You are on page 1of 20

TEKSTONG

NARATIBO
MAHUSAY NA PAGKUKUWENTO
TEKSTONG NARATIBO

Layunin ng tekstong naratibo na


magsalaysay o magkuwento batay sa isang
tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.
Maaari ang salaysay ay personal na
naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay
na pangyayari o kathang-isip lamang. Maaari
din ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa
tunay na daigdig o pantasya lamang.
TEKSTONG NARATIBO
Ang tekstong naratibo ay
nagkukuwento ng serye ng pangyayari na
maaaring piksiyon (nobela, maikling
kuwento, tula) o di piksyon (memoir,
biyograpiya, balita, maikling sanaysay).
Kapuwa gumagamit ito ng wikang puno ng
imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at
kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen,
metapora, at simbolo upang maging
malikhain ang katha.
TEKSTONG NARATIBO

Mahalagang maunawaan kung


paano isinusulat at binabasa ang mga
tekstong naratibo upang malaman ang
halaga nito. Sa pangkalahatan, layunin
ng mga tekstong naratibo na
manlibang o magbigay-aliw sa
mambabasa, ngunit may mas malalim
at tiyak na halaga pa ng tekstong ito.
TEKSTONG NARATIBO

Ayon kay Patricia Melendrez-Cruz


(1994) sa kaniyang artikulong “Ideolohiya
Bilang Perspektibong Pampanitikan” na nasa
aklat na “Filipinong Pananaw sa Wika,
Panitikan at Lipunan”, kailangang suriin ang
malikhaing pagkatha bilang isang
siyentipikong proseso ng lipunan.
TEKSTONG NARATIBO

Siyentipiko sapagkat para sa kaniya,


ang mahusay na panitikan ay kinakailangang
naglalarawan sa mga realidad ng lipunan at
nagbibigay ng matalas na pagsusuri dito,
Bukod dito, tinukoy niya rin na ang masining
at panlipunang kalikasan ng panitikan ang
kailangang pagtuunan ng sinomang mag-
aaral.
TEKSTONG NARATIBO

Pundamental ang layuning


maipakilala sa mga mag-aaral ang
kaniyang sarili’t lipunan upang ang
kaniyang pambansang identidad at
kamalayan ay mapag-isa.
TEKSTONG NARATIBO

Kung maikakawing ang panitikan at


pag-aaral nito sa simulain ng sambayanan,
hindi lamang ito magiging mabisa, bagkus ay
malaya’t mapagpalayang gawain. Halimbawa,
ang mga manunulat ng memoir o nobela ay
maaaring magsalaysay ng kompleks na
karanasan o kuwento na sumasalamin sa mga
unibersal na ideya, pangyayari, isyu, at
karanasan ng sangkatauhan.
Iba’t ibang
elemento ng
Naratibong
Teksto
MGA GABAY SA PAGBUO NG NARASYON
PAKSA
Pumili ng paksang mahalaga
at makabuluhan.

Kahit nakabatay sa personal na


karanasan ang kuwentong
nais isalaysay.

Mahalaga pa ring maipaunawa


sa mambabasa ang
panlipunang implikasyon.
ESTRUKTURA
Kailangang malinaw at lohikal ang
kabuuang estruktura ng kuwento.

Madalas na makikitang ginagamit na paraan


ng narasyon ang iba’t ibang estilo ng
pagkakasunod-sunod ng pangyayari.

Kung minsan ay nagsisimula sa dulo


papuntang unahan ang kuwento, kung
minsan naman ay mula sa gitna.
Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan sa
pagkakaasyps, tiyakin laman na sistematiko
at lohikal ang pagkakasunod-sunod ng
pangyayari upang madaling maunawaan ang
narasyon.
ORYENTASYON
Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga
tauhan, lunan o setting, at oras o
panahon kung kailan nangyari ang
kuwento.

Malinaw dapat na nailalataag ang mga ito sa


pagsasalaysay at nasasagot ang mga
batayang tanong na sino, saan, at kailan

Ang mahusay na deskripsypn sa mga


detalyeng ito ang magtatakda kung gaano
kahusay na nasapul ng manunulat ang
realidad sa kaniyang akda.
PAMAMARAAN NG
NARASYON
Kailangan ng detalye at mahusay na
oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang
bahagi upang maipakita ang setting at mood.

Iwasang magbigay ng komento sa


kalagitnaan ng pagsasalaysay upang
hindi lumihis ang daloy.

