ast—" Natigilan ako sa pagsagot nang marinig ang pagkabasag ng baso.


"Are you here to serve me or to annoy the hell out of me?" matalim na tanong ni Brix habang
pinipino ang mga bubog sa kanyang kamay. "I haven't had any drink since this morning. You know
what that means?"

The bartender instantly lent the bottle of alcohol to Brix. Hinablot 'yon ni Brix at nagsalin sa isang
baso, kalahati. Saka nito tinulak sa akin ang baso at tumungga sa hawak na bote. Sinenyasan ako
ng bartender na may aasikusihin pa siya.

Bumuga ako ng hangin bago hinawakan ang baso na may alak. Kumikinang ang kulay pulang
likido rito. Walang yelo pero malamig naman na. Inamoy ko ito. Amoy alcohol pa rin pero mas
humahalimuyak ang dugo.

"Fuck it," I heard Brix mumbled.

Sinulyapan ko siya. Nakatingin lang ito sa kanyang mga kamay na may sugat gawa ng bubog.
Ilang sandali ay naghilom na ang mga ito. Tumaas ang tingin ko sa kanyang mukha. He looked
infuriated and I had no idea why.

Damn! Bakit ba ang hirap basahin ng lalaking ito? Ayos pa naman kami kanina bago ko pa
sinabing pwede na niya akong gawing alipin. May mali ba ro'n? Did I miss something? Hindi ba
gano'n ang paraan?

One name suddenly popped in my mind. Celeste. I need to meet her one of these days. I need
information about how this one works.

"Have you already signed the paper?" biglang tanong ni Brix.

Muli akong napatingin sa kanya. "What paper?"

Napailing ito bago tumungga sa alak.

Naghintay akong sumagot ito pero wala akong nakuha. What now? He's going to leave me
wondering?

Due to frustration, I gulped my drink straight. Whoa. Ang sarap! Sinimot ko ang laman ng baso
hanggang sa huling patak. Dinilaan ko pa ang labi ko para mas lasahan ang alak. Kaya naman
pala hayok na hayok si Brix dito.

Ramdam kong nakatingin sa 'kin si Brix kaya kunwari ay inabala ko ang sarili ko sa paligid.
Dumoble ang mga bampira ngayon. Halos lahat ng table ay may nakaupo na. At mas lumala rin
ang kaguluhan sa paligid. Habang mas tumatagal ay nagiging mabangis ang mg nandito.

Kinuha ni Brix ang baso ko at sinalinan uli 'yon ng alak. Pabagsak na nilapag niya 'yon sa harapan
ko.

"It was in your pocket..." Brix whispered.

Napakapa ako sa bulsa ko. Wala naman.

"Where? I don't get it," I responded.

Kinulong ko sa mga palad ko ang baso at bumaling ng tingin sa kanya.

Napasinghap ako nang hawakan niya ang balikat ko at hinarap ako sa kanya. Ngayon ay
nakahawak na ang dalawa niyang kamay sa balikat ko at magkaharap kami sa isa't isa. Nahirapan
akong huminga habang nakatingin sa kanya.

"Listen, Astra." Lumunok ito bago nagpatuloy. "No one is allowed to touch you until I get my first.
Ako dapat ang makauna sa 'yo. Don't you dare ruin it. You wouldn't like the consequences if you
failed me."

A dangerous smirk formed on his lips. Mas lalong pumula ang mga 'yon na medyo mamasa-masa
dala ng alak. Gusto ko mang ibaling sa kanyang mga mata ang tingin ko pero parang napako ang
titig ko sa kanyang mga labi.

Natigilan ako nang hawakan niya ang buhok ko at inayos sa likod ng aking tainga ang ilang hibla
na kumawala. Lumapat ang kanyang mainit na palad sa aking leeg at rumagasa papunta sa batok
ko. Nanindig ang balahibo ko at hindi nakagalaw.

"B-Brix..." Fuck it! I'm having a panick attack.

"It was in your pocket." Inalis na niya ang kamay sa batok ko at humarap na uli sa counter.
Hinawakan niya ang alak at uminom doon. "Mr. Billy slid it inside your pocket when you were in
the clinic, struggling in transition."

Napabalik ako sa huwisyo ilang segundo matapos niya akong bitiwan. Umayos ako ng upo at
humarap din sa counter. Bahagya akong sumimsim sa alak na nasa baso. Ayokong iisahang
lagukan dahil baka makulangan na naman ako.

Ramdam ko pa rin ang init ng palad niya sa batok ko.

"Teka... pinadala mo siya roon?" tanong ko.


"Why not?" He shook his head. "You think humans could help you that time?"

Bigla kong naalala na pinasok ni Mr. Billy ang kanyang kamay sa bulsa ko no'n. Hindi ko gaanong
napagtuonan ng pansin ang detalyeng 'yon dahil masama ang pakiramdam ko. Hindi ko pa
nalalabahan ang uniform ko kaya andoon pa ang papel.

"Bring it tomorrow," he said.

"Aalis na naman ako bukas?" Ngumuso ako. "Hindi ko alam, Brix. Kailangan ko pang bumawi kay
Tita Ophelia dahil sa biglaan kong pagtakbo kanina. Baka 'pag nagsunod-sunod na ganito ako ay
palayasin na niya ako."

"Then, leave. I could get you your own damn house," he said, annoyed.

"And I'm going to live there alone?" I rolled my eyes.

Bumali ang leeg niya papunta sa direksyon ko. "I could get you lots of dogs, as much as you want.
Damn! Hindi ko dapat ginagawa ito pero ang dami mong reklamo sa buhay. Siguro naman kapag
wala ka na sa pundar ng mga 'yon ay magagawa mo na ang gusto mo, hindi ba?"

Uminom ako sa baso bago umiling.

"I'm not leaving there," I said.

Ayokong maiwang mag-isa. Mas gusto ko na sa maingay na bahay ni Tita Ophelia. At least kahit
papaano ay may nakakausap ako. Kahit papaano ay naiibsan ang lungkot na nararamdaman ko.
Mas lalo lang akong malulumbay 'pag humiwalay sa kanila.

Muli na itong bumalik sa pag-inom, halos ubos na ang bote na hawak niya.

"Favor, Brix," nahihiya kong sabi.

Wala akong nakuhang sagot sa kanya.

"P-pwede mo bang ligawan si Tita Ophelia?"

Napapikit ako nang marinig na nabasag ang hawak na bote ni Brix. Natakot akong imulat ang mga
mata ko dahil baka ipakain niya sa 'kin ang bubog dahil sa pagkainis. Lumipas ang ilang segundo
na walang nangyari. Hinugot ko lahat ng lakas sa loob ko para imulat ang mga mata.
Pigil ang paghinga ko. Naabutan kong tumutungga ng bagong alak si Brix. Nakakalat sa sahig ang
bubog ng boteng binasag niya. May kaunting sugat ang gumuhit sa pisngi niya, malamang na
nasagutan dahil sa bubog.

"Y-you are bleeding..."

"I'm a vampire," bale walang sagot nito.

Pinagmasdan ko ang maliit na hiwa sa pisngi niya hanggang sa maghilom ito. Gamit ang palad ni
Brix ay madiin na pinunasan nito ang dugo sa kanyang pisngi. Muling bumagsak sa mga bubog
ang tingin ko. Wala pa kaming ilang oras pero nakadalawang basag na siya.

Suminghap ako at ibinaling sa ibang direksyon ang tingin ko. Naramdaman kong kumulo ang
sikmura ko.

Napatalon ako sa gulat nang maramdaman na may humawak sa braso ko. Si Brix... madiin ang
tingin sa sugat sa braso ko. Hindi ko ito napansin. Mukhang nasugatan din ako gawa ng bubog na
binasag niya.

"Fuck it, Astra. You are bleeding..."

Umigting ang pagkapula ng kanyang mga mata.

"I-I'm a vampire..." I responded, nervous.

"You are damn fresh. Let's get out of here!"

Hinawakan na niya ako at aktong aalis na nang hinarang kami ng grupo ng mga lalaki.
Napahawak ako sa kay Brix nang makita ang mga mata nilang pula, sumisilaw rin ang pangil sa
labi nila, halatang uhaw. Sa iisang direksyon lang nakatingin ang kanilang mga mata... sa braso
kong dumudugo.

"I don't want to fight," walang ganang sambit ni Brix sa kanila.

Ngumisi ang isa sa kanila. "Of course, you won't. Kailangan mong hindi gumawa ng gulo dahil sa
nalalapit mong paghirang bilang pinuno ng clan natin. How about us, Mr. Cardinal? We don't have
any reputation to take care of."

Humigpit ang pagkakahawak ng kamay ni Brix sa 'kin.

Putik. Hindi pa rin naghihilom ang sugat ko.


"Stay here..." Hinila ako ni Brix sa kanyang likod.

"Damn. Fresh blood..." one of them mumbled.

Nanginginig na pinunas ko sa damit ko ang dugo pero may panibago na naman. Bigla kong
naalala ang ginagawa ko dati kapag nasusugatan ako sa daliri.

"Don't suck your own blood idiot. It will get worse," pabalang na sabi ni Brix. Tumikhim ito at
umabante papunta sa grupo ng mga lalaki. "Are you guys dumb? I will be the next leader of our
clan. Kapag sinaktan niyo ang babaeng nasa likod ko, kayo ang una kong pupuntiryahin kapag
ako na ang namumuno."

Sabay-sabay na humalakhak ang grupo ng mga lalaki.

Bumali ang leeg ni Brix, halatang napipikon na.

Ayon sa narinig ko, bawal masangkot sa gulo si Brix. Kapag nasangkot siya sa gulo,
maaapektuhan nito ang kung ano mang dapat na mangyari sa kanya. Bigla kong naalala ng pakay
niya sa 'kin. He needs me to make his dad proud. I know... he's doing it to secure his position.

Now... I'm about to ruin it all.

"Kapag sinaktan mo naman kami, manganganib ang posisyon mo," sagot ng lalaki. "You need to
choose, Brixton Cardinal. Let us have a taste of that woman or fight us and give up your position."

"Come on. Patikim na lang. Hindi naman namin uubusin."

Napaatras ako nang may humampas na upuan sa katawan ni Brix. Hindi ito natinag sa
pagkakatayo kahit na nawasak ang upuan, pero nakita kong kumuyom ang kanyang mga kamao.
Kaunting tulak na lang sa kanya ay hindi na ito magpipigil pa.

"Stop!" Humarang ako sa harapan ni Brix. "H-hindi dapat kayo nag-aaway. Nasa iisang clan lang
tayo, hindi ba? Dapat kalaban natin ang mga insurgents! We need to be united. So, please..."

"What the fuck are you doing?" madiin na tanong ni Brix.

Tinangka niya pa akong hilahin pero hindi ako nagpatinag.

"Shit, Astra! Ngayon ay ipinagtatanggol mo ang lalaking ito? Ano'ng magagawa mo laban sa
limang hayok sa dugo na ito? Sabunutan? Sampalin?" pangaral ko sa sarili.

Humakbang papunta sa harap ko ang isa sa kanila, nanginginig man ay hindi ako kumilos.
Malawak ang ngisi sa kanyang labi. Dinilaan niya ang pang-ibabang labi. Pinagmasdan niya pa
ako mula paa hanggang ulo bago bumalik ang tingin sa dibdib ko.

"Gorgeous..." Tinangka niyang hawakan ang mukha ko pero napigilan agad siya ni Brix.

"Touch her and you will be marked as insurgent," dumilim ang tinig ni Brix. Ngayon ko lang
napansin na lumabas uli ang mga ugat niya sa kamay hanggang sa leeg. "I will make sure no clan
will accept you anymore. You will live your whole worthless life, running scared, hiding until you
just wish to die."

No. He's about to make a commotion.

"Oh, my feels!" naagaw ng isang babae ang atensyon namin. Hindi ito makadaan dahil
nakaharang ang nagalaw na lamesa. "This is so messy!" Sinipa nito ang lamesa na tumalsik sa
ibang bahagi. Bago pa man 'yon bumagsak sa sahig ay wasak na.

Naagaw niya ang atensyon ng lahat. Sa dami ng mga narito, imposibleng hindi mo siya makita.
Matangkad na pero naka-high heels pa rin. At namumukod-tangi ang kulay pula niyang dress.
Pinitik pa nito ang kanyang buhok.

Dumiretso si Nath sa counter at kumuha ng alak. Pansin ko ang mga naglalaway na tingin ng mga
lalaki.

"Let's go..." bulong sa 'kin ni Brix.

Hinarang kami uli ng mga lalaki.

"Sino'ng gustong uminom kasama ako?!" pasigaw na tanong ni Nath. Wala pa yatang ilang
segundo ay nasa harapan na niya halos lahat ng lalaki rito. Mahina itong natawa bago dumapo sa
amin ang tingin niya. "I prefer you guys..." Itinuro niya ang mga lalaking humarang sa amin. "Come
here and have a drink with me."

"Fuck, yes, Lady Nathalia!" Nawala rin agad ang mga lalaking pumipigil sa amin.

Kinuha ni Brix ang pagkakataon na 'yon para ilabas ako. Nang makasagap ng sariwang hangin ay
gumaan ang pakiramdam ko. Naghilom din agad ang sugat sa braso ko. Kumalma na ang lahat
pero lang sa isang lalaki.

"What's that?" Binitiwan ni Brix ang braso ko nang makarating kami sa parking lot. Sumandal ito
sa kanyang sasakyan, nakahalukipkip habang nakatingin sa 'kin. "Kailangan ko pa bang ipaalala
sa 'yo ang nangyari no'ng isang gabing nagpakabayani ka para ipagtanggol ang nanakawan?"

Napayuko ako.

"You are at it again, Astra," dinig ko pang sabi nito.

Umangat ang tingin ko. "I-I tried to save—"

"My position?" he cut me out, brows furrowed. "Do you really think that threat would stop me from
breaking their legs?"

"I-I thought—"

"Na maililigtas mo ako? Para saan? Magkautang na loob ako sa 'yo?"

Kumunot ang noo ko bago mapaklang natawa. "Gano'n ba talaga ang tingin mo sa ginawa ko?"

"Then, what?" hamon nito.

"I am your slave, remember?" nagtaas ako ng kilay. "Hindi dapat kita hahayaang mapasama. I
need to protect you at all costs, even if I need to sacrifice my life. Lagi mong pinapamukha sa 'kin
na alipin mo lang ako, ngayon na nagpapakaalipin na ako, galit ka pa rin? What am I suppose to
do?"

Bumali ang leeg nito. "You are my slave, you don't decide for me. Ano ang ginawa mo kanina?
You fucking disobeyed me!"

"That's not how it works!"

"Of course, it's not!" Umayos ito ng pagkakatayo. Ramdam ko na kumalma na ito pero may bakas
pa rin ng inis sa kanyang tingin. "This is not how it works. Hindi dapat ganito ang nangyayari. You
are supposed to be obeying me and following my words. That's your role here. My slave..."

Binuksan na nito ang pinto ng sasakyan niya.

"And... I am," sagot ko.

"Are you dumb? It feels like the other way around. Get in the car. We still need to get you a fucking
dog."
Chapter 9

Chapter 9: Give in

Sumakay ako sa sasakyan ni Brix gaya ng sabi niya. Gaya no'ng una akong nakasakay rito,
tahimik ako at nakabaling sa labas ng bintana. Nagtanong ito kanina kung may alam akong bilihan
ng aso pero wala siyang nakuhang sagot sa 'kin. Una sa lahat, hindi pa rin ako maka-move on sa
palitan namin ng mga salita. Pangalawa, wala akong alam na bilihin ng aso maliban sa pet shot na
'di ko alam kung saan meron. At pang huli, heto na naman na kami na parang walang nangyaring
sagutan kanina.

Katulad ng madalas, hindi na nasundan ang tanong niya nang walang makuhang sagot.

Is that it? After the confrontation earlier, he will act like nothing happened at all? Ganito ba talaga
siya? Katulad no'ng una naming pagkikita, kung paano niya ipamukha sa 'kin na alipin lang niya
ako na maaari niyang iligpit 'pag 'di na kailangan. Nalingat lang ako nang kaunti ay parang hindi
na niya maalala na sinabi niya sa 'kin 'yon.

"Can't you shut up?" Naputol ang pagmumuni-muni ko nang magsalita ang kasama ko.

Hindi ko napigilang lumingon. Nakangiwi ang labi nito habang diretso ang tingin sa kalsada. Wala
namang ibang nandito kung hindi ako kaya malamang na ako ang pinapatigil niya. Baliw ba 'to?
Hindi naman ako nagsasalita.

"Fuck!" Hinampas niya ang busina bago marahas na bumaling sa 'kin. "You are overthinking.
Pwede bang pagpahihangin mo naman utak mo?"

That's when I realized he has been reading my thoughts.

"Kasalanan ko bang nababasa mo nasa isipan ko? Shut my mind? Baliw ka ba? Bakit kaya hindi
mo tigilan ang pagbabasa sa isipan ko?" Hindi ko napigilang mapaismid dahil ako pa sinisisi niya.
"Para namang mapipigilan kong hindi mag-isip," bulong ko pa.

Tumuwid ang tingin nito sa daan at tumikhim. Nakita kong humigpit ang pagkakahawak niya sa
manibela.

He's annoyed once again.

"It's lunch time. Where do you want to eat?"

Tumaas ang dalawa kong kilay.


"Are you that forgetful?" I mocked.

"What?" He took a glimpse of me.

Huminga ako nang malalim bago kinalma ang sarili. Tumikhim ako at hinanda ang mga detalye na
nangyari kanina na tila nakalimutan na naman niya.

"You are my slave, you don't decide for me," I imitated the way he said that. "Ano ang ginawa mo
kanina? You fucking disobeyed—"

"Damn. Stop that," he cut me out. " Okay. Ako na ang maghahanap."

Good. Humalukipkip ako at muling tumingin sa kalsada. Hindi sinasadyang nahagip ng mga mata
ko ang isang lalaking naglalakad sa gilid ng kalsada. Halatang pauwi na ito base sa daan na
tinatahak niya.

"Stop!" Napasigaw ako.

"Wait— what?!"

"I said stop your car! Are you deaf?!"

Muntik na akong masubsob nang bigla niyang ihinto ang sasakyan. Kinalas ko agad ang seatbelt
ko at lumabas ng sasakyan. Hindi ko pinansin si Brix na halatang naguguluhan sa nangyayari.
Tumakbo ako papunta sa lalaki at hinarang ang daan niya.

"A-Astra..." Gulat ang mukha ni Eliyah. "Hindi kita napansin palapit. Putik! Ginulat mo ako!"

Lumunok ako. "S-saan ka pupunta?"

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Uuwi muna, may nakalimutan ako e. Teka. Bakit andito ka?
Hindi ba kasama ka ni Mama sa palengke?"

Madiin akong umiling.

"Huwag kang uuwi," sabi ko.

Hindi pa siya pwedeng umuwi. Malamang na hahanapin niya si Tati 'pag umuwi siya at kapag
nalaman niyang nawawala ito ay mabubulilyaso ang plano ko. Wala pa akong pamalit kay Tati. I
need to buy more time.
"Paki mo ba?" Aktong lalagpasan na niya ako pero mabilis ko siyang naharang. "Ano ba ang
problema mo, Astra? Gusto mo bang mabatukan?"
"H-huwag kang uuwi," napakapa ako ng idudugtong. "'Yung engkanto! Naalala mo ba 'yung
engkanto na nanliligaw sa 'kin? Baka maabutan mo siya sa bahay! Bahala ka baka ikaw na naman
ang ligawan niya."
Kahit papaano ay lumuwag ang paghinga ko nang makitang natigilan siya at napalunok. Mabuti na
lang isip-bata ang isang 'to at madaling utuin. Kahit siguro ang napakaimposibleng dahilan ay
paniniwalaan niya.
"L-lalaki ako bakit niya ako liligawan!" pagrarason nito kahit na bakas ang pagkabahala sa
kanyang mukha. "Sira ka ba?"
"D-duwag ka, hindi ba? Baka akala niya bading ka!"
"Sinong bading?!" Bahagya niyang tinulak ang balikat ko. Mukhang napikon ko na. "Aba!
Sumosobra ka na ah?! Gusto mo bang isumbong kita kay Mama? No. Isusumbong talaga kita.
Kapag ako hindi nakatulog mamaya."
Napatingin ako sa lalaking nakasandal sa sasakyan, nakahalukipkip at tamad na nakatingin sa
akin. Pumipitik pa ang mga daliri nito na halatang inip na.
"Nag-lunch ka na?" tanong ko kay Eliyah.
"Kakain na kami pagbalik ko. Gutom na ako kaya pwede ba?" Sinenyasan niya akong umalis sa
daan. "Saka kukunin ko si Tati. Baka naubos na agad niya ang pagkain. Isasama ko na lang siya."
Imbes na pagbigyan ko siya ay hinawakan ko ang braso niya at hinila papunta kay Brix. Tumaas
ang mga kilay nito nang makarating kami sa kanyang harapan. Hindi nito binalingan ng tingin si
Eliyah na naguguluhan.
Hindi ko alam kung magandang ideya ito pero wala na akong ibang pagpipilian.
"Brix... si Eliyah nga pala, pinsan—"
"Do I look like I give a damn?" Brix cut me out.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata at sinenyasan na sumakay na lang. "Uuwi siya sa bahay. Alam
mo na, Brix? May mga pangyayari sa buhay natin na hindi maiiwasan. Katulad ng gutom... isama
natin siya sa lunch?" Sinabayan ko pa 'yon ng pilit na tawa.
"Sino ka?" naguguluhang tanong ni Eliyah. "Sasakyan mo? Ang ganda naman ng sasakyan mo!
Totoo ba 'to?" Lumapit pa ito sa sasakyan ni Brix at pinasadahan ito ng kamay. "Putik. Angas. Ang
mahal siguro nito."
Habang abala si Eliyah sa sasakyan ay hinili ko naman palayo si Brix para makausap. Mabilis na
tinanggal ko rin ang kamay ko sa kanyang braso nang mapansin na roon siya nakatingin. Alam
kong ang dami ko na namang atraso sa kanya pero bahala na.
"B-Brix..." Napakapa ako ng sasabihin. Kahit naman siguro anong irason ko ay hindi pwedeng
hindi siya magagalit. "Last na 'to. Isama natin siya sa lunch para malibang siya. Hindi pa siya
pwedeng umuwi. Alam mo na, hindi ba?"
Sa dami ng mga sinabi ko ay hindi nagpakita ng pagkainteresado si Brix. Tamad ang tingin niya at
halatang wala na sa mood.
"P-please?" I pleaded. "I don't know what else to do."
"I don't hang out with humans, Astra. The last time I did, it didn't go well." Humakbang ito palapit
sa 'kin hanggang sa kinailangan ko nang tumingala. Seryoso ang tingin nito sa akin. "Would you
take responsibility if ever?"
Mabilis na tumango ako. "A-ako ang bahala."
Tumingin lang siya sa akin nang ilang segundo, hindi nagsalita. Sinabayan ko ang nakakalula
niyang tingin. Sa tingin ko ay inuusisa nito kung hanggang saan ang katatagan ko para
panghawakan ang mga binitiwang salita.
"You still don't know, huh?" he asked, a bit disappointed.
"Ang ano?"
Sandali itong bumaling ng tingin kay Eliyah na abala pa rin sa sasakyan.

"Humans..." Bumalik ang tingin niya sa 'kin. "Humans aren't allowed to know our existence. That's
the highest order from above. You know what happens to those who break that rule? You will be
acknowledged as insurgent. You will be removed to your clan."

Hindi siguro pero tumango ako. "Yeah. I won't."

Kumunot ang noo nito. "You just did it, Astra."

"Huh?"

"Hindi mo napansin? Nasa kabilang kalsada ang sasakyan, paano ka agad nakarating sa harapan
ng lalaking 'yon?" Nagtaas ito ng kilay na parang naghahamon. "You are no longer a human,
Astra. Your abilities are enhanced, out of this world for humans."

Napalunok ako nang mapagtanto kung ano ang tinutukoy niya. Kaya pala gulat si Eliyah kanina sa
bigla kong pagsulpot.

"Astra..." Napatingin ako kay Eliyah na lumapit sa amin. "Siya ba 'yong nanliligaw sa 'yo?"

Humalukipkip si Brix, halatang nababagot na sa mga pangyayari.

"Brix?" I called his attention. "Please?"

He just stared at me, idly.

"Ang tangkad mo." Napangiwi ako nang tumingkayad ang pinsan ko para hawakan ang buhok ni
Brix. Tuwang-tuwa pa ito. "Pang engkanto ang taas mo pero mukha ka namang normal. Totoo ba?
Nililigawan mo si Astra?"

Hinawakan ko ang braso ni Eliyah at hinila siya palayo kay Brix.


"Manahimik ka nga," madiin na bulong ko sa isip-bata kong kasama. Kung magpapatuloy siyang
ganito ay hindi malabong masagad niya si Brix.

Tumalikod na si Brix at naglakad papunta sa sasakyan. Hawak ko pa rin ang braso ni Eliyah
habang nakasunod kami. Sa tingin ko ay pumayag na ito pero kailangan ko pa ring hawakan si
Eliyah.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Eliyah. "Sa palasyo ba niya? Hindi ba may palasyo ang mga
engkanto, Astra? Nabasa ko 'yon sa librong binili ko. 'Yung tig sasampong piso na kinukulayan—"

Tinapalan ako ang bibig ni Eliyah at pinanlakihan siya ng mga mata. "Pwede bang itikom mo ang
bibig mo kahit na ngayon lang?"

Naunang sumakay si Brix, hindi pa rin kami nililingon.

Binuksan ko ang pinto sa likod, para sa pinsan ko sana 'yon pero nauna na pala itong sumakay sa
harapan. Narinig ko pang tuwang-tuwa ito habang pinupuri ang sasakyan.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay sa likod. Naabutan ko si Brix na nakayuko sa
kanyang mga braso na nakapatong sa manibela. Kaunting tulak na lang ay sasabog na uli ito.
Hindi iyon pansin ni Eliyah.

"Ang bango rito!" suminghap si Eliyah. "Astig talaga."

"Bibig mo, Eliyah," bawal ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang umandar ang sasakyan. Nakayuko pa rin si Brix sa
manibela, hindi nakatingin sa kalsada. Nabahala ako na baka mabunggo kami pero hindi gano'n
ang reaksyon ni Eliyah.

"Putik! Astig. Bilisan mo pa!" utos ng pinsan ko.

Napasandal ako nang mas bumilis ang sasakyan. Tuwang-tuwa si Eliyah habang ako ay kabang-
kaba. Napansin ko ang mga nakakuyom na kamao ni Brix. Ayaw pa naman niya sa lahat ay ang
mga maingay... na sinalo lahat ng pinsan ko nang ipanganak.

"Eliyah. Stay classy," bilin ko.

"Shut up, Astra. This is cool!"

"Isusumbong kita kay Tita!" babala ko.


Humalakhak si Eliyah. "Mas lagot ka kapag nalaman niyang tinakot mo ako. Mababatukan ka na
naman no'n."

Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kahit na
nakapikit ay dinig na dinig ko ang mga pabagsak na paggalaw ni Eliyah. Pinaglaruan pa niya ang
radio ng sasakyan at kinulit-kulit si Brix.

Nagdasal na lang ako na sana ay makapagpigil si Brix.


Ilang sandali pa ay nawala ang ingay ni Eliyah. Nagmulat ako ng mga mata. Kumunot ang noo ko
nang mapansin na nakayuko na ito at halatang tulog. Napatingin ako kay Brix na ngayon ay
nakaayos na ng upo at hawak ang manibela. Bumagal na ang pagmamaneho niya.
"B-Brix..."
"Magigising din 'yan mamaya," pabalang na sabi nito. "Just be thankful I didn't kick him out."
Lumapit ako kay Eliyah at inangat ang mukha nito. Bagsak ang kanyang mga kamay. Halatang
malalim ang tulog.
"Hindi mo siya sinaktan?" usisa ko.
"No. Malamang na patay na 'yan 'pag sinaktan ko," mahinang tumawa si Brix, halata pa rin ang
pagkaasar. "You live with this kind of human?" Umiling-iling ito. "Buti nakakaya mo? I just met him
a few minutes ago but fuck... kung hindi mo lang ito kaanu-ano."
Natawa rin ako dahil ramdam ko ang pagkainis niya. Ngayon lang kami nagkasundo sa isang
bagay.
This is where I can use the phrase," I feel you. Sanay na lang ako. Hindi pa nga 'yan, e."
"He can be more annoying than this?" manghang tanong ni Brix. "Humans never failed to amaze
me with their endless stupidity."
Well... I must agree. Buti na lang 'di na ako tao.
Tumigil kami sa isang mamahaling restaurant. Gigisingin ko na sana si Eliyah ngunit naunahan na
ako ni Brix. Hinawakan niya ang panga nito at ilang sandali pa ay nagmulat na ng mga mata.
Marahas na binitiwan ni Brix si Eliyah dahilan ng pagkauntog nito sa bintana.
"Ouch!" my cousin complained, grimacing. Nagkusot ito ng mga mata. "Grabe. Sarap dito.
Nakatulog pala ako."
Lumabas na si Brix kaya sumunod ako. Kinailangan ko pang hilahin si Eliyah na halatang lutang
pa rin. Nasalikod lang kami kay Brix habang naglalakad kami papunta sa pinaka-entrance ng
restaurant. Sa labas pa lang ay kitang-kita na ang karangyahan ng lugar na ito.
"Whoa. Dito tayo kakain?" manghang tanong ni Eliyah.
Bumati ang mga guard sa amin bago kami pinagbuksan ng pinto. Biglang kumalam ang sikmura
ko nang maamoy ang mga pagkain. Nagtangkang kumawala si Eliyah pero hindi ko siya binitiwan
dahil baka kung ano na naman gawin niya.
I roamed my eyes around. Kung namangha ako sa ganda ng paligid, mas namangha ako sa mga
taong kumakain. Tahimik lang sila at kapag nag-uusap ay halos pabulong lang. Hindi ko marinig
ang pagtunog ng mga kubyertos. May soft music pa sa background. Napakaelegante. Hindi ako
bagay rito.
"Table for 3, please?" Brix said to the waiter who greeted us.
He assisted us to a table for three. Naunang umupo si Brix bago ko hinarap si Eliyah at inupo sa
kanyang upuan. Napansin kong nakangiwi ito kaya napatingin ako sa braso niyang hinawakan ko.
Namumula ito.
"A-ang sakit ah!" bulyaw niya sa 'kin na panandaliang nakaagaw sa atensyon ng iba. Tumingala
ito at nang makita ang chandelier ay nagbalik sa pagkamangha ang kanyang mukha. "Ang ganda.
Sigurado akong masarap ang mga pagkain dito. Libre ba 'to ni Mr. Engkanto?"
Nilapitan kami ng isang waiter at binigyan kami ng tig-iisang kopya ng menu book. Kuminang ang
mga mata ko nang makita ang picture ng mga pagkain pero maiiyak yata ako nang bumagsak sa
presyo ang aking tingin. Galing ba sa ibang kalawakan ang mga sangkap nila?
Naka-order na si Brix at si Eliyah pero ako ay nakatingin pa rin sa menu book. Hindi gaya ko, kahit
papaano ay nakakakain naman si Eliyah sa mga mamahaling restaurant kaya sanay na siya.
Habang ako? Ito ang unang pagkakataon ko. Madalas ay sa fast food lang ako kumakain at kapag
birthday ko pa.

"Ma'am?" tanong ng lalaking waiter.

Ngumiti ako para itago na hindi ko alam kung paano bigkasin ang mga pangalan. Bakit ba kasi
pahirapan? Bakit hindi na lang lechon kawali? Pinakbet? Menudo? Pochero? Ano? Pahirapan na
sa paghugot pambayad tapos pahirapan pa rin sa pagbigkas ng mga pangalan ng pagkain?

"Ma'am?" ulit na tanong ng waiter.

Shit. Paano ba 'to basahin? Ituro ko na lang kaya?

Tumikhim ako at handa na sanang magturo nang maputol ito.

"Are you in a hurry?" biglang tanong ni Brix. Akala ko ay ako ang tinatanong niya pero sa waiter
siya nakatingin. "Why don't you give her time to decide?"

Napatikhim ang waiter at napayuko. Umatras ito nang bahagya palayo sa 'kin.

Ngumiti ako kay Brix pero wala man lang itong reaksyon.

Mas lalo akong na-stress. Putik. Dati kakain lang ako, ngayon maghihirap pa sa pagbigkas.

Narinig kong tumawa si Eliyah na halatang alam ang dahilan kung bakit ako natatagalan. "Hindi
kasi sanay sa ganito si Astra, Mr. Engkanto. Baka nga hindi pa siya marunong gumamit ng
kutsara at tinidor."
Namula ang mukha ko sa hiya nang marinig ang mahinang pagtawa ng waiter.

Baliw talaga 'tong si Eliyah.

Nagulat ako nang agawin sa 'kin ni Brix ang menu book at ibinalik sa waiter. Naguluhan man pero
walang nagawa ang waiter kung hindi ang tanggapin ito.

"Just double my order and get the fuck out of my sight," Brix said.

"I'm sorry, Sir?"

"Does your job exclude to be respectful?"

Napapatingin sa amin ang ibang tao dahil sa ingay ni Brix. Mas lalo akong nahiya lalo na't ako
ang dahilan nito.

"N-noted, Sir. 30 mins," saka na umalis ang waiter.

Napayuko ako at pinaglaruan na lang ang kamay sa ibabaw ng lamesa. Narinig ko ang pagtunog
ng cell phone ni Eliyah, mukhang sinusulit niya ang lugar na ito. Kinalbit pa ako nito saka inabot
ang kanyang cell phone.

"Picture-an mo ako," nakangiting saad ni Eliyah.

Tinukod nito ang kanyang mga siko sa lamesa at kunwari ay sa iba nakatingin. Tinutok ko sa
kanya ang camera. Napailing ako nang makita na sa una pa lang kuha ko ay ayos na. Gwapo ng
isang 'to, kung hindi lang sana isip-bata.

"Done," tamad na sabi ko pagkatapos.

"Thanks!"

Tumikhim si Brix. "Can I get your phone number?"

Napunta sa kanya ang atensyon ko.

"Sure!" maagap na sagot ni Eliyah. "09—"

"Astra?" Hindi pansin ni Brix si Eliyah.

"Akin na lang!" suhestyon ni Eliyah. "Walang cell phone si Astra."


Napangiwi ako at pasimpleng sinipa si Eliyah.

"Forget it. I just asked just in case. I don't use phones, too," sagot ni Brix. Nakahalukipkip ito at
tamad pa rin na nakatingin sa 'kin. Bigla itong tumingin kay Eliyah na kinabahala ko. "Hey young
man, how does it feel to be this pathetic?"

"Brix..."

"Pathetic?" nagtaas ng kilay ang pinsan ko.

"I mean as a human." Tumawa si Brix pero halatang nang-aasar.

Tumawa rin si Eliyah. "Kung makapagsalita ka parang 'di ka tao ah?"

Bumali ang leeg ni Brix, halatang 'di nagustuhan na tinawag siyang tao ni Eliyah. Kahit na
nakaputing t-shirt lang ito ay bumabagay pa rin siya sa lugar na ito. Ako naman ay kahit siguro
mag gown ay magmumukha pa rin akong kaaawa-awa rito. May mga tao— bampira lang talaga
siguro na hindi kailangang mag-ayos para maging karespe-respeto ang dating.

"Hindi mo ba talaga alam kung saan may bilihan na aso?" sa akin naman nagtanong si Brix. "I'm
so sick of this wretched game."
Natigilan sa pag cell phone si Eliyah. "Bibili ka ng aso, Mr. Engkanto? Sakto! Punta ka sa bahay
para may kalaro si Tati!"
"Eliyah..." Huminga ako nang malalim. "Call him Kuya Brix—"
"Master Brixton," putol sa 'kin ni Brix. "He should learn to address me by that name. He's not my
brother."
"Sama ako sa pagbili ng aso!" pagpupumilit ni Eliyah.
Umiling ako. "Babalik ka sa kumare ng Mama mo, Eliyah."
"At ikaw?" Tumaas ang mga kilay ni Eliyah. "Sasama ka sa kanya?"
"Why not? She's my sla—"
"Friend," putol ko kay Brix.
Napahilot ako sa sentido ko. Nahihilo ako sa dalawa na ito. Mabuti na lang at dumating na ang
order namin. Pansin ko agad na mas marami ang order ni Eliyah kesa sa aming dalawa ni Brix.
Hindi bale. Mukhang hindi naman nauubusan ng pera si Brix.
"Let's pray." Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan ni Eliyah ang kamay ni Brix saka niya rin
hinawakan ang isa kong kamay. "Oh, Lord..."
Napansin ko ang pagbigat ng paghinga ni Brix.
Bago pa man lumikha ng gulo si Brix ay hinablot ko na agad ang kamay ni Eliyah. "Pwede ka
namang magdasal sa utak lang, Eliyah. Gutom na kami. Naiintindihan naman ni Lord 'yon. Sige
na, kain na."
Mabuti na lang din at normal lang ang pagkain dito, gamit ang kutsara at tinidor. Akala ko ay may
iba pang gamit na kailangan kong problemahin. Hindi na rin nagsalita pa si Eliyah na kain lang
nang kain. Dumapo kay Brix ang tingin ko. Magaan ang pagkain niya, nginunguya muna ang
pagkain bago lunukin at para kumuha na naman.
"So... magkaanu-ano nga kayo ni Astra, Master Brix?" tanong ni Eliyah.
"Slave." Nasamid ako nang marinig ang sagot ni Brix.
"Personal alalay, Eliyah. Part-time job ko 'to," pagtuwid ko sa sagot ni Brix.
Napansin ko agad na sa tumingin si Brix sa likod. Umiling-iling ito bago nagpunas ng tissue sa
bibig.
"Excuse me." Saka na ito tumayo at naglakad palabas.
Nang makalabas si Brix ay humaba ang kamay ko para pingutin ang tainga ng pinsan ko. "Walang
hiya ka. Nilaglag mo akong bwisit ka. Hindi mo ba alam na nakakahiya 'yon?"
"A-aray..." angal ng pinsan ko. "Totoo naman kasi—"
"Ang bibig mo talaga pahamak."
Binitiwan ko rin ang tainga ni Eliyah nang makitang papasok na uli si Brix. Bumalik ito sa pwesto
niya at pinagtuonan na lang ang wine. Naramdaman 'ata niyang nakatingin ako sa kanya kaya
umangat ang tingin nito. Mabilis akong umiwas ng tingin.
"Take out natin ang sobra," sabi ng pinsan ko. "Wait. CR muna ako."
Tumayo si Eliyah at nilapitan ang isang waiter, may itinuto ang waiter na pinuntahan ni Eliyah.
"Dadalhin ni Oscar ang aso sa bahay niyo mamaya," biglang sabi ni Brix.
Nanlaki ang mga mata ko. "R-really?"
He nodded. "Hindi na natin kailangang bumili ng aso."
Napangiti ako. "Excited na ako! Ano ipapangalan ko sa kanya?!"
Kumunot ang noo ni Brix. "Tati? Does it ring a bell to you?"
Napangiwi ako nang mapagtanto na hindi pala bagong aso ang darating, kapalit lang ni Tati.
"Joke lang," bawi ko.
"So..." Tumikhim si Brix. "Let's play the real game, shall we?"
"Ngayon?"
Umiling siya. "Magsimula bukas, hindi mo na ako pwedeng utusan. I won't do you any favor
anymore. I will be your master and you will be nothing but my pet. No more bullshits. I will formally
introduce you to the whole clan. Bring the paper."
Nanuyo ang lalamunan ko.
"Okay..." mababang boses na sagot ko. "Pero... isang favor na lang, please?"
Sumandal ito sa upuan bago tumango.
"Flower..." bigkas ko. "Pwede bang bigyan mo ng bulaklak si Tita?"
"What? Why would I give your dog a flower?"
Nanlaki ang mga mata ko. "T-that's Tati! Si Tita Ophelia ang tinutukoy ko."
Bumuga ito ng hangin. "All right."
Napangiti ako uli... pero hindi ko maitago ang kaba. Ipapakilala na niya ako sa buong clan nila,
hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyayari. Pamilya pa nga lang niya ay halos tumakbo na
ako, paano pa kaya kung mas marami na?
Muling tumikhim si Brix na kinalingon ko.
"May dapat ka pang malaman..." saad nito. Pansin ko na hindi ito kumportable sa usapan na ito.
"That's an essential part of the ritual. I mean, it's your duty as a slave. Everyone does it, so as
you."
"What?"
"Blood..." Tumingin ito diretso sa aking mga mata. "It doesn't matter how you feel about it, you
need to give in."
"B-Brix..."
Bumali ang leeg nito na parang binabasa ako. Kumunot ang noo nito. Ilang sandali pa ay
napalitan ng gulat ang kaninang naguguluhang mukha.
"Fuck! Don't tell me..." He bit his lower lip. "You are still a virgin?"
Kung nalalaglag lang ang panga ay malamang na sumasayad na sa sahig ang akin.
"Damn it!" he cursed again. "But, fuck it. Whatever you. That's an essential part of the ritual..."
Namula ang mukha nito at umiwas ng tingin. "J-just prepare yourself... there's nothing else you
can do."
"B-Brix..."
"Hindi kita bubuntisin, huwag kang mag-alala..."
Parang maiihi yata ako. Tumayo ako at tumakbo rin sa CR.
Chapter 10

Chapter 10: Tonight


Sinundan ko lang kung saan pumunta si Eliyah at nahanap ko agad ang CR. Nadatnan kong
palabas ng Men's Comfort Room ang pinsan ko, may sinabi ito sa 'kin pero hindi ko gaanong
napagtuonan ng pansin. As I walked in Women's Comfort Room, I immediately locked myself in
one of the cubicles.
Umupo ako sa nakasarang bowl at sumandal. I could still feel my face burning like hell.
I need to give up my virginity for the sake of the ritual. Hindi ko alam kung saan ako
nangangamba. Dahil ba hindi ko pa naranasan 'yon at hindi ko alam kung paano gawin o sa
kadahilanan na ibibigay ko ito sa isang lalaking hindi ko pa lubusang kilala? Or whatever it is,
heck! I didn't see this one coming. I know being a vampire is bloody but... err.
"Kalma, Astra. Masarap naman daw 'yon sa pakiramdam," pangungumbinsi ko sa sarili.
Ayon sa naririnig ko ay pinagsamang sarap at kirot daw ang pakiramdam no'n. Sa una ay masakit
pero hindi kalaunan ay mawawala na ito— masarap na. Shit! What am I thinking? Kahit na anong
pakiramdaman no'n, hindi ko dapat ito ibigay sa isang lalaking hindi ko mahal!
But... there's nothing else I can do.
The worse is... it will be done tomorrow.
"Sis, nakita mo ba 'yung guy sa bandang dulo? 'Yung naka-white shirt?" dinig kong tanong ng
babae sa labas ng cubicle. Kahit na malayo ako ay malinaw ang kanyang tinig. "He is with his
maid and I think the other guy is his brother. He's freaking hot!"
Tumaas ang mga kilay ko. Nakilala ko agad ang tinutukoy nila. Maid?
"OMG! I was about to tell you!" The other girl giggled. "Hindi nga ako gaanong makakain nang
maayos, sis. Nakaharap siya sa 'kin kaya pakiramdam ko ay titingin siya sa 'kin kahit na anong
segundo. I was preparing the whole time but nothing happened."
"Fuck off, girl. Ako ang unang nakakita. Respeto naman!" Tumawa rin ang isang babae. May
pagkaharot din ang dalawang 'to. "Wait. Help me here, sis. Kailangan ko pang ibaba. Baka
cleavage lang ang katapat niya."
Naririndi na ako sa kanila kaya tumayo na rin ako at lumabas ng cubicle. Naabutan ko ang dalawa
na nakaharap sa salamin. Agad ko ring ibinaling sa iba ang tingin ko dahil baka akalain nilang
kapansin-pansin sila.
Dumiretso rin ako sa tapat ng salamin malapit sa kanila. Sa pagkakataong 'yon ay naagaw ko ang
kanilang atensyon. Pinitik ko ang buhok ko bago naghugas ng kamay. Hindi ako maarte pero
parang gusto kong mag-inarte ngayon.
"Girl... 'yung maid," bulong ng babae.
Isang pang tawag mong maid, ingungudngot na kita.
Tumikhim ang babae.
"Hi. Pwede ko bang makuha phone number ng boss mo?"
I mentally rolled my eyes. Ang harot ng boses kanina pero ngayon mukha namang siga.
I remained my composure, not giving a damn.
"I have a business proposal for him. I know he will be happy." There she goes again, the flirty
voice. Naramdaman kong may kinuha ito sa pouch niya, cell phone. "So... may I know his contact
number?"
Alam kong sa 'kin siya nakaharap pero pinanatili ko pa rin ang atensyon sa salamin. Wala akong
ibang magawa kung hindi ang ibabad ang kamay sa tubig para magmukhang abala. Wala sana
akong balak na kausapin ang mga ito kung hindi lang ako kinalabit na parang namamalimos.
"Wala akong barya," pabalang kong sagot.
"W-what?"
I let out a heavy sigh as I turned my head to them. "Business proposal? Is this kind of scam?
Unprofessional. Hindi ba dapat ay nag-research muna kayo? Bakit hindi niyo alam ang contact
number ng target niyo? It is so unprofessional to get someone's information this way. Do your
research, girls."

Napanganga ang dalawa sa sinabi ko.


"Boss?" I chuckled, to mock them even more. "As far as I know, I don't work for anyone. I am the
boss. And uh," I snapped my finger as I grinned. "For your information, he's not a business man.
Just the driver of the boss. My driver," I said, emphasizing the last two words.
I made my grand exit, smirking until I bumped into someone. Umangat ang tingin ko kay Brix na
nakakunot ang noo. Mukhang kanina pa ito naghihintay sa labas ng CR. Naramdaman ko ring
nakatingin sa amin ang dalawang babae.
"What took—"
"Ang sabi ko hintayin mo ako sa sasakyan, hindi ba?" I cut him out. Tinaasan ko siya ng kilay na
mas lalong nagpakunot sa kanyang noo. "Hays..." Hinawakan ko ang tela ng puting t-shirt niya.
"Tara na nga. May meeting pa ako." Saka ko na ito hinila palabas.
Nang tuluyan kaming makalabas ay binitiwan ko rin agad ang damit niya. Wala sa sariling
napahalakhak ako at halos maglupasay sa sahig habang inaalala ang mukha ng dalawang babae.
Hindi ako mahilig makipag-away pero hindi rin ako anghel na titiisin ang pang-aapi. Heck, I don't
initiate a fight, I finish it.
"I know what you did there." Napatingin ako kay Brix na nakahalukipkip, tamad na nakatingin sa
'kin.
Pabiro kong hinampas ang matigas niyang braso. "Ang galing ko, hindi ba?"
Bumali ang leeg nito. "As far as I know, I don't work for anyone. Especially for you."
I winced. "It was just for a show!"
"That's the show?" he asked.
I nodded. "Galing ko, hindi ba?"
Natigilan ako nang pumorma ang isang ngisi sa kanyang labi. "Good. I feel relieved now that I
know you are good at this. I think you are prepared enough for the show tomorrow, right?"
Just like that, I feel anxious again. I was about to say something when he already walked away.
Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya sa parking lot kung saan naabutan ko si
Eliyah, nakasilong ito sa isang puno at kitang-kita ko ang usok sa kanyang bibig.
"What the hell?" I mumbled, stunned.
Nang matanaw ako ni Eliyah ay agad niyang binitiwan ang sigarilyo at inapakan ang baga nito.
Pansin kong nataranta ito, alam niyang nahuli ko siya.
"What's that?" I asked him.
"I-I just tried..." Namumula ang mukha nito. "Huwag mong sabihin kay Mama."
"Kailan ka pa natutong manigarilyo, Eliyah?" kalmado kong tanong.
"It's not that serious. He's no longer a kid," dinig kong pag-epal ni Brix.
Bumaling ako kay Brix at sinamaan siya ng tingin. "Alam mo?"
He shrugged his shoulders.
Hindi ko napigilang hampasin ang kanyang balikat. "Gagi ka! Kapag nalaman ni Tita na binigyan
mo ng sigarilyo si Eliyah, malilintikan ka sa kanya!"
Brix just eyed me, languidly.
"Sorry na!" sabi ni Eliyah na nakaagaw uli sa atensyon ko. "Hindi na kita aawayin basta huwag mo
akong isumbong kay Mama! Please, Astra. Ang tagal na niyang hindi gumagamit ng sinturon,
malalatayan na naman ako kapag nalaman niya!"
Madiin akong napapikit bago huminga nang malalim. "Fine, Eliyah. Basta kapag nalaman ito ni
Tita, hindi ako sabit ah?"
Mas ako ang malalatayan kapag nalaman ni Tita na kinukunsinti ko ang baby niya.
My cousin nodded instantly. "Thanks!"
"Nasa bahay niyo na ang aso," dinig kong sabi ni Brix.
"Anong aso?" tanong ni Eliyah. "May bago kaming aso?!"

"Ihahatid ko na lang kayo," pagbabale-wala ni Brix sa pinsan ko.

Hindi katulad kanina, ako na naman ngayon ang nasa harapan ng sasakyan. Tahimik kami sa
pagkakataong ito. Si Eliyah ay abala sa kanyang cell phone habang si Brix naman ay diretso lang
sa kalsada ang tingin.

Bigla kong naisip ang mangyayari bukas.

"Mag-condom ka," bulong ko.

"Prohibited." Napalingon ako dahil sa isinagot niya at kung paanong lumabas ito sa bibig niya
nang gano'n lang. "It's a sacred ritual, Astra. Using a protection is like faking it. We can't fake it,
that's abomination."

"Are they going to watch?"

He shook his head.

"Then, we can fake it," I said, ending the conversation.

"What?"
"I-I am not ready." There, I said it.

Kahit na anong gawing kong rason, hindi ko pa 'yon kayang gawin.

Itinabi ni Brix ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka siya humarap sa akin. Alam kong gagawin
nito ang lahat para mapapayag ako pero higit pa ro'n ang kailangan niyang gawin para
makumbinsi ako. I am about to give up the only pressure thing left in me, I am not ready for that.

Bumagsak sa ibaba ang tingin ko at pinaglaruan ang mga kamay.

"W-we have talked about this, Astra..."

"Yeah," I responded, sarcastically. Bumaling ako uli sa kanya. "We have talked about this the day
before it's going to happen. You've given me enough time to prepare. Now, I can't do anything but
to force myself to believe I am prepared."

"I didn't tell you because you are my slave!" may diin niyang sambit. There he goes again, using
slavery. "I shouldn't tell you my moves before first of all, you can't do anything to turn down or
disobey my orders."

Napatingin ako sa likod. Mabuti na lang at tulog na ang pinsan ko.

"This is absurd," Brix mocked.

He drove us home. Ilang minuto na kaming nasa tapat ng bahay pero wala pa ring kumikilos sa
amin. Hindi rin naman ako makalabas kasi kinandado ni Brix ang pinto. Ang pinsan ko naman ay
humihilik pa.

"I'm sorry..." I mumbled.

"Don't feel sorry," he responded. "I am going to postpone the event."

Napatingin ako sa kanya. "T-Thanks..."

Nakahinga ako nang maluwag at napangiti. Hindi ko inakalang may soft part din pala ang isang
'to. Akala ko ay kailangan pang dumanak ang dugo para makumbinsi siyang hindi pa ako handa.

He nodded. "No worries. I am going to meet you again tonight."

Natigilan ako. "For what?"

Bumaling ito sa akin. "I just postponed the event before you are not prepared yet. So, I guess, I
need to prepare you first?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Baliw ka ba?"

Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko naalis kay Brix ang tingin ko.

"Brix!"

He smirked. "I'm going to use comdom this time, don't worry."

I bit my bottom lip as I shrieked, "Jerk!"

Lumabas na ako ng sasakyan at umikot sa likod. Sa sobrang inis ko ay sinampal ko si Eliyah para
magising. Mahina lang naman pero sapat para maalimpungatan ito. Bigla siyang napabangon
kaya nauntog sa bubong.

"Aw..." angal nito.

"Let's go," I said.

Nauna na akong pumasok ng gate, bahala na si Eliyah kung hindi pa siya susunod.

Mabibigat ang hakbang ko pero lahat yata ng inis sa katawan ko ay naglaho nang marinig ang
kahol ng aso sa loob. Nagmadali akong pumasok, naabutan ko ang isang aso sa itaas ng sofa.
Nakatingin ito sa 'kin. Napatakbo ako at niyakap ito.

"Tati!" I got teary-eyed.

Sinuri ko ito. Hindi ko na napigilang hindi maluha nang mapansin na parang si Tati talaga ito. Mula
sa laki, balahibo at pakiramdam. Parang nabuhay uli ang alaga namin.

"OA mo naman, parang ang tagal niyong 'di nagkita ah?" Sumulpot sa likod ko si Eliyah. Humikab
pa ito. "Matutulog pa ako." Saka ito pumasok sa kwarto nila.

Niyakap ko uli si Tati.

"Pakainin muna natin?" Umangat ang tingin ko sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang
makita ang nakangiting mukha ni Oscar, hawak nito ang bowl na pagkainan ni Tati. "Nakakaaliw
pala ang mga aso. Kanina pa kami naghahabulan dito." Tumawa ito.
Kinuha niya sa 'kin si Tati at inilapag sa sahig. Nilapit niya ang bowl na may pagkain. Hindi ko
maiwasang mapangiti uli nang makitang gutom na gutom ito. Si Oscar din ay todo ngiti habang
nanunuod.

"Ah!" Napatayo ako sa gulat nang marinig na sumigaw si Eliyah. Kumaripas ito ng takbo palabas
ng kwarto at lumapit sa 'kin. "M-may tao sa kwarto ko!"

Nanlaki ang mga mata ko nang lumabas ng kwarto si Nath, hawak nito ang lipstick ni Tita Ophelia.
"Ang cheap ng lipstick na ito, Astra. Mukhang hindi naman ito ang ginagamit mo." Tinapon niya
ang lipstick.

Hindi ako nakakilos dahil sa mga pangyayari.

"Nath, pakuha naman ng tubig," utos ni Oscar, hindi nito magawang iwanan si Tati. "Baka
mabulunan si Tita tapos mamatay pa."

Napatingin ako kay Eliyah na nakanganga, gulong-gulo.

Madiin akong napapikit. Ano'ng ginagawa ng mga Cardinals sa bahay na 'to?

"What the heck are you two still doing here?" Brix entered the scene.

Akala ko ay umalis na ito pero mukhang naramdaman niya rin na nandito ang mga kapatid niya.

"Sorry, Brix. Ang cute ng aso! Hindi ko agad naiwan." Humalakhak si Oscar habang patuloy pa rin
sa paghimas ng balahibo ni Tati. "Pwede ba tayong mag-alaga ng aso, Nath? Para naman may
kakulitan din ako."

Sinundan ko ng tingin si Nath. Nilapitan nito ang pinsan kong gulat sa mga nangyayari.
Hinawakan pa nito ang kanyang labi at hinaplos. "Malambot. Damn. Why do boys have softer lips
than girls? This is frustrating! Even Oscar and Brix, kahit walang ginagamit."

Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari kaya lumapit na ako kay Brix. "Help me. Baka dumating na
si Tita Ophelia. Paalisin mo na sila," pabulong kong pakiusap.

I don't know what's going to happen if Tita Ophelia caught a group of strangers in her house.

"Ah, oo nga pala!" Tumayo si Oscar at may kinuha sa kusina. Paglabas nito ay may hawak na
siyang bukilya ng pulang rosas. "Ito nga pala Brix 'yung bulaklak nung aso na pinabili mo rin.
Teka. Bakit kailangan ng aso nito?"

"What? That's for Tita, not Tati!" Brix corrected him.


Napatikhim ako.

"Oh... who's that?" sunod na tanong ni Oscar.

Napahilot ako sa sentido. Paano ko ba mapapalayas ang mga bampirang ito? Ginugulo nila ang
katahimikan ng pamamahay na ito. Gusto ko nang umakyat sa kwarto ko at umidlip pero hindi ko
naman sila pwedeng iwanan na lang dito.

"No... no—" Naagaw ni Eliyah ang tingin ko. Masyadong malapit na ang mukha ni Nath sa kanya
hanggang sa tuluyan na siya nitong halikan sa labi.

My jaw literally dropped. What the hell?!

"Soft talaga, sis." Nath giggled.

"Stop, Nath. You two, leave now," utos ni Brix.

"Oh, my feels! Oo nga pala, magpapa-pedicure pa ako!" Lumapit si Nath sa TV kung saan
nakapatong sa ibabaw nito ang kanyang pouch. "I need to go." She kissed me on my cheek
before skedaddling the house.

Napahinga ako nang maluwag. Umalis na rin sa wakas ang pinakamagulo sa tatlo.

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman na may palapit na sa bahay. "S-Si Tita Ophelia..."
bulong ko. "Brix. Umalis na kayo!"

"Shit." Mabilis na lumapit si Brix kay Oscar at hinila ito paalis.

Nang makaalis sila ay nakakabinging katahimikan ang sumunod. Napatingin ako kay Eliyah, tulala
pa rin ito at namumula pa ang kanyang mukha.

"T-that's my first kiss..." I heard him mumbled.

"Astra!" Nasa gate pa lang si Tita ay dinig na dinig ko na ang matining na boses nito. Nataranta
ako dahil wala pa akong naisip na dahilan nang bigla kong pagtakas sa palengke. "Walang hiyang
bata ka. Andyan ka na ba?!"

Mabilis na kinuha ko ang bulaklak sa sofa. Pabagsak na pumasok si Tita, pulang-pula ang mukha
at kulang na lang ay umusok ang ilong sa sobrang galit. Handa na itong sumabog kahit na anong
segundo.
"T-Tita..." I showed her the bouquet of red roses. "Dumalaw uli ang manliligaw mo. Ibinilin niya sa
'kin na ibigay sa 'yo ang bulaklak na 'to!"

Nawala ang pagkairita kanyang mukha nang mahawakan ang bulaklak. "Talaga? Hala! Sayang
naman at hindi kami nagtagpo!" Kinikilig na tumawa ito.

Napangiti rin ako. Nagmana talaga sa kanya si Eliyah.

"Oy, Eliyah? Ba't tulala ka diyan?" untag ni Tita sa anak niya. "Nakita mo rin ba ang manliligaw
ko?"

Umiling lang si Eliyah bago nakangiting pumasok ng kwarto.

"Oy, Astra. Bakit bigla kang umalis ka kanina—"

"Ang gwapo po ng manliligaw niyo!" putol ko sa kanya, binali agad ang topic na bubuksan nitos.
"Naku lang, Tita. Nakakalaglag ng panty!"

Humalakhak si Tita, tuwang-tuwa sa mga sinasabi ko. "Ano ka ba, Astra?! Nakakahiya naman
kapag nakita niyang nalaglag ang panty ko!"

"Hindi ka naman nagpa-panty kaya wala kang dapat ikahiya!"

"Ano'ng sabi mo?!"

Humalakhak ako at pabirong hinampas siya sa balikat. "Biro lang, Tita. Ikaw na. Haba ng hair mo,
naapakan ko yata."

"Meet me tonight..." Natigilan ako nang marinig ang boses ni Brix.

"Ano, Astra? Kailan daw siya uli babalik?" untag ni Tita.

Napatitig ako kay Tita at isang kapangahasan ang pumasok sa isipan ko. Hindi ko alam kung ano
ang kalalabasan nito pero bahala na. Hindi ko pa kayang gawin ang gustong mangyari ni Brix.
Gagawin ko ang lahat para maudlot ito.

"Mamayang gabi, Tita. Babalik ang manliligaw niyo," nakangisi kong tugon.
Chapter 11

Chapter 11: Messed up

Binuhat ko si Tati at inakyat sa kwarto ko. Iniwan ko muna si Tita Ophelia na hanggang ngayon ay
yakap-yakap pa rin ang bulaklak. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa na paniwalang-
paniwala siya sa kasinungalingan ko. Si Eliyah naman ay hindi na lumabas ng kwarto, malamang
na dinaramdam pa rin ang pagnakaw sa kanyang first kiss.

Nilagay ko si Tati sa kama. Humiga ako at tumagilid paharap sa kanya habang hinihimas ang
kanyang tiyan. He likes it when I am scratching his tummy, titihaya pa ito habang nakaangat ang
kanyang mga paa sa ere.

Wala sa sariling napabuga ako ng hangin.

I'm just half way of the day but it feels like a week had passed already. Hindi pa rito natatapos ang
araw na ito, I still have a long night ahead of me. I still need to spend energy because the worst is
yet to come. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari mamaya... bahala na.

I yawned until I fell asleep. Nagising ako nang may pabagsak na nagbukas ng pinto. Ang unang
pumasok sa isipan ko si Tita Ophelia dahil siya lang naman ang nakakagawa no'n, pero ang
nakita ko ay ang isang babaeng nakasimangot.

Pabagsak na umupo sa tabi ko si Dahlia, nakahalukipkip.

Nagising din si Tati at tumalon pababa ng kama saka ito lumabas sa kaunting nakabukas na pinto.
Tamad na bumangon ako at napatingin sa labas ng bintana. Hapon na rin pala. Masyadong
napasarap ang tulog ko.

I looked at Dahlia with confusion. Hindi ito nagsasalita pero nakasimangot ang mukha.

Napangiwi ako nang maalala na nangako pala ako sa kanyang bibisitahin siya sa bahay nila.
Mukhang ito ngayon ang dinaramdam niya. Grabe pa naman magtampo ang isang 'to, daig pa
ang jowa sa hirap suyuin.

"Dadalhin na sana ako sa ospital nung nurse sa clinic nang biglang dumating ang isang lalaking
nagpanggap na doktor," banggit ko sa nangyari nung araw na 'yon na pumukaw sa atensyon ni
Dahlia. She was still frowning, not satistied. "I don't know who he is pero nakatulong naman siya
sa 'kin. Gumaan ang pakiramdam ko no'n."

"Tapos?" nakanguso pa rin niyang tanong.


"Umalis na rin siya no'n," dugtong ko. "That's it."

Nakipagtitigan pa nang ilang segundo sa 'kin si Dahlia bago tumango. Kahit papaano ay nawala
na ang pagkasimangot ng kanyang mukha pero bakas pa rin 'yon. Bigla kong naalala si Eliyah.
Putik. Hindi dapat malaman ni Dahlia ang nangyari. It would could more drama, I hate dramas.

"May manliligaw raw na darating si Tita Ophelia?" sunod na tanong nito, naguguluhan at hindi
makapaniwala. "May rosas siyang yakap-yakap nung madatnan ko. Sabi ko nga ilagay niya sa
tubig para hindi malanta."

Oh, shit. No!

"Baka gabihin 'yon," paggawa ko ng alibi.

Bigla itong ngumiti na kinabahala ko. "Gusto kong makita ang manliligaw niya. Ano kaya hitsura
niya? Saka pwede naman akong matulog dito, hindi ba?"

"B-baka hanapin ka ng Mommy mo, hindi ka nagpaalam," pagrarason ko pa.

Dadagdag pa siya sa aalalahanin ko mamaya. Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko.

"It's okay." She showed me her phone as she giggled. "I will do it now."

Napabuga ako ng hangin. Tinawagan niya ang kanyang Mommy at nagpaalam na matutulog dito.
Hindi siya nahirapang kumbinsihin ito dahil kilala naman ako ng Mommy niya, minsan na rin akong
natulog sa kanila nung isang araw na hindi ako papasukin ni Tita Ophelia dahil ginabi ako ng uwi.

"Astra?" Biglang pumasok si Tita sa kwarto ko. Bagong ligo ito. Nakabalot pa ang isang tuwalya
sa kanyang buhok at ang isa naman ay sa kanyang katawan. "Pumasok ba sa kwarto ko si Tati?"
Pinakita niya sa 'kin ang lipstick niya. "Nakita ko ito sa sala, nakatapon."

"Grabe, Tita. Seryoso ka ba talagang may nanliligaw sa 'yo?" Humalakhak si Dahlia.

"Darating siya ngayon, Dahlia," proud na sagot ni Tita. "Kaya nga nagbibihis na ako dahil baka
madatnan niya akong dugyot."

"Kailangan palang huwag kang magpakita sa kanya, Tita? Para wala siyang madatnan na
dugyot?" pabirong sabi ni Dahlia at nung makita ang nangangalaiti na tingin ni Tita ay mabilis niya
itong binawi. "Joke. Dyosa ng mga dugyot naman ang ibig kong sabihin, Tita."
"Dugyot pa rin 'yon!" sumbat ni Tita.

"At least dyosa, 'di ba, Tita? Ayaw mo bang maging dyosa?" tanong ni Dahlia, nang-aasar.

Napaisip naman si Tita bago mahinang tumawa. "Oo nga 'no? Ang galing mo talaga, Dahlia! Sana
ikaw na lang pamangkin ko. Puro stress lang dala sa 'kin ni Astra. Hindi pa nga ako niyan pinuri
kahit na isang beses!" Saka siya bumaling sa 'kin.

Tumikhim ako. "Naglikot kanina si Tati. Mukhang nahablot nga niya 'yan, Tita," sagot ko na
tinutukoy ay ang lipstick. "Ah, Tita? Magpabango ka, ah? 'Yong mabangong-mabango! Boys like it
that way."

Kailangang mabaling ang amoy sa kanyang pabango at hindi sa kanyang dugo. Baka pagnagtagal
ay hindi mapigilan ni Brix ang sarili. Ayokong namang maging madugo ang gabing ito at ako ang
may kasalanan.

"Oo nga, Tita!" sang-ayon ni Dahlia. "Huwag kang mag-deodorant!"

Siniko ko si Dahlia dahil sa sinabi niya.

Umismid lang si Tita bago umalis.

Bigla akong kinabahan sa mangyayari mamaya. Ang pinanghahawakan ko na lang ngayon ay


sana hindi sumipot si Brix para walang problema, pero ako naman ang malilintikan kay Tita kapag
hindi siya sumipot. Kapag sumipot naman siya, magiging magulo ang lahat. Ano ba 'tong gulong
napasukan ko?

"Agh!" I groaned in frustration. Pabagsak na humiga ako sa kama at tinakpan ng unan ang mukha.

Naramdaman kong humiga rin si Dahlia. "Ang sarap talagang kausapin ni Tita Ophelia. Ang daling
utuin," sambit nito na sinabayan pa ng tawa.

Napasinghap ako nang yakapin ako ni Dahlia at siniksik ang sarili sa 'kin. Naramdaman kong
uminit ang pakiramdam ko nang maamoy ang dugo niya. I could smell her perfume but the smell
of her blood lingered on my nose and disturbing my senses.

"Hindi ko pa nakita si Eliyah," bulong nito. "Wala ba siya?"

Kumuyom ang mga kamao ko nang maramdaman na tila nasusunog ang aking mga mata. Mabilis
na tinulak ko si Dahlia palayo at bumangon ako. Umangal ito nang mapalakas ang tulak ko sa
kanya kaya nahulog siya sa kama.
I turned my back immediately. Damn it. I know my eyes were red now, I could feel it burning like
hell.

"Ouch. Ang sakit ah!" Naramdaman kong bumangon ito. "May problema ba, Astra. Ayaw mo na ba
akong kayakap?" she asked, dramatically.

Kalma, Astra...

Naramdaman kong palapit sa 'kin si Dahlia.

"Stop," I warned her, still not looking. Umisip ako ng dahilan para hindi siya lumapit. "Uutot ako,
mabaho lumayo ka muna sa 'kin, Dahlia. Nakakamatay 'to!"

"Eh?" I didn't convince her. "You okay?"

Kahit papaano ay bumaba na ang init na nararamdaman ko sa katawan. Huminga ako nang
malalim bago humarap. Naabutan ko si Dahlia, naguguluhan sa nangyayari.

"Astra?" kunot-noong tawag niya sa 'kin. "Ayos ka lang ba talaga?"

"Si Eliyah! Nasa sala nanunuod!" bulalas ko.

Nanlaki ang mga mata ni Dahlia at mabilis na kumaripas ng takbo pababa. Napahinga ako nang
maluwag. Kailangan kong maging maingat, ayokong madamay ang kaibigan ko sa kung ano
mang napasok ko.

I'm starting to think... how can I live like this? Sa ngayon ay kaya ko pang dalhin ang sarili, pero
kapag tumagal na... natatakot ako sa maaari kong magawa. Natatakot akong dumating sa
puntong nasasaktan ko na ang mga taong malapit sa 'kin.

Sumunod din ako sa baba. Nasa hagdan pa lang ako ay nakita ko na agad si Dahlia, nakaupo sa
tabi ni Eliyah na busy sa cartoons na pinapanuod. I got dumbfounded when a realization struck
me. I was right. Eliyah was here and watching. The vampire abilities still shock the hell out of me.

May naamoy ako sa kusina kaya doon ako dumiretso. Naabutan ko si Tita na nagluluto. Pansin ko
ang ngiti sa kanyang labi habang humuhuni. Nakaramdam ako ng konsensya. Ginagamit ko siya
para sa pansariling kapakanan.

"Ang sarap naman niyan, Tita!" Titikman ko sana ang isang putahe nang hampasin niya ang
kamay ko.
"Para 'yan sa manliligaw ko, magbukas ka na lang ng de-lata," aniya bago bumalik sa pagluluto.
"Ano na bang oras? Wala ba talaga siyang sinabing oras kung kailan bibisita?"

"Titikman ko lang baka hindi masarap," sagot ko. "Saka, hindi e. Basta sabi niya ay dadalaw siya
ngayong gabi."

"Masarap 'yan, ako ang nagluto. Hindi bale na. Luto na rin naman ito mayamaya." Bigla siyang
humarap sa akin, nakakunot ang noo. "May napansin ka bang kakaiba kay Eliyah? Kanina pa
tahimik. Bigla na lang ngumingiti."

Napalunok ako. "Po? W-wala naman..."

"Baka kagagawan 'to ng engkanto mong manliligaw ah!" pinanlisikan niya ako ng tingin. "Ang sabi
niya nakaraan ay nabuntis ka raw ng engkanto. Hindi kaya pinarusahan siya kasi nagsumbong
siya sa 'kin?"

Mahina akong tumawa. "Naniwala ka naman sa kanya. Mahilig lang gumawa ng kwento si Eliyah.
Mukha ba akong buntis?"

"E, ano ang nangyayari sa kanya ngayon?"

"Baka may crush na siya," bigla kong sabi. "Alam mo 'yon? Inspired siya."

Natigilan si Tita, nakita kong lumungkot ang kanyang mukha.

"A-ang baby ko, may crush na?" Lumunok ito at umiling. "Imposible 'yang sinasabi mo, Astra.
Hindi pa marunong magkagusto ang anak ko."

"Ano ka ba, Tita!" Pasimple akong tumikim sa niluluto niya. Lalo akong nagutom, masarap
talagang magluto si Tita. "Hindi na baby si Eliyah. He's already a teenager. Sa ayaw at sa gusto
mo, magkaka-crush 'yan."

Suminghot si Tita bago bumalik sa pagluluto.

"Ang baby ko may crush na..." dinig ko pang bulong nito.

Bumalik ako sa sala, naabutan ko ang dalawa sa parehong posisyon kanina. Tutok na tutok si
Eliyah sa Spongebob na pinapanuod habang si Dahlia naman ay nakatulala sa kanya. Hindi ito
pansin ni Eliyah.

Umupo ako sa pagitan nila.


"Huy. Dito ka sa gilid ko," pabulong na sabi ni Dahlia. "Gaga ka. Sinisira mo moment namin."

Hindi ko pinansin ang kaibigan ko. Bumaling ako kay Eliyah. Bigla akong nainggit sa kakayahan
nila Brix na makabasa ng isipan, gusto kong mabasa ang mga umiikot sa isipan ni Eliyah. Tama
nga si Tita. Mukhang wala ito sa sarili.

"Eliyah?" tawag ko sa kanya.

"Hmmm?"

Nalunok ako. Shit. Hindi ito ang inaasahan kong reaction niya. Kapag iniistorbo ko siya sa
panunuod ay babatukan niya ako. Ngayon ay parang malamig itong makitungo. Damn it, Nath.
What have you done to my cousin?

I cleared my throat. "Action movie na lang panuorin natin? Ang boring ng Spongebob! Pang-bata
lang 'yan e." Tumawa pa ako para dagdagang ang pang-iinsulto sa pinakapaborito niyang
pinapanuod ko.

"Oh!" He nodded. Kinuha nito ang remote control sa TV. "Right, this is getting boring."

Napanganga ako.

What the fuck, Nathalia Cardinal? What did you do to Eliyah?

"Ano sa tingin mo, Astra?" tanong sa 'kin ni Eliyah, nakangiti. "Wala ako gaanong alam na action
movies eh. Ikaw na lang pumili." And for the first time since I got in this house, Eliyah Lavoza lent
me the remote control.

"Romance na lang!" pag-epal ni Dahlia bago inagaw ang remote control kay Eliyah, sinigurado
niya munang mahahawaakn niya ang kamay ng pinsan ko. Mahina itong tumili dahil sa ginawa
habang ako naman ay parang sasabog ang ulo.

"Ayos ka lang ba, Eliyah?" tanong ko, kinakabahan.

Hindi naalis ang ngiti sa labi ng pinsan ko.

He chuckled, softly. Damn. That was sexy. When did he learn to chuckle seductively?

It feels like I am talking to a complete stranger now. This is not the Eliyah I know. Hindi ko alam
kung maganda ba ito pero hindi ako sanay... hindi yata ako masasanay na ganito siya umakto. For
the first time, hinagilap ko ang isip-bata kong pinsan.
"May I know her name?" he whispered.

Mabilis na napagtanto ko kung sino ang tinutukoy niya. "W-wala 'yon, Eliyah. Playgirl 'yon. Hindi
siya nagseseryoso sa mga lalaki. She's no good for you. Mabibiktima ka lang niya at paiiyakin.
Kalimutan mo na 'yong nangyari."

She's no good for him. Kahit naman lagi kaming nagtatalo ng lalaking ito, ayokong mangyari sa
kanya ang nangyayari ngayon sa 'kin. Mas mabuting lumayo na lang siya kay Nath, mas
makakabuti sa kanya 'yon.

"Oh, come on!" he frowned.

"Sino?" pagsingit ni Dahlia.

"I've got my first—"

"OMG! May alam na akong movie!" putol ko kay Eliyah. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang
remote control at nag-play basta ng movie sa TV. "Nakakakilig 'to tapos may kasamang action.
Magugustuhan niyong dalawa!"

Shit. Nahihilo ako sa mga nangyayari.

"Sigurado ka, Astra?" nakangiwing tanong ni Dahlia habang nakatingin sa TV.

Saka ko lang napagtanto na ang napindot ko ay isang documentary about crocodiles.

"Joke." I faked a laugh as I changed the movie. "This one is good, too. Wait, Dahlia. May pag-
uusapan lang kami ni Eliyah."

Hinila ko ang pinsan ko at pumasok kami sa kwarto nila. Nang masara ang pinto ay hinarap ko si
Eliyah, hindi natitinag ang ngiti sa kanyang labi. This is getting creepy. Hindi ako sanay na
nakangiti ang lalaking ito.

"Look, Eliyah. May gusto sa 'yo si Dahlia," sambit ko. Wala na akong ibang mairason. "I love my
best friend, I want the best for her. I don't think it's you but you can be a good partner. Maganda
siya, mabait, may kaya sa buhay, matalino kahit kaunti. What do you think?"

Kumunot ang noo ng pinsan ko. "May gusto sa 'kin si Dahlia?"

Tumango ako. "Y-yeah. Huwag mo lang sasabihin sa kanya na sinabi ko sa 'yo."


"That's so sad," he chuckled. "I like someone else."

"Gago," napamura ako. "Wake up, Eliyah!" Hinawakan ko ang balikat niya at niyugyog siya. "You
don't want to be involved with that woman. She's odd. I mean... hindi siya bagay sa 'yo. You can't
like her."

"Well..." He shrugged his shoulders. "That's how I like it."

Bumagsak ang mga balikat ko. "Engkanto siya!" bulalas ko.

Please... believe me.

Tumawa ang pinsan ko. "Don't be ridiculous, Astra. Your excuse is so lame. Why? Bakit tutol na
tutol ka sa babaeng 'yon?"

Napaatras ako. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko.

"So..." Ngumiti uli ang pinsan ko. "Tell me her name, please?"

Natigilan ako nang marinig na tumili si Dahlia. Mabilis na lumabas ako ng kwarto. Napanganga
ako sa naabutan.

That's when I realized how messed up my life has become.

Hawak-hawak ni Brix sa leeg si Tita Ophelia.


Chapter 12

Chapter 12: Impossible

I messed up everything. Sa sobrang dami at bilis ng mga pangyayari ay hindi ako makasabay.
Gamit lang ang isang kamay ay nagawang iangat ni Brix si Tita Ophelia sa ere. I could hear her
soft gasps, struggling to breathe properly. Beside them was Dahlia, lips slight parted and just like
me, confused as hell.

Hindi pa sana ako matatauhan kung hindi pumasok sa eksena si Eliyah. Mabilis na lumapit ito kay
Brix at sinubukan itong itulak.

"Sino ka?! Bitiwan mo nga si Mama!" he tried his best to free his Mom but Brix's immense power
wouldn't budge. That's when Eliyah looked at be and begged for help. "Pakisabihan naman siyang
bitiwan si Mama, Astra! He could kill her!"

I immediately entered the scene and pushed Brix. Nabitiwan naman niya si Tita napaupo sa sahig
at umuubo. Nanunubig ang mga mata nito pero bakas doon ang matinding galit. Sinubukan ko
siyang alalayan pero tinulak niya ako.

"Let's go, Astra," walang ganang tawag sa 'kin ni Brix. Nagpapagpag pa ito ng kamay na parang
humawak lang sa maduming bagay. "It's so annoying here. Full of stupid humans."

Instead of responding to Brix, I went to Dahlia to ask. "Hey. What happened here?"

Lumunok ito bago nagsalita. "B-bigla na lang sumulpot ang lalaking 'yan," aniya pero hindi
magawang tumingin kay Brix, bakas ang takot sa kanyang mukha. "Tita Ophelia though he was
her suitor. She was all smile when he greeted him but he suddenly throttled her."

"She touched me!" dinig kong depensa ni Brix sa sarili. "I wouldn't touch her if she didn't touch me
first. What a nuisance."

"W-walang hiya ka!" Nabaling kay Tita Ophelia ang tingin ko. Nakabangon na ito pero nakaalalay
pa rin si Eliyah. "Nakangiti kitang binati tapos bigla mo akong sasakaling hayop ka? Hindi ko ito
palalampasin. Ipapa-barangay kitang animal ka!"

"A-animal..." Brix was set to attack again.

Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kanyang braso. "Enough, Brix," madiin kong
banta.

"K-kilala mo 'yan, Astra?" gulat na tanong ni Tita bago muling sumiklab ang galit sa kanyang mga
mata. "Mga walang hiya kayo! Pinagtulungan ninyo ako! Eliyah, tumawag ka ng mga tanod para
ipahuli ang animal na 'yan. Tresspasing!"

"T-Tita—"

"Ikaw namang babae ka. Lumayas ka sa pamamahay ko," putol sa 'kin ni Tita. "Tinanggap kita
nang buo tapos gaganituhin mo lang ako?" Nagtubig muli ang kanyang mga mata. "Oh, siya!
Bahala ka sa buhay mo. Sumama ka sa animal na 'yan at masunog sana kayo!"

"See? Tara na, Astra. Pinapalayas ka na," dinig kong sabi ni Brix.

I don't know what to do. I can't lose this home.

Bumaling ako kay Brix. "I-I need Mr. Billy..."

Brix looked confused. "Why?"

"Dahlia, tumawag ka ng mga tanod at ipadakip ang animal na 'yan!"

"Shut the fuck up human or I'll choke you to death!"

Mabilis na hinila ko muna si Brix palabas ng bahay. Hindi ako makapag-isip nang maayos dahil sa
bangayan nila. Nang masigurong hindi na kami maririnig ay hinarap ko ang lalaking tila nababagot
lang sa mga nangyayari.

"Pinapalayas ka na, Astra. Pack your things and move out of this hell."

"Call Mr. Billy and ask him to buy flowe—"

"What? Do you still want to play this game?" he cut me out as he crossed his broad arms on his
chest. He eyed me, idly while shaking his head. "Do you think I am that dumb to fall on this trick?
On this obvious game you started?"

Ang mga malungkot kong mata ay napalitan ng galit. "Is it my fault that you turned me into this? A
monster?! Kasalanan ko bang kailangan ko ngayong pagtakpan ang bawat maling hakbang na
magagawa ko kasi baka mabulilyaso ang sikreto ko?!"

"No. Definitely not. Pero hanggang kailan mo ba ipagkakaila na hindi ka na tao? That you don't
belong in this family anymore? Kapag nakagawa ka na ng hindi maganda?" Mas lumapit pa siya
sa 'kin kaya tumingala na ako. "You are no longer a human, Astra. You are a vampire now and
you can't keep this forever as long as you are living with these humans."

Bumagsak ang mga balikat ko. I hate to admit it but I know he's right. Hindi ko matanggap ang
nangyari sa akin kaya nakakagawa ako ng mga maling hakbang. Umpisa pa lang ay ganito na,
paano pa kaya kapag tumagal?

"That's right, Astra. You need to accept who you are and live with it."

Wala sa sariling napatingin ako sa bahay namin. Dinig na dinig ko pa rin ang galit ni Tita Ophelia
sa loob na pilit pinapakalma ni Eliyah. Sa isang dako ay tahimik ang kaibigan ko. Bigla kong
naalala ang nangyari kanina. I almost lost my control. Kung nawala ako nang tuluyan sa katinuan
ay malamang na nasaktan ko na rin siya.

"Pack your things, you are moving out."

Muling naagaw ni Brix ang atensyon ko. "I-I don't know where to go..."

They are the only close family I know. Wala rin akong pera para makapag-upa ng bahay.

"Doon ka muna sa bahay," saad niya.

"Bahay?" Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang tinutukoy niya. "N-no. I'd
rather sleep on the street than to stay in that place."

"Street? How pathetic. Anyway, fine. Ihahanap kita ng matutuluyan ngayon din." Bumaling ito sa
bahay bago umiling-iling. "If she didn't just touch— Iiwan muna kita para maghanap ng tutuluyan
mo. Mag-impake ka na. Hintayin mo ako sa labas. Ayoko nang pumasok sa loob."

Hindi pa man ako nakakasagot ay nawala na siya sa paningin ko.

Bumuntong-hininga ako at walang nagawa kung hindi ang pumasok uli sa loob. Naabutan ko si
Tita Ophelia, nakaupo sa sofa at umiinom ng tubig. Nakatutok din sa kanya ang electric fan na
nakatodo. Sa gilid niya ay si Eliyah na nakatingin sa 'kin.

"Umalis na siya?" tanong ni Eliyah.

Napatingin sa 'kin si Tita Ophelia. Wala itong sinabi pero umismid ito.

"Astra." Lumapit din sa 'kin si Dahlia. "Ayos ka lang?"

Bumaling ako kay Tita na hindi makatingin sa 'kin.


"Pasensya na, Tita. Hindi ko ginustong mangyari ito," paghingi ko ng paumanhin. "Pero siguro
tama na, masyado na akong nakaperwisyo sa inyo." Doon ko naagaw ang atensyon niya. Mapait
akong ngumiti. "K-kukunin ko lang mga gamit ko sa itaas..."

"What? You can't leave," Eliyah said. "Nabigla lang si Mama sa nangyari kaya niya nasabi 'yon.
Hindi ka naman talaga niya pinapaalis, hindi ba, Ma? Please, stop her. Wala na siyang
mapupuntahan."

Umawang ang bibig ni Tita Ophelia. May gusto itong sabihin pero sa halip na gawin 'yon ay
umiwas na lang uli ito ng tingin.

"Ma! Sabihin mo naman na hindi mo sinadya—"

"Hayaan mo siya, Eliyah. Matanda na siya," putol ni Tita. "Kung gusto niyang sumama sa lalaki na
'yon, wala tayong magagawa. Sana lang ay huwag siyang magsisi. Masama ang kutob ko sa
lalaking 'yon."

Tumango ako at umakyat na sa kwarto. Nakasunod sa 'kin si Dahlia.

"Seryoso ka ba, Astra? Pero saan ka titira?"

Kinuha ko uli ang bagaheng ginamit ko nung lumipat ako rito at muling isinalansan doon ang mga
damit ko. Hindi naman ito gano'n karami kaya hindi naman ito mapupuno. Bagsak uli ang
pakiramdam ko. Ayoko mang gawin ito pero wala na akong pagpipilian.

I need to save them from me.

"Astra? Doon ka muna sa amin!" suhestyon ni Dahlia. "Wala namang natutulog sa guest room
kaya puwede ka ro'n. My Mom wouldn't mind. Or kung hindi ka naman kumportable, kahit
ngayong gabi lang habang wala ka pang malilipatan."

I looked at my bestfriend and flashed a smile.

"Thanks, Dahlia. Pero gusto kong mapag-isa muna," sagot ko. "Naguguluhan kasi ako."

Baka sakaling sa katahimikan ay malinawan ako.

"I am all ears. Tell me what's bothering you," she pleaded.

Napailing na lang ako. Kahit na sabihin ko sa kanya ay hindi rin naman niya maiintindihan.
Nang matapos makapag-impake ay napatingin ako sa tokador. Hindi ko ito maaaring iwan.
Babalikan ko na lang.

Bumaba na ako bitbit ang bagahe. Napatayo si Eliyah at malungkot na tumingin sa 'kin.

"S-sigurado ka na ba, Astra?" tanong pa nito.

Pinatong ko sa gilid ng pinto ang bagahe ko bago bumaling kay Tita Ophelia. Nakaupo pa rin ito
sa sofa at sa iba nakatingin.

"Salamat po uli, Tita. Sa 'yo rin, Eliyah." Ngumiti ako sa kanila. "Salamat sa pagpapatuloy sa 'kin
nung mga panahong wala pa akong matutuluyan."

"A-Astra..."

Naramdaman kong palapit na si Brix kaya lumabas na rin ako, bitbit ang bagahe ko. Sumalubong
sa 'kin si Brix.

"May nahanap na ako," aniya.

Tumango ako. "Malayo ba?"

Umiling ito. "Walking distance lang. Tara na?"

"Wait." Pigil ko sa kanya. "'Yung tokador ko."

Bumali ang leeg niya bago bumuntong-hininga. Pumasok ito sa loob. Napapikit ako nang marinig
na naman na sumigaw si Tita Ophelia.

Napatingin ako kay Dahlia. "Papasok ka pa rin naman sa school, hindi ba? Pumasok ka gaga!"
sigaw niya.

I just nodded.

I hate to admit it but I will surely miss waking up in this house. Wala nang gigising sa akin sa
umaga at wala nang pinsan na manggugulo. I suddenly feel emotional knowing I need to do this
just to save them from my possible involuntary actions.

Nanlaki ang mga mata ko nang lumabas si Brix at bitbit ang tokador ko. Nakapasan ito sa
kanyang balikat at hawak lang gamit ang isang kamay. Sa likod niya ay si Eliyah na nanlalaki ang
mga mata.
"Let's go," aya ni Brix.

Muli akong bumaling kina Dahlia at Eliyah. "Mami-miss ko kayo..." bulong ko.

"Same! Pero gaga, magkikita pa tayo sa school!" Yumakap sa 'kin si Dahlia. "Ingat sa titirahan mo.
Ikandado mo ang mga pinto at bintana tuwing gabi, uminom ka ng gatas bago matulog. Huwag
magpupuyat. Ipagpatuloy mo skin care routine mo."

Tumawa ako bago bumaling kay Eliyah. Yayakap din sana ako sa kanya nang hawakan ni Brix
ang kamay ko at hinila na ako. Kumaway na lang ako sa mga naiwan ko bago sumunod kay Brix.
Nang makalabas sa gate ay nakahinga ako nang maluwag.

"Maglalakad lang tayo?" tanong ko.

"Kailangan mo pa bang magsasakyan?" Tumawid kami sa kabilang kalsada at pumasok sa gate


ng isang bahay na matagal nang hindi natitirahan. "Medyo maalikabok pa sa loob pero
magpapadala ako bukas ng maglilinis."

Napanganga ako. "D-dito ako titira?"


Bumaling ako sa bahay nila Tita Ophelia. Kumaway-kaway pa sa 'kin si Dahlia na umiiyak.
"Yeah." Sandaling binitiwan ni Brix ang tukador para buksan ang pinto. Medyo maingay pa dahil
mukhang matagal na itong hindi nabubuksan. "I have talked to the the previous owner. Yes,
previous." Bumaling siya sa 'kin. "This is yours now."
Nanlaki ang mga mata ko. "Baliw ka ba?" Sandali kong iginala ang tingin ko sa bahay. "Mas
malaki pa 'to sa bahay ni Tita Ophelia. Okay naman ako sa paupahan na apartment. I mean, I
could get myself a job and pay the rent on my own."
"No. You are staying here." Muli niyang kinuha ang tukador. "Oh, wait. That dog. Hindi mo ba
kukunin?"
Umiling ako. "Hindi naman akin 'yon."
"But you want a dog?"
I immediately nodded.

"I'll ask Mr. Billy to get you one." Sinundan ko siya paakyat sa hagdan. Halos pareho lang naman
ng interior design kay Tita Ophelia pero mas malaki ito. Pumasok kami sa isang kwarto at doon
niya binitiwan ang tukador.
Sandali ko ring binitiwan ang bagahe ko. May isang kama na nababalutan ng kulay puting tela,
halata ang makapal na alikabok dito. Pumunta ako sa bintana at binuksan ito. Likod ng bahay ang
bumungad sa 'kin, may malaking puno. Malabong ang mga damo sa paligid dahil hindi natatabas.
"Hmmm. With all these, you can't sleep here,"dinig kong sabi ni Brix. "Sigurado ka bang ayaw mo
na muna sa amin? I can assure your safety there. Oh, well. Labas na ako kay Nath, no one can
stop that annoying bitch. But, your choice."
Pinagpagan ko ang kama. Napaubo ako nang kumalat ang alikabok.
"May tela naman ako sa bagahe," sabi ko habang hinahawi sa hangin ang alikabok. "Iyon na
muna ang ipangsasapin ko."
Brix nodded. "Sira ang kandado ng front door sa ibaba. Pero ayos naman ang kandado ng kwarto
na ito. Isara mo na lang ang bintana. I will ask some of dad's guards guide to guard you tonight.
No one can harm you. So, don't worry. You can sleep peacefully."
I smiled. "T-thank you..."
"I don't need that. Remember our agreement? This will be the last time that I will do you a favor.
No more favors from you tomorrow. You will follow whatever I say, without asking. You have a
long day ahead tomorrow, good night."
Sa isang iglap ay biglang sumara ang pinto at wala na si Brix.
Silence covered my ears. I looked at the ceiling. Hindi nakabukas ang ilaw pero maliwanag ang
mga mata ko. I could even hear voices from distant but not clear enough to understand their
conversations.
Binuksan ko ang bagahe ko at naglabas ng mahabang tela. Nilatag ko 'yon sa ibabaw ng
maalikabok na kama. Sakto lang sa 'kin pero kapag naglikot ako ay maliligo ako sa alikabok. Wala
akong unan pero hindi naman problema 'yon.
Dahan-dahan akong humiga sa nilatag na tela. Halos bumaluktot na ako para lang hindi dumampi
ang balat sa alikabok.
What should I do next? Wala na ako sa pundar ni Tita Ophelia, ibig sabihin ay mas malaya na
akong magawa ang mga gusto ko. I have been alone since My mom died but that realize hit
differently tonight.
I shook my head. I just need to get a good sleep and think of a plan tomorrow. It's been a long
tiring day.
I closed my eyes and tried to sleep. Nakapikit lang ako pero gising ang diwa ko. Ginawa ko na ang
lahat para makatulog pero hindi ko magawa. Nang makaramdam ng init ay bumangon ako, maling
galaw dahil nagulo ko ang alikabok.
Lumabas ako ng kwarto. Hindi ako matatakutin pero nakakatakilabot ang katahimikan ng paligid. I
could hear my foosteps resounding in the silence. Bumaba ako ng hagdan at pumunta sa kusina.
Walang laman, wala ring kasangkapan. It'all empty.
May isang pinto na malamang ay daan papunta sa likod. Lumabas ako ro'n. Tumambad sa akin
ang malaking puno. Niragasa ko ang mga malabong na damo at umakyat sa puno. Namangha pa
ako dahil madali ko 'yung nagawa.
Mula rito ay kitang-kita at malawak na bukirin sa hindi kalayuan. Tumingala ako sa kalangitan.
Halos takpan ng mga ulap ang buwan, hindi ko rin gaanong maaninag ang mga bituin. Niyakap ko
ang sarili nang umihip ang malamig na hangin.
Sumandal ako at pinaglaruan ang mga daliri.
"Can't sleep?" Nabaling sa isang lalaki ang tingin ko. Nasa mas mataas itong sanga at nakatingin
sa 'kin. "I'm one of the guards assigned to guide you tonight. Erikson here, Brixton's cousin. Astra,
right?"
I just nodded. He somehow resemblance to Brix. Playful smile but unlike Brix, I could say he has a
more gentle attitude.
He just let out a weighty sigh didn't talk anymore.
"I-is there any way to get back from being normal again?" I asked.
I didn't get any response from him.
I just shrugged my shoulders and didn't throw follow up another question. Muli ko na lang
ipinahinga ang likod ko sa sandalan at tumingin sa malayo.
"There is," he suddenly said.
Napalunok ako. "R-really?"
"Yes." He looked down at me. "I don't think you can do it though. Just take it as a no, there's no
way, since it's impossible to do."
I gulped. "Tell me..."
He shook his head. "As I said, imposibleng magawa mo 'yon. Marami nang sumubok pero walang
nagtagumpay. Gano'n kabagsik ang Cardinal na 'yon. Kapag nahawakan ka niya sa leeg, wala ka
nang magagawa kung hindi ang sumunod sa kanya."
I felt a lump blocked something from my throat.
I want to become human again and I will do everything for that. No matter how risky it is, no
hesitation.
"How to unlink myself from him?" I asked again.
"Siya ang magdedesisyon niyan, hindi ikaw. Imposibleng palayain ka niya, Astra. Ikaw ang paraan
niya para makuha uli ang loob ng kanyang Ama. He will do everything for that. You don't want to
ruin that. You don't know him yet. You think Mr. Lord Severo, his father, is dangerous? I hate to
break it to you but Brixton Wenz Cardinal has already surpassed being dangerous. His immense
power has kept him on the top of the clan."
"Ang sabi mo ay may paraan para makalaya ako sa kanya!"
"Meron nga. Hindi ba ang sabi ko ay imposibleng magawa mo 'yon?" naiiling na sambit niya. "Just
accept that fact that you are his pet until your last breathe. Iyon lang ang pinakamadaling paraan
para hindi ka na mahirapan pa."
Sa sobrang inis ko ay tumalon na uli ako pababa ng puno. Wala rin naman akong makukuhang
sagot sa kanya.
"Hays. Fine!" Natigilan ako sa sinabi niya kaya bumaling ako uli.
"Paano?"
He looked at me as he shook his head.
"The only way to unlink yourself from him is when... he's no longer breathing. Can you kill him,
Astra?"
Chapter 13

Chapter 13: Slaughtered

Pumasok na uli ako sa malaking bahay, umakyat sa maalikabok na kwarto at binaluktot ang
katawan para magkasaya sa sapin. Hindi maalis sa aking isipan ang sinabi ng estrangherong 'yon.
If that's true then he's right. Fuck it! Really? There's no hell I can unlink myself from Brix if that's
the case. I mean, how could I kill him? A demon like him? How could I get near him without being
killed first?

I mentally laughed. This is absurd. But, in the back of my mind... I am hoping there's a way. I know
there is. But right now, I can't do anything but to follow whatever he wants.

That bulge of thoughts helped me fall asleep immediately.

Nagising ako sa ingay ng mga kaluskos sa ibaba. Bumangon ako sa kama at nag-inat ng
katawan. Nakaramdam ako ng pangangawit dala ng pagtulog. Ilang sandali pa ay saka lang
pumasok sa isipan ko kung ano ang mga nangyari kagabi. Wala na ako sa pundar ni Tita Ophelia.
Andito na ako sa malaking bahay... na binigay sa 'kin ni Brix.

Napangiwi ako nang makaramdam ng panlalagkit. Saka ko lang napagtanto na halos maligo na rin
ako sa alikabok. Mukhang gumulong-gulong ako sa kama.

I let out a heavy sigh.

I heard whispers from outside the door. Mga yabag ng maraming paa, paggalaw ng mga
mabibigat na bagay at ang isang kilalang boses. Tumayo ako at humarap sa salamin ng tukador.
Gamit ang daliri ay pinasadahan ko ang aking buhok.

"Good morning, Astra," I greeted myself as I flashed a weak smile.

Natigilan ako nang marinig na may natumbang gamit na lumikha ng malakas na kalabog. Hindi ko
na napigilan ang sariling lumabas ng kwarto. Sumilip ako sa ibaba. Nadatnan ko ang ilang mga
lalaki na may bitbit na bagong mga gamit sa pangunguna ni Celeste.

She instantly felt my presence the second her name crossed my mind. Tumingala ito sa akin at
kumaway.

"Nagising ba kita? Pasensya na, Astra. Medyo baguhan yata ang mga trabahador na ito,"
natatawang bati niya habang malawak na nakangiti. "Oo nga pala..." Napalunok ako nang nasa
tabi ko na agad siya. Hindi 'yon pansin ng mga trabahador na busy. "Nagluto ako ng agahan.
Kumain ka muna."
Sumunod ako sa kanya sa kusina. Hinabol ko pa ng tingin ang mga bagong gamit. May
appliances, mga sofa, kurtina, pintura at iba pang bagay na pampabuhay sa nanlalatang bahay na
ito. Sa kusina naman ay halatang tapos na sila. Malinis na ang lahat at nakaayos na rin ang mga
bagong gamit.

"Ito pa lang nadala ko." Nilabas ni Celeste ang isang supot ng dugo sa isang cabinet at pinatong
'yon sa lamesa. "Sa susunod ay pupunuin ko na ng stock ang cabinet. Oo nga pala, Astra. Can I
have a favor?"

"Bakit?"

She winced as she said, "Huwag mong sabihin kay Brix na nagising kita, please? Ang bilin niya
kasi ay huwag kang gigisingin."

Napatango na lang ako. Ang akala ko ay si Oscar ang nagpapunta sa kanya rito. "Sure. Pwede
muna ba akong maligo? Nanlalagkit na kasi ako."

"Sige lang. Thank you." She nodded. "Dito pa lang sa ibaba CR ang naayos namin, hindi pa
nagalaw ang sa itaas. Sa sala na lang at sa itaas ang hindi nagalaw since ipinagpaliban muna
talaga namin baka magising ka na nangyari nga."

Tumango lang ako bago umakyat uli sa kwarto. Binuksan ko ang bagahe ko at naglabas ng towel
at damit.

Natigilan ako nang may marinig na mga bagong boses. Bumaba na ako at nadatnan sina Dahlia,
Kristan at Eliyah. Ang unang nakapansin sa akin ay si Dahlia na agad na tumili. Napatingin din sa
akin ang dalawang lalaki.

"Ang bongga mo na, Astra!" Humahagikgik na bati sa 'kin ni Dahlia pagkababa ko. "Hanep naman.
Pwede akong mag sleep-over dito tapos manunuod tayo ng movies all night tas magkukwentuhan!
I can imagine it na." Hawak-hawak pa niya ang isang kamay ko habang tumatalon.

Napapatingin sa amin ang ibang trabahador.

"Sure. Pero not now, inaayos pa eh," sagot ko.

"How can you even afford this huge house?" Eliyah asked suspiciously while roaming his eyes
around. Amusement was evident in his eyes. "Ang mga bagong gamit na ito. Wait. They look
expensive, too. What's happening?"
Binawi ko ang kamay ko kay Dahlia. "Inutang ko lang. Babayaran ko rin nang paunti-unti,"
paggawa ko ng alibi. "Welcome to my new house, new life." I laughed to hide how tensed I am.

"Really?" I could smell the sarcasm on Eliyah's voice.

Ito ang pagkakataon na sana ay childish pa rin ang pag-iisip niya. He would surely bite my
reasoning just like that. I still can't believe the sudden change of his personality and mentality.
Really? In just one kiss?

"I doubt it," pag-epal na naman ni Dahlia na may mapaglarong ngiti sa labi. "'Yung lalaki kagabi
malamang ang may pakana ng mga ito. He looked scary as hell but expensive as fuck, too. He
kinda reminds me of those Hollywood hunks."

"Ma'am?" Napatingin ako sa isang trabahador. "May dumating pa po para daw sa inyo."

Bumaba ang tingin ko sa dalawang aso na naglalakad.

Napasapol ako sa noo ko. Really, Brix? Mga kamukha pa talaga ni Tati?

"Ang cute!" Kinuha ni Dahlia ang isa at inakay sa kanyang braso. "Malamang na galing din ito sa
lalaki. Gosh. Why so lucky, Astra? Sana all, 'di ba?" Sabay na nagnakaw ito ng tingin kay Eliyah
na walang kaalam-alam.

Napatingin ako kay Kristan na tahimik lang na nakatingin sa 'kin. Payak na ngumiti ako pero wala
akong nakuhang sagot. Halatang hindi ito naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Wait. Babalik din ako. May inuutos pa pala si Mama!" ani Eliyah bago kumaripas ng takbo
palabas.

"Balik ka!" pahabol pang sabi ni Dahlia.

"Sino 'yung lalaki, Astra?" kalmadong tanong ni Kristan ilang segundo matapos makaalis ng
pinsan ko. "Balita ko ay may sumundo raw sa 'yo kagabi."

"Hoy! Tinanong mo kaya ako!" sumbat ni Dahlia na nilalaro ang mga aso. "Hindi naman ako
magdaldal kung hindi ko akong tinanong."

"Ah..." Napakapa ako ng ipapatong sa alibi pero bigo ako.

"Wait. May nanliligaw ba sa 'yong mayaman?" sunod na tanong ni Kristan na sinabayan pa nang
mahinang tawa pero halatang pilit. "I don't see any problem with that except it all happened
suddenly. Ni wala ka ngang nabanggit sa amin. So, I think you owe us an explanation?"

"Astra?" Lumabas si Celeste sa kusina. "Oh, hey there. Friends kayo ni Astra?" Nakangiting binate
nito ang mga kaibigan ko.

"Friend ka rin ba niya?" taas-kilay na tanong ni Dahlia.

"Family," biglang lumabas sa bibig ko saka nakabuo ng panibagong kwento. Lumapit ako kay
Celeste at hinila siya palapit sa mga kaibigan ko. "Anak siya ni Tito Jose na kapatid ni Mama. Siya
ang may pakana ng lahat ng ito. Hindi ba, pinsan?" tanong ko kay Celeste.

Mas lalong tumaas ang mga kilay ni Dahlia.

"Celeste?" Nginitian ko siya.

"A-ah... oo!" Pilit na tumawa ito. "Nabalitaan kasi ni Papa na wala na si Tita kaya agad niya akong
pinadala rito para matulungan ang pinsan ko. Wait, kayo ba ang mga tinutukoy ni Astra na
kaibigan niya?"

Tumikhim si Dahlia bago lumapit sa amin. "Wait. Magkalinawan muna tayo rito, Miss. Pinsan ka
lang niya, hindi kayo magkaibigan, hindi ba?"

"Dahlia..." I warned her. She's so possessive when it comes to me.

"We are also friends," sagot ni Celeste.

"Really? Saan may birthmark si Astra—"

"Dahlia," I cut her out when she was about to cross the line. "Maliligo lang ako. Kung gusto niyong
umuwi ay pwede na or kung gusto niyong manatili ay sa kusina muna kayo. Maalikabok pa rito. Si
Celeste muna ang bahala sa inyo."

Hindi na ako naghintay pa ng sagot sa kanila. Agad akong tumalikod at hinanap ang CR dito.
Nang mahanap ay pumasok ako at kinandado ang pinto. Napabuga ako ng mabigat na hangin.
Hindi kumakagat si Kristan.

Tinimpla ko ang shower sa maligamgam bago naghubad ng damit. Habang minamasahe ng mga
patak ng tubig ang katawan ko ay umiikot naman ang isipan ko sa mga ideya. Kung ipagpapatuloy
ko ang kwentong ito, paano ko ipapasok si Brix? Should I just tell them he's also my cousin?
Pero ang problema ko ay kapag dumating si Brix. Imposibleng sumunod 'yon sa gusto ko. Saka
sinabi na niya sa 'kin kagabi na hindi na niya ako gagawan pa ng pabor. Imbes na mapagaan ng
tubig ang katawan ko ay mas lalo lang itong bumigat.

Naghilod ako at nagbabad uli sa shower bago kinuha ang tuwalya at nagpunas. Nakatingin ako sa
salamin habang nagpapatuyo. Napakurap ako nang maglaho na naman ang sarili sa reflection ng
salamin. It seems like it's flickering, parang napupunding ilang na hindi magtatagal ay mamatay na
rin.

Sumagi rin sa isipan ko ang ritual na sinasabi ni Brix. I need to ask Celeste for some information.

Nang makapagbihis ay lumabas na rin ako ng CR. Naabutan ko ang dalawa kong kaibigan sa
kusina, nakaupo habang si Celeste naman ay nakasandal lang sa lababo at nakatingin sa dalawa.
Hawak pa rin ni Dahlia ang isa sa mga aso habang si Kristan naman ay pinaglalaruan ang supot
ng dugo, inihagis-hagis niya pa 'yon sa ere, walang kaalam-alam kung ano ang bagay na 'yon.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi niya ito nasalo. Mabilis na kumilos ang katawan ko.
Ilang dipa na lang sa sahig ang supot nang mahawakan ko. Pigil ang paghinga ko.

"Oh, shit! Sorry!" Napatayo si Kristan.

"Baka kasi malagkitan ang sahig." Lumapit ako kay Celeste at inabot sa kanya ang supot.

Shit. Muntik na 'yon!

"So, why can't you answer my simple question?" dinig kong tanong ni Dahlia, malamang na para
kay Celeste. "Kung kaibigan mo talaga si Astra, dapat ay alam mo kung saan siya may peklat.
Unless..."

Pasimple kong nginuso kay Celeste ang ibaba ko.

"I know. On her butt," nakangiting sagot ni Celeste. "My cousin has a birthmark on her butt."

"Wrong!" Humalakhak si Dahlia. "Sa talampakan. OMG. Kaibigan mo ba talaga siya?"

"Meron din ako ro'n, Dahlia," pagsakay ko na lang sa kanila. "Magsusuklay lang ako. Celeste,
pwede mo ba silang mabigyan muna ng pagkain? Thanks!" Katulad kanina ay hindi ako naghintay
ng sagot para tumalikod agad. Hindi rin ako bumaling kay Kristan na nakasunod sa 'kin ang tingin.

Nang makabalik sa kwarto at kumuha ako ng suklay sa bagahe ko at humarap sa tukador.


Habang hinahagod ko ang aking buhok ay napag-isipan kong hahanap ako ng trabaho sa gabi
para may pangtustos sa aking pangangailangan.
Ayokong iasa lahat kay Brix. Ayokong may maisumbat siya sa 'kin 'pag dating ng araw.

Nanunuyo na naman ang aking lalamunan. Natigilan din ako sa pagsuklay nang mawala na
naman ang reflection sa salamin ang sarili ko. Ganito ba talaga ang mga bampira? Hindi
makukumpleto ang araw ko hanggat hindi nakikita ang sarili sa salamin.

Minabuti ko na ring bumalik sa kusina dahil baka kung ano na ang nangyayari. Naabutan ko sila
sa kaninang posisyon nang umalis ako. Umupo na ako at kumuha ng pagkain. Inaya ko ang
dalawa pero busog pa raw sila.

"If that's the case, then who's the guy last night?" Kristan asked. "Kapatid mo ba, Celeste?"

"Hindi sila magkahawig." Si Dahlia ang sumagot. "I mean, masyadong malayo ang hitsura nila.
Even the height difference. Also, the attitude. So..."

"Boyfriend niya," sagot ko habang ngumunguya pa.

Nanlaki ang mga mata ni Celeste pero hindi nagsalita.

"Nakakahilo naman kwento niyo," ani Dahlia.

Sabay kaming napalingon sa isang trabahor na sumilip. "Ma'am, tapos na po kami sa sala. Pwede
na po ba kaming mag-umpisa sa itaas?"

"Sure! Wait guys, ah? Asikasuhin ko muna 'to," pagpapaalam ni Celeste.

Hindi nakabuti ang pag-alis ni Celeste. Ngayon ay hindi na ako makakain nang maayos.

Bumuntonghininga si Kristan. "Anyway, papasok ka pa rin naman sa school, hindi ba?" tanong
nito.

Tango lang ang naisagot ko. Hindi ko naman pwedeng itigil 'yon.

Ilang sandali ay biglang bumalik si Celeste. "She's here..."

"Oh, my feels!" sabay-sabay kaming napalingon sa bagong dating. As usual ay nakapulang dress
na naman ito at may gloves pa na kulay pula rin. "This is actually huge. Hey there guys." Napunta
kay Kristan ang tingin niya at agad na sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi. "You are?"
Napatikhim ako.

"Kristan," sagot naman ni Kristan.

Napansin kong bumaba sa labi ni Kristan ang tingin ni Nath. Oh fuck. Not again!

"Nath..." I shook my head.

Umirap lang ito sa akin bago nagpatuloy sa pagpasok sa kusina. Yumuko si Celeste sa kanya.

"Anyway, napadaan lang ako para i-check ang bahay," pansin ko pa rin ang pagnakaw nito ng
tingin kay Kristan. "Ayaw mo ba talaga sa amin, Astra? Mas maaalagaan kita ro'n. Or if you want,
ipapadala ko sa 'yo ang mga damit ko. You will love red."

"Ang ganda mo naman, Miss," puna ni Dahlia. "Kaanu-ano mo si Astra? Pinsan ka rin."

Napalunok ako. Mas lalong nanuyo ang lalamunan ko.

Nath looked at my bestfriend from toe to head and rolled her eyes.

"Brix will be here after a few hours, Astra. Celeste, please make sure no humans will be around,"
Nath ordered, completely ignoring Dahlia's questions. She snapped her fingers, didn't make a
sound because of the cotton gloves. "Please do reserve a room for me. Fuck colors if it's not red."

"As you wish, Lady Nathalia," magalang na sagot ni Celeste.

Nath cleared her throat as she looked at Kristan. "I know you want to get my contact number. Here
it is—"

"Actually..." Kristan cut her out as he shook his head.

"W-what?"

"Ako na ang magbibigay mamaya!" agap ni Celeste, halatang kabang-kaba sa mga sandaling ito.
"Huwag na kayong magpagod magsalita, Lady Nathalia. Ako na lang ang magbibigay mamaya sa
kanya, nahihiya lang 'yan."

Nath bit her lower lip. She looked frustrated.

"Don't bother, Celeste. I don't want him in my contact list anyway." Pinitik pa nito ang kanyang
buhok bago bumaling sa 'kin. "Nanunuyo na ang labi mo, Astra. You need to drink as soon as
possible, baka ang isang lalaki rito ang mainom mo kapag hindi nakapagpigil."
"Yeah." I just nodded, silently hoping she will leave now.

"That's all." She beamed. "I should go no, right?"

"Salamat sa pagbisita," sagot ko.

Paalis na sana siya nang dumating naman ang pinsan ko. Nagkasalubong ang dalawa. Nanlaki
ang mga mata ni Eliyah at hindi nakakilos sa sobrang gulat.

"Excuse me?" maarteng sabi ni Nath dahil nakaharang sa daan niya si Eliyah.

My cousin gulped, tensed. "H-hi?"

Nath furrowed her brows. "Do I know you?"

Nalusaw agad ang ngiti sa labi ng pinsan ko. Gumilid ito at binigyan ng daan si Nath. Hanggang
sa makaalis si Nath ay hindi na nagsalita si Eliyah.

"Who the hell is that bitch?" Dahlia asked, infuriated.

"D-don't call her that," Celeste said.

Inilapag ni Dahlia sa ibaba ang aso. "Weirdo. Mauna na muna ako, Astra. Babalik na lang ako
siguro mamaya or bukas." Humalik ito sa pisngi ko at may ibinulong pa. "Akala mo mapapaniwala
mo akong boyfriend ng babaeng 'to ang lalaki kagabi? Try harder next time." Kumindat pa ito bago
umalis.

Tumayo na rin si Kristan. "Pwede ba akong bumisita rito kahit kailan?" tanong nito.

Tumayo rin ako at tumango. "Of course, anytime."

Bumaling ito kay Eliyah. "Oh, Eliyah? Tara na? Maglalaro pa tayong basketball, hindi ba?"

Tumango lang ang pinsan ko at walang gana na sumama.

Napahinga ako nang maluwag.

"Drink first." Celeste gave me the pack of blood. "I know you have lots of questions in your mind.
I'll try my best to enlighten you."

