You are on page 1of 24

EPEKTO NG SOSYAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL

T. A. 2023-2024

Ipinasa kay:
Gng. Palmera A. Isles

Ipinasa Nina:
Mendoza, Clarence Ivan C. Naelgas, Sherwin Llyod
Medina, Nate Xander L. Lorenzo, Lyza
Rance, Mary Jane Camacho, Leila Isabel
Pagayunan, Krizel Escleto, Jaycel
Garcia, Franciss Andrei

11 TVL CSS B
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang

pamanahong papel na ito na pinamagatang SIPAT AT SURI: MGA

ESTRATIHIYA NG PILING MAG-AARAL NG IKA-11 BAITANG MULA SA

CALOOCAN CITY BUSINESS HIGH SCHOOL SA PANAHON NG ONLINE

DISTANCE LEARNING T. A. 2021-2022 ay inihanda at iniharap ng mga

mananaliksik mula sa pangkat na binubuo nina:

Dela Cruz, Ken Cedric R.


Divinagracia, Carol Anne A.
Mañibo, Pauleen Ann A.
Oiga, Ron Gabrielle V.
Parpana, Nickole Anne R.
Ricaro, Ioannis Kurt S.
Sabado, Johansson R.
Sevilla, Rhaulyn Grace R.
Valenzuela, Louise Mariel J.
Verso, Chris Ivan M.
Villas, Ivan Jules O.

Tinanggap bilang bahagi ng mga kailanganin sa Filipino Gr. 11: Pagbasa

at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Gng. Palmera A. Isles Grado

Guro
Petsa:

PASASALAMAT

Nais ng mga mananaliksik na ipahayag ang kanilang pasasalamat


sa mga sumusunod na tao para sa kanilang payo, walang patid na suporta, at
gabay sa pag kumpleto ng pananaliksik na ito. Kung wala ang kanilang tulong
at pakikilahok, ang pagpupunyagi sa pag-aaral na ito ay hindi magiging posible.

Una at higit sa lahat, taos pusong nagpapasalamat ang mga


mananaliksik sa kanilang research adviser na si Gng. Palmera A. Isles, sa
paggabay sa kanila mula sa simula hanggang sa pagtatapos ng proyektong ito,
dahil sa kanyang payo at pagpuna sa papel at sa kanyang walang patid na
suporta at pagsisikap upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito.

Para sa walang pasubaling suporta, panghihikayat, at pasensya ng


kanilang mapagmahal na magulang sa pagsubaybay sa pag-unlad ng
pananaliksik na ito. Sa kanilang mga minamahal na kaibigan at 11 STEM-
Quartz/Topaz na mga kamag-aral, na patuloy na humihikayat sa mga
mananaliksik sa bawat pulgada ng proseso at dumanas ng parehong hirap at
karanasan gaya ng mga mananaliksik, sa kanilang kahandaang tumulong sa
oras ng pangangailangan.

Higit sa lahat, salamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagbibigay sa


mga mananaliksik ng kabatiran, pang-unawa, at lakas na kailangan nila,
gayundin sa patuloy na pagharap at paggabay sa kanila sa mahihirap na
sandali.
Talaan ng Nilalaman

Pahina

Pamagat…………………………………………………………… i

Pasasalamat…………………...…………………………………. ii

Talaan ng Nilalaman……………………………………………… iii

Kabanata

I. Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula………………………………………………. 1

Saligang Pangkasaysayan….………….…………. 2-3

Balangkas Konseptwal…………………………….. 3-4

Layunin ng Pag-aaral…………….………...……… 4-5

Kahalagahan ng Pag-aaral……….………………… 5-6

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral.………………. 6-7

Depinisyon at Terminolohiya……………….………. 7-9

II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Lokal na Pag-aaral…………………………….……….10-11

Banyagang Pag-aaral………………………………….12-14
III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik…………………….………. 15

