You are on page 1of 2

Pangalan: ___________________________________ Baitang at Seksyon:_________________

Asignatura: Araling Panlipunan 10 Guro: __________________________Iskor:_____________

Aralin : Ikalawang Markahan, Week 5-LAS 2


Pamagat ng Gawain : Tukoy-Sitwasyon
Layunin : Natutukoy ang iba’t ibang uri ng migrasyon
Sanggunian : SLM Region XII, Araling Panlipunan 10, MELC
Manunulat : Julie Ann A. Dueňas

Iba’t ibang Uri ng Migrasyon


Migrasyon dulot ng Globalisasayon at ang iba’t ibang uri nito.
1. Globalisasyon ng migrasyon
Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng migrasyon. Ang mga
bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng Australia, New Zealand, Canada at United States ay
patuloy pa ring dinadagsa at sa katunayan ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang
pinagmumulan nito.

2. Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon


Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos lahat ng mga bansang nakapaloob
sa usaping ito. May mga bansang nakararanas ng labour migration, refugees migration at maging ng
permanenteng migrasyon nang sabay-sabay.

Irregular migrants ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado,
walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.

Temporary migrants naman ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may
kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.. Ang
ilan sa halimbawa nito ay mga foreign students na nag aaral sa bansa at mga negosyante na maaari
lamang manirahan pansamantala ng anim (6) na buwan.

Permanent migrants ay mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi
lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang
pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.

Gawain 1: Tukoy-Sitwasyon
Panuto: Kopyahin sa sagutang papel ang sumusunod na pangungusap at tukuyin kung ito ay
Irregular Migrants, Temporary Migrants, at Permanent Migrants.
_______________________1. Si Mary ay pumunta sa Saudi upang magtrabaho bilang kasambahay.
_______________________ 2. Ang aking kapatid ay dalawang taon ng overstaying sa Japan.
_______________________ 3. Dinala ni Jona ang kanyang buong pamilya sa Amerika upang doon
manirahan.
_______________________ 4. Si Jason ay nagtrabaho bilang factory worker sa bansang Taiwan.
_______________________ 5. Si Anna ay napagkalooban ng Green Card sa bansang Amerika.

You might also like