Tinanggap ko ang supot ng dugo at binuksan. Kung dati ay lasang kalawang ito sa aking dila,
ngayon naman ay parang matamis na prutas na hindi ko kayang tigilang inumin hanggat hindi
nauubos. Para din itong alak na gumigising sa mga natutulog kong ugat.

Sinimot ko ito hanggang sa huling patak.

"So... what do you want to know?" Celeste asked.

Dinilaan ko ang labi ko. "I want to know Brix more."

Nilapag ko sa table ang walang lamang supot.

Tumawa ito. "Hindi kita matutulungan diyan."

"Why?"

Umupo kami para mas makapag-usap nang masinsinan.

"I don't even know that much about Master Oscar, si Master Brix pa kaya? He's the most
mysterious guy I've ever known. Pero kung may masasabi man ako sa 'yo, kung matalim ang dila
niya, mas lalong matalim ang kanyang pangil. He won't hesitate to kill an entire clan just to satisfy
his anger."

Tumayo ang mga balahibo sa batok ko. "H-he killed an entire clan? Akala ko ba ay bawal 'yon?"

That's what he told me.

"Bawal nga. Napatalsik siya sa clan dahil doon, naging isang insurgent na walang tirahan, palipat-
lipat ng lugar at kaaway ng lahat. Pero imbes na gano'n lang ang gawin niya, nilipon niya ang
lahat ng insurgent na nakilala niya. Until he created his own clan..."

Damn. What a wise man.

"His clan became one of the most powerful but unlike any other clan, they don't follow orders from
above," pagpapatuloy nito sa kwento. "But, he is still the son of Lord Severo and he will do
anything just to get his attention back. To make it up for his father, isinuko niya sa Nightfall clan
ang kanyang clan. The two clans merged. But that's not enough para mapagbayaran niya ang
kanyang nagawang kasalanan. Until now, he is still earning Lord Severo's trust."

Sa wakas ay nalaman ko na rin kung bakit tila uhaw na uhaw itong makuha ang loob ng kanyang
ama.

"Wait. Why did he slaughter an entire clan?"

Doon natigilan si Celeste, halatang hindi kumportable sa tanong na 'yon.

"Come on, Celeste..." I encouraged her.

"I-I can't say it... it's forbidden."

Nilapit ko sa kanya ang aking upuan. "Sa atin lang namang dalawa eh. Sige na. Promise, hindi ito
makakalabas," pabulong kong sabi.

Napalunok ito.

"Pero kasi Astra..."

"Sige na, please?" pagsusumamo ko.

Ilang sandali pa ay tumango ito at nagpakawala ng isang mabigat na hininga.

"Ipangako mo munang hindi niya malalaman na sa akin mo ito nalaman. He will kill me, Astra.
Without hesitation..."

Alam kong isusugal niya ang kanyang buhay kapalit ng impormasyon na ito, nakaramdam man ng
awa ay mas nanaig sa akin ang kagustuhan na malaman ang kasagutan. Hindi ako patatahimikin
nito.

"I promise, Celeste. Ako ang bahala sa 'yo. I won't ever let him harm you because of me."

"H-he slaughtered an entire clan to avenge his human friend."

That left my lips slightly parted. I think I just got the answer why he hates human that much. Siguro
ay ayaw na niyang maulit ang pangyayaring 'yon. Sa halip na sa mga kapwa niya bampira ibuhos
ang kanyang galit ay mas pinili niyang ibaling ito sa mga tao.

"Stop overthinking, Astra. Malapit na siya."

Mahirap pero sinubukan kong iwaglit ang mga sinabi niya sa akin.

One thing is for sure... he's not that heartless after all.
Chapter 14

Chapter 14: Blood and Lips

Iniwan muna ako ni Celeste sa kusina para pakiusapan ang mga trabahador na bilisan at nang
makaalis na. I was left with a cloud of thoughts, too dangerous knowing someone else could read
it all.

Who would have thought Brix once associated himself with a human? At hindi lang sila basta
nagkasama, naging magkaibigan pa. How was their relationship? Was it that intimate for him to
even make that far? I mean, hindi naman lalagpas sa linya ang galit ni Brix kung hindi niya talaga
pinahalagan ang pagsasamahan nila ng taong 'yon.

I let out a heavy sigh. Napatingin ako sa ibabaw ng lamesa kung saan nakapatong ang simot na
supot ng dugo. Bigla akong nakaramdam uli ng uhaw. Niligpit ko 'yon bago sumunod kay Celeste.
Naabutan ko itong hinahatid na ang mga trabahador sa pinto habang pinasasalamatan ang mga
ito.

"Wala bang meryenda muna diyan?" biro ng isa na sinamahan pa ng mahinang pagtawa.

"Dadagdagan ko na lang ang bayad sa inyo," pagtanggi ni Celeste. Hawak na niya ang pinto at
handa nang ihampas sa kanilang mga mukha. "Umalis na kayo kung gusto niyo pang mabuhay at
makapagtrabaho."

"Number mo muna?" tanong ng isa. "Sagot ko na load mo."

Napalunok ako nang biglang sumulpot sa likuran nila si Oscar. Hindi nila ito pansin dahil na kay
Celeste ang atensyon nila. Tahimik man ay alam kong nakikiramdam lang si Oscar. Isang maling
galaw pa ng mga taong ito ay hindi na sila makakauwi pa.

I felt the sension this time. "Please? I'll double your check," Celeste begged.

"Oh, sige na nga! Dagdagan mo na lang ah?" pagsuko ng isa. "Tara na. Damot." Pagtalikod nito
ay sumalpok ang mukha niya sa dibdib ni Oscar. Kinailangan pa nitong tumingala para
masabayan ang tingin ni Oscar.

"Gusto niyo bang ako na lang magdagdag sa sahod niyo?" Ngumiti si Oscar pero hindi dahil sa
tuwa. "O gusto niyo rin ng contact number ko?"

Naghilaan ang mga lalaki at nagkumahog lumabas ng gate.

"Master Oscar..." Yumuko si Celeste. "I didn't know you would be here, too."
Nasundan ko ng tingin ang kilos ni Oscar hanggang sa makalapit siya kay Celeste. Hinawakan
nito ang baba ni Celeste at ingata para magtagpo ang kanilang mga tingin. Napaiwas ako ng
tingin nang siilin niya ng mabigat ng halik ang labi nito.

Whoa. That escalated quickly.

"Astra..." Napatingin ako sa labas ng gate kung saan nakatayo si Tita Ophelia.

Nilagpasan ko ang dalawang naghahalikan para lapitan si Tita.

I immediately notice the plate she' holding. "Penge namang kanin. Nakalimutan kong magsaing.
Papalitan ko rin mamaya!"

Tumango ako at kukunin na sana ang plato nang bigla niya itong iniiwas.

"Kukunin mo lang ang plato?" tinaas nito ang mga guhit na kilay, halatang nainsulto. "Aba naman,
Astra. Hindi magandang asal 'yan. Papasukin mo naman ako! Ano? Dahil wala ka na sa pundar ko
ay babastusin mo na ako?"

Napangiwi ako. Bumaling ako sa likod ko, wala na ang dalawa.

Pagkaharap ko naman kay Tita ay nakapasok na ito ng gate at todo ngiti pa.

"Pasok na tayo?" aya niya.

Nasa loob na siya ng gate, ano pa baa ng magagawa ko? Pagkapasok namin ay hindi ko pa rin
naabutan ang dalawa. Saan na kaya ang mga 'yon? Kanina naghahalikan lang sa labas ah.

"Ang pangit naman ng pintura!" angal ni Tita. "Bago ba ang TV mo? Palit na lang tayo? Hindi ka
naman mahilig manuod, hindi ba? Saka may sobra ba kayong pintura? Papalitan ko sana ang
pintura ng kwarto mo para doon na si Eliyah. Ayaw na niya sa kwarto ko e."

Good for Eliyah.


Hindi pa man kami nakakarating ng kusina ay andami na agad nasabi ni Tita. Pinuna niya ang
sahig, ang ceiling, ang mga appliances na gusto niyang hiramin at ang mga abstract painting na
dumi lang daw sa wall. I would lie if I'd say I didn't miss her rants. Damn. Just one day... I was just
gone for one damn day.
"May ulam ba? Baka naman..."
"Sige, Tita. Upo ka na," saad ko.
Nakangiting umupo ito. Nilapit ko sa kanya ang mga ulam na niluto ni Celeste at sinalinan ng
kanin ang plato niya. Nag-request pa ito ng juice pero wala akong naibigay. Kahit tubig ay walang
laman ang ref. Mga karne lang at alak.
"Pati ba naman tubig wala? Ano ba naman 'yan!" reklamo nito habang puno na ang bibig.
"Ikukuha na lang kita sa bahay niyo, Tita," paalam ko pero agad ding natigilan nang maramdaman
na may naglalakad palapit sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na si Brix ito.
"Tita. OMG. Magtago ka muna sa ilalim ng lamesa!"
No. I don't want another mess after what happened last night.
"H-ha?" Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita, hinila ko siya at sapilitang itinago sa ilalim
ng lamesa. "Punyeta naman. Kumakain pa ako. Bakit ba— aray. Naumpog ako!"
"Basta. Huwag kang gagawa ng ingay ah?" paalala ko. "Please?"
Umayos ako ng tayo nang pumasok na si Brix. Huminto ito sa bungad at iginala ang tingin sa
kusina. As usual ay nakaputing t-shirt na naman ito na hapit sa kanyang batak na katawan. Basa
pa ang buhok nito na halatang katatapos lang din maligo gaya ko. Even from where I am, I can
smell his lingering scent.
"Good morning!" kabadong bati ko kay Brix.
"What's that smell?" he sniffed. Ngumiwi ang kanyang labi. "May patay na daga ba?"
"Brix..." I glared at him. Alam niyang nandito si Tita Ophelia. "Doon muna tayo sa sala?" Lumapit
ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso. "Amoy patay na daga nga rito. Mukhang hindi pa
nalinis."
"Okay. I can't stand the smell here."
Bago kami tuluyang makaalis ay sinulyapan ko si Tita. Nakayuko ito, pulang-pula ang mukha
habang masamang nakatingin sa akin... lalo na kay Brix.
Brix faced me as soon as we reached the target place, away from Tita. "Kaya nga kita dinala rito
para hindi mo na makasama ang mga taong 'yan tapos..." Hinaplos niya ang kanyang braso. "I
don't want to see her here whenever I am also here. Hear me, Astra. Ikaw lang ang dapat na
maaabutan ko rito."
I just nodded.
"Bring the paper here," he said.
"Paper?"
Nagtaas ito ng kilay. "Yeah. Don't tell me you already forgot?"
Saka ko lang napagtanto kung ano ang tinutukoy niya. Bumagsak ang tingin namin sa dalawang
asong naghahabulan. Tuwing nakikita ko ang mga ito ay napapailing ako. Kamukhang-kamukha
kasi ni Tati, even the slightest details such as mark.
"Pwede bang bawiin mo na lang ang mga aso, Brix?" tanong ko. "I changed my mind. I can't live
with them anymore." Bahagyang lumungkot ang boses ko.
Ayokong mapalapit ako sa kanila at magawan sila ng masama pagkatapos. Mas mabuting lumayo
na lang ako sa mga bagay na masasaktan ko lang. Even though they are cute and good
accompany, I don't want to invest feelings on them.
"Okay. I'll ask Celeste to take them away. Anyway, where is she?"
"Kanina..." Tinuro ko ang labas. "Hindi ko alam e."
Saan na nga ba ang dalawang 'yon?

Brix smirked. "They are somewhere in this house."

Kahit na naguguluhan ay tumango na lang ako. Umakyat na ako sa kwarto ko. Kinuha ko uli ang
bagahe ko at inilabas ang kulay brown na papel. Blangko ito. Nang makuha na ay lumabas na rin
ako.

Pababa na sana ako nang may marinig na ingay sa isa sa mga kwarto dito. May dalawang kwarto
dito. Isa sa akin at isang bakante. May dalawa ring kwarto sa ibaba. Ipagsasawalang-kibo ko sana
ang ingay nang mas lumakas ito.

I don't believe in ghosts but if vampires exist— Oh, no.

Sumilip ako sa pinto at agad ding napasara nang makita ang hindi dapat makita. Napabagsak ang
pagsara ko kaya nakita nila ako. Nagkumahog akong bumaba ng hagdan at bumalik kay Brix.
Parang nasusunog ang mukha ko.

What the hell? I should have knocked... or just ignored the noise at all.

"I-ito na..." Inabot ko kay Brix ang papel, nakaupo ito sa sofa. Nanginginig pa ang mga kamay ko.

"What's wrong?"

Mas lalong namula ang mukha ko.

Napailing ito. "You saw them fucking."

"Ikaw kasi inutusan mo pa akong kunin ang papel na 'yan!" sumbat ko sa sobrang inis at
pagkapahiya. "Pero..." Napalunok ako. "Bakit niya tinali sa kama si Celeste? That's forced, right?
That's not right."

"I see. It's not. They are just having fun." He chuckled.

Umupo ako sa tabi niya. "What's that paper for?"

Sinubukan kong ibaling ang atensyon sa papel.

"A contract." Naglabas ito ng pocketknife. Bahagya itong natigilan bago ibinalik sa bulsa ang
bagay na 'yon. Luminga-linga ito sa paligid. "Do you have a needle or even just a small sharp
object?"
"What for?"

"I need your blood on this paper."

I gulped. "W-wala eh."

Sandali itong tumigil at nag-isip ng ibang paraan. "Then, we will have to use my knife."

"Ay, meron yata!" Tumayo ako at aktong aakyat na nang may maalala na naman. Nakangiwing
bumaling ako kay Brix. "P-pwede na yata ang kutsilyo." Walang gana na bumalik ako sa tabi niya.

"You don't want it rough?"

Nabilaukan yata ako kahit na walang kinakain. Madali kong nalaman kung ano ang ibig sabihin ng
tanong na 'yon.

"Tragic," he whispered. Nilabas niya uli ang kutsilyo at inabot sa akin. "Anyway, here. Kaunting
hiwa lang ang kailangan."

"Will it hurt?" I asked, tensed.

He frowned. "What do you think?"

"But, I am a vampire, right?"

Mas lalong tumamad ang tingin niya sa akin. "Ito na ang pinakamagaan na paraan para sa bagay
na ito, Astra. Oscar bit Celeste's neck just to get a blood for this paper. I wouldn't do it to you since
you don't want it rough." He almost rolled his eyes.

"Is that a good thing?" I am not making any sense here.

"What's wrong with you? I am being sympathetic on your condition here. Kaunting hiwa lang ang
kailangan mo."

Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang talim ng kutsilyo. Hindi naman bago sa akin ang
masugatan. Nasugatan na nga yata lahat sa akin maliban na lang sa puso. Putik naman. Dugo
lang pero nagiging ma-drama ako.

"Don't worry, Astra. Your heart stopped beating the moment I turned you like us. Hindi na
masusugatan ang puso mo."

"Ang literal mo naman. I mean is my feelings." Napaismid ako. Ang baba ng tingin niya sa mga tao
pero ang baba din ng commonsense niya. "Pwedeng isang patak lang?"

He nodded. "As long as your blood touched the paper."

"What's this for? I mean... I need an exact detail."

"That's for unity. You will be officially marked as one of us, a member of Nightfall Clan."

Okay.

I just need a drop of my blood. That's it. That's all.

"What's taking you so long?" iritadong tanong ni Brix. "This is nothing, Astra. Mararanasan mo ring
maligo sa dugo. So, take this as a preparation for that."

"Kasi naman—" Bigla niyang hinablot sa akin ang kutsilyo. "Ano? Galit ka na naman?"

Binigay niya sa akin ang papel. "Drop it here."

Saka ko lang napagtanto na may sugat na pala ako sa palad. Mukhang ginawa niya ito nung
hinablot niya sa akin ang kutsilyo. Hindi lang isang patak ang nailapat ko sa blangkong papel.
Napalaki ang hiwa.

"Oh, fuck!"

Pagkalingon ko kay Brix ay wala na ito.

Luminga-linga ako pero hindi ko na siya makita. Ilang segundo pa ay naghilom na ang hiwa sa
aking palad at halos mapuno na ng kulay pula ang dating brown na papel. May humablot sa akin
ng papel. Si Oscar na tinitiklop ito.

"Ako na ang maghahatid," aniya. "Babalik din si Brix."

"Saan siya pumunta?"

"Ibabaling sa iba ang pagkauhaw," mahina itong tumawa.

Tumagos sa kanyang likod ang tingin ko, kay Celeste na nakangiti. "You did it, Astra!" masaya
niyang sabi.
Imbes na matuwa ay nailang ako. Hindi ko pa rin makalimutan ang nasaksihan kanina. Hindi ko rin
alam kung makakalimutan ko pa ba 'yon. I mean... Celeste was tied down in bed and on top of her
was Oscar half naked, nakapantalon pa rin itong nakababa lang nang ilang pulgada. But what I
couldn't get rid of is... the sound of their moans.

Oh, come on, Astra. Don't act like you haven't watched any porn video.

"I'm sorry for that," Oscar chuckled while shaking his head. "Celeste forgot to lock the door."

Natigilan kami nang makarinig ng pagkabasag ng gamit sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko nang
mapagtanto kung sino ang iniwan ko roon. Nagmadali kaming pumunta sa pinanggalingan ng
ingay.

Naabutan ko si Tita Ophelia, hawak niya ang kanyang plato at puno pa ng kanin ang bibig habang
sakalsakal ni Erikson. "I found a trespasser, Lady Astra. She was stealing foods," saad pa nito.

"Bitiwan mo, Erikson," utos ni Oscar.

"Pero, pinsan—"

"Kilala siya ni Astra," putol ni Oscar. "Hindi ba ang utos ni Brix ay bantayan mo si Astra at hindi
saktan ang mga malapit sa kanya?"

Dali-daling binitiwan ni Erikson si Tita na natulala.

"I didn't know. Sorry," Erikson winced. "Sorry, Lady Astra."

Lumapit ako kay Tita. "A-ayos ka lang, Tita?"

"B-bakit ba lagi na lang akong sinasakal?" tulalang tanong nito.

Sinamaan ko ng tingin si Erikson na kumamot lang sa kanyang batok. "Sorry na ate. Akala ko kasi
magnanakaw ka."

"Ihatid na kita, Tita," prisinta ko.

Hawak-hawak ko sa braso si Tita hanggang sa makabalik kami sa bahay nila. Inupo ko ito sa sofa
at kinuha ang kanyang hawak na plato. Pumunta ako sa kusina para ikuha siya ng tubig.
Nahimasmasan naman ito pagkatapos.
"Ayos ka na, Tita?" tanong ko.

Bigla itong humagulgol. "Sorry na, Astra. Bumalik ka na rito!"

Natigilan ako.

What?

"H-hindi na kita sisigawan, promise. Pwede ka nang sumabay kay Eliyah sa pagpasok. Hindi na
kita gigisingin sa umaga. Pwede mo na gawin lahat ng gusto mo. Bumalik ka na, please?"

That made me emotional, too. Gusto ko sana kaso hindi na pwede. Hindi na ako maaaring
bumalik sa dating gawi. Hindi na ako maaaring makihalubilo sa mga tao nang matagal.

"Sige na, Astra!" Hinawakan niya ang balikat ko at niyugyog ako. "H-hindi ko naman talaga
gustong palayasin ko. Nadala lang ako ng galit. Sorry na."

"Pero, Tita..."

"T-tapos si Eliyah..." Mas lalong lumakas ang hagulgol niya. "Hindi ko na makausap nang matino.
Laging nasa labas ng bahay. Tapos kagabi, hindi ko na rin siya kasama matulog. Hindi ko alam
kung ano ang nangyayari pero please... dito ka na lang."

Nag-isip ako ng paraan para kahit papaano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman niya.

"Alam ko na!" Napangiti ako. "Minsan, doon kayo matulog sa bahay!"

"Talaga?" Lumiwanag ang kanyang mukha. "Sige!" bigla itong tumayo. "Sige, mag-iimpake na
ako!"

"No!" I laughed. "Minsan, Tita. Hindi araw-araw."

Tumango naman ito. "E 'di gabi-gabi?"

Napangiwi ako.

"Basta, Tita. Pwede naman kayong dumalaw sa bahay. Katapat lang naman e."

"Sige! Sabi mo 'yan ah?"

Tumango ako. "Sige, Tita. Uwi na ako. May mga bisita pa ako eh."
"Teka, Astra. Sino ba 'yung lalaki?" bigla niyang tanong.

Si Brix?

"Bakit, Tita?"

"Wala lang. Para kasing nakita ko na siya nung bata pa ako. Pero, imposible naman 'yon, hindi
ba? Ano 'yon? Hindi siya tumatanda?" Humalakhak ito.

Ngiti lang ang naisukli ko.

"Sige, Tita. Una na ako."

"Saka nga pala, Astra. Ayokong makita ang lalaking 'yon kapag dumalaw ako sa bahay mo ah?
Ayokong makita ang pagmumukha ng animal na 'yon!"

Tumango na lang ako at saka na lumabas.

Pagkauwi ko ay si Brix na lang ang naabutan ko. Nakasandal ito sa sofa at nakapatong ang mga
braso sa malawak na pagitan. Nakapikit din ito pero alam kong alam niyang nakatingin ako sa
kanya. Somehow, he looked peaceful. He looked like a normal human who has no special ability.

I suddenly remember what Celeste said.

"What did she say?"

Natauhan ako nang magsalita si Brix pero nanatili pa ring nakapikit.

"W-wala..."

Damn.

"Okay..." At hindi na uli siya nagsalita pagkatapos.

Nanatili akong nakatayo sa harapan niya at nakatitig lang.

"What do you want, Master Brix?" I asked, politely.

He has done a lot of good things to me. Maybe, I need to at least give back a few.

I didn't get any response from him.


"Are you tired? You can sleep in my bed," I said.

Oh, come on, Astra. Siya pa talaga ang mapapagod?

"Do you want my blood? I had endured the pain earlier. Maybe, I can do it again this time."

With all that, I still didn't get any response from him. Imposible namang nakatulog ito.

I let out a heavy sigh.

"Kung wala kang iuutos—" Natigilan ako nang bigla siyang mawala.

The next thing I knew... he was already kissing me.

Rumagasa sa likod ko ang kanyang palad papasok sa aking damit. Naramdaman ko ang init ng
mga ito na humahaplos sa aking balat. I felt stiffened when his hand moved the clasp of my bra
and before he could even unclasp it, he stopped.

He stopped kissing me, too.

"Do you want me to pull out your eyeballs, Erikson?"

Napatingin ako sa bintana. Kumurap lang ako at nawala na si Erikson.

Bumalik na sa sofa si Brix habang ako ay naiwan pa ring lutang. Biglang nagbago ang
pakiramdam ko. Hindi ako mapakali at hindi ko maintindihan kung bakit.

"May pasok ka bukas, hindi ba?" tanong nito.

Tango lang ang naisukli ko. Bumagsak sa kanyang labi ang aking tingin. Pakiramdam ko ay
nakasanib ngayon sa akin si Nathalia para maging sabik ako sa labi. Nanunuyo ang lalamunan ko.
Mukhang alam ko na kung bakit hindi ako mapakali.

"Susunduin kita uli mamayang gabi."

I gulped. "Okay..."

I couldn't stop staring on his lips.

I heard him chuckled.


"Babalik ako." Tumayo na ito at handa nang umalis.

No. He can't just leave.

"Can I have a kiss first?" biglang lumabas sa bibig ko.

Brix ecstatic laugh reverberated in the silence.

Oh, fuck. Why am I craving for his lips now?

"You still don't know, huh?" He took one step closer to me, smirking devilishly. "A vampire's kiss is
hard to forget or maybe unforgettable at all. It lingers in your system, disturbing your senses until
you can't think of anything but to kiss again. Unfortunately... you are a victim now."

Humakbang ako palapit sa kanya pero umatras ito.

"Please, kiss me..." I begged.

He shook his head. "That's your punishment for being a bad girl." He caressed my face to tease
me even more. "Poor girl. You have to endure it until tonight."

Just one damn kiss!

"I will come back tonight. Have a good day, Astralla."

And just like... he disappeared.

I was left dumbfounded.

Umupo ako sa sofa, tulala.

This somehow reminds me of Eliyah's case.

Humiga ako at tumulala sa kisame.

"I just want a kiss," I mumbled.

He will meet me tonight.

I will have another kiss tonight. Whatever it takes.

I didn't know I would crave for two things.


Blood and lips.

Fuck you, Brixton Wenz Cardinal!


Chapter 15

Chapter 15: Whatever It Takes

His red and soft lips that tastes like wine. I want it so bad.

Fuck it! I couldn't think of anything but his damn kiss. Sinubukan kong itulog na lang ito pero
maging sa dilim ay nakikita ko ang kanyang labi. It feels like I'm going psycho with all these
thoughts. Like I've been literally thinking how will I kiss him when I see him again. Should I glide
my tongue inside? Bite his bottom lip? Or kiss him until both of our lips bleed?

I just want a kiss.

Bumangon ako sa sofa at napagpasyahan na lang na lumabas at maglakad-lakad. Hindi ako


mapapanatag kung hindi ko mababaling sa iba ang aking atensyon. Baka kung saan pa
mapadpad ang pagpapantasya ko sa kanyang labi.

"Saan punta mo, Lady Astra?" salubong sa akin ni Erikson 'pagkalabas ko pa lang ng pinto.
Naalala ko ang pang-iistorbo niya kanina kaya naudlot ang matagal pa sanang halik. "Brix gave
me an order to follow you wherever you go. What's wrong? Threat?"

Napamura ako nang bumagsak sa kanyang labi ang tingin ko. It looks soft and chewable. I wonder
if it tastes like wine, too?

"Lady Astra?"

Tumaas uli sa kanyang mukha ang aking tingin.

I gulped the lump in my throat. "Can you kiss me?" I asked without hesitation.

His lips slightly parted as shocked registered on his face.

"Damn. That's why. You are intoxicated," he chuckled.

"Okay?" Humakbang ako palapit sa kanya pero umatras ito. "D-don't you want to kiss me?"

I kind of feel offended. Am I not kissable?

"N-no. Of course you are, Lady Astra. It's not like—"

Sa inis ko ay nilagpasan ko na lang siya. Sumunod naman ito agad sa akin.


"You are intoxicated. Mas mabuting huwag ka na munang lumabas, Lady Astra." Tinangka akong
pigilan ni Erikson pero binalewala ko ito. "Putik naman. Huwag ka lang magtatangkang humalik ng
iba."

"Huh. I will kiss whoever I want to," I mumbled, lips pouted.

"Bold of you to assume your lips will land on someone else's. Not on my watch, Lady Astra,"
pagmamayabang nito. "Ang tagal ko nang nabubuhay at wala ako planong matuldukan ito dahil
lang sa simpleng mission na ito."

Huminto ako sa paglalakad nang makita ang isang poster na naka-post sa wall. It's an
advertisement for a toothpaste. The guy on the poster was grinning, showing his perfect set of
teeth. Huh! People really believe that this toothpaste helped his teeth get that result? Pathetic.

"Right. But that's the purpose of advertisements. To persuade the consumers to try your product,"
Erikson said like as if I needed his opinion. "Maganda naman ngipin mo, Lady Astra. You don't
need to try that product."

My eyes darted on that guy's lips.

"Can you bring me to him?" I asked.

Bumaling ako kay Erikson, halatang nag-iisip. "That guy is in a photoshoot right now. Pero
gagawan ko ng paraan. Why? Are you a fan?"

"Of his lips." Damn.

"Okay— Oh, fuck! He just got in an accident, malubha ang kalagayan niya. You can't kiss him in
that condition." He shook his head, acting like he's deep affected. "Tragic. Mukhang nasira yata
ang lips niya dahil sa aksidente."

I gulped. He's lying. Maiiyak yata ako.

"I-I want to kiss..." I sobbed.

Shit. Para akong nauuhaw na bata.

"Kailan ba raw babalik si Brix?" tanong niya. "Sorry, Lady Astra. Hindi ko talaga alam ang gagawin
para matulungan ka."
Pinunasan ko ang kaunting luha sa aking pisngi.
"Mamayang gabi pa raw," bulong ko.
"Fuck. Then, you need to endure it longer." Umiling-iling na naman ito. Hindi ko alam kung
naaawa ba siya sa akin o pinagtatawanan na niya ako. "But, it will be worth it I bet. Lucky bastard.
How could he leave you like this?"
"Am I not kissable?" I suddenly asked.
Bumagsak sa labi ko ang kanyang tingin at agad na napaiwas. "I-I don't know..."
Huminga ako nang malalim. Naglakad ako sa gitna ng kalsada at umupo. Niyakap ko ang mga
tuhod ko. Tirik na tirik ang araw pero nanlalamig ang katawan ko. He is so heartless to leave me in
this condition.
"Damn!" Napatingin ako kay Erikson na pinapagawi ang mga sasakyan sa ibang direksyon.
Malawak ang ngiti sa kanyang labi na tila nasasayahan talaga sa mga pangyayari. "This mission is
getting outrageous. But sure, Lady Astra. Ako ang bahala sa mga sasakyan."
"I want to kiss!" I screeched.
"Sorry, ito lang maitutulong ko."
"I want to suck his bottom lip," I mumbled.
Humalakhak si Erikson. That confirmed my thoughts. He was not being sympathetic of my
condition.
Tumayo na ako at padabog na naglakad palayo. Nanatili akong naglalakad sa gitna ng kalsada.
Wala na akong pakialam kung masagasaan ako. Pakiramdam ko ay lantang-gulay ako ngayon na
naghihintay na madiligan. I feel so thirsty, not for blood but for someone's lips.
"Astra!" Napatingin ako sa lalaking tumawag sa akin. Sumalubong sa akin ang mga naguguluhang
mata ni Kristan. "What the fuck are you doing?!"
"Who's that guy?" Erikson asked.
Nang hindi ako kumilos sa kinatatayuan ay lumapit na sa akin si Kristan at hinila ako sa tabi ng
kalsada. Naguguluhan pa rin ang tingin nito, parang nagtatanong kung nababaliw na ba ako. Ako
naman ay tila natutop para hindi makapagsalita.
Imbes na magtanong ay bumaling ito kay Erikson. "What did you do to her?"
Hinampas ni Erikson ang kamay ni Kristan na nakahawak sa braso ko. "Wala akong ginawa sa
kanya. And don't touch her, human."
Napansin kong nainsulto si Kristan pero imbes na makipagtalo ay hinawakan niya uli ang aking
braso at hinila ako. Wala akong nagawa kung hindi ang magpatianod sa kanyang pwersa.
Nakasunod naman sa amin si Erikson na bumubulong ng mga mura.
"I said don't touch her, human!"
Hindi siya pinansin ni Kristan.
Natigilan ako nang hawakan naman ni Erikson ang kabila kong braso. Nakanguso lang ako
habang pinaghihila nila ako. Sa huli ay hinigit ko ang mga braso ko at naglakad mag-isa. Ramdam
ko naman na nakasunod sila sa akin.
"What happened to her?" I heard Kristan asked.
Ilang oras na ba ang lumipas? Ilang oras pa ang kailangan bago mag gabi?
"She's intoxicated," Erikson responded.
Paano kung hindi siya sumipot ngayong gabi? Does that mean I have to endure this until
tomorrow? No. I can't survive that long. Isa pa, hindi ako patutulugin ng aking imahinasyon.
"What do you mean intoxicated?"
Erikson frowned. "She badly wants to kiss. That's the only explanation a human like you is capable
of comprehending."

"Aren't you a human you asshole? Make it make sense."

Natigilan ako nang mapadako sa isang bata ang aking atensyon. She was walking on the side
walk, tracing the line pattern on the floor. Sa simpleng bagay lang ay masaya na siya. For a
second, I wanted to be a kid again. But when I saw how she crossed the limit unconsciously and
about to get hit by the approaching car, no thanks, I don't want to be that naïve.

The next thing I knew, the kid is already in my arms and we are both on the other side of the road.

Ibinaba ko ang bata na gulat sa pangyayari.

"Ayos ka lang ba, baby?" mahinahon kong tanong.

Sa halip na sumagot ito ay lumukot ang kanyang mukha at nagsimulang umiyak. Nataranta ako
kaya agad kong sinuri ang katawan niya kung nasugatan ba siya o ano. Pero wala naman akong
nakitang galos sa kanya.

"Nabigla lang siya," biglang sumulpot si Erikson, bakas ang pagkabahala rin sa kanyang mukha.
"Don't worry about her. May mas mabigat ka pang dapat alalahanin."

"Elly!" Napatingin kami sa babaeng dumating. Nang makita siya ng bata ay agad itong tumakbo at
yumakap. "May nangyari ba sa anak ko?" tanong nito habang pinapatahan ang bata.

Saka ko lang napagtanto kung ano ang nangyari. Tumingin ako sa kabilang kalsada kung saan
ilang segundo pa lang kanina ay tinatayuan ko pa. Napatingin ako kay Erikson na nakatingin din
pala sa akin, naiiling ito.

"W-wala naman po. Baka akala niya ay nawawala siya," sabi ko na lang. "Pakitingnan na lang po
nang mabuti ang anak niyo. Maraming sasakyan ang dumadaan."

Nagpasalamat ang babae bago umalis.

Napatingin ako kay Kristan na nakatulala sa akin.

Erikson chortled but in an unpleasant way. "It looks like your friend is in danger now, Lady Astra."

"W-what?"
Bahagya siyang lumapit sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang nagseryoso.

"He saw you. You think they will let him escape after that? No. We are a secret of this society, no
one must know our existence. If we need to eradicate all those who have seen us, we must. That's
the most basic law you should always put in your mind."

Tila may bumarang tinik sa lalamunan ko. Bumaling ako kay Kristan. Ang kaninang gulat na
mukha nito ay napalitan ng pagkaseryoso. Gano'n pa man ay bakas ang malaking katanungan sa
kanyang mga mata.

"Unfortunately, there's nothing I can do about this," Erikson mumbled. "And fuck it. Sabit ako sa
problemang ito."

"W-what's that Astra?" Kristan finally opened his mouth.

"K-Kristan..." Suminghap ako.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. I felt how he scared he is at this moment.
"Am I dreaming or did I really see you moved that fast to save the kid? What the hell was that?
What's happening, Astra?"

Napaiwas ako ng tingin.

"Namalik-mata lang ba ako?" mapaklang tumawa ito.

"They are here..." Erikson mumbled. "They are quick as fuck."

I felt frightened when a black vehicle stopped in front of us. May lumabas na dalawang
maskuladong lalaki na nakakulay itim na damit. Magaspang na hinila nila palayo sa akin si Kristan
na tila walang lakas para magpumiglas.

"Don't hurt him!" madiin kong babala.

"Sumama ka rin sa amin." Hinawakan din ako ng isa.

"Don't touch her." Pabagsak na hinila ni Erikson ang kamay ng lalaki sa akin. "Don't be rude,
brah. Dahan-dahan naman."

"She broke our law. She's nothing now," sagot ng lalaki sa baritonong boses. "Kung ako sa 'yo ay
huwag ka na lang makialam kung ayaw mo ring madamay."

Bumali ang leeg ni Erikson at madiin na napapikit. "J-just don't hurt her. Don't make this a big
deal."

"Hindi kami ang magdedesisiyon niyan," sabi ng lalaki bago ako muling hinawakan at sa
pagkakataong ito ay mas mahigpit. Napasinghap ako nang hatakin niya ako. "Sumama ka sa
amin. May kailangan ka pang ayusin."

Wala akong nagawa nang ipasok nila sa sasakyan si Kristan.

"A-are they going to hurt him?" I asked, scared to death.

Erikson shook his head as he let out a weighty sigh. "Fuck! I need to find him. Sandali lang, Lady
Astra." Saka ito bumaling uli sa mga lalaki. "She's still Brixton's slave, you assholes. Siya lang ang
maaaring gumalaw sa babaeng 'yan."

"One more threat, Mr. Erikson Nadija. Isasama ka na rin namin," pananakot ng isa.

Wala akong nagawa nang maipasok nila ako sa sasakyan. Naabutan ko si Kristan na nakasandal
lang at diretso ang tingin, malalim ang iniisip. Hindi ko alam kung saan nila kami dadalhin. Mas
nangingibabaw ang takot ko para kay Kristan.

"I knew there's something wrong." Tumingin sa akin si Kristan. I could still clearly see a huge
question mark above his head. "Can you explain, Astra? Bakit sobrang bilis mong kumilos? Sino
sila? And your eyes..." he laughed mockingly. "Am I dreaming or your eyes really turned red?"

Sa dami ng gusto kong sabihin, "I'm sorry, Kristan."

"No..." Humarap ito sa akin. "J-just tell me what's going on. Baka magawan ko ng paraan." He
seemed so desperate to know the answer.

Napatitig ako sa kanya. It's starting... I am starting to hurt the people around me.

"Y-you can't do anything about this." I shook my head. "Hindi ko hahayaan na saktan ka nila. Hear
me, Kristan? Ako ang bahala sa 'yo."

But at the back of my mind... I don't know what to do. I don't even know what's waiting for us when
we arrived in our destination. Nevertheless, I won't let them hurt my friend. Damn. What can I
even do against these devils?

Kristan held my shaking hands. "Hey. I don't know what's going on but it's not your fault. Okay? If
something bad happens to me, don't feel bad for yourself—"

"Shut up. Walang mangyayaring masama sa 'yo," putol ko.

"I know. Just letting you know."

Mayamaya pa ay huminto na kami. Piniringan nila ang aming mga mata at tinali sa likod ang
aming mga kamay. Wala kaming nagawa kung hindi ang sumama sa kanila. Kahit na madilim ay
ramdam ko ang presensya ni Kristan.

"Don't hurt him, please?" I begged.

"Hindi kami ang magdedesisyon niyan," sagot nila.

Pabagsak na inupo nila kami sa isang bagay na sa tingin ko ay silya. Iginapos nila kami roon bago
inalis ang pagkapiring. Nasa isa kaming madilim na silid. Bigla kong naalala ang unang
pagkakataon na nakatikim ako ng dugo sa mansion ng mga Cardinals.

"You okay?" Kristan asked, worried.

Napatingin ako sa kanyang mga kamay na nakagapos din sa likod ng silya.

"Dito muna kayo habang wala pa ang hatol," sambit sa amin ng isa sa mga lalaki. "Hindi rin
magtatagal at darating na ito. You still have time to waive your goodbyes to each other." Saka na
niya kami tinalikuran at lumabas ng silid.

Katahimikan ang sumunod na nangyari.

Sinubukan kong kumawala sa lubid pero sa tuwing gagalaw ako ay mas humihigpit ang tali nito.
Iginala ko rin ang tingin ko sa paligid, naghahanap ng paraan para makatakas. Bumagsak ang
mga balikat ko nang mapagtanto na walang kahit na anong bagay rito kung hindi ang isang maliit
na bintana.

"This is kind of romantic," mahinang tumawa si Kristan. "Kulang na lang ay kandila at pagkain. It
could be a date."

"Do you think this is funny?" I arched my brows.

Ngumiti ito habang umiiling. "Ilang sandali na lang daw ang natitira sa atin, Astra. Ayoko nang
magtanong kung ano ang nangyayari dahil sayang lang ang ilang sandali natin. Gusto ko lang
malaman mo na... hindi nagbago ang nararamdaman ko sa 'yo."

"Shut up!" My lips trembled. "Don't say anything. Makakatakas tayo rito."

He shook his head. "I don't want to die yet but if it will happen beside you, I am not going to
complain."

Biglang may pumasok na pangalan sa isipan ko. Alam kong sinabi na niyang hindi na niya ako
gagawan ng pabor pero gusto ko siyang makita ngayon. Kung kinakailangan kong lumuhod para
lang maisalba si Kristan ay gagawin ko.

Where the hell are you, Brix?

"That was cool though!" Tumawa na naman si Kristan. "Dati sa movie ko lang napapanuod ang
gano'n tapos biglang nangyari talaga? At ang mas astig ay kaibigan ko pa? Damn. You are a hero,
Astra!"

"Yeah." I faked a laugh. "And because of that, we are here..."

"I told you not to blame yourself."

"Sino ang sisisihin ko? 'Yung bata? Ikaw?" Mapaklang tumawa pa ako. "You are in trouble
because of me. That's it."

"Aw. That's the sweetest thing I've heard from you," he chuckled. "Why are you granting my
wishes now? First, being alone with you in a dark and cold place. This place might looked like a
jail but who cares? Now, you are telling me that you can't afford to lose me. Am I also going to
hear those three words?"

Napatitig ako sa kanya. "I-I don't want to lose you, Kristan..."

"And I just died..." He laughed and it sounded so genuined. "Damn. I didn't know being kidnapped
would make me feel this high."

Bumagsak ang tingin ko sa mga paa ko.

I don't know what else to say.

"I don't want to lose you, too, Astra..." I heard him whispered.

Umangat ang tingin ko nang biglang bumukas ang pinto. Nasilaw pa ako sa liwanag. Nang maging
maayos ang tingin ay napatitig ako kay Brixton. He stood there without any emotion. I felt shivered
when his gaze darted on my direction. For the first time, I felt how perilous this man is. Those
stories I've heard about him being ruthless, it all made sense now.

"I hate humans so much."

Napasigaw ako nang buhatin niya si Kristan at hinagis sa pader. Nabasag ang upuan at nakawala
si Kristan sa pagkakagapos pero natumba naman ito sa sahig, iniinda ang sakit ng katawan.
Gamit ang isang kamay ay hinawakan niya ito sa leeg at inangat sa ere.

"B-Brix..." Sobrang panginginig na ang nangyayari sa katawan. "You can't do that."

No... he can't do that.

Kristan managed to smirk at Brixton. "I see. You are the reason why my friend is in this hell."

Mas humigpit ang pagkakahawak ni Brix sa leeg ni Kristan.

I wanted to tell Kristan not to talk anymore. Mas lalo kong nararamdman ang pagtaas ng galit sa
loob ni Brix.

"Welcome to my kingdom then, human..." Brix chuckled.

"Brix! Leave him alone!" There's nothing I can now do but to scream. Sinubukan ko uli
magpumiglas sa lubid pero hindi ko magawa. Tila isang klase ito ng lubid na tanging malaya lang
ang makakakalag. "Please. It's my fault! Punish me instead."

Natutop ako nang bumaling sa akin si Brixton, sobrang pula ng kanyang mga mata. "I told you not
to associate yourself with humans. What did you do?"

"You did it, too! You once associated yourself with a human!"

Oh, fuck! I said it.

Umigting ang pagkakapula ng kanyang mga mata.

His immense wrath formed a smirk on his lips.

I should have kept my mouth shut.

"Then, let this be history repeats itself."

Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang makita kong pumasok sa dibdib ni Kristan ang kamay
ni Brix. Gusto kong sumigaw pero walang lumabas na boses sa aking bibig. Pagkalabas niya ng
kanyang kamay ay hawak na niya ang puso ng kaibigan ko.

Bumagsak ang mga kamay ni Kristan at nang bitiwan siya ni Brix ay walang buhay na bumagsak
din ito sa sahig. Binitiwan niya ang puso ni Kristan saka nito pinunasan ng panyo ang kanyang
kamay na binabalutan ng dugo.

"Problem solved," he mumbled.

Lumapit siya sa akin at pinakawalan ako sa pagkakagapos.

Nanatiling kay Kristan ang aking tingin.

No. I don't want to believe this is real. Am I having a nightmare?

"Come on, Astra. He's dead."

I looked at Brix. How could he do that?

He smirked again. "You just need to pull his heart out of his chest and boom."

I was beyond shocked and infuriated. Parang sasabog ang ulo ko sa dami ng nararamdaman ko.

This is real. Kristan is dead. Brix killed him. And it's because of me.

"Let's go, Astra."

I stood up and grabbed Brix by his arm. Tinulak ko siya sa pader saka idiniin ang sarili ko sa
kanyang katawan. Hinalikan ko ang kanyang labi na agad naman niyang tinugunan. Tumutulo ang
luha sa aking mga mata habang hinahalikan ko ang lalaking pumatay sa aking kaibigan.

I crave for two things now. His kiss and blood.

Someday, I will take my revenge. I will make him feel the excruciating pain of losing someone you
love. He will be on his knees, begging for my kiss and blood. I will show no mercy. This shall
happen, whatever it takes.

Today marked the day Astralla Martin completely died.


Chapter 16

Chapter 16: He Knows


Kristan's death snapped me back to sanity and brought so many realizations I always tend to
forget. There's nothing to be greatful for the life I have become. I died the moment I turned into a
vampire but it never got into my system totally. Until the horrible death of one of the closest person
in my life.
Somehow, I knew I was at fault. But Kristan's right, hindi ko dapat sisihin ang sarili ko. I was a
victim of their vile ways, too.
Hinawi ko ang luha sa aking mga mata nang manlabo ang tingin ko. Andito ako sa rooftop ng
malaking building, nakaupo sa edge habang pinagmamasdan ang mga naglalakad na tao sa hindi
kalayuan. I was once one of them, free and ordinary. Look how far I have become, in just a blink of
an eye, I am already an immortal.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. "You've been here for hours now. Hindi ka pa kumain,"
saad ni Oscar.
Suminghap ako bago hinawi ang mga panibagong luha.
I heard him let out a heavy sigh. "I'm sorry for your loss. I'm sorry for not being there when you
needed me. I could have stop it..."
"It's done..." I mumbled.
Ramdam kong bumaling siya sa 'kin ng tingin.
Mapait na ngumiti ako bago tiningala ang bilog na buwan. Bahagyang tinatangay ng hangin ang
buhok ko.
"Kristan is dead. There's nothing I can do about it," I continued. Surprisingly, I didn't stutter stating
his name. "He's still lucky, you know? He's free now. No one can hurt him anymore." I bit my
bottom lip.
"He's really evil. Ako na ang humihingi ng pauman—"
"We all are," I cut him out as I looked at him, lips slightly stretched for a smile. "I am evil, too. Sure
you are. Just in different ways."
Confusion crossed his face. "Let it out, your anger. Don't let it reside inside you, Astra."
I laughed. "Why do you care so much about me, Oscar?"
Natigilan ito sa tanong ko.
"I-I just kind of feel you, your pain—"
"I don't need it," I cut him out for the second time. "I am here to serve the man who saved me, not
to make friends or to make personal attachment to any of you. That's how it works, right? Slaves
are nothing but helping hands when you need them."
Umiwas ito ng tingin.
"I could still feel your frustration," he mumbled.
"What about it?" I chuckled. "It's not like I can do anything to ease it."
I stood up and prepared myself to leave. I need to wake up early in the morning to go to school,
hindi para mag-aral kung hindi para mag-quit. I am not capable of doing anything normal at this
moment. I can't afford to make another commotion due to the current state of my mind.
"I need to go," I waved my goodbye.
Tumingala sa akin si Oscar. "If you need someone to talk to, know that I am always here. Anytime
and anywhere, Astra."
"Thanks but I don't think I will ever need it again."
Tumalon ako pababa sa likod ng building kung saan walang makakakita sa akin. Nakatungo ako
habang naglalakad. Nanunuyo na ang lalamunan ko, naghahanap na naman ng likido ang aking
katawan. Sabagay ay kaninang umaga pa ang huli kong inom.
Nang makauwi ay dumiretso ako sa kusina. Pagkabukas ko ng cabinet ay may stock na ng mga
supot ng dugo. Kumuha ako ng isa saka naglabas din ng isang bote ng alak. Isinalin ko sa pitsel
ang alak at inihalo ang dugo.

Dinilaan ko ang pumatak na dugo sa aking daliri. My entire body reacted just by the taste of one
drop of blood. Hindi na ako nakatiis na magsalin pa sa baso. Diretso akong uminom sa pitsel.
Isahang lagukan hanggang sa huling patak.

I licked the remain on my lips.

Saka ko lang napagtanto na nagkalamat nang kaunti ang pitsel dahil sa higpit ng pagkakahawak
ko. Hinugasan ko ang pinag-inuman at itinapon ang supot sa basurahan. Palabas na sana ako
nang kusina nang biglang sumulpot si Brix.

I immediately bowed my head. "What can I do for you, Master Brix?"

I didn't get any response from him, still I remained my head on the ground.

"Master Brix, how can I serve you tonight?" ulit ko sa tanong.

"You are feeling resentment for the life of that human?" he asked with his voice as cold as ice.

I stayed calm. "I'm sorry for acting like that awhile ago. Hindi dapat kita sinigawan, itinulak sa
pader at hinalikan. You are my master and that's so disrespectful. I will take responsility for my
reckless decision from now on. You can punish me, Master Brix."

My fists slightly clenched.

"You pushed him to death, Astra. You are so reckless—"

Lumuhod ako sa harapan niya, nanatili pa ring nakayuko.

"Please, punish me, Master Brix," I pleaded.

"What the hell are you doing?"


Sa pagkakataong 'yon ay sinabayan ko na ang kanyang malalim na tingin. Same old him, after
what he did, I couldn't see anything from those deep and vile eyes. For a moment, I still got
surprised. But right at this moment, I also accepted he is capable of more than that.

I smirked. "Serving the man who saved my life. The greatest Cardinal."

Bumali ang leeg nito, tila hindi makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig ko.

His lips slightly opened. "Why can't I read you now?"

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya.

Nilapitan niya ako at hinawakan ang mukha ko gamit ang kanyang nanginginig na kamay. He's
mad again. Surprised? Not really.

"Let me in," he ordered. "That's an order, Astra. Don't you dare close your mind to me."

I flinched my head to remove his hand. "I don't know what you are saying, Master Brix."

"Your mind. You are my slave but why can't I read your mind?" Kaunting gulat ang bumakas sa
kanyang mukha. "You loathe me that much, huh?" Then, there goes his devilish grin. "Anyway,
just came by to check you are not planning on doing another stupidity again."

"Don't worry, Master Brix..." Bumali ang leeg nito dahil sa tinawag ko sa kanya. "You don't need to
worry about me for now on. I will live the rest of my life, serving you and making sure not to cause
any trouble that can affect your reputation."

Humakbang ito paatras sa akin at bahagya nang tumalikod. "You are faking it. Apektado ka pa rin
sa pagkamatay ng lalaking 'yon."

Mas humigpit ang pagkakakuyom ng aking mga kamao.

"You should have known better than being a reckless driver of your own ship. Ikaw mismo ang
magpapalubog sa sarili mo." Tuluyan na niya akong tinalikuran. "They will either kill him or turn
him like us. I thought I did you another favor by killing him instead, since I know you loathe the life
you have now. Tragic. Goodnight."

Naglaho na siya sa paningin ko pero ang kanyang mga salita ay naiwan sa utak ko.

I shook my head.
Tumayo na ako at tumungo sa kwarto ko. Kumuha ako ng damit bago pumasok sa CR. Sandali
akong naligo para maalis ang panlalagkit ng katawan ko. Habang nagsusuklay ako sa salamin ay
bigla kong naisip si Mama.

Tumayo ako para kumuha ng jacket sa cabinet. May mga bago na rin pala akong damit. Nang
makakuha ng panlaban sa lamig ay binuksan ko ang bintana at tumalon pababa. I put my hands
inside the pocket of my jocket as I walked through darkness.

Pinuntahan ko ang puntod ni Mama. Umupo ako at hinawi ang ilang dahon na tumatakip sa
kanyang lapida. It's been a while since I got to visit her.

The night breeze lingered on my bare face as I tried my best not to drop a single tear again. I was
shaking while looking at her grave. Hindi ganito kabigat ang lahat kung nandito lang siya. Hindi
katulad ngayon, tila pasan ko ang buong mundo sa bigat ng balikat ko.

"Sorry, Ma. Hindi ko na matatapos ang pag-aaral," bulong ko habang niraragasa ng palad ang
kanyang lapida kung saan nakaukit ang kanyang pangalan. "Sorry kung kailangan kong patayin
ang anak niyo para mabuhay uli. I promise to be brave. I will live but not as your daughter
anymore."

My lips trembled.

I felt a presence behind me. "Why are you crying on that stone?" a gentle voice from a woman.

Pinanatili ko ang tingin sa lapida.

Naramdaman kong naglakad pa ito palapit sa akin. "Humans are really weird. Ah! Diyan ba nilibing
ang puntod ng Mama mo?" mahina siyang tumawa dahil sa napagtanto. "Pero kahit na
humagulgol ka riyan ay hindi ka na niya maririnig e."

"You said it yourself. Hindi mo maiitindihan dahil hindi ka kailanman naging tao," sagot ko at sa
pagkakataong 'yon ay tiningnan ko na siya.

A woman in black cloak appeared in front of me. Ibinaba niya ang hood ng kanyang cloak. Isang
magandang dalaga na may biluging mukha, pulang labi at magaan na tingin. For a moment, I
thought she was an angel but no... she's also one of them.

"Albina," she introduced herself.

I just nodded. Ibinalik ko uli sa puntod ni Mama ang aking atensyon.


"Astra, right?" I heard her asked. "The infamous slave of the successor of Nightfall Clan. I've heard
what Brixton did to your friend. Truly, devastating."

"Sino ka ba?" tanong ko.

"Albina nga." Maging ang kanyang pagtawa ay marahan. "Well, just to be frank, we are kind of
enemies."

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

Insurgent. Ito agad ang unang pumasok sa isipan ko.

She chuckled while shaking his head. "No, not really enemy. Pero magkaiba tayo ng clan. I am
part of Luminous Clan. We are also leading the top but not as superior as your clan, Nightfall."

"And?" I arched my brows.

Bahagya itong naglakad palapit sa akin. "I have a proposal..."

Napalunok ako.

"Brixton is a huge threat to all vampires. His immese ability has kept their clans on the top—"

"Gusto mong traydorin ko si Brix para mas umangat ang pangkat ninyo?" prangka kong putol sa
kanyang mahang salita. "I am his slave. What do you think will happen if he finds out about this?
Ako ang mapapahamak."

"Hindi lang ikaw ang gusto siyang mapabagsak, Astra." Nagseryoso ang mukha nito. "You see all
those vampires around him? You think they are really praising him? No. Half of them want him
dead, too. Unahan lang 'yan."

Natutop ako sa kinatatayuan ko.

"Unfortunately, with all those, hindi siya kayang pabagsakin. He sleeps with one eye open. He was
once the leader of insurgents. Funny, even those insurgents fear his presence. Tragic but killing
him seems impossible even for the superior vampires."

"Buti alam mo," sagot ko.


Kumunot ang kanyang noo. "You don't hate him despite of everything he did to you?"

"What can I even do?"

"Actually..." he smirked. "You've got the perfect spot to shoot him down. You are his slave. Just
think of all the privilege your position possess. Nakakausap mo siya, mata sa mata. Nalalaman mo
kung ano ang gusto niyang gawin. You just need to be a good pet."

"I don't get it," I responded.

She touched my lips. "You are a woman, Astra. With those spitting fire lips, alluring eyes..." I
stiffened when he cupped my tits. "Blessed soft spots. You can turn the tables around. You just
need to use it for your own advantage." And she winked.

I pushed her away. "Fuck off!"

She laughed, mockingly.

"Why, Astra? Don't you want to taste the greatest Cardinal, too?" She licked her bottom lip,
smirking like a maniac. "He has fangs bestowed to kill anyone in just a matter of second, hands
that's harder than any rock, eyes that penetrates any boundary. Above all, he can make you lose
all your senses just by a mere touch and make you feel the greatest vampire to ever lived by his
kiss. Truly, a beast."

"You are horny."

She winced and rolled her eyes. "It's given. Come on. Are you blind? He's a drop dead gorgeous
devil."

"Huwag mo siyang itulad sa 'yo, Albina." Sumulpot din si Erikson sa kanyang likod. Mabilis na
lumayo si Albina at naging alerto. "Huwag mo siyang itulad sa 'yo na masyadong hibang
pagdating kay Brixton."

Albina flipped her hair. "Ang epal mo talaga, Nadija."

Erikson smirked.

"Don't listen to her. She has been persistent to get Brixton's attention for decades now. Tragic,
Brixton never liked women like that." Humalakhak si Erikson na mas nakadagdag sa pagkayamot
ni Albina. "Fuck off, Luminous. Huwag mong isama si Astra sa kahibangan mo."

Nagtaas ng kilay si Albina. "Shut the fuck up, Erikson. You are nothing but an underdog to Brixton.
Don't pretend you never felt envious towards the attention he has been receiving effortlessly.
Tragic, even the love of your life has fallen—"

Sa isang kisap-mata ay hawak na ni Erikson sa leeg si Albina.

"Did I hit a nerve?" Albina chortled.

"Umalis ka na bago pa kita masaktan," pagbabanta ni Erikson sa malalim na tinig.

Albina kicked Erikson on his stomach. Nakawala siya at agad na lumayo. Hindi pa rin nawawala
ang mapang-asar na ngiti sa kanyang labi.

"You will never be Brixton whatever you do, Erikson. You are nothing without your clan." Bumaling
naman siya sa akin. "We can be friends, Astra. You know? Let's have a drink sometime. Don't
worry. I won't harm or let anyone harm you."

"Cheap." Nathalia suddenly appeared, too. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Albina. "Your
taste on fashion didn't change after all this time, Miss Montereal."

"Here comes the bitch of Cardinals," Albina chuckled.

"Long time no see, my old friend," Nath greeted her and she knew Albina wouldn't like that.

Umismid si Albina. "Don't say that again. Nakakasuka," pabalang na sagot nito. "I won't befriend
you if not because of your brother."

Naglakad palapit sa akin si Nathalia. Hahawakan na niya sana ako pero umatras ako at
bahagyang yumuko. Naguluhan ang tingin nito. "What's wrong? Did this bland bitch hurt you or
said something nasty?"

"Oh, come on, Nath. You know that I am against violence. I am just licentious. Why are you even
here? Hindi ba dapat ay natutulog ka na dahil takot kang lumaki ang nasa ilalim ng mga mata
mo?" Albina frowned while shaking her head. "Anyway, ako na lang ang aalis. Baka kung sino pa
ang dumating. Hindi ako nakapag-ayos ng mukha."

"Can you like go? No need for goodbye," iritang sambit ni Nath.

"Huh! Goodbye!" And just like that, she disappeared.

I gulped. "I need to go home."

Nathalia's confused eyes turned towards Erikson's direction who happened to be bowing, too.
"Did I miss something?" she asked. "Wait. Brixton? What did he do?"

Tila may bumara na naman sa lalamunan ko.

Suminghap ako at umiling. "Nothing," pabulong kong sagot.

"Erikson..."

"He killed one of Astra's friends," diretsong sambit ni Erikson. "Well, that human saw Astra's
ability. It's inevitable, Lady Nathalia."

Hindi nagbago ang reaksyon ni Nathalia. Hindi ito nagulat o ano man lang. Napatango lang ito na
parang naintindihan na kung bakit ako nagkakaganito.

"Tragic," she whispered. "I'm sorry for your loss, Astra."

I just nodded. "Sige. I need to go home." Saka na rin ako tumalikod at nilagay uli ang talukbong sa
ulo.

"Please do wash your face before going to bed," pahabol pang sabi ni Nathalia. "Don't let that
asshole ruin your gorgeous face!"

Even in silence, Albina's words wouldn't leave me alone. I know what she wants me to do, I
understand it clearly. But I hate her ways, that's so childish and predictable. I know what to do... I
know what I want.

I know why Brixton is hard to defeat. It's not just about his immense ability to fight but also his wise
ability to think. To think that with all those attention and recognition, it's not possible to live in
peace. He understands how this world works. He knows his enemies aren't those who see him as
enemy but rather those who see him as ally.

I can be both. I can be the enemy of his eyes and ally on his back.

I smirked. I will make him trust me.


Chapter 17

Chapter 17: World of Vampires

I forced a smile while staring at myself on the mirror. Sabi kasi nila ay mas gagaan ang araw mo
kapag inumpisahan mo ito nang may ngiti sa labi. With all these things going on inside my head, I
still want to have a normal day. Or at least, a peaceful one.

Huminga ako nang malalim bago kinuha ang bag ko at lumabas na. Tumambad sa akin ang
katahimikan ng bahay. Binaybay ko ang daan pababa ng hagdan. Hinagilap ko ang mga aso pero
mukhang binawi na sila.

Gamit ang tirang pera ay sumakay ako ng tricycle para pumunta ng school. Dala ko ang lahat ng
gamit na kailangan kong ibalik. I am here to quit as their student. After this, I will find a job nearby,
para may pangtustos ako sa sarili.

"You sure, Miss Martin?" tanong ng Dean namin, bakas ang panghihinayang sa kanyang mukha.
"Fully paid ka na eh. We can't offer refunds anymore. Sayang ang opportunity na 'to. Marami nga
diyan gustong makapag-aral pero walang sapat na pera."

Sana nga ay gano'n na lang din ako. Walang pera kaya hindi makapag-aral at hindi may pera pero
hindi pwede. Maging ako ay nanghihinayang din naman pero ito ang mas makakabuti sa akin at
sa mga taong nakapaligid.

"Salamat po pero gusto ko na talagang tumigil," payak na ngumiti ako.

She stared at me for a few second before letting out a heavy sigh. She even shook her head to
show how much she disapproved this decision of mine.

"If that's the case, then I can't do about it anymore. It's your choice after all." Pinirmahan na niya
ang papel ko at inabot sa akin. "Please proceed to the Guidance Office for the clearance. Kung
ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, alam kong malalagpasan mo 'yan. Laban lang, Astra.
Goodluck!"

Tumayo na ako at bahagyang yumuko. "Thank you po."

Nang makalabas ng Dean's Office ay bumagsak ang pakiramdam ko. Ito na ang huling
pagkakataon na makakaapak ako sa school na ito. Nanghihinayang man ay mas pinili kong isipin
na para ito sa ikabubuti ko.

"Astra!" Napatingin ako sa babaeng tumatakbo palapit sa akin. May bakas ng mga luha sa
kanyang mata. "Is it true?" Bumagsak ang tingin nito sa papel na hawak ko. "W-why? Akala ko ay
ayos na? Why do you have to stop?"

Parang may bumara din sa lalamunan ko. "Sa ngayon lang naman, Dahlia. Marami kasing
nangyari I want to have a break."

I stiffened when she hugged me tightly.

"Ang daya mo. Hindi nga ako friendly sa school na 'to e," bulong nito na sinabayan pa nang
mahinang paghikbi. "Kayo lang ni Kristan ang kaibigan ko tapos aalis ka pa? Sino pa makakausap
ko? 'Yung masungit mong pinsan?"

I bit my bottom lip when I heard his name. Hindi pa ba nila alam?

"Sige na, Dahlia. May klase ka pa." Kumawala na ako sa pagkakayakap. "Bibisitahin naman kita
sa inyo. Magkikita pa tayo baliw!"

"Talaga! Bibisita rin ako sa 'yo!" padabog na sabi nito.

Ngumiti ako. "Sige na..."

Kinailangan ko nang tumalikod dahil parang maiiyak na rin ako. Hindi ako lumingon. Pagkatapos
ko sa Guidance Office ay lumabas din ako agad ng campus. Kahit papaano ay bumaba ang bigat
na nararamdaman ko.

"This is it, Astra. New life," I said to myself.

Kinuha ko ang brochure na hawak ko kung saan nakalagay ang mga job offer. Qualified lang ako
sa mga trabaho na banatan talaga ng katawan, mas gusto ko naman 'yon kaysa sa nakaupo lang
at nakaharap sa computer. Mas gusto ko naman 'yong kumikilos ako.

I applied as a construction worker. Pinagtawanan lang ako. Grabe ang gender discrimination. If I
know, mas malakas pa ako sa mga lalaking 'yon. Hindi na lang ako nagsalita. Tumalikod na lang
ako at umatras.

Cashier, baker, dish washer, baby sitter— no.

Sumilong muna ako sa lilim ng puno. Nauuhaw na ako. Anong oras na ba? Hindi pa rin ako
nakakakuha ng trabaho. May ibang next week pa ang start pero hindi na ako makakapaghintay.
Ayokong maburo sa bahay nang ilang araw.
Napabuga ako ng hangin nang may mapagtanto. Oo nga pala. Mga tao rin ang magiging
katrabaho ko. Umalis nga ako sa school tapos ganito rin pala. Pinagmasdan ko ang brochure at
nang mapagtanto na wala sa listahan ang babagay sa akin ay itinapon ko na ito sa basurahan.

"Ano na?" bulong ko sa sarili.

Saan naman kaya ako makakahanap ng trabaho na babagay para sa isang bampira na tulad ko?

An idea suddenly popped in my mind. Napangiti ako.

Gamit ang natitirang pera ay kumuha ako ng taxi para ihatid ako sa lugar na 'yon. Mabuti na lang
at naalala ko pa ang daan. Nang makapagbayad sa driver ay agad na akong bumaba.
Pinagmasdan ko ang tila abandunadong lugar.

Nightscape Club. Ito ang lugar na pinuntahan namin ni Brix. Unlike the last time, I am fully aware
what's behind this silence and seemingly haunted place.

I don't think this is a good move but I am running out of ideas. I can still remember the first time I
heard that this place is for vampires only. Brix is right. I am a vampire now and I need to associate
myself with my kinds.

With all the guts left in me, I entered in without hesitation. As usual, halos mabulag ako sa likot ng
mga iba't ibang kulay ng pailaw, usok, amoy ng pinagsamang dugo at alak. I ignored all the
curious stares and went directly on the bar counter.

"Astra?" salubong sa 'kin ng bartender na namukhaan ako. He eyed around, searching for
someone who's not here. "You alone?"

I nodded. "Where's your manager?"

"Why?" Binigay niya ang isang baso sa isang lalaki bago bumalik sa akin. "Why are you looking
for my manager? Hindi naman 'yon kailangan kung gusto mong uminom. Drink?"

"I want to work here," diretso kong sabi.

Bahagyang umawang ang bibig niya. Tumitig ito nang ilang segundo sa akin bago tumawa na
parang nagbibiro ako. "Alam ba 'to ni Boss Cardinal?"

"Does it matter?" I arched my brows.

Sinubukan kong usisain ang mga nagtatrabaho rito pero mukhang wala ni isa sa kanila ang
manager. Their manager is probably inside the office, chilling.
"Syempre naman, Astra. Sa tingin mo ba papayag si Boss Cardinal na magtrabaho ka sa ganitong
lugar?" Isang mapaglarong ngiti ang sumilaw sa kanyang labi. "I noticed how defensive he was
with you when you two were here. You ain't getting this shit."

I frowned because he talks a lot. "Can you like bring me to your manager? Siya ang
magdedesisyon kung pwede akong magtrabaho rito o hindi." Pigil na pigil na naman akong ikutan
siya ng mga mata.

"At si Brix naman ang magdedesisyon kung susunugin ba niya ang lugar na ito o pasasabugin."
He chuckled, scornfully. "No, seriously, Astra. He's your master, he should know your plans. You
don't want to push his buttons."

Wala akong mapapala sa lalaking ito. He's clearly just scared of Brix, not being sympathetic of my
condition.

"Hey!" Tawag ko sa isang dumaan na waiter. Agad naman itong tumigil at lumapit sa akin. "Saan
ang office ng manager niyo?"

"Arki, don't—"

"There," turo niya sa isang pinto sa bandang dulo. "Bakit, Adrian? May problema ba?"

"Oh, shit!" I heard the bartender, Adrian according to Arki, cursed.

I smirked. "Thanks."

Bumaling ako kay Adrian at inikutan ito ng mga mata. Naglakad ako papunta sa pintong tinuro ng
lalaki. I am conscious that I am starting to get more attention. Of course, alam nilang ako ang
alaga ng Cardinal na 'yon.

I stopped in front of the door. I don't have CV or any documents to show, sa tingin ko rin naman ay
hindi kailangan no'n dito. I bet the only requirement they need is Brix's approval. I know I am not
getting it but I still want to give it a shot.

Huminga ako nang malalim bago kumatok.

"Come on in!" sigaw ng kung sinong lalaki sa loob.

Okay. A man. Better.


Pumasok ako sa loob nang nakayuko. Inangat ko lang ang ulo ko nang maisara ko na ang pinto. I
stared at the man leaning on the swivel chair, formal attire, fixed hair, tanned skin. I ingnored the
blonde woman sitting on his lap, arms wrapped on his neck.

Damn. Did I just crush a fucking session?

I cleared my throat. "Are you the manager?"

"You are?" The woman asked.

I remained my eyes on the man instead. "I want to work here, Sir. Independently or as a part of a
team. Any position in any shift will do. Thank you."

The guy giggled as he bit his lower lip.

May ibinulong ang babae sa lalaki dahilan kung bakit ito tumayo. Humalik pa ito sa pisngi ng
babae at bago pa man ito tuluyang lumabas ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Confused but I didn't ask anything. Where's he going?

"What job to be specific?" the blonde woman asked.

"You are—"

"Wait. You smell familiar." She eyed me suspiciously before she snapped her finger. "You are the
slave of Brixton. I knew it!"

Okay. She's the manager.

Tumango ako. "Any position will do, Ma'am."

She chuckled. "Good. You are hired."

Natigilan ako. What did I just hear?

"I'm sorry?"

"You are hired." Tumayo ang babae at lumapit sa akin. She offered her right hand for a hand-
shake. "I know hiring you here is such a risk knowing you are under Brixton but who the fuck cares
about that asshole? Come on. Take my hand."

I swallowed hard. Hesitating but I held her hand back.


Is that it? Wala man lang bang interview?

"Congratulations. You may start now." Binitiwan niya ang kamay ko at kinuha ang alak sa ibabaw
ng lamesa niya at uminom. Nakita ko pa ang pasimpeng pag-ngiti nito bago bumalik sa kanyang
upuan. "Arki! Come on in!"

Napaatras ako nang may pumasok na lalaki, ito 'yung nagturo sa akin ng office na ito.

"We have a new hired employee. Please do the favor," sabi ng babae. Hindi ko alam kung ano
ang magiging reaction ko. I am glad I have a job now but this is kind of suspicious. "Oh, no, Luv.
Don't doubt me, Astra. It's just I am not scared of Brixton. You can call me Tessa."

"Dito, Astra. Sumunod ka sa akin," aya ni Arki.

"Salamat, Tessa. I will do my best." Yumuko ako bago tumalikod at sumunod kay Arki.

Napangiti ako. I didn't expect it to be this easy.

"Looks like Sir Brixton will have to visit here often," Arki said, slightly shaking his head.

Pumasok kami sa isang kwarto, mga lalagyan ng gamit. May kinuha si Arki sa drawer at ibigay
'yon sa akin. "Here's your uniform. Your shift will be 2 pm to 11 pm. Ang trabaho mo ay taga-serve
ng alak. Ipapa-assist naman muna kita para alam mo ang gagawin mo."

Napalunok ako. "Pwede naman ako sa bar counter din, Arki. I can help Adrian with the mixing."

I winced. I am not good at entertaining people... vampires. Knowing they are all horny here.

"This is the only positon available for women," ngumiwi rin ito at napakamot sa ulo. "You don't
need to entertain them. Hahawakan mo lang ang tray na may alak. Minsan ay may target kang
table pero madalas ay gagala ka lang hanggang sa maubos ang mga shot. Easy, right? Chill
lang."

Pilit na ngumiti na lang ako.

Hinatid niya ako sa Rest Room at binilin na may susundo sa akin dito pagkatapos kong magbihis.
Pinagmasdan ko ang kulay pulang damit na halos crop top na dahil labas ang pusod. Mini skirt na
kulay pula rin ang pang-ibaba na tinernohan ng kulay pulang heels.

Damn. Nath would love to work here.


Hindi naman ako gano'n ka-conservative kaya walang problema sa akin. Nang maisuot ang
uniform ay pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. I look like a cheerleader without pom-pom or
that bitchy fan of a famous basketball player in a university. Natawa ako sa mga naiisip ko.

"This is it. New job. Smile, Astra. Kaya 'yan!" pangungumbinsi ko sa sarili.

"That's right." Napalingon ako sa bagong dating, isang babae na pareho ng uniform ko. "Laura
here. Ako ang magtuturo sa 'yo ng gagawin mo. You ready, babe? This will be fun." Ngumiti ito
nang malawak bago ako minataan mula ulo hanggang paa.

Nang hindi ako kumilos ay hinila na niya ako palabas. Nakaramdam ako nang hiya nang mas
dumami ang napapatingin sa amin. Dumiretso kami sa bar counter. Napamura si Adrian nang
makita ang ayos ko.

"Goddamnit! Seryoso ka ba, Astra?" Pansin kong halos itulak na niya ako palabas ng bar na ito.

"A tray, Adrian, please? I need to assist our new member," Laura giggled.

Napailing si Adrian at wala nang nagawa. Kumuha ito ng tray at nilagyan ng mga shot glass 'yon
bago inabot sa akin. Bumaba pa ang tingin nito sa dibdib ko at agad na lumihis ng tingin. Inabot ni
Laura ang tray.

"Carry it like this." Nilagay ni Laura ang tray sa kanyang palad at itinaas hanggang sa bandang
leeg. "You don't want to serve customers with a frowned face. A smile can lighten up a dark mood.
Remember that you are just here to serve, Astra. No need to talk to them."

Binigay niya sa akin ang tray at ginaya ko kung paano niya ito nilagay sa kanyang palad. Medyo
nanginginig pa ang mga kamay ko pero mabilis akong nakasunod. Pumalakpak si Laura nang
makuha ko ang tamang paghawak.

"Perfect. Iikot ka lang dito hanggang sa maubos ang dala mo. You will also take orders." May
kinuha ito sa counter, isang notepad na nilagay niya rin sa ibabaw ng tray. "Note the orders there.
Hindi naman ito mabilisan, Astra. Just enjoy."

Tumingin ako sa mga bampirang nagsasaya. I am one of them now. Kaya kong gawin kung ano
ang kaya nila. Sasanayin ko na ang sarili kong makihalubilo sa kanila. I am safe here. This is my
world now and I will do anything to survive. I will live until I get what I want.

"Welcome to the world of vampires, Astra," I mumbled to myself.

I flashed a confident smile as I started to walk towards the sea of thirsty vampires.
Chapter 18

Chapter 18: Serve

I managed to insert myself in the blur of crowds. Chin up, flashing a cheery and poised smile on
my face. The first guy who took a shot on my tray smiled at me and bobbed and the next one
asked if I am really Brixton's slave. Some had a little chat with me, jusk asking me why is the
infamous slave of Cardinal serving in this place. I'm still quite amused how well-known that
Cardinal is.

Oddly, I felt comfortable being around them. It's been a while since I felt that I fit in a particular
group. Sa ganoong pagtrato nila sa akin ay mabilis akong napalagay. Nagawa kong makailang
balik at mag-serve ng alak. They are good, crap those desirous gazes.

"Here," I put a shot of glass on the table. "Enjoy your drink, Sir."

"So, how's like to be near with that Cardinal?" tanong ng lalaking binigyan ko ng alak. Nakaupo ito
sa pahabang sofa at nakaakbay sa isang babae. Pansin ko ang mantsa ng dugo sa kulay dilaw na
dress ng babae. "Looks like you are relishing the accompany of the devil huh?"

"He's my master," I responded, calmly. "Nothing is enjoying about being a slave. Don't
romanticize it."

Tumaas sa hita ng babae ang kanyang kamay. Nagdulot ito ng kiliti sa babae kaya napakagat ito
ng labi. Ang babae ang uminom sa laman ng baso.

"You will get used to it, too, Astra." The woman in yellow uttered, flashing a naughty smile.
"Sooner or later, you will love it, too. Especially in bed," she uttered as she bit her bottom lip,
hitting her role as whore in this story.

"Maybe? We well see." Hindi ko inalis ang ngiti sa aking labi.

"Anyway, Randolf here. My father is Lord Sever's friend. I am friend of Oscar, too. Nagkasama na
rin kami ni Brixton." He offered his hand in front of me, waiting for me to accep it. "And this is my
bitch, Wendy. Nothing is special about her but when she blows, she blows your soul, too."

"Babe!" Wendy cackled, pretending embarrassed but I know she liked that compliment.

Damn. I can't see myself being this clingy to Brixton.

"Don't you like handshakes?" Randolf asked.


Nag-atubili pa ako kung tatanggpin ko ang nakaalok na kamay ni Randolf na pinanghawak niya sa
hita ng babae. Hindi natinag ang nasa ere niyang kamay kaya tinanggap ko na rin ito nang may
malawak na ngiti.

"Pleased to meet you, Randolf. And your bitch who blows damn good, Wendy." After a second of
hand shake, inalis ko rin ang kamay ko. Pasimple ko itong pinunas sa skirt ko. "I need to get back
to work. I need to impress my boss."

"Sure. Let's hangout sometimes, Astra," said the bitch.

Ubos na ang laman ng tray ko kaya kailangan ko ng bumalik sa bar counter.

"Lady." Napalingon ako sa lalaking nakasandal sa pader. Nakayuko ito pero alam kong ako ang
tinutukoy niya. "Right. It's you." Saka niya inangat ang kanyang tingin. His cold dark eyes darted
on me.

"Yes, Sir? Drink?" I offered.

"A shot with a mixture of your blood, please?" he demanded.

"I'm sorry?" I arched my brows.

I heard it right but what the hell?

"What?" he chuckled. "Didn't your trainer tell you to grant your customer's requests? Hindi naman
bago ito. I do it whenever I go here." Umayos ito ng tayo at humakbang palapit sa akin. "A drink
with a mixture of your blood, Miss Martin. That's my request."

No. Laura didn't tell me anything about mixing my blood on a drink of a random stranger.

I don't want to argue so I just noted his order on my notepad. "Is that all?"

"Make it two." He grinned.

"Don't you want three?" I asked.

He laughed, tediously. "Make it a whole bottle filled with your blood then."

"Okay." I noted his order again. "Can you pay?"


Tumawa ito nang malakas, pero pilit. Mukhang nainsulto siya sa tanong ko na 'yon. Wala sa
hitsura niya ang kinukulang sa pera pero mukhang hindi kami nagkaintindihan para matawa siya
nang ganito.

I just gave him my resting bitch face.

"Are you doubting my wealth?"

I shook my head, flashing a weak smile. "No. I know how wealthy vampires are. But, can your
wealth save you from Brixton Cardinal, Sir?"

Natigilan ito. "What?"

Huminga ako nang malalim. "The payment is the fury of the Cardinal, Sir. I work here to serve
drinks, and not to donate blood to those who can't get themselves a slave. And one more thing,
Brixton doesn't like it when someone takes the first experience before him."

For a moment, he looked jumbled of my words.

"He hasn't tasted you yet?" An amused looked plastered on his face. "You are kidding me. That
keen demon is wasting time to taste a fresh human like you? How's that even possible? Don't fool
me."

"Let's just say..." I gulped, trying to form a good sentence to end this conversation. "We are both
profiting from this master and slave fictional roles. So... a bottle of my filled blood? Noted. Wait
lang, Sir. Maglalaslas muna ako."

Tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako. "N-never mind. A shot of ordinary wine will do."

"I thought—"

"You are here to grant my requests and not to question them," he cut me out. Sumandal ito uli sa
wall at humalukipkip. "Umalis ka na, Astra at kunin mo na ang order ko bago pa magbago ang isip
ko."

I mentally laughed. "Sure, Sir."

Nang makabalik sa bar counter ay hindi ko na napigilang ang matawa. May silbi rin naman pala
ang pangalan ni Brix. I can use it for my own advantage. As long as I am his, these weaklings
won't dare to harm me.

"What's with that smile?" puna ni Adrian.


Umiling ako bago inabot sa kanya ang tray.

"Nakakatuwa lang ang trabaho," sagot ko.

I'm not gonna lie. I'm kind of enjoying it.

"Shot." Tinulak sa akin ni Adrian ang isang shot glass. "You need to chill, too."

I took the shot and drank it uninterruptedly.

"One shot, please?" Napatingin ako sa bagong dating na si Oscar.

Kumunot ang noo ko dahil mukhang malalim ang iniisip nito. Parang hindi nga rin niya yata alam
na nasa tabi niya ako. Hindi ako nagsalita. I just stared at him while he's drinking his shots. Ang
isang shot ay nasundan pa ng isa pa hanggang sa nakarami siya.

"Here, Astra." Inabot sa akin ni Adrian ang tray ko.

Napalingon sa akin si Oscar.

"What are you doing here?" Bumaba sa katawan ko ang kanyang tingin. Mas lalong naguluhan
ang kanyang tingin. "Astra? Are you working here?"

"Yes, boss. Kakaumpisa lang niya kanina." Si Adrian ang sumagot para sa akin. "Ang kulit. Sabi
ko nang hindi niya kailangang magtrabaho rito pero mapilit e. Hays. You are such a hardheaded,
Astra."

"Astra?" tawag sa akin ni Oscar, hindi pansin si Adrian.

"I need a job to earn money," I muttered.

Kumislap sa kanyang mga matang nakatingin sa akin ang mga pailaw. I could see the
combination of confused, bothered and worried in those piercing gawks. He was there when I
needed someone and I am feeling down that I couldn't recognize that cheerful guy now.

Muling bumagsak sa katawan ko ang kanyang tingin. Bumali ang leeg nito bago tumuwid ang
tingin sa ibang direksyon.

"What's bothering you?" I asked.


He shook his head before drinking his shot. Bumuga ito ng hangin. Doon ko nakumpirma na
mukhang may problema siya. Hindi muna ako nag-serve ng alak para samahan siya. Maya't maya
ang pag buntonghininga nito.

"Si Brix ba?" tanong ko.

"She's missing," he mumbled.

Isang pangalan ang agad na pumasok sa isipan ko.

"K-kailan pa?" tanong ko, kinakabahan na.

If my hunch is right, damn it!

"Hindi ko alam. Pero hindi pa niya ginawa ito. Kung aalis siya ay magpapaalam siya sa 'kin at
hindi rin naman nagtatagal na wala siya." Humarap siya sa akin nang may malungkot na ngiti. "I'm
starting to worry."

Fuck, Brixton. Don't even.

I felt a lump got in my throat. "S-she's fine..."

Yes. Kapatid pa rin ni Brix si Oscar. Alam niyang masasaktan si Oscar kapag ginawan niya ng
masama ang babae nito. Right. I want to be positive that Celeste is just somewhere to do some
errands and unharmed.

"Yeah. I know." He nodded.

"S-sandali lang ah? Punta muna akong Restroom." Tumayo ako at nasagi ang tray na may
lamang mga alak. Nahulog ito sa sahig at nagkalat ang mga basag na baso. Hindi ko ito pinansin.
Patakbo kong tinungo ang restroom.

Napasandal ako sa lababo habang nakatingin sa reflection ko sa salamin. It's still flickering but I
noticed how pale my face is.

"Please, no," fists clasped, I mumbled to myself.

Celeste risked her life by telling me that history of Brix. I promised to protect her. Nadamay na si
Kristan sa kapabayaan ko, ayokong mandamay pa ng iba. Lalo na si Oscar. Ayokong magkaroon
ito ng tampo sa akin.
"I will find Brixton," I said to myself.

Lumabas ako ng Restroom. Nasalubong ko agad si Arki.

"What's wrong?"

"Pwede ba akong umalis sandali?" tanong ko.

"Pwede naman—"

"Thanks!" Hindi ko na siya pinatapos. Agad kong tinahak ang daan palabas ng Nightscape club.
Gustuhin ko mang magpalit muna ng damit pero hindi ko na ginawa. Pakiramdam ko ay bawat
segundong hindi ako kumikilos ay nanganganib si Celeste.

"Saan ka pupunta, Astra?" Napalingon ako sa likod ko. Si Oscar.

Lumunok ako. "I need to find Brixton."

"Why?"

"Pwede mo ba akong samahan sa kanya?" pakiusap ko.

"Celeste. Is he—"

"Please?" I pleaded.

Bumali ang leeg nito. "So, it's Brixton. Ano naman ang kailangan niya kay Celeste?"

"Where is he?!"

"Mission," tipid na sagot nito.

"Saan?"

"Kung si Brix ang dahilan kung bakit biglang nawala si Celeste..." Bumagsak ang kanyang mga
balikat, tila nawawalan na ng pag-asa. "Damn. I need to drink more." Tumawa siya pero halata
ang pait.

"He won't harm her," I believed.

"You don't know him, Astra."


Natutop ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong isipin na hindi niya kayang gawin 'yon pero alam
kong kaya niya... nang hindi nagdadalawang-isip. I saw it once. While I was pleading for the life of
my friend, he still killed him right in front of my weary eyes, viciously.

"You are working here?" Another voice appeared out of nowhere.

Sabay kaming napalingon sa lalaking bagong dati. Si Brix. Nababalutan siya ng dugo habang
nakangising nakatingin sa amin. He looked like that villain guy in fiction stories that just
slaughtered a huge group of his enemies. I couldn't also help but to notice how he pants severely,
like he just got out of a fight.

He observed my outfit. I thought he would scold me but instead, he gave me a smirk. "You are.
Cool, then serve me."

"Where is she?" I asked.

Sa halip na sagutin niya ako ay nilagpasan lang niya ako at diretsong pumasok sa loob ng club.
Nagkatinginan kami ni Oscar. Tumango siya sa akin kaya sumunod ako sa loob. Naabutan ko siya
sa isang sofa, sakop ang kabuuan nito.

Gusto ko punain ang biglang pananahimik ng paligid.

They are really scared of his presence.

Dumiretso na lang ako sa bar counter.

"Damn. The beast is here," Adrian muttered.

"A tray of shots, please?" I requested.

"Sure." Pinaghanda ako ni Adrian ng tray.

Nakakuyom ang mga kamao ko. Habang naghahanda si Adrian ay binalikan ko ng tingin si
Brixton. Prenteng nakasandal ito sa sofa, nakapatong ang binti sa isa pa, diretso ang tingin sa
akin. Funny how I couldn't deny that he looked even better with those stained of blood on his shirt.
His tremendous appearance is suffocating the air here.

"Here, Astra. Goodluck."

I took a shot on the tray and gulped it straightly. Nilagay ko sa likod ng aking tainga ang iilang
hibla ng buhok kong kumawala. Kahit na nakatalikod ako ay ramdam ko ang tingin nilang lahat sa
akin, tila nanunuod ng isang palabas.
"Kiss the demon and make him crave for more," I mentally said to myself.

Nilagay ko na sa palad ko ang tray ko bago humarap.

I smirked as I marched flirtatiously towards my first real customer, Brixton Wenz Cardinal.
Chapter 19

Chapter 19: Lustful

I stared at his eyes while walking. Alam kong nasa amin ang buong atensyon ng mga narito,
naghihintay kung ano ang susunod na mangyayari. But I couldn't pay attention to them anymore. I
don't know what to feel right now. I am anxious if something bad happens to Celeste and Oscar
will start to feel off with me, and curious at the same time what happened to Brix, why's he covered
with blood?

I eradicated the thoughts looming in my mind as soon as I reached my destination. Right in front of
the most perilous vampire around. The beast of Nightfall Clan, Brixton Wenz Cardinal.

Brix's looked up at me, lips still shut.

"I am Astralla Martin, slave for you, Master Brix. What do you want to drink? These shots or my
blood?" And I plastered the most dashing smile I could offer to someone.

Hindi natinag ang pagkaseryoso ng kanyang tingin. Instead of saying something, his palm landed
my bare legs, making its way up. His warm touch rapidly attacked my system like a virus that
affecting all my functioning cells.

"Can I have both?" There, his familiar grin.

Sa halip na magsalita ako ay pinatong ko sa tapat niyang lamesa ang hawak kong tray. Umupo
ako sa kanyang tabi. Kumuha ako ng shot sa tray bago sumandal sa sofa. Unti-unti kong iniinom
ang alak habang pinagmamasdan ang mga kasama naming dito na unti-unti na ring bumabalik sa
mga dati nilang gawi.

Kumilos din ang kamay ni Brix at kumuha ng shot. Hinawakan niya sa kanyang kabilang kamay
ang baso ng alak at ang isa naman niyang malayang kamay ay nanatili sa aking hita. He was
slightly caressing my skin.

"What happened?" I asked.

That's when I looked at him.

Inalis niya ang kanyang kamay sa hita ko saka na lang ito pinatong sa patungan na bahagi ng
upuan sa likod ko. Bahagya pa itong umusod palapit sa akin. Damn. He looked haggard and
sweaty but his scent didn't even budge.

"Just for something. Nothing important." He gawked at me, languidly. Ininom niya ang kanyang
alak kaya nabasa ang kanyang mga mapulang labi. "Why didn't you tell me you fell in love in this
place the first time I invited you in? Infact, you looked scared as fuck that time."

Sandali akong yumuko para kumuha ng dalawang baso bago bumalik sa pagkakasandal. Kinuha
ko sa kamay ni Brix ang walang laman na baso at binigyan siya ng baso. I put the empty shot
glass back on the table before leaning back.

"I just want to earn money," I said.

Kaunti akong uminom sa basong hawak.

"Okay." Sandaling ginala ni Brix ang kanyang tingin sa paligid bago bumalik sa akin. "How's your
first day here though? You seemed enjoying it huh?"

I shrugged my shoulders. "Ang sabi mo ay kailangan kong pakisamahan ang mga kauri ko. Did it.
NGL, I was kind of surprised how accommodating they are. Unlike that man who saved me not
because he felt kind but to use me as a leverage."

His forehead wrinckled. "NGL?"

"Not Gonna Lie. Abbreviation."

"I don't like it. It sounds like a crack."

I bursted out into laughter. "IMO, it's a wack."

"IMO?" Nagkasalubong uli ang kanyang mga makapal na kilay.

I couldn't hide my smile. "In My Opinion."

He nodded. "IMO, stop the hell right now before I even find the shallow human who conceived
those abbreviations and pull his tongue out. Imagine how tired we are."

I bit my bottom lip to stop myself from laughing again. He's serious. Duh. Baka nga mabalitaan ko
na lang na may isang taong nadatnan na wala ng dila. On a serious note, it felt surreal talking to
him this peaceful.

Pinatong ko sa kanyang hita ang aking kamay, pinadaanan ng daliri pataas. Hindi niya ako
pinigilan kaya hindi rin ako tumigil. I was almost just centimeter away from his crotch when I
decided to lower it back to his thigh instead.
"Where's Celeste?" Finally, I asked it.

I didn't get a response from him. Kinuha niya ang walang lamang alak sa kamay ko at siya naman
ngayon ang nagpalit. Binigay niya sa akin ang bago. Inisahang inom niya ang sa kanya at
pinatong uli sa lamesa ang baso.

"Brix?"

Humiga ito sa sofa, pinatong ang mga binti sa aking hita. Pinaragasa ko ang aking palad sa
kanyang binti bago ito itinupi hanggang sa baba ng kanyang tuhod. Malaki ang mga muscles dito,
halatang palakad. Medyo makapal din ang balahibo kaya masarap pasadahan ng kamay.

"She's probably with Oscar now," he suddenly said.

Umaliwalas ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Nawala ang tinik sa lalamunan ko. That's why
Oscar isn't here anymore. Thank God. Akala ko ay may nadamay na namang iba sa kapabayaan
ko.

"Do you believe her?" Nakapikit na ang mga mata nito.

Napaisip ako. "Maybe?"

"You know I hate humans, right?"

"I couldn't agree more," I chuckled. "Bakit puno ng dugo ang damit mo, Brix? Kagagaling mo lang
ba sa labanan?"

Tumitig ako sa kanyang mukha. Ang kaninang malakas na party music ay humina. Halos ang mga
bampira din sa paligid ay magbulungan na lang para hindi makalikha ng ingay. Amusing how Brix
doesn't need to say anything for them to do what he wants. The influence of this man is beyond
the limit.

"Yeah," he lazily replied.

"Para saan?"

"Is this data gathering?" narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Wala lang. Mga trabaho lang ni
Papa na hindi kayang gawin ng kanyang mga mahihinang alagad. Of course, when he's running
out of ideas, I am always the answer."

Napatango ako. "A good son."


"Damn. I didn't know they have a huge number." Muli itong umupo at kumuha ng alak. "Natalsikan
din tuloy ako ng dugo." Naiiling ito habang umiinom. "Dad really loves to surprise me."

"You killed again?"

"Just 50, which was supposed to be 5, according to Dad."

I see. That's why he was panting heavily earlier.

"You look hot in red anyway," bigla niyang sabi.

Bahagya akong nakaramdam ng hiya. Kung sa iba lang nanggaling 'yon ay malamang na wala
lang sa akin. Right. The beast just complimented my look. That's a big thing, I mean, kahit naman
kanino.

"You look hotter in that shirt stained with blood, too." Okay. I don't think I needed to say that.
"Hotter because you look like a devil walking out of the hell to spread mischief— err. Forget it."

Oh, my God. That's so unnecessary either!

Sa sobrang hiya ko ay kumuha na lang uli ko ng alak. Iinumin ko na sana 'yon nang mapansin ang
paninitig ni Brix. Saka ko lang napagtanto na ubos na pala ang mga dala kong alak.

"Take it," I offered my drink.

"Pour it in your mouth," he ordered.

Without asking, I put the liquid inside my mouth.

I stiffened when he suddenly claimed my lips roughly. Tumagas sa bibig ko ang alak na mabilis
niyang nasalo sa kanyang bibig. When there was no liquid aymore, he didn't hesitate to bite my
lower lip. Nalasahan ko agad ang dugo sa aking labi. He sucked my lips, making sure the blood
won't espace his mouth.

Bumagsak siya sa sofa at nakapaibabaw ako sa kanya.

The rushing warm feeling made its way in my head, making me lose my sanity. Rumagasa sa
likod ko ang kamay ni Brix hanggang sa pumasok ito sa loob habang ang isa ay nakahawak sa
aking batok para mas idiin ang halik.
I want him to crave for my lips but something about his kiss makes it the other way around. He is a
rough kisser and I didn't know I would love it that way. All my life, I wanted a gentleman who would
treat me as his princess. But losing it to this guy isn't bad at all.

Good boys let you take their seats but bad boys let you sit on them.

I stroked his broad arms down to his chest. Bahagya kong itinaas sa kanyang dibdib ang kanyang
t-shirt. I ran my palm, feeling the strand of tickling hair on his chest. I was running out of air but I
didn't know how to get away from his grasp. Or even if I knew, I wouldn't dare to.

Damn. Why am I liking this lustful feeling?

Mas bumaba ang kamay ko sa zipper ng kanyang pantalon.

A soft moaned came out of my lips when he caressed my butt. Hindi ko nasundan ang bilis nito.
Nasa loob na pala ng skirt ko ang kanyang kamay. I could feel his rough palm, feeling my bare
skin near the hem of my underwear.

He altered our position. Siya na ngayon ang nasa ibabaw ko. He pinned himself against me. His
lustful kiss went down my neck. I wasn't horny as long as I remember. This was when I realized
what Albina meant when she said, the touch of greatest Cardinal.

He pinned his crotch against my thigh. I felt something hard poking me there.

"Shit." Napasinghap ako nang tuluyang bumagsak sa akin ang bigat ni Brix. Mukhang nanghihina
pa ito dahil sa laban na ginawa niya.

Umalis ito sa ibabaw ko at umupo na lang.

Umupo rin ako at inayos ang damit ko. Ramdam ko ang hapdi ng labi ko.

"What a waste," Brix mumbled, frustrated. "Mukhang napuruhan nga yata ako sa laban na 'yon."

"How come Lord Severo only warned you with five enemies but it turned out to be ten times more
than that?" I coulnd't help but to ask, not looking around knowing they have seen what just
happened.

Pagod na sumandal ito uli. "He's always like that."

"Ikaw ba lagi ang inaatas niya sa mga mahirap na mission? What are you? His weapon?" I
laughed, mockingly.
He chuckled. "Are you concerned?"

"Of course... Master Brix."

Mabilis na naglaho ang ngiti sa kanyang labi dahil sa tinawag ko sa kanya.

He let out a heavy sigh. "I need to change. May trabaho ka pa ba?" tanong niya.

Tumango ako. "Ilang oras pa ang natitira."

"Okay." Tumayo na ito. Bahagyang tumaas ang puting t-shirt niya kaya mabilis kong napansin ang
sumisilip na tattoo sa kanyang dibdib. Hindi ko ito nabigyan pansin kanina. "Then, I need to go.
See you later."

Nang makaalis si Brix ay bumalik sa ingay ang paligid.

Napabuga ako ng hangin. Ngayon lang nag sink-in sa utak ko ang nangyari sa amin ni Brix.
Really? Sa ganitong lugar pa talaga?

But, I noticed something. When he was sucking the blood on my lips, there was this rushing warm
feeling coming out of nowhere and making me thirsty. Parang nawawala ako sa ulirat dahil doon.

"Thanks for your service," nakangiting salubong sa akin ni Adrian nang makabalik ako sa counter.

Pinatong ko ang tray. "Yeah. You almost got a bed scene performance in this club."

He laughed, "That was hot though. I'm kind of feeling horny now."

I just rolled my eyes.

Napatingin ako sa babaeng mahinang pumapalakpak habang palapit sa amin. Si Laura na


mukhang tuwang-tuwa.

"That was excellent!" Saka niya ako niyakap nang mahigpit. "I didn't know you are this good. Pero
nakakaselos ah? Si Papa Brix pa talaga ang una mong customer! Ako nga ni isang beses wala
pang nakausap na Cardinal eh!"

"You are lucky then."


Napangiwi ako nang hampasin niya ako sa braso. Napalakas 'yon.

"Huwag ka ngang pabebe, Astra. Si Brix na 'yon." Humagikgik ito at hinampas ako uli sa braso.
"So, how does his lips taste like? Come on. Astra. Spill the freaking tea."

Napaisip ako at hindi napigilang mapangiti.

"Akin na lang 'yon," sagot ko.

"Ang daya!"

Sabay kaming napalingon sa tumikhim, si Tessa na manager namin. I thought she was going to
scold me but instead, she hugged me while cackling. I was confused but I just embraced her in
return.

"You did it!" she screeched. Hinarap niya ako sa kanya habang hawak niya ang aking mga kamay.
"You broke the record. For the first time, Brixton Wenz Cardinal didn't break anything in my club!"

Ngumiti na lang ako. Wrong. He broke my lower lip.

"So... pwede po ba akong mag-undertime ngayon?" I took the advantage. Pakiramdam ko ay


natuyuan ako dahil sa nangyari.

"Of course!" maagap na sagot ni Tessa.

"How about me?" asked Laura.

"No. Hindi pa tapos duty mo."

"Can we talk?" Napatingin ako sa likod ko. "Just for a moment," ani Nath.

Nagpaalam na rin ako kay Tessa at bumali ng sahod. Sinundan ko palabas ng club si Nath.
Nakakapagtaka na malamig at malungkot ang tono nito. Naabutan ko siya sa harap ng isang
magarang pulang sasakyan.

"I'm leaving na, Sis Astra." Ngumuso ito.

That's why.

"Ngayon na?" tanong ko pa.


Huminga ito nang malalim bago tumango. "'Work. Baka matagalan pa ang balik ko." Mas humaba
ang kanyang nguso. "I will miss you, Sis Astra."

"Same, Nath. Ingat ah?"

Niyakap niya ako kaya niyakap ko siya pabalik. "Note all the bad things Brix will do to you, Sis
Astra. Ako ang bahala 'pagkabalik ko. Gaganti tayo." Saka siya kumawala sa yakap. "Oh, my
feels! Ba't ganyan ang suot mo?!" nanlaki ang kanyang mga mata.

Natawa ako. "Do I look good in red?"

"You owned it! May gusto ka bang pasalubong?"

Umiling ako. "Just be safe, Nath. Please come back soon. Sana lang ay buhay pa ako kapag
bumalik ka."

She rolled her eyes. "Nothing can hurt you as long as you are Brix's. Well, except his words."

"And his kiss..." I added.

We both laughed. Sumabay na ako kay Nath at hinatid niya ako sa bahay. Pinagmasdan ko lang
hanggang sa maglaho ang kanyang sasakyan. Saka ko lang napagtanto na nawalan ako ng isang
kakampi.

Still, Oscar is here.

"Buti nandyan ka na." Napalingon ako kay Tita Ophelia. Mabilis kong napansin ang mga hawak
niyang unan. "Diyan nga pala kami matutulog ni Eliyah. Wala ba 'yung animal na lalaki?"

"Ma!" Dumating si Eliyah, hawak ang paborito niyang Spongebob printed na unan. "Iiwan ba natin
si Tati? Baka kainin siya ng engkanto ro'n."

Hinampas ni Tita Ophelia sa braso si Eliyah. "Pakakainin natin siya mamaya. Saka hindi naman
'yon duwag katulad mo."

"Hoy, Astra!" tawag sa akin ng pinsan ko. "Matutulog din ba diyan si Kuyang Engkanto? Sabihin
mo naman road trip kami mamaya!"

Wait. Nagbalik na sa dati ang pinsan ko?

Tingnan ko nga.
"Bawal ang maingay sa bahay na ito, Eliyah. Dito namatay ang dating may-ari ng bahay na ito.
Nandito pa rin ang kaluluwa niya."

Napalunok ang pinsan ko, "Ma oh. Si Astra nanakot."

Sa tingin ko ay nahimasmasan na nga siya.

Naunang pumasok sa loob ang mag-ina. Habang ako ay naiwan sa labas, nag-iisip ng paraan
kung ano ang dapat kong gawin kung sakaling biglang dumating si Brix. Ayoko namang masakal
na naman si Tita.

I felt someone's presence behind me. Pagkalingon ko ay agad itong yumuko, hindi ko namukhaan.
Nakasuot pa ito ng hood kaya kahit na kakilala ko siya ay mahirap matukoy kung sino.

"Do I know you?" I asked.

Sa halip na sumagot ay naglakad lang ito palayo.

Hindi ko na lang ito pinansin. Sumunod na rin ako sa loob.


Chapter 20

Chapter 20: Tired

Hinayaan ko muna ang mag-ina na magliwaliw sa bahay bago umakyat sa kwarto ko. Sinigurado
ko namang nakakandado ang cabinet na naglalaman ng mga supot ng dugo. Alam ko kasing
kapag sinabi kong huwag pakialam ay mas lalo nilang pakikialaman.

I rummaged my closet to find a comfortable pair of clothes. Gusto ko nang mag-shower. I kind of
feeling hot. Maybe because of the alcohol that's still being absorbed by my body, probably
because of noise pollution in that club... or just because of Brix.

Damn. Why is he always included in my thoughts?

Nang makapasok sa Comfort Room ay humarap ako sa salamin. Pumipikit pa rin ang imahe ko sa
harapan ng salamin. I tried to touch my reflection. I miss being a human. I miss my best friend. I
miss not craving for blood. I miss who I was.

To miss things from the past, that's all I can do right now.

I took a quick shower. Ayoko namang magtagal dahil kinakabahan ako sa mag-ina sa ibaba. Lalo
na si Tita Ophelia na malamang ay nalibot na ang buong bahay. Tahimik naman ang pakiramdam
ko kaya nagtagal ako sa harapan ng salamin ng tukador.

Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi nang maalala ang nangyari kanina. I would lie if I
was going to say I didn't like it. Siya ang unang nakahalik sa akin kaya hindi ko ito maikumpara sa
iba. Ganito ba talaga 'yon?

Speaking of the devil... I hope he won't show up tonight.

Bumaba na rin ako para samahan ang mag-ina. Gaya ng inaasahan ay nanunuod lang sa sala si
Eliyah. He's back at it again, watching his favorite cartoon of all time over and over again, freaking
Spongebob.

Hinagilap ng mga mata ko si Tita Ophelia pero wala siya rito sa sala. Hindi ko rin siya
maramdaman sa bahay.

Lumapit ako sa pinsan ko. "May load ka, Eliyah?"

"Meron," sagot nito pero nanatili sa TV screen ang atensyon.

"Paki-text naman si Dahlia. Tanungin mo kung gusto niyang mag sleep over dito." Tutal ay andito
na rin naman sina Tita at Eliyah, gusto ko na ring isama si Dahlia para isahang problema na lang
kung sakali. "Do you have her contact number?"

Eliyah tilted his head on my direction. "Yata? Bakit pa natin siya isasama? Maingay lang 'yon!
Baka magising pa 'yung kaluluwa ng may ari ng bahay na ito. Hindi ba, Astra? Nakakatakot 'yon."

Bumuga ako ng hangin. "Just text her, Eliyah. Nasaan ba si Tita?"

"Bumili ng mga chips. Puro daw kasi alak, gulay at karne ang laman ng ref mo." Hinugot niya sa
kanyang bulsa ang cell phone. "Bakit ba kasi hindi ka bumili ng cell phone mo? Bayaran mo 'tong
load ko."

Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko kaya dumiretso muna ako sa kusina. Number code
ang lock ng cabinet na binuksan ko. I took a plastic of blood and slid it inside my shirt. Pumasok
ako sa CR para doon inumin ang dugo.

Nilapit ko sa ilong ko ang dugo para amuyin. In just a matter of seconds, I felt the rushing warm
feeling crawling in my veins. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at inisahang inom ang dugo.

Uminit ang pakiramdam ko habang dinaramdam ang paggapang ng likido pababa sa aking
lalamunan.

I tilted my head on the mirror. I saw someone licking the blood on her lips, sneering like she's up to
something. No matter how much I try to accept who I have become, whenever I see myself in the
mirror, I still wonder who is that girl I am looking at. It still feels bizarre to see a monster in the
mirror.

Nag-ayos ako bago bumalik sa sala. Nakadapa na ngayon si Eliyah sa sofa, habang nakaharap
pa rin ang ulo sa flatscreen TV. He looks like he's not even enjoying it. What's wrong?

Inusog ko ang mga binti niya para makaupo ako sa bandang paanan niya. Tinuon ko ang
atensyon sa TV.

"So... she's Nathalia," I heard Eliyah mumbled.

Hindi ako kumibo. I knew there's still something wrong.

"Nathalia Cardinal," dinig ko pang bulong nito. His voice sounds amused and peaceful at last.
"Pinuntahan niya ako uli. Just like how she first approached me, it happened in just a blink of an
eye."
That's the moment I looked at him. "Ano ang ginawa niya?"

"Waved her goodbye and kissed me again." He chuckled while shaking his head.

"She's no good for you," sabi ko.

Tumihaya ang pinsan ko at pinatong ang mga kamay sa tiyan. Tumitig ito sa kisame, tila malalim
ang iniisip. Kapansin-pansin ang ngiti sa kanyang labi. Ang buong akala ko ay nahimasmasan na
ito pero mukhang isang palabas lang ang lahat.

"Sino ba talaga 'yung lalaking engkanto, Astra?" Tumingin ito sa akin. "Ang vague ng kwento mo,
ang daming loophole. For once, since tayo lang naman ang nandito, can you like trust me by
saying the truth?"

No. The truth won't do anything good to anyone around me.

"So, that was all an act?" I furrowed my eyebrows, ignoring his question. "Nami-miss ka na ni Tita
Ophelia, kaya pinapalabas mong nagbalik ka na sa dati? That you are back at being childish and
scaredy-cat again?"

Bumuga ito ng dati. "I'm still that naïve and annoying boy, Astra. If something has changed, it's the
fact that I had my first kiss. Now two. I had it with the most enigmatic woman I've ever met. She's
so strange to me."

"Itigil mo na ang pagpapantasya sa kanya." Sumandal ako at bumaling na lang sa TV. "I said it
before and I will say it again. I will always make you remember that she's no good for you and to
anyone around you."

"You really care that much to me huh?" manghang tanong niya.

Hinampas ko ang kanyang binti na nakapatong sa hita ko. "Gago ka ba? Alangan namang hayaan
kitang mapahamak."

I rolled my eyes.

Tumawa ito at naglikot ang mga binti. "Sweet. Don't worry, Astra. I got you, too. Kapag sinaktan ka
ng lalaking 'yon, ako ang bahala."

Nagtaas ako ng mga kilay bago humarap sa kanya. Ang akala ko ay nakangiti ito pero hindi.
Seryoso ang kanyang mukha. Walang bakas ng pagbibiro.
"Can you do me a favor, Eliyah?"

"Tell me."

"Do everything to stay away from that man," I said with all the sincerity left in me.

Curiosity filled his confused eyes. "I will, but not until he hurt you."

"Kahit na mangyari 'yon," seryoso kong sambit. "Kung kinakailangan na lumayo kayo ay gawin
niyo na lang. Just stay away from him. Just do it."

"How about you?" Napalitan ng galit ang kanyang tingin. "Should we just leave you with that guy?"
Umupo ito at humarap sa akin. "Kung pagbantaan mo ako ay parang napakadelikadong tao ng
lalaking 'yon."

I gulped. "He is..."

"Kung gano'n ay bakit ka magpapaiwan sa kanya? Is he somehow blackmailing you?"


Humalukipkip pa ito. "May sextape ba kayo na ginagamit niyang pang block sa 'yo?"

Nanlaki ang mga mata ko. "What the hell Eliyah?!"

Bumali ang leeg nito. "I'm serious, Astra. If that guy hurt you and I saw tears in your eyes, without
any hesitation." And he showed me his clasped fists. "I know he is stronger and superior... but my
fists wouldn't budge."

Mabuti na lang at dumating na si Tita Ophelia na may balang ilang plastic bags na may chips.
Tuwang-tuwa pa ito habang nilalatag sa lamesa ang mga binili niya dahil naka sale daw ang mga
'yon.

"Binilhan na rin kita para may stock ka." Inikutan pa ako ng mga mata ni Tita. "Gagamit kami ng
kuryente sa pagtulog dito kaya ito na lang ang pambawi ko." Saka niya nilagay sa gilid ang extra
na plastic.

Sinamahan ko ang mag-ina sa Spongebob marathon nila. Tawa sila nang tawa habang ako ay
napapatingin lang sa kanila. Nakahiga pa sa hita ni Tita si Eliyah na kumakain. Habang ako ay
nasa gilid lang, tahimik na kumakain at paminsan-minsan ay napapasulyap sa kanila.

I miss this.
"Wala ka bang naaalala ngayon, Astra?" biglang tanong ni Tita.

Napaisip ako. "Bakit po?"

"Ito 'yung araw, hindi ba?" Malungkot na ngumiti ito.

Ah. Oo nga pala. Nakalimutan ko na. Ngayon ang death anniversary ni Mama. Sa dami ng mga
nangyari ay maging ang isa sa pinakamapait na araw ng buhay ko ay nakalimutan ko pa.

Whoa. I survived.

"Gusto mo bang bisitahin natin siya, Astra?" tanong ni Eliyah. Umayos ito ng upo. "Malapit lang
naman dito. Tara?"

Umiling ako. "Let's just stay here."

"Nako, Astra. Baka hinihintay ka ni Luisa. Kapag hindi ka dumalaw ay siya ang dadalaw sa 'yo,"
pananakot pa ni Tita. "Sige na, Eliyah. Samahan mo na si Astra. Ako na muna ang maiiwan dito."

I shook my head. "Pwede bang sumama ka na lang, Tita?"

Ayokong maiwan siya rito habang wala ako.

Sa huli ay kaming tatlo ang pumunta sa puntod ni Mama. Umupo ako at hinawi ang ilang tuyong
dahon sa lapida. Sinindihan ko ang kulay puting kandila. Sa tuwing pumupunta ako rito ay
bumibigat ang pakiramdam ko. Strangely, nothing feels heavy anymore. It feels like finally... I have
learned to be alone.

"I miss you, Mom," I muffled, wishing she could hear me wherever she was. "I thought I wouldn't
survive this world without you. It was hard. But then again... I did it. You raised a warrior, Mom. I
hope you are proud of me."

Looking back... I am proud of myself.

"Hoy, Luisa. Dalaga na ang anak mo," dinig kong sabi ni Tita. Mas lumapit siya sa akin at hinagod
ang aking likod. "Naku. Kung nakikita mo siya ngayon, matatawa ka. Mukha kayong kambal!"

That made me smile. Laging sinasabi ni Tita na masyado kaming magkamukha ni Mama. Lalo na
nung kasing edad ko raw ito. Kaya rin siguro minsan ay nagpipigil si Tita sa akin, naaalala niya sa
akin ang kanyang kapatid.

"Sana Tita Luisa kamukha mo rin si Mama— aray!" angal ni Eliyah nang batukan siya ni Tita
Ophelia.

"Magkamukha kami!" pagdidiin ni Tita na ikinatawa ko. "Bumilog lang ako ngayon, Eliyah. Bukas.
Ipapakita ko sa 'yo mga tinago kong picture. Baka malaglag pa panga mo kapag nakita mo ang
kurba ko dati."

"Huwag ka na mag-abala—"

"Gumalang ka namang bata ka." Piningot ni Tita ang tainga ni Eliyah. "Pero aminado naman ako.
Mas maganda si Luisa. Haba ng hair niyan e. Araw-araw may dalaw sa bahay. Halos mapuno na
ng bulaklak ang bahay."

"Pero... si Tito Rold ang pinili niya," dinig kong sabi ni Eliyah. "Sayang lang at hindi ko naabutan si
Tito. Sobrang gwapo niya siguro, 'no, Ma? I mean... Tita Luisa looked like a goddess."

"Oo..." mababang boses na tugon ni Tita. "Guwapo na hangal."

Napatingin ako kay Tita. "Ano po ibig niyong sabihin, Tita?"

