You are on page 1of 12

Modyul 11: Cellphone & Uri ng Pang-abay

Modyul
Filipino 9
11 Saling-akdang Asyano at Panuntunang Pambalarila

Panitikan: CELLPHONE
\
Wika: URI NG PANG-ABAY

 Layunin Natin
 Napatutunayang ang pagiging makatotohanan/di-makatotoha-nang akda (F9PB-IIIf-53)
 Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang pangyayaring napakinggan
(F9PN-IIIg-h-54)
 Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi, at karakter ng mga tauhan batay sa usapang
napakinggan (F9PN-IIIf-53)
 Naisusulat muli ang maikling kuwento nang may pagbabago sa ilang pangyayari at mga
katangian ng sinuman sa mga tauhan (F9PU-IIId-e-54)
 Simulan Natin
Kagaya nga ng pahayag ng isang kasabihan sa
Ingles “necessity is the mother of all invention”.
Pinapatunayan lamang nito kung gaano kapamaraan ang
tao kapag nalalagay ang buhay o sarili sa panganib o
matinding panganagailangan. Kahit noong panahong
una, sa maraming pagkakataon nalulusutan ng
sangkatauhan ang tiyak na pagkalipol mula sa iba’t
ibang penomena kagaya ng digmaan, kalamidad, at
Pagkilala: goguardian.com
pagkakasakit. May kakayahan tayo mapagtagumpayan
ang mga dumarating na unos sa ating buhay. Dahil na
rin sa potensyal natin na magbago at umangkop sa ating paligid. Kung ating lilingunin ang
nakaraan malayo na ang narating natin bilang isang sibilisasyon. Kamangha-mangha ang
posibilidad natin sa walang limitasyong ebolusyon. Sa paglipas ng panahon ang teknolohiya
ang isa sa pinakamahalagang imbensiyon ng tao. Sapagkat nagsisilbi itong kasangkapan
upang mapabilis at mapagagaan ang mga mabibigat na gawain. Nakapagbibigay ng agarang
resulta sa ilang suliraning ating kinakaharap, napadadali rin ang pakikipagkomunikasyon
natin sa ating kapuwa, nakapagbibigay lunas sa mga malulubhang karamdaman, nagsisilbing
daan upang madagdagan at mapalawak ang ating kaalaman, nakatutulong din ito sa
produksiyon, at marami pang iba. Sa madaling salita napagaganda nito ng kalidad ng buhay
ng bawat isa sa’tin. Pero sa kabila ng mga ambag nito, may hangganan ang pagdepende o
paggamit natin sa teknolohiya. Maaari itong makasira o makaapekto nang hindi maganda sa
buhay ng tao. Alam natin na anumang labis ay hindi magdudulot nang mabuti. Kagaya na
lamang ng mababasa ninyong kuwento sa aralin na ito, na kung saan dadalhin kayo sa
panahon na ang teknolohiya ang namamayagpag sa mundo. “Saan nga ba natin iguguhit
ang linya, ang hangganan sa paggamit ng teknolohiya? Handa ka bang manirahan sa
mundo na ang nagpapatakbo at nagkokontrol sa lahat ng bagay ay ang teknolohiya?”

1
Baitang 9 - Filipino
Modyul 11: Cellphone & Uri ng Pang-abay

 Alalahanin Natin

Ating balikan at alalahanin ang ilang kaisipang tinalakay sa nakaraang paksang aralin
at sagutan ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang elehiya?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Paano inaalala ng mga taong naiwan ng mga mahal nila sa buhay ang namayapa na?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Natatapos nga ba ang pagdadalamhati sanhi ng pagkawala ng isang mahal sa buhay?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

 Palawakin Natin
Unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang kasingkahulugan ng mga
salitang nakasalungguhit. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Sa kasalukuyang panahon, maraming 5. Ano ang naging pakay sa pagpunta


aparato ang naiimbento para dito ng iyong mga kaibigan?
dugtungan ang buhay ng isang tao. A. Gusto
A. Bagay B. Layon
B. Kasangkapan C. Motibo
C. Materyales
6. Nahukay ng mga arkeologo ang mga
2. Noong kinapa ko ang aking bulsa, antigong orasan sa isang yungib sa
nalaman kong wala nang natitirang Italya.
perang pamasahe pauwi. A. Kayamanan
A. Hinaplos B. Luma
B. Hinawakan C. Mamahalin
C. Pinisil
7. Palinga-linga at di mapakali si Luis na
3. Kinakailangan ng masusing pagsusuri para bang mayroon siyang nagawang
para maunawaan ang kalaliman at hindi maganda.
kahulugan ng isang imahen. A. Kinakabahan
A. Estatwa B. Natatakot
B. Larawan C. Palingon-lingon
C. Rebulto

