Bukal Sur Elementary School
Ikalawang Kuwarter na Pagsusulit
Iskor: ________
EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO I
S.Y. 2022-2023
Pangalan___________________________________________Petsa ________________
Antas/Pangkat______________________ Guro ________________________________
I. Panuto: Isulat ang T kung tama ang pahayag sa bawat pangungusap at M kung mali.
Isulat sa patlang ang sagot.
_____1. Ang pamilya ay binubuo ng ama, ina at mga anak.
_____2. Sina lolo at lola ay hindi bahagi ng pamilya.
_____3. Matalik kong kaibigan si Dina. Siya ay kasapi ng aming pamilya.
_____4. Ang pamilya ay laging binubuo ng maraming kasapi.
_____5. Hindi matatawag na pamilya ang anak at ama o ina lamang ang kasama.
_____6. Igalang ang lahat ng miyembro ng pamilya.
_____7. Huwag makiramay sa kamag-anak na namayapa.
_____8. Batiin ang kasapi ng pamilya na may kaarawan.
_____9. Tulungan ang mga magulang sa gawaing- bahay.
_____10. Mag-aral nang mabuti.
II. Panuto: Lagyan ng tsek (✓) kung tama ang pahayag at ekis (X) kung mali.
Isulat sa patlang ang sagot.
_____11. Si Tatay lamang ang maaaring maghanapbuhay sa pamilya.
_____12. Si Nanay ay sa bahay lamang at hindi maaaring maghanapbuhay.
_____13. Ang mga anak ay dapat tumulong sa mga gawaing-bahay.
_____14. Si Nanay lamang ang maaring magluto sa pamilya.
_____15. Pagkagaling sa trabaho, may tungkulin pa rin sa bahay na dapat gampanan si Tatay.
_____16. Walang nagbabago sa mga ginagawa ng pamilya.
_____17. Hindi ko dapat na pahalagahan ang aking pamilya.
_____18. Dapat na itinatangi ko ang aking mga magulang.
______19. Magkakapareho ang lahat ng pamilya sa buong Pilipinas.
_____20. Dapat kong ipagmalaki ang aking pamilya.
III. Panuto: Lagyan ng tsek (✓) kung ang nakasaad sa pangungusap ay nagpapakita ng
pagtupad sa mga alituntunin sa bahay at lagyan
naman ng ekis (X) kung hindi.
______21. Paghuhugas ng pinagkainan.
______22. Pagtulog ng hatinggabi.
______23. Pagkuha lamang ng pagkaing kayang ubusin.
______24. Pag-aaral ng mabuti.
______25. Pagtulong sa mga gawain sa bahay.