Napalunok si Tita. "May attitude siya. 'Yung mga manliligaw ni Luisa ay mabait lahat. Pero iba si
Rold. Niligawan niya si Luisa nang patago. Tutol sa kanya ang mga magulang namin pero imbes
na kunin niya ang loob ng mga ito, patago niyang kinita si Luisa."
"I-I didn't know that story." An amused sound sound escaped my lips. "So bad boy type pala si
Papa?" I giggled.
"Sobra." Mahinang natawa si Tita. "Kaya nga hindi na ako magtataka kung hambog ka rin, Astra."
Mas lumawak ang ngiti sa labi ko. Hindi ako kailanman nagkaroon ng interest kay Papa pero ayon
sa kwento ni Tita, mukhang napakainteresante niyang tao. No wonder why Mom fell in love with
him.
"Astra..." Lumapit sa akin si Eliyah. "Kaliwa."
Pasimple akong sumulyap sa kaliwa. Kumaway sa akin ang isang babae na agad kong nakilala.
Nagpaalam muna ako na lalapitan si Albina. Malawak ang ngiti nito nang maabutan ko.
"What do you want, Miss Montereal?" tanong ko habang pasimpleng sinusulyapan ang mag-ina.
"How's Brix?" she asked.
"Still the beast," I responded casually. "Magkaiba tayo ng clan, bakit ang hilig mong makipagkita
sa akin? Hindi ba 'to bawal?"
"No!" she shook her head. "Magkaiba lang tayo ng clan pero hindi tayo magkaaway. Siguro ay
may competition pero since... normal na myembro lang tayo, medyo labas na tayo sa politics."
"So?"
"Let's have a walk?" she requested.
Tinanaw ko ang mag-ina na nagkukulitan. Mukhang nagsasaya pa sila kaya pumayag na muna
ako sa kagustuhan ni Albina. Pumasok kami sa masukal na dulo ng sementeryo, kung saan
matataas ang mga puno.
Napaubo ako nang bigla akong sikmuraan ni Albina.
"What the fuck?!" bulalas ko.
Humalakhak ito. "Yeah right, Miss Martin. What the fuck?! Hindi mo man lang nakita na aatakihin
kita?"
I winced. "Fuck off bitch. Why did you attack me?"
She looked disappointed. "You don't know how to fight?"
"Seriously?" I rolled my eyes.
Tumalon ito papunta sa isang sanga ng puno at umupo roon. She looked down on me with an
annoying sneer. What's with this woman?
"Nabalitaan kong natikman mo na raw ang labi ni Brix?" Mas lumawak ang ngiti sa labi ni Albina.
"How was it, Astra?"
Nanatili akong nakatayo at nakatingala sa kanya.
"Say something, Astralla Martin!" she screamed, frustrated when she didn't get an immediate
answer.
"It was a kiss, okay? Nothing special."
Mukhang nalugi naman ang mukha nito sa isinagot ko.
"You didn't like it?" tanong niya. Hindi ako nakasagot na ikinangiti nito. "I knew it!"
"He's a good kisser. What do you expect?" I rolled my eyes again.
Of course I liked it.
She giggled. "I envy you. Damn."
I just shrugged my shoulders.
"Why did you attack me?" pagbalik ko sa tanong.
"That was a test and you disappointed me like..." Huminga ito nang malalim. "How could you let
your guard down while you are with someone you barely know? That's a fucking suicidal, stupida!"
I forced a laugh. Didn't she know how insulting that was to me?
"If you want to stand a chance against that beast, give it up, Astra." Naiiling pa ito na mas
dumagdag sa pagkainsulto ko. "Hindi ka nga mananalo sa akin, sa lalaking 'yon pa kaya? You
know what? I thought you are better than this."

"I just turned into a vampire like a couple of days ago. Can you like give me a freaking time to
learn things?"

"Sure." She bobbed. "Gusto mo bang ako na ang magturo sa 'yo? I will do it for free!" excited na
sambit pa nito. "Ay, not totally free pala. Gusto kong balitaan mo ako lagi tungkol kay Brix kapalit
ng pagtuturo ko sa 'yo."

"Really? Bakit ko naman sasabihin sa 'yo ang mga ginagawa ni Brix? I may not as strong as you
but I am not a fool." I crossed my arms on my chest, still looking up at her. I saw this coming. "If
you want to know something about Brixton, do it yourself."

Ngumiwi ang labi nito. "No. That's now what I meant. Gusto ko lang malaman kung ano ang
shampoo na gamit niya o ang brand ng shower gel niya. His perfume, too. Gusto ko ring ibigay mo
sa akin ang mga ginamit niyang towel. 'Yung hindi pa nalalabahan ah?" Pumula pa ang pisngi
nito.

My eyes widened. "Y-you are obsessed."

"No!" Mas pumula ang kanyang mga pisngi. "Gusto ko lang naaamoy ko siya kapag may ginawa
ako. You know?"

Kung nalalaglag lang ang panga ko ay malamang na sumasayad na ito sa lupa ngayon.

"I-I don't get it," pagkukunwari ko.

"Oh, come on!" she frowned. "I am tired of just imagining him. I want his actual scent. That does
something more intensed."

Hindi ko na napigilan ang sumabog sa tawa. What the hell is wrong with this woman and why is
she so obsessed with Brix? I get it. Brix is freaking gorgeous. But to this extent? That's absurd!

"Seryoso ako!"

"Okay okay." I bit my bottom lip to halt my laugh. "Gamit na towel sa kanya kapalit ng limang
beses na pagtuturo mo sa akin. Deal?"

Mabilis na tumango ito. "Deal! Pero request lang sana, Astra. Yung towel sana na pinangpunas
niya sa kanyang katawan... pababa. Please?"

Ngumiwi ako. Ako ang nahihiya sa gusto niyang mangyari.

"S-sige. Ako ang bahala!" tumango ako. "Kailan tayo mag start?"

"Ngayon na?" tanong niya.

"Err. Bukas na lang," sagot ko. "Dito pa rin. Same time."

"Sure. Sure!" Tumalon ito pababa. "Makukuha ko rin ba bukas ang towel?"

"I'll try..." Hindi ko alam kung paano makukuha 'yon.


"Yay! Thanks!" And she hugged me tightly. "See you tomorrow!"

"Fuck!" Napaluhod ako nang tuhuran niya ang sikmura ko. Halos mamaluktot ako sa sakit habang
siya ay tawa lang nang tawa.

"Goodbye, Astra. See you tomorrow! Don't forget the towel. Thanks."

And just like that... she disappeared.

Ilang segundo pa ang lumipas bago nawala ang sakit ng sikmura ko. Sakit man ang dinala niya sa
akin sa ilang minuto lang ng pagkikita namin, hindi ko maipagkakaila na tama siya. I don't know
her but I let my guard down. That's I think the lesson for today. Never let your guard down.

Binalikan ko na ang mag-ina. Paalis na rin sana ang mga ito para mauna na sa bahay.

Dahlia replied that she can't join us tonight. Oo nga pala. Finals na ngayon kaya malamang na
marami siyang hinahabol na requirements. I suddenly miss being a student. Mga school
requirements lang ang inaalala ko. Unlike now... problema kung paano pumatay ng isang lalaking
'di kayang patayin.

Payapa naman na dumaan ang ilang oras. Kumain kami nang sama-sama, si Tita Ophelia ang
nagluto. Nanuod din kami ng mga movies, mabuti na lang at hindi Spongebob. Nagkwentuhan at
nagtakutan. So far... everything is good.

Pinagamit ko sa kanila ang isang bakanteng kwarto sa itaas. Kung saan ko naabutan ang isang
madugong eksena. Sa gano'n ay hindi na ang eksenay na yon ang maalala ko kapag nakikita ang
silid na 'yon.

Nang makatulog ang mag-ina ay pasimple akong pumuslit sa kusina at uminom ng dugo. Naligo
rin ako at nagpatuyo ng buhok. Sinubukan kong matulog pero gising na gising ang diwa ko. Ilang
oras lang akong tulala sa kawalan.

Pagod ako pero hindi bumibigay ang katawan ko. Parang may hinihintay ito.

Alas tres pasado na pero mulat pa rin ang mga mata ko. That's when I decided to go out for a
walk. Gabi na pero malinaw pa rin ang paningin ko. Hindi ko pa rin nakikita si Erikson, malamang
na may ginagawa.

I looked up at the starry sky. Umihip ang hangin na gumulo sa buhok ko.

May naramdaman akong palapit kaya dumiretso ang tingin ko. Under the moonlight, Brix
appeared out of nowhere. Just like earlier, his body was covered with blood. His panting was even
more severe now. May mga butas ang kanyang damit. There were scratches on his body, too.

"H-hey—" I gulped.

Humakbang ito palapit sa akin. Ramdam ko ang panghihina nito. His eyes looked tired, too.

"Have you been in a fight again?" I asked.

Napasinghap ako nang pabagsak na yumakap ito sa akin. Napaatras ako dahil bumagsak sa akin
ang lahat ng kanyang bigat. That confirmed my questions. He's gone in a huge fight again.

Hindi ko maiwasang hindi matanong. Ilang laban ba ang pinapanalo niya araw-araw? Ilang laban
pa ba ang kailangan niyang ipanalo para tuluyang makuha ang loob ng ama?

"You okay, Brix?"

"I am," he whispered. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking batok. "I just want to
sleep here tonight. I am so fucking done for today."

Niyakap ko siya pabalik.

"Sure. Let's go inside."


Chapter 21

Chapter 21: Invitation

It's 3 a.m and the world is asleep. I should be sleeping by now, too. Yet here I am, carrying a
wounded man that appeared out of nowhere.

Nangawit ako dahil nasa akin ang lahat ng bigat ni Brix. Tila wala na talaga itong lakas para
maglakad pang mag-isa. Pagkarating namin sa sofa ay pabagsak ko siyang inupo na ikinaangal
nito.

"That's rude," he hissed.

Humalukipkip ako sa harapan niya.

"Akala ko ba ay maliligo ka lang?" I furrowed my eyebrows to intensify my question. "Ganyan ba


maligo ang isang Brixton Wenz Cardinal. Dugo?"

He winced, feeling the wounds. Parang mahina ang katawan nito ngayon para agad na
mapahilom ang mga sugat sa katawan. Tuyo na rin ang labi nito na malamang ay uhaw na uhaw
na ngayon. Kung ibang lalaki lang ito ay malamang na nakakaawa na ang dating niya. But no... he
is Brixton Wenz Cardinal, he could kill you even in that condition.

"I didn't know!" he protested, still grimacing. "I was half naked and ready to shower when someone
knocked in and gave me an emergency mission. Damn. Why am I even explaining myself to you?"

"Aw. Hindi ko alam na responasble ka palang lalaki, Brix. Biruin mo. Hindi mo magawang
tumanggi?"

"It's Dad's. Pwede bang pagsilbihan mo na lang ako?"

I let out a heavy sigh. "Bakit hindi gumagaling ang mga sugat mo? Are you that exhausted?"

"I haven't drunk anything yet. Can I bite you?"

I smirked. "No."

"Sino ang nagsabing pwede kang umayaw sa gusto ko?" tanong nito sa nagbabantang tono. "If I
wanted to bite you, you would let me without hesitation."

I frowned. "Sa lagay mo na 'yan, tingin mo palalapitin ko ang labi mo sa balat ko? Ang dumi-dumi
mo pa. Baka may rabies ka pa ngayon."
He stared at me, idly.

"Fine!" he let out a weighy sigh. "A bottle of wine will do. Come on."

"Stay here. Huwag kang aalis," babala ko.

Kumunot ang noo niya. "Inuutusan mo ba ako?"

"Kapag umalis ka diyan, malilintikan ka sa akin," babala ko saka na ako tumalikod at dumiretso sa
kusina. Narinig ko pang may sinabi ito.

Sana lang ay mahimbing ang tulog ng mag-ina sa itaas. Maganda na rin ang kalagayan ngayon ni
Brix. He is exhausted. Mahina ngayon ang kanyang senses... or at least that's what I think.

Kumuha ako ng alak sa ref at isang baso bago bumalik sa sala. Naabutan ko si Brix na
nakasandal sa sofa. Nakatingala habang nakapikit ang mga mata. I am about to compliment how
he looked like again.

"Hindi ba ang bilin ko ay ayokong may iba rito maliban sa 'yo kapag nandito ako?" tanong nito
habang nanatiling nakapikit. "What are those rats doing here?"

"Shut up." Nilapag ko sa lamesa ang alak at baso. "Just drink, Brix. Nanghihina ka na nga, nag-
iinarte pa rin. Kung gusto mo agad bumalik ang lakas mo, manahimik ka."

Dumilat ito at mabilis na nagsalin ng alak sa baso. Napangiwi ako nang hindi na niya napigilang
uminom nang diretso sa bibig ng bote. Uhaw na uhaw nga ito.

I wonder how many he needed to kill this time? Mukhang mas marami sa kanina dahil sa lagay
niya. Probably, he did it again... all by himself.

The focus on my eyes went down on his body. Maraming dugo at butas-butas na ang shirt nito.
Kita na nga ang balat niya sa dibdib.

"Shower ka muna, Brix?" suhestyon ko.

He shook his head. "I'm still feeling fatigued. I can sleep like this anyway. Mas kailangan kong
magpahinga ngayon."

"Ang dugyot m—" Napatikhim ako nang samaan niya ako ng tingin. "Wait lang. Huwag kang aalis
diyan ah?"

Pumunta ako sa Comfort Room para kumuha ng basang towel. Napangiti ako. Sa wakas ay
nagawan ko ng paraan ito. May maibibigay na rin ako kay Albina kapag nagkita kami bukas. Ang
kailangan na lang ay dumapo ang towel na ito sa katawan ni Brix.

Binalikan ko si Brix. Naubos agad nito ang isang bote at naghahanap pa. Mukhang hindi kayang
patidin ng normal na alak ang kanyang pagkauhaw.

Kumuha ako ng isa pang bote sa ref at pinatong ito sa lababo. Kumuha rin ako ng kutsilyo.
Huminga ako nang malalim bago unti-unting hiniwa ang palad ko. Nakagat ko ang labi ko nang
umatake ang hapdi. Pinatakan ko ng dugo ang loob ng bote.

I served him the wine without hinting him that I mixed my blood on it. Pinanuod ko ang reaction
niya nang inumin niya 'yon. Sumilip ang tipid na ngiti sa kanyang labi.

I think he liked it.

Napaigtad ito nang hawakan ko ang laylayan ng kanyang t-shirt. Pinigilan niya ako agad.

"What are you doing?" There was a hint of slight panic on his voice. "Bakit mo ako huhubaran?"

I rolled my eyes as I showed him the wet towel. "Pupunasan ka lang po, Master Brix. Para naman
kahit hindi ka maligo ay presko ang pakiramdam mo."

"I don't care—"

'"I care," I cut him out. Hinawakan ko ang laylayan ng kanyang damit at sa pagkakataong ito ay
hindi na niya ako pinigilan. "Makikitulog ka sa bahay ko. Ayokong may dugyot dito."

"Really? Then, why did you invite those rats?" he asked, mockingly.

Dahan-dahan kong tinaas ang kanyang t-shirt. Napalunok ako nang makita ang tattoo sa kanyang
dibdib. Hindi ko ma-focus ang tingin ko roon dahil bigla akong nangatog.

Oh, God. This won't be easy.

"Stop staring and take it off completely," he reminded me when I stopped half way.

Tuluyan kong inalis ang kanyang damit. Napamura ako sa isipan ko nang manginig ang aking
mga kamay. Hinawakan ko ang towel at dahan-dahang nilapit ito sa dibdib ni Brix.
Kalma, Astra.

Bahagya kong pinunasan ang kanyang katawan.

It suddenly felt hot in here.

Gumalaw siya kaya nag-flex ang kanyang mga muscles sa dibdib. Putik. Ba't ba ako nahihirapan
dito? I just need to wipe his mascular body!

Get your shits together before you mess up yourself, Astra.

Tumikhim ako. "So... what's the mission?" I tried to open a topic to at least ease the heavy feeling.

"As usual," tipid na sagot nito.

Pinaragasa ko ang towel sa kanyang dibdib, paikot, hanggang sa pababa ng kanyang puson.
Inulit-ulit ko 'yon. Malamang na nasa towel na ngayon ang lahat ng amoy niya.

Bigla akong nagdalawang-isip kung ibibigay ko ba ito kay Albina.

"Erikson told me that you have been meeting with one of the members of Luminous Clan," he
interrupted my thoughts. "Why? To get information about me?"

"I asked her how to kill you," I responded, casually. "Of course, she doesn't know."

"You really want me dead that much huh?"

"Don't sleep tonight, Brix." Tumigil ako sa pagpunas ng kanyang katawan. "I might stab you in your
chest."
He sneered. "Don't even try."
I pouted my lips.
Humikab ito, senyales na antok na. Saka ko lang napagtanto na wala siyang pampalit na damit.
Hindi naman pwedeng isuot niya uli ang maruming damit.
"I don't mind sleeping without shirt," he suddenly said.
"You might catch cold."
He looked at me, ludicrously. Like as if that was the most stupid thing he has ever heard. Right.
He's a vampire. He's immune in sickness. How stupid am I to forget that?
"Are you done?" tanong nito.
Tumango ako.
"So?" he raised his brows. "Wala ba akong kwarto dito? Should I sleep on this couch?"
Mabilis na umiling ako. Tumayo ako at sumunod naman siya. Sinamahan ko siya sa isang
bakanteng kwarto dito sa baba. Hindi pa ito nagamit kaya alam kong hindi siya mag-iinarte.
Pabagsak na humiga ito sa kama.
"What a day," he yawned.
Nanatili akong nakatayo sa gilid ng pinto. Pilit kong tinutok ang aking atensyon sa kanyang mukha
imbes na sa kanyang katawan. He isn't even trying but he looks like modelling just by laying in
bed. Like... a lustful poster you can hang on your wall.
"Are you going to watch me sleep?" tanong nito nang hindi pa ako lumabas.
"Hindi mo ba ako uutusang mag grocery, Brix? May mga gamit ka pa ba? Like..." I bit my bottom
lip as I grasp for right words. "Shower gel? Shampoo?"
He looked at me, suspiciously.
"That's not your job."
"Uy trabaho ko rin 'yon!" pagpupumilit ko. "Ano ba brand ng shower gel mo, Brix? Your perfume?
Para kung sakaling bibili ako ay alam ko na."
Hindi nawala ang pagdududa sa kanyang mga mata.
"Pero kung ayaw mo naman—"
"Come here," he ordered.
"W-why?"
"Do you want my answer or not?" pagsusungit na naman nito.
I gulped as I walked towards him. Nang makalapit ako at hinila niya ako kaya bumagsak din ako
sa kama. Mabilis na kinawit niya sa katawan ko ang kanyang binti at braso. I froze in my position,
grasping for air.
"If you are planning to sell my details to other woman, crap the bullshit," he whispered. "You ain't
getting them."
Damn. He knew.
"H-how did you know?"
He chuckled, softly. Nakatihaya ako habang siya ay nakaharap sa akin. I couldn't move.
Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Ramdam ko ang pagdampi ng kanyang
balat.
"Sobrang liit talaga ng tingin mo sa akin 'no?" tanong niya sa mapanuyang tono. "Even if I am
having hard time reading you now, your choice of words and body language say a lot."
Pinagpawisan ako. "So? Your point?"
"You never showed affection towards me. Then, you are suddenly asking personal questions? And
what's more suspicious is the fact that... you suddenly wiped my body with a wet towel. Ginagawa
mo ito para sa iba. You are selling me, Astra."
Fuck it!
"Tell me..." Natigilan ako sa paghinga nang lumapit sa leeg ko ang kanyang mukha. Nanigas ako
sa kinahihigaan ko. "What benefits you this? Ano ang kapalit nito?"

I gulped. "I-I just want to learn how to fight. Kapalit ng mga ito ay ang pagkatuto ko sa
pakikipaglaban. That's it. That's all. Promise."
"Is that so?"
"Yes." I gulped again. "I need to surpass your abilities. That's the only way to defeat you."
I heard him chortle. "You are so brave to say these things right in front of me."
I tried to act normal, kahit na halos sumabog na ang mga kung anu-anong nararamdaman ko.
"I want a fair game," I responded. "Don't let your guards down for now on. I will always be looking
for the right timing to shut you down."
Lumipas ang ilang segundo nang hindi ito sumagot.
"Go for it," he suddenly said. Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. "Show
me what you got, Astra. See me as your enemy. Never trust me."
"I will be the downfall of the greatest Cardinal," I whispered, looking forward for that day. "The
world will be a witness. Prepare yourself, Brix. Huwag mong hahayaang mapahamak ka sa iba.
Ako lang ang maaaring gumawa no'n."
"Sure. Just a heads-up, Astra. I can't be killed. You can only kill me if I let you."
That's the moment he freed me from his grasp. Bumaling ito sa kabilang bahagi. Kahit na malaya
na ako ay hindi pa rin ako kumilos. Nanatili akong nakatihaya at nakatitig sa kisame.
"Will you ever let me?" I asked.
"Would you really do it if I let you?" he asked and... that question hit me... intensed. "Goodnight,
Astra."
Hanggang sa makalabas ako ng kwarto niya ay dala ko ang kanyang mga huling sinabi.
Somehow... I feel guilty about it. Lahat ay gusto siyang mapabagsak. I know that he's fully aware
of it. That's so tiresome. Knowing you can't trust anyone.
Niligpit ko ang mga pinag-inuman ni Brix. Dala ang towel ay umakyat na ako sa itaas. Sumilip ako
sa kwarto na pinagtutulugan nina Tita at Eliyah. Nadatnan ko ang dalawa na magkayakap habang
mahimbing ang tulog.
This is the reason why Tita Ophelia is having hard time accepting when things about Eliyah
change, even the simple ones. Dahil sila lang ang magkasama buong buhay nila, ang bond nila ay
sobrang higpit. But then again... time will come, I hope she will realize that they can't be forever
like this. Kung may mananatili man... that's their love.
Dahan-dahan ko na ring sinara ang pinto ng kwarto nila. Napahikab ako. Ngayon ko lang
naramdaman ang pagod. May pasok pa pala ako bukas.
I went in my room and locked the door. Umupo ako sa kama, hawak pa rin ang towel. Hindi ko
alam kung ano ang pumasok sa isipan ko para amuyin 'yon.
I feel embarrassed even though no one can see me. Okay. I get it. Brix's scent is somehow
addicting. It lingers on your system. Kapag naamoy mo siya ay hahanap-hanapin mo na ito.
Tinago ko sa cabinet ang towel bago humiga na sa kama. Tinaas ko hanggang leeg ang kumot.
Napabuntonghininga ako habang nakatitig sa kisame.
I suddenly remember my last conversation and that formed a smile on my lips. It was a good start.
Umaayon sa plano ko ang mga nangyayari.
Kinabukasan ay wala na akong naabutan dito sa bahay. Wala na sina Tita Ophelia at Eliyah. May
pasok kasi si Eliyah kaya maaga silang umuwi. Si Brix naman din ay wala na rin. Halos tanghali
na rin ako nagising.
I prepared myself a breakfast or probably my lunch, too. Tulala lang ako habang kumakain nang
biglang sumulpot si Oscar.
"Damn. You startled me!" singhal ko.

Ngumisi lang ito bago umupo sa isang bakanteng upuan. Kumuha ito ng plato at nagsalin din ng
pagkain. Mas gutom pa ito sa akin dahil nakailan siyang kanin.

"Wala ba kayong pagkain sa mansion?" tanong ko.

He swallowed his food. "Kumain na ako. Pero mukhang masarap 'tong luto mo e." Saka ito
ngumiti.

"Have you seen Brix?" I asked.

Tumango ito. "Dito siya natulog?"

"Ilang beses ba siyang nakikipaglaban bawat araw?" takang tanong ko. "Pumunta rito kagabi,
duguan na naman. He looked tired as hell. Isn't he abusing his body?"

Tumayo si Oscar at kumuha ng supot ng dugo sa cabinet. Imbes na bumalik sa upuan ay


sumandal ito sa lababo. Sinimulan niyang inumin ang kulay pulang likido.

"I know he has a tremendous ability but... seriously? Hindi ba siya nagpapahinga?"

"No." Oscar shook his head. He licked the remain on his bloody lips. "Kahit na pagod 'yon, kung
galing kay Papa ang utos, susunod agad."

"So... he's more like an underdog to Lord Severo?"

That's how I see it.

"You can say that." He shrugged his shoulders.

Lumunok ako. Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko ang nasa isipan ko o hindi. Pero sa huli
ay kusa na lang itong lumabas. "Is he just using Brix's ability to expand his authority? To make
them fear him as he has Brix?"

Umawang ang bibig ni Oscar pero mabilis din na natikom.

"What?" tanong ko.

Huminga ito nang malalim bago mahinang tumango. "I am dead when someone hears me say this
but... Nightfall Clan is just an ordinary clan without Brixton. He is our ace. Nightfall is nothing
without him."

I knew it. I don't know why I suddenly want Brix to stop following orders from his father. Like... I
want him to know his worth. He is more than just a follower. But then again... I remember what
Celeste said. He's earning his Dad's trust, going to leading the entire clan one day.

"Anyway, Astra." Napunta uli kay Oscar ang atensyon ko. "May nabanggit ba sa 'yo si Brix tungkol
sa Sabado?"

Umiling ako.

"There will be a celebration at the mansion on Saturday. I mean... para lang sa clan natin. To have
fun. Everyone in Nightfall Clan is invited."

Just by hearing that celebration, I can already say no even though he's not inviting me yet.

"Join us!" he invited, thrilled. "First time mo sa gano'n pero sigurado akong mag-e-enjoy ka. Baka
magkaroon ka pa ng mga kaibigan!"

Ngumiwi ako. "Can I decline?"

"Yeah? But, why not?"

"Nahihiya ako..." pagsasabi ko ng totoo. "Saka. Nahihiya talaga ako."

Tumawa ito bago bumalik sa upuan. "Celeste and I will be there! Erikson, too. Kasama mo naman
kami. No worries, Astra. Ako ang bahala sa 'yo."

I don't know but I have a bad feeling about that celebration. Siguro ay dahil makakaharap ko ang
mga matataas na posisyon sa clan. O siguro ay dahil hindi ko alam kung anong klaseng
kasiyahan 'yon.

"Please?" he pleaded.

No. Something is wrong. Gusto kong pumayag pero parang ayoko. Kinakabahan man ay gusto ko
ring makasalamuha ang mga kauri ko pero... may mali pa rin. Magulo man pero parang may
kulang para mapapayag ako nang tuluyan.

Tumayo ako at niligpit ang pinagkainan namin. I am still thinking what's bothering me. I know
Oscar, alam kong hindi niya ako pababayaan. That's already a yes for me. I feel safe with him.
But... what the hell is wrong with me? I just need to confirm my attendance and I can't even do
that.

"It's okay if you don't want to," I heard him said. "Siguro ay sa susunod na lang?"

Hindi ako sumagot.

I want to come but something is stopping me.

"Uy, sorry kung mapilit ako!" Naramdaman kong kinalbit niya ako. "Galit ka? Sorry na. I just
thought you would love to since... but it's totally fine if you don't want to."

Humarap ako sa kanya at umiling. "What kind of celebration is that?" I asked instead.

"Party? Drinks? Conversations? Blood? It's all for fun." He smiled, assuring me that nothing bad
will happen. "Oh! Kung iniisip mo kung may mananakit sa 'yo roon o magiging magulo, no.
Andoon si Papa. No one will bother to ruin a party with him."

That sounds convicing, but I don't think that's what's bothering me.

"Andoon kami ni Celeste. Hindi ka namin iiwan kahit saan ka pumunta." Mahina pa itong tumawa.
"Pero... no pressure naman. You can say no and it's fine."

That's it. Mukhang naintindihan ko na kung bakit tila hindi pa rin ako mapanatag sa kabila ng mga
sinabi niya. May kulang na gusto kong makumpirma.

"Is Brix will be there?" I asked.

He didn't mention him.

Natigilan ito. "He doesn't like that celebration. But surely, he will be hovering around, watching. But
associating himself in the crowd? No. Not even Dad can force him to that."

That's it. That's what I find bothersome.

"I want to come but if my master won't be there, I don't think I have any reason to be there, too. I'm
sorry, but I need to decline the invitation."

Nawala ang ngiti sa labi ni Oscar. "Yeah. It's fine."

He forced a feeble smile.

Feeling guilty, I needed to get out of his sight. Lumabas ako ng kusina at dumiretso na lang ako sa
sala. Napakagat ako sa labi ko nang maalala ang disappointed na mukha ni Oscar.

How rude of me to decline his invitation.

I want to see what kind of celebration is that and who are the invited ones. Maybe... I'll just hover
around, too? I'll just probably watch the event from afar.

After all... this is part of the game I started.


Chapter 22

Chapter 22: Celebration

I stared at my unstable reflection on the mirror. Nakasuot na naman ang kulay pula kong damit na
litaw ang pusod, ang maiksi kong palda at ang mataas na sapin sa paa. This is my second day as
a worker here in Nightscape Club. It should be easy now. Kailangan ko lang ulitin kung ano ang
ginawa ko kahapon.

"Let's start," I mumbled to myself.

Lumabas na ako ng Rest Room at dumiretso sa bar counter kung saan isang hindi familiar na
lalaki ang nadatnan ko. Nagpakilala itong si Resty, ang kapalit ni Adrian sa duty tuwing ganitong
araw.

"Ikaw ba 'yung bago, hindi ba?" tanong niya sa akin. May bahid ng pagkamangha ang kanyang
mukha nang bumaba sa katawan ko ang kanyang tingin. "Wow— I mean, Astra, right?"

I nodded. "I just started yesterday." Pinitunog ko ang mga daliri ko sa ibabaw ng counter,
hinihintay na bigyan na niya ako ng tray at nang makapag-umpisa na.

"Cool. How's your first day though?" Sinimulan na niyang lagyan ng alak ang tray na dadalhin ko.

I shrugged my shoulders. "So far, so good."

Minataan ko ang mga nagkakasiyahan sa kalayuan. Familiar na ako sa ilan sa kanila dahil sila rin
ang kahapon, mga regular customer siguro. May mga bago rin sa paningin ko, malamang na hindi
ko sila nadatnan kahapon o hindi ko lang namukhaan.

"Sabi ni Laura na-impress mo raw si Ma'am Tessa ah?" Napunta uli kay Rest yang aking
atensyon. Saktong kalalapag niya lang ng tray sa harapan ko. "Saka... may malaswa raw na
pangyayari."

I rolled my eyes. "Tsismoso mo naman, Sir Resty. Ayos na ba?" tanong ko.

Tumawa ito saka tumango.

"Ito naman. Maka-sir, wagas. Nakikipagpalagayan lang ako ng loob eh," tawa-tawang sambit na
niya. "Sungit. Smile naman diyan, Astra. Ang ganda-ganda mo e."

For a reason, I am not comfortable with him. Mabulaklak ang dila. Kung marupok lang ako ay
malamang na pumula na ngayon ang pisngi ko at hinalikan na siya sa labi dahil gwapo siya at
sinabihan niya akong maganda.

"Okay," the only word came out of my lips.

I don't need I need to be a good co-worker here. Hindi naman ako nagpasa ng resume na
nagsasabing I am friendly and trustworthy. Forget the work ethics, I am here to earn money. That's
all.

"Hoy, Resty!" Sumulpot si Laura. "Nilalandi mo si Astra, 'no? Lahat na lang ng babae rito nilandi
mo!"

"Baliw. Nakikipagkilala lang ako," ani Resty bago umalis para puntahan ang ibang customer sa
kabilang panig ng counter.

Nilagay ko na sa palad ko ang tray at hinanda na ang sariling pasukin ang grupo ng mga bampira
na naghihintay. Hindi lang naman kami ni Laura ang waitress dito, may iba rin pero hindi lang
kumikibo. Kapag nakakasalubong ko ay iba ay tumatango lang ang mga ito.

"Pupunta ba uli si Brix dito?" pahabol na tanong ni Laura.

Hindi ko na ito pinansin. Nag-umpisa na akong mag-serve ng alak. Nakailang rounds din ako.
Hindi pa rin tumitigil si Resty sa pagtatanong ng kung anu-ano. Pasimple pa ang mokong. Hindi
yata siya na-inform na bawal akong landiin.

"Labas tayo minsan, Astra?" anyaya ni Resty pagkabalik ko uli sa counter. "I mean... para lang
magkapalagayan tayo ng loob? Magkatrabaho kasi tayo at hindi magandang nag-iiwasan."

"I'm good," I responded, idly. "Iba ang hindi interesado sa umiiwas., Resty."

Pumorma ang mapang-asar na ngiti sa labi niya. "Crush mo ako 'no? Huwag ka nang mahiya,
Astra! Sagot ko ang lahat. Hatid-sundo pa kita."

I think that's it. I've had enough.

"Ask Brixton," I muttered.

"Why him?" Bahagya akong naguluhan sa tanong nito at kung paano hindi siya natinag nang
banggitin ko ang pangalan ni Brix. "Hindi naman siya ang gusto kong ilabas. Ikaw."

Tumikhim ako bago inayos ang ilang hibla ng buhok na kumawala sa likod ng tainga. I don't know
but there's really something strange about this aggravating loquacious flirty grinning guy.

"I am under Brix, I can't decide for myself anymore," I explained, something he should know better
that I do. "Just because you can't see me with him doesn't mean you can flirt with me. I value my
life as much you do."

He glowered, showing the same expression as I am. "I am not flirting with you—"

"Then, shut up and fill my tray instead," I cut him out.

"Are you that scared of Brix?" he furrowed his brows.

"Is there any reason not to?"

Pumahalungbaba ito sa counter habang nakatingin pa rin sa akin. Hindi nga rin kumukurap ang
kanyang mga mata sa kabila ng pagpatay sindi ng iba't ibang kulay ng mga pailaw.

"Ako ang bahala sa 'yo." And he winked at me.

Ngumiwi ako. "Why are you acting so brave?"

"You don't know me huh?" Muling sumilip ang mapang-asar na ngiti sa kanyang labi. "Well, I am
Resty Escariaga. I am the son of the owner of this club."

"And?"

Does he think that's enough reason for Brix not to kill him? Just because he is the son of the
owner of this club? The club that Brix won't hesitate to burn down if he gets annoyed?

"Meh. My Dad is Lord Romualdo Escariaga. One of the seniors of Nightfall Clan. Co-league of
Lord Severo and other seniors." He seemed proud and confident with that. "If Brix hurt me, he
would put his position at risk. He has been earning it by decades now and just to be ruined by
this? Nah."

Kung kanina ay naaangasan pa ako sa kanya, ngayon naman ay nandidiri na. Akala ko pa naman
ay may sasabihin siya na ikalalaglag ng panga ko sa gulat, na kaya niyang tapatan si Brix. Kapit
lang pala sa itaas ang pinanghahawakan niya.

"You know what, Mr. Escariaga? Just fill my tray. You are the son of Ma'am Tessa, good for you.
Pwede kang magbulakbol sa trabaho. Not me."

"I got you— oh, shit!" Stunned expression registered on his face while looking behind me. "Shit.
Shit. Why now? Why in my watch?" patuloy pa rin ito sa pagmumura.

Nagtaka ako nang biglang tumahimik ang paligid. I thought it was because the devil has arrived
but no. The moment I saw a group of vampires entering the club, I felt goosebumps all over my
body. They were being led by the one and only leader of Nightfall Clan, Lord Severo Cardinal.

"The seniors are here," Resty mumbled, feeling uncomfortable. "And Dad's not with them. Shit
man. I can't do this."

My lips parted. So... they are the seniors of Nightfall Clan. Pansin naman sa porma ng mga ito at
kung paano sila tumindig na matataas ang posisyon nila. Ngayon ay nangatog ang mga tuhod ko.

"Shit. You serve them, Astra," tulak sa akin ni Laura na nakalapit na pala. "I can't do this, too. This
is too much for me."

I gulped hard. "W-why me? Bago pa lang ako rito. Baka pumalpak ako!"

I don't even know who they are.

Halata ang pangamba sa mukha ni Laura. "N-no. Kahit na mangyari 'yon, may magtatanggol sa
'yo. Lord Severo is here, too. Kilala ka na niya. Not me. Please do us all a favor, Astra."

"Ikaw ang team leader, Laura—"

"Shut up," putol ni Laura sa isang waitress na kasama rin namin. "Astra can handle them. Please,
Astra? Wala akong kapit kapag pumalya ako. Do you want me to die? Ganyan ka ba, Astra?"

Oh, damn! Kapag ba pumalya, buhay ang kapalit?

Bumaling ako kay Resty na nagkunwaring abala sa mga alak. Napaikot na lang ang mga mata ko.
Kung makapag-angas ito kanina— oh, shit. How should I approach them?

"Here." Nilapit sa akin ni Resty ang tray na may laman ng mga shot ng alak. "Goodluck, Astra.
Serve them will all respect. Never say something unless you are being asked to. And most
importantly, just bow your head."

That makes me shiver.

"I-I don't think—"


"Come on!" Tinilungan ako ni Laura na ilagay sa palad ko ang tray. "Just ask them for drinks and
that's all. Hindi mo naman kailangang magtagal sa kanila. The faster, the better. Still, you need to
be careful and respectful."

Namawis ang aking palad. Pakiramdam ko ay mabibitiwan ko ang tray na hawak ko o 'di kaya'y
madadapa sa harapan nila. Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam nito. Halos lahat dito ay
halatang kabado.

"Goodluck." Resty patted my shoulder.

Madiin akong pumikit sandali. Breathe in, breathe out. I'll just pretend they are regular customers,
except they are not and I am so dead if I fail.

Naglakad na ako palapit sa lamesa nila. Mas lalong nangatog ang mga tuhod ko habang palapit
ako nang palapit sa kanila. Dinig na dinig ko na ang mga tawa nila.

I gulped as I approached them.

Head bowed, I asked them, "Would you like to drink or not?"

Oh fucking shit!

That's not it. Parang pinagbabantaan ko sila.

Natigilan ang pagtawa nila at biglang tumahimik. Ngayon ay alam kong halata na ang panginginig
ng katawan. Gano'n pa man ay pinanatili ko ang pagkakatungo ng ulo gaya ng bilin ni Resty.

"Astra?" That's Lord Severo.

Should I respond?

"You are working here?" he asked again.

"Oh, Brix's slave?" Another voice entered my ears. "I didn't know that elusive guy has great taste
on women." Sinabayan niya pa 'yon nang mahinang pagtawa.

"Astra?" tawag uli sa akin ni Lord Severo.

"Y-yes, My Lord," I responded.

Did I do it right? My Lord? Should it be just Lord Severo? Napamura ako sa isipan ko.
Nagkabuhol-buhol na ang mga naiisip ko. Pati yata ang dila ko ay tila dumikit na.
"May I see your drinks?" Isang hindi familiar na boses na naman ang nagsalita.

Maingat na ibinaba ko sa lamesa nila ang tray na naglalaman ng iba't ibang shots. Napatingin ako
kay Lord Severo. Mabilis na yumuko uli at hindi na nagtangka pang lingunin ang ibang kasama
niya.

"No tequila here," sabi ng lalaking nagtanong kung ano ang mga dala ko. "One tequila for me,
please? Saka vodka kay Lord Wenson at Lord Reggar . You are fine with wine, Lord Severo?"

Kinuha ko ang notes ko at nilista ang mga sinabi niyang wala.

"Leave the tray here and get their orders, Astra," ani Lord Severo.

"Okay." Tatalikod na sana ako para magmadaling umalis nang makalimutan ko ang paggalang.
"Po. Okay po. Sandali lang po. Kukunin ko po ang order niyo nang buong puso." Saka na rin ako
nagkumahog bumalik sa counter.

Halos yumakap na ako kay Laura nang salubungin niya ako.

"What happened?" tanong nito.

Pulang-pula ang mukha ko. "Shit!" pigil ang pagtili ko.

"May nangyari ba?!" alalang tanong ni Laura. "Bibitayin ka na?! Bakit?! Ano nagawa mong
katangahan?!"

"Drink first." Inabutan ako ni Resty ng isang shot at inisahang lagok ko 'yon. "Calm down, Astra. I
think you did well." Napatingin ito sa hawak kong note at kinuha 'yon.

"Tequila and vodka," buga ko ng hangin.

Hinawakan ni Laura ang braso ko at hinarap ako sa kanya. Nag-aalala ang tingin nito. Parang
gusto ko na mag quit sa trabaho na ito para hindi ko na kailangang bumalik sa table nila.

"What happened? Magsalita ka nga gaga!" singhal ni Laura.

Umiling ako. "Wala ang ibang alak na gusto nila. Hindi ko na yata kayang bumalik doon, Laura.
Baka mahimatay na lang ako bigla sa sobrang kaba."
"Hey, hey! Nakaya mo na, Astra. Kailangan mo na lang ngayong bumalik para ibigay ang alak na
hindi mo nadala. Tapos... tapos na. Hindi ka na babalik sa kanila!" Saka niya ako binigyan ng
isang matamis na ngiti.

I bit my bottom lip.

"Here." Inabot sa akin ni Resty ang isang aluminum container na pinuno ng mga yelo, nasa loob
ang mga bote ng vodka at tequila. "Idol na talaga kita, Astra. Ang tapang mo!" aniya pa.

Okay. I did it before, I will do it again.

"Wish me luck." I rolled my eyes as I turned my back and walked again towards the seniors.

This time, hindi ko napigilang hindi lingunin ang mga kasama niya. Halos magkakasing-tindig lang
silang lahat. Pero may isang nakapukaw sa aking atensyon. Isang lalaking sa tingin ko ay kasing
edad lang ni Brix. He doesn't even look like one of the seniors. Parang anak lang siya ng isa sa
kanila. Siya agad ang mapapansin mo lalo na kulay abo ang kanyang buhok.

"Vodka and tequila." Saka ko dahan-dahan na nilapag sa lamesa ang container. For some reason,
I am not shaking now. Maybe it's all at first. "Is that all?"

"Have a seat," said Lord Severo.

What?

"Astra, please take your seat and let's have a little conversation," pag-uulit ni Lord Severo nang
hindi ako kumilos. "Don't be intimidated. Matagal-tagal na rin no'ng huli nating pag-uusap."

Huminga ako nang malalim bago tumabi sa tabi ng pinakabatang kasama nila dahil doon lang ang
may puwang. Magkadikit ang aking mga binti, nakayuko pa rin ako.

"Meet Lord Trojan." Umangat ang tingin ko sa lalaking pinakabata na pinakilala ni Lord Severo.
"He's the youngest part of this league. Followed by Lord Escariaga. He's not here though."

Lord Trojan just nodded at me as he poured drink on his glass.

"And... Lord Wenson, Lord Reggar. Meet Astra," pakilala ni Lord Severo sa dalawa pa. "Brixton's.
Look how gorgeous she is. I told you. My son never disappoints." He chukled as he gulped his
drink.

"How's the life of being a vampire, Astra?" Lord Wenson asked. Siya ang pumuna kanina sa akin.
"Mukhang hindi ka naman nahirapan sa malaking pagbabago ng buhay mo ah?"
Tumikhim ako. "I always crave for blood, My Lord."

Lord Severo and Lord Wenson laughed in unison.

"That's good. How's the transition?" sunod na tanong ni Lord Wenson. Nagsalin ito ng alak sa
baso at nilapit sa akin. "And... one more thing. Hindi niyo pa pala isinakatuparan ang ritwal. Lord
Severo, what's taking the celebration so long?"

"Brix isn't ready yet," simpleng sagot ni Lord Severo. "I think he's still doubting if he really wants
Astra. Just give him enough time. Sooner or later... he will also decide."

Natigilan ako. So... I am not officially his yet?

Wala sa sariling ininom ko ang binigay na alak sa akin.

"Mukhang natitipuan mo yata si Astra, Lord Severo?" puna ni Lord Trojan.

Napatingin ako sa kanya. Nakangisi ito habang nakatingin kay Lord Severo. Prenteng nakasandal
sa couch at hawak ang baso na may laman na alak. Nakabukas ang ilang butones ng kanyang
polo.

"She's such a catch, Lord Trojan. Can you blame me?" Humalakhak si Lord Severo. "If Brix won't
decide to take her. I don't want her to be with someone else. Lalayo pa ba tayo?"

Nanuyo ang lalamunan ko.

"Anyway, Astra. Are you attending the party on Saturday?" Lord Wenson questioned. "Or... are
you even aware of that event? Knowing you are under Brixton who doesn't care about such
events."

Tumanga ako. " Master Oscar has already told me that. But, If Master Brix won't attend—"

"Be my date on Saturday," biglang sabi ni Lord Severo na ikinatigil ko. "You will attend the party.
Don't worry, Astra. Ako ang bahala sa lahat. You just need to show yourself to everyone and bless
them with your stunning face and body."

Itinago ko sa ibaba ng lamesa ang mga nakakuyom kong kamao. Now, this man talks like a
pervert boomer who hasn't be in bed with a woman for a fucking long time. Shit!

"I'm sorry, Lord Severo. Pero sa tingin ko ay kailangan mo pa ring humingi ng pahintulot kay Brix."
Nagsalita na rin sa wakas si Lord Reggar. "She's still under his commandment. Don't you think,
My Lord?"

Lord Severo shrugged his shoulders.

"Alam mo namang ibibigay ng anak ko lahat ng makapagpapasaya sa akin, Lord Reggar. Kung
gugustuhin kong makuha si Astra, hindi siya magdadalawang-isip na ibigay siya sa akin,"
pagmamayabang ni Lord Severo.

Yeah. Just like how you use that as your leverage to make him do cruel things and to everyone
fear him. I'm starting to get irritated now.

Tumawa si Lord Wenson habang mahinang tumatango. "Well. See you on Saturday then, Miss
Astralla Martin," aniya sa akin.

"You wish— I mean. Let's see, My Lord," agap kong sagot. Ito ang mahirap sa akin, misan ay
hindi ko maitago ang emisyon ko. "Pwede na po ba akong bumalik sa trabaho? Marami pa kasi
kaming ginagawa."

"Yeah. Sure," si Lord Wenson.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Lord Trojan na tila nang-aasar pero hindi ako lumingon sa
kanya. Nanatili ang atensyon ko kay Lord Severo, naghihintay ng kanyang salita para tuluyan na
akong makalaya sa pwesto nila.

"You don't seem happy with my invitation, Miss Martin," puna ni Lord Severo. I see. I'm being
transparent again. "Don't you want to be my date that night? Are you decling my invitation?"

I shook my head. "I think Brix will attend that celebration, too, Lord Severo. You two can date me
at the same time. That would be even more fun, don't you think?"

I flashed my wicked smile.

"Brix never attended that celebration before, Astra." Si Lord Wenson.

"What makes you think he will attend?" manghang tanong ni Lord Severo.

Nagkibit-balikat ako. "Maybe because I'm such a catch just like what you've said earlier? See you
on Saturday, Dear Lords." Saka na ako tumayo. Yumuko muna ako bago umalis.

Imbes na sa bar counter ang diretso ko ay pumunta ako sa Rest Room. Nag-aalab ang dibdib ko. I
am starting to feel something with that boomer. Siguro ay ayos pa kung inimbitahan niya lang ako,
pero 'yung sasabihan niya ako ng mga gano'n?
"Fuck it!" I said in frustration.

Napatukod ako sa lababo.

What now, Astra?

Brix... I will make him attend that party. If I am going to attend that celebration, he should, too. If I
have a date that night, it should be him. It's only Brixton Wenz Cardinal.
Chapter 23

Chapter 23: Officially

Nagpalipas pa ako ng sandali sa loob ng rest room para ayusin ang sarili at para din pahupain ang
mga nagkabuhol-buhol sa isipan ko. Pagkalabas ko ay si Laura ang agad na tumambad sa akin.
Mukhang kanina pa ito nakatayo, hinihintay ako.

I was about to pass her when she blocked my way. I knew it. She really waited for me to come out.

Tumikhim ito. "I'm sorry for pushing you under pressure, Astra. I know you are new here and you
don't have enough knowledge when it comes—"

"I'm fine," I cut her out. I wanted to smile to give her assurance but I couldn't. Not at this moment
that I'm still on the process of grasping things on my palms. "It's part of my work. I did it. It's done.
No need for this, Laura."

I tried to make my explanation shorter and clearer as much as possible and for her not to worry
anymore. I don't have time for this pettiness. That's not what I need right now.

Lumungkot ang mukha nito. Hindi pa rin kumbinsido sa sinaad ko.

"What happened?" she asked as she swallowed. Bahagya siyang gumilid nang may dumaan at
pumasok din sa rest room. "Pinaupo ka pa sa tabi nila. Ano ang pinag-usapan niyo?"

Umiling ako. "Nothing serious. Look, Laura. I am under Brixton's authority. You know him.
Maraming connection ang kanyang pangalan at ngayon na nasa pangangalaga niya ako ay dawit
ako roon. This is one of them. Not to be rude but I don't think you can't comprehend it even if I tell
you."

Umawang ang bibig niya pero agad ding tumikhim. Tumango ito at nagpalitaw ng tipid na ngiti sa
labi. I didn't want to sound rude but I don't think I succeed.

Bumagsak ang tingin ko sa kamay kong hinawakan niya. Hinaplos niya 'yon na parang
sinusubukang pagaanin ang nararamdaman kong hindi niya mapagtanto.

"Thank you. Kung may kailangan ko, huwag kang mahiya ah?" aniya. "Babawe ako sa 'yo.
Salamat uli."

Tanging tango lang ang nakuha niyang sagot sa akin.

Pagkabalik namin sa main ay naabutan namin na palabas na ang mga seniors. Kinausap sila ni
Ma'am Tessa. Wala man lang bahid ng pagkailang sa kanya kahit na matataas ang kanyang mga
kausap. Not surprising, her husband is one of them. She's definitely almost on the same level as
them.

"Did they harass you?" usisa sa akin ni Resty.

Napaikot ang mga mata ko. Pagkatapos kay Laura ay siya na naman. Buti na lang at wala sa
paligid si Arki dahil baka malamang ay sumunod siya sa pang-uusisa sa akin.

This is what I hate most – explaining myself. I don't really explain myself that much. If you think I
am an unfriendly bitch just because you don't see me smiling often or initiating a conversation, eat
shit. The hell I care.

Ito ang pag-uugali na hindi ko namana kay Mama. She was literally an angel while I am... until
provoked.

Umupo muna ako sa high stool at hinayaan muna ang iba na mag serve. I think pang-isang buwan
na trabaho na ang katumbas ng paninilbihan ko sa mga seniors na 'yon.

"Anyway, what do you think, Astra? Do you want to go out with me?" pangungulit na naman niya.

Here we go again.

"Shot," I requested.

Kumuha ito ng shot at binigay sa akin. Inisahang lagok ko 'yon. Lahat ng alak dito ay may halong
dugo. Gano'n pa man ay hindi sapat para tuluyang mapatid ang uhaw namin sa matagal na oras.

"You good?" he interrogated. "What really happened back there? You seemed infuriated when you
walked out. Those boomers really harassed you huh?"

"Stop calling them boomers." Dumating na rin si Ma'am Tessa. As usual ay nakangiti na naman ito
sa akin. "I'm glad you kept them entertained while I was away, Astra. Ang laki na talaga ng
naitutulong mo sa Nightscape Club."

I just gave her a wry smile.

"Do you want to go home now?" tanong pa nito. "Hindi pa tapos ang duty mo pero sige lang."

Umiling ako. I don't want to go home yet. Tahimik doon at baka mas lumala ang mga nasa isipan
ko. At least here, I am kind of entertained.

Tumabi sa akin si Ma'am Tessa. "Honey, what's wrong? Did they say something..."

"I think they harassed her, Mom," pagsusumbong ni Resty. "She was good earlier but now... ang
ganda mo kasi, Astra. Sabi sa 'yo labas tayo min—"

"Work, Resty. I am still paying your ass," Ma'am Tessa cut him out.

"Tell her to date me, Mom!"

"You can't force a woman to date you, Resty. Kung ayaw ni Astra, leave her alone. Bigyan mo
muna nga kami ni Astra ng maiinom bago ka umalis," utos pa nito sa anak.

Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa iba't ibang klase ng bote ng alak na naka-display
sa hindi kalayuan. Ang mahinang music kanina ay bumalik sa dagundong. Despite the roaring
sound, I can still hear Tessa clearly.

"Tell me," hamon ni Tessa. "Kung may makakaintindi man sa 'yo, isa ako roon. You know? I am
the wife of one of the seniors, Romualdo Escariaga. I feel the burden of that power."

Halos umikot ang mga mata ko. Naalala ko nung una ko siyang nakita sa office niya. May
kasamang ibang lalaki. Ngayon ay halos ipagmalaki niyang may asawa na siya.

"Here." Nilapag ni Resty ang isang bote ng alak at dalawang baso sa harapan namin. "Enjoy your
drinks. Hope you date me someday, Astra." At umalis na rin ito.

Kinuha ni Tessa ang bote ng alak at nagsalin siya sa dalawang baso. Inilapit niya sa akin ang isa.
Hindi ito umimik. Mukhang naghihintay pa rin na sagutin ko ang huling tanong niya.

I gulped my shot. Gumuhit sa lalamunan ko ang mainit na likido at naramdaman ko ang


pagkabuhay ng mga ugat ko. Mukhang mas marami ang blood content ng alcohol na ito kung
ikukumpara sa ibang nainom ko na.

"Lord Severo?" she suddenly asked as she poured a drink on my shot again. "Am I right, Astra?
Siya ba ang gumugulo sa isipan mo?"

"He wants to date me," diretso kong sabi bago uminom uli. "He wants me to attend the celebration
on Saturday. Maybe he wants to fuck me?"

"Oh." An amused sound escaped Tessa's lips. Pinaikot niya ang upuan ko paharap sa kanya.
"What did you say? Did you agree? What was his reaction?"
I just shrugged my shoulders.

"Pumayag ka?" tanong pa nito na ikinatawa ko.

"Can I say no?" I asked, feeling ridiculous.

"Well..." Napailing na lang din ito. "Still, he needs Brix's approval. You are under him. That's the
law. No one is above the law. Kung hindi papayag si Brix, hindi ka rin niya pwedeng pilitin."

Natawa na lang ako sa ikalawang pagkakataon.

"We are talking about his son here, Tessa. Not just another family member." Kinuha ko na rin ang
shot niyang hindi pa nagalaw at ininom 'yon. "And... not just his son." I snapped my fingers. "It's
his son who would do anything just to please his father."

Kung madali niyang napapasunod si Brix na pumatay, paano pa kaya na ako lang? Alam kong
hindi lang din ako mabitiwan ni Brix dahil ako ang kapit niya sa ama niya. He doesn't want to
disappoint him... even in the slightest point.

"Kausapin mo si Brix. Sabihin mo sa kanya na ayaw mo. I think he will understand you. Knowing...
it's Lord Severo Cardinal."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

She grimaced, struggling to say something.

"Come on, Tessa. What's with Lord Severo?"

"I mean..." Lumunok ito at napakapa ng idudugtong. "Fine. He doesn't date often. Mailap din sa
babae. Pero kapag napukaw mo ang atensyon niya... congratulations!" Sarkastiko itong tumawa.

Nanuyo ang lalamunan ko kahit na kaiinom ko lang. Nagsalin na lang uli ako sa baso at nilagok
'yon. Hindi lang isa. Nagsunud-sunod ang pag-inom na ginawa ko.

"Still, you are under Brixton. Don't worry. Malabong makuha ka pa niya. Unless..."

"Unless Brix gives up on me. Of course it will happen." Huminga ako nang malalim. I suddenly
remember when Brix told Lord Severo that he can have me anytime he wants. "So... am I going to
be the next mistress of the leader of Nightfall Clan— no, fuck. I'm still a slave!"
I laughed sarcastically. I don't know if it's because of the alcohol or out of frustration that I am
being pessimist. Siguro ay gusto lang talaga ako makasama ni Lord Severo at iyon lang. Still... the
possibility is there.

"We are still uncertain about that, Astra. Baka gumagawa lang ng paraan si Lord Severo para
mapapunta ka sa celebration na 'yon para sumunod din si Brix. Knowing Brix never attended
celebrations before."

Lumunok ako. "As in... never? Kahit na anong celebration?"

"Mabibilang lang sa daliri pero kapag present naman siya, parang wala rin. Nasa isang sulok at
umiinom mag-isa. Lalapitan siya ng mga pinsan niya pero wala siyang pakialam. We barely
remember he even attended."

"Dati pa ba siya ganito?"

Out of curiosity, there must be something behind this. Hindi naman puwedeng bigla na lang siyang
naging ganito. Oscar seems like a party goer. Dapat ay gano'n din si Brix since magkapatid sila at
magkasama na dati pa.

"Yes." She bobbed. Nagsalin ito ng alak sa dalawang baso at inabot sa akin ang isa. Ininom muna
niya ang sa kanya bago nagpatuloy. "Though not to the extent he wouldn't even attend at all. Yung
mabibilang lang sa daliri na dinaluhan niya? That's all before..."

Nagtaas ako ng kilay nang putulin niya ang sasabihin niya.

"Before?" bitin na tanong ko.

"Basta. Hindi naman talaga siya dating ganito kailap."

"I know the story, Tessa," sabi ko nang maintindihan ang parte ng kwento niyang nahihirapan
sabihin. "When his human friend died, everything has changed. It seemed like... he died with that
person, too."

Mapait na ngumiti ito. "Alam mo na rin pala?"

Tumango ako.

"Ang maamong demonyo ay bumangis," natatawa niya pang sabi. "Sure, he has been the beast.
But not this wicked. Not this wild. Now... he's untamed."
"The only one who can tame him is his father?" I asked.

She shrugged her shoulders. "You can say that."

Tumahimik kami pagkatapos. No. He's still untamed. I know one day... he will unleash the beast
again and all the hatred and emptiness he has been concealing. Darating ang araw na mapupuno
rin ito at hindi na makapagpipigil pa. I wonder what happens when Brixton unleashes his anger?

I shivered just with that thought.

"Oh, ang tahimik niyo yata?" puna ng kararating lang na si Resty. Nakangiti pa rin ito. "Napag-
isipan mo na ba ang alok ko, Astra? Ito naman oh! Isang araw lang naman 'yon."

"I want to go home," I mumbled out of nowhere.

Napatingin sa akin si Tessa. "Sure. Go ahead. Kami na ang bahala rito."

"Oo nga!" pagsang-ayon ni Resty. "Para na ring mapag-isipan mo na ang alok ko sa 'yo."

I hate to admit this but I suddenly missed Adrian. Ang daldal at kulit ng isang ito.

Tumayo na ako sa upuan ko at dumiretso uli sa rest room para magpalit ng damit. Nang
makapag-ayos ay hindi ako nag-atubiling lumabas na. Walang dumadaan na sasakyan kaya
naglakad pa ako sa terminal ng jeep.

Hindi pa man ako nakakarating sa terminal ng jeep nang may huminto na sasakyan sa tabi ko.
Bumaba ang bintana nito. Si Erikson na nakangiti.

"Sakay na," aya niya sa 'kin.

I didn't hesistate to hop in.

"Tapos na duty mo?" tanong niya bago nag-umpisang magmaneho.

Sumandal ako at tumingin sa kalsada.

"Have you seen Brix?" I asked.

"Hindi pa. Why?"


Hindi na ako sumagot. May ilang araw pa bago mag Sabado. Siguro naman ay makakikita ko pa
siya bago umabot ang araw na 'yon. I know I am hopeless... but I still want to give it a try. I still
want to convince him to come with me.

"What's bothering you?" he suddenly asked.

Tumagilid ang ulo ko, sa direksyon ng bintana. Pinagmasdan ko ang mga taong nadadaanan
namin. Nasaan ba ako ngayon kung normal pa rin ako? Ano ang ginagawa ko? Ano ang iniisip
ko? It's not I miss it. It's just... I wonder what could happen?

"Sa tingin ko ay matatagalan pa bago bumalik si Brix," bigla niyang sambit.

Napatingin ako sa kanya. "Saan siya pupunta?"

"Mission? It usually takes months," aniya na ikinabagsak ng mga balikat ko. Nakatingin ito sa akin
habang nagmamaneho. "Hindi ako sure. Hopefully not that long."

"Umalis na ba siya?" tanong ko.

"Hindi ko lang alam. May kailangan ka ba?"

Suminghap ako bago binalik sa labas ng bintana ang tingin. Tila nawalan na ako tuluyan ng pag-
asa. Hanggang sa makauwi ako ay wala akong imik.

I took a quick shower. I was drying my hair when I remembered Albina. Tumayo ako at kinuha sa
loob ng cabinet ang towel na ginamit ko kay Brix.

Wala sa sariling inamoy ko na naman 'yon.

"Iyan na ba yung ginamit na towel ni Brix?!"

Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Albina. Halos pumuso ang kanyang mga mata
habang nakatingin sa hawak ko. I don't think I still need to answer. Alam kong amoy na rin niya
ngayon ito.

"Give it to me," excited na utos niya.

I shook my head as I kept it inside the drawer again.

"Why are you here?" tanong ko. "Hindi ka pwedeng bigla na lang pumasok dito, Albina. What if
Brix is around? What do you think will happen?"
Umiling ito. "I made sure he's not around. Yung towel... bigay mo na sa akin."

Umiling ako uli. "Not until you answer my questions."

Umupo ito agad sa kama ko at pinakitang handa siyang makinig at sumagot. Hindi pa rin natitinag
ang malaki nitong ngiti. Mukha talaga siyang anghel na medyo malibog.

"Ask me," she dared.

I let out a heavy sigh.

"Sinabi mo sa akin na kaya kong paikutin si Brix kung gugustuhin ko," pag-uumpisa ko. "I think it
seems impossible but do you think I can make it happen even in just a couple of days?"

Mas lumawak ang ngiti sa kanyang labi.

"More details," she requested.

"Like... I want him to agree on my condition," I said.

"What condition?"

I glared at her. "Can you like suggest options kapalit ng paghingi ko ng kundisyon? 'Yon bang
mahihirapan siyang tanggihan 'yon? Na may chance na mapapayag ko siya?"

Tumitig ito nang ilang segundo sa akin bago tumango, tila naintindihan na ang pilit kong
ipinupunto.

"I get it." Tumayo siya at naglakad sa ibang bahagi ng kwarto ko. "Option one..." Humarap siya sa
akin. "Sex all day. You will let him do whatever he wants to you. Tie you down. Hang you.
Whatever he desires."

Napangiwi ako. "Next..."

"Option two... if the first option fails, sex for three consecutive days—"

"Tangina naman, Albina. Sex lang ba ang alam mo?"

"Ano ang gusto mong gamitin mo laban sa kanya? Puso mo?" Halos umikot ang kanyang mga
mata. "He doesn't like you, Astra. Hindi mo siya mapipikot. Pero lalaki pa rin siya... at
nakakaengganyo ang inilalahad mo sa harapan niya. If you can't get him through his heart, get
him through his crotch. That's it."
Napabuntonghininga ako.

"Paano kung pati 'yon ay ayawan niya?" tanong ko.

"Huwag kang papayag. Maghubad ka agad!"

"Wala na ba talagang ibang option? Baka naman may alam kang ikaw lang ang nakakaalam? Yun
bang magagamit ko laban sa kanya? Para mapapayag siya sa kagustuhan ko kahit man lang sa
sandaling panahon."

Ako na naman ang napaupo sa kama. Kahit papaano ay tinatanggap ko na rin na wala na akong
magagawa. Maybe the best thing to do now is to prepare for that day.

"Bakit ba? Ano ba 'yung kundisyon na gusto mong makuha?"

Tumungo ako at pinaglaruan ang mga binti ko.

"I just want him to come with me on the celebration that will happen on Saturday," I muttered,
hopeless. "Or else, I need to go with Lord Severo."

"Shit!" Pabagsak na umupo sa tabi ko si Albina. Hindi ko mabasa kung gulat ba siya o may ibang
dahilan pa. "You are doomed. You won't stand a chance if it's against his Dad. You know him,
Astra."

"I know..."

"Tragic. I don't think I can help you with this one." Ngayon ay tila maging siya ay nawawalan na ng
pag-asa. "Still... you need to give it a try. Tandaan mo ang mga sinabi ko, Astra. Do it."

Tinaas ko sa kama ang mga binti ko at niyakap ito.

"Pwede ko na bang makuha ang towel?" tanong niya.

"If your plan works," walang gana na sagot ko.

"Aw. Sayang. Sige. Goodluck! Baka biglang dumating si Brix."

Nang makaalis si Albina ay humiga ako sa kama. Tumitig ako sa kisame habang nag-iisip. I'm still
not officially his yet. That means... he can still give up on me. Wala akong hawak sa kanya.

It felt like a lightning struck my head and the looming cloud of thoughts disappeared.
Napabangon ako sa kama.

This is my fault.

The ritual... I need to do it.

I want to be Brixton's... officially.


Chapter 24

Chapter 24: Proud

Leaning against the lamp post, waiting for her to come out. Inabot na ako ng gabi kahihintay na
lumabas siya ng bahay nila. I am not even sure if she's still allowed to come out at this hour.
Walang kasiguraduhan, hindi ako nagpatinag sa tagal.

I breathed out as I pulled my jacker for a better grip on my body. Ayokong pumasok sa kanila dahil
ayoko rin namang makausap ang Mommy niya. Malamang na binalita na ngayon ni Dahlia sa
kanya na hindi na ako nag-aaral at ayokong matanong pa ukol sa bagay na 'yon.

I'm so tired explaining things that should be left unexplained.

Hindi ako nabigo. Ilang minuto pa ang lumipas ay natanaw ko ang isang babaeng lumabas ng
gate. Hawak niya ang kanyang cell phone at mukhang may pupuntahan. For a moment I wanted
to run to Dahlia, give her a tight hug and let her know how much I miss her.

But... I remained calm.

I showed myself without startling her. Natigilan pa ito at naniningkit ang mga mata, parang sinusuri
kung sino ang estrangherong babae na nag-aabang sa kanya.

Nilawakan ko ang mga braso ko, hinihintay siyang yakapin ako.

"A-Astra?" Lumapit pa ito nang bahagya sa akin para ikumpirma ang kanyang hinala. Nanlaki ang
kanyang mga mata at tumili nang malakas. "Astra!"

I stiffened when she ran and gave me a tight hug. I couldn't help but to close my eyes and feel her
embrace. Damn. I didn't know how much I miss her until I saw her again.

"Ano ang ginagawa mo sa labas?!" Hinarap niya ako. Kumislap ang luha sa kanyang mga mata.
"Kanina pa ba rito? Why didn't you come inside? Are you cold?"

I shrugged my shoulders.

"I was just passing by," paggawa ko ng alibi. "Saktong nakita kitang palabas ng gate niyo.
Surprised?"

She pouted her lips.

"So.. you really were not planning on visiting me huh?" may halong pagtatampo sa kanyang
boses. Humalukipkip pa ito. "Huh! Ako dapat ang pupunta sa inyo eh!"

"Ow. Musta naman?" I felt a lump got in my throat. I tried my best not to let her know how much I
miss her. Baka akalain niyang may pumipigil sa akin para kitain siya. Knowing this girl.

"I miss you, Astra." Bumagsak na ang kanyang mga luha. "Oh, God. I miss my best friend so
much!"

Instead of saying something, I pulled her for another hug. Kung magsasalita ako ay malalaman
niyang naiiyak na rin ako. I don't want her to worry about me. Gusto kong sa tuwing maghihiwalay
kami ay alam niyang malakas ako at hindi natitinag kahit na ano mang dumating.

All I want whenever I need to wave my goodbye is to let them know I got this, I'm fine. I'm strong.
Even though deep inside, I'm breaking into pieces.

"Coffee?" I asked. "Pero baka bawal ka na—"

"G!" Tumalon ito sa tuwa.

Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada. Ang dami nitong kwento
na hindi ko masundan. Mabilis siyang magpalit ng topic. There's always another topic inside a
topic, kaya bitin ako sa mga kwento niya. Hindi pa siya nakatapos ng kwento.

"How's your life?" she suddenly asked. "Ako lang ba ang magkukwento dito aber?"

Tumungo ako. Pinagmasdan ko ang mga binti naming halos sabay humakbang.

"Breathing fine," I chuckled. "Seriously, I am good."

"Wala ka bang kwento sa akin?" tanong pa nito. "Come on, Astra! Ang tagal nating hindi nagkita
tapos ganito lang? Say something. Bahala ka. Iisipin ko niyang hindi magandang ang
pinagdadaanan mo. Do you want me to worry about you?"

Nakangiting napailing na lang ako. I didn't know I would miss her talking so much. Dati ay iritang-
irita ako kapag sa isang salitaan ay marami siyang tanong pero ngayon...

"I am working," I said. "It's all good. Well. At least. See? My body is in a good condition."

Silence took over us after I said that. I don't know if she believed me or what, knowing she knows
me well. But I have prepared stories just in case she won't.
"You know what? I don't want to ask questions anymore." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi
niya. Diretso lang ang tingin nito sa kalsada. "It's not like I don't care, it's just I don't want to
pressure you to make up stories. Ang importante ay kasama kita ngayon. You look good... really."

Diniretso ko uli sa daan ang aking mga mata dahil naramdaman kong nagtubig ang mga ito.
Damn. Why am I being so emotional? Na-miss ko lang siguro talaga ang mga ganitong
pagkakataon. Walking with her, talking about random things.

I don't even know when will be the next time that I will see her... or will I still be.

May nadaanan kaming isang machine ng coffee. Kumuha kami ng tig-isang cup. We are taking sip
on our coffee while still walking. Tahimik lang kami. I don't even know what to say.

"Hindi na pumasok si Kristan," malungkot niyang sambit.

Hindi ako kumibo. Oh, shit! No. I am not going to cry. I promised that to myself. But whenever
Kristan crosses my mind, I feel sorry for him. I pulled him in my miserable life and now... he's
gone.

"Astra?"

Napatingin ako kay Dahlia. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kamay ko. Saka ko lang
napagtanto na nalukot ko na pala ang styrofoam na lalagyan ng kape at tumatagas na ang
umuusok na kape sa kamay ko.

"Ouch!" I reacted.

I bit my bottom lip to halt my laugh. That was a late reaction.

"Geez!" she rolled her eyes.

Binigay sa akin ni Dahlia ang tissue na kinuha niya sa coffee machine kanina. Pinunasan ko ang
tumulo sa kamay ko at sa gilid ng lalagyan ng kape.

"Ouch daw. Ano 'yon? No'ng sinabi ko pa lang ay doon mo lang naramdaman ang init?" Umirap
pa ito. "Ang daming weird na napapansin ko sa 'yo— hays! Ayoko na mag-isip. Ang selfish mo pa
naman sa mga sagot!"

Imbes na mag-aalala ay natawa ako nang malakas. Mas lalong humaba ang nguso nito. Gamit
ang malaya kong kamay ay inakbayan ko siya.
I put my lips near her ear and whispered, "You are better off without me, Dahlia."

She looked at me in disbelief. Umawang ang bibig nito, parang may gustong sabihin pero mabilis
din niya itong tinikom. Confused reaction crossed her face.

"Weirdo," she mumbled.

I bursted out into laughter. She thought I was making fun of her but... I meant it. Nawala na si
Kristan, ayokong maging siya ay madamay pa. That would be unbearable anymore. Mas okay na
sa akin na hindi ko na siya makita pa ngunit alam kong ligtas siya.

I am starting to push everyone I love away from me just for them to be safe. It sucks but I have no
choice. Saka tinanggap ko na rin na hindi na talaga ako pwedeng makihalubilo sa mga tao.

Bago pa man mas lumalim ang gabi ay hinatid ko na rin si Dahlia sa kanila. Kanina pa kami sa
labas ng gate nila pero hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko.

"Tatayo lang tayo rito buong magdamag?" pabiro kong tanong.

My smile disappeared when she cried. Hindi lang basta iyak dahil humahagulgol pa ito. Still, she
didn't let go of my hand.

"What's wrong?" I asked, confused.

She sobbed heavily. "I just miss you, Astra. Na-miss kitang kasama tuwing break time, tuwing may
homework sabay tayong gumagawa. I miss the sleepovers. Gaga ka ba? What's wrong ka d'yan!"

Aw. That melted me.

"But—"

"Dito ka na matulog," putol niya sa akin. I saw the determination on her weary eyes. Mas
hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "After that, I promise to stay away for a while.
Kahit na ayoko, pipilitin ko. I promise, Astra. Just sleep with me tonight. I want my best friend back
again... even just tonight."

How could I say no? No. I can't say that.

I let out a heavy sigh as I nodded.


Sumigla ang kanyang mukha. Mabilis na pinahid nito ang mga luha sa mata bago ngumiti.

"Talaga?!" Halos tumalon na ito sa tuwa. "Gano'n mo na talaga kagustong makalayo sa akin 'no?"
pabiro niya pang sabi, hindi natinag ang ngiti sa labi. "Pero, sure! Yes! Yes!"

This is the least thing I could do to ease her sadness.

As expected, pagkapasok ko pa lang ay ang Mommy agad ni Dahlia ang sumalubong sa amin.
Hinila niya pa ako sa sofa bago sinimulan ang mga tanong. Manang-mana talaga sa kanya si
Dahlia kung makausisa.

"If financial problem, pwede naman kitang pag-aralin," sambit pa nito sa seryosong tono. "Hindi ka
naman iba sa akin. Just go back to school, sayang ang panahon. You and Dahlia can go to the
same university!"

"Personal reason po kasi, Tita," pagrarason ko.

"Too personal for you to even stop your study?" she questioned.

I looked at Dahlia, giving her a hint look to help me explain. I am running out of explanation.
Mukhang nakuha naman niya 'yon kaya nagsalita na rin siya. Nahirapan kaming kumbisihin si Tita
pero sa huli ay wala rin itong nagawa.

But then again... it feels good to know that someone cares for you.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat kami agad ni Dahlia sa kanyang kwarto. Parang batang
tumalon-talon pa ito sa kanyang kama. Hindi man sanay ay sinabayan ko na lang siya.

Tawa lang kami nang tawa. Nang mapagod ay pabagsak kaming humiga sa kama. Hinihingal ito
pero ako ay kalmado pa rin. Dinig ko pa ang mga mahinang bungisngis nito.

Tiningnan ko ang picture ni Eliyah na nakadikit sa pader.

"Braid ko buhok mo, Astra!" aya niya sa 'kin.

Umiling ako. "Matutulog na tayo..."

"Sige na!"

Hinila niya patayo at sapilitan na hinarap sa kanyang tukador bago ito tumalikod at nagmadaling
kunin ang kanyang mga gamit. Nanuyo ang lalamunan ko nang makita ang pumipitik kong imahe
sa salamin.
Shit!

Mabilis na tumayo ako at umalis sa harapan ng salamin. Mukhang hindi 'yon napansin ni Dahlia
na hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ng panali.

"Hays. Ginalaw na naman ni Mommy ang mga gamit ko," reklamo nito.

Nang makuha niya ang gusto ay nadatnan niya ako uli sa kama. Ngitian ko lang siya.

"Diyan na lang tayo?" tanong niya.

Tango lang ang naisukli ko.

Umupo ako sa lapag habang siya ay nakaupo sa kama. Nakasandal ako sa kanya habang tinatali
niya ang buhok ko. We used to do this. Ititirintas ko ang buhok niya at pagkatapos ay ako na
naman.

"Don't you miss school?" tanong niya.

"Kind of," tipid kong sagot.

"Bakit kaya hindi na pumapasok si Kristan?' muli niyang pagbukas sa tanong na 'yon. "Hindi rin
nagt-text. Wala ka bang alam, Astra? Wala ba siyang nabanggit sa 'yo."

Lumunok muna ako bago sumagot.

"W-wala naman..." Pinagsalikop ko ang aking mga daliri. "How about Eliyah? Kumusta naman
kayo?" maagap kong pagbago sa topic bago pa man siya magtanong pa ukol doon.

I heard her let out a weighy sigh.

"Crush ko pa rin..." bulong nito. "Pero, weird. Minsan ay kinakawayan niya ako, minsan deadma.
Minsan kinakausap, minsan masungit. Ang gwapo nga kapag nagsusungit."

That made me smile. I find their story cute. I'm happy that Eliyah is starting to notice Dahlia. I
wonder if he still thinks about Nathalia?

"Who's the guy, Astra? Yung sumulpot sa bahay ni Tita Ophelia at sumundo sa 'yo?"
"I told you, Dahlia. Boyfriend siya ng pinsan kong si Celeste— ouch!" angal ko nang bigla niya
akong hampasin sa balikat.

Tapos na rin siyang itirintas ang buhok ko kaya bumalik na rin ako sa kama. Humiga ako habang
ang mga binti ay nakababa pa rin. Naramdaman kong humiga rin sa tabi ko si Dahlia.

"Akala mo naman mapapaniwala mo ako sa mga gawa-gawa mong kwento," dinig kong saad
niya. "Hmmp! Okay. Kung hindi mo masagot kung sino siya, ano na lang pangalan niya?"

Should I tell her? Pangalan lang naman e. I don't think that's a big deal. Hindi lang naman siya ang
may gano'n na pangalan.

"Brixton," I said and a memory of the guy who always wears white t-shirt and black pants flashed
in my mind.

"Brixton..." ulit niya. Naramdaman kong yumakap siya sa akin. "I don't know him. But... whoever
you are, please don't hurt Astra," she whispered, yawning.

Napangiti ako.

"Goodnight, Dahlia," I mumbled.

"Will I ever still you see again after this night?" she suddenly asked. "Weird but I feel like you are
drifting away. I don't want to lose my best friend but... I am happy for you, always."

That's the moment I closed my eyes and I let my tears fall down.

"Goodnight, Astra," she whispered.

Nanatiling nakapikit ang aking mga mata. I didn't move until I heard her snore. Kumawala ako sa
pagkakayakap niya at inayos siya sa itaas ng kama.

Hinawi ko ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"I'm sorry, Dahlia." Nanginig ang aking mga labi habang nakatingin sa kaibigan ko. "But we can no
longer go back to what we used to be. If you can't stay away from me, I will do it. Anything just to
save you. You asked me if this is this the last time you will see me... I don't know. But for now..." I
kissed her cheek. "Goodbye, best friend."

I stared at her for a few moments before I stood up. Naglakad ako paharap sa salamin. Sa gitna
ng pagpitik ng hitsura ko sa salamin, kitang-kita ko ang ayos ng pagkakatirintas ni Dahlia.
Hindi na ako nag-abalang linungin pa ito. Lumabas na ako. Nadatnan ko ang kasambahay nila na
nanunuod sa sala. Sa kanya na lang ako nakapagpaalam.

Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko nang makalanghap ng sariwang hangin sa labas. I put
my hands inside the pocket of my jacket as I walked away.

I'm planning to move out... away from them. May trabaho naman na ako. Makakaya kong buhayin
ang sarili. This is for the best. This is part of the changes in my life.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay si Brix ang nadatnan ko. Nakaupo ito sa sofa, halatang
kanina pa ako hinihintay. As usual, the guy is in white t-shirt.

Naagaw ko ang kanyang atensyon.

"Akala ko umalis ka na," saad ko. Inalis ko ang jacket ko at sinabit. "Sabi sa akin ni Erikson ay
may mission ka raw."

"He told me too that you want something from me?"

Napalingon ako sa kanya. "I don't remember I said something like that."

He crossed his arms on his chest. Pansin kong may dala siyang bag. So... mukhang aalis na nga
siya.

"Tell me..." he dared.

I stared at him. "You are leaving, there's no sense of telling you."

"I am giving you an order to say it. I'm not asking here," he gave me a deadly look.

I remember what Albina said to me. Nakatitig ako sa kanyang mga mata habang unti-unti kong
inaalis ang blouse ko. He didn't even cut his stare at me, too.

"Come with me on Saturday..." I said as I slowly taking off my pants.

I stood in front of him with just my underwear. Hindi natinag ang titig nito sa aking mga mata. He
didn't even look away or down. I'm losing it. I don't think it will work.

With all the guts left in me, I took off my bra.


Still, his straight face didn't budge.

"Be my date on Saturday, Brix. Please," I begged. "Or else... I need to go with your Dad."

Bumali ang leeg nito, hindi pa rin natitinag ang titig sa akin.

"Please?" I pleaded as I walked near him.

Nanatili ito sa kanyang upuan.

"So... Dad wants you?"

Bumagsak ang mga balikat ko. Hopeless, I nodded.

"Enjoy then." He smirked.

I just stared at him.

"What?" he chuckled. "Sa tingin mo ba ay ipagdadamot kita? If Dad wants to take you, go on. I
can't do anything about that."

"Are you scared, Brix?" I asked.

Kumunot ang noo niya.

"Why would I?" There was a slight annoyance in his voice.

Ako na naman ang ngumisi ngayon.

"You are giving up on me because you are scared of me." Ibinalik ko sa bra ko at pinulot din ang
aking pantalon. "I mean... as long as I am with you, your life is at risk. Good choice then."

"Reverse psychology won't work on me, Milady," he said.

"Then fucking own me and don't let anyone take me away from you, you dumbass!" I gritted my
teeth in anger but the jerk just chortled. "I'm fucking serious here, Brix. I don't want to be with that
boomer. I only want you!"

Imbes na mainsulto ito sa tinawag ko sa kanyang ama ay isang malakas na tawa ang kumawala
sa kanyang labi. I don't know why his laugh calms me.

"You are funny, I'll give you that." Ipinilig pa nito ang kanyang ulo. "But that's just a date. My Dad's
taste on women is beyond your capabilities. You are lowclass. Don't expect him to like you."

"But he wants to date me!"

"So, what? It's just a date."

"He wants to date me because he likes me, Brix!" Ibinutones ko ang pantalon ko bago sinuot ang
blouse. "Don't act like I'm not such a catch. He said it himself. Sa harapan pa ng mga seniors!"

Damn. Now, I'm acting proud of it.

"So... you met them?"

"Yes?" Umupo ako sa tabi niya. Binalingan ko ng tingin ang bag na nasa tabi ko. "Gaano katagal
kang mawawala, Brix? Saan ang punta mo?"

Huminga ito nang malalim bago umakbay sa akin.

"Weeks? Months?" he responded.

I leaned my head on his chest.

"Are you giving up on me?" I asked.

"You are mine, officially or not. I don't need permission for that," diretsong sambit nito. "As long as
you are breathing, you are my slave. You are linked on me."

I bit my bottom lip. Why am I feeling blushing now?

"So, what are we? Linked souls?" I joked.

"We don't have souls, idiot."

Ngumuso ako. Tumingala ako sa kanya. Nang bumaba ang tingin niya sa akin ay nagtama ang
aming mga mata. Why am I feeling comfortable with him all of a sudden?

"Are you leaving tonight?" bulong ko.

"Now," he said. "I just came here to let you know. I mean... you should know. Kahit wala ako, may
mga mata pa rin ako sa paligid. Also, Erikson will be hovering around. For damn's sake, don't do
stupid things."
I smiled. "Yes, Master Brix. I will always be here, waiting for you to come back."

Napatikhim ito at umiwas ng tingin.

Maging ako ay tila natauhan. Umalis ako sa pagkakasandal sa kanya at umayos na lang ng upo.

"I need to go now," he said. Kinuha na niya ang kanyang bag.

"Can we do the ritual when you come back?" Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. I will do it,
whatever it takes. Wala na akong pakialam kung ano ang mga bagay na kailangan kong
isakripisyo para lang matupad 'yon.

I want to be his... officially. This time... I mean it.

Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa akin at hinagkan ang aking labi. Without hesitation,
I responded to his kiss. Bumagsak kami sa sofa at gumulong pababa sa sahig. Hindi ako nasaktan
dahil siya ang sumalo sa bigat ko.

"We can do it tonight if you want to," he mumbled.

I chuckled. "You have a mission. Of course, for your Dad."

"Date my Dad, do whatever he wants," he whispered on my ears. He kissed my earlobes, down to


my jaw. "Make me proud, Astra. I want him to know how lucky I am for having you. Show me what
you got."

I gasped when his kiss went down on my neck.

"Anything for you, Master Brix..."

"Good. See you again, Milady..."

Just like that, he disappeared. Naiwan akong mag-isa sa sahig, nakatulala sa kisame. Wala sa
sariling napahawak ako sa aking labi.

All of a sudden... I am smiling.

Nagpalipas ako nang ilang minuto bago bumangon.

I added an event on my invisible schedule note.

Date with a boomer on Saturday.


Chapter 25

Chapter 25: Falling

Isang araw bago sumapit ang Sabado, isang marangyang sasakyan ang huminto sa harap ng
bahay namin. At first I thought, it just stopped there for some reasons. And yeah, I was right. It
stopped there for a reason and that's to pick me up.

"Order from Lord Severo," said by the driver in a monotone attitude.

I was just about to go to work but I didn't know I would have another schedule. Sumakay ako sa
marangyang sasakyan. Halos bumilog ang mga mata ko sa ganda at bango ng loob. Everything
was in black and I could tell just by its sight that it was worth more than I could ever earn in my
whole life.

I looked at the driver. Diretso lang ang tingi nito sa kalsada. Nakasuot pa ang shades niya.

"Do you know what's this for?" I asked.

In the back of my mind, I had a hint what's this for.

"I don't know," simpleng sagot nito.

Napairap ako. Ang cold magsalita, parang robot na naka-program lang para sunduin ako at hindi
para sagutin ang mga tanong ko.

I cleared my throat and tried to question again. "Are we going to the mansion?"

"Yes," he responded.

That's it.

I knew it. It could be the preparation for tomorrow. Damn. Right. The event will be tomorrow. Ilang
araw kong hindi ito inisip. Bizarrely, I am feeling thrilled.

After the skyscrapers, we are now passing the green field. I remember the first time I arrived at the
mansion of the Cardinals. Wala ako gaanong maalala na detalye. I was beyond upset and
muddled that time.

But If I remember a thing, this is the wide field on the way to the mansion. Ito lang ang tumatak sa
alaala ko. Ang hapon na hinatid ako ni Brix pauwi.
I breathed. It's been days since Brix disappeared. It's not like I miss him. Nakakapanibago lang na
walang biglang sumusulpot sa harapan ko at pagbabantaan ako gamit ang mga salitang
mapanakit.

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang mga higanteng pader at ang main gate na kulay black. May
mga lalaking nagbabantay roon. Magkakasing-katawan lang sila at pare-parehong may shades.

Malayo pa kami pero nakakamangha na ang laki ng mansion.

I suddenly felt uncomfortable. I am not expecting Nath or Brix to be there. Wala akong ibang kilala
sa loob maliban kay Mr. Billy. I just hope Oscar or Celeste will be there.

Binuksan ang dalawang higanteng tarangkahan nang tumapat kami sa harapan. I was welcomed
by the wide space filled with bushes and pine trees. Gano'n pa man ay natanaw na ang malaking
mansion sa hindi kalayuan.

"Stop here," utos ko.

Without asking, the driver stopped the car. Hindi ako nag-atubiling lumabas agad ng sasakyan.
Napasinghap pa ako nang malanghap ang malamig at sariwang hangin. Kulisap lamang at ang
makina ng sasakyan ang naririnig ko.

Nilapitan ko ang mga malalabong na halaman at pinaragasa ang kamay ko sa mga 'yon habang
naglalakad. Tinitingala ko rin ang mga pine trees. It seemed like I was in a maze and I didn't want
to find the way out.

"This is huge," I murmured.

"Yes."

Humarap ako sa likod ko. Nakasunod pala sa akin ang driver. Diretso lang ang tingin nito at
matikas ang pagkakatayo. Mas pinapapatotohan niya tuloy ang hinala kong robot lang siya.

Anyway... I continued to walk on the pathway filled with bushes. The floor was made of granite
stones. Everything here was screaming calmness and peace.

How could I miss the most breathtaking part of this hell?

"You can't go there," the driver stopped me when I was about to cross the line to go to the rose
plant nearby. "That's Lady Nathalia's roses. It's forbidden to get near to it or worse touch it."
I rolled my eyes. " I am friend with Lady Nathalia. I don't think this is a big deal. Saka aamuyin ko
lang naman!"

Naglakad ako sa mga rosas at nilapit ang aking ilong para amuyin ang bulaklak. I am not into
flowers but I think the ambiance and spirit of this place is really getting in me.

I closed my eyes while sniffing the fragrance of the flower.

"I didn't know heaven could exist in hell," I murmured.

I opened my eyes when I got satisfied. Tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Oscar.
Napakurap ako at nang mapagtanto kung sino ang kaharap ko ay napaayos ako ng tayo.

"You love flowers?" he asked, still smiling.

Napatikhim ako.

"Not really," kalmado kong sagot. "Kanina ka pa d'yan?"

Pumitas ito ng bulaklak at inamoy 'yon. He's still smiling when he lent me the flower. Tatanggapin
ko pa lang sana ito pero iniiwas niya rin agad sa akin.

"Flowers look good on your hand but..." Lumapit siya sa akin at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko
sa kabilang tainga. Doon niya nilagay ang bulaklak. "It's better beside your blushing face."

Mas lalong namula ang mukha ko.

"Wala ba 'tong tinik?" tanong ko.

He chuckeld while shaking his head.

"Do you really think I would hand you a flower with thorns?" Huminga ito nang malalim bago
sumulyap sa driver. "Welcome back to hell, Astralla Martin. I think your second time here is better
huh?"

"Yeah," tanging lumabas sa labi ko.

I'm still blushing. Shit.

"So... would you mind if I give you a quick tour around first?" he said as he casually put his hands
inside the pocket of his pants. "Or do you want the driver to do the pleasure which would make me
feel sad?"

I didn't hesitate to nod my head.

"I want you," I said.

Mas lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi. Tumagos ang tingin niya sa driver. Pagkatalikod ko
ay wala na ito. Whoa. That was fast.

"Shall we?" Oscar asked.

I was just beside Oscar while walking. Ni hindi ko nga magawang lampasan o paunahin siya.
Halos sabay ang mga yapak namin. He didn't stop explaining things to me.

Napansin ko ang mga ibang bampira na umaaligid. Malamang na mga guard 'yon. But unlike the
usual guards, they don't stay in one place. They hover around. Like... all of them. Kaya iisipin mo
na namamalik-mata ka lang.

"Everyting you see in red is Nathalia's," Oscar explained again. That's the time I gave attention.
"Could it be a tree, a flower, stone, water or even wind. It's all hers."

"Whoa. That was such a revelation!" I laughed.

"Yeah. She really loves red."

Nawala ang ngiti sa labi ko dahil mukhang hindi niya naintindihan na sarkastiko ang pagkakasabi
ko no'n. He even explained that everything Nathalia wears is red which is something I had realized
the first time I saw her. Dense.

"What's yours here?" I asked instead.

"Hmmm. The ranch!" he said and I could tell how thrilled he was with that thought. "I love horses
like I lost the count winning horse riding competitions. Do you want to see it?"

Tumango ako.
Imbes na papunta sa malaking bahay ang daan namin ay lumiko kami. Pansin ko agad na
napapabilis ang paglalakad ni Oscar. Mukhang excited talaga siyang ipakita sa akin ang lugar na
'yon na kulang na lang ay hatakin na niya ako para makabilis na maparoon.
"Let's go!" Tumakbo na ako.
Tumawa ito bago sumunod. Sa isang kisap-mata ay nagawa niya akong lampasan. I just pouted
my lips and he's already back beside me, pinapatayan ang bilis ko.
"You are slow huh?" he joked.
"It's just you are fast."
Hinatak niya ako sa kulay kayumangging kabayo na nakatali sa isang puno. Humuni ito nang
makita si Oscar. Maging ang kanyang kabayo ang malaki kung ikukumpara sa mga nakita ko na.
What in the hell is not big in here?
Binitiwan ako ni Oscar para lapitan ang kabayo. Hinawakan niya ang ulo ng alaga pababa sa
katawan nito. Hindi na mapakali ang kabayo sa kagagalaw.
"He's Armando. My main horse," he said, smiling. "We need to ride him to be able to reach the
ranch faster. Wouldn't you mind?"
I gulped. "Like... for real? I haven't ridden a horse yet."
Amused expression crossed his face. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano siya kagwapo
habang nasa tabi ng kabayo. He looked like modeling with the horse and I could catch thousand of
photos without the need of photoshop to look good.
Damn. He looked unreal.
"It's fine," he smiled that snapped me back from my thoughts. "We won't ride him if you're not
comfortable."
Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at nakaramdam ng hiya. Tumikhim ako. No. I want to ride
it. I mean... I want to experience to ride a horse.
"Let's go?" aya sa akin ni Oscar, hinayaan na si Armando.
"Wait," I bit my bottom lip.
Fuck it. Whatever.
"What?" he asked.
"I want to ride your horse, Oscar. But I want you to be gentle," I said and God knows how
embarrassed I am when Oscar cackled hard.
Does he even know how ashamed I am? Tinatawanan pa ako.
"I hate my mind sometimes," he said, still laughing. "Anyway, sure. I'll be gentle for you, Astra. You
will ride my horse and I am gonna make sure it won't hurt. Still, just a heads up. It's huge."
Saka siya humalakhak nang mas malakas. Sobrang pula na rin ng mukha niya dahil sa katatawa
sa isang bagay na hindi ko mapagtanto.
"Ayos ka lang, Oscar?" sarkastiko kong tanong.
Natatawa pa rin ito habang kinakalag ang tali at hanggang sa makasakay. He stared at me after
he stopped laughing. He looked confused this time.
"Is this how it works?" he asked.
What in the hell? I am so lost. Hindi ko masakyan ang mood niya. What is it this time?
"About?" tanong ko.
"Ako muna ba ang dapat na sumakay bago ikaw o ikaw muna?' tanong nito habang naguguluhan
pa rin. "Ladies usually go first but you are scared, right? Kaya nauna ako. Aalalayan naman kita."
I winced. "It's fine. No biggie."
"I told you it's big."
Pinigilan kong umirap.
"Come here," alok niya sa akin.
Inalalayan niya akong makasakay. Napayakap ako agad sa kanya nang gumalaw ang kabayo.
Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Oscar.

I get it. He's just happy whenever I am confused or scared.

"I'm sure you want to ride on Brix's horse, too."

"Does he even have a horse?" I asked.

"Of course, we all have. Can't tell which is bigger..." And he chuckled again. "I mean, even
Nathalia has one. It's big, too. Pero hindi naman niya sinasakyan lagi."

Okay?

"You good there?" he questioned.

"Yes. Dahan-dahan lang ah?" paalala ko.

"Hmmm. Okay. Just tell me when to go faster."

Hinigpitan ko ang yakap sa likod ni Oscar nang tumakbo na ang kabayo. Bumubunggo pa ang
mukha ko sa likod niya kaya kinailangan kong umatras nang konti.

He smells good, too.

"You are the first woman to ride Armando, Astra," he announced that immediately swept by the
wind. "Forgive me if I don't know how this works."

"No. I'm perfectly fine," sagip ko.

Ramdam ko ang pagpipigil nitong mas bilisan. Am I ruining the moment?

"Faster now, Oscar." And I closed my eyes.

"Damn. Thanks!"

Naramdaman kong mas bumilis ang pagpapatakbo niya. Hindi ko magawang pakawalan ang kapit
ko sa kanya para man lang maayos ang buhok ko na tinatangay ng malakas na hangin.

"Welcome to my ranch..."
That's the moment I opened my eyes. Sumalubong sa akin ang malawak at kulay berdeng
kalupaan. There were horses everywhere. Walang kulungan. Lahat ay malaya at kumakain ng
dayami. Sa hindi kalayuan ay tanaw ko ang malaking kamalig.

There's not much in the scene. It just feels I am in the world of horses. I just hope Oscar can't read
my thoughts. He seems joyful in the scene.

"What do you think, Astra?"

"Ay... wow!"

"I knew you would love it." Hininaan niya ang pagpapatakbo kay Armando. "They actually have
names. I mean... all of them. That one is Ermit... Fino... Yorge..."

Napasimangot ako nang umpisahan niyang banggiting ang pangalan ng mga kabayo. Hindi ko
alam kung mamamangha ba ako o mapapairap.

"That one is Cranos—"

"Oh, wow! Ang sarap ng hangin dito!"

"Yeah. Baba muna tayo."

Mauuna na sana siyang bumaba pero inunahan ko na. Binitiwan niya lang ang tali ni Armando
kaya tumakbo ito sa ibang panig at sumalo sa iba pa.

Malamang na kapag nalingat lang ako nang kaunti ay hindi ko na matutukoy kung sino si Armando
sa mga nagkukumpulang kabayo.

"How do you feel?" tanong ni Oscar. Umupo ito sa mga damo at tumingala sa akin. "I mean... you
are going to be my Dad's accompany tomorrow. How do you feel about that?"

I sat beside him. Tinanaw ko ang mga malayang kabayo habang pinaglalaruan ang mga damo sa
kamay ko.

"I don't know," I responded, honestly.

Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok.

"I'm glad you are going, don't get me wrong."

He caught my attention with that. Malayo ang tingin nito.


"It's just..." Huminga siya nang malalim bago humiga at ginawang unan ang kanyang mga braso. "I
don't know. You are right. I don't know is the right answer to that question."

"I bet it's going to be fun," I said.

Napatingin sa akin si Oscar.

"I mean..." Humagilap ako ng idudugtong. "You are there... and Celeste. I'm going to meet other
vampires. Conversations. Drinks. Fun."

"Yeah," he forced a smile. "Just don't impress him that much. Baka hindi ka na pakawalan ni
Papa." Saka siya tumawa.

"Err. Can't promise," I laughed, too. "I do it unintentionally."

"Wicked."

Humiga rin ako sa tabi niya. Pinagmasdan ko ang malawak at kulay asul na himpapawid.
Pinanuod ang iba't ibang hugis ng mga ulap at ang pagtawid ng mga ibon.

"I am happy you are now embracing who you are," dinig kong saad ni Oscar. "I still remember the
first time you learned about this. You were freaking out. You almost curse us."

I closed my eyes to feel the breeze.

"Ano sabi ni Brix tungkol sa pagsama mo bukas, Astra? Balita ko ay pinuntahan ka muna niya
bago siya umalis."

"Nothing. He just gave me the go signal. He wants me to impress you Dad."

I felt his attention darted on me. "Really? Just like that?"

"Don't tell me you are expecting him to stop me." I laughed, still eyes closed. "He also reminded
me not to do stupid things and he has eyes everywhere."

"Hmmm..."

Binuksan ko ang mga mata ko at tumingin kay Oscar. Sa himpapawid pa rin ang tingin nito.
"Bakit?" tanong ko.

"I see..." Nakangiting bumaling din sa akin si Oscar. "He's starting to take over the position."

Naguluhan ako sa sinabi niya.

Magtatanong pa lang sana ako nang maramdaman na may tumulong tubig sa akin, hanggang sa
bumuhos na ang malakas na ulan. Tumingala ako sa itaas. Sa isang iglap ay napawi ang
kaninang maaliwalas na himpapawid.

"I like the rain," Oscar said.

Hindi kami kumilos sa hinihigaan namin.

"Same..." I agreed.

"Brix, too..." banggit ni Oscar. "Anyway, we should get back now. Marami ka pang gagawin para
sa okasyon bukas. I'm sure Dad wants you to own that night."

He stood up and offered a hand on me.

"What do you mean Brix is starting to take over the position, Oscar?"

He just smiled at me.

Sa huli ay tinanggap ko na lang din ang kanyang kamay. Sumipol siya at hindi nagtagal ay may
isang kabayo na tumatakbo sa direksyon namin.

Napatingin ako sa damit kong basang-basa na.

"Let's go, Astra..."

Pagkarating namin sa malaking bahay ay si Mr. Billy ang agad na bumungad sa amin. Si Oscar
naman ay umalis uli para ibalik si Armando.

"Maligo muna kayo, Lady Astra," saad ni Mr. Billy bago bumaling sa dalawang babaeng nasa likod
niya. "Kayo na ang bahala sa kanya. Mayamaya rin ay darating na si Lady Merryl."

Yumuko ang dalawang babae bago lumapit sa akin.

"Sumunod po kayo, Lady Astra..."


Hinatid nila ako sa kwarto kung saan ako dinala rin dati ni Nath. Aktong huhubaran na nila ako
kaya agad ko silang pinigilan at pinakiusap na ako na lang.

"Sino si Lady Merryl?" tanong ko sa kanila.

"Siya po ang magsusukat sa inyo at mag-aasikaso, Lady Astra."

I see...

Pumasok na ako sa loob ng paliguan. Sumalubong sa akin ang halimuyak ng mabangong


bulaklak na malamang na nanggagaling sa bumubulang tubig ng bathtub at kandila sa paligid.

Hinubad ko na ang basa kong damit at itinabi sa gilid. Binabad ko ang katawan sa mabangong
tubig at pinahinga ang likod.

I let out a heavy sigh of relief. I can't believe I'm here again.

Pinahinga ko ang mga mata ko habang dinadama ang tubig sa katawan.

I couldn't help but to keep thinking about the vague words of Oscar earlier. What does he mean
Brix is starting to take over the position? Being the leader of Nightfall Clan? How?

How's that connected to me dating his father?

Does Brix have a plan? Is he playing a façade game just like I do? Am I also a pawn on his game?

My fists clenched.

Am I falling on his game?


Chapter 26

Chapter 26: Cry


I wrapped the cyan silky bathrobe around my body after bathing. I could smell the fragrance that
lingered on my skin. Pansin ko rin na bahagyang kumintab ang kutis ko. I wonder what substance
is mixed with the water that it has this kind of effect on skin.
Lumapit ako sa salamin para tingnan ang hitsura. Mula sa pumipitik na reflection ko ay agad kong
napansin ang isang bagay na nawala sa tainga ko.
I gasped and muttered soft curses.
Bumaba ang tingin ko sa sahig at pinuntahan din ang bathtub na pinagbabaran pero bigo akong
makita ang rosas. Wala rin sa basa kong damit. It must have fallen on the ranch when I lie on the
grass or got swept by the wind when we were on the way there.
Still, I tried to look around the place.
Hindi sana ako matitigil sa paghagilap kung hindi ko lang narinig na may tumikhim sa likod ko. A
guy with a red mohawk hair style and in white turtle neck long sleeve wrapped just an inch away
from his elbow appeared. He has full make up on, highlighting his long eyelashes.
"I've been waiting for you to come out, Miss Astra." His voice was a wixture of raspy and sweet.
Wala sa sariling napayakap ako sa katawan ko.
"S-Sir... you are not allowed here," I said.
I stepped backwards. What the hell is a guy like him doing in here? I am not wearing anything
aside from a bathrub wrapped around me that can be easily disrobed.
"S-Sir?" He bit his bottom lip and closed his eyes for a moment. "Let's get this straight, aright? I
am not a sir. I hope I won't hear that noun from your lips anymore. Second of all, I am here to help
you for your outfit for tomorrow and everything."
My lips slightly parted when I realized who he is.
"Anyway, I'll wait outside. Pakibilisan lang." Umikot pa ang mga mata nito bago lumabas uli.
Naiwan akong napapangiwi. That must be Lady Merryl.
Pagkalabas ko ng Bathroom ay naabutan ko si Lady Merryl na nilalatag ang iba't ibang klase ng
dress sa mahabang. Pansin ko rin na medyo iritado ang mukha nito. Malamang na dahil sa
pagsalubong ko sa kanya kanina.
"I-I'm done," I said but I didn't get a response.
Dahan-dahan akong umupo sa sofa pero agad din akong napatayo nang bigla siyang tumingin sa
akin gamit ang kanyang mga nanlilisik na mata.
"Red or black?" he asked.
"Any—"
"It isn't in the choices," he cut me out.
I gulped. "Red..."
He nodded.
"Why?" he questioned again.
Napakapa ako ng sagot.
"Because I like blood?" I responded, unsure.
"Geez! Kilala mo ba talaga kung sino ang ka-date mo bukas?" may halong panunuyang tanong
niya. "You are going to date Lord Severo, the leader of our clan. Let's be professional here. I don't
want to disappoint him. Aright?"
Tumango lang ako.
Bigla itong ngumiti sa akin. "Sorry..." Umiling-iling pa ito. "Naimbyerna lang ako sa pagtawag mo
sa akin kanina. Sa ganda kong ito, Sir ang itatawag mo sa akin? Nasaan ang utak ghorl? De. Joke
lang." Saka siya humalakhak nang malakas.
I just watched him laugh hysterically.
"Anyway..." He cleared his throat. Kinuha niya ang kanyang kulay brown na Louis Vuitton bag at
nilabas ang isang magarang suklay at wireless na blower. "I'll just dry your hair before we proceed
to measurement, your taste, the theme and the likes. Aright?"

Muli lang akong tumango.

Nag-sanitize muna ito ng mga kamay bago kumain ng candy at lumapit sa akin. Hinawakan niya
ang braso ko at itinalikod ako sa kanya. Hinawi niya ang buhok ko gamit ang kanyang palad.

"Hair commendable," he complimented.

I felt the warmth of the wind of the blower blasting through my hair strands. Hindi ko maiwasang
hindi puriin na wala man lang ingay ang kanyang blower. Mukhang mamahalin lahat ng gamit ni
Lady Merryl.

"Ang sarap mo girl..." bigla niyang sambit na ikinalaki ng mga mata ko.

What the hell?

Gano'n pa man ay hindi ako nag-react sa sinabi niya. I remained steady and let him do the drying.
Pigil na pigil din akong kumilos dahil baka ipukpok niya sa ulo ko ang blower 'pag naglikot ako.

"Ganito ba talaga ang fresh?" Dinig kong natawa pa ito. "How does your blood taste like? Girl, I
love Brixton. I would suck his dick but I feel envy he has you. What a lucky bastard."

Oh, God. I felt uncomfortable now.

"But then again... I think you are going to fall under Lord Severo at the end of the day." And I
heard him giggled. "Hindi ko tuloy alam kung ang kagandahan mo at ang amoy ng iyong dugo ay
isang magandang ideya. You can attract not only men but also gays without trying so hard. Again,
commendable."

"O-okay..." I felt the need to say something, at least.


"Anyway, red looks good on you. Kailangan lang siguro kitang paliguan ng pabango para kahit
papaano ay mabaling sa iba ang halimuyak na 'yong dugo. I don't know you, girl. But I want you to
be safe."

"T-thanks..."

"Still, you are under Brixton. It looks like you and him haven't fucked yet. Obviously. He hates it
when someone steals the first experience. I don't want any trouble."

Damn. He talks so much.

Matapos niyang patuyuin ang buhok ko at inumpisahan na niya akong sakalin gamit ang kanyang
mamahaling medida. Sinukat niya ang bewang ko, ang dibdib, ang leeg, ang binti... lahat ng
pwedeng sukatin.

It was kind of awkward since I was just wearing underwears. Mukhang hindi naman siya affected
sa akin kaya okay naman. Pansin ko rin na halos hindi dumadampi sa balat ko ang kanyang
hawak, nandidiri pa yata.

"Stop!" Nanlaki ang mga mata ko nang bumaba ang kanyang kamay. "Can I do the measurement
of my butts, please? Just give me that thing," tukoy ko sa medida.

He rolled his eyes as he handed me the tape measurement. Pabagsak na umupo ito sa sofa at
pinagpatong ang mga binti. He's back at being irritated again. Nakikita ko tuloy sa kanya si Brix na
mabilis ding mainis.

"Are you still a virgin?" he asked, swiftly.

"You can say that," I replied, casually.

"Right. Safe answer," he said, sarcastically.

Pagkatapos kong magsukat ay ibinalik ko sa kanya ang medida. Sunod na ginawa namin ay ang
pagtingin sa mga damit. Pinapapili niya ako kung ano ang gusto ko. Halos piliin ko nga lahat dahil
sa ganda pero ayoko namang magpalit kada oras.

"Two wears. One for entrance and one for party," he explained while presenting the different
dresses he spread over the table. "And one for reservation. You know? Just in case blood gets
more noticeable than red. Okay. You choose."

He sat down on the sofa and let me do my thing. I rummaged through the different kind of wears
and let my palms feel the silky dresses. The details are amusing and looking classy as usual. With
the different shades of red, I end up choosing the scarlet ones.

"Hmmm..." He examined the dress. I don't know why I want him to praise my taste on dress.
"Okay." But that's all I've got from him. "You will have these sizes before this day ends."

"That quick?" manghang tanong ko.

"Stop right now, Astra. You are underestimating me and my team."

Napatikhim ako.

After a long and uncomfortable discussions, we are finally done with everything. I just hope
tomorrow night will also be this swift and controlled. Oh, God. I hope for no trouble.

Nakahinga ako nang maluwang habang pinapanuod si Lady Merryl na isalansan sa kanyang bag
ang mga gamit. Nag-ayos din ito ng sarili, katulad ng pag-ayos sa kanyang mohawk na buhok na
mukhang hindi naman nagalaw.

"Can I go home now?" I asked as I prepared myself to leave.

I can't help to get out of this place. It's all at first. It doesn't feel good to be here anymore.

"No. You will stay here." He turned his head on my direction, crinckled forehead. "You aren't
informed again. Lord Severo's order. Period. What now?"

I winced. "I-I don't think I can sleep here—"

"Tragic. Let me pray for you."

"Magkakaroon ako ng eyebags kapag hindi nakat—"

"No worries, Lady Astra. My make up can fix that," he immediately cut me out as though he saw
that reason coming. "Any more reason, Miss Astrall Martin?"

Napasimangot ako. With all the reasons I have, I don't think I can win this argument.

"Good." He smiled. "See you tomorrow night."

"Thank you..."
Naiwan ako sa sofa pagkaalis niya. Ako naman ay napaisip kung ano ang gagawin ko o kung
saan ako pupunta. Napasapol ako sa noo ko nang mapagtanto na mukha makakasabay ko sa
dinner si Lord Severo.

"You done?" Celeste stepped in.

Napatayo ako. "Hey!"

She plastered a dazzling smile. She was wearing a sikly white dress, bagay sa maputing kutis
nito. I just realized how lucky Oscar to have Celeste. She's beautiful, caring... she's everything.
They are very compatible to each other.

"Do you want to rest? I can show you your room," she suggested.

"Anywhere, please? Basta samahan mo lang ako," natatawa kong sagot. "Seriously. This place is
huge. I might get lost."

Natawa rin ito. Damn. Even her laugh sounds angelic.

"Do you want to sleep with me? Dito rin ako pinapatulog ni Oscar eh," aniya.

"Good idea!" Mabilis din na napawi ang saya ko nang mapagtanto kung ano ang sinabi niya. "No.
I'm good alone," pagbawi ko.

"No. Come on." She chuckled. "Kung si Master Oscar ang inaalala mo, mapapakiusapan ko
naman siya. I know he also wants you to feel safe here. Also, I kind of feel you, ganyan din ako
no'ng una ko rito. I felt so small. Ang kaso nga lang, ako lang talaga no'n."

"Thanks..."

Habang naglalakad kami ay halos mabali ang leeg ko sa palinga-linga. Kung nakakamangha ang
mga aranya, ang sahig at mga kagamitan, mas nakakamangha na ang mga makalumang pinta sa
pader ay may pirma pa ng pintor. I know they didn't bother to buy those, baka sila pa mismo ang
nagpapapirma sa mga pintor.

"Baka hindi makauwi ngayon si Lord Severo," banggit ni Celeste.

"Good— I mean... okay." I chuckled.

Ngumiti lang siya sa akin. Gano'n pa man ay mababakas kong may kakaiba ngayon kay Celeste. I
know she's very helpful but I know my limitations so I just shut my mouth.
Dineretso niya ako sa kwarto niya. Gaya ng inaasahan ko ay masyado itong malawak para sa isa
lamang. Kulay puti ang lahat maliban sa mga muwebles. Sumisilip sa kulay putting kurtina ang
hardin sa labas.
"Kwarto mo rin ito kaya sige lang, gawin mo kung ano ang gusto mo," ngiting paalala ni Celeste.
Umupo ito sa kulay putting kama. "Ow. Do you want to share bed? O mas gusto mong solo?
Pwede naman akong magpadagdag."
"No. Share na lang tayo," sagot ko.
Lumapit ako sa kurtina at pagkabukas ko no'n ay may balkonahe pala. Sinalubong ako ng
sariwang hangin at magandang tanawin pagkalabas ko. Mula rito ay kitang-kita ang hardin... ang
rosas ni Nathalia... at kung saan nakatali si Armando.
Shit.
I bit my bottom lip.
"Sorry, Astra ah? Hindi kita nasalubong kanina. Nakatulog kasi ako," sambit ni Celeste na tumabi
sa akin at tinanaw rin ang hardin. "Mabuti na lang at andito si Oscar at nasamahan ka niya."
"Yeah. He's very welcoming to your visitors," I said as I gulped.
Mahinang tumawa si Celeste. "Gano'n nga. But you aren't just a visitor here."
Nakaramdam ako ng pagkailang. Alam kong nakita niya ang pagdating ko at ang pagkikita namin
ni Oscar, malamang na natanaw niya mula rito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na iyon ang
dahilan kung bakit tila may mali sa kanya ngayon.
"Hey. I'm not jealous of you." Mahinang tumawa si Celeste na ikinalingon ko. Gumagalaw sa
hangin ang kanyang buhok habang nakatingin sa malayo. "I'm really happy he did that. I hope that
made you feel better."
"What's wrong?" I asked.
Hindi ko inaasahan ang biglang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata. Gano'n pa man ay
hindi natinag ang tingin niya sa malayo. Suminghap ito bago hinawi ang mga luha.
"Celeste..."
"I think..." Humarap ito sa akin. I could see a mixture of sorrow and fear in her weary eyes. "This is
absurd. I know. I am just nothing but a slave to him. This is wrong."
"You are in love with him..." I assumed.
"Matagal na. Don't be like me, Astra." Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinaplos. "Don't ever
fall in love with Brix. They aren't accountable for what we are feeling. Wala kang magagawa kung
hindi ang mahalin siya nang patago. Trust me. I know we aren't capable of feeling pain this
extreme but... this is beyond our control and capabilities."
Umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. I thought she and Oscar have a mutual feelings.
"Bakit hindi mo aminin sa kanya, Celeste?" tanong ko. Ako naman ngayon ang humaplos sa
kanyang mga kamay. "Oscar is a good person. I felt it. The way he cares for you... you just need
to speak the truth."
She shook her head. "No. Kapag nalaman ng iba ito ay papatalsikin na nila ako, Astra. That's the
law. We aren't allowed to fall in love with our masters. We are working for them. No string
attached. I'm fine with this, as long as I am with him."
"W-what?"
What kind of shitty law is that? Kailan pa nagkaroon ng patakaran ang pag-ibig sa kung kanino
dapat o hindi dapat ito maramdaman? Kahit na hindi ko nakikita ang sarili ko sa kalagayan ni
Celeste... nakakaramdam din ako ng lungkot.
"Don't let anyone know about this, please?" she pleaded.
Suminghap si Celeste, binitawan ang kamay ko at agad na pinunasan ang mga bagong luha.