4. Maririnig mo ang ugong ng malakas 8. Masarap manirahan sa bukid dahil


na hangin at ulan kahit nasa loob ka doon mo malalanghap ang sariwang
ng iyong tahanan. hangin.
A. Huni A. Maamoy
B. Tsismis B. Malalasap
C. Tunog C. Matitikman

2
Baitang 9 - Filipino
Modyul 11: Cellphone & Uri ng Pang-abay

9. Ang halimuyak ng Pasko ay narito na. 10. Huwag kang mag-atubli at


A. Amoy manampalataya sa Kanya.
B. Pagmamahalan A. Mag-alinlangan
C. Panahon B. Maniwala
C. Manalangin

֍ Suriin Natin
Sa tulong ng Positive-Negative Chart, isulat ang mga positibo at negatibong dulot
ng teknolohiya sa buhay natin bilang mga indibidwal.
Negatibo

Positibo

3
Baitang 9 - Filipino
Modyul 11: Cellphone & Uri ng Pang-abay

 Basahin Natin
“Cell Phone”
ni George de Jesus III

(maikling kuwentong Tagalog) [1]

Hindi na matandaan ni J kung paano


mag-text sa cellphone niyang 8810. Matagal na
matagal na mula noong mauso ang pagti-text.
Bente anyos siya noong nagkaroon ng 8810. At
ilang taon na siya ngayon… Hindi na niya
matandaan. Huminto na siya sa pagbilang ng
mga taon mula nang hindi na niya maintindihan
kung paano gamitin ang mga aparato’t makina
para mapagaan ang araw-araw na pamumuhay
Pagkilala: morefloods.com
ng tao. Nalulungkot lang siya. Noong bente
anyos siya’y hindi siya nagpapahuli sa mga usong technological advances at ngayo’y ni hindi
niya alam kung paano gamitin ang bagong klaseng cellphone: ang CELL.
Binigyan siya ng nag-iisa niyang anak na si J Jr. ng CELL para daw mas madali
siyang ma-contact. Itinuro sa kaniya kung paano gamitin ang CELL kaya nga lamang dahil
madali siyang makalimot ng mga bagay-bagay ay parang hindi rin siya naturuan. 
Gaya na lang ng pagkain. Naalala lang niya na wala na pala siyang food chips nang
makita niya na ang kaniyang body monitor ay nasa pula na. Ibig sabihin ay nagugutom na
siya. Dapat bago pa pumula ang “boMon” ay naitawag na niya agad. Ang kaso nga’y inalis
na ang iba pang pamamaraan ng telecommunication. Ang natira na lang ay ang CELL. “The
only phone you’ll ever need!”
Pumikit si J at kinapa ang power on na buton sa kaniyang noo. Inisip niya ang mukha
ng kaniyang anak na halos mapasigaw siya sa mabilis na pagpapalit-palit ng mga imahen ng
mukha sa kaniyang utak (na kung tutuusin ay hindi naman talaga sa utak niya lumilitaw ang
mga imahen kundi sa transmitter/receiver ng CELL). Pilit niyang hinahanap ang mukha ng
kaniyang anak. Bigla sa gitna ng mga mukha’y tumalon-lumitaw si J Jr.
“Hi, Dad!” sigaw nito. 
Nagulat si J. Nagdilim ang lahat para sa kaniya. 
Sa dilim ay narinig niya ang tinig ng kaniyang anak. 
“Dad? Dad? R U K?” tanong ni J Jr.
Dumilat si J. Nakakonekta pa rin ang CELL niya. Naramdaman niya sa kaniyang noo
ang mahinang ugong nito. Sinubukan niyang ipokus ang tingin sa nagsasalitang anak. 
“Na-disknek 4 a wle. Kumusta?”
“Ayos lang.”
“Glad u r using CELL.”
Tumango na si J. Sa isip ni J ay kumakaway siya. Kumaway din ang anak niya.
Nawala si J Jr. Tapos na ang kanilang komunikasyon. Pinindot ni J ang kaniyang noo.
Nawala ang ugong. Hindi na siya connected. Saka lang niya naalala na hindi niya nasabi sa
kaniyang anak ang kaniyang pakay. Magugutom na siya. Kailangan niya ng food chips. 
Lalo lang nalungkot si J. Pinagmasdan niya ang kaniyang kuwarto. Kumpleto ito sa
makabagong gamit. Lahat ng kailangan niya’y kailangan lang niyang sabihin, bigkasin dahil
sa voice controlled ang lahat ng gamit. Mula kama (kung gusto niyang lumambot, tumigas o
dumulas, sasabihin lang niya) hanggang inidoro (kung gusto niyang hugasan siya, punasan