May iba’t ibang paraan ng narasyon na maaaring


gamitin ng manunulat upang maging kapana-
panabik ang pagsasalaysay.

Tandaan na bumabagay ang iba’t ibang


pamamaraan ng narasyon ayon sa layunin at
estilo ng pakukuwento ng manunukat at sa
kalikasan ng paksa.
PAMAMARAAN NG
NARASYON
Diyalogo – sa halip na direktang pagsasalaysay
ay gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan
upang isalaysay ang nangyayari.

Foreshadowing - nagbibigay ng mga


pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang
kahihinatnan o mangyayari sa kuwento.

Plot Twist – tahasang pagbabago sa direksyon o


inaasahang kalalabasan ng isang kuwento.

Ellipsis – omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng


kuwento kung saan hinahayaan ang
mambabasa na magpuno sa naratibong antala.
Ito ay mula sa Iceberg Theory o Theory of
Omission ni Ernest Hemingway.
PAMAMARAAN NG
NARASYON
Comic Book Death – isang teknik kung saan pinapatay
ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay
biglang lilitaw upang magbigay-linaw sa kuwento.

Reverse Chronology - nagsisimula sa dulo ang


salaysay patungong simula.
In medias res – nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng
kuwento . Kadalasang ipinapakilala ang mga karakter, lunan,
at tensyon sa pamamagitan ng mga flashback.

Deus ex machina (God from the machine) – isang plot


device na ipaliwanag ni Horace sa kanyang “Ars Poetca”
kung saan nabibigyang-resolusyon ang tunggalian sa
pamamagitan ng awtomatikong interbensyon ng isang
absolutong kamay. Nababago rin ang kahihinatnan ng
kuwento at nareresolba ang matinding suliranin na tila walang
solusyon sa pamamagitan ng biglaang pagpasok ng isang tao,
bagay, at pangyayari na hindi naman naipakilala sa unang
bahagi ng kuwento.
KOMPLIKASYON
O TUNGGALIAN
Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang
pangunahing tauhan.

Ito ang mahalagang bahagi ng kuwento na


nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago
sa posisyon at disposisyon ng mga tauhan.

Nagtatakda rin ang tunggalian ng magiging


resolusyon ng kuwento.

Puno ng aksyon ang binasang akda sapagkat tuloy-


tuloy na hinahabol ang tauhan habang mabilis
niyang binabalikan ang iba’t ibang imahen.
RESOLUSYON
Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o
tunggalian.

Maaaring ang resolusyon ay masaya o


hindi batay sa magiging kapalaran ng
pangunahing tauhan.

Mabuti kung hindi nangangaral ang


resolusyon at hinahayaan ang
mambabasa na magbigay ng sariling
interpretasyon at makatuklas ng aral at
pagpapahalaga sa akda.
PAGSULAT NG CREATIVE
NON-FICTION (CNF)
Kilala bilang literary non-fiction o narrative
non-fiction.

Ito ay isang bagong genre sa malikhaing pagsulat


na gumagamit ng istilo at teknik na
pampanitikan upang makabuo ng katotohanan
at tumpak sa salaysay o narasyon.

Iba ito sa peryodismo o teknikal na pagsulat


dahil kahit naghahayag ito ng katotohanan ,
mahalaga pa rin ang poetika at literariness ng
akda.
PAGSULAT NG CREATIVE
NON-FICTION (CNF)
Ilan sa mga katangian at layunin ng CNF ang
maging makatotohanan, ibig sabihin ay
naglalahad ng tunay na karanasan,
naglalarawan ng realidad ng natural na
mundo, at hindi bunga ng imahinasyon.

Ang iba’t ibang porma ng CNF ay biography,


food writing/blogging at iba pang uri ng
blog, literary journalism (feature writing),
memoir, personal essay, at travel writing.
PAGSULAT NG CREATIVE
NON-FICTION (CNF)
Ayon kay Barbara Lounsberry sa “The
Art of Fact”, ang apat na katangian ng
CNF ay;
 Maaaring maidokumento ang paksa at hindi
inimbento ng manunulat;
 Malalim ang pananaliksik sa paksa upang
mailatag ang kredibilidad ng narasyon;
 Mahalaga ang paglalarawan sa lunan at
kontekstuwalisasyon ng karanasan; at
 Mahusay ang panulat o literary prose style, na
nangangahulugang mahalaga ang pagiging
malikhain ng manunulat at husay ng gamit sa
wika.

You might also like