"Stop thinking, Astra. Oscar is coming."

Just after she finished that sentence, Oscar stepped in the room. Sa una ay gulat pa ito nang
makita ko pero mabilis din siyang ngumiti. The usual smile he shows everytime I see him.

"Nakaistorbo ba ako?" tanong nito sa amin.

Lumapit sa kanya si Celeste at binigyan ito ng halik sa labi. Mabilis na gumapang sa bewang ni
Celeste ang braso ni Oscar. For a moment... they looked like a couple. I wish they were.

"Hmm. Hindi kasi comfortable si Astra, Master Oscar. Pwede bang samahan ko na lang siyang
matulog mamaya?" tanong ni Celeste sa magalang na boses.

"Yeah, sure!" mabilis na sagot ni Oscar. Hinalikan pa nito sa pisngi si Celeste at parang gusto ko
siyang murahin dahil doon. "But, I need you in room first before you sleep."

"Yes. Thanks," nakangiting tugon ni Celeste.

Pagkalabas ni Oscar ay hinila ko si Celeste paupo sa kama. I looked at her in disbelief.

"What?" natatawa niyang tanong.

"Why are you like that?" I gulped as I grasped for right words. "Kung alam mong bawal, bakit mo
pa rin pinagpapatuloy? Masasaktan ka lang, Celeste."

She shook her head. "I told you, Astra. I'm fine with this arrangement."

"But—"

"Sshhh..." Itinapat niya ang kanyang daliri sa labi ko. "Mahal ko siya at itatago ko ito kahit na
anong mangyari. Unbearable? Yes. But that's how it works. Nasanay na ako."

Napabuga ako ng hangin. We had dinner together. Gaya ng sinabi ni Celeste ay hindi nga
dumating si Lord Severo. Maging si Mr. Billy ay wala rin. Dumating din ang dresses na isusuot ko
bukas ng gabi.
Naligo ako at nagpatuyo ng buhok. Wala si Celeste na malamang ay kasama si Oscar. Hindi pa
ako inaantok kaya napagpasyahan ko munang lumabas ng silid at maglakad-lakad.

"How's your stay here so far?" biglang sumulpot si Erikson. May hawak itong dalawang baso ng
alak sa kamay at binigay sa akin ang isa. "Bakit gising ka pa?"

Uminom ako sa alak bago tiningala ang isang painting. Ito ay si Brix na makaluma ang suot.
Mahaba ang buhok niya at may hawak na baril. Kung may kapansin-pansin sa painting... ito ay
ang kanyang ngiti,

"Kailan pa ba no'ng huli kong nakitang ngumiti nang ganito si Brix?" tanong ni Erikson. "Ah! No'ng
nagpaalam siya sa 'yo nung isang araw. Right."

Napatingin ako sa kanya. "Pinagsasabi mo d'yan?"

Nagkibit-balikat lang ito.

"Guess who painted that?" Erikson asked.

"A great painter," I replied.

"Damn. Clever." He laughed. "Meh. It was painted by Eskelle. Or Brix called him Kelly."

"Don't tell me..."

Erikson nodded.

Napatitig ako sa painting. I see. His genuine smile made sense now. It was painted by his human
friend.

"May I ask?" tanong ko. Inubos ko muna ang alak bago nagtanong. "Why didn't he turn him into a
vampire? Hindi ba gano'n 'yon? Kung sanang ginawa niyang bampira si Eskelle, hindi dapat ito
namatay."

"No..." Erikson shook his head. "Kelly never wanted to be a vampire. That's a promise. Maging sa
huling hininga nito, tinanggihan niya si Brix. Walang nagawa si Brix kung hindi pagmasdan ang
kanyang kaibigan na malagutan ng hininga."

Napalunok ako.

He really cared for that person that much huh?


Nakaramdam ako ng antok bigla. Binigay ko na kay Erikson ang baso at bumalik na sa kwarto ko.
Pinatay ko ang mga ilaw bago ako humiga sa kama at niyakap ang unan.

Why am I feeling like this? Of course Brix cared for him. Ayaw niyang mabigo ang kaibigan kaya
kahit na gaano katindi ang kagustuhan niyang makasama pa rin ito ay hindi niya nagawang baliin
ang pangako nitong hindi siya kailanman gagawing bampira.

Fuck. Why am I even comparing myself to him?

He turned me into a vampire without my approval and that speaks a lot on how he sees me.

There's this strange pinch feeling in my chest just with that thought.

Hindi agad ako dinalaw ng antok. Gising ako hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto at
pagpasok ni Celeste. Humiga ito sa tabi ko at tumalikod sa akin.

Narinig ko ang mahinang paghikbi nito.

I don't want to be like her. No. I won't ever be like her.

I came here with a plan and falling in love isn't included.

I will avoid it... whatever it takes.


Chapter 27

Chapter 27: Long Night


I barely recognize myself while staring in the mirror. The elegant scarlet off-shoulder mermaid
style gown fits perfectly to my body and highlighting my shape. It doesn't have any embroidery that
makes it even more graceful in the eyes. My usual black hair is now highlighted with brown and in
a messy bun form.
I gasped. I can't believe that I am gawking at myself right now. It doesn't look like me at all – or it
does and I'm just exaggerating about my description.
"Stunning," Lady Merryl mumbled.
I spinned around while feeling my gown. I don't know why I suddenly wish Brix could see right
now. I wanted to know his opinion and how I look like in his eyes.
What would he say if ever? Would I impress him?
"Freaking hell—" Napalingon ako sa kararating lang na lalaki. Nakaawang ang mga labi ni Erikson
habang nakatingin sa akin. "Jesus, Astra! Who gave you permission to slay tonight?"
I felt uncomfortable all of a sudden. Erikson was looking good in that black tuxedo. He was also
wearing a pair of diamond earings on his both ears. I was about to compliment him too when Lady
Merryl interrupted us with a hem.
"I'm sorry for interrupting your thirst look at my model, Mr. Erikson Nadija but..." Nakapamaywang
na hinarap ni Lady Merryl si Erikson. "Who also gave you permission to come in here? Get out.
Like now."
"I am assigned to look after her," Erikson responded, still gazing at me.
"You look good, too," I mouthed that made him smirk.
"Not in my dressing room." Hinawakan lang ni Lady Merryl ang dibdib ni Erikson ay tumalsik na
agad ito palabas. "Goodbye, Hotty. See you around." Saka na niya sinarado ang pinto.
Humarap siya sa akin nang may malawak na ngiti. Inamoy niya ang kanyang kamay na
pinanghawak sa dibdib ni Erikson. Suminghap ito at saglit na nagpula ang kanyang mga mata.
"Pwede mo bang ipaubaya sa akin ang lalaking 'yon mamaya, Astra?" Lumapit sa tukador si Lady
Merryl at kinuha ang kulay pulang pabango na kanina niya pa pinapaligo sa katawan ko. "He's
annoying as hell. Hindi ka mag-e-enjoy kung may nakabuntot sa 'yo."
Lumapit siya sa akin at winisikan ako uli ng kanyang pabango.
"Do your thing," I supposed.
He giggled as he pushed me back in front of the mirror. Muli kong nasilayan ang aking sarili. Mula
sa pumipitik na reflection namin ay nakita ko ang pagngiti ni Lady Merryl.
"Astralla Martin," he called my name as he ran his hand through my back. "You sure will slay
everyone tonight, leaving their lips slightly separated and craving to have a touch of you, no doubt
to that. But... honey, I don't need to smell your blood tonight."
I sniffed, trying to swallow the intense feeling. Parang ngayon lang nag-sink in sa akin na
makakasama ko ang iba't ibang klase ng bampira sa clan na ito.
"I know you smell fresh and tempting as hell but do us all a favor." He put his lips near my ear as
though he really wanted me to remember whatever it is. "Your blood smells war and wrath, a curse
to everyone. I want you to save us all by not spilling a drop. Let this night be a peaceful
celebration."
That confirmed my thoughts.
"It's Brix who assigned you here," I muttered.
Natatawang humiwalay ito sa akin. Lumapit siya sa tukador at nilagyan ng panibagong kulay ang
kanyang labi. Hindi ko mapagtanto ang sense of fashion nito, napakakulay at tila walang
patutunguhan.

"Well..." he uttered.

"Is he will be around?" I asked.

Kinabahan ako agad. Hindi ko alam kung bakit pero ang ideya na nakamasid si Brix ay hindi
naging maganda sa pakiramdam. I wish he could see me earlier but I am taking it back now.

If I want this night to be simple and peaceful, having Brix around is such a risk.

"Unfortunately, no." Inumpisahan naman niyang ayusin ang kanyang mga mahabang pilik-mata.
"Or should I say, fortunately no. But you think you are safe just because he's not around? No,
Astra."

Nakahinga ako nang maluwag.

"You can't escape from Brixton Wenz Cardinal," he uttered with a glimpse of threat. "Anyway, I am
just saying, huwag kang magpatikim ng dugo, girl. Ang daming dugo sa paligid, pakiusap lang
huwag ka nang mag-donate pa."

"Pero paano si Lord Severo—"

"He knows that," he cut me out. Sandali siyang humarap sa akin. "He knows his limitation, Astra.
He knows you are not allowed to spill a blood tonight. Everyone here knows that."

"So... I am safe?"

"Not until you are stupid enough to hurt yourself." I could see him rolling his eyes. "Huwag kang
mag-ala Sleeping Beauty na hahawak sa talim ng karayom at magugulat kapag nasaktan. I don't
believe when Brix told me you are stupid but hell, Astra... prove me wrong. Prove him wrong."

I nodded. I get it.

"I get it, Lady Merryl. I can do anything tonight except leaking my blood. I can drink a lot, party until
the music is done, punch anyone, flirt until I am naked."
Napatingin sa akin si Lady Merryl, nanlalaki ang kanyang mga mata.

"Go!" Saka siya humalakhak nang malakas. "I like that idea! Pero ipaubaya mo sa akin si Mr.
Nadija ha? Akin ang mailap na lalaking 'yon. Humanda siya."

"Sure, sure!" I giggled.

Our conversation got interrupted by the sound of the bell coming outside. Don't tell me that's the
indication that the party is about to start because... that's so old.

"Let the fun begin," aya na sa akin ni Lady Merryl.

Huminga ako nang malalim bago humawak sa kanyang braso. Pagbukas namin ng pinto ay si
Erikson ang agad na sumalubong sa amin. Ang nakangusong labi nito ay napalitan ng ngiti nang
makita kami.

"Astra..." He gulped.

Hinila na ako ni Lady Merryl, hindi pinansin si Erikson pero ramdam kong nakasunod ito sa amin.
Pababa na sana kami nang may tumikhim sa likod.

Mabilis na yumuko si Lady Merryl. Hindi pa sana ako yuyuko kung hindi niya lang ako hinila.

I cursed under my breathe. I'm too gorgeous to bow my head.

"Lord Severo..." Suddenly, Lady Merryl sounds different. Nawala ang matamis at nang-aakit na
boses nito. "You look elegant as always."

Tumikhim ako at ginaya si Lady Merryl.

"Lord Severo..." banggit ko rin. "You look..." Napakapa ako ng sasabihin. "Okay."

I mentally laughed. What the hell?

"You may now join them, Lady Merryl," said Lord Severo in a monotone. "Ako na ang bahala kay
Astra. It's a pleasure to see you again."

Binitiwan na ni Lady Merryl ang pagkakahawak sa akin. Nakayuko pa rin ito bago tumalikod at
naglakad na palayo. Ako naman ay naiwan pa ring nakayuko... nangangawit na ako.
"Chin up now, Astra," ordered by Lord Severo.
Thank God!
Umangat na ang tingin ko. Nakita ko nang masinsinan si Lord Severo. Bigla kong nakita sa kanya
si Brix. Ang kanyang mga malalalim at madilim na mata at kung paano siya tumitig. It felt like I was
staring at Brix. Even how he stood, it reminds me of him.
"Mr. Nadija?" banggit ni Lord Severo.
Napansin kong napangiwi si Erikson. Kahit na tila labag sa kanyang loob ay wala rin itong nagawa
kung hindi ang mauna na at iwan ako.
Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Lord Severo. Tumitig ito sa akin at nagawa ko 'yong
sabayan. This is what I can flex about myself, it's all at first. I can now look at him straight into his
eyes.
He cleared his throat.
"What can I say? You look stunning, Astra..." Saka ito ngumiti nang magiliw, isang eksenang sa
tingin ko ay dapat makunan ng camera dahil sobrang dalang mangyari.
"You kinda look like Brix, Lord Severo." There, that was my compliment.
He chuckled.
"Maybe because I'm his father?" He shook his head, still on smile. "I really like how feisty you are,
Astra. The way you stand there and looking at me like I am just another random stranger.
Fascinating."
Umawang ang bibig ko sa pagkabigla.
"I still look up to you, Lord Severo," I retorted. "I am just maybe... kind of feeling off with you?
Imagine pushing your son away when a celebration like this is about to happen."
"He doesn't like this kind of events," bawi nito.
"Yeah. I forgot. But today could be his rest day?" I suggested. "You know? He has been through a
lot of fights. A day of rest will regenerate his energy."
Hinawakan niya ang kanyang balbas at tila napaisip. Ilang sandali ay tumango ito at bumalik sa
pagngiti.
"Noted that," he laughed. "Anyway... shall we?"
Ngumiti ako bago humawak sa kanyang braso. Habang naglalakad kami pababa sa engrandeng
hagdan, nakita ko agad ang mga nakahilerang katulong sa ibaba, kasama ang iilang maskuladong
lalaki at isang senior na nakalimutan ko ang pangalan.
Mas nilakihan ko ang ngiti sa labi.
"Lord Severo," the senior bowed his head.
Bakit nakalimutan ko pangalan nitong madaldal na senior? I tried to remember his name but I
couldn't. Nasa dulo na ng dila ko pero hindi ko mabigkas. Right. Isa lang naman sa mga seniors
ang hindi ko makakalimutan.
"Lord Wenson. Are you alone? Where's Lady Elly?" asked Lord Severo.
There, he's Lord Wenson.
Pansin ko ang pagtingin sa akin ni Lord Wenson.
"Unfortunately, she can't attend tonight. You know women, My Lord. They are sometimes hard to
read." Inayos ni Lord Wenson ang butones ng kanyang tuxedo.
"I see. More fun then?"
Humalakhak silang dalawa habang ako ay naiwang nakatingin sa kawalan at sinusubukang
alalahanin ang ibang pangalan ng mga senior. Ganito ba ang gagawin ko habang kasama si Lord
Severo? Aalahanin ang mga pangalan ng lahat ng makakausap niya?
"You look gorgeous, Lady Astra." Finally, Lord Wenson greeted me. "I can clearly see now why
Lord Severo wanted you to attend this party and be his date. What a brag."
Halos umikot ang mga mata ko pero pinigilan ko.
"Thank you..." Iyon lang ang sagot ko kaya napaisip ako. Date ako ni Lord Severo, ibig bang
sabihin no'n ay mas mataas ako sa mga seniors kasi leader ang kasama ko?

Or... nah. I'm still a slave here.

Tumikhim ako. "Gwapo rin naman kayo Lord Wenson," dugtong ko.

"Gusto mo bang makilala ang anak ko?" tanong niya pa sa akin.

"Hindi na po," pagtanggi ko.

Narinig ko na ang tugtog sa labas. Mukhang nagkakasiyahan na ang lahat pero andito pa rin ako
sa pagitan ng dalawang matanda na tila ang plano ay mag kwentuhan buong magdamag.

Napasinghap ako nang biglang mabasag ang vase sa gilid. May dumaan na dalawang lalaki, tila
naghahabulan. Narinig ko pa ang tawanan ng mga ito.

"Those twins..." naiiling na sambit ni Lord Wenson.

"Anyway, shall we join them now?" Lord Severo suggested.

Mas hinigpitan ko ang kapit sa braso ni Lord Severo habang naglalakad kami palabas. Naunang
lumabas si Lord Wenson habang si Lord Severo naman ay hinarap muna ako.

"You good?" he asked.

I gulped. "I think so?"

Mahina itong tumawa. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at mahina 'yong hinaplos. Tila
sinusubukan nitong patahanin ang naghuhuramentado kong dibdib.

"You are the most gorgeous around," he uttered straight into my eyes. "You have the charisma
and presence of my daughter Nathalia Cardinal. You have nothing to worry about."
"Yeah..." I agreed

"You are with me anyway..." There, he sounds proud now. "Let's just have fun."

He held my hand as we walked into the light. We were welcomed by a loud clap from the vampires
who were standing beside their tables and it felt like I was in some royal family gathering.

Bahagyang nangatog ang tuhod ko. I knew I was going to attend a formal celebration but I didn't
expect it this extent. Even I'm dressed up, I feel out of place.

I'm now facing the members of Nightfall Clan.

Dumiretso kami ni Lord Severo sa pinakaharap. Ginala ko ang tingin sa dami ng mga bampira
dito. Masyadong elegante ang lahat sa kanilang mga mamamahaling kasuotan.

Sa isang lamesa ay nakita ko ang mga seniors na may mga kasamang babae, malawak ang ngiti
habang nakatingin sa amin. Sumaludo ang mga ito na sinabayan ng kaunting pagyuko nang
mapatingin sa kanila si Lord Severo.

Agad ko pa ring napansin si Lord Trojan at ang kanyang kulay abo na buhok. He was wearing a
fitted navy blue polo shirt tucked in his black pants. Masyadong hapit sa kanyang katawan ang
damit na bumabakas ang ganda ng katawan nito.

Lumipat sa ibang lamesa ang tingin ko. Nakita ko agad si Resty na nanlalaki ang mga mata
habang nakatingin sa akin. Sa tabi niya ay si Randolf na nakita ko na rin sa Nightscape Club. I am
familiar with some of them and the rest are still unknown.

With all that, I am aware that some of them are staring at me. Siguro ay nagtataka sila kung sino
ako at kung bakit kasama ko si Lord Severo.

Bumitiw ako kay Lord Severo at bahagyang umatras pero agad niya rin akong nahawakan at
pinantayan ang pagkakatayo ko. Pinaragasa niya sa bewang ko ang kanyang kamay at hinila ako
palapit sa kanya.

"What an evening, Nightfall Clan," Lord Severo said as he eyed them all, making sure his sight
would land on everyone. "Through the past centuries, no one stood a chance against us.
Everyone tried but no one thrived. As long as there's a Cardinal in this clan, we are indomitable."

Yes. As long as you have Brixton.

Isang panibagong palakpakan ang umusbong sa paligid.


May isang lalaking lumapit kay Lord Severo at inabutan ito ng isang baso ng alak. Hinintay kong
bigyan din ako pero bumalik ito agad sa kanyang pwesto.

Sinubukan kong hanapin sina Oscar at Celeste sa paligid pero bigo akong makita sila. Even
Erikson is out of sight. Where the hell are they?

"My Lords and dear Nightfalls..." Lord Severo raised his glass. "Here's to the fallen comrades and
loved ones throughout the history of blood and war. Let's celebrate the greatest clan to ever exist."

I don't know what Oscar meant when he said Brix is starting to take over the position. Maybe Brix
has a plan for tonight. Maybe there's a reason why he let me join this celebration. Probably... this
is his game and all of us are his pawns.

I want answers tonight and the answer is right beside me, drinking his wine while his arm wrapped
around my waist.

Ngumiti ako bago mas dinikit ang sarili kay Lord Severo. Pinaragasa ko rin sa kanyang katawan
ang isa kong braso habang nakatingin sa harapan.

"Long live, my Nightfalls!"

Everyone raised their glasses and the long night has finally begun.
Chapter 28

Chapter 28: Reason


Lord Severo guided me to the table for seniors. Si Tessa ang agad na ngumiti sa akin, katabi niya
ang isang senior na ngayon ko lang nakita. He's probably Mr. Escariaga. I can say that because
he resembles the naughty and annoying bartender kid from Nightscape Club, Resty.
Lumipat sa isa pang babae ang aking tingin. Maiksi ang kulay brown na buhok nito at singkit ang
kanyang mga mata. Katabi niya si Mr. Reggar na malamang ay ang kanyang asawa.
"Milady, meet Lady Astra. She's Brixton's chosen one. Lady Astra, she's Lord Reggar's wife." Mr.
Severo introduced me to that lady with short hair. "Lord Escariaga... Astralla Martin. She'll be my
accompany tonight."
Ngumiti ang babaeng maikli ang buhok. Tumayo ito saka lumapit sa akin. Wala rin akong nagawa
kung hindi ang tumayo para harapin siya.
"I've been staring at you for a while now, Lady Astra." Her voice was gentle and as soft as the
background music. "I'm sure I wasn't the only one struck by your presence. I'm Lady Merlaine
anyway. It's a pleasure to meet you, darling..."
"Red reminds me of your daughter, Lord Severo," I heard Lord Reggar said. "I really think red is
the rightful color to symbolize a Cardinal."
I sniffed when she pulled me for a hug. Yumakap din ako pabalik, maingat baka magulo ko o
magusot ang kanyang magarang kasuotan.
"Welcome to Nightfall Clan. Have fun tonight," sambit pa ni Lady Merlaine bago kami bumalik sa
upuan.
Nakipagkamay rin ako kay Lord Escariaga.
"So... she's that girl." Nilingon ni Lord Escariaga si Tessa bago bumaling uli sa akin. "I can see
very well why my son is eager to date you." Saka siya humalakhak.
Bumaling ako kay Lord Trojan na tahimik lang at nakikinig sa amin. Hawak nito ang isang wine
glass na natunawan na ng yelo. Wala siyang kasamang babae. Baka hindi rin nakadalo gaya kay
Lord Wenson.
"I haven't seen Oscar yet, My Lord," ani Tessa na nakangiti. She looks gentle now. Hindi halatang
may iba siyang lalaki sa bar. "And... Of course, Brix wouldn't be here. Nath is probably on her
business."
"Just an ordinary event for Cardinals." Tumawa si Lord Wenson.
Mahina ring tumawa si Lord Severo. "He's probably with Celeste now. Having the first experience
for tonight."
Sunod na humalakhak ay si Lord Escariaga. "He never changed. Masyado siyang malapit sa
kanyang alipin, Lord Severo! It's amusing."
"That's honestly quite disturbing, don't you think, Lord Severo?" Sumali sa usapan si Lord Trojan.
Ininom nito ang alak na hawak bago uli nagsalita. "I mean... according to the rules, that's
alarming."
Napasinghap ako nang dumapo sa hita ko ang kamay ni Lord Severo. Alam kong napansin 'yon ni
Tessa kaya umiling ito. Nagsalin ito ng alak sa baso at inabot sa akin.
"Chill, Lady Astra..." Saka ako kinindatan ni Tessa.
"Very well, Lord Trojan," nakangiting sagot ni Lord Severo. Tumingin muna ito sa akin bago
nagsalita uli. "I am sure my son is still in his right mind. He woulnd't stoop that low for a slave."
That hit me.
Ininom ko ang inalok na alak ni Tessa.
"Oscar is just that friendly, My Lords," I interrupted the conversation. "I'm pretty sure even Celeste
is aware of that rule, too."
Yes. She is well aware.
"Is that so?" Napansin ko ang nakakalokong ngiti na pumorma sa labi ni Lord Trojan. "Anyway,
how's being the slave of Brixton, Lady Astra?" He added.

I cleared my throat.

"What can I say, My Lord? Don't you know how this one works?" I asked, sarcastically. "I mean...
of course, katulad lang din naman sa iba. He will just call me when he needs something. Not that I
am complaining."

"How about the ritual?" Lord Escariaga asked.

Damn. Here comes the damn ritual again.

"Hindi ba nasabi na 'to sa atin ni Lord Severo?" si Lord Reggar na naiiling na lang. "It will happen
in Brix's prefered time. Wala tayong magagawa roon. That is... if he still is interested in her. Lord
Severo is here if ever the rejection happens anyway. Astra is in safe hand whatever happens."

Kumuha ako ng alak at nagsalin uli sa baso ko. Hindi ako makasabay sa topic nila. Medyo akward
dahil ako pa ang pinag-uusapan sa lamesa na ito.

"Why not?" Si Tessa. "Astra is a lovely woman. I'm sure Brixton knows what he would me miss if
ever. Right, Lady Merlaine?"

Tumawa si Lady Merlaine. "Only fools would deny Astra's impeccable presense. Even Lord
Escariaga's son is drooling for her."

Napangiti ako sa sinabi nila. I hope these boomers will stop with this now.

"That's enough," putol ni Lord Severo sa usapin bago inalis sa aking hita ang kanyang kamay. "I
don't think Lady Astra still feels comfortable hearing your opinions. I invited her to have fun and to
meet the others, not for you to interrogate her. No offense, My Lords."

Napatikhim ang mga kasama namin at hindi na rin muna nagtanong tungkol sa akin.
While the waiters are serving us foods. I wandered my eyes around. Si Resty ang agad na
naagaw ng aking pansin dahil malapit lang ang kanilang lamesa sa amin at nakatingin din siya sa
akin.

"Hot," he mouthed as he smirked.

I just rolled my eyes before I roamed my eyes again. I tried to find Erikson but he is no where to be
found. Nakita ko na rin si Laura, kasama si Adrian. Even... Randolf is here, too.

"Greetings, My Lords..."

Nabaling sa bagong dating ang aking atensyon. Sa wakas ay nandito na rin sina Oscar at Celeste.
Oscar looks hot in that black tuxedo with a gentle smile on his lips. Also, Celeste might be bowing
her head but she looks elegant and precious in that white gown with pearl embroidery.

"Oh. You are finally here, Oscar," Lady Tessa said.

"Greetings, Milady..."

Napangiti ako kung paano salubungin ng mga seniors si Oscar. Lahat sila ay nakangiti sa kanya...
even Trojan. He really earned their respect. I wonder if they show the same treatment with Brix?

Are they these obedient and respectful with Brix?

I noticed something. They don't even acknowledge Celeste's presence. Nanatili pa rin ito sa likod
ni Oscar, nakayuko habang hinihintay na matapos si Oscar sa pagbati.

"Hey, Astra." Nakita ko ang galak sa mukha ni Oscar. "You look... gorgeous. Would you mind?"

He tried to reach for my hand but I flinched it away. I made sure it wouldn't be that obvious to the
seniors though.

Tumayo ako at nilapitan si Celeste.

"Hey..." I called her attention.

Umangat naman ang tingin nito sa akin. Mas lalo kong napagmasdan ang maamo nitong mukha
kung saan may bahid ng lungkot.

"You look stunning, Celeste." I smiled.

Ramdam ko kung gaano ito kakabado. Maging ang kanyang ngiti ay halatang pilit. Nakikita ko
tuloy sa kanya ang sarili nung lumabas ako kanina.

I pulled her for a hug.

"Thank you for last night," I whispered.

"No worries, Astra. You look stunning, too," sagot nito sa mababang boses.

Hinarap ko uli siya.

"Aren't you going to join us?" tanong ni Lord Wenson nang magpaalam na si Oscar.

"I am afraid I would like to celebrate with my cousins, My Lord," ngiting tugon ni Oscar bago kami
nilapitan ni Celeste. "Hey. Are you good?" tanong niya sa akin.

Humakbang paatras si Celeste pero agad kong hinawakan ang braso niya.

"I am. Thanks, Oscar. Lord Severo makes me feel comfortable," I responded.

Naguluhan ang kanyang tingin. Alam kong batid na niya ngayon na may mali.

Alam kong wala akong karapatang manghimasok sa relasyon nila ni Celeste pero hindi ko lang
mapigilan. Sa tuwing nakikita ko na ang lapit nila sa isa't isa kapag walang nakakakita ay naiinis
ako. Pakiramdam ko ay may nararamdaman din siya kay Celeste pero hindi niya lang din maamin.

"Sige na, Astra," ani Celeste na nakangiti na ngayon. "Bumalik ka na sa lamesa niyo. I'm fine.
Thank you."

Bumuga ako ng hangin bago tumango. Muli ko siyang niyakap bago bumaling kay Oscar.
Naguguluhan pa rin ang tingin nito sa akin.

"What did I do?" he asked.

"Nothing." I bit my bottom lip as I shook my head. "Sorry." Saka na rin ako bumalik sa pwesto ko.

Pinagmasdan kong maglakad sila Oscar at Celeste sa table nila Resty. Napansin kong halos hindi
niya dikitan si Celeste. Ganito ba talaga ang trato niya sa kanya sa harap ng iba?

Napabuga na lang ako ng hangin. Saka ko lang napagtanto na wala na sina Lord Reggar, Lord
Escariaga, Lady Melaine at Tessa. Natanaw ko sila sa harapan, mahinang sumasayaw. Tanging
kami lang nila Lord Severo, Trojan at Wenson ang naiwan.

"Why don't you dance Lord Severo, Lady Astra?" suhestyon ni Lord Wenson. "Wala lang akong
partner ngayon. Kung hindi ay nasa harapan na rin ako." Natatawa pa ito.

"Wanna dance?" Lord Severo asked.

"Sure." I smiled.

Nauna siyang tumayo bago naglahad ng kamay sa harapan ko. Tinanggap ko 'yon at sabay
kaming pumunta sa harapan. Gumilid ang ibang mga sumasayaw para bigyan kami ng puwang.

I put my hands on his shoulders and he wrapped his arms on my waist. Pinagdikit niya ang
katawan namin. Naamoy ko na naman ang pabango nitong mahahalintulad kay Brix.

"How's your experience here so far?" he whispered in my ear.

Dinikit ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at pinagmasdan ang mga paa naming gumagalaw sa saliw
ng musika. Bigla kong naisip si Brix. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

"Astra?"

"I don't know..." I answered, casually. "I mean, it's good. But..."

"But?"

Huminga ako nang malalim bago humarap sa kanya. Nung tumitig ako sa kanyang mga mata ay
parang nakatingin din ako kay Brix. Somehow... I feel like I am dancing with that demon.

"Ano pa ba ang dapat gawin ni Brix para bitiwan mo na ang katungkulan mo?" tanong ko.

Tumitig ito nang ilang sandali sa akin bago umiling.

"I am not ready yet..." Ngumiti ito nang payak. "Buong buhay ko ay nilaan ko sa clan na ito. Hindi
pa ako handang bitiwan ito. But we will also get there."

Lumunok ako. "But... Brix will be a good leader. You have nothing to worry about, Lord Severo.
Your clan will be in good hands."

"I know. I've seen it. The way he ruled the insurgents, I know he can rule this clan, too." Mas
bumaba sa bewang ko ang kanyang mga kamay. "But I don't think he's prepared enough. It takes
more than power to rule something. It involves good communication which something he lacks
on."

"He can learn that..." dipensa ko.

He shook his head.

"Does he need to kill more?" diretso kong tanong. "Kailangan pa ba niyang pumatay nang doble
sa mga napatay na niya para mapatunayan ang sarili?"

Ngumiti ito at bahagyang natawa. Tumaas uli sa aking bewang ang kanyang kamay.

"I really respect your bravery, Astra..." aniya at ramdam ko ang sinseridad sa kanyang payapang
boses. "I'm not gonna lie... I didn't invite you here just to be my accompany."

Hindi ako sumagot pero nanatili akong nakatitig sa kanyang mga malalim at nakangiting mata.

"I want to be with you," he said as he pulled me closer. "I want to know you more. I'm really
interested in you, Astra..."

Nakaramdam ako ng takot sa mga sandaling ito. Alam kong ito ang gusto ni Brix, ang tuluyang
mahulog ang loob ng ama sa akin. Hindi ko alam kung bakit at 'yon ang kinakatakot ko.

Ano ang plano ni Brix?

"What if Brix rejects me?" I couldn't help but to ask.

"Then..." Mas nilapit niya ang mukha sa akin. "Be with me instead."

I need a confirmation right now. May hinuha na ako kung ano ang plano ni Brix.

"What if that happens?" I asked.

Hindi na siya sumagot. Mas hinigpitan niya ang kapit sa akin. Yumuko na lang ako dahil ramdam
ko ang mga matang nakatingin sa amin.

I want to ask more but I don't think I am prepared enough for the possible answers. Kahit na
kating-kati akong magtanong ay tinikom ko na ang bibig ko.

"I can treat you better than this..." he whispered.

I closed my eyes.
"I am not ready to let go of this position yet..." he whispered. "But I've been living with the same life
for a very long time now. I want something new this time..."

My lips trembled.

Mukhang tama ang hinuha ko na plano ni Brix.

Mukhang naiintindihan ko na kung bakit sinabi 'yon ni Oscar.

"Kapag nahanap ko na ang gusto ko... magbibitiw na rin ako," sagot nito. "Right now... I'm still on
the process of getting to know more about what I really want. If things get clearer... I would settle
down with that and I would let go of this position."

That's it.

Brixton wants me to be that reason... so he can take over the position.


Chapter 29

Chapter 29: Talk of the Town

He planned this from the very start. No'ng una akong napansin ni Lord Severo, alam kong iniisip
niya na ito. This is probably the reason why he can't get rid of me. I am right with my hunch all this
time. I am the main pun on his game.

"You okay?" untag sa 'kin ni Lord Severo.

Bumaba sa mga paa namin ang aking tingin. Nawalan ako ng gana sa mga sandaling ito. I wonder
if he knew my plan since he really twisted it with this one. Everything has gone just like that.
Pakiramdam ko ay sinama niya ako sa kanyang paglalakbay at niligaw.

I wanted to cry right now.

"Dad, may I dance with her?"

Umangat ang tingin ko sa tumabi sa amin. Si Oscar na sinasayaw rin si Celeste. Ngitian ako ni
Celeste pero hindi ko man lang 'yon nagawang suklian.

Binitiwan ako ni Lord Severo at lumipat sa akin si Oscar. Si Celeste na ngayon ang sinasayaw ni
Lord Severo. Napansin ko ang pagkataranta sa galaw ni Celeste.

Oscar wrapped his arms around my waist.

"Sa tingin ko ay nalinawagan ka na, hindi ba?" pabulong na tanong nito. "I know. I've been
watching you, Astra."

Wala sa sariling napayakap ako kay Oscar. Hinayaan kong malungkot ang sarili sa kanya. Alam
kong nalulukot ko na ang magara niyang damit dahil sa higpit ng yakap ko.

"I-I don't get it..." I breathed. Niyuko ko ang ulo ko sa kanyang balikat at hinayaan siyang isayaw
ako. "I mean... I kind of get it. He's cruel. I've seen it all. But..."

"But?"

Suminghap ako. Ayokong umiyak dito. Hindi sa harapan ng angkan niya. Pigil na pigil akong
magluha dahil bukod sa magiging kahihiyan ito ay masisira ang make up ko na pinaghirapan ni
Lady Merryl. The party isn't over yet.

"Bakit ang dali lang sa kanyang gumamit ng iba para sa kanyang kapakanan?" tanong ko.
"Tinanggap ko na e. Tinanggap ko na, na habang buhay na akong nakatali sa kanya. Na siya lang
ang susundin ko. Na sa kanya lang ako..."

"Hush. Don't break down. Let's have a walk first." Hinawakan ni Oscar ang kamay ko at hinila ako
palayo sa mga mapanuring tingin.

Bago kami tuluyang nakalayo ay nakita ko ang nakasunod na tingin sa amin ni Celeste.

Dinala ako ni Oscar sa hardin nila. Maraming pailaw sa paligid at kahit gabi ay kitang-kita ang
ganda ng mga bulaklak. Malamig din ang hangin dito.

Hinila ako ni Oscar sa isang bench saka niya ako hinarap. Nung sinubukan kong yumuko ay agad
niyang inangat ang aking mukha para matitigan ako. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na
tumakatakip sa aking mukha.

"I don't know what to say right now," he muttered. Ramdam ko ang kawalan ng gana sa kanyang
boses. "I admit it. I am not as strong as him. Wala akong laban sa kanya. I can't help you. It's
frustrating. I'm really sorry, Astra."

Umiling ako. Sobrang sikip ng dibdib ko ngayon. I wanted this night to be a fun one but Brix
managed to ruin it without even trying and even though he wasn't around.

"No. It's not your fault." Pilit akong tumawa. Bahagya kong inangat ang aking ulo para bumalik ang
mga luhang namuo sa mata. "It's all me. I don't have any right to complain. I am just a slave here."

"You are my friend..."

Tumuwid uli ang tingin ko kay Oscar. He was smiling at me now. It's ironically how I find solidarity
with the brother of the reason why I need one.

"Am I?" Turo ko pa sa sarili ko. "Like... really?"

He nodded as he moved closer to me. Hinawakan niya ang kamay ko at bahagya 'yong hinaplos.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumitig sa kanya.

I couldn't complain how sincere his eyes were.

"You see? I am not one of them," he said straight into my eyes. He supposed that with grief.
"Magkadugo lang kami pero isa ako sa mga tutol sa pamamalakad nila. No one should be treated
like this. You don't deserve it. No one does."
I gulped. "You want to resist but you can't. Is that it, Oscar?"

Tipid na ngumiti ito. Binitiwan niya ang kamay ko at sumandal sa bench. Saka siya tumingala sa
mga bituin. Nakatingin lang ako sa kanya. Ngayon ay tila nalipat sa kanya ang lungkot na
nararamdaman ko.

"I've always been a follower. The good son. The good man of Cardinals. Wala pa akong
nagawang kinasama ng loob nila." Sandali itong tumigil para bumuga ng hangin. "Siguro ay dahil
ayaw ko rin na makagawa ng mali. I'm always on the safe side."

"You are good." I wanted him to know that.

He chuckled. "I am. Well, at least that's what you see. But..." He closed his eyes. "I have sacrificed
and wasted a lot of opportunities just to be on the safe side. I am not in trouble but I am not happy
either. It feels like... I am just here."

Lumunok ako. I didn't see that coming. I thought he was good. Damn right. He was good because
that's what he wanted us to see. I felt guilty now how I treated him a while ago.

"I'm sorry, Oscar..."

"I know, Astra." Mahina itong tumawa bago lumingon sa akin. Kumislap ang kalungkutan sa
kanyang mga mata. "I am frustrated with myself, too. I want them to know how special she is to
me. That I don't just see her as my slave. That she is someone... I can't afford to lose."

Doon ako napangiti. I knew it. Pareho sila ni Celeste ng nararamdaman. Pareho rin silang takot
umamin dahil alam nilang sa oras na umamin sila ay siyang oras na manganganib ang kanilang
pinagsamahan.

The complexity of their relationship is suffocating.

If we can only be with someone we love without seeking approval from others. If we can only bend
rules just to go for something we love.

I wonder how's this world if loving someone is something you are always allowed to. But
unfortunately, the society we live in has a standard that makes things hard to get.

I really think love isn't something we should fight for. To love is something we all are should always
allowed to. No matter the instances, nothing should restrict us from it because in the first place, we
aren't in control of what we should feel.
I breathed. I hate it here.

"Hey!" Hinarap ako ni Oscar. Sa isang iglap ay masigla na ngayon ang kanyang mukha. "The
party isn't over yet. You still have a long night, Astra. Forget everything and have fun. This is the
reason why you are here."

Napatitig lang ako sa kanya.

He stood up and offered me a hand.

All smile, he asked, "Let's get lost tonight?"

I let out a heavy sigh as I nodded. Inabot ko ang kanyang nakaalalay na kamay.

Pagkabalik namin ay iba na ang ambiance. Ang mga lamesa ay nasa gilid na, nag-iwan nang
malaking space sa gitna kung saan nagkakagulo ang lahat. Napalitan ng rock ang ballad music.
The cheerful laughs and enthusiastic conversations are filling my ears. Everyone is drinking
bloody alcohols.

Oddly, I find this one better.

I roamed my eyes around. I couldn't find the Seniors anymore. Malamang na nasa mas tahimik na
lugar na sila. I mean oldies aren't into this kind of mess. That means I am free now!

"I'll just find Celeste," bulong sa akin ni Oscar. "You wanna come? Or hintayin mo ako sa counter."
Turo niya kung saan nakalagay ang mga alak.

"Sure." I smirked. "I'll just wait you there."

Tumitig ito nang sandali sa akin bago ngumiti at tumango. Pinagmasadan ko siyang sumalo sa
karamihan ng mga nagkakasiyahan.

"It's time," gulantang sa akin ni Lady Merryl. May hawak itong baso ng alak na ubos na. Pinatong
niya ito sa tray ng dumaan na waiter. "Time to change, Lady Astra. "

"Sure," I agreed.

"Finally!" Napatingin ako kay Erikson. Mukhang balisa ito. "Kanina pa kita hinahanap. But this guy
has been annoying the hell out of me! Nahirapan akong hanapin ka." Tukoy niya kay Lady Merryl.
"I told you not to call me a guy!" Lady Merryl screeched.

"You need to go home now..." ani Erikson.

"Hell no! The party isn't over yet!" si Lady Merryl.

Hinawakan na ako ni Lady Merryl at hinila sa dressing room. Mabilis niyang sinara ang pinto at
kinandado nang aktong papasok si Erikson.

Hinarap ako ni Lady Merryl. "What's wrong with that guy? Hindi pa tapos ang party tapos
papauwiin ka na? Saka hindi pa ako naka-score sa kanya."

I just shrugged my shoulders.

"Time to be more careful, Lady Astra," he reminded me while preparing my new clothers. "The
ambiance is wild now. Seniors aren't around anymore. The guys won't hesitate to approach you
now that you're not with Lord Severo."

Tinulungan niya akong hubarin ang dress ko saka ko sinuot ang cocktail party dress na ako rin
ang pumili. Inalis niya ang pagkaka-bun ng buhok ko. Nag-form ng wave ang buhok ko ngayon na
inayos lang niya para hindi gano'n kasabog.

"Perfume. Close your eyes."

Napaubo ako nang maging ang mukha ko ay sabugan niya ng pabango. Kinalahati niya ang
pabango bago nakuntento. Nagmamadali na rin siya dahil kanina pa kumakatok si Erikson.

"Wait nga!" sigaw niya sa labas.

"What are you doing to Astra?" tanong ni Erikson sa labas. "Why am I not allowed inside? Come
on, brah. Open the door. I need to talk to her."

Natawa ako dahil hindi na maipinta ang mukha ni Lady Merryl. Asar na asar na ito kay Erikson.
Iyon pa naman ang pinakaayaw niya sa lahat... ang tinatrato siyang lalaki.

Huminga siya nang malalim bago bumaling sa akin. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang
paa bago pumorma ang ngiti sa kanyang labi.

"Don't spill blood, aright?" he assured.

I nodded. "Can I drink blood?"


"Sure!"

Napapikit ito nang kalabugin na naman ni Erikson ang pinto.

"What a brat," he mumbled.

Pagkabukas niya ng pinto ay si Erikson ang agad na bumungad, nakanguso ito. Napatuwid ito ng
tayo nang mapatingin sa akin. Lumunok ito bago ngumiti.

"Let's go?" aya sa akin ni Erikson. "Why did you change? Uuwi ka na rin naman."

"No." I shook my head.

Kumunot ang noo niya. "Gusto mo pang mag-stay?"

Tumango ako.

"But... you don't look good—"

Hinawakan na ni Lady Merryl ang braso ni Erikson.

"I am your date tonight, Mr. Nadija."

"What? Hell—"

"Hush!" Lady Merryl looked at me and winked. "Have fun. Ako na ang bahala sa isang 'to." Saka
na niya hinila palayo si Erikson na nagpupumiglas pa.

Naiwan ako sa loob ng dressing room. Bumaling ako sa pumipitik na reflection sa salamin. Nasira
na ni Brix ang lahat at hindi ko hahayaang maging ang gabing ito ay masira niya.

Napatingin ako sa lipstick na nakalimutang itabi ni Lady Merryl. Kinuha ko ito para patungan ang
kulay ng labi ko. Nang makuntento ay ngumiti ako.

"Whoa!"

Napaharap ako sa nagsalita. Si Resty na may hawak na dalawang wine glass. Nakangisi ito kaya
batak ang basa at namumula niyang labi.

"Drink?" he offered me.


Tinanggap ko ang alak at inisahang inom. Nilapag ko ito sa gilid bago siya nilagpasan at lumabas
na ako. Ramdam kong nakasunod naman ito sa akin.

"Hey!" Hinarang ako ni Adrian.

Napatingin ako sa likod niya kung nasaan ang mga alak. I need to drink more. Hindi ako
nakuntento sa isang baso.

"Oh. You want drinks?" tanong nito nang mapansin na sa iba ako nakatingin.

"Me, too!" si Resty.

"Follow me," aya ni Adrian.

Bumuga ako ng hangin bago sumunod. Bawat dumadaang lalaki na napapatingin sa akin ay
nginingitian ko. I need to be more friendly now. Or at least... flirty. The hell I care.

"I think you like my cocktail mix better?" pagmamayabang ni Adrian. "Don't worry. I'll serve you my
best one tonight."

"You are no better than me, Adrian." Umakbay sa akin si Resty. "Right, Astra? Napag-isipan mo
na ba ang alok ko? My treat, don't worry."

I pushed him away. Tumawa lang ito.

Umupo ako sa high stool chair at pinanuod si Adrian na samahan ang mga bartender na maghalo
ng alak. Umupo rin sa tabi ko si Resty. Umikot ang mga mata ko nang halikan niya ang leeg ng
babaeng katabi niya.

"Two," he whispered.

The woman giggled. "Pleasure, Mr. Escariaga!"

Bakas ang galak sa babae bago umalis.

"Have you seen Laura, Mr. Escariaga?" tanong ni Adrian na naghahalo pa rin ng alak. "Kasama ko
lang kanina. Naglaho habang hinahanap ko si Astra."

Resty shrugged his shoulders. "Baka umuwi na?"

"Oh, there!" Sinundan ko ang turo ni Adrian.


Napailing ako nang makitang umiindak sa dance floor si Laura at pinaliligiran ng mga lalaki. Sabog
na rin ang buhok niya pero mukhang wala na siyang pakialam doon. I can't wait to be like that too
later.

"Can you be my three?" tanong sa akin ni Resty.

"Fuck off!" si Adrian.

"What do you mean?" takang tanong ko.

Sinabihan niya ng two ang babae kanina at nakita kong tuwang-tuwa ito. There must be
something special when Resty gave you a number.

"Oh, no." Resty shook his head. "You are special. You don't deserve a number."

"Answer me," I demanded.

Mahina itong tumawa bago nilapit ang mukha sa akin. Hindi ako kumilos. Binugahan niya ako ng
hangin sa mukha pero hindi pa rin ako kumilos.

"Fierce," he murmured, amused. "I want five girls in my bed room tonight. I already got two now."

Oh. That's it. Bakit hindi ko naisip 'yon?

I smirked as I shook my head. "I don't like sharing, Mr. Escariaga. If you want me, make sure it will
be only me."

Mas lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi.

"Oh. Just tell me so I can get rid of them," he whispered again.

"Gago ka talaga." Hinawakan ni Adrian ang ulo ni Resty at nilayo sa mukha ko. "Lubayan mo si
Astra kung gusto mo ng tahimik na buhay."

Resty tsk-ed.

"Right. She's under Brixton Fucking Cardinal!" Resty shook his head in frustration. "What a shame.
Sa dami ng pwedeng makakuha sa 'yo, ba't siya pa?"
"Here." Inabot sa akin ni Adrian ang alak na ginawa niya. "I hope you like it."

"Thanks." I smiled.

"Where's mine?" tanong ni Resty.

Kinuha ni Adrian ang isa pang baso at inabot kay Resty. Nagpaalam naman ito na sasamahan
muna si Laura sa dance floor. Bakas pa rin ang pagkayamot sa mukha nito dahil sa sinabi ni
Adrian.

Lumabas si Adrian sa counter at umupo sa pwesto ni Resty. May hawak din siyang alak.

Sumimsim ako sa alak ko.

"Oh!" An amused sound escaped my lips when I tasted my drink. "Hindi ko pa natikman ang
ganitong gawa mong alak. This is the best one in my opinion."

Tumawa ito. "Thanks. I really don't serve that mixture that much."

I chuckled. "Am I special to you then?"

"You are gorgeous, You deserve it."

"Hey, hey, hey!" Dumating ang isang lalaki na may kaakbay na babae. I remember him well, lalo
na ang babaeng kasama niya. "Hey there, gorgeous. Remember me?"

I rolled my eyes. "No. But I remember your bitch who blows good. Wendy."

Humalakhak ito.

"Randolf!" pakilala niya. "I'm not sure if you kidding around or you are just that forgetful."

Yes. I remember him. Inasar ko lang.

"You smell good," puri pa nito. Inalis niya ang pagkakaakbay kay Wendy para tumabi sa akin.
Tumikhim pa ito. "You are really that bitch huh?" he whispered.

"Mr. Wenson!" Pinanlisikan siya ng tingin ni Adrian.

"Chill, brah. That's not an insult." Natatawang sambit ni Randolf. Tumayo ito at kumuha ng alak
bago tumabi uli sa akin. "I mean... she caugh two freaking Cardinals. The father and the son.
She's that bitch!"

"You need to chill, too, Mr. Wenson," sagot ni Adrian.

"You are the son of Lord Wenson? The senior?" I asked.

He just shrugged his shoulders and gulped his drink.

Yep. Sa tingin ko ay siya ang tinutukoy ni Lord Wenson na gusto niyang makilala ko.

Napatingin ako sa likod nang may magsigawan. Sumiklap ang apoy mula sa mga pinagsama-
sama nilang tuyong sanga ng puno at pinalibutan nila 'yon.

Habang mas lumalalim ang gabi ay padilim din nang padilim ang mga nangyayari.

"Everyone! May I get your attention?!"

Tumingala ako kay Randolf na ngayon ay nakatayo na sa bar counter. Nakabukas ang ilang
butones ng kanyang polo shirt. Tinaas pa niya ang hawak na alak para kunin ang atensyon ng
lahat.

"Tara na, Astra," aya sa akin ni Adrian.

"Where?" tanong ko.

"Basta—"

"Wait, wait..." Hinarangan ako ng isang lalaking nababalutan ng tattoo. Kung hindi ako
nagkakamali ay siya si Braun. Ang unang bumungad sa akin pagkapasok ko sa Nightscape Club.
"Don't drag the queen of the night. Stay still, Lady Astra."

Hinampas ni Laura sa likod si Braun. Kahit papaano ay tila nahimasmasan na ito.

"Tumigil kang hayop ka. Huwag niyong pag-tripan si Astra!"

Lumapit sa akin si Laura at sinubukan akong hilahin pero pinigilan uli siya ni Braun. Umiling ito
habang malawak ang ngiti. Sinamahan siya ng ilan pang kalalakihan.

"Enough of this bullshit," madiin na sabi ni Adrian.


"Guys guys!" Pumalakpak si Randolf bago ngumisi sa akin. "As we all know, the greatest Cardinal
has found his pet. I am sure, I wasn't the only who got struct by her when she showed herself a
while ago. Right? The talk of the town girl is here with us!"

Suminghap ako nang magsigawan sila habang nakatingin sa akin. Hindi ko masabi kung
nagagalak ba sila sa akin o hindi nila ako gusto. Pero ang mga lalaki ay nanghuhubad ang tingin.

"Why don't you introduce yourself, Lady Astra?" hamon ni Randolf. "We all are curious what you
got there. Would you like to stand here with me?"

"No," pigil ni Adrian.

"Oh, come on!" Tumamad ang tingin sa akin ni Randolf. "Andito ka na rin naman. Member ka na
rin ng Nightfall Clan. Don't you like a warm welcome from us?"

"You are putting her under pressure—"

"Sure!" putol ko kay Laura.

"Astra!" pagtutol ni Adrian.

Pinitik ko ang buhok ko bago inabot ang alak at tumungtong din sa bar counter. Napasinghap ako
nang may mapagtanto. I am now facing the Nightfall Clan. This feels surreal but I managed to stay
firm while standing here.

"Whew!" Sumigaw si Randolf na sinundan ng lahat. "Astra! Astra! Astra!" they started to yell my
name.

Nilagok ko ang alak bago itinaas ang mga kamay. Tumigil sila sa pagsigaw sa pangalan ko.

"Who want a kiss?" I asked.

Hinagis ko ang hawak na baso at nagkumahog ang lahat ng lalaki para saluhin 'yon. Napangisi
ako nang sumabog uli ang ingay sa paligid.

Tuwang-tuwa si Randolf sa nangyayari,

"This is fun!" he whispered.

Bumaling ako sa kanya. "I'm all for fun. Dare me, Mr. Escariaga."

"Got it!"
Sumampa rin ang lalaking nakakuha ng baso na tinapon ko. Malawak ang ngiti sa labi nito habang
nakaharap sa akin, naghihintay kung ano ang gagawin ko.

Of all men here, it's him.

Nahuli ko sa hindi kalayuan si Erikson katabi si Lady Merrly. Nakakunot ang noo nito habang
nakatingin sa akin. Bakas ang kagustuhan nitong lapitan ako pero hindi niya magawa dahil kay
Lady Merryl.

"What fuck is this?" he mouthed.

Hindi ko siya pinansin. Bumaling ako uli sa lalaking nakasalo sa baso.

"Your name?" I asked as I ran my finger on his bare chest. "I forgot, sorry."

"Resty," he responded as he winked at me.

"Resty..." I mumbled his name in a seductive way. "You have been waiting for this. Feel me
then..."

Nilapit ko ang leeg ko sa kanyang labi. Hinalikan niya ako roon at tumaas sa aking panga
hanggang maabot niya ang aking labi. Hinawakan ko ang batok niya para mas idiin ang halik ko.

Everyone was cheering for us.

"Stop now, Astra," dinig kong sabi ni Adrian. "You don't need to do this."

I know. I am just having fun just like Brix.

Naramdaman kong mas naging madiin ang halik ni Resty. Bago pa man niya ako tuluyang
makagat ay tinulak ko na siya. Gano'n pa man ay hindi nawala ang malaking ngiti sa kanyang labi.

"As I expected..." He bit his bottom lip. "You left me craving for more. Such a tease."

I faced the crowd again.

"It's a pleasure to be a part of Nightfall Clan. I hope spend to more time with you, Nightfalls. I am
Astralla Martin and I don't belong to anyone yet..." I announced.

I said it!
Bumalik ang sigla ng lahat. Mas tumaas ang siklab ng apoy.

"Can I get a kiss, too?" Randolf asked.

Hinaplos niya ang aking pisngi.

"No!" Sumulpot sa harapan ko si Erikson at tinulak palayo sa akin si Randolf. Nagmura ito pero
balewala kay Erikson. Matalim ang tingin nito sa akin. "Ihahatid na kita."

Umismid ako at hindi siya pininansin. Bumaba na ako at kumuha pa ng alak. Saka ako sumalo sa
mga nagkakasihayan sa gilid ng siga.

I closed my eyes as I danced with random strangers.

I wish he could see me right now.

No matter what he does, I won't be in a misery for a long time. No matter how many times he put
me at risk, I will always make sure to make things go my way.

He managed to twist my initial plan, but this is not the end.

It's just begun.


Chapter 30

Chapter 30: Enough

I lost count of shots I've taken in just a matter of hours. My head feels heavy now, my vision is still
clear but unstable and mind is in a huge chaos. With all that, I am still in rational thinking to know
what I am doing. What am I doing? Dancing with fire that can either be fun or burn me down.

"This is enough," Erikson tried to pull but I managed to flinched my arms. He looked at me in
disbelief. "You are drunk now, Astra. You are a mess. I'll drive you home now before things get
even worse."

Tumawa ako bago lumapit sa kanya. I wrapped my arms around his neck and looked at his
enraged eyes. I swayed my body, hoping he would follow but he stood still. That didn't stop me
from swaying.

"Is this your way of rebellion?" he asked.

I smirked. "You knew all along..."

That caught him off guard. Napatikhim ito at bagyang lumihis ang tingin. Feeling guilty eh? Hindi
ko tuloy alam ngayon kung tanga lang ba talaga ako para hindi 'yon agad maunawaan o
nagpalamon lang ako sa mga plano ko at hindi ko naisip na maaari ding may plano si Brix.

"That's not case here. I need to bring you home—"

Sinubukan kong kumawala sa leeg niya pero hinapit niya agad ang bewang ko palapit sa kanya.
Hindi na ako nakatakas sa kanya. Napangiti ako sa ginawa niya. Gano'n pa man ay hindi nagbago
ang expression sa kanyang mukha.

"Fine." He let out a heavy sigh as he tighten his hold around my waist. "If you don't want to go
home yet then, stop dancing with random strangers and just dance with me instead."

"Is that a threat?" I mocked.

"No. It's just I can handle myself unlike the others."

"Why?" I pinned my body against his as I bit my bottom lip. "Are you not like them, Erikson? Don't
you feel thirsty just by staring at me? Tell me. Wala ba akong epekto sa 'yo?"

He grinned as he shook his head. "You are gorgeous, Astra. That's undeniable. But I still value my
life more than anything else. What's in my mind will always remain in my mind."
I pouted my lips.

"That's unfair. You can read mine," I muttered.

Binalingan ko ng tingin ang ibang sumasayaw. They are banging their heads with the sound of
rock music. Meanwhile, Erikson and I are dancing slowly. This is funny. The music isn't even
romantic at all.

"But I can't read your mind anymore." Naagaw uli ni Erikson ang aking atensyon. "Hindi ko lang
alam kay Brix. Pero kami... hindi na namin kayang pasukin ang isipan mo. You are learning, Astra.
You are getting tougher as day passes by. You will be a great vampire someday."

"Greater than Brixton Wenz Cardinal?" I arched my brows.

Tumawa ito kaya natawa rin ako. Right, Everytime I get tougher, Brix gets toughter too with I don't
know how intense. There's no hell I will stand a chance against that living hell.

"I want drink," I mumbled.

Hindi na ako pinigilan ni Erikson. Sinubukan kong balansehin ang aking lakad hanggang sa
makarating sa counter. Napatingin ako sa lalaking agad na tumabi sa akin. Syempre si Erikson.

"Where's Adrian?" I asked the bartender.

"Hmmm. I have no idea, Lady Astra," magalang na sagot nito. "But surely, they are just around.
Drinks?"

I nodded.

Bumaling ako sa dance floor. Hindi ko pa man gaanong nagagala ang tingin ko ay nakita ko agad
si Adrian. Kasama ang isang grupo ng mga lalaki at nagkakasiyahan din. Lumipat sa isang table
sa hindi kalayuan ang tingin ko. There's Randolf, biting Wendy's neck who's sitting on his lap
facing him.

Napahikab ako. Yumuko ako sa counter. Naramdaman ko na ang antok.

"There you are," I heard a voice.

"You again?" yamot na tanong ni Erikson.


"Hindi mo pa ako sinayaw!" reklamo ni Lady Merrly. "Kumuha lang ako ng drink at pagbalik ko ay
wala ka na. You are heartless, Mr. Nadija. How dare you ignore a lady like me!"

"You are over dramatic, Sir."

"S-Sir..." Napangiti ako dahil sa tinawag ni Erikson sa kanya. "Anyway, what happened to Astra?"
Naramdaman kong tumabi siya sa akin. He tapped my shoulder. "Hey. You still good?"

"Yeah..." I lazily answered.

"Here's your drink, Lady Astra."

Umangat ang tingin ko. Hindi ko pa man nakukuha sa bartender ang alak ay naagaw na agad ito
ni Erikson. Diniretsong lagok niya ito bago pabagsak na ibinaba ang baso.

"You can't drink anymore," he said.

"Epal," bulong ko.

"Isayaw mo naman ako, Nadija!" request ni Lady Merryl. Nakanguso na ito ngayon. "I've been in
this celebration for decades now but no one danced with me yet. I mean... I am not complaining
but it would be nice to experience that."

I looked at Erikson. Mukhang naapektuhan ito sa sinabi ni Lady Merryl pero hindi sapat para
mapapayag ito.

"I don't dance," he replied. "Why don't you ask someone else? Marami naman dyang iba."

"Okay," tipid na sagot ni Lady Merryl. "Forget it."

"He can dance," agad ko. Pinanlakihan ko ng mga mata si Erikson. "Hindi ba, Erikson? Kahit isang
minuto lang? You are not that cruel, I know. Please?"

"It's fine—"

"Okay." Erikson stood up and offered his hand to Lady Merryl who is currently confused. Gulat ito
kaya hindi niya agad nasagot si Erikson. "One minute, all right?"

"Oh. Sure!"

Tumayo rin agad si Lady Merrly at tinanggap ang kamay ni Erikson. Tumingin pa ito sa akin at
kumindat.

"Stay here, Astra..."

"Yeah..." tamad kong sagot.

Pinanuod ko silang maglakad papunta sa dance floor. Binaling ko rin agad sa counter ang tingin
ko. Pumuslit ako ng isang bote ng alak bago naglakad palayo. Hindi naman nakatingin si Erikson.

Lumayo ako sa ingay at tinahak ang pinuntahan namin kanina ni Oscar. Sa hardin na hindi
pinupuntahan ng mga bisita. Umupo ako sa pwesto namin kanina ni Oscar.

Wait. Where's Oscar? Celeste is nowhere, too. They are probably together. I hope they are fine.

Tinungga ko ang alak sa bibig ko bago nagbuga ng hangin. Sandali kong binitiwan ang bote para
yumuko at alisin ang mga heels sa paa ko. Nangangawit na rin ako.

Sumandal ako sa bench bago uli uminom. Nakatitig ako sa mga binti kong bahagya kong
ginagalaw. I am really sleepy now but I don't want to go home yet.

Err. Oo nga pala. Ang plano ko ay lilipat na ako ng bahay. Ayoko na sa tinirihan ko ngayon. I want
to be away from Tita Ophelia, Eliyah and Dahlia. I want to be as far away as possible.

"Would you mind?"

Umangat ang tingin ko sa lalaking biglang sumulpot. Napaayos ako ng upo nang mapagtanto na si
Lord Trojan ito. Maagap na umusog ako para bigyan siya ng puwang.

"Thanks," he said before he sat down.

Naglabas ito ng sigarilyo at nagsindi. Good thing is he puffed the smoke on the other direction. I
don't like that smell. Though naaamoy ko naman siya sa Nightscape Club, iba pa rin kapag sa tabi
ko mismo ang amoy.

Nagkibit-balikat na lang ako uli bago tumungga sa alak.


"Lord Severo wants you in his room tonight," he suddenly asked.
Hindi ako kumibo. I am stunned but not surprised. I saw it all coming. Damn. I didn't know I would
lose my virginity to a boomer. I mean... he doesn't look that old but still... we have a huge age
difference.
"Though it's up to you if you want to come in or not," he added.
"I will go," I said as I gulped on the bottle.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa na ikinalingon ko. Diretso pa rin ang tingin nito habang
humihithit ng sigarilyo. Sa lahat ng Seniors, sa kanya talaga ako namimisteryuhan. I mean... I
don't know all of them personally but something about Lord Trojan which makes him stand out.
Maybe because he is the youngest and it's weird that someone like him is part of Seniors? Or it's
just he doesn't talk that much?
"He's really interested in you," he mumbled again but this time, he looked at me. "I guess, you are
really what Brix needs to get the long coveted position. The long wait is over for the greatest
Cardinal."
Suminghap ako. "He will be a good leader," I said.
"Oh." He nodded. "No doubt."
"Maybe he deserves that spot," I added.
"Yes. But I am afraid for that child." Muli itong nagsindi ng sigarilyo nang maubos ang isa.
"What do you mean?"
"He will have the position but not the entire clan," makahulugang banggit nito. "Yes, they will fear
him even more. He can rule anyone and punish those who dare to block his way. But... it could be
the reason of his downfall, too."
Napalunok ako sa sinabi niya. I don't understand but... I am affected.
"One thing Brix doesn't understand is..." He looked up at the sky as he puffed smoke. Bahagyang
nabalutan ng usok ang kanyang mukha. "They will never treat him as an ally anymore. He can get
the clan but not their trust. He will be feared but that is also one of the reasons why he can't rule
longer. Everyone will try to shoot him down."
"Just because of that mistake?" I acrhed my brows. "Hindi ba uso sa inyo ang pagpapatawad? Do
you really can devalue someone who makes a mistake that easily?"
"It's not just a mistake," he chukled. "He slaughtered an entire clan. What do you think, Astra?"
Bumaling siya sa akin. "Kung nagawa niya sa ibang clan 'yon, ano sa tingin mo ang rason para
hindi niya gawin 'yon sa sarili niyang clan?"
I gulped. "Y-you are against the idea of him ruling your clan."
He looked away and that confirmed my thought.
"You know what?" Tumawa ako bago tumayo. Napangiwi pa ako nung muntik na akong matumba
dahil sa hilo. "Doubt his ability to rule a clan but never doubt his ability to protect something he
loves. He loves this clan more than anything. The root of all this is because he loved someone.
Hear me? He became like this because he valued something! I'm disgusted."
Naglakad na rin ako palayo.
I don't even know why I am arguing for Brixton. But that fact that they all see him as the villain in
this story is disgusting me. I am mad at him too, hell yes. But I am aware of his history. I don't
know that much about him but I know that when he loves... he will lay everything on the line.
He loves this clan. That's the reason why he wants to rule it. At least... that's what I think.
Still... I won't forget everything he did to me.
"Lady Astra."
Napatingin ako sa dalawang maskuladong lalaki na lumapit sa akin. Kung hindi ako nagkakamali
ay sila ang mga guard ni Lord Severo. Sila ang nakikita kong umaaligid sa tabi niya.
"Pinapatawag kayo ni Lord Severo sa kanyang silid," saad ng isa.
Natigilan ako.
"N-no. I want to go home," I answered.
No. I don't want him to take the first experience anymore. I've decided to keep this until I can use it
for my own advantage. I will keep it until I am ready to give in myself.
"We have no choice then."
I was about to scream when he covered my mouth with a cloth. Wala akong nagawa nung binuhat
nila ako. I was feeble to refuse, too. Sa huli ay hindi na lang din ako nagpumiglas dahil alam kong
mag-aaksaya lang ako ng lakas.
Even if I wasn't drunk, I couldn't resist from them.
Nakita ko si Erikson sa hindi kalayuan. Mag-isa na lang siya. Malikot ang kanyang tingin, halatang
may hinahanap. Mukha rin siyang balisa. Hindi niya ako nakita. Hanggang sa maipasok ako sa
loob ay hindi niya ako nakita.
Pinikit ko na lang ang aking mga mata. I don't what to do anymore.
"Kumalma na yata siya. Pwede na nating ibaba," dinig kong sabi ng isa.
Maingat na ibinaba nila ako. Wala na rin naman akong magagawa kaya sumunod na lang ako.
Magkasalikop ang aking mga kamay habang umaakyat kami sa hagdan. Nakaalalay ang isa sa
akin dahil medyo hindi na maganda ang lakad ko.
"Here." Huminto kami sa isang pinto. Malamang na ito ang silid ni Lord Severo. "Hanggang dito na
lang kami. You can go inside alone. He's waiting..."
I could sense the excitement on their voices.
"Have fun," he added.
Huminga ako nang malalim bago hinawakan ang pinto. Nakayuko ko itong binuksan at nakayuko
rin akong pumasok. Nang makapasok ako ay sinara ng mga lalaki ang pinto.
Napasinghap ako nang mas bumigat ang pakiramdam ko.
"Hey there, lovely."
Umangat ang tingin ko kay Lord Severo. Nakakulay itim na bathrobe lang ito. Mukhang katatapos
lang din nito sa shower dahil basa pa ang kanyang buhok. Nakasandal siya sa headboard ng
kama at may hawak na libro. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin.
For a moment, I thought he was Brixton.
I roamed my eyes around. Dim ang lights, may mga mabangong kandila sa paligid. This is such a
romantic scene that I only see in movies. Masarap sanang matulog dito. Kung hindi lang iba ang
sadyan ko sa silid na ito ay baka tumalon na ako sa kama at natulog.
"Take it off," he ordered.
I gulped. Mas nangangatog ang mga tuhod ko. Hindi ako nakakilos na mas ikinalawak ng ngiti ni
Lord Severo. He seemed astonished just be seeing me this tensed.
"Don't be scared," pagpapayapa niya sa akin. Binaba niya ang hawak na libro at humalukipkip.
"Come on. Take off your dress and lay down beside me, Lady Astra."
Lumunok ako uli.
Damn it.
I was shaking when I held the hem of my cocktail. Sobrang lakas ng pintig ng dibdib ko.
"Good girl," he smiled.
I sniffed when I loose the grip of cocktail. Tanging ang kamay ko na lang ngayon ang nakahawak.
Kapag binitiwan ko ito ay tuluyan na akong mahuhubaran.
"Come on, Lady Astra. Lay down beside me."
I bit my bottom lip.
Teary eyed, I closed my eyes.
Bibitiwan ko na sana ang cocktail dress ko nang may humawak dito. Napapikit ako nang iikot niya
ako paharap sa kanya at kinulong ako sa kanyang mga braso.
A sob escaped my lips.
"This is enough," Brixton said.
I cried.
Chapter 31

Chapter 31: First Man

He's back.

I didn't know how much I waited for this until it came.

"Napabilis yata ang pagbalik mo, Brix?" dinig kong tanong ni Lord Severo. I couldn't tell if he was
amazed or what. "What happened, Son? Did something go wrong?"

Napabilis? Oh! Ang alam ko ay aabutin ng buwan bago makakabalik si Brix. Ilang araw pa lang
siyang wala. Why does it feel like it's been ages?

"Son?"

Naramdaman kong niyapos ni Brix ang likod ko hanggang sa higpitan niya uli ang kapit ng dress
sa katawan ko. Niluwagan niya ang yakap sa akin pero hindi ako bumitiw.

I was biting my lower lip, trying to surpress my emotions. I am mad at him. I have every reason to
hate this man I am hugging but I put it all aside at this moment. I need a hug.

"Did I ever fail you, Dad?" Brix asked and I could sense the scornful in his voice. "I rushed things
to get back sooner than usual. They agreed on your conditions. Those who didn't are no longer
breathing. Good news, Dad. Mission accomplished."

Lord Severo cleared his throat.

"I wasn't coercing Lady Astra," Lord Severo immediately defended himself. "If she said no, I
wouldn't invite her in. But that doesn't matter anymore. I guess my time is up, right? You are back."

"Yeah. I'm taking her back now, Dad."

Binitiwan ni Brix ang pagkakayakap sa akin. Hinawakan niya ang braso ko. Hindi niya ako
binalingan ng tingin. Hinila niya lang ako palabas ng silid na 'yon.

We walked through the wrecked door. Nakayuko ang dalawang guard na kanina ay maangas.
Nakakamangha. Hindi ko napansin na nakapasok si Brix.

Fear. I could sense it again.

"L-Lady Astra..." Naabutan namin si Erikson sa dulo ng hagdan. Bakas ang pagkabahala sa
kanyang mukha. Hindi man lang niya magawang tumingin kay Brixton. "Kanina pa kita hinahanap.
Where have you been?"

"Take a break, Mr. Nadija," malamig na sambit ni Brix.

That's the moment Erikson looked at Brix. He gulped and shake his head.

"I'm sorry, Brix. I didn't know—"

"Did I blame you, Mr. Nadija?"

Napatingin ako kay Brix. Seryoso pa rin ang tingin nito pero hindi ko maramdaman ang
pagbabanta sa kanyang boses. His voice remained authoritative and but it was not showing any
threat.

Erikson shook his head for the second time.

"As you wish, Master Brixton," Erikson muttered before bowing his head. He stepped aside,
unblocking our way. "I will be here anytime you need me. Whatever it is."

"Thank you, Erikson," ako na ang nagsalita. "I really appreciate it. Thank you so much—"

"Enough," putol sa akin ni Brix bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

Binalikan ko ng tingin si Erikson at nginitian.

Ang akala ko ay iuuwi na ako ni Brix. Lumiko ito ng daan patungo sa party. Hawak pa rin niya ang
braso ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako tinitingnan.

Wait. We are heading to the party?

"No. I'm good now, Brix. Gusto ko nang umuwi—"

He stopped to look at me. His eyes were suspicious. I mean it's has been always like that.

I gulped when his forehead wrinkled.

"Aren't you going to join me drink?" he asked.

My lips slightly parted. I thought he doesn't like attending this kind of celebrations? But whatever
the reason is, I just nodded and smiled.
"Sure, Master Brix."

Hindi na niya hinawakan ang aking braso. Nasalikod niya lang ako at nakasunod sa kanya. Hindi
ko tuloy maiwasang hindi mapatitig sa kanya. Alam kong mabigat na trabaho ang binigay sa
kanya pero parang nagbakasyon lang ito.

Hindi man lang bakas ang pagod sa kanya.

He even came back more energized.

Sinalubong kami ng ingay mula sa mga nagkakasiyahan. Hindi rin nagtagal 'yon. Sa segundong
humakbang si Brix papasok sa eksena ay humupa ang ingay.

It seemed like an angel walked in and everyone got struck to the extent they forgot what they were
doing. In this case, there was no angel. Just the devil who would raise hell anymoment.

I couldn't help but to smirk.

Dumiretso si Brix sa bar counter. Napansin kong nataranta ang bartender doon. Mas lalo itong
naging balisa nang umupo na si Brix at tumingin sa kanya.

"Drink, please?" Brix asked, politely.

Whoa. That was a first. Mukhang good mood siya ngayon.

I sat beside him.

Napasinghap ako nang iikot niya ang kanyang upuan paharap sa akin. He stared at me for a
moment before a grin formed on his lips.

Shit. Why is he acting like this all of a sudden?

"Did you miss me?" he asked.

Tila natauhan naman ako dahil sa tanong na 'yon at biglang bumalik sa isipan ko ang mga
pangyayaring panandaliang nabura dahil sa biglaan niyang pagsulpot.

Umirap lang ako na ikinatawa nito.

"Is that a yes?" tanong pa nito.


"You are my master, of course," I said instead.

Mas lalong lumawak ang ngisi sa kanyang labi. Pakiramdam ko tuloy ay pinagloloko niya lang ako.
He knows that he's making me feel uncomfortable with that smirk.

God knows how that kind of smile fits him perfectly.

I gulped. "Are you good?" tanong ko.

Nawala ang ngisi sa kanyang labi dahil sa tanong ko. Sa halip na sumagot ito ay humarap na lang
ito sa counter. Sakto naman na nagsasalin na ng alak ang bartender.

And... he came back to being a cold jerk.

Whatever!

Bumaling ako ng tingin sa likod. Nagkakasiyahan pa rin naman sila pero alam kong kabado. May
ibang pasulyap-sulyap sa lugar namin na parang pinakikiramdaman ang paligid.

I kind of feel sad. Maybe Lord Trojan hit the bull's eye. Whatever Brix does, he won't get their trust
anymore. They all see him as a threat, a monster and someone they wouldn't like hovering
around. I couldn't help but to ask myself.

How does Brix feel knowing everyone sees him like this?

Does it make him proud of himself even more? It could be. Knowing fears fuel his ego.

"I'm good. Thank you for asking."

Napalingon ako kay Brix. Ininom nito ang laman ng baso bago nagsalin uli.

Did he just answer my question?

"That feels good though." He looked at me before drinking the newly poured alcohol in the glass.
"Knowing someone still cares whenever I come back from a long and fucking same old shit
mission. You got me there."

He chuckled.

Napatingin ako sa hawak niyang alak. Hahawakan ko pa lang 'yon pero iniwas niya rin agad sa
akin. Sinamaan ko siya ng tingin pero nilabanan niya 'yon nang mas masamang tingin.
"Stop drinking alcohol if you can't handle yourself!" pangaral nito bago bahagyang umirap. "I've
been wanting to scold that to your face."

"You've been watching over me—"

"Uh oh." He pointed his hand holding a glass on me as he shook his head. "Correction, Lady
Astra. You all. I've been watching you all. Not just you."

Umihip ang malamig na hangin na humipan sa mga mata ko. Naramdaman ko uli ang antok. Mas
dama ko ito ngayon dahil mahina na ang music at hindi na malakas ang hiyawan sa paligid.

Yuyuko sana ako sa counter pero hindi ko tinuloy. May mga patak kasi ng alak doon.

I yawned.

Napatingin ako kay Brix nang umusog siya bahagya palapit sa akin. Diretso pa rin ang tingin nito
sa iniinom. Nakadalawa na agad siya. Uhaw na uhaw.

"Can I?" tanong ko.

I didn't get a response.

I shrugged my shoulder as I leaned my head on his shoulder. Pinikit ko ang mga mata ko. Hindi
ako makakatulog sa ganitong posisyon pero makakapagpahinga ako.

I sniffed. I missed his scent.

"You did great." Brix patted my head. "Damn great. You made me proud, Astra..."

I wanted to embrace those words but whenever I remember what are those for, I couldn't help but
to shrug them away. Everytime I make him proud, I am pushing myself away. Everytime he
compliments me, I am doing myself dirty.

We were just quiet. Walang sino mang bumasag sa katahimikan. Alam kong nandito pa rin sina
Randolf, Braun ang iba pa pero hindi man nila kayang lapitan si Brix.

It didn't last like that. Biglang may lumapit sa amin at umupo sa tabi ko. Si Resty na halos
gumapang na dahil sa sobrang kalasingan.
"Oh, you're back Brix," I heard him said.

Napaayos ako ng upo nang tumingin ito sa amin. Kumislap ang pula sa kanyang mga mata. Bigla
kong naramdaman ang galit nito. Hinawakan niya ang isang baso at binasag ito sa kanyang
kamay.

"Shit," I gasped.

Napatayo ako at napaatras. Mabilis na sinuri ko ang katawan ko kung nasugatan ba ako. Mabuti
na lang at wala naman. Pero... ano kayang problema ng isang 'to?

Brix remained seated. Nagsalin lang ito uli ng alak sa baso. Hindi niya man lang tiningnan si Resty
na masama ang tingin sa kanya. He was showing his rage through those red eyes.

Why?

"Why do you always need to come back?" Resty questioned again.

Brix shugged his shoulders this time. "To disappoint all of you? What do you think?"

Kumuyon ang mga kamao ni Resty na nakapatong sa counter. I want to calm him down but I don't
know how. Baka maging ako ay madamay. Saka hindi ko naman alam kung bakit siya
nagkakaganito. Sila lang dalawa ni Brix ang nagkakaintindihan.

Mayamaya ay tumawa si Resty. Bumukas uli ang mga nakakuyom na kamao nito.

"Bakit ba pinagpipilitan mo pa rin ang sarili mo sa lugar na ito?" tanong ni Resty na umiiling pa.
"You lost your place the moment you left. If you just stayed away, things would be easier for you."

"I will be the next leader, Mr. Escariaga." That's the moment Brix looked at him. "Mukhang
mahaba-haba pa ang pagsasamahan natin? If you can't stand me, I won't stand in your way. You
are always welcome to leave."

"Next leader?" Pumorma ang mapang-asar na ngiti sa labi ni Resty. "Right. You will be the next
leader of not just a particular group but the entire clan. I wonder how long will you last like that?"

"Hey." Sumulpot bigla si Oscar.

"Until you wish to leave, maybe?" Brix responded.


"Or until you break the rule again—"

"Resty." Mabilis na nilapitan ni Oscar si Resty. "Ihahatid na kita. Umuwi na si Lord Escariaga.
Binilin ka niya sa akin. Let's go?"

Bumalik sa pag-inom si Brix.

"Aright," Resty chuckled. Tumayo na rin ito. Agad siyang napakapit kay Oscar nang aktong
matutumba. "You can have the position, Brix. But I will never acknowledge you as a leader. Not
anymore."

"Good to you see you back safely, Brix. Ihahatid ko lang si Resty," pagpapaalam ni Oscar kay Brix
bago bumaling sa akin. "Babalik din ako agad para ihatid ka. Wait me here."

I just nodded.

Gusto kong si Brix ang maghatid sa akin pero mukhang wala iyon sa plano niya.

Bumalik ako sa pwesto ko.

Napansin ko agad ang higpit ng pagkakahawak ni Brix sa baso. Napatingin ako sa kanyang
mukha. Kahit na nakayuko siya ay ramdam ko ang dilim ng kanyang pakiramdam.

In just a snap, Resty managed to ruin his mood.

Damn!

He just came back! Why can't they give him a damn break?

"I will be a good leader," Brix mumbled.

Hindi ako nakapagsalita.

But... I believe in him.

"Watch me, Astra..." Inangat niya ang tingin sa direksyon ko. "Watch me rule this clan. Watch me
bend the rules. Watch the changes once I've become the leader of Nightfall Clan. I will relish Dad's
legacy."

Wala akong nagawa kung hindi ang tumitig sa kanya. He seemed desperate this time. Ramdam
ko ang labis na kagustuhan nitong mapasakanya ang pwesto sa lalong madaling panahon.
"I am Brixton Wenz Cardinal. I own half of the Nightfall Clan when I merged my clan in it. I will own
it whole this time. No one can stop me from achieving this."

"Is this what you really want?" I asked.

Natigilan ito.

Doubt. Why did it become visible in his eyes all of a sudden?

"I was born for this," he supposed.

I bobbed my head. "It didn't change after all this time? I know you will be a good leader. You've
been fighting for this for I don't know how long. But... is this what your heart really desire?"

Bigla itong ngumisi.

"You are doubting my ability to rule," he mocked.

I immediately shook my head.

"Why do you keep fighting for the same reason why you are hurting, Brix? I get it. This is your
dream. But can't you see? Everyone is against you. You might get it but will you be really happy?"

"Happy?" An amused expression flashed on his face. "I forgot when was the last time I became
happy. The hell I care anymore. I've been living like this for a long time now. I've been used to not
being happy. This is no longer foreign to me, Astra..."

"Brix. Wake up. This position isn't for you—"

"For me?" A mocking laugh escalated out of his lips. "Who even said that I am doing this for
myself? Crap it. Let's not talk about things you don't barely know."

Natutop ako sa kinauupuan ko.

Bumaling ito sa alak at inisahang inom ito.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumitig sa kanya. He's not alone in this? Sino pa ang kasama
niya? Hindi ko inalis sa isipan ko na marami ang sangay ng kanyang plano.

Ngayon na sa kanyang labi na lumabas mismo ang mga salitang 'yon, hindi ko maisawang
mapaisip. Sino ang kasabwat niya sa planong ito?
Brix stood up. "Let's go."

Sumunod ako sa kanya. Dinaanan namin ang table nila Randolf pero hindi lumingon ang mga ito.
Hindi rin nag-abalang tumingin sa direksyon nila si Brix.

Sinubukan ko pang hagilapin sina Adrian at Laura pero hindi ko na nagawa pa dahil sobrang bilis
maglakad ni Brix.

Sumakay kami sa kanyang sasakyan na nakaparada sa hindi kalayuan.

He put it in ignition and started to drive.

We were just silent. Nakasandal lang ang ulo ko at nakatagilid paharap sa bintana. Bigla kong
naalala ang unang beses na hinatid niya ako. Ganitong-ganito rin ang eksena.

"How's your mission?" I asked.

Nanatili sa labas ng bintana ang atensyon ko.

"Good," tipid na sagot nito.

"I want to move," I said.

"Where?"

"Somewhere away." Doon ako bumaling sa kanya. "I can't stay in that place anymore. Masyadong
malapit kina Tita. May isa nang napahamak dahil sa kapabayaan ko. Ayokong may madamay pa."

He nodded. "Okay?"

"I am planning moving in your mansion—"

Napapikit ako nang bigla itong pumreno. Pinigilan kong hampasin ang braso niya dahil sa inis.
Medyo nahihilo pa nga ako tapos bigla pa siyang pepreno.

"What did you just say?" he asked.

"What?" I arched my brows.

"Mansion?"
"What about it?" tanong ko uli. "Pwede akong manilbihan doon. Kaya kong magluto, maglinis.
Kahit anong ipagawa niyo sa akin."

Gusto kong umirap pero pinigilan ko.

"So... you really want to fuck my Dad?" he asked.

I just shugged my shoulders. If I know, ito ang gusto niyang mangyari. Kunwari ay nabigla siya
para hindi halatang gustong-gusto niya ang ideya ko.

Sa ganitong paraan ay mas mapapalapit ako sa kanyang ama.

"Fine!" aniya.

Bumigat ang paghinga ko.

Papayag din pala.

"You are moving tomorrow," aniya pa.

"I need a car," sabi ko. Bumaling na uli ako sa labas ng bintana. "May pasok ako sa Nightscape
Club. Mahirap mag-commute. Ako na ang bahala sa gasolina."

"You can use my other one," he replied.

Nagpatuloy na rin siya sa pagmamaneho.

"I need to learn how to drive," I said.

"You will."

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Lumabo ang paligid dala ng malalaking patak ng ulan.
Binuksan ko ang bintana pero hindi nagreklamo si Brix.

Nilabas ko ang kamay ko at dinama ang patak ng ulan.

"I will claim the position soon," I heard him said. "Alam kong alam mo na kung paano. I want you
to continue what you are doing. You've been wanting to break free from me, right? This is the only
way."

Dahil sa labas ng hangin ay pumapasok sa loob ang ulan. Alam kong umaabot kay Brix pero hindi
ko siya narinig na nagreklamo.

"I will," I mumbled. "Prepare yourself, Brixton. You will get the position soon."

"I was wrong. I admit it. I thought you were just another helpless human. I didn't you you would be
my ace in this game. I'm giving you the gratitude of the next leader, Astra."

Mabilis. Sa isang iglap ay nagawa kong makalapit kay Brix at hinawakan ang kanyang mukha. In
just a matter of second, I claimed his lips.

He let go the steering wheel to hold me.

His kiss tastes alcohol – a combination of bitter and sweet. Intoxicating. I'm loving it.

I moved my lips to whisper something.

"Before you give up on me, take the first experience. I want you to be the first man, Master Brix."
Chapter 32

Chapter 32: Bed

I realized something while kissing him. Whatever I do, I will always be the one end up craving for
more. Gusto kong hanapin niya rin ang labi ko, na sa tuwing tatangkain kong ilayo ito ay aagapan
niya agad para tumagal. It turned out the other way around. Ako rin sa huli ang natatakam at
naghahabol.

Maybe Albina made some points.

I separated our lips as I gasped for air. As expected, he didn't even stop me. Magkalapit pa rin ang
mga mukha namin at tugma ang aming tingin. I tried to read him but I couldn't. I wanted to know
he feels about this or if this one even matters to him.

Sumandal ako uli sa upuan ko at tumuwid ng tingin. Ramdam kong nakatingin pa rin sa akin si
Brix. Ilang sandali pa ay bumalik sa manibela ang kanyang mga kamay.

"I wonder who is a better kisser," I heard him asked.

He didn't get a response from me.

Hindi ko tuloy alam kung totoo bang umalis siya dahil parang alam niya lahat ng nangyari. Hindi
naman pwedeng si Erikson ang nagsuplong sa akin dahil maging siya ay halatang gulat sa
biglaang pagsulpot ni Brix.

But that proved my point. He can see everything. Anything that I do, no matter how tiny it is, he
notices.

Nagawa niya akong ihatid sa bahay nang hindi kami nagkikibuan. Nasa loob pa lang ako ng
sasakyan ay napansin ko agad si Eliyah na nakaupo sa gilid ng gate nila. Nung makita niya ang
sasakyan na pumarada ay agad itong napatayo.

"Good night," said Brixton.

"Sa loob ng gate mo na lang iparada ang sasakyan mo," saad ko bago hinawakan ang pinto. "I will
open the gate for you."

"Wait—"

Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita. Lumabas ako agad at binuksan nang malawak ang
gate. Ramdam ko ang pinsan ko na nakamasid sa hindi kalayuan.
Brix lowered the window. "I am not going to stay here tonight," he said.

"No. You are staying here tonight, Brixton Cardinal," matigas kong sambit. "Hindi mo ba naiisip na
baka 'pag-uwi mo ay may panibagong mission na namang nilaan sa 'yo si Lord Severo? I know
you are freaking strong but fuck it, Brixton. You are exhausted. Stay here tonight. Rest your mind
and fangs."

Umawang ang labi nito. Huminga siya nang malalim bago tumango. Muli niyang tinaas ang
bintana ng sasakyan. Gumilid naman ako para bigyan siya ng daan papasok.

Habang nagpa-park si Brix ay nilapitan ako ni Eliyah.

"Astra. Saan ka galing?" alalang tanong nito. "Ilang araw kang nawala. We were worried."

"Halos dalawang araw lang, Eliyah—"

"Lang? Is that all? You didn't even tell us." Madiin ang boses nito, pilit na ipinupunto sa akin ang
bagay na 'yon. Tumagos ang tingin nito sa likod ko. "Were you with that enigmatic guy?"

I just nodded.

Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto ng sasakyan pero ang tingin ko ay nanatili kay Eliyah.
He seemed in deep confusion. This is what happens when I hover around them. Ayokong mas
lumala pa ang mga katungan nila.

If I can't give them clear explanation, might as well not give them every reason to ask.

I let out a heavy sigh as I put my hand on his shoulder. Hindi ko inalis ang titig sa kanyang mga
mata at gano'n din naman siya.

"I'm good, Eliyah," I whispered with all authenticity.

"Alam ko naman 'yon." Bumuga ito ng hangin. "But that won't change the fact that you suddenly
disappeared. Answer my question, where have you been?"

"You invited me in just to talk to someone else?" reklamo ni Brix sa likod ko. "I'd rather go to a
mission than to witness this dramatic human interaction, Astra."

Fuck. Can't he just stay silent for a while?


"Huwag mo na akong hanapin, Eliyah. Huwag kang mag-aalala. Palagi akong nasa maayos na
kalagayan." Iyon lang ang kaya kong ipunto sa kanya.

Tumango na ako kay Eliyah bago hinimas ang kanyang mga balikat. Nginitian ko siya para kahit
papaano ay bumaba ang pag-aalala niya. Subalit hindi natinag ang pagkalito sa kanyang mga
mata.

"A-are you leaving?" he suddenly asked. "Mas matagal na 'to ngayon? Will it take days? Weeks?
Months? I need clarification, Astra. Pamilya mo pa rin kami. Don't you think we deserve an
explanation?"

"Take care of yourself," I muttered, ending this conversation. Binitiwan ko na ang kanyang mga
balikat. Inaantok na talaga ako. Hindi rin ako gaanong nakatulog sa mansion. "Don't worry, Eliyah.
We will still see each other. That's a promise."

"Where?" sunod na tanong nito.

Narinig ko ang pagpapatunog ni Brix sa kanyang dila. Halatang inip na inip na ito kaya bumaling
ako sa kanya.

"Mauna ka na sa loob, Brix," sabi ko.

He looked at me idly.

"Nah. Don't tell me what to do." Sumandal pa ito sa kanyang sasakyan. "Come on. Tell that human
to worry about himself more. You don't need that."

"Brix..." I glared at him.

He looked away and pretended not to hear.

"Saan ka naman pupunta, Astra? Bakit bigla kang nagbago?"

Napunta uli kay Eliyah ang atensyon ko.

"You don't need to know," diretso kong sagot. "I will live my life wherever I go. That's what I also
want you to do. Bibisita naman ako kapag medyo lumuwag na ang schedule ko—"

"Eliyah!" Tumagos sa likod ni Eliyah ang tingin ko. Nakatayo si Tita Ophelia. Nang mapansin ako
ay agad itong tumakbo palapit sa amin. "Animal ka, Astra! Saan ka galing? Jusmiyo! Balak na
sana kitang ipag-print ng missing poster!"
"She's leaving..." Eliyah interrupted.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Brix sa likod at ang bulong nitong, "Here comes another
dramatic extra character in this hell of story."

"Leaving? Aalis? Si Astra?" takang tanong ni Tita Ophelia. Namilog ang kanyang mga mata. "Sa
ibang bansa ba 'yan? Nag-snow? Sama naman kami!"

Napangiwi ako. Mas humirap ngayong magpaliwanag.

Naramdaman kong lumapit sa akin si Brix at inakbayan ako.

"I am with her," he said.

"Ano ngayon? Hindi naman ikaw ang gusto kong makasama— Teka. " Nilapitan ni Tita si Brix.
"Ikaw na namang animal ka? Sabi na! Kaya pala biglang naglaho si Astra— may sa demonyo ka
talagang lalaki ka!"

"Is that a compliment?" Brix let out a heavy sigh. "She's leaving with me whether you like it or not.
It's not like you can do anything about it though. Now. Get a life."

"Will you protect her?" biglang tanong ni Eliyah na ikinagulat ko.

He looked so serious while staring at Brix. Pakiramdam ko ay isang salita lang kay Brix ay agad
itong papayag at isang salita lang din ang kakailanganin upang humadlang ito.

"Is that even a question?" balewalang sagot ni Brix.

"That's not the answer I want to hear."

"Oh fuck. Fine. I will."

"Okay." Bumalik sa akin ang tingin ni Eliyah. "You are always welcome here, Astra. Anytime.
Huwag mong pababayaan sarili mo ah? Kapag hindi mo na kaya pwede ka namang bumalik dito."
"Saan ba talaga ang punt—"
"I understand," sagot ko kay Eliyah. Hinawakan ko na ang braso ni Brix at handa nang umalis.
"Thank you, Eliyah. Good night, Tita. Please be good."
Hinila ko na si Brix papasok sa bahay. Narinig ko pang nagreklamo si Tita pero hindi na ako
lumingon pa. Pagkapasok namin ay agad kong sinara ang pinto.
I bit my bottom lip.
Bumigat ang paghinga ko. I didn't prepare myself for that. Ang balak ko ay aalis ako nang hindi
nila alam. Pero maganda na rin ito. At least ay payapa akong hindi na sila mag-aalala.
"Finally!" Pabagsak na humiga si Brix sa sofa. Bahagyang tumaas ang kulay puti niyang t-shirt.
Ginawa niyang unan ang kanyang braso habang nakatingin sa akin. "Ang akala ko ay buong
magdamag kayong mag-uusap."
Umupo ako sa tabi niya. Bumuntonghininga ako.
"That was a joke," biglang sabi ni Brix na ikinalingon ko. "Why would I protect you? I don't serve
you. Forget what I've said."
"I know, Brix. Alam kong hindi ka tapat sa mga salita mo."
"What?" Napabangon ito. Nag-indian sit ito paharap sa akin. That was supposed to be a joke, but I
don't think this man takes a joke. "I am a man of words. Sinabi ko lang 'yon para matigil na siya.
You know how much I hate watching human interactions."
"Oh." Marahan akong tumango. "The hypocrisy jumped out."
Nakaramdam ako ng pagpapawis kaya tumayo na ako. Nanlalagkit na rin ako. Pero bago pa man
ako tuluyang umakyat sa kwarto ay bumaling ako uli kay Brix. Bumalik ito sa pagkahiga.
"Wala kang damit dito, Brix," paalala ko.
"Naligo na ako—"
"Uminom ka ng alak!" singhal ko. Napaisip ako kung paano ang gagawin. "Ayos lang ba sa 'yong
magsuot ng damit ko? Wala namang makakakita kung hindi tayo."
"Oh, God. I hate humans so much—"
"Fine!" Nakaisip ako ng panibagong paraan. "Diyan ka lang muna ah?" paalala ko bago naglakad
papunta sa pinto. "May kukunin lang ako kay Tita Ophelia."
"Sasama ako." Mabilis itong bumangon.
Pinaningkitan ko siya ng tingin. "Duwag ka ba? Diyan lang 'yon sa harap!"
"Ayoko. Baka mag-drama na naman kayo—"
"Oh, God. I hate vampires so much."
"You are one..."
I glared at him.
"Fine. 120 seconds." Bumalik ito sa pagkakahiga at pinatong ang mga binti sa itaas ng sofa. "If
you aren't here after 2 minutes, tell the devil I am coming."
"OA," bulong ko.
Pagkalabas ko ay tumakbo ako agad. Napamura pa ako sa isipan ko. Hindi ko alam kung
nagbibiro lang talaga si Brix pero bahala na. Kesa naman sa matulog siya nang 'di naglilinis ng
katawan.
Mabuti na lang ay naabutan ko si Eliyah na palabas ng pinto at magtatapon ng basura. Gulat ito
sa agad kong pagsulpot.
"Whoa. Miss mo na ako agad?" biro nito.
"May extra shirt ka ba diyan?" tanong ko.
"Syempre. Para sa lalaking 'yon ba?"
"Yes. Pakibilis naman, please?"
"May time li—"

"Ako na rito!" Hinablot ko sa kanya ang plastic ng mga basura na itatapon niya. "Pakikuha na,
please? Saka huwag mo nang sabihin kay Tita na nandito ako. Bilis na." Halos ipagtulakan ko na
siya.

"Err. Okay?"

Nang makapasok siya ay tinapon ko sa basurahan ang mga plastic ng basura. Napahawak ako sa
dibdib ko nang makita si Brix na nakatayo sa tapat ng gate ng bahay ko.

Shit. He startled me!

"1 minute," he muttered.

Inirapan ko lang siya. Bumalik ako sa tapat ng pinto ng bahay nina Eliyah. Narinig ko ang boses ni
Tita Ophelia sa loob. Napailing ako. Mami-miss ko ang pagbubunganga nito.

Ilang segundo pa ay lumabas na agad si Eliyah.

"Hindi ko alam kung kasya ba sa kanya—"

"That's fine!" Mabilis na hinatak ko sa kanya ang t-shirt. Paalis na sana ako pero bumaling ako uli.
"Thank you, Eliyah. Babalik ko rin sa 'yo. Goodnight!"

"Don't sleep in the same room!" pahabol ni Eliyah.

Wala na si Brix sa harapan ng bahay.

Naglakad na lang ako pabalik. Naabutan ko si Brix galing sa kusina. May hawak siyang supot ng
dugo at umiinom doon. Sinimot niya 'yon at pagkatapos ay dinilaan ang labi.

"You are quick," he smirked.

"Maghilamos ka." Hinagis ko sa kanya ang damit ni Eliyah at agad naman niya 'yong nasalo sa
isang kamay. "Amoy alak ka tapos uminom ka pa ng dugo. Kahit t-shirt mo na lang ang palitan
mo."

"This?" Brix looked disgusted while looking at the t-shirt.


Napakagat ako sa ibabang labi. Hindi ko napansin na may Spongebob print ang t-shirt na
pinahiram ni Eliyah. Hindi ko tuloy alam kung nanandya ba siya o ano. Ang dami niyang puting t-
shirt na pwedeng ipahiram!

"No. There's no hell I will wear this one."

"Then, go home instead." Humalukipkip ako. "This is my house. My rules. Kung hindi mo kayang
sumunod sa patakaran ko ay pwede ka nang lumabas, Brixton."

His lips slightly parted. "Are you kidding me? Hindi ko naman talaga planong matulog dito—"

"Wear that or go home. You choose, Mr. Cardinal." Saka na ako tumakbo paakyat.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay hindi ko naiwasang hindi matawa. Hindi ko alam kung susuotin
niya ba 'yon. Knowing Brix, he would rather go home than wear something only humans would
wear.

I wouldn't even be surprised if he left by now.

Pagkabukas ko ng cabinet ay gumulat sa akin ang mga bagong damit. Hindi ko na kailangang
isipin kung kanino galing ang mga ito. Sa kulay pa lang nitong pula.

"Hmmm..." I murmured while rummaging the closet.

I end up choosing this red silk satin lace strap nightwear. I haven't wore like this at night but I want
to try. Mukha namang presko sa katawan. Gusto kong makatulog nang mahimbing ngayong gabi.

I took a quick shower. Pagkatapos ay sinuot ko na ang nightwear. Nagpatuyo ako ng buhok sa
blower. Natututunan ko na rin na hindi tumingin sa salamin. Nakakahilo lang ang pagpitik ng
reflection doon.

Pinagmasdan ko ang suot ko. Yep. It really feels refreshing.

Napatingin ako sa gunting na nakapatong sa table. I don't remember using a scissor. Napansin ko
rin na nakabukas nang bahagya ang drawer kaya dali-dali ko 'yong tinungo. Inilabas ko ang towel
na ginamit ko kay Brix.

Napailing na lang ako. Hindi na talaga nakatiis ang bruhang Albina na 'yon. Hinati niya ang towel
at mukhang nakalimutan niya pa ang gunting sa kakamadali.
I kept the scissor inside my nightwear.

Tapos na rin akong magpatuyo kaya bumaba ako para silipin kung nandito pa ba si Brix.
Naabutan ko siya sa sofa, nakasandal sa sofa habang nanunuod ng TV.

Oh. He didn't leave yet.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang pagtawa. Masyadong hapit sa kanyang
katawan ang pinahiram na t-shirt ni Eliyah. Spongebob printed t-shirt has never looked this good.

Oh, man. Lahat na lang yata ay babagay kay Brix.

Lumapit ako sa kanya pero hindi man lang niya ako nilingon. Hindi ko masasabing nanunuod
talaga siya. Nakatingin lang siya sa TV pero halata ang kawalan ng pagkainteresado sa kanyang
seryosong mukha.

Don't tell me it's because of that shirt?

"Whoa. I didn't know you are into human TV shows," I mocked. "Good choice though. Mukhang
maganda 'yan."

Inabot niya ang remote control ng TV at agad na in-off 'yon. Pagkatapos ay binato niya ang
remote sa wall. Napangiwi ako nang madurog 'yon at kumalat sa sahig.

"This feels itchy," reklamo pa niya.

Umangat ang tingin niya sa akin. Sandali niyang pinasadahan ng tingin ang katawan ko.

"That's Nath's, right?" he asked.

"Yes. Binigay na niya sa akin so... It's mine now." Umikot ako sa kanyang harapan para ipakita sa
kanya ang suot ko. "Bagay naman sa akin, hindi ba?"

"You look comfortable in that. Tapos ako..." reklamo pa nito.

Nagkibit-balikat na lang ako. He didn't even compliment me! I know I look so good in this
nightwear. Malamang na kung may ibang lalaking makakakita lang sa akin ay agad akong
pupurihin.

But... I am not giving up!

Lumapit ako sa TV at doon 'yon binuksan bago bumalik sa sofa at humiga. Nasa dulo ng mga paa
ko si Brix. Mukhang wala na talaga ito sa mood. Mayamaya rin ang pagsulyap niya sa kanyang
suot.

Pasimple kong tinaas ang aking binti sa ibabaw ng sofa.

Napatingin sa akin si Brix pero agad ding umiwas ng tingin. Kumunot ang noo nito.

I am laughing hysterically in my head. I know what I am doing and... what Brix is seeing. Well... he
is not interested in what I am watching so I am giving him something I think he would love.

"The smell," I heard him mumbled.

Mabilis na bumaba ang mga binti ko at napaupo.

What the fuck?!

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa kaya hinampas ko siya sa braso.

"Fuck you, Brix! Hinugasan ko 'to!"

Damn. He managed to turn the table around just like that. Ngayon ay ako naman ang halos
lamunin ng lupa dahil sa hiya. But... I really washed it. Duh. Why would I do this if I didn't?

Brix looked at me confused. "The smell of this house. Ilang araw na ba 'tong hindi nalilinis?"

Mas lalong namula ang mukha ko.

"O-oo nga 'no? Medyo maamoy na," patay-malisya kong pagsang-ayon. "Matagal na rin kasi nung
huli akong nakapaglinis. Pero... hindi na mahalaga 'yon. Aalis na rin naman ako bukas." Tinakpan
ko ng tawa ang hiya na nararamdaman.

Sumilip ang isang ngiti sa kanyang labi.


"What?" nagtaas ako ng kilay.
Umiling ito.
"White," he mouthed.
Nanlaki ang mga mata ko. "Y-you... what the fuck, Brix? Sinisilipan mo ba ako?"
Napatakip ako sa aking bibig.
"You did it intentionally," sumeryoso ang mukha nito. "Tinataas mo ang binti mo para masilipan
kita. Congrats. Your planned work. Juts don't put the blame on me and stop acting the victim."
"Ha?" Nagkunwari akong hindi alam kung ano ang sinasabi niya. "Ang kapal ng mukha mo!
Kasalanan ko bang tumingin ka? Bastos ka, Brix! Bastos! OMG!"
Napailing lang ito.
"Enough of this bullshit. Matutulog na ako, " pagpapaalam nito bago tumayo. Mas lalo ko tuloy
nakita ang print ng kanyang t-shirt. "I will take this off if you think I can sleep with this on.
Goodnight."
I winced. Is that all?
Tumalikod na ito at nag-umpisang maglakad palayo.
No. We are not done yet.
Huminga ako nang malalim bago kinuha ang inipit kong gunting. Hindi ako nag-aksaya ng
panahon. Habang hindi nakatingin si Brix ay kinuha ko ang pagkakataon para tumakbo palapit sa
kanya.
I was fast... I know. I did everything to be as fast as possible with this one.
Fuck!
I was about to stab him in the back when he suddenly turned his head on my direction. I wasn't
surprised he felt it but what caught me off guard was his... smirk.
What?
Gamit ang kanyang mahabang braso ay hinawakan niya lang ang ulo ko. Sa ganoon kasimpleng
paraan ay nagawa niyang pigilan ang takbo ko. Nabitiwan ko ang gunting nang buhatin niya ako at
nilagay sa kanyang balikat.
"H-hoy! Ibaba mo nga ako!"
Nagpumiglas ako pero wala akong nagawa.
"You need to get punished for that you bad girl."
Ilang beses akong lumunok nang maipasok niya ako sa isang kwarto dito pa rin sa ibaba.
Kinandado niya ang pinto at binato ako sa kama. Mabilis na tumayo ako at tumakbo sa sulok.
He crossed his arms on his chest while staring at me ridiculously.
"Hindi ba ito ang gusto mo?" tanong niya. "You want me to be your first. I am granting it, Astra.
Why are you acting like this now?"
"H-hindi sa ganitong paraan," nauutal kong paliwang. "I wanted it to be a memorable one.
Kailangan may petals of red roses sa paligid at maraming mabangong kandila! Dim ang lights at
pang-bride ang buhat! You did all the opposite! I wanted it to be at least romantic!"
Mas lumawak ang ngiti sa kanyang labi.
"Red roses? You love it bloody?"
I immediately shook my head. Tila natuyuan na ako ng laway sa mga sandaling ito.
Is this it? Why am I being paranoid then?
"How do you want it then?" he asked instead. "Hindi ko ito palalagpasin. You need a punishment
for everytime you will try to stab me. Hindi pwedeng ikaw lang ang kumikilos. Your failure is my
success."
"Alam kong maiiwasan mo 'yon!"
"Alam mo pala pero bakit mo pa ring sinubukan?" Hindi nawala ang mapang-asar na ngiti sa
kanyang labi. Humakbang ito isang beses palapit sa akin. "You tried to penetrate that scissor in
my back. Maybe you need a penetration, too, in return?"
Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Saka..." Hinawakan niya ang laylayan ng kanyang t-shirt. "Masyadong makati ang damit na ito."
Saka niya hinubad 'yon at tinapon sa ibang panig ng kwarto.

Kahit na katatapos ko lang maligo at presko ang suot ko ay pinagpawisan ako.

He stood there shirtless. I didn't know he could surpass how amazed I was with Oscar. Hindi
kailangan ni Brix ng kahit na anong props or background. He could stand there without doing
anything and make you lose your mind.

Shit shit! Parang sinasapian ako ni Albina ngayon. Everything she said is making sense now.

I gulped.

"Okay..." bulong ko.

Nawala ang ngiti nito sa labi nang punitin ko ang suot ko sa kanyang harapan. I ripped it off until I
am with nothing but my underwears. I flashed my smile after.

His adam apple's moved.

Lumapit ako sa kanya at pinaragasa sa kanyang katawan ang aking kamay. Mainit ang katawan
nito at ramdam ko sa aking mga palad ang batak niyang dibdib. After on his chest, I caressed his
biceps. He didn't flinch so I didn't stop either.

I put my lips on his neck and gave him small kisses. Kinailangan kong tumingkayad para maabot
'yon. Nang mangawit ay bumaba sa kanyang dibdib ang aking halik.

I looked up at him. His eyes were burning while staring back at me.

I put my hand on his crotch. Nagawa kong ibaba ang zipper ng kanyang pantalon.

He didn't stop me.

I was about to unbutton his pants when he grabbed my hand and pushed me in bed. Pumaibabaw
siya sa akin at sinimulang halikan ang aking dibdib pataas sa aking leeg.

The tickling sensation made my hands scratch his back. Napaliyad ako dahil sa ginagawa niya. I
was bitting my lips to suppress the moan that's forming in my throat.
Fuck you, Albina! You a liar! This is nothing compared to your statements!

I felt his tongue licking my neck. Halos mamaluktot ako sa sobrang kiliti na nararamdaman. I tried
to push him but he put my hands above my head, blocking my movements.

"Brix!" There, I moaned his name when I felt his fangs penetrated my neck. His right hand was on
my thigh and making its way up to my undies. Napapapikit ako. "Shit. That feels good, Brix..."

I could feel the burning sensation in my entire body. His soft lips... his warm breath... and how he
sucks my blood. My feelings were swirling, igniting every dead cells in my body.

Something inside me has awaken. My eyes felt scorching again. I felt so thirsty right now. I didn't
know I would want him this bad that his light movements was making me so mad.

We could have been more than this by now if he wasn't so gentle!

Buong pwersa ko siyang tinulak. Nahulog siya sa ibaba ng kama at mabilis akong gumalaw. Ako
naman ngayon ang pumaibabaw sa kanya. Napangisi ito dahil sa reakyon ko.

"You look good in red eyes, Milady..." he whispered.

I crashed my lips into his.

It didn't last like that. Tinulak niya ako. Tumama ang likod ko sa pader at narinig ang
pagdagundong na dulot no'n, pero hindi ako nagpatinag. Mabilis akong lumapit sa kanya pero
nagawa niya akong iwasan.

Shit. Nawawalan ako ng control sa sarili.

"That's right, Astra. Feel it."

Sinubukan ko siyang habulin pero masyado siyang maliksi. Binuhat niya ang kama at binato sa
direksyon ko. Sinalo ko 'yon gamit ang mga kamay ko at binato pabalik sa kanya.

He managed to flinch it. Tumama ang kama sa pader na naging dahilan para masira ito.

Tumakbo palabas ng kwarto si Brix kaya sumunod ako.

Bigla siyang nawala sa aking paningin. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero hindi ko siya makita. I
couldn't even feel his presence. No. He can't leave me like this. Not fucking again!

"Brix!" I screamed his name.


I heard a chuckle somewhere.

Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. Sa bawat segundong lumilipas na hindi ko siya
nahahawakan ay mas bumibigat ang pakiramdam ko. Kung magpapatuloy ito ay baka mawala na
ako nang tuluyan sa sarili.

"Show yourself, you jackass!" I yelled.

Lahat ng mahawakan ko ay binabato ko at lahat ng madadaanan kong lamesa ay tinataob ko. I


wanted to restrain this feeling but it's too much to handle.

I want him so fucking bad!

"Conceal, Astra."

Napasinghap ako nang naramdaman ko sa likod ko si Brix. Hindi ako agad nakakakilos.
Nahawakan niya ang dalawa kong kamay at tinali ito sa likod ko. Pagkatapos ay sinipa niya ang
tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig.

"Fuck you, Brix! Let me go!"

Umupo siya sa harapan ko. Bakas sa kanyang mukha na labis siyang nasisiyahan dahil sa
paghihirap ko. He wiped the blood on my neck using his index finger and he licked it in front of my
eyes.

"Your blood makes me want to be selfish with you," he whispered.

I tried to free myself but Brix made sure I wouldn't succeed. Parang ito ang ginawa nila sa akin
dati. Sa bawat galaw ko ay pahigpit nang pahigpit ang kapit.

Naramdaman ko ang pagbagsak ng lakas ko.

"That's your punishment for being a bad girl. Have a good sleep, Astra."

Naramdaman ko na rin ang unti-unting pagbagsak ng mga talukap ng mata ko. Sa bawat
sandaling hindi niya binibigay sa akin ang gusto ko ay pababa nang pababa ang lakas ko.

Tumayo siya at sinara ang zipper ng kanyang pantalon saka siya lumapit sa akin. Binuhat niya
ako pero sa pagkakataong ito ay maingat na. Wala akong nagawa kung hindi hayaan siya.

I wanted to curse him for making me feel this way but right now... my body needs sleep more than
anything.

"Happiness. Ah! This feels good." dinig kong bulong ni Brix na sinabayan pa ng mahinang
pagtawa. "Oscar has been reminding me how lucky I am for having you. Maybe he hit it right this
time."

Sa pagkakataong 'yon ay tuluyan na akong nawalan ng malay.