4
Baitang 9 - Filipino
Modyul 11: Cellphone & Uri ng Pang-abay

siya o i-disentegrate ang kaniyang dumi bago pa man lumabas). Ginusto rin naman niya ang
lahat ng iyon. Noon. Hinawakan niya muli ang 8810 at naramdaman niya ulit ang lungkot na
hindi matanggal-tanggal. Iyong lungkot dahil sa lumipas na panahon. 
“Drawer.” Sabi ni J at bumukas ang kaniyang drawer. 
“Papel.” Sabi ni J at walang nangyari. Saka lang niya naalalang wala na nga palang
papel. Wala na ring panulat. Bakit nga naman magsusulat kung puwede mong kausapin ang
gusto mong sulatan face to face in real life images!? Totoong-totoo ang mga itsura pero
imahen pa rin. 
Tumayo si J at napansin niyang wala na ring bintana ang kaniyang kuwarto. Kailan
nga ba nauso ang bintana? Bakit nga ba may bintana? Ang mayroon sa kuwarto niya ay isang
image provider. Sabihin lang niya kung ano ang gusto niyang makita at makikita niya mula
sa mga tanawing dagat hanggang sa
mga tanawing bundok. Bakit
kailangan ng bintana? 
Ang image provider din ang
nagsisilbing monitor ng kaniyang
computer. Naisip niya na
padadalahan na lang niya si J Jr. ng
CELL mail. Kaya nga lang,
kailangan na nakakonekta siya.
Ayaw niyang kumonekta. Ayaw
niyang makita ang mabilis at
papalit-palit ng mga mukha tuwing
kailangan niyang kumonekta. Ang
pakiramdam niya ay nakikita rin
kasi siya ng milyun-milyong mukha
Pagkilala: space.com
na iyon. Pakiramdam niya ay
pinapanood siya pero hindi siya nakikita. 
Pumunta si J sa kabinet niya ng mga antique para isauli ang kaniyang 8810. Ipinatong
niya ito sa gitnang patungan. Napansin niya ang isang kuwadradong bagay. Inabot niya iyon
at binuksan. Wala siyang maintindihan sa mga nakaguhit do’n. May bigla siyang naalala pero
hindi niya mailagay sa lugar tungkol sa bagay na hawak niya. Walang kahit anong pindutan
ang bagay. Kapag binuksan ay may mga pirasong papel. 
Natigilan siya. Papel. Gano’n nga ang hitsura at pakiramdam ng papel. Puno iyong
bagay na iyon ng papel. Pantay-pantay at nakadikit sa isang gilid. Kung tutuusin iyong mga
bagay ay mga papel na pinagdikit-dikit. Alam niya kung ano ang bagay na iyon kaya lang
hindi niya talaga matandaan. 
Sumasakit ang ulo niya. Nagpasiya siyang lumabas ng kaniyang kuwarto at magpunta
sa bahay ng kaniyang anak. Bumukas ang pinto at lumabas siya. Dala-dala pa rin niya ang
bagay na gawa sa papel. Ilang beses siyang palinga-linga bago niya natandaan kung paano
umalis sa bahay niya. Nagsimula siyang maglakad.
Ang kuwarto niya ay nasa loob ng ng isang community building na nakatayo malapit
sa Manila Bay. Minsan, kapag lumalabas siya’y iniisip niya kung Manila Bay pa nga ba
iyong nakikita niya o imahen na rin lamang. Asul na asul kasi ang kulay nito at kapag inamoy
mo ang simoy galing dito’y para kang nakalanghap ng imported na pabango. 
Ang mga instatravel chutes ng kanilang building ay voice-operated din. Maaari
niyang sabihin lang ang numero at address ng bahay ng anak niya at lilitaw na siya sa
mismong bahay ni J Jr. Hindi niya iyon ginawa. 

