You are on page 1of 39

Ang Mahal na

Birheng Maria

Gabay sa
Pakikipagsandiwaan
sa Diyos at sa Kapwa

Ang Panahon ng Pagdating o Adbiyento
Ang Panahon ng Pagdating o
Adbiyento o Advent Season ang
unang panahong liturhiko sa
kalendaryo ng Simbahang
Katolika. Binubuo ito ng apat
na Araw ng Linggo (Sunday)
na katumbas din ng halos apat
na linggo (weeks).

Ang salitang “adbiyento” ay


mula sa wikang Latin na
nangangahulugang
“pagdating.”

Tatlong mga “Pagdating” ng Panginoon


Sa Panahon ng Pagdating o Adbiyento, tatlong pagdating ng Panginoong
Hesus ang ating ginugunita at pinaghahandaan:
Ang Pagdating ni Hesus Noon sa “Laman”, nang Siya’y nagkatawang-tao
(incarnation) na nangyari sa nakaraan, sa kasaysayan ng tao (history).
Ang Ikalawa o Muling Pagbabalik ni Hesus sa Hinaharap upang wakasan
ang panahon: “Siya ay babalik sa wakas ng panahon” at “paririto at
huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao” at papanibaguhin
Niya ang langit at lupa (cf. Isa 65:17; Pah 21:1). Ito rin ay tinatawag na
Parousia sa wikang Griyego). Paalala na si Hesus ang ating Alpha at
Omega, ang ating simula at wakas.
Ang Pagdating ni Hesus sa Kasalukuyan sa ilalim ng mga misteryosong
tanda at simbolo lalo na sa pagdiriwang ng mga sakramento at bukod
tangi sa Banal na Eukaristiya kung saan si Kristo ay tunay na
sumasaatin (doktrina ng Real Presence) sa ilalim ng anyo ng tinapay at
alak.

Ang Diwa o Espiritwalidad ng Karmelo at


ang Prelatura ng Infanta

Ano ba ang ibig


sabihin ng “diwa”
o “spirituality”
Ang spirituality o
espiritwalidad o “diwa” sa
tradisyong Katoliko ay
tumutukoy sa iba’t ibang
paraan ng pagsasabuhay ng
buhay Kristiyano, ng buhay ni
Kristo, sa liwanag at
paggabay ng Espiritu Santo.
Anumang spirituality ay may
doktrina o katuruan na laging
nakaugat sa Salita ng Diyos
(si Hesus), may natatanging
paraan ng pagsasabuhay, at
tradisyon ng panalangin.
Mga Katangian ng
Carmelite
Spirituality
isang matindi at
“nagmamadaling”
kagustuhang ganap na
makaisa ang Diyos
ang kaganapan ay
nasa panalanging
kontemplatibo o
contemplative prayer o
contemplation at sa
buhay kontemplatibo
Mga Katangian ng
Carmelite
Spirituality
kaunawaan at karanasan
ng buhay-espiritwal at
buhay-panalangin bilang
isang bai-baitang na
pagsulong sa kalooban
(progressive
interiorization) hanggang
sa magkatagpo ang Diyos
sa kalabuan at kadiliman
(sa “gabi”) sa buhay dito
sa mundo, at sa lubos na
kalinawan at kaliwanagan
sa langit, “mukha sa
mukha” o harapan
Kaakibat na tanong: 

Ano ba ang panalanging
kontemplatibo o
contemplative prayer?
Ayon kay San
Juan de la Krus,
ang
contemplation ay
isang
“pangkalahatan at
maibiging
pagtutuon ng
atensyon sa
Diyos.”
Mga Katangian ng
Carmelite
Spirituality
upang makarating sa
panalanging kontemplatibo,
kinakailangan ang ganap
na pagbitiw o paghihiwalay
ng sarili o detachment sa
anumang maaaring
makasagabal sa lubos na
pagkamit o, mas tumpak,
sa lubos na pagtanggap
nito (dahil sa bandang huli,
Diyos lamang ang maaaring
magdala sa atin sa buhay at
panalanging ito)
Tigil-Nilay

• Nananabik din ba ako sa Diyos?


• Kung nananabik ako sa Diyos, handa ko
bang gawin ang lahat upang maging
masaya ang aming pagtatagpo?
• Ano o sino ang mga maaaring balakid o
pumipigil sa akin sa pananabik sa Diyos?