Chapter 33

Chapter 33: Break

I've had the best sleep. It was all good until I realized I wasn't in my room anymore. Malaki ang
kwarto ko sa dating bahay ngunit ang isang ito ay medyo maihahalintulad sa silid ko kina Tita
Ophelia. Maging ang mga gamit dito ay mukhang hindi mamahalin. Andito pa rin ang tukador ko.

Where the hell am I?

Kanina pa ako nakasandal sa dulo ng kama at pilit na iniintindi kung ano ang nangyayari. Isa lang
naman ang makakagawa nito sa akin, siya lang din naman ang huli kong kasama kagabi. Ang
tanong ay saan niya ako dinala?

Nakarinig ako ng ingay sa labas.

Lumunok ako bago bumaba na sa kama. Sinuot ko ang nakahandang kulay puting malambot na
tsinelas. Huminto ako sa harapan ng pinto. Nagdalawang-isip ako kung bubuksan ko ba.

What if I was abducted?

Why would even do that?

I gulped and shook my head.

I was about to hold the door knob when someone suddenly opened the door. Tuluyang nagising
ang diwa ko nang tumama sa mukha ko ang pinto. Pabagsak ang pagbukas no'n kaya malakas
ang tama.

"Ah!" I complained.

Brix just looked at me like nothing happened.

"Practice to knock, Mr. Cardinal!" I hissed.

"Wala ka bang balak na magbihis muna?" tanong niya.

Saka ko lang napagtanto na naka-underwear lang pala ako. Nanlaki ang mga mata ko at dahil sa
sobrang gulat ay pabagsak na sinarado ko uli ang pinto. Hindi ko alam kung natamaan ko siya.
Sana.

"Shit," I murmured.
Some details of what happened last night started to remind me that I should be embarrassed right
now. Nagmakaawa lang naman ako kay Brix na gawin namin 'yon. Nagmukha akong uhaw sa
kanya kagabi!

"Gaga ka, Astra!" Umiling-iling ako.

Pero alam kong sinapian lang ako nung kagatin ako ni Brix sa leeg. Just like his kiss, his bite must
have an enchantment, too. Like... everything he does will affect me in anyway.

"It's pretty normal," I mumbled.

Nandito pa rin ang closet na galing sa dati kong tinirihan kaya kumuha ako ng maisusuot doon.
Pumili ako ng jagger pants at kulay puting pang-itaas. Kumuha ako ng pantali sa buhok at pina-
bun ang buhok ko.

I let out a heavy sigh as I skedaddled my room. Naabutan ko si Brix na pinapalitan ng cover ang
mga sofa. Naka-simpleng white t-shirt pa rin itong nakatupi sa kanyang balikat at ang pang-ibaba
naman ay sweat pants.

"Nasaan tayo?" tanong ko.

Pinagpagan ni Brix ang kanyang mga kamay bago humarap sa akin. Sandali niyang ginala ang
tingin sa simpleng bahay. Gusto ko tuloy isipin na maging siya ay hindi rin alam kung nasaan
kami.

"Mansion," he responded, casually. Pumaywang ito habang tamad na nakatingin sa akin. "Hindi
dapat ako ang gumagawa ng mga ito. Pwede bang tumulong ka naman?"

Kumurap-kurap ako. "Mansion? Ito?" I motioned my hand around.

What's so mansion about this cheap house?

"It still is part of the mansion. It's just located in backyard." Pabagsak na umupo ito sa sofa at
pinatong ang isang binti sa isa pa. "I can't risk by putting you in the main. Maraming mamahaling
vase at painting doon. Things that are worth more than your life."

"Do you really think I am that clumsy?!" Ako naman ngayon ang pumamaywang sa harapan niya.
"Saka... mukhang malayo 'to sa main gate. Why don't you just put me in the main? I promise not to
break anything! Cross my blood!"
"Uhmm." He shook his head. Humikab pa ito bago pinatong ang mga braso sa itaas ng sofa.
"Hindi ba ang sabi mo ay baka bigyan na naman ako ni Dad ng mission kapag nakita niya ako?"
Napataas ang mga kilay ko. "Your point?"
"He won't see me here..."
Umawang nang bahagya ang labi ko nang maintindihan ang sinabi niya. Pinaningkitan ko siya ng
tingin pero hindi nagbago ang expression nito. Mukhang seryoso talaga siya rito.
"You will live here, too?" I asked for clarification.
"You can sleep outside though. It's your choice."
Umupo ako sa tabi niya nang mangawit.
Tumagilid ang ulo niya papunta sa direksyon ko. Masyadong tamad ang tingin nito.
Lumunok ako nang biglang may maisip.
"S-sa iisang kwarto?" pabulong kong tanong.
Iisa lang naman kasi ang nakikita kong silid dito. Maliban na lang kung plano niyang matulog sa
sofa na napakaimposible. Sobrang arte pa naman ng lalaking ito.
"Yes. What's with the interrogation? I can bring you anywhere I want." Pabagsak na tumayo ito at
umalis. "Get your shits together. You aren't going to live here as a princess."
Mabilis na sumunod ako sa kanya.
Pumunta kami sa kusina. Napangiwi ako nang makita ang lutuan na ginagamitan pa ng siga na
nakalagay sa dulo na may labasan ng usok. Gawa sa kawayan ang lamesa at kahoy naman ang
mga upuan. Ayos naman ang mga kasangkapan.
"Ililipat din kita sa kabila," aniya habang nilalagyan ng mga tuyong kahoy ang lutuan na gawa sa
bato. "I want to rest for a while. You are right. I need a break."
Nang matapos niyang lagyan ng mga tuyong kahoy ang lutuan ay hinanda naman niya ang
dalawang kawayan at tuyong bao. Yumuko ako para mas tutukan ang ginawa niya.
"Gagawa ka ng apoy diyan?" usisa ko dahil nakita ko na ito sa movie.
Sinimulan niyang ipagkiskis ang mga kawayan. Paulit-ulit niya na ginawa 'yon.
Napangiwi ako. Wala namang nangyayari.
"Wala ka bang posporo?" tanong ko.
Hindi niya ako pinansin. Pinagpatuloy niya ang pagkiskis sa kawayan. Ang sakit na nga sa tainga.
Mukhang desidido talaga siyang mapaapoy 'yon. Poor him, I don't think his perseverance would
work.
"Brix? Wala namang nangyayari," paalala ko.
Wala pa rin akong nakuhang sagot sa kanya.
I shrugged my shoulders.
All of a sudden, I noticed a slight park igniting. Hanggang sa nakabuo siya ng apoy at maagap
niya itong nilagay sa tuyong bao para mas sumiklab. Nang mapasiklab ay sinindihan na niya ang
mga tuyong kahoy sa lutuan.
"Ang galing..." bulong ko. Sobrang natuwa ako kaya nahampas ko siya sa braso. Shit. Ang tigas
talaga. "Ang galing mo ro'n, Brix. Hindi ko inakalang marunong ka niyan! Wala sa hitsura eh."
"We were born before instant flame was even invented, Miss Newbie," pagsusungit nito.
"Pakikuha naman nung kaldero tapos lagyan mo ng dalawang takal ng bigas."
Mabilis na kumilos ako at kinuha ang kaldero. May isang malaking lata na naglalaman ng bigas at
may pang takal doon na baso. Nilagyan ko ng dalawang takal ng bigas ang kaldero gaya ng utos
mi Brix.
Oh. I suddenly missed doing this.
Aagawin na sana ni Brix sa akin ang kaldero pero inilayo ko ito. Nakangiti kong tinungo ang sink.
Buti na lang at may tubig dito. Akala ko ay mag-iigib pa kami.

"Para tayong mag-asawa nito, Brix," sabi ko.

"You are my slave," he reminded me.

Naglaho ang ngiti sa labi ko dahil sa isinagot nito. Nakaharap pa rin siya sa lutuan at patuloy na
pinaliyab ang apoy. Kahit na likod pa lang nito ay alam mong gwapo na. Sana pati ugali nakikita
na rin sa likod para malaman agad nilang hayop ang ugali nito. Panira naman e.

"Take this as a tutorial, ikaw na ang gagawa nito sa mga susunod na araw," aniya pa.

I stuck my my tongue out and mumbled, "KJ."

Nang mahugasan ko na ang bigas ay binigay ko na ito kay Brix at sinalang niya ito sa apoy.
Umupo muna ako at nanatiling nakatitig sa malapad na likod niya.

Bumuga ako ng hangin.

"Paano ako makakapasok sa trabaho nito?" bulong ko.

"You will not though." Tumayo na si Brix at nagpagpag ng mga kamay. Humarap siya sa akin.
"Tessa knows you aren't able to come for a few days. Take this as a break, too."

I winced. "So... dito lang tayo?"

"I need a massage," he said.

"I am not good—"

"Ano ba ang alam mo?" putol niya sa akin.

Uh oh. Galit na naman si Manong Brix. Pero ano bang magagawa ko kung hindi ako marunong
magmasahe? Magkunwaring kaya ko at baliin lahat ng buto niya sa katawan? Wait— that's a good
idea though!
Tumawa ako. "Joke. Marunong akong magmasahe. Pero dapat nakadapa ka. Natutunan ko 'to
dati e. Tapos mas maganda kung nakapiring ang mga mata mo para mas feel mo!"

"So you can stab me again in the back?" he arched those thick eyebrows. "You are making me a
fool, you sneaky rascal."

"Hindi ah!" agap ko.

Pumilantik ang dila nito nang dalawang beses bago umiling.

"Pero Brix, hindi alam ni Oscar na nadito tayo?" tanong ko. "As in walang nakakaalam?"

"Why? Do you want Oscar to join us?"

Mabilis akong umiling. "But he can smell us, right?"

"He can't." Muli itong umupo para lagyan ng tuyong kahoy ang lutuan. "Let's just say we are in the
most distant part of the mansion. Walang pumupunta rito."

"So, bakit mo ako dinala rito?"

Napalunok ako nang bigla siyang bumaling sa akin gamit ang mga nanlilisik na mata.

"Are you dumb? Kasasagot ko lang diyan, hindi ba?" Huminga ito nang malalim. "Mabuti pa ay
maghilamos ka muna, Astra. May muta ka pa sa gilid ng mga mata."

Mabilis na napahawak ako sa mukha ko.

"Bakit hindi mo sinabi agad?!"

Kumunot ang noo nito. Ilang sandali pa ay kinagat niya ang pang-ibabang labi.

"What?" tanong ko.

Lumobo ang pisngi nito bago sumabog sa isang malakas na pagtawa. Nabitiwan niya ang hawak
na kahoy dahil sa sobrang tawa habang ako ay naiwang nakatulala sa kanya at naguguluhan.

"Ano, Brix? Pagtatawanan mo lang pala ako kaya mo ako dinala rito?"

"No!" He tried to halt his laugh. May tinuro ito sa mukha ko. "Forget it. Huwag ka nang
maghilamos. Stay like that, Astra."
"Sabi na binibiro mo lang akong may muta ako eh!"

Naningkit uli ang mga mata nito bago tumawa.

Sa sobrang inis ko ay napatayo na lang ako at umalis. Padabog na pumasok ako sa kwarto.
Umupo ako sa kama at humalukipkip.

Ano ang nakakatawa?

Kumuha ako ng towel bago humarap sa tukador. Mula sa pumupitik na reflection ko sa salamin ay
nakita ko ang kulay itim na bagay sa mukha ko. Hinawakan ko ito at mas kumalat. Saka ko lang
napagtanto na may uling pala ang mga kamay ko. Malamang na dahil sa kalderong hinawakan ko.

"Gago ang Brix na 'yon ah," bulong ko.

Napatitig pa ako sa mukha ko. Mayamaya ay natagpuan ko ang sariling tumatawa rin.

"Gaga, Astra. Ang dugyot mo," bulong ko.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap ang CR. Nakita ko ito sa bandang kusina. Pumasok ako sa
loob at sa kabutihang palad naman ay may tubig naman. Wala nga lang shower. Tabo lang ang
gamit pero pwede na.

Naghilamos lang ako at sinigurong burado ang uling sa mukha. Gamit ang towel ay pinatuyo ko
ang mukha ko. Kung si Eliyah lang ang nakakita sa akin ay malamang na kinunan na niya ako ng
picture at in-upload sa Facebook.

Darn. I miss them already.

Pumasok din sa isipan ko si Dahlia. Ano kayang ginagawa niya ngayon?

Parang may bumara sa lalamunan ko nang may isa pang lalaking pumasok sa isipan ko. Hindi
kailanman nawala sa isipan ko ang araw na 'yon. He will get justice for that. I promised that to
myself.

Well... I am here for that.

Nang matapos ay bumalik ako sa kusina. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa nasaksihan.
Nakahubad na ang damit ni Brix na ngayon ay nakalagay sa kanyang balikat. Pinapaypayan pa rin
nito ang lutuan. Tumutulo pa ang pawis nito sa kayumanggi niyang balat sa likod.
I cleared my throat. "Ano pa ang gagawin ko, Master Brix?" tanong ko.

"Ikuha mo na lang muna ako ng damit sa kwarto. Maliligo muna ako," aniya nang hindi tumitingin
sa akin. "Take over this task after."

"Huh?"

Humarap siya sa akin. "Bingi ka ba?"

"Hindi..." Iniwasan kong tumingin sa kanyang dibdib. "Sabi ko nga ikukuha na kita ng damit,
Master Brix. Sungit."

Pinikit ko ang mga mata ko bago tumalikod.

Shit. Araw-araw ko bang masasaksihan ang tanawin na ito?

Ang saya naman pala!

Bumalik ako sa kwarto. Hinanap ko kung saan nakalagay ang mga damit ni Brix. Puro sa akin lang
naman ang laman ng iisang cabinet. Malamang na sa kanya ang malaking pulang bag sa dulo.

I opened the bag and the first thing my eyes laid on was his white t-shirts, of course. Kumuha ako
no'n bago nilaliman ang hanap para kumuha ng shorts. May towel na nakatupi na nilabas ko rin.
Pinaghandaan niya talaga ang araw na 'to ah?

At... wait. May kulang. Pati ba 'yon?

Bigla akong pinagpawisan. Pero sabi niya ikuha ko siya ng damit para makaligo siya. Kung
pinagbawalan niya akong hawakan ito, bakit ako ang inutusan niya? Ano pa ang saysay ng pag-
utos niya sa akin kung babalik din naman pala siya rito para kunin 'yon?

"OMG. Kaya ko 'to," bulong ko sa sarili.

Binuksan ko pa ang isang bulsa ng bag. Kinagat ko ang labi ko nang makita ang mga underwear
niya. Kinuha ko ang pinaka unang kulay itim bago sinara uli

"Whoo!" Napahinga ako nang malalim.

I doubled check his things. White t-shirt, shorts, towel and underwear. Ito lang naman yata ang
ginagamit niya? Right. Wala naman akong nakitang bra sa loob kaya malamang na ito lang.
Palabas na sana ako nang may maisip at parang gusto kong ihampas sa pader ang ulo ko dahil
doon. But... this is an opportunity. Saka hindi naman niya malalaman.

This curiosity will surely put me in a huge embarassement if get caught.

Huminga ako nang malalim. Dahan-dahan kong niladlad ang kanyang kulay itim na pang-loob.
Nanginginig pa ang kamay ko dahil sa kamamadali. Baka bigla siyang pumasok.

Namula ang mukha ko nang tuluyang maladlad ang nakatuping underwear. What the fuck?! What
the hell?! It complete makes sense but... how could I take this— No. Stop. Baka mabasa niya ang
nasa isipan ko.

Lumunok ako bago lumabas ng kwarto nang parang walang nangyari.

Hindi mawala-wala sa isipan ko ang size niya. I mean... sa hubog ng katawan pa lang niya ay
masyado nang halata. What's so surprising about this? Shit. Stop thinking about it if before you
even mess up yourself, Astra!

Naabutan ko si Brix sa tapat pa rin ng lutuan.

"Ito na, Brix." Shit. Lumulubog ang boses ko.

Humarap naman niya sa akin. Binigay niya ang pamaypay sa isa kong kamay bago tinanggap ang
mga damit. Mabilis na lumapit ako sa lutuan at pinaypayan ito.

"Shit," I mumbled again.

Puro mura na ang mga lumalabas sa bibig ko. Sino ba naman kasing hindi mapapamura?

"Astra?"

"Hoy. Inutusan mo ako!" Dinuro ko sa kanya ang pamaypay na hawak ko. "Ikaw na lang dapat ang
kumuha kung papagalitan mo rin naman ako! Saka... I don't care. Walang malisya."

Bumali ang leeg nito. "What?"

Umirap lang ako bago bumalik sa pagpaypay sa lutuan.

Sobrang kabado ako ngayon.

"Akala ko tinupi ko ang mga damit ko," dinig kong bulong niya. "Did you happen—"
"Ewan!" putol ko sa kanya. "Baka ulyanin ka na? Matanda ka na, hindi ba? Hindi naman nakatupi
ang underwear mo," saad ko habang tutok pa rin sa niluluto. "Maligo ka na, Brix. Baka mamatay
ang apoy nito. Hindi ako marunong magpadingas."

"All right. Huwag mong tigilan sa pagpaypay. There's a pipe there, you can use it to blow."

Napunta sa kanya ang atensyon ko. "N-nasaan?"

Lumapit siya sa akin at kinuha ang isang kulay itim na tubo.

"Bulag ka ba?" pagsusungit na naman nito.

"Sorry naman ah?" pabalang kong sagot.

Kasalanan ko bang masyado akong binulabog ng underwear niya?

"Kapag humihina ang apoy gamitin mo 'to, dagdagan mo rin ng kahoy," paalala niya. Inabot niya
sa akin ang tubo. "Huwag maarte. Hindi 'yan marumi. Kasya naman siguro sa bibig mo 'yan, 'no?"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Mahina akong tumango.

"Yes, Master Brix," mahinahon kong sagot.

Nang marinig ko ang pagbukas at sara ng pinto sa CR ay napabuga ako ng hangin. Binitiwan ko
ang pamaypay na hawak at ginamit na lang ang tubo na binigay ni Brix.

Namula ang mukha ko.

What the hell am I thinking?

But... that was... freaking... huge.


Chapter 34

Chapter 34: Fireflies

Hindi ko hinayaang mamatay ang apoy. Sa tuwing lumiliit ito ay dinadagdagan ko agad ng kahoy.
Sinubukan kong doon ituon ang buong atensyon ko para tuluyang makalimutan ang kaharutan na
ginawa ko kanina.

Dinig na dinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa CR. Freaking hell! I couldn't help but to imagine
Brix naked while the water was caressing his biceps, chest and everything.

I swallowed and shook my head. Bakit ba sobrang lakas ng epekto ng demonyo na 'yon?

Pagkalabas ni Brix sa paliguan ay sa akin agad ang diretso niya. Ni hindi na nga niya nagawang
makapagsuklay. Umatras ako para hayaan siya ang pumalit sa akin. Medyo nabasa pa ang white
t-shirt niya dahil tumutulo ang tubig sa kanyang buhok.

Here comes my mind again asking, is he wearing it now?

Napalunok ako at tila tinakasan nang kaluluwa dahil bigla siyang humarap sa akin. Nangatog ang
tuhod ko. Alam niya bang sobrang apektado ako sa kanya kaya niya ginagawa ito?

Fuck it. It's working well, Brixton Wenz Cardinal!

"I think you need to know the schedule," panimula niya bago humalukipkip. Taimtim itong tumitig
sa akin. "You can sleep anytime you want, basta kailangan mong magising nang umaga. Ang una
mong gagawin pagkagising sa umaga ay lumabas ng kwarto nang hindi ako nagigising."

"How about you?" tanong ko.

"Pagnakalabas ka na ng kwarto ay maghilamos ka agad o maligo. Your choice. I don't want to see
you looking frowsy or still in bed hair. Be presentable in front of me even if I am not."

Umawang ang bibig ko sa mga sinasabi niya. He always looks presentable though.

"Prepare breakfast." Lumapit ito sa cabinet na gawa sa kahoy at may nilabas. "If you can't create a
fire, here's the match." Hinagis niya sa akin ang posporo na nasalo ko naman agad.

"Meron ka pala nito—"

"Aside from schedule, we have rules here, too. Rule number one, don't talk if I am not done talking
yet. Don't interrupt me. Are we good?"
"Eh paano kung emergency. Like... nagsasalita ka tapos hindi mo alam may aatake na pala sa
likod mo?" pagrarason ko dahil masyado na akong dehado.

Saka... hindi ko pa naman mapigilan minsan ang bibig ko.

"Rule number two, I don't want to hear you complaining." Humarap ito sandali sa lutuan at nang
masiguro na ayos pa ang apoy ay humarap din siya agad sa akin. "After you prepare breakfast, do
cleaning. Don't eat yet. Sabay tayo."

"Opo..." Pinigilan kong mapairap.

Suminghap ito bago inalog ang ulo. Tumalsik ang ilang butil ng tubig. Natulala pa ako sa kanya
dahil parang nag slow motion 'yon.

"Master Brix..." he said after. "I don't want to hear you calling me Brix or Brixton. Master Brix."

"How about Master Brixton?" Sinamaan niya ako ng tingin kaya agad kong binawi ang sinabi.
"Joke. Yes. I understand, Master Brix."

"Mamaya na lang ang mga kasunod. Lumabas ka muna at manguha ng mga tuyong kahoy," utos
niya bago tuluyang pinakawalan ang mga braso mula sa pagkakahalukipkip. "Huwag kang lalayo.
Maraming kahoy sa malapit."

"Yes!" Iyon na yata ang pinakamagandang sinabi niya. Hinagis ko sa kanya ang posporo na
nasalo naman nito agad. "Ngayon na ba? Ngayon na!"

Nung tumango siya ay 'yon ang naging hudyat para umalis ako. I've been wanting to get away
from his sight. Masyado ko na siyang pinagpapantasyahan.

Napangiwi ako nang masilaw sa sinag ng araw pagkalabas. Bumungad sa akin ang katahimikan
ng paligid. There were trees everywhere. Mukhang nasa masukal talaga kaming bahagi ng
mansion. Pero may malaki rin namang distansya sa pagitan ng maliit na bahay na tinirihan namin
bago ang mga puno.
Yumuko ako habang naghahanap ng mga maliliit na tuyong kahoy. Nakailang beses akong
lumunok kahit na ilang hakbang pa lang ang layo ko sa bahay.
I looked up. The sun was at its peak. Kaya pala nanunuyo na ang lalamunan ko at medyo
kumakalam na ang sikmura ko. Ilang sandali pa ay umikot ang paningin ko na ikinatigil ko.
What's happening? Am I that hungry?
Umayos din agad. Huminga ako nang malalim.
Nagpatuloy ako sa pangunguha ng kahoy. Nakailan na rin ako at medyo hindi na kayang hawakan
ng mga braso ko. Bumaling ako sa bahay. Malapit lang naman pero bakit tila ang layo sa tingin
ko?
"Shit!" I cursed when I felt something in my skin. It felt like the sunlight was penetrating in my skin
like a voltage of electricity.
That's when I realized I need to go back as soon as possible.
Nakaramdam ako ng sobrang paghihina. Gano'n pa man ay nagawa kong makabalik sa bahay.
Halos maglakad na lang nga lang ako dahol sa pangangatog ng mga tuhod.
Pagkarating ko sa kusina ay nanlabo ang mga paningin ko.
"Astra?"
Nabitiwan ko ang mga kahoy na dala at bago pa man ako tuluyang bumagsak sa sahig ay may
sumalo na agad sa akin. May sinabi siya pero parang maging ang aking pandinig ay masyadong
nanghihina.
It looked like my body would shutdown any moment.
Ilang sandali pa ay dumampi ang likod ko sa malambot na kama. Mayamaya rin ay bumalik na si
Brix. May pinatak siya sa bibig ko na siyang dahilan kung bakit nabuhay ang mga ugat ko.
Inagaw ko sa kanya ang supot ng dugo at mabilis na inubos 'yon. Naramdaman ko na naman na
parang nasusunog na ang mga mata ko. Bumalik sa ayos ang aking pakiramdam ko.
"Hindi ka ba uminom sa bahay kahapon?" dinig kong tanong ni Brix.
Hindi ko siya napagtuonan ng pansin. Sinimot ko ang laman ng supot hanggang sa huling patak
nito.
"The only way so we can withstand the sunlight is by drinking blood. Kapag hindi tayo nakainom
nito nang matagal ay hindi mo kakayanin ang araw. It's our fuel. It's the only reason why we are
still alive."
Bumaling ako kay Brix at umirap. "Para namang alam ko," bulong ko.
"I'll get you another pack," aniya bago lumabas uli.
Sumandal ako sa kama at pinahinga ang likod. Kaya pala gano'n na lang kung maapektuhan ako
ng sikat ng araw. Paano kaya kung nagtagal pa? I couldn't imagine the pain.
Bumalik si Brix at hinagis sa akin ang isang supot pa ng dugo na agad ko namang nasalo. Hindi
ako nagdalawang-isip na buksan agad 'yon at inumin.
"I guess I need to prepare things by myself now." I could feel the disappointment in his voice.
"Rest well para bumalik agad ang lakas mo. Ako na muna ang bahala."
Nung makalabas siya ay naubos ko rin agad ang dugo.
Pinatong ko sa side table ang supot ng dugo bago bumalik sa kama.
Bumuga ako ng hangin. Pinikit ko ang mga mata ko.
Napangiti ako. Para talaga kaming mag-asawa ni Brix. O kung hindi man ay para kaming
nagtanan. Bahala siya kung ano ang isipin niya sa sitwasyon namin. Basta ako ay gano'n ang
tingin ko.

Binalikan ako ni Brix at inalalayan na makapunta sa kusina. Hanggang sa makaupo ako ay


nakaantabay ito. Ayos naman na ang pakiramdam ko pero nagkunwari akong nanlalambot pa.
"Grabe. Akala ko kanina ay mamatay na ako," bulong ko.

"It takes day without drinking blood before you die, idiot. Sigurado naman akong lalapain ka muna
ng mga asong lobo bago ka mamatay."

Nanlaki ang mga mata ko. "M-may mga asong lobo sa paligid?"

"Yes but they won't bite you." Sinimulan niyang ayusin ang mga plato sa lamesa. Nilagay niya ang
isang tela at doon pinatong ang kaldero na may kanin. "Unless some stupid wolf comparable to
you would try to drink your blood. Your blood is a poison to them."

"Still, it will hurt!" protesta ko.

"At least you won't die."

"Paano kung kagatin nila ang mukha ko?!" Napatayo ako at kinalampag ang mga palad sa
lamesa. "Hindi nga ako mamamatay pero masisira naman ang mukha ko!"

"They will take your neck first."

"Huwag mo na akong uutusan sa labas! Last na 'yong kanina," natataranta kong sambit. "Bahala
ka sa buhay mo, Brix. Hindi na ako mangunguha ng mga kahoy!"

Tumitig ito nang ilang sandali sa akin bago natawa. "Ibang klase. Bampira na takot sa asong lobo?
You are really strange. Anyway, looks like your energy is back now."

Natigilan ako bago tumikhim at bumalik sa pagkakaupo. Iniiwas ko ang tingin ko sa niluto niyang
beef steak. Kumalam ang sikmura ko pero hindi ko pinahalata.

Tumalikod si Brix at binuksan ang cabinet kung saan din nakatago ang mga supot ng dugo.
Kumuha siya ng alak doon at nilapag sa lamesa.

"Ilang araw bago bumalik ang lakas ko?" tanong ko sa mababang boses.

Umangat ang tingin ni Brix mula sa pagsasalin ng alak sa baso.

"Days?" takang tanong niya.

"Aw. Buwan ba?" Lumungkot ang mukha ko bago bumuga ng mabigat na hangin. "Sayang. Paano
ako gigising nang maaga para makapagluto ng agahan?"
Mas lalong nangunot ang noo ni Brix. "Kung hindi pa bumabalik ang lakas mo ngayon, malamang
na mamaya rin ay babalik ito. Don't make this as an excuse. Days your face."

"Iba kasi ako—"

"Shut up. Let's eat."

Kukunin pa lang ni Brix ang sandok sa kanin ay naunahan ko na siya. Kumuha ako ng kanin sa
kaldero at nagsalin sa plato. Pagkatapos ay humiwa ako ng steak at naglagay rin sa plato ko.

"Wala pa raw lakas..." dinig kong bulong nito.

Habang kumakain ay hindi ko napigilang hindi isipin. Pagkatapos naming kumain, ano na ang
gagawin namin? Mukha namang walasyang pasyalan dito. Alangan namang magtitigan kami
hanggang mamaya?

"Wala bang kuryente dito, Brix? Wala tayong ilaw mamayang gabi?" tanong ko.

Nilunok niya ang nginunguya bago sumagot. "May lampara naman tayong gagamitin."

Napaisip naman ako. "Alam ko na!"

Umangat uli ang tingin nito. Bumagal ang pagnguya niya habang naghihintay sa sasabihin ko.

Uminom muna ako ng alak para malunok ang kinakain.

"What if manghuli tayo ng thousand of fireflies tapos ilagay natin sa lampara? Hindi ba mas
maganda 'yon?" I can already visualize the scene. "Sige na! Gusto ko 'yon e."

Tuluyang tumigil ang kanyang bibig sa pagnguya pero hindi natinag ang pagkatitig niya sa akin.
He was looking at me ridiculously. I knew that he's not into that kind of romantic scene but still... I
want to experience it.

"Nakita ko na ito sa movie, Brix! Sigurado naman akong may alitaptap sa paligid. Please?"

Nilunon niya ang kinakain bago sumagot. "I chose this place to have a peace of mind. I can't
believe I brought you with me. You have the most absurd ideas out there."

"Eh? Sige na. KJ naman nito."


"Do you really think you can catch a thousand of fireflies in a single night? Do you really think you
can use them to light up a room completely?"

Nawala ang excitement ko sa sinabi niya. "Ay... gano'n ba 'yon? So... hindi totoo ang pinanuod
ko?"

"Humans," he mumbled. "Let's just eat. Do us a favor, will you? Stop thinking anything."

Napaismid na lang ako. "Oo na po..."

Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi nawala sa isipan ko ang mga alitaptap. Bata pa
lang ako nung huli akong makakita nito. Kahit na siguro isa lang ang makita ko ay mapapatalon na
ako sa tuwa.

"Maghugas ka na, magpapahinga lang ako sa kwarto." Tumayo na si Brix at naghugas ng kamay.
"Saka... hindi ba ang sabi ko ay Master Brix ang itawag mo sa akin?"

"Oo na po, Master Brix."

Pinanuod ko siya hanggang sa makaalis.

Humaba ang nguso ko. Ang KJ talaga no'n kahit kailan.

Nagligpit din ako agad. Habang gumagawa ay hindi pa rin naalis sa isipan ko ang alitaptap. Sana
ay may maligaw rito sa bahay. Malabo kasing makakita ako no'n kung hindi ako lalabas sa gabi.
Malamang na matutulog agad si Brix kasi break nga niya ito.

Hindi ko naabutan si Brix sa kwarto. Kinabahan ako agad. Hindi naman niya siguro ako iiwang
mag-isa rito, hindi ba? No. Alam kong hindi gano'ng lalaki si Brix.

I was right. Sumilip ako sa bintana at nakita ko agad siya. Nakaupo ito sa ilalim ng puno,
nakasandal at nakapikit ang mga mata. Nagmadali akong lumabas at pinuntahan siya.

"Are you meditating?" I asked, amused. This is the first time I saw him this calm.

I didn't get a response from him.

Umupo na lang din ako sa isang puno. Bumuga ako ng hangin. Pasulyap-sulyap ako kay Brix. Ni
hindi man lang siya gumagalaw. Mukhang meditating nga ang ginawa niya.

Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para titigan siya.


I couldn't help but to wonder what really happened in his past? Bakit humantong sa gano'n ang
lahat? Pakiramdam ko ay may isang parte no'n na hindi ko pa alam. Isang parte na humubog kay
Brix at nagtulak sa kanya para maging ganito.

I know I shouldn't but I want to know what really happened.

What happened to Brix?

I have a plan and I'm including it now. I want to know what happened in the past. Resty... I know
he was a part of it. Kung gaano katindi ang galit niya kay Brix, alam kong may malalim na dahilan
'yon.

Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.

Nagising ako nang maramdaman na tumapik sa mukha ko. Mukha agad ni Brix ang nakita ko.
Mabilis din itong tumayo nang magising ako.

Mabilis naman akong sumunod sa loob. Madilim na rin pala. Mukhang napasarap ang tulog ko.

Gaya nung umaga ay si Brix ang nagpadingas. Tinulungan ko lang siya. Tahimik lang kami.
Nagkakamali nga ako ng ginagawa katulad ng na hindi ko napansin na wala na palang apoy kaya
nagpasiklab uli si Brix.

I didn't hear anything from him. I even called him just Brix but he didn't complain. Is this part of that
meditation? To be calm? Or... did I miss something while sleeping?

Naunang pumasok si Brix sa kwarto matapos kumain habang ako ay naiwan sa kusina para
magligpit. Gamit ang lampara bilang liwanag ay nagawa kong makapaglinis.

Naabutan ko si Brix na kalalabas lang ng CR. Bagong ligo ito. Hindi niya ako pinansin. Pumasok
din ito agad sa kwarto nang hindi ako nililingon.

Ano kayang nangyari roon?

Pumasok din ako sa loob. Naabutan ko siyang nakahiga na sa dulo ng kama. Nakatalikod ito sa
akin at nakabalot ng kumot. Hindi ko na lang din siya kinibo.

Kumuha ako ng pantulog sa loob ng cabinet saka rin lumabas. Pumasok ako sa CR para maligo.
Hindi naalis sa isipan ko ang biglang pagtahimik ni Brix.

Shit. This is even worse. Mas gusto kong sinusungitan niya ako kesa sa hindi niya ako iniimik.
Wait. May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan?
I recalled what happened earlier. I mean... lahat naman ng ginawa ko ay hindi niya nagustuhan.

Natapos akong maligo. Hindi ako agad pumasok sa kwarto. Nanatili ako sa sala habang
nagpapatuyo ng buhok. Kinandado ko na rin ang mga pinto at bintana.

Wala sa sariling napatitig ako sa lamparang nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

I suddenly miss my Mom. Kapag walang kuryente dati ay hindi kandila ang sinisindihan niya kung
hindi ang lampara. Siya ang nagsisindi no'n at ako naman ang humihipan.

Shit. No. I don't want to feel this anymore.

Suminghap ako. Pumasok na rin ako sa kwarto. Naabutan ko si Brix sa ganoon pa ring posisyon.
Hindi ko lang maaninag kung gising pa ito dahil nakatalikod siya.

Humiga na lang din ako. Nasa magkabilaan kaming panig ng kama at magkatalikuran. Niyakap ko
ang unan at pinikit ang mga mata ko.

I'm not sleepy yet.

"Do you miss someone right now?" Brix suddenly asked.

Eyes shut, I responded, "I do..."

"Do you also wish that someone was here?"

I bit my bottom lip. Bakit kailangang ganito pa ang mga tanong niya?

"It's sad, right? We can't do anything now but to miss them." Nakikinig lang ako sa kanya. Hindi ko
rin naman alam kung ano ang sasabihin. "I hate these kind of nights."

"What do you do when this happens?" I asked.

Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. "I go out. Maglalakad-lakad. You know? I can't
sleep with all these."

That's the moment I opened my eyes. "I'm good, Brix. You can go out."

"You sure?"

Madiin akong pumikit. "Yes..."


Narinig kong gumalaw ang kama. Narinig ko rin ang pagbukas at sara ng pinto.

This is what I do, too, when I miss my Mom. I isolate myself. Though I'm scared to be left alone
here, this is better for both of us. Pareho naming kailangang mapag-isa.

"I miss you, Mom..." I whispered.

Damn. My tears.

Hindi ako agad dinalaw ng antok. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakapikit at sinusubukang
matulog pero bigo ako. Hanggang sa marinig ko ang pagbalik ni Brix ay gising ako.

"Astra?" dinig kong bulong nito. "You still awake?" he asked.

"Hmmm?"

"Umupo ka muna," utos niya.

Huminga ako nang malalim at lumunok. Umupo rin ako gaya niya. Lumapit naman agad siya sa
akin at tumitig sa mukha ko.

"Bakit?" tanong ko.

Mas nilapit niya ang mukha sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Why, Brix?"

Ilang sandali pa ay nakita ko ang isang maliit na umiilaw sa pagitan ng mukha namin. Ang isa ay
naging dalawa hanggang sa hindi ko na nabilang.

"I only caught fifty fireflies," he whispered. "I hope it will somehow make you feel better."

Nangilid ang luha sa mga mata ko.

Tumingala ako at sinundan ng tingin ang mga lumilipad na alitaptap. He's right. Even a thousand
fireflies isn't enough to light up this small room. Still... I love seeing their tiny lights.

Damn.

I forgot to remind myself not to sob.


Chapter 35

Chapter 35: Congratulations

Hindi ko alam kung ilang minuto ko nang pinagmamasdan ang mukha ni Brix. Basta pagkagising
ko ay naabutan kong magkaharap na ang mga mukha namin na may sobrang liit na pagitan. This
is the first time I've managed to stare at his face this close.

The details were satisfying my morning desires. Mula sa tikom niyang labi at bahagyang nakataas
na damit kung saan sumisilip ang kanyang v-line. Hindi ito nakuntento sa malambot na unan dahil
ginawa niya pang unan ang kanyang braso. Parang gusto ko rin tuloy abutin ang kanyang isa
pang braso at gawin ding unan.

I sniffed. How could he smell this good this early?

"Ang aga naman, Astra," pangaral ko sa sarili sa isipan.

I suddenly remember the schedules and rules he mentioned yesterday. Kahit na labag sa
kalooban ay napilitan akong bumangon sa pinakamarahan na paraan. Halos maging ang aking
paghinga ay pigilan ko para hindi makalikha ng ingay.

Kumuha ako ng damit sa closet ko para makaligo. Bago pa man ako tuluyang lumabas ng silid ay
nilapitan ko uli si Brix. Hinaplos ko ang kanyang mukha bago tumakbo palabas at marahan na
sinarado ang pinto.

"Yes," I murmured.

Nakangiting pumasok ako sa CR para maligo. Pinuno ko muna ng tubig ang isang malaking timba
bago nag-umpisang maghubad ng damit at maligo. Nakabukas ang gripo para habang kumukuha
ako ng tubig sa timba ay napapalitan din ito agad.

Wala sa sariling napatingin ako sa hawak kong sabon. Lumunok ako. Wala namang ibang sabon
dito kaya malamang na ito rin ang ginamit ni Brix nung naligo siya kahapon.

So, what?

Muli akong lumunok bago inamoy ang sabon.

"Ang bango," bulong ko.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtagas ng tawa sa bibig. Ano bang nangyayari sa akin?
Malamang na sabong mabango ito kaya mabango. Anong katarantadahan ito, Astra?
Nang matapos maligo ay agad akong nagbihis at pinulupot sa ulo ang towel para hindi mabasa
ang damit ko dahil sa buhok ko. Dumiretso rin agad ako sa kusina para maghanda na ng agahan.

Oh, hell. I forgot the process of preparing food in here. Kailangan kong magpadingas at
mauusukan ako. Dapat pala ay nagluto muna ako bago naligo.

Hays.

Hindi ko ginaya ang ginawa ni Brix. I used the match to light up the woods. Habang nagliliyab ang
mga kahoy ay dali-dali kong hinugasan ang bigas at sinalang sa apoy.

Naghugas ako ng kamay sa sink pagkatapos.

Siniguro ko munang pang matagalan ang siklab ng apoy bago pumunta sa sala. Hinubad ko ang
towel sa buhok ko at sinampay. Habang nagsusuklay ay binuksan ko ang mga bintana at pinto.

Napasinghap ako nang salubungin ng sariwa at malamig na hangin. Dinig na dinig ko rin ang mga
huni ng ibon at lagaslas ng mga sanga ng puno sa paligid. Sobrang gaan sa pakiramdam.

Hindi ako nakuntento sa loob. Lumabas ako para tuluyang malanghap ang hangin.

Nag-inat ako ng katawan bago tumingala sa langit. Maaliwalas ang langit at hindi pa gano'n katindi
ang sikat ng araw. Sa totoo lang ay mas gusto ko ang ganitong lugar kesa sa dati kong tirahan.
Tahimik at sariwa ang hangin. Pahirapan nga lang sa mga gawain pero ayos lang.

A question suddenly popped in my mind. Why here?

Dito rin ba madalas pumunta si Brix kapag gusto niyang mapag-isa? Alam din ba nila Oscar ang
lugar na ito o tanging si Brix lang? Ano ba ang meron sa lugar na ito at bakit parang ang lungkot?
Ang daming katatungan ang namuo sa isipan ko.

I believe every place has a history. What happens here?

Naglakad-lakad ako sa paligid hanggang sa dumapo ang tingin ko sa isang puno. May nakaukit sa
katawan nito na mga letra. Mas nilapitan ko ito para mabasa.

"Aristotle," I read.

What?
I traced the carved letters using my palm. Halatang matagal na ito dahil halos hindi na rin mabasa.
Kung hindi lang siguro matalas ang paningin ko ay malamang na hindi ko ito napansin.

Nabalik ako sa huwisyo nang may maamoy.

"Shit. Yung sinasaing ko."

Nagkumahog akong bumalik sa loob. Hinila ko palabas ng lutuan ang ibang mga kahoy para
humina ang apoy. Mabuti na lang at hindi nasunog ang kanin dahil baka palayasin ako ni Brix.

Wait. Hindi pa ba gising ang isang 'yon?

Tumuwid ako at bumaling sa paligid. Nasaan ang mga pagkain?

May isang kulay pulang box sa gilid. Pagkabukas ko no'n ay lumabas ang usok na dulot ng lamig.
Mga frozen meat ang laman nito. Naglabas ako ng isa at kumuha ng plato para ipatong doon. May
mga sangkap din sa hanging cabinet kaya kumuha ako roon.

Nang maluto ang kanin ay inumpisahan ko namang lutuin ang ulam.

Biglang pumasok sa isipan ko ang nabasa ko. Aristotle?

Natapos akong magluto ay hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Brix. Hinanda ko na sa lamesa ang
mga pagkain bago naghugas uli ng mga kamay. Nagugutom na ako pero hindi pa rin gising si
Brix.

Should I wake him up? Wala siyang sinabing gisingin ko siya.

But I am hungry!

Mas mabuting gisingin ko na lang siya kesa sa mauna akong kumain.

Nagsuklay ako uli ng huhok. He told me to be presentable even if he's not. Basta siguro maayos
ang buhok ko at nakaligo na ay ayos na. I don't think he's expecting me wear a gown though.

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob. Naabutan ko si Brix na nakatihaya at tulog pa
rin. Mas tumaas ang kanyang damit na ngayon ay halos kalahati ng ng katawan niya ang kita.

I blushed when my eyes laid on his bulge. Freaking hell?

I did my best to not focus my attention on that. Naglakad ako sa gilid niya pero hindi ako agad
kumilos. Nag-iisip ako kung paano ko siya gigisingin. Mukhang mahimbing ang tulog niya.

Tumikhim ako. "Brix— Master Brix?"

Wala akong nakuhang sagot.

"Master Brix? Breakfast is ready," I repeated.

Still, I didn't get a response. Kumakalam na ang sikmura ko. Gutom na ako at kung magpapatuloy
siyang ganito ay baka siya na ang kainin ko. Err. Kung anu-ano na tuloy ang naiisip ko.

Napapikit ako nang bumaba na naman sa shorts niya ang tingin ko. Mabilis kong binaling sa iba
ang tingin ko.

This is hard... just like him.

I cleared my throat again. "Master Brix?" Hinawakan ko ang braso niya. "Wake up. Baka lumamig
na ang pagkain. Hindi na masarap 'yon kapag malamig."

Naghintay ako ng sagot pero wala pa rin akong nakuha.

Nag-uumpisa na akong mairita. Mabilis pa naman akong mainis kapag gutom.

"Master Brix?" Niyugyog ko ang kanyang braso pero mahirap dahil mabigat. "Alam kong naririnig
mo ako. If inaatok ka pa, you can tell me. Mauuna na ako."

Napapikit ako sa inis nang hindi pa rin ito kumibo. If he's really deep asleep, this is the right time to
stab him. I don't think he deserves a painless death but this is an opportunity.

"Okay," I mumbled.

Tumalikod ako at lumabas uli. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng kutsilyo. Pagkabalik ko sa
kwarto at gano'n pa rin ang posisyon ni Brix. Hindi ko alam kung nananadya ba siya o ano.

Let's just try.

"Sleep tight," bulong ko.

Binuhos ko ang buong lakas ko at inambahan ng saksak ang kanyang dibdib. Gumilid lang si Brix
at naiwasan niya ang kusilyo. Tumama ito sa kama at tumagos doon ang kutsilyo ko. Hindi pa rin
ito bumangon.

Hinugot ko uli ang kutsilyo at pinatama ito sa direksyon niya. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla
itong tumihaya uli pero sa pagkakataong ito ay nakamulat na ang mga mata.

Shit.

Hinawakan niya ang palapulsuan ko kung saan hawak ko ang kutsilyo. Gamit ang isa pa niyang
kamay ay kinuha niya sa akin ang kutsilyo at tinapon sa ibang panig ng silid.

"Is this your way of greeting me?" he asked in a cold tone.

I swallowed hard. "K-kanina pa kita ginigising..."

"So, this is your way of waking me up?"

Sinubukan kong bawiin ang braso ko pero hindi niya ako binitiwan. Napatukod ang isa kong
kamay nang hilahin niya ako palapit sa kanya. Ngayon ay sobrang lapit na ng mga mukha namin
sa isa't isa.

"I'm fucking thirsty," he whispered.

His eyes turned into red. Ngumiti ito kaya sumilip ang mga pangil sa kanyang labi. I may be dumb
sometimes but I know he's not playing this time. This is no longer for fun. I can tell it just by staring
at his eyes.

"I-I'm sorry..." I whispered.

In that cue, his eyes turned back to normal. Tinulak niya ako kaya napaupo ako sa sahig.
Pabagsak na bumangon ito at walang pasabi na lumabas ng kwarto at iniwan akong tulala.

Napapikit ako. Shit.

Sumunod ako agad. Hindi ko naabutan si Brix sa kusine pero nakasarado ang pintuan ng CR.
Nakabukas din ang cabinet na may mga laman na dugo. Malamang na umiinom siya ngayon sa
upuan.

Napangiwi ako at napasabunot sa buhok. What did I do?

Sabi nga nila ay biruin mo na ang lasing, huwag lang ang bagong gising. He's clearly annoyed.
Dapat pala ay hinintay ko na lang siyang magising o 'di kaya'y nauna na akong kumain. Sa tingin
ko ay mas mabuti pang gano'n na lang ang ginawa ko.

Mayamaya ay bumukas ang pinto ng CR. Lumabas si Brix at dumiretso sa bakanteng upuan sa
harapan ko. Basa pa ang mukha nita at ang kanyang buhok.

Kumuha ito ng pagkain at nagsimula nang kumain.

Kumain na lang din ako nang tahimik. Pasulyap-sulyap ako kay Brix na walang imik. I want to
apologize but I don't know how. Parang nahihiya tuloy ako sa kanya ngayon.

I realized that he didn't wake me up yesterday. Mahimbing ang tulog ko kahapon pero hindi niya
ako ginising. He even prepared things by himself without bothering me.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi ito umimik. Matapos niya kumain ay agad itong
umalis. Habang ako ay halos hindi maubos ang pagkain.

Napabuntonghininga ako. Tumayo na ako at inumpisahang ligpitin ang pinagkainan. Habang


naghuhugas ay sumagi sa isipan ko ang nangyari kagabi. Those fireflies helped me release my
emotion. Matapos no'n ay agad din akong nakatulog.

Nakatulog din ba siya agad no'n? I don't think so. Kaya siguro parang puyat ito. Malamang na
magdamadag siyang binulabog ng mga multo sa nakaraan. Putik. I feel guilty now.

I even tried to stab him.

I'm doomed.

I need to apologize.

Binilisan ko ang paghugas at pagligpit. Hindi ko naabutan si Brix sa kwarto at wala rin siya sa CR.
Sumilip ako sa labas ng bintana at tama nga ako. Naabutan ko siya sa posisyon niya kahapon.
Nakasandal sa puno, nakaupo at nakapikit ang mga mata.

Hindi ako agad nakakilos. Kung sa malapitan ay napagmasdan ko ang detalye ng kanyang
mukha, sa malayuan ay naramdaman ko kung ano ang nararamdaman niya. Hindi ko alam kung
paano o pwede ba ito pero... ramdam ko ang lungkot niya.

"Brix..." I mumbled his name out of nowhere.

Lumabas din ako at naglakad papunta sa direksyon niya. Nung nasa tapat na niya ako ay tila
natutop ako. Walang lumabas na salita sa bibig ko. It seemed like I forgot the reason why I am
even standing in front of him right now.

I bit my bottom lip. Dumiretso ako sa katabing puno at umupo rin doon. Niyakap ko ang mga tuhod
ko. Yumuko ako at pinaglaruan sa isang kamay ang tuyong dahon.

"This isn't right," dinig ko.

Umangat ang tingin ko kay Brix. Sarado pa rin ang kanyang mga mata.

"I shouldn't doing these things," he mumbled. "Not again."

"I-I'm sorry..." I whispered.

"No," he responded. "This is my fault. We can't be like this anymore."

Sumikip ang paghinga ko. What does that even mean? We can't be like this anymore? We aren't
even a thing except that he's my master and I serve him. I don't get his point.

"This is our last day here," aniya pa. "Bukas din ay ihahatid na kita sa mansion katulad ng gusto
mo. You will have your own car. Alam kong alam mo na kung ano ang gusto kong mangyari, hindi
ba?"

"I know. Gusto mong mapalapit ako sa ama mo at kapag tuluyang nahulog ang loob niya sa akin,
bibitiwan na niya ang posisyon. Kapag nangyari 'yon ay malaya ka nang makuha ito. Hindi ba,
Master Brix? Gano'n ang gusto mong mangyari?"

"Yeah. That's right."

Umiwas ako ng tingin. That's right? Damn. Bakit ang dali para sa kanyang sabihin 'yon?

"Take this as a favor, Astra. Make Lord Severo feel comfortable with you. He doesn't need to love
you. No. You don't need to make him love you. He's not that kind of man. Ang kailangan lang ay
matuwa siya sa 'yo. This is my last request as your master," he continued.

Bumigat ang paghinga ko.

"I wish you all the best then," I said.

"Kapag nagawa mo ito ay lalapitan na ako ni Papa. Hihingin niya ang permiso sa akin na makuha
ka. I want you to prepare, Astra. You will serve him soon."
"Okay..."

"You've been a great slave," he complimented like as if I needed that. "I'm not going to lie and
deny the fact that... you surprised me. I didn't know you could make it this far. I'm proud of you."

Nag-init ang gilid ng mga mata ko. "No. Don't be. I'm just doing my part as your slave. Take this as
my gratitude for saving my life. Congratulations in advance, Lord Brixton Wenz Cardinal."

I heard him chuckle. "That's not how you do it. You should congratulate me while on your knees.
But you don't need to do that. I appreaciate it enough."

Umawang ang bibig ko. Kakainom ko lang pero parang nanghihina na agad ako.

"Is that it?" I chortled, too.

Tumayo ako at naglakad sa harapan niya. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata pero alam
kong nakikita niya ako.

"I'm Astralla Martin..." I knelt down before him. Naramdaman kong tumama ang tuhod ko sa
magaspang na lupa. "I'm glad I will be the first vampire to say this. I'm also pleased that I once
became a slave of the leader of Nightfall Clan. With all that... congratulations in advance, Lord
Brixton."

Bumilis ang paghinga ko habang kinakapos sa hangin.

It's funny how things change this fast. Parang kagabi lang ay sinurpresa niya pa ako ng mga
alitaptap tapos ngayon ay nakaluhod na ako sa harapan niya. Parang kahapon lang ay
hinahangad pa nito ang posisyon pero ngayon ay abot-kamay na niya.

"Where's the sincerity in that?" he asked.

"W-what?"

That's the moment he opened his eyes.

"I can't feel the sincerity with your voice, Astra," he said with a slight grin. "You're not happy that I
will be the next leader, right? Not that I am surprised since everyone is against that but... I am not
expecting you are one of them."

I don't think he's offended at all. His grinning face says a lot.

I cleared my throat. "I mean it."


"Really?"

Natigilan ako na ikinatawa niya.

He shook his head. "It doesn't matter anymore. I'm kind of disappointed but I am used to it. But I
don't think you are capable of doing anything against that. You will also bow in my presence one
day. You will look at me not as this man anymore but as someone higher than everyone else in
this clan."

Natulala ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na ganito rin siya kababaw. Gano'n ba talaga ang
tingin niya sa akin?

"Forget it. Go back inside. I need to stay here for a while," he said and shut his eyes again.

Clenched fists, I asked, "What if I don't want to? What if I don't want to do that favor?"

"I am your master, Astra. Just do it."

"Y-you don't get it..." bumaba ang boses.

"I get it. Clearly."

Tumayo na rin ako nang mangawit. Pinagpagan ko ang mga tuhod ko.

Tumalikod na rin ako. Hindi ko napigilan ang sarili kong itanong ang isang bagay na sa tingin ko
ay hindi niya nakuha, "What if I don't want to have a master other than you?"

Nagsimula na akong maglakad papasok sa bahay pero mabilis akong natigilan. Biglang sumulpot
sa harapan ko si Brix. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa akin.

Hindi ko napigilang hindi mapangisi.

"W-what did you say?" he asked.

"You heard me."

Lumunok ito. "I want to hear it again."

Huminga ako nang malalim bago tumango.


"I will make Lord Severo feel comfortable with me. He will let you take over his position soon. I will
do you a favor, Brix."

Napatingin ako sa kamay niya nang hawakan niya ang braso ko.

Kumunot ang noo ko. Why is he acting like this all of a sudden?

"That's not what I've heard," he said and I could feel how desperare he was. "I want to hear it
again. You don't want what? Astra. I heard it. I just want to hear it again. I don't know why. Fuck!
Can't you like fucking say it again?!"

Napatitig ako sa kanyang mga mata.

Lumunok ako bago tumango.

"I don't want to have a master other than you, Master Brix. That's right. You heard me now. But
you are right. What can I even do? So, yes. Gagawin ko kung ano ang gusto mo."

Umawang ang bibig nito. Sa pagkakataong 'yon ay nabitiwan na niya ako. Kinuha ko ang
pagkakataon na 'yon para umalis sa harapan niya at bumalik na sa loob.

Bago ako tuluyang nakapasok sa loob ay narinig ko pa ang sinabi nito.

"Y-you are insane..."


Chapter 36

Chapter 36: Twins

His last words stopped me from attempting to go back inside. What did he just call me?

"I-insane?" I asked in disbelief.

Madiin akong pumikit. Babalewalain ko na lang sana 'yon pero may sinabi pa siyang naging
dahilan para tuluyang magpanting ang mga tainga ko.

"How dare you talk back to me," he said.

Humarap ako sa kanya. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.

I glared at him as my fists balled up.

"What?" he crossed his arms on his chest. Tumikas ito ng tayo. "Lumalaban ka na ba sa akin,
Astra? You silly girl. How dare you look at me like that."

"Ang baho mo," bulong ko.

Nanlaki ang mga mata niya. Bumagsak ang mga braso niyang nakalahukipkip. Bumuga siya ng
hangin bago madiin na pumikit.

"Come again?" he asked, eyes shut.

"Ang sabi ko ang baho mo," ulit ko.

Dumilat ito at tumango. "I am not up for this childish play. Is that supposed to annoy me or what?
Try harder."

"Aristotle," I mumbled.

Just like what I thought, I caught him off guard. Natigilan ito at nawala lahat ng emosyon sa
kanyang mukha. All of a sudden, he looked exactly the same the first time I saw him.

"Enough of this conversation—"

"I don't care who's Eskelle and how he managed to be friend with someone like you but..."
Umigting ang titig niya sa akin pero hindi ako nagpatinag. "He is gone. And here you are, still living
the grief."
He just stared at me. I was expecting him to be violent but instead, he gave me nothing. Like I was
not even in front of him, opening something that has been hunting him even in his dream.

"Have you forgotten already, Brix? I promise to shoot you down." I sneered. "If your way of
avoiding that to happen is by passing my possession to someone else, crap it. I'll still look for ways
to kill you."

"Okay. Are you done?" he asked.

I was breathing heavily when I said, "I will make you always remember the first time you saw me."
I prepared myself to go back inside. "I won't stop until that day comes. Remember. That's all."

I was about to leave when he said something, "Really? I doubt it. You look hopeless now. You
don't have enough courage to do it with that condition."

"Let's see..." I whispered.

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay at sinarado ang pinto. Mabibigat ang paghakbang
ko hanggang sa makapasok ako sa loob ng kwarto at sinarado rin ang pinto.

Umupo ako at sumandal sa dulo ng kama. Madiin akong napapikit.

Fuck!

What to do now?

Biglang sumagi sa akin ang nabasa ko na nakaukit sa puno. Aristotle. I need more details about
that. I caught him off guard when I mention it. Maaaring ito ang makatulong sa sitwasyon ko.

Information... I need more of it.

Sumilip ako sa labas ng bintana. Naabutan ko si Brix na nakasampa na ngayon sa puno.


Nakasandal ito at nakapikit pa rin. Pinaglalaruan niya ang isang bato na hinahagis-hagis sa ere.

Napatitig ako sa kanya. He's right. I feel hopeless now.

Wala ba talagang ibang paraan para matalo ko ang lalaking ito?

He's good at hiding. That's I think one of his advantages. No one exactly knows his real intention.
No one barely knows him anymore. Even his family. He remains mysterious to everyone.

Bumagsak ang tingin ko sa bag ni Brix. Hindi ako nagdalawang-isip na kunin 'yon at ilapag sa
kama. Nilabas ko ang mga laman nito pero bigo akong makahanap ng bagay na makakatulong sa
akin.

I bit my lower lip in frustration. I can't find anything to use against him.

Ayokong mawalan ng pag-asa pero... paano kung wala talagang paraan? Habang-buhay ko na
bang dadalhin ang bigat ng nararamdaman ko?

Binalik ko na rin sa loob ng bag ang mga damit. Sinigurado kong maayos ito. Pagkababa ko no'n
ay biglang bumukas ang pinto.

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.

"Learn how to knock!" I yelled... at no one.

Wait, what? Bumukas lang ang pinto pero wala naman.

Lumunok ako. Sumilip ako sa labas ng bintaba. Umakyat sa dibdib ko ang kaba nang makita si
Brix sa itaas ng puno. Gano'n pa rin ang posisyon niya.

Kung gano'n ay... "Erikson?" tanong ko. "Ikaw ba 'yan? Don't try to startle me!"

Walang sumagot.

Shit!

Huminga ako nang malalim. Bampira din naman ako. May kakayahan akong ipaglaban ang sarili
ko kung sakaling masamang-loob man ang naghihintay sa akin sa labas ng kwarto.

Bahala na!

Pagkalabas ko ng kwarto at biglang nagliparan ang mga gamit. Napako ako sa kintatayuan ko.
Ano ang nangyayari? Umiwas ako nang lumipad ang sofa papunta sa direksyon ko.

"Stop!" I screamed.

I heard giggles. This scene was familiar to me. Bumalik ang alaala ko nung gabing nasa mansion
ako at biglang nabasag ang vase nang may dumaan. Ganito ang pakiramdam na 'yon. Hindi man
lang nabahala sina Lord Wenson at Lord Severo kaya malamang na hindi masamang-loob ito.
"You twins should stop now," I guessed. Iyon ang narinig ko kay Lord Wenson nung gabing 'yon.
"Stop playing around!"

Tumigil ang gulo sa paligid at pumayapa. Dumapo ang tingin ko sa dalawang batang lalaki na
nakatingin sa akin. Nanlalaki ang mga mata nila habang nakatingin sa akin.

"H-how did you know we are twins?" the boy in red cap asked.

"Bitiwan mo ang table," utos ko dahil hawak pa rin niya ang lamesa at handang itapon. Hindi ito
kumilos. "I said put down the table!"

"Okay."

Napapikit ako nang bigla niyang bitiwan ang lamesa kaya bumagsak ito at lumikha ng
nakakabinging ingay. Kanino bang anak ang mga ito?

"Lady, how did you know that we are twins?" the boy in red cap asked again. Ang isa naman ay
tumayo sa sofa at nagtatalon. "Hindi ba bago ka pa lang?"

"And?" I furrowed my eyebrows.

Hindi ko maatim na tingnan ang paligid dahil sa sobrang gulo.

"Cool." He grinned. Lumapit siya sa akin. "Since you easily noticed that we are twins, something a
newbie like you can't simply detect, I am Ethan and..." He pointed his little finger on the other boy
sitting on the sofa. "He's Evan. We are twins!"

"Okay." Tumango ako. Magkamukha sila, paanong hindi sila magpakakamalan na kambal?
"Perhaps, are you two lost?"

"No," masungit na sabi ni Evan, ang isa pang batang lalaking nakaupo sa sofa. "Are you dumb?
We have been in this place longer than you. Do you think there's a chance for us to get lost?"

Inirapan pa ako nito.

"Hey, Evan! Respect the lady, she's dumb because she's still a newbie," Ethan said and he looked
at me, feeling proud that he defended me.

"Thank you for defending me, Ethan," I said, sarcastically.


"No worries. We are not lost, Lady. In fact, Kuya Brix knows we are here. He even said that we
should do this," he said as he smiled broadly.

My lips slightly parted. "T-this mess? Really?"

He nodded. "He gave us an order to scare you."

"Ridiculous. She looks scarier," Evan mumbled.

Huminga ako nang malalim at pilit na binalewala ang mga sinabi ni Evan. "Okay. Bakit kayo
napadpad dito? Sinabi ba ni Brix na pumunta kayo rito?"

Akala ko ba ay walang nakakaalam na nandito kami?

"We were just playing hide and seek," sagot ni Ethan. "Tapos napunta kami rito. Andito rin pala si
Kuya Brix. What are you two doing here anyway?"

Umiling ako. "Nothing."

"Are you two playing hide and seek, too?!" excited na tanong pa ni Ethan.

"No. But... Kuya Brix? How are you related to Brix?" tanong ko.

"Isn't he your master?" Lumapit sa akin si Evan at tiningala ako gamit ang kanyang mga
mapanuring mata. "You are supposed to call him Master Brix. Not just by his name, you impolite
newbie. Tsk."

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. Kahit na bata ito ay baka mapatulan ko.
Ilang minuto ko pa lang siya nakilala pero namumuro na agad.

"Okay. How are you kids related to Master Brix?" I asked again.

"No!" Ethan yelled as he looked at his twin. He seemed so bothered right now. "Sshhh, Evan. She
didn't mean to call us a kid. Forget it."

Kumunot ang noo ko. What?

Ang masamang tingin ni Evan ay biglang lumungkot. Yumuko ito at kumuyom ang mga kamao.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang mahinang paghikbi niya.

"H-hey... I didn't mean to call you a kid—" Napangiwi ako nang bigla itong umiyak nang malakas.
Umupo ito sa sahig at nagwawala.

Napahilot ako sa sintido.

Ethan looked at me like as if he wanted me to help him tame his brother. They kind of remind me
of the Cardinal brothers. Oscar could be this boy in red cap, Ethan, and Brix could be the boy
weeping on the floor, Evan.

"What happened?" Umangat ang tingin ko sa bagong dating, si Brix na nakatingin kay Evan na
nagwawala sa sahig. "Why is he weeping?"

Lumapit si Ethan kay Brix. Sinenyasan nitong yumuko si Brix na ginawa naman niya saka ito
bumulong. Tumango naman si Brix at tumikhim.

"Inasar mo pala, Astra?" ani Brix.

"Huh? Hindi ah!" pagtanggi ko. "I just called him a kid. I mean... how's that even offensive? He is
though! Kung ayaw mong matawag na bata, Evan, tumahan ka na."

"Whoa." Brixton interrupted again. Lumapit ito sa akin habang umiiling. "Tame him before his Dad
even finds out what you did to one of his sons."

"So?" I crossed my arms on my chest.

Ano naman ngayon kung malaman ng Papa nila?

"Lord Reggar woulnd't like it," Brix whispered.

Nanuyo ang lalamunan ko. Their father is Lord Reggar? Biglang sumagi sa isipan ko si Lord
Reggar katulad ni Lord Trojan. Madalas na tahimik lang ito kaya medyo nakakatakot ang dating
nito.

Lumunok ako bago bumaling sa lalaking nagwawala pa rin.

"Sorry na, Evan..." nakangiwi kong sabi. "I didn't mean to call you a kid."

"No!" sigaw niya bago mas lumakas ang pag-atungal.

I tried to touch his arms but he flinched it. "Go away! I don't like you!"

"No. I'm sorry—"


"No! Lady Celeste is better than you!"

Natigilan ako sa sinabi niya.

Tumayo si Evan at pinunasan ang luha sa mga mata. Suminghap pa ito bago bumaling sa akin.
Sobrang sama ng tingin niya.

"You are bossy, Lady Astra. You don't even acknowledge Kuya Brix as your master. You think you
are that cool. Kuya Brix doesn't deserve a slave like you. That's why I don't like you, too."

I bit my bottom lip. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko bago tumango.

"I understand," I said. "Still, I'm sorry."

"You are his slave, Lady Astra," he continued. "Don't act like you are superior. You are nothing
without him. Do yourself a favor, stop bossing around."

"Okay. That's enough, Evan," Brix interrupted.

Umirap lang ito.

"T-that's rude..." Ethan said. "You don't disrespect a lady like that, Evan."

"What? Someone has to remind her!" simpleng saad ni Evan.

"Are you guys thirsty?" tanong ni Brix sa kanila. "I have remaining packs here. Come on. I know
you are thirsty."

Hinila ni Brix ang dalawa papunta sa kusina.

Nang makaalis sila ay inumpisahan kong pulutin ang mga kalat. Nilagay ko sa dating ayos ang
lamesa at mga sofa. Napansin ko rin na nasira ang lock ng pinto sa kwarto, malamang na dahil sa
biglaang pagbukas kanina.

Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko ay may tinik sa lalamunan ko.

"Prepare your things, bukas din nang maaga ay ililipat na kita," ani Brix. Wala ang dalawa na
malamang na umiinom sa kusina.

I bit my bottom lip as I bobbed my head.

"Okay..." sagot ko sa mababang boses.


"Huwag mong sabihin na apektado ka sa sinabi ng bata?" tanong ni Brix na natatawa. "Oh, come
on. He just spilled the truth though, don't you think?"

"He's older than me, right?" naguguluhang tanong ko.

"Yes."

"Kapag pinatulan ko 'yan ay hindi na child abuse, hindi ba?"

Tumawa uli ito habang umiiling. "Don't even try. Ikaw ang masasaktan. They are just look like that
but they are trained to fight. You won't stand a chance."

Napairap na lang din ako.

Biglang dumating si Ethan. Hawak-hawak niya ang supot ng dugo. Namantsahan na rin ng dugo
ang kanyang damit dahil makalat itong uminom. Dinilaan pa nito ang kanyang labi.

"I think you are cool," he suddenly said to me.

"Stop feeding her confidence, Ethan," said Brix. "Pagkatapos niyong uminom ay magluluto na
kami. Dito na lang kayo kumain."

"Talaga?!"

Tumango si Brix. "Yes. And... I need your help."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Brix.

"What do you mean, Kuya?" naguguluhang tanong ni Ethan.

Lumapit sa akin si Brix at inakbayan ako. Napasinghap ako sa ginawa niya.

Lumabas din si Evan mula sa kusina. Hindi katulad ni Ethan ay malinis itong uminom. Wala ngang
bakas sa kanyang labi na kaiinom niya lang.

"Are you in, Evan?" tanong pa ni Brix.

"Maybe?" simpleng sagot nito.

"Ano ba 'yon, Kuya?" tanong ni Ethan.


Humarap sa akin si Brix bago mas hinigpitan ang pagkakaabay sa akin. Hindi ko alam kung bakit
pero bigla akong kinabahan.

Ano na naman kaya ang naisip nito?

"Astra wants to learn how to fight. Please do the pleasure."


Chapter 37

Chapter 37: Lesson Four

I gulped. What?

"Sooner or later, you will encounter an insurgent," Brix explained. Pinakawalan niya ang
pagkakaabay sa akin at naglakad palapit sa kambal. "Evan and Ethan had fought a lot of
insurgents already. Bihasa na sila sa pakikipaglaban. They are actually leading the Junior Squad
of Nightfall Clan."

Whoa. That was amazing. Still... why can't I take them seriously? Alam kong hindi hamak na mas
sanay na sila sa akin pero... siguro ay dahil masyado silang bata para sa akin. I don't even know if
I can attain to hurt them.

"It looks like she doesn't like that idea, Kuya Brix," puna ni Evan na ngayon ay nakangisi na sa
akin. "Well... I can't blame her. Masyadong maganda ang kutis niya. She's probably scared to get
cuts."

Lumapit sa akin si Ethan at hinawakan ang isa kong kamay. Tumingala pa ito para sabayan ang
tingin ko. Hindi katulad ni Evan ay nagagawa niya akong ngitian.

"You get stronger every time your wounds get deeper," makahulugang tugon nito sa nag-aalangan
kong desisyon. "I've learned from Kuya Brix that if you want to ignite your ability, think of
something that hurts you. Something your mind always forgets to remind you. Something... you
need to remember yourself."

Umangat ang tingin ko kay Brix. Nakatingin ito kay Ethan. Hindi ako magtatakang malakas nga
ang dalawang ito. Mukhang si Brix pa ang nagturo sa kanila.

"No matter how much in pain you are and how much you want to avenge that, if your ability sucks,
it's useless, Ethan," the other twin interfered the conversation. "If she wants to conquer, she needs
to learn how. We are not in a supernatural story. She can't summon a fireball out of the grief nor
enhance her ability without training."

"Are you scared, Astra?" asked Brix.

"I think she is," sagot ni Evan na napapailing pa. "You know what, Lady Astra? You don't need to
win against us. Well, there's no hell you will. Still... I want to see how far you can go."

"Are you willing to train me?" I asked him.


He chuckled. "Call me Master Evan."

"No," madiin kong sambit.

"I knew it." Bumuga ito ng hangin na parang nahihirapan siyang kausapin ako. "Fine. Just don't
complain if you get scratches, all right? I hate cry-babies so much."

"Coming from you?" I wanted to say that but instead, "You won't hear anything from me."

Tumango naman ito. "Call."

Pagkatapos naming magkasundo ay lumabas muna ang kambal para maglaro. Kami naman ni
Brix ay nanatili sa loob para magluto ng pananghalian.

Pinanuod kong maghiwa ng mga sahog si Brix. Namamangha man sa bilis ng kanyang mga
kamay, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanyang mukha. Masyadong seryoso.

I cleared my throat. "Why did you do that?"

"Just be thankful they are in the mood to train someone," masungit na wika nito.

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Napairap ako. Masyado na akong nanliliit sa dalawang lalaking
'yon. "You asked them to scare me. You know? That's so childish."

Sandali niyang binitiwan ang kutsilyo para tumuon ng pansin sa akin. Tinukod niya ang kanyang
mga kamay sa lamesa. Saka ako tinitigan nang masinsinan.

"How did you know they are twins?" he asked. "They are one of the fastest juniors not just in this
clan. Kapag kumilos sila ay parang hangin lang. Aakalain mo na iisang bampira lang sila. So...
how?"

Lumunok ako at umiwas ng tingin. "Magaling ako e."

"Seriously?"

Huminga ako nang malalim bago siya binalikan ng tingin. "No'ng gabi ng celebration sa Mansion.
Nabanggit ni Lord Wenson ang kambal. You are right. They are freaking fast."

"I see." He gently nodded. "You didn't see them in your own skill. This will make things harder for
you. Paano mo sila makikita mamaya? They are going to have real fun."
Tumalikod na si Brix para umpisahang ilagay ang mga sahog. Ako naman ay nanatili sa upuan ko
at nakatingin lang sa kanya. Hindi ko naman kailangang tumulong dahil baka makagulo lang ako.
It's either ako ang magluluto o siya, hindi kami pwedeng magtulungan.

"Anak ba talaga sila ni Lord Reggar?" tanong ko.

"Yes. Lord Emannuelle Reggar and Lady Merlaine. So, don't you dare mess up with them."

Tumango ako. "Kung si Lord Escariaga at Lady Tessa ay anak si Resty at si Lord Wenson naman
at Lady Elly ay anak si Randolf. How about Lord Trojan?"

Napatingin sa akin si Brix. "Why?"

"Wala lang. Curious lang ako." Pinagsalikop ko ang mga daliri ko na nasa ibabaw ng lamesa.
"Masyado kasi siyang tahimik. Tapos wala rin siyang kasama nung Sabado. Wala pa ba siyang
anak?"

"Curious your ass," bulong nito bago bumaling uli sa niluluto. "You must be one those women
going crazy for him. He's the youngest member of the Seniors, is that even surprising?."

"It is, though. At a very young age, he's already part of the Seniors. Isn't it amusing?"

"Lame. I am younger than him when I built my own clan," he suddenly said.

"So?"

Napatingin uli sa akin si Brix, pero sa pagkakataong ito ay may bahid na ng pagkairita ang
kanyang tingin. "Are you dumb? He's just a part of Seniors. He doesn't own this clan."

"So, how's that related to your achievement?"

Lumunok ito.

"I put him in that place," mababang boses na sabi nito bago tinuon uli ang tingin sa ginagawa.

Umawang nang bahagya ang mga labi ko.

"You, what?"

"He's not originally part of this clan. He's one of the insurgents I saved," Brix clarified. "When I
merged my clan, I wanted to be one of the Seniors. They all disagreed. So instead of me, they
asked for one of my members. That's it."

That left me in confusion. Then, why the hell Lord Trojan is against of the idea of Brix ruling this
clan? Brix is the reason why he has a positon here and also the reason why he's no longer an
insurgent. He owes everything he has to Brixton!

"Tawagin mo na ang kambal. Maghahain na ako," utos ni Brix. "Call them politely. Don't initiate an
argument."

"Okay."

Sinunod ko ang utos nito. Habang naglalakad ako palabas ay puno pa rin ako ng katanungan.
Kung tama ang hinuha ko, mukhang maging si Lord Trojan ay tinalikuran na si Brix. Gano'n ba
katindi ang pangamba nila sa kanya?

Umangat ang ulo ko at mabuti na lang ay agad akong umiwas nang makita ang lumilipad na bato
papunta sa akin. Tumama 'yon sa bintana na naging dahilan para mabasag ito.

"Shit," I cursed.

That almost hit me!

"Lady Astra! Sorry! Sorry!" Humahangos na pinuntahan ako ni Ethan. Nakangiwi pa ang labi nito.
"Hays. Hindi ko alam na palabas ka, Lady Astra."

"N-no. I'm good."

Ganito ba talaga maglaro ang mga ito?

"Well..." Dumating din si Evan na nakahalukipkip. Masyado pa ring maangas ang dating nito.
"Muntik ka na roon. Sigurado ka bang gusto mo kaming makalaban?"

"Makalaban?" tanong ko. "Tuturuan ninyo ako at hindi kakalabanin. Don't use this as an excuse to
be rude. Anyway, get inside. Luto na ang pagkain."

"Yay!" Naunang pumasok si Ethan.

Daanan lang sana ako ni Evan nang hawakan ko ang kanyang braso. "Don't stop yourself later.
Show me what you got and I will do the same." Saka na ako naunang pumasok.
Naabutan ko na nakaupo na sina Ethan at Brix. Uupo na rin sana ako sa isang bakanteng upuan
nang maunahan ako ni Evan. Iyon na lang ang natitirang upuan.

Nag-umpisa na silang kumain nang hindi man lang ako inaaya. Wala na rin naman akong
magagawa kaya kumuha na lang ako ng pagkain at kumain nang nakatayo.

"Oo nga pala, Kuya," ani Ethan. Lumunok muna ito bago nagsalita uli. Kapansin-pansin kung
gaano kaelegante kumain ang kambal. Halatang galing sa marangyang pamilya. "I overheard
Lady Celeste and one of your maids in the mansion—"

"We don't do that here, Ethan," ani Evan. "Eavesdropping? Not cool."

"Sorry. Hindi ko naman sinadya. I just happened to be there. Pero..." Bumaling sa akin si Ethan
bago tumingin uli kay Brix. "She was crying that time."

"Wait, why?" tanong ni Evan.

Napatingin ako kay Evan. Masyado itong apektado dahil sa nalaman tungkol kay Celeste. He
looked bothered with that. Hindi naman nakapagtataka 'yon. Kahit naman sino ay mag-aalala para
kay Celeste. She's always been good to me. Alam kong gano'n din sa lahat ng nakapaligid sa
kanya.

Just like what Even said, she's better than me. I will never be as good as Celeste.

"Why was she crying?" tanong pa ni Evan.

Tumawa si Ethan. "I can't say it since I just overheard it. Hindi ba pinagalitan mo ako?"

"No. Ugh! Come on, Ethan!"

Si Brix naman ay tahimik lang na kumakain pero alam kong naghihintay rin ito sa kung ano mang
sasabihin ni Ethan. Maging ako rin naman ay naiintriga sa sasabihin niya.

Ethan let out a sigh before he continued, "I heard her said that Kuya Oscar has been avoiding her.
Iyon lang kasi umalis din ako agad. Right. That was rude."

Natigilan ako sa pagkain. What happened?

Pumahalungbaba si Evan sa lamesa. Tila malalim ang iniisip nito. Mukha na tuloy siyang matanda
dahil sa kanyang kinikilos. "Why would Kuya Oscar do that?"

"She likes him," biglang sabi ni Ethan,


Natikom ang bibig ko pagkatapos marinig 'yon. Panandalian kaming kinain ng katahimikan.

Mabilis na lumiko ang tingin ko kay Brix. Sandali lang itong natigilan pero agad ding nagpatuloy sa
pagkain. Alam kong alam na rin niya ito pero hindi niya lang binabanggit kaya hindi na ito gulat.

"T-that's absurd." Tinakpan ni Evan ng pilit na tawa ang kaba niya. "Lady Celeste knows she can't
cross that line. That's forbidden. Don't make up things, Ethan. Ipapahamak mo lang si Lady
Celeste!"

Ngumuso si Ethan. "Hindi naman ako gumagawa ng kwento. Narinig ko kaya!" pagpupumilit pa
nito. "You know that I don't lie, Evan. Lalo na 'yung ganito."

"Stop!" Evan screamed. Namumula na ang mukha nito, parang maiiyak na naman. "K-kapag may
nakarinig sa 'yo ay mapapahamak si Lady Celeste! You know the punishment, Ethan."

"Why? She's just a slave here," ani Ethan na naguguluhan na rin sa inaasta ng kakambal. "Marami
naman nang napahamak na alipin. Nasaksihan pa nga natin kung paano pinarusahan ang isa sa
kanila."

Evan's first balled up. "Kuya Brix, don't tell anyone about what Ethan said."

Brix shrugged his shoulders. "That's none of my business."

"You, too, Ethan!" Pinanlisikan ni Evan ng tingin ang kakambal. "Forget what you've overheard. If
that's true, you must keep it a secret. I don't want to lose Lady Celeste."

"Crush mo siya 'no?" pang-aasar ni Ethan.

"H-hindi—"

"Crush mo siya!"

Nag-asaran na ang dalawa habang ako ay halos hindi na maubos ang pagkain. Alam na rin yata
ni Oscar na may gusto sa kanya si Celeste. He knows what will happen if someone from higher
ranks finds out. What's he going to do now?

Natapos kaming kumain. Pinilit kong ubusin ang pagkain. Sinama ni Brix ang kambal sa labas
habang ako ay naiwan sa loob. Niligpit ko ang mga pinagkainan namin.
Bigla-bigla akong natutulala.

Shit. Nag-aalala rin ako para kay Celeste. Paano kung nalaman ng isa sa mga Seniors na may
gusto siya kay Oscar? Ano ang gagawin ni Oscar? I want him to save Celeste, pero hindi ko rin
naman siya masisisi kung hindi niya magagawa.

I feel bad for Celeste.

Pagkatapos kong maglipit at maghugas ay pumunta muna ako sa kwarto. Sinilip ko sa bintana
ang tatlo. Naabutan kong nakahiga sa damuhan si Evan, nakatulala sa itaas at sa hindi kalayuan
naman ay nag-uusap nang masinsinan sina Ethan at Brix.

I think I know what they are talking about. Tahimik man si Brix ay alam kong ayaw niya rin na may
masaktan kina Celeste at Oscar. Kung walang magagawa si Oscar, kikilos ba si Brix?

This is complicated.

That's why I always remind myself why I am here.

Nagpahinga muna ako sa kwarto. Nasa dulo na ako ng pagtulog nang biglang may kumatok sa
bintana – si Brix na sinenyasan akong lumabas na.

Mag-uumpisa na ba?

Huminga ako nang malalim bago inayos ang ilang hibla ng buhok ko. Alam kong hindi mag-
aatubili si Evan na baliin ang mga buto ko lalo na't binalaan ko siyang huwag magtitimpi.

This for myself, too. Alam kong mas malala pa rin ang mangyayari kapag mga totoong kalaban na
ang nakaharap ako. Kung hindi ko magagawa ang training na ito, malabong magawa kong
magpumiglas sa iba.

Lumabas na rin ako. Naabutan ko sina Evan at Ethan na nakatingala kay Brix na ngayon ay
nakakaakyat sa puno. Tumabi ako sa dalawa at tiningala rin si Brix.

"Listen..." Kumagat siya sa mansanas at nginuya 'yon. "There will be no rule in this game.
Magtatapos lang ang laro kapag sumuko ang isa sa inyo." Bumaling sa akin si Brix. "I am not
expecting one of them to yield but manage to last longer, all right?"

Lumunok ako bago sumagot, "Naiintindihan ko."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Evan. "I won't show mercy to you, Lady Astra."
"Me, too..." Bumaling sa akin si Ethan na nakangiti. "Sorry. Ang tagal ko na rin kasing hindi
nakakalaban."

"I-it's fine," sagot ko kahit na kinakabahan na ako.

"This will be two versus one." Naagaw uli ni Brix ang pansin namin. "Isa lang sa kambal ang
kailangan mong mapasuko, Astra. Remember to not hesitate to attack. They won't do that to you."

"Okay..."

Umupo na si Brix sa sanga at tumango. "Good luck. Ready?"

"I am," the twins said in unison.

Nalipat sa akin ang tingin nilang tatlo, naghihintay ng sagot ko.

"I am..." Nanlaki ang mga mata ko at napaluhod nang biglang sumugod si Evan at sinipa ang
tuhod ko."Shit. Hindi naman halatang kating-kati ka nang saktan ako ah?"

Evan smirked. "Lesson number 1, don't let your guard down."

"Noted," I responded, sarcastically.

Sa isang iglap ay naglaho ang kambal... pero hindi talaga naglaho. Ramdam ko sila, paikot-ikot sa
paligid. Parang hangin lang na tumatagos sa mga puno.

Tumayo ako pero may agad na sumipa sa binti ko kaya muli akong napaluhod.

"Hindi ka man lang ba makakagalaw?" pang-aasar ni Brix.

Huminga ako nang malalim bago tumalon sa isang sanga ng puno. Sa isang banda ng tingin ko ay
naramdaman ko ang hangin na palapit sa akin. Tumalon ako sa kabilang sanga kasabay ng
pagkabali ng sangang una kong sinampahan.

Shit. They are really fast!

"Hi." Bumaba ang tingin ko kay Ethan na nasa baba. Lumapit ito sa puno na tinutungtungan ko.
"Gaano ba 'to katibay? One... two... three." Pinadapo niya ang kanyang kamao sa katawan ng
puno kaya umugong ito. Mabuti na lang at nakahawak ako kaya hindi nahulog.
"Nice," Ethan complimented. "However..."

"Got yah!" Biglang sumulpot sa likod ko si Evan at hinawakan ang dalawa kong braso. I tried to
restrain but his grip was so tight. "Rule number 2, watching your back is more important than
what's in front of you."

"Shit!" I mumbled.

Tumunog ang buto ko nang binigla niya itong pihitin. My lips parted due to the force he exerted to
twist my bone. Unti-unti akong nawawalan ng lakas.

"Third lesson, don't hesitate," Evan whispered.

I winced when he started to twist my arms more. Kahit na maliit lang siya ay pambihira ang lakas
niya. Hindi lang sila mabilis, may lakas din sila para pahiyawin ka sa sakit.

My eyes dropped at Ethan who's still on the ground. He was looking at Evan and I could see how
proud he was. Commendable. Mukhang walang inggitan sa dalawang ito kahit na magkapatid sila.

"Just yield already," panunuya ni Ethan.

"Huwag muna..." si Evan naman. "We barely starting..."

I tried to look for ways to get off his grip.

I bit my bottom lip as I jumped off the tree. Evan didn't let go off my arms. Nagawa niya akong
baliktarin sa himpapawid at hinampas ako sa lupa. Naramdaman kong lumagapak ang likod ko.

"Ouch!" Hindi ko na napigilang hindi umangal. Panandaliang namanhid ang likod ko bago umatake
ang sakit.

Nilapitan ako ng kambal na halatang tuwang-tuwa. Nag-apir pa sila.

"Suko na?" tanong ni Ethan.

I watched them attentively.

Bumaling ako sa likod nila. "L-Lord Reggar?"

"What?!" Sabay na napalingon sa likod ang kambal.

Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para hablutin ang binti ni Ethan. Bumagsak ito sa lupa at
mabilis ko siyang dinaganan. Hinawakan ko ang dalawa niyang braso at pwersahan na tinayo.

"Shit! Ang daya!" angal nito.

"Lesson four, don't get deluded," I said, grinning.

Evan stared at me angrily. "Let him go..."

Napangiti ako. That's it. This is done.

"No." I shook my head.

"Let him go!"

"Ah!" Ethan's scream of grief reverberated in the silence when I twisted his arms. "That freaking
hurts! You are good, Lady Astra!"

Humakbang si Evan isang beses palapit sa amin. Madilim na ang tingin nito sa akin ngayon. Alam
kong sa oras na mabitiwan ko si Ethan ay siya na ring katapusan ko.

"Stop." I warned him. "One more move and I'll break his arms."

Tumigil naman ito. "Y-you can't do that."

Niyakap ko mula sa likod si Ethan at sinugarado kong hindi makakagalaw ang kanyang mga
kamay. "Don't move or I'll hurt him more," babala ko pa.

Gaya ng inaasahan ko ay hindi nga ito gumalaw.

"Luhod," utos ko.

Bumali ang leeg nito. "W-what?"

"Kneel down and yield," I commanded.

Narinig kong tumawa si Ethan. "Ang galing mo, Lady Astra. Mananalo ka pa yata."

Pinanuod kong unti-unting baliin ni Evan ang kanyang mga tuhod. Ilang pulgada na lang ay
maglalapat na ang lupa at tuhod niya nang bigla itong umupo at may pinulot. Pinabulusok niya sa
direksyon ko ang batong nahawakan.

Sobrang bilis. Sa sobrang bilis ay sinangga ko na lang ito gamit ang kamay ko. Naramdaman
kong tumama sa palad ko ang bato at mabilis ko itong kinuyom.

"I got the stone," I said.

Napatingin ako sa kamay ko nang may pumatak na dugo.

Napaatras ako nang magbago ang kulay ng mga mata ni Evan. Dahan-dahan itong tumayo mula
sa pagkakaupo. Diretso ang tingin nito sa akin. Naglaho ang pangamba sa kanyang mukha.

Shit!

Binitiwan ko ang bato at tinulak palayo sa akin si Ethan. Nung humarap ito ay napagtanto kong
maging siya ay naapektuhan. Habang humahakbang ako paatras ay umaabante naman sila. Alam
kong susugod na sila kahit na anong segundo.

"Hey. Is this still part of the training?" I asked them, nervously.

When I didn't get a respond, that's when I knew I fucked up.

They were about to attack me when Brix blocked their way. Kumurap lang ako ay bagsak na ang
kambal. Nilagay niya ang walang malay na dalawa sa magkabila niyang balikat bago bumaling sa
akin.

He looked at me using those unstable eyes. Papalit-palit ng kulay. Mula sa itim at pula. I know he's
trying to suppress his thirst for my blood, something the twins failed to do.

"Ihahatid ko na sila. You should get back inside and clean the blood," he ordered in a calm voice.
Hindi ako agad nakakilos sa sobrang gulat. "I said go back inside!"

Tila natauhan naman ako sa pagsigaw niya.

Lumunok ako. "D-did I do it?"

Kumunot ang noo niya. "They can smell you. If you don't want trouble, clean the blood now."

"I am asking you. Did I do it?!"

He turned his back to me. Handa na itong umalis nang hindi sinasagot ang tanong ko. "Go back
inside and wait for me."

"I-I failed, right?"


"Not really. You are a clever woman, I'll give you that," he said as he started to walk away. He
stopped again and turned his head on my direction. "What are you doing?"

"I-is that a compliment?"

Napalunok ako nang umigting nang tuluyan ang pagkakapula ng kanyang mga mata.

"Go back inside now or I'll wake up the twins to let them dry your blood."

Napaatras ako bago tumakbo pabalik sa loob ng bahay.

I did it!
Chapter 38

Chapter 38: Five Questions

I watched as the clear water turned into red when I soaked my bleeding hand. Ibinabad ko ang
kamay ko nang ilang segundo bago ito inangat. Sa sandaling segundo ay nawala ang hiwa sa
palad ko dala ng pagsalo ko sa bato.

I bit my lower lip. This is such an achievement to me. It might seeme nothing compare to others
but... this is the first time I won a fight against original vampires.

I see this as a good start.

"You are a clever woman, I'll give you that," I suddenly heard Brix's voice inside my head, an
enchoing sound that filled my satisfaction. "You are a clever woman, I'll give you that."

I know that I didn't totally win. If I wasn't that clever enough to get their weakness, I'd be probably
on deep shit right now. Talk about luck, maybe?

Lumabas na ako ng CR at pumunta sa kusina. Napatukod ako sa lamesa nang maramdaman ang
panghihina ng mga tuhod. I don't feel any pain but I feel so feeble suddenly.

I almost crawled just to get myself a pack of blood on the hanging cabinet. Nang maabot ang
sadya ay napaupo ako sa sahig. Dali-dali kong binuksan ang supot ng dugo at ininom ang laman
nito.

I closed my eyes as I felt the liquid flowing through my throat and down my veins. Unti-unti ko ring
naramdaman ang pagbabalik ng lakas ko. Naubos ko ang isang supot. Tumayo ako at kukuha pa
sana nang mapagtanto na wala ng supot.

That's enough though.

I let out a heavy sigh. This will be our last night here. It's been just two days! Err. Why do I sound
complaining now?

Fine! I am enjoying being with Brix accompany. Funny because this will be probably the last time I
can be with him. Pagkatapos ng gabing ito ay iba na ang sasadyain ko.

Naligo na rin ako dahil malagkit ang pakiramdam ko. Hanggang sa natapos akong maligo ay hindi
pa rin bumabalik si Brix. Nag-uumpisa na ring dumilim.

Habang wala siya ay napagpasyahan kong magluto muna. Sa pagkakataong ito ay hindi ako
gumamit ng posporo. Kumuha ako ng kawayan at ginawa ko kung ano ang ginawa ni Brix.

Halos mangawit na ang mga braso ko sa pagkiskis pero hindi ko pa rin makita ang kislap. Sa halip
na sumuko ay pinagpatuloy ko pa rin ito. Inabot ako ng ilang minuto bago ko napansin ang
kaunting kislap. Dahil doon ay mas nagkagana akong bilisan.

Nabuo ang malapad na ngiti sa akin nang makita ang apoy sa lutuan. Nagawa ko! Pakiramdam ko
tuloy ay maiiyak ako sa sobrang tuwa. Ang dami kong nagawa ngayong araw.

I heard footsteps coming on my direction. Finally!

I think Brix would be kind of proud of this achievement or even if he's not, at least, he would know
that I did it.

Sinalubong ko ang paparating. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita si Erikson. Nakangiti ito sa
akin at kumaway pa. Tumagos sa kanyang likod ang tingin ko.

"Brix has some errands to do," he said when he noticed I was looking for someone else. "Binilin
niya sa akin na sunduin ka raw dito. Pero kung ayaw mo pang sumama ay huwag ka raw pilitin."

Tila may bumara sa lalamunan ko. "H-hindi. Sasama naman ako. Ano pa ba ang gagawin ko rito
kung wala siya?"

"You sure?"

Tinuro ko ang kusina. "E-Erikson. Nakagawa ako ng apoy gamit ang kawayan!" Dapat ay masaya
ko 'yong ilalathala pero ang labas ay sobrang lumbay. "Brix taught me how. I-I just did it..." But
he's already gone.

"Good job!" Erikson complimented.

That's when I ran out of words. Tumalikod na ako at binalikan ang nagawa ko. Natigilan ako nang
makitang usok na lang ito. Hindi ko nabantayan kaya agad na naapula ang apoy.

"We can do it again," ani Erikson.

I bit my bottom lip. Fuck!

Humarap ako kay Erikson. "No. Nagawa ko na rin naman e. That's enough."
Erikson looked at me. "He will be gone for weeks. But who knows?"

"So?" I arched my brows.

"In those weeks... if my calculation is accurate..." Bahagya itong umiwas ng tingin. "He won't come
back as your master anymore."

"Okay..." Iyon ang tanging lumabas sa bibig ko. "I guess I need to practice saying Master Severo
instead of Master Brix or Lord Severo, right? Also... Lord Brixton."

Tumuwid uli ang tingi niya sa akin. "I don't think he will get the position that quick. You will still
serve Lord Severo as the Clan Leader. If there's something you need to exercise, that's... hiding
the fact that you aren't ready to serve anyone other than Brixton."

"T-that's normal. Siya ang una kong pinagsilbihan."

"It is..." He nodded. "You know what is not?"

Umiling ako.

Lumapit pa siya sa akin bago sinabing, "You've got a personal attachment to your master. That's
not normal for slaves like you. That's... abomination."

"What are you saying?"

"Anyway..." He put his hands inside the pocket of his pants. "Kung gusto mong ipagpabukas na
lang ang paglipat sa mansion ay pwede naman. You don't seem ready though."

"I am..."

"Sure," he agreed.

"Not preprared yet," I continued.

He laughed. "So, we need to spend the night here." Bumaling ito sa basag na bintana. "Those
twins are something else. Buti na lang at hindi ka nila napagtripan."

"Actually..." I grinned. "Nagkaroon kami ng kaunting labanan. Guess who won?"

Namilog ang mga mata ni Erikson. "I see. That's why the twins were sleeping on Brix's shoulders.
Ikaw ba ang gumawa no'n? No. I don't believe you."
Tumawa ako. "Sino ba pa?" proud kong sabi.

"Point taken. Hindi naman papatulan ni Brix ang mga 'yon."

"They are good, commendable," I said, nodding my head. "But not better than me. Malakas lang
sila, mautak ako."

Humalakhak si Erikson.

A thought suddenly popped in my head. Even though he didn't see the fight, he seemed more
proud of me than Brixton. Siguro ay masyado na lang talagang mataas ang expectation ni Brix
para maabot ko.

"Sa labas na lang ako matutulog," ani Erikson. "Mas gusto ko pa ngang matulog sa taas ng puno
kesa sa malambot na kama. You can sleep here. Don't worry. I will still assure your safety."

I shook my head. "I have no plan of sleeping tonight."

"Ow. What's your plan then?"

"Humuli ng mga alitaptap!"

"Whoa! I like that idea, too!" he exclaimed, thrilled.

Pagkatapos naming magkasundo ni Erikson ay pumasok muna ako sa kwarto para ayusin ang
mga gamit ko. 'Yung mga marumi lang naman ang kailangan kong ayusin dahil maayos sa cabinet
ang mga damit ko.

Naagaw ng pansin ko ang bag ni Brix. Sumikip bigla ang dibdib ko. Is that it, Brix? Dinala mo ako
sa lugar na ito nang hindi ko alam at nauna ka ring umalis nang hindi ko pa rin alam. Fuck you!

I gritted my teeth in anger. How dare you put me in this situatuon and then leave me. Ikaw ang
dahilan kung bakit nandito ako... tapos bigla mo akong bibitiwan.

For the second time, fuck you!

My fists balled up. "How dare you."

Tears started to loom around my eyes. I hate it. I hate it when my frustrations turn into tears. I am
tearing up not because I am hurt... I am tearing up because of so much wrath.
Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili ko. Lumabas ako ng kwarto at naabutan si
Erikson na nakaupo sa sofa. Napatayo ito nang makita ako.

"Ready?" tanong niya.

Tumingin ako sa labas. Madilim na.

"Wait. I forgot my jacket," sabi ko bago bumalik sa kwarto.

I put my purple jacket on. Mabilis din akong lumabas at sabay kaming lumabas ng bahay ni
Erikson. Sinabi niya pa sa akin na hindi na namin kailangang bumalik dito dahil ipapakuha na lang
niya ang mga gamit namin.

Now here we are... walking in darkness.

Pinasok ko sa bulsa ng jacket ko ang aking mga kamay. Gabi na pero malinaw ang paningin ko.
Nakakatuwa nga na parang mas malinaw pa nga yata sa dilim ang mga mata ko kesa sa liwanag.

"To be honest..." Napalingon ako kay Erikson na natatawa. "Hindi ko alam kung paano humanap
ng alitaptap. Wala naman kasi silang exact location. They are everywhere. Sometimes... on the
place you least expect them to be. I am not even sure if we can find one here."

Umiling ako. "Trust me... meron."

"Why? Nakakita ka?" manghang tanong niya.

"Brix." Halos naging hangin lang ang pagkakasabi ko no'n.

Naguluhan ang tingin nito. "Brix?"

"Nakakuha siya," tipid kong dugtong.

"Si Brix?" Tumaas ang mga kilay niya. "Wait, wait. Si Brix ay humuli ng alitaptap o nakakita?
Clarify, please?"

"Aksidente lang sigurong nakahuli siya. Baka dumapo lang bigla ang mga alitaptap sa kanyang
palad," natatawa kong wika. Ayokong mag-isip ng iba pang dahilan.

"I don't think so..." bigla niyang sabi bago tumuwid uli ng tingin. "Those things are bad memories
for him. You know? We do our best to avoid getting flashbacks of our worst memories."
Hindi na ako nagsalita sa pagkakataong 'yon. Ayoko nang isipin kung bakit ginawa ni Brix 'yon,
wala na rin namang saysay. Ayokong isipin kung bakit ginawa niya sa akin ang isang bagay na
dapat ay iniwasan niya. Ayoko nang mag-isip pa.

"Anyway... paano mo natalo ang kambal?" pag-iiba niya sa usapan.

Biglang bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Wala sa sariling natawa na lang ako.

"Cheating?" pabiro kong sagot.

"There's no cheat when it comes to fighting, Astra," he explained. "If you manage to win, you win.
If you lose, you lose. Cheating doesn't exist in battles."

"I had no choice though. Halos baliin na nila ang mga buto ko. Kaya ayon... biniro ko silang nasa
likod nila si Lord Reggar. That worked. I caught them off guard."

"Seriously?" Natawa ito. "That's a tactic, not a cheat."

"Gano'n ba sila katakot kay Lord Reggar?" hindi ko naiwasang itanong.

Erikson shrugged his shoulders. "Sabihin na lang natin na maihahalintulad si Lord Reggar kay
Lord Severo. They are both excellent vampires and leaders. Kaya siguro gano'n din sila ka-strict
sa mga anak nila."

Ow. I get it.

"Si Lord Escariaga?" tanong ko.

"The mischievous Senior along with Lord Wenson. Like father, like son," natatawa niyang sagot.
"Spoiled si Resty sa kanyang ama. Actually, mas strict pa nga si Lady Tessa sa kanya e."

Tumango ako. "Kaya pala gano'n na lang ang mokong na Resty na 'yon."

"Mas lalo ka niyang guguluhin ngayon, hinalikan mo e," aniya pa kung saan bakas ang pang-
aasar. "Sa totoo lang, bilib ako sa lalaking 'yon. Siya lang ang hindi takot kay Brixton."

"I know..." I mumbled. "I also think they have history."

"Well..."
Napalingon ako sa kanya. "You know?"

Tumawa ito. "Let's just say.... I am part of that history."

I gave him my confused look.

"Seems like luck isn't with us tonight," puna ni Erikson. "Wala pa akong napansin na maliit na
ilaw."

Tumingin naman ako sa paligid. Tama nga. Kanina pa kami naglalakad pero wala pa akong
nakikita. Mukhang lilipas nga ang gabing ito nang hindi kami nakakasilay ng isa man lang.

"What should we do now?" tanong ko.

"Let's just keep walking."

Nakatungo ako habang naglalakad. Sa pagsikat din ng araw ay may malaking pagbabagong
mangyayari sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan. I don't know where to start with this
one. Bahala na siguro. I was also clueless when I started here.

"Can I say something?" biglang sabi ni Erikson.

"Go," tugon ko habang nakayuko pa rin.

"I lied..." Umangat ang tingin ko sa kanya. "I don't think I can sleep in that place."

"Why?"

"Bad memories..." he chuckled. "So bad..."

I gulped. "Who is Aristotle?"

Natigilan ito. "W-what do you mean? D-did Brix say something?"

Doon ko napagtanto ang hinala ko. Malaki ang ginampanan no'n sa nakaraan nila. If Brix couldn't
give me answers, I think I can get it from Erikson.

"Tell me..." hamon ko.

Dumiretso ang tingin nito pero ako ay sa kanya pa rin ang atensyon. Mukhang nahihirapan itong
sagutin ito. It must be that impactful to the extent they needed to forget that it even happened.
"Brix led it," he said.

"What?"

"It was the first ever junior squad of Nightfall Clan," he explained. Malayo pa rin ang tingin nito na
animo'y iniisip ang panahon na 'yon. "Luckily, I was a part of that. Aristotle Squad."

"And Brix was leader, right?"

That was not a hunch.

"Right."

I knew it.

"And Resty was a part of it?" tanong ko pa.

"Right again. Magaling ka pa lang pagdugtong-dugtungin ang mga parte ah?"

"What happened?" pagbabale-wala ko sa puri niya.

"Hmmm..." Tumingala ito. "Let's just say... some things are bound to happen and no one can
predict nor stop it, not even us. That's the easiest way to explain it. Sorry."

Tumango ako. "I understand."

"Andito na tayo..." biglang sabi ni Erikson.

Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako. Lumingon ako sa paligid para maintindihan ang
sinasabi niya pero wala akong nakita kahit na anong special sa lugar na ito.

"Why here?" tanong ko.

Hinawakan niya ang balikat ko at tinalikod ako. Umawang ang bibig ko sa tanawin. Mukhang nasa
mataas kaming bahagi ng burol at mula rito ay kitang-kita ang malawak na mansion sa malayo.
Maging sa gabi ay matingkad ito kung pagmasdan.

"The lights that surrounds the mansion look like fireflies," I murmured, amazed.

"Really?" Natawa si Erikson. "Maybe, I didn't disappoint you after all."

I couldn't get my sight off the scenery. The mansion looked enchanting from a far, like some
castles in fairytale in the middle of nowhere. Kung hindi ko lang alam kung anong klaseng nilalang
ang mga nakatira dito ay baka naisin ko rin na manirahan sa lugar na ito.

"Damn. Being in this place feels surreal." Bumaling ako kay Erikson na nakahiga sa damuhan at
nakatingala sa kalangitan. "It's been a long time. Like... a very long time."

Muli kong tiningnan ang mansion. Sobrang tagal na sigurong nakatayo ng mansion nito. Ang ideya
pa lamang na maraming nang pinagdaanan ang lugar na ito ay naninindig na ang mga balahibo
ko, paano pa kaya kapag nalaman ko pa?

Why did Brix bring me here?

"I miss you, Lady Astra," biglang sabi ni Erikson. "Ilang araw pa lang na hindi kita binatantayan.
Kaya nung kinausap ako ni Brix para puntahan ka ay hindi na ako nagtanong pa."

I sat beside him. "What will happen after, Erikson?"

"What?"

"Mapupunta na ako kay Lord Severo. Hindi na ako mahahawakan ni Brix..." saad ko na tila
naintindihan naman niya. "That also means... hindi mo na ako responsibilidad."

Huminga siya nang malalim. "Right. Ba't 'di ko naisip 'yan?"

"To be honest... I am comfortable with you," I said. "Damn. Mukhang napalaki talagang
pagbabago ang mangyayari sa akin kapag tuluyan na akong binitiwan ni Brix."

"If I was him, I wouldn't let you go," aniya.

"Unfortunately... you were not him."

"You didn't have to say that," he chortled. "But yeah. Tragic."

Bumuga ako ng hangin.

"Don't worry, Erikson. Hihilingin ko kay Lord Severo na ikaw pa rin ang magbabantay sa akin,"
sabi ko. "Unlike Brix, I think I can make a request from him."

"Whoa. Will you really do that?"


I bobbed my head. "I'll try..."

"I think I need to do something in return," aniya. Umupo ito at humarap sa akin. "Hmmm. Five
questions." He showed me his five fingers.
I will answer five questions from you... honestly."

"Honestly?"

"With all the honesty left in me."

Kumabog ang dibdib ko. Shit. Why am I feeling anxious all of a sudden?

"One..." Lumunok ako. "What happened in that house?" tukoy ko sa maliit na bahay na
pinagdalhan sa akin ni Brix.

"That was our home, the home of Aristotle Squad," he explained. "But before it even became our
home... that place had been Brix and Eskelle secret rendezvous first."

Isang katanungan pa lang ang nasagot ay halos sumabog na ang ulo ko sa dami ng katanungan. I
could even throw a lot of follow up questions regarding that but I didn't. I need to save it for more
important questions.

"Second. Oscar... was Oscar part of Aristotle Squad?"

He shook his head. "Socrates Squad. Oscar led it. After Aristotle Squad, his squad was the
second one leading the rank that time. Together with Nathalia and Randolf."

"Three more questions..." I said. "I need to save the two for future questions."

He nodded. "Tell me that last question for tonight."

Tumitig ako nang diretso sa kanyang mga mata. "Paano nakuha ni Eskelle ang loob ni Brixton?"

Natigilan si Erikson. Ramdam kong nahirapan ito sa katanungan na 'yon.

That's the main question in my head so far. I need to know how did Eskelle, a human, get the trust
of Brixton Wenz Cardinal, the most elusive vampire I know... because for me... that seems
impossible.

"Please?" I pleaded.

Ilang beses lumunok si Erikson bago ko nakuha ang sagot na tuluyang nagpatikom sa aking bibig.
"He was the only one who stood a chance to kill Brixton Wenz Cardinal."
Chapter 39

Chapter 39: Confessed


Nanatili kami roon sa burol hanggang sumikat ang araw mula sa Silangan. Hindi na ako
nagtanong pa kay Erikson pero nagkwento ito tungkol kay Brix – ang dating Brixton Wenz
Cardinal na masiyahin, palakaibigan at pilyo.
I was shaking my head the whole time. I couldn't visualize Brix being jolly and friendly. Now that I
think of it, I want to see it, too. I want to see the playful side of the devil.
Hinatid na ako ni Erikson sa mansion gaya ng napag-usapan. Malakas ang kabog sa dibdib ko.
Parang gusto ko tuloy bawiin ang sinabi kong nais kong manirahan doon. Parang... mas gusto ko
na lang uli sa maliit na bahay sa likod kahit ako na lang mag-isa.
Sinalubong kami ni Mr. Billy at ng iilang mga babaeng katulong.
"Good Morning, Lady Astra," Mr. Billy welcomed me with a smile. "Lord Severo has been
expecting you here. Sa ngayon ay tutulungan ka muna ni Lady Ersa na makapag-ayos ng sarili.
Pagkatapos ay nais ni Lord Severo na samahan mo siya sa agahan."
Lumapit sa akin ang isang babaeng balingkinitan ang katawan na sa tingin ko ay si Lady Ersa. "It's
a pleasure to meet you, Lady Astra. I am Lady Ersa. Please follow me."
Susunod din sana sa akin si Erikson pero pinigilan siya ni Mr. Billy. "Your job here is done, Mr.
Nadija. You may take a break now."
"What? Master Brixton has given me the order to assist her, Mr. Sandoval," Erikson reasoned out.
"Please let me follow her. I promise not to cause any trouble."
"Lady Astra," tawag sa akin ni Lady Ersa nang tumigil ako sa paglalakad. "Pakiusap po, sumunod
na kayo sa akin para makapagpalit na kayo ng damit."
Naguluhan ako. Gusto kong samahan din ako ni Erikson pero mukhang walang plano si Mr. Billy
na payagan ito. Nagpumiglas pa ito kaya tumawag na ng mga bantay si Mr. Billy.
"Lady Astra, please go," nakangiting sabi ni Mr. Billy.
"Please let me in, too!" Erikson pleaded.
Hinawakan na ni Lady Ersa ang braso ko kaya wala na akong nagawa. Tinanaw ko lang si Erikson
at tinanguan kita. Nilabi ko ang mga katagang, "I'm fine."
Nang makalayo ay hinablot ko rin ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Lady Ersa. Medyo
nagulat pa ito sa inasta ko.
"Sorry. I can walk." I apologized.
Sinamahan ako ni Lady Ersa. Hinintay niya ako hanggang sa matapos akong makaligo. Inalalayan
din niya ako sa pagpapalit ng damit. Pumili ako ng isang kulay puti at bulaklaking bestida na
tinernohan ng kulay itim na sandals.
"Do I really need to dress up like this every morning?" Hindi ko napigilang hindi tanungin si Lady
Ersa na ngayon ay sinusuklayan ang buhok ko. "Like... this formal?"
"Masasanay ka rin," natatawa niyang sagot.
I rolled my eyes. "Who else will be on the dining table?"
"I'm not sure," she responded. "Pero hindi ko nakita si Master Oscar at wala rin si Master Brix.
Baka si Lord Severo lang o 'di kaya'y isa sa mga kasamahan niya."
Napatango na lang ako.
Nang matapos niya akong ayusan ay hinikayat na niya akong lumabas para samahan sa dining
hall. Binilinan ko muna siyang mauna na sa labas ng kwarto at susunod din ako agad.
I need to be alone for a while.
Pagkasara niya ng pinto ay napaupo ako sa kama. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili. Pilit
kong pinapasok sa isipan ko ang rason kung bakit ako nandito. Hindi ako narito para manirahan
lang. Narito ako para pagsilbihan si Lord Severo.

Brix words echoed in my head. "Take this as a favor, Astra. Make Lord Severo feel comfortable
with you. He doesn't need to love you. No. You don't need to make him love you. He's not that
kind of man. Ang kailangan lang ay matuwa siya sa 'yo. This is my last request as your master."

May parte sa akin na tutol sa gusto niyang mangyari pero hindi ko rin maiwasang hindi isipin ang
mga sinabi sa akin ni Evan. "You are his slave, Lady Astra. Don't act like you are superior. You
are nothing without him. Do yourself a favor, stop bossing around."

I am so confused right now. But if there's something that weighs more, that's Evan's words. He's
right. I am nothing without Brixton. I am his slave. If this is what he wants, I must do it.

I heard knocks on the door. "Lady Astra? Please hury up. Lord Severo is already waitin for you,"
said Ersa.

Napatitig ako sa kawalan.

"Lady Astra?"

Tumayo na ako at inalog ang ulo. Huminga ako nang malalim bago lumabas ng silid. Nakangiting
sinalubong ako ni Lady Ersa. Tumango ako sa kanya kaya nauna na itong naglakad. Nasa likod
niya lang ako.

Magkasalikop ang mga kamay ko habang naglalakad. Bumaba kami sa engradeng paikad na
hagdan bago dumiretso sa dining hall. Nasa bungad pa lang kami ay dinig ko na ang tawa ni Lord
Severo.

He's not alone.

Pagkarating namin ay nadatnan namin si Lord Severo na kausap si Resty na nakaupo rin. Sabay
silang napalingon sa amin. Tumango lang si Lord Severo habang si Resty ay kinindatan ako.

Shit. Why is this asshole here?

"Maupo ka," saad ni Lord Severo, ang kamay ay nakaturo sa isang bakantang upuan sa tabi ni
Resty. "I believe you alreay knew each other. Is that right, Mr. Escariaga?"

"That's right, Milord," Resty responded, politely.

Nakatingin sa akin si Resty hanggang makaupo ako sa tabi niya. Agad nitong inusog ang kanyang
upuan palapit sa akin. Hindi na lang ako kumibo.

I looked at Lord Severo. "It's a pleasure to meet you again, Milord," I greeted as I bowed my head.

"Likewise, Lady Astra. Shall we eat now?"

Kukuha na sana ako ng pagkain pero naunahan na ako agad ni Resty. Pinaglagyan niya ako ng
pagkain sa plato ko. "Has anyone already told you today that you look gorgeos as always?" he
whispered.

"Stop teasing around, you jerk," I mumbled, too.

"So... can I date you after?"

"Ask Lord Severo," panunuya kong sagot. Kinuha ko na ang plato ko at bahagya itong inilayo sa
kanya. "Just eat, Master Resty. I can handle myself."

