You are on page 1of 1

Bilang Magsasaka

Ang sistemang pagbibilang sa baba ay pinangalanang “Bilang Magsasaka” - kinakatawan kung


paano nagbibilang ang magsasaka at kung paano nagbibilang bilang isang magsasaka dahil sa kahalagahan
ng palay. Ang sistemang pagbibilang na ito ay halimbawa ng simple grouping na binibilang ang kantidad
ng mga bagay. Ito ay sumusunod sa decimal system - angkop sa pagkakaroon ng sampung daliri - kung
kaya’t nagkakaroon ng bagong simbolo kada sampu. Sinusulat ito mula sa kaliwa tungo kanan, mula sa
pinakamaliit na numero hanggang pinakamalaki. Galing ito sa pinakamaliit na butil hanggang sa imbakan:
ang 0 ay tuyot na lupa; ang 1-9 ay mga butil ng palay; ang 10-90 ay tangkay; ang 100-900 ay bungkos; ang
1,000-9,000 ay sako; at ang 10,000-90,000 ay imbak.
Ang 0 ay hindi place holder, bagkus pinapangatawan ang kawalan. Ang pag-unawa nila sa
negatibong kantidad ay nagmumula sa materyal na kondisyon nila ng pagkakautang sa harap ng kawalan
ng lupa at/o pera. Nakakulong ito sa kahon nang hindi pa ito “nakakalaya” mula sa utang. Kagaya ng
halimbawa sa ibaba, nakakahon ang bilang 2019 na maaari rin nating iugnay sa taon kung saan ipinasa ang
pahirap na Rice Tariffication Law. Limitasyon pa nito sa kasalukuyan ang 99,999, ngunit maaaring dumami
pa ito sa tuluyang pag-unlad ng ating mga sakahan.

You might also like