You are on page 1of 3

Deo Roma College of Tanza, Inc.

Km. 36 A. Soriano Highway, Amaya II, Tanza, Cavite

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VIII


SY 2022-2023

Pangalan: __________________________________________________ Petsa: __________________________


Guro: Gng. Melanie P. Ordanel Marka: _________ Lagda ng Magulang: _______________

I. Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian at bilugan ang titik ng
iyong sagot.
1. Sinasabing ang ating mga magulang ang ilaw at haligi ng ating tahanan. Tayong anak ay nararapat na ________.
a. iasa ang lahat sa kanila b. tumulong kung kalian may panahon
c. maging katuwang sa loob ng tahanan d. magwalang bahala na lamang
2. Sino ang ginamit na instrumento ng Diyos upang bigyan ng buhay ang kanilang mga anak?
a. mag-anak b. magulang c. kapatid d. kapitbahay
3. Ang mga magulang ang namumuno sa loob ng tahanan. Paano mo ipadarama sa kanila na ikaw ay mabuting
anak?
a. Susundin ang bawat utos nila. b. Igagalang at mamahalin sila.
c. Hindi sila susuwayin. d. Lahat ng nabanggit.
4. Binaha ang aming lugar noong bagyong Ondoy at sa awa ng Panginoon ay may mabuting loob na nag-alok na
patuluyin kami sa kanilang tahanan. Anong aral ang hindi mapupulot sa sitwasyon?
a. pagiging madasalin b. pagkakaroon ng pag-asa
c. pagiging maramot sa iba d. pagiging matulungin sa kapwa
5. Ang pamilya ay sinasabing una at hindi mapapalitang paaralan ng panlipunang buhay dahil _______________.
a. Sa loob ng tahanan unang natutunan ang makipag-usap sa kapwa.
b. Ito ang pinakamaliit na institusyon sa lipunan.
c. Sa pamilya unang namumulat ang isang tao.
d. Ang konsepto ng pagkakaroon ng tungkulin ay unang nagagampanan sa loob ng pamilya.
6. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing spiritwal
maliban sa _________________.
a. Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
b. Iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
c. Maglaan ng tiyak na panahon upang making at matuto sa mga aral ng pananampalataya
d. Pagbibigay ng gantimpala sa mga anak para lang magsimba
7. Ang pagmamahalan at pagtutulungan sa loob ng tahanan ay nararapat paunlarin ng isang anak sa pamamagitan
ng __________________________.
a. Paghahangad ng paglawak ng kalayaan bilang isang kabataan.
b. Pag-iwas na gawin ang tungkuling nakaatang.
c. Paghahangad ng higit na atensyon mula sa magulang.
d. Paggalang at pagsunod sa mga magulang.
8. Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag-asa ang ama ni Linda sa pagtaguyod sa kanila. Alin sa
sumusunod ang positibong impluwensiyang ipinakita ng ama?
a. pagiging matatag b. pagiging madasalin c. pagiging masayahin d. pagiging disiplinado
9. Nagsisigaw si Loloy nang madatnan ang kanyang ina na nakahandusay sa sala sa sobrang sakit ng tiyan. Dali-dali
namang pumasok ang nakatatandang kapatid at dinala ang ina sa hospital. Alin sa sumusunod ang positibong
pag-uugali ang ipinakita sa sitwasyon?
a. ang pag-alalay sa ina papunta sa ospital
b. labis ang kasiyahang ipinapakita ng kapatid
c. ang kapatid may nakaramdan ng pagkabalisa sa nangyayari
d. nakatutulong ang mga kapamilya sa oras ng pangangailangan
10. Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay
nito?
a. laging binibigyan ng pera ang anak b. binibilan ng laruan ang anak
c. pinapadalhan ng mga pagkain sa loob ng klase d. sinusuportahan sa gustong makamit ng anak
11. Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang disiplinadong
pamilya?
a. pagkakaroon ng mga anak b. ipaglaban ang karapatan
c. pagsunod sa mga patakaran d. pinagsama ng kasal ang magulang
12. Ang pamilyang Dela Cruz ay hindi nakalilimot manalangin nang sama-sama tuwing Linggo. Ano ang dapat tularan
sa pamilya Dela Cruz?
a. pagiging disiplinado b. pagiging matatag sa sarili
c. walang anumang alitan ang bawat isa d. may pagkakaisa sa pagsamba sa Panginoon
13. “Kapag sama-sama at nagtulungan ang bawat kasapi ng pamilya ito ay magiging buo at matatag.” Anong aral ang
mapupulot sa kasabihan?
a. Ang pamilya ang pundasyon sa lipunan. b. Sa pamilya ang pag-asa ng lipunan.
c. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. d. May pakinabang ang pamilya sa lipunan.
14. Laging ipinagdiriwang ng pamilya Santos ang tagumpay ng kanilang anak.
Anong kaugalian ang maaring tularan sa pamilya Santos?
a. paghamon sa anak na magtagumpay b. pagpapakita ng interes sa kanilang larangan
c. pagmamalaki sa tagumpay ng kasapi ng pamilya d. pasasalamat at suporta sa tagumpay na nakamit
15. Ano ang pangunahin at orihinal na karapatan ng isang bata?
a. buhay b. edukasyon c. tirahan d. pagkain

