You are on page 1of 102

------------------------------

TITLE: Cat & Dog Baby


LENGTH: 931
DATE: Jan 22, 2014
VOTE COUNT: 296
READ COUNT: 53595
COMMENT COUNT: 40
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: HippityHoppityAzure
COMPLETED: 1
RATING: 3
MODIFY DATE: 2014-09-25 22:54:50

------------------------------

####################################
Cat & Dog Baby
####################################

Cat & Dog Baby (on-going)

Copyright © 2014 by HippityHoppityAzure

-----------------------------------------------------------------------------------
----------------

PROLOGUE

Askal kung tawagin si Millie ni Levi. Para raw kasi siyang asong kalye kung
makaangil lagi rito.

Pusandi naman niya kung tawagin ito. Para raw kasi itong pusang laging naglalandi
sa kung sinu-sinong babae.

Aso't pusa. Ganun nga sina Millie at Levi. Laging nag-aaway, nagtatalo, at
nagbabangayan.

Pero paano na lang kung sa kabila ng pagiging aso't pusa nilang dalawa, ay may
bigla silang mabuo na isang...

..baby?

Aso't pusa, magkaka-baby?

xxxxxx TBC~

A/N: New story! Story of Milliana and Levi from Playboy's Girl. Pero p'wede naman
'tong basahin even without reading PG. Simple lang din ang plot nito at medyo
maiksi ang kwento. At...Hmm... Ayun. First chapter to be posted on Valentine's Day.
LOL XD

Salamat sa magsusupport! :)
####################################
Chapter One: DOG
####################################

para kay mareng @ValjeanRegala♥ :3

AND TAKE NOTE: Kapag DOG ang nakalagay sa isang chapter, it means na nasa POV iyon
ni MILLIE(like this chapter). Kapag CAT naman, nasa POV ni LEVI. kkkk? :3

----

CHAPTER ONE: Dog

Levi Sy.

Siya ang lalaking pinaka-kinaiinisan ko sa buong mundo at sa buong buhay ko.


Kinaiinisan ko ang lagi niyang pagpapaiyak sa'kin nung mga bata pa lang kami,
kinaiinisan ko ang lagi niyang pang-aasar sa'kin ngayong malalaki na kami,
kinaiinisan ko ang pagiging playboy niya, kinaiinisan ko ang kalandian niya sa mga
babae.

Pero nung minsang umiyak at nasaktan ako dahil sa isang lalaki na pinaasa't niloko
ako, siya ang nagtanggol sa'kin; siya ang nagpatahan at nagpagaan ng loob ko.

At sa minsang pagkakataon ding 'yun, nahulog ang loob ko sa kanya.

Pero hanggang dun na lang 'yun!

Dahil itong nararamdaman ko para sa kanya? Mananatili lang ito sa sarili ko.
Lilipas at mawawala rin ito.

O ganun nga ba?

"Mm..." Iritado akong umungol sa pagtulog nang may maramdaman akong braso na
yumakap sa katawan ko.

T-Teka.

Braso? Yumakap sa katawan ko? Pero wala naman akong katabing matulog ah?!

Dun na ako napadilat.

Una kong nasilayan ang pader na nasa harap ko. Pader na alam kong hindi sa kuwarto
ko.

Nakaramdam din ako ng kakaiba sa katawan ko. Wala pala akong suot na kahit ano sa
ilalim ng kumot. At may mahapdi sa ibabang parte na katawan ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga napansin ko. Hindi rin ako makakilos dahil sa
kaba. Pero pilit akong umupo nang takip ng kumot ang katawan ko para tignan itong
katabi ko na nakayakap kanina sa katawan ko.

S-Si...
Si Levi 'to!

Sa pagtitig ko sa natutulog niyang mukha, mabilis na nagflashback sa utak ko ang


mga nangyari kagabi.

"Uy askal!" Si Levi, lasing na dumating ng bahay nila. Lakas nga ng amoy ng alak na
umaalingasaw mula sa kanya eh. Nakakainis lang.

Ako naman eh nandun kasi binilinan ako ng nanay ko na asikasuhin ang hapunan ng
pusandi na 'yan. Naging parte na rin kasi ng responsibilidad ng mga magulang ko si
Levi mula nang umalis ang mama niya three months ago para manirahan sa Amerika
kasama ang tatay niya. Dapat nga kasama siya eh pero ewan ko ba sa pusanding 'yan.
Mas piniling mag-stay dito sa Pilipinas.

"Handa na hapunan mo. Kumain ka na lang kung trip mo." Asar kong salita sabay lakad
palabas ng bahay nila. Makita ko lang talaga siya, kumukulo na dugo ko. Wala kasi
talaga siyang balak magbago. Bisyo bago aral. Puro na lang siya alak, babae-- ah
bwiset.

Lalagpasan ko na siya sa may sala, nang bigla naman niya kong hinatak sa kamay at
saka niyakap!

"Happy Valentine's day, askal..."

"H-Happy Valentine's day mo mukha mo!" Tinulak ko siya. "Wala namang kasaya-saya sa
Valentine's day ko 'no!" Wala kung naglalandi ka naman sa iba't ibang babae! Wala
kung 'di mo naman ako napapansin!

Ah, takte! Ano na ba 'tong pinaglalaban ng utak ko?!

"Pusandi! Bitawan mo nga ko!" Pinilit kong kumawala sa yakap niya nung hindi ko
siya maitulak. Pero sa kada pilit ko eh humihigpit lang ang yakap niya sa'kin! "A-
Ano ba pusandi?! Argh!"

"Millie..." Mahina at malambing ang boses niya. Natigilan tuloy ako sa


pagpupumiglas. "A..."

"A... A-Ano?!"

"Akyat mo naman ako sa taas..." Tuloy na niya! Kala ko pa naman ano... tsk!

Kumukulo nga ang dugo ko sa pesteng pusandi na 'to. Pero hindi ko naman siya matiis
kapag ganito siya.

Tinulungan ko nga siyang umakyat sa kuwarto niya. Buti na lang, tinutulungan din
niya ang sarili niya para hindi ako masyadong mahirapan.

Sa kuwarto niya, binalibag ko siya nang basta-basta sa kama niya. Aba, hiningal at
napagod ako sa pag-akyat sa kanya dito. Tapos siya, ayan! Tulog na!

Tinalikuran ko na siya para makaalis na ko-- nang may biglang humawak sa pulso ko.
Si Levi 'yun, malamang.

"Ano na nam--"

Hindi ko na naituloy ang pag-angil ko sa pusandi na 'to kasi bigla na lang niya
kong hinatak pahiga sa ibabaw niya at saka muling niyakap!

Gusto kong sumigaw at magreklamo pero napanganga na lang ako eh. Parang nag-aadapt
pa ang buong sistema ko sa pagsasabay-sabay ng kung anu-anong pakiramdam sa loob
ko. Gulat, pagka-ilang, inis, init--

A-Ano?! I-Init?! Ahhh! Hindi!

"L-Levi?! Tsk." Mahina pero may inis sa tono ko kasabay ng pagpilit ko na namang
kumawala sa kanya. Pero hinigpitan niya pa ang yakap sa'kin eh!

Hindi naman ako sumuko. Pinilit kong kumawala ulit sa pagkakayakap niya. Sinigaw-
sigawan ko na siya at binira-bira pa, hanggang sa marinig ko siyang tumawa. Tawa na
hindi 'yung usual niyang tawa sa'kin na mapang-asar.

Ang sunod ko na lang na naramdaman eh humawak siya sa beywang ko at mabilis na


pinagpalit ang mga puwesto namin. Mula sa ibabaw, napunta ako sa ilalim niya nang
nakakulong sa mga braso at binti niya. Ang mga mukha namin, sobrang magkalapit.
Nakadikit ang ilong niya sa ilong ko. Amoy na amoy ko tuloy ang hininga niya na
mainit at amoy alak. nalalasing na rin ako. Pero posible ba 'yun? Ang malasing agad
sa amoy pa lang ng alak?

At kailan pa naging ganito kaguwapo si Levi?

Err... Guwapo naman talaga siya pero 'yung papkaguwapo niya ngayon, iba eh. Parang
gusto kong hawakan ang mukha niya.

"I love you Millie..."

'Yung boses niya, 'yun yata ang tinatawag nilang husky?

Nagwala ang puso ko. Pero hati ang ikinakawala nito. Hati sa tuwa at pagdududa.
Hati sa pagsigaw ng 'Yehey!' at 'Heh! Kalokohan!'.

Wala akong masagot. Wala akong masabi kahit ba gusto kong kumontra at kuwestyunin
ang sinabi niya. Nakatitig lang ako sa mga mata niya, hanggang sa ilapat niya bigla
ang mga labi niya sa mga labi ko.

Ikinagulat ko ulit 'yun. Napahawak pa ako sa mga balikat niya at itinulak siya.
Pero saglit lang 'yun dahil bumigay rin ako. Sinagot ko ang halik niya sa hindi ko
malamang paraan. Hindi pa naman ako marunong humalik eh. First kiss ko kaya 'to!

Pero 'yung halik ni Levi. lumilihis na pababa. Ang isang kamay niya, kung saan-saan
na humahawak sa loob ng damit ko. Nakaka-ilang pero ito ang pagka-ilang na gusto
ko. Mainit, pero ito ang init na ayaw ko nang layuan pa.

Kaya hindi lang first kiss ang binigay ko kay Levi.

Hinayaan ko na ring siya ang maging first ko sa bagay na ito.

Naestawa na ko rito sa kama sa mga naalala ko.

Bakit ko hinayaang mangyari 'to? Bakit ako nagpadala sa kung anumang init na
naramdaman ko kagabi? Bakit ako nagpauto sa kalokohan at kalandian ng pusanding
'to?

Ahhh!
Gusto kong sumigaw!

Oo, nagsisisi ako! Ginusto ko nga, pero mali eh!

Biglang gumalaw si Levi. Kinabahan ako. Akala ko gigising na siya. Pero buti naman
at hindi pa.

Ayoko eh. Matapos ng pangyayaring 'to, ayoko nang makaharap siya-- KAHIT NA KAILAN
PA.

Madali na kong bumangon. At kahit nakaka-ilang kumilos, pinilit kong magbihis at


dumiretso ng uwi sa bahay namin.

xxxxxx TBC~

a/n

NEXT UPDATE: matatagalan pa! as in! so pasensya na... >///<

AND HAPPY HEARTS DAY, EVERYONE! ^^


####################################
Chapter Two: DOG
####################################

CHAPTER TWO: Dog

Ayoko talagang makaharap ulit si Levi mula nung... basta mula nun! Kaya ginawa ko
ang lahat ng puwede kong magawa 'wag ko lang siya makaharap at makausap.

Kapag hinahanap niya ko sa bahay, pinapasabi ko kina Mama o Papa o sa nakababata


kong kapatid na lalaki na si Juni, na wala ako o 'di kaya ay busy ako. Kapag
magkakakitaan naman kami minsan sa school, mabilis akong umiiwas. Buti na nga lang
at magkalayo ang college departments namin kaya madalang kami magkakitaan.

Nagtataka na ang pamilya ko sa ginagawa kong pag-iwas kay Levi. Pero dahil alam
nila na aso't pusa ang relasyon naming dalawa, hinayaan na nila ako. Hindi rin ako
pinipilit makita ni Levi 'pag nagtatago ako sa bahay. Ayun pang pusandi na 'yun.
Ang laki kaya ng takot nun sa tatay ko para guluhin ako sa bahay namin.

Dalawang linggo-- so far, ganyan katagal ko nang naiiwasan si Levi. Pero...hindi na


nagtagal pa ang dalawang linggo na 'yun.

"Pst, askal."

Hindi na nagtagal, dahil isang gabi nang ma-late ako umuwi galing school, inabangan
at sinalubong ako ni Levi sa may playground ng subdivision namin.

Medyo napanganga ako kasabay ng sobrang pag-panic ng puso ko nang makita ko siya.
Hindi ko akalaing maiisip na abangan ako rito ni Levi. Aba, sa bobo ba naman ng
pusandi na 'yan, naisip niya na gawin ito? At dito pa ah, kung saan malayo sa mga
magulang ko?

Humakbang na siya palapit sa'kin, at dun na ko natauhan. Kumarap ako, at saka


tumakbo palayo.

"O-Oy! Askal!"

Hinabol niya ko. Mas binilisan ko naman ang pagtakbo ko, pero sadya yatang mas
mabilis tumakbo ang mga pusa kaysa sa aso. Naabutan ako ni Levi at hinigit ako sa
pulso. Pilit niya kong hinarap sa kanya. Nakakunot noo siya at medyo hinihingal rin
kagaya ko.

Wala akong masabi. Naiilang ako. Nahihiya ako. Ang makaharap siya nang ganito, ang
maramdaman ulit ang pagdikit ng balat niya sa balat ko, binabalik ng mga ito ang
bawat nangyari sa amin ng gabing 'yun-- na ayaw ko na ngang maalala pa!

Nakakahiya talaga... Bakit ba kasi ako bumigay nang ganun lang kadali sa pusandi na
'to? Feeling ko tuloy, napakalandi ko at napaka-easy-to-get kong babae...

"Millie," Tawag ni Levi pagkahinga niya nang malalim. Nakakunot noo pa rin siya at
nakahawak pa rin sa pulso ko. "Uhm, halika nga muna."

Hinayaan ko siyang hatakin ako pabalik ng playground. Pinasok niya ko roon at


pinaupo sa pinakamalapit na bench. Tumabi siya sa'kin, dahilan para patuloy akong
mailang.

Ang hirap huminga. Hindi ko rin alam kung saan ibabaling ang tingin ko. Jusme
namang buhay 'to.

Dumaan ang isa o dalawang minuto na walang nagsasalita sa'min. Para kaming
nagpapakiramdaman na ewan.

Gusto ko sanang magsalita na para putulin ang katahimikan namin. Pero ano namang
sasabihin ko? In the first place, may dapat ba akong sabihin?

"Bakit mo ba ko iniiwasan at pinagtataguan ah?" Kalmadong tanong ni Levi.

Bobo talaga 'to eh 'no? Kailangan pa ba niyang itanong 'yun? Kailangan ko pa ba


talagang ipaglandakan ang dahilan ng pag-iwas ko sa kanya?

"Tsk. Layo ka nang layo, tago ka nang tago. May gustung-gusto pa naman akong
itanong sa'yo."

Napayakap ako sa bag ko. Nahihiya at kinakabahan ako sobra sa gustung-gusto niyang
itanong sa'kin. Paano kung itanong niya ang dahilan kung bakit ako bumigay sa
kanya? Paano kung tanungin niya kung may nararamdaman ako para sa kanya?

A-Ayoko. Mahal ko nga siya pero hindi ko iyon magagawang sabihin sa kanya. Hindi ko
kayang umamin. At ayoko talaga.

"Askal..." Simula na niya na mas nagpa-tensyonado sa'kin. "Uhm, may kilala ka bang
Mimi sa school natin ah?"

Napakurap ako sa tinanong ni Levi.

"Wui." Siniko pa niya ko, dahilan para tignan ko siya.

"Uh eh, Mimi? Wala eh. Bakit?" Tanong ko rin.

Tinitigan niya ko nang ilang segundo bago tumingin sa ibang direksyon. "Kasi..."

"Kasi ano?" Naiinis na ko. Sino ba kasi ang Mimi na 'yun? Panibago ba niyang
kalandian?

"Kasi, ano... Uhm..." Hinilot niya ang ulo niya. "Hindi ko siya matandaan masyado
eh... Kasi, uhm, lasing ako nun, nung Valentine's day, tapos parang inuwi ko ang
babaeng may ganung pangalan sa bahay... Tapos, uhm, alam mo na... Uhm, ano, may
nangyari sa'min... Pero... uhm... pagkagising ko nung umaga, wala na siya..."

Napanganga lang ako.

Mimi raw? Eh ako kaya ang babaeng tinutukoy niya!

Pusang malandi talaga ang lalaking 'to oh. Ilang beses niyang binanggit ang
pangalan ko the whole time na-na-na ginawa namin 'yun. Tapos ngayon, inakala niyang
MIMI ang pangalan ko? Inakala niyang ibang babae ang nabola niya ng gabing 'yun?

Napangisi ako't tumingin sa malayong-malayo habang umiiling. Lasing nga pala siya
nun. At nakakainis lang. Parang nasayang lang ang pagbibigay ko ng sarili ko sa
kanya. Pero ano bang nasayang ang pinagsasabi ko?! Eh mula nun, talaga namang
nasayang na ang pagkababae ko sa kanya!

Ugh. Kaysa mainis, mas dapat na lang akong matuwa. Wala na akong dapat ikahiya sa
kanya eh. Hindi niya natatandaan na ako ang nakasama niya ng gabing 'yun. Puwede na
kaming bumalik sa dati. Diba?

Ah, ewan. Tumayo na ko at umalis.

"Uy teka lang, Millie."

Hindi Millie pangalan ko! MIMI na! Bwisit 'to. "Ano?!" Inis ko siyang nilingunan.
"Nasagot ko na ang gustung-gusto mong itanong diba?! Ano pang tine-teka-teka mo
diyan?!"

"Ang high blood mo naman... Parang makikisabay lang ako sa paglalakad pauwi eh."

"Edi makisabay ka! 'Wag mo lang akong kausapin dahil naha-high blood talaga ako
sa'yo!" At nagpatuloy na ko sa paglalakad.

Sinabayan nga ako ni Levi at talagang nasa tabi ko pa siya ah. Ang lakas lang
talaga niya mang-high blood.

Pero, hindi naman ako naiinis. Parang... mas nalulungkot ako? Mas nanghihinayang?

Tsk. Naguguluhan ako. Ang gulo-gulo ng nararamdaman ko sa mga nangyari at


kasalukuyang nangyayari sa'min.

"Askal, 'wag mo na ko iiwasan ulit ah?"

Nakakunot noo akong tumingin kay Levi na tulala naman sa dinaraanan namin.

"Alam mo naman, kulang ang araw ko kapag hindi ko nasisira ang araw mo."

"Tseh!" Tinulak ko siya at natawa siya. Saktong nasa tapat na kami ng bahay namin.
"Umuwi ka na nga! Letse!"

Pumasok na ko ng gate. At nang isara ko ito, nakaharap ko pa si Levi na hindi pa


pala umaalis sa tapat ng gate namin. Nakatingin siya sa'kin at nakangiti. Ngiti
na... simple.

"Good night askal." Bati niya bago umalis. Gusto ko naman sana siyang habulin at
pukpukin ng kahit anong matigas na bagay. Nakakainis pa rin kasi. Talaga bang hindi
niya naalala na ako ang nakasama niya nung gabing 'yun?

Nagbuntung hininga na lang ako bago pumasok ng bahay. Pero... bakit biglang ganito?
Bakit parang umiikot ang paligid ko?

"Uy, Milliana anak. Nandito ka na." Bati ni Mama na nanonood ng TV. "Kumain ka na
ng hapunan ah? Sabayan mo na si Juni at kakauwi lang din ng batang 'yun."

"Opo." Nginitian ko siya. Pero patuloy na umiikot ang paligid ko. Dumidilim na rin
ang paningin ko at nakakaramdam na ng panghihina ang katawan ko.

"Uy, Milliana?" Nag-aalalang tanong ni Mama pero hindi na ko naka-tugon. Kusa nang
nagsara ang mga mata ko kasabay ng pagbagsak ng katawan ko sa sahig. "Milliana!" At
ang sigaw na 'yun ni Mama ang pinakahuli kong narinig.

xxxxxx TBC~
####################################
Chapter Three: DOG
####################################

CHAPTER THREE: Dog

"Ate, Ate!"

"Uy Milliana, anak..."

Narinig ko ang pagsigaw at pagtawag nina Juni at Mama. Ramdam ko rin na may malamig
na kung ano sa noo ko, at may yumuyugyog sa isang braso ko.

Dahan-dahan, dumilat ako. Agad kong nasilayan sa tabi ko ang kapatid at nanay kong
titig na titig sa'kin.

"Uy Juni, paypayan mo ate mo!" Utos ni Mama kay Juni na agad-agad namang sumunod.
Gamit ang isang magazine, pinaypayan ako nito. At saka ko lang napansin, nakahiga
pala ako sa mahabang sofa namin.

Ano bang nangyari?

"Anak, ito tubig oh." Inabutan ako ni Mama ng isang baso ng tubig. Umupo ako at
ininom iyon. "Oh kamusta na pakiramdam mo? Bigla ka na lang hinimatay kanina eh."

Ah, oo nga pala. Kanina, biglang sumama ang pakiramdam ko at saka ako nawalan ng
malay.

Bigla ko ring naalala si Levi at ang naging pag-uusap namin kanina. Nakaramdam
tuloy ako ulit ng inis. Kasi naman. Ang tanga-tanga niya. Nakakabwisit. Kaya siguro
ako nahimatay. Pagod, puyat at gutom na nga ako dahil sa todong pag-aasikaso ko sa
mga project namin sa school, tapos pinainit niya pa ang ulo ko.

"Milliana," Nag-aalalang hinawakan ni Mama ang isang pisngi ko.

Napakurap ako. Hindi ko namalayan na natulala na pala ako--nang dahil sa


nakakairitang pusandi na 'yun.
"Ma, okay lang po ako." Nginitian ko si Mama. "Pahinga lang po ang katapat nito
kaya 'wag na po kayong mag-alala."

"Tama, tama, pahinga." Tumayo na siya. "Kaya tara, iaakyat na kita sa kuwarto mo at
nang makapagpahinga ka na. Dun na rin kita hahainan ng hapunan." Inalalayan niya
akong tumayo at binalingan ng tingin ang kapatid ko. "Ikaw naman Juni, ikaw ang
magbuhat ng bag ng ate mo."

"Pe--" Kokontra sana ang kapatid ko pero hindi siya pinatapos ni Mama.

"Sumunod ka kundi, susumbong kita sa papa mo!

Sumimangot ang kapatid ko bago sumunod kay Mama. Ako naman eh halos matawa lang sa
reaksyon niya.

Nung mga sumunod na araw, bumalik na sa pagiging peste sa buhay ko si Levi. Wala
eh, tumigil na kasi ako sa pag-iwas at pagtatago sa kanya.

Hindi na rin talaga naaalala ni Levi 'yung nangyari sa'min. Kahit nga 'yung MIMI na
hinahanap niya, tinigil na niyang hanapin. Ayun pa. Wala talagang tiyaga 'yun sa
mga bagay na hindi niya makuha o mahanap.

Bakit ba kasi ang tanga-tanga ng lalaking 'yun? Kung puwede nga lang, ipagsisigawan
ko na sa pagmumukha niya na ako ang babaeng hinahanap niya. Kaso ayoko. 'Wag na
lang. Okay na 'yung bumalik na kami sa dati--'yung normal na aso't pusa na walang
namamagitan na kahit ano.

Nakakainis pero pilit ko na 'yung hindi inisip. Masaya rin naman ako kasi naging
spoiled ako sa bahay--lalo na sa papa ko. Mula nang mabalitaan niya ang
pagkahimatay ko, lagi na niyang tinatanong kung anong ulam ang gusto ko para sa
hapunan namin. At kung anuman ang request ko, ayun ang ipapaluto niya kay Mama.

Si Mama naman, todo paalala na huwag ako masyadong magpapakapagod sa pag-aaral. Oo,
gusto nga raw nilang mag-aral ako nang mabuti, pero 'wag naman daw sana sa point na
pababayaan ko na ang sarili ko. Kaso hindi ko pa rin maiwasang magpuyat para lang
mag-aral eh lalo na't finals week na namin ngayon. 'Yung pakiramdam ko tuloy, hindi
pa rin nagiging okay. Lalo pa nga itong lumala.

"Uy Esconde! Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ng kaklase kong si Anna nung umupo
ako bigla sa gitna ng paglalakad namin palabas ng school campus.

Umiling ako. "Nahihilo ako, Anna..."

"Naku po!" Umupo siya sa tabi ko at inalalayan akong tumayo. "Tara umupo ka muna
doon sa may bench! Mainit dito eh!"

Pagkatayo niya sa'kin, patuloy niya kong inalalayan papunta sa kalapit na bench.
Pero bago niya ko maiupo roon, nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko--ang hilo
ko, nasabayan ng parang pagbaliktad ng sikmura ko. Para akong nasusuka kaya
napatakip ako ng bibig.

"Esconde? B-Bakit?" Tanong ni Anna na hindi ko masagot. Naglakad lang ako palayo sa
kanya. Pabilis nang pabilis ang lakad ko, hanggang sa makarating ako sa isang CR.
Pumasok ako roon at agad inilabas sa may lababo ang kung anumang hindi matanggap ng
tiyan ko. "Hala Esconde! A-Anong nangyayari sa'yo?!" Hinaplos ni Anna ang likuran
ko habang patuloy na dumuduwal sa lababo.
Halos manghina naman ako nung matapos ako. Pinapawisan pa ko. Pakiramdam ko lang,
may sakit akong nakamamatay.

"Uy ah, Esconde. 'Wag mo sabihing buntis ka."

Natigilan ako at nakaramdam ng kaba sa sinambit ni Anna. Ako? Buntis?

"Hindi naman kasi puwedeng mabuntis ang gaya mong walang jowa." Dagdag pa niya nang
medyo natatawa.

Pilit akong napangiti. "S-Siyempre hindi ako buntis. Dahil lang 'to sa kinain ko
kanina Tapos pagod at puyat pa ko sa pagre-review."

"Naman! Pasakit kasi masyado sa buhay 'tong course natin! Ay naku. Apat na taon pa
naman ang bubunuin natin dito! Ay naku talaga. Kaya pinagsisisihan ko nang nag-
accounting ako eh!"

Natawa ako--pilit ding tawa. Palakas nang palakas ang kabang nararamdaman ko eh,
kasabay ng pag-iisip ko kung posible nga ba akong mabuntis. Naalala ko ang nangyari
sa'min ni Levi--na unprotected!--at ang huling beses na nagkaroon ako. Nagbilang
ako ng araw, at nanlaki ang mga mata ko sa na-realize ko.

Oh my God... Sobrang delayed na pala ako!

Ilang araw, pinag-isipan ko ang kondisyon ko. Hindi ako mapakali. Mas lalong hindi
ako makatulog nang maayos sa gabi. Madalas akong magpaikot-ikot sa kama at minsan
pa ay gusto ko nang iumpog ang ulo ko sa pader. Hindi ko matanggap ang posibilidad
na nabuntis ako ng pusanding 'yun. Pero paano na kung hindi lang 'yun isang
posibilidad kundi parte na ng reyalidad?

"P-Positive..." Nanginginig ang kamay kong may hawak sa isang pregnancy test kit na
may dalawang pulang linya.

At ito na nga ang reyalidad. Isang umaga, pagkagising ko, nag-take na ko pregnancy
test at ito ang resultang nakuha ko. Positive.

Buntis ako. Nabuntis ako ng isang peste at bobong pusang malandi.

Tulala akong bumalik ng kuwarto ko. Nagtalukbong sa kama at umiyak.

Ano na? Hindi ko alam ang gagawin ko eh. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari
sa'kin. Malalagot ako panigurado kay Papa. Si Levi rin, malalagot sa tatay ko. Kaso
hindi nga pala matandaan ni Levi na may nangyari sa'min. Paano ko 'yun ipapaliwanag
sa kanya?

Milliana... Anong katangahan ang ginawa mo sa sarili mo?

Umiyak lang ako nang umiyak. Pero maya-maya, naisip ko na hindi ako dapat umiyak
lang. Dapat may gawin na ko para maging maayos 'to. At ang unang-unang dapat kong
gawin ay kausapin si Levi.

Pinatahan ko ang sarili ko at saka naghilamos. Kahit naka-pajama pa ko, bumaba na


ko ng bahay namin. Gustung-gusto ko nang makita at kausapin si Levi.

Pagkababa ko, naabutan ko sina Papa, Mama at Juni sa kainan.


"Ma, hindi ka pa ba aamin?" Malambing na pangungulit ni Papa kay Mama na nakatayo
sa tabi niya at hinahainan siya ng fried rice.

"Ha? Ano namang aaminin ko?" Takang-taka naman si Mama. Habang ako, nag-iisip kung
anong idadahilan ko kapag mas inuna kong lumabas ng bahay kaysa kumain ng almusal
kasama nila.

"Sus naman, Ma. 'Wag mo sabihing mamayang gabi mo pinaplanong umamin sa'kin?"

"Ang kulit mo Jack. Ano bang dapat kong aminin sa'yo? Wala naman ah?" Nagpamewang
na si Mama.

"Ngayon mo na aminin at 'wag ka nang umarte pa, Ma. Alam ko na eh. Magiging tatlo
na ang anak natin, diba?" Napangiti nang malapad si Papa.

Humawak ako sa tiyan ko. Ang gara lang. Sabay pa kaming nagbuntis ni Mama.

"Eh?!" Napa-sigaw si Juni. "Ibig sabihin, hindi na ako ang bunso?!"

"Sinasabi mo ba na buntis ako, Jack?" Nagtaas ng isang kilay si Mama.

"Oo." Niyakap ni Papa sa bewang si Mama.

"Mama, Papa! Ayoko nang magka-kapatid!" Reklamo ni Juni.

"Hay naku Juni! 'Wag ka maniwala sa sinasabi nitong tatay mo! At ikaw naman Jack,
kung anu-anong iniisip mo! Alam mo naman na nung nakaraang linggo lang ako
nagkaroon eh tapos ngayon, buntis ako?"

Sumimangot si Papa. "Eh anong ibig sabihin nitong ebidensya na nakita ko sa CR!"
May kinuhang kung ano si Papa mula sa bulsa niya at pinakita iyon kay Mama.
"Positive oh!"

Napanganga ako. 'Yung pregnancy test kit ko ang hawak ni Papa!

"Uy Jack!" Nanlaki ang mga mata ni Mama. "Hindi ako ang gumamit niyan!"

"Hindi ikaw?" Kumunot ang noo ni Papa. "Eh sinong gagamit nito sa'tin?"

"Aba hindi ko alam!" Nakakunot noo ring sagot ni Mama at sabay silang napatingin ni
Papa kay Juni. "Sa'yo ba 'to galing ah, Juni?"

"Naggi-girlfriend ka na pala, ha?" Halos naninindak na tanong ni Papa sa kapatid


ko.

"Po?! Hindi pa nga po ako sinasagot ng nililigawan ko eh!" Napatakip bigla ng bibig
si Juni. "H-Hindi po, Pa! Hindi pa po ako naggi-girlfriend! T'saka ano po ba 'yang
hawak niyo?"

Nagkatinginan sina Mama at Papa. Parehas nagtatanong ang mga tingin nila at mukhang
nagkaka-intindihan din sila kahit wala silang sambitin na salita. Pagkatapos ay
sabay silang napatingin sa direksyon ko. Parehas silang napakurap nang makita nila
ako rito sa hagdanan.

"Milliana?" Tawag ni Mama.

Napahawak ako sa hawakan nitong hagdanan. Halos maghabol hininga ako sa sobrang
kaba na nararamdaman ko.
"Sa'yo ba 'to, huh Milliana?" Mariin namang tanong ni Papa.

Natatakot ako sa boses ni Papa. Kaya kahit gusto ko sanang sumagot ay hindi ko
nagawa. Naiyak lang ako at saka tumakbo pabalik sa kuwarto ko.

Gaya kanina, nagtalukbong ako sa kama ko at umiyak. Pero dahil nakalimutan kong i-
lock ang pinto ko, nakapasok dito ang mga magulang ko.

"Milliana!" Sigaw ni Papa. Galit siya, ramdam ko 'yun sa boses niya. "Hindi mo
sinagot ang tanong ko kanina sa baba! Sa'yo ba ang pregnancy test na 'to, ha?!"

"Jack," Si Mama, mukhang pinapahinahon si Papa. "'Wag mo sigawan ang anak natin."

"Sinong nakabuntis sa'yo, Milliana?!" Pero ayaw huminahon ni Papa. Patuloy lang din
tuloy akong umiiyak habang nakatalukbong ng kumot. Sa takot at lito ko nga lang ay
hindi ko na nakontrol ang paghagulhol ko.

Talagang galit si Papa. Ang dami niyang sinabi tungkol sa edad ko at sa pag-aaral
ko. Seventeen pa lang daw ako at isang taon pa lang ang naaabot sa kolehiyo, tapos
ginanito ko ang sarili ko?

Guilty ako. Pero higit sa lahat, natatakot ako. Kaya hindi ko pa rin maharap si
Papa.

"Inuulit ko, Milliana." Hindi na sumisigaw si Papa, pero malakas at mariin pa rin
ang boses. "Sabihin mo na, sinong lalaki ang nakabuntis sa'yo?"

Pumikit ako at kinagat ang ibabang labi ko. Hindi ko masabi ang sagot. Hindi ko
kayang sabihin na si Levi ang lalaking 'yun dahil wala nga itong maalala sa
nangyari sa'min.

"A-Ako po!"

Napadilat ako at napahinto sa pag-iyak dahil sa iba pero napakapamilyar na boses na


narinig kong sumabat sa eksena.

"Ako po ang nakabuntis ang anak niyo, Tito Jack."

Inalis ko ang kumot na nakatalukbong sa'kin at tumingin sa pintuan ng kuwarto ko.

Si Levi... Nakatayo siya roon at seryosong nakatitig sa tatay ko.

Anong ibig sabihin nito?

xxxxxx TBC~
####################################
Chapter Four: CAT
####################################

CHAPTER FOUR: Cat

Bakasyon na. Wala nang pasok. Kapag ganito, normal na sa'kin ang magising nang
tanghaling-tapat. 'Yung tipong gigising lang ako kapag nakaramdam na ko ng gutom.
Kaso ngayon, maaga akong nagising eh. Pasado ala-sais pa lang, nagising na ko.
"Tsk."

Iritado kong hinilamos ang mga palad ko sa mukha ko habang nakahiga pa rin ako sa
kama. Nakakainis kasi. Naiinis ako sa sarili ko. Ilang araw na ang lumipas mula
nang mangyari 'iyon'. Isang buwan na nga rin ang lumipas eh. Pero ano ako? Ito,
nganga. Wala pa ring nagiging improvement sa relasyon namin ni Millie matapos ng
'nangyari' sa'min. Wala rin naman kasi akong magawa bukod sa magsinungaling at
umarteng hindi ko naaalala na siya ang babaeng nadale ko ng gabing iyon. Kasi naman
ang askal na 'yon! Layuan at pagtaguan ba raw ako matapos nun? Eh hindi ako sanay
na ginaganun niya ko!

"Ughhh!"

Nauwi ang mga palad ko sa pagsabunot sa buhok ko. Ang tanga ko rin kasi! Hindi
naman dapat magiging ganito ka-kumplikado ang sitwasyon namin ni Millie eh! Kung
hindi lang ako masyadong naka-inom ng gabing 'yun, edi sana nakontrol ko ang sarili
ko; edi sana nagawa ko nang maayos ang pinlano kong pagtatapat sa kanya; edi sana
nanliligaw na ko sa kanya ngayon!

Sa totoo lang, hindi ko alam kung papayag si Millie na magpaligaw sa'kin. Dati kasi
nung third year high school pa lang kami--mga dalawang taon na ang nakararaan--
nagtapat na ko sa kanya at naglakas loob akong nagtanong kung puwede ba akong
manligaw sa kanya. Pero takte, binasted niya agad ako! At mukhang lalayuan pa niya
ko pagkatapos nun! Ang ginawa ko tuloy nun eh nagsinungaling gaya ng ginawa ko
nitong huli, para lang sa hindi siya mailang sa'kin at para 'di niya ko layuan.
Sinabi ko na joke lang ang mga sinabi ko sa kanya--na nagpa-practice lang ako ng
mga sasabihin ko sa ibang babae na gusto ko talagang ligawan. At ayun, naniwala
naman ang askal kong 'yun sa palusot ko. Halos isumpa pa nga niya ko sa mga sinabi
ko.

Pero nitong huli, desidido na talaga akong magtapat at manligaw sa kanya. Mula kasi
nung mag-kolehiyo kami, napansin ko na maraming lalaki ang walang kahabas-habas na
nagpapapansin sa kanya. Wala pa namang nanliligaw, pero bilang kapwa nila lalaki,
nararamdaman ko ang intensyon nila kay Millie--intensyon na ayokong maisakatapuran
nila.

Umupo na ako sa higaan at bumuntung hininga. Kailangan ko nang makapag-isip ng


dapat gawin para linawin kay Millie ang mga nangyari. Kaso... hindi na ako makapag-
isip nang maayos. Nagugutom na ko. Dapat kumain muna ako.

Naghilamos na ako at saka nag-exercise--stretching at sit-ups lang naman gaya ng


lagi kong ginagawa pagkagising. Matapos nun ay nagsuot ako ng sweat pants at
lumabas ng bahay. Magjojogging ako paikot ng subdivision namin hanggang sa marating
ko ang convenience store sa labas. Dun na ko mag-aalmusal. Wala naman kasing
makakain sa'min. Mag-isa na lang akong nakatira sa bahay namin dahil nasa Amerika
na parehas ang mga magulang ko. Dapat nga doon na rin ako nakatira ngayon. Hindi
lang ako sumama sa nanay ko dahil kay Millie. Ayoko kayang mapalayo sa askal kong
'yun.

Pagkakain ko sa may convenience store, nagjogging ako pabalik sa bahay namin.


Napahinto nga lang ako sa tapat ng bahay nina Millie dahil parang naririnig ko ang
tatay niyang si Tito Jack na sumisigaw mula sa ikalawang palapag ng bahay nila.
Malabo ang bawat katagang sinisigaw niya pero alam ko, galit siya. Hindi naman siya
sisigaw nang ganito kung hindi siya galit eh. Ang tanong na lang eh, bakit kaya
siya galit? Nag-away ba sila ng asawa niya?

Tuluyan na akong inatake ng pagka-tsismoso ko. Nag-doorbell ako sa may gate nila at
nagbaka sakaling isa kina Millie o Jun-Jun ang sasagot sa'kin.
Nagbukas ang pinto ng bahay nila at si Jun-Jun, ang nakababatang kapatid ni Millie,
ang sumilip sa'kin.

