You are on page 1of 8

Modyul 10: Babang Luksa & Kaantasan ng Pang-uri

Modyul
Filipino 9
10 Saling-akdang Asyano at Panuntunang Pambalarila

Panitikan: BABANG LUKSA


\
Wika: KAANTASAN NG PANG-URI

 Layunin Natin
 Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa tema, mga tauhan, tagpuan, mga
mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, wikang ginamit, pahiwatig o simbolo, at
damdamin (F9PB-IIIb-c-51)
 Nabibigyang-puna ang nakitang paraan ng pagbigkas ng elehiya o awit (F9PD-IIIb-c-50)
 Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin (F9WG-IIIb-c-53)
 Simulan Natin
Bahagi sa kultura nating mga Pilipino ang pagpunta sa burol o lamay upang ipadama
sa ating kapuwa ang ating pakikidalamhati, maaari siya ay iyong kamag-anak, kaibigan,
kasamahan sa trabaho, o boss sa pinapasukan mong kompanya. Sa ganitong pagkakataon
nabubuhay ang diwa ng pagdadamayan. Dahil hindi madali ang mawalan ng mahal sa buhay.
Bukod sa dala-dala nitong kalungkutan at hinagpis sa pamilyang naiwan. Sa ating bansa
magastos din ang mamatayan. Bukod sa gugugulin sa kabaong, iisipin mo rin ang babayaran
mo sa bulaklak, kape, tinapay, at lupang paglilibingan. May mga pagkakataon na humihingi
ng tulong o abuloy ang kaanak ng namatayan para maibsan ang kanilang papasaning gastusin.
O kaya nama’y nagdadaos ng sugal sa lamay kagaya ng tong-its, mahjong, bingo, pusoy, at
sakla at sa tuwing nananalo ang isang manlalaro ay nagbibigay siya ng “tong” na inilalagay
sa isang garapon. Nakatutulong din ito sa ilan pang bilihin kagaya ng kandila, pagkain ng
mga bumibisita, at paglalakad ng mga dokumento kagaya ng death certificate. Pero sa
kasalukuyan ay mahigpit itong ipinagbabawal sa tuwing may mga burol. Dahil maaari itong
pagmulan ng away at ang katuwiran ng iba ay maling gawing kasangkapan ang patay para
magsugal at magwaldas ng pera. Sa iba naman ay may pa-videoke, padasal (upang
ipanalangin ang kaluluwa ng namayapa), mayroon ding umaarkila ng mga crying ladies
kagaya sa pelikulang binidahan nina Sharon Cuntea, Hilda Koronel, at Angel Aquino, kanya-
kanyang gimik sa ginagawang pagdadalamhati. Madalas sa bahay dinadaos ang burol kapag
medyo kapos sa badyet, para naman sa ibang nakaririwasa sa mga funeral parlor o punerarya
inilalagak ang labi ng yumao. Kung relihiyoso naman ang lumisan sa kapilya binuburol ang
kaniyang katawan. Ilan lamang ‘yan sa mga naoobserba natin sa tuwing tayo ay pumupunta
sa burol upang makiramay o ipagdiwang ang buhay ng sumakabilang-buhay. Pero sa huli, sa
kabila ng iiwanan nitong kapighatian sa ating puso tuloy pa rin ang buhay nating mga
naiwan. Mahirap mang tanggapin ang gunitang kailan man ay hindi na natin sila
makakapiling, makikita, makakausap, o mayayakap man lang, tuloy pa rin ang ikot ng mundo
at hindi ito titigil sa panahon ng ating pagluluksa. “At ang tanging tanong na maiiwan sa
ating mga sarili ay hanggang kailan ka malulugmok sa kalungkutan? Hinihilom ba
talaga ng panahon ang lahat ng sakit na nararamdaman ng iyong puso?”

