You are on page 1of 1

Ang 

maikling kuwento - binaybay ding maikling


kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan
ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na anyo
ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong
paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang
momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing
tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na
"Ama ng Maikling Kuwento". Tinawag rin
itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at
ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
Ang alamat ay naiiba dito at sa kasaysayan
bagamat may mga elemento ang dalawa. Ang ito ay
di-totoo. Ang kasaysayan ay totoo, samantalang ang
alamat ay may mga bahaging totoo at mayroon din
naman na hindi totoo ang kuwento at kadalasang
ang kuwento ay tungkol sa mga naganap sa di-
totoong lugar at di-totoong panahon.

You might also like