Uri NG Pang Abay

You might also like

You are on page 1of 3

URI NG PANG-ABAY: PAMANAHON, PANLUNAN

AT PAMARAAN

1. Pamanahon – nagsasaad ito kung kailan naganap o


magaganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa.

May dalawa itong uri:

a. may pananda – gumagamit ng panandang nang, sa,


noong, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
hanggang.

halimbawa:

• Tuwing matindi ang sikat ng araw, mabilis na


natutuyo ang mga sampay.

• Buhat nang mabutas ang ozone layer, tumindi na


ang init sa mundo.

• Simula nang tumindi ang init sa mundo, halos


matuyo na ang mga anyong tubig.

b. walang pananda – kahapon, kanina, ngayon, mamaya,


bukas, sandali

• may mga pang-abay na pamanahon na nagsasaad ng


dalas ng pagganap sa kilos na taglay ng pandiwa.
halimbawa: araw-araw, oras-oras, taon-taon at iba pa
• Araw-araw sumisikat ang araw.

• Ang oras-oras na pagmamasid sa araw ay


makatutulong sa patuloy na pag-alam sa lihim ng araw.

• Taon-taon ay nagkakaroon ng pagpupulong ang mga


bansa sa daigdig upang alamin ang kalagayan ng araw.

2. Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan,


pinangyayarihan o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa.
Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay pangngalang
pambalana o panghalip. Kay o kina ang ginagamit kapag
ang kasunod ay pangngalang pantangi.

halimbawa:

• Magaganap na ang pagmamasid sa buwan sa


pamantasang sikat sa bansa.

• Magkakaroon ng pagpupulong ang lahat ng siyentista


kina Ma’am Carreon.

• Kay Dr. Planeta ipinagkatiwala ang proyektong pag-


aaral sa lihim ng araw.
3. Pamaraan – naglalarawan kung paano naganap,
nagaganap o magaganap angkilos na ipinapahayag ng
pandiwa.

halimbawa:

nang

• Bumasa nang malakas ang munting bata.

na/-ng

• Bakit siya lumakad na nag-iisa?

• Umalis siyang umiiyak.

You might also like