You are on page 1of 8

Mga paniniwala sa Pinagmulan ng Wika

Ang kwento sa Tore ng Babel na makikita sa aklat ng Genesis sa lumang kasunduan ng bibliya ay
nagsasaad kung paano nagsimula ang ibat ibang wika sa sanlibutan.Noon ay iisa lang ang wika na
sinasalita ng tao kung kaya madali ang pagkakaintindihan ng bawat isa at sila ay gumawa ng tore na abot
hanggang langit na siyang ikinagalit ng Panginoon kaya ginulo ang kanilang wika at doon nag-umpisa ang
ibang wika sa sanlibutan.

1.Teoryang ding-dong. Ang mga bagay sa kapaligiran ay may tunog na kumakatawan sa nasabing bagay.
Hal: tunog ng kampana, tren, relo
2. Teoryang bow-wow. Tunog na nalilikha ng kalikasan
Hal: tunog ng kulog, ihip ng hangin, pagbagsak ng alon, kahol ng aso, at tibok ng puso
3. Teoryang pooh-pooh.tunog na nagmula mula sa nadarama ng tao oa kanyang emosyon
Hal: pagtawa, pag-iyak, pagkabigla, pagtataka, at iba pang bulalas ng damdamin
4. Teoryang yo-he-ho. Mga salita na nababanggit ng tao kapag nagagamita ng kanyang pisikal na lakas
Hal: pagluwal ng sanggol ng babae, kapag nagbubuhat, tunog ng isang atleta
5. Teoryang ta-ta. Ito ay nangangahulugang paalam o goodbye na nakasentro sa tunog na nalilikha sa
kumpas ng kamay
6. Teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay. Tunog na nalilikha sa pagkilos, pagsigaw, pagbulong ng taong
gumagawa ng ritwal, pangingisda, pakikidigma at pagtatanim.

7. Teoryang Yum-yum -Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan
ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang tata ang paliwanag ng mga
proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika.
8. Teoryang Sing-song - Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro,
pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na
taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling
bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
9.Teoryang Hey you! -Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na
bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula ang
wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas
din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.
10. Teoryang Coo Coo - Ayon sa teoryang ito,ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga
sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-
bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga
matatanda.
11. Teoryang Babble Lucky - Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang
bulalas ng tao.

12. Teoryang Hocus Pocus - Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng
pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
13. Teoryang Eureka! - Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga
ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na
bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging
kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003).
14. Teoryang La-la - Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang
magsalita.
15. Teoryang Mama - Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng
pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang
salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una
niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang mother. (Marquez Jr, 2016)

Mga Katangian ng Wika

 dinamiko ang wika.  ibig sabihin ang wika ay nagbabago, dumarami at nadaragdagan sa bawat
henerasyon
 may lebel o antas. Ito ay maaring pormal (pambansa at pampanitikan)o di pormal(balbal at
kolokyal)
 wika ay komunikasyon.  Ito ay ginagamit sa pakikipag-usap at pakikipag-interaksyon sa kapwa.
 malikahain at natatangi. Ang wika ay walang katulad kundi namumukod tangi. 
 wika ay kaugnay ng kultura.  Ang sining, paniniwala, kaugalian, karunungan, at kinagawian na
bumubuo sa kultura ay nagpapakita kung ano ang wika ng isang bansa
 wika ay gamit sa lahat ng uri ng disiplina o propesyon. May partikular na wikang ginagamit ang
isang propesyon. 

Ang Filipino Bilang Wikang Pambansa

May walong pangunahing wika na ginagamit sa ibat ibang panig ng kapuluan ng Pilipinas:
Tagalog, Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bikol, Waray, Kapampangan, at Pangasinense. Sa ilalim ng
proramang Mother –Tongue Based- Multilingual Education (MTB-MLE) ng Kagaawarn ng Edukasyon,
tinutukoy ang 19 na wika upang gamiting medium sa pagtuturo bilang isang signature ng mag-aaral.

Ano ang wika?

Ayon kay Jose Villa Panganiban, ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng ng damdamin at
opinion sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan.

