You are on page 1of 1

MAKATI DEVELOPMENT CORPORATION

Celadon Park Tower 2 Project ISO ISO


Cert No:
OHSAS
Cert No:
9001:2000 14001:1996 Cert No:
18001:1999
CI/1012I CI/1012I CI/1012I

SAFETY TOOLBOX MEETING

PANGKALIGTASAN SA HAGDAN AT ANDAMYO

Kung ating pag-aaralan mabuti ang mga aksidenteng nangyayari, ang karamihan ay nagreresulta sa
maling paggawa o hindi pagsunod sa mga ligtas na pamamaraan ng paggawa at ang mga maling gawain na ito
ay patuloy pa rin nangyayari hanggang sa kasalukuyan.

Ang mga hagdan, andamyo o Scaffold at iba pang mga kagamitang sa pag-akyat na mahusay ang
pagkakagawa at nasa maayos sa kalagayan ay hindi nakapagdudulot ng aksidente – ngunit ang mga taong
gumagamit nito ang lumilikha ng aksidente.

Ang kaanyuan at mga kakayanang istraktural ng mga hagdan at andamyo ay mayroong pamantayan
mula sa ibat-ibang sangay, maging sa lokal o internasyunal para sa pamantayan sa kaligtasan (Safety Standard).
Pero kapag nasimulan ng gamitin ito, lumalabas ang ibat-ibang pakahulugan o tiyorya hingil sa tamang gamit
nito.

Ang pakahulugang ito ay mayroong ibat-ibang ibig sabihin para sa ibat-ibang tao. Sa madaling salita
ito ay kung papaano ka nagsanay at kung paano mo gagawin ng tama. Ang taong hindi nagsanay ay
nagkakamali sa kadahilanang kulang ang kanyang nalalaman at ang mga taong nagsanay naman ay nagkakamali
dahil sa hindi nila ginamit ang kanilang nalalaman.

Mayroong ibat-ibang uri ng hagdan, meron gawa sa kahoy, aluminum, bakal at gawa sa matibay na
plastic. Ang bawat-isa sa mga ito ay may kanya-kanyang gamit ayon sa pagkakadisenyo. Halimbawa:
 Huwag gamitin ang hagdanang gawa sa plastic kung ang lugar na paglalagyan ay may matinding init,
sapagkat maaaring pahinain o parupukin ang hagdanan.
 Huwag gumamit ng hagdanang gawa sa metal o aluminum kung ang ginagawa ay may kuryente.

Narito ang ilan sa mahahalagang bagay tungkol sa ligtas na paggamit ng hagdanan:


1. Ang hagdan ay dapat na may tamang angulo (1:4 or 75 degrees) at matatag ang pagkakatayo o pagkakatali.
2. Dapat itali sa itaas na bahagi ang hagdanan at mayroong distansyang tatlong talampakan mula sa
plataporma o sa lugar na pagtatrabahuhan.
3. Kinakailangan na nakaharap sa hagdanan ang gumagamit nito at libre o walang bagay na dala-dala sa
kamay habang umaakyat o bumababa. Gumamit ng tali kung may mga materyales na ibaba o itataas.
4. Huwag pilitin na abutin ang isang bagay o gawain kung hindi kaya. Ilapit ang hagdan kung kinakailangan.
5. Siguruhin na matibay ang ang pagkakalagay ng hagdanan, gumamit ng ladder shoes, o itali ang itaas, o di
kaya naman ay tumawag ng kasama para hawakan sa ibabang bahagi.
6. Lagyan ng barikada o babala kung nakalagay ang hagdanan sa may pintuan o daraanan.
7. Iwasan na mag-imbak ng anumang kagamitan o materyales malapit sa hagdanan.
8. Iwasan ang magtrabaho sa hagdanan na gamit ang dalawang kamay.

Ang mga andamyo ay mayroon kanya-kanyang laki at disenyo at narito ang mga batayan
pangkaligtasan:
 Kung ang plataporma o lugar na pinagtatrabahuhan ay hindi na protektado ng handrails o toeboards,
kailangan natin ng 100% na pagkakasabit o gumamit ng full body harness na may dalawang lanyards.
 Siguruhin na matibay ang mga tulayan na andamyo.
 Huwag gumamit ng plastic na tali para sa hagdanan, ito’y maaaring maputol mula sa maiinit na bagay tulad
ng gawaing welding, grinding o gas cutting.

IWASAN ANG “SHORTCUTTING… SUNDIN ANG LIGTAS NA PAGGAWA

You might also like