Mga Katangian ng
Carmelite
Spirituality
ang matinding kagustuhang
lubos na makaisa ang Diyos
ay nagbubunga sa
pagkahilig sa
katahimikan
disyerto o pagkamapag-
isa (solitude)
panalanging payak at
tahimik, nang walang
obligasyon o kahiligang
magdasal sa isang
partikular na estilo o
tekniko
Mga Katangian ng
Carmelite
Spirituality
ganap na pag-asa at
pagtitiwala sa Diyos
katulad ng pag-asa at
pagtitiwala ng isang bata
sa kanyang mga magulang
maalab na saloobin sa
pagmimisyon upang
marami pang mga kaluluwa
ang mailapit sa Diyos
mga gawaing apostoliko o
pagmimisyon bunga ng
pagiging kontemplatibo
Ang Sigaw at Panalangin
sa Panahon ng Adbiyento:

MA ANA THA!
Halika na, Panginoon! Halina, Panginoon!
Dumating ka na, Panginoon!
R

Ang Mahal na Birheng Maria


at ang Diwang Karmelo
Totus Marianus Est
Ang Orden ng Karmelo ay
“lubos na maka-Maria” o
“completely Marian” (totus
Marianus est).
Sa katunayan ang orihinal
na pangalan ng Orden ng
Karmelo ay “Orden ng mga
Kapatid na Lalaki ng Mahal
na Birheng Maria ng Monte
Karmelo” (Order of the
Brothers of the Blessed Virgin
Mary of Mount Carmel).

Maria: Ulap na Nagbibigay-Buhay


“Sa ikapitong pagtanaw,
napasigaw ang utusan,
“May nakikita po akong
ulap kasinlaki ng palad
na tumataas mula sa
dagat.” (1 Hari 18:44)
—- imahe ng Mahal na
Birheng Maria na
siyang nagdalang-tao sa
Mesiyas, si Hesukristo.
Roráte cæli désuper:
Awiting Tradisyunal sa Panahon ng Adbiyento

Masdan, Huwag
O Panginoon,
ka nang
Maaliw, angmagalit
maaliw,kapighatian
O Panginoon,
Aking bayan;ng Iyong bayan,
at huwag
at iyong
ang ipadala
nangpagliligtas
alalahanin
na Siya aynapa
Iyong
ang aming
mabilis ipadadala;
na kasamaan.
darating.
KORO:
Masdan:
Bakit ipadala
ang Iyong
nababalot ang Kordero,
ka ng banal KORO:
naang
lungsod
kalungkutan? Pinuno
Bakitayka
ng
ginawang
mundo,
inabot ngilang,
hapis?
Magpatak ng hamog, kayong mga langit, mula sa itaas,
Magpatak
ang Sion ayng
mula sa hamog,
Ililigtas
isang
Bato kayong
kita:
disyerto,
sa angmga
huwag
disyerto kanglangit,
hanggang
Herusalem samula
matakot. ay
bundoksa itaas,
mapanglaw:
at hayaang ulanin
Sapagkat
ang tahanan ng Akong
nganak
mga
ang
iyong
ulap
Panginoon
nakabanalan
babae
Siyang
mong
ng at
Sion:
Makatarungan.
Diyos,
kaluwalhatian,
at hayaang ulanin ng mga ulap Siyang Makatarungan.
upang ang Banal
alisin
kung saan
Niya ngkaIsrael,
ang
pinuri ang
ngiyong
pamatok amingManunubos.
ng aming
mga pagkabihag.
ama.



Maria,
Tala ng Pagpapalaganap ng Mabuting Balita

Dahil sa natatanging misyon


ni Maria bilang Ina ng Diyos,
bilang Siyang nagdala sa
kanyang sinapupunan ng
Salita ng Diyos na
nagkatawang-tao, si Maria ay
literal na sisidlan ng Salita ng
Diyos, pangunahing
tagapagpalaanap ng Salita ng
Diyos, at “pangunahing
katekista.”

