You are on page 1of 22

4

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan-Modyul 6 Linggo 5:
Likas Kayang Pag-unlad

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan - Modyul 6: Likas Kayang Pag-unlad
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Development Team of the Module

Authors: Liwayway M. Dawadias

Editor: Nicolasa R. Taronzon

Reviewers: Cecilia E. Ingotan, PSDS


Susan I. Alavanza
Chona C. Dilangen

Illustrator: Fernando A. Ombayan

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:

Chairperson: Rebonfamil R. Baguio


Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent
Members:
Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Ruel C. Duran, EPS – Araling Panlipunan
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
4
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan-Modyul 6 Linggo 5:

Likas Kayang Pag-unlad

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda ta sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa
larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,
komento at rekomendasyon sa Kagawaran ngEdukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mag puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

2
3
Panimula

Ang Modyul na ito ay ginawa para sa mga mag-aaral ng ikaapat na


baitang sa asignaturang Araling Panlipunan.

Tatalakayin dito ang likas kayang pag-unlad o sustainable


development. Ipapaliwanag sa aralin kung ano ang likas kayang pag-
unlad at ang kahalagahan nito sa mga likas na yaman ng bansa. Bilang
isang mag-aaral, paano ka makakalahok sa gawaing lumilinang at
nagsusulong ng likas kayang pag-unlad ng mga likas na yaman ng
bansa?

Mga tala para sa Guro

Gabayan ang mga mag-aaral sa


paggamit ng modyul sa Araling Panlipunan ng
ikaapat na baitang.

i
4
Alamin

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang


makakamit mo ang mga layunin sa pagkatuto.

Mga layunin sa pagkatuto:


1. Masasabi ang kahulugan at kahalagahan ng likas kayang
pag-unlad o sustainable development.
2. Makalalahok sa mga gawaing lumilinang sa pangangalaga
at nagsusulong ng likas kayang pag-unlad ng mga likas
yaman ng bansa.

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

ii
5
Icons sa Modyul na ito

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatayang ito ay ginamit upang
masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin sa
pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

iii
6
Subukin

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat ang letra ng iyong
sagot sa guhit katabi ng numero.

A. Agenda 21
B. United Nations
C. Rio Earth Summit
D. sustainable development
E. sustainable consumption
F. scientists at environmentalists
G. United Nations Millennium Development
H. Philippine Strategy for Sustainable Development
I. United Nations Conference on Human Environment
J. Department of Environment and Natural Resources
K. World Commission on Environment and Development

_____1.Natukoy nito ang posibleng ugnayan ng kalikasan at kaunlaran.

_____2. Ito ay binuo upang pag-aralan at bigyan ng kaukulang


solusyon ang suliranin sa kalikasan at kaunlaran.

_____3. Binuo nito ang Pandaigdigang Komisyon sa Kalikasan at


Kaunlaran upang bigyan diin ang likas kayang pag-unlad.

_____4. Ito ay ang pagtugon sa mga pangangailangan at mithiin ng


mga tao nang may pagsaalang-alang sa kakayahan ng
susunod na henerasyon na makamit ang kanilang mga
pangangailangan.

_____5. Ito ay binuo ng pamahalaan upang magsagawa ng iba’t-ibang


istratehiya para matugunan ang mga pangangailangan ng tao.

iv
7
_____6. Idineklara sa summit na ito na mabilis na nauubos ng
sangkatauhan ang mga likas yamang akala natin na walang
katapusan na magbibigay ng mga pangunahing kailangan
tulad ng pagkain, tubig at marami pa.

_____7. Ito ay naglalayong ipatupad ang sustainable development na


makapagpapabago ng ating paraan ng paggamit ng mga likas
na yaman.

_____8. Patuloy ang pagsasakatuparan nito dahil sa kagustuhan ng


pamahalaan na maisalba ang natitira pang likas na yaman.

_____9. Binuo ang programang ito na nagtatakda na maisakatuparan


ang mga hakbangin ukol sa likas kayang pag-unlad.