II. Panuto: Isulat ang TAMA kung tama ang pinapahayag ng pangungusap at MALI naman kung hindi.
____16. Isa sa pinakamalaking kaligayahan sa mundo ay ang magkaroon ng isang masayang pamilya.
____17. Nakasalalay sa kung paano makipag-ugnayan ang bawat miyembro ng pamilya ang pagtamo ang isang
masayang pamilya.
____18. Ang karanasan sa loob tahanan ay walang kinalaman sa personalidad at ugali ng isang tao.
____19. Ang pinaghahatiang mga responsibilidad sa tahanan ay paghahanda sa mga anak upang maging mabuting
mamamayan.
____20. Nararapat lamang na makinig sa mga aral ng mga magulang lalo na kung nakagawa ng pagkakamali.
____21. Dapat lamang na magpahinga at manood ng telebisyon buong hapon ang mga anak kapag walang pasok sa
paaralan.
____22. Maaaring ipagwalang bahala ang inutos ng inay dahil pagod ka galing sa paaralan.
____23. Hinahangad ng bawat magulang na maging maligaya at matagumpay sa buhay ang kanilang mga anak.
____24. Tungkuling ng mga magulang na ibigay ang lahat-lahat na naisin ng kanilang mga anak.
____25. Naisasabuhay ng mga anak ang mga pagpapahalagang nagmula sa tahanan sa isang mas malawak na saklaw,
mula sa pamilya tungo sa pamayanan, lipunan, at bayan.

III. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap, iguhit ang kung ito ay banta sa pagbibigay ng
edukasyon,paggabay sa pagpapasya o paghubog ng panampalataya at naman kung hindi.

____ 26. Ang kawalan ng panahon ng mga magulang upang turuan at gabayan ang kanilang mga anak ang siyang
maaaring dahilan upang malihis ng landas ang mga ito.
____ 27. Ang mga magulang ay may mahalagang papel sa paghikayat at pagganyak sa kanilang mga anak na matuto.
____ 28. Ang mabuting suporta ng magulang ay tumutulong sa bata na maging positibo, malusog at mabuting
habang-buhay na nag-aaral.
____ 29. Unti-unting nagkawatak-watak at nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang pamilya dahil sa palaging busy
ang bawat kasapi nito.
____ 30. Ang pagtanim ng tiwala sa kanilang mga anak at ito ay mas nakapagpapatibay at nag-uudyok sa mga
kalakasan at magagandang katangian ng mga bata.
____ 31. Ang patuloy na pagpuna na maaaring sumira sa pagpapahalaga sa sarili at magpahina sa mga anak.
____ 32. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang anak ni Mang Juan na si Lena dahil sa padalos-dalos na desisyon nito sa
buhay.
____ 33. Ang hindi pagbibigay ng pangangailangan ng anak o hindi pagsuporta ng tatay sa illegitimate na anak.
____ 34. Masayang nakapagtapos at nagkaroon ng magandang trabaho ang kambal na sila Nero at Mira dahil sa
gabay na ibinigay ng mga magulang nila.
____ 35. Magkasama ang buong pamilya sa pagsimba tuwing linggo.
IV. Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.
36-40. Magbigay ng limang (5) tungkulin ng magulang sa kanyang mga anak.
a.
b.
c.
d.
e.

41-45. Magbigay ng limang (5) karapatan ng bawat batang Pilipino


a.
b.
c.
d.
e.

V. Sanaysay (Essay) Sagutin ang bawat tanong. (5 Puntos bawat bilang)


46-50. Bakit mahalaga sa isang tao na malaman at maisakatuparan ang kanyang mga gawain habang nasa murang
edad pa lamang?

51-55. Ano ang magiging epekto kung hindi alam ng mga anak ang kanilang mga tungkulin at karapatan?

56-60. Sumulat ng panalangin para sa iyong pamilya.

Good Luck and God Bless!

You might also like