You are on page 1of 7

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 6

SY 2022 – 2023

I.Layunin:
Pagkatapos talakayin ang mga kasanayan sa ikalawang markahan,
inaasahang
masagot ng mga mag-aaral ang ikalawang markahang pagsusulit na may 75%
tapumpay.
II. Nilalaman at Sanggunian/Kagamitan:
A. Uri ng Pamahalaan at Patakarang Ipinatupad sa Panahon ng mga
Amerikano
Mga Pagsisikap ng mga Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng Nagsasariling
Pamahalaan
Resulta ng Pananakop ng mga Amerikano
Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng Hapones
Ang Pakikipaglaban ng mga Pilipino Para sa Kalayaan Laban sa mga Hapon
Ibat’ibang Paraan ng Pagmamahal sa Bayan na Ipinamalas ng mga Pilipino
sa Panahon ng Digmaan
B. K-12 Most Essential Learning Competencies in Aralaing Panlipunan 6
Regional Test Item Bank in AP 6, Ikalawang Markahan pp. 26 - 47
Kayamanan 6 , Batayang Aklat, pp 346 – 455
Modyul 1 – 8 Ikalawang Markahan , AP 6
C. test papers
III. Talaan ng Ispisipikasyon

Mga Kasanayan Learning No. of Weight No. of Item Placement


Code Days (%) Items Easy Average Difficult
(60%) (30%) (10%)
Nasusuri ang uri ng
1 pamahalaan at patakarang AP6PMK-IIa-1 7 17.5% 9 5 3 1
ipinatupad sa panahon ng (1-5) (31- (46)
mga Amerikano
33)
Naipaliliwanag ang mga
pagsusumikap ng mga 5
2 12.5% 6 4 2
Pilipino tungo sa
AP6KDP-IId-3 (34-
pagtatatag ng nagsasariling
pamahalaan (6-9) 35)
3 Naipaliliwanag ang resulta 6 15% 8 5 2 1
ng pananakop ng mga AP6KDP-IId-4 (10- (36- (47)
Amerikano 14) 37)
Natatalakay ang mga
mahahalagang
4 pangyayari sa
pananakop ng mga 17.5% 9 5 3 1
Hapones 7 (15- (38- (48)
Hal. AP6KDP-IIe-5 19) 40)
 Pagsiklab ng
digmaa
 Labanan sa
Bataan
 Death March
 Labanan sa
Corregidor
5 Nasusuri ang mga
patakaran at resulta ng 5 12.5% 6 4 1 1
pananakop ng mga (20- (41) (49)
Hapones 23)

1|Page
Naipaliliwanang ang
paraan ng
6 pakikipaglaban ng mga AP6KDP-IIf-7 6 15% 7 4 2 1
Pilipino para sa (24- (42- (50)
kalayaan laban sa 27) 43)
Hapon
7 Napahahalagahan ang
iba’t ibang paraan ng 10%
pagmamahal sa bayan AP6KDP-IIg-8 4 5 3 2
ipinamals ng mga (28- (44-
Pilipino sa panahon ng 30) 45)
digmaan
Kabuuan 40 100% 50 30 15 5

Answer Key
1. D 26.D
2. B 27.B
3. B 28.A
4. A 29.C
5.A 30.C
6.A 31.C
7.D 32.A
8.C 33.A
9.B 34.A
10.A 35. A
11.D 36.B
12.D 37.C
13.C 38. D
14.A 39.D
15.A 40.C
16.C 41. D
17.A 42. A
18.C 43. D
19.D 44.A
20.C 45.B Prepared by:
21.A 46. D
22.A 47.C FROILAN C. CAMPOSANO
23.D 48.B Teacher III
24.B 49. D
25.C 50.B

IV. Test Aytem:

Reviewed by: Noted:

WILLA C. MANDAPAT JOVENA S. TADEFA,Ed.D

Master Teacher III Central School Principal

2|Page
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 6
SY. 2022- 2023

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahyag at piliin ang titik nang wastong sagot.
Isulat ang titik nang wastong sagot sa sagutang papel.
1. Ang uri ng pamahalaang itinatag upang mapigilan ang pag-alsa ng mga
Pilipino.
A. Pamahalaang Sibil C. Pamahalaang Schurman
B. Pamahalaang Merritt D. Pamahalaang Militar
2. Sino ang kauna-unahang gobernador militar ng Pilipinas sa ilalim ng
Estados Unidos ?
A. William H. Taft C. William Mckinley
B. Wesley Merritt D. Jacob Schurman
3. Sino ang namuno sa Partido Federal sa Pilipinas ?
A. Gregorio Araneta C. Benito Legarda
B. Trinidad H. Pardo de Tavera D. Jose Ruiz de Luzuriaga
4. Ang uri ng pamahalaan na ipinalit sa Pamahalaang Militar.
A. Pamahalaang Sibil C. Pamahalaang Militar
B. Pamahalaang Taft D. Pamahalaang Schurman
5. Ano ang ginamit na paraan ng mga Amerikano upang makuha ang tiwala ng
mga Pilipino ?
A. Makataong Asimilasyon C. Pamahalaang Sibil
B. Pamahalaang Militar D. Asamblea ng Pilipinas
6. Anong batas ang nagtakda ng pagtatatag ng Asamblea ng Pilipinas bilang
Mababang Kapulungan na kakatawan sa mga Pilipino bilang tagapagbatas ?
A. Batas Cooper C. Batas Gabaldon
B. Batas Jones 1916 D. Batas Bilang 1870
7. Ang batas Tydings-McDuffie ay isa sa mga batas ukol sa Pilipinas na may
probisyong __________________.
A. pagkilala sa mga sagisag ng Estados Unidos tulad ng bandila.
B. kontrolin ng Estados Unidos ang ekonomiya ng Pilipinas.
C. magpadala ng kinatawan ng bansa sa kongreso ng Estados Unidos.
D. ganap na kalayaan ng Pilipinas pagkatapos ng 10 taon.
8. Ang misyong OSROX ay pinadala sa Estados Unidos sa kagustuhan ng mga
Pilipino na makapagsarili. Kilala ito sa ating kasaysayan bilang ?
A. Batas Hare-Hawes-Cutting C. Misyong Pangkalayaan
B. Pamahalaang Militar D. Batas Tydings-McDuffie
9. Itinadhana ng Batas Hare-Hawes-Cutting at Batas Tydings-McDuffie ang
___________________.
A. pagpatupad ng pamahalaang sibil kapalit ng pamahalaang militar.
B. pagbigay ng kalayaan pagkatapos ng 10 taong transisyon sa
pamamahala
C. mga pinunong Pilipino ang papalit sa pamunuang Amerikano.
D. pagtatatag ng Pamahalaang Komonwelt kapalit ng Pamahalaang
Militar.
10.Kailan dumating ang may 600 tunay na mga gurong Amerikano na kilala sa
katawagang Thomasites ?
A. Agosto 21, 1901 C. Hunyo 18, 1908
B. Agosto 23, 1908 D. Hunyo 12,1901
11.Bakit tinwag na Thomasites ang mga gurong Amerikano ?
A. dahil sila ay mga sundalo
B. dahil nagturo sila sa Unibersidad ng Sto. Tomas
C. dahil marami sa kanila ang pangalan ay Thomas.
D. dahil sakay sila sa barkong USS Thomas.

