Professional Documents
Culture Documents
AP 7
AP 7
DEPARTMENT OF EDUCATION
____15. Ano ang maaari ninyong ipalagay batay sa mga sumusunod na datos ?
a. Lahat ng pangunahing relihiyon ay isinilang sa Asya
b. Lahat ng relihiyon ay mahalaga
c. Lahat ng relihiyon ay lumalaganap
d. Lahat ng relihiyon ay may - aral
_____16. Pagsunud-sunurin ang mga kaganapan ng sinaunang kabihasnang Asyano
1. Nalikha ng mga Sumerian ang cuneiform writing
2. Lumitaw a ang Neolitikong pamayanan sa Ilog Indus
3. Ang pamayanang Yangshao at Lungshan sa China ay namayagpag
4. Ang kabihasnang Indo Aryan ay nabuo noong 1500 BCE
a. 1234 c. 1423
b. 1243 d. 4123
_____17. Ang pangangalaga sa tradisyonal na kultura at pagkakaiba-iba ng kultura ay nagsisilbing ugat na
pangkultura ng isang bansa. Dapat isanib ang inobasyong kultural sa pangangalaga ng tradisyon.
Kung wang tradisyunal na kultura, walang makabagong kultura at kung hindi maaangkop sa
makabagong lipunan ang tradisyon, mahihirapan itong maisalin. Ano ang kabuuang mensahe nito?
a. Ang lumang kultura at tradisyon ay dapat pahalagahan at pagyamanin katulong ang mga inobasyon
na makakaangkop sa makabagong lipunan
b. .Dapat proteksyunan ang mga kultura at tradisyon ng bansa.
c. Ibabagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan
d. Isasabuhay at ibabahagi ang mga mabubuting kultura at tradisyon ng bansa
_____18. Ikaw ay pangulo ng History Club sa inyong paaralan, naatasan ka na gumawa ng mga proyekto sa
kahalagahan ng kontribusyon ng mga Asyano. Ano ang gagawin mo para makilala at makita ang
Lahat ng mga kontribusyong Asyano?
a. paligsahan sa pagsulat ng sanaysay
b. collage making contest
c. open house exhibit
d. quiz contest
_____19. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng Great Wall of China?
a. Magsilbing magandang tanawin
b. Proteksyon sa pag lusob ng kalaban
c. Hadlangan ang daloy ng tubig tuwing bumabaha
d. Proteksyon sa pananalakay ng mababangis na hayop
_____20. Ang paniniwalang ang tao ay nabubuhay muli sa ibang panahon matapos na siya ay mamatay ay tinatawag
na ___
a Ebolusyon b. Kolonisasayon c. Reinkarnasyon d. Urbanisasyon
______21. Isa sa apat na Noble Truths ng Buddhism ay ang buhay na nangangahulugan na puno ng paghihirap. Ano
ang implikasyon nitosa ating buhay
a .Bahagi ng buhay ng tao ang paghihirap at pagdurusa tulad ng pagkakasakit, pinsala,pagkahapo,
katandaan at kalaunan ay kamatayan
b.Mula sa kasalukuyang buhay hanggang kamatayan ang paghihirap ng tao
c . Kahit na magsumikap makararanas pa rin ng paghihirap ang tao
d. Hindi maaaring takas an ang kahirapan at kalungkutan sa buhay.
_____22. Hindi naging malawak ang mga karapatan at kapangyarihan ng mga sinaunang kababaihan sa Asya. Ito ay
batay sa kasaysayan na naitala sa mga bansang Asyano, katulad halimbawa sa India, bahagi ng
ng paniniwala nila ang suttee o sati, ito ay ang pagtalon ng asawang babae sa apoy nang sinusunog
na asawang lalaki.Bahagi rin ng kulturang India na, maaari lamang kumain ang babaeng asawa
kung tapos ng kumain ang kanyang asawa. Ano ang ugat ng mababang pagtingin na ito sa mga
kababaihang Asyano?