"Uy Jun-Jun! Bakit nagwawala papa niyo ah?" Tanong ko agad sa kanya.

Napangiwi siya at tumakbo palapit sa'kin. Binuksan niya ang gate at hinatak ako
papasok sabay bulong, "Naku Kuya Levi! Galit na galit si Papa kay Ate!"

Napakurap ako. Naghalo ang pag-aalala at pagtataka sa utak ko. "Bakit? Ano bang
ginawa ni Millie?"

Tumingin sa labas ng gate si Jun-Jun na para bang sinisigurado niya na walang


kapitbahay na makakarinig sa susunod na mga sasabihin niya. Nang makasigurado siya
ay muli siyang bumulong, "Uhm, si Ate kasi... ano..."

"Ano nga?"

"Buntis si Ate..."

Namilog ang mga mata ko. Ang pagtataka't pag-aalala ko, nahaluan na ng kaba. Buntis
si Millie... At ako lang naman ang naka-ano sa kanya ah?

"Tinatanong nga siya ni Papa kung sinong nakabuntis sa kanya, pero ayaw naman
niyang sumagot... Kaya ayun, doble-doble tuloy ang ikinagagalit sa kanya ni
Papa..."

Saglit akong natulala, bago napatakbo papasok ng bahay nila.

"O-Oy, Kuya Levi! Saglit!" Pigil sa akin ni Jun-Jun na hindi ko pinansin. Tumuloy
lang ako sa pagtakbo papasok at paakyat sa kuwarto ni Millie kung saan naabutan ko
si Tito Jack na naglalabas pa rin ng sama ng loob sa kasalukuyang estado ng anak
niya. Nasa tabi naman niya si Tita Minda, ang asawa niya na pilit siyang
pinapahinahon. Habang si Millie, nakahiga at nakatalukbong sa kama. Pero kahit
nakatalukbong siya, alam ko sa galaw ng katawan niya na umiiyak siya.

"Inuulit ko, Milliana." Buti tumigil na sa pagsigaw si Tito Jack. Pero 'yung boses
niya, naninindak pa rin. "Sabihin mo na, sinong lalaki ang nakabuntis sa'yo?"

"A-Ako po!" Bigla kong naisagot dito sa may pintuan. Hindi ko na kasi kayang
manahimik pa gayong alam ko naman na ako ang nagdala kay Millie sa sitwasyong ito.

Napatingin sa akin ang mag-asawa. Si Tita Minda, gulat na gulat ang tingin. Si Tito
Jack, nakakunot-noo sa akin.

Takot ako kay Tito Jack--mas lalo na ngayong may napakalaking atraso ako sa kanya.
Pero mabilis kong nabalewala ang takot na iyon dahil mas nangibabaw sa akin ang
kagustuhan na panagutan si Millie at ang protektahan siya sa galit na binubuhos sa
kanya ng tatay niya.

"Ako po ang nakabuntis sa anak niyo, Tito Jack." Mas buo at mas malinaw na ngayon
ang boses ko kumpara kanina. Nagawa ko pang makipagtitigan kay Tito Jack.

"Ikaw?" Nagtitimpi at hindi makapaniwalang tanong nito.

Nahagip ng paningin ko si Millie mula sa likuran ng mag-asawa. Nakaupo na siya't


gulat na nakatingin sa akin. Ang mga mata niya, namumula, namamaga at luhaan. Sobra
tuloy akong nakonsensya. Gusto kong punasan ang mga luha niya at yakapin siya nang
mahigpit. Gusto kong ipaalam sa kanya na alam kong siya talaga ang babae nakasama
ko nung gabi ng Valentine's day, na naaalala ko talaga ang mga nangyari sa'min.
Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa sa labang ito.

"Ako nga po," Sagot ko kay Tito Jack. Huminga pa ko nang malalim bago nagpatuloy.
"'Yung nangyari po sa'min, hindi po namin 'yun inaasahan. At maging ito, ang
pagkabuntis niya, hindi namin 'to inaasahan. Pero mahal ko po ang anak niyo at
handa ko po siyang panagutan."

"Walang hiya kang hayop ka!" Nabigla ako sa mabilis na paglapit sa akin ni Tito
Jack--lalo na sa pagsapak niya sa mukha ko na siyang naging dahilan ng pagkakaupo
ko sa sahig.

"Jack!"

"Papa!"

Sabay napasigaw sina Tita Minda at Millie sa ginawa sa'kin ni Tito Jack.

"Mahal mo ang anak ko, ganon?! Kung mahal mo siya, 'di mo 'to dapat hinayaang
mangyari sa kanya!" Dinuro-duro niya ako habang ako napahilot lang sa kaliwang
pisngi ko. "Ngayon, paano na makakapagtapos pag-aaral ang anak ko ah?! Ang bata pa
niya pero ginawa mo na agad siyang isang ina! Hayop ka! Akala ko pa naman
mapapagkatiwalaan kang kaibigan ng anak ko!"

"Jack, ano ba. Tama na." Hinahatak na siya ni Tita Minda sa likod.

"P-Pa," Lumapit na rin sa amin si Millie at hinawakan sa kamay ang tatay niya para
awatin ito.

"H'wag mo kong hawakan!" Binawi ni Tito Jack ang sariling kamay mula sa
pagkakahawak ni Millie. "Mula ngayon wala na akong anak na suwail kagaya mo!
Magsama kayo ng hayop na 'yan! Ayaw na kitang makita!" At padabog itong lumabas ng
kuwarto.

"Jack!" Sigaw ni Tita Minda. Habang si Millie ay tila naging bato na sa


kinatatayuan niya. Napansin naman siya ng mama niya at hinawakan siya sa
magkabilang pisngi. "Uy Milliana anak, 'wag mo intindihin 'yung huling sinabi ng
tatay mo. Galit lang 'yun kaya ganun. Naiintindihan mo ba?"

Walang lakas na tumango at ngumiti si Millie. "Alam ko po... Sundan niyo na lang po
muna si Papa at pakalmahin..."

Sumunod si Tita Minda at iniwan kami ni Millie dito sa kuwarto.

"Oy, pusandi..." Nag-isniff siyang lumuhod sa harapan ko at malapitang tinignan ang


pisngi kong sinapak ng tatay niya. "Halika dun, gamutin ko 'to..."

"Kiss lang katapat nito, askal." Tukso ko sa kanya.

"Nagagawa mo pa ring maglandi sa oras na 'to huh?" Natatawa niyang sagot.

Natulala naman na ako sa kanya. Nakangiti kasi siya pero ang mga mata niya,
naluluha. Natatawa nga siya pero ang boses niya, sira.

Alam ko, gustung-gusto niyang umiyak ngayon. Alam ko, sobra-sobra niyang dinaramdam
ang naging reaksyon ng tatay niya. Sobrang close kasi sila ni Tito Jack tapos sa
isang iglap, tinakwil siya nito?

"Sorry, Millie..." Mahina kong salita sa kanya. "Sorry nilagay kita sa sitwasyong
'to..."

Napakagat-labi siya. 'Yung mga luha niya, hindi na niya napigilang bumagsak.

Parang natunaw naman ang puso ko na makita siyang umiiyak. Nasasaktan ako para sa
kanya.

Gamit ang isang kamay, niyakap ko ang ulo niya sa balikat ko. Niyakap niya rin ako
habang umiiyak.

"Sorry talaga, Millie. Pero 'wag ka mag-alala, 'di kita pababayaan. Magiging maayos
din ulit ang lahat. Pangako." Hinalikan ko siya sa sintido at hinayaan lang siya na
iiyak ang lahat ng sama ng loob niya sa balikat ko.

xxxxxx TBC~
####################################
Chapter Five: DOG
####################################

CHAPTER FIVE: Dog

Iyak.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako umiyak nang ganito katindi, 'yung tipong parang
mauubos na ang lahat ng likido sa katawan ko kakaiyak.

Kasi naman, ang sakit lang ng mga salitang binitiwan sa'kin ni Papa. Eh hindi ko
naman sinasadya itong nangyari sa akin ah?

Gusto ko sanang ipaglaban ang sitwasyon ko kay Papa. Pero kahit saang anggulo
tignan, ako pa rin ang may mali eh. Gusto ko rin sanang mag-sorry sa kanya, pero
hindi ko naman alam kung paano. Galit na galit na siya sa'kin eh, at ang sakit
lang. 'Yung tatay ko na prinsesa ako kung ituring dati, tinakwil na ko ngayon.

"Tahan na, askal..."

Tsk. Bwisit na pusandi 'to. Askal pa rin ako kung tawagin sa kabila ng pagbe-
breakdown ko dito.

Pero ah, nagpapasalamat ako't dinadamayan niya ko ngayon. Sa ilang minuto ko nang
pag-iyak dito sa sahig, ito, yakap niya pa rin ako't patuloy na inaalo.

Sa totoo lang, naguguluhan ako sa kanya. Bigla-bigla na lang kasi siyang sumulpot
dito at agad-agad na inako ang pagbubuntis ko. Eh ano bang ibig bang sabihin nun?
Naalala na ba niya na ako talaga ang babaeng kasama niya nung Valentine's night? O
nagpapaka-good Samaritan lang siya? Ganun kasi si Levi eh. Pusang malandi at
siraulo nga siya, pero may tinatago rin naman siyang katinuan at kabaitan.

"Askal naman eh," Hinawakan niya ang isang pisngi ko't yumuko siya para tignan ang
mukha ko. "Basang-basang na mukha mo oh. Wala pa naman akong panyong dala."

Humikbi lang ako. Tumingin-tingin naman siya sa paligid, hanggang sa may tinuro
siya sa may pintuan.

"Ah, ayun na lang ipamumunas ko sa'yo. Basahan."


"G-Gago ka!" Humiwalay ako sa kanya at binira siya sa braso.

"Joke lang!" Ngiting-ngiti niyang sabi sabay hawak sa magkabilang pisngi ko. At
gamit ang parehong palad at hintuturo niya, pinunasan niya ang luhaang mukha ko.
"Tahan na kasi."

Sa muli niyang pagsabi na tumahan na ako, naluha ako ulit. Paano ba naman kasi ako
makakatahan sa sitwasyong kinakaharap ko ngayon?

"Tahan na, Millie. Please." Naging malambing na ang boses niya. "Baka makasama 'yan
sa magiging baby natin eh."

Baby natin--bigla akong nawalan ng ganang umiyak ng banggatin ni Levi ang mga
salitang iyon.

Oo nga pala, may bata akong dinadala ngayon sa sinapupunan ko. May ibang buhay na
sa loob ng katawan ko. Kung anumang maramdaman ko, hindi na ko nag-iisang
makakaramdam nun. Mararamdaman na rin iyon ng... ng baby ko--ng baby namin ni Levi.

Pinupunasan pa rin ni Levi ang mukha ko nang bumalik na dito sa kuwarto ko si Mama.
Mukha siyang problemado.

Tumayo naman na si Levi pagkarating ni Mama. Inalalayan din niya akong tumayo, at
hindi na niya binitawan ang kamay ko pagkatapos.

Narinig ko ang napakalalim na pagbuntung hininga ni Mama bago siya sumandal sa


study table ko at sinabihan kami na maupo rin.

Umupo nga kami ni Levi sa kama ko. Magkatabi kami at hawak pa rin niya ang kamay
ko.

"Talagang galit na galit ang papa mo, Milliana. Hindi ko siya makumbinsi na..."
Sobrang nag-aalangan si Mama sa mga susunod na sasabihan niya. Napabuntung hininga
na lang ulit siya at napa-iling bago nagpatuloy. "Hindi talaga matanggap ng papa mo
ang nangyari sa'yo..."

Nanikip ang dibdib ko't may namuo na namang luha sa mga mata ko. Maiiyak na sana
ako, kung hindi ko lang naramdaman ang paghigpit ng hawak ni Levi sa kamay ko.

"Tita, pasensya na po talaga..." Salita ni Levi. Malungkot naman siyang tinitigan


ni Mama.

"'Yung totoo... Gusto ko rin sanang magalit sa... sa sitwasyon niyo ngayon..."
Naiiyak si Mama. Pero dinaan na lang niya sa paghinga nang malalim ang pagpigil sa
mga luha niya. "Kaso wala namang magandang mangyayari kung sasabayan ko ang galit
at pagkadismaya ni Jack. Hindi naman nun mababago o mapapabuti ang sitwasyon niyo.
Kaya ngayon, puwede bang pag-usapan na lang natin kung ano nang mga plano niyo?"

Tumingin sa'kin si Levi. Napatingin din ako sa kanya. Diretso, seryoso, pero may
pag-aalalang mga tingin niya sa akin.

"Mas mabuti po siguro kung kukunin ko po muna si Millie sa inyo," Suhestiyon ni


Levi sabay balik ng tingin kay Mama na mukhang nagulat sa sinabi niya. "Galit na
galit po si Tito Jack sa kanya. Magiging mahirap po sa kanya ang manatili rito kung
ganun ang estado nila. Baka maapektuhan po ang pagbubuntis niya."

Hindi makasagot si Mama. Para bang hati siya sa pagsang-ayon at pagkontra.

"Wala naman po kayong dapat ipag-alala, Tita. Apat na bahay lang naman po ang layo
ng bahay namin mula sa inyo eh, 'di ba?" Sa sinabing iyon ni Levi, parang gusto ko
siyang tuktukan bigla. "T'saka... May balak naman po ako na pakasalan ang anak
niyo."

Nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi ni Levi. A-Ako... balak niyang pakasalan?

Kung anu-ano nang naramdaman ko. Nakakatuwa kasi pangarap ko namang maikasal.
Pero... hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi sa ganitong paraan.

"A-Ayoko, Levi. Ayoko pang magpakasal." Bigla kong kontra. Parehas sila ni Mama na
gulat na napatingin sa'kin.

"Pero Milliana? Bakit?" Naguguluhang tanong ni Mama. "Dapat ka lang niyang


panagutan."

"O-Oo nga po. Pero pupuwede pa naman po niya akong panagutan kahit hindi pa muna
kami ikasal, 'di ba?"

Napayuko si Levi at kamot ng ulo.

Ako naman ang naghigpit ng hawak sa kamay niya. "Magpapakasal pa rin naman po ako
sa kanya, pero hindi ngayon..."

Hindi pa ngayon. May hinihintay pa ko. Gusto ko pa munang malaman kung mahal ba
talaga ako ni Levi. At saka... May gusto pa sana akong mangyari at ma-experience
bago maikasal sa kanya--bagay na hindi ko lang alam kung mangyayari pa nga ba dahil
bobo ang pusandi na 'to para maisipang gawin 'yun...

"Hay Milianna," Hinilamos ni Mama ang mga palad niya sa mukha niya.

"Naiintindihan ko," Si Levi, tumingin na ulit sa'kin nang seryoso at diretso. Pero
hindi naman siya mukhang galit o naiinis. "Kung hindi ka pa handang magpakasal,
hindi kita pipilitin. Basta hayaan mo ko na alagaan ka at ang baby natin."

Napangiti ako--for the first time today. Napangiti rin sa'kin si Levi. At ang weird
nito sa pakiramdam, lalo na't magkahawak ang mga kamay namin. Parang may
nararamdaman din akong weird sa tiyan ko, na siguro ay 'yung baby namin?

Siguro nga, baby namin 'yun. Siguro pinapa-realize lang sa akin ng baby namin na
bukod sa kamay namin ni Levi na magkahawak, eh siya rin ang kumukonekta sa aming
dalawa.

Si Mama, sumang-ayon na lang din sa napagkasunduan namin ni Levi. Wala naman na raw
siyang magagawa eh, bukod sa suportahan na lang kami sa mga magiging desisyon
namin.

"Oh, tara na." Tumayo si Levi at nag-inat nung muli kaming iwan ni Mama. Kakausapin
lang daw nito ulit si Papa. "Tara na't mag-empake na tayo ng mga damit mo. Dali,
nang maiuwi na kita sa bahay namin--na magiging bahay na natin." Sabay ngiti nang
nakakaloko.

Natulala at medyo napanganga naman ako sa kanya. Dun nga pala muna ko mag-istay sa
kanila!

Na-eexcite ako na kinakabahan. Kami na aso at pusa, magsasama sa iisang bahay--at


nang kaming dalawa lang! Kamusta naman kaya 'yun?!
xxxxxx TBC~
####################################
Chapter Six: DOG
####################################

CHAPTER SIX: Dog

"Welcome sa bahay namin, askal!" Bati ni Levi nung makapasok na kami sa bahay nila.

Gusto ko sana siyang barahin, pero wala akong lakas para gawin 'yun. Ang nagawa ko
lang ay nanlalatang dumiretso ng upo sa may mahabang sofa nila.

"Uy askal," nilapag ni Levi sa sahig ang malaking bagpack ko na puro damit, at saka
siya nag-squat sa tapat ko. "Anong gusto mong almusal? Dali, kahit ano, bibilhin ko
para sa'yo."

Napatitig ako sa kanya. Oo nga pala 'no, hindi pa ako nag-aalmusal. Kanina bago
kami umalis sa'min, niyaya ako ni Mama na kumain muna pero tumanggi ako at sinabing
dito na lang ako kakain.

"Wala..." Mahina kong sagot kay Levi. Wala naman kasi akong ganang kumain.

Ngumiti siya nang nakakaloko. "Weh? Siguro, AKO ang gusto mong almusalin 'no?"

"Magtigil ka nga sa kalandian mo." Binato ko siya ng throw pillow na nahatak ko sa


tabi ko. Saktong sa mukha niya 'yun tumama.

"Tss," Binato niya rin 'yun pabalik sa tabi ko. "Umamin ka na lang, askal. Buong
puso ko namang ibibigay ulit sa'yo 'tong katawan ko eh."

Natulala na ko sa kanya. Naalala ko kasi 'yung nangyari sa'min, pati 'yung pagsabi
niya noon na Mimi raw ang pangalan ng babaeng nakasama niya, at 'yung bigla na lang
niyang pag-ako kanina sa pagbubuntis ko. Naguguluhan na ako sa kanya.

"Levi, 'yung totoo," Bigla kong salita. sa medyo nag-aalangan na tono. "Uhm,
simula't sapul ba, alam mo na ako talaga 'yung... 'yung ano... 'yung babaeng
nakasama mo nung Valentine's night?"

"Oo naman." Mabilis niyang sagot. "Hindi naman ako lasing nun eh. Naka-inom lang
ako, tapos umarteng lasing para maka-tsansing sa'yo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Teka! Pero 'di ibig sabihin nun na pinlano ko 'yung nangyari sa'tin ah!" Depensa
niya agad. "Nakaw na yakap lang gusto ko nun! T'saka ano," napakamot siya ng batok.

"T-T'saka ano?" Natensyonado ako. Hindi agad-agad maabsorb ng sistema ko ang


pinagsasabi ng pusandi na 'to.

Oo, alam ko ngang malandi siya. Hindi na iba kung mang-tsansing siya sa kung
sinumang babae. Pero ang gawin niya 'yun sa'kin? Parang napakalabo! Kasi naman,
never siya nagparamdam na type niya ko. Type asarin, puwede pa. Pero 'yung type
tsansingan? Napakalabo talaga!
"Ano kasi, Millie," seryoso siyang tumingin nang diretso sa mga mata ko. Nagsimula
naman ang puso ko sa sobrang pagkabog. Lalo akong na-tensed sa hindi ko malamang
dahilan. "A--"

Naputol ang pagsasalita niya dahil may cellphone na biglang nag-ring, which is
cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa bulsa ng jogging pants niya, at ngumiti
nang mabasa niya kung sino 'yung tumatawag.

"Oh Ma!" Tuwang-tuwa niyang sagot dun sa tawag sabay salampak ng upo sa tabi ko. Si
Tita Tess pala 'yun eh, 'yung mama niya. "Napatawag po kayo? Mmm, oo naman po. Ayos
lang ako, at guwapo pa rin as usual." Sabay hilot sa baba niya.

Eh kung sapakin ko kaya siya? Ang yabang eh.

"Ay Ma, may balita nga po pala ako sa inyo!" Bigla siyang tumingin nang nakangiti
sa'kin. "Magkaka-apo na po kayo!"

Bumalik ang malakas na pagkabog ng puso ko at ang pagka-tensyonado ng buong katawan


ko. Narinig ko pa na napasigaw ng 'Ano?!' si Tita Tess sa linya.

Natawa naman si Levi na para bang ma-amused pa siya sa reaksyon ng mama niya. "Huh?
Magkaka-apo na po kayo kasi malamang, magkaka-anak na ko!" Patuloy namang sumisigaw
ang mama niya sa linya habang siya, natatawa pa rin. "Ano ba namang tanong 'yan,
Ma! Magkakaanak na ko kasi malamang nakabuntis ako! Naman oh! Para namang hindi
kayo nabuntis ni Papa!"

Nakanganga at nakakunot-noo na ako rito sa kinauupuan ko. Parang gusto kong sakalin
ngayon si Levi. Ganyan ba kasi ang tamang paraan ng pag-amin sa magulang mo na
magkakaanak ka na?

Tumigil naman na sa pagsigaw sa linya si Tita Tess. Mukhang kumalma na ito. Tumigil
na rin si Levi sa pagtawa.

"'Wag na po kayong mag-alala, Ma." Nakangiti na lang si Levi. "Si Millie po ang
nabuntis ko."

Napakagat-labi ako. Nakaramdam ako bigla ng kaba ng sabihin niya 'yun sa nanay
niya.

Pero nagulat din ako, nang bigla at muling sumigaw sa linya si Tita Tess. Sa lakas
ng sigaw nito ay nailayo ni Levi ang cellphone niya mula sa tenga niya.

"S-Si Milliana ba kamo?! Ang anak nina Jack?!" Sigaw ni Tita Tess. "Hay ano ka ba
naman Levi! Sawa ka na ba sa buhay mo?! Bakit si Milliana pa?! Ay jusko namang bata
ka--"

Tinakpan ni Levi ang cellphone niya at saka tumingin sa'kin. "Ah, bibilhan nga pala
kita ng pagkain 'no?"

Hindi ako makasagot. Masyado akong nagulat sa naging reaksyon ng nanay niya.

"Labas na muna ko. Sa daan ko na kakausapin 'tong nanay ko. Ikaw, dito ka lang ah?
Promise babalik ako agad." Dire-diretso niyang paalam--sabay lapit sa'kin at halik
sa pisngi ko! At saka siya nagmamadaling tumayo at umalis.

Habang ako, naiwang nakanganga rito at hawak ang pisngi kong hinalikan niya.

*
Halos thirty minutes din ang itinagal ni Levi sa labas. Pagkabalik niya, may club
sandwich siyang dala na sa convenience store pa niya binili. Ayun daw ang binili
niya kasi mukha raw 'yung healthy. May gulay kasi eh. Bumili nga rin siya ng fresh
milk para sa'kin.

Wala talaga akong ganang kumain. Sa mga nangyari ba naman sa'kin mula nung gumising
ako, sinong gaganahang kumain nun?

Pero ayoko namang masayang ang binili ni Levi. Kaya paunti-unti, kinain ko 'yung
sandwich.

Nandito kami ngayon sa kainan nila at magkatapat kaming nakapuwesto sa lamesa.


Habang kumakain ako, tulala naman si Levi sa upuan niya. Hindi naman siya mukhang
problemado--mukha lang sing may malalim na iniisip.

Gusto ko sanang magtanong kay Levi. In fact, napakarami kong gustong itanong sa
kanya. Gaya ng, kung ano bang iniisip niya ngayon; kung ano bang napag-usapan nila
ng mama niya kanina; at kung totoo ba ang sinabi niya kanina sa mga magulang ko na
mahal niya raw ako kaya pananagutan niya ko.

Pero pinigilan ko ang sarili ko na magtanong. Nakakahiya kaya 'yung huli sa mga
gusto kong itanong sa kanya!

Aish. Ayoko nang magtanong. Tutal naman, nag-eenjoy pa ko na titigan lang siya nang
ganyan. Aba, bihira lang kaya mag-isip nang ganyan kalalim ang pusandi na 'yan 'no.
Mag-isip pa nga lang, bihira na eh.

Uhm t'saka... nakaka-enjoy lang talaga siya panoorin ngayon. Nakaka-enjoy panoorin
'yung pagkatulala ng mga mata niya, 'yung maya't mayang pagsara at pagbuka ng bibig
niya. Nakakatuwa ring titigan ang matalos niyang ilong at ang medyo wavy niyang
buhok.

Tsk. Biglang nangati ang mga kamay ko. Gusto kong hawakan ang mukha niya,
panggigilan ang mga pisngi niya, at titigan siya nang malapitan.

Uh-oh, bigla siyang lumingon sa'kin! Mukha pa siyang nagulat. "Bakit Millie?"

Bumuka ang bibig ko pero wala naman akong maisagot. Eh ano nga ba kasing dapat kong
isagot?

"Ahh, alam ko na," ngumiti siya nang super nakakaloko. Tsktsk. Pusandi mode alert.
"Pinagnanasahan mo ko, askal. Sabi na nga ba eh, ako talaga ang gusto mong
almusalin."

Napangisi ako. "Kapal mo. Paulit-ulit ka na ah. Baka ikaw diyan ang may gusto akong
almusalin."

"Ha! 'Di lang kamo almusalin! Gusto rin kitang i-tanghalian, meryandahin, i-
hapunan, at mas lalo nang i-midnight snack!"

Napanganga ako at ramdam ko ang pagkunot at pag-init ng buong pagmumukha ko. "A-Ang
bastos mo ah, Levi!"

"Anong bastos dun? Eh sa ganun kita kamahal eh!"

Nawala ang pagkunot ng mukha ko. Pero nanatili pa rin akong nakanganga at ramdam ko
pa rin ang init sa mga pisngi ko.

Ito na naman kami sa 'mahal-pagmamahal' issue eh...


"T'saka isa lang naman ang ibig sabihin nun eh, Millie." Dagdag pa ni Levi sa
seryoso nang tono. "Ibig sabihin nun, hindi ako magsasawa sa'yo."

Dahan-dahan kong ibinaba sa mesa ang kinakain ko. Mabilis at malakas ang tibok ng
puso ko ngayon, dahil sa tuwa mula sa mga salitang narinig ko.

"Hinding-hindi ako magsasawa sa'yo, kahit araw-arawin pa natin 'yun." Sabay ngiti
ulit nang nakakaloko!

Kumunot din ulit ang buong mukha ko at 'yung tuwa, napalitan nang inis. Nakakainis
na ang pagka-malandi niya! Sobra-sobra na!

Napapikit ako. Sa inis ko kasi eh sumasakit na ang ulo ko. Parang umiikot ang
paligid ko.

"Uy Millie, joke lang." Bawi naman niya agad.

Huminga lang ako nang malalim at saka dumilat. Pero 'yung pagkahilo ko, hindi na
nawala. Tuluyan ko nang nabitawan sa mesa ang kinakain ko para hilutin ang ulo ko.

"Millie?" Rinig ko ang pagtayo ni Levi. Lumapit din siya agad sa'kin at hinagod ang
ulo ko.

"Nahihilo ako..."

"N-Nahihilo?" Obvious sa tono niya ang pagka-panic, pero pinilit niyang maging
kalmado. "A-Ah, ayan yata 'yung sinabi kanina ni Mama na ano eh--ano ba 'yun? Ah,
morning sickness?"

Huminga ulit ako nang malalim at saka uminom nang kaunting gatas bago ako tumayo.
"Matutulog na muna ko..."

Naglakad na ako papuntang sala, nang bigla namang hinawakan ni Levi ang kamay ko at
hinatak pabalik sa harapan niya. "Oh, 'wag mo sabihing sa sala ka matutulog?"

"Siyempre sa sala. Alangan namang sa kuwarto mo." Inis kong sagot. Nakakainis dahil
gustung-gusto ko nang humiga, pumikit, at matulog, tapos ganito pa siya,
pinipigilan ako.

"At bakit hindi sa kuwarto ko?"

Ugh. Hindi ko na alam kung gaano na kalukot ang pagmumukha ko ngayon sa inis. Gusto
ko na talagang matulog!

"Millie, mula ngayong dito ka na nakatira sa teritoryo ko, dun ka na rin sa kuwarto
ko matutulog."

And next thing I knew?

Buhat-buhat na niya ko patagilid at paakyat sa kuwarto niya!

Sa sama ng pakiramdam ko eh hindi na ko nakasigaw. At dahil hindi ako sanay na


binubuhat nang ganito, nakaramdam ako ng takot. Paakyat pa naman kami ng hagdanan!
Todo-todo tuloy ako kung makakapit sa balikat niya.

Pagkapuwesto niya sa'kin sa higaan, tumabi siya sa'kin at niyakap pa ko! Bahagya
tuloy nawala ang pagkahilo ko!
Si Levi, naghahabol hininga pala siya? Malamang nabigatan din siya sa'kin... Pero
teka!

"O-Oy Levi!" Sigaw ko. "A-Ayokong matulog dito!"

"Ganun? Mas gusto mo pang matulog sa sofa?" Naguguluhan niya akong niyukuan.
Nailang naman ako. Sa puwesto ba naman namin ngayon. Tsk. Itong pusandi talaga na
'to.

"O-Oo! Mas gusto kong matulog dun kaysa matulog dito nang k-katabi ka!"

"Ano naman ba kung makatabi mo kong matulog ah? Tulog lang naman. Tulog at
paminsan-minsan, --"

"Levi, 'di pa tayo kasal!" Bigla kong nasabi. "O-Oo nga, nagawa na natin 'yun, pero
hindi ibig sabihin eh puwede na natin gawin 'yang mga iniisip mo!"

Pasimple siyang huminga nang malalim. "Pero ayaw mo namang magpakasal..."

Natameme ako. Medyo nakaramdam ako ng pagka-guilty kasi nasa tono ni Levi ang sakit
sa pagtanggi ko sa pagpapakasal sa kanya.

"Millie, alam ko, malandi at babaero ako sa paningin mo. Malamang, iniisip mo,
gusto lang kita pakasalan kasi nabuntis lang kita. Pero hindi 'yun ganun eh."

Bigla akong nahirapang huminga. Ang tingin niya kasi sa'kin ngayon, 'yung hawak
niya sa bewang ko--nakaka-tensyonado.

"Mahal kita, Millie."

Napahawak ako nang mahigpit sa tshirt niya. Ang mga salitang 'yun... ang sarap
pakinggan.

"'Di ba, mahal mo rin naman ako? Sinabi mo 'yun, habang nag-aano tayo. Kala mo 'di
ko narinig 'yun 'no?" Naging mapang-asar ang tono niya.

Bigla ko tuloy siyang binira sa balikat. "E-Ewan!"

Natawa siya. "Eh pero 'yung seryoso!" Nilapit niya ang katawan ko sa katawan niya.
"Mahal na mahal talaga kita Millie. Hindi lang ako makaamin at makapanligaw sa'yo
noon kasi kung hindi mo ko aangilan, iiwasan mo naman ako. Idagdag mo pa dun ang
nakakatakot mong tatay na nakabantay sa'yo."

"Wow." Napataas ako ng isang kilay. "Natakot kang umamin at manligaw sa'kin pero
binuntis mo naman ako agad-agad."

"Hindi ko lang napigilan ang sarili ko nun! Tsk. Ikaw naman kasi. Kaadik halikan.
Kung saan-saan na tuloy napunta halik ko."

Binira ko ulit siya sa balikat.

"Aray naman. Tsk. Ano na ba kasi Millie. Mahal mo rin ba ako?"

Nakasimangot ako pero alam ko, namumula ang mukha ko ngayon. Ay naman oh. "Oo na,
mahal din kita. Oh, masaya ka na?"

Nakangiti siya. "Masaya. Pero mas masaya kung magiging Mrs. Sy ka na."

Hindi na naman ako makasagot. Basta talaga may kinalaman sa kasal, nagkakaganito
ako.

"Magpakasal na tayo, Millie..." Hinalikan niya pa ang isang kamay ko.

Ano na ba? Alam ko, dapat umoo na ko. Kasi ito na oh? Bukod sa magkakaanak na kami
eh mahal din namin ang isa't isa. Kaso... ayoko pa talagang magpakasal. May kulang
eh. May gusto pa talaga akong mangyari.

"Sorry Levi, pero ayoko pang magpakasal..." Nanghihina kong binawi ang kamay ko.
Mukha naman siyang nasaktan sa ginawa't sinabi ko. "Sinabi ko naman kanina, 'di ba?
Magpapakasal ako sa'yo, pero... hindi ngayon. 'Wag muna ngayon. Please?" Hinawakan
ko na lang ang mukha niya.

Pumikit siya at nagbuntung hininga. "Okay, okay, sige... Hindi na muna ngayon..."
Pagkadilat niya, ngumiti na siya. "Hihintayin ko ang oras na handa ka nang
magpakasal sa'kin..."

Napangiti na rin ako.

"Ah, magpahinga ka na nga." Inayos niya ang ulo ko sa dibdib niya. Hindi naman na
ko umangal. Hinayaan ko pa siyang haplusin ang buhok ko, hanggang sa makatulog ako
sa kabila ng alanganing oras.

xxxxxx TBC~
####################################
Chapter Seven: CAT
####################################

CHAPTER SEVEN: Cat

Sabihin niyo nga, ganun ba ang mga buntis? Magulo at paiba-iba ng isip?

Nung umaga kasi kahapon, hinayaan ako ni Millie na tabihan siyang matulog sa kama
ko. Pero nung gabi na, aba, ayaw na raw niya akong makatabi matulog! Nagpaawa epek
na nga ako at nangakong matutulog lang sa tabi niya pero wala, pinagtabuyan niya pa
rin ako.

Ito tuloy ako ngayon, sa sofa sa sala natulog. Hindi nga ako nakatulog nang maayos
dahil hindi ako sanay nang hindi sa kama ako natutulog.

Pero ayos lang. Kaysa naman ang askal kong 'yun ang mahirapang matulog dito.

Wala pang ala-sais, gising na ko. Naka-upo lang ako rito sa sofa at nagmumuni-muni.
Inaalala at tinatanim ko sa utak ko ang lahat ng bilin ni Mama sa'kin kahapon.
Lagot daw ako sa kanila ni Papa kapag may mangyari na masama kay Millie, at lalong-
lalo na sa apo nila.

Tss. Ako pa? Hindi ko magagawang pabayaan ang mag-ina ko 'no!

Tumayo na ko. As usual, nag-stretching at sit-ups muna ako, bago ako umakyat para
maghilamos.

Dahil lahat ng gamit ko eh nasa kuwarto ko, kinailangan kong pumunta ron para
kumuha ng pamalit na damit. Kumatok ako sa pinto, at hindi sumagot si Millie.
Malamang tulog pa. Kaya pumasok na ko.

Pero kahit na sumagot si Millie at sinabing 'wag na muna akong pumasok, papasok pa
rin ako. Wala akong pake kung nagbibihis siya--na mas maganda nga sana kung ganun.
Alam kong mabubugbog niya ko kung ganun ang mangyari, pero at least, busog ang mga
mata ko.

Naabutan ko si Millie na tulog at nakakumot sa kama ko. Ayokong maistorbo tulog


niya kaya tahimik kong kinuha ang tuwalya ko at pati mga damit pamalit.

Agad-agad din naman sana akong lalabas. Kaso nung nasa pintuan na ako, muli akong
napatingin kay Millie. Mahimbing pa rin naman ang tulog niya. At...

Tsk. Para siyang may magnet. Imbis na lumabas na ko eh nilapitan ko siya. Umupo ako
sa likuran niya at malapitan siyang tinitigan. At sa pagtitig ko sa kanya,
napangiti ako.

Ganda ng askal ko oh?

Tinitigan ko pa siya, hanggang sa hindi na ko nakapagpigil. Binitawan ko ang


tuwalya't damit ko sa gilid nitong kama. Pagkatapos ay humiga ako sa likuran ni
Millie at niyakap ko siya.

Alam ko, ayaw ni Millie na tabihan ko siya. Pero tulog naman siya eh! T'saka buntis
siya. Sabi naman ni Mama, antukin ang mga buntis at madalas, late na nagigising. So
ibig sabihin, hindi pa magigising si Millie.

Lumapad ang ngiti ko, at hinalikan ang buhok niya. Limang minuto lang naman eh.
Limang minuto ko lang siya tatabihan at yayakapin nang ganito kaya okay lang 'yan.
Hindi ako malalagot.

Nakatitig ako sa digital clock na nasa bedside table. Hinihintay ko na matapos ang
limang minuto na pinataw ko sa sarili.

Dalawang minuto na ang lumipas.

Tatlo...

Apat...

At kung kailan 'yung panglimang minuto na ang hinihintay ko, dun pa hinatak ng
antok ang mga mata ko. Hindi ko na napigilang pumikit, at makatulog.

"L-Levi?!"

Napadilat ako sa pagsigaw ni Millie. "Mm, bakit?" Antok kong tanong. At saka ko
lang napansin na nakaupo na siya at galit na nakatingin sa'kin.

"Bakit ka nandyan?! Nakakainis ka!" Sabay bira sa braso ko.

"Aray..." Antok ulit kong salita sabay pikit. Inaantok pa talaga ako eh. Hindi nga
kasi ako nakatulog nang maayos kanina sa sofa.

"Tsk!" Ramdam kong umalis na rito sa kama si Millie. Dun ako natauhan. Nawala ang
antok ko at napabangon bigla-bigla.

"Millie! San ka pupunta?"


Hindi niya ko sinagot. At pinagbagsakan pa ko ng pinto!

Mabilis akong tumayo't hinabol siya. "Millie!"

"Ano ba?!" Galit niya kong nilingunan. Ewan ko naman at parang nakaramdam ako ng
takot. "Kung makatawag at makahabol ka, parang maglalayas ako ah! Magsi-CR lang
ako!"

Biglang nawala ang takot ko. "Ahh. Okay." Kalmado na at natatawa kong sagot.
Lumapit pa ako sa CR at pinagbuksan siya ng pinto. "Oh, CR ka na."