3|Page
12. Alin ang pangunahing layunin ng edukasyon sa panahon ng Amerikano ?
A. Ituro ang wikang Espanyol C. pagiging mabuting Kristiyanisno
B. Ipalaganap ang Kristiyanismo D. pagiging mabuting mamamayan
13. Alin sa sumusunod ang simbolo ng pananakop ng mga Amerikano ?
A. Krus B. espada C. paaralan D. simbahan
14.Ang sumusunod ay ipinatupad sa panahon ng Amerikano maliban sa isa.
Alin ito ?
A. Itinuro ang relihiyon at wikang tagalog.
B. Libre ang pag-aaral sa mga paaralang pambayan.
C. Ipinagamit ang mga aklat na isinulat sa Amerika.
D. Ipinagamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo.
15.Ano ang naisipang gawin ng mga Pilipino upang makaiwas sa kalupitan ng
mga Hapones ?
A. Magpalipat-lipat ng tirahan
B. Magpakasal sa mga Hapones
C. magtarbaho sa opisina ng mga Hapones
D. makipagsaya sa mga Hapon
16.Anong ahensya ng pamahalaan ang itinatag upang mamahagi ng bigas sa
mga tao ?
A. National Distribution Corporation (NADISCO)
B. National Economic Board (NEB)
C. Bigasang Bayan (BIBA)
D. Samahang Magkakapitbahay
17.Sino ang mga biktima ng Death March ?
A. Sumukong sundalong Pilipino at Amerikano
B. Mga mag-aaral
C. Mga negosyante
D. Mga mahihirap na Pilipino
18.Ito ang paglakad ng 100 kilometro kung saan marami ang namatay,
pinahirapan at pinagmalupitan ng mga Hapon ?
A. Fall of Bataan C. Death March
B. Battle of Corregidor D. EDSA Revolution
19.Saan nagsimula ang paglakad ng mga sundalong sumuko sa mga Hapon ?
A. Maynila B. Quezon C. Batangas D. Bataan
20.Ano ang ginagawa sa mga Pilipinong kumakalaban sa mga Hapones ?
A. Pinaparangalan C. pinarurusahan
B. Pinapatawad D. binibenta
21.Paano binibigyan ng pagkain ng mga Hapones ang mga Pilipino ?
A. Pagrarasyon C. paggogrocery
B. Feeding pagtitipon sa pagkain
22.Ano ang pinakamalaking suliranin ang dinanas ng mga Pilipino noong
panahon ng mga Hapon ?
A. Kawalan ng mga karapatan C. kakulangan sa pagkain
B. Kawalan ng trabaho D. kawalan ng disiplina
23.Anong sumusunod ay kabilang sa mga patakaran na inilunsad ng mga
Hapones, MALIBAN sa isa.
A.pag-alis ng kalayaang makapagsalita
B. pagtanggal ng kapangyarihan ng Amerikano.
C. pagparusa sa mga Pilipinong kumakalaban
D. pagkamit ng demokrasya
24.Ang heneral ng Amerika na bumalik kasama ang mga hukbong Amerikano
na lulupig sa mga Hapon.
A. Heneral Hideki Tojo C. Heneral Edward King
B. Heneral Douglas MacArthur D. Heneral Jonathan Wainwright

4|Page
25.Isang kilusang may katulad na simulain ng mga gerilya na binuklod ng mga
magsasakang labis na naghirap.
A. KKK B. Gerilya C. HUKBALAHAP D. USAFFE
26.Ang pinuno sa kilusang HUKBALAHAP na itinatag laban sa mga Hapones.
A. Luis Taruc C. Jose Banal
B. Jesus Lava D. Lahat ng nabanggit ay tama
27.Ang mga sundalo o sibilyang namundok at patuloy na nakipaglaban sa mga
Hapones.
A. HUKBALAHAP B. Gerilya C. Makapili D. KALIBAPI
28.Anong gawain ng mga unang Pilipino ang nagpapakita ng pagmamahal sa
bayan ?
A. Pagtulong sa mga nangangailangang kapwa Pilipino sa panahon ng
digmaan.
B. Pagwalang-bahala sa mga nagyayari.
C. Pagtatago mula sa mga kalaban upang hindi mamatay.
D. Pag-iwan sa kasamahang nasugatan sa labanan.
29.Ano ang halaga sa kasalukuyang lipunan ang pagpapahalaga ng
pagmamahal sa bayan ?
A. Hindi mahalaga ito.
B. Wala akong pakialam dahil matagal na itong tapos
C. Mahalaga na mahalin natin ang sarili nating bayan dahil ditto tayo
nagmula
D. Pupunta na lang ako sa ibang bansa.
30. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan sa
panahon ng digmaan ?
A. Pagsali sa mga samahang kumalaban sa mga mananakop.
B. Pagiging espiya ng mga mananakop.
C. Paggamot sa mga nasugatang mga mananakop.
D. Pagyakap sa mga turo at aral ng mga dayuhan.
31.Maraming Pilipino ang lumahok sa pamahalaan sa ilalim ng pamahalaang
sibil sa bisa ng patakarang ____________________.
A. Pilipino Muna C. Pilipinas para sa mga Pilipino
B. Pilipinisasyon ng Pilipinas D. Makataong Asimilasyon
32.Alin sa mga sumusunod ang ipinangako ng Pamahalaang Sibil sa
pamumuno ni Gobernador Taft ?
A. Pagpapahalaga sa mga karapatang sibil at pagsasanay sa malayang
pamamahala sa sarili.
B. Pagpaparami ng mga magsasaka.
C. Pagpapadami ng sundalong Pilipino.
D. Pagbibigay ng libereng pabahay.
33.Ano ang itinadhana ng Komisyon ng Serbisyo Sibil na pinagtibay noong
Setyembre 19, 1900 ?
A. Pagbibigay ng pagsusulit sa sinumang nais maglingkod sa
pamahalaan.
B. Pagbibigay ng parusa sa mga nais maglingkod sa pamahalaan.
C. Pagbibigay parangal sa sinumang nais maglingkod sa pamahalaan.
D. Pagbibigay puhunan sa sinumang nais maglingkod sa pamahalaan.
34.Ang pagbuo ng Asamblea Filipina ay isa sa paghahanda ng mga Pilipino sa
kalayaan. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpakita ng
kakayahan ng mga Pilipino sa pamumuno ?
A. Pinagbuti ng mga Pilipino ang pamamalakad sa pamahalaan
B. Paglinang ng likhang-kultural laban sa Amerikano.
C. Pagpapaunlad ng impluwensyang Amerikano sa pamahalaan.