Mga Respondente…………………………………… 15

Instrumento ng Pananaliksik………….……….… 16

Tritment ng mga Datos……………………………… 16

Paraan ng Pananaliksik……………………………. 16-17

Talaan ng Sanggunian……………………………. 18-19


KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang umiiral na sistema ng


pag-aaral sa kasalukuyan na Online Class. Ang higit na nakararanas ng
suliranin base sa mga pag-aaral ay ang mga mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay may layunin na alamin kung anu-ano nga ba


ang mga estratehiya ng mga mag-aaral ng CCBHS na napasailalim sa ika-11
na baitang upang kayanin ang mga suliranin kinakaharap nila sa nangyayaring
Online Class. Ang paksa ay tumatalakay sa mga hamon na kinakaharap ng
mga nasabing mag-aaral sa kanilang Online Distance Learning. Ginawa ng
mga mananaliksik ang pag-aaral na ito dahil maraming mga mag-aaral ang
hindi sigurado kung paano nila haharapin ang bagong normal, at upang
makatulong sa ibang mag-aaral na malaman kung paano haharapin ito.
Maaaring basahin din ito ng mga guro at malaman ang mga paghihirap na
nararanasan ng mga mag-aaral.

Bilang karagdagan, ang tema ay naglalayong ipaalam sa iba kung ano


ang mga estratehiya ng mga mag-aaral na nahihirapang makibagay sa
pagbabagong nagdaan.

Dahil sa pag-aaral na ito, maari nating mabigyang ang mga solusyon sa


mga nasabing problema ng mga mag-aaral.

1
Saligang Pangkasaysayan

Ang Online Class ay isa sa mga alternatibong pamamaraan ng pagtuturo at


pagkatuto na kung saan ginagamitan ng mga elektronikong kagamitan tulad ng
computer, mobile phone, at iba pang katulad na teknolohiya. Naging tanyag
ang Online Learning sa Pilipinas noong unang bahagi ng taong 2000, ang
pagpapatupad noon ay nahadlangan dahil sa kakulangan ng pangunahing
imprastraktura ng ICT upang suportahan ito (Galeon et al 2019). Bago pa man
sumiklab ang COVID-19, mayroon ng kakaunting mga institusyong
pang-edukasyon na nagpatupad ng online o pinaghalong pamamaraan ng
pag-aaral. Unti-unti, maraming paaralan, unibersidad at ministeryo ng
edukasyon ang nagsimulang ipakilala ito, ngunit sa napakabagal na panahon.
Tanging ang mga sanay, interesado, mga nangangarap at masigasig lang ang
handang subukan ito.

Nang sumiklab ang pandemya, maraming bansa ang kinakailangang lumipat


mula sa offline patungo sa mga online na klase, kasama na doon ang Pilipinas;
sa katunayan, ayon sa UNESCO, 191 na bansa sa mundo (98% ng populasyon
ng mga mag-aaral sa mundo) ang lumipat sa mga online na aralin. Kabilang sa
mga sikat na site na ginamit ang Google Classrooms, Zoom, at Microsoft
Teams. Sa puntong ito, kahit na ang mga pragmatista at konserbatibo ay
nagpasya na lumipat sa mga pamamaraan ng online na pag-aaral dahil hindi
sila maaaring mag-alok ng mga aralin sa lugar (EdTick, 2020). Samantala, sa
Pilipinas, nagsimula ang Department of Education (DepEd) na magpatupad `ng
distance learning set-up sa taon ng paaralan 2020-2021, na nagsimula noong
ika-5 ng Oktubre taong 2020, bilang tugon sa banta ng COVID-19. Ang mga
mag-aaral ay maaaring ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral mula sa malayo sa
pamamagitan ng mga onlayn na platform, telebisyon at radyo, mga modyul at
iba pang mga teknolohiya.

2
Isa sa mga paaralang nagbago ng paraan mula sa tradisyunal na pagtuturo
patungong online ay ang Caloocan City Business High School. Ito ay dating
kilala bilang "Urduja Business High School" na matatagpuan sa Sikatuna
Extension, Urduja Village, Barangay 172, Caloocan City North. Ang CCBHS ay
pinamamahalaan ng lokal na pamahalaan ng lungsod at ito ay inilaan para sa
mga mag-aaral na gustong maging mahusay sa larangan ng teknolohiya at
negosyo. Bukas ang programa ng Caloocan City Business High School sa lahat
ng junior high school graduates na gustong pahusayin at hasain ang kanilang
mga kakayahan para sa mas magandang kinabukasan mula ika-11 at ika-12
baitang simula sa taong pang-akademiko 2016-2017.