Lumapit na rin siya--at tinapik bigla ang kamay ko palayo sa doorknob. "'Wag mo
nga hawakan 'yan!" Sita niya bago pumasok ng CR. Pinagbagsakan niya pa ako ulit ng
pinto!

Eh ano bang meron dun sa doorknob? Bakit ayaw niyang ipahawak 'yun sa'kin?

Hinintay ko siyang makalabas ng CR. Naiihi na rin kasi ako.

Habang naghihintay, napaisip ako--sa relasyon namin ni Millie. Mahal ko siya, mahal
niya rin naman ako, at magkakaanak na kami. Pero bakit ayaw niya pang magpakasal
sa'kin?

Oo, tinanggap ko naman 'yung sinabi niya na magpapakasal din siya sa'kin, hindi nga
lang ngayon. Pero hindi ko pa ring maiwasang isipin minsan kung bakit ayaw niya pa.

Nakaka-frustrate. Pinaliwanag ko naman na kasi sa kanya na sa kabila ng


pagkababaero ko eh siya lang ang mahal ko. Pero ganun pa rin ang naging desisyon
niya. Ayaw niya pa ring magpakasal sa'kin.

Napabuntung-hininga ako. Siguro, kailangan ko lang na iparamdam sa kanya na mahal


ko talaga siya. Siguro, naaapektuhan lang din ng pagbubuntis niya ang pag-iisip
niya.

Tama. Malamang, ganun lang 'yun. At dapat lang na paghirapan kong makuha ang gusto
ko para masabi ko na worthy ako--worthy na maging asawa niya at ama ng magiging
anak namin.

Maya-maya, sinimulan na akong kabahan. Magsa-sampung minuto na kasi si Millie sa


CR.

"Uhm, Millie? Okay ka lang diyan?" Kumatok ako sa pinto ng CR, at saktong lumabas
na si Millie. Para siyang lantang gulay. "U-Uy, Millie?" Napahawak ako sa
magkabilang pisngi niya. Namumutla siya.

"Okay lang ako. Nagsuka lang ako." Nanghihina at naiinis niyang sagot. "Tsk.
Matutulog na lang muna ako ulit."

Inalalayan ko siya pabalik sa kuwarto ko. At pagkahiga niya, inis niya kong
sinabihan na 'wag na 'wag ulit akong tatabi sa kanya.

Gusto ko sana siyang sagutin ng asar, pero 'di ko na ginawa. Galit na nga siya
sa'kin eh, tapos palalalain ko pa?

Pagkahilamos ko, lumabas na lang ako para bilhan ng almusal si Millie. Kalalabas ko
lang ng gate, nang makasalubong ko si Tita Minda. May dala siyang mga prutas at
almusal na rin para sa'min.
Gusto rin sanang kausapin ni Tita Minda ang anak niya para kamustahin ito, pero
hindi na niya 'yun tinuloy nung sabihin kong natulog ulit si Millie matapos nitong
magsuka.

"Naalala ko tuloy nung pinagbuntis ko siya," Natatawang tumingala si Tita Minda sa


bahay namin. "Ganyan din ang pinagdaanan ko. Sobrang mainitin din ulo ko nun.
Umaabot pa nga sa punto na lagi kong sinisigawan at sinasaktan ang tatay niya kahit
wala namang dahilan."

Napalunok ako. Nararamdaman ko na. Lalala pa ang pinagdadaanan ko ngayon kay Millie
at mararanasan ko rin ang pinagdaanan ni Tito Jack.

"Oo nga pala, Levi." Napakurap ako sa pagtawag ni Tita Minda. "Mamayang after
lunch, magpapa-check up kayo diba?"

"Ah, opo." Tsk. Nakalimutan ko 'yun ah! Ayun pa naman ang pinaka-binilin sa'kin ng
nanay ko kahapon--ang ipacheck up sa Millie ngayon.

"Gusto niyo ba samahan ko kayo?" Ngiting-ngiti si Tita Minda. Mukhang excited


siyang malaman ang kalagayan ng magiging apo niya.

"Uhm, 'wag na po Tita." Tanggi ko. Magdadamot ako ngayon dahil ang gusto ko eh
kaming dalawa lang ni Millie ang unang makakakita sa baby namin. "Kaya na po namin
ni Millie 'yun mamaya. 'Wag po kayong mag-alala."

Medyo nalungkot nun si Tita Minda, pero ngumiti rin naman siya at nagbilin na
balitaan na lang namin siya agad pagkatapos ng check up.

Pagkapaalam ni Tita Minda na babalik na siya sa kanila, bumalik na rin ako sa loob
ng bahay namin at hinanda ang almusal namin ni Millie. Pero bigla akong napatigil
at natulala.

Mamaya na, makikita na namin ang baby namin. Kinakabahan ako--'di ko alam kung
dahil sa takot o sa excitement o parehas lang. At sa huli, may isang tanong ang
nabuo sa utak ko:

Okay lang kaya ang baby namin?

xxxxxx TBC~

Halu readers! Haha. Wala lang~ :p

De, mag-remind kasi ako. Medyo sensitive kasi ang plot ng story na 'to(about
pregnancy), at hindi ko pa naman nararanasang magbuntis. So natatakot ako na may
mali akong masabi sa kalagayan ni Millie.(Eh bakit ko pa kasi ginawa 'tong c&db!
Haha char!)

I do research din naman. Pero if ever na may mali akong masabi sa next chapters,
sana i-correct niyo ako.

Ayun lang. Maraming, maraming salamat! <3


####################################
Chapter Eight: CAT
####################################

CHAPTER EIGHT: Cat


Labing-limang minuto na lang, mag-aalas dose na ng tanghali. Pero si Millie, tulug
na tulog pa rin. Paano na nito ang pagpapa-check up dapat namin mamayang alas dos?

Nagbuntung hininga ako, sabay bagsak sa sahig ng braso kong may relos. Nandito ako
ngayon sa kuwarto ko kung saan natutulog si Millie. Nakaupo lang naman ako sa sahig
sa gilid ng kama at nakasandal ang ulo sa kutson.

Gustung-gusto ko sanang tabihan at yakapin si Millie. Pero hindi na ko maglalakas


ng loob. Tama na 'yung sa loob ng isang araw eh naaasar ko siya ng isang beses.
Mamaya, baka mamana pa ng baby namin ang pagka-mainitin ng ulo niya eh.

Pero grabe pala talaga ang mga buntis 'no? Kung matulog, dinaig pa 'yung puyat.
Kung mahilo't masuka, dinaig pa ang naka-laklak ng alak. Ang weird lang nila.

Naalala ko bigla ang itsura ni Millie kanina matapos niyang magsuka. 'Yung para
siyang lantang gulay. Bigla akong nakaramdam ng konsensya ngayon nang maalala ko
'yun.

Kaming mga lalaki, kasama kami sa sarap ng pagbuo ng bata. Pero bakit hindi man
lang kami kasama sa pisikal na paghihirap ng mga nabuntis namin? Ang daya naman
yata nun sa parte ng mga babae?

Bigla akong napabalikwas ng upo, nang maramdaman kong may humawak sa ulo ko.
Paglingon ko sa kama, nakita ko si Millie na gising na. Siya lang pala ang humawak
sa ulo ko. Ay takte. Kinabahan ako dun ah.

Pinahinga ko ang isang braso ko sa kama at pinatong dun ang ulo ko. "Askal,
tanghali na. Kain ka na oh."

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang sa'kin ang mapupungay niyang mga mata.

"Hindi pa ba nagugutom baby natin?" Tanong ko pa. Pero hindi ulit ako sinagot ni
Millie. Inabot lang ng kamay niya ang mukha ko at tinrace ng hintuturo niya ang
bawat parte ng pagmumukha ko--mula sa mga kilay ko pababa sa pisngi ko, tapos sa
mga labi ko, tapos paakyat ng ilong ko.

Ilong ko yata ang pinaka-nagustuhan niya. Tinap-tap pa 'yun ng daliri niya eh.
Napangiti na lang ako sa ginagawa niya. Kaso--

"Ahh!" Napasigaw ako dahil pinanggigilan niyang pisilin ang ilong ko at hinatak-
hatak pa niya! "Miyie!" Takte! Nangongo na ko!

Nahirapan akong alisin ang kamay niya. Para kasi siyang alimango! Tsk! Ngayon,
naniniwala na ko sa kuwento dati ni Tita Minda na pinaglihi niya 'tong anak niya sa
alimango! Nanindigan kasi ako noon sa sarili kong paniniwala na pinaglihi 'to sa
aso eh!

Mga higit sampung segundo ring pinanggigilan ni Millie ang ilong ko bago niya ko
binitawan. Ngiting-ngiti siya habang ako naman ay nakasimangot na hinihilot ang
ilong ko.

"Ano bang problema?! Bakit parang gusto mong tanggalin ang ilong ko ah?!" Reklamo
ko.

Nakangiti siyang umupo. "Nagugutom na kasi ako."


"Oh eh anong konek ng ilong ko sa pagkagutom mo?!" Reklamo ko ulit.

"Nagugutom na nga kasi ako."

"Tsk!"

"Akin na nga, hihilutin ko 'yan." Inabot niya ulit ako para hawakan ang ilong ko
pero tinapik ko palayo ang kamay niya.

Nagulat at parang nasaktan si Millie nun sa ginawa ko--na nagawa ko lang naman
dahil baka panggigilan niya ulit ang ilong ko.

"Halikan mo na lang." Suggestion ko sa kanya.

Ang gulat niyang mukha, napasimangot. "Eh kung sapakin na lang kaya kita diyan?"

"Oh eh yakap na lang." Tawad ko.

"Ahhh. Eh kung bugbog na lang kaya ang gawin ko sa'yo?"

Napasimangot ako. Napaka-bayolente talaga nito sa'kin kahit na kailan.

"Kumain ka na nga lang at magpapa-check up pa tayo mamaya." Tumayo na ko at


inalukan siya ng isang kamay. "Tara na."

Natulala muna siya saglit sa kamay ko, bago niya ito hinawakan at hinayaang
alalayan siya patayo at pababa ng bahay.

Typical girly side ng askal ko? MATAGAL MALIGO AT MAGBIHIS.

Matapos kasi naming kumain, naghanda na kami agad sa pagpunta namin sa hospital.
Ako, inabot lang ng wala pang sampung minuto mula pagligo hanggang pagbihis. Pero
si Millie? Mag-iisang oras na eh hindi pa siya natatapos mag-ayos!

Ay naman. Pakiramdam ko inaagiw na ko dito sa sofa kakahintay sa kanya. Inaantok na


rin tuloy ako.

"Pusandi. Tulala ka diyan?"

Ayun oh. Narinig ko lang ang boses ng askal ko, nawala na ang antok. Nang tignan ko
siya... alam niyo 'yun? Ang gusto ko na lang gawin eh titigan siya--gaya na lang ng
torpe-moves ko sa kanya nung high school pa lang kami.

Naka-jeans lang siya at punkistang T-shirt--ayan ang tinatawag kong askal style.
Astigin at nakaka-in love. Pero... dapat nagsusuot na siya ng maternity dress diba?
Tama ba? Ayun ang tawag sa parang daster na madalas suotin ng mga buntis diba?

"Ano ba pusandi," naiinis na si Millie. "Sobrang male-late na tayo oh? Nganganga ka


na lang ba diyan o aalis pa tayo?"

"Aalis!" Mabilis akong napatayo. Aba. Gustung-gusto ko nang makita baby namin 'no!

Nakasimangot pa rin si Millie, pero kita kong pinipigilan lang niyang ngumiti.
Akala niya hindi ko mapapansin 'yun ah. "Halika na kasi." Naglakad na siya palabas
at nilagpasan lang ako.

Napangiti na lang ako, at saka ni-lock ang bahay namin bago sumunod sa kanya.
*

Nagbiyahe agad kami ni Millie papunta sa isang OB-GYNE clinic. Gamit namin ang
second-hand na kotse kong niregalo sa akin ng mga magulang ko nung naka-graduate
ako nung high school at nakapasa sa isang university--na parehas daw na himala.

Kahit ako, naniniwalang himala ang pagka-graduate ko sa high school at ang


pagkapasa ko sa isang university. Siguro iba na talaga kapag may matindi kang
inspirasyon. Siyempre, ayaw na ayaw kong mahiwalay sa askal ko eh.

Pa-alas tres na nang makarating kami ni Millie sa clinic. Wala nang mga nakapila
nun kaya diretso na kami sa pagharap sa doktora.

Nagsimula ang check up kay Millie sa pamamagitan ng ilang physical exams at


pagtatanong ng doktora ng kung anu-ano. Una, tungkol sa medical history ng mga
pamilya namin. Tapos puro tungkol na sa katawan at mga nararamdaman ni Millie.

Hindi na ko nagulat nang sabihin ni Millie na madalas siyang makaranas ng


pagkahilo, pagsusuka at pagkaantok. Hindi na rin ako nag-alala dahil alam ko na
normal lang 'yun--gaya ng sinabi ngayon ni Doktora. Huhupa naman din daw ang mga
'yun pagpasok niya sa second trimester ng pagbubuntis.

Pero hindi nawala ang pag-alala sa itsura ni Millie sa sinabing 'yun ng doktora.
Para bang may hindi okay na bumabagabag sa kanya. At nagulat na lang ako, nang
bigla niyang sabihin kay Dok na nakararanas din siya ng minsanan at unting
pagdurugo.

Naestatwa ako roon kasabay ng pag-atake sa'kin ng sobra-sobrang kaba. Sa sobrang


kaba ko eh halos kalimutan ko nang huminga.

Diba kasi, delikado 'pag may pagdudugo nang nangyayari sa isang buntis?

E di ibig sabihin pala... delikado ang lagay ng baby namin?

"Ah, spotting," umayos ng upo 'yung doktora at saka ngumiti. "Sabi mo naman,
minsanan lang 'yun and minimal lang. And you're not experiencing lower back pains
and abdominal cramps so I can say, spotting in your case is normal. Usually, it is
just what we call old blood, or discharge na naiwan sa'yo before ka mabuntis. It's
also part ng implantation na ginagawa ng baby niyo sa sinapupunan niyo so don't
worry."

"A-Ayun lang po 'yun?" Kinakabahang tanong ni Millie. "Hindi po ba sign 'yun na


puwede akong makunan?"

"No, dahil hindi ka naman nakararanas ng abdominal cramps." Nakangiti pa ring sagot
ni Doktora. "Pero para mas maka-sigurado tayo na normal lang talaga ang nararanasan
mong spotting and is not caused by other complication, I'll have you undergo an
ultrasound later."

Nagkatinginan kami ni Millie. May kaba at pag-aalala pa ring mababakas sa mga


itsura namin pero nandun 'yung pananalig at siyempre, 'yung excitement.

Sa pagtitinginan namin, awtomatikong gumalaw ang kamay ko para hawakan ang kamay
niya. Medyo napangiti siya sa ginawa ko, bago ginantihang hawakan ang kamay ko.

Ten weeks. Ayon sa kalkulasyong ginawa ni Dok kanina, ten weeks na raw buntis si
Millie.

Ngayon naman, matapos nitong painumin ng maraming tubig si Millie, sinimulan na


siyang isailalim sa ultrasound. Ito na ang pangalawang beses na nakita ko nang
ganyan ang tiyan niya--pero kung dati flat na flat 'yan, ngayon ay may umbok na
ito. Namangha ako roon kasi, talagang may baby na sa tiyan niya 'no?

Nang makita na namin sa monitor ang baby namin, nahirapan na naman akong huminga at
parang lalabas na mula dibdib ko ang puso ko.

Sa totoo lang, hindi naman mukhang baby ang kuha sa monitor. Madilim iyon na may
mga puti-puting parte lang. Pero ramdam ko, anak namin ang nakikita namin doon,
kaya sobrang tuwa rin ang nararamdaman ko--lalo na kapag tinuturo ni Doktora ang
mga parte ng katawan nito na buo na. Sa tuwa ko, hindi ko namalayang hinahalikan ko
na pala ang kamay ni Millie na kanina ko pa hawak.

Sunod, pinarinig sa amin ni Doktora ang tibok ng puso ng baby namin. Malakas iyon
at mabilis! Normal daw ang bilis na 'yun, at isang senyales na healthy ang baby
namin.

Nagkatinginan ulit kami ni Millie sa sinabing 'yun ni Doktora. Parehas na kaming


nakangiti ngayon. Pero ang mga mata niya, naluluha. Tears of joy, naisip ko. Kaya
inilapit ko ang isang kamay ko sa mukha niya at pinunasan ang luha sa gilid ng mga
mata niya. Natawa naman siya sa ginawa ko. Pero tumayo pa ko matapos ng ginawa ko,
para lang halikan siya sa sintido at bulungan ng, "I love you, Millie. Congrats
sa'tin."

Natawa lang ulit siya, at hampas nang mahina sa balikat ko.

xxxxxx TBC~

SPECIAL THANKS kay Nurse @ValjeanRegala! Emeged. Labyow mare~ ^3^


####################################
Chapter Nine: DOG
####################################

CHAPTER NINE: Dog

"Good morning, askal!" Bati ni Levi pagkababa ko sa kainan nila.

Inis at antok ko lang siyang tinitigan. Ang aga-aga eh bakit ang dami niyang
energy?

"Ang aga mo yatang nagising?" Tanong niya pa habang nag-aayos ng mga pinggan sa
mesa.

Hindi ako sumagot.

"Okay lang ba pakiramdam mo?" Tanong niya ulit.

"Tsk. Bakit ba ang dami mong tanong?" Inis ko nang sagot.

"Eh bakit ka ba naiinis? Parang nag-aalala lang ako sa inyo ng baby natin ah?"
Mukha na siyang nagtatampo. Nakonsensya naman ako. Pero hindi ko mapigilang mainis
sa kanya eh kahit wala naman siyang ginagawang mali.

"Nakakainis ka kasi." Dahilan ko. "Naiinis ako sa mukha mo."

Nakanganga siyang natulala sa'kin, tapos napangiti. "Ahh, alam ko na askal.


Pinaglilihian mo ko 'no?"

Teka? Oo nga 'no? Ay, hindi! "Matagal na kong naiinis sa mukha mo, pusandi kaya
'wag kang assuming diyan. Ayaw kong magmana sa'yo ang baby natin kaya hinding-hindi
kita paglilihian." Lumapit na ko sa isang upuan at umupo roon.

"Tss. Okay lang." Nilagyan niya ko ng fried rice sa pinggan ko. "Kahit 'di mo naman
ako paglihian, magmamana pa rin sa'kin ang baby natin. Aba, panigurado akong
ipaglalaban 'yun nung sperm cell ko."

Napakunot noo ako sa kanya. "At talagang inungkat mo pa ang walang hiyang sperm
cell mo?"

Ngumiti siya nang nakakaloko. "Proud lang ako sa sperm cell kong 'yun."

Bwiset 'to.

"Oh kumain ka na nga, askal," Sunod niyang nilagyan ng tapa ang pinggan ko, bago
siya umupo sa tabi ko.

Napatitig na lang ako sa pinggan ko na nilagyan ni Levi ng fried rice at ulam na


tapa.

One week na ang lumipas mula nung unang pagpapa-check up namin. Next month naman na
ang next schedule ng check up ko. Nakakagaan ng loob malaman na safe ang
pagbubuntis ko. Pero no to stress and more rest pa rin ang matinding bilin sa'kin
ng doktor.

Kaya ito tuloy si Levi--nagbawas sa pang-aasar at pangungulit, at nag-double effort


naman sa pag-aalaga sa'kin. Napansin ko, na hangga't maaari, siya ang magluluto't
maghahanda ng pagkain namin. Kaso minsan, tinutulungan siya ni Mama eh. Mukhang
okay lang naman 'yun sa kanya kasi may natututunan siya sa bawat pagtulong na
ginagawa ni Mama.

Napangiti ako sa naisip ko, at saka ko sinimulang kainin ang hinandang almusal ni
Levi.

Matapos naming mag-almusal, naligo ako. Nakakainis kasi si Levi. Maski paghuhugas
kasi ng mga pinagkainan namin, ayaw ipagawa sa'kin. Eh ano na lang gagawin ko?
Gising, kain, nganga, tulog? Naku ayoko nga! Baka tumaba ako!

Pagkaligo ko, naglinis ako ng kuwarto niya. Grabe talaga kapag kuwarto ng lalaki.
Sa bawat sulok, may kalat. At hindi mawawalan ng ganito--ng mga porn mags!

Ugh. Nakakakulo ng dugo.

Matapos kong maglinis, binitbit ko sa baba ang anim na porn mags ni Levi. Naabutan
ko siya sa sala, nakaupo sa mahabang sofa at tulala. Ano kayang iniisip ng pusandi
na 'yan?

Maya-maya, napakamot siya ng ulo. Para siyang naiinis. Dun niya ko nalingunan.
Nagulat siya na makita ako bigla sa kinatatayuan ko, pero mas nagulat siya sa
nakita niyang bitbit ko.

"S-Saan mo nakuha ang mga 'yan?" Napatayo siya at tinuro ang maruming kayamanan
niya na nabisto ko.

"Sa ilalim ng kama mo." Sagot ko habang matalas na nakatingin sa kanya.

"O-Oh? Meron palang ganyan sa ilalim ng kama ko? Ha-ha-ha-ha!" Aba't nagpatay
malisya pa.

"Itatapon ko na ang mga 'to." Dumiretso ako sa pintuan pero hinarangan niya ko.

"T-Teka! Akin na! Ako nang magtatapon sa mga 'yan Millie!" Aagawin niya sana 'yung
mga magazine pero iniwas ko ang mga ito.

"Eh! Sigurado ako na itatabi mo lang ulit ang mga 'to sa kung saan!" Angal ko.

"Sus! Hindi ah! Hindi ko na kailangan ng mga porn mags ngayong nandito ka na!"

"Letse ka!" Hinampas ko sa braso niya 'yung mga magazine. "Hinalintulad mo pa ko sa


mga magazine na 'to?!"

"Aray! Joke lang 'yun--aray!" Paulit-ulit kong hinampas sa kanya 'yung mga
magazine. Nakakainis kasi siya sobra! "Ah sige na nga itapon mo na ang mga 'yan!"

Dun na ko tumigil sa paghampas sa kanya at lumabas ng bahay para itapon 'yung mga
magazine.

Pagkabalik ko, nakatayo siya sa may front door at nakasimangot.

Grabe. Ganun ba kahalaga ang bagay na 'yun sa kanya?

Hindi ko siya pinansin. Dumiretso akong pumasok at umupo sa mahabang sofa. Napagod
kaya ako.

"Ano bang ginawa mo dun sa kuwarto ko? Akala ko naman natutulog ka." Seryoso niyang
tanong habang nakasandal sa gilid ng pintuan. Mukhang dinadamdam niya ang pagkawala
ng mga kayamanan niya.

"Naglinis ako." Sagot ko sabay sandal sa sofa.

"Tsk. Hindi ka nga dapat mapagod diba?"

"Hindi naman mabigat na gawain ang paglilinis 'no." Inirapan ko siya. At sakto, may
napansin akong manipis na libro na nakaipit sa ilalim ng katabi kong throw pillow.

"Hay nako," nagkamot ng ulo si Levi. "Ano na lang ang gusto mong tanghalian?"

Hindi ko siya pinansin dahil sa librong nakita ko. Kinuha ko 'yun para basahin.

For First Time Parents: Week By Week Baby Development

Napakurap naman ako sa title nitong libro.

"Ahhh wala lang 'yan!" Mabilis na naagaw sa'kin ni Levi 'yung libro at tinago sa
likuran niya.

"Sa'yo 'yun?" Hindi ko makapaniwalang tanong.


"Oo?" Nahihiya naman niyang sagot.

"Kailan ka pa may ganyan?"

"Ano, kahapon lang..."

Napangiti ako sa itsura ni Levi.

Alam ko, excited na siyang maging tatay sa magiging baby namin. Pero hindi ko
akalaing ganun siya ka-excited to the point na bibili pa siya ng ganung libro.

Ang cute lang...

"Eh bakit mo tinatago sa'kin 'yan?" Tanong ko sa kanya na may halong panunukso.

"Nakakahiya kaya," ayun oh, umamin.

"Ano namang nakakahiya dun? Ikinakahiya mo ba na magiging tatay ka na?"

"Uy hindi ah." Kontra niya agad.

Ngumiti ulit ako. "Hindi naman pala eh. E 'di ipatingin mo na sa'kin 'yan, dali.
Gusto ko ring makita kung anong nangyayari sa baby natin every week."

Nag-alangan pa siya nun pero binigay niya rin sa'kin 'yung libro. Tumabi pa siya
sa'kin nung simulan ko na 'yung buklatin.

Bukod pala sa week by week development ng baby, may advice section din pala ito
para sa nagbubuntis at para sa ama.

"Ayan na siya ngayon," naexcite si Levi nung nasa 11 Week part na kami.

"Woah," namangha naman ako dun sa ultrasound picture ng isang 11-week old fetus. So
ganito na ang itsura ng baby namin ngayon?

Sabi rin dito, nagsisimula na raw magdevelop ang iris ng baby sa week na 'to. Pati
mga kuko! At 'yung bigat, around 7 grams lang daw. Grabe namang gaan nun! Talagang
napakaliit pa lang siguro niya sa tiyan ko 'no?

Napahawak ako sa tiyan ko at napangiti. Ang weird lang sa feeling ng ganito.

"Uhm..."

Napatingin ako kay Levi sa bigla niyang pag-Uhm. "Bakit?" Tanong ko.

"Ano, uhm, ayan." Tinuro niya ang tiyan ko na hawak-hawak ko. "Puwedeng ano,
pahawak din?"

Natawa ako. "Bakit ka pa nagpapaalam?"

"Siyempre. Mamaya 'pag hawakan kita diyan eh bigla mo na lang akong sapakin."

"Adik," kinuha ko ang kanang kamay niya at nilagay iyon sa tiyan ko.

Nagulat si Levi sa ginawa ko. At sa totoo lang, nagulat din ako. Parang bigla na
lang akong natauhan nang maramdaman ko ang kamay niya na nasa tiyan ko na. Bigla na
lang bumilis ang tibok ng puso ko, bigla na lang na-tensed ang lahat ng muscle sa
buong katawan ko, at biglang uminit ang dugo ko.
"Uhh umbok lang naman ng tiyan ko ang mararamdaman mo ngayon," tensyonado kong
paliwanag sa kanya. "'Yung baby, hindi mo pa mararamdaman."

"Nararamdaman ko siya," confident na sabi ni Levi. Nung tignan ko siya, napatingin


din siya sa'kin. "Hindi ko nararamdaman ang hugis niya at ang tibok ng puso niya.
Pero nararamdaman ko na nandiyan siya sa tiyan mo--buhay, malusog at masaya."

Napangiti ako nang todo sa mga sinabi niya--ngiti na bilib na bilib. "Pa'no mo
nalaman 'yun ah?"

"Siyempre, tatay niya ko eh."

Oo nga naman!

Halos matawa na lang ako nun. Pero 'yung mga mata ko, ayaw nang alisin ang pagtitig
kay Levi. Ito na naman kasi 'yung feeling na gusto kong hawakan ang mukha niya.
Tapos sa huli, panggigigilan ko 'yung ilong niya. Ewan ko ba kung anong meron ang
ilong niya. Gustung-gusto ko talaga 'yung pis--

Natigilan ako sa pinag-iisip ko dahil si Levi, bigla na lang akong hinalikan sa mga
labi ko! A-Abang pusandi na 'to!

Sa pagkagulat ko eh gusto ko siyang itulak, sapakin at bugbugin. Pero hindi ko


naman magalaw ang kamay kong nakahawak sa kamay niyang nasa tiyan ko.

At saka ko lang napansin na may nararamdaman akong weird sa tiyan ko mula nang
dumampi ang mga labi ni Levi sa mga labi ko. Parang may nagbubunyi sa loob nito.

Err. Nagbubunyi? Baby ba namin 'yun?

Sunod na nagbunyi ang puso ko, kasabay ng paglayo na sa'kin ni Levi.

Parang sumimangot tuloy ang puso ko. Parang gusto niyang mag-welga at ipagsigawang
nabitin siya.

"Luto na ko para sa inyo ni baby ah." Sabi ni Levi habang nakangiti nang sobrang
nakaka-loko. Kinapa pa niya ang tiyan ko bago tumayo at nagpuntang kusina.

Pagkaalis ni Levi, niyukuan at hinawakan ko ang tiyan ko. Pakiramdam ko lang,


nakangiti rin nang nakakaloko itong baby namin--ala-Levi.

"Tsktsk. Ikaw ah baby." bulong ko sa kanya. "Ang naughty mo sa'min ng tatay mo.
'Wag ganun." At nakangiti ko siyang hinimas.

xxxxxx TBC~
####################################
Chapter Ten: DOG
####################################

CHAPTER TEN: Dog

3:12am

Madaling araw na madaling araw, nagising ako. Tapos kahit anong ikot o puwesto ng
higa ang gawin ko sa kama, hindi na ko makatulog. Ano ba naman 'to.

Hinimas ko ang tiyan ko na malaki-laki na. Ang weird nga eh kasi in two weeks,
bigla siyang lumaki na tipong bumabakat na siya sa loose shirts na sinusuot ko gaya
ng suot ko ngayon na tshirt ni Levi.

"Baby," tawag ko sa 13-week old ko nang pinagbubuntis. "Ikaw ba ang gumising at


ayaw nang magpatulog kay Mama ah?"

Pumikit ako at sinubukang matulog ulit. Pero hindi na talaga ako makatulog. Kumalam
pa ang tiyan ko kaya napilitan ako na bumaba na lang.

Naghagilap ako ng pagkain sa kusina--partikular na sa ref. Habang naghahagilap,


nag-iisip ang utak ko ng pagkain na may maraming gulay, may kanin, may karne, may
piniritong itlog, tapos makulay sila. Naalala ko, minsan na akong nakakain ng ganun
nung March lang. Nagka-project kasi nun ang HRM schoolmates namin na magluto ng
international cuisine.

Dahil wala sa kusina ang pagkaing hinahanap ko, pinuntahan ko na lang si pusandi sa
sala.

Naabutan ko siyang nakahilata sa sofa, walang suot na tshirt, at nagpapakasasa sa


hangin ng desk fan na nakatutok sa kanya.

Nakakainis lang...

Lumapit ako sa may ulunan ni Levi at nagsquat sa tabi niya. Inamoy ko ang buhok
niya--na amoy menthol--at tinignan nang malapitan ang mukha niya.

Tsk. Ayan na naman ang ilong niya na gustung-gusto kong pisilin.

At hindi ko na napigilan ang kanang kamay ko--pinisil na nito ang ilong niya.

"Uhhh," parang nalulunod na binabangungot lang si Levi, hanggang sa inubo siya at


napasigaw at nagpumiglas sa gulat nang maramdamang may pumipisil sa ilong niya.

Sa gulat ko rin ay muntik na kong mapaupo sa sahig, pero naibalanse ko pa rin ang
pagkaka-squat ko.

"Millie?!" Galit na sigaw ni Levi pagkaupo niya nang hilut-hilot ang ilong niya.

Tumingin lang ako nun sa ibang direksyon. Kunwari, wala akong alam. Pero 'yung
totoo, natatakot ako ngayon. Siyempre, nang-istorbo ako ng tulog ng isang tao--sa
ganung paraan pa. Alam ko ang feeling nun--sobrang nakakaasar to the point na gusto
mong sapakin ang nang-istorbo sa'yo. So malamang, ngayon, asar na asar si Levi at
gustong manakit sa asar.

"Ay buhay naman. Ughh." Asar na ginulo ni Levi ang buhok niya at saka binaling
sa'kin ang antok pa niyang mga mata. Nakita kong huminga muna siya nang malalim
bago muling nagsalita. "Anong problema, Millie?" Pilit na mahinahon niyang tanong.

Nabilib naman ako sa kanya. Mahirap kayang pilitin na pakalmahin ang sarili mo
after mong maasar nang ganun katindi. Pero si Levi, kinaya. Siguro kasi, buntis
ako. O siguro kasi, mahal niya ko.

Ang pusang malandi na 'to, mahal niya ko eh... Both through action and words,
pinadarama niya 'yun sa'kin...

Napahawak ako sa tiyan ko. Nakaramdam ako ng weird eh.


Ah, alam ko na. Malamang nagbubunyi na naman ang baby namin. Laging ganito
nararamdaman ko kapag nagkakaganito kami ni Levi eh.

"Uy Millie," madaling napaluhod sa tabi ko si Levi. "A-Anong nangyayari sa'yo? At


sa baby natin?"

Napangiti ako. "Wala naman. Nagugutom lang kami."

Hindi makapaniwala siyang tumitig sa'kin. "Nagugutom lang kayo?"

Tumango ako.

"Ay sus," napakamot siya ng ulo sabay upo sa sahig. "Akala ko pa naman manganganak
ka na!"

Hinead-chop ko siya bigla.

"Aray!" Napasimangot siya sa sakit. "Ano ba?!"

"Ang baliw mo lang eh! 13 weeks pa lang akong buntis tapos manganganak na agad?!"

Natawa na lang si Levi. "Ah, tara na nga sa kusina." Tumayo na siya tapos
inalalayan akong tumayo.

"Hoy!" Sinubukan kong bawiin ang kamay ko nung naglalakad na kami. "Magsuot ka nga
muna ng tshirt!"

"Ayoko. Inaakit kaya kita."

"Heh! Buti ba sana kung may kaakit-akit sa katawan mo!"

"Bakit? Meron naman ah?" Hinatak niya ko papunta sa likuran niya, at saka nilagay
ang kamay kong hawak-hawak niya sa-sa-sa-- "Umamin ka, nakakaakit baby abs ko diba?
Naka-kotang hawak ka kaya dito nung--AW!"

Ayun, nilayo na niya ang kamay ko sa pinagmamalaki niyang baby abs after ko siyang
kurutin nang matindi dun.

Itsura ni Levi nun oh, namimilipit. Masakit naman kasi talaga akong mangurot.

Natawa ako sa pamimilipit niya, kasabay ng paghawak ko sa tiyan ko. Hay naku,
nagbubunyi na naman ang anak namin sa eksenang 'to.

"Tsk," umupo si Levi sa isa sa mga upuan sa dining nang kinakamot ang kinurot ko sa
diumanong mga baby abs daw niya. "Ang galing din talaga ng mga magulang mo 'no
Millie? Nakapag-crossbreed ng askal at alimango?"

"Ah ganun?" Inambahan ko siya ng headchop.

"Joke lang!" Bawi niya sabay takip ng mga braso sa ulo niya.

"Tss," umupo na lang ako sa tabi niya. "Dali na, pusandi. Nagugutom na talaga kami.
Gusto namin ni baby ng bibimbap."

"Haa?" Napakunot noo siya. "Bibingka? Saan naman ako makakahanap nun nang ganitong
oras?"
"Ang bingi mo naman! Hindi bibingka! Sabi ko, bi-bim-bap!"

Kunot noo pa rin siyang tumitig sa'kin. "Saang planeta naman galing 'yang bibimbap
na 'yan?"

"Kung maka-saang planeta ka naman!"

"Tunog alien eh! Bi-bim-bap. Bibimbapbapbipbip."

Natawa ako sabay bira sa braso niya. "Siraulo ka. Korean food ang bibimbap 'no! Ano
'yun, maraming gulay, may kimchi, may karne tapos may kanin sa gitna na may
nakapatong na piniritong itlog."

Problemado siyang napakamot ng ulo. "Pagkaing Pinoy nga nahihirapan na akong gawin,
'yung pagkaing alien pa kaya?"

"Korean food 'yun sabi!" At binira ko ulit siya sa braso.

Ngumiti siya nun pero 'yung ngiti niya, parang nahihiya. "Wala ba kayong ibang
gustong kainin ni baby ngayon? Hindi ko mabibigay 'yung bibimbapbap na hinahanap
niyo ngayon eh. Ma--"

"Isang bap lang! Bibim-bap!" Pagkokorek ko.

"Okay, bibimbap." Napakamot na naman siya ng ulo. 'Yung mga mata niya rin, pansin
ko na nilalabanan na lang ang antok. "Search ko na lang 'yun mamaya sa net. Pero
ngayon, iba na lang ihanda ko sa inyo. Okay lang ba?"

"'Di na," tanggi ko sabay tayo.

"Uy teka," tumayo rin si Levi. "'Wag ka naman magalit oh."

"Hindi naman ako galit." Kalmado kong kontra. "Hindi na kami gutom ni baby.
Inaantok na ulit kami. So.. tara, tulog na lang tayo ulit." Nginitian ko siya at
hinawakan sa kamay para hatakin siya papuntang sala.

"Ahhh hindi." Hinatak naman niya ko paakyat ng hagdanan. "Kayo muna ni baby ang
matulog sa taas."

Hindi ako tumanggi. Hinayaan ko siyang ihatid ako sa kuwarto niya at pahigain sa
kama.

"Matulog na ah?" Bilin niya sabay halik sa pisngi ko. Ugh! Hindi ko nasampal mukha
niya!

Mula kasi nung mahalikan niya ko ulit sa mga labi ko, napadalas ang bigla-bigla
niyang paghalik sa'kin. Pero hindi siya laging nakakahalik kasi mabilis kong
nasasampal palayo ang mukha niya sa bawat subok niyang humalik.

"Uy ikaw rin baby," kinapa niya ang tiyan ko sa ibabaw ng kumot. "Patulugin mo mama
mo ah." At antok siyang ngumiti.

Nginitian ko rin siya then lumabas na siya ng kuwarto, at nakatulog na ko with a


giddy feeling sa tiyan ko.

Hay baby...

*
9:30am na ulit ako nagising. Grabeng tanghali na!

Naghilamos ako bago bumaba sa kainan. May pagkaing nakahanda't nakatakip sa mesa,
pero walang pusandi na sumalubong at bumati sa'kin. Hindi ko naiwasang makaramdam
ng lungkot nun, lalo na nang hindi ko siya makita sa buong bahay.