5|Page
D. Pagsunod sa mga Pilipino sa patakarang pang-edukasyon ng mga
Amerikano
35.Ang batas na nagbigay ng pag-asa sa mga Pilipino na matamo ang kalayaan
sa oras na sila ay may kasanayan at kakayahan na sa pamamahala at
pagsasarili.
A. Batas Jones C. Batas Pilipinas 1902
B. Batas Cooper D. Batas Bilang 1870
36.Paano nalutas ang mga suliraning pangkalusugan ng bansa sa panahon ng
mga Amerikano ?
A. Nagpatayo ng mga paaralan.
B. Nagpatayo ng mga klinika at pagamutan.
C. Nagpatayo ng mga simbahan.
D. Nagpatayo ng mga tulay at kalsada.
37.Bakit marami sa mga Pilipino ang naakit pumasok sa paaralan sa panahon
ng Amerikano ?
A. Dahil salitang Ingles ang ginamit sa paaralan.
B. Dahil mga Thomasites ang mga guro.
C. Dahil libre ang pag-aaral at libre din ang mga kagamitan.
D. Dahil walang bayad ang pagkain ng mga nag-aaral.
38. Ano ang dahilan ng tuluyang pagkatalo ng mga sundalo sa Bataan at
Corregidor ?
A. Masyadong marami at malakas ang puwersa ng mga sundalong
Hapones.
B. Gutom, sugatan, at walang sumaklolo sa mga sundalong Pilipino at
Amerikano dahil inabandona na sila ng pamahalaan ng Estados
Unidos.
C. Hindi maintindihan ng mga Pilipino at Amerikano ang wika ng mga
Hapon.
D. Titik A at B ang tamang sagot.
39.Ano ang mabuting resulta ng pananakop ng mga Hapones sa bansa ?
A. Pag-aalaga at pagpaparami ng mga isda, hipon at mga bibe.
B. Pagkatuto ng sining sa Origami at Ikebana.
C. Pagkahilig sa mga pagkain tulad ng noodles, tempura at sushi.
D. Lahat ay tama.
40.Paano pinigilan ng mga Hapones ang pagkanasyonalismo ng mga Pilipino
noong panahon ng pananakop ?
A. Pinagamit ang wikang Ingles kahit saan.
B. Binibigyan ang mga Pilipino ng mga pagkain.
C. Pinakulong ang mga kumakalaban na Pilipino sa mga batas.
D. Pinahihintulutan ang pag-awit at pagtugtog sa publiko ng
pambansang awit ng Pilipinas.
41.Ang sumusunod ay kabilang sa mga patakaran na inilunsad ng mga
Hapones, MALIBAN sa isa. Alin ito ?
A. Pag-alis ng kalayaang makapagsalita.
B. Pagtanggal ng kapangyarihan ng Amerikano.
C. Pagparusa sa mga Pilipinong kumakalaban.
D. Pagkamit ng demokrasya.
42. Kailan bumagsak ang Corregidor sa kamay ng mga Hapon ?
A. Mayo 5, 1942 C. Mayo 7, 1942
B. Mayo 6, 1942 D. Mayo 8, 1942
43.Ang kilusang gerilya ay itinatag ng mga sundalong Pilipino na sa halip na
sumuko, sila ay namundok at ipinagpatuloy ang pakikipaglaban nang
palihim. Alin sa mga sumusunod ang kanilang layunin ?
A. Lusubin ang mga garrison