Pagdatal ng pandemya, nagbigay ang paaralan ng alternatibong pagtuturo


upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga mag-aaral, ito ay ang Distance
Learning na kinabibilangan ng Online, Modular at Blended learning. Ang mga
mag-aaral, lalo na ang tutungtong sa ika-11 baitang ay naapektuhan ng
pagbabagong ito, kaya't nagkaroon ng iba't ibang tugon ang mga mag-aaral sa
panahon ng online distance learning. Ang pananaliksik na ito ay nagkalap ng
mga impormasyon upang malaman ang mga naging tugon ng mag-aaral. Ang
dalawampung (20) respondente ay nakapasailalim sa strand na ABM, HUMMS,
STEM, at TVL sa Caloocan City Business High School taong akademiko
2021-2022.

Balangkas Konseptwal

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang mga


estratehiyang ginamit ng mga mag-aaral ng ika-11 baitang sa Caloocan City
Business High School upang kayanin ang mga problemang kinahaharap nila sa
nagaganap na Online Class at ang epekto nito sa kanilang pag-aaral. Ang mga
mananaliksik ay naghanda ng Konseptwal na Balangkas o Conceptual
Framework. Ito ay ginamitan ng input-process-output model o IPO model. Sa
input frame, inilahad dito kung ano ang nais na malaman ng mga mananaliksik.

3
Sa process frame, inilahad ang mga hakbang na gagawin ng mga mananaliksik
ukol sa pagkuha ng datos. Saklaw nito ang pamamahagi ng nasabing sarbey,
pag-aanalisa, at pag interpret ng datos. Ang output frame ay sumasaklaw sa
implikasyon ng mga nakalap na datos at epekto ng mga estratehiyang ito sa
kanilang pag-aaral.

Larawan 1: Ang Paradigma ng Pag-aaral

Layunin ng Pag-aaral

Hindi naging madali ang online learning para sa mga mag-aaral sa ika-11
na baitang. Kung kaya't nagsaliksik kung ano nga ba ang iba't ibang
pamamaraan ang mga piling mag-aaral ng Caloocan City Business High School
upang mas mapadali ang online learning. Ang pag-aaral na ito ay naglalayon
upang malaman ang mga estratehiyang ginamit ng mga mag-aaral at ang
epekto ng mga estratehiyang ito sa kanilang pag-aaral. Layunin ng pag-aaral
na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan.

4
1. Anu-ano ang mga mabisang estratehiya sa Onlayn na pag-aaral?
2. Anu-ano ang mga kadahilanan kung bakit mahalaga ang mga
estratehiya sa pag-aaral ng mga piling respondente?
3. Sa papaanong paraan makatutulong ang mga estratehiya sa mga
mag-aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay makapagbibigay ng higit na impormasyon ukol sa


iba’t ibang mabisang estratehiya na ginagamit ng mga estudyante at paano ito
mas makatutulong sa iba’t ibang tao na dumadaan sa panibagong sistema ng
edukasyon nang dumating ang pandemya tulad ng mga guro, kapwa nilang
estudyante, mga magulang, ang administrasyon at ang mga darating pang
mananaliksik.

MAG-AARAL.
Madadagdagan ang mga estratehiya ng mga estudyante sa ika-11 na
baitang ng Caloocan City Business High School. Malalaman nila kung anu-ano
nga ba ang mga mabisang estratehiya na makakatulong upang mapadali ang
kanilang pag aaral ngayong Online Distance learning.

GURO.
Lubos na mauunawaan ng mga guro ang mga suliranin na kinakaharap ng
kanilang mga mag-aaral sa loob at labas ng klase. Mabibigyan ng tulong at
konsiderasyon ang iba’t ibang mag-aaral na hirap makasunod sa bagong
pamamaraan ng edukasyon.

MAGULANG.

5
Makatutulong sa pagbibigay ng higit na impormasyon sa mga magulang
tungkol sa iba’t ibang paraan o gawain ng kanilang mga anak sa kanilang klase
at mabigyan sila ng ideya paano matulungan o masuportahan ang kanilang
anak na dumadaan sa “academic breakdowns or burnouts”.

ADMINISTRASYON.
Mabibigyan ng sapat na pansin at tulong ang mga mag-aaral na patuloy na
nahihirapan makasunod at matuto sa kanilang mga klase. Mapag uusapan at
mabibigyan ng solusyon ang mga problema na kinakaharap ng mga guro at
estudyante upang lalong mapaunlad ang pamamalakad, pamamaraan ng
edukasyon at pagtuturo ng eskwelahan.

