You are on page 1of 1

Tama o Mali

1. Ang emosyonal na sakit na dulot ng mga nakakapinsalang karanasan ay maaring mag-iwan ng


pilat sa pagkatao ng sinuman at humantong ito sa hindi magandang pag-uugali. T
2. Ang kakayahang magpatawad at tumanggap ng pagkakamali ay maaring magdulot ng
napakalaking pagbabago sa isang tao. T
3. Ang mga magulang na parehong nagtatrabaho o parehong nasa ibang bansa ay nawawalan ng
panahong bigyan ang kanilang mga anak ng tunay na pakikipagkomunikasyon. T
4. Maaring hindi mapakinggan ang sariling opinion ng mga anak na kulang sa komunikasyon sa
kanyang mga magulang. T
5. Ang pamilyang kulang sa komunikasyon ay tahimik at maayos ang relasyon sa isa’t isa. M
6. Upang mapabuti ang relasyon sa pamilya, hindi na kailangang sabihin o ipadamang mahal natin
ang bawat kasapi n gating pamilya. M
7. Sa tuwing nabibigo ang mga anak, ang magulang ay dapat gumagabay at nagpapalakas ng
kanilang loob. T
8. Ang pakikinig ng walang panghuhusga at walang paghatol ay isang uri ng mabuting
komunikasyon sa isang pamilya. T
9. Ang hindi pagpapahayag ang iniisip o nadarama ng isang anak ay pagpapakita ng paggalang at
pagmamahal sa magulang. M
10. Kung maayos na nagabayan ang bata ng kanyang pamilya lalaki siyang isang mabuting
mamamayan ng lipunan. T
11. Pamilya lamang ang maaring magkaroon ng impluwensya sa pag-uugali ng isang tao. M
12. Habang lumalaki sa piling ng pamilya, natututunan kung paano harapin ang buhay o anumang
mararanasan sa labas ng tahanan. T
13. Ang maliliit na kasalanan na hinahayaan at hindi napupuna ay maaring magresulta ng
negatibong pag-uugali paglaki ng isang bata. T
14. Hindi perpekto ang magulang ganundin ang anak kayat kinakailangang mas pagtibayin ang
pagmamalasakit sa bawat isa. T
15. Sa pamilya unang natututunan ng isang bata ang sistema, pamumuno , pagsunod sa batas
gayundin ang kaayusan. T

Essay:

Itala ang bawat miyembro ng iyong pamilya. Pagkatapos ay sumulat ng isang positibo at isang
negatibong damdamin ng angkop tungkol sa bawat isa. Ipaliwanag o ikwento kung bakit ito ang iyong
nadarama.

You might also like