1
Baitang 9 - Filipino
Modyul 10: Babang Luksa & Kaantasan ng Pang-uri

 Alalahanin Natin

Ating balikan at alalahanin ang ilang kaisipang tinalakay sa nakaraang paksang aralin
at sagutan ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang parabula?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Sino ang ating kapuwa?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Bakit hindi tayo dapat magtangi ng tao?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

 Palawakin Natin
Unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang kasingkahulugan ng mga
salitang nakasalungguhit. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang panahon ng pagtatapos ng 4. Malinaw pa rin sa aking gunita ang


pagluluksa. masasayang alaalang ating
A. Pagpag pinagsaluhan.
B. Lamay A. Alalahanin
C. Babang-luksa B. Memorya
C. Pangamba
2. Sa kanyang paglisan sa mundong ito,
ang tanging pabaon niya sa atin ay 5. Hindi mo ba talos, kabiyak ka ng
pag-ibig. buhay, at sa pagyaon mo’y para ring
A. Pag-uwi namatay?
B. Pagpanaw A. Batid
C. Pagbalik B. Bilanggo
C. Gapos
3. Kung ako’y nasa pook na limit
dalawin, naaalala ko ang ating 6. Dahil sa katataga’y nagtagumpay sa
paggiliw. dupok ng buhay.
A. Lugar A. Pagyaon
B. Paroroonan B. Pagsubok
C. Patutunguhan C. Padayon

7. Buhay ay puno ng paninimdim, kung


wala ka sa aking piling.
A. Pagtangis
B. Pagluha
C. Kalungkutan

2
Baitang 9 - Filipino
Modyul 10: Babang Luksa & Kaantasan ng Pang-uri

֍ Suriin Natin
A. Magbigay ng mga salitang naglalarawan batay sa iyong naging karanasan o ‘di kaya’y
batay sa ipinapakikita ng dalawang sumusunod na larawan. Isulat ito sa loob ng mga
kahon.
PALENGKE

MALL Pagkilala:
dreamstime.com

Pagkilala: asia.nikkei.com

B. Ngayon naman, ating paghambingin ang dalawang lugar na nabanggit sa naunang pahina
sa tatlong pangungusap. Halimbawa: Masarap mamili sa mall kaysa palengke.
1. _______________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________
3. _______________________________________________________________________

 Basahin Natin
Ano ang Elehiya? [2]
Marahil nakapunta o nakadalo ka na sa isang
lamay o burol. Sa mga ganitong pagkakataon tayo ay
nakikidalamhati o nakikiisa sa kalungkutan ng isang
kamag-anak, kaibigan, o kakilala na nawalan ng
minamahal. Buhay na buhay sa mga ganitong panahon
ang damayan. At kung minsan matutunghayan natin ang

Pagkilala: thestorytelleragency.com
3
Baitang 9 - Filipino
Modyul 10: Babang Luksa & Kaantasan ng Pang-uri

pagbigkas ng elehiya. Ang elehiya ay tula para sa mga yumaong kamag-anak o mahal sa


buhay. Hindi ito dapat ikalito sa eulohiya.
“Babang Luksa”
mula sa “Pabanua” ni Diosdado Macapagal

(tulang Kapampangan)
Salin sa Filipino ni Olivia P. Dantes [1]

Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw


Tila kahapon lang nang ikaw’y lumisan;
Subalit sa akin ang tanging naiwan,
Mga alaalang di-malilimutan.

Kung ako’y nasa pook na limit dalawin


Naaalala ko ang ating paggiliw;
Tuwa’y dumadalaw sa aking paningin,
Kung nagunita kong tayo’y magkapiling.

Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay


Na kung saan unang tayo’y nag-ibigan;
Sa bakura’t bahay, sa lahat ng lugar,
Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw.

Sa matandang bahay na puno ng saya


Sa araw ng iyo’y pinagsaluhan ta;
Ang biyayang saglit, kung nagbabalik pa,
Ang ipapalit ko’y ang aking hininga.

Bakit ba, mahal ko, kay agang lumisan


At iniwang akong sawing-kapalaran;
Hindi mo ba talos, kab’yak ka ng buhay,
At sa pagyaon mo’y para ring namatay?

Marahil tinubos ka ni Bathala


Upang sa isipa’y hindi ka tumanda;
At ang larawan mo sa puso ko’t diwa,
Ay manatiling maganda at bata.

Sa paraang ito, kung nagkaedad na


Ang puting buhok ko’y di mo makikita;
At ang larawan kong tandang-tanda mo pa,
Yaong kabataan taglay na tuwina.

