You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION


Higher Education Regional Office VI (HERO VI)
City Government of Bago
BAGO CITY COLLEGE
Rafael Salas Drive, Brgy. Balingasag, Bago City, Negros Occidental 6101
Tel: [034] 4611-363 | Fax: [034] 4610-546 | E-mail: bagocitycollege@yahoo.com.ph

MODYUL 2
GEC 203 (MASINING NA PAGPAPAHAYAG)

PANGALAN:
KURSO/TAON/SEKSYON:
CELLPHONE #:
EMAIL ADDRESS:
GURO:

Inihanda nina:
ANGELIKA C. SUMAYANG, LPT

CHERRYL M. ELLO, LPT


Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
Higher Education Regional Office VI (HERO
VI) City Government of Bago
BAGO CITY COLLEGE
Rafael Salas Drive, Brgy. Balingasag, Bago City, Negros Occidental 6101
Tel: [034] 4611-363 | Fax: [034] 4610-546 | E-mail: bagocitycollege@yahoo.com.ph

STUDY SCHEDULE

WEEK TOPIC LEARNING OUTCOMES ACTIVITIES


MODYUL 2 RETORIKA NG KOMUNIKASYON
Aralin 1 KOMUNIKASYON: URI AT ANTAS NITO
Midterm 1. Nabibigyan ng sariling kahulugan ang salitang Aktibiti: Graphic Organizer
Period komunikasyon sa pamamagitan ng isang graphic
(2-linggo) organizer. Analisis: Suring-larawan

2. Natutukoy ang pagkakaiba at pgkakapareho ng berbal Abstraksyon: Talahanayan ng


at di-berbal na komunikasyon sa pamamagitan ng isang kaalaman
Venn Diagram
Aplikasyon: Paggawa ng isang
3. Nakikilala ang iba’t ibang anyo ng di-berbal na sulatin
komunikasyon at antas ng komunikasyon sa pamamagitan
nang suring-larawan

4. Nakagawa ng sariling sulatin ayon sa paksang ibinigay.

1
Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
Higher Education Regional Office VI (HERO
VI) City Government of Bago
BAGO CITY COLLEGE
Rafael Salas Drive, Brgy. Balingasag, Bago City, Negros Occidental 6101
Tel: [034] 4611-363 | Fax: [034] 4610-546 | E-mail: bagocitycollege@yahoo.com.ph

MODYUL 2
RETORIKA SA KOMUNIKASYON

Aralin 1. KOMUNIKASYON: URI AT ANTAS NITO


Nilalayong resulta ng pagkatuto: Pagkatapos ng aralin sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

1. Nabibigyan ng sariling kahulugan ang salitang komunikasyon sa pamamagitan ng isang graphic organizer.
2. Natutukoy ang pagkakaiba at pgkakapareho ng berbal at di-berbal na komunikasyon sa pamamagitan ng
isang Venn Diagram
3. Nakikilala ang iba’t ibang anyo ng di-berbal na komunikasyon at antas ng komunikasyon sa pamamagitan
nang suring-larawan
4. Nakagawa ng sariling sulatin ayon sa paksang ibinigay.

INTRODUKSYON
Mahalaga ang komunikasyon sa tanahan sapagkat ito ang nagsisilbing tagapamagitan sa lahat ng mga
agam-agam at pagdududa ng bawat kasapi nito. Kailangan lamang na maging mulat ang pag-iisip upang hindi
masayang ang lahat ng pagsusumikap na maisasaayos ang kanilang pagkakaiba-iba (individual differences).
Dapat nating tandaan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama si inay at itay at hindi sa lahat ng pagkakataon
ay tama ka rin sa iyong desisyon. Kailangang ilatag ang mga ito at pag-usapan upang makabuo ng isang
magandang desisyon angkop sa kapakanan at ikabubuti ng higit na nakararami.
Karaniwang suliranin na pinagdaraanan ng magkasintahan ang kawalan ng bukas na komunikasyon.
Madalas na sinasarili ng bawat isa ang mga suliranin na nagiging dahilan ng mga tampuhan o hindi
pagkakaunawaan na maaring mauwi pa sa isang nakaiiyak na paghihiwalay. Dapat tandaan na wala naming
problema na hindi nasusolusyunan sa mabuting usapan. Ang kailangan lamang ay kahandaan at pagtanggap sa
resulta ng pag-uusap.
Hindi maikakailang malayo nga ang agwat ng lahing nagmamay-ari sa lahi ng mga alipin. Mahirap na
abutin ng lupa ang nasa itaas ngunit madali naman talagang bumababa ang nasa itaas para sa lupa kung nanaisin
lamang ito. Sa mundo ng kalakalan (commerce), madalas din na hindi nagkakaunawaan ang may-ari at mga
manggagawa nito. Magkaiba kasi sila ng interes sa pangkalahatan. Ang may-ari ay naghahangad na kumite
upang higit na yumaman samantalang ang mga manggagawa ay naghahangad na kumite para mabuhay. Sa
ganitong punto, maganda na maiparating ng mga nasa ibaba sa mga nasa itaas ang kanilang mga
pangangailangan builang pagbabakasakaling kayang tugunan ng huli ang hinihingi ng una. Makatwiran ang
desisyong ito sapagkat pareho nilang kailangan ang isa’t isa. Hindi magiging maunlad ang isang kumpanya
kung wala ang matapat nitong mga manggagawa at hindi rin naman mabubuhay ang mga manggagawa kung
wala ang mga may-ari na nagbibuigay sa kanila ng ikabububuhay(symbiotic relationship)
Sa ginawang pagtalakay sa mga naunang talata, hindi madaling bigyan ng solusyon ang mga hindi
pagkakaunawaan. Mahirap na tungkulin ang maging tagapamagitan sa lahat ng ito sapagkat bawat tao ay
magkakakiba ng paraan sa pagtanggap. Bunga nuito, nararapat lamang na maging maretorika sa pagsasaayos ng
lahat ng gusot. Kailangan na maging mapili sa mga salitang gagamitin upang maiwasan na madagdagan pa ang
suliraning hinahanapan ng solusyon. Marapat ding alamin ang tamang pagkakataon o “timing” sa pagsasaayos
ng mga ito.

