Filipino9 Module9

You might also like

You are on page 1of 8

Modyul 9: Ang Mabuting Samaritano

Modyul
Filipino 9
9 Saling-akdang Asyano at Panuntunang Pambalarila

Panitikan: ANG MABUTING SAMARITANO

 Layunin Natin
 Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa tunay
na buhay sa kasalukuyan (F9PB-IIIa-50)
 Nakasusulat ng isang anekdota o liham na nangangaral (F9PU-IIIa-53)

 Simulan Natin
Kapag may naririnig o napapanood
tayong balita o kuwento tungkol sa isang
estranghero na gumawa ng kabutihan o
tumulong sa kanyang kapuwa madalas
tinatawag silang “The Good Samaritan” o
“Mabuting Samaritano”. Bakit nga ba ito agad
ang nagiging bansag o ginagamit na metapora
sa mga taong nakagagawa ng maganda sa
kanyang kapuwa? Ano ang pinagmulan ng
sagisag na ito? Ano ang dahilan bakit ito
ang napiling taguri sa mga taong may
Pagkilala: patheos.com
busilak na kalooban. Kung mahilig kang
magbasa ng Bibliya, marahil ay alam mo
na ang rason kung bakit ito ang ibinibigay na alyas sa mga estrangherong nagpapamalas ng
pagkakawanggawa. Ngayong panahon ng pandemya, marami sa ating mga kababayan ang
nawalan ng trabaho, nalugi ang negosyo, at ang pinakamasaklap pa ay nawalan ng mahal sa
buhay. Ilan lang ‘yan sa mga naging epekto ng pandemya sa buhay natin sa araw-araw, at
kung ating iiasa-isahin ay magkukulang ang espasyong nakalaan para isulat ang
introduksiyong ito. Pero sa kabila ng hindi magagandang pangyayari, mga hilahil, at
pagsubok na ating nasagupa. Hindi tayo naigupo ng ating mga kahinaan. Hindi rin tayo
nilupig ng ating mga panlulupapay. At tingnan mo, heto tayo ngayon nanatiling matibay sa
kabila ng dagok ng buhay na ating kinaharap. Ito ay dahil sa katatagan at hindi nagmamaliw
na pag-asa, na sa bawat unos at delubyong dumarating sa ating buhay. Sa dulo nito ay lagi
nating masisilayan ang liwanag. At siyempre hindi rin natin maitatanggi ang mga taong
nariyan upang samahan at alalayan tayo sa ating ginagawang paglalakbay sa magulong
sanlibutan na ito. Ang ating sariling bersyon ng “Mabuting Samaritano”. Oo, tama ang iyong
nabasa, marami pa sila. Kailangan lang nating tumingin dahil nasa paligid lang sila. Maaaring
nasa katauhan ito ng iyong magulang, kapatid, kabigan, o maging ikaw mismo ay maging
isang bersyon ng mabuting samaritano para sa iyong kapuwa. “Kaya, ikaw, handa ka na

1
Baitang 9 - Filipino
Modyul 9: Ang Mabuting Samaritano

bang maghasik ng kabutihan sa mundong ito? Upang maibsan ang pagdurusang


dinaranas ng kapuwa mo.”
 Alalahanin Natin

Buoin ang pahayag sa ibaba batay sa iyong kaalamang natutuhan sa nagdaang aralin:

Natutuhan ko sa Aralin 8 na:


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

 Palawakin Natin
Gamitin ang mga hindi nakaayos na salita sa Hanay B upang maunawaan ang kahulugan ng
mga salita sa Hanay A. Matapos itong mabuo ay isulat ang tamang ayos na salita sa
espasyong nakalaan sa bawat bilang

HANAY A HANAY B
_____ 1. Isa itong taong may 1. KBARIES
natatanging pagsasanay sa pagbasa 2. STUALIN
at pagsulat nang mahusay. 3. STEASDOER
_____ 2. Tumutukoy sa isang tao na 4. NSDUAAHANYKA
hindi sumusunod sa batas dahilan 5. NAYORDE
upang siya ay matawag na masama
_____ 3. Karaniwang tumutukoy
sa isang indibidwal na
humahawak ng opisina o posisyong
pinunong-pari o ang pinuno ng
isang kasteng relihiyoso
_____ 4. Salitang nangangahulugan
na nakahiga, nakabulagta, o
nakahilata sa isang lugar.
_____ 5. Ito ay ang pangalan ng
salaping pilak ng mga sinaunang
Romano. Mayroon itong halagang
katumbas ng humigit kumulang sa
isang piso