Namuo ang pagkamangha sa kanyang mukha, parang natatawa pa nga. "Shit. That sounds so
freaking good. Master Resty. Why did that sound romantic suddenly?"

"Is there a problem, Mr. Escariaga?" usisa ni Lord Severo.

Tumingin sa kanya si Resty. "Not at all, Milord. I'm just making Lady Astra feel comfortable.
Parang nai-intimidate yata sa inyo. Ako na ang humihingi ng pasensya."

What the fuck? I am not intimidated at all!

"That's odd. I thought she's already comfortable with me," Lord Severo asked, confused. "Anyway,
I've heard from Brix that you want to stay here for a while. Is that right, Lady Astra?"

Inabot ko ang wine at sumimsim nang bahagya roon bago sumagot. "That's right, Milord. Pero
maninilbihan naman po ako rito bilang kapalit."

"What?" bulong na naman ni Resty. "You could have told me. Pwede ka sa amin. Hindi mo pa
kailangang manilbihan."
"I see." Lord Severo nodded. Nginuya muna niya ang kinakain bago nagsalita uli. "If that's the
case, then serve me instead. Marami ng katulong dito."

That's it.

"The pleasure is mine, Milord," I responded.

Nag-umpisa na rin akong kumain habang si Resty ay bumubulong pa rin. Mas pipiliin ko pang
manirahan sa kalsada kaysa sa bahay nila.

"We need more wine," ani Lord Severo. "Mr. Billy, are you there?"

Nung walang sumagot ay ako na ang tumayo. Pumunta ako sa cabinet na gawa sa salamin at
kumuha ng alak doon. Binuksan ko muna ito bago bumalik sa lamesa.

"I'll pour you some wine, Milord," sabi ko bago inabot ang wine glass niya. "For now on, if you want
something, don't hesitate to ask me. Anytime, Lord Severo."

Tumawa ito. "Right. Thank you for that."

Napagawi ang tingin ko kay Resty. Nakakunot ang noo nito. Mabilis niyang inubos ang lamang
alak ng baso bago 'to pinatong sa lamesa. Tumikhim pa ito.

"Pour me some wine, too," he ordered.

I mentally rolled my eyes. Lumapit ako sa kanya at sinalinan din ng alak ang baso. Nakaramdam
ako ng pagkailang dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

"You look even more gorgeous closer. Jesus. You are unreal," he mumbled.

Nang matapos akong magsalin ng alak at bumalik na ako uli sa upuan ko. Nakikinig lang ako kina
Lord Severo at Resty. Ayon sa pagkakaintindi ko ay bibisita raw dito ang ibang clan leader.

"Please do the pleasure and lead it," said Lord Severo. "I don't think Oscar is in right condition to
lead the preparation. How about the Barbarian Clan?"

"They confirmed their attendance, Milord."

"Good." Tumango si Lord Severo. Pinagsalikop niya ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. "I'll
ask Lord Wenson to assist you. That's all for now."
Tumikhim si Resty. "I still have one thing I want, Milord."

Uminom ng alak si Lord Severo bago tumango.

Bumaling sa akin si Resty bago muling lumingon kay Lord Severo. "I need a woman as my
assistant. I want Astra to help me with the preparation."

Umawang ang bibig ko. What?

"I'm afraid Lady Astra lacks the experience, Mr. Escariaga." Tumingin sa akin si Lord Severo, tila
nag-iisip pa. "Good. I think you can help her with that."

What the hell is happening?

Lumawak ang ngiti sa labi ni Resty. "Thank you, Milord. That's all for now." Tumayo na si Resty at
bagyang yumuko bago tumuwid ng tayo at humarap sa akin. "I'll need you one of these days, Lady
Astra." Saka na ito naglakad palabas.

What does that even mean?

Lord Severo cleared his throat to get my attention.

"We have a yearly tradition we call The Unus. All clan leaders are invited to attend. The
celebration is always being held in the clan which leads the rank," he explained.

I get it. So, I need to help Resty on the preparation? Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa
kukote ng lalaking 'yon. Alam naman niyang baguhan pa lang ako.

"Are you done?" asked Lord Severo. "Can we have a walk?"

Tumango ako. Nauna siyang tumayo bago ako sumunod. Nakalagay sa kanyang likod ang
dalawang mga kamay habang naglalakad. Dumating na rin si Mr. Billy na ngayon ay nakasunod
sa amin.

"Stand beside me, Lady Astra." Nilingon ako ni Lord Severo.

Lumunok ako bago pinantayan ang paglalakad niya. Lumabas kami ng mansion at ngayon ay
naglalakad na sa labas. Bawat madadaanan naming bantay ay yumuyuko sa amin.

"How's being with Brix?" he suddenly asked.


Napayuko ako. "N-nothing."

"Let me rephrase my question. How's being a slave?"

Napakapa ako ng sagot. "I-it was honestly hard. Pakiramdam ko ay dinala ako sa isang lugar at
niligaw. Ang mga punong akala ko ay nakatayo lang ay gumagalaw pala at ang tubig na akala ko
ay maaaring inumin ay lason pala. Everything felt strange."

"Don't you feel superior now that you are a vampire?"

Napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin nito sa daan.

Dumiretso na lang din ang tingin ko. "If I would have given a chance to choose to die or to be a
vampire, I wouldn't hesitate to choose the first one."

"I see. Do you blame Brix?"

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Hindi ko alam kung saan patutungo ang usapan na ito o
kung ano ang sadya niya kung bakit kailangan niyang malaman ang nararamdaman ko.

But it feels good. It's nice to know that someone cares how I feel for being like this.

"I would kill him if I have the chance," I said, straight to the point.

Natawa siya sa sinabi ko. "It must be that frustrating when you found out that there's no way you
will stand a chance against him, huh? No one succeeded to surpass his ability yet."

Hindi ako kumibo. He's right though. I couldn't agree more.

"Do you know how to win a fight?" he questioned.

"By surpassing your oponent's ability?" I replied, unsure.

He chuckled. "That's right. But... there are so many ways to win a fight, Lady Astra. It is not just
about how you manage to surpass your opponent's ability. Sometimes... you lose in their eyes but
what they don't know is losing the game is your definition of winning it."

That left me speechless. I don't get it.

"Anyway, Brixton told me that you want your own car, is that right?" pag-iiba niya sa usapan. "May
balak ka pa rin bang magtrabaho si Nightscape Club?"
Umiling ako. "Not anymore."

May mas marami pa akong importanteng dapat gawin kesa sa magtrabaho sa club na 'yon.
Ngayon na nasa mansion na ako, nasa paligid ko na lang ang mga kasagutan sa tanong ko. Ang
kailangan ko na lang ay magmasid at makiramdam.

"May I ask?"

"Sure."

"Saan ko ba pwedeng makita si Celeste?" tanong ko.

"Hmmm. I'm not sure."

"I can help you with that!" Erikson appeared out of nowhere. Kumamot pa ito sa kanyang batok.
"I'm sorry for interrupting, Milord. But... you don't know the answer and I know it."

"Can you help Lady Astra?" tanong ni Lord Severo.

"Without hesitation," sagot nito.

Huminga nang malalim si Lord Severo. "Ask her to join us for lunch. Kapag nakita niyo rin si Oscar
ay pakisabi na ring sumama siya. Ikaw na ang bahala kay Lady Astra, Mr. Nadija."

"Yes, Milord."

Yumuko kaming dalawa ni Erikson bago nagpaalam na aalis na. Nung makalayo kami ay hinarap
niya agad ako. "What happened?"

I shrugged my shoulders. "Wala naman. We just had breakfast and that's all."

"Okay. Wait me here. Kukunin ko lang sasakyan ko," bilin niya bago umalis.

Sumandal ako sa puno habang naghihintay kay Erikson.

Si Celeste... gusto ko siyang makausap. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari at bakit
humantong sa ganito. She was there for me when I needed someone. Gusto kong bumawi sa
kanya.
Dumating si Erikson at agad akong sumakay sa kanyang sasakyan. Habang nasa byahe ay hindi
ako kumikibo. Iniisip ko rin kung nasaan ngayon si Oscar.

Huminto kami sa isang apartment. Pinindot ko ang doorbell. Ilang minuto lang ay may babaeng
lumabas. Gulat ang mukha ni Celeste habang nakatingin sa amin. Agad kong napansin na mugto
ang kanyang mga mata.

"Hey. What brings you here?" she asked.

Bumaling ako kay Erikson na palabas pa lang ng sasakyan. "Hintayin mo na lang ako rito,
Erikson," sabi ko.

"Whoa. Okay." Saka ito pumasok uli ng sasakyan.

Hinila ko si Celeste papasok sa kanyang apartment. Sinarado ko muna ang pinto bago siya
hinarapan. Nakayuko ito at hindi makatingin sa akin.

"What happened?" paunang tanong ko.

"N-nothing..." Suminghap ito.

"Hey..." Hinawakan ko ang kanyang kamay na ikinaangat ng tingin nito. "You are safe with me.
Please? I'm worried. May nangyari bang hindi maganda?"

She bit her lower lip. "I-I confessed..."

I knew it.

"He has been avoiding me," aniya pa. "I-I don't know what to do anymore, Astra. I'm scared..."
Lumandas ang luha sa kanyang mga mata. "Hindi ako takot na baka may makaalam na iba, takot
akong baka mag-iba ang tingin niya sa akin. I regret that I did it."

"He likes you, too..." I said.

Natigilan ito. "P-please... don't."

Hinaplos ko ang kanyang mga kamay. "Trust me, Celeste. Pareho kayo ng nararamdaman. He's
just scared, too. He's scared because he cares for you."

Mas lalo itong naiyak. Bahala na kung magalit sa akin si Oscar dahil sa sinabi ko pero kailangang
malaman ni Celeste. Saka ang unfair na bigla niya na lang itong iniwasan. She doesn't deserve
this much burden.
"A-are you sure?" nanginig ang kanyang mga labi.

Tumango ako. "Sumama ka sa akin sa mansion. Inimbitahan ka ni Lord Severo para sa lunch.
Baka dumating din si Oscar doon. You two need to talk. Baka makalahata sila at maghinala.
Things will get even worse."

"What if gets mad even more?"

"He won't," I said, straight into her face. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti para
paniwalaan niya ako. "Tell him what you feel. Be honest."

Tumitig sa akin nang ilang sandali si Celeste. "T-thank you..."

"You also comforted me when I was feeling down."

"M-magpapalit lang ako ng damit," aniya bago patakbong pumasok sa kwarto.

Napabuga naman ako ng hangin. Nilibot ko ang tingin dito pero napatitig ako sa nag-iisang picture
frame. Maliit pa 'yon at hindi agad pansin. It was a photo of her and Oscar.

I really hope this will end well.

Kasama na namin si Celeste pagbalik sa mansion. Hawak ko ang kanyang kamay dahil
nanginginig siya sa takot. I was there to make her feel at ease.

Damn. This is not so me. I don't usually meddle in someone else's life. Siguro ay gusto ko lang
makabawi kay Celeste. Ayoko rin namang nagkakaroon ng utang na loob sa iba. Gusto ko ay
walang panghahawakan sa akin ang iba.

Pagkatapos nito ay hindi na rin ako makikialam.

Nung huminto ang sasakyan namin ay agad ding kaming lumabas. May kasabay pa kaming isang
sasakyan na huminto. Lumabas ang tatlong lalaki roon at may hawak silang isang lalaking
nakapiring ang mga mata.

"Baka isa na naman siya sa mga taong nakakita sa atin," ani Celeste nang mapansin kung saan
ako nakatingin. "Hayaan mo na, Astra. Tara na."

Bigla ko tuloy naalala ang araw na 'yon. Sumikip ang dibdib ko.

I was about to ignore it when I heard a very familiar voice.


"Sindikato ba kayo?" tanong ng lalaking nakapiring ang mga mata.

Nakaramdam ako ng biglang panglalambot.

"E-Eliyah?"
Chapter 40

Chapter 40: Blame

"Astra? Is that you?"

Shit shit. It's really Eliyah. My cousin.

Sinubukan kong lumapit pero mabilis akong pinigilan ng isa sa tatlong lalaki. Wala akong nagawa
kung hindi ang tumingin sa pinsan ko. Nakapiring man ang kanyang mga mata ay agad ko rin
itong nakilala.

"Astra? Ikaw ba 'yan?" ulit na tanong ng pinsan ko.

Lumunok ako bago bumaling sa lalaking may hawak sa braso ko. "W-what's this? What are you
doing? Let him go."

Umiling ito. "We can't."

"Wait. Sindikato ba talaga ito?" ulit na tanong ni Eliyah. "Shit. Parte ka na ba ng sindikato, Astra?
Kaya ba bigla kang yumaman? I don't understand."

"What violation?" kalmado kong tanong.

"We caught him hovering around," the guard responded. "He must be a spy sent by the other
clans. We must report it to Lord Wenson. Siya ang bahala sa kanya."

"Astra? Kilala mo?" tanong ni Celeste.

"Kung ako sa 'yo ay huwag ka na lang makialam dahil baka ikaw ay madamay pa," pananakot ng
lalaki pa. "Dalhin na ang lalaking 'yan nang maumpisahan na ang paglilitis."

"S-sasama ako," sabi ko sa seryosong boses. "Wala akong pakialam kahit na madamay ako. I'll
take the blame if possible."

I was so desperate this time. Not again.

"Then, I'll come, too." Dumating din si Erikson. Nasa loob ng bulsa ng kanyang pantalon ang
kanyang mga kamay. "Master Brixton told me to follow you, Lady Astra, wherever you go."

Kumunot ang noo ng lalaki at muling napatingin sa akin. Tinitigan niya ako nang masinsinan bago
nagbago ang expression nito. Napalunok ito at tumikhim.
"We are just doing our job here, Milady," the guard said. "We vowed to protect the mansion and
everyone who lives in here. Kung gusto mong sumama ay kailangan mong ipangako sa amin na
hindi kami madadamay rito. Again, we are just doing our task."

I immediately nodded to agree. "I get it. I'll take all the blame. You have my word."

I heard my cousin laughed. "Milady? Master? Lord? Para akong nasa historical movie ah. Hays.
Ano ba talaga 'to?"

"Remove his blindfold," utos ko.

"That's something we can't abide. Sumunod na lang kayo sa amin."

Gaya ng sinabi nito ay sumunod kami sa kanya. Tinulak ko ang isang guard na humahawak kay
Eliyah at ako ang pumalit sa kanya. Narinig ko pang nagreklamo ito pero pinigilan siya ng kausap
ko kanina na sa tingin ko ay ang leader nila.

"You are good," bulong ko.

Yeah. He's good. I will do anything to save him. I can't bear to lose another one. No. That would
be too much. Kung kailangang akuin ko lahat ng batas na nalabag niya ay gagawin ko.

"Ang laki ng lugar na ito," dinig kong sabi ng pinsan ko. "Grabe. Ang haba ng nilakad ko para
makita ito. Ang gara nga e. Feeling ko masyado akong napagod kasi namalik-mata akong kulay
pula ang mga mata nung tatlong lalaki."

"Stop," I warned him. Mas lalong umangat ang pangamba sa dibdib ko. "Sabihin mo lang na
naligaw ka. 'Yun lang, Eliyah. Wala kang ibang babanggitin kung hindi 'yon lang."

"Sorry. Na-miss lang kita," aniya pa.

"It's fine. Don't worry."

Pumasok kami sa isang parte ng mansion na may nakalagay na Restricted Area. Medyo madilim
sa parteng ito. May mga sulo sa paligid na siyang nagsisilbing liwanag. Nang makita ang mga
pinto na gawa sa bakal ay napagtanto ko kung ano ito – ang rehas.

Huminto kami sa isang pinto. Binuksan 'yon ng isa sa mga lalaki. Sumikip ang dibdib ko nang
makita ang nag-iisang upuan sa gitna ng madilim na rehas. Kinailangan kong ilihis ang tingin ko.
Pinilit kong huwag magbalik-tanaw.

"You okay?" asked Erikson.

Hindi ko siya nabigyan ng pansin. Pinasok si Eliyah sa loob at ginapos sa upuan. Doon na siya
nagpumiglas at tila natauhan na hindi maganda ang nangyayari.

"W-what? Akala ko ba kakausapin lang ako? Bakit ninyo ako igagapos?! Pulis ba kayo?! Where's
your warrant of arrest?!"

"Hey. Don't be scared, Eliyah. Andito lang ako."

"I'm not scared!"

Umalis ang isa sa mga lalaki, malamang na para mag-report. Ang isa naman ay naiwan sa tabi
namin at siya ang nagsarado sa rehas. May isang naiwan sa loob.

Nataranta ako sa mga sandaling ito. "Sasaktan ba siya?" tanong ko sa isang lalaki pero wala
akong nakuhang sagot.

Tumingin ako kay Erikson. "I-I'm scared..."

"Ssshhh..." Hinawakan niya ang balikat ko at bahagya 'yong hinaplos. "As long as he knows
nothing, they will release him. Sa tingin ko rin naman ay walang nalaman ang pinsan mo. Huwag
kang mag-alala."

"W-what if?"

Napatungo ito. "Rules are rules."

Nanlambot ang mga tuhod ko. Inalis ko ang kanyang kamay sa balikat ko at humarap sa rehas.
Sinubukan kong pakinggan ang nangyayari sa loob pero wala akong maramdaman. Parang may
salamangka ang rehas para pigilan ang sino mang magtangkang manghimasok sa mga usapin na
nangyayari sa loob.

Shit. Eliyah!

Hinawakan ko ang bakal na pinto bago unti-unting bumilog ang mga kamao ko. Hindi ko alam
kung ano ang gagawin ko kapag may nangyaring hindi maganda sa pinsan ko.

"Lady Astra? May usapan kayo ni Lord Severo na sasamahan mo siya sa tanghalian," paalala ni
Erikson. "Alam kong wala ka sa huwisyo dahil sa nangyayari sa pinsan mo pero huwag mong
kalimutan kung kanino ka nagbitiw ng mga salita."

Umiling ako. "I'll stay here..."

"Pero..."

"You can go, Erikson." Sumandal ako sa pader sa tabi ng rehas at pinikit ko ang mga mata ko.
"Hindi ko iiwang mag-isa ang pinsan ko sa madilim na rehas na ito."

Narinig ko ang mabigat niyang paghinga. "Okay. Dito na rin ako. Mas nakakatakot naman si Brix."

Shit. Sinabi kong huwag na niya akong intindihin! Akala ko pa naman ay nagkalinawagan na kami
kasi sumang-ayon na ito... hindi ko alam na gagawa pa rin siya ng ganitong hakbang!

I wish he could still be that naïve cousin of mine who tends to overthink and get scared easily.
Malamang na matatakot siyang pumunta rito o lumayo man lang sa bahay nila.

"Milord..."

Napadilat ako ng mga mata. Nasa harapan ko na pala si Lord Wenson. Ang madalas na nakangiti
niyang mukha ay hindi ko nasilayan. Minataan niya lang ako bago tinanguan ang guard. Binuksan
niya ang pinto at pumasok sa loob si Lord Wenson.

"What? Papasok din ako!" giit ko sa gwardiya nang pigilan niya ako at sinarado uli ang pinto. Hindi
nito ako pinakinggan kaya nagpumilit na ako. "Fuck off! Let me in, too!"

"I'm sorry, Lady Astra, but you are not allowed inside," diretsong sabi nito. "The discussion will be
between the witness, the suspect and the judge only."

Bumaling ako kay Erikson. Nag-aalala ang mukha nito pero nung nagkasalubong ang tingin namin
ay bigla itong napayuko. Mukhang wala rin siyang magagawa.

I let out a heavy sigh. "I won't forgive anyone of you if something bad happens to my cousin."

"Lady Astra!" si Erikson.

I shook my head. "I'm sorry, Erikson."

Nangilid na ang luha sa mga mata ko pero ginawa ko ang lahat para hindi ito pumatak. Ayokong
mawalan ng pag-asa dahil sa sandaling nawala ito ay manghihina ako. Ayoko. Gusto kong
magpakatatag para sa pinsan ko.

Tita Ophelia can't handle this. Si Eliyah na lang ang kasama niya sa buhay. Ginabi pa nga lang ng
uwi ang pinsan ko ay hindi na ito mapakali. Paano pa kaya... shit.

Sa bawat segundong lumilipas ay mas palaki nang palaki ang pangamba sa dibdib ko. Kung anu-
ano na rin ang naiisip ko na mas nagpapaliyab sa nararamdaman ko.

Please.... not Eliyah.

Napaayos ako ng tayo nang bumukas ang rehas. Lumabas si Lord Wenson.

"Ano po ang nangyari?" kabado kong tanong.

Hinarap ako ni Lord Wenson. "Bumalik ka na sa loob ng mansion, Lady Astra. Hinahanap ka na ni
Lord Severo. Naroon na rin si Oscar at Lady Celeste."

Umiling ako. "What's going to happen to him?"

"We will release him tonight." Kumalma ang loob ko dahil sa sinabi niya. "Wala siyang ibang
nalaman kung hindi ang mansion. Lagi niyang tinatanong sa akin kung bakit ka namin sinali sa
sindikato na ito." Napailing pa ito habang natatawa.

Napapikit ako at napangiti. "He's still that guy after all."

"I heard that he's your cousin?" tanong niya kaya tumango ko. "I see. Ikaw ang dahilan kung bakit
siya napadpad dito. Kung ako sa 'yo ay kakausapin ko siya at kukumbisihin na huwag nang
babalik pa. This will be the last time we will release him. Sa susunod na mahuli siyang
nagmamasid ay hindi na siya palalayain pa."

Tumango ako. "I-I get it. Thank you, Lord Wenson."

"Don't thank me. This is my job as a Senior. Sa ngayon ay dumalo ka muna sa pagsasalo sa
loob, Lady Astra. Huwag kang mag-aalala dahil pakakainin pa rin ang pinsan mo," aniya bago ako
nilagpasan.

Napatitig ako sa rehas. Doon na bumagsak ang luha sa mga mata ko. Gumaan na ang
pakiramdam ko pero ramdam ko pa rin ang kabog sa dibdib.

"Grabe. Pati ako nadamay..." dinig kong sabi ni Erikson.


Lumingon ako sa kanya. "S-sorry. Masyado lang akong nadala dahil sa nangyayari."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Kung may kapangyarihan lang ako para papasukin ka sa loob ay
gagawin ko. Pero wala akong magagawa kasi isa lang din naman akong normal na bampira dito.
Utusan ng mga may posisyon gaya ni Brix."

Tumawa ako. "Kaibigan naman kita, ayos na 'yon!"

Natigilan ito. "K-kaibigan?"

"Ayaw mo ba?"

Mabilis itong umiling. "Shit. We are friends now." Tumawa pa ito.

"Kailangan ko nang bumalik sa loob," paalam ko bago nilingon ang rehas. "Maaari bang ikaw na
muna ang magbantay sa pinsan ko? Babalik din ako agad!"

"Sure, friend!"

I laughed. Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa kanya. "Thank you so much, Erikson. Thank
you for always being there for me."

He chortled. "What can I do? Brixton will choke me to death if I won't."

Pagkatapos sa rehas ay bumalik na ako sa loob ng mansion. Magaan na ngayon ang pakiramdam
ko. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko hanggang sa makapasok ako sa loob.

Nadatnan ko sa dining table sina Lord Severo, Celeste at Oscar. Nakatayo lang si Mr. Billy sa
gilid. Napatikhim ako dahil sobrang tahimik. Nakatungo lang si Oscar.

"Maupo ka na, Lady Astra," aya ni Lord Severo.

Yumuko ako bago umupo sa tapat na upuan ni Celeste. Ngumiti ito sa akin habang si Oscar ay
nakatungo pa rin.

"Shall we eat?" asked Lord Severo.

Tahimik lang kaming kumakain. Ramdam ko ang pagkailang. Nakatungo lang din ako habang
kumakain.
"I've heard that the intruder was your cousin, Lady Astra?" pagbasag ni Lord Severo sa
katahimikan.

Umangat ang tingin ko. "Wala naman po siyang nalaman tungkol sa atin. They will release him
later."

Tumango naman ito. "Pasalamat na lang tayo dahil wala si Brix sa paligid. Hindi niya palalampasin
ito. You know how much he loathes human. Lalo na nanghimasok pa siya."

Natigilan ako. "G-gano'n po ba?"

"What keeps you busy these past few days, son?" Napunta kay Oscar ang atensyon namin dahil
sa tanong ni Lord Severo. "Mukhang may iba ka yatang pinagkakaabalahan."

Oscar cleared his throat before he responded, "Naging busy po ako sa training ng Junior Squad,
Papa. They will have an examination soon kaya tutok ako."

"I see. Saka nga pala. Sa anak ni Mr. Escariaga ko tinalaga ang tungkulin bilang paghahanda sa
Unus. Magiging parte ng paghahanda si Lady Astra."

Napatingin sa akin si Oscar. "Are you sure about this?"

"Yes," I responded.

He winced. "Knowing that guy, he just wants to flirt with you. Pwede kang tumanggi kung gusto
mo."

Umiling ako. "No. I'll do it, Master Oscar."

"Maaari mo ring payagan si Celeste na maging parte no'n," ani Lord Severo. "She has been in this
clan for how many years now. She hasn't explored it yet. This will be a good opportunity for her."

Napangiti si Celeste. "Thank you, Milord."

"No." Napatingin kami uli kay Oscar.

What?

"What do you mean, son?"

"She can't be a part of it, Papa," aniya pa.


Nawala ang ngiti sa labi ni Celeste at napayuko na lang.

"Why not?" si Lord Severo.

Tumingin si Oscar kay Celeste bago bumaling uli kay Lord Severo. "Pinaplano kong ibigay na lang
sa iba si Celeste, Papa. I want to have another slave."

Napanganga ako sa sinabi ni Oscar.

What the fuck, Oscar?

Maging si Lord Severo ay halatang gulat.

"This is also one of the reasons why I wasn't around these past few days. Mahirap din para sa
akin ang desisyon na ito dahil magaling si Celeste. Hindi ako nahirapan sa kanya. I am thankful for
that, but... I want something new this time."

"Hmmm..." Napaisip si Lord Severo. Pinapatunog niya sa lamesa ang kanyang mga daliri. "I can't
see any reason why but it's your choice, son. You can have another one whenever you want."

Napatingin ako kay Celeste. Nakayuko ito. Nakakuyom ang kanyang mga kamao.

Bumaling kay Oscar ang atensyon ko. Is that it? Dahil hindi niya magawan ng paraan ay bibitiwan
na lang niya? Is this how he plays all the time? Ito ba ang tinutukoy niyang lagi siyang nasa safe
side? This is bullshit!

"Ang plano ko ay makikipagpalit na lang ako sa iba, Papa," saad pa ni Oscar. "This is my
decision."

"Your choice, Oscar."

Nawala na rin ako ng ganang kumain.

"Pagnakahanap na ako ng papalit ay maaaring siya ang tumulong sa 'yo, Lady Astra," sabi sa 'kin
ni Oscar. "Sisiguraduhin kong bihasa ang makukuha ko para hindi ka rin mahirapan."

Lumunok ako. Gusto kong ilabas ang hinanakit ko pero pinili ko pa rin ang mga salita ko. "I'm
good, Master Oscar. I think Master Resty can teach me well."

"Okay," he simply said.


Nagpaalam si Lady Celeste na pupunta lang Comfort Room. Nung makaalis siya ay nagpaalam
din ako. Sinundan ko si Celeste at tama ang hinala ko. Sa labas ang tungo niya.

"Celeste!" tawag ko sa kanya.

Nung nasa harapan na niya ako ay bigla niya akong sinampal.

Nagulat ako at hindi agad nakakilos.

"You are bullshit, Astra!" she yelled at my face. "Matatanggap ko pa ang desisyon ni Oscar kung
hindi ka lang nakialam. Doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon kasi akala ko totoo ang
sinabi mo. You lied just to comfort me! That's bullshit!'

"I-I wasn't lyi—"

"Stop!" she screamed again. "I saw it coming. You know?" Bumagsak na ang luha sa kanyang
mga mata. "Alam ko na bibitiwan ako ni Oscar. Pero... dumating ka. Pinaniwala mo akong pareho
kami ng nararamdaman. Bumalik ang pag-asa ko. Pero... wala. Niloko mo ako."

Sinubukan ko siyang hawakan pero umatras ito. "Hindi kita niloko. Sinabi niya—"

"Enough, please?" she cut me out. "Kung totoo man ang sinabi mo, sana ay hindi mo na lang
sinabi sa akin. Sana ay hindi ko alam. Sana ay hindi ako nasasaktan ng ganito."

"I-I'm sorry..."

"Do us all a favor." Lumunok ito at hinawi ang luha sa kanyang mga mata. "Stop meddling in our
lives and mind your own business. Stop playing a hero. Stop thinking you are something that can
change the world. To make it short... just keep it to yourself."

Wala akong nagawa kung hindi ang pagmasdan siyang makalayo.

I bit my bottom lip. Akala ko ay nakagawa ako ng tama. Mukhang mali pala ako.

Napapikit ako. "What did I do?"

"So, you told her?" Napalingon ako kay Oscar. Diretso ang tingin nito sa akin. "I thought you could
keep a secret, Lady Astra. What a disappointment. I was wrong with the thought of you."

Walang lumabas na salita sa bibig ko. Napatitig lang ako sa kanya hanggang sa talikuran niya rin
ako at bumalik sa loob.
Naiwan akong gulong-gulo. I messed up. Celeste is right. Dapat hindi na lang ako nanghimasok.
Sa sobrang kagustuhan kong makabawi ay nakasira lang pala ako.

Hindi ko matanggap na dahil sa akin ay mas lumabo ang mga nangyayari pero mas hindi ko
matanggap na maging si Oscar ay nabigo ko... ang unang lalaking nagpakita sa akin ng
pagtanggap.

I was frustrated with myself.

"L-Lady Astra..." Napalingon ako kay Erikson. "They will release him now."

Tumango ako. "I want to see him."

He stared at me. "It's not your fault."

Nilagpasan ko na lang siya. Sa dami ng maling nagawa ko ay kahit na ito man lang ay maitama
ko.

Naabutan kong palabas na ng rehas ang pinsan ko pero mabilis ko siyang tinulak uli sa loob at
sinarado ang pinto.

"A-Astra—"

I slapped him.

Natulala ito sa akin.

"This is enough, Eliyah. Huwag ka nang babalik dito."

"I-I'm sorry..."

Huminga ako nang malalim. "Let's forget each other. Magsimula ngayon ay hindi na kita kikilalanin
na pinsan. Isa ka na lang estranghero para sa akin."

"W-what?"

"Fuck off, Eliyah. I don't want to see your face anymore."

That's the moment I turned my back and walked away.

Nang makalabas doon ay tumakbo ako. Hindi ko alam kung saan ako tutungo basta tumakbo lang
ako nang tumakbo. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay pumapatak ang mga luha sa mata ko.

I hate myself.

I loathe myself. Lahat ng mahal ko ay nasasaktan ko.

Napaupo ako nang tumama ang katawan ko sa nakaharang na tao. Umangat ang tingin ko sa
lalaking seryosong nakatingin sa akin. He looked down at me like as if I was the most ridiculous
thing in this world.

"Poor thing," Brix mumbled.


Chapter 41

Chapter 41: We will

Brix stood there and looked down at me like as if I was just some pathetic shit on his way.

"W-what did you just say?" I asked, fists balled up.

He let out a heavy sigh as he said, "I thought tears could blur your eye sights and not your
eardrums. Uhm. I must be missing something here."

I nodded.

Tinulungan ko ang sariling makatayo. Pinagpagan ko ang dumikit na dumi sa akin bago bumaling
kay Brix. Seryoso pa rin ang tingin niya sa akin. Gustong-gusto kong magbago 'yon. Gusto kong
alisin ang pagkakaseryoso ng kanyang mukha.

"First Evan and now, Celeste..." He shook his head. "Ilang paalala pa ba ang dapat na sabihin sa
'yo para matuto ka? You will continue to hurt yourself if you keep doing that."

"Why did you come back?" I asked instead.

He just shrugged his shoulders.

"You looked just came back." Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang maruming damit. May mga
mantya rin ng dugo. "Hindi ba dapat ay kay Lord Severo ang bagsak mo? Para mag report sa
kanya? Come on, Brix. Lord Severo wants to hear a good news from his underdog."

Umigpit ang kanyang tingin dahil sa sinabi ko pero hindi ako nagpakita ng ano mang pagkabahala.
I've had the worst. Nasira ko ang sarili ko kina Celeste at Oscar at maging ang pinsan ko ay
muntik nang mapamahak dahil sa akin. Those glares from him won't work anymore.

"Watch your words," he said in deep voice.

Ngumiti ako bago lumapit sa kanya. Pinasadahan ko ng kamay ang kanyang dibdib habang
nakatingin sa kanya mga mata. Kung kanina ay walang emosyon ang kanyang mga mata, ngayon
ay bakas ang pagkainsulto roon.

"Are you staying here tonight, Master Brix?" I asked in a seductive voice. "Kung gano'n ay hindi ko
alam kung sino ang uunahin kong patulugin sa inyong dalawa ni Lord Severo. Should I take you
first? Ah. Of course. You hate it when someone takes the first spot."
Magaspang na hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang dibdib at pabagsak na
nilayo sa akin.

"Watch your words," he threatened me.

"Aren't you going to thank me?" I asked.

Nagsalubong ang kanyang mga makapal na kilay. Oh no. My master is getting more annoyed.
Let's push it more.

"Ako ang magiging daan para makuha mo ang gusto mo," saad ko habang nakatingin sa kanyang
mga mata. "If you still think I am just a poor thing in your world, think again. Kahit na alipin ang
tingin mo sa akin, hindi mo maipagkakaila na kung wala ako ay mahihirapan ka. Stop acting like I
owe you everything, Master Brix. It's disgusting how you take credits from everything."

I was about to turn my back when he grabbed my hand and pulled me closer to him. Pinaragasa
niya ang kanyang kamay sa bewang ko at mas dinikit ang katawan ko sa kanya.

"Why do I find you attractive all of a sudden?" he whispered.

My jaw literally dropped. What the fuck?

"Why do I find it attractive how you talk back to me?" he asked again. Mas lalong dumilim ang
tingin niya sa akin. "No one ever talked to me like that and those who did get the most crucial
ending. Aren't you scared of me?"

"Why?" I asked.

"I killed an entire clan. I betrayed my friends. I disappointed a lot of members of mine. I killed your
friend and I'll kill more if I won't get what I want."

He stopped talking so I think it's my turn. "Is that all?"

Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko.

"Have you forgotten, Brix? You killed me the moment you turned me like this. Maybe if I was still a
human, I would fear a vampire like you. But sadly, we are in a different situation now."
A smirk form on his lips. "You really don't know me yet. Poor thing."
"I hate you so much," I whispered.
Pinalaya ko ang isa kong kamay at pinadapo ito sa kanyang pisngi. Sa halip na tumalim ang titig
nito o maging marahas ay mas lalo lang lumawak ang ngiti sa kanyang labi.
"Is that all what you've got there?" he teased as he moved his face closer to me. Ramdam ko na
ngayon ang mainit niyang hininga sa mukha ko. "I see. There's really something interesting in
you."
"C-can you just kill me?" I begged.
He just stared at me.
I sniffed and wiped my tears away.
"I can't live like this anymore," I complained, grieving. "I thought I could but I was wrong. You see,
Brix? The only thing that keeps me going is my will to avenge myself, Kristan and everything you
took away from me the moment you turned me into this. But looking at it now... it doesn't make
sense anymore. So..." Lumunok ako. "Just kill me, Master Brix."
"Not until I get what I want," he said.
Mas lalong bumuhos ang mga luha sa mata ko. "Gano'n ba? Sige. Pero ipangako mo sa aking
palalayain mo na ako kapag nakuha mo na ang gusto mo. Promise me, Brix."
Tumitig ito nang ilang sandali sa akin bago natawa. Binitiwan niya ang pagkakahawak sa akin
habang umiiling pa. "Strange. Why do I see myself in you?"
Napatingin ako sa sasakyang paalis. Sa loob no'n ay nakita ko si Eliyah na nakayuko. Mapait na
napangiti ako bago ibinulong ang mga katagang, "I'm sorry..."
Brix cleared his throat. "I wanna drink."
Bumaling ako sa kanya. "Me, too..."
Tumango ito. "I'll just get my car. Wait me here."
Hindi na niya ako hinintay sumagot at umalis na ito agad.
Hinawi ko ang luha sa mga mata ko. Sobrang sikip pa rin ng paghinga ko. Iniisip ko pa lang na
makakasalubong ko si Oscar sa loob ng mansion ay nakakaramdam na ako ng hiya. Hindi ko
alam kung magtatagal ba ako sa loob.
Dumating ang sasakyan ni Brix at pumasok ako agad doon. Pumunta kami sa Nightscape Club at
dumiretso sa counter kung saan naabutan ko naka-assign na bartender na si Adrian.
"Lady Astra... Master Brix." Lumunok si Adrian. "As usual?"
Brix just nodded. Tinaas niya ang manggas ng kanyang puting t-shirt sa balikat. Gusto kong
punain na hindi pa siya nagpalit ng damit pero wala na akong pakialam doon.
Dumating ang alak na dala ni Adrian. Sinalinan ko sa baso si Brix at ako ang tumungga sa bote ng
alak. Narinig ko pang may binulong ito pero hindi ko na nabigyan pansin pa.
Bumaling ako sa paligid. Tahimik. Hindi ordinaryong pangyayari sa Nightscape Club. Oo nga
pala... may kasama ako. Hindi ko tuloy alam kung magandang ideya na kasama ko siya. Gusto ko
ang ingay sa lugar na ito.
Pabagsak na ibinaba ko sa counter ang bote ng alak. Bumuntonghininga ako. "Gago. Nasira ko
lalo sina Oscar at Celeste. Akala ko makakatulong ako pero mas nasira ko lang sila. What's worst
is Oscar is mad at me," bulong ko sa sarili.
"Why is that even worst?" asked Brix.
Tumingin ako sa kanya. "You won't understand."
"Okay."
Dumating si Adrian at inabutan ng bagong alak si Brix dahil inangkin ko ang buong bote.
Pasulyap-sulyap pa sa akin si Adrian, halatang may gustong sabihin pero hindi magawa dahil
andito si Brix.

I gulped again. "I don't know what to do..."

"Who even told you to do something?" Brix interrupted again. "Wait." Pinaikot niya ang upuan ko
paharap sa kanya. "Bakit ba gumagawa ka ng hakbang nang hindi ko alam? I'm your master. Ako
lang dapat ang mag-uutos sa 'yo. No one has the right to hurt you other than me."

"You're not capable of hurting me, Brix," I said.

Bumali ang leeg nito. "You aren't really afraid of me?"

Sa halip na sumagot ay pinaikot ko uli ang upuan ko paharap sa counter. Ang isang bote ay
nadagdagan pa hanggang sa hindi ko na mabilang. Ramdam ko na ang pagbigat ng katawan ko.

"I have another mission after this," said Brix. "Baka bukas din ay aalis na ako. Don't do something
stupid again. Just do what I told you to. Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko."

Humarap ako sa kanya. Wala sa sariling napatitig ako sa mukha niya.

"What?" he asked.

"Guwapo ka, Brix." That came out of nowhere.

He looked at me, confused. "You are showing affection towards me now huh?"

"Dati ka pa guwapo sa paningin ko," sambit ko pa. "I am not blind, you see?" Nilapit ko sa kanya
ang mukha ko at nilayo naman niya ang kanya. "You have fans bestowed to kill anyone in just a
matter of second and eyes that penetrate any boundary. Above all, you can make any woman lose
their senses just by a mere touch and make them feel the greatest vampire to ever lived just by
your kiss. Truly, a beast."

"What the fuck are you saying?" Pumula na rin ang pisngi niya, malamang na dahil sa alak. "You
are just drunk but you seem hallucinating. Are you done drinking?"

"Guwapong hangal." Tumawa ako. "Guwapong gago. Putik, Brixton Wenz Cardinal. Mas guwapo
ka pa nga yata kay Oscar. Guwapo rin naman si Lord Severo. Magkamukha nga kayo."

Umiling lang si Brix bago muling tumagay.


"Guwapo si Eliyah. Guwapo si Resty. Guwapo si Kristan. Guwapo si Erikson."

"I don't understand," reklamo ni Brix. "Lahat na lang ba guwapo para sa 'yo?"

Umiling ako. "Mr. Billy... hindi siya guwapo."

He chuckled. "Ewan sa 'yo. Ang hirap mong kausap."

I pouted my lips. "Ang guwapo rin ni Lord Trojan."

"Whoa. Stop right there," aniya. Umiling pa ito. "You are not allowed to say that in front of me. He's
a Senior. Hindi mo dapat siya pinagpapantasyahan."

Mas lalong humaba ang nguso ko. Uminom ako sa alak bago muling tumingin kay Brix.

"Alam mo ba kung ano ang common sa mga pangalan na binanggit ko, Brix?" tanong ko. Hindi
siya sumagot at hindi ko na rin hinintay 'yon. "Sinabihan din nila ako ng maganda. Gorgeous. Hot.
Stunning."

Brix arched his brows. "And?"

"I didn't hear you say it yet."

"That's because you are not. They are all lying."

"Baka ikaw 'yung bulag, Brix?" Biglang bumuhos ang mga luha sa mata ko. Shit. Hindi ko na
maintindihan ang sarili ko. "Sabi ni Oscar ay may kabayo ka rin daw. Totoo ba 'yon?"
Pinununasan ko ang luha sa mga mata ko.

"Marami na rin pala kayong napag-usapan ni Oscar. Are you always having a conversation?"
Umiling-iling pa ito. "I see. That's why you are so damn affected. Poor thing."

"Malaki ba?" tanong ko.

"What now?"

Ngumuso ako. "Sabi niya baka gusto ko rin daw sumakay sa kabayo mo. Kapag ba sumakay ako
roon ay hindi ako masasaktan? Sumakay ako sa kabayo ni Oscar at hindi ako nasaktan. He was
gentle. That was my first time but he made it look so easy."
"That..." Brix bit his bottom lip, halting his laugh. "I have one, of course. I just can't tell what Oscar
meant by that."

"Ano'ng pangalan ng sa 'yo? Armando ang pangalan ng kay Oscar."

"Just horse or sometimes shit." Saka siya uminom uli. "Why would I name a horse?"

"Ikaw nga may pangalan—"

"Are you comparing me to a horse?"

"That's not my point, you know?" I rolled my eyes.

Kukunin ko pa sana ang alak pero nilayo na ito agad ni Brix. "Enough. Mukha ka nang gagapang
mamaya."

I cried again. "H-hindi na ako makakasakay sa kabayo ni Oscar..."

"Cry it out."

Yumuko ako sa lamesa at humagulgol. Pumasok din sa isipan ko si Celeste at ang mga sinabi
niya. I wasn't trying to save the world. All I wanted was to make it up for her good deed towards
me. Is that even wrong?

"I'll talk to Oscar," biglang sabi ni Brix.

"As you should."

"To make it up to you."

Doon umangat ang tingin ko. "Will you really do that?" manghang tanong ko. Pero napagtanto
kong ayoko rin. "No. Don't do that. Ayokong mapilitan lang siya."

"It's not your fault though." He stared at the ice cubes on his glass. Inikot niya 'yon gamit ang
kanyang daliri. "He should not blame you for lacking the balls to stand up for that woman."

"I-it's not that easy," bulong ko. Yumuko ako uli sa counter at paharap kay Brix. "He must be
scared, too. Kapag nalaman ng isa sa mga Senior ang namamagitan sa kanila ay si Celeste ang
mapapahamak."

"Then, why did you try to do something on that?" he looked at me, absurdly. "Alam mo naman pa
lang walang magagawa si Oscar pero tinangka mo pa rin silang ipag-ayos."

"You are really always watching me huh?" I smirked.

"You are changing the topic." He let out a heavy sigh.

Nakaramdam na ako ng antok. "Will you really set me free after you get what you want, Brix?"
halos naging pabulong 'yon. "Seriously... I'm tired. I just want all these to end."

"What if I don't want to?"

That's the moment I closed my eyes. "I will hate you even more..."

"I don't need you to hate me. I need you to fear me."

I yawned. "Stop. You are not scary to me, Brix."

'Yon lang ang mga huling natatandaan ko bago ako nagising kinabukasan na nasa kama na.
Malamang na nakatulog na ako sa club at kinaladkad na lang ni Brix pauwi. I'm still thankful he
didn't leave me there alone though.

Here I am, contemplating whether to go out of my room or just stay here for the whole day.
Nakaligo na ako pero hindi ko man lang magawang lumabas ng kwarto. What if makasalubong ko
si Oscar? Wala pa akong mukhang maihaharap sa kanya.

Shit. Bahala na. Gutom na rin ako.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Sumilip muna ako sa pasilyo at nang masigurong wala
siya ay mabilis akong tumakbo. Bumaba ako at dumiretso sa dining hall.

Sa kabutihang palad ay mga kasambahay lang ang naabutan ko. Mukhang wala rin si Lord
Severo. Naabutan ko roon si Lady Ersa at siya ang nag-asikaso sa akin.

"Kapag may gusto ka pa ay tawagin mo lang ako, Lady Astra," aniya sa akin.

"Salamat, Lady Ersa."

Tahimik akong kumakain hanggang sa marinig kong may sumisipol. Sinundan ko ng tingin si Brix.
Pumunta ito sa cabinet at kumuha ng alak doon. Gamit ang kanyang ngipin ay binuksan niya ito.

"Nakauwi ka na pala," puna niya sa akin.


Natigilan ako sa pagnguya. "Excuse me?"

"Good morning!" Dumating din si Erikson na malawak ang ngiti. "Friend..."

Tumango lang ako bago kumain.

"Friend?" asked Brix.

"Friend na raw kami sabi ni Lady Astra, Master Brix," ani Erikson.

"You stoop that low?"

Nabulunan ako dahil sa sinagot ni Brix. Mabilis naman na inabutan ako ni Erikson ng wine sa
baso. "Hindi naman, Master Brix. Nakakatuwa lang talaga si Lady Astra. Ang galing niyang
sumayaw."

Hindi ko na talaga masundan ang usapan nila.

Tumingin ako kay Brix. "H-hindi ikaw ang naghatid sa akin dito?"

"Why would I do that?"

Bumaling ako kay Erikson. "Ikaw?"

Nakangiting tumango ito. "Ang hirap mo ngang awatin sa pagsayaw," natatawa niyang sabi. " Pati
si Lady Tessa ay lumabas na rin sa office para pigilan ka pero sinukahan mo siya."

Napapikit ako.

What the hell?

"I-iniwan ako ni Brix?" paglilinaw ko.

"Nagpaalam ako sa 'yo," sagot nito. Umupo siya sa tapat kong upuan. Inalog pa niya ang kanyang
ulo para pumatak ang tubig mula sa kanyang basang buhok. "You said go."

Mapaklang tumawa ako. "You really have the audacity to leave a woman in that kind of place?
What if something bad happened to me? Would you take responsibility?"

"You are my slave. What are you talking about?"

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. Tapos na rin ako kumain. Tatayo na sana
ako pero may sinabi pa si Brix. "Aalis ka na? Hindi mo ba huhugasan ang pinagkainan mo?"

"Ako na po, Master Brix." Lumapit sa akin si Lady Ersa at kinuha ang pinagkainan ko.

"Ang sabi mo Erikson ilang linggo bago makakabalik si Brix," tanong ko.

Nataranta naman ito. "Well... usually, it takes like that. Pero these past few missions, medyo
napapabilis siya. That's not surprising though! That's Brix."

"That depends on me. If I want to work faster, I can," Brix responded, conceitedly. "Why? Aren't
you happy to see your master, Lady Astra? Is that it?"

Huminga ako nang malalim. Here I come again, being bossy. I need to contain myself. He's still
my master and talking back is such a disrespectful move. Kahit na gaano ko siya kinamumuhian, I
still need to contain it.

"Not at all, Master Brix," I said in a calm voice.

"Good. I have another mission soon."

I nodded. "Please be careful."

I was about to leave when he said something.

"Of course, we will."


Chapter 42

Chapter 42: Warning

"What?" naguguluhang tanong ko. Bumaling ako kay Erikson na mukhang hindi rin naintindihan.
"Kung isasama mo si Erikson ay sino ang magbabantay sa akin? You know that I tend to do
reckless things, Master Brix."

Natigilan sa pag-inom ng alak si Brix. Bumali ang leeg nito at tila maging siya ay naguluhan.

"Si Master Resty na lang ang isama mo," suhestyon ko pa. "Hindi pa naman siguro kami mag-
uumpisa sa preparation for Unus. Saka mukhang may silbi pa 'yon kesa kay Erikson."

Napaubo si Erikson. "May gagawin pa pala ako ngayon. Sige. Sa susunod na lang, Lady Astra,
Master Brix," saad nito bago tumalikod at umalis na.

I looked at Brix. I caught him staring at me, too. Inalog niya ang kanyang ulo bago tumayo. Hawak
niya sa kanyang kamay ang alak bago umalis at iniwan din ako.

Napabuga ako ng hangin.

"Seriously?" I mumbled.

"You are fucking dumb," I heard Brix mumbled, too.

I just rolled my eyes.

Lalabas na rin sana ako ng dining hall nang biglang bumalik si Brix. Madiin niya akong tinitigan.

"You know what?" Nilagpasan niya ako. Dumiretso siya sa table at nilapag doon ang bote na
hawak. Humarap ito sa akin. "Since you lack comprehension, just go and clean my room."

"Okay," I simply responded.

Gusto ko ring makita ang kwarto ni Brix. Sabi kasi nila ay salamin ng isang tao ang kanyang
kwarto. Dito mo unang malalaman kung anong klaseng tao siya. I think it's applicable for a
vampire.

Nakabuntot lang ako kay Brix at nakayuko.

Brix suddenly stopped. "Good morning, Little bro."


Sinundan ko ng tingin ang binati ni Brix. Sa itaas ng hagdan ay nakatayo si Oscar. Nakapatong sa
railing ang kanyang mga braso at nakadungaw sa ibaba. Sa isa niyang kamay ay may hawak na
bote ng alak.

Oscar just nodded. He didn't even gaze at me.

Sumulyap sa akin si Brix at nakita kong pumorma ang ngiti sa kanyang labi. Bigla akong kinutuban
nang masama. Gano'n pa man ay sumunod ako sa kanya hanggang sa makaakyat kami sa
engrandeng paikad na hagdan at tumabi kay Oscar.

Shit.

I stood behind them. What is he thinking? You know that this one will make me feel uncomfortable!
O baka ito talaga ang gusto niyang mangyari?

"You know what, Little bro?" Brix patted his shoulder. "My slave has been feeling anxious since
this morning. You know? She was being a hero trying to fix a problem that has nothing to do with
her and that made things even more complicated. Nahihiya siya sa 'yo dahil sa nagawa niya."

Tangina naman, Brix!

"So?" Oscar asked.

Shit. I can't stand here anymore. Gusto ko nang umalis pero parang napako ako sa kinatatayuan
ko.

"Maybe you could give her a little sympathy and forgive her?" Brix chuckled. "I know she's a little
bit annoying sometimes and dumb but I think... you can do better."

Napasinghap ako nang biglang humarap sa akin si Oscar. Sumikip ang paghinga ko nang makita
ko ang kanyang mga mata na sobrang lungkot. He's really that affected.

"I don't blame you, Lady Astra," he said in a cold voice and that completely contradicted his first
statement. "Please don't make it about you. You have nothing to do with it. Wala kang dapat na
ikahiya."

Tila tinakasan ako ng mga salita ngayon. Napayuko na lang ako.

Narinig kong natawa si Brix. "Ikaw naman kasi Astra. Hindi naman siya ang amo mo kaya bakit mo
siya aalalahanin? You should worry about me more!"
I gritted my teeth in anger. This asshole is getting into my nerves. Gusto kong maging maayos ang
pakikisama sa kanya pero sa tuwing tatangkain ko ay itutulak niya ako sa puntong kailangan kong
kalimutan kung ano ang dapat kong gawin.

"Please just go," ani Oscar. He let out a heavy sigh. "Mukhang may importante pa kayong
gagawin. By the way, it's good to see you again, Brix."

"Actually, papunta na talaga kami sa kwarto ko," dinig kong sagot ni Brix. "Mukhang nasa mood
ang alaga kong maglinis ng kwarto. At kung ano man ang maaaring mangyari pa."

Fuck you, Brix!

"Go ahead then."

Brix let out a heavy sigh as he patted Oscar's shoulder again. "A little reminder to man up, little
bro. And don't put the blame on someone else."

"Sinabi ko na, Kuya. Hindi ko siya sinisisi," may diin na sambit ni Oscar. "I don't blame anyone."

I got chills. I think this is the first time I've heard Oscar called Brix 'Kuya'.

"You see, Brix?" Humarap na si Oscar kay Brix. "I am not like you. Hindi malakas ang loob ko at
lalong hindi ako malakas para ipagtanggol ang isang bagay na gusto ko laban sa mga
nakakataas. Don't make it sound so easy. Again, I am not like you. What a shame but I will never
be like you." Ramdam ko ang pait sa pagkakasabi niya no'n.

Sumikip ang dibdib ko.

Oscar was about to go when I said something that halted him. "You are way better than him,
Oscar."

I said it.

Napalingon si Oscar habang si Brix naman ay nanatiling nakatingin lang din sa kanya. Silence
took over us for a moment and just like that too, Brix's lips shut.

Oscar chuckled while shaking his head. "That sounds good. I just hope it's true. Anyway... I gotta
go."

"He's just powerful but you are a better man," I said with my chest. "Power intimidates things that
are genuine while being a better man attracts genuine things. You get the genuine love, respect
and trust."

Oscar lips slightly parted. He shook his head like as if he wanted me to shut my mouth.

I looked at Brix who happened to be staring at me, too. His dark and deep eyes didn't show any
emotion. It was like as if he's just staring into oblivion.

I'm at it again. Fists balled up, I said, "I wish I could live in parallel universe where I serve a better
man instead of a powerful one."

"Stop," Oscar mumbled. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palayo roon hanggang sa
makalabas kami ng mansion. Ramdam ko ang kaba sa dibdib niya. Hinarap din niya ako.

"What's that?" he asked in disbelief.

I swallowed. "S-someone has to say it."

"You regret it now, right?" I could sense how tensed Oscar right now. Ilang beses pa itong
lumunok. "Tell me, Astra. You regret saying that, right? If that's the case, then you need to talk to
him and apologize."

"W-why would I do that? Nagsabi lang ako ng totoo—"

"Fuck!" He pinched the bridge of his nose as he looked at me, ridiculously. "Just apologize to him.
That's not even hard, is it, Astra? Huh? You can do that, right?" Desperate, that's Oscar now.

Natutop ako.

Naglabas si Oscar ng sigarilyo at sinidihan ito. Ilang hithit lang ang ginawa niya ay upos na agad
ito. Mukha na rin siyang nababahala. Doon na rin ako kinabahan.

Hinarap ako uli ni Oscar. Hinawakan niya ang balikat ko at tumitig sa aking mga mata. "Whether
you mean it or not, just apologize to him. Please? Just do it."

Hindi ako nakapagsalita. Dahil sa inaakto niya ay kinabahan na rin ako.

"You see." Bumuga ng hangin si Oscar. "Brix tends to do the most crucial thing possible just to
ease his frustration. You pushed his buttons. Nakita mo ba ang mukha niya kanina? You fucked
up yourself, Astra."
I bit my bottom lip. "Then... I need to prepare myself? Is that it, Oscar?"

He shook his head as a response. "Brix knows better, Astra. He knows where to hit it right and
more painful. How's that? Something will hurt you not physically but emotionally and mentally."

My heart begun to pound abnormally. Just like that, I fucked up myself again.

"Wait. Let me talk to him," ani Oscar. "Babalikan kita rito." Sa isang iglap ay nawala na siya.

Napaupo ako at napayuko. What did I do?

"Fuck!" I cursed under my breathe.

I did it again!

Hindi na rin ako mapakali kaya tumayo na ako at naglakad papasok sa loob. Nakasalubong ko si
Oscar na palabas na rin sana. Hindi nagbago ang pagkabalisa sa kanyang mukha.

"I can't find him..." he said. "I don't know what he's up to."

"C-can you drive for me?" tanong ko.

Bumali ang leeg nito. "You are not thinking—"

"Please?" I pleaded, feeling feeble.

He nodded. "I'll just get my car."

Naghintay lang ako nang ilang sandali ay nakuha na agad ni Oscar ang kulay puting sasakyan.
Pumasok ako roon at tinuro ko ang daan papunta sa bahay nila Tita Ophelia.

Ayokong isipan na pareho kami ng iniisip ni Brix pero kilala niya ako. I can endure the pain but not
the pain of someone close to me. He knows where to hit me.

"He won't go that far, will he?" I asked, eyes shut.

Pilit kong pinapakalma ang naghuhuramentadong dibdib.

"Do you really think Brix is that kind of man? That he knows what he should do or not?" Ramdam
ko ang panunuya sa tinig ni Oscar. "No. Gagawin niya kung ano ang iniisip niya. Hindi ko alam na
sa tagal niyo nang magkasama ay hindi mo pa rin siya kilala."
I know. It's just that... I can't get used to it.

Masyadong mabilis ang pagmamaneho ni Oscar. Halos lahat ng sasakyan ay i-overtake na niya.
He's even exceeding the speed limit set on this road.

"Bawal 'yon, hindi ba? May rules na bawal tayong makialam sa mga tao," saad ko pa, pilit na
kumakapit sa ideya na nasa huwisyo si Brix para hindi ituloy ang iniisip ko.

"One thing about Brix that you should know or something you should already knew by now. No
rules can stop him to go after something he wants."

Pinahinto ko ang sasakyan ilang metro mula sa bahay nila Tita Ophelia. Ako lang ang lumabas ng
at pumasok sa loob ng gate. Huminga ako nang malalim. Kakatok na sana ako sa pinto nang may
marinig na ingay sa loob.

Sumilip ako sa bintana. Naabutan ko sina Tita Ophelia at Eliyah na nanunuod ng movie. Nagtatalo
pa ang dalawa. I don't see any problem aside from the horror movie they are watching. Hindi
mahilig sa gano'n si Eliyah sa pagkakaalam ko.

That made calm me down. They look good. Gusto ko mang makausap sila pero minabuti ko na
lang na umalis na. Saka... sinabi ko na kay Eliyah na kalimutan ako.

"What happened?" tanong ni Oscar pagkapasok ko sa loob ng sasakyan. "It it good?"

Huminga ako nang malalim. "Mukhang ayos naman sila."

"Hays!" Napahinga rin nang maluwag si Oscar. "Mabuti na lang. Akala ko kung ano na naman ang
pinasok ni Brix. Pero... sila lang naman ang malapit sa 'yo, hindi ba?"

Natigilan ako. "D-drive... please."

"Wait. Okay."

No. Not Dahlia.

Gaya ng kanina ay pinahinto ko ang sasakyan ilang metro mula sa bahay nila Dahlia. Pumasok
ako agad sa gate at kumatok sa pinto. Bahagyang nanginginig pa ang mga kamay ko.

Mayamaya ay bumukas din ang pinto.


"Oh, Astra," bati sa akin ng Mommy ni Dahlia, bakas ang pagkabigla sa kanyang mukha. Agad
itong tumingin sa likod ko at tila may hinahanap pa. "Hindi mo pa ba kasama si Dahlia? Akala ko
ay magkikita kayo?"

That left me horrified.

"Astra?"

Brixton Wenz Cardinal!

Imbes na sumagot ay tumalikod ako at patakbong bumalik sa loob ng sasakyan. Umupo ako at
niyakap ang mga tuhod ko. Tila sasabog ang utak ko sa dami ng naiisip kong posibilidad ng
pagkawala ni Dahlia. Pero sa iisang direksyo lang ang turo ng mga 'yon... kay Brix.

"Did something— I knew it!" Hinampas ni Oscar ang busina ng sasakyan. "He's at it again."

Bumigat ang paghinga ko. Ano ang pinaplano ni Brix?

"You good?" alalang tanong ni Oscar.

"Can we just for a while?" I asked.

"Where?"

"I don't know. Just drive."

"Okay..." he agreed.

Binuksan ko ang bintana ng sasakyan para pumasok ang hangin. Hindi ako makapag-isip nang
mabuti. Gusto kong mag-isip ng isang bagay na magpapakalma sa akin, isang rason kung bakit
hindi magagawa ni Brix na saktan si Dahlia.

Nothing – nothing will stop him. I can't think of anything.

"Let's just go back to Mansion," ani Oscar nang mapagtanto na wala akong plano. "I'll talk to Lord
Escariaga. He handles this case. Baka sakaling magawan niya ng paraan. Just breathe, Astra."

I don't know what to react. But one thing is for sure... something will change after this. I know.
Matapos nito ay may magbabago sa pananaw ko.

Gaya ng sinabi ni Oscar ay bumalik kami sa Mansion. Pumasok ako sa loob habang siya ay sinabi
niyang pupuntahan niya si Lord Escariaga para humingi ng tulong.
May problema rin si Oscar at dumagdag pa ako. Pakiramdam ko ay napakapabigat ko na
masyado.

Imbes na dumiretso sa silid ay napagpasyahan kong lumabas uli. Naglakad-lakad ako sa hardin.
Napakakulay ng mga bulaklak at presko ang hangin. Pero hindi ito naging sapat para patahanin
ang kaba sa dibdib ko.

I regret it now. Fuck. I always regret things.

Oscar is right. Hanggang kailan ko ba itatapon ang ideya na hindi basta-basta si Brix? Hindi siya
basta-bastang bampira. Hindi siya basta-bastang lalaki. Hindi siya 'yung basta-bastang lalaking
makakasalubong mong ngingitian ka o 'di kaya'y titingnan man lang.

He's not like any other man.

"A penny for your thoughts, Milady."

Napatingin ako sa nagsalita. Si Brix. Nasalikod niya ang kanyang mga kamay habang nakangiting
nakatingin sa akin. Bahagyang ginigulo ng hangin ang kanyang buhok.

"You seem in deep thoughts," he noticed.

Madami akong tanong para sa kanya. Mga tanong na nalunok ko nang makita ang isang babaeng
naglalakad palapit sa amin. Halata sa kanyang mukha ang pagkalito.

"D-Dahlia?"

Shocked registered on her face when she recognized me. Nangilid ang mga luha sa kanyang
mata bago patakbong lumapit sa akin at yumakap nang mahigpit.

"Astra..." she cried.

Umawang ang bibig ko sa sobrang sikip ng paghinga ko. Tumingin ako kay Brix na nakatingin
lang sa amin. He was smiling... he knew what he's doing.

I faced Dahlia. "Are you okay?"

Tumango ito. "Pinakain ako ni Brix. Sabi niya ay umalis ka raw nung pagdating namin dito."

Narinig kong sumipol si Brix.


Hinawakan ko ang braso ni Dahlia at hinila siya palayo. Nang masiguro na malayo na kami kay
Brix ay muli kong hinarap ang kaibigan ko. Sobrang laki ng ngiti sa kanyang labi.

"Mabait naman pala siya, Astra," puna ni Dahlia. "Sabi niya ay nami-miss mo na raw ako kaya
sinundo niya ako."

I stared at my best friend, teary-eyed. "I-I miss you..."

Niyakap ko na lang siya uli. Naiiyak ako sa sobrang tuwa. Tuwa na ayos lang siya, na nagkita
kaming muli at tuwa na nakasama ko uli siya. I miss her.

"Ang ganda rito," bulong niya.

Napagpasyahan kong igala si Dahlia sa hardin. Ang dami niyang kwento sa akin. Nakangiti lang
ako habang nakikinig sa kanya. Nagkwento rin naman ako. Mga kwentong ligtas para sa kanya.

"Whoa! Nakasakay ka na pala sa kabayo?" mangha niyang tanong.

Umupo kami sa bench nang mangawit.

"Yes," sagot ko, natatawa.

Tumawa rin ito. "Grabe. Ang layo na ng narating mo."

"May tanong ako Dahlia," sabi ko sa seryosong boses. Huminga ako nang malalim bago
nagpatuloy. "Uhm. Alam mo ba kung paano ka narating dito?"

Umiling ito. "Nung sinundo ako ni Brix ay nakatulog ako sa sasakyan. Pagkagising ko ay nandito
na ako. Akala ko nga nananaginip lang ako dahil para akong nasa isang fairy tale e."

Natawa ako sa sinabi niya. "Dark fairy tale, you mean?"

"It's still a fairy tale," she responded, chuckling. "Seryoso. Akala ko hindi na kita makikita pa, Astra.
Bigla ka na lang kasing naglaho pagkagising ko."

Tumuwid ako ng tingin. "Sorry. Nakalimutan kitang bisitahin."

"Time's up!" Biglang sumulpot si Brix.

Dahlia pouted her lips. "Bawal na bang i-extend?"

Brix shook his head.


"Grabe. Duty mo na pala sa trabaho, Astra," ani Dahlia na malungkot na naman. "Kahit na
nagtatrabaho ka rito ay huwag mong pabayaan ang sarili mo ah? Kapag nakaipon ka na mag-aral
ka uli."

Tanging tango lang ang naisagot ko.

I hugged my best friend one last time.

"Take care, Dahlia."

"Be happy, Astra..."

Pinanuod kong sumama si Dahlia kay Brixton.

Nung mawala sila sa paningin ko ay nag-unahan na ang mga luha sa mata ko. It was a relief that
she's safe and Brix didn't harm her. But... I am still scared.

This is a warning from Brix.

He didn't do this for me, not in a good way. He did this to scare me.

No. I alreay lost Kristan.

I can't afford to lose another one again.

I think... I already know what changed in me now.

I'm giving up.

I'm giving up the idea of avenging things that already happened. What happened in the past will
stay in the past. What matters right now is what's left in me. I need to protect it.

One is enough.

I give up, Brix. You won.


Chapter 43

Chapter 43: Maybe

Brix came back. He sat beside me on the bench. There was just silent. No one between us dared
to break it for a few minutes. Pareho rin kaming nakatulala at nakatingin sa mga bulaklak sa
hardin na ito.

I let out a heavy sigh. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko.

"She will be home safely," Brix said.

"I'm sorry, Master Brix..." bulong ko.

I didn't get a response from him.

"I admit it. You scared me to death," I said in a low voice. Sa sobrang hina ng boses ko ay mabilis
itong tinatangay ng hangin palayo. "I can't lose her or anyone because of me anymore. I can't
blame you. You did that to remind me of my stand in this story. I crossed the line many times, said
things I should not. And for that..." I bit my bottom lip. "I'm really sorry."

This time, I mean it. I am really sorry.

"Are you scared of me now?" he asked.

Mapait akong ngumiti bago tumango. "Sobra. Akala ko ay mababaliw na ako sa sobrang takot.
Kaya kong tiisin ang sakit pero ibang usapan kapag isang malapit na sa akin ang nasasaktan dahil
sa kagagawan ko."

"That's right." Huminga nang malalim si Brix bago tumayo. "You should scared of me. I can do
worse than that. Sa susunod na lumagpas ka sa linyang nakaguhit para sa 'yo ay hindi na ako
magdadalawang-isip na itatak 'yon sa isipan mo habang buhay."

I nodded. "I understand..."

"You know what's the longest relationship we can get? Memories. Time passes but memories
remain. Nothing is scarier than living with haunting memories. Trust me."

That's his last words before he left.

I immediately wiped my tears away. I'm still being haunted with my memories of Kristan but I can
bear it. Kaya ko pa itong dalhin pero kung madadagdagan ito ay hindi ko na kakayanin.
This is the time when I should be contented with what I still have.

"Astra..."

Umangat ang tingin ko sa bagong dating. Si Celeste na nakangiti sa akin. Umupo siya sa tabi ko
kaya hinarap ko siya.

Bumuntong-hininga ito. "I've heard what happened."

"I'm sorry..." I muttered. "Hindi na dapat ako nakialam pa sa inyo. I feel embarrassed."

"Sorry din," aniya sa malungkot na boses. "Hindi mo kasalanan kung bakit ako nagkakaganito.
Sorry sa mga nasabi ko. I didn't mean it. Masyado lang akong lumubog nung araw na 'yon."

I gave her a tight hug.

"We should be on the same side," she said. "Walang ibang makakaintindi sa atin kung hindi tayo
ring dalawa. They don't know how it feels to be left with no choice but to do whatever the rules
say. But I do and you also do somehow."

Agreed. But right now... I totally understood what is my role in this story. I started as a slave and it
will end as a slave, too. Iyon ang dapat kong itatak sa isipan ko.

Damn. What does it feel like my story is about to end? Like the stars in my dark pace is finally
aligned? Or... is it just the start of something else?

Nalaman ko na nakatakda na pala ang pagpapalit ni Oscar kay Celeste bukas. Ayon sa nalaman
ko ay sa isang mayamang angkan din mapupunta si Celeste.

We are the same though. Brix is about to give me up.

An unusual thing happened after. We had lunch together— Brix, Oscar, Celeste and me. Wala pa
rin si Lord Severo na malamang ay may importanteng ginagawa.

"Akala ko ay may lakad ka, Brix?" tanong ni Oscar habang kumakain kami.
"Cancelled," said Brix. Pinunasan niya ng tissue ang kanyang labi bago uminom ng wine. "It's an
easy mission so Dad gave it someone else. He also told me to stay here for a few days."
I was just eating my food in silence, just like Celeste.
"Oo nga pala, Lady Astra." Umangat ang tingin ko dahil kay Oscar. "Resty told me to inform you
that he will be here later. May pag-uusapan daw kayo?"
Napatango ako. "I think for the preparation for Unus, Master Oscar."
Oscar bobbed his head. "Okay. May specific date na ba kung kailan 'yan mangyayari? It changes
every year, depends on the schedule of the leaders."
Umiling ako. "I'm not sure..."
"I think I can still help with that," he said with a smile. "Kung may tanong kayo ni Resty ay maaari
kayong sumangguni sa akin. I've been the organizer of that tradition many times now."
"Noted that, Master Oscar."
"Anyway, Brix..." Napunta uli kay Brix ang atensyon ni Oscar. "Can you come with me later? May
examination kasi ang Junior Squad and I want you to check on them first."
Tumingin sa akin si Brix kaya napayuko ako.
"Okay," sagot ni Brix.
"Thanks!"
Pagkatapos naming kumain ay umalis na sina Brix at Oscar. Kaming dalawa ni Celeste ang
naiwan. Tinulungan namin ang mga babaeng tagapagsilbi sa pag-aayos.
"Boo!" Napatalon ako sa gulat nang may sumigaw sa tainga ko. Muntik ko nang maihampas kay
Resty ang hawak kong plato. Tawang-tawa pa ito.
Binitiwan ko ang plato bago siya hinarap. "Mag-uumpisa na ba tayo sa preparation for Unus?"
tanong ko.
"Yes, yes! Magbihis ka na," aniya habang natatawa pa rin. Dumiretso ito sa cabinet at kumuha ng
alak. "Bilisan mo na, Astra. Marami pa tayong kailangang gawin."
"Okay..."
Pumanhik ako sa kwarto ko at kumuha ng maisusuot na damit. Narito na rin ang tukador ko.
Sandali akong naligo at hindi rin ako nagtagal sa pag-aayos ng sarili.
Lalabas na sana ako nang mapagtanto na nakabukas ang pinto. Bumaling ako sa kama kung
saan nakahiga si Resty. May binabasa pa itong libro.
"Kanina ka pa d'yan?" tanong ko.
"Medyo. Tapos ka na?" Binaba niya ang hawak na libro para tingnan ako. Pinasadahan niya ng
tingin ang suot ko bago umayos na ng tayo. "Mukhang gano'n na nga. Tara na?"
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
He cleared his throat. "First of all, this is all job. Walang halong malisya. Lahat ng gagawin natin
ngayon ay parte ng ating trabaho. Ayokong pag-isipan mo ito ng iba. Naiintindihan mo ba?"
Tumango ako.
And the next thing I knew, Resty brought me to a fancy restaurant. Hindi lang ito basta restaurant.
Sa ambiance nito ay pansin mo agad na napaka-romantic. May mga kandilang mabango, soft
music, petals of red roses.
"Seriously?" I rolled my eyes.
"We will have our meeting here."
Wala na rin akong nagawa kung hindi ang umupo. May lumapit sa aming waiter. Ngiting-ngiti si
Resty habang sinasabi ang order naming dalawa.
I roamed my eyes around. Pangmag jowa talaga ang lugar na ito. May nakita pa akong
magkahawak-kamay.
Tumikhim si Resty pagkatapos mag-order. "Hindi kasi ako makapag-isip nang maayos sa
magulong lugar," aniya. "Unlike here, it's peaceful and romantic. Good place to think. This is not a
date if that's what you are thinking."

Napatingin ako sa isang lalaking lumapit. He started to play his violin.


"Okay. Whatever, Mr. Escariaga."
Pinatong niya ang mga nakasalikop na kamay sa ibabaw ng lamesa habang nakatingin pa rin sa
akin. "First of all, let's talk about us. Kailangan nating magkapalagayan ng loob."
Natawa na lang ako. He's so obvious!
"What?" tanong niya.
"There's nothing you should know about me, Mr. Escariaga," sabi ko. Kinuha ko ang nakasalin na
wine sa baso at uminom. "Maliban na lang sa slave ako ni Brix."
He looked annoyed now. "Let's make a rule. Rule number one. Don't mention his name."
"You are ridiculous. He's my master!" giit ko. "Bakit ba napakalaki ng galit mo sa kanya?"
"Fine." He breathed. "Let's talk about The Unus instead."
Dumating na ang order ni Resty kaya kumain muna kami. Kakakain ko lang sa Mansion kaya hindi
ako gutom. Gano'n din si Resty na halos hindi magalaw ang pagkain.
"Excuse me, Ma'am." Lumapit ang isang babaeng may hawak na bukalya ng pulang rosa. Inabot
niya 'yon sa akin. "Happy first date with Mr. Escariaga. Enjoy."
I looked at Resty. "What's this?"
Tumawa siya. "Flowers? I am not so sure," may panunuyang sagot nito.
"Akala ko ba hindi date ito?"
"It's just a rose. Masyado kang malisyosa," aniya pa.
Tinabi ko sa ibabang lamesa ang bulaklak saka seryosong tumingin kay Resty. "Listen, Mr. Resty
Escariaga. Pwede bang magseryoso na tayo? Stop playing around and let's start about the
discussion for The Unus."
"Fine..." He let out a weighty sigh. Bigla itong tumayo at lumapit sa akin. Inayos niya ang kwelyo
ng kanyang polo bago naglahad ng kamay. "Let's dance."
Tamad na tinitigan ko siya.
"Ayaw mo?" tanong niya.
Padabog na tinanggap ko ang kanyang kamay at sumama sa kanya sa gitna. Hinawakan niya ang
bewang ko. Pinatong ko naman sa kanyang balikat ang aking mga kamay.
"Dad told me that Brix almost put your friend at risk," bulong ni Resty. Wala siyang nakuhang
sagot sa akin. "That's not surprising though, pero malamang na natakot ka. Are you okay now?"
I remained silent. I don't want to talk about it.
"Matapang siya dahil alam niyang siya ang maaaring papalit kay Lord Severo," saad pa ni Resty.
"Pero malabo 'yon. Half of the Seniors are against of that idea. We still have democracy here. It
won't be easy for him."
"Why are you saying this?"
"Lord Severo..." he mentioned. "He wants me to ask each leader to bring two of their strongest
men during The Unus. He also asked me to put our strongest guards to protect the leaders."
I gave him my confused look. I don't get his point.
"I don't understand, too, Astra," bulong niya sa akin. "This is bizarre. The Unus has been
happening for a long time now. The guarding is not this strict but right now... it feels something is
wrong."
"Baka gusto niya lang na mas maging ligtas ang mga pinuno," sabi ko. "After all... tayo ang
malalagay sa alanganin kapag may nangyaring hindi maganda sa isa sa kanila."
"Maybe? We are not that sure. Hindi natin alam kung ano ang balak ni Lord Severo." He chuckled.
"But one thing is for sure... you will be about to witness a history."

Napalunok ako. What's he planning?

Pagkatapos naming magsayaw ay bumalik kami sa table. Sa pagkakataong ito ay nagseryoso na


si Resty. Binigyan niya ako ng ideya sa tungkol saan ang tradition na 'yon. It is to strengthen the
bond of the leaders, to protect the peace and prosperity among the clans.

"Also, Phoenix Clan leader Lord Morales will join The Unus," saad pa ni Resty. "Phoenix Clan has
been absent on the said event for a decade now. If there's a competition, their clan would more
likely the only clan to stand a chance to take the first spot from us."

Uminom ako sa baso ko. "So... they are the second clan on the rank? Phoenix Clan?"

He nodded. "I think makikipagkasundo na sila ngayon kay Lord Severo. They did everything to
take our place but they never succeeded. Siguro ay napagtanto na rin nilang wala silang laban sa
atin."

"Ilang araw kadalasang tumatagal ito?" tanong ko.

"Four to six days," sagot ni Resty. "Madalang lang na umabot sa five or six days. Usually talaga ay
four days lang. Unless, may importante pa silang sadya. We will use the East Wing of the Mansion
for this event just like before. Doon maninirahan ang mga leaders habang nandito sila."

Tumango ako. "We need to prepare foods that matches their tastes. May lists ka na ba ng mga
pagkain?"

"Yep. As usual naman. May mga na-assign na rin akong magluluto," aniya pa. "Baka bukas din ay
mag-umpisa na silang maghanap sa mga sangkap."

I nodded again. "Pwede ba tayong gumawa ng palabas?" tanong ko.

"What do you mean?"


"A battle. It will keep them entertained and at the same time, we will showcase the skills of our
clan. We can bring the Junior Squad in. What do you think?"

Resty winked. "Your ideas are making me horny."

"Baliw." Natawa ako.

"Noted that, Lady Astra."

Madilim na rin nung natapos kaming makapag-usap ni Resty. Hinatid niya ako uli sa Mansion.
Binalaan niya ako na maging handa dahil pasulpot-sulpot siya para sunduin ako.

"Thank you for the treat," I said. "And also... for this," tukoy ko sa bukalya ng rosas na hawak.

He laughed. "Pleasure. Sa susunod ay huwag mong angasan ang mga ideya mo ah?"

"Goodnight."

"Goodnight, Astra. See you again."

Hinitay kong makaalis ang sasakyan ni Resty. Pagtalikod ko ay sumalpok ang mukha ko sa isang
katawan. Umangat ang tingin ko kay Brix.

"M-Master Brix..." Lumunok ako.

Bumaba ang tingin niya sa rosas na hawak ko kaya mabilis ko itong tinago sa likod ko.

Tumikhim ito. "There's a trashbin a few meters away from you," he mentioned.

I bit my bottom lip. Labag man sa loob ko ay nilapitan ko ang trashbin at nilagay roon ang bulaklak
na bigay ni Resty. Nanlumo pa ako dahil sayang.

I walked towards Brix again. "What brings you here? May pupuntahan ka ba?"

Napasinghap ako nang hawakan niya ang kamay ko. Nagpatianod ako sa kanyang pagkakahila.
Hindi ako nagtanong o nagreklamo. Hinayaan ko lang siya.

Huminto kami sa isang kulay puting kabayo na nakatali sa puno.

Wait. What? Don't tell me—

"What should I name her?" Brix asked.


Umawang ang bibig ko sa pagkabigla. Is he asking me to name this horse? Is it his?

Lumapit ako sa kabayo. Kasing laki lang ito nung kay Oscar pero mas maamo. Puti ang balahibo.
Pero napansin kong may peklat ito sa katawan. Parang letrang S.

"Servena," I mumbled. Nakangiting humarap ako kay Brix. "Servena is a good name for her."

He stared at me before nodding his head.

Pinakawalan niya sa pagkakagapos si Servena bago siya sumakay. Pagkatapos ay nilahad niya
ang isang kamay sa akin. Tinanggap ko 'yon. Inalalayan niya akong makasakay sa likod.

He didn't say a thing. Pinatakbo na lang niya bigla ang kabayo. Mabilis. Mas mabilis kesa kay
Oscar. Kakaiba. Hindi ko maramdaman ang takot ngayon. Malamang na dahil hindi na ito ang
unang pagkakataon na nakasakay ako sa kabayo.

The night breeze caressed my bare face. Ramdam ko ang lamig na nanunuot sa balat. Tumingala
ako sa madilim na kalangitan. Puno ng bituin na pinaghaharian ng bilog na buwan. Parang
sumusunod ito sa amin.

Napangiti na lang ako. Why do I find it even more romantic than that fancy restaurant?

"Bakit ginabi kayo?" tanong ni Brix.

"Marami kaming napag-usapan," sagot ko pero mabilis kong inagapan. "Pero sa susunod ay hindi
na ako magpapagabi. I'll try to get home earlier."

"So... there's still a next time?"

"Yeah? Marami kasing gagawin."

We stopped on the same spot where Oscar and I stopped. Naunang bumaba si Brix. Naglahad pa
ito ng kamay pero hindi ko na tinanggap. Nagkusa akong bumabang mag-isa.

Pinakawalan niya ang lubid ng kabayo. Nanatili lang naman ito sa pwesto habang kumakain ng
damo.

Bumaling ako kay Brix na nakatingala. "How's the preparation for Unus?"
"Good," I responded.

Umupo ako sa damuhan at niyakap ko ang mga tuhod ko. It still feels strange talking to Brix this
calm. Parang tuloy nakakaramdam ako ng pagkailang.

"I want to sleep here," ani Brix saka ito humiga sa damuhan.

Hindi makapaniwalang bumaling ako sa kanya. "Seriously?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"So... I need to sleep here, too?' tanong ko.

"You won't sleep though." He smirked. "You are here to serve us my eyes while I am sleeping."

"Ow..." I nodded, gently. "Okay."

Nawala bigla ang ngiti sa kanyang labi. Umirap ito at muling dumiretso ng tingin sa langit. Walang
nagsalita sa amin sa loob ng ilang minuto. Tanging hangin lang at ang huni ng mga kabayo ang
naririnig ko.

I yawned. "Mukhang mauuna pa ako sa 'yong makatulog," biro ko.

"It's you..."

Napatingin ako sa kanya. "What?"

He closed his eyes. "Ikaw ang sinasabi kong isasama ko sa mission. Hindi ko alam kung bakit ang
akala mo ay si Erikson. I was looking at you at that time. Even Erikson knew I was referring to
you."

My lips slightly parted. Shocked. I had two mixed feeling about it – anxious and thrilled. Anxious
that I might just get in his way and thrilled with the idea of being with him on a mission.

"B-baka makasagabal lang ako sa 'yo, Master Brix," saad ko. "Sinwerte lang ako kaya nanalo sa
kambal. I am not prepared yet to go for a mission."

"Of course, you might," he chukled, still eyes shut. "Who even says you need to fight? Ayokong
umuwi agad kaya isasama na lang kita. Ayokong alalahanin ang mga gagawin mo habang wala
ako."

Humiga rin ako sa tabi niya at humarap sa kanya. "Hindi na ako gagawa ng ikakasama mo."
"Ilang beses mo na bang sinabi 'yan?" Tumagilid din siya paharap sa akin. Nakatukod ang isa
niyang kamay sa kanyang ulo. "Mabilis kang madala sa emosyon, Astra. That's why you tend to
do reckless things. Only weak vampires would let their emotions get the best of them."

Napaiwas ako ng tingin. I know he's right. "There's a thin line between being brave and being
reckless," according to Kristan. I was being reckless all this time.

"Pero paano na ang sinabi mo sa akin na laging dumikit kay Lord Severo?" tanong ko.
"Mahihirapan akong gawin 'yon kung sasama ako sa 'yo."

Nagtaas ito ng mga kilay. "I thought you are sorry? Bakit ang dami mo ngayong rason? Sasama
ka sa akin sa ayaw o sa gusto mo. End of conversation."

Bumalik ito sa pagkakatihaya. Nakapatong sa kanyang dibdib ang mga magkasalikop niyang
kamay. Sa position niya ay mas lalong umangat ang dating ng kanyang mukha. Mula sa kanyang
pilik-mata, matangos na ilong at mapulang labi.

"I just want you to get what you deserve, Master Brix," I whispered. "Marami ka nang naisakripisyo
para lang dito. You need to claim it now."

He let out a heavy sigh. "I don't know. Shut up now, Astra."

"Bakit, Brix? Nagdadalawang-isip ka na ba?"

"I said shut up."

"Okay..." Tumihaya na rin ako.

Pigil na pigil akong humikab. Ramdam ko na ang antok. Mukha ngang mauuna pa akong
makatulog kesa kay Brix. Napagpasyahan kong umupo na lang pero mabilis din akong napahiga
nang hatakin ako ni Brix.

Tila tumigil ang paghinga ko nang yakapin niya ako.

"Don't say anything," he whispered as he tightened the grip on me. "I will say something that I
might regret after. I will just say it once. Listen."

Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Dahil sa yakap ni Brix ay naibsan ang lamig na
nararamdaman ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya ngayon.

"You think I didn't feel anything when I killed your friend?" bulong pa rin niya.
Suminghap ako. "It's done now, Brix."

"Right. That's how it was supposed to be, but when I saw how shocked you were... it felt wrong,"
he continued. "And for the fucking first time, I saw someone who can be shocked when I do cruel
thing. Someone who can't stand looking at me stained with blood."

"Brix..."

"Maybe you won, Astra. Maybe... meeting you is a mistake."


Chapter 44

Chapter 44: Candle

"You once told me that someday, I might regret meeting you." That's the moment he faced me.
There was this melancholic feeling while staring at his eyes. Nakalapat pa rin sa bewang ko ang
kanyang isang kamay. "It's starting..."

Wala akong nagawa kung hindi ang magpakalula sa kanyang titig.

Ilang sandali pa ay pinalaya ako ni Brix mula sa kanyang pagkakayapos. Umupo siya at inalog
ang ulo. Huminga ito nang malalim bago bumaling sa akin.

"Wait me here. I'll just get something in the barn," aniya bago tumayo at naglakad papunta sa
malapit na kamalig. Nakayuko itong naglalakad habang nasa loob ng mga bulsa ng kanyang
sweat pants ang kanyang kamay.

Naiwan akong tulala sa madilim na kalangitan. What does that even mean? I don't understand.
Did I do it? Nagtagumpay na ba akong makuha ang loob niya?

If that's the case, then... why am I not happy at all?

Bumalik din agad si Brix. Sinabihan niya akong umupo na ginawa ko. Magkaharap kami sa isa't
isa. Bigla kong naalala ang pangyayari sa bahay sa likod ng Mansion. This scene somehow
reminds me of the fireflies.

Brix showed me a candle. Sinindihan niya ito. Nakatingin lang ako sa mukha ni Brix. Gamit ang
kanyang palad at hinarang niya ang hangin na umaapula sa apoy.

"This is what I do when I can't sleep," he whispered. Bumaba ang tingin ko sa kandila nang
umangat ang tingin niya sa akin. "I light up a candle and watch it melt."

I stared at the candle light. "Why can't you sleep now?"

"The sky is calm and the weather is good. It will be such a waste to sleep early," he responded.
Sinabayan ko na ngayon ang tingin niya. "You see, Astra. You are like a light up candle –pure and
innocent at first but you melt as time passes by. You cry tears that don't totally dry. It plants marks
that haunts you every single time."

Pinahawak niya sa akin ang kandila para linisin ang mga patak sa kanyang daliri.

"Take this as an advice from me," I heard Brix said. Nanatili sa kandila ang tingin ko. "As much as
possible, don't let bad memories hover in your head for a long time. Forgive yourself, but don't
forget. Learn to give up but don't stop fighting. Don't be like me."

Mula sa kandila ay lumipat ang tingin ko kay Brix na nakatitig sa kandilang hawak ko.

"Release and breathe..." he whispered.

Gamit ang daliri ko ay pinatay ko ang ilaw ng kandali. Umangat ang tingin ni Brix sa akin. Pinahid
ko ang mga natunaw na parte ng kandila sa katawan nito bago kinuha ang posporo kay Brix at
muli itong sinidihan. Nilapit ko ito sa mukha niya.

"You are still living the fire that someone from the past lit up for you," I said, straight into his eyes.
"I appreciate your advice, Brix. But I hope you can accept my advice, too. Do yourself a favor and
kill the old fire that haunts you to start a new one."

Nanatiling nakatitig lang sa akin si Brix.

"There are lots of reasons why some things are better left in our past, but letting them hinder you
to have a peaceful present is not one of them." Tinaas ko sa pagitan ng mga mukha namin ang
kandila. Hinipan ko ang apoy ng kandila. "This is why sometimes, we need to kill the fire from the
past that affects your present. That's moving on, Brix..."

I was all smile while staring at him until he moved closer to me. He claimed my lips swiftly.
Napapikit ako sa ginawa niya. Naramdaman kong kinuha niya sa akin ang kandila. Nilagay niya sa
likod ko ang isa niyang kamay bago ako dahan-dahang hiniga sa damuhan.

He stopped kissing me to say a thing that made me feel something strange, "It's too late to kill the
fire, Astra. Maybe if you came sooner... there's still a chance. Not now that... I am already the fire."

That thought haunts me whole night. Hindi ako agad nakatulog hanggat hindi ko napagtatanto
kung ano ang nararamdaman ko. The answer knocked in me that night, too.

Afraid. That's right. I am afraid not for me but for him. Pakiramdam ko ay maaari siyang sumabog
kahit na anong segundo. Isang maling galaw lang... isang maling kalabit... isang posibilidad na
pangyayari na tuluyang magpapakawala rito.

Pagkamulat ng mga mata ko ay nasa kwarto na ako. Tumayo na ako para mag-ayos ng sarili.
Naagaw ng isang note na nakadikit sa likod ng pinto ang atensyon ko. Lumapit ako roon at binasa
ito.
"I'll be out for a while. Prepare. You will come with me when I come back." – S

Kinabahan na naman ako. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ni Brix at ako pa ang
naisipan niyang isama. Wala naman akong maitutulong sa kanya. In fact... he's right, I might just
get in his way.

Habang naliligo ay wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. A memory of last night flashed in
my head. How he kissed... it was so gentle... and it felt really honest. I'm not gonna deny that I
liked it.

Nakangiting lumabas ako ng kwarto. Nagugutom na ako kaya dumiretso ako sa dinig hall.
Naabutan ko sina Lord Severo, Oscar at ang isang babaeng nakayuko pero hindi ito si Celeste.

Yumuko ako nang mapagawi sa akin si Lord Severo. "Good morning, Lord Severo, Maser Oscar."

"Good morning, too, Lady Astra. Maupo ka at samahan mo kaming kumain," aya ni Lord Severo.

Umupo ako sa nakasanayan kong pwesto sa lamesa, sa harapan nila Oscar. Umangat ang tingin
ng babae at ngumiti sa akin. Sinuklian ko rin naman 'yon ng ngiti rin.

"Brix will be out for a while, Lady Astra," said Lord Severo as he sipped on his drink. "Baka gabi na
rin siya makauwi. Anyway... have you met, Lady Feera?"

That's I think the woman beside Oscar. "I don't think so, Milord."

"Ah. Sorry." Tumikhim si Oscar. "Lady Astra... meet Lady Feera. She will be my slave for now on.
Lady Feera, meet Lady Astra. She's Brixton's."

Umawang ang bibig ko sa gulat. Umalis na si Celeste? I haven't had the chance to talk to her one
last time. Nakakalungkot naman na hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Pero siguro
naman ay makakasalubong ko pa rin siya minsan.

"Nice to meet you, Lady Astra..." Tumayo si Lady Feera at yumuko. "They are right. You really
look gorgeous. I hope we can hang out sometime."

Gano'n din ang ginawa ko, tumayo para batiin siya, "Likewise... Lady Feera. Sure. Huwag kang
mahihiyang kausapin ako. I hope you can take good care of Master Oscar."

"That's for sure, Milady..."

She seems good. Magalang ito at hindi palasalita. Medyo hindi pa siya gaanong makausap dahil
nahihiya. Parang tuloy nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Ganitong-ganito rin ako dati.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Nakikinig lang ako kina Oscar at Lord Severo. Pinag-uusapan nila
ang Junior Squad. Siningit din ni Oscar ang pagtulong na ginawa ni Brix.

"How about the preparation for The Unus?" Napunta sa akin ang atensyon. "I've heard that Mr.
Escariaga and you went out yesterday. Was it about the preparation?"

I swallowed my food before answering, "That's right, Milord. We are already working on it."

"Good. This will be a history." There was this strange feeling when he smiled at me. "Nalaman ko
rin na balak kang isama ni Brix sa mission. I hope you can remind him to come back for The Unus.
I want you to be there, too."

"I understand, Lord Severo..."

Ako ang unang nagpaalam para bumalik sa kwarto. Kailangan ko pang maghanda ng gamit para
sa mission. Kinakabahan man ay hindi ko pa ring maiwasang hindi ma-excite. I wonder what Brix
does every mission aside from killing?

"Lady Astra!" Napatingin ako sa bagong dating.

Nakangiting sinalubong ko si Erikson. "Oh. May kailangan ka?" tanong ko.

"Grabe. Hindi ba pwedeng na-miss ko lang ang kaibigan ko?" Mahina siya tumawa. "Pero... hindi
ko makita si Brix. Umalis ba siya?"

Tumango ako. "Ayon kay Lord Severo ay umalis nga. Baka mamaya pa makakauwi. Bakit,
Erikson? May problema ba?"

Ngumiti lang siya bago umiling. Hindi no'n naitago na parang may kinakabahala ito.
Ipagsasawalang-kibo ko na lang din sana 'yon pero biglang dumating din si Resty.

"Pwede ka ba ngayon, Astra?" tanong nito sa akin, hindi pinansin si Erikson. As usual ay naka-
polo shirt na naman ito. "You know what? I feel hurt. Nakita ko sa basurahan ang bulaklak na
bigay ko.

"S-sorry. Hindi ako makakasama ngayon, Master Resty. May kailangan kasi akong gawin—"

"I can help," maagap na sabi nito. "Wala rin naman akong gagawin kaya matutulungan kita kung
ano man 'yan."
"Mr. Escariaga, we need to talk..." Hinawakan ni Erikson ang braso ni Resty. "This is important."

Hinawi ni Resty ang pagkakahawak sa kanya ni Erikson. "Saka na 'yan, Mr. Nadija. May kailangan
pa kaming gawin ni Lady Astra." Saka ito bumaling sa akin. "Tara na?"

"He's back..." Mahina ang pagkakasabi no'n ni Erikson.

Nawala ang ngiti sa labi ni Resty. He turned to Erikson. "W-what?"

Erikson gulped. "Callum..."

Kumurap lang ako at wala na ang dalawang lalaki. Naiwan akong tulala at naguguluhan. Who is
back? Bakit parang natataranta si Erikson? Bakit gano'n na lang din ang reaction ni Resty? Why
did Erikson ask if Brix is here? What's going on?

What's this now?

Dumiretso na lang din ako sa kwarto ko. Kumuha ako ng maliit na bag. Pumili ako ng mga damit
na kakasya sa loob. Naglagay din ako ng supot ng dugo sa loob para kung sakaling kailanganin
namin. Hindi naalis sa isipan ko ang nangyari kanina.

"Who the hell is Callum?" I asked myself.

"Did I just hear my name?"

Napatayo ako at hinarap ang nagsalita. Isang hindi kilalang lalaki ang ngayon ay nakatayo sa gilid
ng pinto ng kwarto ko. May hawak itong mansanas at hinahagis-hagis sa era. Kulang pula ang
buhok niya.

"I don't think I was hallucinating. I really heard you called me."

Nakangiting pumasok ito sa kwarto ko at umupo sa kama. He was looking at me with a smirk on
his face. Kumagat ito sa mansanas bago mahinang tumawa.

"I forgot to introduce my name." He chewed his food before he stood up. "I am Callum. They call
me Freak, but you can't call me that. Callum is enough. It's a pleasure to meet you. Lady Astra...
finally."

"Get out," I said.

Kumurap-kurap ang kanyang mga mata at natigilan sa pagnguya. Ilang sandali pa ay sumabog ito
sa pagtawa. Napahiga ito sa kama at halos gumulong sa sobrang tawa.

Hindi nagbago ang pagkaseryoso ng mukha ko. I have a bad feeling for this guy and I don't like it.

"Y-you are funny..." he said in between of laugh. Umupo ito muli at tumingin sa akin. "Brixton didn't
change after all. He is still into this kind of personality – bold and fearless. That suits you well
though. You look feisty." He bit his bottom lip.

"I don't know you. Get out now," I said again.

Resty and Erikson appeared out of nowhere. Parehong masama ang tingin nila kay Callum.

Just like that, too, Callum's teasing smile faded. "Kararating ko lang mga pagmumukha niyo na
agad ang makikita ko. Give me a break, Mr. Escariaga and Nadija."

"Leave her alone," said Erikson.

"Uh, nah." Callum shook his head. Muli itong kumagat sa mansanas at bumaling sa akin. "She's
interesting. She somehow reminds me of that jerk. Eskelle."

In just a blink of an eye, nakalapit si Resty kay Callum at sinakal ito. Imbes na masindak kay Resty
ay nagawa pa nitong ngumisi. He spit the apple out of his mouth.

Resty's eyes turned into red. "Hindi ka na dapat bumalik, Callum. You should have stayed where
you were," he threatened, showing his sharp fangs.

"Is this how you should greet your old friend, huh?" pang-aasar pa ni Callum. "Kung may problema
ka sa pagbabalik ko, bakit hindi kayo kay Lord Severo magreklamo?"

"W-what?" asked Resty.

Tinulak siya ni Callum kaya nabitiwan siya nito. "Rude. Are you scared?"

"Si Papa ang nag pagbalik sa 'yo?" Napatingin kami sa bagong dating. Si Oscar na nakatinging
diretso kay Callum. "Is that it, Callum? Si Papa?"

Callum cleared his throat. "It's nice to see you again, Leader."

"We are not," said Resty.


"It's payback time," said Callum.

Nakita ko kung paano mabahala ang tatlo. Sila Resty... Erikson... at Oscar. Nasindak sila dahil sa
sinabi ni Callum na ngayon ay natatawa sa reaskyon nila.

What's happening?

Callum walked towards Oscar. "Master Oscar... I came back to clear my name. You painted me as
the villain in this story. No. Master Brixton needs to know—"

Oscar grabbed him on his neck. "Huwag tayo rito mag-usap..."

"Huwag niyo nang idamay si Astra," ani Erikson. "Please. Wala siyang kinalaman dito."

Lumapit sa akin si Resty at hinawakan ako sa braso. "Sumama ka muna sa akin, Astra—"

"No," putol ko. "I-I want to know..."

"Astra!" si Erikson. "Please? Don't let yourself get involved."

I shook my head. Umatras ako at nanatili sa aking pwesto.

"Well..." Callum laughed. "Where should we start?"

"Enough," madiin na sambit ni Oscar. Napatitig ako sa kanya. Kahit na nakalabas na ang mga
pangil niya at iba na rin ang kulay ng kanyang mga mata... hindi no'n nabura ang takot sa kanya.

What did you do, Oscar?

"Listen, Astra..."

"Callum!"

"You see these vampires?" pagpapatuloy ni Callum, hindi alintana ang mga babala. "You think
they are good? Well, they are. They are good to everyone except to Brixton."

Resty punched the wall. Narinig ang pagdagundong no'n. Nagmura pa ito.

"They betrayed Brixton. They tried to kill him. They are the reason why Brixton is a mess right
now. All of them..." Ramdam ko ang galit sa boses ni Callum. "Everyone turned their back on him!
Including his father! And... Brix doesn't know yet."
Napako ako sa kinatatayuan ko.

What?

Ilang sandali akong natulala bago nabalik sa huwisyo.

"Wait..." Huminga ako nang malalim. "I need to go now."

"A-Astra..."

Nilagpasan ko si Erikson.

Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng mansion. Basta ang alam ko lang ay nakaharap na
ngayon ako kay Servena. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko pero sinakyan ko
'yon.

It was like as if my body knew how to ride a horse. I did it. Smooth. Dinala ko ang sarili ko sa
ranch. My tears... I have tears in my eyes. My hands... they are shaking.

Hindi ko alam kung paano pahintuin ang kabayo. I tried to pull the rope but it didn't stop. Nawala
ang balanse ko kaya nahulog ako. Bumagsak ako sa damuhan.

Hindi ako bumangon.

Napatitig ako sa kulay asul na kalangitan.

What?

How did that happen?

Alam ba 'to ni Brixton? Bakit parang hindi? Kung hindi man, hindi ko alam kung dapat niyang
malaman. It will totally wreck him. I'm afraid for what might happen. But... he deserves to know the
truth – the truth that wrecked his life.

Suminghap ako at hinawi ang mga luha sa mata.

Alam kong pinangako ko sa sariling hindi na makikialam pa. Pinangako ko sa sariling hindi na
gagawa pa ng kung ano mang maaaring magpahamak sa akin. Pero... galit. Ramdam ko ang galit
na hindi ko dapat nararamdaman. Wala akong kinalaman pero sobra akong apektado.
Did they really betray Brix?

Why would they do that?

Sa sobrang gulo ng utak ko ay nanatili na lang ako sa ranch. Hindi na ako nakakain ng tanghalian.
Hindi ko nga napansin ang oras dahil sa dami ng iniisip ko. Parang kumurap lang ako ay madilim
na.

Bumangon na rin ako. I need to go back now. Baka nakabalik na rin si Brix.

Hindi na ako gumamit ng kabayo. Tinakbo ko na lang ang daan pabalik. Medyo malayo kaya
hingal na hingal ako pagkabalik sa mansion. Ang bigat ng pakiramdam ko.

Naabutan ko sina Erikson at Oscar sa bungad. Halatang may hinihintay. Napaayo ang tayo nila
nang makita ako. Nag-alangan pa ang dalawa kung kakausapin ako.

"S-saan ka galing, Astra?" tanong ni Erikson. "We were worried. You okay?"

"Nakabalik na ba si Brix?" tanong ko.

"Baka mamaya kaunti," si Oscar ang sumagot. "Can we talk? Please?"

Imbes na sagutin ay nilagpasan ko na lang sila. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa kwarto.
Alam kong nakasunod sila sa akin kaya agad kong sinarado ang pinto at kinandado ito.

Kinuha ko ang bag ko at inayos ang aking mga gamit. Pagkatapos ay naligo ako uli.

Habang wala si Brix ay nanatili ako sa loob ng kwarto ko. Hindi ako lumabas dahil baka
naghihintay pa rin sina Erikson at Oscar. Ayoko muna silang makausap. Hindi ko pa alam kung
ano ang sasabihin ko. Naguguluhan pa rin ako.

I was just lying in my bed the whole time until some knocked on the door. "Astra? You there?"

It was Brix.

Mabilis akong tumayo at pinagbuksan siya ng pinto. Bumungad sa akin ang nakakunot niyang
kilay. "Sabi ni Oscar ay hindi ka pa raw kumain? Why?"

"I'm still full. Saka... excited kasi ako sa mission." Tumawa ako.

"Really What's so exciting about this?" pagsusungit niya. "Okay then. I'll wait outside."
"Aalis na tayo?" manghang tanong ko.

"Yeah." Saka na niya sinarado uli ang pinto.

Napapikit ako dahil pabagsak ang pagsara niya.

Mabilis akong nagbihis at sinabit sa likod ko ang bag. Nakaramdam ako ng gutom kaya minabuti
ko munang pumunta sa dining hall para kumuha ng mansanas. Mabuti na lang at hindi ko
nakasalubong ang dalawa.

Paalis na sana ako nang may marinig na mga bulong. Sumilip ako sa isang pasilyo. Kumunot ang
noo ko nang makita si Callum. Nakaluhod ito habang kausap si Lord Severo.

"I did it, Milord..." said Callum.

"Good. You can leave now."

Bago pa ako mahuli ay nauna na rin akong umalis.

Wala sa sariling napangiti ako.

"What a bunch of bullshits," I whispered, gritting my teeth in anger.

Naabutan ko si Brix sa labas. Hawak niya ang lubid ni Servena. Mukhang ito ang gagamitin namin
sa paglalakbay. Mas lalo tuloy akong na-excite.

"Ginamit mo ba si Servena?" tanong ni Brix.

Natawa ako. Naalala ko bigla nung gulat na gulat itong may pangalan ang aso naming si Tati.
Ngayon ay may pangalan na rin ang kanyang kabayo.

"I tried... sorry," sagot ko.

"I knew it. Ikaw lang naman ang may lakas ng loob na gamitin ang mga pag-aari ko," aniya.

Pinansin ko ang suot niya. Itim na jacket na tinernohan ng itim din na pantalon. Nakasuot din ang
kulay itim na sombrero sa ulo niya. He looked like a knight in black.

Nauna siyang sumakay sa kabayo bago naglahad ng kamay sa akin.

Hindi ako agad nakakilos. Napatitig ako sa kanyang mukha.


"What?" he asked.

"You look good," I complimented.

"Should I compliment you back?" he arched his brows.

I shook my head. Tinanggap ko ang kanyang kamay at sumakay ako sa likod ng kabayo. Malakas
ang pintig sa dibdib ko. Naka-jacket din naman ako pero ramdam ko pa rin ang lamig.

"You ready?" he asked.

I wrapped my arms around his waist.

"Always for you, Master Brix."


Chapter 45

Chapter 45: Bad idea

It was all good until I've realized where we were heading to. Umasa akong ang daan namin ay sa
masukal o mapunong lugar dahil kabayo ang dala ni Brix at hindi kotse.

"Sigurado kang dito ang daan, Brix?" tanong ko baka sakaling may iba siyang plano.

"What?"

"Magkakabayo tayo sa highway?" hindi makapaniwalang tanong ko.

He laughed. "So?"

"Seryoso ka ba?" Nag-umpisa na akong mataranta dahil mukhang hindi siya nagbibiro. "Pwede ba
'to sa highway na puno ng mga modernong sasakyan?"

Mas lumakas ang pagtawa nito, hindi alintana ang pangamba ko. "This is not really our destination
but you lied. Hindi ka pa kumain kaya kakain muna tayo. Malayo-layo ang destinasyon natin."

Lumunok ako. "B-balik na lang tayo sa Mansion..."

"Too late..."

Lumabas na kami sa highway. Shit.

Sinandal ko na lang ang ulo ko sa likod ni Brix dahil nahihiya ako. Hindi ba nahihiya si Brix?
Parang galing kami sa isang hystorical movie from the past na biglang napadpad sa kasalukuyan.

"Where do you want to eat?" asked Brix.

"Kahit saan. Basta malapit."

Napapikit ako nang may bumusina sa likod namin.

Nakapikit ako hanggang sa naramdaman kong tumigil na ang kabayo. Pagkamulat ko ng mga
mata ay nasa parking lot na kami ng isang restaurant. Puro mga sasakyang tulad ng kotse
syempre ang narito at ito kami... kabayo.

Hinampas ko sa braso si Brix. "Shit! Nakakahiya."


Nauna na akong bumaba kay Brix. Mabuti na lang at gabi na ngayon kaya kung may nakakita
man sa amin ay hindi kami matatandaan. Pinanuod kong itali ni Brix si Servena sa malapit na
puno.

Bumaling siya sa akin pagkatapos. Inayos nito ang kanyang jacket.

"Why did you lie?" tanong niya.

"I did not." Halos mapairap ako. "Tinanong mo ako kung kumain na ako at ang sinagot ko sa 'yo
ay busog ako. Wala akong sinabing kumain na ako. Okay?"

"Kaya pala kumalam ang sikmura mo kanina," aniya.

Nanlumo ako. "T-talaga?"

He nodded. "That's when I realized you were lying. Why? Bakit ka nagkulong sa kwarto? Did
something happen?" naging mapanuri ang kanyang tingin. Bumuntonghininga ito na tila pagod na
sa akin. "What did you do this time?"

Sa halip na sumagot ay tinalikuran ko na siya at nag-umpisang pumasok sa restaurant. Sumunod


naman ito agad. Sinalubong kami ng isang waiter na nag-assist sa amin sa lamesa na
pangdalawahan. Inabutan kami ng menu book.

"Can I take your orders now, Ma'am, Sir?"

Nahihiya man ay marami na rin ang in-order ko. Sa totoo lang kasi ay gutom na gutom na ako.
Hindi ko nakain ang mansanas na kinuha ko. Gano'n din naman si Brix.

"So..." Pinagsalikop ni Brix ang kanyang mga daliri sa ibabaw ng lamesa. "You didn't answer my
question yet. Bakit nagkulong ka sa kwarto? Ano ang ginawa mo?"

Lumunok ako. "C-Callum is back..."

"So? The Freak freaked you out?" He furrowed those thick brows.

"What happened to him?" tanong ko. "Ayon sa narinig ko ay mukhang may ginawang hindi
maganda 'yung lalaki?"

He shook his head as he let out a heavy sigh. "False accusations. It's good that he's back though.
At least he has the balls to show up now. What about it?"
"False accusations?" takang tanong ko.

"You won't understand."

"It has something to do with you, right?" I asked again. I was being careful with my words that it's
hard to point out what I really wanted to ask. "Oscar, Resty and Erikson. They are involved, aren't
they?"

Bumali ang leeg nito. "Mukhang mas marami na ang alam mo kesa sa naiisip ko ah? What a
curious cat. Be careful. Too much information isn't good for anyone."

Huminga ako nang malalim bago tumango. Iniiwasan niya ang tanong ko. "Oo nga pala. Sabi ni
Lord Severo ay kailangan nating makabalik bago mag-umpisa ang Unus."

"Oh, that?" Napaisip si Brix. "I am not sure. Pero makakahabol naman siguro tayo bago
magtapos."

"Masyado bang malayo?"

Umiling siya.

"You are with me, the only reason why I do things faster than the usual," diretsong sagot nito.
Walang dating sa kanya 'yon pero sobra para sa akin. "That means I can prolong my comeback.
Why?"

Umiling ako.

Nagtaas ito uli ng kilay. "You aren't thinking of Mr. Escariaga, are you?"

"Kawawa kasi siya. Wala siyang katulong para sa paghahanda—"

"At ako hindi?" putol niya. Sumama ang tingin nito sa akin.

Napatikhim ako. "Hindi ka naman mukhang kawawa—"

"Mas kawawa ako, hindi mo ba nakikita?" putol niya sa akin. "He's just there to prepare for that
damn celebration while I am away ang doing more dangerous things."

Nawalan ako ng mga salita. That's not what I meant.

Mapaklang tumawa si Brix. "I don't want to talk about this anymore. Wala kang ibang babanggiting
pangalan kung hindi ang pangalan ko habang kasama mo ako."

I let out a heavy sigh. "Okay, Master Brix..."

Mabuti na lang at dumating na ang order namin. Wala na kaming pansinan ni Brix. Para ngang
may competition sa pagitan namin na pabilisan ng pagkain e. Wala pang ilang minuto ay ubos na
namin ang mga order namin.

"Wrong move," ani Brix pagkatapos kumain. "Naparami kain ko. Baka antukin ako."

"I know how to ride a horse now," pagmamayabang ko. Nagsalin ako ng alak sa dalawang baso at
inabot sa kanya ang isa. "Sinakyan ko na nga kanina ang kabayo mo."

"She has a name now." He took a sip on his drink.

Uminom din ako sa alak na hawak ko. "Will you let me ride her? Ikaw ang pasahero ko no'n."

"Uhm." Pinaningkitan niya ako ng tingin. "I don't know. I'm not really comfortable when someone
else is riding her. Ikaw pa lang ang sumakay sa kanya maliban sa akin."

I burped. "You choice."

"Gross." He looked at me in disgust. "Kaya ko namang matulog nang ilang araw. I don't trust you."

"Well. Bahala ka..."

May lumapit sa aming waiter. Medyo nag-aalangan pa nga ito kung lalapit ba siya o aalis na lang.
"Excuse me. Sa inyo po ba 'yung kabayo sa parking lot?" nahihiyang tanong nito.

Napatikhim ako at agad na yumuko.

"Why? Did you touch her?" dinig kong tanong ni Brix.

"N-not really, Sir. Pero... pwede po ba namin siyang ilipat sa ibang pwesto?" magalang na tanong
ng waiter. "We will make sure she will be safe and unharmed."

"No need. Aalis na rin kami." Nakita kong naglabas ng card si Brix sa kanyang bulsa at nilagay
'yon sa ibabaw ng lamesa. "Keep the card here. Babalikan ko na lang. Let's go, Astra."

Tumayo na rin ako.


"Who owned that fucking horse on the parking lot?!" There's this guy suddenly popped in the
scene. Kita mo ang tindi ng galit nito sa namumula niyang mukha. "Dinumihan niya ang sasakyan
kong bagong linis!"

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko habang si Brix ay nakatingin lang din sa lalaki.

Lumapit ang waiter sa lalaking nagwawala para pakalmahin ito pero hindi ito nagpatinag. "I don't
care! Why would someone bring a fucking horse on parking lot?!" patuloy na pag-iingay ng lalaki.

"My mistake." Napangiwi ako nang sumagot na si Brix. Napunta sa kanya ang atensyon ng lalaki
at ng mga kumakain na naistorbo. "I should have brought Servena in here instead."

"Is it you?" the guy asked Brix. "You own that fucking horse?"

Hinawakan ko ang braso ni Brix para pakalmahin ito. "Umalis na lang tayo, Brix. Hayaan mo na
lang siya. Huwag mo nang patulan," pakiusap ko para hindi na lumala ito. Nakakahiya na rin sa
mga kumakain.

