You are on page 1of 2

 

Labanan sa Mactan (Sebwano: Gubat sa Mactan) ay naganap


sa Pilipinas noong 27 Abril 1521. Natalo ng hukbo ni Lapulapu, datu ng Pulo ng
Mactan, ang mga kawal na Kastila sa pamumuno ng Portuges na kapitan at
eksplorador na si Fernando Magallanes. Napatay ng mga tribung sundalo si
Magellan, na nagkaroon ng alitang pampolitika at pagkakaribal kasama si
Lapulapu. Noong 16 Marso 1521 (kalendaryong Kastila), natanaw ni Magellan
ang mga kabundukan ng ngayon ay Samar habang nasa isang misyon upang
hanapin ang pakanlurang ruta sa mga kapuluang Maluku para sa Espanya.
Nang sumunod na araw, inutos ni Magellan na iangkla ang kanilang mga barko
sa mga baybayin ng Kapuluang Homonhon. Doon ay kinaibigan niya sina Raha
Kulambu at Raha Siagu na pinuno ng Limasawa na gumabay sa kanya sa Cebu.
Ang hari ng Cebu na si Raha Humabon at ang kanyang reyna ay
binautismuhang Katoliko na kumukuha ng mga pangalang Carlos bilang
parangal kay Haring Carlos ng Espanya at Juana bilang parangal sa ina ni
Carlos. Upang alalahanin ang pangyayaring ito, ibinigay ni Magellan kay Juana
ang Santo Niño bilang tanda ng bagong alyansa. Dahil sa impluwensiya ni
Magellan kay Raha Humabon, ang isang kautusan ay inutos ni Humabon para sa
mga kalapit na hepe na ang bawat isa sa kanila ay magbibigay ng mga suplay ng
pagkain sa mga barko at pagkatapos ay magkokonberte sa Kristiyanismo. Ang
karamihan sa mga hepeng ito ay sumunod dito ngunit si Datu Lapulapu na isa sa
mga pangunahing hepe sa loob ng pulo ng Mactan ang tanging tumutol.
Tumangging tanggapin ni Lapulapu ang kapangyarihan ni Raha Humabon sa
mga bagay na ito. Iminungkahi nina Raha Humabon at Datu Zula kay Magellan
na pumunta sa pulo ng Mactan at pwersahin ang kanyang nasasakupan na si
Datu Lapulapu na sumunod sa kanyang mga kautusan. Nakita ni Magellan ang
oportunidad na palakasin ang umiiral na pakikipagkaibigang ugnayan sa pinuno
ng rehiyong Bisaya at umayon na pasukuin ang mapanghimagsik na si Lapulapu.
Ayon kay Antonio Pigafetta, tinangka ni Magellan na hikayatin si Lapulapu na
sumunod sa mga kautusan ni Raha Humabon sa gabi bago ang labanan. Ayon
kay Pigafetta, si Magellan ay nagpakilos ng mga 49 katao na may mga espada,
kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa Mactan sa umaga ng ika-28 ng
Abril, 1521. Pagkatapos ay tinangka ni Magellan na takutin ang mga ito sa
pamamagitan ng pagsunog ng ilang mga kabahayan sa ngayong Buaya ngunit
kilala noon na Bulaia. Ang pagsunog na ito ang nagpagalit kay Lapulapu at
kanyang mga mandirigma at sumalakay kay Magellan na nasugatan sa braso ng
isang sibat at sa hita ng isang kampilan.
Napanaigan ng mga mandirigma ni Lapulapu si Magellan na sinaksak at tinaga
ng mga sibat at espada. Nagawa nina Pigafetta at iba pa na makatakas. Ayon
kay Pigafetta, ang ilan sa mga tauhan ni Magellan ay napatay sa labanan at ang
ilang mga katutubong naging Kristiyano na tumulong sa kanila ay napatay ng
mga mandirigma ni Lapulapu. Walang opisyal na mga tala ng bilang ng mga
namatay ngunit binanggit ni Pigafetta ang hindi bababa sa 3 Kristiyanong
sundalo kabilang si Magellan. Ang mga kaibigan ni Magellan na sina Raha
Humabon at Datu Zula ay hindi sumali sa labanan dahil sa kautusan ni Magellan
at nanood sila mula sa malayo. Iniulat ni Pigafetta na nagpadala ng mensahe si
Humabon na kung ibabalik ng mga mandirigma ang mga katawan ni Magellan at
mga tripulante nito, sila ay bibigyan ng kasing daming kalakal na naisin nila. Ang
tugon ni Lapulapu ay, "Hindi namin ibibigay ang katawan ng kapitan para sa
lahat ng mga kayamanan ng daigdig dahil ang kanyang katawan ay tropeo ng
aming pagwawagi laban sa mga mananakop ng aming baybayin". Ang ilan sa
mga kawal na nakaligtas sa labanan at bumalik sa Cebu ay nilason sa pistang
ibinigay ni Raha Humabon. Si Magellan ay hinalinhan ni Juan Sebastián
Elcano bilang komander ng ekspedisyon na nag-utos ng mabilis na paglisan
matapos ang pagtataksil ni Humabon. Si Elcano at kanyang armada ay naglayag
pakanluran at bumalik sa Espanya noong 1522 na bumubuo sa paglibot ng
daigdig.

You might also like