2
Baitang 9 - Filipino
Modyul 9: Ang Mabuting Samaritano

֍ Suriin Natin
Pagbuo ng Kongklusyon: Gawing batayan ang larawan sa ibaba. Nagpapamalas ba
ng pagmamahal sa kapuwa ang ilustrasyong iyong nakikita? Sa tulong ng graphic organizer
sa ibaba, isulat ang iyong mga napansin sa larawan at bumuo ng kongklusyon mula sa iyong

mga nabuong patunay.


Pagkilala: Cartoonstock.com

Patunay 1 Patunay 2 Patunay 3

3
Baitang 9 - Filipino
Modyul 9: Ang Mabuting Samaritano

Kongklusyon:

 Basahin Natin
Ano ang parabula? [3]

Ang talinhaga o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang


hinahango mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa Ingles na parable na nanggaling
naman sa Griyegong parabolē na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na
maaaring mangyari o nangyayari na nagtuturo tungkol sa espiritwal o kagandahang-asal na
magiging gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.

Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o tuluyan na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang
isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na
tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita
gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng
kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang
nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng
kaharian ng Diyos.

“Ang Mabuting Samaritano”

(parabula mula Bibliya, Lucas 10:25-37) [2]

May eskribang lumapit kay Hesus


upang siya’y subukin. “Guro,” aniya,
“ano ang dapat kong gawin upang
magkamit ng buhay na walang
hanggan?” Sumagot si Hesus, “Ano ang
nakasulat sa Kautusan? Ano ang
nababasa mo roon?” Tumugon siya, “
‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos
nang buong puso, nang buong kaluluwa,
nang buong lakas at nang buong pag-
iisip’; at, ‘Ibigin mo ang iyong kapuwa
gaya ng iyong sarili.’ ” “Tama ang
Pagkilala: Lovefirstresources.com sagot mo,” wika ni Hesus. “Gawin mo
iyan at mabubuhay ka.”

4
Baitang 9 - Filipino
Modyul 9: Ang Mabuting Samaritano

Sa hangad ng eskriba na huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, tinanong niya uli si


Hesus, “Sino naman ang aking kapuwa?” Sumagot si Hesus: “May isang taong naglalakbay
buhat sa Herusalem, patungong Herico. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati damit sa
katawan, binugbog, at halos patay na nang iwan. Nagkataong dumaan doon ang isang
saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya’y lumihis at nagpatuloy ng kaniyang
lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng
kaniyang lakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na naparaan doon. Nakita niya
ang hinarang at siya’y nahabag. Lumapit siya, binusan ng langis at ng alak ang mga sugat
nito at tinalian. Saka isinakay ang tao sa kaniyang sinakyang hayop, dinala sa bahay-
panuluyan, at inalagaan doon. Kinabukasan, dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa
may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung magkano man ang
kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik.’ Sino ngayon sa palagay mo ang
nagpakita ng kaniyang pakikipagkapuwa sa taong hinarang ng mga tulisan?” tanong ni
Hesus. “Ang nagpakita ng habag sa kaniya,” tugon ng eskriba. Sinabi sa kaniya ni Hesus,
“Humayo ka’t gayon din ang gawin mo.”

 Sagutan Natin
A. Piliin sa loob ng kahon ang mga kaisipang hinihingi sa mga sumusunod na tanong. Isulat
lamang ang letra ng wastong sagot sa puwang na nakalaan bago ang bilang.

_____ 1. Ang parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango
mula sa ________.

_____ 2. Matatagpuan sa ebanghelyo ni ________ ang parabula na ating binasa.

_____ 3. Ang parabula ay isang maikling salaysay na maaaring nasa anyong


________.

_____ 4. Siya ang nagbitaw ng katagang “Ibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong
sarili”

_____ 5. Ang panitikan na ating binasa ay malimit na nangangaral hinggil sa isang


pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang _________.

_____ 6. Siya ang kaisa-isang tumulong sa taong hinarang at binugbog.

_____ 7. Ang isang halimbawa ng parabula ay ang kuwento ng ________ na nagmula


sa Bibliya.

