You are on page 1of 2

III.

KRITIKAL NA PAGSUSURI

 TAUHAN
o Charles Bovary – Isang doctor ; simple, tahimik at hindi kapansin-pansin; hindi siya
mahusay na doctor sapagkat hindiniya kayang gawin ang mahihirap na operasyon;
Matindi and kaniyang pagmamahal sa asawa subalit hindi niya maintindihan at hindi
niya alintana ang personalidad na mayroon ito; namatay rin sa katapusan ng kuwento.
o Madame Bovary / Emma – Asawa ng doctor na si Charles Bovary; lahat ng
pinaniniwalaan niya sa buhay at pag-ibig ay nakabase sa mga binabasa niyang nobela na
naging dahilan kung bakit masiyado siyang nakatuon sa idealistiko at romantikong
ilusyon.
o Leon Dupuis – Kaibigan ni Emma sa Yonville na kalaunan ay kaniyang nakarelasyon;
marami silang pagkakaparehong interes sa mga bagay-bagay; pumunta sa Paris upang
mag-aral ng abogasya at upang makaiwas sa maling relasyon lalo pa’t si Emma ay kasal
sa iba; Muli silang nagtahpo sa Rouen at nagpatuloy ang relasyon; subalit naghiwalay rin
sila sa huli; hindi kayang tulungan ni Leon si Emma lalo na sa usapang pinansyal.
o Rodolphe Boulanger – Isa pa sa nakarelasyon ni Emma; mayaman, makasarili at
hmagaling magmanipula; hindi niya tunay na minahal si Emma at iniwan niya rin ito sa
huli.
o Monsieur Homais – Parmasyatiko sa Yonville; isa sa kapitbahay nina Charles; upang
maging metatag na doctor sa kanilang bayan si Charles, tinulungan niya ito. Siya ang
nagtulak kay Charles na gumawa ng eksperimantal na operasyon sap aa ni Hippolyte na
hindi naman nagtagumapy sa huli; ginawa niyan iyon para kung magtagumpay ito ay isa
siya sa mga kikilalanin.
o Monsieur Lheurex – Isa siyang mangangalakal at kilalang nagpapautang sa Yonville ng
salapi, na nagganyak kay Emma hanggang sa malunok ito sa utang. Tinutukso niya ang
mga tao na kyakapin ang karangyaan kahit hindi naman kayang bayatan hanggang sa
huli ay malubog sila sa utang at siya ang magwagi sa mga ari-ariang makakamit sa mga
may pagkakautang sa kanya
 TAGPUAN
o Sa akdang ito ang mga tagpuang nabanggit ay sa bukid kung saan nakatira sina Emma at
pagmamay-ari ng ama nito, sa kumbento kung saan nag-aaral si Emma, sa Yonville kung
saan lumipat sila Charles at Emma matapos ang dinaluhan nilang pagtitipon at sa Rouen
kung saan sila nanood ng opera at sa lugar na ito rin muling nagtapo sina Leon at Emma.
 BANGHAY
o Sa banghay tinatalakay ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa akda, base sa akdang
aming sinuri maayos ang pagkakasunod-sunod nito at sa Simula makikita na pnakilala si
Charles at si Emma maging ang ibang mga tauhan sa tagpuan. Ipinaalam ang katangian
ng bawat isa at propesyon. Dito rin makikita ang pagsisimula ng mga suliranin ng bawat
tauhan, sa Gitna naman ay ditto nagkaroon talaga ng problema, may mga karakter ng
akda dito na nagkaroon ng relasyon sa isa pang karakter na hindi dapt nangyari dahil
siya ay kasal na at isa itong kasalanan. Ditto narin nangyari and subok na pang-aakit ni
Rodolphe kay Emma na nagtagumpay naman. Ditto rin natuklasan ni Emma na hindi
seryoso si Rodolphe sa kaniya kaya’t nalungkot at nagkasakit siya. Sa Wakas naman ay
dito na ipinakita ang mga solusyong naganap sa suliranin maaring dito din ay may mga
problema gaya nalang sa parte kung saan si Lheurex ay naniningil na sa utang at dahil sa
matinding lunkot ni Emma ay uminom siya ng arsenic at dumanas ng masakita na
pagkamatay. Dito rin malalaman ang mga sikretong itinago sa matagal na panahon at
malalaman ang mga sinapit ng bawat karakter ng akda.
 ARAL
o Ang raln na ating mapupulot dito ay matuto tayong maging tapat sa ating mga kapareho
sa buhay at matuto tayong makuntento at magpahalaha sa mga bagay na ating nakamit
o sa mga bagay na mayroon tayo sa buhay. Huwag tayong magpaloko sa mga tao sa
paligid natin at matuto tayong umaksyon kung alam nating tayo ay ginagawan na ng
mali.

Sa akdang ito masasabi kong dapat natin itong basahin dahil may mga aral tayong
makukuha dito at ang mga aral na ito ay puwede nating magamit sa ating reyalidad na
buhay. Dapat din itong pahalagahan dahil isa itong magandang piyesang makapagtuturo
sa atin ngmagandang aral, na magagamit natin sa pang-araw-araw na pamumuhay at
maibabahagi sa iba ang aral na napulot upang kanila itong isabuhay.

You might also like