At dahil nga rito, ang pagmamahalan


Ay hanggang matapos ang kabataan;
Itong alaala ay lalaging buhay,
Lalaging sariwa sa kawalang hanggan.

Kaya, aking mahal, sa iyong pagpanaw

4
Baitang 9 - Filipino
Modyul 10: Babang Luksa & Kaantasan ng Pang-uri

Tayo’y nagtagumpay sa dupok ng buhay;


Ang ating pagsintang masidhi’t marangal,
Hindi mamamatay, walang katapusan.

Ang kaugalian ng ninuno natin


Isang taon akong magluluksa man din;
Ngunit ang puso ko’y sadyang maninimdim,
Hanggang kalangitan tayo’y magkapiling.

 Ipahayag Natin
Kaantasan ng Pang-uri [3]
Kilalanin natin ang tatlong (3) antas ng pang-uri—Lantay, Pahambing, at Pasukdol, at
mga halimbawa nito.

Isa sa mga bahagi ng pananalita ay ang pang-uri. Ito ay tumutukoy sa mga salitang
naglalarawan sa pangngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari. Maaari din itong
magbigay-turing sa isang panghalip.

Ano ang tatlong (3) antas ng Pang-uri? [3]


May tatlong antas o kaantasan ang Pang-uri—Lantay, Pahambing, o Pasukdol. Bawat
isa sa mga ito ay may ipinagkaiba.

 Lantay – Ito ay nasa lantay na kaantasan kapag walang ipinaghahambing na dalawa o


maraming bagay. Ang mga halimbawa nito ay maganda, mataas, mabigat,
at mahinahon.

 Pahambing – Ito ay nasa pahambing na antas kapag may pinaghahambing na dalawang


pangngalan: tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari. Ang mga halimbawa nito ay mas
maliit, magkasing-lapad, at mas kasya.

 Pasukdol – Ito ay nasa pasukdol na antas o kaantasan kapag ito ay nagpapakita ng


pangingibabaw sa lahat. Ang mga halimbawa nito ay pinakamatalino,
pinakamatapang, at pinakamalaki.

Mga Halimbawa ng Pang-uri sa Pangungusap:

Lantay: Maganda si Loisa.
Pahambing: Mas maganda si Loisa kaysa kay Trina.
Pasukdol: Pinakamaganda si Loisa sa kanilang magkakaibigan.

Lantay: Mataas ang bundok sa probinsya ng Malapatin.


Pahambing: Magkasintaas ang mga bundok sa probinsya ng Malapatin at Hinanduraw.
Pasukdol: Pinakamataas na bundok ang bundok sa probinsya ng Malapatin.

Lantay: Maagang umuwi si Patrick kagabi.


Pahambing: Mas maagang umuwi si Patrick kagabi kaysa noong isang araw.

5
Baitang 9 - Filipino
Modyul 10: Babang Luksa & Kaantasan ng Pang-uri

Pasukdol: Pinakamagaang umuwi si Patrick sa lahat dahil nagmamadali siyang


makapagligpit ng mga gamit sa bahay nila.

Lantay: Bago ang bahay ng Pamilya Ramirez.


Pahambing: Higit na bago ang bahay ng Pamilya Ramirez kaysa Pamilya Cruz.
Pasukdol: Pinakabago sa kanilang lugar ang bahay ng Pamilya Ramirez.

Lantay: Malakas ang ulan kaya hindi kami agad nakaalis.


Pahambing: Magkasinlakas ang ulan ngayon sa ulan kahapon.
Pasukdol: Pinakamalakas na ulan ngayong linggo ang ulan noong Sabado.

 Sagutan Natin
A. Panuto: Kilalanin at salungguhitan ang wastong pang-uring ginamit sa bawat
pangungusap. Isulat naman sa puwang na nakalaan bago ang bilang ang kaantasan ng pag-
uring ginamit (Lantay, Pahambing, Pasukdol). Bawat bilang ay may katumbas na dalawang
puntos.
_____ 1. Mapapansin sa kanyang mapupungay na mata ang kanyang pinagdaraanan,
siya ay (malungkot, higit na malungkot, pinakamalungkot) kung kaya’t lahat
ay nais siyang damayan.