_____10. Ang departamentong ito ng Pilipinas ay nagpapatupad ng


mga programang sumusuporta sa mga layunin ng likas
kayang pag-unlad.

v
8
z

Aralin
Likas Kayang Pag-unlad
11
Ang krisis sa ating kalikasan ay lumalala kaya kailangang suriin
ang ugnayan ng kalikasan at ekonomiya. Kasabay ng patuloy na pag-
unlad ng bansa ay ang patuloy namang pagkasira ng mga
pinagkukunang-yaman nito. Ang mga gawain sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa upang matugunan ang pangangailangan ng tao
ay nagdudulot ng pagkawala at pagkasira ng mga likas na yaman.

Balikan

Ang siyudad ng Valencia ay may maraming malalaking gusali. Ito


ay sa kadahilanang ang lugar ay umuunlad.

Magbigay ng isang epekto ng pag-unlad sa ating kalikasan. Isulat


ang iyong sagot sa loob ng kahon.

9
B
a
lTuklasin
i
k
a
Bigkasinnang tula.

Likas na Yaman
ni: Liwayway Maganding Dawadias

Ang likas na yaman


Ay isang kayamanan
Na dapat nating ingatan
Para sa ating kinabukasan

Dapat nating tandaan


Likas-yaman ay alagaan
Para sa kapakanan
Ng sangkatauhan

10
Suriin

Alam mo ba ang ating bagong alpabeto? Awitin mo ito. Pagkatapos ay


sagutin ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa guhit sa itaas ng
numero.
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Sundin ang mga panuto upang mabuo ang salita sa itaas.
 Isulat ang panglabing-isang titik ng alpabeto sa numero 1 at 5.
 Isulat ang unang titik ng alpabeto sa numero 2, 6 at 8
 Isulat ang ika-labingdalawa na titik sa numero 3
 Isulat ang ika-siyam na titik sa numero 4
 Isulat ang ika-labing apat na titik sa numero 9
 Isulat ang ika-labing siyam na titik sa numero 7

Ano ang iyong nabuong salita? Isulat sa guhit ang iyong sagot.

__________________________

Sa pag-unlad ng ating bayan, dapat nating isaalang-alang ang


kahalagahan ng ating kalikasan.

Taong 1972 ng matukoy ng United Nations Conference on Human


Environment (UNCHE) ang posibleng ugnayan ng kalikasan at
kaunlaran. Subalit, nagpapatuloy pa rin ang pagwasak at pagkasira ng
kalikasan.

Ang Pandaigdigang Komisyon sa Kalikasan at Kaunlaran (World


Commission on Environment and Development, WCED) ay binuo
noong 1987 ng United Nations o Nagkakaisang mga Bansa upang pag-
aralan at bigyan ng kaukulang solusyon ang suliranin sa kalikasan at
kaunlaran. Binigyang diin nito ang likas kayang pag-unlad o sustainable
development.

Ang likas kayang pag-unlad o sustainable development ay ang


pagtugon sa mga pangangailangan at mithiin ng mga tao nang may
pagsaalang-alang sa kakayahan ng susunod na henerasyon na
makamit din ang kanilang mga pangangailangan.

11
Ang Philippine Strategy for Sustainable Development (PSSD) ay binuo
ng pamahalaan upang magsagawa ng iba’t-ibang istratehiya para
matugunan ang mga pangangailangan ng tao. Kabilang dito ang mga
sumusunod na estratehiya:
 pagsama ng mga usaping pangkalikasan sa paggawa ng
desisyon
 pagsama ng mga isyung pampopulasyon at kapakanan ng
nakararami sa pagplano ng pag-unlad
 pagbabawas ng paglaki ng mga rural na lugar
 pagpapaigting ng edukasyong pangkalikasan
 pagkakaroon ng mga sistema para sa mga protektadong lugar
 pagpapaganda o pag-aayos ng mga nasirang ecosystem
 pagpigil sa populasyon at pagpapalakas ng suporta at
partisipasyon ng taong bayan.