MANANALIKSIK.
Makapagbibigay sa mga mananaliksik ng karagdagang impormasyon at
kaalaman na maibabahagi nila sa iba pang mag-aaral upang higit na mapabuti
o mapadali ang kanilang mga pag aaral at mabigyan sila ng inspirasyon o
kaya’y gana ulit sa pag aaral kahit sa harap lamang ng screen.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral.

Ang mga magiging katanungan sa pag aaral na ito ay nakapokus sa


iba't ibang mga estratehiya ng mga piling mag aaral ng ika-11 baitang ng
paaralang Caloocan City Business High School sa panahon ng online distance
learning taong panuruan 2021 hanggang 2022. Tulad ng kung paano ito
nakatulong, ito ba ay epektibo, at marami pang iba. Ang mga mananaliksik ay
gumugol ng pitong linggo upang matapos ang pagsisiyasat na ito. Sa loob ng

6
panahon na iyon ay nakuha na ng mga mananaliksik ang lahat ng kasagutan
mula sa piling mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng pamamaraang
kuwalitatibo. Ito ay pamamaraang kuwalitatibo dahil ito isang uri ng
pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain sa mga respondente. Sa
kadahilanang may pandemya pang kinakaharap ang ating bansa, ang
pag-aaral na ito ay gagawin sa online. Sasagot ang mga piling mag-aaral sa
mga online platform form tulad ng Google Forms.

Depinisyon at Terminolohiya

Academic Breakdowns o Burnouts.

Ang burnout ay isang anyo ng pagkahapo na dulot ng patuloy na pakiramdam


na lumubog. Ito ay resulta ng labis at matagal na emosyonal, pisikal, at mental
na stress. Sa maraming kaso, ang pagka-burnout ay nauugnay sa trabaho ng
isang tao. Nangyayari ang pagka-burnout kapag nalulumbay ka, nauubusan ng
emosyon, at hindi na makayanan ang walang humpay na trabaho
(https://www.webmd.com/mental-health/burnout-symptoms-signs#:~:text=
Burnout%20is%20a%20form%20of,up%20with%20life's%20incessant%20
demands)

Administrasyon.

Grupo ng mga opisyal na nangangasiwa sa pamamalakad ng isang


organisasyon o institusyon. (http://tl.wikipedia.org/wiki/Administrasyon)

7
Distance Learning.

Isang anyo ng edukasyon kung saan ang mga pangunahing elemento ay


kinabibilangan ng pisikal na paghihiwalay ng mga guro at mag-aaral sa
panahon ng pagtuturo at paggamit ng iba't ibang teknolohiya upang mapadali
ang komunikasyon ng mag-aaral-guro at mag-aaral-mag-aaral.
(https://www.britannica.com/topic/distance-learning)

Estratehiya.

Ang patigayon o estratehiya ay isang salitang nangangahulugang mahusay na


paraan o mahusay na pamamaraan.
(https://tl.wikipedia.org/wiki/Estratehiya)

Google Forms.

Ang Google Forms ay isang software ng pangangasiwa ng pagsusuri na


kasama bilang bahagi ng libreng, web-based na Google Docs Editors na alok
ng Google. (https://en.wikipedia.org/wiki/Google_Forms)

Kuwalitatibo.

Ang terminolohiyang kuwalitatibo ay isang pang-uri na nagmula sa Latin


qualitatīvus. Ang husay ay ang na nauugnay sa kalidad o kalidad ng isang
bagay, iyon ay, sa paraan ng pagiging o sa mga pag-aari ng isang bagay, isang
indibidwal, isang entity o isang estado.
(https://tl.warbletoncouncil.org/cualitativo-2201#menu-1)

Online Class.

Ang online class ay isang kursong isinasagawa sa Internet. Ang mga ito ay
karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng isang sistema ng pamamahala sa
pag-aaral, kung saan maaaring tingnan ng mga mag-aaral ang kanilang

8
syllabus ng kurso at pag-unlad ng akademya, gayundin ang pakikipag-usap sa
mga kapwa mag-aaral at kanilang tagapagturo ng kurso.
(https://tophat.com/glossary/o/online-class)

Online Distance Learning.

Ang Online Distance Learning o mas kilala bilang Distance Learning ay


tumutukoy sa makabagong paraan ng pag-aaral ngayong pandemya. Ito ay sa
pamamagitan ng paggamit ng internet sa bahay.
(https://www.techsmith.com/blog/distance-learning/#distance-learning)

Online Platform.

