You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

DIAGNOSTIC TEST
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 10
Name: ___________________________________ Date: ________________
Grade & Section: __________________________ Score: _______________

Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng
pinakaangkop na sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “madaling maging tao” sa kasabihang


“madaling maging tao, mahirap magpakatao”?
A. May isip at kilos-loob ang tao
B. May kamalayan siya sa kaniyang pagtungo sa kaniyang kaganapan
C. Tapat ang tao sa kaniyang misyon
D. May konsensya ang tao

2. Aling yugto ng pagkasino ng tao ang nagpapakita ng pagkamit ng kaniyang


kabuuan, kaya hindi siya naiimpluwensyahan ng pananaw ng nakararami dahil
sa kaniyang matibay na paninindigan?
A. Persona
B. Personalidad
C. Pagme-meron
D. Indibidwal

3. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at


makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
A. Mag-isip
B. Makaunawa
C. Maghusga
D. Mangatwiran

4. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?


A. Kakayahang mag-abstraksiyon
B. Kamalayan sasarili
C. Pagmamalasakit
D. Pagmamahal
5. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na batas moral maliban sa:
A. Ito ay sukatan ng kilos
B. Ito ay nauunawaan ng kaisipan
C. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panglahat
D. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao

6. Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?


A. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak salahat ng tama at mabuti
B. Kung mapaligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensya
C. Kung magiging kaisa ng konsensya ang likas na batas moral
D. Kung magsasanib ang tama at mabuti

7. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?


A. Kilos-loob
B. Konsensya
C. Pagmamahal
D. Responsibilidad

8. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula salabas ng


tao kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan
nito?
A. Ang kalayaan ay matatagpuan sasarili
B. Nakahahadlang ang kapuwa sa pagkamit ng kalayaan
C. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging Malaya
D. Ang hadlang sa pagiging Malaya ay ang sarili niyang pag-uugali

9. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristotles, aling kilos ang ipinakita ng isang
taong nanakit sakapuwa dahil sag alit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya?
A. Walang kusang-loob
B. Kusang –loob
C. Di kusang-loob
D. Kilos-loob

10. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikitaniya ito bilang
mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang
____niya ay nakatuon at kumikiling samabuti sa kanya na nakikita bilang tama.
A. Isip
B. Kalayaan
C. Kilos-loob
D. Dignidad

11. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
A. Pasiya
B. Kilos
C. Kakayahan
D. Damdamin

12. Ayon kay Max Scheler, alin sa sumusunod ang tanging nakakikita sa
pagpapahalaga natin sa mga bagay, gawi at kilos?
A. Isip
B. Damdamin
C. Kilos-loob
D. Saloobin

13. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos


ayon kay Sto.tomas de Aquino?
A. Isip at kilos-loob
B. Intensiyon at Layunin
C. Paghuhusga at pagpili
D. Sanhi at Bunga

14. Alin sa sumusunod ang tinaguriang “ina”ng mga birtud?


A. Prudentia
B. Katarungan
C. Kahinahunan
D. Katapangan

15. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?


A. Katatagan at kaisipan
B. Kabayanihan at katapangan
C. Pinagkopyahan o pinagbasehan
D. Pinagmulan o pinanggalingan

16. Ano ang paraan na maaaring gawin ng isang simpleng mamamayan bilang
tagapamahala ng kalikasan?
A. Magtapon ng basura sa tamang tapunan
B. Magpatupad ng batas
C. Magkaroon ng pagkukusa at maging disiplinado
D. Maging mapagmasid at matapang sapakikipaglaban para sa bayan

17. Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon
na malaman at tanggapin ang katotothanan sa pagkatao.
A. Espirituwalidad
B. Pananampalataya
C. Panalangin
D. Pag-ibig

18. Ang sumusunod ang naglalarawan ng buhay na pananampalataya maliban sa;


A. Kumilala at nagmamahal sa Diyos
B. Naglilingkod at palagiang nananalangin sa Diyos
C. Nagmamahal at tumutulong sa kapuwa
D. Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa Kapuwa

19. Anong isyung moral sa buhay ang tumutukoy sapagpapalaglag ay pag-alis ng


isang fetus o sanggol na hindi maaaring mabuhay sapamamagitan ng kaniyang
sarili sa labas ng bahay-bata ng ina?
A. Aborsiyon
B. Alkoholismo
C. Euthanasia
D. Pagpapatiwakal

20. Isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang


panig o posisyon na magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-
aaral upang malutas.
A. Balita
B. Isyu
C. Kontrobersiya
D. Opinyon

21. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa;
A. Pang-abusong seksuwal
B. Pre-marital sex
C. Pornograpiya
D. Prostitusyon

22. Ang pang- seksuwal na kakayahang kaloob ng diyos sa tao ay tumugon sa


mga layuning;
A. Magkaroon ng anak at magkaisa
B. Magkaisa at maipahayag ang pagnanasa
C. Makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak
D. Magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan

23. Ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling o pagsang-ayon sa katotohanan.


Itinuturing ding isang lason na humahadlang sa kaliwanagan ng isang bagay o
sitwasyon. Anong patunay na ito’y natural na masama?
A. Sapagkat ipinagkait ang tunay na pangyayari
B. Sapagkat inililihis ang katotohanan
C. Sapagkat ito ay isang uri ng pandaraya
D. Sapagkat sinasang-ayunan ang mali
24. Ang sumusunod ay mga Gawain na lumalabag sa karapatan sa pag-aari. Ang
ilan sa mga ito ay ang karapatan sa pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi,
at panggagaya upang makabuo ng bagong likha maliban sa isa:
A. Intellectual piracy
B. Copyright infringement
C. Theft
D. Whistleblowing

25. Sa simula ng paglikha ng Diyos, inilaan na siya upang gumawa ng mga katangi-
tanging gawain, at siya lamang ang binigyan ng natatanging talino.
A. Hayop
B. Halaman
C. Kalikasan
D. Tao

26. Alin sasumusunod na pagpapahalaga ang susi sa pagbuwag ng graft and


corruption?
A. Integridad
B. Katapatan at pagkatakot sa Diyos
C. Kabaitan at pagkamasunurin
D. Pagtitimpi

27. “Ang katotothanan ay ang tahanan ng mga katoto”, ayon kay Fr. Roque
Ferriols. Ano ang ibigsabihin nito?
A. Ang katotohanan ay masusumpungan saloob ng tahanan kung sama-
samang hinahanap ito
B. Ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan
C. May kasama ako na makakita sa katotohanan
D. Ang katotothanan ay nakikita ng mga tao

28. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?


A. Paglilinis ng ilong
B. Pagpasok nang maaga
C. Pagsusugal
D. Maalimpungatan sa gabi

29. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
A. Panliligaw sa crush
B. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloko
C. Pagsugod sa bahay ng kaalitan
D. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha

30. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng karuwagan?


A. Si Belle na takot sa lumilipad na ipis
B. Si Abby na ayaw maglakad sa madidilim na kalye
C. Si drew na takot mahulog kung sasabit sa jeep
D. Si Marie na nahihiyang mag-ulat sa harap ng klase

You might also like