You are on page 1of 2

GARCIA, FRANS ANACIS

BSE-ELT III

Pumili ng isang (1) akda mula sa limang (5) rehiyon. Ipaliwanag kung bakit mo ito napili
at ano ang naging epekto nito sa iyong buhay at pagkatao.

Rehiyon I – Alamat ng Lawa ng Paoay

“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa


paroroonan.”

Ang salawikain sa itaas ay maihahalintulad sa mga nangyari sa mga tao sa alamat


matapos lamunin ng tubig ang kanilang nayon dahil sa malakas na pag-ulan. Napansin
ng Diyos ang labis nilang pagkahumaling sa karangyaan at ang labis na inggit sa
kanilang puso. Nagbago ang kanilang ugali, naging hambog at hindi na malalim ang
paniniwala sa Diyos.

Nagbibigay paalala ang alamat sa aking buhay na huwag maging mapagmataas at


mayabang. Dapat, bilang tao, tayo’y manatiling “grounded” upang maging mabuti ang
ating pakikisama sa ibang tao. Kailanman ay hindi nagtatagumpay sa anumang aspeto
ang taong puno ng inggit sa katawan.

Bukod pa rito, nagtuturo rin ang alamat na huwag masilaw sa karangyaan sapagkat
anumang bagay sa mundo ay pansamantala lamang at maaaring mawala anumang
oras. Mas makabubuti kung ang pahahalagahan ay pag-ibig sa kapwa sa halip na pang
personal na interes lamang.

Rehiyon V – Si Juan Osong

Naghahatid ng inspirasyon ang kwentong ‘Si Juan Osong’ sapagkat ito ay tungkol sa
isang bansot at mahirap na tao. Dukha ang kanyang mga magulang. Ngunit hindi
inaasahang si Juan Osong ay magiging isang magiting na bayani. Ibig ng kwentong
iparating na ang tao, anumang kapintasan ang mayroon siya ay makagagawa pa rin ng
malaking bagay. Si Juan Osong ay nagpapatunay na siya ay isang “small but terrible”
na tao dahil napalaya niya ang ilang kaharian mula sa mga higante.

Ako na isang malaking tao at may payak na pamumuhay, minsan ay nagrereklamo sa


mga maliliit na bagay o suliranin. Bagaman isang piksyon ang akda, ito ay nagbigay sa
akin ng aral.

Rehiyon VI - Ang Mahiwagang Babae

Likas sa mga pinoy ang maniwala sa mga kwestyonableng bagay. Tulad ng kwentong
‘Ang Mahiwagang Babae’, nagtataka ang mag-asawa kung bakit sa tuwing hinihiram
ang posporo ay nakikita nila ito kalaunan sa mesa gayong hindi naman nila nakikita ang
nagsasauli nito. May tinatagong hiwaga ang babaeng nanghiram ng posporo, at gaya
ng hiwaga niyang taglay, may hiwaga rin ang mga kwentong ito ang tema o paksa.
Mapapaisip tayo, ito ba ay produkto lamang ng malawak na imahinasyon ng tao o ito ay
totoo?
Ang kwentong ito ay nagpaalala sa akin sa isang pangyayaring hindi ko malilimutan. Sa
aming bahay, minsan ay may mga gamit na nawawala ngunit mamaya ay makikita mo
sa isang lugar na iyo ring pinaghanapan. Nakapagtataka ang mga ganitong pangyayari
kung kaya’t sinasabi ng aking lola na pinaglalaruan daw kami minsan ng duwende.
Hindi ako basta-basta naniniwala sa mga ganitong bagay sapagkat hindi ko naman sila
nakikita.

Rehiyon X – Ang Palaka at ang Daga

Ito ay isang kwento ng dalawang matalik na magkaibigan na ang palaka at ang daga.
Mahilig ako magbasa ng pabula at napansin kong maganda ang mensahe nito kaya ito
ang aking napili. Pinakita lamang ng daga kung gaano niya kamahal ang palaka kung
kaya’t agad niya itong ipinaghiganti kasama ang iba pang kaibigan laban sa matandang
kumain dito.

Ang daga ay isang tunay at maaasahan na kaibigan. Tulad niya, mayroon din akong
mga kaibigang malalapitan ko sa oras ng kagipitan. Sila ay tinuturing ko ng mga
kapatid. Kung tutuusin, mas mahal ko sila kumpara sa iba kong kamag-anak. Mas
nakapaglalabas kasi ako ng saloobin sa mga kaibigan ko, isang bagay na hindi ko
magawa sa aking sariling mga kadugo.

NCR – Ang Unang Lalaki at ang Unang Babae

Ito ay kawangis ng kwento ni Malakas at Maganda na nagmula sa isang kawayan at


pinaniniwalaang pinagmulan ng sangkatauhan. Isa itong “creation myth” na
pinaniniwalaan ng mga Tagalog. Ito ay salungat sa Bibliya at sa paniniwala ng
nakararami. Mitolohiya man ito ngunit isa ako sa mga taong nag-iisip na ito’y posibleng
totoo. Walang pinagkaiba ang paniniwalang may Diyos na makapangyarihan sa lahat
sa paniniwala sa mga mitolohiya.

Ipinasa kay:

G. GEMCER D. SELDA
Guro sa Asignaturang Panitikan ng Pilipinas

You might also like