6|Page
B. Patayin ang mga sundalo at opisyal na Hapon
C. Palayain ang mga nakakulong na Pilipino
D. Lahat ng nabanggit
44.Iba’t ibang paraan ang ginamit ng mga Pilipino para ipakita ang
pagmamahal nila sa bayan noong panahon ng digmaan. Alin sa sumusunod
ang Hindi kasali ?
A. Magsilbing espiya ng mga mananakop.
B. Pagbubuwis ng buhay para sa inang bayan.
C. Pagtulong sa mga nangangailangang kapwa Pilipino sa panahon ng
digmaan.
D. Pagpapakita ng pagmamahal sa bayan gamit ang sining at panitikan.
45.Suriin ang angkop na katangiang ipinamalas ng mga Pilipino na nagpakita
ng pagmamahal sa bayan sa panahon ng digmaan.
A. Pagsisilbi bilang espiya ng mga Hapones upang mapadali ang buhay.
B. Pagbubuwis ng buhay para sa kalayaan.
C. Pagsang-ayon sa mga nais ipatupad ng mga banyagang mananakop n
gating bansa.
D. Hindi pagsali sa mga samahang ang adhikain ay makamit ang
pagbabago at kalayaan
46.Ang mga sumusunod ay ginawa ng mga Amerikano upang mapuksa ang
diwang nasyonalismo ng mga Pilipino , MALIBAN sa ?
A. Nangako silang tutulungan ang mga Pilipino sa pagpapatakbo ng
sariling pamahalaan.
B. Hinayaan nilang magtatag ng mga partidong pulitikal ang mga
Pilipino.
C. Binigyan ng posisyon sa pamahalaan ang ilan sa mga Pilipino.
D. Kinasuhan ang mga Pilipinong nag-alsa laban sa mga Amerikano.
47.Dumating ang anim na raang (600) mga gurong Amerikano mula sa Estados
Unidos. Ano ang epekto/resulta nito sa mga Pilipino ?
A. Maraming Pilipino ang nagtungo sa kabundukan at mga liblib na
lugar.
B. Nagalit ang mga Pilipino dahil mas gusto nilang matuto ng Espanyol
kaysa Ingles.
C. Madaling natutuhan ng mga Pilipino ang kulturang Amerikano.
D. Maraming Pilipino ang ayaw sa kulturang Amerikano.
48.Ang katagang iniwan ni MacArthur sa mga Pilipino bago siya tumungo sa
Australia upang planuhin ang pagbabalik para sa liberasyon ng Pilipinas.
A. “ I will come back.” C. “I will fight.”
B. “I shall return.” D. “ I will be here.”
49.Bakit hindi pa rin naging payapa ang buhay ng mga Pilipino sa kabila ng
mga pagbabagong inilunsad ng pamahalaang Hapones ?
A. Dahil tumaas pa rin ang bilang ng mga pagdakip at pagparusa.
B. Maraming Pilipino ang nagtaksil.
C. Ang ibang Pilipino ay nagsilbing mga espiya.
D. Lahat ay tama.
50.Bakit naitatag ang kilusang gerilya at HUKBALAHAP sa panahon ng
Hapones ?
A. Upang sumang-ayon sa mga patakaran ng mga Hapones.
B. Upang labanan ang mga pagmamalupit ng mga Hapones.
C. Upang suportahan ang mga Hapones.
D. Upang sila ang mamuno sa panahon ng mga Hapones.

7|Page

You might also like