Nasa garahe naman ang kotse ni Levi. So malamang nagjogging lang 'yun.

Binuksan ko na lang 'yung TV at nanood habang nakaupo sa sofang higaan ni Levi.


Hanggang sa maya-maya, bumukas na ang pinto.

"Pusa--" Natigilan ako sa pagbati nang makita ko na hindi si Levi ang nagbukas ng
pinto, kundi ang kapatid kong si Juni.

"Uy Ate! Gising ka na! Grabe anong oras ka na nagising ah!" Dumiretso siya ng upo
sa tapat ng desktop at binuksan 'yun. Tinignan ko naman ang oras sa wall clock.
Passed 10 na.

"Juni, nasaan si Levi?" Tanong ko.

"Huh?" Gulat na napatingin sa'kin ang kapatid ko. "Ewan ko. Hindi ba siya nagpaalam
sa'yo?"

"Hindi. Eh sa'yo? At bakit ka nandito?"

"Nagpaalam si Kuya Levi sa'kin na aalis siya, pero hindi niya sinabi kung saan siya
pupunta. Tapos ayun, binilin ka niya sa'kin. Samahan daw muna kita dito habang wala
siya."

"Anong suot niya?" Tanong ko pa.

"Basta nakapang-alis." At humarap na ulit si Juni sa computer. "Text mo na lang


siya, Ate."

Sinunod ko ang kapatid ko. Tinext ko si Levi at tinanong siya kung saan siya
nagpunta. Pero hindi naman siya nagrereply.

Napahawak na lang ako sa tiyan ko habang hindi maiwasan na makaramdam ng kaba.

Levi... Sa'n ka ba nagpunta?

xxxxxxTBC~
####################################
Chapter Eleven: DOG
####################################

CHAPTER ELEVEN: Dog

Thirty minutes na ang dumaan mula nung unang text ko kay Levi. Hanggang ngayon,
nakaupo pa rin ako rito sa mahabang sofa at worried na nakatitig sa cellphone ko.
Si Juni naman, nagdo-DOTA na sa desktop. At si Levi, hindi pa rin nagre-reply kahit
nakailang text na ko sa kanya. 'Yung kaba ko tuloy, hindi rin mawala-wala.
Pero naalala ko bigla, na may extra load pa nga pala ako na puwedeng ipangtawag!
Nang maalala ko 'yun, hindi ako nagdalawang isip na tawagan na si Levi.

Nag-ring ang number ni Levi, pero naputol agad iyon--naputol in a way na alam kong
sinadya niya!

Nakanganga at naka-kunot noo kong tinitigan ang home screen ng cellphone ko.

Pusang malandi ka--bakit mo kinancel ang tawag ko?! Sigaw ko mentally.

Nagngi-ngitngit ang loob ko sa sobrang inis kay Levi. Medyo humupa lang iyon nang
makatanggap na ako ng reply galing sa kanya, mga dalawang minuto after ng pagtawag
ko.

Pusandi:

Naghahanap lang ako ng bibimbap niyo ni baby. Pero hahapunin na ko ng uwi kasi ang
hirap makahanap.

Pagkabasa ko roon, bumalik agad ang pagngi-ngitngit ng loob ko sa sobrang inis. Sa


sobrang inis ko eh napaka-highblood ng nireply ko kay Levi:

Saang planeta ka ba naghahanap ng bibimbap at aabutin ka ng hapon?! Sinabi ko nang


Korean food lang 'yun diba?! Sa mga Korean resto lang sa mga mall, makakahanap ka
na nun eh!

Sa kabila ng sobrang HB na reply ko, nag-reply pa rin naman agad si Levi.

Pusandi:

Ganun ba... Sige... Text na lang kita mamaya. Wala na kong pangtext eh. Ah, huwag
mong kaligtaang kumain ng tanghalian ha.

Pakiramdam ko lang, isang bulkan ako ngayon na malapit nang sumabog. Ramdam na
ramdam ko ang kumukulong magma ng galit na malapit nang kumawala mula sa katawan
ko.

Galit na galit ako kasi halatang-halata si Levi. Halatang-halata na hindi talaga


siya lumabas para hanapan at bilhan ako ng bibimbap.

May tinatago siya sa'kin... Kung anuman 'yun, hindi ko alam... Pero, may hinala na
ako.

Babaeng katagpo, ka-date, ka-landian--ayun ang mga salita at imaheng naglalaro


ngayon sa utak ko na mas nagpakulo sa magma ng galit na nagbabadya nang sumabog
mula sa katawan ko.

Nangangati ang mga daliri ko na magtype ng reply kay Levi para sitahin siya,
pagbantaan at pauwiin na. Pero pinigilan ko ang sarili ko.
Aba, malay ko ba kung nakikipaglandian nga ba talaga siya ngayon sa ibang babae
diba? Mamaya, sitahin ko siya tapos hindi naman pala siya naglalandi. E 'di
napahiya lang ako.

T'saka... sino ba ako para sitahin ang pagbababae niya?

Napabuntung hininga ako sa tanong ko sa sarili ko.

Ako--nanay nga ako ng magiging anak ni Levi. Pero kami ba?

Umamin na nga si Levi na mahal niya ko. Pero kung anong relationship status namin
ngayon, hindi ko alam. Hindi ko masabi, lalo na't tinanggihan ko ang alok niyang
pagpapakasal sa'kin.

Tinanggihan kong pakasalan si Levi. Nag-inarte ako. Tapos ngayong naglalandi siya
sa ibang babae, magrereklamo ako? Ang kapal ko naman yata?

Nanikip ang dibdib ko sa mga pinag-iisip ko, kasabay ng panggigigil ng kamay ko sa


hawak kong cellphone.

Naiinis ako sobra--sa sarili ko.

"Ate," tawag bigla ng kapatid ko.

Mula cellphone ko, nilipat ko ang tingin ko sa kanya. Nakangiti siya nang
nakakaloko sa'kin.

"'Wag mo masyadong isipin 'yun si Kuya Levi," sabi pa niya. "Mahal ka nun."

Kumunot ang noo ko. "Heh!" Bulyaw ko sa kanya.

Gusto ko pa sanang sabihin na, Alam ko na 'yun! Pero isa pa rin siyang malandi at
nakakaasar na pusa! Kaso hindi ko na naituloy dahil tinawanan na ni Juni ang
reaksyon ko.

Nakasimangot, tumayo na lang ako't nagpunta nang kainan para mananghalian. Bahala
siyang tumawa dun habang nagdo-DOTA. At bahala na rin 'yung pusang naglalandi
ngayon sa kung saan.

"Baby..." Hinaplos ko ang tiyan ko habang nakahiga ako sa kama ni Levi.

5:30pm na. Pagod ako dahil buong hapon, naglinis ako ng buong buhay. Wala na naman
kasi akong magawa at ayokong tumunganga lang.

At bukod sa pagod ako, eh nade-depress din ako.

Kanina nung tanghalian, sinabayan akong kumain ng kapatid ko. Wala pala kasing tao
sa bahay namin dahil parehong nasa trabaho sina Mama at Papa. At habang kumakain
kami ni Juni, kinamusta ko sa kanya si Papa.

"Hay nako Ate! 'Wag mo na kamustahin si Papa kasi wala namang nagbago. Ganun pa rin
eh, galit pa rin siya. Kung kumilos nga si Papa, parang wala siyang naging panganay
na anak."

Sa pag-alala ko sa sagot ni Juni, naluha ang mga mata ko.


Mag-iisang buwan na mula nang malaman namin ang pagbubuntis ko. Pero si Papa, hindi
pa rin ito matanggap at hindi pa rin niya ako mapatawad.

Consequence of teenage pregnancy, huh?

Natawa ako sa naisip ko, pero naroon din 'yung guilt at pagsisisi. Dapat talaga
bago ka gumawa ng kung anu-anong bagay, siguraduhin mo muna kung tama ba 'yun o
kung anong posibleng maging resulta nun--lalo na kung gaya ng ginawa ko ang gagawin
mo.

Ako, hindi ako nag-isip. Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko kaya ngayon,
ito tuloy ako. Sa edad na 17, nabuntis ako, at galit na galit sa'kin ang tatay ko.
Naiintindihan ko naman si Papa. Malaki ang expectation niya sa'kin tapos,
nagkaganito ako bigla. Sobra ko siyang na-disappoint kaya nagawa niya akong
itakwil.

Ganun pa man, sabihin nating masuwerte pa rin ako. Tinakwil nga kasi ako ng tatay
ko, pinanagutan naman ako ng nakabuntis sa'kin.

Pinanagutan nga, pero hindi naman sineseryoso...

Ano ba 'to. Naiyak na ko. Naging iyakin naman yata ako bigla?

May biglang kumatok sa pinto, dahilan para bigla ko ring punasan ang mukha ko.

"Askal?"

Si Levi!

Pagkatawag niya sa'kin eh binuksan na niya ang pinto.

"Askal? Uy, gising ka." Ngumiti siya nang makita niya akong gising at nakatingin sa
kanya. "Nakabili ako ng bibim--uy! Millie! Ba't ka umiiyak?!"

Letse ka pusandi! Anong oras na! Sana hindi ka na lang umuwi! Nakakainis ka! Gusto
ko sana siyang sigawan at ilabas lahat ng kinikimkim kong sama ng loob sa kanya.
Pero hindi ko magawa dahil hindi ko mapigilang umiyak. Ang nagawa ko na lang ay
tumagilid ng higa at magtalukbong ng unan habang humahagulhol.

"Millie! Uy!"

Naramdaman ko na lang ang pag-upo niya sa likuran ko at ang paghawak niya sa


balikat ko.

"'Wag mo kong hawakan!" Sigaw ko habang umiiyak at nakatalukbong ng unan ang mukha.

"Eh, Millie..." Hindi ko siya nakikita pero sa tono niya at sa pagkakakilala ko sa


kanya, alam kong nagkakamot na siya ng ulo. "Bakit ka ba kasi umiiyak?"

"Nakakainis ka kasi! Naiinis ako sa'yo! Naiinis ako sa mukha mo! Naiinis ako sa
sperm cells mo! Naiinis ako sa kalandian mo!" Dire-diretso kong sabi sabay hikbi at
ngawa. Tsk. Alam ko, sobra na 'to. Pero bakit hindi ko makontrol? Bakit masyado
akong nade-depress samantalang dati, hindi naman? "Dahil sa'yo nabuntis ako! Dahil
sa'yo galit na galit ngayon sa'kin ang papa ko! Nakakainis ka!"

Sa mga sinabi ko, hindi na nagsalita si Levi. Hindi ko na rin siya naramdamang
kumilos. Ang nararamdaman ko na lang ay... sakit. Sakit hindi sa sarili ko kundi
kay Levi.
Nilingunan ko na siya, at ganun nga ang ekspresyon ng mukha niya. Mukha nga siyang
nasaktan sa mga sinabi ko, at nakokonsensya na ako. Pero hindi ko kasi talaga
makontrol itong galit at depresyon ko! Kaya kahit gusto kong bawiin ang mga
salitang binitawan ko, hindi ko magawa!

Kailangan, pakalmahin ko muna ang sarili ko. At para mangyari 'yun, dapat layuan ko
muna siya.

Nang humihikbi at umiiyak pa rin, umusog ako sa dulong ibaba ng kama para bumaba't
umalis. Siguro sa sala na muna ako magmumukmok--o 'di kaya sa CR.

"Teka Millie."

Pero hinawakan ako ni Levi sa pulso kaya napahinto ako at muling napalingon sa
kanya. Ganun pa rin ang itsura niya--nasaktan, malungkot--at pagod?

Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "Okay, sorry Millie. Sorry
nabuntis kita. Sorry at galit na galit sa'yo ngayon ang tatay mo dahil sa ginawa
ko. Sorry at wala na akong magagawa para mabago pa ang mga nangyari na--dahil ang
magagawa ko na lang ngayon eh harapin ang kasalukuyang mga nangyayari."

Napatigil ako sa pag-iyak. 'Yung puso ko, parang paulit-ulit lang na tinutusok ng
karayom--ng karayom ng konsensya.

"Gaya ngayon... Galit ka sa'kin, at ang magagawa ko na lang eh humingi ng tawad.


Umiiyak ka, at ang magagawa ko na lang eh patahanin ka." Inabot ng isa niyang kamay
ang mukha ko at pinunasan ang mga luhang iniyak ko. "At... buntis ka na. Ang
magagawa ko na lang ngayon ay panagutan at alagaan ka."

Uh-oh. 'Yung baby namin, nagbubunyi na naman sa tiyan ko. Mas nagbunyi pa siya,
nang lumipat ang hawak ng tatay niya mula sa pulso ko pababa sa kamay ko, habang
ang isa pa nitong kamay ay patuloy na pinupunasan ang mukha ko.

"Millie, tiwala lang please? Tulad ng sabi ko no'n, magiging maayos din ulit ang
lahat. Ha?"

Napasimangot ako. At ang mga mata ko, nagbabadya na namang maiyak. "Tiwala? Pa'no
ko magtitiwala sa'yo? Eh sa paghahanap pa lang ng bibimbap, inabot ka na ng
maghapon. Ngayon pa lang, niloloko mo na ko."

Natawa siya--guiltily--sabay kamot ng batok. "Sorry naman--"

"Sabi na eh!" Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Ginawa mo lang
dahilan ang paghahanap ng bibimbap ko para makipaglandian sa ibang babae!
Nakakainis ka talaga!" At pinagbibira ko siya sa braso.

"Ay--aray! Saglit--aw! Ugh! Sige na nga aamin na ko!" Sigaw niya sabay hawak sa
magkabilang braso ko.

Nanghina naman na ako. Kasi... aaminin na niya eh... Na kahit na mahal niya ko,
kahit magkakaanak na siya, hinding-hindi pa rin mawawala ang pangbababae niya...

"Millie, nagkakamali ka ng hinala." May inis sa tono niya. "Tsk. Ganun na ba 'yun?
Porket nagsinungaling ako, paglalandi na agad ang inatupag ko?"

"Eh anong gusto mong isipin ko sa katulad mong malandi ah?!" Pasigaw kong kontra.

"Shh! Nagpapaliwanag ako askal! 'Wag mo kong guluhin!" Sigaw niya rin.
"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo na puro kalokohan lang!"

"Ampo--ugh! Sige Millie! 'Wag mo ko pagpaliwanagin, gagawin ko na lang kambal 'yang


baby natin!"

Natameme ako dahil medyo nahirapang iproseso ng utak ko ang gustong ipahiwatig ni
Levi. "A-Ang landi mo talaga 'no?! F-Y-I pusandi, hindi na puwedeng maging kambal
ang baby natin kahit may mangyari ulit sa'tin ngayon!"

Ngumisi si Levi at mabilis na kumilos para buhatin at ihiga ako nang maayos sa
kama. "Ganun ah?" Mapang-asar pa niyang tanong pagkapuwesto niya sa ibabaw ko.
"Patunayan nga natin 'yun ngayon, Millie."

Umurong bigla ang dila ko. Itong posisyon naman kasi namin ngayon, binabalik nito
sa'kin ang mga alaala ng gabing 'yun--'yung gabing nagpadala ako masyado sa
nararamdaman ko--na mukhang mangyayari na naman ngayon.

Nilapat ni Levi ang noo niya sa noo ko. Napahawak naman ako sa mga balikat niya.

"Kaso pagod ako ngayon eh..." Bigla niyang bawi na--err... ikina-dismaya ko.
"Nakakapagod kayang maghanap ng trabaho maghapon."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-Ano?"

Ngumiti lang siya at humiga patihaya sa tabi ko. "Ayun ang totoong ginawa ko,
Millie. Bukod sa naghanap ng bibimbap para sa inyo ni baby, naghanap din ako ng
trabaho sa mga fast food. Ayoko sanang sabihin 'yun sa'yo hangga't hindi pa ko
natatanggap sa mga inapplyan ko eh kaso masyado ka namang naghinala."

Kumurap-kurap ako, bago umupo at hinarap siya. Ngayon ko lang napansin, naka black
slacks pala siya--at dark blue tshirt

"Nag-apply ka ng naka-tshirt lang?" Tinuro ko ang damit niya.

"Hindi ah," sagot niya sabay pikit. Parang matutulog siya. "Pinatungan ko ng polo
'to kanina."

Saglit akong hindi naka-imik. Parang hindi lang matanggap ng utak ko ang idea na
pinaplano nang mag-trabaho ni Levi.

Si Levi Sy--na pusang malandi at tamad sa mga gawaing bahay--magta-trabaho sa isang


fast food chain?

Bigla ko siyang na-imagine na kumukuha ng order sa counter, tapos ang mga customer
niya ay mga babaeng estudyante--na todo nagpapa-cute sa kanya at pinapansin naman
niya. Ugh!

Ay teka. Hindi pala dapat 'yun ang inaalala ko!

"Pero Levi... Kung magka-trabaho ka na, paano na ang pag-aaral mo?" Puno ng pag-
aalala ang boses ko. Kasi, ayoko namang parehas kaming huminto sa pag-aaral dahil
sa pagbubuntis ko. Ayokong magkaroon ng baby namin ng mga magulang na parehong
walang tinapos.

Dumilat si Levi at muli akong nginitian. "'Wag kang mag-alala, Millie. Alam ko ang
mga ayaw at gusto mo para sa'ting tatlo ng magiging anak natin. Kasi, parehas lang
nating gustong maging mabuting magulang sa kanya." Inabot ng isang kamay niya ang
kamay ko at saka siya umupo at hinarap ako. "Kaya napagdesisyunan ko, na magpa-part
time work lang ako para makapag-aral pa rin ako--para sa inyong dalawa."
Hindi ko napigilang ngumiti. Nakakatuwa lang. Ang pusang malandi na 'to na
kinamuhian ko nang napakatagal na panahon eh magiging ganito pala ka-responsableng
ama? Wow.

"Ayie. Mas na-i-in love na siya sa'kin oh." Asar ni Levi habang nilalapit ang mukha
niya sa'kin.

Nawala naman ang ngiti ko at tinarget pisilin ang ilong niyang nakaka-gigil sobra.

"Ugh Miyiee!" Pinilit niyang alisin ang kamay kong nasa ilong niya.

"Kakainin na namin 'yung bibimbap!" Binitawan ko na siya at tumakbo palabas ng


kuwarto nang nakangiti at hawak-hawak ang tiyan ko.

Sa wakas baby, makakakain na tayo ulit ng bibimbap!

xxxxxx TBC~

LESSON: Huwag magpapabuntis sa hindi ala-Levi Sy na lalaki. CHAR! Hahahaha :D :)


####################################
Chapter Twelve: CAT
####################################

CHAPTER TWELVE: Cat

"Ugh," antok at inis kong kinapa ang nag-a-alarm kong cellphone dito sa sofang
hinihigaan ko. Nang makuha ko ito ay agad kong dinismiss ang alarm nito.

6:30am na. Kailangan ko nang bumangon at asikasuhin ang almusal ni Millie. Pero
masyado pa akong inaantok. Gusto kong matulog kahit mga limang minuto na lang. Kaso
paniguradong aabot ng ilang oras ang limang minutong iyon kaya 'wag na lang.

Kahit nakapikit pa ako, umupo na ako at nag-inat.

Sa totoo lang, medyo masakit ang katawan ko. Anim na araw na rin kasi mula nang
magsimula akong magtrabaho. Suwerte eh, natanggap din ako sa isa sa mga fast food
na inapplyan ko. Kaya nga lang kahapon, biglang pinasubok sa'king mag-closing
shift. Ito tuloy ako ngayon. Parang zombie.

Grabe. Napaka-hirap pala nito, 'yung magka-responsibilidad ka na ng isang magulang


sa ganitong edad. Hindi na puwede 'yung nakagawian ko dati na pahintay-hintay lang
ng allowance mula sa mga magulang ko tapos pasarap buhay na ko. Ngayon, dapat mag-
sariling sikap na ko para magka-pera--para kay Millie at sa magiging anak namin.

Napabuntung hininga ako. Minsan, hindi ko maiwasang magsisi. Lalo na 'pag naiisip
ko na ngayon pa lang, nahihirapan na ko, paano pa kaya kapag nagpasukan na, at mas
lalo na kapag nanganak na si Millie?

Nakakapang-sisi lang talaga. Pero huli na para magsisi. T'saka kaysa pagsisisi,
saya pa rin ang mas nangingibabaw sa'kin sa huli. Masaya ako dahil para naman kay
Millie itong ginagawa ko. Mahal ko 'yun eh.

Napangiti ako sa mga naisip ko--nang may bigla akong maamoy.


Umupo ako at inamoy ang paligid. Amoy nasusunog na kawali sa kusina!

Tumayo na ako't nagmadaling pumunta sa kusina. Doon, naabutan ko si Millie na


nakatalikod at abala palang magprito. Ay sus.

Naka-bun ang buhok ni Millie at medyo magulo ang pagkakatali nito. At ayan na naman
ang suot niya. Isa sa mga T-shirt ko.

Natapos na siya sa pagprito ng isang itlog at nagprito ulit siya ng isa pa.
Napakamot na lang ako ng ulo roon. Nakakainis. Naunahan niya ko sa dapat kong
gawin.

Gusto ko na sanang agawin kay Millie ang ginagawa niya. Pero kaysa lumapit sa kanya
eh nakangiti ko lang siyang pinanood.

Noong high school pa lang kami, magaling na sa mga gawaing bahay si Millie. Isa
'yun sa katangian niyang nagustuhan ko. Nang mapansin ko noon ang katangian niyang
'yun, inasahan ko nang magiging isa siyang magaling na asawa. At mula nun,
pinangarap ko na na maging asawa ko siya.

Ngayon, hindi na ko makapaghintay na maging asawa ko na siya...

"Uy," nagulat si Millie nang humarap siya dala ang isang pinggan na may dalawang
piniritong itlog--sunny side up. "Good morning pusandi." At nginitian niya ko.

Aba aba, ang ganda ng mood niya ngayon ah?

Pansin ko nga eh, mula nung pumasok siya sa second trimester ng pagbubuntis niya,
nababawasan na ang pagka-mainisin niya. T'saka... Ewan ko ba... Papalaki na nang
papalaki ang tiyan niya pero parang mas gumaganda pa siya? Ang alam ko kapag
buntis, pumapanget eh. Parang nanay ko. Ang panget nun nung pinagbuntis ako. Pero
si Millie, mas gumaganda talaga. Blooming ba kahit hindi naman siya nag-aayos at
nagme-make up.

"Naghilamos ka na ba?" Tanong niya sabay hain sa mesa nung itlog.

Umiling ako. "H-Hindi pa." Tsk. Na-utal naman ako bigla dahil sa kagandahan ng
buntis na 'to.

Sumimangot siya. "Maghilamos ka na oh, para sabay tayong kumain."

Natulala ako dahil sa tono niya--na nagtatampong naglalambing. 'Di ba dapat galit
siya?

'Di kaya... Katapusan na ng mundo?

Pasimple kong inalog ang utak ko. "S-Sige, sige Millie. Saglit lang." At nagmadali
na akong umakyat para maghilamos.

Grabe. Grabe talaga.

Puro ayun na lang ang nasabi ko sa sarili ko mula nung mag-almusal ako kasama si
Millie. Grabe naman pala kasi 'yung itlog na pinirito niya. Grabe sa anghang!
Gamitan ba raw kasi iyon ng maraming chili powder?!

Naalala ko tuloy nung binilhan ko siya ng bibimbap, dalawang linggo na ang


nakararaan. Muntikan na niya 'yung hindi kainin kasi wala daw ano--basta 'yung
maanghang na sauce na may pang-alien din na pangalan!

"Levi."

Nakahiga ako sa sofa nang tawagin ako ni Millie--sa naglalambing na namang tono.

Dumilat ako. Nakita ko siyang nakatayo sa paanan ko at nakangiti. Bagong ligo pala
siya. Pero ang suot na naman niya eh isa sa mga T-shirt ko. Bakit kaya damit ko ang
napapagtripan niyang suotin nitong huli?

"Bakit?" Antok kong tanong. Antok na antok talaga ako. Pagod pa, dahil inako ko na
ang paghuhugas kanina ng mga marurumi at paglilinis sa kusina.

"Hmm, nakalimutan mo na ba kung anong meron ngayong araw?" Nakangiti pa rin siya.
Napaisip naman ako.

"Uhh... Rest day ko ngayon?" Ayun ang pumasok sa utak ko. Rest day ko kasi ngayon.

"Tsk," napasimangot siya. "Hindi 'yun!"

Hala naman, naiinis na siya. Paano na ba 'to... Ano ba kasing meron ngayon? Hindi
naman check up dahil kakapa-check up lang niya nung nakaraang linggo. 'Yung sunod
naman naming schedule ay next month na ulit.

"Ay naku!" Inis siyang nagpadyak sa sahig nang dalawang beses. "Akin na nga lang
'yung baby book mo!" Ang tinutukoy niya ay 'yung librong binili ko tungkol sa
weekly development ng mga baby. At dun ko lang na-realize kung anong pinapahiwatig
niya kanina.

"Ah sorry!" Napabangon ako at agad kinuha ang librong nasa ilalim ng unan ko. "Tara
tara, tignan na natin 'to!" Niyaya ko siyang umupo sa tabi ko, pero nanatili siyang
nakasimangot sa'kin.

Tsk. Napag-usapan kasi namin na sa kada linggong madadagdag sa pagbubuntis niya,


sabay naming titignan dito sa libro kung ano nang nangyayari sa baby namin. Eh
hindi ko naman sinasadyang makalimot.

"Uy askal, sorry na. Nakalimot lang ako kasi sobrang inaantok ako. Alam mo naman
kung anong oras na ko nakauwi kagabi 'di ba?" Hinawakan ko pa siya sa kamay at
bumigay naman na siya. Umupo na siya sa tabi ko.

Binigay ko sa kanya 'yung libro at hinayaan siyang buklatin iyon. Ako naman ay
umakbay lang sa kanya habang nakikisilip.

15 weeks. Doon huminto si Millie dahil kaka-fifteen weeks lang niya ngayong linggo.
Sabay pa kaming napa-Woah sa mga ultrasound pictures na naroon. Sa bawat linggo,
mas nagmumukha nang tao ang baby namin.

"Ang galing oh! Sa week na 'to, matututo na raw mag-thumb suck si baby!" Tuwang-
tuwa si Millie sa nabasa niya. Naramdaman ko rin 'yung tuwa niya, pero mas natuon
ang atensyon ko sa itsura niya kung paano siya matuwa. Ang ganda talaga niya.

Napangiti ako't hinawak ang isang kamay ko sa umbok na umbok na niyang tiyan. Wala
naman na sa kanya kung bigla-bigla ko na lang siyang hawakan doon. Parang gustung-
gusto pa nga niya iyon eh--gaya ngayon. Kahit nakatitig pa rin siya dun sa libro eh
nagawa niyang hawakan ang kamay kong nasa tiyan niya.

"Levi, ano palang gusto mo? Baby boy o baby girl?" Curious niyang tanong.
"Siyempre baby boy, para may taga-kalat ako ng lahi--ah!" Kinurot ni Millie 'yung
kamay ko!

"Ang landi mo talaga! Pati kalandian mo gusto mong ipasa sa baby natin!"
Nanggigigil niyang sabi habang pinanggigigilan din akong kurutin.

"J-Joke lang Millie!"

Tumigil din siya sa pangungurot. Binawi ko naman na ang kamay ko't hinilot ang
parteng kinurot niya. Grabe, kawawa talaga ako sa askal kong 'to. Lagi na lang
akong inaalipusta.

Sinara na ni Millie 'yung libro at saka sumandal sa'kin. Wow. Ngayon lang niya 'to
ginawa ah? Eh ano bang sumapi sa kanya at ganito siya maglambing ngayon?

"Baby boy pala gusto mo... Paano na kung girl 'tong baby natin?" May pag-aalala sa
tono niya.

Inakbayan ko ulit siya. "Maging boy o girl man siya, okay lang kasi baby pa rin
natin siya. Basta maging malusog lang din siya, ayos na sa'kin 'yun."

Napangiti nang malapad si Millie habang nakatingala sa'kin. Tsktsk. Nai-in love na
naman 'to lalo sa'kin.

"Levi..."

Woah, ibang tono na naman ni Millie 'yun ah! Tonong... nang-aakit.

"Mm?" Kalmado kong tanong sa kabila ng pag-tensyonado ng katawan ko.

Humawak naman siya sa isa kong pisngi.

Takte lang. Nakakagulat talaga ang pinagkikilos ni Millie ngayon. Pati halik, siya
na ang kusang magbibigay. Samantalang dati, sa pag-damoves lang ako umaasa, at
suwerte na ang maka-isang halik ako sa sampung attempt ko na humalik sa kanya.

Unti-unti nang nilapit ni Millie ang mukha niya sa'kin. At dahil pusang malandi nga
ako, hindi ko na nagawang hintayin ang paglapit niya. Niyukuan ko na siya para
salubungin ang halik niya. Kaso, bigla naman niyang hinatak ang pisngi ko, dahilan
para mapalayo ang mukha ko sa kanya. "Ugh! Ano b--"

"Gusto ko ng dokbokki."

"Ano?" Napakunot noo ako. Bukod kasi sa hindi pa niya binibitawan ang pisngi ko eh
hindi ko na naman maintindihan ang pinagsasabi niya. "Dog-doggy?"

"Hindi! Sabi ko, DOK-BOK-KI."

Lalong kumunot ang noo ko. "Pangalan ba ng doktor 'yan?"

"Aish! Hindi rin! Korean rice cakes 'yun na may sauce!"

"Ahh," nalinawan na rin ako. "Panibagong alien food lang pala."

"Korean food!" Sabay sampal sa'kin!

Natulala ako nun sa kanya dahil sa gulat. "Masakit 'yun ah." Naging seryoso ang
tono ko at natigilan naman siya. Parang natakot ba.
"Sorry..." Mahina pero may pagka-masungit niyang sabi.

"Ayoko ng sorry," kunwari galit ako. "Halikan mo ako para mawala 'yung sakit."

Sumimangot na naman siya. "E-Eh ayoko nga!"

"Tss," inalis ko ang tingin ko sa kanya. "Wala kang dokdogidogi."

"Dokbokki!" Sabay bira sa hita ko.

"Aray ah!"

"Ay sorry!" Hinilot niya agad 'yung binira niya. Tsk. Kung 'di ko lang 'to mahal,
naku. "Bili mo na ko ng dokbokki, Levi." Pamimilit niya pa na parang bata.
Pinigilan kong mapa-ngiti dun. "Sige, 'pag binilhan mo ko nun, hahalikan na kita."

Napatingin naman ako nun agad-agad. "Talaga? Seryoso? 'Pag binilhan kita nun,
hahalikan mo ko?"

"Talaga. Seryoso."

Mukhang seryoso nga siya. Takte. 'Di ko 'to dapat palagpasin. "Sige, tara." Tumayo
na ko. "Bili tayo."

"Ikaw na lang bumili. May papanoorin pa ko eh."

"Pero wala kang makakasama dito." Kontra ko naman. Nasa trabaho kasi ang mga
magulang niya. Si Jun-Jun naman, nasa kamag-anak nila muna eh, nagbabakasyon.

"Okay lang 'yan. Walang mangyayari sa'min ni baby na masama." Nginitian niya ako,
at hindi na ko nakatanggi. Kailangan ko na rin sigurong masanay na 'wag masyadong
mag-alala sa kanya.

Pumayag na ako at pumanhik na sa taas. Doon, mabilis akong naligo't nagbihis.

Pababa na ako ng hagdanan nang bigla namang may nag-doorbell. Nung nakabalik na ko
sa sala, nabuksan na ni Millie ang pinto. Mula sa magkaibang kinatatayuan namin,
kitang-kita namin kung sino ang nasa labas ng gate. Gulat itong napatitig sa amin,
at gulat din akong napatitig sa kanya.

Si Adrian ba itong nakikita ko?

xxxxxxTBC~

A/N: At ano namang ginagawa ni Adrian diyan. =_= LOL

Yo! Nga pala! Ang basa po sa name ni LEVI ay LE-VEE, hindi LEE-VAI, ha?
Hahaha. :D :)
####################################
Chapter Thirteen: CAT
####################################

CHAPTER THIRTEEN: Cat


"Adrian?" Hindi ko makapaniwalang bulong sa sarili ko.

Sinisigurado ko pa lang kung ang best friend ko nga nung high school ang nakikita
ko ngayong nakatayo sa tapat ng gate namin, nang bigla namang ibinagsak ni Millie
pasara ang pinto.

"Paalisin mo nga ang walang hiyang 'yun dito!" Galit na baling niya sa'kin at saka
ako nilagpasan para umakyat sa kuwarto ko. Nakalimutan ko, galit nga pala siya kay
Adrian.

"Millie, alis na ko ah!" Sigaw ko.

"Bahala ka!" Sigaw niya rin mula itaas, at narinig ko na ang pagsara ng pinto ng
kuwarto ko.

Bahala na nga. Bibilisan ko na lang din ang pamimili ko para 'di ako masyadong mag-
alala sa kanya.

Nagmadali akong lumabas ng bahay. Buti na lang nasa may gate pa rin si Adrian.
Nakatalikod siya at nakapameywang.

"Uy p're!" Halos tumakbo ako palabas ng gate. Inakbayan ko siya at sinikmuraan
bilang bati. "Gago ka ah! Bakit ngayon ka lang nagparamdam?!"

Mag-iisang taon na rin kasi mula nang lumipat ang lalaking 'to sa Manila. Dun na
siya nananatili habang nag-aaral.

Pero ang loko, hindi pinansin ang tanong ko. Tinignan niya lang ako. May bakas ng
'di paniniwala sa tingin niya.

"Oh bakit ganyan ka makatingin p're? Hindi ka ba makapaniwala sa kaguwapuhan at


ganda ng katawan ko ngayon huh? Hindi ka makapaniwala na hindi na tayo magka-level
'no? Mas guwapo na kasi ako kaysa sa'yo ng ilang porsyento eh!"

"Siraulo," malakas niya akong siniko sa sikmura. "Pero p're, hindi ba ko nagkamali
ng nakita kanina ah? Nandun sa bahay mo si Millie--at malaki-laki ang tiyan niya."

"Buntis tawag dun p're!" Matawa-tawa kong paglinaw. "Nabuntis ko eh kaya dun siya
nakatira ngayon sa bahay ko."

"Ano?" Tumaas ang boses ni Adrian at nanlaki pa ang mga singkit niyang mata.

Natawa ako nun, at niyaya ko na siyang maglakad palabas nitong subdivision. Sinabay
ko sa paglalakad namin ng pagkuwento ko sa mga nangyari sa'min ni Millie.

"Tang'na Levi," gulat na gulat siya sa mga nalaman niya. "Kung ako si Tito Jack,
hindi lang isang sapak ang makukuha mo. Bubugbugin pa kita. Takte eh. Hindi mo
naman niligawan ang anak ko, hindi naman naging kayo, tapos binuntis mo? Hayup na
'yan."

Natawa lang ako sa gulat at may galit na reaksyon ni Adrian. Nakakatuwa rin naman
eh. Mahigit isang taon siyang hindi nagparamdam sa amin at hindi rin lingid sa
kaalaman niya ang matinding galit na meron sa kanya si Millie--galit na nagsimula
nung magtapos kami sa 3rd year high school namin. Pero ito si Adrian, parang
kapatid pa rin ang turing kay Millie gaya nung mga panahong isang barkada pa kami.

"Basta p're, ninong ka ng magiging baby namin ah!" Sabi ko sa kanya nung nasa
sakayan na kami ng jeep.
"Kung papayag si Millie," sagot niya sa medyo malungkot nang tono. Tsktsk. Oo nga
'no. Panigurado, hindi papayag ang askal kong 'yun sa gusto ko.

"Ikaw naman kasi..." Ayun na lang bigla ang lumabas sa bibig ko. "Wala ka pa bang
balita kay Chelle?"

"Wala. Saan ka ba pala pupunta ah?"

Tignan mo ang lokong 'to. Kapag si Chelle ang topic, agad-agad iniiwasan. Kaya
hanggang ngayon, galit na galit pa rin sa kanya si Millie eh.

Si Chelle ay best friend ni Millie na naging girlfriend ni Adrian nung nasa third
year high school pa lang kami. Pero dahil dakilang playboy si Adrian, nakipag-break
din siya kay Chelle--na paniguradong naging dahilan ng biglang pag-alis nito nang
walang paalam bago matapos ang klase namin. Kahit kay Millie, hindi nagawang
magpaalam ni Chelle--na masyado namang dinibdib ng askal ko.

"Sa mall," sagot ko kay Adrian matapos kong manahimik saglit. "Kailangan kong
bilhan ng alien food ang naglilihi kong askal."

Natawa si Adrian, at agad naisipang samahan ako.

Sa biyahe hanggang sa paglalakad namin sa mall, hindi kami nawalan ng usapan. Puro
pangangamusta kami, mula sa pagbubuntis ni Millie hanggang sa pag-aaral namin, at
mula sa mga magulang naming magkaka-kaibigan hanggang sa mga magaganda at nagse-
sexy-hang babae na nakikita namin dito sa may food court.

Katulad na lang nitong babaeng nasa harapan namin at nakapila rin sa stall ng alien
food. Ang iksi-iksi ba naman kasi ng suot na shorts nito at grabe, ang puti't kinis
ng balat. Perpekto pa ang kurba ng katawan!

"Takte Adrian, bad influence ka talaga!" Sinapak ko siya sa braso bago kami
pumuwesto sa isang mesa.

"Teka, ikaw ang unang nakapansin sa babaeng 'yun tapos ako pa ngayon ang bad
influence sa'ting dalawa?"

"Ako nga ang unang nakapansin, tapos sinagad mo naman! Pucha. Walang ganyanan p're.
Magkakaanak na ko sa askal ko."

"Tsktsk. Ayan ang napapala ng 'di nag-iingat." Umiling-iling pa siya.

