You are on page 1of 1

Christian Emanuel H.

Hernandez

7A-St. Cecilia Journal sa Filipino #2

Kailangang panatilihin at palaganapin ang ating mga awiting-bayan at iba


pang katutubong panitikan dahil sa bawat yugto ng ating kasaysayan, ang ating
kultura ang siyang nagbuklod at gumabay sa ating mga Pilipino. Dito nakikilala
ang mga mahahalagang naiambag nito na kung saan patuloy at patuloy na
tinatangkilik ng ating mga kababayan dahil sa kontribusyon nito. Malaki ang
ginagampanan nito sa ating panitikan tulad ng mga awiting bayan
dahil nagsisilbing inspirasyon at batayan sa kasalukuyang henerasyon. Kaya sa
pagpapatuloy ng buhay ang mga awiting bayan ay nananatiling inaawit at
napapakinggan mula noon at hanggang ngayon. Kailangan rin natin ito
panatilihin dahil may mga tao na kumakanta pa ng mga ganito, may mga taong
gustong magpreserba ng kanilang kultura, may mga taong gusto rin itong
gamitin palagi at may mga tao rin na gustong-gusto nila maipakinig ito sa iba’t-
ibang tao. Kahit anuman ang sabihin ng iba’t-ibang tao ay hindi natin matatangi
na marami ang may gusto dito sa mga awiting bayan.

You might also like