Ako po ay lumalapit sa inyo upang humingi ng tulong para sa
aming barangay hall. Kami po kasama ng aking Barangay Council ay nangangailangan ng Conference Table at mga upuan na aming magagamit sa aming regular na pagpupulong.
Ito po ay makakatulong sa amin sa kadahilanang ang aming
mga ginagamit na mesa at upuan sa kasalukuyan ay hindi na naaangkop at nangangailangan ng mapalitan.
Kami po ay umaasa na kami ay mapagbibigyan ninyo sa aming
inilalapit sa inyo upang mairaos ng Council ang aming mga pagpupulong partikular na ang aming regular na session ng mas maayos at matiwasay.
Salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta sa aming mga
programa at asahan ninyo po ang aming kooperasyon sa inyong administrasyon.