You are on page 1of 4

Komunikasyon Review

Sitwasyon ng Wika Mula sa mga Panayam at


Balita sa Radyo at Telebisyon

Radyo

 Amplitude Modulation (AM)

 Frequency Modulation (FM)

Dyaryo

1. Broadsheet
2. Tabloid
3. Online
- balita sa telebisyon
-Sitwasyon ng Wika sa Internet, Social Media, at Text Messaging
-vlogging
-pelikula
-dula
Edukasyon

Saligang Batas 1987 Art. XIV


Seksyon 7 - Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hanggat walang ibang
tinatadhana ng batas, Ingles.
Ang mga wikang pangrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat
itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic

E.O. 210

Establishing the policy to strengthen the use of the english language


as a medium of instruction in the educational system.

Enhanced Basic Education Act of 2013 (Republic Act 10533)

 Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE).

 General Education Curriculum (GEC) – CHED (Mula 60, ibinaba sa 36


units)

Register ng Wika
Dayalek - Ito ang salitang gámit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o
lalawigan na kanilang kinabibilangan.

Sosyolek - Ito ay pansamantalang barayti lámang. Ito ay uri ng wika na


ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may
kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na
gumagamit ng mga naturang salita.
Idyolek - Sariling estilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat
isa gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing
simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao.

Etnolek - Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga


etnolingguwistikong grupo. Dahil sa pagkakaroon nang maraming pangkat-
etniko na sumibol ang iba’t ibang uri ng Etnolek. Taglay nitó ang mga
wikang nagging bahagi ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat-etniko.

Ekolek - barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating


tahanan. Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga
bata at mga nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na
pakikipagtalastasan.

Pidgin – Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay


binansagang “nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit
ng dalawang indibidwal na nag uusap na may dalawa ring magkaibang
wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila sa
mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang wika lamang.

Creole – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong


salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging
pangunahing wika ng partikular na lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong
salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano), halong Arican at Espanyol
(ang Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol (ang
Annobonese).

Register - Ito ay barayti ng wikang espesyalisadong ginagamit ng isang


partikular na domeyn.

You might also like