5
Baitang 9 - Filipino
Modyul 11: Cellphone & Uri ng Pang-abay

“Ground,” ang sabi ni J at natagpuan niya ang sarili sa ground floor ng kaniyang
building. Nakita niya agad ang Manila Bay na naalala niya. Lumabas siya ng building at
sinalubong siya ng halimuyak ng imported na pabango. 
Hindi na uso ang mga sasakyan dahil nga sa instatravel chutes na nakalagay sa lahat
ng mga tahanan. Kahit saan mo nais magpunta, isipin mo lang at “Be there in the blink of an
eye!” Walang traffic. At bakit kailangan pang lumabas gayong lahat ng naisin mo ay maaari
mong makuha sa loob ng sarili mong bahay? Gamitin lang ang CELL. 
Nagsimula siyang maglakad. Siya lang ang nakaisip na gawin iyon nang araw na
iyon. Walang tao sa paligid. Nilakad niya ang dating Coastal Road na hindi na coastal dahil
wala nang coast sa banda roon. Umusod na hanggang Bataan ang coast. Isang dahilan kaya
alam niyang imahen lang ang Manila Bay na nakita niya. Mawawala kapag may napindot na
buton. Pati langit sa tingin niya ay image induced. May mga ibong lumilipad pero parang
mga makina. Mas dumami ang mga puno kaya lang bawat isa’y may mga pindutan. Nakita
niya iyon sa isang programa. Pipindutin mo lang daw iyon at kakapal lalo ang dahon o kaya’y
magiging ginintuan o kaya’y malalagas, depende sa kung anong panahon ang ibig makita 
Naglakad siya nang naglakad. Bawat hakbang niya’y parang isang paraiso ng alaala
na bumabalik sa kaniya. Doon dati nakatayo ang Coastal Mall na ngayo’y isa na ring
community building. Nandoon pa rin ang Baclaran pero nakapaloob na sa isang glass case
ang buong simbahan bilang remnants ng ibang panahon. Pati nga mga nagtitinda ay
naroroon. Mga imahen rin. 
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Katulad ng Baclaran ay nasa loob na rin ng glass case
ng CCP. Mas malaki nga lang. At ang fountain sa harap nito’y di na tumitigil sa pagbuga’t
pagbagsak. Narating niya ang dulo ng dating Roxas Boulevard at umabot siya sa Luneta na
isang malaking image provider na lamang. Mapapanood mo ang mga nangyari doon mula
pagkamatay ni Rizal hanggang sa kasalukuyan na parang totong-totoo. Nang dumaan si J ang
nakita niya ay ang miting-de-avance ni Cory noong 1986. Pinanood niya saglit ang mga
imahen sa malaking image provider. 
May nakita siyang gumagalaw
na hindi dapat naroroon sa palabas. Ipis.
Tinapakan niya ito. Pinulot niya ang
napisang ipis at tiningnang maigi iyon.
Hindi lang imahen. Tunay na ipis
Mayroon pa palang ipis. Inipit niya ang
ipis sa bagay na papel na kaniyang dala-
dala. 
Tumawid siya sa dating
kinatatayuan ng Manila Hotel na
ngayo’y isa na ring community
building. Doon nakatira ang kaniyang
anak at pamilya nito. 
Pagkilala: cockroachzone.com
Halos hindi nila binago ang itsura ng
Manila Hotel. Maliban na nga lamang sa
bellboy at doormen na panay “imahen” rin. Pumasok siya sa loob at ginamit ang lifter na
dinisenyo para magmukhang luma. Umakyat siya sa hagdan dahil alam niyang nasa
ikalawang palapag lamang naman ang bahay ng anak niya. 
Pagdating niya sa pintuan ng bahay ng kaniyang anak ay nag-atubili siya kung
kakatok siya o pipindutin ang receiver button. 
Kumatok siya.
Matagal bago binuksan ang pintuan. 
Binuksan ito ng isang batang dose anyos. 