"Huh, kung magsalita 'to. Sa landi mong 'yan, makakabuntis ka rin, akala mo."

"Asa ka." Ngumisi at nagpangalong baba pa ang loko. "Nga pala, wala ba kayong balak
magpakasal ni Millie?"

Saglit akong natigilan. "Meron naman... Niyaya ko na siya kaso tumanggi siya...
Ayaw pa raw niyang magpakasal ngayon..."

Saglit ding hindi nakaimik si Adrian. "Paano mo siya niyaya?"

Medyo nalito ako. "Paano niyaya? E 'di sinabi ko sa kanya na magpakasal na kami?"

"May singsing kang pinakita?"

"Uhh, wala?"
Umiling-iling na naman si Adrian. "Next time pakitaan mo na siya ng singsing. Hindi
na tatanggi 'yun."

Napataas ako ng isang kilay. "Sigurado ka?"

"Oo," matawa-tawa niyang sagot.

Tatanungin ko pa sana si Adrian kung paano siya nakasigurado roon pero tinawag na
ko ng crew nung alien food stall dahil okay na ang order ko.

"Sa tingin ko babae ang magiging baby niyo," biglang sabi ni Adrian habang nasa
escalator kami pababa kami ng mall.

"Oh? Paano mo nasabi? 'Di ba arki kurso mo? Hindi kung ano na may kinalaman sa
pagiging ob-gyne?"

"Siraulo. Sa tingin ko lang 'yun. May sabi-sabi kasi na kapag maganda ang babae
habang nagbubuntis, babae raw ang magiging anak niya. Eh sa nakita ko kanina, ang
ganda ni Millie."

"Oy pare, pare. Askal ko 'yun ah. Akin siya." Sita ko kay Adrian.

"Siraulo ka talaga 'no? Parang sinabi ko lang na maganda askal mo eh." Nakalapag na
kami sa ground floor at muling naglakad. "Sa'yong sa'yo na siya. Wala akong balak
na kataluhin ka. T'saka si Millie? Parang kapatid ko na 'yun." Bigla niya kong
hinarap at dinuro. "Kaya ikaw, magtino ka na talaga ha? Dahil kapag ginago mo si
Millie, magta-tag team kami ni Tito Jack na mangbugbog sa'yo."

Napangisi ako dun. "Opo Kuya."

Natawa siya at sinikmuraan ako. "Gago ka. Tara nga muna dun!"

Sinundan ko si Adrian sa may supermarket. Hindi naman siya pumasok dun dahil ang
pinuntahan lang niya ay 'yung puwesto ng mga prutas na nasa labas lang.

"Oh para sa askal mo," inabot niya sa'kin ang isang plastic bag na may kung anu-
anong prutas na binili niya. "Huwag mo nga lang sabihing galing 'yan sa'kin. Baka
'di niya kainin."

Natawa lang ako nun at nagpasalamat sa kanya.

Sa labas ng mall na kami naghiwalay ni Adrian. Magkaiba na way namin eh. Siya,
pabalik na ng Manila. Ako naman, pauwi na.

Si Adrian--loko-loko na nga, suwail pa. Biruin niyo 'yun, nagpunta siya rito sa
Bulacan para bisitahin ako pero 'yung nanay niyang nasa kalapit lang na
subdivision, hindi binisita?

Naglalakad na ako sa subdivision namin nang madaanan ko ang bahay nina Millie.
Napahinto ako roon dahil nakita ko si Tito Jack na naglilinis ng kotse sa garahe
nila. Akala ko kanina, nasa trabaho siya eh.

Pinanood ko siya, at bigla kong naalala ko si Millie na natutulala at nalulungkot


minsan dahil inaalala siya. Wala pa rin kasing nagbabago sa relasyon nilang mag-ama
mula nang malaman niya ang pagbubuntis ng anak niya. Naisip ko tuloy ngayon, na
dapat may gawin na ko para unti-unting lumambot ang puso niya sa anak at magiging
apo niya.

"Tito Jack," tawag ko sa kanya. Nilingunan naman niya ako at saka matalim na
tinignan.

Sawa ka na ba sa buhay mo huh? Ganun ang dating ng tingin niya sa'kin. Nakakatakot
pero hindi ako magpapatakot!

Nakabukas ang gate nila kaya pumasok ako sa garahe. Dinukot ko ang wallet ko mula
sa bulsa ng suot kong cargo pants at may kinuha ako roon na pinatong ko sa tuyo
nang parte ng hood ng kotse niya. Ultrasound picture 'yun ng baby namin ni Millie.

"Apo niyo po," pakilala ko dun sa picture na tinignan naman niya. "Fourteen weeks
po siya diyan. Normal ang development niya, normal ang heartbeat--in short, healthy
siya."

Hindi na kumilos si Tito Jack pero natulala siya dun sa picture. Nawala na ang
galit sa mga mata niya. Napalitan na iyon ng pagkamangha.

"Uhm, binalitaan ko lang po kayo. At uhm, sige, sa inyo na po 'yang picture."


Pagkasabi ko nun ay umalis na ko. Hindi ko na hinintay na muli niya akong lingunan.
Ayokong bumalik ang galit sa mga mata niya.

Nanghihinayang ako at kinailangan kong ipamigay 'yung fourteen-week ultrasound


picture ng baby namin ni Millie. Pero ayos lang... kung isang paraan naman 'yun
para magsimula nang maging maayos ulit ang lahat...

"Mm, nyarap!" Tuwang-tuwa si Millie nang makain na niya 'yung dokdo--ahh, alien
food number two na pinabili niya.

Habang ako, nakaupo lang sa tabi niya at pinapanood siya.

Nag-aalala ako. Puro maaanghang kasi na pagkain ang hanap niya. Sabi naman ng
doktor niya, walang masama dun, lalo na't sanay naman daw kumain ng maanghang si
Millie. Kaso, ayan ang pinaglilihian niya eh. 'Di kaya makaapekto 'yan sa ugali ng
baby namin?

"Gusto mo?" Alok ni Millie sa'kin.

Umiling lang ako. "Ang gusto ko eh makuha na ang kapalit niyang binili ko."

"Kapalit?" Amp! Nagpa-patay malisya siya!

"'Yung kiss ko," inis kong sagot.

"Ah!" Aba, nakalimutan nga niya. "Oo nga pala. Teka lang." Uminom siya ng tubig at
pinunasan ang bibig niya. Pagkatapos ay hinarap niya ko at humawak sa magkabila
kong pisngi. Napalunok ako dun. "Sorry nalimutan ko."

Ngumiti siya at unti-unti nang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Pucha. Ito na!

Nakatitig lang ako sa mga labi niya. Hanggang sa mapapikit na ako sa sobrang lapit
niya sa'kin.

Pero wala namang mga labi na dumampi sa mga labi ko; bagkus ay sa pagitan ng mga
mata ko iyon naramdaman. Matagal ang halik na ginawa ni Millie roon. Masarap sa
pakiramdam--pero nakakabitin!

Putakte. Nadaya ako nitong askal ko ah!

Matapos ng halik ni Millie ay muli niya akong hinarap nang may matamis na ngiti sa
kanyang mga labi.

"I love you, Levi..." Bulong niya bago bumalik sa pagkain.

Natulala ako roon. Nakaramdam ng contentment ang puso ko--at sobrang kasiyahan. Ito
kaya ang unang beses na sinabihan niya ko nang ganun.

Pero! Pucha! Nakakabitin talaga 'yung halik!

"Millie," seryosong tawag ko sa kanya.

"Mm?" Nilingunan niya ko. Sa paglingon niya, walang pasubali ko siyang hinalikan sa
mga labi niya. Aba, para-paraan na 'to! Desperado na kung desperado! Eh sa nabitin
talaga ako eh!

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ni Millie sa ginawa ko. At nung hiwalayan ko


na siya, bakas ang sobrang pagkagulat sa itsura niya.

Napangiti na lang ako nang nakakaloko sa naging reaksyon niya, sabay sabi ng, "I
love you too."

"Bwiset ka," pabulong naman niyang sagot, at saka nakapigil na ngiting bumalik sa
pagkain.

xxxxxxTBC~

A/N: Si ADRIAN--galing siya sa isa ko pang story na Playboy's Girl, wherein mag-
best friend nga sila ni Levi. :)

PROMOTION: May new story ako-- "Haunting Aubrey" title. Click EXTERNAL LINK sa may
trip i-read. ;)
####################################
Chapter Fourteen: DOG
####################################

CHAPTER FOURTEEN: Dog

Nakakalungkot naman...

Nakakalungkot 'yung ganito, mag-isang nagpapalipas ng maghapon. Magwa-one week na


kasi mula nang magsimula ang pasukan. At dahil may part-time job si Levi, maghapon
na siyang wala sa bahay at gabi na siya kung makauwi. Ang kapatid ko naman, may
pasok na rin. Si Mama, may trabaho pa rin. So ito ako ngayon. Mag-isa.

"Ah!"

Gulat akong napahawak sa tiyan ko habang nakaupo sa sofang higaan ni Levi. Itong
baby kasi namin, biglang gumalaw! Hindi ko lang alam kung anong klaseng galaw ang
ginawa niya, pero sigurado akong gumalaw siya.
Last week pa ako nakararamdam ng ganito. At tuwing gumagalaw siya, napapasigaw ako.
Nakakagulat kasi at ang weird sa feeling. Para bang may kumikiliti sa akin mula
loob.

Sayang nga lang, hindi pa magawang maramdaman ni Levi ang paggalaw ng baby namin.
Bukod kasi sa hindi niya matiyempuhan eh hindi pa iyon ang tipo ng galaw na
mararamdaman sa labas ng katawan ko--ayun ang paliwanag sa amin ng doktora ko last
week.

"Sorry baby. Hindi nga pala ako mag-isa. Kasama nga pala kita. I love you, okay?"
Sabi ko sa baby namin habang hinihimas ang malaki ko nang tiyan.

This week, nag-twenty one weeks na itong pagbubuntis ko. At next week, puwede na
raw namin malaman ni Levi ang gender ng baby namin.

Super excited na kami ni Levi malaman kung girl o boy itong baby namin. Nagsimula
na nga rin kaming mag-isip ng ipapangalan dito. Kaso lagi naman naming
pinagtatalunan ang bagay na iyon. Ang pusandi kasi na 'yun, ginagawang laro-laro
ang pag-iisip ng pangalan. 'Yung mga baby boy names na naiisip niya, puro tunog
pang-halimaw. 'Yung baby girl names naman, puro pangalan ng sexy stars! Tsk.

Pero may matino rin naman naging suggestion si Levi. Kapag boy raw, Levi Junior.
Kapag girl naman, Levianna--combination ng mga pangalan namin. Eh ayoko naman sa
mga pangalang 'yun! Basta, ayoko! Hindi ako natutuwa sa tunog nila!

Bigla akong napabalikwas sa kinauupuan ko. 'Yung cellphone ko kasing nasa tabi ko,
biglang nag-ring. Nang tignan ko iyon, nakita kong si Levi ang tumatawag.

Napalunok ako sa pangalan niya. Medyo kinakabahan lang ako na kausapin siya kasi...
uhm... may sort-of-mali akong ginawa.

"Hello?" Mahina kong sagot.

"Millie, ano bang problema?" May inis at pag-aalala niyang tanong.

Sino ba naman kasing hindi maiinis kung kanina ko pa siya tinetext nang may sad-
face emoticon. Nung magtanong naman siya kung bakit may sad-face sa unang text ko,
sinabi ko na malamang kasi malungkot ako--nang may sad-face emoticon ulit. Nang
tanungin naman niya kung bakit ako malungkot, wala lang ang sinagot ko--nang may
sad-face emoticon pa rin.

Mula nun, hindi na siya tumigil kakatanong sa text kung ano bang problema.
Pinagpilitan ko naman ang sagot ko na wala lang--pero naka-sad face pa rin--na
tinriple ko pa. Eh nagkataong nasa klase siya ng mga oras na 'yun kaya ngayon niya
lang ako natawagan.

"Wala naman," mahina pa rin ang boses ko sa pagsagot sa tanong niya. "Malungkot
lang talaga ako." Na totoo naman. "Anong oras ka ba makakauwi?"

Natawa siya. "Aww. Nami-miss lang pala ako ng askal ko."

"H-Heh!" Napasigaw ako kasabay ng pag-init ng mga pisngi ko. Teka! Bakit ganito?!
Hindi naman 'yun totoo eh! "Huwag ka ngang mag-aww diyan dahil hindi ka naman aso!
Pusa ka eh! Pusang malandi!"

"E 'di baguhin," pilit siyang tumigil sa pagtawa. "Meooow. Nami-miss na ako ng
askal kong mahal ko."
Naitakip ko sa mukha ko ang isa kong kamay. Nakakainis talaga ang kalandian ng
pusandi na 'to. Ang mas nakakainis pa eh hindi ko maiwasang makaramdam ng kilig sa
kalandian niya. Ugh! Nakakainis sobra!

"Sagutin mo na tanong ko pusandi! Anong oras ka ba uuwi?!"

"Ay, 7 nga pala askal." Wow, maaga-aga! Nung mga unang araw kaya ng pasukan, 9 at
10 na siya nakakauwi.

"Ibig sabihin sabay tayong maghahapunan dito?" Pilit kong tinago ang tuwa sa boses
ko.

"Puwede. Depende sa'yo 'yun eh kung nakakain ka na o hindi pa pag-uwi ko." Parang
na-imagine ko pa siyang nagkibit-balikat sa pagsagot.

Gusto ko sanang sabihin na hihintayin ko siya para sabay kaming makakain. Pero sa
sobrang tuwa at excitement ko eh iba ang lumabas sa bibig ko.

"Anong gusto mong hapunan?" Naitanong ko.

"Huh?" May pagtataka sa boses niya. Ito ang unang beses na tinanong ko siya nang
ganun eh. "Ah, ano. Ikaw, kung anong gusto mo."

Napasimangot ako. "Ehhh. Ikaw nga tinatanong ko kung anong gusto mo eh."

"Naku," medyo natawa siya. "Kung ganun, puwede bang... ikaw na lang ang hapunan
ko?"

Nanlaki ang mga mata ko dun kasabay ng pagpanic ng mga lamang loob ko. A-Aba 'tong
pusandi na 'to!

"E-Ewan ko sa'yo! Bwiset!" Sabay end sa tawag niya.

Bwiset talaga! Bwiset, bwiset, bwiset! Hindi ko gusto kung paano nagreact ang
katawan ko sa sinabi niyang 'yun. Nakakailang!

Puwede bang... ikaw na lang ang hapunan ko?

Napatakip ako ng mga tenga. 'Yung boses kasi ni Levi nang sabihin niya 'yun, parang
may kuryente na pinasa sa tenga ko at dumaloy pababa sa tiyan ko. Talagang
nakakailang!

Tumawag ulit si Levi nang dalawa pang beses pero kinancel ko iyon lahat. Napa-text
na lang tuloy siya sa huli.

Pusandi:

Sorry na kanina askal! Nagjo-joke lang ako eh! 'Yung hapunan, kahit na ano talaga
ayos lang sa'kin, lalo na kung luto mo naman. Kaya 'wag ka na magalit ah? Meooow.

Napairap na natawa ako sa text niya. Bakit may Meooow sa dulo?

After nun, nagtext-text na lang kami hanggang sa magpaalam na siya kasi magta-time
in na raw siya sa trabaho. At nag-meow na naman siya!

So nagpapaka-pusa talaga siya ah? Eh kung ipaghanda ko kaya siya ng cat food
mamaya?

"Ah!" Gulat na naman akong napahawak sa tiyan ko.


Tsktsk. Mukhang kumokontra ang baby namin sa naisip ko.

"Joke lang 'yun baby! Hindi cat food ang ipapakain ko sa tatay mo mamaya!" At
natawa na lang ako habang nag-iisip ng ihahanda mamaya.

Matapos kong magpahinga at mag-isip, gawaing bahay na naman ang inatupag ko--kinuha
ko ang mga natuyong damit na nilabhan ko kaninang umaga at tiniklop ang mga ito.

Sa totoo lang, ayaw ni Levi na gawin ko pati ang paglalaba. Mahirap daw kasi 'yun.
Eh anong mahirap dun kung may washing machine at spinner naman dito sa kanila?
Palibhasa, sanay siyang nagpapa-laundry. Eh sa ngayon, isang aksaya lang sa pera
ang pagpapa-laundry. T'saka, responsibilidad ko naman na 'to diba? Kung siya,
pagha-hanapbuhay ang responsibilidad bilang ama. Ako naman, ito--mga gawaing bahay.

Naalala ko tuloy, ganito sina Mama at Papa dati nung bata pa ako; nung hindi pa
bumalik sa pagtatrabaho si Mama. Idolo ko sila, kaya yapak nila ang gusto kong
sundan sa pagbubuo ng pamilya.

Napangiti ako bigla.

Si Mama... Gusto kong maging katulad niya pagdating sa pagiging ina at asawa.

T-Teka.

A-Asawa?

Kinabahan ako sa salitang iyon. Lagi naman eh. Para akong napa-praning kapag
naiisip ko ang pag-aasawa at pagpapakasal. Nandun na kasi ako sa punto na, gusto
ko, tapos biglang ayaw ko pa kasi may gusto nga akong mangyari muna--mangyari na
malabong mangyari. So paano na kung hindi mangyari 'yung gusto ko?

Ugh, ayoko na nga munang isipin 'yun!

Umiling-iling ako para i-clear ang utak ko. Tapos na rin naman na ako sa
pagtitiklop eh so... Pamimili naman ng mga kakailanganin ko sa pagluto ng hapunan
ang aatupagin ko.

Suot ang cream maternity dress na binili ni Mama para sa'kin, umalis ako para
mamili sa palengke sa may labas ng subdivision namin. Naglakad lang ako para
exercise na rin. Sabi kasi ni Mama at ng doktor ko, makakatulong daw ang madalas na
paglalakad para hindi ako masyadong mahirapan sa panganganak.

Sa paglalakad ko, may mga babaeng kapitbahay kami na nakasalubong ko. Mga kaibigan
sila ng mga nanay namin ni Levi. Tuwang-tuwa sila na makita ako. Karamihan sa
kanila, nagsabi na babae ang magiging baby ko. Ang ganda ko raw kasi? Eh ganun ba
'yun? Kahit si Mama, ganun ang sabi sa'kin eh.

Saglit lang ako sa palengke dahil hindi naman ganun karami ang kinailangan kong
bilhin. Pauwi, naglakad lang din ako.

Pero sana pala, hindi ako naglakad. Sana, nag-special ride na lang ako ng tricycle.
Padaan na kasi ako sa tapat ng bahay namin--nina Mama--nang biglang lumabas si Papa
sa may gate at lumapit sa sasakyan niya. Naka-uniporme siya ng pang-pulis.
Malamang, papasok palang siya.
Nagkagulatan kami nun ni Papa. Pero agad akong napayuko at dumiretso lang sa
paglalakad.

Nahihiya ako sa kanya. Nandun din 'yung lungkot, sakit at takot. Ngayon ko lang
siya ulit nakita matapos ang ilang buwan at pakiramdam ko lang, muli niya akong
sisigawan at itatakwil ngayon.

"Milliana."

Napahinto ako sa paglalakad sa pagtawag na iyon ni Papa. Nabalot ng kaba at


pagkalito ang puso ko.

Tinawag ba talaga ako ni Papa? Lingunan ko ba dapat siya? Eh paano na kung hindi
pala niya ko tinawag? Baka magalit lang siya kapag tinignan ko siya.

Napahigpit ang hawak ng nanginginig kong mga kamay sa bitbit kong plastic bag, nang
muli kong marinig ang boses ni Papa.

"Kamusta na kayo?" Seryoso niyang tanong.

Nag-aalangan ko siyang nilingunan. Nasa tapat na siya ng pintuan ng driver's seat


ng kotse niya, at seryoso rin ang itsura niya. Walang bakas ng kahit anong emosyon
sa mukha niya. Walang saya, pero wala ring galit.

"O-Okay naman po..." Mahina kong sagot.

Medyo napangiti naman siya sabay bukas ng pinto ng sasakyan niya. "Buti naman. Mag-
ingat ka sa mga kilos mo ah, baka mapaano ka at ang pinagbubuntis mo."

Napanganga ako saglit sa ngiti ni Papa at sa mga salitang binitiwan niya. "O-
Opo..."

Sa pag-opo ko, pumasok na siya ng sasakyan. Nang makaalis na siya, at saka lang ako
nagmadaling bumalik sa bahay ni Levi. Pagkapasok ko roon, napasandal ako sa pinto
nang naluluha at nakangiti.

"K-Kinausap ako ni Papa..." Salita ko sa sarili ko. Nabitawan ko rin ang bitbit
kong plastic bag at tinakpan ang bibig ko--sabay tili!

Ang saya! Kinausap na ako ng papa ko!

xxxxxxTBC~

Dedication porr @WalkOver -- Belated happy birthday, mare! Labyow! :D


####################################
Chapter Fifteen: DOG
####################################

CHAPTER FIFTEEN: Dog

Unti-unti na nga yatang nagiging okay ang relasyon namin ni Papa. Mula nung
kausapin niya ako, araw-araw nang nagdadala ng mga prutas si Mama sa bahay at bigay
raw iyon ng tatay ko.
Nakakataba ng puso ko. Kahit ang baby ko, nararamdaman kong natutuwa sa nangyayari.
Lalo naman si Levi, ang yabang! Tama raw ang sinabi niya noon na magiging okay rin
ulit ang lahat. At dahil tama siya, dapat daw bigyan ko siya ng reward na kiss!
Ayun, sinapak ko nga.

"Ready na kayo?" Nakangiting tanong ng doktora ko na kasalukuyang inu-ultrasound


ako.

Twenty one weeks na ako at sa check-up kong ito, malalaman na namin ni Levi ang
gender ng baby namin.

"Ready na po!" Si Levi ang sumagot. Excited talaga ang loko. Palibhasa may pustahan
din kami. Kapag baby boy ang baby namin, puwede siya mag-request sa akin ng kahit
ano na dapat kong sundin. Kapag baby girl naman, ako ang puwedeng mag-request sa
kanya.

"Okay," natatawa si Doktora nang muling tumingin sa monitor.

Humigpit naman ang pagkakahawak namin ni Levi sa kamay ng isa't isa.

"Based on my observation sa kuhang ito ng baby niyo, your baby is a..." Napalunok
ako sa pambibitin niya. Tinignan niya pa kami nang nakangiti. "A baby girl."

"Yeeey!" Tili ko.

Si Levi, rinig kong napa-Wow lang sabay tawa nang mahina. Habang si Doktora naman
ay nagpaliwanag pa kung paano naging baby girl ang finding niya.

Ang saya. Bukod sa ako ang nanalo sa pustahan namin ni Levi eh masaya rin akong
malaman na healthy pa rin ang pagbubuntis ko.

Hmm, so sa ngayon, ang ikinaka-excite ko naman na ay ang panganganak ko. Gusto ko


nang makita ang baby namin. Ano kayang itsura niya? Magiging mas kamukha kaya siya
ni Levi? O ako?

"Hanggang ngayon, wala ka pa ring naiisip na request?" Tanong ni Levi pagkahinto ng


kotse niya sa tapat ng bahay nila.

"Wala pa." Wala pa dahil lutang ang utak ko kakaisip sa magiging itsura ng baby
natin. "Uy si Mama!"

Napansin ko si Mama na kalalabas lang ng gate ng bahay namin. Madali akong napababa
ng kotse ni Levi at pasigaw na tinawag siya. Nakangiti naman niya akong nilingunan
at nilapitan.

"May good news ako anak." Sabi agad ni Mama. Sayang, naunahan niya ako. Ibabalita
ko sana agad 'yung naging resulta ng check-up ko ngayon eh.

"Ano po 'yun, Ma?" Tanong ko. Sakto namang bumaba na rin si Levi.

Nginitian ni Mama si Levi bago humawak sa dalawang kamay ko. "May pagkakataon ka na
para makausap ulit ang papa mo."

Napakurap ako. Kasi, nagkausap na nga kami ni Papa last week pero hindi na iyon
naulit pa. Kinukumbinsi man ako ni Mama na lapitan si Papa para kausapin ito pero
nahihiya akong magkusa na lumapit dito.

"Tinawagan kasi ako ng Papa mo kani-kanina lang. Nagpapahanda ng hapunan at maaga


raw kasi siyang makakauwi. Tapos yayain ko raw kayo ni Levi na sa amin na
maghapunan."

Napanganga ako, hanggang sa napa-ngiti. Napalingon din ako kay Levi na nakangiti
rin gaya ko.

"Uy mamaya, pumunta kayo sa amin ha?" Tanong pa ni Mama sa amin ni Levi.

"Opo, Ma. Sige." Tuwang-tuwa kong sagot.

"Sakto po pala, Tita." Biglang salita ni Levi. "Mamaya po, may maganda rin kaming
ibabalita ni Millie sa inyo, eh."

"Talaga, talaga?" Halos magningning ang mga mata ni Mama. Tumango naman ako sa
kanya, kahit hindi ko pa alam kung tama ba ang hula ko sa magandang balita na
tinutukoy ni Levi.

Ayun nga kaya 'yun?

Matapos kami kausapin ni Mama, inako na namin ni Levi ang gagawin niya dapat na
pamamalengke. Hinayaan naman kami ni Mama so ngayon, lakad mode kami ni Levi--nang
magkahawak kamay.

Kung hindi lang ako masaya, maiilang ako sa pagho-holding hands naming 'to. Eh
sobrang saya ko kaya napapabigyan ko ang kalandian niya.

Naku. Ang suwerte lang ng pusang malandi na 'to. Pero... suwerte rin naman ako sa
kanya. Malandi nga siya pero kapag mahal niya, talagang mahal niya. Nararamdaman ko
iyon sa mga kilos niya. Gaya ngayon--ang bawat alalay niya sa akin sa paglalakad
namin at ang bawat tanong niya kung okay lang ako sa tuwing natutulala ako kakaisip
ng bibilhin, sobrang naa-appreciate ko. As in sobra. Kung sasabihin--or
ipagmamayabang--nga lang niya ulit na mas nai-in love na ako sa kanya, hinding
hindi ko na ipagkakaila 'yun. Sa kada araw naman na lumilipas na kasama ko siya,
mas nai-in love nga talaga ako sa kanya eh.

"L-Levi..."

Nakabalik na kami sa bahay ni Mama at kakapasok lang namin sa gate nang huminto ako
at hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

"Oh, bakit?" Nagtataka niyang tanong.

Napatitig ako sa pintuan ng bahay na dati kong inuuwian. Ilang buwan na mula nung
huling beses na pumasok ako roon. Nakakakaba. At mas nakakakaba isipin na mamaya,
sa loob ng bahay na iyan, makakaharap at makakasabay ko ulit sa pagkain si Papa.

Grabe... Sobra ko na palang nami-miss ang papa ko... Sana naman, bumalik na nga
kami sa dati...

"Millie," medyo nagulat ako sa pagsasalita ni Levi na sinabayan niya pa ng paghawak


sa baba ko at paglapit ng mukha niya sa mukha ko. "Huwag kang kabahan. Magda-dahan
dahan ako." Bulong niya.

Kumunot ang noo ko at tinapik palayo ang kamay niya. Inaatake na naman kasi siya ng
kalandian! "Umayos ka nga pusandi! 'Pag ikaw sinapak ko diyan!"
Natawa siya. "'Wag ka na kasi kabahan! Ito na 'yun eh, magkakabati na talaga kayo
ng papa mo. Sigurado ako dun."

"Gaano ka-sigurado huh?"

"One hundred percent na sigurado!"

Tumaas ang isang kilay ko. "At paano ka naman nakaka-one hundred percent na
sigurado?"

"Kasi, mas naiintindihan ko na ngayon ang nararamdaman ni Tito Jack--ngayong


magkakaanak na rin ako ng isang babae."

Natigilan ako roon. Oo nga naman, 'di ba? Magiging tatay na rin siya sa isang
babaeng anak gaya ni Papa.

Ngumiti siya, humawak sa likod ng ulo ko, at hinalikan ako nang matagal sa noo.
Napangiti na lang din ako habang pinapakiramdaman ang halik niya.

"Witwew!" May sumipol bigla mula sa likuran namin. Napabalikwas tuloy ako at lumayo
naman si Levi. Paglingon namin doon, nakita namin si Juni na nakangiti nang malapad
sa amin. "Grabe ka talaga dumamoves, Kuya Levi! Papasok na lang ng bahay, may
forehead kiss pang nalalaman!"

Ngumiti rin nang malapad si Levi at nag-okay sign sa kapatid ko. "Ganito talaga ang
mga expert."

Nag-okay sign din ang kapatid ko. "Kaya idol kita eh!"

Tss.

Ngumiwi lang ako't napairap. Pumasok na rin ako ng bahay at iniwan sila ng kapatid
ko sa labas. Magsama sila dun. Mentor at protege ng kalandian.

Nakaka-ilang. Pakiramdam ko alien ako nung muli akong makapasok sa bahay ng mga
magulang ko. Pero siyempre, nandun din ang saya at excitement.

Naging abala kami ni Mama sa pagluluto sa kusina. Si Juni, abala sa paggawa ng


homeworks sa sarili nitong kuwarto. At si Levi naman ang tumatakbo sa labas kapag
may pinabibili kami ni Mama. Minsan taga-gulo rin siya dito sa kusina. At kapag
nawawala si Mama, taga-landi. Kalalandi nga niya sa'kin eh nahiwa ko ng kutsilyo
ang daliri ko. Tsk!

"Ampu! Lagot ako kay Tito Jack!" Nag-panic si Levi sa pagkahiwa ko. Sinipsip niya
ang sugat ko, hinugasan, at parang baliw na naghagilap ng band aid. Tawang-tawa
naman ako nun sa inakto niya. Takot na takot lang sa magiging reaksyon ng tatay ko
kapag malamang nagkasugat ako dahil sa kanya. Nakakatuwa rin alalahanin 'yung times
na kapag may atraso siya sa akin eh talagang nalalagot siya kay Papa.

Nakaka-miss maging papa's girl...

"Ayan, o-okay na ah? Wala na akong kasalanan." Nakangusong sabi ni Levi nang
malagyan na niya ng band aid ang sugat.

"Oo, wala na." Natatawa kong sagot bago bumalik sa paghihiwa ng gulay.
*

"Wala pa si Papa?" Tanong ni Juni pagkababa niya ng hagdanan.

Tapos na kami ni Mama na magluto ng hapunan at mag-ayos dito sa kainan pero si


Papa, hindi pa dumarating.

"Wala pa," sagot ni Mama habang nagtitimpla ng orange juice. "Pero malamang malapit
na 'yun. Nag-text siya kanina pa na pauwi na siya eh."

"Askal," bulong bigla ni Levi na nakatayo sa likuran ng inuupuan ko. "Sino pala ang
magsasabi sa'ting dalawa ng good news sa kanila?"

Kinabahan ako sa tanong niya.

Gaya ng hinala ko, ang good news na tinutukoy ni Levi ay 'yung gender ng baby
namin. Pero sino nga kaya sa amin ang dapat magsabi ng balitang 'yun sa pamilya ko?

May cellphone na biglang nag-ring kasabay ng pagpuwesto ni Juni sa mesa. Cellphone


iyon ni Mama.

"Oh sakto, tumatawag papa niyo. Malamang magtatanong ng pasalubong na iuuwi para sa
inyo." Natatawa si Mama nang sagutin niya ang tawag ni Papa. "Hello Pa?"

Nakita ko ang pagtaas ng dalawang kilay ni Mama na para bang nagdududa siya sa
sinasabi ni Papa. Pagkatapos ay nakangiti siyang natulala. Napansin ko rin ang
paghugot niya bigla-bigla ng malalim na hininga.

"H-Hindi 'yan totoo..." Nanginginig ang boses ni Mama na ikina-kaba ko.

"Ma?" Napatayo ako sa kaba.

"H-Hindi, hindi..." Nanginig na rin ang mga kamay niya dahilan para mabitawan ang
hawak-hawak niyang cellphone.

"Mama," napatayo na rin si Juni at inalalayan ang nanay namin na nanlambot bigla
ang mga tuhod. "Ano pong nangyayari sa inyo, Ma?"

"J-Juni... Ang papa niyo... P-Puntahan natin sa ospital..." Naluha si Mama at


nahawa ako. Nanginig at naluha na rin ako. "Hindi... H-Hindi ako naniniwalang patay
na siya... Hindi..."

A-Ano? Si Papa... H-Hindi... Hindi 'yun puwedeng mangyari.

Gamit ang kotse ni Levi, nagmadali kaming nagpunta sa ospital na pinagdalhan daw
kay Papa.

Sabi nung tumawag kay Mama kanina gamit ang cellphone ni Papa, pauwi na raw ito
nang may masaksihang insidente ng murder hold-up sa tapat ng isang bangko. Umaksyon
daw sa eksena si Papa at hinabol ang suspek hanggang sa umabot na iyon sa isang
shoot out. Nadale ni Papa ang isa sa dalawang suspek. Pero maging si Papa, nadale
rin nung isa pang suspek na nakatakas.

Ang sabi, dead on arrival daw sa ospital ang papa ko. Hindi naniwala si Mama at
maging kami ni Juni. Pero nung nakarating na kami dun sa ospital, nang makausap na
namin ang mga katrabaho ni Papa, at nung makita na namin si Papa na walang buhay,
doon na nag-sink in sa amin ang katotohan.
Si Papa... W-Wala na talaga...

Sa pag-iyak nina Mama at Juni, nakita ko ang pagguho ng mundo ng pamilya namin.
Iiyak na rin dapat ako, pero tinatagan ko ang loob ko. Dapat, kahit isa man lang sa
pamilya namin ang maging matatag sa mga oras na ito. At ako na 'yun, ang panganay
nilang anak.

"Millie..." Si Levi, biglang niyakap ang isang braso sa mga balikat ko mula sa
likuran ko. Malungkot din siya, nakikisimpatya, at higit sa lahat, nag-aalala sa
akin.

Humawak ako sa braso niya at bahagyang ngumiti. "Okay lang ako..."

Okay lang ako... Naiiyak kong ulit sa isip ko. Wala na ngang talaga si Papa pero
magiging okay pa rin naman ang lahat, 'di ba? 'Di... ba?

xxxxxxTBC~
####################################
Chapter Sixteen: CAT
####################################

CHAPTER SIXTEEN: Cat

Ang hirap paniwalaan. Ang lalaking pinaka-kinatatakutan ko sa buong mundo, wala na.
Nakakalungkot at nakakapanghinayang. Pero gusto ko ring matuwa at maging proud
dahil binawian siya ng buhay sa marangal na paraan.

Pitong araw na binurol si Tito Jack sa isang simbahan--simbahan kung saan sila
kinasal ng asawa niya. Marangal din na burol ang inalay sa kanya, kasing rangal ng
dahilan ng pagkamatay niya. Maraming kamag-anak, kaibigan at katrabaho niya ang
dumalaw para magbigay ng respeto sa kanya at makiramay sa pamilya niya.

Sa pitong araw ng kanyang burol, naroon ako, tumutulong at umaalalay sa pamily


niya--lalo na kay Millie. At sa pananatili ko roon, ang dami kong narinig na
nakakatuwang kuwento tungkol sa kanya--mula nung estudyante pa lang siya hanggang
sa maging isang dedicated na pulis.

Nang marinig ko ang mga kuwentong iyon, may ibang mga kuwento ring nabuo sa isip
ko--kuwento ng mga alaala kung paano siya naging isang ama kay Millie.

Mga bata pa lang kami ni Millie, para na kaming aso't pusa. Laging nagtatalo, nag-
aaway, nag-aasaran. Ayun nga lang, laging si Millie ang natatalo at umiiyak sa
huli. Palibhasa may kakampi ako--ang best friend kong si Adrian. At kapag umiyak na
si Millie, doon lalapit si Tito Jack sa amin. Papatahanin at bubuhatin niya si
Millie, tapos sisindakin niya kami ni Adrian gamit ang nakakatakot niyang boses at
nanlilisik na mga mata. Minsan nga, pinosasan niya kami ni Adrian at tinanong kung
gusto naming makulong dahil sa pagpapaiyak sa anak niya. At ang sinagot namin ni
Adrian? Isang malupit na iyak.

Nasaksihan ko rin kung paano niya i-spoil at protektahan si Millie. Nakakainggit na


nga minsan eh dahil hindi ko iyon nararanasan sa tatay ko na laging nasa ibang
bansa para magtrabaho. Pero mas nakakatuwa kasi, nakakatuwang makitang masaya si
Millie.
Dahil sa mga iyon, alam ko kung gaano siya kamahal ni Millie. Alam ko rin kung
gaano sila nasaktang mag-ama nang mabuntis ko si Millie. At alam ko rin kung gaano
nila inaabangan ang pagkakataong magkaayos sila--pagkakataong hindi na darating pa.

Linggo, dinala si Tito Jack sa huli niyang hantungan. Nag-alay sa kanya ng eulogy
ang pamilya niya--puwera na lang kay Millie.

Binilinan kasi si Millie ng doktor niya na huwag gumawa ng kung ano na puwedeng mas
ikasama ng loob niya. Hindi man kasi siya umiiyak at lagi man siyang ngumingiti sa
mga bisita, stressed at depressed talaga siya deep inside. Kaya nga hangga't
maaari, hindi ako umaalis sa tabi niya.

Kaysa ilibing sa mga Libingan ng mga Bayani, mas pinili ng pamilya ni Millie na i-
cremate si Tito Jack para raw makasama pa rin nila ito sa bahay. Nakakakilabot nga
eh. Kung ako ang namatayan, hindi ko yata gugustuhin iyon. Pero malay ko ba sa
pakiramdam ng mga namatayan. Kung sobrang mahal mo talaga 'yung namatay, natural
lang yata na ganun ang gawin mong desisyon. Kasi nga, mahal mo. Kasi gusto mo pa
rin siyang makasama kahit wala na siya.

"Millie," tawag ko sa askal ko pagkaupo ko sa tabi niya.