Ang Online Platform ay isang pahinarya o isang digital na aplikasyon na


ginagamit sa pakikipag-usap at pagbabahagi ng mga bagay sa
publiko.(https://www.lawinsider.com/dictionary/online-platform)

Pandemya.

Ang pandemya ay isang epidemya ng nakakahawang sakit na kumakalat sa


pamamagitan ng mga populasyon sa isang malawak na rehiyon; halimbawa, isang
lupalop, o kahit pandaigdigan. (https://tl.wikipedia.org/wiki/Pandemya )

Respondente.

Tawag sa taong sumasagot sa mga katanungan ng isang mananaliksik sa


pamamagitan ng isang sarbey kwestyuner o interbyu.
(http://tl.wikipedia.org/wiki/respondente)

Screen.

Ang Screen o Iskrin ay maaaring isang bahagi ng isang monitor o telebisyon na


ginagamit upang lumabas ang mga imahe na hinanap o kailangan ng
gumagamit nito. (https://tl.encyclopedia-titanica.com/significado-de-screen)

9
KABANATA II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa mga kaugnay na literatura at


pag-aaral na may kaugnay sa isinasagawang pag-aaral.

LOKAL NA PAG-AARAL

Malaki ang naging epekto ng pandemya sa sektor ng edukasyon. Noong


dumating ang pandemya sa ating bansa ay napilitan ang kagawaran ng
edukasyon na ihinto ang patapos nang taon ng pag-aaral "2019-2020". Noong
ika-5 ng Oktubre muling sinimulan ang taong akademiko 2020-2021.

Ayon kay Dapadap at Gayapa (2021), ang mahigit na dalawang buwang


bakasyon para sa paghahanda nang pagbubukas ng klase ay tila hindi pa rin
sapat lalo na’t patuloy pa rin ang pandemya. Sa pagbubukas ng bagong taon
ng pag aaral ay inihain ng kagawaran ng edukasyon ang bagong pamamaraan
ng pagkatuto sa gitna ng pandemya na tinatawag na Online Learning kung
saan nagtuturo ang guro sa kanyang mga mag-aaral sa pamamagitan ng
iba’t-ibang plataporma, tulad ng online portals, radyo, telebisyon, at printed o di
kaya’y digital learning materials, mula sa pahayag ni Valle (2021).

Naiiba ang pagbubukas ng pasukan ngayong taon dahil sa pandemya.


Isa sa mga pamamaraan ng pagtuturo ang online class para sa mga mag-aaral
na may gadget at internet at kung saan nagkakaroon ng virtual na diskusyon at
interaksyon ang mga guro at mag-aaral gamit ang video conferencing
softwares. Ayon kay Marco (2020), may ilang paraan para mapagaan ang
online class katulad ng i-budget ang oras nang maayos upang mas madaling
magpokus o mag-aral, mag-aral nang malayo sa telebisyon, lagyan ng oras ang
pagbukas ng mga social networking sites at aktibong makilahok sa mga online
classes.

10
Ang mga mag-aaral ay nag kanya kanya ng kanilang paraan sa pag hanap
at pagkakaroon ng kanilang iba’t ibang estratehiya upang mapadali ang
kanilang pag aaral loob ng online distance learning.

Ayon sa sagot ng isang respondente sa pag-aaral ni Centeno – De Jesus


(2020), kinakailangan maglaan ng tamang oras sa pag aaral lalo na’t ang ibang
mga guro ay nagbibigay ng maraming gawain, nakatulong din ito sa mga
mag-aaral dahil sila ay natututong magbigay o maglaan ng oras sa kanilang pag
aaral kahit na araw ng Sabado. May mga mag-aaral na ang kanilang pag iisip ay
hindi gumagana sa lahat ng oras, mayroon sa umaga, tanghali, o hindi kaya gabi
ngunit madalas ang mga mag-aaral ay nag aaral sa hating gabi dahil ang oras
na iyon ay tahimik at payapa upang ang mga mag-aaral ay magkaroon ng
motibasyon at konsentrasyon habang nag aaral.

