You are on page 1of 16

PAGSULAT NG

REPLEKTIBONG
SANAYSAY
Filipino sa Piling Larangan
REPLEKTIBONG SANAYSAY
1 Repleksyon ay nangangahulugan ng pagbabalik tanaw.

2
Replektibong Sanaysay ay isang uri ng panitikan na
nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa.

Nagmula sa sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik


3 sa paksa. Isa itong masining na pagsulat na may kaugnayan
sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular
na pangyayari.

Maaaring sabihing isa itong akademikong paraan ng


4
pagbuo ng bagong kaalaman patungkol sa pagkatao,
lipunan, at mga isyu o paksa sa pagitan.

Kinakailangan ang tibay ng kalooban, maging matalino sa


5 pagpili ng mga salita, at piliing maging obhetibo sa
pagsasalaysay.
Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na
naiisip, nararamdaman, pananaw at damdamin hinggil sa
isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong
sumusulat nito.
Michael Stratford
Maihahalintulad it o sa p ag su la t s a isa n g
journal k un g sa a n n a n ga n ga ila n ga n
ito ng pagtat a la n g m ga k a isip a n
at na rar am da m a n t un g k ol s a is a n g
tiyak n a p ak sa o p an g ya y a ri.
Ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng
personal na paglago ng isang tao mula sa isang
mahalagang karanasan o pangyayari.
Kori Morgan
Ibinabahagi nito sa mga mambabasa ang kalakasan at
kahinaan ng sumulat batay sa mga karanasang natutuhan o
nakuha. Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa personal na
karanasan, malayang makapili ng paksa o pangyayaring
bibigyang-pansin sa pagsulat ng manunulat.
LAYUNIN Nais iparating ng replektibong
sanaysayang pansariling
karanasan at natuklasansa
pananaliksik.
Naglalayondin ito na maipabatid
ang mga nakalap na mga
impormasyon at mailahad ang
mga pilosopiya at karanasan ukol
dito at kung maaari ay ilalagay
ang mga batayan o
talasanggunian.
Mg a Ba h ag i
ng
Replek tib o n g
Sana y sa y
Sinisimulan sa pagpapakilala
01 o pagpapaliwanag ng paksa
o gawain.

Panimula 02
Maaaring ipahayag nang
tuwiran o di tuwiran ang
pangunahing paksa.

Ang mahalaga ay mabigyang-


panimula ang mahalagang
03
bahagi ng buhay na pupukaw
sa interes ng mambabasa.
Ano ang aking nararamdaman o pananaw tungkol sa paksa?
Paano ito makakaapekto sa aking buhay?
Bakit hindi ito makakaapekto sa aking pagkatao?
Katawan
Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay binibigyang-halaga

ang maigting na damdamin sa pangyayari.

Ang katawan ng replektibong sanaysay ay naglalaman ng malaking


bahagi ng salaysay, obserbasyon, realisasyon, at natutuhan.

Ipinaliliwanag din dito kung anong mga bagay ang nais ng mga

manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran, o sistema.


Kongklusyon
Mag-iwan ng isang kakintalan sa
1
mambabasa.

(Wakas) 2
Dito na mailalabas ng manunulat ang
punto at kahalagahan ng
isinasalaysay niyang pangyayari o
isyu at mga pananaw niya rito.