2
I. AKTIBITI – PAG-UUGNAY NG MGA SALITA

A. Panuto: Ibigay ang sariling konsepto o ideya sa salitang nasa loob ng isang graphic organizer.

KOMUNIKASYON

Batay sa iyong mga nailahad na konsepto o ideya, ibigay ang iyong sariling pagpapakahulugan ng salitang
KOMUNIKASYON.

B. URI NG KOMUNIKASYON-BERBAL

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na ilustrasyong nasa ibaba at ilarawan kung ano ang
ginagawa ng mga persona dito. Isulat ang iyong sagot sa patlang na inihanda.

a.
John:Hi Ana! Kamusta naman ang modyul mo? Tapos mo na bang sagutan?
Ana: Hello! Hindi pa po. Ang hirap kaya,
eh, yung sayo?

John: Oo nga ang hirap. Meron pang dalawang modyul na dapat kong tapusin.

Ana: Mabuti naman kung ganun.


Sige John. Paalam.

3
b.
Koko: Mahal, galit kapa ba sa’kin?

Kikay:EWAN KO SAYO!

c.

Batay sa mga ilustrasyong inilahad sa itaas, may na ganap bang komunikasyon sa pagitan ng mga persona? Sa
anong paraan?

Ano-ano ang mga kasangkapang ginamit sa pakikipagkomunikasyon na makikita sa mga larawan?

Ang isang simpleng text message at pagbabasa ng aklat ba ay maituturing mong berbal na komunikasyon?
Bakit?

4
Ang mga naganap na komunikasyon ba sa iba’t ibang ilustrasyon ay ginamitan ng wika? Ang naganap ba ay sa
paraang pasulat at pasalita? May mensahe bang naihatid? Maituturing ba natin itong berbal na komunikasyon?
Kung gayon, ibigay ang sariling pag-unawa tungkol sa salitang ito.

C. URI NG KOMUNIKASYON - DI-BERBAL


Panuto: Tingnan at suriin ang mga larawang makikita sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na
tanong.

Ayon sa mga larawang nasa itaas, ano ang ipinapahiwatig nito?

May komunikasyong naganap ba sa mga larawan? May mensahe ba itong inihahatid? Sa anong paraan?

Kinasangkutan ba ito ng mga kilos o galaw ng katawan, senyas, simbolo, tunog, at pandama? Maituturing ba
natin itong di-berbal na komunikasyon? Kung gayon ibigay ang sariling pag-unawa tungkol sa salitang ito.

5
C.1 ANYO NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na ilustrasyong makikita sa ibaba. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong. Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot.

a.

Ang paggamit ng iba’t ibang bahagi at galaw ng katawan ay naghahatid din ba ng mensahe sa
pakikipagkomunikasyon? Maituturing ba natin itong kinesika(kinesics) na anyo ng di-berbal na komunikasyon?
Kung gayon ibigay ang iyong sariling pag-unawa tungkol dito.

b.

Paano mo malalaman na ang dalawa o higit pang persona ay may kaugnayan kahit hindi ka kabilang sa
kanilang pag-uusap?

Ang pag-uusap ng dalawa o higit pa na persona na may espasyo sa pagitan ay maituturing bang
proksemiks(proxemics) na anyo ng di-berbal na komunikasyon?Kung gayon, ibigay ang sariling pag-unawa
tungkolsa salitang ito.