"Okay," sagot ni Brix. "I'm not going to waste my time on this human anyway..."

Nakahinga ako nang maluwang dahil pumayag agad si Brix. Lalagpasan na lang sana namin ang
lalaki nang bigla niya akong hinawakan sa braso. Napatalon pa ako sa gulat dahil sa ginawa niya.

"Pay for that," he said while looking at Brix.

Sinubukan kong alisin ang kamay ng lalaki sa pinakabanayad na paraan pero hindi ito nagpatinag.
Mas hinigpitan pa nga niya ang pagkakahawak na nakakasakit na.

"I said pay—"

"Hindi mo ako bibitiwan?" Gamit ang isa kong kamay ay sinakal ko siya. Mabilis naman na
nabitiwan niya ako kaya hinayaan ko na lang din siya.
"Good boy..."

I heard Brix chuckled. "Akala ko ba ay ayaw mo nang gulo?" he mumbled.

Hinila ko na si Brix palabas ng restaurant. Mabibigat ang hakbang ko dahil sa pagkairita. Why
would someone make such commotion over a small thing? Pwede naman niyang ipalinis uli!
It's embarrassing. Ito naman si Brix patawa-tawa lang.

"Hindi mo ako bibitiwan?" Brix mimicked my voice. "You looked like you were about to pull his
heart out of his chest. Ibang klase ka rin palang magalit."

"Kasalanan ng kabayo mo." Umirap ako.

Pinuntahan namin kung saan nakatali si Servena. Napangiwi ako nang makita ang kanyang dumi
sa harapan ng sasakyan ng lalaki. Oh. Kaya naman pala sobra siyang nangangalaiti.

"Gross..." I murmured.

Sumakay kami uli sa kabayo at lumabas na ng parking lot. Dumaan kami uli sa highway pero sa
pagkakataong ito ay hindi na ako nakakahiya. Mas nakakahiya ang nangyari sa restaurant.

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay pumasok na kami sa kakahuyan. Mabagal lang
ang pagpapatakbo ni Brix kay Servena. Bigla akong napahikab.

"Inaantok ka na?" dinig kong tanong ni Brix.

"Nope." Umayos ako ng upo. Masyado na akong nakasandal sa kanya. "Anyway... pwede ko bang
malaman kung ano ang mission? Is it bloody? Do I need to fight, too?"

"Expansionism," he responded. "To expand our wealth, alliance, territory and power. Sometimes,
invasion, too. Invasion only happens when both parties didn't agree on the same terms and
agreements. That's where the bloody part takes place. Of course, the result is always in favor of
us."

Okay. That was quite terrifying.

"But this mission is expansionism, right?" I asked, tensed.

"I can't say," aniya na tuluyang nagpakaba sa akin. "But Esparago Clan is just a small clan. If they
are well aware of what we can do, they won't hesitate to nod their heads and agree."

"And what if they are not?"

"Are you scared?"

"Of course," sagot ko naman. "Kahit na maliit na clan lang sila, mas malakas pa rin sila sa akin.
Ayokong makaabala sa 'yo sa mission na 'to. – Wait. May idea ako!"

"Ano na naman 'yan?" tamad na tanong nito.

"Iwan mo ako sa isang lugar tapos balikan mo na lang ako kapag tapos na," saad ko. "Hindi
naman ako aalis doon saka sandali ka lang naman, hindi ba?"

Mas binagalan niya ang pagpapatakbo kay Servena. Parang naglalakad na lang kami ngayon.

"Listen, Astra..." Seryoso na ngayon ang boses niya. "You won't leave my side no matter what.
When I said side..." Hinila niya ang braso ko kaya napayakap ako sa kanya. "This close."

There was this strange feeling crawling in my chest. Wait, is that my heartbeat? Ang akala ko ba
ay hindi na tumitibok ang puso ko pero... bakit nararamdaman ko ito ngayon?

"I promise not to kill anyone in this mission," he whispered. "If that's what worries you, then I won't.
Sisiguraduhin kong hindi dadanak ang dugo habang nasa tabi mo ako."

Fuck. My hearbeat. Am I being a human again?

"Brix..." Halos naging hangin lang ang mga salita ko. "Sabi mo huminto na sa pagtibok ang puso
ko? Bakit nararamdaman ko ito ngayon? Is this a good sign? Am I being a human again?"

He laughed. "Idiot. Not literally. You aren't origininally born vampire. You still have a heart. Good
for you. That's also what makes you weaker than the rest. Heart tends to interfere your life. So...
don't use it. It's useless."

I gulped. "T-that means... I can live without a heart, too?"

"I should have enrolled you to Junior Squad for you to learn things," he said, shaking his head. "I
don't want to spoil things to you. When we come back home, learn it yourself."

"Fine."

Tahimik na lang kami uli. Pigil na pigil ako sa paghikab. Habang palalim nang palalim ang gabi ay
papikit din nang papikit ang mga mata ko. Hindi na nga lang ako sumasandal kay Brix para kahit
papaano ay malabanan ko ang antok.

"Whoa!" Brix pulled both rein to halt the horse. Bumaba ito at may kinuha ito sa bag na nakasabit
kay Servena. Hinagis niya sa akin 'yon kaya tiningnan ko naman. Isang tela na may mga
pangkapit.
"What's this?" I asked.

Muling sumakay si Brix sa kabayo. "Wrap it around you," he ordered.

Naguguluhan man pero kinapit ko sa katawan ko ang tela. Napasinghap ako nang hilahin ni Brix
ang tali ng tela na nakapulupot sa katawan ko at tinali rin yong sa katawan niya. Ngayon ay
nakasandal na ako nang tuluyan sa likod niya.

"You can sleep now without worrying you might fall," he said and we continued going.

Napangiti ako. "Thank you..."

Yumakap ako sa kanya at pinahinga ang mga kamay ko sa kanyang hita. Hindi ko na kailangang
yuamakap nang mahigpit dahil nakatali na ako sa kanya. Hindi na ako mahuhulog.

"Are you good?" I asked.

"Go on and sleep."

Humikab ako bago sinandal ang ulo sa likod niya. Pinikit ko ang mga mata ko at hindi rin nagtagal
ay nakatulog ako. Nagising na lang ako nang maramdaman na magalaw ang sinasakyan namin.

Paakyat pala kami sa bundok. Madilim pa rin pero halatang pasikat na ang araw.

"Okay ka pa, Brix?" tanong ko.

"Yeah. Nakatulog ka talaga habang nakasakay sa kabayo. Ibang klase." Hindi ko alam kung
namamangha ba ito o nanunuya. "Do you want to stop first?"

"I-I'm thirsty..." sabi ko.

Hinito niya ang kabayo at inalis ang pagkakapulupot sa kanya ng telang nagdidikit sa aming
katawan. Bumaba siya at tinali ang kabayo sa puno. Nanatili akong nakasabay sa kabayo nang
ilabas ko sa bag ko ang dalawang supot ng dugo.

"Malayo pa ba?" tanong ko bago hinagis sa kanya ang isang supot.

"Yeah. Don't tell me you are tired? Kagigising mo lang."

Umiling ako. "Hindi. Ikaw?"

"Nah."
Inubos ko ang laman ng supot bago 'to tinapon. "Ako naman ang magpatakbo kay Servena tapos
ikaw ang matulog."

"I'm good. That doesn't sound like a good idea to me." Binitiwan niya rin ang supot nang maubos.
"Saka... ang likot ng mga kamay mo habang natutulog. Nagugulat na lang ako bigla mong
hahampasin ang hita ko."

Namula ang mukha ko sa sinabi niya. "Baka nanaginip akong nakasakay sa kabayo. Sabi ko kasi
ako naman ang magpatakbo kay Servena! Marunong naman ako."

Ngumisi ito. "Should I wrap that thing around you, too? So, I can sleep?"

Napalunok ako. "Ikaw bahala..."

Pumayag naman ito sa gusto ko. Ako na ngayon ang may hawak sa tali ni Servena at si Brix ang
nasa likod ko. Hindi naman niya tinali sa akin ang tela at hindi rin naman siya nakahawak sa akin.
Magaling naman siya sa pagbalanse kaya okay lang.

"Ganyan lang ang pagpapatakbo. Huwag mong bilisan ah?" paalala pa niya. "I'll just rest for a
while."

"Okay, Master Brix..."

Hindi na siya nagsalita. Sinilip ko siya sa likod ko. Tuwid ang upo niya. Nakapatong sa kanyang
mga hita ang dalawa niyang kamay habang nakapikit. Magaling talaga siya sa pagbalanse. Kahit
siguro bilisan ko ang pagpapatakbo ay hindi siya mahuhulog.

Ilang minuto ang lumipas ay naramdaman kong sumandal sa akin si Brix. Nakiliti ako nang
dumausdos sa bewang ko ang kanyang mga kamay. Pinahinga niya ang kanyang ulo sa balikat
ko.

Shit. Bigla akong kinabahan.

Parang nauubusan ako ng hininga. Dahil doon ay nawala ako sa konsentrasyon sa pagpapatakbo
kay Servena kaya nahila ko ang dalawang tali nito. Napahiyaw ako nang bigla itong tumakbo.

"Fuck! Pull back both reins!" utos ni Brix na nagising.

I tried to pull the reins but it didn't stop.

"Bitiwan mo ang mga tali!" ani Brix.


Pinakawalan ko ang kapit ko sa mga tali kaya nawala ang balanse ko. Napapikit ako nang
maramdaman kong nahulog na ako. Bumagsak ako sa lupa pero hindi ko naramdaman ang sakit.

Nagmulat ako ng mga mata. Ang mukha agad ni Brix ang sumalubong sa akin, masyadong
malapit ito sa mukha ko. Nakakawit sa katawan ko ang kanyang mga kamay at nakapatong ako
sa kanya.

Suminghap ako.

"W-what just happened?" I asked.

I swallowed hard when Brix moved his lips closer to my ears.

"You are a bad idea." He chuckled.


Chapter 46

Chapter 46: Rain

"Uhm. Baka gusto mo nang umalis sa ibabaw ko?" tanong ni Brix nung hindi ako kumilos.

I groaned and slowly pulled myself up. Pinagpagan ko ang sarili ko kahit na hindi ako ang
narumihan. Si Brix naman kasi ang bumagsak sa lupa at sumalo sa akin.

"Your horse never listens to me!" I complained to Brix who's currently brushing the dirt off his black
jacket. Pinansin ko si Servena na huminto rin sa hindi kalayuan at kasalukuyang kumakain ng
damo. "Ganito rin siya nung huli kong sinakyan! She doesn't like me."

"Now you are putting the blame on an innocent animal who is also a victim of your recklessness."
Brix quivered his head. "Ako na ang magpapatakbo kay Servena. Baka sa susunod ay sa bangin
na ang hantungan natin."

Hindi na lang ako nagsalita. Kung alam lang niya na siya ang dahilan kaya nawala ako sa
konsentrasyon. Why would he hug me all of a sudden? It startled the shit out of me!

It frustrates me at the same time.

Nilapitan ni Brix si Servena habang ako ay hindi kumilos. Sinuri nito ang mga parte ng katawan
nito, naghahanap ng pinsala dahil sa nangyari.

"She's not hurt," he said.

I almost rolled my eyes. Thank God! How about me? Isn't he going to check on me, too?

Damn. Here I am again.

Kalma...

I cleared my throat as I walked towards them. "Okay. Fine! Sorry na, Master Brix. Oo na. Hindi pa
ako gano'n kabihasa sa pagpapatakbo ng kabayo."

"Can we walk for a while?" Brix gazed at me. He looked so done of me. "She's not hurt, just kind of
startled."

Now... you are being sympathetic towards an animal.

Tumango ako. "It's okay."


Hawak ni Brix ang tali ni Servena habang naglalakad kami. Tahimik lang kami. Malayo ang tingin
ni Brix. Hindi ko maunawaan kung may iniisip ba siya o ano.

Bigla kong naalala ang nangyari sa loob ng Mansion... ang mga nalaman ko. Alam kong hindi
dapat pero... nakakaramdam ako ng lungkot para kay Brix. Bakit humantong sa gano'n ang lahat?

Ayon sa pagkakaintindi ko ay parte rin si Callum ng unang Junior Squad. He was under Socrates
Squad which was led by Oscar. That's why he called Oscar 'leader'. But... what happened?

"Kaibigan mo rin si Callum, hindi ba?" tanong ko kay Brix.

Wala akong nakuhang sagot kay Brix gaya ng inaasahan. Pero hindi ako nagpatinag.

"May nabanggit sa akin si Erikson tungkol sa Aristotle." Kinabahan ako sa binanggit ko pero wala
pa ring reaksyon si Brix. "You were the leader of that squad, right? While the other squad which is
Socrates was led by Oscar."

Napasinghap ako nang bigla akong tinulak ni Brix. Kasabay no'n ay ang pagbulusok ng isang
palaso na bumaon sa punong natamaan. Napaupo ako sa lupa at bahaghang natulala.

"Get up," utos ni Brix.

I was about to get up when Brix suddenly appeared beside me. Nahawakan niya agad ang palaso
na dapat ay tatama sa dibdib ko. Saka na niya ako hinila patayo.

"A-are we being targeted?" I asked, tensed.

Oh, God. Is this the start of this mission? Ibig bang sabihin nito ay napasok na namin ang teritorya
ng Esparago Clan?

"Let's continue walking," ani Brix na parang walang nangyari. "Ano nga ulit ang tanong mo?"

Mas dumikit na ako kay Brix dahil sa takot.

Lumunok ako. "H-ha? May tinatanong ba ako?"

"Yes."

I winced when I tried to remember it. "I can't remember. It doesn't matter anyway. Kinakabahan
ako. Nasa teritoryo na ba tayo ng Esparago Clan? Are they targeting us now?"

"No," he simply held.

Ibig sabihin no'n ay ibang mga bampira ang umaatake sa amin. Malakas na ang kalabog sa dibdib
ko pero si Brix ay kalmado pa ring naglalakad.

"Brix... are they bad vampires?" pabulong kong tanong.

Natawa siya. "Do you really think they won't hear you by whispering?"

"Naririnig nila ako?" bulong ko.

"Loud and clear." He let out a breathe. "Don't worry. I can only sense one vampire. I don't think
he's dumb enough to show up in front me. He's just going to target us from a far. So... stay close
to me."

Humawak na ako sa tela ng jacket ni Brix gaya ng sinabi niya. Napatalon pa ako sa gulat nang
akbayan niya ako. "I don't think I am the target, Astra. Stay close to me now," bulong niya.

My knees were quivering now. Hindi pa ako sumabak sa totoong laban, paano pa kaya ito? We
are being targeted using an arrow. I don't even know how to use it, what more to avoid the hit?

"Wait..." Pahina nang pahina ang boses ko. "Ano'ng ibig mong sabihin, Brix? Ako lang ang target?
Hindi ikaw? Paano naman nangyari 'yon? Wala akong kaaway."

"Uhm. Parang gano'n na nga. They usually target first the most vulnerable one. He knew you are
not just vulnerable. You are something lower than that."

"Stop teasing! Pero... ililigtas mo naman ako, hindi ba?" I was starting to panic now. "Right, Brix?
Hindi mo naman ako pababayaan, hindi ba?"

"Hindi pa ako nakatulog. Binulabog mo pa nga ang pag-idlip ko," aniya bago bumuntonghininga.
"Nanghihina na ako. I'm sorry, Astra. Mukhang hanggang dito ka na lang."

Kinurot ko ang tagiliran niya na ikinaigtad nito. "Stop playing around! Hindi ka ba naaawa sa akin?
Hindi na nga kita inaaway, hindi ba? I'm being an obedient slave to you!"

"Really?" Bumaling siya sa akin at nagtaas ng mga kilay. "If so, why can't I feel it?"

"Brix naman, e!" Para na akong batang nagdadabog pero pinagtatawanan lang niya ako. "Basta.
Bahala ka. Hindi na ako aalis sa tabi mo."
Hindi na nga ako umalis sa tabi ni Brix. Sa tuwing luluwagan niya ang pagkakaakbay sa akin ay
hihilahin ko naman ang braso niya pabalik. Tuwang-tuwa pa ito. Kaasar!

"One... two... three!" Brix suddenly pulled me and we exchanged positions. Napahawak ako kay
Servena at napaatras nang makita ang mga palaso na papunta sa direksyon namin... ko.

"Shit!" I cursed.

"Four arrows at the same time," ani Brix nang mahuli lahat ng mga palaso gamit lang ang kanyang
isang kamay. Sobrang bilis ng mga kamay niya. "Cool. This one is a skilled vampire."

"R-really?"

Brix turned to me as he showed me the arrows. "You see? Madaplisan ka lang nito ay manghihina
ka agad," aniya bago binitiwan ang mga palaso. "This asshole is an archer. Don't let your guard
down."

I took one of the arrows using my unsteady hand.

"What are you going to do with that?" he asked.

I swallowed the lump in my throat. "Just in case I have no choice but to fight, too."

Napailing na lang ito. "That's useless without a bow, idiot. What are you going to do with that? Run
towards him and stab it in his chest like what you tried to do to me?"

"Basta!"

"Anyway... I think we should ride Servena now."

"Whoa. Cool idea!" I commended, sarcastically.

Sumakay na si Brix sa kabayo at gano'n din ako. Yumakap ako agad sa kanya. Ayokong mahulog
dahil baka maiwan ako. Malay ko ba kung babalikan pa ako ni Brix.

"Your arrow..." puna ni Brix sa palaso na hawak ko. Nakatutok sa kanya 'yon dahil nakayakap ako
sa kanya. Mabilis ko namang inayos ang pagkakahawak doon. "Baka ikaw pa mismo makatama
sa akin. Bitiwan mo na nga 'yan."
"No. I need this. Go now!"

"Obedient your face..." he murmured.

We started to go faster with the help of Servena. Gano'n pa man ay ramdam kong nakakasunod
sa bilis namin ang kung sino mang umaatake. Switching branches to branches as falling leaves as
his footsteps – Brix didn't lie when he said this man is skilled.

"He's following us, Brix," I said, feeling the pressure now. "What should we do?"

"You go first."

"What?"

"In the count of three... take over the rein," Brix commanded. "Go as far as you can, Astra. Don't
stop. Don't worry, I'll make sure to find you. Okay?"

The anxiety I was feeling rose up in a level that I didn't know was possible. "W-what? You can't be
serious, Brix! You know what happened—"

"One..." He started to count.

"Brix! Hindi ako marunong—"

"Two..." he continued.

I bit my bottom lip. "Okay. Find me, please? I trust you."

"Three!"

I held the reins as soon as he jumped off the horse. Mabilis siyang nawala sa paningin ko. Gano'n
pa man ay minabuti kong mag-focus na lang sa pagtatakbo sa kabayo. Hindi ko alam saan
patungo 'tong daan pero bahala na.

I pushed the horse at a speed I've never experienced before, not even with Brix. I need to hurry
and get away as far as I can – that's what I should do.

So... I didn't stop with that speed. Ilang minuto na rin akong tumatakbo at ilang minuto na ring wala
si Brix. Hindi ko na rin ramdam na may nakasunod sa akin.

I think I did it. Nakalayo na ako pero... hindi ko alam kung nasaan na akong parte ng kakahuyan.
I pulled both reins and finally, I managed to halt Servena. Lumingon ako sa paligid,
nagbabakasakaling nakahabol si Brix pero wala. I can't even feel him.

"Brix?" I called his name.

When I didn't get a response, that's when I found out... I really made it this far. Is that good?

Muli kong pinakiramdaman ang paligid. Wala akong nararamdamang banta kaya bumaba ako sa
kabayo. Tinali ko ito sa puno para hindi siya makalayo.

Tumingala ako sa mga matataas na puno. Brix will be here soon. He gave me his words.

Umupo ako sa ilalim ng puno para magpahinga. Ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko. That
was intense! Dati ay sa movie ko lang nakikita pero ngayon ay nangyari na rin sa akin.

I let out a heavy sigh.

I stared at the arrow I took. It has a greenish slime covering its arrow point – that's what I think is
the poison that can weaken anyone who gets hit. I can smell the toxic but there's this small portion
of its smell that bothers me.

Inamoy ko ang ibang parte nito. The nock part or its tail part smells familiar. Ito ang hinawakan
nung lalaking pumuntirya sa amin kaya malamang na dumikit din ang amoy niya rito.

Wait. The smell is really familiar. Alam kong naamoy ko na ito.

I heard a gushing water somewhere. Tumayo ako at sinundan ang tunog. Dinala ako ng mga paa
ko sa isang sapa. Malakas ang agos at malinaw ang tubig.

Tila napawi ang pagod ko dahil sa tanawin.

Binalikan ko si Servena at dinala ito sa sapa para makainom siya ng tubig. Sinigurado kong
nakatali siya sa malaking bato para hindi siya makalayo.

Umupo ako sa isang bato at binuksan ang bag ko. Kinuha ko ang natitirang isang supot ng dugo
at ininom 'yon. Nung maubos ay saka ko lang napagtanto na hindi ko natirahan si Brix.

Pinaagos ko sa tubig ang supot ng dugo. Hinawakan ko ang tubig. Naibsan ang init na
nararamdaman ko nang madaplisan ng malamig na tubig.
Naghilamos ako ng mukha para mahimasmasan. Hinubad ko na rin ang jacket ko para mas
gumaan ang pakiramdam ko. Naglinis ako ng mga braso at nagtali ng buhok.

Ang dami ko nang nagawa pero wala pa rin si Brix.

He's not going to leave me in this place alone. I know. Fuck. He can but he won't.

No. He will come for me.

Nakarinig ako ng lagaslas kaya kinabahan ako uli. Paglingon ko kay Servena ay patakbo na ito sa
loob ng mapunong bahagi. Shit! Hindi ko siya natali nang mabuti!

Mabilis kong binitbit ang bag ko para habulin siya. I wasn't taught how to go from branches to
branches but I did it! It could be because of the adrenaline rush.

"Servena!" I called her name like as if she would listen to me. "Whoa! Whoa! Stop! Whoa!"

She was slipping away!

I screamed when I fell off the branch I was stepping on. Niragasa ko ang mga ibang sanga sa
ilalim bago bumagsak sa lupa. Mabilis pa rin akong bumangon at sinundan si Servena.

"Fuck!" I cussed out of frustration.

I can't lose her. Baka magalit si Brix. I know how much she means to him.

Panting heavily, I stopped when Servena was out of my sight already. Nagpalinga-linga pa ako sa
paligid, naghahanap ng bakas kung saan siya dumiretso pero bigo ako.

"Shit! Shit!" I started to panic again. "I need to find her. I need to find her."

Hindi ko alam kung saang direksyon pumunta si Servena. Dumiretso na lang ako uli sa pagtakbo.
Umakyat uli ako sa mga sanga ng puno pero sa pagkakataong ito ay mas mataas na. Baka
sakaling matanaw ko si Servena.

Bumalik ang pag-asa ko nang magtagumpay akong matanaw ito. Patuloy pa rin siya sa pagtakbo.
Kahit na hindi ko siya mapantayan sa bilis ay siniguro ko na lang na hindi siya mawawala sa
paningin ko.

She will stop when she gets tired. I just need to keep an eye on her.

Napatingala ako nang may pumatak na tubig... hanggang sa nag-unahan na ang mga malalaking
patak ng ulan. Naging mas mahirap sa akin ang pag-apak sa mga sanga dahil madulas.

This is bad.

I need to outrun her or else I will totally lose her. It starting to get foggy.

Bagsak na ang buhok ko at sumikip na rin ang damit ko dahil basang-basa na ng ulan. Gamit ang
natitirang bilis ko ay sinubukan ko na talaga siyang mahabol pero bigo pa rin ako.

"Ah!" I sceamed when I fell off the tree again. Gumulong ako sa putikan at naramdaman kong
tumama ang siko ko sa bato. I winced when I felt the impact.

I crawled up just to find out... I totally lost her.

I bit my bottom lip. Naramdaman kong dumausdos sa pisngi ko ang mainit na likido. Oh, God. I
lost Servena. Si Brix na nga ang nagpaiwan para lumaban at ito na lang ang tanging gagawin ko
ay nabigo pa ako.

"What a disappointment," I mumbled.

Pinasadahan ko ng tingin ang putik sa katawan ko. Maging ang bag ko ay basa na rin ng ulan.
Sobrang dumi ko na. Hindi dapat ganito kabigat sa dibdib kung hindi ko lang nawala si Servena.

Napaupo na lang ako sa putikan. Pagod na ako.

Nanginig ako nang umihip ang hangin. Malakas pa rin ang ulan na sinabayan ng kulog at kidlat. It
starting to get foggy. Mas lalo akong mahihirapang mahanap si Servena.

I feel sorry for Brix. I lost his horse.

Pero... nasasaktan din ako dahil baka kung ano ang mangyari kay Servena. Baka nadulas siya at
napilayan. Baka atakihin siya ng mga asong lobo. O baka mahulog siya sa bangin.

I started to sob.

I'm losing hope.

No. I still need to find her.

Tumayo ako at naglakad na lang. Baka huminto na rin 'yon sa pagtakbo.

"Servena!" I called her name. Mabilis na natatabunan ng ulan at hangin ang boses ko. "Shit! Hindi
ka na nga sumusunod sa akin tapos iiwanan mo pa ako?! Hayop ka!"

My lips quivered. Fuck. Am I going insane?

I just managed to take a few steps before my knees collapsed. Still, I find my way up. Slowly
walking, I heard footsteps coming on my direction.

"S-Servena?" Nabuhayan ako ng loob.

That's her footsteps!

Napahinto ako nang matanaw si Servena na tumatakbo palapit sa akin, nakasakay na sa kanya si
Brix. Bumuhos uli ang mga luha sa mata ko pero ngayon ay dahil na sa saya.

"Astra!" Hininto ni Brix si Servena saka ito tumalon at lumapit sa akin. "Let's go. Basang-basa ka
na."

Hinawakan ako ni Brix sa braso pero hinawi ko 'yon.

Nilagpasan ko siya at nilapitan si Servena. Napayakap ako sa kanya at saka na talaga ako
humagulgol.

"I thought I lost you..." I whispered in between of sobs. "I-I'm sorry, Servena."

"Hey. She's fine," said Brix.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap kay Servena. Walang patid ang paglabas ng luha sa mga mata
ko. Nanginginig pa rin ako pero dahil na lang ito sa lamig.

"I told you she's fine. Come on."

Naramdaman kong binuhat ako ni Brix at inakyat kay Servena. Saka siya sumakay sa likod ko.
Hinili niya ako at sinandal sa kanyang dibdib bago hinawakan ang lubid.

"I-is she really fine?" I asked.

"Yeah. How about you?"

Inumpisan na ni Brix na patakbuhin si Servena. Mas lalo akong nanginig dahil lumakas ang
hangin.

"Are you good?" asked Brix again.


I sniffed. "I'm just cold."

"Yeah. I can feel it."

I cried again.

"Hush. I'm here now..." he whispered.


Chapter 47

Chapter 47: Esparago Clan

Hininto ni Brix ang kabayo sa tabi ng sapa para makapaglinis muna kami ng katawan. Naputikan
din kasi si Servena dahil sa akin nung sumakay ako.

I took off my clothes except on my undergarment. Nasa hindi kalayuan naman sina Brix na ngayon
ay nakatalikod sa akin habang pinaliliguan si Servena. He was also topless and soaking wet.

Malakas pa rin ang buhos ng ulan kaya mas mataas ngayon ang tubig dito sa sapa. Naglinis ako
ng katawan at sinigurong wala nang putik sa katawan ko bago ko hinugasan ang mga damit ko.

"I found a cave nearby," said Brix from a distant. "We can stay there as we wait for the rain to stop.
Doon na rin siguro muna tayo para makapagpatuyo ng mga damit."

I shivered in the piercing blow of the wind. Nagmadali akong matapos maghugas ng mga damit
bago patakbong lumapit kina Brix at Servena na tapos na rin.

He looked at me. "You done?"

I blushed when I realized that I was just wearing underwear. Hindi ko naman kasi masusuot ang
damit ko dahil basa, mas lalo lang akong lalamigin.

I nodded. "P-punta na tayo sa yungib na sinasabi mo. Ang lamig na rito e."

Tumango rin ito bago hinila si Servena paahon sa tubig. Naunang sumakay si Brix bago naglahad
ng kamay sa kain. Tinanggap ko 'yon at sumakay sa kanyang likod. Nagdalawang-isip pa ako
kung hahawak ako sa katawan niyang hubad pero no'ng pinatakbo niya si Servena ay napayakap
din ako.

I was bitting my lower lip. Ramdam ko sa mga kamay ko ang tigas ng katawan niya. He doesn't
seem to care so I just shrugged it off. Ayoko namang mahulog at maputikan uli.

Naunang bumaba si Brix sa kabayo nung nasa harapan na kami ng kuwebang sinasabi niya.

"I'll just check first." Saka niya inabot sa akin ang tali ni Servena.

Pumasok siya sa loob para suriin ang lugar. Wala pang isang minuto ay lumabas na rin agad ito.
Hindi siya nagsalita. Hinawakan niya lang ang tali ni Servena at hinila kami papasok.

Bumaba ako kay Servena nang makapasok sa loob. Medyo naibsan ang lamig na nararamdaman
ko dahil mainit-init ang temperatura dito. Mabuti na lang at may mga tuyong kahoy rin dito sa
kuweba kaya nakagawa ng apoy si Brix.

"Hang your wet clothes here." Brix lent me a wooden stick "We need to hang it beside the fire so it
will dry quickly. Medyo mangangamoy usok nga lang."

Brix stood up and started to unzip his wet pants.

Mabilis na iniiwas ko ang tingin ko. Nilabas ko ang ilang damit kong nabasa sa loob ng bag at
sinampay 'yon sa kahoy na binigay ni Brix. Nang matapos ay inangat ko ang tingin ko.

"Here..." bigay ko kay Brix ang stick na may damit ko. Iwas na iwas akong tumingin sa ibaba niya
dahil naka-boxer shorts lang siya. "Huwag mo na lang ilapit sa apoy para hindi gaano mangamoy
usok."

Lumapit ako sa apoy para mas madama ang init. Niyakap ko ang mga tuhod ko habang
pinagmamasdan ang unti-unting pagkain ng apoy sa mga tuyong kahoy.

I could still hear the drain drops outside.

Naramdaman kong tumabi rin sa akin si Brix. Siniksik niya ang mga kahoy sa apoy para mas
sumiklab ang apoy. Kahit papaano ay naibsan ang panginginig na nararamdaman ko.

Suminghap ako. "M-malayo pa ba tayo?"

"Napalayo tayo," sagot nito bago umayos ng upo. Tumikhim siya. "You went too far. Mabuti na
lang at kasama mo si Servena kaya nahanap din kita agad. Kung hindi ay baka kinabukasan na
kita makita."

"At least you are still thinking of finding me." I chuckled.


"Yeah. For sure."
I took a glance of him. Diretso ang tingin nito sa apoy. Sa dibdib niya ay sumisilip ang maliit na
tattoo na letrang S. May iba pa siyang tattoo sa dibdib. Tumikhim ito kaya umiwas din ako agad ng
tingin.
"She's a woman," he suddenly said.
"The archer?" tanong ko, nakatutok ang tingin sa apoy.
"Yeah. She was covering her head but I managed to see the strand of her long hair. Mabilis siyang
tumakbo palayo. Hindi ko na sinundan dahil baka mas lalo lang akong mapalayo sa 'yo."
"Ah..." Iyon lang ang lumabas sa bibig ko.
"Are you hungry?"
Umiling ako. "Hindi pa naman..."
"I can get us some foods—"
"No," mabilis akong tumanggi. Pinatong ko sa tuhod ang aking baba habang pinagmamasdan pa
rin ang apoy. "Ayokong maiwang mag-isa rito. Baka bumalik 'yung babae. Stay here."
"Okay. Kapag tumila rin ang ulan ay aalis na tayo agad. Bago siguro lumubog ang araw ay
mararating na rin natin ang Esparago Clan."
"Ah. Malapit na rin pala."
Wala nang nagsalita sa amin matapos no'n. Binaliktad namin ang mga damit para matuyo ang
ibang parte nito. Tuyo na rin ang katawan ko pati ang undergarment na suot ko maliban sa aking
buhok.
Naramdaman kong nagtama ang mga braso namin ni Brix kaya bahagya akong umusog. Ilang
sandali pa ay naramdaman ko uli na nagtama ang mga braso namin pero alam kong sinadya na
niya.
"Do you want to hear our plan?" he asked.
"Sure!"
Ginatungan niya muna ang apoy bago bumalik sa tabi ko.
"Magkukunwari tayong naliligaw. Trese Clan. Iyon ang clan na sasabihin nating pinanggalingan
natin. We won't reveal our real identity for them to let us in. You can use your real name since they
don't know you. And I will use an alternative name. Esparago Clan is known for their hospitality,
getting in isn't that hard. Once we get in, I'll make the move."
Whoa. That was a clever idea.
"What am I going to do?" I asked, thrilled.
Tumingin sa akin si Brix kaya napalingon din ako. Kumunot ang noo nito. "Haven't I told you not to
leave my side? That's your task."
I pouted my lips. "But... I want to do something else. I want to be a part of the success of this
mission. This is my first time and it will really mean so much to me."
An astonished smile shaped on his lips. "Yeah. I think you are right." He chuckled, shaking his
head. "Damn. You are learning faster than I thought."
"Ow. You are complimenting me now." I couldn't help but to laugh.
"Uhm. I can't think of anything you can do right now. We will figure it out once we are already
there," he explained and I agreed. "But for now... stick on your first job. Don't leave my side."
I don't know what came in my mind and why I suddenly moved closer to him and looked at him
straight into his eyes. "This close, Master Brix?" I asked.
That smile on his lips vanished.
"A-ah..." Napangiwi ako. Shit.
Aatras na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. Napatitig ako uli sa kanyang mga mata
kung saan mapagmamasdan din ang repleksyon ng nagliliyab na apoy.

"Yeah." His adam's apple moved. "I want you to be always this close to me."

Mula sa kanyang mga mata ay bumaba ang aking tingin sa kanyang labi. Tila may pwersa na
humihila sa akin palapit sa mga 'yon. Hindi ko alam. Basta ang alam ko ay hinagkan ko na ang
kanyang mga labi.

He didn't respond to my kiss. Natigilan ako nang mapagtanto kung ano ang ginagawa ko.

I parted our lips. "S-sorry..."

Lalayo na rin sana ako nang mahawakan niya ang batok ko. Binalik niya ang pagkakadikit ng mga
labi namin pero sa pagkakataong ito ay tumugon na siya.

It feels like I am drowning while kissing him— like he's taking my breath away. I am not a kid nor
dumb enough to not realize what's this strange and looming feeling.

My tears fell down my eyes as I pushed him away. Tumayo ako at naglakad palayo. Mabigat ang
paghinga ko. Tumigil ako sa bungad ng yungib kung saan tanaw ko ang unti-unting pagtila ng
ulan.

No. I don't like this.

I sniffed as I wiped my tears. What should I do? This is wrong and we both know it.

I heard the echo of footsteps rushing towards my direction. Nanatili akong nakatalikod at
nakatingin sa mga patak ng ulan... hanggang sa naramdaman ko ang jacket na bumalot sa hubad
kongkatawan.

"Put your clothes on. I'll just check around," saad ni Brix bago ako nilagpasan at lumabas.
Nakadamit na ito ngayon. Lilingon pa sana siya sa akin pero tumalikod na ako at pumasok na uli
sa loob.

Trembling, I know that I messed up something.

Natuyo na ang mga damit ko kaya sinuot ko na ito. Isinalansan ko sa loob ng bag ang aking mga
gamit. Nang matapos ay umupo ako uli sa gilid ng apoy habang naghihintay kay Brix.

"Shit." I whispered, feeling the weight in my chest. "No. I don't want to end up like Celeste."

There's only one remedy to this abomination – be with someone else. Right. I need to focus on
Lord Severo when we come back. Pareho kaming makikinabang ni Brix sa gano'n.

Though I'm still hoping that this feeling is just caused by the cold weather.

Bumalik na rin si Brix at kinalas ang pagkakatali kay Servena. Tumayo ako nang apulahin niya
ang apoy gamit ang lupa. Ginawa niya ang mga 'yon nang hindi ako tinitingnan.

"Mukhang hindi titila ang ulan," aniya matapos mapatay ang apoy. "Ambon na lang din naman
kaya pwede na. We can't wait here any longer."

Suminghap ako. "Yeah. Mukha ngang hindi titila nang tuluyan ang ulan."

Sumakay na siya kay Servena. Hindi ko na siya hinayaang mag-abot ng kamay sa akin dahil
sumakay na rin ako agad. Imbes na yumakap ako sa kanya ay humawak na lang ako sa tela ng
kanyang jacket.

"Medyo madulas ang daan," ani Brix habang pinapalakad si Servena palabas ng yungib. "It's
better to clasp your arms around my body than to hold that jacket, Astra."

Wala na rin akong nagawa kung hindi ang yumakap sa kanya. Hindi mahigpit ang hawak ko sa
kanya kaya hinawakan niya ang mga braso ko at hinigpitan ito.

"Let's go..." he said.

The cold breeze caressed my bare skin the moment me stepped outside Ang putik sa daan ay
dumidikit sa mga sapatos ni Servena na nag-iiwan ng mga bakas. Sa mga luntiang daon din ay
may marka ng nagdaan na ulan.

Ilang oras kaming naglalakbay bago lumapag sa malinis na lugar, wala nang matatas na puno at
mga damo. Sa hindi kalayuan ay kitang-kita ang mga sulo.

"We're here..." said Brix.

Ang malaking tarangkahan na gawa sa kahoy ay binabantayan ng dalawang kawal na naging tatlo
nang matanaw kami. Agad na naglabas ng mga sandata ito.

"Maybe they are not that hospitable," I chuckled.

Si Brix ang bumaba sa kabayo para lumapit sa kanila. Hindi niya alintana ang mga matatalim na
espadang nakatutok sa kanya. Gano'n na siguro siya kabihasa sa mga ganitong eksena.

"Ano'ng clan ito?" tanong ni Brix. "Malakas ang ulan kanina kaya naligaw kami ng asawa ko.
Maaari ba kaming pumasok para magpalipas ng gabi?"

What?
"Saang pangkat kayo kabilang?" tanong ng isa sa kanila.

"Mula kami sa Trese Clan. Nasa ibang bahagi ng bundok 'yon. Kung papatuluyin niyo kami ay
ihahayag namin ito sa aming pinuno para bigyan kayo ng gantimpala." Nakangiti si Brix sa kanila.
'Yong ngiti na hindi ko madalas makita. "Pasensya na talaga sa abala. Buntis pa ang asawa ko
kaya kailangan talaga namin ng matutuluyan."

Namula ang mukha ko sa sinabi niya. He didn't inform me about this!

Nag-usap ang tatlong lalaki bago napagpasyahan na isangguni muna ito sa pinuno nila. Pumasok
ang isa sa tatlong kawal para maglathala. Lumapit naman sa akin si Brix.

"You heard me?" he asked.

Lumunok ako bago tumango. "Hindi mo sinabing ganito pala 'yon."

Tumawa ito. "Hindi ko rin naman alam. Basta na lang pumasok sa isipan ko."

Pagkabalik ng isang lalaki ay hinayaan na nila kaming makapasok sa loob. Binuksan nila ang
malaking tarangkahan para papasukin kami. Ang unang napansin ko ay ang mga sulo na
nakahilera sa daan papunta sa isang malaking bahay sa dulo.

There were trees surrounding the pathway. Sa pagpasok namin nang tuluyan ay natagpuan ko
ang pinakapayapang lugar sa mundo. Yari sa kawayan ang mga bahay at sa bawat sulok ay may
sulo. May mga naghahabulang bata.

Brix pulled the reign when a kid blocked our way. He looked up at us using those confused eyes.
"Ang ganda naman ng kasama mo, Kuya. Ako si Tegan—" Naputol ito sa pagsasalita nang
buhatin siya ng isang babae.

"Paumanhin sa abala..." Saka nahihiyang umalis ang babae.

Tumikhim ang isang kawal na naghahatid sa amin. "Hanggang dito na lang pwedeng pumasok
ang kabayo ninyo. Ako na ang bahala sa kanya," aniya.

Bumaba na kami ni Brix kay Servena saka nito inabot sa kawal ang tali ng alaga. "Kayo na ang
bahala sa kanya. Kung maaari ay pakilagay siya sa mainit-init na lugar."

"Sige. Dumiretso lang kayo. Naghihintay sa inyo si Ginang Melendez. Siya ang maghahatid sa
inyo sa pansamantalang tutuluyan niyo," saad pa ng kawal bago umalis kasama si Servena.
Hindi ako agad kumilos. Muli kong pinagmasdan ang lugar na ito.

"I could live here and I wouldn't even complain," I said.

Sinundan ko na si Brix nang maglakad ito. Gaya ng sinabi ng kawal ay sinalubong kami ng isang
babae na sa tingin ko ay si Ginang Melendez. Nakangiti ito sa amin.

"Kayo ba ang mga panauhin?" tanong nito sa amin.

"Kami nga po," sagot ko.

"Ako si Ginang Melendez. Maligayang pagdating si Asparago. Sumunod kayo sa akin. Ipapakita
ko sa inyo ang silid," aniya na ginawa naman namin.

Hinatid kami ni Ginang Melendez sa bahay na gawa rin sa mga kahoy. Sa loob no'n ay naabutan
namin ang isang lampara, banig na nakalatag at dalawang unan. May maliit na lamesa rin sa gilid.

"Dito muna kayo maninirahan," ani Ginang Melendez. "Ipahahatid ko na lang dito ang mga
pagkain niyo. Kung gusto niyong maglibot ay pwede naman. Huwag kayong matakot. Hindi kami
nananakit," biro pa niya.

Aalis na sana siya nang may sinabi si Brix. "Ginang Melendez, maaari ko bang makausap ang
pinuno ninyo? Gusto ko lang magpasalamat nang personal sa pagpapatuloy niya sa amin."

"Itatanong ko muna," sagot ng ginang.

"Maraming salamat po," ani Brix.

"Walang anuman. Ikukuha ko muna kayo ng makakain." Saka na lumabas ang ginang.

Umupo ako sa banig at hinaplos ang malambot na unan. Mainit-init ang temperatura dito. Ang
sarap sa pakiramdam. Mukhang mapapasarap ang tulog ko ngayong gabi.

Sumilip muna si Brix sa labas ng bintana bago 'yon sinarado. Saka siya umupo sa tabi ko.

"I told you, they are hospitable," aniya bago humiga sa hawak kong unan. "Masarap din ang mga
pagkain nila rito. Gusto mo bang maglibot mamaya?"

Tumango ako, iwas na iwas na bumaba ang tingin sa kanya.

"Uhm. Kumusta naman ang pakiramdam mo?" dinig kong tanong ni Brix.
"Ayos naman," sagot ko.

"Eh 'yung anak natin?"

Hinila ko ang unan na gamit niya at hinampas ito sa kanyang mukha. "Tumigil ka nga, Brix!
Nakakakilabot ang pinagsasabi mo!"

Tumawa ito nang malakas. Tuwang-tuwa talaga siya. Pansin kong hilig na niya akong asarin a.

"Hindi nakakatuwa..." bulong ko. "Hindi naman natin kailangang magpanggap 'pag walang
nakakakita."

Ramdam kong tila nasusunog ang mukha ko. Shit. Parang may kumikiliti sa tiyan ko.

"Wait." Umayos ng upo si Brix at saka humarap sa akin. "Alam ko na kung ano ang gagawin mo.
Hindi ba sabi mo ay gusto mo nang ibang gagawin?"

Mabilis na tumango ako. "Please? 'Yung medyo challenging."

"Yeah. For sure..."

"What is it?" tanong ko.

Napalunok ako nang bigla niyang nilapit ang mukha sa akin.

"Be a good wife to me..."

"Hindi ka titigil, Brix?"

Umiling ito. "Pwede pa bang maging kambal ang anak natin sa loob ng isang gabi?"

"Brix..."

Tumawa ito. "Fine. Titigil na..."

"Good." Nakahinga ako nang maluwag.

"Yeah. Baka kung mapaano pa anak natin."

"Brixton!"

Humalakhak ito.
Chapter 48

Join the Twitter discussion using our official hashtag: #LinkedSoulsWP

Enjoy reading!

***

Chapter 48: My Secret

Hindi pa sana titigil sa pang-aasar si Brixton kung hindi lang kumatok sa pinto si Ginang
Melendez. May kasama itong isang babae at pareho silang may dalang tray na naglalaman ng
mga pagkain. Pinatong nila 'yon sa ibabaw ng maliit na lamesa, sa tabi ng lampara.

"Isusunod namin ang alak," saad ni Ginang Melendez pagkatapos ayusin ang mga pagkain.
"Pagkatapos ninyong kumain ay pakilabas na lang 'tong lamesa para maipakuha namin ang
pinagkainan ninyo."

"Salamat, Ginang Melendez," si Brix na nakangiti pa rin.

Bumaling sa akin ang Ginang. "Ayon sa narinig ko ay buntis ka raw? Gusto mo pang magpatawag
ako ng manggagamot para suriin ang kalagayan mo?"

I gulped as I shook my head. "H-hindi naman po masama ang pakiramdam ko, Ginang Melendez.
Salamat na lang po." Tinakpan ko ng ngiti ang hiya na nararamdaman.

Ngayon ay nahihiya na talaga ako. Matapos niya kaming patuluyin at pagsilbihan ay


pagsisinungalingan lang namin siya. Meanwhile, Brix doesn't give a damn like as usual.
Nagagawa pa nga nitong tumawa.

"Sigurado ka?" tanong pa ni Ginang Melendez.

Umakbay sa akin si Brix. "Sa totoo lang ay hindi niya kailangan nang manggagamot, Ginang
Melendez. Ang kailangan niya ay init ng katawa ko—"

Pabiro kong kinurot sa tagiliran si Brix. Gago talaga 'to.

"Can you just shut up, please?" inis na bulong ko.

Damn. When did he become this loquacious? Sinapian ba siya ni Resty? Hindi na siya naiiba sa
kanya ngayon. They are both annoying and embarassing.
Natawa si Ginang Melendez sa kagagawan ni Brix. "Hay. Nakakatuwa naman kayong mag-asawa.
Mukhang mahal na mahal niyo ang isa't isa."

Nabilaukan ako sa sariling laway. Geez. This is awkward.

Natatawa lang si Brix sa pinaggagawa niya.

"Oh. Maiwan na muna namin kayo para makakain," saad ni Ginang Melendez bago naglakad na
palabas. Napahinto rin ito at muling tumingin sa amin. "Oo nga pala, Ginoong..."

"Sev," ani Brix.

"Ginoong Sev. Pinaunlakan ng pinuno na makita mo siya. Maaari kang pumunta sa bulwagan
pagkatapos kumain o bago matapos ang araw. Naghihintay lang sa 'yo si Pinunong Bermudo."

Nang makaalis ang dalawa ay hindi ako nag-atubiling lapitan ang mga pagkain. Sa amoy pa lang
nito ay alam kong masarap na. Kinuha ko ang isang tray at nilapag sa harapan ko.

"Damn. My wife is starving..."

"I have't eaten anything since last night," I said, ignoring what he just called me. Humigop ako sa
mainit na sabaw. Hindi nga nagsisinungaling si Brix dahil sabaw pa lang ay masarap ba. "Kumain
ka na lang din, Brix."

Kinuha ni Brix ang tray niya at nilapit sa akin. Ngayon ay magkatapat na kaming kumakain.
Nakayuko kami dahil hindi namin ginamit ang lamesa.

"If you want more, you can have mine," said Brix.

"Tama na sa akin 'to," sagot ko naman.

Tahimik lang kaming kumakain nang narinig ko ang mahinang pagtawa ni Brix. Umangat ang
tingin ko sa kanya. Humihigop siya ng sabaw habang nakangiti.

"Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan, Brix—"

"Sev," he cut me out. "Nothing. Kung nakita mo lang ang mukha mo kanina, matatawa ka rin. You
are not that good at acting. Bahala ka. Baka mabulilyaso ang plano natin."

Natigilan ako sa pagnguya. "What do you mean? Bakit naman ako ang makakasira sa plano
natin? I thought you already got this one? Sinabi mo 'yon sa akin."

Yeah. That's what he told me. Ang sabi niya ay wala naman akong gagawin kasi siya na ang
bahala. Well... maliban na lang sa sinabi niyang huwag akong aalis sa kanyang tabi.

"We are role playing here." He swallowed the food first. "Kapag nalaman nilang hindi ka buntis o
'di kita asawa, everything will go haywire. They will start to question our identity. If that happens, I
don't think I can still fulfill my promise not to shed a drop of blood."

Napatitig ako sa kanya. Muli siyang bumalik sa pagkain at iniwan akong lutang dahil sa mga sinabi
niya. Magsasalita pa lang sana ako nang may kumatok sa pinto.

Tumayo si Brix at pinagbuksan 'yon. Isang babae ang nag-abot sa amin ng isang bote ng alak at
umalis din naman agad. Bumalik sa pwesto si Brix at inabot ang dalawang baso ng alak.

"Seryoso? Kailangan talaga natin 'tong pagpapanggap?" tanong ko.

Gamit ang ngipin ay nabuksan ni Brix ang alak. Nagsalin ito sa dalawang baso at nilapag sa
harapan ko ang isa.

"Not necessary but since you don't want this mission to be an invasion, then you should," he said
as he sipped on his drink. "That's your choice though. Hindi rin naman ako sanay sa ganito. Mas
gusto ko ang mabilis na paraan."

Kinuha ko ang sinalin niyang alak sa baso at uminom. Nakatitig ako kay Brix na halatang seryoso
talaga. Hindi naman mahirap sa akin ang magpanggap... pero hindi ako kumportable lalo na at
kilala ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko.

"Pero... kahit na tayo lang dalawa ay kailangan pa ring ituloy ang pagpapanggap?"

Sumama ang tingin niya sa akin. "You dumb. They are not humans. Each one of them has an
ability of a good vampire. Maliit lang ang clan nila kaya tutok sila sa isa't isa."

"Oh..." That left me speechless.

"You decide first." Muling nagsalin si Brix ng alak sa baso at diretsong nilagok 'yon. Nilagay niya
ang pinagkainan namin sa mga tray at binitbit 'yon. "Magpapahangin muna ako. Pagbalik ko dapat
ay nakapagdesisyon ka na."

Nang makaalis siya ay napabuga ako ng hangin.

Ayaw ko rin naman na dumanak ang dugo sa lugar na ito. Kung gano'n ay wala akong magagawa
kung hindi sakyan ang plano ni Brix. Ang magpanggap na asawa niya.

"Sev..." bulong ko. "He's Sev."

Right. Iyon lang ang dapat kong isipin. Hindi si Brix ang kasama ko kung hindi si Sev – isang
normal na bampira mula sa Trese Clan. At ako... ang kanyang kasama.

Nakapag-desisyon na ako. Hindi ko na mahintay si Brix kaya lumabas na rin ako para hanapin
siya. Palubog na rin ang araw kaya halos nakasindi na ang mga sulo sa paligid.

Niyakap ko ang sarili nang umihip ang malamig na hangin.

Buhay na buhay ang lugar na ito at ramdam ko kung gaano kapayapa ang pamumuhay nila. Kahit
na hindi nila ako kilala ay ngingitian nila ako kapag nakasalubong.

Hindi ko mahanap si Brix. Pumunta na kaya siya sa bulwagan para kausapin si Pinunong
Bermudo? Kung gano'n ay sana lang maayos ang resulta.

"Are you lost?"

Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Halos magkasingkatawan lang sila ni Brix. May mga tattoo
ang kanyang braso. Mahaba ang strap ng kanyang kulay berdeng damit kaya kita ang mga malaki
niyang braso at dibdib. Banayad ang ngiti sa kanyang labi.

Oh. He reminds me of Peter Pan.

"Hindi. May hinahanap lang ako," sagot ko sa mababang tinig.

Medyo nakakahawa ang mahinhin niyang pananalita.

Tumango naman ito bago nilagay sa kanyang likod ang mga kamay. "Kung tama ako... kayo 'yung
mga panauhin na narinig kong nanuluyan dito. Tama ba? I really rushed to finish farming just to
greet you."
"Ah. Oo. Pero... pansamantala lang naman," maagap kong sagot.
Napansin ko ang mga natuyong putik sa kanyang damit.
"Ah. Galing kasi ako sa pananiman," aniya nang mapansin kung saan ako nakatingin. Maging ang
kanyang pagtawa ay napakabanayad. "Hindi pa ako nakapagpalit ng damit. Pasensya na."
"Hindi. Ayos lang."
"Ow. My bad. Ako nga pala si Abel." Pinunas niya muna sa damit ang kamay at sinigurong malinis
'yon bago ito inilahad sa harapan ko. "If you wouldn't mind?"
Nakangiting tinanggap ko 'yon. "Astra," pakilala ko.
"Welcome to Esparago Clan." Then, he gave me that gentle smile again. "Would you mind if I
keep you accompany as you look for that someone?"
I shook my head. "Not at all."
Sabay kaming naglakad ni Abel. Bawat madaanan namin ay kakausapin niya at kitang-kita ko ang
galak sa mga mata ng mga babae sa tuwing ngingitian niya.
"Ang sarap ng mga pagkain niyo rito," pagbukas ko ng topic. "Sigurado akong bihasa ang mga
tagapagluto ninyo."
"Ah." Tumawa siya. "Gano'n na nga. Saka... fresh from the farm kasi halos lahat ng mga sangkap
na gamit namin. Kilala ang pangkat namin pagdating sa mga sangkap. Mabuti naman at
nagustuhan mo."
"Tagatanim ka rin ba?" tanong ko.
"Ah. Oo. Tumutulong ako," sagot naman nito. "Kung gusto mo ay puwede kitang dalhin sa farm
bukas. Teka. Sino nga ulit 'yung kasama mong hinananap mo?"
"Ah. Si Sev."
"Oh. Lalaki?"
Tumango ako. "Sabi niya ay magpapahangin lang siya. Hindi ko lang alam kung saan banda."
Natigilan kami nang may lumapit sa aming babae. Namumula pa ang mukha nito at halos hindi
makatingin kay Abel. Napansin ko agad ang kulay pulang rosas na hawak niya.
"Para sa 'yo nga pala, Abel..."
Halos magtatalon sa tuwa ang babae nang tanggapin ni Abel ang inalok na rosas.
"Whoa. Salamat dito," ani Abel.
Hinawakan pa ni Abel ang braso ng babae. Tila natulala naman ito sa ginawa ni Abel. Sa sobrang
gulat ay hindi na siya nakapagsalita. Ako ang nakaramdam ng hiya para sa kanya.
"Ah. Sige. Salamat uli sa bulaklak," ani Abel bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Natawa pa ito.
"Nakakagulat lang na lagi akong binibigyan ng mga bulaklak."
Seryoso? Hindi ba niya alam na mukha siyang anghel? Hindi na nakapagtatakang magkagusto sa
kanya ang karamihan sa mga babae rito.
"Sa 'yo na lang?" alok niya sa akin.
Nahihiya akong tumanggi kaya tinanggap ko na lang ang rosas. "Salamat. Pero... hindi ba
nakakahiya? Bigay sa 'yo ito tapos ibibigay mo lang sa akin."
Nakangiting umiling naman siya. "Hindi naman, Astra. Saka... napagtanto ko lang na bagay sa 'yo
ang rosas na 'yan. Kakulay ng mga labi mo."
Oh, God.
Napatunganga ako sa sinabi niya. Ang smooth ng pagkakasabi niya na parang wala lang sa
kanya kahit na ang totoo ay nakapakalas ng epekto ng mga binitiwan niyang salita.
Parang gusto ko tuloy gumawa ng malaking tarpaulin na may nakalagay na, "Protect Abel at all
cost." Sa totoo lang ay parang kasalanan ang saktan ang lalaking 'to.

Tumigil kami sa paglalakad at tinanaw sa hindi kalayuan ang malaking bonfire. Pinaliligiran 'yon ng
magpapamilya. Ang mga bata ay naghahabulan sa paligid nito. May mga pagkain silang dala.
Dinig na dinig ko ang mga tawanan nila.
"This is fascinating," I couldn't help but to voice it out.
Kung sa Nightfall Clan ay palakasan at pataasan ng ranggo, dito naman ay parang walang gano'n.
Parang lahat ay pantay-pantay at walang nagaganap na inggitan.
"Ganito talaga kapag ang pinuno ng isang lugar ay bukas ang puso sa lahat. Kahit na anong
problema ay gumagaan dahil nagtutulungan. Nakakahanga talaga ang Pinunong Bermudo,"
kwento ni Abel kung saan dama ko ang labis na pagkamangha sa kanyang boses. "Gusto kong
maging tulad niya balang araw."
Pinanuod ko ang pagbuga ng apoy ng ibang kalalakihan. Kahit na gaano kalamig ang klima rito ay
napapainit nila. Esparago Clan. Nakakamangha.
"Gusto mong tikman ang ibang alak?" excited na tanong ni Abel.
Pumayag ako sa gusto niya. Pinuntahan namin ang isang malaking kamalig. May mga naabutan
kaming trabahador na busy sa paggawa ng mga alak. Gaya ng kanina ay binati ni Abel ang halos
lahat ng nandito.
"Here..." Inabutan niya ako ng baso.
Nilapitan namin ang mga naglalakihang jar.
"Lahat ng mga alak na ito ay may halong dugo kaya maaari ding pampatid-uhaw," paliwanag pa
niya. "Pero nakakalasing pa rin naman. Gusto mo bang tikman?"
"Sige."
Lumapit ako sa isang jar at nagsalin ng alak sa baso ko. Tinikman ko 'yon. Nakatingin sa akin si
Abel, halatang gustong malaman kung ano ang reaction ko.
"Ubas..." sabi ko. "Ang sarap!"
"Sabi sa 'yo." Tumawa ito. "Sige lang. Tumikim ka pa ng iba kung gusto mo. Pero babala lang,
Astra. Nakakalasing ang mga 'yan. Mas mataas ang alcohol content kesa sa dugo."
Gaya ng sinabi niya ay hanggang tikim lang talaga ako. Sa sobrang pagkaaliw ko ay nasira ko ang
isa sa mga jar. Nabutas 'yon kaya tumalsik kay Abel ang laman na alak.
"S-sorry..." Nataranta ako.
Mabilis na dinaluhan kami ng ibang mga trabahador para takpan ang butas ng jar. Sa isang iglap
ay nagawa kong guluhin ang maayos na paggawa nila rito.
Napangiwi ako habang nakatingin sa katawan ni Abel na basa. Tumutulo pa sa kanyang hubad na
dibdib ang alak.
"Sorry talaga. Hindi ko sinadya," paghingi ko ng paumanhin.
Tumawa lang si Abel. "Ayos lang, Astra. Maliligo na rin naman ako mamaya. Gusto mo pa bang
tumikim?"
Tumanggi na ako. Binitiwan ko agad ang baso baka kung ano pa ang magawa kong mali.
Napagpasyahan ko na ring lumabas doon dahil nahihiya na ako.
"Sorry talaga, Abel..." paghingi ko pa rin ng paumanhin.
Tinawanan niya lang ako uli.
Dumiretso ang tingin ko. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Brix, naglalakad kasama ang isang
matanda na may suot na balanggot sa kanyang ulo. Tumatawa ang matanda habang si Brix
naman ay diretso ang tingin sa akin.
Napalunok ako. Sobrang seryoso ng tingin niya. What? Did something go wrong?
"Si Pinunong Bermudo," bulong ni Abel. "Halika, Astra. Bumati tayo..."
Wala akong nagawa kung hindi ang sumama kay Abel. Sinalubong namin sina Brix at Pinunong
Bermudo. Hindi pa rin inalis ni Brix ang mga mata sa akin.

"Ama..." Nagmano si Abel.

Gulat man na ama niya si Pinunong Bermudo, nagawa kong yumuko at bumati rin. "Magandang
gabi, Pinunong Bermudo."

"Bakit naman ganyan pa rin ang damit mo, Abel? Nakakahiya sa mga bisita natin. Sige na.
Magpalit ka na," ani Pinunong Bermudo bago tumingin sa akin. "Ikaw ay si?"

"Astra po..." tugon ko.

"Oh." Napatingin si Pinunong Bermudo kay Brix. "Siya pala ang kasama mong tinutukoy. Hindi mo
naman nabanggit na sobra ang gandang taglay niya." Tumawa ito.

Napatingin din si Abel kay Brix. "Ay! Ikaw pala ang tinutukoy ni Astra na kasama niya. Kanin aka
pa niya hinahanap. Ako nga pala si Abel..." pakilala ni Abel.

Nanlumo ako nang hindi sumagot si Brix. His penetrating eyes remained steady at me. That's
when I found out... it's telling me something else.

Lumunok ako bago kumapit sa braso ni Brix. "Kanina pa kita hinahanap, Sev," malambing kong
sinabi bago humarap kay Abel. "Ah. Abel. Si Sev nga pala. Asawa ko..."

There. The role play continued.

Gulat ang mukha ni Abel. "Talaga?!"

Huminga ako nang malalim. Kinuha ko ang kamay ni Brix at nilagay ko ito sa ibabaw ng tiyan ko.
"Sa totoo nga niyan ay magkaanak na kami," dugtong ko pa.

"Wow!" Kita ang tuwa sa mukha ni Abel. "Congrats! This is so unexpected. Balak ko pa naman
sanang pormahan ka," biro pa nito bago humagalpak ng tawa.

"Why don't you try it?" Brix dared him.

Sumikip ang paghinga ko. Shit. He's about to start something.

"Mapagbiro ka talaga, Abel..." Tinakpan ko ng tawa ang kaba na nararamdaman. "Maaari na ba


kaming magpahinga, Pinunong Bermudo? Medyo pagod kasi kami."

Pumayag naman agad ang pinuno. "Sige lang. Kung may kailangan kayo ay magsabi lang kayo
sa mga kasama natin. Maaari kayong manatili rito nang ilang araw."

Hinila ko na si Brix. Hindi ito nagsalita hanggang sa makabalik kami sa tinutuluyan namin.
Kinandado ko agad ang pinto at mga bintana bago bumaling kay Brix. Nanatili itong nakatayo.

"Ano'ng problema mo?!" inis kong tanong sa kanya. "Gumagawa ka ba ng dahilan para magalit?
Para may dahilan ka para magsimula ng sigalot? Gano'n ba, Brix?"

Wala akong nakuhang sagot sa kanya.

Kinalma ko ang sarili ko. "T-tahimik sila rito, Brix. Huwag ka namang gumawa ng gulo. Kung gusto
mo silang mapaanib, gawin mo sa hindi madugong paraan."

Gusto ko mang kumalma pero nung hindi pa rin sumagot si Brix ay tuluyan na akong sumabog.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kwelyo ng damit niya.

"A-are you going to slaughter them?"

A devilish grin formed on his lips. "You are giving me the reason to..."

"What? Ginawa ko naman ang dapat, hindi ba? Nagpanggap akong asawa mo—"

"That's it," he cut me out. "It didn't feel genuine. But when I caught you staring at that guy, you
were giving him all the fucking sincerity in this shitty world. What? Is that part of the plan? To flirt
with a random man? Oh. Not just a random man, but the son of the leader of this clan."

"Jesus. You are ridiculous, Brix!"

Binitiwan ko ang kwelyo ni Brix at aktong tatalikod na nung hawakan niya ang braso ko. Marahas
na hinarap niya ako sa kanya at tinitigan sa mga mata.

"Why, Astra? Are you intimidated of me? Kaya mo ba pinagkakait sa akin 'yon? That's why you
can't look at me in the eyes with sincerity? Don't you like being with me? Don't you like me?"

"That's how it works! That's how it is supposed to be. I should be scared of you. I should be
intimidated with your immense power and fear how short your temperance is because you tend to
do the worst thing possible when someone triggers you."

"Fuck it. How dumb!"


"What do you want?!" I screamed at his face.

"To see me the other way!" He yelled back. Bumigat ang paghinga niya. "I want you to see me the
way they can't. Like I am not a threat. Like I am not... Brixton Wenz Cardinal."

Natutop ako sa kinatatayuan ko. Parang nahimasmasan naman ako sa sinabi niya.

Suminghap si Brix bago bumuga ng hangin. "I'm tired of being Brixton Wenz Cardinal." He
chuckled, shaking his head. "They take away everything I value. Always..."

"B-Brix..."

Umiling ito uli. "The truth is... I am buying more time with you. I am not sure what I want to do with
you. You are confusing me, Astra. You are taming the evil in me."

Naglakad na ito palabas pero huminto siya sa tapat ng pinto.

"If there's something I am sure right now... that is... I value you. If possible, I want you... I want you
to be a secret. My secret."
Chapter 49

Chapter 49: Missing


He left me dumbfounded. There's so much going on in my head. Hindi kinaya ng mga binti ko kaya
napaupo ako sa banig. Niyakap ko ang nahagip na unan habang patuloy pa rin sa pagproseso
ang utak kong nagkabuhol-buhol.
After a minute of processing things, I blurted out, "What the fuck?!"
Is he insane? Why would he say that? Parte ba 'yon ng roleplay na ginagawa namin? Gumagawa
na ba siya ng kwento para mas maging kapani-paniwala ang sinimulan namin?
Shit!
It doesn't make sense. Ramdam kong hindi niya lang basta-basta gawa 'yon. The way he looked
at me, I felt it, the sincerity... the pain... the frustration. He meant it.
He's out of his mind!
Bumuga ako ng hangin. Mukhang mababaliw ako kakaisip kaya minabuti ko na lang din lumabas
para magpahangin. Mabuti na lang at hindi ko tanaw si Brix sa paligid.
Nakayuko lang ako habang naglalakad. Secret? He wants me to be his secret? Gago ba siya? He
knows that this isn't right. Kung magpapatuloy kaming ganito ay ako... ako ang malalagay sa
alanganin.
Naalarma ako nang makarinig ng kaluskos. Bumaling ako sa isang malapit na puno. May
nakatago roon. Sa tingin ko ay bata dahil hindi niya maitago nang buo ang sarili.
I looked around. Is he hiding from someone?
"Tegan!" Napatingin ako sa babaeng naglalakad sa hindi kalayuan, palinga-linga pa ito. "Lumabas
ka na, Tegan! Marami ka pang assignment na gagawin!"
Oh. That's why.
Tegan peeked at me to give a sign to shut my mouth. Bakas na tuwang-tuwa ito sa ginagawang
pagtatago.
"Ay, may kailangan ka ba?" Narating ako ng babaeng humahanap kay Tegan. "Ikaw 'yung isa sa
mga panauhin, hindi ba? May maipaglilingkod ba ako?"
Tumango ako. "Wala naman. Uhm. May hinahanap ka ba?"
Kumamot ito sa batok. "Oo. 'Yung alaga ko kasing bata pinagtataguan na naman. Hay naku! Lagi
na lang. Gabi-gabi. Kahit na ikandado ko ang pinto, magugulat na lang ako sira na."
Pilyo pala ang isang 'to.
"May favorite ba siyang pagkain?" tanong ko.
Napaisip naman ang babae. "Paborito niya ang strawberry. Hindi lilipas ang isang araw nang hindi
siya kumakain ng sampung gano'n. Bakit mo natanong?"
"Kapag hindi pa rin siya nagpakita, huwag mong pakainin ng strawberry," sabi ko. Sa gilid ng mga
mata ko ay nakita kong sumilip si Tegan. "Sa loob ng ilang araw..."
"Bad!" Pinigilan ko ang matawa nang lumabas si Tegan. Masama ang tingin nito sa akin.
"Susumbong kita kay Papa! Akin lahat ng strawberry rito!"
Humarap ako sa bata. "Aw. Gano'n ba? Pero ayaw mo namang mag-aral—"
"Magpapakita na kaya dapat ako!" pagrarason niya. Lumapit ito sa babae at humawak sa braso.
Tiningala niya pa siya. "Gusto ko ng strawberry habang nag-aaral."
Nakangiting pumayag ang babae. "Kahit ilan pang gusto mo..."
"Saka wine..." dagdag ni Tegan.
"Uhm. Kalahating baso," pagpayag ng babae rin.
"Yay!" Napunta sa akin ang atensyon ni Tegan. "Ang ganda mo talaga kaso bad ka. What's your
name?"
Yumuko ako para mas malapitan siya. "You can call me Ate Astra."
"Hindi kita kapatid, Astra—"
"Tegan." May pagbabanta sa boses ng babae. "Napag-aralan na natin 'to. Kahit na ikaw ang apo
ng Pinuno, kailangan mong respetuhin ang lahat. Lady Astra... 'yon ang itawag mo sa kanya."

"S-sorry..." Ngumuso si Tegan.

Umayos ako ng tayo. "Apo siya ng Pinuno?" Gusto kong malinawagan sa parteng 'yon.

"Anak ni Abel na anak ni Pinunong Bermudo," sagot nito.

Bumagsak uli ang tingin ko kay Tegan. Saka ko lang napansin ang pagkakahalingtulad nila ni
Abel. Mala anghel din ang mukha nito gaya ng sa ama.

"Ako nga pala si Lady Aida," pakilala ng babae. "Ako ang naatasang magbantay kay Tegan at ako
na rin ang nagsisilbing guro niya. Pilyo lang ang batang 'to pero mabilis siyang matuto."

Tanging tango lang uli ang naisagot ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na may anak na pala si
Abel. Ang akala ko ay binata pa rin ito dahil lapitin ng mga babae.

"Ah. Sige, Lady Astra. Marami pa kaming tatapusin ni Tegan," pagpapaalam na ni Lady Aida.
Binuhat niya ang bata sa kanyang mga braso. "Mag-good night ka na kay Lady Astra, Tegan."

"Good night, Astra— Lady Astra. Kita na lang tayo uli bukas. Dadalhan kita ng strawberry!"

"Oh. Sure. Good night, Tegan."

Pinanuod ko hanggang sa makaalis ang dalawa. Kumaway pa sa akin si Tegan.

Bumuntonghininga ako. Saan na nga pala si Brix?

Umihip ang malamig na hangin na humaplos sa balat ko. Malamig sa umaga at doble naman sa
gabi – mainam nga talaga ang magpalago ng mga halaman sa ganitong lugar.

Gumilid ako nang dumaan ang tatlong kawal. Mukhang nagma-martsa ang mga ito.
Napagpasyahan ko na ring bumalik sa tinutuluyan. Hindi ko pa rin naabutan si Brix.
Bahala siya. Basta ako matutulog na.

Pinagpagan ko ang banig bago inayos ang dalawang unan. Nilayo ko sa akin ang unan na para
kay Brix. Medyo malawak naman ang banig kaya hindi namin kailangang magsiksikan.

May nakatiklop na kumot pero isa lang. Mukhang pang mag-asawa nga talaga ang silid na
pinahiram nila sa amin. Ginamit ko na rin 'yon. Humiga na ako at gumilid, patalikod sa pwesto ni
Brix.

Dinig na dinig ko ang ihip ng hangin sa labas.

Pinahinga ko na rin ang mga mata ko. Saan kaya nagpahangin si Brix?

"They take away everything I value..." Brix's voice echoed in my head. "If there's something I am
sure right now... that is... I value you. If possible, I want you... I want you to be a secret. My
secret."

He knows that he can't. It's not possible to keep a secret from this world. And even though he
can... I don't think I want to be one. I don't want to go that far. I don't want to risk that much.

I'm sorry but I can't be just a secret of someone.

Nagising ako nang madaling-araw na. Nakarinig ako ng mga yapak ng paa sa labas ng silid.
Bumaling ako sa likod ko. Wala si Brix. Hindi pa ba siya bumalik?

Nakaramdam ako ng panlalagkit ng katawan.

Kumuha ako ng damit sa bag ko bago lumabas ng silid. Sumalubong sa akin ang mga kawal na
walang pang-itaas, nagmama-martsa ang mga ito. Malamang na pang warm up para sa araw na
'to.

"Oh. Maliligo ka ba?" Dumating si Ginang Melendez.

"Ah. Opo. Kaso hindi ko alam kung saan."

"Halika. Sasamahan na kita," saad ng Ginang. "Halos wala ang mga babaeng tagapagsilbi
ngayon. Nasa kusina para magluto ng agahan. Kumusta naman ang tulog mo?"

Sumunod ako sa kanya. "Masyadong malamig pero nakatulong naman po 'yon para mas
mahimbing ang tulog ko."
Palinga-linga ako sa paligid, umaasang makikita si Brix. Saan kaya pumunta ang isang 'yon?

Tinabihan ako ni Ginang Melendez sa paglalakad. "Sigurado naman akong nagpainit din kayo ng
asawa mo kagabi bago natulog," nang-aasar na bulong niya.

Napailing na lang ako.

Hinatid ako ni Ginang Melendez sa CR. Kumpleto naman ang mga gamit at malinis. May
maligamgam na tubig para panglaban sa lamig at 'yon ang ginamit ko.

Hindi maalis sa isipan ko si Brix. What happened to him?

Nang matapos maligo ay bumalik ako sa tinutuluyan namin. Kahit papaano ay umasa akong
madadatnan na roon si Brix pero wala pa rin. Walang bakas na pumasok man lang siya.

Napapikit ako sa inis. Where the hell is he? Hindi naman niya siguro ako iiwang mag-isa rito. Baka
gumagawa na siya ng hakbang para sa mission namin.

Sana...

Nagmadali akong mag-ayos ng sarili. Hahanapin ko na si Brix. Medyo hindi na maganda ang
pakiramdam ko. Huwag lang talagang malaman ko na iniwan niya ako rito.

Don't you dare, Brix...

Mabibigat ang mga hakbang ko. Pinagtanong ko kung saan ang bulwagan pero sinabi nilang
sarado pa ito kaya malamang na wala roon si Brix.

"Good morning!" Bumaling ako kay Abel. Mas maayos na ang hitsura niya ngayon kesa kagabi.
"How's your first night here? Teka. Nag-almusal ka na ba?"

Umiling ako. "W-wala akong gana..."

"Oh, come on. Baka makasama 'yan sa baby mo," aniya pa. Sinundan niya ng tingin ang
tinitingnan ko. "May hinahanap ka ba ulit— Oh, wait. Don't tell me Sev, your husband, is missing
again?"

Lumunok ako. An gaga pa lang pero ang bigat na agad ng pakiramdam ko. "Nagkaroon lang kami
nang kaunting tampuhan. Hindi mo ba siya napansin?"
Nag-uumpisa na akong ma-praning.

"Sandali. Ipapahanap ko siya sa mga kawal—"

"Hindi na," pagtanggi ko. Binitiwan ko rin ang braso niyang nahawakan ko para pigilan siya.
"Huwag ka nang mag-abala, Abel. Salamat na lang."

"Hahanapin mo siyang mag-isa?" Nagtaas ito ng mga kilay na animo'y isang kahibangan ang
balak ko. "Kumalma ka muna, Astra. Mas mabuting bumalik ka na lang uli sa tinutuluyan ninyo.
Sasabihan ko ang mga tagapagsilbi na ipagdala ka ng pagkain. Padadaluhin ko na rin ang
manggagamot para masuri ka."

Nangilid ang mga luha sa mata ko. Suminghap ako bago bahagyang gumilid. "No. I'm good..."

Shit. Where is Brix?

Nilagpasan ko na lang si Abel at nagpatuloy sa paghahanap. Kung saan-saan na ako nakarating


pero hindi ko makita si Brix. Maging sa farm ay nakarating na ako pero wala siya. Saan pa bang
parte ng lugar na ito ang hindi ko napuntahan?

Umupo ako sa bench nang mangawit. Sumandal ako habang nakatingin sa mga magsasaka na
nakayuko habang nagtatanim. Tama nga si Abel, sagana sila sa mga pananim. Kitang-kita na
masigla ang mga halaman.

"Drink..." Umangat ang tingin ko kay Abel. Inabutan niya ako ng isang supot ng dugo. "At least you
drink this. Pang-boost lang ng energy. Kanina ka pa naglalakad-takbo."

Tinanggap ko 'yon nang hindi nagsasalita.

Umupo rin siya sa tabi ko. "What happened? Don't tell me dahil sa biro ko kagabi?"

"Actually..."

"Oh." Mukhang natamaan siya sa sinabi. "Damn. I didn't know he's that sensitive. It was a joke,
alam kong alam mo 'yon. May anak na rin naman ako. Sorry. I didn't mean it."

Binuksan ko ang supot at nilagok ang laman no'ng dugo hanggang sa huling patak. Pagkatapos
ay nilamusak ko sa kamay ang plastic. Fuck you, Brix. Did you just leave me here alone?

"Papa!"
Napatingin kami sa batang tumatakbo papunta sa amin. Si Tegan na galing sa pananiman,
nakalobo ang damit niyang hawak niya habang may nakasubong strawberry sa kanyang bibig.

Lumapit siya sa amin at pinagmalaki ang mga strawberry na nakalagay sa kanyang damit.
"Nagsisimula nang tumamis uli ang mga strawberry. Teacher Aida told me that we can harvest
more next time!"

Binuhat ni Abel si Tegan at inupo sa kanyang hita.

"Really? Hindi ka na pasaway?" tanong ni Abel.

Umiling si Tegan bago tumingin sa akin. Kumuha siya ng dalawang strawberry sa kanyang damit
at inilahad 'yon sa akin. "Lady Astra... for you."

Nakangiting tinanggap ko ang alok niya. "Thank you, Tegan."

"Pa... isn't she pretty?"

Napatingin sa akin si Abel. "She is..."

"I want a woman like her when I grow up," said Tegan as he took a bite on his strawberry. "Why do
you look sad, Lady Astra? Don't you like my strawberry?"

Kinain ko ang isang bigay niya para ipakitang mali ang akala niya. "Hmmm. Matamis nga. You're
good at this, Tegan."

He giggled.

"Go now, Tegan. Tinakbuhan mo na naman siguro si Lady Aida," ani Abel bago binaba ang anak.
"Huwag mong uubusin lahat ng strawberry na 'yan. Give one to your playmates."

Tumakbo uli si Tegan papasok sa farm.

Tumayo na rin ako para umalis. Pero tumingin muna ako kay Abel na nanatiling nakaupo at
nakamasid sa akin. "Thank you, Abel. Kapag hindi pa rin dumating si Sev ngayong gabi ay baka
mauna na akong aalis."

"What? Is it that serious?" Ngayon ay dama ko na, na apektado siya sa nangyayari sa amin.
"Damn. Fine. But I won't let you go alone. I will ask one my guards to assist you. Iyon lang ang
paraan para payagan kitang lumabas."
"Okay. Sige. Babalik na ako uli sa tinutuluyan ko..."

Tumalikod na ako at nag-umpisa nang maglakad.

"You're not pregnant, are you?" Abel suddenly asked.

Hindi ko na siya pinansin. Halos tumakbo na ako papunta sa tinutuluyan ko. Pagkapasok ko ay
agad na nag-unahan ang mga luha sa mata ko.

Why does it hurt so much? Sobrang bigo ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ano ang
mangyayari sa akin kapag wala pa rin si Brix hanggang mamaya.

Humiga ako sa banig at hindi ko namalayan na nakatulog na naman ako. Nagising ako nang
hapon na. Mabilis akong bumangon para punain kung dumating na ba.

Tila pinagsakluban ako ng langit at lupa nang wala pa ring bakas ni Brix.

Yeah. I think he already left. Did he abandon this mission?

"Mga kawal! May paglusob na nangyayari!"

Umalma ako nang marinig ang mga nagkakagulong kawal. Mabilis kong kinuha ang jacket ko at
lumabas ng tinutuluyan. Lahat ng kawal ay patakbo sa bungad.

"Lady Astra!" Napatingin ako kay Lady Aida na humahangos papunta sa akin. Hinawakan niya
ang braso ko at sinubukan akong isama. "Sumama ka sa akin. Hindi ligtas dito."

"Sandali!" pigil ko. "Ano ang nangyayari?"

"Sa pagkakarinig ko ay may namataan na mga Insurgents sa paligid. Sila ang mga bampirang
tinakwil ng mga clan. Mga rebeldeng bampira. Sumama ka sa akin—"

"Mauna ka na. May gagawin pa ako."

"Ano? Sige. Sasamahan na ki—"

"Si Tegan ang protektahan mo, Lady Aida. Mas kailangan ka niya ngayon. Kaya ko ang sarili ko.
Sige na."

Hindi ko na siya pinansin. Tumakbo na lang ako at sinundan ang mga kawal. Hindi na rin naman
ako sinundan pa ni Lady Aida. Umakyat ako sa puno para mas makita ang mga kaganapan.
Sa pinaka bungad ng tarangkahan ay nakapulong ang mga kawal sa pamumuno nina Abel at
Pinunong Bermudo. Napansin ko ang mga mabibilis ka galaw sa labas. Tama nga... mukhang
hindi maganda ito.
"Ano ang gusto niyo?" tanong ni Pinunong Bermudo.
Sa isang iglap ay nagpulong ang mga bampirang sa tingin ko ay mga rebelde. Mukha naman
silang disente. Hindi mo aakalain na isa silang rebelde.
Hindi sumagot ang mga kalaban.
Nakaporma ang mga kawal ng Esparago Clan, handang protektahan ang Pinuno kung magtangka
nang paglusob ang mga rebeldeng bampira.
"Pagkain?" tanong ni Abel. "Kung gusto niyo ng pagkain ay ibibigay namin ito. Huwag lang kayong
manggulo. Katahimikan ang gusto namin."
Walang sumagot sa mga rebeldeng bampira.
"Ano ang maipaglilingkod namin sa inyo?" kalmadong tanong ni Pinunong Bermudo.
"Gusto naming makuha ang kalahati sa lupain ninyo." Dumating ang isang lalaking nakasakay sa
kabayo. Sa tingin ko ay siya ang pinakapinuno ng mga rebeldeng ito. "Kapalit ng katahimikan
ninyo ay ang kalahati ng inyong lupain."
Nagkatinginan ang mag-ama sa harapan. Tila nag-uusap ang mga ito.
Tumikhim si Pinunong Bermudo. "Paumanhin ngunit maging kami ay nagkukulang din sa
lupain—"
"Kapayapaan o labanan!" Naglabas ng espada ang Pinuno ng mga rebelled at tinutok ito sa
direksyon ni Pinunong Bermudo. "Mamili kayo sa dalawa. Alam kong wala kaming laban sa inyo
dahil hindi hamak na mas marami kayo pero... madadamay naman pati mga inosente."
"Wala kang karapatang itutok kay Pinunong Bermudo ang iyong patalim!" Umigting ang mga
pulang mata ni Abel. "Magbibilang ako hanggang tatlo—"
"Abel..." Putol ni Pinunong Bermudo sa anak. "Pakiusap." Umiling ito.
"Pero Ama—"
"Ako ang magbibilang hanggang tatlo..." Ngumiti ang Pinuno ng mga rebelde. "Kapag hindi pa rin
kayo nagdesisyon ay ibig sabihin no'n na mas pinili ninyo ang labanan kesa sa kapayapaan."
Naalarma ang mga kawal sa mga sandaling ito.
Shit. Hindi 'to maganda.

"Isa..." Nag-umpisang magbilang ang Pinunong Rebelde. "Dalawa..."


"Ang bango talaga ng bulaklak na 'to." Sa isang iglap ay sumulpot ang isang lalaki sa gitna ng
dalawang nagkakainitang pangkat. "Mahirap hanapin pero sulit naman."
Brix...
"Sev!" Si Abel na gulat din. "Ano ang ginagawa mo rito? Pumasok ka na sa loob. Hindi maganda
ang nangyayari dito."
Mula sa bulaklak ay umangat ang tingin ni Brix kay Abel. "What? Nakaharang kayo sa daan,
paano ako makakapasok? Sandali... bakit kayo nakalabas?"
Naningkit ang mga mata ng Pinunong Rebelde habang nakatingin sa likod ni Brix. Hindi pa rin ito
humaharap sa kanila kaya hindi nila ito mamukhaan.
"Ano'ng nangyayari?" Sa pagkakataong 'yon ay lumipat ang tingin ni Brix papunta sa mga
rebeldeng bampira.
Sa isang segundo lang na namukhaan nila ito ay napaatras sila nang isang beses. Gumuhit ang
pagkabigla at pangamba sa kanilang mga mukhang kanina ay maangas tingnan. Hindi nakaligtas
sa sindak ang pinunong nakasakay sa kabayo.
"Rebelde?" tanong ni Brix. Humakbang ito nang isang beses kasabay ng muling paghakbang
paatras ng mga rebelde. "Ano ang ginagawa ng mga rebelde sa pangkat na tinutuluyan ko?"
Bakas ang pagkalito sa mga mata ng Esparago Clan.
"Ikaw ang pinuno?" Sa isang kisap-mata ay nakalapit si Brix sa Pinunong Rebelde na tila hindi
makagalaw. "Ano ang sadya niyo rito? Pwedeng malaman?"
Napalunok ang Pinunong Rebelde. "N-napadaan lang kami. Hindi kami naghahanap ng gulo.
Paumanhi, Bri—"
Hinila ni Brix mula sa kabayo ang Pinunong Rebelde. Hinawakan niya ito sa damit saka nilapit ang
bibig sa tainga. "Magbibilang ako hanggang tatlo..." bulong nito.
Hindi pa man nag-uumpisang magbilang si Brix ay wala na ang mga kasama ng Pinunong
Rebelde. Nang bitiwan siya ni Brix ay gumapang ito pasakay sa kabayo saka na rin ito tumakbo
palayo.
Inamoy uli ni Brix ang kulay lila na bulaklak. "Ang bango..."
Napangiti ako nang makita ang katahimikan sa pangkat ng Esparago.
Brixton Wenz Cardinal...
"Maganda ba view rito?" Hindi ako nakakilos nang biglang sumulpot sa tabi ko si Brix. "Nakatulog
ka ba nang maayos, Astra? Hindi na ako nakauwi agad."
Hindi pa rin ako nagsasalita.
Pinakita niya sa akin ang bulaklak na hawak. "Hyacinth ang pangalan ng bulaklak na ito. Mas
mabango at maganda kesa sa pulang rosas na hawak mo kagabi."
Tahimik pa rin ako.
"Teka. Ayos ka lang? Tinakot ka ba ng mga gagong rebeldeng 'yon?" Kumunot ang noo niya nang
wala pa ring makuhang sagot sa akin. "Sandali. Hahabulin ko ang mga gagong 'yon. Anong
karapatan nilang takutin ang asawa ko—"
Hinila ko si Brix at hinalikan sa labi. Sa sobrang inis ko ay kinagat ko ang kanyang labi. Imbes na
umangal ito ay nagawa pa niyang tumawa.
"Gago ka, Brix. Ikaw ang pinaka gagong lalaking nakilala ko."
Chapter 50

Chapter 50: The Last Piece

Hindi ko naatim na makipag-usap kay Brix matapos ng nagyari kaya tumalon na ako pababa ng
puno at nag-umpisa nang maglakad papunta sa tinutuluyan namin. Agad din naman itong
bumuntot sa akin.

"I don't get it. Why am I gago?" Brix chortled. "Damn. That sounds off."

I gritted my teeth in anger. He's pushing my buttons.

"What's wrong with you?" He tried to grab mg arm but I flinched it. "What? Don't tell me you like
that lame rose better than this one? Tasteless."

Oh, God. How he acts like nothing happened at all is making me more exasperated. What's wrong
with me? Ako pa talaga? Wala lang ba sa kanya na bigla na lang siyang umalis magdamag nang
hindi man lang nagsasabi?

Then again, he does it always. He will drag me in a situation and leave after. But this is not one of
those. Hindi lang siya basta umalis... ginulo niya muna ang utak ko bago umalis. Iniwan akong
lutang sa mga salita niya.

Nang makapasok sa loob ng tinutuluyan namin ay inaktong kong isasarado na ang pinto pero
agad niya 'yong napigilan. Hinayaan ko na lang siya at dumiretso ako sa bag ko. Pinasok ko sa
loob ang mga damit ko.

"The mission isn't accomplished yet," I heard him say. Sa pandinig ko ay ramdam kong parang
naiinis na rin siya. "Why don't you tell me what's wrong? What's bothering you?"

"Stop!" Tumayo ako at hinarap siya. "Why don't you ask yourself, Brix?"

Bumali ang leeg niya. "Oh. Last night?"

Napapikit ako sa inis.

"Last night is my last stay here," I said as I stared at him idly. "I'm leaving today. You can stay here
and finish your mission. Mauuna na ako. Sorry, Master Brix..."

"Okay." He nodded. "But bring this flower with you—"

"Brix." Huminga ako nang malalim dahil masyado nang masikip ang dibdib ko. "You don't get it, do
you? Iniwan mo akong mag-isa rito kagabi. Hindi ba ang sabi mo ay huwag akong lalayo sa 'yo?
Pero... ikaw naman ang nang-iwan."

"Were you scared?" Lumambot ang boses nito.

"A-akala ko ay iniwan mo na naman ako." I got teary-eyed this time. "Yes. I was scared. I got
paranoid. Disppointed. Alam kong wala akong karapatang magreklamo pero... pakiusap, kung
aalis ka... magpaalam ka naman. Huwag mo akong paghintayin sa wala. Para alam kong wala na
rin akong hinihintay."

Natigilan ito at sa tingin ko ay nakuha niya ang punto ko. Bumagsak ang kamay niyang may
hawak sa bulaklak. He looked disappointed this time.

"That's all, Master Brix. I'm sorry for being dramatic—"

"I'm sorry..."

That stopped me. Gusto kong isipin na mali ang pagkarinig ko pero malinaw 'yon. What? Brixton?
The freaking beast of Nightfall Clan just said that word?

The frustration is now visible in his eyes. "I didn't mean to scare you. The truth is... I couldn't face
you, too. Dapat ay naging maingat ako sa mga salitang binitiwan ko kasi alam kong ikaw ang
mapapahamak—"

"Do you regret saying that?" I cut him out.

I don't know what hurts more. 'Yung pang-iiwan niya nang walang pasabi o 'yung nagsisisi siya sa
mga sinabi niya kagabi.

"I don't know..." He shook his head as he checked on the flower he's holding. "But one thing is for
sure." He looked up at me again. "I've never felt as brave as last night before because finally I said
it. My feelings turned into words."

With my shaking lips, I said, "Gago ka talaga, Brix. As in sobrang gago mo."

Sumilip ang maliit na ngiti sa kanyang labi. "Well... I am here now, Milady. You have nothing to be
scared of now that the scariest shit is with you."

Huminga ako nang malalim. "What's that again?" tukoy ko sa bulaklak.


"Bati na tayo?" tanong niya.

"Akin ba 'yan?" tanong ko.

"Hell yeah!" Inabot niya uli sa akin ang bulaklak pero sa pagkakataong ito ay tinanggap ko na.
"That shit is more badass than that plain red rose you can pick anywhere."

Pinagmasdan ko ang kulay lilang bulaklak at inamoy. Damn. Bawi agad ang gago. Hindi ko alam
kung mababaw lang ba talaga ako o talagang nakakaantig ang bulaklak na ito.

Natigilan kami nang may kumatok sa pinto. "Astra? Sev? Andyan ba kayo sa loob?" Si Abel.

Si Brix ang nagbukas ng pinto. Nilapag ko ang bulaklak sa lamesa para lumapit din. Bumungad sa
amin si Abel. "Sorry sa istorbo pero... gusto kayong makausap ni Ama."

Hindi nakaligtas sa akin ang pasimpleng pagtingin ni Abel kay Brix. Shit. Mukhang alam na nila.
Nalaman na rin ni Abel na hindi talaga ako buntis.

Bumaling sa akin si Brix. "Tara?" aya niya nang parang wala lang.

Hays. Hindi ba marunong kabahan ang isang 'to?

"Bakit daw, Abel?" tanong ko muna.

"Hindi ko rin alam e," aniya. "Pero hindi sa bulwagan. Inimbitahan niya kayo sa kanyang silid
mismo. Sa tingin ko ay masyadong personal ang gusto niyang pag-usapan."

Alam na nga yata niya.

Sumunod kami kay Abel. Ngayon ay nag-iba ang timpla ng paligid. Nakatingin sa amin ang mga
kawal na hanggang ngayon ay mukhang lito pa rin. Sino ba naman kasing hindi magtataka na
bigla na lang nangatog ang mga rebelde dahil lang sa pagsulpot ng isang bampira?

Pumasok kami sa isang malaking bahay. Ito na yata ang pinakamodernong istruktura sa lugar na
ito. Huminto kami sa isang pinto.

"Naghihintay siya sa loob," ani Abel. Hahawakan na sana ni Brix ang seradura ng pinto nang
hawakan ni Abel ang kanyang braso. "Who really are you, Sev?"

Pabagsak na inalis ni Brix ang kamay ni Abel at binuksan ang pinto. Kakausapin ko pa lang sana
si Abel pero mabilis akong hinila ni Brix papasok.
Naabutan naming nakaupo si Pinunong Bermudo sa kanyang swivel chair. Nakatalikod ito at
nakatingin sa labas ng bintana kung saan tanaw ang bukirin.

"I was a fool not to consider that one day... you might target my clan, too..." Sa pagkakataong 'yon
ay hinarap na kami ng Pinuno. "The nighmare of all vampires is inside my clan. The beast of
Nightfall Clan. Brixton Wenz Cardinal."

Napahawak ako sa braso ni Brix dahil kinakabahan ako. Nanatiling nakatingin lang si Brix. Sa
totoo nga niyan ay mukha pa siyang nababagot sa mga sinasabi ng pinuno.

Ngumiti si Pinunong Bermudo. "Ilang daang taon na rin akong namumuno rito. Hindi ko
inaasahang darating ang araw na ako mismo ang magsusuko nito."

Kumunot ang noo ko. What?

Tumayo si Pinunong Bermudo. "Alam ko ang kakayahan mo. Ayokong madamay ang mga
nasasakupan ko kaya hanggang dito na lang ako. Hindi mo na kailangang hingin pa, kusang
ibibigay ko na 'to sa 'yo..."

Sa pagkakataong 'yon ay nalito ako kung saan dapat matakot. Sa maaaring mangyari sa clan na
ito kung sakaling bitiwan niya o ang katotohanan na sobrang laki ng pangambang naidudulot ni
Brix para maging ang isang pinuno ay mapasuko niya nang ganito lang.

"Bukas din..." Huminga nang malalim si Pinunong Bermudo. "Makukuha mo ang—"


"Ilang araw..." Putol ni Brix kay Pinunong Bermudo. "Kailangan ko ng ilang araw pa."
Bakas ang pagkalito sa mukha ng pinuno. "Hindi ko maunawaan ang gusto mo, Brix—"
"Sev," putol ni Brix sa kanya. "Gusto kong maging si Sev sa loob nang ilang araw pa. Nakalimutan
mo na ba, Pinunong Bermudo? Galing kami sa Trese Clan. Ako si Sev at ito ang asawa kong si
Astra. Naligaw kami sa kakahuyan at kasalukuyang nanunuluyan sa inyo nang ilang araw."
Sumilip ang maliwanag na ngiti sa mga labi ng pinuno. Huminga ito nang malalim bago tumango.
"Hanggang kailan mo gustong manatili, Sev. Bukas para sa inyo ang lugar na ito."
"Okay. That's all," said Brix.
Hinawakan na ni Brix ang kamay ko at hinila ako palayo roon. Pagbukas ng pinto ay kararating
lang din ni Abel galing sa labas. "Tapos na? Ano ang pinag-usapan ninyo?"
"Ang paghawak mo sa asawa ko," sagot ni Brix. "Iyon ang pinag-usapan namin dahil sa susunod
na hawakan mo pa uli siya... hiningi ko na sa 'yong ama ang ulo mo."
Umawang ang bibig ni Abel sa pagkabigla.
Muli akong nagpatianod sa paghila ni Brix. Pagkalabas namin doon ay binitiwan niya rin ako para
mag-inat ng katawan. "Damn. I am sleepy..."
Napatitig ako sa kanya.
"H-hindi mo tinuloy?" tanong ko.
"Nah. Hindi ba sinabi ko sa 'yong hindi dadanak ang dugo habang nasa tabi mo ako?"
"Pero kusa niyang binigay—"
"Saka..." Tumawa ito. "Alam kong hindi mo ako patatahimikin. Mukhang napalapit ka na sa ibang
naninirahan dito. Kapag kinuha ko ito ay kukulitin mo akong ibalik. So..." Nakangiting yumuko ito
at nilapit ang mukha sa akin. "Wish granted, Milady..."
I gave him a peck on his lips. Pareho kaming gulat sa ginawa ko.
Kumurap-kurap ang mga mata ni Brix. "What's that for?"
Namula ang mukha ko. Sa sobrang hiya ko ay nilagpasan ko agad siya at tumakbo. Nakangiwi
ako. Shit. Why did I do that? Gaga ka, Astra. Gumawa ka pa ng kahihiyan!
Napahinto ako sa biglaang paglitaw ni Brix sa harapan ko. "How dare you leave after you smack
my lips—"
"Stop!" Mas lalong namula ang mukha ko. Sinubukan kong ilayo ang tingin ko ngunit nahuhuli niya
pa rin. "I-I didn't mean it. Nabigla rin ako!"
"Talaga?" nanuya niyang tanong.
"Y-yes..."
"Okay. Mean it this time then and make it longer." He closed his eyes and pouted his lips.
Napatingin ako sa batang nakatayo sa hindi kalayuan. Si Tegan na kumakain ng strawberry
habang nakatingin sa amin. Ngumunguya pa ito habang nakatitig sa amin na parang nanunuod
lang ng palabas.
"Gago. May bata..." Tinulak ko si Brix at saka nilapitan si Tegan na nanatiling nakatayo pa rin sa
pwesto. "Hey. Kumakain ka na naman ng strawberry."
Tamad na lumapit din si Brix sa amin.
"What is gago?" Tegan asked.
Napakurap ako sa tinanong niya.
"Oh. He heard you, Astra. Hilig mo kasing magmura." Nilapitan ni Brix si Tegan. "Bata, saan mo
nakuha ang strawberry? Pwedeng makahingi?"
"Sa farm. Namitas ako kaninang umaga..." sagot ni Tegan bago muling kumain ng strawberry.
Nakanguso pa ito habang ngumunguya. "I gave two to Lady Astra. Sabi ni Papa ay bigyan ko ang
mga kalaro ko pero wala siyang sinabing bigyan ka."

Umupo si Brix para magkasing-taas sila ni Tegan. "Listen, kid. Your dad is a bad influence. You
shouldn't just give to your playmates. Dapat bigyan mo rin ang mga nanghihingi."

"Papa is not a bad influence, gago! Isusumbong kita kay Lolo sige ka."

Napatakip ako sa aking bibig nang marinig ang tinawag niya kay Brix. Pigil na pigil akong
sumabog sa pagtawa. Inakala ba niyang Gago ang pangalan ni Brix?

"Ikaw 'yung kasama ni Lady Astra sa kabayo kahapon, hindi ba?" tanong pa ni Tegan. Bumaling
siya sa akin. "Lady Astra, kaanu-ano mo si Gago?"
"Gago is not my—"

"Tegan!" Dumating si Abel. Nilapitan niya ang anak at binuhat ito. "Bakit andito ka? Tinakasan mo
na naman si Lady Aida?"

Umiling ang bata. "Break time, Papa. Nanghihingi sa akin ng strawberry si Gago. Bibigyan ko ba?"

"Sino?' takang tanong ni Abel.

Tumikhim ako. Hirap na hirap na akong magpigil ng tawa. Si Brix naman ay halatang naliligaw.
Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa mag-ama.

"Is he your son?" asked Brix.

"Yes," Abel responded. "I have a son. That's right, Sev. Kaya huwag mo na ring iiwanan si Astra. I
was just joking last night. Sige. Ihahatid ko muna si Tegan."

Kumaway pa sa amin si Tegan habang palayo sila. "See you later, Lady Astra. Bibigyan din kita
mamaya ng strawberry, Gago!"

Napawi ang ngiti ko nang tumingin sa akin si Brix. Seryoso ang mukha nito. "I need you in our
room... now." Saka na niya ako tinalikuran at naglakad palayo.

What now?

Sumunod ako sa kanya hanggang sa silid namin. Kinandado niya ang pinto bago humarap sa
akin. Humalukipkip pa ito habang masama ang tingin sa akin.

"What, Brix? Bata lang 'yon—"

"Did you just try to flirt with a man who already has a son?" He furrowed his brows.

"Wait, what? I didn't know he has a son—"

"So, you would continue flirting with him if he doesn't have one?" Huminga ito nang malalim. "Hindi
ko alam na ganito ang tipo mo sa mga lalaki. Your preference in a man is absurd. You know that?
You dumb."

Naglakad ito papunta sa lamesa. Kukunin na sana niya ang bulaklak na bigay pero naunahan ko
siya. "Akin na 'to. Binigay mo na. Wala nang bawian!"
Hindi ko maitago ang ngiti sa labi. Halata ang pagkaasar sa mukha ni Brix na hindi maipinta.

"First of all, I didn't flirt with him." I started to explain myself now. "Hinahanap kita kagabi at
nakasalubong ko siya. Sa 'yo na mismo nanggaling, they are hospitable. He was being a
gentleman to escort me while looking for you. That's just it. Now, stop acting like a jealous
boyfriend—"

"I am not jealous of that lame guy," he cut me out. "Why would I? He's cheap. Rose? Hell no. But
the way you ignored me just to approach that kid—"

"What the fuck, Brix?! Are you jealous of that kid?" I blurted out.

Halos lumuwa ang mga mata ko sa sandaling ito. He's impossible. Matapos sa ama ay anak
naman ngayon ang pinagdidiskitahan niya. Lahat na lang ba?

"I'm not jealous of that kid! Damn it, Astra. But the way you looked at him—"

"He's a kid! That's just it!"

"You looked at him like he's the most precious—"

"Tangina, Brix. Bata 'yon—"

"That's it!" he cut me out. He looked so done of me. "You are making me want to give you a damn
kid too just for you to stare at him the way you stared at that kid!"

Hindi na ako nakapagsalita sa sobrang gulat. Sobrang hindi inaasahan ang mga lumalabas sa
kanyang bibig. Pero itong huli... mababaliw yata ako sa lalaking 'to.

"I'm sleepy..." Humiga na ito sa banig at niyakap ang isang unan saka ako tinalikuran. "You can
stay here if you want. Whatever you do. Hindi na kita pipigilan sa kung anong gusto mo."

"Talaga?"

He looked at me in disbelief. "Are you testing my—"

"Joke," bawi ko agad. "Sige na, Brix. Matulog ka na. Baka inaantok ka lang talaga."

Binaon na niya sa unan ang kanyang mukha. "Damn. I'm so frustrated," he murmured.

Umupo ako sa tabi ni Brix habang pinagmamasdan ang bulaklak na hawak. Sa bango nito ay
pwedeng gawing pabango sa katawan o 'di kaya'y kandila. Hindi ko mapigilang hindi singutin ang
aroma nito.

"Brix. Lalabas lang ako sandali ah?" paalam ko bago nilapag sa lamesa ang bulaklak. Gusto kong
puntahan si Ginang Melendez, baka sakaling alam niya kung ano ang pwedeng gawin sa
bulaklak.

Hindi sumagot si Brix kaya akala ko tulog na. Pero nung tinangka kong tumayo ay bigla itong
humarap sa akin at hinila ako. Napahiga ako sa kanyang mga braso.

"What am I to you, Astra?" he asked.

Naramdaman ko na naman ang sobrang tinding tibok ng puso ko. Sa tuwing masyado kaming
malapit ni Brix sa isa't isa ay nagkakaganito ang pakiramdam ko.

He brushed my hair using his finger. It was so gentle... like a lullaby. "Aside from master. I want to
know how do you see me."

Lumunok ako. "You are the only master I want to serve as long as I live."

That's the truth. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa kung sakaling bitiwan niya ako.
Natatakot akong magising isang umaga na iba na ang pinagsisilbihan ko.

Naramdaman kong hinila niya ako at sinandal sa kanyang dibdib. His scent is better than both
hyacinth and rose. For me... it's the most addicting fragrant existing.

"You know that this is an abomination, right, Astra?" he whispered. "According to the rule, a slave
isn't supposed to invest a personal feeling towards her master. If broken, the most crucial
punishment shall be served."

Breathing heavily, I responded, "I've heard about that."

"How about the rules of a Brixton Wenz Cardinal?"

"Brix..."

"Touch my piece and the rules will be broken," he mumbled. "Steal it and the game will be
wrecked." He tightened the grip on me. "Harm it and the game is over."

He's terrifying me. His words may be tickling my feelings but it's coming for the depth of sincerity.
Lulamalabas ito na tila isang pagbabanta.

"I've already lost my first piece..." he continued. "I don't want to lose you. You are my last piece.
Protect me, Astra. Please be a secret. You are the only one who can save me."

Naramdaman kong unti-unti na niya akong pinakawalan. "Go now. I will just rest."

That's the moment he completely freed me.

Tila lutang na tumayo lang ako. Gaya ng madalas ay tila ipo-ipong umiikot sa isipan ko ang mga
sinabi niya. Maglalakad na dapat ako palabas nang may sinabi pa ito.

"Do you want to do it with me?" he asked.

Nilingon ko si Brix. "Do what, Brix?"

"The ritual."
Chapter 51

Chapter 51: The Fog

Lutang ako nang makasalubong ni Abel. Nawala ako sa katinuan dala nung huli naming pag-
uusap ni Brix. Kulang na nga lang ay makalimutan ko rin ang dahilan kaya ako lumabas.

"May hinahanap ka na naman?" tanong ni Abel. May hawak ito kalaykay na nakapatong sa
kanyang balikat. Mukhang papunta ito sa farm dahil sa ayos niya.

"Hinahanap ko kasi si Ginang Melendez. Have you seen her?" I asked, try to set aside the things
that bothers me.

Tumingin sa likod si Abel. "I think kasama niya ang ibang tagapagsilbi para maglaba sa sapa."
Humarap siya uli sa akin. Binaba niya ang hawak na kalaykay. "Samahan na kita."

"No." Umiling ako. "Saan ba ang sapa?"

Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako sa sulok. Saka niya binitiwan ang kalakyak para
harapin ako. Napalunok ako sa sobrang seryoso ng kanyang mukha.

"Did Sev kidnap you?" he suddenly asked.

"W-what?" I chuckled. "Ano ba ang sinasabi mo?"

Tumikhim siya. "You lied about your pregnancy. And... something about that guy is bothering me.
Hindi ko alam kung paano ipaliwanag pero masama ang kutob ko sa kanya. Tell me, do you need
help? Huwag kang matakot."

Hinawi ko ang kanyang kamay sa braso ko. "Sev is a good man, Abel. Pikon lang siya at hindi
palabiro. At tungkol sa pagbubuntis ko, ginawa lang namin 'yong alibi para papasukin kami."

"For what? What's the alibi for?"

Natigilan ako. "P-para patuluyan niyo kami rito. I'm sorry for lying. Wala kaming ibang pagpipilian."

"Fine!" He let out a heavy sigh. "But..." Ramdam ko ang pag-aalangan sa kanya. "Sino ba talaga
ang lalaking 'yon? How come those insurgents are afraid of his presence? Kahit na si Papa, nakita
ko ang gulat sa kanyang mga mata. Who is he?"

"Sev..." sagot ko diretso sa kanyang mga mata. "He is Sev. That's all you need to know about
him." Saka ko na rin siya tinalikuran. "Kung hindi mo masasabi kung saan ang sapa ay salamat na
lang."

"Sa likod. Papasok sa kakahuyan. Hindi ka rin lalayo dahil malapit lang doon," sagot nito bago
bumuntonghininga. "I'm sorry for meddling too much in your life."

"Sige. Salamat sa pagturo..." Naglakad na rin ako papunta sa likod na sinasabi niya.

I don't to ruin Sev. Ito lang ang tanging hiniling niya kapalit ng katahimikan sa lugar na ito – ang
manatili pa nang ilang araw bilang si Sev.

As I walked in the woods, I heard a gushing sound somewhere. Sinundan ko ang narinig at dinala
na ako nito sa sapa kung saan nadatnan ko ang mga babaeng tagapagsilbi na naglalaba sa gilid
ng sapa.

"Lady Astra?"

I didn't even need to look for her because she already approached me. Her welcoming smile didn't
bulge. Medyo may katandaan na rin ang histura niya gaya ni Pinunong Bermudo.

"Magpapalaba ka ba?" tanong nito. Pinunas niya sa damit ang mga basang kamay. "O may
kailangan na iba?"

"Magtatanong lang po sana ako kung ano ang pwedeng gawin sa bulaklak para hindi malanta?
Maliban sa pagbabad sa tubig," sabi ko. "'Yon po sanang mapapakinabangan."

Halatang napaisip naman ito. "Kandila. Pwede mong gawing kandila para magamit niyo rin sa
tuwing nagpapainit kayo ng asawa mo." Saka siya mahinang tumawa.

Napangiwi ako. Parang si Albina lang ang isang 'to.

"Salamat po. Uhmm..."

"Hindi ka marunong," aniya saka tinanaw ang mga babaeng naglalaba. "Oh siya. Ipapasa ko na
muna sa iba ang labahan ko para masamahan ka."

"Ay. Pwede naman pong sa susunod na lang," agad kong pagtanggi dahil nakakahiya. Saka
andito lang naman ako para magtanong. "Pasensya na po sa abala."

"Hindi." Hinawakan niya ang braso ko, ramdam ko ang lamig ng kanyang kamay. "Kaunti na lang
naman ang lalabahan ko. Sandali lang ah?"
Wala na rin akong nagawa kung hindi hintayin siya. Kinausap niya ang isang babae at binigay sa
kanya ang labahin. Wala akong nabakas na pagtutol sa babae. Nakakamangha talaga ang
pagsasamahan nila rito.

Siguro mas madali ang buhay ko kung dito lang ako napadpad. Unfortunately, I got in the most
powerful and dangerous clan of vampires.

"Tara na..." aya ng ginang matapos.

She brought me to her house. Hindi katulad sa tinutuluyan naming gawa sa kahoy, gawa sa bato
ang bahay na ito. Malinis ang kulay puting pader. May mga kagamitan siyang gaya ng pananahi.

"Pasensya na. Nataranta ako kanina dahil sa paglusob ng mga rebelde kaya nakalimutan kong
maglinis. Maupo ka muna," saad niya habang nililigpit ang mga tela sa gilid ng makina. "Teka.
Kunin mo na kaya ang bulaklak na gagawin mong kandila?"

"Ay sige po."

Gaya ng sinabi niya ay kinuha ko ang bulaklak sa silid namin. Si Brix ay nakadapa na at walang
pang-itaas, mukhang nainitan. Gano'n pa man ay mahimbing ang tulog nito.

Sumagi sa isipan ko ang sinabi niya kanina. Hindi ko pa alam ang isasagot ko. May parte sa akin
na gusto... gustong-gusto dahil ito ang paraan para tuluyan akong matali sa kanya at may parte rin
na takot dahil alam kong mali. Sa oras na pumayag ako ay siya ring oras na tinanggap ko ang
isang panibagong dagok.

Though I want to be with him so bad... I can't stop thinking of all the possible consequences. I
need more time. Ayokong magpadalos-dalos ng desisyon.

Bumalik ako sa bahay ni Ginang Melendez. Nadatnan ko na ang mga aparato na gagamitin namin
tulad ng wax, tali, at mga shot glass na paglalagyan ng wax.

"Nasaan nga pala ang asawa mo?" tanong ng ginang habang nakatalikod pa rin sa akin at nag-
aayos. "Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita."

"Nasa silid po. Natutulog."

Narinig kong tumawa ito. "Masyado sigurong napagod kagabi..."

"Ay. Ito na nga po pala ang bulaklak."


Humarap siya sa akin. Nang makita niya ang hawak kong bulaklak at napawi ang ngiti sa kanyang
labi. Ilang sandali pa ay umangat ang tingin niya sa akin.

"Hyacinth. B-bihira dito ang mga ganyang bulaklak. Kadalasan ay sa pinakasuluk-sulukan


natatagpuan ang mga ganyan." aniya. "A-ang asawa mo ba ang kumuha nito?"

Naguguluhan man pero tumango ako. "Mas mabango naman po 'yan kesa sa mga bulaklak sa
paligid."

"Gano'n na nga..." Bumuntonghininga ito pero hindi pa rin tinatanggap ang bulaklak.

"May problema po ba?" tanong ko.

"Wala. Wala." Tinanggap niya ang bulaklak bago ngumiti uli... pero alam kong pilit na ang ngiti
niya. "Lalagasin lang natin ang mga talulot ng bulaklak at patutuyuin. Kailangan nating magmadali
dahil palubog na ang araw."

"S-sige po."

Tinulungan ko siya sa paglagas ng mga petals ng bulaklak. Naninibago ako ngayon sa kanyang
pananahimik. Pansin ko rin ang maya't mayang pagsulyap niya sa akin na tila may gustong
sabihin.

"Ako na po ang maglalabas..." Kinuha ko ang sisidlan na naglalaman ng mga talutot. "Sandali lang
po."

Ramdam kong nakasunod ang tingin niya hanggang sa makalabas ako. Weird. Mukhang hindi
niya nagustuhan ang bulaklak na dala ni Brix. Mabango naman ito at hindi hamak na mas
maganda sa mga nakikita kong bulaklak dito.