_____ 8. Di tulad ng pabula, ang parabula ay gumagamit ng __________ bilang mga


tauhan.

_____ 9. Ang salitang parabula ay nanggaling sa Ingles na parable na nanggaling


naman sa Griyegong _______ na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay
tungkol sa buhay.

5
Baitang 9 - Filipino
Modyul 9: Ang Mabuting Samaritano

_____ 10. Isang __________ ang lumapit kay Hesus at nagtanong kung ano ang dapat
niyang gawin upang makamit ang buhay na walang-hanggan at makarating sa
kaharian ng Diyos.
A. Parable G. Parabolē
B. Relihiyosong aral H. Lucas
C. Hesus I. Tao
D. Mabuting Samaritano J. Eskriba
E. Samaritano K. Patula o tuluyan
F. Marcos L. Bibliya

B. Para sa bilang 11-20, gumawa ng buod ng parabulang “Ang Mabuting Samaritano” sa


pamamagitan ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Matapos nito ay ipahayag kung ano
ang aral na natutuhan mo mula sa parabula. Ang aktibiti na ito ay mayroong dalawang talata:
ang unang talata ay naglalaman ng buod ng kuwento, at ang ikalawang talata ay ang pahayag
mo sa kung ano ang aral na iyong natutuhan. (Tandaan: ang ikalawang talata ay hindi tataas
sa limang pangungusap.)

 Habang siya ay patuloy na naglalakad ay isang grupo ng kalalakihan ang gumulpi


sa kanya at inagaw ang lahat ng kanyang dala.
 Nang mabuti na ang kanyang pakiramdam ay nag-utos ang Samaritano sa may-ari
ng tahanan na kanyang tinutuluyan na tingnang mabuti ang estranghero at muling
nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay.
 Isang saserdote ang napadaan at nilampasan lamang siya, ganoon din ang ginawa
ng isang Levita.
 Isang lalaki ang naglalakbay pababang Herusalem at patungong Heriko.
 At may isang napadaan na Samaritano ang naawa sa kanya at tinulungan siya.

Buod:

Aral:

6
Baitang 9 - Filipino
Modyul 9: Ang Mabuting Samaritano

Rubriks
Tamang Pagkakasunod-sunod ng
mga Pangyayari 5
Kaangkupan ng Nilalaman 3
Wastong Gramatika, Ispeling,
Bantas, at Kapitalisasyon ng Salita’t 2
Pangungusap
Kabuoan 10

 Gawin Natin
Pagsulat ng Anekdota: Sinasabing ang anekdota ay isang uri ng
akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring o insidente. Ngunit kahit nakakatawa man ito, ang
layon ng anekdota ay ang pagbibigay ng magandang karanasan
na may importanteng aral.[1] Kaya sa gawaing ito, inaasahan na
makasusulat ka ng isang anekdota. Sikapin na ang magiging
paksa ng isusulat na anekdota ay may kinalaman sa pagmamahal
sa kapuwa. Walang hinihinging dami ng pangungusap o talata
para sa aktibiting ito.
Pagkilala: istockphoto.com

Pagsulat ng Anekdota:

Rubrik
Punto Pamantayan
s
7
Baitang 9 - Filipino
Modyul 9: Ang Mabuting Samaritano

Ang Kaisipan ay Binubuo sa Pamamagitan ng


10 mga Katotohanan, Detalye, Opinyon,Istatistika,
mga Dahilan, at mga Paliwanag.
Naipakita ang Maayos na Ugnayan o
5
Kaisahan ng Diwa sa mga Pangungusap.
Wastong Gramatika, Ispeling, Bantas, at
5
Kapitalisasyon ng Salita’t Pangungusap
20 Kabuoan

© Sanggunian

Panitikan:
[1]
Ki (2020, Enero 30). Anekdota: Mga Halimbawa Ng Anekdota (Anecdote). Philippine
News. https://philnews.ph/2020/01/30/anekdota-mga-halimbawa-ng-anekdota-
anecdote
[2]
Magandang Balita Biblia (May Deuterocanonico) (1973). Philippine Bible Society.
[3]
http://www.wikakids.com/filipino/ano-ang-parabula/


Awtor ng Modyul : G. Jonick T. Nalaza
Disenyador ng Template : G. Abner S. Hermoso

8
Baitang 9 - Filipino

You might also like