Ayon sa 2020 Directory for Catechesis
no. 428. Always shining upon the Church’s joyful task of
evangelization is Mary, the Mother of the Lord, who in complete
docility to the action of the Holy Spirit was able to listen to and
welcome into herself the word of God, becoming “the purest realization
of faith.” Ensuring a domestic atmosphere of humility, tenderness,
contemplation, and concern for others, Mary educated Jesus, the Word
made esh, in the way of justice and obedience to the will of the Father.
In turn, the Mother learned to follow the Son, becoming the rst and
the most perfect of his disciples. … Mary Most Holy shines as
exemplary catechesis, pedagogue of evangelization and ecclesial model
for the transmission of the faith.
fl
fi
Ang Bokasyon ni Maria ayon kay San Lucas

Lucas 1:26-38 - Ang


Pagdalaw ng Anghel kay
Maria
Lucas 1:39-55 - Ang Pagdalaw
ni Maria kay Isabel
Lucas 2:1-19 - Ang Pagsilang
ni Maria kay Hesus

Ang Pagdalaw ng Anghel kay Maria


(Lucas 1:26-38)


Ang Pagdalaw ni Maria kay Isabel
(Lucas 1:39-55)


Ang Pagsilang ni Maria kay Hesus
(Lucas 2:1-19)


“Mula sa Nazaret, isang lunsod sa
Galilea, si Jose ay pumunta sa Judea, sa
Bethlehem na bayang sinilangan ni Haring
David, sapagkat siya'y mula sa angkan ni
David. ”
- Lucas 2:4
“Isinilang
niya ang
kanyang
panganay, na
isang lalaki.
Binalot niya sa
lampin ang
sanggol at
inihiga sa isang
sabsaban,
sapagkat wala
nang lugar para
sa kanila sa
bahay-
panuluyan.”
- Lucas 2:7
“Nakikilala ng
baka ang kanyang
panginoon,
at ng asno kung
saan siya
pinapakain ng
kanyang amo;
ngunit hindi ako
nakikilala ng Israel,
hindi ako
nauunawaan ng
aking bayan.”
-Isaias 1:3
“Doon ay may mga pastol na nasa
parang at nagbabantay ng kanilang mga
tupa nang gabing iyon. Lumapit at
tumayo sa kalagitnaan nila ang isang
anghel ng Panginoon at nagliwanag sa
kapaligiran nila ang nakakasilaw na
kaluwalhatian ng Panginoon. Ganoon
na lamang ang kanilang
pagkatakot. Ngunit sinabi sa kanila ng
anghel, “Huwag kayong matakot! Ako'y
may dalang magandang balita para sa
inyo na magdudulot ng malaking
kagalakan sa lahat ng tao. Isinilang
ngayon sa bayan ni David ang inyong
Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon.”
- Lucas 2:8-11
“Bigla nilang nakitang kasama ng anghel ang isang
malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Sila'y
nagpupuri sa Diyos at umaawit, “Papuri sa Diyos sa kaitaasan,
at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!””
- Lucas 2:13-14
“Nagmamadali
silang pumaroon
at natagpuan nila
sina Maria at
Jose, at ang
sanggol na
nakahiga sa
sabsaban. ”
- Lucas 2:16
“Tinandaan ni
Maria ang mga
bagay na ito, at
ito'y kanyang
pinagbulay-
bulayan.”
- Lucas 2:19
Maria: Dakilang Gabay sa Panahon ng Adbiyento

Ang pagpaparangal kay Maria ay


pagpaparangal sa Diyos. Diyos mismo
ang humirang at naghubog kay Maria
upang maging Ina ng Diyos, si Hesus,
at upang maging ating Ina.
Si Maria ang pinaka-modelo ng
kaluluwang kontemplatibo at mula sa
katangian niyang ito dumadaloy ang
Kanyang malasakit at pag-ibig sa
kapwa.

Adbiyento: Paghahanda para sa Walang Hanggan

“Ang Adbiyento ay isang paghahanda para sa


buhay na walang hanggan. Sa walang-hanggan,
Diyos lamang ang naroroon. Dito sa lupa,
namumuhay tayo ng magkahalong buhay: sa
antas na pantao, espirituwal, sikolohikal, pisikal.
Kapag narating na natin ang ating wakas sa
langit, magkakaroon lamang ng isang buhay: ang
ating buhay bilang mga anak ng Diyos! Ang
panahon ng Adbiyento ay dapat maghanda sa
atin sa paraang mas agaran at konkreto, mas
personal at malalim para sa dakilang
katotohanang ito.”
- Blessed Father Marie-Eugène
of the Child-Jesus


Ang Mahal na
Birheng Maria

Gabay sa
Pakikipagsandiwaan
sa Diyos at sa Kapwa

You might also like