Nilapag ko sa mainit na lugar ang sisidlan at pinatungan ito ng bato para hindi tangayin ng hangin.
Pagkatapos ay bumalik din ako agad sa loob.

Nadatnan kong nagpapadingas na si Ginang Melendez. Umupo ako sa tabi niya at pinanuod siya.
Saka gusto ko ring mainitan. Masyadong malamig ang klima rito.

"Gusto mo bang magpatingin mamaya sa manggagamot?" biglang tanong ng ginang. "Para


masuri niya ang kalagayan mo at ng anak mo na rin."

"Hindi na po. Baka hanggang bukas na lang din naman kami rito," sabi ko. "Siguro ay bibisita
naman kami lagi rito. Ang babait ng mga naninirahan dito."

Napatingin ako kay Ginang Melendez nang hawakan niya ang braso ko. Now, she is really acting
weird. "Naniniwala ka ba sa manghuhula, Lady Astra?"

Shit. Naninibago na talaga ako sa kanya.

"H-hindi po ako sigurado..." nag-aalangan kong sagot.

"Isa akong manghuhula," aniya. Binitiwan niya ang braso ko at saka nilapitan ang isang malaking
kandali sa ibabaw ng isang lamesa. "Hindi ko kayang suriin ang nararamdaman mo pero kaya
kong mabasa ang mga simbolo..."

Hindi ako nakasagot.

Humarap siya sa akin nang nakangiti. "Sa totoo niyan ay gustong-gusto ko talagang gawin sa 'yo
ito. Magmula nung makita kita... at ang asawa mo."

Nanuyo ang lalamunan ko. Naghihinala na rin ba siya?

"Hindi kita pipilitin..." aniya nang hindi ako sumagot. "Alam kong nakakatakot ang ginagawa ko
pero madalas ay nagbababala lang ako. Hindi ko nakikita ang totoong mangyayari pero
nararamdaman ko. Kung handa ka na... sabihin mo sa akin. Sana lang ay hindi pa huli ang lahat."

"B-bakit po, Ginang Melendez? Ano po ang nararamdaman niyo sa akin?" Lumakas ang tibok ng
puso ko. "Masama po ba? May mangyayari po bang hindi maganda?"

"Ang inyong mga mata ng asawa mo ay may ibang hangarin. Walang pagkakaisa. Mahina ang
pananggala. Marupok ang pinanghahawakan ninyo. Isang ihip ng hangin ay maaaring matumba."

"Po?"

"Matataas na alon. Ipo-ipong pilit na kumakawala sa pagkakagapos. Nagsusumiksik na alapaap.


Ang oras ay tila isang kandilang unti-unting nalulusaw. Alam mo ba kung ano ang senyales nito?
Isang mapaminsalang bagyo."

Natutop ako sa kinauupuan ko. Hindi ko maunawaan pero sumikip nang sobra ang dibdib ko.
Kung ano man 'yon ay hindi maganda sa pakiramdam.

Tumawa ang Ginang. "Hindi pa ako sigurado. Hindi pa kita nasusuri nang mabuti. Minsan ay mali
rin naman ako. Pero ngayon ko lang ninais na sana nga... sana ay nahihibang lang ako."
Tinakpan ko na lang ng isang ngiti ang pagkalitong nararamdaman. Kung gano'n ang nakikita niya
sa akin ay ayoko na ring kumpirmahin pa. Ayokong alalahanin ang parating... gusto kong
mabuhay sa kasalukuyan.

Sinalang na ni Ginang Melendez ang aparato para sa pagtunaw ng wax. Ako naman ay hinanda
ko na ang mga baso na pagsasalinan. Simple lang naman ang paggawa pero kailangan mabilis
lalo na mabilis ding matuyo ang wax.

Mabilis din na natuyo ang mga bulaklak. Bago namin sinalin sa lalagyan ang nalusaw na wax ay
binuburan muna namin ito ng tuyong bulaklak. Nakagawa kami ng sampung kandila.

"Kailangan na lang nating patuyuin," sabi ng Ginang nang matapos kami. "Madilim na rin. Siguro
ay bumalik ka muna sa tirahan ninyo dahil baka gising na ang asawa mo. Balikan mo na lang
bukas dito ang mga kandila."

"Salamat po!" Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko.

"Maaari ko bang mahingi ang mga sobrang tuyong bulaklak?" aniya. "Gusto ko rin sanang
magamit ito kung maaari."

"Sige po. Sa inyo na lang."

"Salamat, Lady Astra. Sige na."

Yumuko ako sa kanya bago lumabas. Habang naglalakad ay naiisip ko pa rin ang mga sinabi niya.
Isang bagyo? Kung ano man 'yon ay hindi na siguro ako gaanong maaapektuhan. Naging isang
bagyo ang buhay ko nang maging ganito ako.

Naabutan ko si Brix sa harapan ng bahay namin. Naka-jacket na ito at nakaupo. Nang makita niya
ako at bigla itong napatayo. Masama ang tingin nito.

Lumapit ako sa kanya. "Ano ang ginagawa mo sa labas? Malamig dito."

"Where have you been?" malamig ang boses nito. Humalukipkip pa siya. "Hindi ba ang sabi mo ay
lalabas ka lang? Wala kang sinabing gagabihin ka."

"Eh? Nagpatulong kasi ako kay Ginang Melendez na gawing kandila ang bulaklak na bigay mo."
Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang jacket niya. "Pumasok na tayo."

"What? Ginawa mong kandila?"


Tumango ako. "Kesa sa malanta at hindi mapakinabangan."

"Magandang gabi..." Napatingin kami sa dumating na dalawang babae. "Ipapasok lang sana
namin ang pagkain niyo."

Tumabi kami ni Brix para makapasok ang dalawang babae. Naramdaman kong umakbay sa akin
si Brix. Hinaplos ko ang kanyang kamay.

"What's wrong?" he asked.

"What?"

"Wala."

Nang makalabas ang mga babae ay kami naman ni Brix ang pumasok. Umupo na kami at kumain.
Pareho lang kaming tahimik. Gutom din ako dahil maghapon akong hindi kumain.

"You can go here anytime you want," Brix suddenly said.

Nanatiling tikom ang bibig ko.

Tumikhim si Brix. "Hindi ba ang sabi ni Papa ay kailangan nating umuwi bago mag Unus? Sa
isang araw pa 'yon. Pwede pa tayong humabol."

"Hindi ba kasama si Pinunong Bermudo sa Unus?" tanong ko.

Umiling si Brix. "Kadalasan ay may mga ranggo o mataas na pangkat lang ang kasama roon.
Esparago Clan is also an independent clan. Wala silang kaalyado."

"Oh." I nodded.

"May problema ba, Astra?" tanong na naman nito. Uminom muna siya ng alak bago nagpatuloy.
"Kanina ka pa tahimik. Tungkol ba 'to sa sinabi ko—"

"No." Umiling ako. "Not at all."

Umusog siya sa akin. "Then, what?"

Napatitig ako sa kanya. "Ang sabi sa akin ni Erikson ay si Eskelle lang ang tanging nagkaroon ng
pagkakataon para mapatumba ka. How's that possible? He was a human, right? That doesn't
make sense."
He stared at me for a while. "Do you really want to know?"

Tumango ako.

"Finish your food and let's have a walk," he said as he stood up. "Nasa labas lang ako."

Minadali ko ang pagkain at agad ding sumunod kay Brix. Magkatabi lang kami ni Brix habang
naglalakad. Napagpasyahan kong kumapit sa kanyang bewang at mas idikit ang katawan namin.
Umakbay rin siya sa akin.

"He saved me..." Brix started. "It was a risky mission and I managed to win it. Pero napuruhan
ako. Hindi na ako makagalaw. Lying on the ground, my body felt numb. I was losing
consciousness when he suddenly appeared. He lent me his blood. That's how I survived the
death."

Manghang napatango ako. "H-hindi pala literal. He could have let you die there but he saved you.
Have you felt like you owe him your life? Is that it?"

Brix nodded. "Yeah. He was the bravest man I've met. He knew I was not a human but he never
got scared. He treated me like a brother... I did the same."

"Whoa. That was heartwarming..." I chortled.

"Erikson. Resty. Braun. Three of my members." Ramdam kong parang nahihirapan si Brix sa
sasabihin niya ngayon. Huminga siya nang malalim. "They were all there that day."

Napatingin ako sa kanya. "What?"

"They were there when I was in the verge of dying, watching form a far, waiting for it to happen..."
He chuckled. "That's how Kelly got me. He was the only one who helped me."

Natutop ako. Sa tingin ko ay 'yon ang ibig sabihin ni Callum nung sinabi niyang tinangka nilang
patayin si Brix. Hindi ako makapaniwala. Siya ang leader nila pero nagawa nila 'yon.

Pero ang hindi nila alam ay... alam ito ni Brix. He knew about it all this time.

"Maybe you are right, Astra. Power intimidates genuine things. I looked up to them not just my
comrades but also my friends but I don't think they did the same. Tragic."

"How about Oscar?" I gulped.


Si Brix naman ang napatingin sa akin. "What about Oscar?"

Natahimik ako. Shit. He doesn't know yet.

Umiling ako. "Alam ba 'to ni Master Oscar?" tanong ko na lang.

"Maybe..." He shrugged his shoulders. "Naging kaibigan ko si Eskelle. He became my secret.


Naging pabaya ako kaya nalaman din ito ng ibang squad hanggang maging si Oscar. Sinumbong
niya ako kay Papa. It was against the rules but he let me be friends with him anyway."

What? Is that it? Gano'n lang baa ng kasalanan ni Oscar? I don't think so. Parang may iba pa
siyang ginawa para mangamba nang gano'n.

"Siguro ay nag-aalala lang siya sa 'yo," sabi ko na lang.

"I'm not sure..." He let out a heavy sigh. "Kay Kelly ko naramdaman ang tunay na pagkakaibigan.
I've never felt like that before, not with my comrades, not with my family. The acceptance..."

But they took him away, too. He's right. Lahat ng pinahahalagahan niya ay nawawala... kinukuha...
at pinagkakait sa kanya.

"That led you to that, right?" he asked.

"Yeah. But I discovered something that day, too..." He looked at me again. "I have this strange
ability that keeps me miles different from the rest. Do you want to see it?"

Lumunok ako bago tumango.

Hinila ako ni Brix papasok sa loob ng kagubatan. Binitiwan niya rin ako saka bahagyang lumayo
sa akin. Huminga siya nang malalim bago ngumiti sa akin.

"This is me, Astra..."

Napasinghap ako nang biglang lumamig. Nanayo ang mga balahibo sa katawan ko. Napatingin
ako kay Brix. Nakatingin ito sa akin gamit ang kanyang mga pulang mata.

Ilang sandali pa ay namuo ang hamog na bumalot sa paligid. The thick fog filled my sights.
Napakapa ako ngayon dahil parang nabulag ang mga mata ko. Ito rin 'yung pakiramdam ko no'ng
muntik ko nang mawala si Servena.

"It took me quite some time before I mastered this ability..." Sa isang iglap din ay naglaho ang mga
makapal na hamog. Nakalapit na pala sa akin si Brix. "Lumalabas ito sa tuwing umaapaw ang
nararamdaman ko. I want you to know that fog is a threat to everyone but for you... it's a safe
place."

Napatulala ako sa kanya.

Hinaplos niya ang mukha ko. "Are you scared of me, Astra?" he asked.

"Can you do it again?" I requested.

He smiled.

When the fog blinded our sights, I claimed his lips. I wrapped my hands around his neck as I
pulled him closer. Naramdaman kong rumagasa sa bewang ko ang kanyang kamay.

I parted our lips to give my answer.

"You are the only master I want to serve as long as I live. I want to do it with you, Master Brix."
Chapter 52

R18. You can skip the part you aren't comfortable reading. You will still be able to understand the
story don't worry. That's all. Thank you and enjoy reading.

***

Chapter 52: Now or Never

I am aware with my actions. I have always been reckless with my decisions that led to different
casualties. May mga pagkakataon na akala ko ay hindi na ako makakabangon pa. May mga
pangyayari din na hindi ko na kailanman maitatama pa.

"Yay! Puno na ang basket ko, Lady Astra!" masayang sambit ni Tegan habang pinapakita ang
basket niyang puno ng strawberry. "Hindi ka pa puno? Do you want me to help you?"

Saka ko lang napagtanto na halos hindi pa kalahati ang akin. Nag-request kasi si Tegan na
tumulong kami ngayon sa pagpitas ng mga bunga ng strawberry.

"Sure. Thank you, Tegan."

Tumakbo ito sa ibang panig ng farm at nagsimulang pumitas. Nilagay niya ang mga napitas sa
kanyang damit habang kagat-kagat niya ang laylayan para hindi mahulog. Natatawa na lang ang
mga ibang nag-aani sa kanya.

I looked up at the scorching sun. Ano'ng oras na ba? Sa pagkakaalam ko ay umaga pa lang
kanina pero mukhang tanghali na ngayon.

"Lady Astra..." Lumapit sa akin ang isang magsasaka. "Ikaw yata ang hinihintay ni pogi," turo niya
sa likod ko kung saan nakatayo sa hindi kalayuan si Brix. He was watching me while his arms
were crossed on his chest.

My chest tightened again for some reason. Ang rason kaya pumayag akong samahan si Tegan ay
para makaiwas muna kay Brix. Magmula kaninang umaga ay ganito na ang pakiramdam ko.

There's something bothering me.

Nakita kong nangunot ang noo ni Brix kaya agad akong umiwas ng tingin. Nilapitan ko na lang si
Tegan na hindi pa rin nagpapapigil sa pagpitas.

"Tanghali na, Tegan," I reminded him that caused of him pouting his lips. "Ang bilin sa akin ni Lady
Aida ay ihatid kita bago magtanghali. Let's go?"
"I-I'm not done—"

"Tegan..." I shook my head. "Let's go."

Wala na rin itong nagawa. Binuhos niya sa basket ko ang laman ng damit niya. Kumuha siya ng
ilang piraso. Ang iba ay pinasok niya sa kanyang mga bulsa at ang dalawa ay sinubo niya.

"Hey. Hindi pa 'yan nahugasan," suway ko.

May nirason pa ito pero hindi ko naintindihan dahil puno ang bibig niya. Hinawakan ko na ang
kamay niya bago pinatong sa iba pang basket ang bitbit ko.

Huminga ako nang malalim bago lumapit kay Brix. Pinilit kong ngumiti sa harapan niya. Gano'n pa
man ay hindi naalis ang pagdududa sa kanyang mukha.

"I-Ihatid muna natin si Tegan..." Shit. I stuttered. Mas lalo siyang maghihinala na may mali sa akin.
Bumaling na lang ako kay Tegan na ngumunguya na. "Tara na, Tegan..."

Bumali ang leeg ni Brix pero hindi nagsalita.

Habang naglalakad ay nasa pagitan ako nina Brix at Tegan. Hawak ko sa kamay ang bata dahil
mabilis itong ma-distract at mabilis din siyang tumakbo 'pag nakawala.

"Kuya Sev, gusto mo pa ba ng strawberry?" alok ni Tegan na nakadungaw kay Brix. Mabuti na
lang at naitama ko na siya kanina sa pangalan ni Sev.

Tinanggap naman ni Brix ang alok ni Tegan. "Thanks, kid." His voice sounded so lame.

"Sorry. Sabi ko kahapon bibigyan kita ng strawberry pero hindi na ako pinalabas ni Lady Aida."
Ramdam ko ang inis sa boses ni Tegan. "I told her that I was just going to give you—"

"It's fine," Brix cut him off.


Napatingin ako kay Brix dahil sa inasta niya sa bata. Bakas ang pagkairita sa mukha niya pero
hindi dahil kay Tegan. Mabibigat din ang paghinga niya.
"Aw. You're mad," Tegan said.
"I'm not," Brix defended.
Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Lady Aida na naglalakad. Mukhang papunta na rin ito sa farm.
Narinig ko agad ang pag-angal kay Tegan nang matanaw rin siya.
"Salamat sa pagbabantay, Lady Astra, Sev..." Bahagyang yumuko si Lady Aida bago hinawakan
sa kamay si Tegan. "Let's go. Maliligo ka pa."
"Pwede ba akong maligong mag-isa?" tanong pa ni Tegan.
"Oo. Sige."
Bumaling sa amin si Tegan. "Thank you, Lady Astra. Kuya Sev, sorry na. Dapat si Lady Aida ang
kagalit mo—"
"Sshhh. Tara na, Tegan."
Nginitian ko na lang si Tegan. Nang makalayo sila ay agad din akong tumalikod at naglakad
palayo. Ramdam kong nakasunod lang sa akin si Brix.
"It's fine if you don't want to do it," I heard him say.
I continued walking. Nilagay ko sa harap ko ang mga nanginginig kong kamay at mas binilisan ang
aking paglalakad. Nakakahiya sa ibang kawal at mga kasama naming nakakasalubong sa
paglalakad kung dito kami magsasagutan.
"Bullshit," I heard him cussed again. "I thought I have already given you enough time to prepare.
Damn. I did. Pero mukhang hindi 'yon ang problema mo."
Doon na ako humarap kay Brix. "Mag-usap tayo sa walang makakarinig, Brix. Nakakahiya—"
"Para saan pa? If you are going to deny it, just do it here. You don't need to explain it to me."
Tatalikod na sana siya sa akin pero maagap na nahawakan ko ang kanyang braso.
"Please?" I pleaded.
Bumuntonghininga ito pero pumayag din. Umuwi muna kami sa tinitirahan namin para doon
makapag-usap. Nung nasarado ko ang pinto ay hinarap ko si Brix na nanatiling nakatayo.
He furrowed his brows. "What happened last night, Astra? You gave me your answer clearly,
right? I thought—"
"I want to do it but—"
"But!" he immediately cut me off. "Everything you say after but will deny everything you say before
it. Just get straight to the point, Astra. Do you really want to do it?" Bahagyang lumambot ang
boses niya.
Lumunok ako. "I want to do it. I really do."
"Kailangan na nating maghiwalay pagkatapos nitong pag-uusap, Astra," putol niya uli sa akin.
Tuluyan nang bumaba ang kanyang boses. "I will prepare things because fuck it, I really want to
do it with you. I'm fucking desperate to get you whole. Like I could kill if someone would interrupt
it."
Hindi na ako nakapagsalita. Pinanatili ko na lang ang atensyon sa kanya at nakinig.
"It will happen tonight, Astra," he continued. "Maghihintay sa 'yo si Ginang Melendez sa labas ng
bahay na ito dahil siya ang bahala sa 'yo. Kapag hindi ka lumabas o nagpakita sa kanya... alam ko
na. Kapag hindi ka nakadalo... alam ko na. It's your choice after all."
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mukha. "I'm sorry if you feel like I am forcing
because... I really am." He chuckled. "This is our last chance." Nilapit niya sa mukha ko ang
mukha niya. "It's now or never..."
After Brix kissed me, he already left.
Tulala, hindi pa sana ako makakabalik sa huwisyo kung hindi lang may kumatok. Pinagbuksan ko
ng pinto si Ginang Melendez na malaki ang ngiti. Pumasok ito at pinatong sa lamesa ang pagkain
na dala.
"Nasabi na sa akin ni Sev ang plano," kinikilig niyang lathala sa akin. "Sa wakas ay magagamit mo
na rin ang kandilang ginawa natin. Tuyo na rin ang mga 'yon."

"Ginang Melendez..." Napakapa ako ng sasabihin. "Alam kong may ibang kahulugan ang bulaklak
na bigay sa akin ni Sev. Alam kong alam mo rin 'yon."

How she reacted when she saw the flower, I knew there was something off. She was even
hesitant if she would accept the flower or what.

Unti-unting naglaho ang ngiti sa kanyang labi. "Hindi ako sigurado kung alam ba niya o
nagandahan lang talaga siya kaya 'yon ang napili niya, Lady Astra..."

"Ano po ba ang kahulugan ng bulaklak na 'yon?" tanong ko sa kinakabahang boses.

Nag-alangan itong sumagot pero sa huli ay ginawa rin niya. "Lumbay. Paghingi ng kapatawaran.
Paghihinagpis. Kapag binigyan ka ng isang lalaki nito ay parang humihingi na rin siya ng
paumanhin sa mga maaaring kahinatnan nito. Alam niyang... hindi magiging madali ang
pagsasamahan niyo."

Natikom ang bibig ko. Is that it, Brix? Are you scared, too?

"Lady Astra..." Hinawakan niya ang kamay ko. "Maging matatag ka. Nag-uumpisa pa lang ang
totoong laban ng buhay mo. Sa oras na lumisan ka sa lugar na ito ay ang siyang umpisa ng
panibagong yugto sa buhay mo."

Ilang sandali akong tulala bago marahan na napatango. That's it. Iyon ang hinihintay kong
malaman. Iyon ang gusto kong malaman mula kay Brix.

I want to know if he's aware that doing this ritual could be the biggest mistake of his life. He knew
it. He accepted it. Now... it's my turn to do the same.

Wala sa sariling napayakap ako kay Ginang Melendez. "Salamat po. Pero may gusto pa po akong
hingin mula sa inyo. M-maaari niyo pa po bang tangkain tingnan ang kapalaran ko?"

"S-sigurado ka ba?" tanong nito.

Tumango ako bilang sagot. Gusto ko nang malaman, maging totoo man 'yon o hindi. Gusto kong
mapaghandaan kung sakali. If I need to fight just to keep what I have, I will.

Hinintay ko rin dito sa silid si Ginang Melendez dahil kukunin niya muna ang mga gamit niya. Hindi
ako makapali. Kinabahan ako. Alam kong hindi maganda ito.

I knew that this move isn't right knowing about the ritual later. It could mess up my thoughts even
more. But this bulge of curiosity won't stop messing my mind. I need answers.

Dumating din agad si Ginang Melendez, dala niya ang isang malaking kandila na nakita ko sa
bahay niya. May maliit din na tasa at matulis na bagay sa loob no'n.

"Sandali lang po 'to, hindi ba?"tanong ko.

Sa halip na sumagot ay inabot niya sa akin ang maliit na tasa na may pangtusok. "Magpatak ka ng
dugo sa loob ng tasa. Isang patak lang ay maaari na."

I did what she told me to. Tinusok ko ang daliri ko at pinatak ito sa tasa. Binigay ko sa kanya 'yon.
Nilagyan niya nang kaunting tubig 'yon at saka hinalo. Naghilom din agad ang maliit na sugat ko.

"Ito ang pinakaimportante..." Pinakita sa akin ni Ginang Melendez ang mga natirang talutot ng
pinatuyo naming bulaklak. "Pareho niyo itong nahawakan. May bakas niyong dalawa ito."

Dinikdik niya ang mga talutot ng tuyong bulaklak at nilagay rin sa tasa kasama ang dugo ko at
tubig. Kinuha niya ang kandila at pinatakan ang loob no'n.

Shit. Bakit ko ba ito ginagawa?

Nakita kong naguluhan ang mukha ni Ginang Melendez habang nakatingin sa loob ng tasa. I knew
from that moment that it's not good. Though I already expected it, I still got worried.

"Makapal na usok..." bulong niya. "Maraming mga mata..." Pumikit ito. "Pahina nang pahinang
tibok ng puso. Maingay. Mga luhang bumabaha."

Ilang sandali pa ay nagkaroon ng lamat ang tasang hawak ni Ginang Melendez. Her hand started
to tremble. Nakaramdam ako ng takot sa mga maaari niya pang makita.

"Magigising ang tulog. Nakikita kita, Astra. Nakatayo..." Nangilabot ako nang may pumatak na
dugo sa kabilang mata ni Ginang Melendez. "Malabo. May usok... masyadong makapal. Hindi ko
makita."

Hindi na ako nakatiis at hinawakan ko na si Ginang Melendez. "T-tama na po..."

"May magbabalik..."
"Ginang Melendez—" Napaatras ako nang biglang mabasag ang tasang hawak niya. Kasabay
no'n ay pagkamatay ng apoy sa kandila.

Panandalian akong natulala. What's that?

Nagmulat ng mga mata si Ginang Melendez. Tulala ito habang nakatingin sa akin. "Ang kandila ay
tuluyang matutunaw..."

Pumatak ang luha sa mga mata ko sa hindi malamang kadahilanan. Hindi ko maunawaan ang
mga simbolong sinasabi niya pero tila nauunawaan ito ng pakiramdam ko.

Biglang yumakap sa akin si Ginang Melendez. Ramdam ko ang sobrang panginginig ng kanyang
katawan. "Isang pagkakamali na nagtagpo ang mga landas niyo..." bulong niya.

Napapikit ako. "M-may paraan po ba para mabago ang nakita niyo?"

"Putulin ang inumpisahan..." bulong niya.

Nanlambot ang katawan ko. Sa dami ng sinabi niya ay 'yon ang pinakamalinaw sa akin.

"Ang lalaking kinakasama mo..." bulong pa niya. "Hindi ko siya nakita sa pangitain ko."

Hinarap ko si Ginang Melendez. "A-ano po ang ibig niyong sabihin?"

"Hindi siya sakop ng pangitain ko..." saad pa niya, bakas ang pagkalito sa kanyang mga mata. "Ito
ang unang pagkakataon na hindi ko nakita ang isang nilalang. Pambihirang lakas na nagmumula
sa pinakasukdulang paghihinagpis."

Tumango na ako at hinawi ang mga luha. "Salamat po. Makakaalis na kayo..."

"Mag-iingat ka, Astra. Ikaw ang susi para tuluyang mabuksan ang lagusan patungo sa madilim na
yugto..." aniya sa makahulugang tono. "Pero... may tanong ako."

"Po?"

"May kapatid ba ang lalaking kinakasama mo?"

"B-bakit po?"

"Wala lang." Tumayo na ito at handa nang umalis. "May naramdaman kasi akong kadugo niya
pero hindi kumpleto. Imposibleng kapatid niya 'yon. Sige na. Susunduin na lang kita mamaya.
Kumain ka na."

Nakaalis na si Ginang Melendez pero hindi pa rin naalis ang bigat ng dibdib ko. I knew it was not a
good idea to do that, but at least... I have an idea.

I thought my life has become a nightmare when I turned into a vampire but I never thought... it was
just a glimpse of something worse than a nightmare.

Strangely, I managed to finish my foods. Gutom na gutom ako. Nagpahinga lang ako sandali bago
humiga sa banig. Niyakap ko ang ginamit na unan ni Brix.

I closed my eyes as I whispered, "I hope this will end well..."

Nagising ako na madilim na. Umupo ako at kinalma ang sarili. Mas magaan na ngayon ang
pakiramdam ko kesa kanina. Kalmado na rin ang isip ko.

I smiled. This is it.

Pagbukas ko ng pinto ay si Ginang Melendez ang agad na sumalubong sa akin. Mukhang kanina
pa siya naghihintay. "Magandang gabi, Astra."

"Magandang gabi rin po," bati ko pabalik.

Tumango siya at naglahad ng kamay sa akin. Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin ang
kanyang kamay. It seemed like the moment I held her hand, I already accepted whatever is ahead
of me.
The night breeze lingered on my bare face as we walked. Pumasok kami sa modernong estruktura
na pinasukan din namin ni Brix nung kinausap kami ni Pinunong Bermudo.
"Nakapagpahinga ka ba nang maayos?" tanong ni Ginang Melendez habang naglalakad kami sa
tahimik na pasilyo.
Suminghap ako. "Opo. Nasaan po si Sev?"
"Naghahanda na rin."
We went inside the shower room. Hindi mo aakalaing sa likod ng makalumang pamumuhay nila
rito ay merong ganito. May bathtub na bumubula. Mabango ang halimuyak ng mga kandila.
"Sandali lang ah? Kukunin ko lang ang susuotin mo. Sige na. Magbabad ka lang," sabi ni Ginang
Melendez bago sinarado ang pinto.
Huminga ako nang malalim. Bumalik ang kaba sa dibdib ko pero sa pagkakataong ito ay hindi na
dahil sa nag-aalangan ko. Kinabahan ako sa gagawin namin.
Unti-unting kong inalis ang aking saplot sa katawan bago nagbabad sa bathtub. Sinandal ko ang
likod ko para makapagpahinga. Saka ko pinikit ang mga mata ko. The warm water somehow
helped me ease my heavy feeling.
I let out a heavy sigh.
I can't believe it will happen any moment now. A gushing memories started to flash in my mind and
it's reminding me how far I have come. I can't believe I made it this far. That unfriendly girl who just
wanted to finish her study and get a decent job was gone in just a glimpse.
I still find it amusing yet quite disturbing how fast life changes.
It takes a blink of an eye to change your life forever.
I still remember how confused I was of the sudden strange changes in my life. The night I got
stabbed in the back and woke up in my bed the next morning like nothing happened at all. It felt
like it just happened yesterday. Pakiramdam ko ay nasa likod ko pa rin ang kutsilyong unang
pumatay sa akin.
Until these two guys appeared in my room while I was crying in pain – one wanted to help me
ease the heavy feeling quickly and the other one who just wanted to remind me how I owe him my
life.
A tear escaped my eyes. I made it, Mom. I lived. I din't give up. I have no idea if I can still survive
the next chapters but at least... I made it this far.
Hindi rin ako nagtagal magbabad. May pang-ahit din akong nakita na ginamit ko. Tapos na rin ako
nung dumating si Ginang Melendez. She was carrying a purple lingerie dress.
I blushed just by seeing it. Binigay niya sa akin ang mga damit ko at tinulak ako papasok sa loob
ng kurtina para makapagpalit. Mas mukha pa siyang excited sa akin.
Nang masuot ko ang undergarment ko at dress ay napagtanto kong mas malala pa pala sa
inaakala ko ang dress. Kitang-kita ang mga undergarment ko sa liwanag.
"Perfect!" Tumawa si Ginang Melendez nang makitang suot ko na. "Sabi na sakto lang sa katawan
mo. Umupo ka muna. Aayusin ko ang buhok mo..."
Habang inaayos niya ang buhok ko ay naglalakbay naman ang isipan ko. Ano kaya ang ginagawa
ni Brix ngayon? Kinakabahan din ba siya gaya ko?
Winisikan din ako ng pabango ni Ginang Melendez. "Mag-bathrobe ka muna..." Binalot niya sa
akin 'yon. "Ang ganda-ganda mo, Astra. Lalo na kapag wala ang bathrobe."
Namula ako sa sinabi niya. "S-saan po ba si Sev?"
"Halika na. Naghihintay na si Brix sa 'yo..."

Nagulat ako sa sinabi niya. "P-po?"


Natawa ito. "Huwag kang mabigla. Alam kong pagpapanggap lang ang lahat maliban sa
nararamdaman niyo..."
Napangiwi ako pero pumayag na rin. Hindi niya ako pinagsuot ng sapin sa paa. Dumaan kami sa
likod kung saan nakaabang si Pinunong Bermudo. Silang dalawa lang ang sa tingin kong
nakakaalam sa pangyayaring ito.
Ngumiti ito nang makita ako. "Magandang gabi, Astra..."
"Ang ganda niya, hindi ba, Bermudo?" tanong ni Ginang Melendez.
"Kayo po ba naman ang nag-ayos..." biro din ni Pinunong Bermudo. Naglahad ito ng kamay sa
akin. "I'm happy for both of you. Shall we, Lady Astra?'
Humarap muna ako kay Ginang Melendez. Yumakap ako sa kanya at bumulong. "Salamat po sa
lahat. Pero may mali po sa pangitain niyo. Hindi lang po ako nakatayo..."
Bumitiw na ako sa kanya at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Pinunong Bermudo. Lumabas
na kami. Naramdaman ko sa mga paa ko ang lupa.
I let out a weighty sigh. Palakas nang palakas ang pintig ng puso ko habang papasok kami nang
papasok sa kagubatan. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang makapal na hamog. Huminto kami
sa bungad no'n.
Hinarap ako ni Pinunong Bermudo. "Marami na akong narinig tungkol sa isang Brixton Wenz
Cardinal. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang nakaharap ko. Ibang-iba sa naririnig ko..."
"He's not that cruel..." I smiled.
"Thanks to you..." Binitiwan na niya ang kamay ko at humakbang nang ilang beses paatras.
Sinenyasan na niya ako pumasok sa makapal na hamog. "He's waiting..."
Lumunok ako bago unti-unting hinakbang ang mga paa sa loob ng hamog. Wala akong makita
pero nagpatuloy ako sa paglalakad. Hanggang sa naamoy ko na ang halimuyak ng bulaklak.
Ilang hakbang pa at tuluyan na akong nakaalis sa hamog. Bumungad sa akin ang liwanag mula sa
mga nakakalat na kandila. May mga alitaptap din na tila hindi makadaan sa hamog kaya nakulong
dito.
My lips slightly parted. It feels like I am dreaming.
Tumuwid ang tingin ko sa malaking tent sa gitna. May ilaw rin sa loob no'n. The silhouettes were
visible but I couldn't see Brixton inside. Where is he?
"You came, Milady..." I've got goosebumps when I heard his voice echoing around.
Nagpalinga-linga ako pero hindi ko siya makita. Tila nagtatago sa mga ulap.
"Brix?" I called his name.
"You still have time to run," he said. I tried to look for him but I failed. He's hiding behind the thick
fog. "Astra... you know what kind of man I am. You still have time to save yourself..."
Umiling ako. "I don't want to be saved..."
Ilang sandali siyang natahimik.
Napatingin ako sa isang parte ng hamog na gumagalaw. Tila nahati ang ulap doon. Napasinghap
ako nang makita si Brix na diretso ang tingin sa akin. Nakapantalon lang ito at gaya ko'y
napayapak din.
I got teary-eyed when he started walking towards me. Halo-halo ang emosyon ko ngayon. This
guy has gone through a lot of pain. Naiisip ko pa lang ang mga pinagdaanan niya ay naiiyak na
ako. I am a tough woman but I don't think I can stand the things he has gone through.
Brixton Wenz Cardinal...
Huminto siya sa harapan ko at tumitig nang ilang segundo bago naglahad ng kamay. "Shall we,
Milady?"
I swallowed hard as I held his hand. Sabay kaming naglakad papasok sa loob ng malaking tent.
Sa loob ay may makapal na blanket at ibang mga aparato gaya ng mangkok at patalim na sa
tingin ko ay gagamitin namin sa ritual.

Inalalayan ako ni Brix na makaupo bago siya umupo sa harapan ko.


He smiled at me. "I did it, Astra. You will sleep tonight with a lot of fireflies."

Gano'n lang ang sinabi niya pero parang matutunaw ako.

Tila tinakasan ako ng mga salita ngayon.

"You can still run," he said. "But I won't let you get away anymore."

"I-I'm scared..." I admitted.

He chuckled. Bumaba ang tingin niya sa akin. "Damn it, Astra. I can see the purple dress clearly
even though you are covered with that bathrobe."

"Stop embarrassing me!"

Tila nalagutan ako ng hininga nang tumukod siya at lumapit sa akin. Masyadong malapit ang mga
mukha namin. "Hindi matatapos ang gabing ito nang hindi ka nagiging akin nang buo..." bulong
niya.

Umayos ito ng upo at kinuha ang mangkok at patalim.

"Let's start..." he whispered.

Huminga ako nang malalim. "Let's do it, Master Brix..."

Hiniwa niya ang kanyang braso at sinalin sa mangkok ang dugo na tumutulo. Napangiwi ako pero
tila wala lang sa kanya 'yon. Hindi niya pinutol ang tingin sa akin.

"Will I do that, too?" I asked, tensed.

"You know that I tend to the most cruel thing when I am frustrated, right?" he asked. "I am a threat
to everyone. I have a lot of enemies. I am the villain of my own story."

"I know..."

Sinabayan ko ang mga seryoso niyang mata. Lumambot ang mga 'yon. "You will somehow get
that curse. I'm sorry for being selfish, Astra."

"I will fight with you, Master Brix..." I said, straight into his eyes. "I vowed to protect you even if it
costs my life."
Sumilip ang tipid na ngiti sa kanyang labi. "I burned down an entire clan to avenge a friend. How
far do you think I can do for you?"

I remained silent.

"For you, Astra, I can turn my back on my clan... my father... my family," he said with all sincerity.
"You are... the only thing that matters to me now. I will use every thing I have earned just to protect
you."

He stopped the leak of blood from his arms. Marahan na inabot niya sa akin 'yon para gawin ko
rin. Pumikit ako bago hiniwa ang braso ko. Napangiwi ako sa hapdi.

"That's enough..." Kinuha rin agad sa akin ni Brix ang bowl.

Kaunti lang ang sakit na naramdaman ko dahil pinatigil niya rin ako agad.

"I am Brixton Wenz Cardinal of Nightfal Clan..." Nilapit niya sa bibig ang mangkok na may lamang
pinaghalong dugo namin. "I am the S. I am taking you from now on, Astralla Martin. You have me
as long as I live..."

I watched him gulped half of the blood. His eyes turned into intense red. Tila nagising ang mga
ugat nitong lumitaw sa kanyang leeg at mga braso.

Inabot niya sa akin ang mangkok pagkatapos. It's my turn...

Hinawakan ko nang mahigpit ang mangkok habang nakatingin kay Brix. "I'm sorry that you need to
go through a lot of things, Brix. I want you to know that I, Astralla Martin, will stand with you no
matter what. You have me as long as I live..."

I closed my eyes as I swallowed every drop of blood. Biglang uminit ang pakiramdam ko. Tila
nasusunog uli ang mga mata ko. Buhay na buhay ngayon ang katawan ko.

Nilapag ko sa gilid ang bowl at tumayo. I slowly took off my bathrobe until I am with nothing but my
lingerie dress. Mas lalong tumindi ang init na nararamdaman ko.

Brix stood up. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking balikat. Hindi natinag ang
pagkakaigting ng kanyang mga pulang mata. Bumaba sa braso ko ang kanyang mga mainit na
palad.

I closed my eyes when he claimed my lips. Pinulupot ko sa kanyang leeg ang aking mga braso
para mas idiin ang halik namin. Naramdaman kong bumagsak na sa katawan ko ang dress na
suot ko.

Binuhat ako ni Brix sa kanyang braso at kinawit ko naman ang mga binti ko sa kanya. Dahan-
dahan niya akong hiniga sa malambot na blanket.

I groaned when his soft lips when down my neck, slowly planting small kisses. Napabukas ang
mga mata ko nang maramdaman ko ang kanyang matulis na pangil sa aking leeg. He was sucking
my blood and I couldn't explain how overwhelming the sensation was.

His electrifying kiss when down even more. Gumapang sa likod ko ang isa niyang kamay. He
unclasped my bra and took it off. Hinalikan niya ako sa gitna ng mga dibdib ko.

"Jesus. Can I sleep in between of these sometimes? They look comfy," he laughed.

I cried in pleasure when his kiss went on one of my tits. Ang mainit niyang labi ay naramdaman ko
sa isa kong didbib habang ang isa niyang kamay ay nasa isa pa at minamasahe ito. Napaliyad
ako nang laruin niya ako roon. When his tongue moved in circular motion, that's when I totally lost
my sanity.

"B-Brix..." I moaned his name.

I heard him chuckle. "Sweet..."

Bumalik sa labi ko ang kanyang halik habang ang kanyang kamay ay pumasok sa loob ng
underwear ko. He played me down there while sucking my tongue. Hindi ko alam kung ano ang
gagawin ko dahil sa kiliting dulot niya.

Pinalaya niya ang mga labi ko at sandaling tumingin sa aking mga mata. "I have seen a lot of eyes
but yours are most enchanting ones, Milady..."

Bumaba uli ang halik niya pero sa pagkakatong ito ay inabot niya ang pinakasukdulan. Hawak
niya ang mga hita kong nagpupumiglas dahil sa kiliting dulot ng kanyang dila habang nilalaro ako.
Naramdaman kong pumasok ang daliri niya sa loob ko.

"S-shit..." Humaba ang boses ko. "B-Brix..."

He didn't stop playing me until I said something, "Come inside me now, Brix..."

Natigilan ito at bahagyang tumawa. Tinukod niya ang dalawang braso sa magkabila ko habang
nakatingin sa akin. He licked his lips . "Say it again..."
"Brix!"

"Give me an order, Milady. I am your slave tonight."

Lumunok ako. "Get inside me, Brix. Please?"

Umupo ito at inumpisahang i-unbutton ang kanyang pantalon. Binaba niya ang zipper ng kanyang
pantalon. When my eyes laid on his bulge, I immediately looked away.

Fuck! What did I get myself into?

Naramdaman kong hinawakan ni Brix ang kamay ko. Napatingin ako sa baba niya nang ipahawak
niya ito. Mabilis akong umiwas ng tingin. Ramdam kong tila nasusunog ang katawan ko. His huge
thing was standing proud in its peak form. Fucking hell!

I gasped 'cause I couldn't imagine how painful it would be when he started to penetrate his
hugeness.

"Can I do it now?" he asked for permission.

Kinuha ko ang kamay ko bago tumango. "Please?"

Bumaling ako sa kabila at kinuyom ang mga kamao. Kinukulang ako ng hangin sa mga sandaling
ito. Naramdaman ko ang dulo ng kanyang alaga sa bungad ng aking pagkababae. Kumapit ako
sa blanket.

"Slowly?" he asked.

"J-just do it all at once..." I said.

"Come again, Milady?"

"Do—" Nakagat ko ang labi ko kasabay ng pagbuhos ng luha sa aking mga mata nang
maramdaman ko ang kanyang kabuuan sa loob ko. It felt like it tore me apart. Sa sobrang tindi ng
pagkagat ko sa labi ay dumugo ito.

Yumakap sa akin si Brix at hindi muna gumalaw roon. "Hey. Ituloy ko pa ba?"

Hinampas ko ang kanyang namumulang dibdib.

"G-gago..." Humagulgol ako. Ramdam ko pa rin ang parte kong tila nahati sa dalawa. "S-sabi nila
masarap. Gago sobrang sakit. Hindi yata ako makakalakad bukas."
Natawa ito. "Let me take away the pain."

He kissed my tears before he kissed my lips. He didn't let go of my lips while thrusting in and out.
Hindi kinaya ng blanket ang kapit ko kaya kay Brix na ako kumapit.

Sandaling umupo si Brix. "Turn around..." he said, panting.

He was sweating. Halos maligo na siya sa pawis.

Tinukod ko ang mga kamao ko at tumalikod. Niyakap ako ni Brix sa likod habang hawak ang
dalawa kong dibdib. Napapikit ako nang maramdaman uli ang pagdulas niya sa loob ko. Sa
pagkakataong ito at mas madiin at mabilis.

Napatingala ako at napapikit na lang habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi.

"Fuck! You are making me insane, Astra." He groaned. Mas lalong lumakas ang paghingal niya.

Nanlambot ang mga tuhod ko kaya napadapa ako sa blanket. Mula sa likod ay naramdaman kong
sumandal sa akin si Brix. Ramdam ko ang tigas ng kanyang didbib sa hubad kong likod
Napaungol ako nang maramdaman ang pangil ni Brix sa batok ko. Nawala na ang sakit at
napalitan naman ng nakakabaliw na pakiramdam.

Ramdam na ramdam ko ang kanyang kabuuan na labas-masok sa loob ko.

"Almost..." he whispered. "Fuck! Dapat dapat pala dati pa natin ito ginawa. You are making me
crave for more."

I gasped for more air. "I like you, Brix..."

After a few moments, I felt a warm sticky liquid inside me. Pareho kaming napahiyaw sa
nakakapangilabot na pakiramdam. I haven't felt that before. It feels fucking awesome!

"Akin ka na..." bulong niya.

Bumagsak sa likod ko si Brix at napayakap sa akin. Pareho kaming naghahabol ng hininga.


Nanatili akong nakapada habang nasa likod ko siya. He didn't withdraw his thing yet.

Siniksik niya ang mukha sa aking batok.

Napangiti ako. "Is that it?"


Hinalikan ako ni Brix sa batok. Ramdam ko ang kanyang mainit na hininga. "For now..."

Natigilan ako. "May kasunod pa?"

"We just started..."

"W-what?"

Umalis sa ibabaw ko si Brix. Naramdaman kong may kinuha ito sa gilid ko. Nanatili akong napada
dahil hindi pa rin ako makabawi. Mukhang hindi nga talaga ako makakalakad bukas.

Narinig ko ang mga tunog ng bakal. My eyes widened when Brix showed me the handcuffs and
ropes.

"It's all-night, Milady..."


Chapter 53

Chapter 53: New Leader

That's I think the best decision I've ever made since I turned into a vampire— giving in to Brixton
Wenz Cardinal. He managed to eradicate all my doubts and fear in just a single night. Now that I
think of it, I couldn't help but to smile.

Tumabi sa 'kin si Abel at sumandal sa bench habang ako naman ay pinanatili ang tingin sa mga
magsasaka na walang tigil sa pag-ani ng mga pananim.

"How was your stay here?" he asked.

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko at bumuntonghininga.

"What can I say?" I chuckled, shaking my head. Inayos ko sa likod ng aking tainga ang ilang hibla
ng buhok kong kumawala. "Gusto ko pa ngang magtagal pa."

Sa kabilang dako ay nagkulay kahel ang kalangitan dulot ng palubog na araw. Habang tumatagal
ako rito sa labas ay ramdam kong palakas nang palakas ang hangin.

"You can always come back here, Astra."

Napalingon ako sa kanya. "Are you giving me a free pass since you are the son of the leader?"

Ngumiti ito bago natawa. "Sige lang. Pero... gano'n naman talaga kami rito. Bukas kami sa lahat
ng nangangailangan. You know? Those insurgents... we could have provided them foods if they
only approached us in a good way."

Sandali akong napatitig sa kanya. "You will be a good leader just like your father, Abel."

Lumingon siya sa akin. "Oh. Thank you for saying that. It means so much to me."

Muli na lang ako tumingin sa kalangitan. Unti-unti na ring nagpapaalam ang liwanag.
Nakaramdam ako bigla ng lungkot. Bukas din ay lilisanin ko na ang lugar na ito.

"Seryoso, Astra. Kung gusto mong bumalik ay huwag kang mag-alinlangan. When that time
comes, I will give you a more comfortable place. A cozy room. Better foods. You and Sev."

"Uhm. Any place as long as here..." I responded, letting out a weighty sigh. "I am good with that."

"Ano'ng oras ka aalis bukas?" tanong niya.


I feel sad again that he mentioned that. "Bago sumikat ang araw..."

"Oh." Ramdam kong lumumbay ang boses niya. "Mukhang hindi na kita makikita pagkatapos nito.
So..." He stood up and offered his right hand to me. "Thank you for coming in Esparago Clan..."

Ngumiti ako bago tumayo. Inabot ko ang kanyang kamay. "Thank you for letting us stay without
asking for anything in return, Abel. I will surely miss this place."

"No worries. Can I get a hug?" he requested.

Binitiwan ko ang kanyang kamay para yakapin siya. "It's nice to meet you, Abel..."

He hugged me back. "You are the best visitor I've ever had. Please come back..."

Matapos no'n ay nagpaalam na ako babalik sa tinutuluyan ko. Naabutan ko si Brix na naglalakad.
He was wearing a sweat pants paired with his favorite white t-shirt. I really think it's not Brixton if
he's not wearing that familiar plain white shirt. Basa pa ang buhok nito. Nakayuko siya habang
naglalakad.

I stopped walking. Huminto rin ito. Umangat ang tingin nito sa akin. Ang seryosong mukha nito ay
biglang ngumiti. Just like that, I feel like melting. That smile suits him perfectly.

"Hey..." he said. "I've been looking for you around."

I smiled. "Na-miss mo ako agad? Hindi ba kasama mo ako magdamag?"

Ngumuso ito. "What about it?"

I closed the distant between us as I wrapped my arms around his waist. Tiningala ko siya at
sinabayan ang kanyang tingin. "Susunod ka rin naman agad sa akin, hindi ba?"

Rumagasa ang kanyang mga kamay sa bewang ko. "For sure. Mauuna ka lang ng sandali.
Ihahatid naman kita sa bungad. It's just I need to do something else."

I gave him a peck on lips. "After The Unus. Can we go back here?"

"Wherever you go, Milday. I will surely be there, too."

We shared the whole night together again. Halos ilang oras lang ang tulog ko pero walang
pagsisisi. Kahit na ilang araw ko lang siyang hindi makikita ay nalulungkot na ako agad.

Mabilis na lumipas ang mga oras.

My chest tightened as I faced the Esparago Clan one last time. Madaling araw na. Nakahanda na
kami ni Brix na umalis. Tanging mga kawal pa lang ang gising.

Naramdaman kong niyakap ako ni Brix sa likod. "Let's go..." he whispered on my ear.

Huminga ako nang malalim. Naunang sumakay kay Servena si Brix bago ako inalalayan.
Yumakap ako sa kanya at pinahinga ang ulo sa kanyang likod.

"Please don't exhaust yourself," I heard him say.

"It's sad, Brix. You know?" I whispered. "Hindi na tayo pwedeng maging ganito sa Mansion."

"We can still be—"

"No," I immediately cut him off. "I want us to be a secret. Just like you, I want to protect this, too.
Pero pwede naman tayong magkita ng patago para sa ganito."

Naramdaman ko ang mabigat niyang hininga dahil nakayakap ako sa kanya. "Someday, you won't
be a secret anymore. One day... the world will be aware that when they mess with you, they mess
with me, too..."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Please, be safe..."

"You, too..."

Gaya ng napag-usapan ay hinatid ako ni Brix sa dulo ng gubat kung saan ligtas na. Binigay niya
sa akin si Servena para magamit ko. Nanginig ang mga kamay kong may hawak sa lubid.

"See you again soon, Milady..." Brix said.

Yumuko ako para gawaran siya ng halik sa labi. "See you, Master Brix."

Hinataw na niya ang kabayo kaya wala na rin akong nagawa. Nilingon ko pa si Brix na
kumakaway. Nang makalayo ako ay bumigat na naman ang paghinga ko.

This is it.

Dumiretso ako sa Mansion. Nanibago rin ako agad sa mga magarang sasakyan na nakaparada sa
bungad. Mukhang unti-unti na ring dumadating ang mga kasama sa Unus.

Dinala ko si Servena sa pwesto niya at tinali siya roon. I caressed her head. "Great job,
Servena..."

Napagpasyahan kong pumasok na sa loob. Ang naabutan ko ay si Lady Feera, ang bagong alipin
ni Oscar, na kausap ang isang kasambahay na si Lady Ersa. Mukhang nagtatalo ang dalawa.

Ipagsasawalang-kibo ko na lang sana kung hindi ko lang narinig na humikbi si Lady Ersa. Wala
tuloy akong nagawa kung hindi ang lapitan sila.

"What happened?" I asked.

Nakayuko lang si Lady Ersa.

Ngumiti sa akin si Lady Feera. "Nothing, Lady Astra. Medyo may katamaran kasi ang mga
kasambahay rito."

I furrowed my brows. "Then, do the job instead," I said. Naglaho ang ngiti sa kanyang labi. "We
don't live in here for them to serve us, Lady Feera. They don't serve slaves like us."

Her lips slightly parted. Gusto niyang dumipensa pero natikom din ang labi niya nung dumating si
Oscar.

"Master Oscar..." Lady Feera bowed her head.

"Hey, Astra," Oscar greeted me, ignoring Lady Feera. Hinarap niya ako bago tumikhim. "I'm glad
you are back. Hindi man lang kita nakita bago umalis. How's the mission?"

"Good," tipid kong sagot. Sinulyapan ko si Lady Feera na nakatingin lang sa amin ni Oscar.
"Sorry, Master Oscar. Kailangan ko munang pumasok sa kwarto."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Umakyat na rin ako sa aking silid. Pabagsak na umupo
ako sa kama at inalis sa likod ko ang bag ko. Napabungtonghininga ako.

I'm back!

Humiga ako sa kama. Damn. Miss ko na agad ang malamig na simoy ng hangin sa Esparago
Clan. Hindi sinasadyang sumagi sa isipan ko ang mga sinabi ni Ginang Melendez.
Napabangon ako. The Unus. I know there's something strange about this celebration. I have no
time to rest anymore. Bukas din ay darating na ang mga leader ng iba't ibang clan.

Nagpalit ako ng damit at nagmadaling lumabas. Gumulat sa akin si Oscar na nakatayo sa labas
ng kwarto ko. Mukhang kanina pa ito sa labas. Bakas ang pagkataranta sa kanya.

"Pwede ko bang makita ang ginawang preparation ni Resty?" tanong ko.

"S-sure!" Ngumiti ito sa akin. "Yeah. Of course Let's go? Medyo malayo rito ang lugar kaya
gagamitin natin uli si Armando." Halatang tuwang-tuwa ito.

Gaya ng sinabi niya ay ginamit namin si Armando. Nakayakap ako sa likod niya pero hindi
mahigpit. Hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin ang mga sinabi ni Callum. What did he do?

We went to the East Wing of the Mansion. For a moment, I thought I was in Esparago Clan again.
Halos gawa sa kahoy ang mga bahay pero may kalakihan. Pansin ko rin na masyadong mahigpit
ang seguridad dito.

"Where's Resty?" I asked.

"Battle Arena," Oscar answered. "He's preparing the Junior Squads for the battle show to entertain
the leaders. It's all set now. Hinihimay na lang ni Resty ang mga detalye para hindi pumalpak."

Napatango ako. Nakaramdam ako ng konsensya. Iniwan ko siya sa gitna ng preparation.

Pinuntahan namin ang sinasabing battle arena ni Oscar. It's an open area. May kalakihan din ito
kaya mas malayang makakakilos ang mga kalahok.

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na si Resty na may kausap na taltong lalaki. Medyo maalikabok
dahil may kanya-kanyang preparation ang mga kalahok.

Nung makababa ako sa kabayo ay nilapitan ko rin agad si Resty. I was expecting him to scold me
for leaving all the things to him but instead, he smiled at me.

"Astra!" Magiliw na sinalubong niya ako. "You see? This is your idea!" He motioned his hand
around the arena.

I winced. "Hey. Sorry sa biglaan kong—"

"It's fine!" Inakbayan niya ako bago kinuha ang atensyon ng mga kalahok sa kumpetisyon.
Natanaw ko rin ang kambal na sina Evan at Ethan. "Hey guys! This is Lady Astra, the brain behind
this awesome idea. Please give her a warm of applause."
I felt awkward when they all clapped for me.

"Stop..." bulong ko kay Resty. "No need for this."

"She will be my partner for the rest of celebration for Unus," he even announced. "If you need
something or if you have a request, please approach her too but with respect."

Hindi na lang ako nagsalita.

"She's a cheater." Napatingin kami kay Evan na nagsalita. Nakahalukipkip ito at masama ang
tingin sa akin.

"We lost to her," said Ethan.

Nakarinig kami ng mga bulungan sa paligid. Mukhang hindi sila makapaniwala na natalo ang
kambal na ito.

Hinila ko na lang si Resty palayo roon. Nilagpasan namin si Oscar. Nakaramdam ako ng lungkot
dahil sa ginagawa kong pag-iwas sa kanya. Hanggat hindi ko alam kung ano ang ginawa niya ay
hindi ako mapakali.

I really think that he's one of the biggest factor to solve the missing puzzle.

Dinala ko si Resty sa mas tahimik na lugar.

"What? May problema ba?" tanong niya.

Hinarap ko siya. "Brix knew..."

Natigilan ito. "W-what?"

"He knew that you were there when Eskelle helped him," I clarified. I could clearly see how
horrified Resty with that. "You, Erikson and Braun. He knew it all along."

His fists balled up. "Why are you saying this then? Para maiyak ako na hindi niya ako sinaktan
kahit na alam niya? I'm sorry, Astra. Hindi mangyayari 'yan."

"Why did you do that?" tanong ko.


Sandali itong natigilan. Halata ang pag-aalangan sa kanyang sagutin ang tanong ko.

"He was always the talk of the town, well until now..." Makahulugan niyang sambit. Tipid itong
ngumiti. "Everyone was envious of the attention he was getting effortlessly."

Tumitig ako sa kanyang mga mata pero umiwas naman ito. "W-what about you, Resty? Why did
you do that? Why did you betray your leader?"

Binalikan niya ang tingin ko pero sa pagkakataong ito ay ramdam ko na ang galit doon. Hindi ko
maintindihan kung bakit pero kitang-kita ko ang pagkasuklam sa kanyang mga mata.

"Ito lang ba ang sadya mo?" malamig niyang tanong. "Are you seeing me as the villain in this
story, Astra?"

Umiling ako. "I-I just want to know your motive—"

"I need to go now."

Tumalikod na ito pero may sinabi akong nagpatigil sa kanya. "You were never jealous of the
attention he has been receiving or with the ability he possesses. Am I right, Mr. Escariaga?'

"I am not that kind of man, Astra..." Yumuko ito.

"Then, why, Resty? Why did you do that?" I feel the frustration now.

Napabuntonghininga ako nang hindi niya ako sinagot. Iniwan niya akong puno pa rin ng
katanungan. Gano'n pa man ay may napagtanto ako kahit na sa ilang sandali ko siyang nakausap.
May mas malalim siyang dahilan kaya niya nagawa 'yon.

"I see..." Napatingin ako sa nagsalita. Si Oscar na mukhang kanina pa nakikinig sa amin. "You are
starting to gather information."

I sniffed. "I just find it disgusting how Brix was mistreated in a place he sees as home."

Ngumiti ito sa akin. "You are already disgusted with those pieces of information. Paano pa kaya
kapag nalaman mo na nang buo?" Naglakad ito palapit sa akin. "This is the time to be silent,
Astra. Kung walang nagawa si Brix, ano sa tingin mo ang magagawa mo?"

"To clear his name..." madiin kong sambit. "I want the world to know how you turned him into a
disgusting killer. G-gusto kong..." Parang may bumara sa lalamunan ko. "Gusto kong malaman ng
lahat na kung may dapat man silang katakutan... hindi si Brix 'yon."
Aalis na sana ako nang hawakan ni Oscar ang braso ko. Napasinghap ako nang siilin niya ako ng
halik sa labi. Panandaliang nablangko ang utak ko bago ko siya nagawang itulak.

I slapped him hard on his face. Saka na rin ako tumalikod.

"I-I'm sorry..." he whispered.

Halos mabura ang labi ko sa tindi ng pagpunas na ginagawa ko. Is he out of his mind? Why would
he do that? Kung sa tingin niya ay may epekto sa akin ang ginawa niya, nagkakamali siya. Mas
tumindi lang ang kagustuhan kong malaman kung ano ang tinatago niya.

Fuck!

Nakakita ako ng bench sa ilalim ng puno at umupo ako roon. Tinaas ko ang mga tuhod ko at saka
niyakap ito. Damn. Why do I feel exhausted all of a sudden?

No. Hindi dapat ako magpatalo. I need to do something. Gusto kong baguhin kung ano ang nakita
ni Ginang Melendez. Gusto kong malinawan sa mga pangyayari.

I don't want to end this tragically.

"Tama nga sila. Nakabalik ka na..." Naramdaman kong tumabi sa akin si Erikson. "Magpahinga ka
muna. You look tired. Mas marami pang mangyayari bukas."

"I-I don't know, Erikson..." Suminghap ako nang manikip ang dibdib ko.

"It was one of the biggest mistakes I still regret until now..." I heard him say. "Kinain ako ng galit
noon. Wala akong mapagbuntongan ng galit kaya kay Brix ko ito nabuhos."

Pinanatili ko ang pagkakayuko ng ulo sa mga tuhod habang nakikinig sa kanya.

"Melanie... one of our members and my girlfriend," kwento niya kung saan ramdam na ramdam ko
ang lumbay ng tinig niya. "Alam kong sinagot niya lang ako para hindi kami makahalatang may
gusto siya kay Brix. She didn't want to embarrass herself. Alam kong sa una pa lang ay si Brix na
ang gusto niya."

Bumuntonghininga ito bago nagpatuloy.

"Hanggang sa isang araw ay nagkaroon kami ng mission. Isang delikadong mission. Halos kami
ay muntik nang mapahamak. Kung wala lang si Brix ay malamang na namatay na kami roon. H-he
saved us one by one..." Pumiyok ang kanyang boses. "He managed to save us all except
Melanie..."
Doon ko na inangat ang ulo ko. Naabutan kong nakatingin sa malayo si Erikson. Nakangiti ito na
tila inaalala ang araw na 'yon.

He looked at me, teary-eyed. "I was enraged with myself. Kung hindi lang ako mahina ay nailigtas
ko sana siya. Sa sobrang galit ko ay si Brix ang sinisi ko—"

"It's fine now..." I cut him off already. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "At least alam mo na
ngayon na mali ang ginawa mo. Brix would be happy to hear that."

Narinig kong humikbi ito. "Simula no'n ay ipinangako kong hindi ako aalis sa tabi ni Brix kahit na
anong mangyari. Nang sa gano'n man lang ay makabawi ako. But I don't think it will ever be
enough..."

"It is..." I whispered. "He knew it all along, Erikson."

Mas tumindi ang panginginig ng katawan ni Erikson. "K-kaya nung dumating ka at nakita ko kung
paano ka pahalagahan ni Brix, nangako akong poprotektahan kita para sa kanya. I don't want him
to lose you."

Napangiti ako. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa nalaman. At least ngayon ay panatag na
ako kay Erikson. Maling-mali ang ginawa niya pero ang mahalaga ay nagsisisi na siya.

Sinamahan ko si Erikson hanggang sa tumahan siya.

"Sorry..." Natawa ito. "Nag-drama tuloy ako."

Tumawa rin ako. "Okay lang. Sira. At least nasabi mo na rin 'yan. It's okay now..."

"Oo nga pala..." Sumeryoso ang boses niya. "Have you heard the news?"

"What?"

"Phoenix Clan will join The Unus," he said.

I nodded. "Nasabi na sa akin ni Resty."

"Hindi na si Lord Morales ang leader ng Phoenix Clan," aniya na ikinatigil ko. "Narinig ko lang
itong pinag-uusapan nina Resty at Lord Severo."

"What's wrong with that? Masama ba 'yon"


"That's alarming, Astra..." aniya sa makahulugang tinig. "Hindi ko alam kung ano ang plano nila.
Pero... kilalang-kilala ng Nightfall Clan ang pumalit na leader."

"Wait. Why?"

"She was once a member of us..." aniya habang nakatitig sa mga mata ko. "One of the greatest
members of Nightfall Clan. But now... she's the new leader of Phoenix Clan."

"S-sino?"

"Lady Grenda. The mother of Cardinals."


Chapter 54

Chapter 54: The S

Ang kwentong ito ay tila isang sapot ng gagamba na tugma-tugma, paikot-ikot ngunit sa iisang
direksyon din ang bagsak. Ang lahat ng piraso na kapag nahilera ay nakaturo lahat sa iisang
direksyon – Brixton Wenz Cardinal.

Paano humantong sa ganito ang lahat? Bakit dahil lang sa iisang pagkakamali niya ay
pinarusahan siya nang ganito? Hanggang kailan niya ba papasanin ang bigat ng nakaraan?

Mula rito sa itaas ng puno ay pinagmasdan ko ang unti-unting pagdating ng mga bisita. Nag-
umpisa na ring magdatingan ang mga pinuno ng bawat pangkat. Lahat sila ay sumalubong
maliban sa akin

I want to watch from a far where I can see everything. Para makita ko maging ang maliit na
detalye na hindi mapapansin ng mga nasa harapan.

Kumagat ako sa mansanas bago bumuntonghininga. Nasaan na ba si Brix? Sabi niya ay sandali
lang siya. Umasa akong darating din siya kagabi pero bigo ako.

Natigilan ako sa pagnguya nang makita ang isang babaeng nakasakay sa magarang puting
kabayo. She was wearing a red hat that I barely had a glimpse of her face. Pero kung paano
yumuko ang mga kawal... mukhang siya na ito.

The mother of Cardinals – Lady Grenda Cardinal.

What happened to her? Akala ko ay wala na siya kaya hindi nababanggit dito sa Mansion. Bakit
nasa iba na siyang clan?

That's the moment I jumped off the tree. Tumakbo ako para lumapit sa mga kasama kong nag-
aabang. Tumabi ako kina Resty, Oscar, Erikson, kasama rin ang mga Seniors na pinamumunuan
ni Lord Severo.

Huminto ang kabayo sa harapan namin. Yumuko ang mga kasama ko, maging ang mga Seniors
maliban lang kay Lord Severo. Ako naman ay hindi nakagalaw nang matanaw ang kanyang
mukha.

For a moment, I thought I was looking at Nathalia with that familiar red fashion style. She was
wearing a red dress, a pair of red gloves and red diamond earings on both ears. Her red lips that
compliment her blonde hair make her look even more regal. It's no doubt – The Queen of
Cardinals.
"Welcome to Nightfall Clan, Lady Grenda," Lord Severo greeted her with a smile. Naglahad ito ng
kamay sa babae. "It's been a long time, Milady."

"Things don't really change in this place." Even her chuckle sounds elegant. Hinubad niya ang
mga gloves at binigay sa lalaking kawal. Saka tinanggap ang nakalahad na kamay ni Lord Severo.

Nung makababa ay lumipat sa mga Seniors ang tingin ni Lady Grenda. "Well. Looks like we have
a new Senior. Right, Lord Escariaga, Lord Reggar, and Lord Wenson?"

"Welcome back, Milady..." Isa-isang humalik sa likod ng kamay ni Lady Grenda ang mga Seniors.

"I am Lord Trojan, Milady. It's a pleasure to meet the Lady of Cardinals," Lord Trojan bowed his
head, too.

I was astonished by the scene. Para akong nasa isang royal gathering.

"My boy..." Nalipat kay Oscar ang tingin ni Lady Grenda. Mas lumiwanag ang ngiti nito nang
makita ang anak. "Aren't you happy to see me again?"

Nakangiting lumapit si Oscar at bahagyang yumuko. "Welcome back, My Queen..."

Napangiti ako nang magyakapan ang mag-ina. Mukhang na-miss nila talaga ang isa't isa. Mas
tumindi tuloy ang katanungan sa isipan ko. Bakit niya titiisin na mapawalay sa pamilya?

"Where the hell is Nathalia?" dumiin ang boses ni Lady Grenda habang lumilinga-linga sa paligid.
"Oh, come on. Didn't you inform her that I will come for a visit?"

Tumawa si Lord Severo habang naiiling. "You know your daughter, Milady. She hates being stuck
in one place for a long time. It's not good for the skin according to her."

"Marami pa naman akong dalang damit para sa kanya!" Halata ang pagkainis sa boses ni Lady
Grenda. "Oh, my feels! Can you like inform her to visit me one of these days?"

"I will..." said Resty.

"Aristotle—"

"It's Resty, Milady," Resty cut her off immediately.


Marahan na tumawa si Lady Grenda. "Hindi ka pa rin nagbabago, Mr. Escariaga. You still hate
your squad. Well... I can't blame you." Umikot ang kanyang mga mata. "May I see my room now?"

Kumunot ang noo ko. Isn't she going to look for Brix, too?

Napatingin sa akin si Lady Grenda. I was taken aback when she smiled and approached me. Tila
natuyuan ako ng lalamunan. Sa malapitan ay damang-dama mo kung gaano ka-importante ang
babaeng ito sa mga Cardinals at sa Nightfall Clan.

"I like your black hair..." Hinaplos niya ang buhok ko. "Smooth. I like your shade of lipstick, too.
You are gorgeous, baby. May I know the name of this lady?"

"I'm Astralla Martin, Milady..." I introduced my name.

Sandali itong natigilan bago bumaling kay Lord Severo. Tumango naman ito sa kanya kaya muli
akong tiningnan ni Lady Grenda. Muli ring bumalik ang ngiti sa kanyang labi.

"I see..." she chuckled as she caressed my cheeks using the back of her hand. "I want you to be
me accompany for the rest of The Unus. Are you good with that?"

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya.

"Let me find you someone else—"

"I am not asking you, Mr. Nadija," madiin niyang pinutol ang mga salita ni Erikson. "I am asking
this gorgeous lady named Astra. Do you want to be my accompany?"

I smiled. "Pleasure, Milady..."

She nodded. "As I expected. Shall we?"

Naglakad na kami papunta sa pansamantalang titirahan ni Lady Grenda. Nauuna silang


naglalakad nila Lord Severo at Oscar. Nasa likod nila ang mga Seniors at nasa likod naman kami
nina Erikson at Resty.

"She's still annoying..." Resty mumbled.

Natutulala pa rin ako. Hindi ako makapaniwalang nakaharap ko ang pinagmulan ng mga
Cardinals. Pero... bakit hindi niya hinahanap si Brix?

"Are you sure about this?" Napatingin ako kay Erikson. "You can say no, Astra."
"I can but I won't..." I responded. "I want to know her more, Erikson. Gusto kong mas makilala ang
ina ng mga Cardinals."

Kailangan kong makalapit sa kanya at siya na mismo ang nagpalapit sa akin. Alam kong may
alam siya na sila lang dalawa ni Lord Severo ang nakakaalam. I wonder if Oscar is somehow a
part of this strategy?

"Wala na akong partner. Hays," dinig kong angal ni Resty.

Pumunta kami sa titirahan ni Lady Grenda. Kung sa ibang leaders ay gawa sa kahoy ang mga
bahay nila, kay Lady Grenda naman ay moderno. Isang palapag lang pero malawak. Hindi naman
nakakagulat 'yon. She's probably afraid of mosquitos.

"Dito na lang..." ani Lady Grenda nung nasa pinto na kami. Hinawakan niya ang braso ko at hinila
ako patabi sa kanya. "I want to rest first. Si Lady Astra na lang muna ang maiiwan sa akin. Thank
you for a warm welcome, Nightfalls."

Napalunok ako nang tumingin sa akin si Lord Severo. "Are you good with this, Lady Astra?" he
asked.

"I am, Milord..." sagot ko.

Tumango naman ito bago muling bumaling kay Lady Grenda. "Well, please rest well, Milady.
Ipagpahatid na lang kita ng pagkain dito. We will have our first meeting tonight." Nalipat sa akin
ang tingin ni Lord Severo. "Ikaw na ang bahala sa kanya, Lady Astra..."

Tumalikod na si Lord Severo at naglakad palayo na agad na sinundan ng mga Seniors. Nanatili
namang nakatayo pa rin ang tatlong lalaking sina Oscar, Resty at Erikson.

"You go and rest too, Oscar," said Lady Grenda.

"Kung may iuutos ka ay maraming pwedeng gumawa no'n, Ma. Huwag si Astra..." ani Oscar.
"Please let her rest with you, too..."

Iwas na iwas ako ng tingin kay Oscar. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya kahapon.

Tumawa si Lady Grenda. "Of course, My boy. Kailangan ko lang ng kasama. Don't worry. Hindi ko
naman gagawing alipin si Lady Astra."

"I will be hovering around, Mom. Kapag kailangan mo ako ay ipatawag mo lang ako." Yumuko na
si Oscar bago tumalikod at naglakad palayo. Sumunod na rin sina Resty at Erikson.

Hinila na 'ko ni Lady Grenda sa loob saka sinarado ang pinto. Binitiwan niya rin ako pagkapasok.
Hinubad niya ang kulay pulang sombrero at nilapag 'yon sa kulay pulang sofa.

"Let's the check the rooms..." aniya.

Sumunod ako. May dalawang kwarto rito. Pumasok kami sa main room. Bumungad sa amin ang
malaking kama na kulay pula. Maging ang mga kurtina ay kulay pula. Ang agad na nilapitan ni
Lady Grenda ay ang walk-in closet.

"Oh." She chuckled. "Mabuti na lang at nandito na ang mga damit ko." Humarap siya sa akin.
"Can you get me a glass of wine?"

"Sure, Milady."

"Kuha ka na rin ng sa 'yo," aniya pa.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Kumpleto rin ng gamit dito. Nakita ko agad ang
salamin na lagayan ng mga alak. Kumuha ako ng dalawang baso at nagsalin doon.

Damn. Why isn't she mentioning Brix?

Nang makakuha ng alak ay bumalik din ako agad sa kwarto. Naabutan kong nakapagpalit na ng
damit si Lady Grenda. Dress pa rin naman ito na kulay pula. Kung hindi ko lang alam na siya ang
ina ni Nath ay aakalain kong kambal sila.

"Here, Milady..." Nilapag ko sa maliit na table ang isang baso at ang isa pa ay hinawakan ko. "Are
you hungry? Do you want me to get you some foods—"

"Can you comb my hair?" she requested.

"Sure!"

Nilapag ko ang wine glass at tinanggap ang suklay na inabot niya. Kinuha niya ang kanyang alak
bago humarap sa tukador. Habang hinahagod ko ang buhok niya ay umiinom siya ng alak.

"I've heard a lot about you..." she started. "Feisty, gorgeous, fearless, distracting and a messy
woman. But no one told me you are this graceful and obedient."

Ngumiti ako. "I am not insane to act reckless infront of you, Milady..."
"But you have the guts when it comes to Brixton Wenz Cardinal. Imagine being as fearless as you.
Commendable."

That's the first time I've heard her mention him. Pero hindi katulad ng malambing na pagbanggit
niya sa mga pangalan nina Oscar at Nathalia. How she mentioned Brix's name came out like It's
nothing to her.

Tumikhim ako. "And I already regret the times I did that..."

"Drink your wine..." she ordered.

Hininto ko ang pagsuklay sa kanyang buhok para abutin ang alak ko. Inisahang lagok ko lang 'yon
bago bumalik sa pagsuklay. Hindi naman magulo ang buhok niya pero gusto niya lang siguro ma-
relax. Kahit na galing siya sa initan ay mabango pa rin.

"How is he?" she suddenly asked.

Bahagya akong natigilan. "Still miserable..."

"As he should..."

Natigilan ako sa pagsuklay pero agad ding nakabawi. Hindi ko inaasahang maririnig ko 'yon sa
kanya. She's acting like he's not even her son. Ano ba ang nagawa ni Brix sa kanya? Is she mad
at him, too?

"He's like his father but worse," she continued. "Proud and arrogant. Shame."

I agreed with that somehow except that she sees Brix worse than his father. Hindi ko tuloy
maiwasang hindi isipin na mukhang ako lang ang nakakaalam sa totoong Brix. He's not what they
thought he is!

Napaayos ako ng tayo dahil bigla ring tumayo si Lady Grenda. "Ikaw naman ang umupo, Lady
Astra. I want to brush your black silky hair, too."

Kinuha niya sa akin ang suklay at pinaupo ako sa pwesto niya. Napasinghap ako nang simulan
niyang hagurin ang buhok ko, marahan na marahan na hindi ko tila ang haplos ay hangin lang.

"You are really gorgeous. You suit to be a queen..." she said. "You can actually take my place as
the Queen of Nightfall Clan. Well... matagal na rin naman akong wala rito. Maybe, the time has
finally come."
"A slave cannot be a queen..."

"Unless married to a king..." Natigilan ako sa sinagot niya. Hininto niya ang pagsuklay sa buhok
ko. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko. "You can't be the queen of this clan
unless you marry the king."

Hindi na ako nakapagsalita dahil hindi ko makuha ang punto niya.

"Would you like to be a queen, Lady Astra?" she whispered. "I can help you..."

I swallowed. "H-how?"

"You know the answer."

"I cannot marry Lord Severo."

She chuckled. "Bull's eyes. But... his time has come."

"What do you mean, Milady?"

"After The Unus, a new era will be born," she whispered on my ear. "There will be a new king and
definitely, a new queen."

Natutop ako sa kinauupuan. Ipapasa na ba ni Lord Severo kay Brix ang position? Dapat ay
natutuwa ako pero bakit hindi ko magawa? I feel strange about this.

"Brix needs to be there..." bulong pa niya.

Pagkatapos no'n ay sinabihan muna ako ni Lady Grenda na umalis para makatulog siya. Tulala
ako at malalim ang iniisip habang naglalakad. Ito na ba talaga?

"Aw!" I winced when I bumped into someone.

"Apologize, Milady..." Yumuko ang kawal na nabunggo ko bago humabol sa mga nagmamartsa
niyang kasama. Sinundan ko siya ng tingin.

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa marka sa kanyang batok. Parang inukit gamit
ang mainit na bagay. Katulad na katulad ng kay Brix. S.

"Astra!" Napatingin ako kay Erikson. "Ayos ka lang?'


Tumango ako. Tumingin ako sa kawal pero wala na ito.

"May problema ba?" Sinundan din ni Erikson ng tingin ang pinagmamasdan ko. "Huy. Ano nga?
Sino ba ang tinitingnan mo?"

I shook my head. "I'm hungry. Kain muna tayo?"

"Tara kain!" masaya niyang aya.

Sinamahan niya akong kumain. May mga sinasabi si Erikson pero hindi ko magawang pagtuonan
ng pansin. Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Lady Grenda. Kung gano'n ay kailangan
nga ni Brix na makabalik sa lalong madaling panahon.

He needs to claim the position.

"Makakarating ba si Brix?" biglang tanong ni Erikson.

"Sabi niya..." Ngumuso ako. "Sana..."

Nung gabing 'yon ay nagkaroon ng pagtitipon sa Battle Arena. Isa-isang pinakilala sa lahat ang
mga leader ng clans at may kasama silang dalawang kawal. Mukhang ginawa nga nila ang sinabi
ni Resty na utos ni Lord Severo, ang magsama sila ng dalawang malalakas na kawal.

For what?

Nakaposisyon din sa paligid ang Junior Squad at lahat ng mga batikan sa pakikipaglaban. I almost
rolled my eyes. Sa tingin ko naman ay malalakas ang mga leader na ito. The security was absurd.
Ano ba ang kinakatakot nila?

Nagkaroon din ng palabas nung gabing 'yon. Nagsindi ng bonfire sa gitna at may mga sumayaw.
May mga nagbubuga ng apoy at nag-umpisa na rin ang palabas ng mga Junior Squad. Bakas ang
tuwa sa mga mata ng mga leaders.

Napangiti ako. They are enjoying the show. Resty did a great job organizing this event.

Pumirmi ang tingin ko kay Lady Grenda na nakangiti rin habang nakatingin sa palabas. Hindi ko
pa ring mataganggal sa isipan ko kung paano niya banggitin si Brix. Parang wala lang sa kanya.

"Ang galing!" si Erikson na tuwang-tuwa.


Nagmasid ako sa paligid. Hinanap ko ang kawal na may markang S pero sa halip na siya ang
makita ko... mas marami pa. Kala tang mga kawal na may markang S.

What the hell?

Lumipas ang gabi nang payapa. Hindi ko na napuntahan uli si Lady Grenda sa tinutuluyan niya.
Inabangan kong dumating si Brix pero wala pa rin.

Hanggang sa ikatlong araw ng Unus ay wala pa rin si Brix. Nagsimula na rin akong kabahan.
Where the hell is he? Huwag niyang sabihin na hindi siya darating!

He is about to become the leader of Nightfall Clan! Shit. Brix. Where are you?

Nawalan na ako ng ganang makihalubilo sa iba nung pagsapit ng ikaapat na araw ng Unus. Hindi
na rin ako mapanatag. Hindi na ba makakahabol si Brix? Ano ang dahilan?

"Here..." Inabutan ako ni Erikson ng supot ng dugo. Umupo rin siya sa bench na inuupuan ko.
"Hindi ka na naman makatulog? Ilang araw na 'yan ah?"

Binuksan ko ang supot at kinalahati ito. "I haven't seen Oscar yet..."

"He must be busy," aniya. "Why?"

Umiling ako. "I just find things weird. What's the purpose of the tight security? Sabi ni Resty ay
hindi naman daw ganito dati pero bakit ngayon? For what?"

Tumawa si Erikson at hinagod ang likod ko. "Hey. Easy. Last na bukas ang Unus. Don't
overthink..."

Inubos ko na ang laman ng supot. Bumuntonghininga ako. "We will have a new leader by
tomorrow, too. Pero mukhang hindi mangyayari kapag 'di dumating si Brix."

Napatingin sa akin si Erikson. Gulat ang kanyang mukha. "W-what?"

Huminga ako nang malalim. "Iyon ang sabi ni Lady Grenda sa akin. Paano kung wala pa rin si
Brix? Sayang ang pagkakataon. Hays. Saan na ba kasi siya?"

Umiwas ng tingin si Erikson. Kumunot ang noo ko.

"S-sige, Astra..." Tumayo na ito. "Matutulog na ako."

Naningkit ang mga mata ko. "Erikson..."


"Bakit?"

Lumunok ako. "Is Brix a real Cardinal?"

I know that question is absurd. Pero kung paano tratuhin ni Lady Grenda ito nang parang wala
lang. I must be missing something. Like... the main piece of the puzzle.

"W-what?"

Tumayo rin ako at hinarap siya. "I have two more questions left, right? Is Brix a real Cardinal?"

Napapikit ito at kinagat ang kanyang labi. "Yes..."

My fists balled up. "Okay. He is a Cardinal since he is a son of Lord Severo Cardinal..." Lumunok
ako. "How about Lady Grenda? Siya ba ang tunay na ina ni Brix?"

"That?" napakapa ito ng sagot. "I am not sure..."

I furrowed my brows. "Hindi kita maintindihan."

"Ang rason kaya napatalsik si Lady Grenda sa Nightfall Clan ay tinangka niyang patayin si Brix..."

I felt horried when I heard that. Sobrang ginimbal nito ang isipan ko. Suminghap. Tangina. Ano?
Paano? Bakit? Bakit lagi na lang si Brix? Ang gago ng pamilyang ito.

Bumaba ang boses ni Erikson. "Anong klaseng ina ang makakagawa no'n sa anak, hindi ba?
Kaya ang sagot sa tanong mo ay hindi ko rin alam. I don't know. I am still confused until now."

Napaupo ako uli sa bench. Tila sasabog ang isipan ko sa dami ng katanungan. Pakiramdam ko ay
maiiyak na lang ako. Bakit ganito ang buhay ni Brix?

"Kung gano'n..." Natawa na lang ako sa pagkayamot. "Hindi si Brix ang tinutukoy ni Lady Grenda.
Kung gano'n katindi ang galit niya kay Brix, imposibleng si Brix ang papalit na leader."

"Oscar..." bulong ni Erikson.

Napapikit ako. What the fuck?

Pero... bakit pinapapunta ni Lady Grenda si Brix? Bakit gusto niyang naroon din si Brix?

Napadilat ang mga mata ko nang may mapagtanto.


"I-it's a trap..." wala sa sariling bigkas ko.

"Then, we must warn Brixton," desididong sambit ni Erikson.

Tumango ako. "He must not attend that. They must not start a war against Brixton. Or else... the
Nightfall Clan will fall."

"What do you mean?"

Lumunok ako. "He is—"

"Astra!" Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Erikson. "Shit!"

Napatingin ako sa likod niyang may tama ng palaso. Kung hindi ako nagkakamali ay ito rin ang
palaso na ginamit sa amin sa gubat. Hindi ako agad nakalagaw sa bilis ng pangyayari.

"I-I can't move..." Erikson whispered. "Shit. Damn it."

"E-Erikson..."

"S-sorry. Sorry. I can't move. R-run... please?" he whispered. "Fuck. Run, Astra..."

Nawala sa kapit ko si Erikson at bumagsak sa lupa. Tila nablangko naman ang isipan ko. What's
happening?

Bago pa man ako makakilos ay naramdaman kong may tumama sa likod ko. Ilang sandali pa ay
namanhid na ang buong katawan ko. Hanggang sa unti-unti na rin akong bumagsak sa lupa.

Please, don't underestimate Brixton Wenz Cardinal.

He is the S.
Chapter 55

This will be the last chapter of Linked Souls. Epilogue is next. Thank you for reading!
Official Hashtag: #LinkedSoulsWP
***

Chapter 55: Brace for Impact


"Lady Astra..." I heard someone call my name. It was a woman and her fragrant smells exactly the
same as I smelled on the the tail part of the arrow. "You need to wake up and drink to regenerate
your energy."
I was too feeble to open my eyes. I just moaned as a response. I couldn't feel my arms and legs,
too. Masakit din ang ulo ko na tila hinampas ng malaking bato. It could be caused by the poison
on the arrow.
"Here I'll help you." Hinawakan niya ang baba ko para iangat ang aking ulo. "Just open your lips."
I sniffed when I smelled something my body needed the most. Bahagya kong binuksan ang aking
mga labi. Tinulungan niya akong makainom ng dugo.
Napayuko ako uli nang bitiwan niya ako. Naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa aking
lalamunan. I could feel my body being energized slowly by the fluid I just drank.
Ilang segundo lang ay nagawa ko nang imulat ang mga mata ko. Umawang ang mga labi ko
habang hingal na hingal saka dahan-dahang inangat ang ulo.
"Finally..." Lady Tessa smiled at me.
I was taken aback for a moment with a huge question in my head, what the hell is happening?
Lumunok ako at hindi nakapagsalita. Naguguluhan pa rin ako kung bakit si Lady Tessa ang nasa
harapan ko. Bakit ang ina ni Resty? Why did she do this?
She drew a deep breath and slowly let it out. Nakaupo rin siya sa harapan ko. Yumuko ito at
pinaglaruan ang mga daliri. "I know you are confused, Astra..."
I couldn't find the right word so I just shut my mouth.
"Anyway..." Umangat uli ang tingin niya. "I just came back to wake you up at para mawala na rin
ang epekto ng lason. Are you feeling good now? Are you hungry?"
I swallowed. "W-why?"
"You are safe here..." she smiled at me. Nakita kong nangilid ang mga luha sa kanyang mata. "As
long as you are out of the mess, you are safe... this clan is safe."
"Why?" I asked again.
Sa halip na sumagot ito ay kinuha niya ang maliit na kutsilyo sa gilid. I watched Lady Tessa sliced
her right palm. Just a second after the blood leaked, my question has been answered.
My lips trembled. "Your blood. Y-you are his mother..."
Kinuyom niya ang mga kamao at pagkabukas no'n ay magaling na ang kanyang sugat. Binitiwan
niya ang kutsilyo saka muling humarap sa akin. Bumagsak na ang mga luha sa kanyang mata.
"My poor son..." she mumbled, shaking. "Brix took all the curse of my recklessness. He never
deserved what he has been through. It's all my fault..."
Umawang ang bibig ko. My chest tightened again. Brix is the son of Lady Tessa and Lord Severo.
Siya... siya ang tinutukoy ni Ginang Melendez na ang amoy ng dugo ay hindi kumpleto.
"Lord Severo and I had a secret relationship while we were both in another relationships. Kasama
ko na noon si Romualdo Escariaga at asawa na rin niya si Lady Grenda." She wiped the tears on
her cheeks as she continued. "When I got pregnant, I disappeared for a year. I came back later
carrying my first son... our first son, Brixton."
Sinubukan kong intindihin ang mga sinasabi niya kahit na mahirap dahil masyado akong gulat.
"That means... Brixton is Resty's older brother. Is that it?"

She nodded. "They are..."

"He knew? Alam 'to ni Resty?"

She nodded. "We kept it secret since Brix and I would be in a big trouble if Nightfalls finds out.
And... even Lord Escariaga doesn't even know about it."

Sa tingin ko ay nasagot na kung bakit may galit si Resty kay Brix. Kapag nabuking na anak ni
Lady Tessa si Brix ay si Lady Tessa ang labis na magdudusa. Oh, God. Kaya pala minsan...
nakikita ko kay Brix si Resty.

"He was the first son of Lord Severo. Lady Grenda knew it all. She accepted the child without even
knowing I am his mother. Without knowing... her best friend betrayed her." Bumuga ito ng hangin,
tila hirap na hirap sa pagkwento.

"Then... Brixton is the eldest among the Cardinals." Tila nauubusan ako ng hininga dahil sa mga
nalalaman. "I heard that Lady Grenda tried to kill Brix."

Tumango si Lady Tessa. "That's when she found out that I am his mother. Lord Severo used his
power to shut her. Nalaman ng buong Nightfall ang ginawa ni Lady Grenda kay Brix nang hindi
alam ang rason niya kung bakit. That's.... whe she was kicked out as Nightfall. To silence her."

Natulala na lang ako. Brixton is more miserable that I thought. All because of the mistake he didn't
even commit.

"That's why..." Lady Tessa let out a heavy sigh. "I tried to kill you in the forest. They will use you
against Brix. Now that I already got you... things will be easier for him."

"W-what?"

"They are planning to kill him..." Sumeryoso ngayon ang kanyang boses. "They think Brix is no
longer controllable. The plan is to kill Brix... para mapanatag ang lahat."
That's it. That's why Lord Severo told each clan leader to bring two of their best guards. That's
also the reason why the security is absurd. To protect them if all hell breaks loose.

"Pumayag ka?" I gritted my teeth.

Oh, God. I am so infuriated right now. Kung hindi lang ako nakagapos sa upuan ay malamang na
nasakal ko na si Lady Tessa. They are so dumb to not get the real plan.

"It's good for him. Marami na siyang pinagdaanan, Astra. It's time for him to rest."

Natawa ako. "Pumayag si Lord Severo?"

"It's his plan..."

Mas lalo akong natawa. "Kung gano'n ay ang tanga niyong lahat. Nagpalinlang kayo kay Lord
Severo. He doesn't care about the clans anymore. Fuck him!"

Kumunot ang noo ni Lady Tessa. "I don't understand. Ang gusto lang niya ay patumbahin si Brix
para sa ikapapanatag ng lahat at para matapos na rin ang paghihinagpis niya."

"Really? Is that really his plan?" I furrowed my eyebrows. "To kill him or to trigger him?"

"W-what?"

"Brixton Wenz Cardinal cannot be defeated anymore, Lady Tessa." I shook my head. "Lord
Severo knew it. The security is not enough to protect the Nightfall Clan against Brix."

Umiling si Lady Tessa. "I don't get it. Anyway... I need to go now. Ngayon na rin itatalaga si Oscar
bilang bagong leader ng Nightfall Clan. Brix will also appear. It's over now, Astra..."

That's when I found out I have slept for a long time. Ngayon na magtatapos ang Unus. Ngayon na
rin magaganap ang pagtatalaga ng bagong pinuno. Ngayon na rin magtatagumpay ang matagal
na nais ni Lord Severo.

"Please let me go..." I begged.

Tumayo na si Lady Tessa at handa nang umalis. "I will also set you free, but not now. I'm sorry,
Astra. This is for the better. Kapag nakita ka ni Brix na nasaktan ay mas lalo lang siyang
masasaktan. Please don't make it hard for him."
"You still don't get it, do you?!" Napasigaw na ako sa sobrang pagkairita. Bakit hindi nila makita
ang mas malaking parte ng kwentong ito? "I can stop Brix. Please, just let me go!"
Sumama rin ang tingin sa akin ni Lady Tessa. "You can no longer save him—"
"But I can save Nightfall Clan!" I cut her off.
"Ano ba ang pinupunto mo, Astra?" Bakas na ngayon ang pagkagulo sa kanyang mukha. "Kanino
ka ba nangangamba? Kay Brix o sa Nightfall Clan?"
Madiin akong napapikit. It's time for them to know what I just realized. The S. It's not just a mark.
"Brix... has an army bigger than Nightfall Clan."
"I don't believe you."
I glared at her. "When he merged his clan, he didn't give them up at all. They swore to Brix and not
to Nightfall Clan! You hear me? Isang salita lang ni Brix ay tatalikuran kayo ng mga alagad niya
para protektahan siya. You know what is scarier? Every time Brix goes to a mission and every
time he gets them on our side, they are never on Nightfall side. They also swore to Brixton. Do you
fucking understand me now that... Brixton Wenz Cardinal has created an army that is bigger than
any other clan. In fact... his army is doubled the amount of Nightfall Clan."
Horrified, I saw how shocked Lady Tessa was. That was also my reaction when I realized it. I was
shocked how Brixton crafted this plan all this time. Maybe... he also knew. He knew that things
won't back to normal anymore.
"Lord Severo's plan is not to kill Brix but to trigger him to unleash his army. Ibibigay niya ang
Nightfall Clan kay Oscar para paglabanin ang magkapatid. That also means... mas lalong lalawak
ang pangalan niya. Imagine two of your children handling two different clans. That's his dream."
Napapikit si Lady Tessa at nanginig ang kanyang mga labi. "Mapipigilan mo ba talaga si Brix?"
"I will try..."
Huminga nang malalim si Lady Tessa bago lumapit sa akin. Kinalag niya ang pagkakagapos sa
akin. Nang makalaya ay hindi ako nagdalawang-isip na hawakan siya sa leeg.
"Fuck you, Lady Tessa." Mas hinigpitan ko ang pagkakasakal sa kanya. "Dapat ay si Oscar ang
anak mo at hindi si Brix. Pareho kayong mag-isip. You always choose the safe side. How dare you
give your son up that easily."
Pinakawalan ko na rin siya dahil kailangan ko nang umalis. I need to get there as soon as
possible. Sana lang ay hindi pa huli ang lahat.
Madilim na pagkalabas ko at hindi ko alam kung nasaan kami. Shit. Saan ba ako dinala ni Lady
Tessa?
"Let's go..." Napatingin ako kay Lady Tessa na nakasakay sa kabayo.
Hindi ako nagdalawang-isip na sumakay sa kanyang likod. Mabilis na pinatakbo niya ang kabayo.
Kahit na kaiinom ko lang ng dugo ay tila nanunuyo uli ang lalamunan ko.
No, Brix. Stop. You will just hurt yourself even more.
Nakapunta na kami sa main ng Mansion. Bumungad sa amin ang katahimikan. Nangilabot ako
dahil parang wala nang buhay ang lugar na ito. No. Is it too late?
"Sa battle arena..." bulong ni Lady Tessa.
Napatingin ako sa madilim na langit. Natatakpan ng makapal na ulap ang buwan. Ang hangin din
ay parang walang bisa... ang bigat sa pakiramdam.
Shit. This isn't good.
Naabutan naming nagkukumpulan ang lahat sa battle arena. Tila may pinapanuod. Mabilis akong
tumalon pababa sa kabayo at sumingit. Kapansin-pansin ang nakakabinging katahimikan sa
paligid. What's happening?
Nagawa kong makita kung ano ang meron. Natigilan ako at natulala nang makita kung sino ang
nakaluhod sa harapan. Nakagapos sa kanya ang maraming mga lubid na hinahawakan nina
Resty, Randolf, Braun, Lord Escariaga at iba pa.

Brixton...

Sa pinakagitna ay nakatayo ang lahat ng leader na pinamumunuan nina Oscar, Lady Grenda at
Lord Severo. Lahat sila ay nakatingin sa lalaking nakaluhod at nakayuko.

"It's over, Brix..." said Lady Grenda.

Namuo ang mga luha sa mata ko. Aktong lalapit ako nang may humila sa akin. Si Erikson na
sinenyasan akong huwag maingay. Wala akong nagawa kung hindi ang tumingin lang kay Brix.

"You killed an entire clan!" yelled by one of the leaders. "Hindi sapat na pinalayas ka lang sa
Nightfall Clan. Lord Severo should have given the most crucial punishment. Death!"

"Hindi kami mapapanatag hanggat hindi ka nawawala," sabi pa ng isa sa mga leader. "Dapat ay
matagal na namin itong ginawa. Brixton Wenz Cardinal... just accept the fact that no clan will
accept you anymore."

"I-I don't get it..." Umangat ang tingin ni Brix pero kay Lady Grenda nakatingin. His weary eyes
looked hopeless. "M-mom. I still don't get it. Why do you hate me so much?"

Lady Grenda shook her head. "I don't need to explain, Brix. But one thing is for sure... we can't
accept you as leader of Nightfall Clan. The throne has always been for Oscar. You are not capable
of ruling."

"J-just give up, Brix..." said Oscar. "Please?"

Ignoring Oscar, Brix turned to his father, Lord Severo. "D-did I ever make you proud?"

He didn't get a response.

"Papa..." Sinubukang kumawala ni Brix sa mga lubid pero mabilis itong hinigpitan ng mga
nakahawak. Napangiwi ito at tila nasaktan. "Do you all really see me as a threat?"

"Yes!" Nabingi ako nang magsigawan ang mga Nightfalls. Nanlumo ako sa mga masasakit na
sinabi nila kay Brix. Gusto ko na lang takpan ang tainga ko para hindi marinig.

"We need to escape now, Astra..." bulong sa akin ni Erikson. "It's all over."

I refused to move. Nakatitig lang ako kay Brix. Gustong-gusto ko siyang lapitan ngayon at yakapin.
Gusto kong takpan ang mga tainga niya para hindi marinig ang mga insultong binabato sa kanya.

"It's time." Lady Grenda gave the sign.

Lumapit ang tatlong kawal kay Brix. May mga hawak itong matutulis na espada. Gusto kong
gumalaw pero hindi ko magawa. Tama si Ginang Melendez... nakatayo lang ako.

"M-mom..." Humarap si Oscar kay Lady Grenda. "Please, don't. He's also your son—"

"He's not my son!"

Nagkaroon ng katahimikan matapos sabihin 'yon ni Lady Grenda. Maging si Brix ay tila natulala at
hindi makapaniwala. Stop, please? Just let him go.

May sinenyas si Lady Grenda sa gilid. Pinasok nila si Lady Tessa na ngayon ay nakagapos sa
lubid. Tinabi nila ito kay Brix at pinaluhod din sa kanilang harapan.

"Wait—" Binitiwan ni Resty. Sinubukan niyang lumapit kay Lady Tessa pero pinigilan siya agad ng
mga kawal. "Stop! Fuck you! Don't get my Mom involved!"

Tinali rin nila si Resty at inupo sa silya. Nagpumiglas ito pero hindi niya nagawa. "Huwag niyong
idamay si Mama! It should be Brix only! Siya na lang ang parusahan niyo!"

"I-I'm sorry, Brix..." Lady Tessa whispered.

"I understand now..." Brix whispered.

Kinuha ni Lady Grenda ang espada sa isang kawal. Sa isang iglap ay nakalapit ito kay Lady
Tessa. She stabbed her on the chest. Tumagos ang tulis ng espada hanggang sa likod ni Lady
Tessa. Lumabas ang dugo sa kanyang bibig at ilang segundo pa ay tumumba na. She tried to
reach for Brix but she didn't make it.

"M-mom!" Resty managed to escape from the grip of ropes. Sinubukan nitong lapitan si Lady
Grenda pero huli na. Oscar stopped him by piercing the sword on his chest.
"B-Brix will always be better than you, Oscar. N-no matter..." Hinugot ni Oscar ang espada kaya
napaluhod si Resty. "No matter what you do... you will never be as strong as my brother..."

Tumulo ang mga luha sa mata ko. Tila napako ako sa kinatatayuan dahil sa nasaksihan.

"Astra... please?" bulong ni Erikson.

I heard another stab of sword. Nakita ko na lang na tumumba rin si Lord Escariaga. Sinaksak niya
ang sarili.

I stared at Oscar. He doesn't seem to care at all. Nagawa niyang patayin ang isa sa kanyang mga
kaibigan pero parang wala lang sa kanya ito. It feels I don't know him anymore. He's not the Oscar
I used to know.

"I see..." Ngumiti si Oscar kay Brix. "You are just my half brother, Brix. I should stop being
sympathetic towards you anymore. It's over now. I will be the leader of Nightfall Clan."

Brix smirked at him. "A coward like you has no power to rule something, Oscar. I feel sorry for
Nightfall Clan. What are you going to do in war? Ask a battalion of guards to protect you while
hiding under your mother's skirt?"

Nagtangis ang bagang ni Oscar. Bago pa niya sugurin si Brix ay napigilan na siya ni Lady Grenda.
"Don't waste your time, Son. Hindi ikaw ang kailangan gumawa niyan."

"Kill me now..." said Brix.

Nakita kong tinaas ng mga guards ang mga espada nila. No. They can't do that. Lord Severo
won't let this happen—and I am right. Lord severo raised his hand to halt the guards.

"Let someone else do that job," Lord Severo said. I could see the excitement on his face. He
waited for this moment. "I have a present for you, son."

Napatingin kami sa isang lalaking pumasok. Tulala lang ito at parang walang buhay. May hawak
siyang espada. Hindi ko siya kilala pero masama ang kutob ko.

In just a matter of second... Brix managed to escape from the ropes. Walang nagawa ang mga
nakahawak sa kanya. Umigting ang pagkakapula ng kanyang mga mata habang nakatingin sa
lalaki.

No. Don't tell me—

"E-Eskelle..." Brix whispered, fists balled up.


"S-shit..." Erikson whispered.

No. It's happening...

"Have you ever thought why Eskelle was in that clan, son?" Tumawa si Lord Severo. "Hindi ba
may usapan kayong magkikita roon? Hindi ka agad sumipot."

"Fuck. It's Lord Severo..." Erikson whispered.

Naramdaman kong lumamig ang ihip ng hangin.

Nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha. Fuck you, Lord Severo! You really know how to push
him! You are so cruel! How dare you do this to your son!

"Oh. You don't know yet?" Mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ni Lord Severo. "Pumunta sa clan na
'yon si Eskelle dahil akala niya ay makikipagkita ka sa kanya. Kaya siya namatay ay dahil sa 'yo.
Hindi ka agad nakarating."

"No," Erikson whispered. Ramdam ko rin ang galit sa kanya. "Hindi alam ni Brix. Sinadya ni Lord
Severo na papuntahin doon si Eskelle. Siya ang may pakana kung bakit namatay si Eskelle."

"Y-you turned him into a vampire..." mahinang sambit ni Brix.

Lumakas ang hangin. "Brix..."

Hindi siya galit dahil si Lord Severo ang may pakana kung bakit nawala si Eskelle. Nangangalaiti
siya sa galit dahil ginawang bampira ni Lord Severo si Eskelle. He never wanted to be a vampire.
Not even Brix broke that promise.

That's it. This is the end.

"Tapusin na natin ito," sabi ni Lady Grenda. Halatang kabado rin ito sa nangyayari. "Kill him now!
Masyado nang lumalakas ang hangin. Baka umulan pa."

"Why don't you hug your old friend—" Sa isang iglap ay nakalapit si Brix kay Lord Severo. Sa halip
na matakot ito ay mas lalo lang siya napangiti. "Oh. Are you going to thank me?"

"Guards!" sigaw ni Lady Grenda. "Stop him!"

When Brix closed his eyes. Nanlambot ako. He's about to do it.
And I am right. Finally, he unleashed his army.

"Severus..." he whispered.

All of a sudden, we were surrounded by the army that supposed to protect Nightfalls. Binawi na ni
Brix ang mga pag-aari niya. He's now claiming as The S and the leader of Severus Clan.

"W-what's happening?" asked Oscar, tensed. "Mom? What's this?"

Umalingawngaw ang sigaw ni Lady Grenda. Natulala ang lahat nang makitang gumulong pababa
ang katawan ni Lord Severo habang hawak ni Brix ang kanyang ulo.

Napaupo si Lady Grenda at tila hinang-hina. Maging ang mga leaders ay natulala na lang.
Nakaprotekta sa kanila ang mga guard nila pero alam nilang wala na silang laban.

Sunod na nilapitan ni Brix ay si Eskelle. Napapikit ako nang ipasok niya ang kanyang kamay sa
loob ng dibdib nito. Pagkamulat ko ay bagsak na rin ito.

Napatitig ako kay Brix. Emotionless. Parang wala na ito sa kanyang sarili.

Ang sunod na nilapitan ni Brix ay Lord Trojan. Walang bakas ng pangamba sa mukha ni Lord
Trojan.

"You won..." Lord Trojan whispered.

Ilang sandali pa ay tumamba na rin si Lord Trojan.

Balot ng ang katawan ni Brix ng dugo.

Napatingin ako sa lalaking tumatakbo papunta kay Brix. May hawak itong espada. Bago pa man
makalapit si Mr. Billy kay Brix ay si Brix na ang lumapit. Napaubo ng dugo si Mr. Billy at hindi
kalaunan ay tumumba rin.

Katahimikan ang sumunod na nangyari.

Sunod na nilapitan ni Brix ay Lady Grenda. Hinawakan nito ang kanyang mukha. Nanginginig sa
takot si Lady Grenda. Napapikit na lang ito nang sugatan ni Brix ang kanyang mukha.

Hinanap ko si Oscar pero wala na ito. Naramdaman ko na lang ang matulis na bagay na
nakatutok sa dibdib ko. Hinila ako ni Oscar at dinala sa gitna.

Tatangkain sana akong lapitan ni Erikson pero umiling ako sa kanya.


"Umalis ka na Brix o papaslangin ko si Astra!" Napasinghap ako nang mas idikit niya sa dibdib ko
ang espada. "Stop this shit right now! How dare you!"

Bumali ang leeg ni Brix habang nakatingin sa akin. Mas lalong umigting ang pagkakapula ng
kanyang mga mata.

"Leave us alone you monster!" sigaw uli ni Oscar. Pumiyok na ito at halatang naiiyak na sa takot.
"Leave and don't come back anymore! Leave and I will let Astra live, too!"

Napatingin ako sa mga binti ko. Pataas na nang pataas ang hamog na malamang ay kagagawan
ni Brix. He is just starting. It will be more bloody once the fog filled the surrounding.

I heard coughs. "T-the fog..." someone said. "I-It's suffocating."

My tears froze. "B-Brix..." I called his name.

He just stared at me.

"Stop now, please?" I begged.

Habang nakatitig ako sa kanya ay tuluyan nang binalot ng hamog ang buong paligid. Nabitiwan
ako ni Oscar at napaluhod habang hawak-hawak ang leeg.

"I will let you all live..." Brix said. Umaalingawngaw sa mga ulap ang kanyang boses. "Starting
now... your day won't pass without remembering me. One day... I will come back."

Mas lalong lumakas ang pag-ubo sa paligid.

"Make a strong shield that will protect you and gather allies as many as you can because when I
come back... brace for impact."

Napapikit ako nang may maramdaman na malamig na hangin sa pisngi ko.

Pagkamulat ko ng mga mata ay wala na ang hamog. Wala na ang mga kawal. Wala na si Brix.
Doon ko napagtantong... tuluyan nang nalusaw ang kandila.

Napatingin ako kay Oscar na nakatulala lang. "L-Lord Severo lost..."

I smiled as I looked up.

No. He won.
Epilogue

This is the end of #LinkedSoulsWP. Thank you for reading!

***

EPILOGUE

Everyone was left dumbfounded.

Nakakabinging katahimikan ang sumunod na namayani. Lahat ay tulala at hindi pa rin


makapaniwala sa nangyari. Hindi nila inaasahang hahantong sa ganito ang lahat.

"That woman..." Lady Grenda pointed her finger at me. No matter how hard she tried to suppress
her fear, it was visibile in her weary eyes. "We can use her as leverage. As long as we have her,
that demon will hesitate to attack us. Arrest her!"

Wala akong nagawa nung palibutan ako ng mga kawal. Mabilis na sumulpot sa harapan ko si
Erikson. Hinarang niya ang kanyang mga kamay para protektahan ako.

"She has nothing to do with Master Brixton, Lady Grenda," said Erikson. "She's just his slave."

"We both know the truth, Mr. Nadija!" Humalakhak si Lady Grenda bago pinunasan ang dugo sa
kanyang pisngi. Ang ginawang sugat ni Brix ay hindi gumaling. Magiging permanente na itong
peklat sa kanyang mukha.

"Protect her and you will be marked as a traitor," Lady Grenda threatened Erikson but he didn't
budge. "Mr. Nadija. Huwag na tayong mag-aksaya ng panahon dito lalo na 't wala kayong laban.
We are all exhausted."

"No. I'm sorry, Lady Grenda," pagtanggi ni Erikson.

"Fine. Arrest him too—"

"Enough!" Natigilan ang lahat nang sumigaw si Oscar. Suminghap ito bago hinarap ang kanyang
ina. "I already warned you, Mom. Sinabi ko nang hindi basta-basta si Brixton pero hindi ka
naniwala sa akin."

Natigilan si Lady Grenda. "No one knew—"

"Exactly!" Mapaklang tumawa si Oscar. "You underestimated him! But then again, I can't blame
you. Hindi mo pala siya totoong anak. You are the reason why Nightfall Clan has fallen. You are
the reason why Dad died."

"W-what?"

"A-arrest her..." Pumikit si Oscar at mas humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao. "What are
you doing?" tanong ni Oscar nang walang gumalaw. "I am Lord Oscar Cardinal, the new leader of
Nightfall Clan! Arrest my Mom!"

"Oscar! Hindi tayo magkaaway—"

Nabulabog ang lahat nang may mga dumating na isang batalyong kawal na nakasakay sa kabayo.
Napaatras ang mga kawal na nakapalibot sa akin. Napatingin ako kay Pinunong Bermudo na
nakatingin din sa akin.

"W-who are you?" Oscar asked.

"We are not here to introduce ourselves, Nightfalls. We are here for Lady Astralla Martin,"
baritonong sambit ni Pinunong Bermudo. "We have heard that Nightfall Clan has fallen. Wala nang
rason para manatili rito si Lady Astra. Wala na rin ang master niya. She doesn't serve anyone here
anymore."

Napahawak ako kay Erikson nang manlambot ang mga tuhod ko. Maagap naman na naalalayan
niya ako.

"Hey. You are still weak. Malamang na dahil pa rin sa lason," alalang sambit ni Erikson.
"Kailangan mo nang magpahinga Astra. Sumama ka na sa kanila. Lumayo ka na."

"H-how about you? Sumama ka na—"

Umiling siya at ngumiti. "I am still a Nightfall. I can't abandon my clan."

"Baka saktan—"

"Sshhh..." Pinunasan niya ang luha sa aking pisngi. "I will be fine, Lady Astra. Hindi nila ako
sasaktan. Trust me. So, please..." Suminghap ito na tila nahihirapan na rin magsalita. "Be safe,
always..."

Hinila ko siya at niyakap. "Be safe, too, Erikson. Babalik ako nang mas matatag at malakas.
Pinapangako ko 'yan."

"Aw. I can't wait to see that. I will always be here for you, Lady Astra," he whispered as he patted
my back slowly. "Sige na. Sumama ka na para makapagpahinga ka na rin."
Kumawala na siya sa pagkakayakap. Nanlabo na uli ang mga mata ko dahil sa luha.

"Don't let her go, Oscar!" I heard Lady Grenda. "Don't be stupid!"

Tumingin ako kay Oscar na nahuli kong nakatingin din sa akin. Napayuko lang ito.

"Tara na, Lady Astra." Napatingin ako kay Abel na naglahad ng kamay. Nakangiti ito sa akin.
"Esparago Clan is waiting for you..."

I sniffed as I held his hand back. Inalalayan niya akong makaakyat sa kanyang kabayo bago siya
sumakay.

Tumingin ako uli kay Erikson. Sumaludo ito sa akin, "See you again, friend..."

Napapikit ako nang hatawin na ni Abel ang kabayo.

My life has been a roller coaster. No. I never wanted it to be like this. Hindi ko nga kailanman
naisip na mangyayari ito sa akin. Hindi ko kailanman naisip na magigising na lang ako isang araw
at nauuhaw na ako sa dugo.

Hindi ko rin kailanman naisip na magagawa kong pasalamatan ang tadhana dahil sa nakakahilong
pagpihit nito sa aking buhay. But here I am, feeling thankful. I am thankful for this experience. I am
thankful that I found these group of vampires.

With all that – I am glad he found me.

Wherever he is now, I hope he is in a better condition.

Naramdaman kong may palapit na palaso sa akin kaya agad akong kumilos. Sinalo ko ang
dalawang palaso na bumulusok sa aking direksyon.

"Wala na bang mas ibibilis 'yan?" Tumawa ako.

"Binagalan ko lang talaga!" pagrarason ni Abel na may hawak na bow. Naglalakad ito palapit sa
akin. "Pero... magaling. Ang bilis mo naman palang matuto, Astra. Akala ko talaga ay aabutin ng
isang taon bago ka matuto. Ilang buwan lang pala..."

He gave me the bow and I assembled the arrows.

Yeah. It has been months.


That fast.

I need to leard things fast.

Tinutok ko ang mga pana sa puno ng mansanas. Nang pakawalan ko ito ay tumama ito sa
dalawang bunga at nahulog sa lupa. Pumalakpak si Abel at nagkunwaring yumuko-yuko pa.

I laughed.

Napatingin ako sa palubog na araw. Napangiti na lang ako.

I can feel it now.

Malapit na rin siyang bumalik.

Kailangan kong magpalakas. I don't want to be a burden anymore. Kailangan kong maging handa
sa pagdating niya dahil... nag-uumpisa pa lang ang totoong laban.

Alam kong mas matindi pa ang mga darating na bagyo.

A new era is about to start.

"Nightfall Clan, Phoenix Clan and other clans united," said Abel. "Habang tumatagal ay mas
lumalaki ang pangkat nila. Tingin mo ay kakayanin ni Brix—"

Bumaling ako kay Abel. "There's only one thing you need to know about Brixton Wenz Cardinal –
never underestimate him."

Kumamot sa batok si Abel. "Ang seryoso mo naman, Astra. Nagsasabi lang naman. Hays. Halika
na nga. Nakahanda na ang hapunan. Pinatawag ka lang sa akin."

Tumango ako at sumunod sa kanya. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang maramdaman
kong bigla akong nahilo. Napayuko ako at aktong susuka pero wala namang lumabas.

Nanlumo ako.

Shit.
—End of Linked Souls (Book 1)—
NOTE

Hi! Thank you for reading my second vampire story Linked Souls! I really did enjoy writing this
one. Like... so much. LOL! I hope you enjoyed their journey, too!

And uh, wait. There's more!

Book 2: Shattered Souls

You can find it on my profile here. See you all there!

You might also like