6
c.

Kung ang isang tao ay lagging huli sa trabaho ay nagpapakita ba ng katamaran o kawalan ng gana sa
pagawa?

Ang paggamit ng oras namay kaakibat na mensahe ay maituturing ba nating kronemika (chronemics) na
anyo ng di-berbal na komunikasyon?Kung gayon, ibigay ang sariling pag-unawa tungkolsa salitang ito.

d.

Ang simpleng pagtapik sa balikat ng isang tao ay may mensahe bang ipinapahatid?

Ang paghawak sa isang tao o ang paggamit ng pandamang pandamdam ay maituturing ba nating haptiks
(Haptics) na anyo ng di-berbal na komunikasyon? Kung gayon, ibigay ang sariling pag-unawa tungkolsa
salitang ito.

7
e.

Sa simpleng mga tunog ba na inyong naririnig araw-araw ay may mensahe bang ipinapaabot? Magbigay
ng isang halimbawa ng tunog at ang mensahe na ipinapaabot nito.

Sa pamamagitan ba ng tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita at bilis ng pagsasalita
ay malalaman natin ang ipinapahiwatig ng tagapagsalita? Bakit?

Matatawag ba natin itong bokaliks (vocalics) na uri ng di-berbal na komunikasyon? Kung gayon, ibigay
ang sariling pag-unawa tungkol sa salitang ito.

f.

Batay sa mga simbolong nasa itaas, ano ang ipinapahiwatig ng mga ito?

Nakakatulong ba ang mga ito para tayo ay maka tanggap ng mensahe o impormasyon? Bakit?

Ang paggamit ng mga simbolo sa ating paligid ay maituturing ba nating aykoniks (Iconics) na uri ng di-
berbal na komunikasyon?Kung gayon, ibigay ang sariling pag-unawa tungkolsa salitang ito.

8
g.

Kapag may mga naamoy kang mga bagay tulad ng pagkain,pabango,atbp. ay may mga naalala ka bang
pangyayari o karanasan hinggil dito? Magbigay ng isang halimbawa.

Sa pamamagitan ng pang-amoy ay may mga mensahe bang nabubuo? Matatawag ba natin itong
olpaktoriks (Olphactorics) na uri ng di-berbal na komunikasyon? Kung gayon, ibigay ang sariling pag-
unawa tungkol sa salitang ito.

h.

Kapag ikaw ay nagmamaneho, anong kulay ang kailangan mong makita sa traffic light na kailangan mo
munang huminto?

Ang bawat kulay ba na ating nakikita araw-araw ay may mga kaakibat na kahulugan?
May komunikasyon bang nagaganap sa pagitan ng isang tao at ng kulay na kanyang binibigyang
kahulugan? Paano?

9
Kapag ang kulay ay nagpapakita ng komunikasyon , matatawag ba natin itong Kulay (Colorics) na uri
ng di-berbal na komunikasyon? Kung gayon, ibigay ang sariling pag-unawa tungkol sa salitang ito.

D. ANTAS NG KOMUNIKASYON
Panuto: Tingnan at suriin ang mga larawang nasa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Batay sa mga larawang nasa itaas, ano ang iyong nahihinuha?

May komunikasyon bang nagaganap sa mga larawang inilahad?

Sa iyong palagay, saan at paano nagsisimula ang komunikasyon?

10
II. ANALISIS

A. Panuto: Batay sa Aktibiti B na inyong ginawa, ibigay ang pagkakatulad at pagakakaiba ng dalawang
uri ng komunikasyon, ang berbal at di-berbal na komunikasyon gamit ang isang Venn Diagram.

BERBAL NA KOMUNIKASYON DI- BERBAL NA


KOMUNIKASYON

Ano ang kahalagahan ng komunikasyon sa ating pang araw-araw na pamumuhay?

B. Panuto: Batay sa Aktibiti C na inyong ginawa , tingnan at suriin nang mabuti ang mga larawang nasa
ibaba. Ibigay ang mensaheng nais ipahatid nito at tukuyin kung saan anyo ng di-berbal na komunikasyon
ito nabibilang. Hanapin ang tamang sagot sa loob ng kahon na makikita sa ibaba.
Ang unang bilang ay magsisilbing halimbawa.

Haptiks Kinesiks OlpaktoriksProksemiks Kronemiks Aykoniks


Kulay Bokaliks

Halimbawa:
1. Bawal mag-park: Aykoniks 2. :

11
3. : 4. :

5. : 6. :

7. : 8. :

C. Panuto: Batay sa Aktibiti D na iyong ginawa sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1.

May mga panahon din ba minsan na kinakausap mo ang iyong sarili? Kailan at bakit?