6
Baitang 9 - Filipino
Modyul 11: Cellphone & Uri ng Pang-abay

“Nandiyan ang daddy mo?” tanong niya. 


Tiningnan lang siya ng bata na parang hindi siya naiintindihan.
“Who’s it?”
Narinig ni J ang boses ng kaniyang anak. Sinilip niya ang loob ng bahay ng kaniyang
anak. Kamukha rin ng bahay niya. 
“Ako.”
“Dad?”
Narinig ni J ang nagmamadaling hakbang papuntang pintuan. Nakatingin pa rin sa
kaniya ang bata. Bumukas nang tuluyan ang pinto at nakita ni J ang kaniyang anak. Hindi
lang imahen. Anak niya talaga. Gusto niyang maiyak 
“Ano’ng ginagawa mo rito?”
“Naglakad ako.”
“Ano? Nag-ano?”
“Naglakad.”
“Mula sa---?”
“Oo.”
“Bakit?”
Hindi alam ni J kung paano sagutin ang tanong ng anak. Sasabihin ba niyang
nalulungkot kasi siya sa kwarto niya. Na natatakot siya sa mga gamit doon. Na hindi niya
matandaan ang kayraming bagay. Na hindi niya alam gamitin ang CELL. Kaya siya nandito
ngayon. Hindi imahen. Tunay na siya. Ang ama ni Jr. 
“Naubusan ako ng food chips.”
“Ba’t di mo sinabi sa CELL?”
“Nalimutan ko.”
“Pasok ka nga muna.”
Pumasok siya sa loob ng bahay ng anak. Nakaupo siya sa isang silya. Binigyan siya
ng anak niya ng isang “water chip” at saka lang niya naramdaman ang uhaw at pagod.
Humingi pa siya ng isa sa anak. Nakatingin pa rin sa kaniya ang batang nagbukas ng pinto. 
“Anak mo?”
“Oo”
“Ilang taon?”
“12.”
Tumango si J. May apo na pala siya. 
“Anong pangalan?”
“J3.”
Umalis na ang bata at pumasok sa isang kwarto. Lumapit kay J si J Jr. Nilapit ang
kamay sa noo ni J. Umiwas si J. 
“Bakit?”
“Buksan natin ang CELL.”
“Ayoko.”
“Bakit?”
“Ayoko.”
“Nahihirapan akong makipag-usap sa iyo nang… nang ganito. Walang imahen. Panay
salita.”
Ipinakita ni J ang dala-dala niya sa kaniyang anak. 
“Libro.”
Nagulat si J sa kaniyang sinabi. Natandaan na niya kung ano iyong bagay na iyon.
Isang libro. Binabasa. May mga nakasulat sa loob ng mga salita. Mga salita iyong guhit na
nakita niya. Natuwa si J. Natatandaan niya. 
“Ano? Libro?”

7
Baitang 9 - Filipino
Modyul 11: Cellphone & Uri ng Pang-abay

Nakita niyang hindi naiintindihan ng anak niya. Binuksan ni J para sa anak at


ipinakita ang nakita niyang ipis na Luneta. 
“Ipis.”
“Dad! Ano ba iyang mga dala
mo?”
Pinigil ni J ang sarili na umiyak.
Hindi niya alam kung bakit pero parang
bigla siyang sinuntok ng kalungkutan at
gusto niyang umiyak lang nang umiyak. 
Hinawakan siya ng anak niya sa
noo at binuksan ang CELL. Nabigla si J.
Lumitaw na naman ang mga imahen.
Huminto ang mga mukha sa anak niya.
Sa loob ng CELL ay parang
nauunawaan siya ng kaniyang anak. Sa
loob ng CELL ay inakbayan pa siya nito at
Pagkilala: alice-in-wonderland.net
hinayaan siyang umiyak nang umiyak. 
Nang tumigil siya’y nasa loob na siya ng instatravel chute. Kumurap lang siya’t
naroroon na ulit siya sa harapan ng kaniyang kwarto. Pumasok siya sa boon at isinara ang
pinto.
Lumapit siya sa kaniyang kabinet ng mga antique. Binuksan niya’t pinulot ang ipis
para ilagay sa kaniyang kabinet. Pagkaraan, dala-dala ang libro at naupo siya sa kaniyang
kama. 
Binuksan niya ang libro at pilit na binasa ang unang pahina. Hindi siya sanay sa dire-
diretsong mga salita. Ang kinasanayan niya ay C U L8R. FYI. UR HSE. TC. TEXT ME. Pero
nagpasya siyang tandaan muli ang lahat. Babasahin niya ang aklat na iyon. 
Mabagal niyang binasa ang pangalan ng may akda:
L… E… W… I… S… C… A… R… O… L… L… At ang pamagat ng libro: A…
L… I… C… E… I… N… W…