Nandito kaming dalawa ngayon sa sala ng bahay nila. Pasado ala-sais na ng gabi at
halos kakauwi lang naming lahat mula sa cremation ni Tito Jack. Ang abo nito ay
nasa altar na nila na narito lang din sa sala.

Si Tita Minda at Jun-Jun, pareho nang umakyat sa kani-kanilang kuwarto para


magpahinga. Habang si Millie, piniling manatili pa rito sa kabila ng pagod at antok
na nahahalata sa kanyang mukha.

"Uy," hinawakan ko ang isang kamay niya nung hindi niya ako pinansin. "Millie."

"Mm?" Mapupungay ang mga mata niya nang tignan ako.

"Magpahinga ka na oh."

"Ayoko pa. Dito muna ko."

Haaay.

Ayun. Napabuntung hininga na lang ako sa loob-loob ko. Nakakainis na kasi. Ilang
araw na siyang hindi nakakakain nang maayos at nakakatulog nang tama sa oras. Hindi
ba niya naiisip na nakasasama ang kinikilos niya hindi lang sa sarili niya kundi
pati na sa anak namin?

Pero... hindi ko rin naman siya masisisi. Nasa kalagitnaan siya ng pagluluksa.

Ano na bang dapat kong gawin?

"Ikaw Levi, magpahinga ka na dun sa inyo." Sabi niya sa pananahimik ko.

"Eh paano ka na nun? Ayoko namang mag-isa kang maglakad pauwi sa'min."

"Ah, oo nga pala. Balak ko na dito na ulit tumira mula ngayon, Levi. Sasamahan ko
na sina Mama."

Natameme ako dun. Paano na kasi ako? Mag-isa na lang ulit ako sa bahay? Ganun?
Gusto ko sanang i-suggest na dito na lang din ako titira. Pero wala na akong
mapupuwestuhan dito. Alangan namang ipilit ko na sa sala na lang ako. Nakakahiya
iyon kay Tita Minda.

"Levi..." Nag-alala bigla ang ekspresyon ni Millie. "Sorry, 'di ko nga pala 'yun
nasabi agad sa'yo. Okay nga lang ba sa'yo na dito na ulit ako tumira?"

Hindi 'yun okay. Ayokong mahiwalay ka sa'kin, Millie.

Takte. Ang OA ng gusto ko sanang isagot sa kanya. Ayaw mahiwalay, samantalang


iilang bahay lang naman ang layo ng bahay nila mula sa amin.

Natawa ako sa sarili ko at nginitian si Millie. "Oo naman, okay lang. Tama lang
naman 'yun dahil kailangan niyo ang isa't isa ngayon."

Nginitian niya rin ako. "Salamat, Levi."

Ngumiti nga siya sa'kin, pero ang sakit nun sa puso ko. Kasi, malungkot talaga siya
kahit anong ngiti ang gawin niya. Gusto kong mapasaya siya, pero paano? Sa
pinagdaraanan ng pamilya niya ngayon, wala akong magagawa.

Hinalikan ko siya sa noo bago ako nagpaalam at umalis. Hinatid pa niya ako nun sa
labas ng bahay nila.

Pagod na pagod na rin talaga ako sa mga nangyari ngayong buong linggo kaya gusto ko
nang magpahinga. Pagkauwi ko, kumain ako nang unti at saka naghilamos. Pagkatapos
ay humilata na ako sa sofa.

Ay, puwede na nga pala akong matulog sa kuwarto ko 'no?

Nang maisip ko iyon, hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa na umakyat sa kuwarto ko.


Doon, nag-dive ako sa kama at niyakap ang isang unan ni Millie. Napangiti ako nang
maamoy ko ang shampoo niya sa unan na iyon.

Grabe naman 'to... Wala pang isang oras mula nung iwan ko si Millie pero nami-miss
ko na siya agad?

Pagod at antok nga ako pero hindi naman ako makatulog. Iniisip ko si Millie. Nandun
pa kaya siya sa sala? Gising pa kaya siya? Isang sandwich lang ang kinain niya
kanina habang kini-cremate si Tito Jack. Hindi kaya naghahanap siya ng makakakain
ngayon?

Hindi ako mapakali, kaya kinuha ko ang cellphone ko para i-text siya. Kaso naalala
ko, dead batt nga pala ang cellphone niya. Nakita ko iyon kanina eh.

Nasapo ko ang noo ko, at naisipang puntahan na lang siya sa bahay nila. Alam ko
parang tanga lang ako. Kagagaling ko lang dun wala pang isang oras ang nakalilipas,
pero babalik agad ako para lang malaman kung tulog na ba ang askal ko o kung may
gusto siyang kainin. Kamusta naman daw 'yun?

Nung makapasok ako ng gate nila, nag-alangan ako bigla. Paano kasi kung kumatok ako
tapos tulog na pala si Millie? Baka maka-istorbo lang ako.

Nasa tapat naman na ako ng pinto, nang mapansin ko na medyo nakauwang iyon.
Ampotek. Hindi naisara nang maayos ni Millie itong pinto!

"Pa..."
Bubuksan ko na dapat 'yung pinto pero natigilan ako nang marinig ko ang boses ni
Millie sa loob. Bahagya ko na lang 'yung binuksan para masilip siya. Side view lang
niya ang nakikita ko. Nasa tapat siya ng altar at hawak ang ibabaw ng maliit na
ceramic jar na pinaglagyan ng abo ng tatay niya. Nakangiti siya pero malungkot pa
rin ang ngiti niya. Sumakit tuloy ulit ang puso ko.

"Nung Monday... May good news po kami dapat ni Levi sa inyo eh..." Bumitaw siya dun
sa tatay niya at humawak sa tiyan niya. "Baby girl po ang magiging apo niyo..."

Napahigpit ang hawak ko sa doorknob dahil sa narinig ko. Ano ba... Bakit ba 'to
ginagawa ni Millie?

Bigla siyang natahimik at natulala na lang sa tatay niya. Halos isang minuto rin
siyang nanatiling ganun, hanggang sa mapansin ko na umiiyak na pala siya.

"Sorry, Pa... Sorry... Sorry na-disappoint po kita, sorry hindi man lang po ako
nakapag-sorry sa inyo nung buhay pa kayo..." Huminga siya nang malalim at pilit
pinigilan ang sarili sa pag-iyak pero hindi niya magawa. "Sorry po... Sorry..." At
napaupo na lang siya sa likod ng sofa habang takip ang mukha at patuloy na umiyak.

Humakbang ako para lapitan siya at patahanin. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

Mula nang mamatay si Tito Jack, hindi umiyak si Millie. Kahit may mga pagkakataon
na kaming dalawa lang ang magkasama, wala akong nakita ni isang luha na pumatak
mula sa mga mata niya. Ngayon lang siya umiyak, kung kailan alam niya na walang
makakakita sa kanya.

Kilalang kilala ko si Millie. Pag-iyak ang ayaw na ayaw niyang ipakita kanino man.
Alam ko, isa ang pag-iyak niyang ito sa mga iyon. Alam ko na gusto niyang sarilinin
'to. Kaya kahit gusto ko siyang lapitan at aluin, hindi ko na gagawin. Hahayaan ko
na iiyak na niya sa sarili niya ang lahat ng sakit at lungkot na kinikimkim niya.

Bukas... Bukas na lang ako babawi sa kanya...

Dahan-dahan kong sinara ang pinto at mabigat ang loob na naglakad palayo. Pero bago
ako lumabas ng gate, nilingunan ko ang bakanteng garahe nila. Naalala ko lang 'yung
naglakas loob ako na lumapit at kausapin doon si Tito Jack.

Ngayon, na-imagine ko na nakatayo siya roon gaya ng mga oras na iyon, nakatingin sa
akin pero walang bakas ng galit sa mga mata niya.

"Hinding-hindi ko po pababayaan ang anak at magiging apo niyo..." Bigla ko na lang


naibulong na para bang naroon nga si Tito Jack. Sa bagay, hindi ko nagawang sabihin
iyon sa kanya nung nabubuhay pa siya. "Pangako ko 'yan sa inyo, Tito Jack..." At
naglakad na ako ulit pauwi sa amin.

xxxxxxTBC~
####################################
Chapter Seventeen: DOG
####################################

CHAPTER SEVENTEEN: Dog

Unti-unti nang bumabalik ang lahat sa normal, dalawang linggo matapos ang cremation
ni Papa. Si Mama, nakabalik na sa pagtatrabaho sa city hall. Si Juni, pumapasok na
ulit sa school. Si Levi, ganun din, pumapasok na ulit sa school at sa part-time job
niya. At ako? Taong bahay na ulit.

Life must go on ang drama namin. Iyon naman kasi talaga ang dapat naming gawin 'di
ba? Ang mag-move on?

Kaya nga lang, may punto na binabalikan ko ang mga nangyari sa amin ni Papa. Tapos,
mahihirapan akong tanggapin ang lahat ng iyon. Hindi ko maiwasang humiling na sana,
nagawa kong mag-sorry sa kanya nung nabubuhay pa siya. Sana, nasabi at naiparamdam
ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Sabi nina Mama at Levi, wala na akong dapat ipag-alala dahil paniguradong pinatawad
na raw ako ni Papa at alam na nito ang nararamdaman ko kahit hindi namin nagawang
magkausap nang maayos. Naniniwala naman ako roon. Kaso, hindi ko talaga maiwasang
maramdaman minsan 'yung pagsisisi.

"Milliana, okay ka lang?"

Napakurap ako sa biglang pagsasalita ni Mama. Nakatayo na siya sa tapat ng puwesto


niya sa hapag-kainan. Habang ako, nakaupo pa rin at wala pang kabawas-bawas ang
almusal ko. Nakakawalang gana naman kasing kumain.

"Ah, o-opo Ma. Okay lang po ako." Wala sa sarili kong sagot.

"Ma," Si Juni na naka-school uniform, lumabas galing kusina at agad kinuha ang bag
niyang nasa isang silya. "Tara na po."

"Mm," tumango si Mama at binitbit na rin ang shoulder bag niya. Muli niya akong
binalingan nang makaalis na si Juni. "Milliana, aalis na kami. Kumain ka, ha? 'Wag
mo gugutumin ang apo namin ng papa mo."

Matawa-tawa akong napahawak sa tiyan ko. "Opo."

Ngumiti si Mama at lumapit sa akin para halikan ako sa noo. "Ah, nga pala. Si Levi,
hindi pa pumupunta rito para mag-almusal."

Nagulat ako roon. Mula nung dito na ulit ako tumira kina Mama, dumadaan na lang
dito si Levi sa amin para kumain at mabisita ako. At dahil Monday ngayon at maaga
ang unang klase niya, inakala ko na nakakain at nakaalis na siya bago pa ako
magising kanina.

"Tinext at pina-ring ko na ang cellphone ng batang 'yun pero hindi naman


sumasagot." Tuloy pa ni Mama. "Pinapunta ko na rin si Juni kanina dun sa kanila
pero hindi pa rin siya sumasagot. Ano na kayang nangyari dun?"

Kinabahan ako bigla. Pero malakas ang kutob ko na walang masamang nangyari kay
Levi. "Hayaan niyo na po 'yun, Ma. Ako na pong bahala sa kanya. Panigurado
napasarap lang siya ng tulog." Ayun ang hinala ko dahil pagod at antok na siya
kagabi nung bisitahin niya ako.

Hindi na nga nag-alala pa si Mama at umalis na kasama ang kapatid ko.

Habang kumakain ako, tinext at pina-ring ko rin ang number ni Levi. Pero walang
sagot akong natanggap galing sa kanya. Kaya ang ginawa ko na lang ay puntahan siya
sa bahay nila pagkatapos kong pagkain. Meron na akong sariling susi ng bahay nila
kaya nakapasok ako roon nang walang sigaw-sigaw o doorbell-doorbell.

Dumiretso ako sa kuwarto ni Levi sa taas. Pagkabukas ko ng pinto, naabutan ko


siyang nakaupo sa gitna ng kama-. Sapo-sapo niya ang kanyang noo habang walang suot
pang-itaas. Ewan ko ba at bigla akong napalunok sa itsura't puwesto niya roon.

"H-Hoy pusandi," tawag ko sa kanya.

Naniningkit ang mga mata niya na tumingin sa akin. Bagong gising lang ang loko.
"Millie?"

Eh? Teka. Parang may kakaiba sa boses niya.

"Anong petsa ka na gumising. Hindi ka na makakapasok niyan sa unang klase mo." Sita
ko pa.

"Tsk. Alam ko." Sinapo niya ulit ang noo niya. "Hindi ako papasok ngayon. May sakit
kasi ako. Kaya bumalik ka na sa inyo."

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paglalakad ko palapit sa kanya.

"Millie?!" Nagalit siya nung sumampa ako ng kama at pilit hinawakan ang magkabilang
pisngi niya. May lagnat siya! "Dun ka na sabi sa inyo! Mahawa ka pa eh!"

Nakasimangot akong bumitaw sa kanya. Nakakainis naman kasi 'yung pagsigaw niya.
Tama bang magalit siya nang ganito samantalang nag-aalala lang naman ako sa kanya?

"Sorry," kumalma naman siya agad at muli akong tinignan ng naniningkit niyang mga
mata. "Ang sakit kasi ng ulo ko pati ng katawan ko. May trangkaso ako at ayaw lang
kitang mahawa."

Oo nga pala, hindi ako puwedeng magkasakit. Halata ring may matindi siyang sakit na
iniinda kaya mainit ang ulo niya. Pero, hindi naman kaya ng puso ko na iwanan siya
rito para lang hindi ako mahawa. Kahit ang baby naming nasa tiyan ko, ramdam kong
kumukontra.

Hindi... Hindi ko siya magagawang iwan nang may sakit dito.

"Aw!" Napahilot ng ulo si Levi dahil bigla-bigla ko na lang siyang hineadchop.

"Meow! Hindi Aw!" Paalala ko sa kanya.

"Millie naman eh! May sakit na nga ako tapos ginaganito mo pa ako?!"

"Eh kasi, 'wag mo akong ipagtabuyan!"

"Sinabi ko naman na 'di ba? Ayaw lang kitang mahawa! Dahil bawal kang magkasakit!
Alam mo 'yan!"

"Eh bakit mo ko sinisigawan?!"

"Ay nako!" Bumalik siya sa pagsapo ng noo. Huminga rin siya nang malalim at saglit
na nanahimik bago muling nagsalita sa kalmado pero mariing boses. "Millie, mahal
kita. Kaya sige na please, umuwi ka na sa inyo."

Hindi na ako nakaimik. Napakalakas kasi ng impact ng sinabi niya sa puso ko.
Nakakatuwa, nakaka-flatter, nakaktunaw ng mga lamang loob. Nakakahiya nga lang na
aminin iyon kaya tumayo na ako nang walang sinasabi na kahit ano.

Tumayo nga ako pero hindi ako umalis. Lumapit ako sa cabinet niya para kuhanan siya
ng T-shirt. Nang makakuha ako ng isa ay binato ko 'yun sa mukha niya.
"Mag-damit ka." Utos ko sa kanya. "May sakit ka at hindi ito ang tamang panahon
para ipalandakan mo 'yang baby abs mo."

Tumitig siya sa akin. Halata sa mga mata niya na nakukulitan na siya sa hindi ko pa
pag-alis.

"Hindi ako aalis, Levi." Matapang kong sabi sa kanya. "Aalagaan kita hanggang sa
gumaling ka. Kasi mahal din kita."

Nagbago ang ekspresyon ng mga mata niya. 'Yung pagkainis ay napalitan ng


pagkagulat. Napangiti pa siya nang malapad, dahilan para matauhan ako sa sinabi ko.

Aalagaan kita hanggang sa gumaling ka. Kasi mahal din kita.

T-Teka. Bakit ako nagsabi ng ganung bagay sa pusandi na 'yan?!

"Uh, a-ayun ang gustong sabihin sa'yo ng baby natin. Oo, tama, s-si baby nga ang
may sabi nun." Palusot ko pa. Tsk. Ang lame! "S-Sige, kukunin ko na muna 'yung
almusal mo sa'min ah." Dali-dali kong sabi bago tumalikod at umalis.

Nagwawala ako mentally habang pinaghahanda ng egg sandwich si Levi. Hiyang-hiya ako
sa mga sinabi ko--lalo na sa pagpapalusot ko! Nagpalusot pa ako eh obvious na
obvious naman kung anong totoo! Siguro tuwang-tuwa lang ngayon ang pusang malandi
na 'yun.

May dala akong tupperware na naglalaman ng mga sandwich at isang tablet ng


paracetamol nang bumalik ako kay Levi. Naabutan ko siyang nakahiga sa kama niya at
balot na balot ng kumot. Buti na lang sinuot na niya 'yung damit na kinuha ko para
sa kanya kundi, naku. Mahe-headchop ko na naman 'to.

"Hoy pusandi. Kumain ka na." Nilagay ko sa tabi niya 'yung pagkaing dala-dala ko.

Dumilat siya at tinignan iyon. "Kailangan ko pa ba 'tong inumin pagkakain ko?"


Kinuha niya 'yung tablet ng gamot.

"Oo naman." Nakairap kong sagot.

"Eh hindi kaya ma-overdose ako nito?"

"Huh?" Nalito naman ako. "Nakainom ka na ba ng gamot bago kita napuntahan dito?"

"Hindi," seryoso niya akong tinignan. "Pero gamot na para sa akin 'yung sinabi mo
kanina na mahal mo rin ako."

Napanganga ako at kunot ng noo.

"Oh, kinilig na 'yan." Tukso niya pa sa akin sabay tawa. "Aray!" Ayun, hineadchop
ko nga ulit.

"Kumain ka na! Ikukuha pa kita ng tubig." At nakapamewang akong umalis ng kuwarto


niya.

Ang pusandi talaga na 'yun. May sakit na nga, nagagawa pang lumandi.

Isang tumbler ng tubig ang inakyat ko kay Levi na ininom niya agad. Isa lang naman
sa tatlong sandwich na ginawa ko ang kinain niya eh. Ininom niya rin pagkatapos
'yung gamot at saka muling humiga para matulog.

Kumirot naman ang puso ko sa hitsura niya nun. Ito ang unang beses na makita ko
siyang magkasakit nang ganito.

Pagkaligpit ko sa kinainan ni Levi, binalikan ko siya sa kuwarto niya at nilagyan


ng basang towel sa noo. Ang init niya sobra eh.

After nun, nanatili na lang akong nakaupo sa likuran niya at pinapanood siyang
matulog. At sa pagtitig ko sa kanya, medyo nakaramdam ako ng guilt.

Si Levi, masyadong pinu-push ang sarili para magpaka-responsable sa sitwasyon


namin. Ito tuloy, nagkasakit siya. Samantalang ako, nakakahiya mang aminin pero
nagpapasarap lang sa buhay. Kain, tulog, utos sa kanya. Madalas ko pa siyang
awayin. Tapos nitong huli mula nung bumalik na ako kina Mama, hindi ko na siya
masyadong naaasikaso.

Napasimangot ako sa mga naisip ko. Ang sama-sama ko na pala. Hindi ko dapat
ginaganito ang pusandi ko.

Bigla akong nagka-urge na yakapin siya. Pero dahil nahihiya ako na lantaran siyang
yakapin kahit tulog siya eh pinatong ko na lang ang ulo ko sa braso niya at ayun na
lang din ang niyakap ko.

Naalala ko naman kung paano niya ako inalalayan nung namatay si Papa. Nanatili siya
nun sa tabi ko. Pilit niyang pinagaan ang loob ko. Inasikaso niya hindi lang ako
kundi pati ang pamilya ko. Sa pagkakataong iyon, nakita ko na kung paano magiging
isang ama si Levi. Pakiramdam ko, magiging kagaya siya ni Papa. At hindi ko
maiwasang matuwa roon.

Ang suwerte ko pala at isang Levi Sy ang makakasama ko sa pagbuo ng pamilya. Ang
suwerte ko na mahalin ng isang katulad niya na kahit malandi eh napaka-responsable
at mapagmahal naman.

May naisip tuloy akong ideya para sa amin ni Levi. Kaso kailangan ko muna ng
permiso mula kay Mama para mangyari iyon. Kaya tinext ko na lang si Mama para
malaman kung okay lang ba 'yung gusto kong mangyari.

"Yes!" Pigil kong sigaw nang mag-reply si Mama na payag daw siya sa hiling ko.

Ngiting-ngiti akong nagta-type ng pasasalamat kay Mama, nang mapansin ko ang pag-
blink at pag-vibrate ng cellphone ni Levi dun sa bedside drawer. May tumatawag.
Nang i-check ko iyon, Jo ang pangalan nung caller.

Ayaw ko namang istorbohin ang pamamahinga ni Levi kaya sinagot ko 'yung tawag.
Hindi nga lang ako nakapag-hello agad dahil pinangunahan ako ng hiya.

"Hello Levi?"

Nanlaki ang mga mata ko nang boses ng isang babae ang marinig ko.

"Nandito na ako sa tapat ng school gate niyo. Bakit wala ka pa?"

'Yung hiya ko, napalitan ng kaba at pagdududa.

"Hello? Levi?"

Tumikhim muna ako bago kalmadong sumagot. "Uhm, hello. Sino po sila?"

Narinig ko ang pagsinghap nung babae sa gulat. "Ah! Ano, si Jo po ito, k-kaibigan
niya."
Aba, nagawa pa nitong mag-po sa akin. Eh ano bang akala niya? Nanay ako ni Levi? O
ate?

Teka... Ano nga ba ako ni Levi?

"Uh, may usapan kasi dapat kami ni Levi ngayon? Kaso uhm, wala pa siya?"

Usapan? Usapan na ano? Tsk.

"May sakit si Levi eh at natutulog siya ngayon." Kalmado ko pa ring sagot.

"Ahh ganun ba. Sige, sige. Salamat na lang. Bye!" At in-end na niya 'yung tawag.
Halata sa boses niya ang pagpa-panic dahil sa akin.

Napatitig ako sa screen nitong cellphone bago ko tinignan si Levi. Nakatalikod pa


rin siya ng higa at tulug na tulog.

Jo... Sino ang babaeng iyon ah, Levi?

Kung sinuman siya, hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Pero... dapat nga ba
akong magduda sa kanya o sa kanilang dalawa?

Hindi ko alam at nakakainis lang. At sa inis ko, iniwan ko si Levi. Bahala na siya
diyan.

xxxxxxTBC~

SELF-PUB BOOK PROMOTION!

"Alphabet of Heartbreaks", a compilation of heartbreaking one shot stories written


by me and my fellow WP authors(hanjhanjbeybe, stupidlyinlove, marielicious, iDangs,
iamKitin, and blue_maiden; with special participation of _casper_, justchin,
RicaManrique and WonderingSunshine)

For more details about the book, you may visit our book's FB page:
fb.com/alphabetofheartbreaks (or just click the EXTERNAL LINK)

Thanks sa mag-support! ;)
####################################
Chapter Eighteen: DOG
####################################

CHAPTER EIGHTEEN: Dog

"Woooh!" Nag-dive si Levi sa kama ko. "Sa wakas!"

"Huwag mo nga guluhin kama ko!" Sita ko sa kanya.

Umupo siya at nakangising tumingin sa akin. "Hindi kama mo. Kama natin." Paglilinaw
naman niya na inikutan ko lang ng mata.

"Ewan. Ayusin mo na 'tong mga gamit mo nang walang nakakalat dito!" Sinipa ko 'yung
bagpack niyang nasa sahig at naglalaman ng mga damit niya. Walang reklamo niya
'yung kinuha at sinimulang ayusin sa cabinet ko. Habang ako ay pumuwesto sa may
study table at pinanood lang siya.

Ito ang request ko kay Mama last week eh, 'yung dito na rin patirahin sa amin si
Levi para maasikaso ko siya katumbas ng pag-aaral at pagtatrabaho niya. Ngayon lang
siya nakalipat dahil off niya ngayon sa trabaho at wala pang pasok sa school.

Hindi ko na nga rin pala siya sa sala papatulugin. Hindi ko na matiim iyon kaya
dito na siya sa kuwarto ko. Ayoko nang mag-inarte at gusto ko na rin namang
makatabi siya sa pagtulog.

Masaya, lalo na siya. Kaso madalas akong mabagabag dahil dun sa Jo na tumawag sa
kanya nung may sakit siya.

Sinabi ko rin naman kay Levi nung araw ring iyon pagkagising niya, na may tumawag
sa kanyang babae na Jo ang pangalan. Sinabi ko na hinihintay raw siya nito dahil
may usapan daw sila. At ang reaksyon niya?

"Ah... Hayaan mo na 'yun..." Sagot niya nang hindi nakatingin sa mga mata ko.

'Yung pagdududa ko tuloy, lumala. Gusto ko sanang mag-kuwestiyon kung sino at ano
ba ang babaeng iyon sa kanya, pero hindi ko ginawa. Pakiramdam ko wala ako sa
posisyon eh.

"Millie."

Mula sa sahig, tumingin ako kay Levi. Nakasandal siya sa cabinet ko at mukha siyang
nag-aalala.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hmm... Kung hindi ka naman komportable, puwedeng sa sala niyo na lang ako matulog.
O 'di kaya sa sahig dito."

"Hindi, hindi." Ni-wave ko ang dalawang kamay ko. "Levi, okay lang. Iyon ang gusto
ko. Tabi na tayong matutulog."

"Eh bakit ganyan itsura mo? Hindi ka masaya..."

"Malungkot talaga ako, pero hindi iyon ang dahilan..."

Medyo nagulat siya nun bago lumapit sa akin at nag-squat sa harapan ko. "Bakit ka
naman malungkot Millie? Anong problema?"

Bumuka ang bibig ko para i-open up ang tungkol kay Jo. Pero iba ang nasabi ko.

"Ewan ko... Basta, malungkot lang ako..."

Tinitigan niya lang ako na para bang sinusubukan niyang basahin ang laman ng utak
ko. Hanggang sa ngumiti siya. "Tara, date na lang tayo."

Napakurap ako. "Huh?"

"Matagal ka nang hindi gumagala, Millie. Kaya ipapasyal kita. Magde-date tayo para
sumaya ka pati na baby natin."

"Pero... hindi ba nakakahiya iyon?"

"Nakakahiya?" Nagulat siya. "Teka, nahihiya ka na bang lumabas at gumala dahil


buntis ka? Dahil malaking-malaki na 'yang tiyan mo ngayon?"
"Hindi ah!" Mariin ko namang depensa. "Hindi ko 'to kinakahiya! Ikaw ang iniisip
ko. Hindi ba nakakahiya iyon sa'yo? 'Yung gumala nang may hatak-hatak na buntis?"

Natawa siya nang malakas. "Hatak-hatak talaga?"

Sumimangot lang ako.

"Kung ikakahiya ko iyon eh 'di sana hindi na kita niyayang makipag-date 'di ba?"

Oo nga naman! Mas napasimangot ako dun ah. Nakakahiya ang mga pinag-iisip ko.

"Kaya tara na," tumayo na siya at inalalayan ako. "Excited na akong ipagmalaki sa
maraming tao ang mag-ina ko."

Nag-mall kami ni Levi para nga mag-date. Trip niya sanang mag-sine kami kaso ayoko.
Hindi ko 'yun mae-enjoy dahil maya't maya akong nagsi-CR. So sa huli, ang
napagkasunduan na lang naming gawin ay tumingin ng mga gamit ng baby sa may
department store.

Napag-planuhan na namin na mamimili kami ng mga gamit kapag naka-thirty weeks na


ako. Twenty six weeks pa lang ako ngayon, eh, pero naisipan naming magsimula nang
mamili ng kaunti at maliliit na gamit. Nakaka-tempt naman kasi 'yung mga nakita
namin! Buti na lang at alam na namin ang mga pinaka-dapat naming bilhin dahil
matagal na kaming kinausap ni Mama tungkol dito.

Tuwang-tuwa ako sa ginagawa namin--lalo na kay Levi. Hindi ko siya nakitaan kahit
kakaunting pagka-ilang dahil puro pink ang mga gamit na pinagpipilian namin. Mas
metikuloso pa nga siya sa pagpili kaysa sa akin.

Pero ang mas ikinakatuwa ko? 'Yung paghawak niya sa kamay ko sa pag-iikot namin.
Ang sarap sa pakiramdam eh.

"Oh ito oh, bra raw para sa mga buntis?" Talagang hinintuan niya ang section na
iyon ah! Binasa niya pa nang maiigi 'yung poster na nagde-describe kung para saan
talaga 'yung bra! "Ahhh... Para dun sa gatas..."

Nakakahiya naman 'to. Gusto kong magtakip ng mukha sa hiya.

"Bili na tayo niyan. Ano na bang size mo Millie?"

"H-Hindi ko alam..." Sagot ko para lang hindi siya bumili.

"Hindi mo alam bra size mo?" Gulat siyang napatingin sa akin. Hinarap niya rin ako
at saka itinaas ang isang kamay na nagko-close-open. "Akin na. Ako na lang ang
susukat niyang dibdib mo."

Aba 'to! Buti na lang walang nakatingin sa amin! Hinatak ko tuloy siya pabalik sa
tabi ko at kinurot siya sa tagiliran.

"A-Araay! Joke lang 'yun Millie!"

Binitawan ko siya agad at natawa naman siya. Masaya siya ah. Ako, badtrip.

"Sorry na," bulong niya nung umalis na kami dun sa bilihan ng bra. "Ayun oh. Ayun
talaga ang gusto kong ibili sa'yo Millie."
May nginuso siya at hinatak ako papunta roon. Section iyon ng naggagandahang mga
maternity dress. Halos kuminang ang mga mata ko dun. Napansin naman iyon ni Levi
kaya natawa siya. Tawa na hindi mapang-asar ah. Tawa na gustung-gusto kong
naririnig mula sa kanya.

"Pili ka na ng gusto mo diyan," sabi niya na agad kong sinunod. Agad sinunod pero
matagal natapos. Ang hirap kaya mamili! Pero hindi ako nakarinig kahit ni isang
reklamo mula kay Levi. Ang sabi pa nga niya after kong pumili, "Bili ulit tayo
diyan pagbalik natin dito ah?"

Ngumiti lang ako sa tanong niyang 'yun at tumango.

Nang matapos ang pamimili namin ng unting gamit, dumiretso kami sa food court para
kumain. Ang daming tao dahil pa-6pm na. Dinner time. Sa paglalakad tuloy namin
papunta dun sa stall na Korean foods na pinagbibilhan ni Levi ng mga pinaglilihian
ko noon, may nakabanggaan siya--na isang babae na maraming bitbit na shopping bag.

"Sorry!" Sabay nilang sabi. "Uy!" At sabay rin silang nagulat nang magkatinginan
sila.

"Levi," ngumiti sa kanya 'yung babae na ngayon ko lang nagawang pansinin ang
kagandahan. Matangkad ito. Perpekto ang kurba ng katawan. Maputi at may natural
rosy cheeks. Dyed ng brown ang buhok. Astig na girly pumorma with sneakers, faded
skinny jeans at black jacket over a plain tank top. Para lang itong model.

"Jo."

Nagulat ako sa pangalang binanggit ni Levi. Mas nagulat pa ako nang makita ko ang
pilit at kinakabahang ngiti niya.

Tinignan ako nung Jo at 'yung masayang ngiti niya kanina, nabahiran na pagka-panic.
"H-Hi! Ikaw si Millie 'no?" Tanong niya sa akin.

Tumango lang ako.

"S-Siya nga si Millie," sagot naman ni Levi. Kailangan ba talaga na parehas silang
mag-panic sa harapan ko?

"Ako nga pala si Jo, kaibigan ni Levi."

Talaga lang, huh? Bitter na sagot ng utak ko.

Nag-alok siya ng handshake na hindi ko natanggihan.

"Uhm, sige ah, una na ko. M-May kasama kasi ako, kanina pa ako hinihintay sa baba."
Nakangiti niyang paalam sa amin, tapos nakipagtitigan siya saglit kay Levi.

Pagtingin ko kay Levi, nakatitig din siya kay Jo. Para lang silang may pinag-
uusapan sa pamamagitan lang ng pagtitigan nilang iyon.

Nakakainis...

"Bye!" Dun na tumalikod si Jo at nagmamadaling bumaba gamit ang escalator.

"Dun na tayo Millie," hinatak na ulit ako ni Levi papunta dun sa kakainan namin.
Pero hindi ako sumunod. Nanatili akong nakatayo kung saan namin nakabunggo 'yung
Jo. "Millie?"
"Ayoko nang kumain..." Sagot ko sa kanya at binitawan na ang kamay niya para
humawak na lang sa tiyan ko. "Uwi na tayo..." At nauna na akong naglakad paalis.

xxxxxxTBC~
####################################
Chapter Nineteen: DOG
####################################

CHAPTER NINETEEN: Dog

Mula mall, umuwi kami ni Levi nang walang imikan. Ni hindi niya sinusubukang i-
comfort ako.

Buti na lang nasa bahay na si Mama nung makauwi kami. May iba na akong
mapagtutuunan ng pansin. Naghahanda na kasi si Mama ng hapunan nun kaya tumulong na
lang ako.

Si Levi, ewan ko. Diniretso niya sa taas 'yung mga pinamili namin at hindi na siya
bumaba mula nun. Bumaba na lang siya nung kainan na. Wala pa rin kaming imikan nun
habang kumakain.

Nakaka-frustrate lang. At sa frustration ko eh sa sala ako nag-stay pagkahilamos


ko.

9pm na, oras na para matulog pero hindi pa ako inaantok. T'saka ayaw ko ring
matulog sa kuwarto ko. Nandun si Levi eh. Nakakahiya namang paalisin siya dun dahil
sarili kong ideya ang patulugin siya ro'n.

Hinihimas ko lang ang tiyan ko habang nakatingin sa kawalan. Sa utak ko, paulit-
ulit bumabalik 'yung itsura nung Jo, 'yung pag-uusap nila ni Levi, at maging ang
pag-uusap namin sa cellphone last week.

Nakakapagduda talaga sila. Malakas ang pakiramdam ko na may something sa kanila.


Kung secret affair ba, ewan ko. O baka ganun na nga at ayaw ko lang aminin sa
sarili ko kasi masakit. Pero basta. Nakakasiguro ako na may sikreto sila. At
sobrang nakakalungkot lang. Feeling ko lang wala akong kuwenta.

"Millie."

Napasimangot ako nang marinig ko ang boses ni Levi.

"Uy, tulog na tayo oh."

Pa-irap akong tumingin sa kanya. Naka-pantulog na siya at mukhang malungkot.

"Ikaw, matulog ka na." Sagot ko. "Dito lang ako."

"Dito ka lang?"

"Oo. Dito ako matutulog."

Napanganga siya. "Millie?"


Hindi na ako umimik.

"Millie, ako na lang ang matutulog dito. Ikaw na dun sa taas." Nilapitan na niya
ako.

"Ayoko. Nakakahiya sa'yo. Niyaya-yaya kitang dun matulog tapos dito ka matutulog?"
Pagmamatigas ko.

"Mas nakakahiya naman sa mama mo kapag makita niyang ikaw ang natutulog dito. Kaya
tara na. Iaakyat na kita." Nilapit niya ang kamay niya sa akin pero tinapik ko
iyon.

"Lumayo ka nga. Naiinis ako sa'yo." Galit kong salita sa kanya.

Sa buong buhay ko, ilang beses ko nang nasabihan si Levi na naiinis ako sa kanya.
Pero sa pagkakataong ito ko lang nasabi iyon nang punung-puno ng inis.

Ramdam ko nga na naiinis na rin ang baby naming nasa tiyan ko. Kaya nga lang, hindi
katulad ng inis ko ang nararamdaman nito. Hindi inis kay Levi, kundi inis sa
nangyayari sa amin ngayon.

"Millie," lumuhod sa harapan ko si Levi. Mas lalo naman akong nainis kaya humiga na
lang ako sa sofa at tinalikuran siya. Hindi lang ako maka-talikod nang maayos dahil
hindi ako komportable na humiga rito nang patigilid.

"Matulog ka na nga dun. Matutulog na rin ako." Malamig kong sabi.

Narinig ko siyang huminga nang malalim bago ko siya naramdamang tumayo. At ang
sunod ko na lang na naramdaman ay ang paghiga niya sa tabi ko at pagyakap sa tiyan
ko, dahilan para kilabutan ako.

"'Wag ka na magselos oh, Millie." Bulong niya. "'Wag mo pagselosan si Jo."

Naluha ako at napalunok. Alam na pala niyang nagseselos ako, pero bakit hindi niya
pa linawin sa akin kung sino ang Jo na 'yun?

"At bakit hindi?" Kontra ko sa kanya. "Kung kumilos kayo, para lang kayong may
tinatago."

"Haa? Millie naman... Wala kaming tinatago... Mag-kaibigan lang kami ni Jo..."
Paglilinaw niya pero hindi naman convincing.

Huminga ako nang malalim para kontrolin ang mga luha ko. "Okay, sige. Mag-kaibigan
lang kayo. Pero, maganda siya--sobra. At ang mga katulad niyang babae ang tipo mong
kalandian."

"Oo nga, ang ganda ni Jo sobra. Sexy pa--aw!" Siniko ko siya nang malakas. Bwiset
siya! "Ito naman! Maganda ka rin naman sa paningin ko ah, askal! Pero mas maganda
nga lang siya sa'yo--aray!" Siniko ko siya ulit.

"Nakakainis ka talaga! Iwan mo na nga ako dito! Alis, alis, alis!" Paulit-ulit ko
siyang siniko.

"Teka lang! Naman oh!" Pinigilan niya ang braso ko. "Ano naman ba kung makakita ako
ng mga babaeng mas maganda at mas sexy sa'yo ah? Eh tingin lang naman ang ibibigay
ko sa kanila, hindi puso. Kasi itong puso ko? Sa'yo na 'to eh--sa'yo na lang 'to
titibok."