12
Kapag ikaw ay nakikipag-usap sa iyong sarili o self-meditation ay maituturing mo pa ba itong isang
komunikasyon? Bakit? Matatawag ba natin itong intrapersonal na antas ng komunikasyon? Kung gayon, ibigay
ang sariling pag-unawa tungkol dito.

2. Rose: Hi! Benjo, Matagal na tayong ‘di nagkita dahil sa Covid19. Kamusta
Benjo: Kaya nga eh, Busy na kasi sa pagsasagot sa modyul. Magkita na lang tayo soon.

Ayon sa larawang nasa itaas, ano ang ginagawa ng dalawang persona?

May komunikasyon bang nagaganap sa pagitan nilang dalawa? Sino sa kanila ang tagapaghatid ng mensahe? Sino
naman ang tagatanggap?

Kung ang dalawang indibidwal ba ay nagpapalitan ng mga ideya batay as kani-kanilang karanasan ay maituturing
mo bang interpersonal na antas komunikasyon? Kung gayon, ibigay ang sariling pag-unawa tungol sa salitang ito.

3.

Batay sa larawang nasa itaas, ano ang iyong nakikita? May nagaganap bang komunikasyon sa pagitan ng taga-
pagsalita at mga tagapakinig? Paano?

13
Kung may komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isang tao, dalawa o higit pang katao, pormal o planado,
maituturing ba natin itong pampublikong anyo ng komunikasyon? Kung gayon, ibigay ang iyong sariling pang-unawa sa
salitang ito.

4.

Ano ang iyong nakikita sa larawang nasa itaas?

May mensahe bang nakukuha kapag tayo’y nakikinig o nanonood ng balita? May komunikasyon bang nagaganap?

Kung ang pakikipagkomunikasyon ay kinasasangkutan ng isang tagapaghatid at tagapakinig o tagapanood at ginagamitan


ng kagamitang pang komunikasyon ay maituturing mo bang pangmadla na antas ng komunikasyon? Kung gayon, ibigay
ang sariling pag-unawa tungkol ditto.

III. ABSTRAKSYON - TALAHANAYAN NG KAALAMAN


Panuto: Punan ang talahanayan na makikita sa ibaba ayon sa hinihingi nito.

URI NG KOMUNIKASYON KAHULUGAN KAHALAGAN

1.

2.

ANTAS NG KOMUNIKASYON

1.

2.

3.

14
IV. APLIKASYON
Panuto: Gumawa ng sariling sulatin (Spoken Poetry, Awit, Tula, Sanaysay atbp.) patungkol sa
temang, “KOMUNIKASYON: SUSI SA MATATAG NA RELASYON”.Gawin ito sa pamamagitan ng
isang video presentation, gamitin ang iyong pagkamalikhain sa pagawa nito. I-post ito sa FB group
kung saan ka nabibilang. Tingnan ang pamantayan sa ibaba kung paano kayo ire-rate.

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Kaangkupan sa paksa
Orihinalidad
Wastong gamit ng gramatika
KABUUAN 15

V. EBALWASYON
I. Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag at tukuyin kung nasa anong uri ng komunikasyon ito
nabibilang. Isulat ang titik BK kung ito ay Berbal na Komunikasyon at DBK naman kung ito ay Di-
Berbal na komunikasyon. Isulat ang sagot sa patlang pagkatapos ng pahayag.

1. Kinindatan ni Erik ang magandang dilag na dumaan sa kanyang harapan. 1.

2. Binasa ni Maria ang liham paanyaya na ipinadala sa kanya ni Carla. 2.

3. Nakatanggap si Bb. Sta. Maria ng isang email na siya ay natanggap sa kanyang inapplyan na trabaho. 3.

4. Naamoy ni Rose ang isang pabango na nakapagpaalala sa kanyang nakaraan. 4.

5. Tinapik ni Ron sa balikat ang kanyang kaibigang si Louie. 5.

II. Panuto: Basahin at suriin nang mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung saang antas ng
komunikasyon ito nabibilang. Hanapin ang tamang sagot sa loob ng kahon na makikita sa ibaba.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang pagkatapos ng pahayag.

INTRAPERSONAL NA KOMUNIKASYON
INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYION
KOMUNIKASYONG PAMBUPLIKO
KOMUNIKASYONG PANGMADLA

1. Madaling-araw na nang natulog sina Alfred at Micah dahil sa pag-uusap sa cellphone nang magdamag. 1.

2. Nakikinig ng balita sina Aling Karing tungkol sa bagyong paparating. 2.

3. Dumalo si Ginoong Cruz sa isang seminar sa Cebu. 3.

4. Nagmumuni-muni si Alley sa kanyang silid-tulugan. 4.

5. Nag-send ng GM o group message si Harley sa kanyang mga kaklase. 5.

“Magtiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo
ang PANGINOON sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.”
- Kawikaan 3:5-6

15

You might also like