 Ipahayag Natin
Uri ng Pang-abay [2]
Isa sa mga bahagi ng pananalita na maraming uri ay ang pang-abay. Isa rin ito sa mga
bahagi ng pananalita na kadalasan ay makikita sa mga pangungusap.

Ano ang pang-abay?[2]


Ang pang-abay o adberbyo ay ang bahagi ng pananalita na nagbibigay katuringan o
naglalarawan sa pang-uri, pandiwa, o maging sa kapwa nito pang-abay. Ito ay tinatawag
na adverb sa wikang Ingles.

Ang bahagi ng pananalita na ito ay may maraming uri. Sa katunayan, mayroong


siyam(9) na uri ng pang-abay – pamanahon, pamaraan, panlunan, pang-agam, panang-ayon,
pananggi, pampanukat, panulad, at pamitagan.

Siyam na Uri ng Pang-abay at mga Halimbawa nito[2]


1. Pang-abay na Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagbibigay-turing sa kilos ng pandiwa. Ito ay
nagsasaad kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.

8
Baitang 9 - Filipino
Modyul 11: Cellphone & Uri ng Pang-abay

Mga Halimbawa: Bukas, Kanina, Gabi-gabi

2. Pang-abay na Pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay nagsasaad kung paano isinagawa ang kilos ng
pandiwa sa pangungusap.
Mga Halimbawa: Hinay-hinay, Malakas, Mabilisan

3. Pang-abay na Panlunan
Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook kung saan naganap ang kilos o
pangyayari.
Halimbawa: Umalis papuntang parke ang mga bata.

4. Pang-abay na Pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay nagsasaad ng hindi lubusang katiyakan tungkol sa
isang bagay o kilos.
Mga Halimbawa: Marahil, Tila, Baka

5. Pang-abay na Panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagpapakita ng pagsang-ayon sa isang bagay o
pangyayari.
Mga Halimbawa: Totoo, Syempre, Tunay

6. Pang-abay na Pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pagtutol sa kilos na ginawa, ginagawa, o
gagawin pa lamang.
Halimbawa: Hindi ako sang-ayon na lumabas kayo mamayang gabi.

7. Pang-abay na Pamitagan
Isa sa mga uri ng pang-abay na kadalasan makikita sa mga pangungusap ay ang pang-
abay na pamitagan. Ito ay nagpapakita ng paggalang.
Halimbawa: Saan po ba ang punta ninyo mamayang gabi?

8. Pang-abay na Pampanukat
Ang pang-abay na pampanukat ay nagbibigay-turing sa sukat, bigat, o timbang ng
isang tao o bagay.
Halimbawa: Limampu’t pitong kilometro ang layo ng bahay nina Geoffrey at ng pamilya niya
sa bahay ni Tiya Mirasol.
9. Pang-abay na Panulad
Isa pang uri ng pang-abay ay ang pang-abay na panulad. Ito ay nagsasaad ng
pagkakatulad o paghahambing ng dalawang tao, bagay, pook, o pangyayari.
Mga Halimbawa: Higit, Mas, Magkasing
 Sagutan Natin

9
Baitang 9 - Filipino
Modyul 11: Cellphone & Uri ng Pang-abay

A. Tama o Mali. Isulat ang salitang PANG-ABAY kung wasto ang ipinahahayag na kaisipan
ng mga sumusunod na pangungusap at kung hindi naman, isulat ang tamang sagot na
tinutukoy sa puwang na nakalaan.
_____ 1. Ang pang-abay na pang-agam ay nagsasaad ng hindi lubusang katiyakan
tungkol sa isang bagay o kilos

_____ 2. Nagbibigay-turing sa sukat, bigat, o timbang ng isang tao o bagay ang pang-
abay na pampanukat.

_____ 3. Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pagkakatulad o paghahambing


ng dalawang tao, bagay, pook, o pangyayari

_____ 4. “Totoo, may gusto si Micah kay Jimin.” Ang salitang totoo ay halimbawa ng
pang-abay na pang-agam.
.
_____ 5. Ang halimbawa ng pang-abay na pamitagan ay mga salitang po, at opo. Ito ay
nagsasaad ng paggalang.