Nabaliw ang sarili kong puso dun. Sa pagkabaliw nito ay siniko ko na naman siya.
"Ahh," napahawak siya sa tiyan niya. Medyo namilipit siya sa sakit dahil malakas-
lakas 'yung huling pagsiko na ginawa ko. "'Di bale. Kahit gaano ka pa ka-sadista sa
akin, hinding-hindi ko babawiin ang puso ko mula sa'yo."

"Tigil-tigilan mo nga ako sa puso-puso na 'yan! Kung nasa akin talaga 'yang puso mo
eh 'di sana patay ka na! T'saka may sarili naman akong puso 'no! Kaya aanhin ko pa
'yang sa'yo?!"

Natawa siya. "Grabe. Baradong-barado ako dun ah?"

Medyo nakonsensya naman ako. Nagpapaka-sweet lang naman siya sa akin pero
binabara't pinapahiya ko siya.

Para makabawi, kinuha ko na lang ang isang kamay niya at nilagay iyon sa tiyan ko
para kahit papaano ay yakap niya ako at yakap ko naman ang kamay niya. Natahimik na
kami nun pero parehong hindi pa rin makatulog. Ramdam ko kasi 'yung hinlalaki niya
na marahang kinakamot ang tiyan ko. Kakaiba nga sa pakiramdam eh.

"Levi..." Mahina kong tawag.

"Hm?"

Huminga muna ulit ako nang malalim bago muling nagsalita. "Sabihin mo nga. May
karapatan ba akong magselos?"

"Oo naman. Nasa demokratiko tayong bansa, Millie."

Napasimangot ako dun. Siya naman ay mahinang natawa sa sariling kalokohan.

"Kaya ako, magseselos ako kapag makita kong may ibang lalaking lalapit at poporma
sa'yo, eh. At sa selos ko, masasaktan ko ang hinayupak na lalaking iyon, maging
sinuman siya."

Nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa kanya. "Grabe ka naman! Sasaktan agad? 'Di
ba puwedeng takutin lang muna?"

"Depende. Kung mas guwapo sa akin 'yung lalaki--na imposible naman kasi ako na ang
pinaka-guwapo sa lahat--sasaktan ko na siya agad para mawala kaguwapuhan niya. Kung
panget, sige tatakutin ko na lang."

Natawa ako dun. "Ang yabang-yabang mo."

Ngumiti siya. "Basta Millie, lahat ng nagmamahal, nagseselos. Kaya ikaw, may
karapatan kang magselos. Pero siyempre, mas mahalaga sa selos at pagdududa 'yung
tiwala. Pagselosan mo na ang lahat ng babaeng mapapalapit sa akin, pero sana mas
pagkatiwalaan mo ako."

"Mahirap magtiwala kung hindi naman malinaw sa'kin kung ano bang relasyon nating
dalawa..."

Nalito ang itsura niya.

"Kaya hindi ko rin alam kung may karapatan ba akong magselos, eh." Tuloy ko pa.
"Hindi ko kasi alam kung ano ba ako para sa'yo. Girlfriend ba? Hindi naman eh.
Asawa? Hindi rin. Live-in partner? Malayo. Ang labo lang 'di ba?"

"Sus. Eh 'di lilinawin ko!" Hinawakan niya ang isang pisngi ko at tumitig nang
diretso sa mga mata ko. "Ikaw ang nanay ng magiging anak ko. Ikaw ang gusto kong
makasama sa habang buhay ko. Ikaw ang future Mrs. Sy ko. At..."

"At?"

Parang nahirapan siya biglang magsalita. Nakabuka ang bibig niya pero wala nang mga
salitang lumabas. Ang sunod na lang niyang ginawa ay nilapit ang mukha niya sa
mukha ko at inangkin ang mga labi ko.

Hinalikan niya ako at hindi ito katulad ng usual niyang halik na panakaw at sandali
lang. Possessive at demanding ang halik niyang ito na sinagot ko naman--gaya lang
nung gabing bumigay ako sa kanya.

Akala ko, habang buhay na namin iyon gagawin kasi parang ayaw na namin tumigil.
Masyado 'yung nakakawala sa sarili. Masyadong nakakaadik kasi dun ko naramdaman
'yung closest to the peak ng pagmamahal niya.

Nang maghiwalay ang mga labi namin, tinitigan niya lang ako. Tempt. Control.
Passion. Ayun ang mga nakita ko sa mga mata niya.

"At ikaw lang ang babaeng hahalikan ko nang ganun, Millie. Kasi ikaw lang ang
babaeng pinakamamahal ko."

Napangiti ako, maging siya.

"I love you, Milliana." At niyakap na niya ako fully patagilid. 'Yung mukha niya,
nasa leeg ko. Ang kamay niya, nasa tiyan ko. Napakasarap lang sa pakiramdam nito.
Tuwang-tuwa at sobrang kuntento ako ngayon. Parang sasabog lang ang puso ko.
"Parehas na lang tayong matulog dito ah?"

Tumango ako at pumikit kasabay ng paghawak ko sa kamay niyang nasa tiyan ko. Gusto
ko sanang mag-I love you, too sa kanya kaso nakakahiya. Pero hindi naman ako
mahihiyang aminin sa sarili ko na mahal na mahal ko rin siya. May unti pa akong
pagdududa sa kanila ni Jo pero mas pipiliin kong pagkatiwalaan siya. Dahil tama
siya--mas mahalaga nga sa pagseselos at pagdududa ang pagtitiwala.

xxxxxxTBC~
####################################
Chapter Twenty: DOG
####################################

CHAPTER TWENTY: Dog

Nakakainis... Anong petsa na naman ako nagising...

Naniningkit ang mga mata ko nung umupo ako sa kama namin ni Levi. 4:43am pa lang
pero hindi na ako makatulog.

Ang totoo niyan, inaantok pa ako. Ang problema lang eh hindi ko mahanap ang tamang
puwesto para makatulog ako. Kaya naiinis ako, eh. Napapadalas pa itong mangyari
ngayong papasok na ako sa third trimester.

Nakasimangot kong tinignan si Levi na natutulog sa tabi ko. Nakaharap siya sa side
ko at nakapatong ang isang braso sa kandungan ko.
Lalo akong nainis. Buti pa kasi ang pusang malandi na 'to, ang sarap-sarap ng
tulog.

Napabuntung hininga ako. After kong malagpasan ang mga paghihirap nung nasa first
trimester palang ako, inasahan ko na panganganak na lang ang paghihirap na
pagdaraanan ko. Pero ito ako ngayon, nagdudusa na naman, walong linggo bago ang due
date ko. Nagdudusa sa pagtulog, sa manas sa mga binti, sa sakit ng likod, sa sakit
ng tiyan--ay nako. Kawawa lang pala talaga ang mga babae pagdating sa pagbubuo ng
pamilya. Parang gusto ko tuloy kawawain ngayon si Levi para fair kami.

"Millie?" Biglang nagising si Levi. "Ba't nakaupo ka?" Umupo rin siya at malapitan
pero antok na antok akong tinignan. "Masakit ba tiyan mo?" Nag-aalala niyang tanong
sabay hawak sa tiyan ko.

Nakasimangot pa rin ako, pero deep inside, na-touch ako. Lagi nga akong
nagkakaganito nitong huli sa pagtulog, pero lagi rin namang nagigising si Levi at
dadamayan ako.

"Hindi..." Sagot ko sa kanya. Hindi naman talaga sumasakit ang tiyan ko gaya ng
madalas kong ireklamo. Himala nga eh, at hindi naglilikot at nagsisipa ang anak
namin ngayon. "Nahihirapan lang akong matulog..."

Tumingin siya sa orasan at napakusot ng mga mata. "Pa-alas singko palang..."

"Oo nga, eh. Kaya matulog ka na ulit. Okay lang ako." Sagot ko.

Binabawi ko na ang naisip ko kanina na gusto ko siyang kawawain. Kawawa nga rin
pala kasi siya sa sitwasyon naming dalawa. Nag-i-school siya, nagtatrabaho, at
kagabi, napuyat pa siya kaka-review para sa midterms nila. Tapos mamayang umaga,
may pasok pa siya. Pero panigurado...

"Mm, ikaw rin." Humiga na ulit si Levi nang nakabuka ang isang braso. "Halika
dito."

Pero panigurado, ayan. Papatulugin na naman niya ako sa braso at dibdib niya gaya
ng lagi niyang ginagawa kapag nagigising ako nang alanganin sa oras.

Sumunod ako at umayos nang higa sa tabi niya. 'Yung kamay ng braso niya na inunan
ko, hinaplos-haplos ang ulo ko. Sa ginawa niyang iyon, agad kong nahanap ang antok
at mabilis na nakatulog.

Six na ng umaga ang sunod kong gising. Tulog pa nun si Levi. 6:30 pa ang bangon
niya, eh.

Gusto ko na sanang bumangon at bumaba para kumain kaso gusto ko sabay kami. Kaya
nanatili na lang muna akong nakayakap sa kanya.

Ang sarap talaga nito, 'yung mayakap siya nang ganito tuwing umaga. Ang sarap
maramdaman ng katawan niya, ng init niya, ng paghinga niya. Nakakatuwa at hindi
mawala-wala ang ngiti ko.

Ang saya rin kasi mas nagiging okay na kami sa bawat linggong dumadaan. 'Yung
pagdududa ko noon, tuluyan nang nawala kasi nawala na rin ang lahat ng traces nung
Jo. Pasimple ko kasing kinakalikot ang cellphone ni Levi, at nakita ko na wala na
roon ang contact number ng babaeng iyon. Kahit sa logs niya wala na ang presensya
nito.
Ang pinagtataka ko na lang eh kung sino ba talaga ang Jo na 'yun at kung paano sila
nagkakilala ni Levi. Nagtanong-tanong kasi ako dati sa common friends namin sa
school kung may kilala silang Jo na--tsk--maganda at sexy nga. Pero wala naman daw.
Dinescribe ko pa nang maiigi 'yung Jo, pero wala talaga raw silang kilala o
nakikitang kasama ni Levi na ganung babae.

Ah, ayoko nang magtaka! Bahala na ang Jo na 'yun. Basta hindi ko na pinagdududahan
si Levi dahil pinapatunayan naman niya na dapat ko talaga siyang pagkatiwalaan.

"Mm," gumalaw si Levi. Iikot yata dapat siya, eh nakayakap ako sa kanya. Napadilat
tuloy siya at niyukuan ako. Napakurap naman siya nang makita niya akong gising.

Nginitian ko siya. Mahina naman siyang natawa, dahilan para mapasimangot ako.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?"

"Hindi lang ako sanay na ganyan mo ako batiin 'pag umaga... Tingin ko tuloy sa'yo
eh sinasapian ka--aw!" Nabira ko siya sa dibdib. Panira ng umaga eh!

"Makapaghilamos na nga!" Babangon na sana ako pero niyakap niya ako para pigilan.

"Huwag muna, askal ko." Bulong niya pa sa akin. 'Yung boses niya, nakakawala lang
ng lakas kaya hindi ko na sinubukang magpumiglas. "Mamaya na, sabay na tayo. Kapag
tumunog alarm ko."

"Siguraduhin mong tutunog 'yun ah!" Mamaya baka hindi naman 'yun tumunog so ano na
kami? Habang buhay na lang na magyayakapan dito?

"Aba. Teka. Binigyan mo ako ng ideya--oops!" Bibirahin ko sana niya kaso napigilan
niya ang kamay ko. Natawa siya dun sabay lagay na lang ng kamay ko sa pisngi niya.
"Ang sadista talaga. Mamaya mamana ng baby natin 'yan."

"Mas mabuti nang pagka-sadista ko ang mamana niya kaysa kalandian mo."

Natawa ulit siya at saka niyukuan ang tiyan ko. "Oo nga pala," inalis ni Levi ang
pagkakahawak sa kamay kong nasa pisngi niya at nilipat iyon doon. "Good morning,
baby."

"Ah!" Sigaw ko sa sakit sa tiyan na bigla kong naramdaman. Nailayo tuloy agad ni
Levi ang kamay niya at ako naman ang napahawak.

"U-Uy, b-bakit?" Kabado niyang tanong.

Nagtitigan kami at halos matawa ako. "Ang galing..."

"H-Huh? A-Anong magaling? 'D-Di ba, nasaktan ka nung humawak ako?"

"Hindi!" Tuluyan na akong natawa kasabay ng pag-upo ko. "Sumipa kasi bigla baby
natin!"

Umupo na rin si Levi. Litong-lito na kabado pa rin ang itsura niya.

"At ang galing lang kasi sumipa siya kasabay ng paghawak at pagbati mo sa kanya.
Para bang sinagot ka niya at sumigaw ng, Papa, Papa! Good morning!"

"Ah," namangha na ang itsura ni Levi. Natawa rin siya at muling humawak sa tiyan ko
sa paraan na yakap niya rin ako. "Baby--"

"Ah!" Ayun na naman ang pagsipa ng anak namin. Masakit, pero hindi ko pa rin
mapigilang matawa. "Dito, dito." Nilipat ko ang kamay ni Levi sa parte kung saan
ito sumisipa.

"Woah! Ang lakas ah!" Bati ni Levi nang maramdaman na niya ang pagsipa nito. "Shh,
tama na baby, nasasaktan nanay mo."

Tumigil naman ito at nagkatitigan kami ni Levi sa gulat.

"Hala. Sumunod?" Tanong niya sa akin at natauhan ako.

"Ang daya!" Nakasimangot kong reklamo. "Bakit sumusunod siya sa'yo? Samantalang
kahapon nung pinakiusapan ko siyang tumigil kakasipa sa akin, hindi siya sumunod."

Tumawa nang mapang-asar si Levi. "Isa lang ang ibig sabihin nun askal! Mas mahal
niya ako kaysa sa'yo!"

Lalo akong napasimangot. Ang unfair naman yata nun. Bakit mas mamahalin siya ng
anak namin eh kami ang laging magkasama nito?

Nakakainis. At sa inis ko na pinalala pa ng tawa ni Levi, eh iniwan ko na siya dun


sa kama.

"Uy! 'Di pa tumutunog alarm ko!" Natatawa pa rin siya.

"Ewan ko sa'yo! Maghihilamos na ko!" Kinuha ko ang towel ko at lumabas na ng


kuwarto.

Hindi rin naman nagtagal ang pagkapikon ko kay Levi. Sa kalandian ba naman nun,
nagawa niyang pawiin ang pagkapikon ko bago pa kami bumaba para mag-almusal. Kasama
namin sina Mama at Juni sa pagkain, at ang saya lang ng mood namin.

Ngayon ko lang napansin, tuluyan na pala kaming nakabalik sa dati mula nang mamatay
si Papa? Nakakatuwa naman... Siguro, masaya rin si Papa na makita kaming ganito
ngayon...

"Levi," tawag ko sa kanya nang makita ko siyang nakaupo sa sofa sa sala. Kanina pa
siya dapat umalis papuntang school eh kasabay sina Mama pagkatapos naming kumain.
Pero pinili niyang hintayin pa akong makatapos sa pagligo.

Kaso ang pusandi, hindi ako narinig. Nakatulala siya sa kawalan. Kabado malamang sa
exams nila. Tinakot ko siya na makakatanggap ng headchop sa'kin kapag mababa ang
makuha niyang mga score gaya nung prelims eh. Pasado naman siya nung prelims, pero
nakakainis 'yung pagkababa ng mga score niya.

Umihip ako ng hangin bago lumapit kay Levi. Pagkalapit ko sa kanya ay ginulo ko ang
buhok niya.

"Ay! Millie?!" Agad niyang prinotektahan ang kanyang buhok. "Bakit mo ginulo?!"

"Masyado kasing maayos." Dahilan ko with matching cross arms.

Inayos niya naman 'yun. "Siyempre dapat maayos para guwapo ako!"

Napangiwi ako. "Para guwapo... Tss. Eh ni hindi nga bagay sa'yo ang ganung ayos ng
buhok."

Natigilan siya. "Talaga?"


Nakairap akong tumango. At gamit ang parehang kamay ko, ginulo kong muli nang
kaunti ang buhok niya. "Ganito ang bagay sa'yo... Messy hair..."

Napangiti ako sa ginagawa ko. Nakakatuwa pala 'to, lalo na at ang lambot ng buhok
niya.

Napansin ko na nakangiti rin si Levi. Pero sandali lang ang pag-ngiti niyang iyon
at natulala na naman siya--malungkot na natulala gaya kanina. Mula tuloy sa buhok
niya ang ibinaba ko ang hawak ko sa mukha niya at tiningala ito.

"Bakit ka ba natutulala ha, pusandi?" Tanong ko sa kanya. Pero tinitigan niya lang
ako. "Tss. 'Wag ka na kabahan sa midterms niyo. Mapapasa mo 'yun."

Natawa siya at umiling. "Ah, teka nga pala. Kapag mababa ang makuha kong mga score,
makakatanggap ako ng headchop sa'yo. Eh paano naman kung mataas? Aba dapat may
matanggap din ako sa'yo."

Oo nga 'no? Posible pa namang makakuha siya nang mataas dahil kinarir niyang mag-
review.

Nagpamewang ako't nag-isip. "Mm, ano bang gusto mo kung sakaling mataas nga ang
makuha mong mga score?"

Nag-relax siya sa sofa at ngumiti nang nakakaloko. "Ang gusto ko... Hmm..."
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago muling tumingin sa mga mata ko.
"Ikaw... Kahit isang gabi lang sana--ah!"

Ayun, binigyan ko na siya ng isang advance headchop. "Puro kalandian ka na naman!


Pumasok ka na nga!"

Tumawa lang siya nang hilot-hilot ang ulo. Huminga naman ako nang malalim at saka
hinimas ang tiyan pampakalma.

"Uy basta, galingan mo sa exams ah?" Seryoso kong bilin sa kanya.

"Oo na..." Ngumiti siya at tumayo dala-dala ang bagpack niya. "Alis na ko." Inabot
niya ang tiyan ko at hinimas din ito. "Bye anak."

Napangiti ako roon.

"Bye askal ko." paalam niya rin sa akin sabay hawak sa mukha ko at halik sa mga
labi ko. Hindi ko na ikinagulat o ikinailang iyon dahil lagi na niya 'yung ginagawa
sa akin bago umalis.

Hinatid ko siya sa labas. At nang makaalis na siya, naisip ko na dapat ko nga


siyang bigyan ng reward, mababa man o mataas ang makuha niyang mga score sa exams.
Siyempre, kita ko ang effort niya sa pagre-review eh. Pero... ano nga kayang
magandang ibigay sa kanya?

Ang hirap-hirap mag-isip ng reward para kay Levi. Kung ibigay ko na lang kaya 'yung
request niya? Na isang gabi... Ahhh! Hindi! Ayoko! 'Di puwede! Mabuti sana kung
hindi ako buntis eh. Eh kaso, buntis nga ako, at nakakahiya naman sa anak naming
nasa tiyan ko na masaksihan iyon.

After lunch, napagdesisyunan kong lumabas na lang. Nag-mall ako para maghanap ng
ibibigay sa pusang malandi ko.
Kaso, nahirapan din akong maghanap doon. Ang dami kasing choices pero limited naman
ang budget! Ay naman. Siguro, T-shirt na lang ang bibilhin ko.

Sa huli matapos kong mag-ikot-ikot at tumingin-tingin, isang T-shirt nga ang nabili
ko. Okay na 'to. Wala namang T-shirt na hindi bumabagay sa kanya eh. T'saka matagal
na rin 'yung last time na nagkaroon siya ng bagong T-shirt.

Papalabas na ako ng department store nang mapahinto ako dahil sa nadaanan kong
bilihan ng mga CD's. May TV kasi roon na nagpapalabas ng isang music video.

"This is real, this is me, I'm exactly where I'm supposed to be now. Gotta let the
light shine on me."

Natulala ako dun sa teenage girl na kumakanta sa video. Girly pero strong 'yung
boses. At maganda siya ah! Matangos ang ilong, may cleft chin.

"Now I've found, who I am, there's no way to hold it in. No more hiding who I wanna
be. This is me."

Mula sa araw na 'to, pinapangako ko! Magiging ganyan ang anak ko 'pag laki niya!
Ganyan kaganda at ka-talented!

This Is Me, Demi Lovato ft. Joe Jonas, Camp Rock OST--ayun 'yung pinakita before
matapos 'yung music video.

So Demi Lovato pa ang pangalan nung babae. Pati pangalan, maganda!

Demi Lovato. Demi Lovato. Demi Lovato.

Nagpaulit-ulit ang pangalan niya sa utak ko habang naglalakad ako palabas ng


department store. Demi Lovato, ise-search kita mamaya sa internet! Papanoorin ko
lahat ng movies mo at papakinggan lahat ng kanta mo!

At napahinto na naman ako sa paglalakad. Nakita ko kasi si Levi na dumaan sa tapat


nitong department store at mukha siyang nagmamadali.

Tinignan ko ang relos ko. Oras na para magpunta siya sa trabaho ah? Eh bakit
nandito siya?

Sinundan ko si Levi hanggang sa makarating kaming food court sa taas. Huminto siya
para tumingin sa paligid at mag-check ng cellphone. Lalapitan ko na sana siya, pero
naglakad na naman siya nang mabilis papunta sa kabilang side.

Muli ko siyang sinundan at nakita ko ang pag-upo na niya sa isang table na naroon--
kasama 'yung Jo. Agad silang nag-usap--nang parehong nakangiti.

Natigilan ako. Ano ba 'to? Akala ko... Akala ko wala na silang koneksyon. Akala ko
wala na ang Jo na 'yan sa buhay ni Levi. Nagtiwala ako tapos ganito? Nagkikita pa
pala silang dalawa? Nang palihim pa, ah!

Mabilis na kumulo ang dugo ko sa eksenang nakikita ko. Parang binubugbog lang nila
ang puso ko--at gusto kong gumanti. Nanggigigil ang mga kamay ko nang lapitan ko
ang table nilang dalawa.

"Ayun ay kung puwede pa sana..." Rinig kong sabi ni Levi kay Jo.

"Puwede pa sanang ano?" Sabat ko pagkalapit ko sa kanila.

"Woah!" Gulat at parang nakakita lang ng multo si Levi nung lingunan niya ako. "M-
M-Millie!"

'Yung Jo naman, nanlalaki lang ang mga mata na napatitig sa akin, tapos
tensyonadong ngumiti. Eh kung sampalin ko kaya siya?

Gusto ko talaga siyang sampalin at gusto ko silang sigawang dalawa. Pero buti na
lang at may kahihiyan ako. Ayokong mag-eskandalo rito. Ayokong magmukhang tanga.

"Napadaan lang ako," dahilan ko sa nagtitimping tono. "Sige. Mag-usap na kayo


ulit."

Tatalikod na sana ako pero pinigilan ako sa kamay ni Levi. "Teka Mill--"

Hinampas ko sa mukha niya ang dala kong maliit paper bag na naglalaman ng T-shirt
na binili ko para sa kanya. Hinayaan ko lang 'yung mahulog sa kandungan niya. "Ayan
nga pala ang reward ko sa'yo para sa midterms mo, mataas o mababa man ang mga
scores na makuha mo. Bahala ka na kung anong gagawin mo diyan. Bahala ka na sa
buhay mo." At binawi ko na ang kamay ko.

"A-Ano Millie," nagsalita 'yung Jo. Binigyan ko siya nang matalim na tingin.

"'Wag na 'wag mo nga mabanggit-banggit ang pangalan ko. Nakakairita." Mariin kong
sagot sa kanya na ikinatameme na niya. Pati si Levi, natameme na lang sa
nangyayari.

Ayoko naman nang magsalita. Nararamdaman ko, malapit na mawala ang tapang ko. Kaya
tumalikod na ako at umalis.

"Millie!" Sinundan ako ni Levi sa may escalator pababa ng ground floor. "Millie,
puwede bang 'wag ka munang magalit? Puwede bang magpaliwanag muna ako?"

"Hindi puwede. Ayaw kitang kausapin." Diretso lang ang tingin ko sa daraanan ko.

Inis siyang nagbuntung hininga at patuloy akong sinabayan sa paglalakad sa baba.

"Millie--"

"Ayaw nga kitang kausapin!" Napasigaw na ako. May mga napatingin na tuloy sa amin.
Pilit kong pinakalma ang sarili ko. "Isa pa Levi, at sisigaw ako ulit..."

Nakita ko ang panggigigil sa mga bagang niya. Wow ah. Nagawa niyang magalit din?

"Hayaan mo na ko, puwede? Uuwi na ko--"

"Sasamahan kitang umuwi," nagtitimpi niyang suhestyon.

"Hindi na kailangan. Kung nag-aalala ka, tigilan mo na dahil magta-taxi ako. Kaya
'wag mo na ako sundan at 'wag mo na ako piliting kausapin, okay? Dahil ayoko.
Ayoko, ayoko, ayoko."

Nanggigigil talaga ako dahil sa matinding galit. Nakikita ko naman sa mga mata niya
na ayaw na niya 'yung palalain pa. Kaya hindi na siya sumagot pa at hinayaan na
lang akong umalis mag-isa.

xxxxxxTBC~

Maraming nagtanong, sino ba talaga ang Jo na yun? Eh sino nga ba? Nyahahaha. Alamin
sa next update!

Btw, malapit na matapos 'tong C&DB! Weee~ :D


####################################
Chapter Twenty One: DOG
####################################

CHAPTER TWENTY ONE: Dog

Salamat sa taxi na nasakyan ko at nakauwi ako nang maayos. Kung pinilit ko kasing
mag-commute, ewan ko na lang. Baka hindi ko magawang makauwi agad dahil sa
matinding galit at sakit na nararamdaman ko. Hindi rin kasi mawala-wala sa isip ko
'yung paglilinaw ni Levi noon sa relasyon naming dalawa; 'yung pagtitiwala ko sa
kanya; at 'yung lihim na pagkikita nila nung Jo kanina.

Pagkaakyat ko sa kuwarto namin, hindi ko malaman ang gagawin ko. Gusto kong
sumigaw. Gusto kong itapon ang lahat ng gamit ni Levi. Ah, hindi--gusto ko siyang
ipa-salvage kasama ang Jo na 'yun!

Sa naisip ko, bigla akong naiyak na parang bata habang nakaupo sa kama ko. Ipa-
salvage? Hindi rin eh. Ayokong mawala si Levi. Gusto ko siyang saktan sa mga oras
na 'to pero ayun lang 'yun. Ayokong iwan siya, o siya na iwan ako. Pero paano kung
sa hiwalayan na kami humantong ngayong pagtitiwala na ang nasira sa aming dalawa?
Paano na itong baby namin?

Speaking of baby, ito lang yata ang dahilan kaya sinasamahan ako ni Levi. Gusto
niya lang akong panagutan kaya pilit niya lang din akong minamahal. Pilit lang kaya
hindi niya mapigilang maghanap ng ibang babae. Kasi naman, ano bang kamahal-mahal
sa akin? Kung ikukumpara ako sa Jo na 'yun, anong panama ko? Wala, 'di ba? Wala,
wala, wala.

Hindi ko na makontrol ang emosyon ko. Nagpatulay lang ako sa pag-iyak, hanggang sa
mapagod ako't makatulog.

7pm na nung ginising ako ni Mama para maghapunan. Napansin niya at pamamaga ng mga
mata ko kaya nagkuwestiyon siya. Hindi ko naman feel umamin kaya nagsinungaling
ako. Sinabi ko na lang na may dinibdib at iniyakan akong pelikula kaninang hapon.

Binigyan ako nun ng nagdududang tingin ni Mama hanggang sa magbuntung hininga siya.

"Sabagay, nagiging masyadong emosyonal talaga ang mga buntis kahit sa mga simpleng
bagay lang." Sabi pa ni Mama sabay kibit-balikat. "'Yung iba pa nga, umiiyak nang
walang dahilan eh."

"Para namang baliw 'yung ganun..." Mahina kong sagot.

"Grabe ka naman, anak." Halos naka-ngusong tumingin sa akin si Mama. "Para mo na


ring sinabi na para akong baliw nung pinagbuntis kita."

Nanlaki ang mga mata ko dun. Ibig sabihin...

Nagbuntung hininga si Mama bago nagpaliwanag. "Oo na. Dati, nagkaganun ako habang
pinagbubuntis kita. Naglilinis lang ako ng kuwarto tapos bigla na lang akong naiyak
nang walang dahilan. Nawindang nga sa akin ang papa mo nun eh. Hindi niya malaman
kung paano ako papatahanin."

Natawa ako sa kuwento ni Mama. Na-imagine ko sila ni Papa sa ganung eksena.


Nakakatawa talaga at para ngang baliw si Mama. Buti na lang hindi ko naranasan
iyon.

"Oh siya, tara na sa baba, Millie. Gutum na gutom na ang kapatid mo." Tumayo na si
Mama at nag-alok ng kamay para akayin ako. Tinanggap ko iyon at hanggang sa kainan,
inakay niya ako.

Ang sarap nun sa pakiramdam. Naisip ko tuloy, na kapag lumaki na ang anak ko,
gagawin ko rin iyon sa kanya. Aakayin ko siya basta kailangan niya.

Sa buong pagkain ng hapunan, naiisip ko naman si Levi. Ano kayang ginawa niya
kanina nung makaalis na ako? Binalikan si Jo, nag-sorry, tapos? Pumasok kaya siya
sa trabaho o nagsama lang sila maghapon? Hanggang ngayon kaya magkasama sila?

Hindi maganda ang pakiramdam ko kaya hindi ko na naubos ang pagkain ko at umakyat
na ako. Naghilamos na rin ako at pumuwesto na sa higaan ko.

Hindi naman ako makatulog. Ang totoo nito, hinihintay ko si Levi. 9:30pm na,
nandito na dapat siya, pero hindi pa siya nagpaparamdam. Ni text, wala siyang
pinapadala sa akin.

Teka... Uuwi pa ba siya? Mamaya, si Jo na pala ang pinili niya kaysa sa'kin...

Mangiyak-ngiyak na naman ako sa pinag-iisip ko. Ang hirap lalo na't nagtatalo ang
pride ko at ang pagmamahal ko sa kanya. Gusto ko na siyang i-text para mag-sorry at
pauwiin na siya. Pero ayaw ko rin kasi siya itong may ginawang mali sa aming dalawa
kaya siya dapat ang unang gumawa ng move para magkaayos kami.

Hanggang saan kaya ako dadalhin nitong pagmamatigas ko?

Malamang sa huli, pagsisisihan ko 'to...

Sinubukan kong matulog pero wala. Gising na gising ako at nagmumuni-muni lang
habang nakahiga sa kama. Rinig ko ang bawat segundong binibilang ng orasang
nakasabit sa pader nitong kuwarto ko--at sa bawat segundong dumadaan, nandun 'yung
sakit.

Passed 11 na. Si Levi, wala pa rin at mukhang wala na siyang balak umuwi rito.

Halu-halo na ang nararamdaman ko. Sakit, inis, pag-aalala, pagkalito. Ayaw na nga
bang umuwi ni Levi? O baka naman may nangyari na sa kanya na kung ano?

Kinakabahan na ako--sumabay pa ang biglang pagkirot ng tiyan ko. Napaupo ako at


hinimas ito. Buti napawi rin agad 'yung sakit. Pero 'yung kaba ko, hindi pa rin
nawawala.

Nakakainis na nakakaiyak...

Tumayo ako. Kailangan kong mag-CR kaya lumabas ako ng kuwarto. Pag-apak ko palabas,
halos tumalon naman ang puso ko sa gulat at takot dahil sa taong nakita ko na
nakaupo sa tabi ng pintuan. Akala kung sino! Si Levi lang pala!

Napatitig ako kay Levi. Tulog pala siya. Kaya pala nakayuko siya.

Hindi pa mawala-wala ang bilis ng tibok ng puso ko. Pero hindi na ito dahil sa
takot. Dahil na ito sa relief--at awa--at guilt.
Ahh, nakakainis talaga! Nagawa ko pang maawa at ma-guilty sa kabila ng ginawa niya
kanina! Normal ba 'to? Ganito ba talaga kapag mahal na mahal mo sobra 'yung tao?
Kahit na may ginawa siyang mali at kahit hindi pa siya nagso-sorry sa'yo, gusto mo
na siyang patawarin agad at bigyan ng pangalawang pagkakataon?

Biglang humilik si Levi. Babagsak na rin ang ulo niya pero napigilan niya iyon
kasabay ng pagdilat niya. Pipikit sana siya ulit pero napansin niya ako. Tumingin
siya sa akin at saka nanlaki ang mga mata.

"M-Millie!" Dali-dali siyang tumayo.

Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya. Hindi ko pa rin maintindihan kung anong
nararamdaman ko eh. Nahihiya na naiinis na nagi-guilty na naaawa na naiirita na
ewan. Ugh!

"Uhm, s-saan ka pupunta?" Alanganin pero may pag-aalala niyang tanong.

"Sa CR lang..." Malamig kong tugon at dumiretso na akong CR.

Natagalan ako roon. Bukod kasi sa pag-ihi ay kinonpronta ko pa ang sarili ko sa


salamin.

"Ano nang gagawin mo ngayon, Millie?" Mahina kong tanong sa repleksyon ko.

Nagtitigan pa kami ng sarili ko, pero wala naman akong nakuhang sagot. Ewan ko na
talaga. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Bahala na.

Pagkalabas ko ng CR, naabutan ko si Levi na nakatayo pa rin dun sa puwesto niya.


Nagkatinginan kami at nakita ko ang antok sa mga mata niya.

Nakakainis ka! Nakakainis ka! Gusto ko sanang isigaw sa kanya. Bakit ba kahit gaano
pa ako naiinis sa'yo, mas nangingibabaw pa rin 'yung pagmamahal?

Naglakad ako palapit sa kanya.

"Naghapunan ka na?" Mahina kong tanong.

"H-Huh?" Halatang kabado siya sa kabila ng pagkaantok. "Uh, a-ano, hindi pa."

Nakakainis! Mas lalo akong naaawa at nagi-guilty!

"Tara, kumain ka." Patalikod na ako nang pigilan niya ako sa kamay.

"De! 'Wag na!"

Pareho kaming natigilan at pareho rin yata kaming nakaramdam ng kakaiba sa paghawak
niya sa kamay ko. Hindi iyon attraction, kundi awkwardness. Kaya binitawan niya rin
ako.

"Uhm, busog kasi ako. Pramis. Kaya 'wag ka na mag-abala. A-Ano, bumalik ka na sa
pagtulog." Ngumiti siya at binuksan ang pinto.

Pasimple na lang akong huminga nang malalim at pumasok na ng kuwarto ko. Nang
lingunan ko siya, sinasara na niya 'yung pinto--nang nasa labas siya.

Humawak ako sa pinto para pigilan ang pagsara nun. Nalilito tuloy siyang tumingin
sa akin.
"Bakit ka nandyan?" May unting inis sa tono ko. "Pumasok ka rin dito."

Nakatitig lang siya sa akin. Ang mga mata niya, parang nagtatanong ng "Bakit?"

"Dito ka na matulog." Dagdag ko pa.

"Pero--"

"Ayaw mo ba? Kung ayaw mo, eh 'di huwag..." Tumalikod na ako ulit para pumuntang
kama.

"H-Hindi hindi hindi! Gusto ko!" Rinig ko ang pagsara niya sa pinto. At paglingon
ko sa kanya, nandito na siya sa loob.

Nagtitigan na naman kami, tapos ako ulit 'yung umiwas ng tingin. "Asan bag mo?"

"Ahh nandun sa sala. Kasama nung paper bag na binigay mo kanina."

Na binigay ko at hinampas ko sa mukha mo. Dugtong ng utak ko.

Nakaramdam na naman ako ng hiya. Kaya hindi na ako sumagot at lumapit na lang sa
cabinet. Kinuha ko siya ng mga damit at inabot ang mga iyon sa kanya. "Oh,
maghilamos ka na muna."

Kinuha niya ang mga iyon at pumuwesto na ako sa kama. Mauuna na akong matulog.
Siguro naman makakatulog na ako kasi nandito na si Levi. Umuwi pa rin siya sa akin.
Mas gusto ko na iyon kaysa sa hindi siya umuwi at sumama sa ibang babae.

"Teka Millie. Ano," pagbasag ni Levi sa katahimikan. Nung tignan ko siya, mukha na
siyang malungkot. Tapos tinuro niya 'yung orasan sa pader. Quarter to 12am na pala.
"Hindi pa natatapos 'yung araw."

Lito akong napatingin sa kanya. Ano bang pinapahiwatig niya?

"Puwede bang 'wag natin hayaang matapos ang araw na 'to nang hindi naaayos ang
problema natin?"

Natamaan ako dun. Siya naisip ang ganung bagay pero ako hindi.

Huminga si Levi nang malalim at umupo sa study chair na halos isang metro ang layo
sa akin. Magkaharap kami at magkatinginan. Nakakalula lang ang mga mata niya--at
nakakaakit. Ah! Ano ba 'yon!

"Gaya ng sinabi ko noon, mag-kaibigan lang kami ni Jo." Seryoso niyang sabi na ayaw
ko pa ring paniwalaan.

"Hindi ako naniniwala sa'yo," diretsa kong sagot.

"Tsk," ginulo niya ang buhok niya. "Sige na nga. Aamin na ko."

Bumigat ang loob ko dun. Gusto ko sana siyang batuhin ng unan, ng cellphone--lahat
na ng bagay na malapit sa akin. Kaso hindi ako makagalaw dahil sa sakit na
nararamdaman ko.

"Isang model si Jo, Millie. At 'yung manager niya, ni-recruit ako dati na mag-model
din sa clothing line na may hawak sa kanya ngayon."

Napakurap ako. 'Yung sakit na nararamdaman ko, bigla-biglang nawala at napalitan ng


matinding disbelief. Hindi naman sa imposible 'yung kuwento ni Levi. Masyado lang
siguro 'yung kabigla-bigla.

"Oh tapos?" Tanong ko.

"Tinanggihan ko 'yun."

"B-Bakit naman?" Nalito ako. Sa tono niya, alam ko na ayaw niya 'yung tanggihan.

"Kasi alam ko na pagseselosan mo si Jo."

