You are on page 1of 14

Modyul 7: Ang Paggawa Bilang

Paglilingkod at Pagtaguyod ng
Dignidad ng Tao
Paggawa
Paggawa
Ayon sa librong "Work: The Channel of Values" Ito ay isang
aktibidad na ginagawa ng mga tao, Ito ay isang tungkuling
kailangang isagawa nang may pananagutan at ang resulta ng
pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa
pangangailangan ng kapwa. Ang paggawa ay para sa tao at
nilikha ang tao para sa paggawa.
Kilala nyo ba kung sino ang
imbentor ng bumbilya?
Thomas Edison
Thomas Edison

Ang dahilan kung bakit hindi nakikilala ng maraming tao ang


oportunidad ay dahil maihahalintulad ito sa isang mabigat na gawain
na hinahamon ang tao na magsumikap anuman ang balakid sa
pagsasagawa nito.

Mga layunin ng paggawa
Layunin ng paggawa

1. Upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang kailangan upang


matugunan ang kaniyang mga pangunahing pangangailangan.
2. Upang makibahagi sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at
teknolohiya.
3. Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.
4. Upang tulungan ang mga nangangailangan.
5. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan ang pag iral ng tao.
Subheto at Obheto
ng paggawa
Subheto at Obheto ng
paggawa
Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources,
instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng
mga produkto. Ang nakagisnan ng tao na uri ng paggawang ginagamitan
ng kamay, pagod at pawis ay unti-unti ng nababago dahil sa pagtulong
ng mga makabagong makinarya, na tao rin ang nagdisenyo at gumawa.
Ang teknolohiya ay katulong ng tao. Ngunit dahil din sa mga pagyayaring
ito, unti-unti ng nagiging kaaway ng tao ang teknolohiya, nawawalan na ng
malawak na kontribusyon ang tao sa paggawa, hindi na nya
nararamdaman ang kasiyahan at hindi na nahahasa ang kaniyang pagiging
malikhain.
Tunay na ang pagunlad ng teknolohiya ang isa sa palatandaan ng pag-
unlad ng ekonomiya ng isang bansa, ngunit unti-unti ng nailalayo sa tao
ang kaniyang tunay na esensiya sa mundo - ang paggawa na daan tungo sa
(1) pagbuo ng tao ng kaniyang pagkakilanlang at kakayahan, (2) pagkamit
ng kaganapang pansarili, at (3) pagtulong sa kapuwa upang makamit ang
kaniyang kaganapan
Panlipunang Dimensyon
ng paggawa
Panlipunang Dimensyon
ng paggawa
Ang gawain ng tao ay likas na nakaugnay sa gawain ng kaniyang kapuwa.
Ito ay paggawa ng isang bagay para sa iba. Ang bunga ng paggawa ng tao ang
nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at pakikisangkot sa ating
kapuwa
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like