Ang Pilipinas katulad ng ibang bansa ay naghahanda rin sa posibleng


kahihinatnan ng patuloy na pagkaubos ng mga likas nitong yaman.

Noong1992, ginanap ang Rio Earth Summit kung saan idineklara dito
ang mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman na nagbibigay sa
atin ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig at
maraming pang iba. Dahil dito, nabuo ang Agenda 21 na naglalayong
ipatupad ang sustainable development na makapagpapabago ng ating
paraan ng paggamit natin ng mga likas na yaman.

Patuloy ang pagsasakatuparan ng sustainable consumption dahil sa


kagustuhan ng pamahalaan ng maisalba ang natitira pang likas na
yaman at nabuo ang World Summit on Sustainable Development sa
Johannesburg noong 2002 makalipas ang isang dekada.

Binuo rin ang United Nations Millennium Development na nagtatakda


upang maisakatuparan ang mga hakbangin ukol sa likas-kayang pag-
unlad. Naipapatupad ang mga programang sumusuporta sa mga
layuning ito sa pamamagitan ng Department of Environment and
Natural Resources (DENR) ng bansa.

12
Pagyamanin

Panuto: Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M naman kung


mali ito.

_____1. Ang likas kayang pag-unlad ay ang pagtugon sa panganga-


ilangan at mithiin ng mga tao nang may pagsaalang-alang sa
kakayahan ng susunod na henerasyon na makamit ang
kanilang mga pangangailangan.

_____2. Binuo ng United Nations ang World Commission on Environ-


ment and Development noong 1887.

_____3. Natukoy ng United Nations Conference on Human Environ-


ment ang posibilidad ng ugnayan ng kalikasan at ng
kaunlaran.

_____4. Pinaghahandaan ng Pilipinas ang posibleng kahihinatnan ng


patuloy na pagkaubos ng mga likas-yaman.

_____5. Binuo ng pamahalaan ang Philippine Strategy for Sustainable


Development upang matukoy ang kaugnayan ng kalikasan at
kaunlaran.

13
Isaisip

Panuto: Punan ang patlang at piliin ang tamang sagot sa kahon.

henerasyon likas kayang pag-unlad yamang tao

Timog-silangang Asya likas na yaman ecosystem

Masasabing higit na pinagpala ang Pilipinas kung ihahambing sa


ibang bansa dahil mayaman tayo sa mga 1. __________________ at
magagaling ang ating mga 2. _____________________. Ngunit napag-
iiwanan tayo ng mga bansang kasama natin sa
3.________________________________. Ayon sa WCED, ang
4.___________________________ ay pagtugon sa pangangailangan
at mithiin ng mga tao nang may pagsaalang-alang sa kakayahan ng
susunod na 5._____________________ na makamit ang kanilang mga
pangangailangan.

14
Isagawa

Panuto: Sagutin ang sumusunod.

1-3. Iguhit ang kung ang nakasaad sa bawat bilang ay mga


gawain bilang suporta sa likas kayang pag-unlad at ang
iguhit kung hindi gawain.

_____1. Makikiisa ako sa mga programa laban sa walang habas na


pagputol ng mga puno.

_____2. Nawawalan ako ng gana sa pakikinig sa aking guro kapag


tinatalakay ang mga aralin tungkol sa kalikasan.

_____3. Lagi kong tinitingnan kung nakasarang maigi ang gripo ng


tubig kung hindi ito ginagamit.