Samantala, si Henry Gleason ay nagsabi na ang wika ay masistemang balangkas ng sisnsalitang


tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. 

Finnocchiaro (1964) – ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay
pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang
makipagtalastasan o di kaya’y makipag-ugnayan.

Sturtevant (1968) – ang wika ay isang Sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog
para sa komunikasyong pantao.
Hill (1976) – ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang mga
simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga
klase at padron na lumilikha at simetrikal na estraktura.
Brown (1980) – ang wika ay masasabing sistematiko. Set ng mga simbolikong arbitraryo, pasalita,
nagaganap sa isang kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng tao.

Bouman (1990) – ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na
lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para
makapagpahayag.
Webster (1990) – ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing
na komunidad.

Antas ng Wika- nahahati sa dalawa ang antas:

Pormal

wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na akademiko

Di – Pormal

wikang ginagamit sa karamihang tao araw-araw.

 Wikang Panlalawiganin – dito lumalantad ang pinagmulan ng tao, wikang kinagisnan

Halimbawa:

Daku –Cebu

Buwak – Waray

 Wikang balbal – itoy impluwensiya ng mga kabataan o partikular na grupo na lumilikha ng


sariling wika

Halimbawa:

Yosi- sigarilyo

Atab- bata

 Wikang Pambansa – wikang ginagamit at tinatanggap sa lipunan

Halimbawa:

Awit , tao, bahay, aklat at iba pa.

 Wikang Pampanitikan – malikhaing pagpapahayag at mapakahulugang pananalita

Halimbawa:

Balat-sibuyas, balat-kalabaw, ahas na tulog,at iba pa


MGA KONSEPTONG PANGWIKA

Konsepto ng Wika sa Pilipinas

Ang tinatawan na “mga wika ng Pilipinas” ay ang ibat ibang wikang katutubo o diyalekto na
sinasalita sa buong kapuluan ngunit hindintiyak ang bilang ng mga ito, may nagsasabing 86 ang iba
naman ay nagsasabi na 170.

Konsepto ng Wikang Katutubo (Unang Wika)

 Wikang katutubo ang tawag sa wika nakinamulatan ng isang indibidwal mula sa kanyang
kapanganakan hanggang sa paglaki, ito rin ay tinatawang na unang wika o inang dila.
 Republic Act No. 7104 ang lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) 
 Republic Act No. 7104, Sec. 3. Nakasaad dito na ang mga wika sa Pilipinas ay tumutukoy sa
wikang katutubo at ang pambansang wika.

Konsepto ng Wikang opisyal. 

Nakasaad dito na ang wiakng opisyal ay ang wikang ginagamit sa loob at labas sa lahat ng sangay
at ahensiya ng gobyerno sa pakikipagtalastasan o pakikipagtalakayan.

Mga itinadhanang wikang opisyal sa sumusunod na konstitusyon:

 1899 Konstitusyon (Republika ng Malolos) - Espanyol at opsiyonal ang mga wikang sinasalita sa
kapuluan
 1935 Konstitusyon- Ingles at Espanyol
 Hunyo 7, 1940 (Batas Komonwelt Blg. 570 )- ang wikang opisyal ay ang wikang Pambansa mula
Hulyo 4, 1946
 1959- Pilipino ang opisyal na panagalan ng ng wika ng gobyerno at pagtuturo
 1987 Konstitusyon- Filipino ang wikang opisyal , at Ingles hanggang pinapahintulutan ng batas.

 Executive Order No. 335 – iniutos ng batas na ito ang pagsasalin ng “Panunumpa sa
Katungkulan” , pangalan ng opisina, gusali, at mga karatula sa wikang Filipino

Konsepto ng Wikang Panturo

Ang wikang panturo ay tumutukoy sa wikang ginagamit sa pagtuturo sa pormal na edukasyon.


Monolingual ang pambansang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano sa umpisa ng ika-20
siglo(century). Ibig sabihin may iisang wika na ginagamit sa pagtuturo ang Ingles.