Mahalaga ang mag bigay suporta sa mga batang mag-aaral upang


matugunan ang kanilang pangangailan sa pag aaral. Mahalagang may malakas
na koneksyon sa internet upang magkaroon ng maayos na pag aaral ang mga
bata sa loob ng online class, pagdisiplina sa mga mag-aaral para sa kanilang
bagong daily routine at mas tutok na pagsubaybay sa kanilang pag aaral sa
pamamagitan ng online class ayon kay Centeno – De Jesus (2020).

11
BANYAGANG PAG-AARAL

Ayon sa pag-aaral ni Joubert (2020) ng Northeastern University, ang


onlayn na pag-aaral ay binibigyang-daan ka na matuto kahit kailan, saanman,
at gayunpaman, pinakamahusay na gumagana para sa iyo, dahil ginagawa
nitong mas madali ang makakuha ng “degree” habang binabalanse ang mga
pangako sa trabaho at pamilya, subalit ang pag-aaral sa onlayn ay nagpapakita
ng mga hamon kung hindi ka handa. Ngunit, kung magkakaroon ka ng mga
kasanayan para sa epektibong onlayn na pag-aaral, makikita mo na ang
bagong pamamaraan ng pag-aaral ay maaaring maging isang mahusay na
alternatibo sa isang tradisyunal na pag-aaral sa silid-aralan. Maraming
estratehiya ang mga mag-aaral para mapagtagumpayan ang bagong
pamamaraan sa pagtuturo. Isa na sa mga estratehiyang ito ay ang “Set Up
Your Workspace”. Ang mga mag-aaral ay iba iba, may mga mag-aaral na ang
gusto ay mag-aral habang may musika, ang iba naman ay gusto ang tahimik, at
may mag-aaral ding gusto na malinis ang kanyang lugar sa pag aaral. Ang
paggawa ng naaayon sa gusto o sa pagiging komportable ng mag-aral ay isang
malaking epekto upang makapag-aral siya o sila ng mabuti.

Ang kasalukuyang nangyayaring pandemya na nagpabago sa


pamumuhay ng bawat tao, isa sa mga naapektuhan nito ay ang tradisyunal na
paraan ng edukasyon ng mga mag-aaral. Sa halip na pumapasok sila sa
paaralan, ang mga mag-aaral ay nasa kanilang tahanan lamang. Dahil sa
pangyayaring ito, ang paraan ng pag-aaral ay naging birtuwal, nangyayari ito sa
pamamagitan ng paggamit ng internet, na ngayon ay tinawag bilang Online
Distance Learning.

Ayon sa pag-aaral nina Kim, Knotts, at Albers (2021) dahil binibigyang


diin at pagpapahalaga ng mga institusyon ang importansya ng onlayn learning,
naghanap ang mga tagapangasiwa ng mga estratehiya na maaaring

12
magpatibay at magpatatag ng kasiyahan at katapatan ng mga mag-aaral sa
onlayn na pag-aaral. Mula sa kanilang obserbasyon, higit na nakatutulong ang
pagpapatibay, pagbibigay ng motibasyon, pagkamit o hangad ng tagumpay, at
pagtatakda ng mga layunin sa mga mag-aaral upang sila ay maging tapat sa
pagpapahalaga ng pag-aaral.

Ayon sa pag-aaral nina Li at Lalani (2020) na ang pag-aaral onlayn ay


maaaring maging mas epektibo sa maraming paraan. Ipinapakita ng ilang
pananaliksik na sa karaniwan, ang mga mag-aaral ay nagpapanatili ng 25-60%
na mas maraming materyal kapag nag-aaral online kumpara sa 8-10% lamang
sa isang silid-aralan. Ito ay kadalasang dahil sa mas mabilis na natututo ang
mga mag-aaral online; Ang e-learning ay nangangailangan ng 40-60% na mas
kaunting oras upang matuto kaysa sa isang tradisyonal na setting ng
silid-aralan dahil ang mga mag-aaral ay maaaring matuto sa sarili nilang bilis,
babalik at muling pagbabasa, paglaktaw, o pagpapabilis sa mga konsepto ayon
sa kanilang pinili.