a. Itinuturing na mababang miyembro ng lipunan ang kababaihan at limitado ang kanilang mga
karapatan sa lipunan
b. . Hindi pinagkalooban ng langit ang mga kababaihan na mamuno sa lipunan
c. Mahihina ang loob at walang kakayahang mamuno ang mga babae sa imperyo
d. Hindi pinagkakalooban ang kababaihan ng mataas na edukasyon at kasanayan sa buhay
______23. . Kinikilala bilang Diyos si Buddha na tagapagligtas mula sa guro
a. Mahayana Biddhism c. Theravada Buddhism
b. Sikhismo d. Judaism
_______24. Ang China ay nagkaroon ng tinatawag na apat na dakilang dinastiya.Bakit tinawag na dakilang dinastiya
ang mga ito?
a. Naganap sa panahong ito ang pag-unlad ng China sa iba’t ibang larangan
b. Nagkaroon ng pagsakop ng mga dayuhan sa yaman ng bansa
c. Umunlad ang sining at arkitektura ng China
d. Lumawak ang mga impluwensya ng China
_______25 . Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng mga Sumerian sa kabihasnang pandaigdig?
a. Cuneiform b. Pottery Wheel c. Seda at porselana d. decimal system
_______26. . Ano ang kahulugan ng pahayag na “ Ang buhay ay puno ng paghihirap”
a. Hindi natatakasan ang kahirapan at katungkulan sa buhay
b. Kahit pa magsumikap ang tao ay makakaranas ay makakaranas pa rin ng hirap
c. Habang buhay ang paghihirap ng tao
d. Bahagi nan g buhay ng tao ang paghihirap at pagpapasakit
_______27. Ang epiko ng kabihasnang Sumer na naging katibayan ng kabihasnan
a.Epiko ni Vedic c. Epiko ng Gilgamesh
b. Epiko ni Hudhud d. Epiko ni Ramayana
_______28 . Si Alden ay isinilang sa Zodiac sign na Pisces. Anong imperyo ang may konsepto nito?
a. Phoenician b. Persian c. Chaldean d. Babylonian
_______29. Pagsunud-sunuri ang mga pangyayari sa Kanlurang Asya.
a. Lumitaw ang mga katutubong imperyo sa Mesopotamia
b. Umusbong ang kabihasnan ng mga kalapit lugar sa Mesopotamia
c. Umunlad ang kabihasnang Arabic Islamic
d. Sumalakay ang mga Turks
a. abcd b. bcda c. cdab d.dabc
_______30.Sa imperyong ito napaunlad ang number symbols, natutong mag-isterilisa ng mga gamit sa panlinis sa
sugat, pagsasagawa ng operasyon.
a..Indo -Aryan b. Kushan c. Maurya d. Gupta
_______31. Bakit kakaiba ang pangalan ng relihiyon ng mga Muslim?
a. Dahil hango ito sa ngalan ng tao
b. Dahil hango ito sa Arabic na salita na Salam na may kahulugang kapayapaan, pagsunod at pagsuko
sa propetang si Muhammad.
c. Dahil hango ito sa ngalan ng pook
d. Dahil hango ito sa ngalan ng mga nasa paligid
_______32. . Tawag sa Haligi ng Islam na pagdarasal ng limang beses mula sa madaling araw.
a. Iman b. Salah c. Zakah d. Sawn
_______33. .Kung ang Purification ay pagtanggal ng masamang espiritu sa katawan, ano naman ang Kami?
a. Mga batang hindi naipanganak at nagiging sanhi ng problema
b. Pagsamba sa mga Mizuko upang maiwasan ang problema
c. Banal na espiritu na lumalabas sa anyo ng mga bagay
d. Masamang kami na pinatay at naghahanap ng paghihiganti
_______34. Tawag sa paniniwala ng mga Hapones tungkol sa diyos ng araw at iba pang diyos ng kalikasan
a. Zoroastrioanismo b. Judaismo c. Shintoismo d. Sikhismo
_______35. Sa panahon na ito nag-umpisang natuto ang mga tao na mag-alaga ng mga hayop at magtanim.
a. Neolitiko b. Mesolitiko c. Bakal d. Paleolitiko
_______36. Ang Sailendras ay tinawag na Hari ng Kabundukan, ano naman sa Srivijaya?
a. Sentro ng Kalakalan c. Dalampasigan ng Ginto
b. Dalampasigan ng Yaman d. Sentro ng mga Buddha
_______37. Suriin mabuti ang larawan, ano ang ipinararating na mensahe ng mga larawan?
If you need answer key, like our page https://www.facebook.com/kto12Curriculum/ and give us your email
and request in a private message.