 Mayo 3, 1940- iniatas ni Direktor CeledonioSalvador ang pagtuturo sa Wikang Pambansa bilang
regular na asignatura sa Ikaapat na taon sa paaralang sekundarya o (fourth year high school).
 Pagkaraan ng World War II ay unti-unting itinuro sa elementary ang Wikang Pambansa

Konsepto ng Wikang Pantulong (Auxilliary Language)


Ang kadalasang ginagamit na wikang pantulong sa mga paaralan ay ang wikang katutubo o ng
unang wika o inang dila ng mga mag-aral sapagkat ito ang daan para magkaintindihan ang mga
estudyante sa kanilang pagkatuto. 

 1987 Konstitusyon ay nagbigay ng pahintulot na ipagamit ang wikang pantulong sa antas ng


elementarya.
 Artikulo XIV, Sek 7. Ang wikang rehiyonal ay ang magsisilbing wikangpantulong sa pagtuturo sa
mga naturang pook.

Konsepto ng Wikang Pambansa

 Sa pagpili ng wikang Pambansa, ang ginagawang batayan ay ang sinasalita ng mga dominante at
pinakamaraming pangkat

Bilingguwalismo 

 Ang Patakarang Bilingguwal ng KWF ay pagtupad sa Artikulo XV, Seksiyon 2-3 ng 1973
Konstitusyon hinggil sa Pilipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng komunikasyon at
pagtuturo. 
 Sa Artikulo XIV, Sek 6 ng 1987 Konstitusyon ay nakasaad sa ikalawang talata nito ang patuloy na
paggamit sa Filipino sa pagtuturo na itinaguyod sa pamamagitan ng Executive Order No. 335.
 Sa Patakarang Bilingguwal ng 1974 ay hinati sa dalawa ang wikang ginamit sa pagtuturo sa mga
asignatura sa sekundarya at elementary. Ang ibang asignatura ay ituturo gamita ang Pilipino at
ang iba ay ituturo gamit ang Ingles.
 Ang bilingguwalismo ay tungkol sa paggamit ng dalawang wika.

Multilingguwalismo

Ito ay tungkol sa pagtuturo gamit ang tatlong wika, ang unang wika o ang katutubong wika, Filipino
at Ingles.

 Homogenous na Wika

Tungkol sa pagkakatulad ng wika dahil magkapareho ang ginagamit na wika ng mga grupo ng
tao, interes, pamumuhay, paniniwala.

Heterogenous na Wika

Tungkol sa pagkakatulad ng wika dahil hindi magkapareho ang ginagamit na wika ng mga grupo
ng tao, interes, pamumuhay, paniniwala.

Ang Register at Ibat Ibang Barayti ng Wika

Register ng Wika- ito ay ang pagbabago ng depinisyon ng salita batay sa larangang pinaggamitan

Salita Larangan Kahulugan


Komposisyon (composition) Musika Piyesa o awit
Lengguwah Sulatin
e
Agham Pinagsama-samang elemento
Ibat Ibang Barayti ng Wika

John Cafford (1965)-ang author sa aklat na A Linguistic Theory of Transaction  na tungkol sa


pagkakaroon ng  dalawang barayti ng wika.

A. Permanente para sa tagapagsalita at  tagabasa

1. Diyalekto- tumutukoy sa sinasalita ng isang rehiyon, may kaugnayan sa lugar na pinanggalingan ng


tagapagsalita.

2. Idyolek-ang personal na pamamaraan ng tao sa paggamit ng wika. Ito ang nagsisilbing wika na
nagging tatak na sa tao. 

Hal: Ang pagsabi ni Noli de Castro ng “magandang gabi, bayan.” 

B. Pansamantala dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahyag

Mabibilang dito ang sumusunod:

1. register-  ito ay ang pagbabago ng depinisyon ng salita batay sa larangang pinaggamitan


2. estilo- ito ang pamamaraan na ginagamit ng tao sa pakikipag-usap sa iba na may kaugnayan sa
taong kausap, na maaring pormal, kolokyal, o personal. 
Hal: Ang isang lalaki na edukado ay nagsasalita sa lebel ng isang tambay dahil ang kausap nito ay
isang tambay.
3.Mode-may kaugnayan sa gagamiting midyum sa pagpapahayag na maaring pasalita o pasulat.