Dito na rin niya masasabi kung ano


ang ambag ng kanyang naisulatsa
3
pagpapabuti ng katauhan at
kaalaman para sa lahat.
“Ang Pag-ibig ng Edukasyon”
Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang walang
katapusang paglalakbay sa mundong sinasaklawan ng aspektong ‘pagbabago’. Ito ang
pinaka- makapangyarihang sandata na kahit sinuman ay walang kakayahang baguhin at
angkinin sa pagkatito ay permanenteng nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao ng
isang nabubuhay. Sa bawat umaga ng ating buhay, tayo ay binabasbasan ng Poong
Lumikha ng kalayaan upang makaanib at makasabay sa kung ano mangkakatwa ang
sumasaklaw sa ating lipunang kinabibilangan. Hindi man lingid sa ating kamalayan subalit
buhat nang tayo ay nasa sinapupunan pa lamang ay batid na natin ang espiritu ng
‘pagkatuto’. Maging sa kauna- unahang pagsambit natin ng salitang “mama” hanggang sa
tayo ay unti-unting nabihasa sa ating “abakada” tayo ay nabibilang na pundasyon ng
edukasyon. Karaniwang pamantayan sa edukasyon na kung ang tao ay nasa gulang tatlo
na ay maari na itong magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa makatuwid, mahabang
panahon ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang edukasyon.
“Ang Pag-ibig ng Edukasyon”
Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo. Wala akong ibang
inisip noon kundi ang makawala sa paaralan na kapara ng isang bartolina sa akin ay
nagbibigay lamang ng pasakit at matinding paghihirap. Ang tanging namumutawi na
lamang sa aking isipan noon ay ang pagpasok buhat sa kagustuhan ng aking mga
magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing darating ang katapusan ng Marso ay wala
akong ibang ginawa kung hindi ay panoorin na lamang ang akingmga kaklaseng maglakad
sa harapan ng entablado kasama ng kanilang mga magulang upang tanggapin ang kanilang
mga parangal. Gustuhin ko mang itago ang aking nararamdaman, subalit ito ay pilit na
kumakawala at ako ay tila isang ibon na sa piitan ay nananahanan. Hindi man hayag sa
aking mga magulang ang kanilang pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit ko
itong labanan subalit wala akong magawa. Napakalakas ng enerhiyang ito at siya ring
enerhiyaang unti-unting sumisipsip sa aking pag-asang makapagbagong buhay. “Bakit kahit
na anong gawin ko ay wala pa ring nangyayari?” ito ang katanungan na patuloy na
sumisilab sa aking mura at gahasang isipan.
“Ang Pag-ibig ng Edukasyon”
Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking
mga markang nais matamo subalit nakaanib na rin dito ang mga prinsipyo at
impresyong hindi na maiaalis sa aking puso’tisipan sa kalagitnaan ng aking
paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating mabatid na sa ibayo ng mga
pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon, ang layon nitong magbigay ng
magaganda at makabuluhang karanasan ang magsisilbing proteksyon at sandata
natin sa pakikidigma sa ating mga sarili at sa kung ano mang pagbabagong
nakaukitna sa ating panahon.
I. Pagsusunod-sunurin ang pinaghalong titik upang makabuo ng salita.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
ATALTAGAP 1. Isang paraan ng manunulat na maibahagi ang karanasan at
kasiyahan sa paglalakbay.
BYAKLA SAYNASYA 2. Uri ng lathalain na ang pangunahing layunin ay maitala
ang mga naging karanasan sa paglalakbay.
LAGBYAPLKAA 3. Ito ay laging kinapapalooban ng mayamang karanasan at
punumpuno ng masasayang pangyayari ,pagkamangha,o paghanga sa
magagandang lugar na unang napuntahan , mga alaalang magiging bahagi ng
buhay ng isang manlalakbay.
BYALAMAKNLA 4.Kaisipan ng paglalakbay na unawain ang pang-araw-araw
na pamumuhay ng isang tao .
EYONIURDS 5. Ang pagtataglay ng sapat na kaalaman at pagkatuto sa isang
paglalakbay.
II. Isulat ang salitang WASTO kung ang pahayag ay totoo
kaugnay ng replektibong sanaysay at DI WASTO kung hindi totoo.

1. Ang replektibong sanaysay ay isang argumento ng kabilang panig


na may batayan.
2. Ang replektibong-sanaysay ay kadalasang nakabatay sa
karanasan, sumasalamin sa pagkatao ng manunulat.
3. Katulad ng maikling kuwento, sa kongklusyon ay binibigyang-
halaga ang maigting na damdamin sa pangyayari.
4. Mag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa sa panimulang
bahagi ng replektibong sanaysay.
5. Ang mahalaga ay mabigyang-panimula ang mahalagang bahagi ng
buhay na pupukaw sa interes ng mambabasa.

You might also like