Umiwas ako ng tingin. Okay, okay! Sobra-sobra-sobra na akong nagi-guilty!

"H-Hindi rin..." Kontra ko. "Kung ipapaliwanag mo naman 'yun sa akin, maiintindihan
ko... Trabaho 'yun eh..."

"Maiintindihan mo at hindi ka magseselos, kahit kailangan naming mag-model ni Jo


nang magkasama, magkayakap at magka-dikit ang mga mukha?"

Napakunot noo ako. Na-imagine ko ang ganung mga kuha nila ni Jo at muling kumulo
ang dugo ko kagaya kaninang hapon.

"Oh, tignan mo." Tinuro niya ako. "Sa itsura mo palang ngayon, alam ko nang
magseselos ka. 'Yung magkaharap at magkausap pa nga lang kami ni Jo, todo-todo ka
na magselos."

"E-Eh ayun naman kasi, sobra kayong nakakapagduda mag-usap! Halatang nagpa-panic
kayo dahil sa'kin!" Depensa ko.

"Ah," natawa siya at napatakip ng mukha gamit ang isang kamay. "Alam kasi ni Jo na
selosa ka, at alam niyang nililihim ko sa'yo 'yung offer sa'kin."

"Tsk. Bakit kasi kailangan mo pang maglihim sa'kin? Ikaw pala 'tong walang tiwala
sa'kin eh..."

"Hindi sa wala akong tiwala sa'yo, Millie. Ayaw ko lang na ma-stress ka dahil dun.
Alam ko kasing malilito ka eh--iisipin mo kung okay ba talaga 'yun sa'yo o hindi.
Okay, kasi trabaho. Pero hindi rin okay, kasi magseselos ka."

Hindi na ako nakaimik. Totoo kasi 'yun.

Huminga ulit si Levi nang malalim. "Kaya sana, maniwala ka nang kaibigan ko lang si
Jo. Kanina, nagkita lang naman kami ulit para pag-usapan kung okay lang na habulin
ko 'yung offer sa akin ng manager niya. Ayoko na rin sana na habulin pa iyon kaso,
kailangan ko ng pera eh. Alam mo na, malapit ka na kasing manganak."

Napakagat labi ako. So ang lahat ng iyon ay para talaga sa akin at sa magiging anak
namin. Parte iyon ng pagpapaka-responsable niya tapos anong ginawa ko?

"Sorry Levi..." Sabi ko sabay iyak. Naalala ko kasi ang mga inakto ko kanina.
Nakakahiya talaga sa kanya na wala naman palang ginagawang mali. Ang kapal ko pang
maghintay ng sorry mula sa kanya. "Sorry... sa mga ginawa ko..."

Natatawang tumayo si Levi at umupo sa tabi ko. "Uy askal ko, 'wag kang umiyak. Okay
lang 'yun. May mali rin naman ako. Dapat pala sinasabi ko pa rin sa'yo ang lahat ng
bagay na pinapasok ko. Mas napapasama pala kapag naglilihim ako eh."

Pinunasan niya ang mga luha ko.

"Tahan na oh. Hindi ako galit. Mahal pa rin kita." Sabi pa niya. Pilit naman akong
tumahan, at saka ko siya niyakap. Ang sarap sa pakiramdam nang ibalik niya ang
pagyakap ko. "'Di bale askal," bumulong siya. "Puwede ka namang bumawi sa'kin eh.
Pagkahilamos ko, alam mo na... Bago tayo matulog--"

"Heh!" Tinulak ko siya palayo. Malakas ang pagkakatulak ko sa kanya kaya halos
nahulog siya sa sahig.

"Grabe ka naman!" Paawang reklamo niya. "Nasaktan ako Millie sa mga ginawa mo
kaninang hapon. Napahiya pa ako kay Jo. Pero hindi ka man lang babawi sa akin?"

Tinaas ko ang isang kamay ko. "Ito headchop, gusto mo?"

Ngumuso siya.

"Maghilamos ka na nga!" Pagtataboy ko sa kanya.

"Oo na nga. Pero basta bati na tayo ah?"

Sumimangot ako sa kahihiyan. "Oo..."

Ngumiti siya at binigyan ako ng isang mabilis na halik sa mga labi bago umalis dala
ang mga damit at tuwalya niya. Ako naman ay napangiti na lang, lalo na nang makita
ko ang oras.

Kaka-alas dose palang. Nakakatuwa naman. Naayos din ang lahat bago pa natapos ang
magulong araw kahapon.

xxxxxxTBC~

A/N: Walang nakatama. LOL. v^_^v

LAST 3 UPDATES!
####################################
Chapter Twenty Two: CAT
####################################

CHAPTER TWENTY TWO: Cat

"Sige po, Uncle Mon! Alis na po ako't may dadaanan pa ako." Tumayo na ako mula sa
pagkakaupo ko sa sofa dito sa sala ng bahay ni Tito Ramon--ang talent manager na
may hawak kay Jo--at ngayon, ang may hawak pati sa akin.

"Sige, sige." Matawa-tawa siya. "Basta sundin mo lang ang payo ko at magagawa mo
rin 'yan."

Ngumiti ako nang malapad. "Hm, salamat po. At pati rin po pala rito, salamat po."
Winagayway ko ang hawak kong magazine.

"Sus. Complimentary copy mo 'yan kaya huwag kang magpasalamat. Eh dalian mo, umalis
ka na." Ginamit niya ang kamay niya para senyasan ako na umalis na. "Ipagmayabang
mo na 'yan sa asawa mo."

Natawa pa ako sa pagdiin niya sa salitang asawa, bago ako lumabas ng apartment
niya.
Asawa... Si Millie... Hindi na ako makapaghintay na maging asawa ko na nga siya...

Pagkasakay ko sa sasakyan ko, ngiting-ngiti kong tinignan itong magazine na binigay


sa akin ni Uncle Mon. Brochure talaga ito ng isang South-East Asian clothing line
at sa loob ng issue na ito ay may ilang kuha ako na mino-model ang ilan nilang
damit. Karamihan sa mga iyon ay men's shirt at ang iba ay jeans.

Naging official model na nga ako, isang buwan na rin ang nakararaan. Side line lang
din naman ito kasabay ng part time job ko. Kinuha ko na ang oportunidad na iyon
para dagdag kita. Sa isang buwan, manganganak na si Millie eh at hindi naman
puwedeng iasa na lang namin ang lahat ng gastusin sa mga magulang namin. T'saka, si
Millie na rin naman mismo ang nangumbinsi sa akin na ituloy ko na 'to. Kung gagawin
ko naman daw kasi ito para sa kanila ng anak namin, ayos lang sa kanya.

Ngayon, nae-excite ako sa magiging reaksyon ni Millie sa na-gwagwapuhang kuha ko


rito--at maging sa mga kuha kong kasama si Jo. Magseselos kaya siya?

Sabi niya, hindi na raw niya pagseselosan si Jo. Wala naman daw kasing dahilan para
magselos siya lalo na nang sabihin kong may boyfriend na ito. Pero si Millie pa.
Alam niyang malandi ako kaya malamang lang na makaramdam pa rin siya ng takot sa
pagiging magkatrabaho namin ni Jo. Pero ako pa. Siyempre, alam kong dumamoves para
iparamdam sa kanya na ang pusandi ay para sa askal lang.

At ngayong araw, hindi ko na iyon balak na basta iparamdam na lang. Dahil


papatunayan ko nang siya lang ang mahal ko at ang gusto kong makasama habang buhay.

Ibinaba ko na ang magazine sa passanger seat at nakangiting ini-start ang makina ng


sasakyan ko. Oras na para simulan ang plano ko.

Pa-alas kuwatro na ng hapon nang makauwi ako kina Millie. Dumaan pa kasi ako ng
mall para kunin ang napakahalagang sangkap sa pagtatagumpay ng plano ko--plano na
muling yayain si Millie na magpakasal. At sa pagkakataong ito, gagawin ko ito sa
paraang hindi na siya makakatanggi pa.

"Nandito na ko!" Sambit ko pagkapasok ko ng bahay. Pero walang tao sa sala.


Malamang nasa taas si Millie, natutulog o hindi kaya ay naglilinis. Sana naglilinis
na lang para magawa ko na ang binabalak kong gawin.

Pumanhik ako sa kuwarto niya, at wala sa mga hinala ko ang ginagawa niya. Hindi
siya natutulog o naglilinis. Bagkus ay nakaupo siya sa study chair niya, himas-
himas ang malaki niyang tiyan habang gumagamit ng laptop.

"Uy askal ko," bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.

Ngumiti siya. "Nakauwi ka na pala... Anong gusto mong hapunan mamaya?"

"Uh, kahit ano." Pumuwesto ako ng upo sa kama niya. Nagpatuloy naman siya sa pagla-
laptop.

Hmm, paano na ba... Ipapa-scan ko sa kanya itong brochure at pagseselosin ko siya


sa kuha na naka-akbay ako kay Jo. Tapos ilalabas ko 'to...

Kinapa ko ang maliit na box na nasa bulsa ko. Sa loob nito nakalagay ang singsing
na ibibigay ko sa kanya kasabay ng pag-aalok kong muli ng kasal.

Huminga ako nang malalim. Takte lang. Nakakaba pala ang ganitong paraan ng pag-
aalok ng kasal? Eh nung unang beses ko siyang yayaing magpakasal, wala lang eh.

"Uhm, Millie." Tawag ko sa kanya.

"Hm?" Hindi niya ako tinignan.

"Nakuha ko na 'yung brochure oh."

"Ahh..."

Ayun lang? Nag-ahh lang siya?

"Tignan na natin, dali." Yaya ko na lang.

"Mamaya na." Pagtanggi niya. Naman oh!

"Eh, ngayon na. Itatabi ko na 'to mamaya eh."

"Sus! Eh 'di huwag mo muna itabi."

"Ngayon na kasi natin tignan, Millie."

"Mauna ka na lang."

Ugh! Naman, naman, naman!

"Kapag hindi mo ako sinabayan ngayon, sige ka, hindi mo na makikita ang kaguwapuhan
ko dito. Itatabi ko na talaga 'to kapag matapos ako." Pananakot ko.

Natawa siya--nang hindi pa rin tumitingin o lumilingon man lang sa akin. "Okay
lang. Want-to-sawa naman ako sa kaguwapuhan mo. Araw-araw ba naman kitang
nakikita."

Tsk. Barado ako dun ah.

"Ah, huwag mo muna ako guluhin, Levi. Mamaya talaga titignan ko 'yan. Tatapusin ko
lang 'tong pinapanood ko." Parang kinikilig niya pang sabi.

"Ano ba 'yang pinapanood mo?" Pilit kong tinago ang inis ko at lumapit sa kanya
para makita ang pinapanood niya. Pero hindi ko na napigilan ang inis ko nang makita
ko kung anong pelikula iyon. "Takte! Ayan na naman? Ilang daang beses mo nang
napapanood ang Project Princess Protection na 'yan ah!"

Kaya hindi ko na nakontrol ang inis ko eh. Sa loob ng isang buwan, ilang beses na
niya 'yang napapanood at hindi ko matanggap na mas pipiliin niyang panoorin ulit
'yan kaysa makita ang pag-debut ko bilang isang model.

"Excuse me!" Pinause ni Millie 'yung video at kunot noo akong tinignan. "Project
Princess Protection ka diyan! Princess Protection Program kaya title nito! At saka
wala pang isang daang beses ko 'tong pinapanood 'no! Pang-siyamnapung beses palang
'to!"

Nakaka-badtrip talaga. Pero ayokong tuluyang ma-badtrip dahil sa ganitong bagay.


Mag-aalok ako ng kasal at hindi dapat ganito ang sitwasyon namin.

Nagtitimpi akong bumalik ng upo sa kama. Hihintayin ko na lang siyang matapos sa


pelikulang iyon. Ika nga nila, patience is a virtue at good things come to those
who wait.
Bumalik sa panonood si Millie. Pero maya-maya, nakangiti niya akong nilingunan. "Oo
nga pala Levi!"

"Ano 'yun?" Malungkot kong tugon.

"May naisip na akong pangalan sa baby natin..." Lumapad ang ngiti niya at naging
interesado naman ako.

"Oh? Anong pangalan naisip mo?"

"Demi--" Natigilan siya bigla at mukhang namilipit sa sakit sa tiyan. "Aww..."

"M-Millie," dali-dali akong lumapit sa kanya at inalalayan siya. "Uy, ayos ka


lang?"

"Ang sakit Levi..." Namimilipit talaga siya sa sakit. Nag-panic ako.

"A-Ano, dalhin na ba kitang ospital?"

"H-Hindi," natawa siya sa kabila ng pamimilipit niya. "Masakit lang talaga pero
hindi pa ako manganganak."

Sa bagay, may tatlong linggo pa bago ang due date niya. Maaga pa para manganak
siya.

Inalalayan ko na lang si Millie na humiga sa kama. Hindi ako mapakali dahil ito ang
unang beses na makita ko siyang mamilipit sa sakit. Iba ang sakit na ito kumpara sa
sakit na nararamdaman niya kapag sumisipa ang anak namin. Sobra-sobra ang pag-
aalalang naramdaman ko kaya ginawa ko ang lahat matulungan lang siya sa pagpawi ng
sakit. Buti naman napawi rin iyon 'di kalaunan. Kaya nga lang, nakatulog din siya
matapos nun.

Pagod akong napaupo sa sahig. Nakakawala ng lakas ang nangyari. Laking pasasalamat
ko na lang at nandito ako nang mangyari iyon.

Pero nakakapanghinayang din... Hindi ko nagawa ang plano ko...

Saglit akong nanlumo at nabuhayan din ako agad ng loob. May pagkakataon pa naman
ako kaya bakit akong manghihinayang?

Mamaya... Magagawa ko rin ito...

Nung hapunan, kasama namin sina Tita Minda at Jun-Jun. Tamang-tama 'to. Kumpleto
kami sa kainan.

Si Millie, back to normal na pagkagising niya. Masaya siya, pero pansin ko na wala
siyang ganang kumain. Paunti-unti lang ang subo niya. Natapos na nga kaming kumain
at lahat pero 'yung pagkain niya, hindi pa niya nakakalahati.

'Di bale. Wala man siyang gana kumain pero basta masaya siya, itutuloy ko ang plano
ko. Sa harap ng pamilya niya ako mag-aalok ng kasal sa kanya. Mas maganda iyon 'di
ba?

"Tita Minda, Jun-Jun, may sasabihin nga po pala ako." Nakangiti kong salita sa
kanila habang hindi pa sila tumatayo sa mga puwesto nila.

"Hm? Ano iyon hijo?" Nakangiti na mukhang nagtataka si Tita Minda. Si Jun-Jun
naman, curious lang na nakatingin sa akin.

Nilingunan ko ang katabi kong si Millie, at nawala ang ngiti ko sa itsura niya.
Pinagpapawisan siya at mukhang hindi mapakali. Pati ang paghinga niya, hindi
normal.

"Millie? Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Uy anak, anong nangyayari sa'yo?" Nag-alala na pati nanay niya.

"M-Ma," naiiyak si Millie. Dun ko lang din napansin ang mga kamay niyang nakayukom
at nangiginig sa ibabaw ng tiyan niya. Napatayo ako roon at lumuhod sa tabi niya.

"S-Sumasakit na naman tiyan mo Millie?"

Tumango siya. "S-Sobrang sakit na niya," at tuluyan na siyang naiyak. "Ang sakit-
sakit na talaga. A-Ayoko na. B-Bakit po ba ganito 'to kasakit Ma?"

Dali-daling lumapit sa amin si Tita Minda at pinisil-pisil ang braso at balikat ni


Millie. "Mag-relax ka lang, anak. Ganyan talaga 'yan pero mawawala rin 'yan."

Nagpatuloy sa tahimik na pag-iyak si Millie. 'Yung mga kamay niyang nakayukom,


nagpatuloy rin sa panginginig. Ah, hindi pala iyon panginginig. Nanggigigil siya,
malamang para matuon sa ibang sakit ang pakiramdam niya. Sinisikap niya ring
huminga nang maayos pero talagang nahihirapan siya. Hindi na rin niya mapigilang
mapaungol, at paulit-ulit na sabihing ayaw na niya. Ang sakit sa puso na makita
siyang ganito.

"M-Millie, tara dun ka na muna sa sofa para makahiga ka." Binuhat ko siya--at
naestatwa ako nang makaramdam ako ng basa sa ilalim ng mga hita niya.

"Anak!" Bulalas ni Tita Minda habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa mga
hita ni Millie. "'Yung palatubingan mo! M-Manganganak ka na!"

A-Ano?!

Kasama si Tita Minda, dinala namin si Millie sa ospital. Diniretso naman siya sa
delivery room at pinagtulakan ako ni Tita Minda na damayan siya sa panganganak.

Naghahabol ako ng hininga--hindi ko alam kung kailan pa. Natatakot ako--una sa


matinding sakit na iniinda pa rin ni Millie, at pati sa isipin na manganganak siya
nang wala sa oras. Tatlong linggo pa bago ang due date niya, eh. Magiging ayos lang
ba ang mag-ina ko?

'Di ba, papakasalan ko pa si Millie at magsasama kami bilang isang pamilya kasama
ang anak namin? Mangyayari pa iyon, 'di ba? Bakit ba natatakot ako na posibleng
hindi na iyon mangyari?

Hawak-hawak ko ang kamay niya na napakahigpit ang hawak sa akin. Inuulit ko ang
bawat sinasabi sa kanya ng doktorang nagpapaanak sa kanya. At nagdarasal ako sa
bawat sigaw at iyak na ginagawa niya na sana maging ayos lang sila ng anak namin.
Hanggang sa napasigaw na sa tuwa 'yung doktora--at nakarinig na ako ng iyak ng
isang sanggol.

Naluha ako sa narinig ko. "Millie... N-Naririnig mo ba 'yun?" Bulong ko sa kanya


habang magkahawak pa rin ang mga kamay namin.
Nakapikit siya at hinihingal, pero nagawa niyang ngumiti.

Ngumiti rin ako. "I love you, Millie. I love you." Hinalikan ko ang kamay niya--na
naramdaman kong lumuluwag na ang pagkakahawak sa'kin. "Millie?"

Nang tignan ko siya, wala na ang ngiti sa mukha niya. Nabalot ng takot ang puso ko,
at hindi ko napigilang isigaw nang napakalakas ang pangalan niya.

Hindi... Hindi 'to maaari...

xxxxxxTBC~

A/N: LOL. Natatawa ako sa ginawa ko dito. Feeling 'di-pa-nasusulat-ang-PB' XD

FINAL CHAPTER na ang next update. Hmm baka bukas ko rin iyon ma-post. :)

And dedicated nga pala itong update kay @cathming -- happy birthday, girl! :D
####################################
Final Chapter: DOG
####################################

Pinost ko kagabi yung Chapter 22, ah! Just saying in case some of you guys missed
it. :) So, ito na! Ang final chapter! Lalalala~

-----

FINAL CHAPTER: Dog

Nang dumilat ako, puro puti ang nakita ko. Ang bigat ng katawan ko, at may kirot
akong nararamdaman sa ibabang parte ko. Doon, unti-unting luminaw ang mga naaaninag
ko.

Nasa isang kuwarto pala ako--ah, oo, nasa isang ospital ako malamang dahil ang huli
kong naaalala ay ang pinagdaanan kong panganganak.

Napapikit ako sa alaalang iyon. Grabe. Nakaka-trauma lang.

Bigla rin akong napadilat ulit nang mag-sink in sa akin na nanganak na nga ako.
Ibig sabihin, lumabas na ang baby ko. Pero maaga pa para ipanganak ko siya!

Bumangon ako, pero agad kong ininda ang kirot sa sugat na nakuha ko sa panganganak.

"Uhh," Si Levi, nakapahinga pala ang ulo sa tabi ko. Nang iangat niya iyon,
tinitigan nita ako nang may antok na antok na mga mata. "Millie?"

"Levi..." Naiiyak ako.

"O-Oh bakit?" Nawala ang antok niya.

"Nasaan na baby natin? O-Okay lang ba siya?"

Parang pinrosesa pa ng utak niya ang iniiyak ko bago nag-react. "Ah! 'Yung baby
natin! Millie naman, kalma lang. Okay lang ang baby natin." Inabot niya ang mukha
ko't pinunasan ang luhang pumatak sa isa kong mata.
"G-Gusto ko siyang makita, Levi... Dalhin mo ako sa kanya..."

Ngumiti si Levi. "Mamaya, mamaya. Kumain ka na muna."

"Ayoko. Gusto ko nang makita ngayon ang baby natin." Pagpupumilit ko. Hindi ako
mapapanatag hangga't hindi ko pa nakikita ang anak namin.

Sumeryoso ang mukha ni Levi at lumipat ng upo rito sa higaan ko. "Millie, huwag
kang pasaway. Kagabi, hindi ka nakakain nang sapat na hapunan at grabeng lakas pa
ang ginugol mo sa panganganak. Kaya kumain ka muna. Kahit kaunti lang. Please."

Hindi na ako nakatanggi kay Levi. Mukhang hindi niya rin naman ako hahayaang
balewalain ang sarili ko eh. Susundin ko na lang siya para masunod din ang gusto
ko.

Si Levi lang pala ang kasama ko ngayon dito. Si Mama, pinaghanda at dinalhan lang
daw kami ng almusal kanina tapos pumasok na ito sa trabaho. Pipilitin din naman daw
nitong mag-half day para maasikaso ako.

Si Juni naman, may pasok sa school kaya wala. Mamayang uwian pa ito makakadalaw sa
akin.

At si Levi, may pasok din siya dapat eh pero ito siya, inaasikaso ako. Mula
paghihilamos at pagkain ng almusal hanggang sa pagtali ng buhok ko, tinulungan niya
ako. Na-appreciate naman ng puso ko ang mga iyon. Hindi ko akalaing aabot sa
ganitong punto ang pagpapaka-responsable niya.

"Ayan," natuwa siya nang mapaupo niya ako sa isang wheel chair. "Ready ka na?"

"Mm," nakangiti akong tumango. Handang-handa na akong makita ang baby namin.

Habang tinutulak niya ako papuntang nursery room, nagku-kuwento siya. Nabalita na
raw niya sa mga kaibigan namin ang panganganak ko at malamang na bisitahin kami ng
mga ito mamayang gabi. Nabalita na rin daw niya iyon sa mga magulang niyang nasa
Amerika. Nakakatuwa at sa Pasko ay makakauwi pala ang mga ito para makita ang apo
nila.

Kaya nga lang, nakakalungkot din dahil naalala ko si Chelly--ang best friend ko
nung high school na bigla-bigla na lang at walang paalam na umalis noon para
manirahan sa Amerika. Sana man lang may paraan para makontak ko siya at mabalita
ang magandang pangyayaring ito sa buhay ko. Kaso kahit isang trace para mahagilap
siya, wala siyang iniwan.

"Good morning, Mr. Sy! Pfft." Natatawang bati kay Levi ng isang nurse na
nakasalubong namin. "Good morning po." Binati rin ako nito bago kami tuluyang
lampasan.

Tiningala ko si Levi at nakita kong natatawa rin siya. Napasimangot ako dun. "Anong
meron ha at parehas kayong natatawa ng nurse na 'yun?"

"Ahhh, kagabi kasi," napakamot siya ng ulo. "Nakakahiya."

"Tsk. Ano bang nangyari?" Naiinis na ako.

"Sige na nga. Nandun kasi sa delivery room ang nurse na iyon nung nanganak ka. Eh
nung lumabas ang anak natin, bigla-bigla ka na lang nawalan ng malay tapos...
ayun... gumawa ako ng eksena--sumigaw ako at naiiyak ko silang tinanong kung anong
nangyari sa'yo. Akala ko kasi, mawawala ka na sa'kin. Pero ayun pala nakatulog ka
lang."

Natawa ako. As in tawang napakasarap ilabas. "Para ka palang baliw kagabi Levi!
Grabe, nakakahiya ka!"

Natawa na lang din siya nun, at huminto na kami sa tapat ng malapad na bintana ng
nursery room. Nagsimula sa pagkabog nang napakalakas ang puso ko dahil sa
excitement.

"Halika," nakangiti akong inalalayan ni Levi sa pagtayo.

"N-Nasaan siya?" Limang baby kasi ang naroon.

Pumuwesto sa likuran ko si Levi at hinawakan ako sa beywang. "Ayan siya, sa tapat


mo."

Napatitig ako sa sanggol na nakapuwesto sa tapat ko. Gising siya at naglilikot.


Parang natutunaw na ang puso ko sa galak at relief. Salamat at okay lang siya at
normal sa kabila ng mga pinagdaanan ko.

Nagulat naman ako nang punasan ni Levi ang mukha ko. Naluha na pala kasi ako!
Natawa tuloy ako.

"Ang ganda niya, Levi..." Bati ko.

"Aba siyempre. Guwapo ang tatay, maganda ang nanay, malamang maganda rin ang anak.
Kasing ganda ng nanay."

Lumakas ang tawa ko at nasiko ko siya. Tumawa lang din siya at niyakap ako mula
likuran.

"Gusto ko na siyang mahawakan at mabuhat..." Sabi ko pa kay Levi.

"Mamaya, puwede na siyang dalhin sa kuwarto mo." Sigurado niyang sagot.

Niyakap ko ang mga braso niya, nang dumako ang mga mata ko sa name plate ng anak
namin sa hinihigaan nito.

SY, DEMI

"Demi lang pinangalan mo sa kanya?!" Bulalas ko sa nabasa ko.

"Oo? Buti nga naalala ko pa ang pangalang sinabi mo kagabi. Demi..."

"Ehhh! Demitri Devonne Sy dapat! Demitri Devonne ang buong pangalan ni Demi Lovato
eh!"

Natulala siya bago napakamot ng ulo. "Eh... Sorry, hindi ko alam eh... Demi lang
kasi ang nasabi mo kagabi..."

Medyo hindi ko matanggap. Gustung-gusto ko kasing maging katulad ni Demi Lovato ang
anak namin. Pero... hindi bale na.

"Hayaan na nga natin iyon," kalmado kong sabi sabay balik ng tingin sa anak namin.
"Maganda rin naman 'yung Demi lang. Parang sa'yo lang namana. Kasing-iksi ng Levi."

Natawa siya at muling pinalupot ang mga braso sa beywang ko. Niyakap ko rin ulit
ang mga braso niyang iyon at nanatili kaming ganun habang nakatitig sa anak namin.
Hanggang sa maramdaman ko ang paghugot ni Levi nang napakalalim na hininga.
"Isang pamilya na talaga tayo 'no, Millie?"

Nakangiti akong tumango sa bigla niyang tinanong.

"Isa na lang ang mahihiling ko ngayong may anak na ako--at ayun ay sana, magka-
asawa na ako."

Nagwala ang puso ko dun. Hindi kaya...

"Ikaw, Millie, sana maging Mrs. Sy na kita." Humigpit ang yakap ng isa niyang braso
sa akin, habang ang isa ay bumitaw para may kuhanin sa bulsa ng pantalon niya.

Lalong nagwala ang puso ko. Kinakabahan ako. Ito na ba 'yun? Gagawin na ba ni Levi
ang inaasam kong mangyari bago magpakasal?

H-Hindi nga? Naisip niya 'yun? Naku. Masyado na yata akong nag-e-expect sa
pusanding 'to. Baka ma-disappoint lang ako mamaya!

Napapigil hininga ako. At nailabas na ni Levi ang kinuha niya mula sa bulsa niya--
na isang maliit na red velvet box. Binuksan niya iyon at nakita ko ang laman nitong
silver ring.

"Dalawang beses akong nag-attempt na mag-propose sa'yo kahapon at napurnada ang mga
iyon. Ngayon naman siguro wala nang hahadlang?" Matawa-tawa niyang bulong habang
kinukuha ang singsing. Nahawa naman ako habang naluluha. Ay bwiset naman. "Hindi
umubra nung tayong dalawa lang. Hindi rin umubra nung kasama ang pamilya mo. Ngayon
dapat umubra na 'to sa harapan ng anak natin."

At lumuhod na siya nang hawak ang isang kamay ko.

"Malandi nga akong lalaki, Millie. Pero kaysa pagduduhan ako, sana bigyan mo na
lang ako ng pagkakataon na mailaan sa'yo ang matinding kalandian ko--bilang asawa
mo. Sana pumayag ka nang magpakasal sa akin."

Naitakip ko naman sa mukha ko ang isa ko pang kamay. Natatawang naiiyak ako sa
nangyayari. Medyo nakakahiya pa kasi may dalawang nurse ang nakakasaksi nito. Unti
lang naman sila pero nakakahiya pa rin ito ah!

"Bakit ka natatawa askal?" Natatawa ring sita ni Levi.

"Pusang malandi ka kasi talaga! At hindi ko ma-gets. Bakit ba sa katulad mo ako na-
in love? Bakit... Bakit ikaw rin ang gusto kong mapangasawa't makasama habang
buhay? Eh nakakainis ka kaya!"

"Kailangan mo pa bang ipagtaka 'yun? Sa guwapo at ganda ng katawan kong 'to?"

"Bwiset!" Hineadchop ko siya.

"Aray! Millie naman--"

"Papakasalan na kita!"

Natigilan siya at saka ngumiti. "Wala nang bawian 'yan ah!" Madali niyang sinuot
ang singsing sa daliri ko. Pagkatapos ay tumayo siya at agad-agad akong hinalikan.
Atat lang! Kalandian talaga nito.

"I love you, askal." Bulong niya habang tuwang-tuwang pumapalakpak at bumati ng
congrats ang dalawang nurse na nanood sa amin.
Niyakap ko siya para itago ang mukha ko. "Pusang malandi ka. Mahal din kita."

Tumatawa siyang ginantihan ako ng yakap. "Aba, nagbubunyi ba ang anak natin?"

Tinignan ko si Demi, at mukha nga siyang nagbubunyi! Naglilikot siya at nakangiti!

Gulat kaming nagkatinginan ni Levi. Pero ang pagkagulat namin ay agad napalitan ng
napakasayang ngiti--kasing saya ng ngiti ng anak namin.

xxxxxxTBC~

A/N: Next and last update, EPILOGUE! Maiksi nga lang yun... Pero at least meron!
Diba? LOL. :)
####################################
Epilogue: CAT & DOG BABY
####################################

EPILOGUE: Cat & Dog Baby

"Hi baby Demi!"

"Ang ganda mo namang baby!"

"Kamukhang-kamukha niya si Millie 'no?"

"Ano kayang namana niya kay Levi?"

"'Yung ilong! Tignan niyo!"

Napasimangot ako nang ituro ng isang big girl ang ilong ko.

"Hala! Sumimangot!" Natawa pa 'yung girl.

"Pati pagsimangot namana kay Millie ba."

Naiinis na ako kaya naglikot ako sa pagkakabuhat sa akin ni Lola.

"Naku, tinotopak na naman." Natatawa si Lola nang ayusin ang pagkakabuhat sa akin.
Tinalikod niya ako sa mga babaeng kanina pa ako tinitignan. Yumakap naman ako sa
leeg niya. "Sige kumain lang kayo diyan, ah?" Sabi pa ni Lola dunsa mga girls bago
naglakad palayo.

"Ma! Ako naman po ang bahala kay Demi." Si Mama ko! "Kumain na po muna kayo."

Nang marinig ko ang boses ni Mama, mabilis ko siyang nilingunan at inabot.

"Sige, sige." Buti naman binigay ako agad sa kanya ni Lola.

"Baby kooo," pinanggigilan ako ni Mama na yakapin at halikan sa pisngi. "Happy ka


ba sa first birthday party mo ah?"

Tinignan ko lang ang mukha ni Mama. Ang ganda-ganda niya. Totoo kayang kamukha ko
siya gaya ng sabi ng mga nakakakita sa akin?
Naglakad si Mama at umikot dito sa McDo na pinaggaganapan ng birthday party ko.
Alam na alam ko ang lugar na ito kasi madalas namin itong puntahan kasama si Papa
t'saka kasi may playground dito na may maraming bata. Ayun nga 'yung playground,
oh. Nakikita ko mula rito.

"Ay tipaklong!" Napasigaw si Mama nang bigla siyang hawakan sa bewang ni Papa.
"Pusandi naman eh!"

"Oh, oh, tinawag mo akong pusandi." Pabulong na sagot ni Papa. "Akala ko ba


titigilan na natin 'yan at baka ganyan din tayo tawagin ng anak natin?"

"Ikaw kasi! Ay naku!"

Natawa si Papa at kinuha ako mula kay Mama. "Kamusta baby namin, ah? Kumain na ba
kayo, Millie?"

"Kakain palang sana. Ikaw ba?"

"Hindi pa, eh. Tara, sabay-sabay na tayo."

Pumuwesto kami sa isang table. Kandong ako ni Papa at pinakain niya ako ng
spaghetti. Si Mama naman lagi akong pinupunasan ng bibig. Pati si Papa, pinupunasan
niya rin. Bakit kaya? Hindi naman na baby si Papa kagaya ko, ah?

Habang kumakain kami, may mga lumalapit sa amin para batiin ako. Mga ninang at
ninong ko raw sila. Pinag-bless ako sa kanila ni Papa tapos binibigyan nila ako ng
gift.

Maya-maya, nainis na ako kaya naglikot ako sa kandungan ni Papa.

"Oh bakit anak?" Inayos ni Papa ang pagkakandong sa akin pero naglikot pa rin ako
at pilit na tumayo. "Aaay, Demi."

"Akin na, buhatin ko." Sabi ni Mama.

"Hindi na, ako na." Tumayo na si Papa at binuhat ako. Yey! "Tapusin mo na lang muna
'yang pagkain mo."

Tumango si Mama. Tapos nakita ko ulit 'yung playground. Tinuro ko iyon.

"Hm?" Nakita ni Papa ang tinuturo ko. "Gusto mo dun?"

Hindi pa ako makapagsalita kaya tinuro ko lang nang tinuro 'yung playground.
Naglikot din ako kasi gusto kong bumaba at maglakad.

"Ma," tawag ni Papa kay Mama. "Dun muna kami sa may palaruan ah?"

"Sige." Ngumiti si Mama.

Nilabas nga ako ni Papa dun sa playground. Binaba niya rin ako at hinayaang
maglakad papunta roon. Pero masyado akong excited kaya medyo nagmadali ako. Kaso
ang hirap tumakbo kasi baka matumba ako.

"Dahan-dahan lang, Demi." Inalalayan ako ni Papa hanggang sa makasampa ako sa mat.

Ang daming bata dito. Puro mas big pa sila sa akin. May mga tumatakbo, may nag-i-
slide, at lahat sila happy!
Tumalon-talon ako at naglakad-lakad. Ang dami talagang bata! Tapos dun naman sa
labas, ang daming very big girls and boys na kasing big ni Papa.

"Oh saan ka pupunta?" Tanong ni Papa nung lumabas ako ng playground para tignan ang
mga very big boys and girls. Tapos tumakbo ako. "Demi!"

"Ah!" Sigaw ng batang lalaki na nabangga ko. Parehas kasi kaming tumatakbo kaya
parehas din kaming natumba sa sahig. "W-Waaaaah! Daddyyy!"

Nagulat ako nang biglang umiyak 'yung batang nabangga ko.

"Demi!"

"Andy!"

Sabay na tawag ni Papa at ng isang very big boy na lumapit dun sa batang umiyak.
Nilapitan din ako ni Papa at binuhat.

"Uh, pasensya na p're." Sabi ni Papa dun sa very big boy.

"Ah, it's okay. Pasensya na rin." Binuhat nung very big boy 'yung bata. "Nasaktan
ba anak mo?"

"Ah, hindi naman. Eh 'yung anak mo? Umiyak siya eh, kaya baka siya ang nasaktan."

Natawa 'yung very big boy. "No. Iyakin lang talaga 'to."

Tinignan ako nung batang lalaki na nagsa-sob na lang ngayon. Tinignan ko rin siya.
Mas big pala siya nang kaunti sa akin. Mas big siya kaya dapat mas strong siya.
Pero bakit parang hindi naman? Ang iyakin pa.

"Andy, say sorry to the baby girl na nabangga mo."

Hindi nagsalita 'yung bata at tinignan lang ako. Natawa naman si Papa at pati 'yung
very big boy.

"Okay lang 'yun. Hayaan mo na." Sabi ni Papa. "Sige ah?"

Tumango si Very Big Boy at umalis na kami ni Papa. Pero nilingunan ko pa 'yung
bata. Nakatingin din siya sa akin habang naglalakad sila palayo nung very big boy
na may buhat sa kanya. At sa paglalayo namin, may iba akong naramdaman.

Pakiramdam ko lang, magkikita pa kami ulit...

xxxxxx END xxxxxx

FINAL A/N:

Ayun lang ang Epilogue? Uhm, oo, ayun lang. Pasensya na lang sa trip ko. XD
(Anyway, na-gets niyo ba agad kung kaninong POV itong Epilogue? LOL)

Baby Demi's(with Baby Andy) story? Magkakaroon niyan pero matagal pa. Sarreeeh. May
story pa kasi akong need gawin before yun. :p

*Sa may hindi pala alam, si Andy kanina ay baby mula sa isa ko pang story, yung
"Playboy's Baby" (pansin ko kasi based sa comments ng iba, na may non-PB readers sa
inyo)*

C&DB special updates? Hmm... Baka mai-feature ko na lang sila sa special updates ng
PB dun sa "More Crazy Moments" :)

Book 2? Jusko, wala na. Happy ending na, oh? XD

Soft copy? Yes, magkakaroon. It will be available soon at my Weebly site: hha-
stories.weebly.com

Next story ko kapalit nitong C&DB? Yung "Haunting Aubrey" na muna. Matagal na yung
pending eh. LOL.

So ayown. Thank you na sa lahat ng nagbasa ng story ng PusaKal love team! Lalo na
sa mga nag-e-effort mag-comment! Salamat, salamat, salamat!♥♥♥

-AZURE✫

FB Page: fb.com/HHAofWattpad

Twitter: @azurerere_

You might also like