“Mga Varayti ng Wika”- papel ni Nilo Ocampo na salin mula sa orihinal na aklat ni George Yule na The
Study of Language na nagbigay diin sa na ang pagkakaiba ng wika ay napakahalaga at kinikilalang bahagi
ng pang-araw-araw na paggamit ng wika sa ibat ibang komunidad na rehiyonal at panlipunan.

Rehiyonal

 Istandard na wika.  Itinuturing na wasto uri at gamit ng wika- bumubuo sa batayan ng varayting
nakalimbag at wikang panturo
 Punto/aksent at diyalekto. Ang punto ay ang tono ng pagkakasabi ng tao sa kanyang
sinasalitang diyalekto
Hal: Ang mga Ilonggo ay may malambing na tono ng boses kapag nagsasalita. Ito ang kanilang
aksent

 Diyalektolohiya. Pag-aaral tungkol sa diyalekto ng isang lugar


 Pidgin at Creole. Ang pidgin ay praktikal na wika na ginagamit ng mga tao noon sa
pakikipagkalakalan. Ito ay mga parirala mula sa ibang wika. Nagiging creole  ang isang pidgin
kapag ito ay  nadebelop at lagpas na sa tungkulin ng pangangalakal ang kanyang  nagawa dahil
naging unang wika na siya ng isang pamayanan, isang magandang halimbawa ng creole ay ang
tinatawag na broken Spanish o Chavacano ng mga taga-Zamboanga

Panlipunan—Wika, lipunan, at kultura


 Mga Panlipunang Diyalekto
a. Edukasyon, okupasyon, uring panlipunan- tumutukoy ito sa sosyal na aspekto ng isang
nagsasalita ng wika batay sa paraan ng kanyang edukasyong nakamit at trabaho o propesyon.
Halimbawa: Ang isang edukado, mayaman, o may trabaho ay ormal ang paraan ng
pakikipag-usap kompara sa mga taong tambay lamang sa kalsada.

b. Edad at kasarian- iba-iba ang sinasalita ng isang matanda sa bata dahil pipiliin ng mga
matatanda ang malalim na uri ng mga salita sa pagpapahayag kasi ito ang nakasanayan nila,
samantala iba naman sa mga bata dahil mas gusto nila ang mga uso na salita sa kanilang
henerasyon

Gamit ng Wika sa Lipunan

                    Sa modyul na ito tatalakayan ang pitong gamit ng wika sa lipunan ayon kay M.AK. Halliday
sa kanyang Explorations in the Functions of Language. Hinati ni Halliday sa dalawang pangkat ang gamit
nga wika. 

                    Ang unang pangkat ng gamit ng wika sa lipunan ay nakatuon na malinang ang katangian ng
isang bata. Tumutugon ito sa pangangailangang pisikal, emosyonal, at sosyal.

UNANG PANGKAT
Gamit ng wika Depinisyon  Halimbawa
Pang- Tumutugon sa pangangailangan ng tao gaya ng Liham-pangangalakal,
instrumental pakikipag-usap sa iba lalo na kung may katanungan advertisement
na kailangang sagutin
Panregulatori Tumutukoy sa pagkontrol ng ugali. Direksyon sa pag-inom g
gamot, panuto sa pasulit,
babala
Pang- Pakikipag-usap o pakikipagkapwa Pagbabahagi ng damdamin,
interaksyunal pagbibiruan
Pampersonal Pansarili na gamit ng wika, kuro-kuro, palagay Pagsulat ng talaarawan,
journal

                    Ang ikalawang pangkat ng gamit ng wika sa lipunan ay nakatuon na malinang ang


pakikisalamuha sa lipunang kinabibilangan.

UNANG PANGKAT
Gamit ng wika Depinisyon  Halimbawa
Pangheuristiko Pagkuha ng impormasyon Interview, pakikinig sa radio, panonood sa
telebisyon
Pang- Pagbibigay ng impormasyon Pag-uulat o pagtuturo
impormatibo
Pang- Tungkol sa malikhaing guni-guni Mga matatalinghagang mga salita
imahinasyon ng tao

You might also like