Gayunpaman, ang pagiging epektibo ng online na pag-aaral ay nag-iiba


sa mga pangkat ng edad. Ang pangkalahatang pinagkasunduan sa mga bata,
lalo na ang mga mas bata, ay kailangan ng isang structured na kapaligiran,
dahil ang mga bata ay mas madaling mawalan ng atensyon. Upang makuha
ang buong benepisyo ng online na pag-aaral, kailangang magkaroon ng
sama-samang pagsisikap na maibigay ang istrukturang ito at higit pa sa
pagkopya ng pisikal na klase/lektura sa pamamagitan ng mga kakayahan sa
video, sa halip, gamit ang isang hanay ng mga tool sa pakikipagtulungan at
mga paraan ng pakikipag-ugnayan na nagpo-promote ng "pagsasama,
pag-personalize, at katalinuhan", ayon kay Tong, mula sa pag-aaral nina Li at
Lalani (2020).

13
Dahil ipinakita ng mga pag-aaral na malawakang ginagamit ng mga bata
ang kanilang mga pandama upang matuto, ang paggawa ng masaya at
epektibong pag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya ay
napakahalaga, ayon kay Mohit, mula sa pag-aaral nina Li at Falani (2020). "Sa
paglipas ng panahon, napagmasdan namin na ang matalinong
pagsasama-sama ng mga laro ay nagpakita ng mas mataas na
pakikipag-ugnayan at pagtaas ng motibasyon sa pag-aaral lalo na sa mga mas
batang mag-aaral, na ginagawa silang tunay na umibig sa pag-aaral", sabi niya.

Sa bawat silid-aralan, hindi mawawala ang mga mag-aaral na masipag


at laging sumasagot sa katanungan ng kanilang mga guro, hindi rin mawawala
ang mga mag-aaral na mahiyain na nakakaapekto sa kanilang partisipasyon sa
klase. Mahirap ang umangkop sa online distance learning kung ang isang
mag-aaral ay walang kaalaman at kakayahang makibahagi rito. Nariyan din ang
mga bagay na maaaring umagaw sa atensyon ng mga mag-aaral habang nasa
birtuwal na pagkatuto.

Ganun pa man, may mga paraan at estratehiya na maaaring gawin o


sundan ang mga mag-aaral upang magkaroon ng matagumpay na pagkatuto.
Ayon kay Joubert (2020) kung ang isang mag-aaral ay makabubuo ng mga
alternatibong paraan na makatutulong para sa kanilang kasanayan sa onlayn
na pag-aaral, maari nila itong magamit upang mayroong matutuhan. Ayon sa
kanya ang ilang paraan at estratehiyang maaaring gawin sa onlayn learning ay
pagiging organisado, paggawa ng sariling lugar upang mag-aral, pag-alam sa
paraang na naaangkop sa'yo upang mabilis na matuto, at paggawa ng talaan
ng mga gawain.

14
KABANATA III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa disenyo at paraan ng pananaliksik.


Tinalakay dito kung ano ang disenyong ginamit, mga piniling respondente,
instrumento ng pananaliksik, tritment ng mga datos, at paraan ng pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Isinagawa ang pananaliksik na ito ayon sa disenyo ng deskriptibong


pamamaraan sa ilalim ng kwalitatibong pananaliksik. Ito ay ang pagkalap ng
impormasyon mula sa mga respondente patungkol sa paksa ng pananaliksik.

Tinangkang alamin ng mga mananaliksik ang mga estratehiya ng piling


mag-aaral ng ika-11 baitang mula sa Caloocan City Business High School sa
panahon ng Online Distance Learning.

Mga Respondente

Ang mga napiling respondente para sa mga katanungan ay mga


mag-aaral ng Caloocan City Business High School na ika-11 baitang sa
panahon ng Online Distance Learning. Pumili ang mananaliksik gamit ang
random sampling mula sa ang ika-11 baitang na binubuo ng (4) apat strand at
ito ay ang mga sumusunod: STEM, ABM, HUMSS, TVL. Dahil malaki ang
bilang ng mga mag-aaral, dalawang pung (20) piling mga mag-aaral lamang
ang kinuhaan ng datos mula sa apat na strand.

15
Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarvey-kwestyoner upang


makalikom ng sapat na kinakailangang datos para sa pananaliksik. Ang sarbey
ay ilalahad sa dalawang pung (20) piling mag-aaral sa ika-11 na baitang ng
Caloocan City Business High School. Ito ay naglalaman ng mga katanungan na
magagamit upang higit na malaman at masuri ng mga mananaliksik ang mga
hadlang o suliranin na kinakaharap ng mga estudyanteng ito at anu-ano pa ang
mga teknik na kanilang ginagamit upang matugunan ang kanilang mga
tungkuling pang-akademiko sa loob ng online classes. Ang sarbey ay isa sa
pinakamadaling paraan upang maipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang
mga pananaw at opinyon; dahil din isa ito sa pinakagamit na sistema sa
paaralan, maraming mag-aaral na rin ang pamilyar dito.