_____ 6. Magsasagot na talaga ako bukas ng aking mga gawain.” Ang salitang bukas ay
halimbawa ng pang-abay na nagsasaad kung kailan ginawa, ginagawa, o
gagawin ang kilos.

_____ 7. Ang pang-abay na pamaraan ay nagsasaad kung paano isinagawa ang kilos ng
pandiwa sa pangungusap.

_____ 8. Tumutukoy sa pook kung saan naganap ang kilos o pangyayari ang pang-abay
na panlunan.

_____ 9. “Ayaw ko na kumain ng ampalaya dahil napakapait nito.” Ang salitang ayaw
ay halimbawa ng pang-abay na panang-ayon.

_____ 10. “Nagkita kami ni Jake sa simbahan.” Ang pangungusap ay gumamit ng pang-
abay na panlunan.

B. Pagsulat (11-20). Kung ikaw ang magiging awtor o bibigyan ng pagkakataon isulat
ang wakas ng akdang ating pinag-aralan, sa paaanong paraan mo wawakasan ang maikling
kuwentong iyong binasa? Sa pamamagitan ng 3-5 pangungusap, isulat sa kahon na makikita
sa sunod na pahina ang sarili mong wakas o katapusan sa maikling kwentong “Cell Phone.”
Rubrik
Pamantayan Puntos
Kaangkupan ng Nilalaman sa Tema ng Pagsulat
4
Maayos na Transisyon ng mga Pangungusap
3
Wastong Ispeling at Gamit ng mga Salita 3
Kabuoan 10

10
Baitang 9 - Filipino
Modyul 11: Cellphone & Uri ng Pang-abay

 Gawin Natin
Dahil sa bilis ng pagbabago at pag-unlad
ng teknolohiya sa mundo, may mga bagay na dati
ay nabuhuhay lamang sa ating imahinasyon,
nababasa sa aklat, o napanonood sa pelikula ang
ngayo’y nabibigyang-katuparan na. Ito’y mga
bagay na halos imposibleng mangyari, ngunit
naging posible dahil walang hangganan ang
potensyal ng sangkatauahan pagdating sa
inobasyon. Wala ring limitasyon ang ating mga
kakayahan sa pagtuklas ng mga bagong bagay.
Kung paniniwalaan natin ang ating mga sarili,
maabot natin ang mga bagay na dati ay tinatanaw
lamang natin sa malayo. Kaya, paano kung
bibigyan ka ng pagkakataon na pumunta sa
hinaharap gamit ang time machine, ano ang
sasabihin mo sa future self mo? Sa pamamagitan
Pagkilala: dragonball.fandom.com
ng 8-10 pangungusap, isulat ang inyong magiging
mensahe para sa bersyon ng iyong sarili sa
hinaharap.

Rubrik
Pamantayan Puntos
Kaangkupan ng Nilalaman sa Tema ng Pagsulat
15
Maayos na Transisyon ng mga Pangungusap
8
Wastong Ispeling at Gamit ng mga Salita 7
Kabuoan 30

11
Baitang 9 - Filipino
Modyul 11: Cellphone & Uri ng Pang-abay

© Sanggunian

Panitikan:
[1]
Dayag, Alma M. & Marasigan, Emily V. (2004). Pluma IV (Wika at Panitikan Para
sa 
Mataas na Paaralan). Phoenix Publishing House, Inc.
Wika:
[2]
Sandy Ghaz (2019, Pebrero 15). URI NG PANG-ABAY: 9 Na Uri Ng Pang-abay,
MgaHalimbawa Nito. Philippine News. https://philnews.ph/2019/02/15/uri-ng-pang-
abay-9-uri-pang-abay-halimbawa/

Awtor ng Modyul : G. Jonick T. Nalaza
Disenyador ng Template : G. Abner S. Hermoso

12
Baitang 9 - Filipino

You might also like