_____ 2. “(Maginoo, Higit na maginoo, Pinakamaginoo) kong maituturing si Pedrino


kaysa sa mga una kong naging manliligaw noong araw,” ang matamis na
sambit ni Melinda sa kanyang mga kaibigan.

_____ 3. Pagluluto ang pangunahing hanapbuhay ng ina ni Jonas at saksi siya sa mga
lutuin ng kanyang butihing ina lalo na ng putahe nitong menudo, maituturing
niya itong (masarap, ubod ng sarap, pinakamasarap) sa lahat ng lutong
menudo na kanyang natikman.

_____ 4. (Mahuhusay, Labis na mahuhusay, Pinakamahuhusay) ang mga batang


nagmula sa Paaralang Integrado kung kaya’t halos lahat ay nagkamit ng
gantimpala.

_____ 5. (Matanda, Magkasintanda, Pinakamatanda) ang magkaibigang sina Lolo


Loreto at Lolo Hilario nang magkaroon ng labing-isang apo mula sa kanilang
mga anak.

_____ 6. (Malakas, Higit na malakas, Pinakamalakas) ang hagupit ng bagyong Yolanda


kaysa sa naging epekto ng bagyong Karding noong nakaraang taon

_____ 7. Mahirap kalabanin ang pandemyang mayroon tayo ngayon, kung kaya’t para
sa akin, maituturing kong (matibay, mas matibay, pinakamatibay) ang
aking tatay na isang doktor sa lahat ng taong kilala ko.

_____ 8. (Maputi, Kasimputi, Pinakamaputi) na ng balahibo ng tupa ang buhok ni Lola


Crispina..

6
Baitang 9 - Filipino
Modyul 10: Babang Luksa & Kaantasan ng Pang-uri

_____ 9. Ang (matagumpay, mas matagumpay, pinakamatagumpay) sa lahat ay ang


taong ginagamit ang edukasyon at kayamanan upang tumulong sa mga
kapuwa nating higit na nangangailangan.

_____ 10. Ang asignaturang Filipino ay (mahalaga, kasinghalaga, pinakamahalaga) ng


asignaturang Siyensya, Matematika, at Ingles.
 Gawin Natin
Sa pamamagitan ng akrostik, lumikha ng isang elehiya na naglalarawan tungkol sa
isang mahal sa buhay na namaalam na, maging siya man ay isang kasapi ng pamilya,
kaibigan, o alagang hayop. Maaaring may tugmaan o malaya ang tulang inyong gagawin.

Rubrik
Pamantayan 30 20 10
Angkop at wasto ang May ilang salitang Walang kaugnayan
Pagkakabuo mga salitang ginamit ginamit na hindi at hindi wasto ang
sa pagsulat angkop at wasto salitang ginamit
Hindi gaanong
Hindi naipahayag
Mabisang naipahayag naipahayag nang
Nilalaman nang mabisa ang
ang mensahe ng tula mabisa ang mensahe
nilalaman ng tula
ng tula
© Sanggunian

Panitikan:
[1]
Dayag, Alma M. & Marasigan, Emily V. (2004). Pluma IV (Wika at Panitikan Para
sa 
Mataas na Paaralan). Phoenix Publishing House, Inc.
[2]
Ki (2020, Marso 16). Ano Ang Elehiya – Kahulugan At Mga Halimbawa Nito.
Philippine News. https://philnews.ph/2020/03/16/ano-ang-elehiya-kahulugan-at-mga-
halimbawa-nito/
Wika:

7
Baitang 9 - Filipino
Modyul 10: Babang Luksa & Kaantasan ng Pang-uri

[3]
Sandy Ghaz (2018, Disyembre 18). PANG-URI: Tatlong (3) Antas Ng Pang-Uri At
Mga Halimbawa. Philippine News. https://philnews.ph/2018/12/18/pang-uri-tatlong-
3-anta-pang-uri-halimbawa/

Awtor ng Modyul : G. Jonick T. Nalaza
Disenyador ng Template : G. Abner S. Hermoso

8
Baitang 9 - Filipino

You might also like