4-5. Bilang mag-aaral, paano ka makakalahok sa mga gawaing


lumilinang sa pangangalaga at nagsusulong sa likas kayang pag-
unlad ng mga likas na yaman ng bansa?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

15
Tayahin

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kailan natukoy ng United Nations Conference on Human


Development ang posibilidad ng ugnayan ng kalikasan at
kaunlaran?
A. 1972 B. 1974
C. 1973 D. 1975

2. Sa taong ito binuo ng United Nations ang Pandaigdigang


Komisyon sa Kalikasan at Kaunaran.
A. 1978 B. 1987
C. 1979 D. 1988

3. Makalipas ang isang dekada, nabuo sa taong ito ang World


Summit on Sustainable Development.
A. 2000 B. 2002
C. 2001 D. 2004

4. Ito ay tumutukoy sa pagtugon sa mga pangangailangan at mithiin


ng mga tao nang may pagsasaalang-alang sa kakayahan ng
susunod na henerasyon na makamit ang kanilang
pangangailangan.
A. Agenda 21 B. sustainable consumption
C. United Nations D. sustainable development

5. Ito ay binuo ng pamahalaan upang magsagawa ng iba’t-ibang


istratehiya para matugunan ang pangangailangan ng mga tao.
A. Rio Earth Summit
B. United Nations Millennium Development
C. Philippine Strategy for Sustainable Development
D. United Nations Conference on Human Environment

16
6. Binuo ito ng Nagkakaisang mga Bansa upang pag-aralan at
bigyan ng kaukulang solusyon ang suliranin sa kalikasan at
kaunlaran.
A. Philippine Strategy for Sustainable Development
B. Department of Environment and Natural Resources
C. United Nations Conference on Human Development
D. World Commission on Environment and Development

7. Saan nabuo ang World Summit on Sustainable Development na


naglalayon sa patuloy na pagsasakatuparan ng sustainable
consumption?
A. Tokyo B. Manila
C. Spain D. Johannesburg

8. Ito ang nagpapatupad ng mga programang sumusuporta sa mga


layunin ng likas kayang pag-unlad sa Pilipinas.
A. United Nations Millennium Development
B. Philippine Strategy for Sustainable Development
C. Department of Environment and Natural Resources
D. United Nations Conference on Human Development

9. Ang sumusunod ay mga istratehiya na ginawa ng Philippine


Strategy for Sustainable Development upang matugunan ang
pangangailangan ng mga tao MALIBAN sa isa.
A. Pagpapaigting ng edukasyong pangkalikasan.
B. Pagbabawas ng paglaki ng mga rural na lugar.
C. Pagtukoy sa posibleng ugnayan ng kalikasan at
kaunlaran.
D. Pagkakaroon ng mga sistema para sa mga protektadong
lugar.

10.Bilang isang mag-aaral, paano ka makakalahok sa gawaing


lumilinang at nagsusulong ng likas kayang pag-unlad ng mga
likas na yaman ng bansa?
A. Sasali ako sa tree planting na programa ng paaralan.
B. Susunugin ko ang aming basura para maging malinis
ang paligid.
C. Hahayaan kong tumulo ang tubig sa gripo kahit walang
gumagamit.
D. Hindi ako makikinig sa aking guro kapag tinatalakay ang
mga aralin tungkol sa kalikasan.

17
Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang kahulugan at kahalagahan ng likas kayang pag-


unlad gamit ang H-chart sa ibaba.

Kahulugan: Kahalagahan:

Likas
Kayang
Pag-unlad

18
19
Isaisip
1.likas na yaman
2. yamang tao
3. Timog-silangang Asya
4. likas kayang pag-unlad
5. henerasyon
Tayahin
Isagawa
1. A 1.
2. B
2.
3. B
4. D 3.
5. C 4-5 (iba-iba ang sagot ng mga bata)
6. D
7. D
8. C Subukin
9. C
10. A 1. I
2. K
Pagyamanin 3. B
1. T 4. D
2. M 5. H
3. T 6. C
7. A
4. T
8. E
5. M 9. G
10. J
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Adriano, M. G.V., M. A. Caampued , C. A. Capunitan., W.F. Galarosa,


N.P. Miranda, & E.R. Quintos (2015). Araling Panlipunan-Ikaapat
na Baitang. VIBAL Group Publishing, Inc

Anda, Menardo O. (2006) Makabayan: Kapaligirang Pilipino, Batayang


Aklat sa Ikaapat na Baitang, LG&M Corporation

20
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

21

You might also like