Tritment ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay hindi gumamit ng anumang istatistikal na


pamamaraan upang suriin ang mga datos na kanilang nakolekta mula sa
kanilang mga piling respondente, sapagkat ang pananaliksik na ito ay
bahagyang katuparan lamang para sa asignaturang Pagbasa at Pagsuri ng
iba’t ibang teksto sa Pananaliksik. Ibinatay lamang nila ang kanilang pag-aaral
o konklusyon sa bilang ng mga respondente na pumili ng bawat aytem ng
talatanungan na inilahad sa kanila ng mga mananaliksik.

Paraan ng Pananaliksik

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay makakalap ng impormasyon ayon


sa paksa ng pag-aaral. Upang magsimula, ang mga mananaliksik ay
nagdesisyon ng paksang kanilang napili at pagkatapos ay ipinakita sa guro.
Nagsuhestiyon at inedit ng kanilang guro ang paksang “Sipat at Suri: Mga
Estratehiya ng Piling Mag-aaral ng Ika-11 na Baitang mula sa Caloocan City
Business High School sa Panahon ng Online Distance Learning T.A.
2021-2022”. Gumawa ang mga mananaliksik ng kanilang panimula tungkol sa

16
paksa. Sinimulan nila ang pagsulat ng kabanata I at ang paggawa ng sarbey na
naglalaman ng tanong na maaaring sagutin ng mga respondente gamit ang
kanilang sariling karanasan. Gumamit ang mga mananaliksik ng Google Forms
upang malikom ang mga sagot ng mga respondente. Ang sarbey-kwestyuner
ay inihanda upang malaman ang mga estratehiya ng mga mag-aaral. Nagkalap
ng mga datos ang mga mananaliksik gamit ang sarbey sa pamamagitan ng
dalawang pung (20) respondente at ang suri galing sa mga sagot ng mga piling
respondente ang bubuo sa konklusyon mula sa pananaliksik.

17
Talaan ng Sanggunian
https://iopscience.iop.org/article/10.1088/1757-899X/482/1/012001
https://iopscience.iop.org/article/10.1088/1757-899X/482/1/012001
https://www.edtick.com/en/news/the-position-of-online-education-befor
e-and-after-the-covid-19-pandemic
https://manilatoday.net/edukasyon-sa-panahon-ng-pandemya-mga-ham
on-at-hinaharap/
https://philnews.ph/2020/05/05/bahagi-ng-pananaliksik-mga-kailangan-
malaman-sa-pananaliksik/
https://pinoyweekly.org/2020/10/tips-para-sa-online-class/
https://teachforthephilippines.com/tuloy-ang-pagkatuto
https://tl.encyclopedia-titanica.com/significado-de-screen
https://tl.warbletoncouncil.org/cualitativo-2201#menu-1
https://tophat.com/glossary/o/online-class/
https://www.britannica.com/topic/distance-learning
https://www.lawinsider.com/dictionary/online-platform
https://www.mdpi.com/2227-7102/11/12/799/htm
https://www.northeastern.edu/bachelors-completion/news/successful-o
nline-learning-strategies/
https://www.northeastern.edu/bachelors-completion/news/successful-o
nline-learning-strategies/
https://www.smartparenting.com.ph/parenting/preschooler/epekto-ng-p
andemya-sa-edukasyon-a00370-20210829
https://www.techsmith.com/blog/distance-learning/#distance-learning
https://www.webmd.com/mental-health/burnout-symptoms-signs#:~:te
xt=Burnout%20is%20a%20form%20of,up%20with%20life's%20incessan
t%20demand
https://www.weforum.org/agenda/2020/04/coronavirus-education-global
-covid19-online-digital-learning/
Team, T. E. T. (2020, August 31). The position of online education before

18
and after the COVID-19 pandemic. EdTick. Retrieved April 21, 2022,
mula sa
https://www.edtick.com/en/news/the-position-of-online-education-befor
e-and-after-the-covid-19-pandemic
https://eric.ed.gov/?q=strategies%20for%20online%20learning&pg=3&id=
EJ1322054

19

You might also like